Love On Air 2: Araw Gabi (Com...

By Kandice_Gonzales

74.1K 1.4K 63

"It's easy to fall in love with you. Bulag at tanga lang ang hindi magkakagusto sa'yo." Animo araw at gabi si... More

Prologue
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen

Chapter Fourteen

3.9K 85 1
By Kandice_Gonzales

NAGISING si Jammy sa pakiramdam na may nakatingin sa kanya. Tinatamad na nagmulat siya ng mga mata. Isang nakangiting Joshua ang namulatan niya. He was undeniably handsome and gorgeous. It was as if God took his sweet time in creating him. If hotness and gorgeousness had a name, it would definitely be Joshua Castillo.

Hindi niya napigilang mapangiti. Iyon na yata ang pinakamaganda at pinakamasayang gising niya.

"Good morning!" masayang bati nito. Her heart skipped a beat as she stared at his glorious beauty. "How was your sleep? Nakatulog ka ba nang maayos?"

Tumango si Jammy, nakangiti pa rin. She remembered waking up in the middle of the night and she found herself wrapped in Joshua's arms. Pakiramdam niya ay safe na safe siya. Walang anuman o sino man ang makakasakit sa kanya. He would protect her with his life. And he was capable of chasing all her nightmares away. "Ang sarap ng tulog ko, hindi ako namahay kahit kaunti."

"I'm glad to hear that. Ang akala ko hindi ka makakatulog kaya sinamahan kita buong gabi."

"Thank you." Malaking factor marahil ang pagtulog nito sa tabi niya kaya naging maganda ang tulog niya. Nagmistula itong comforter niya sa malamig na gabi. "Josh?"

"Yeah?"

"Puwede bang dito muna ako?"

"Kahit dito ka na tumira. Ang bahay ko ay bahay mo na rin."

"Thank you." Napansin niya na bihis na bihis ito. "Ano'ng oras na? Bihis na bihis ka yata?"

"Tumawag ako sa radio station. Nagpaalam akong hindi papasok. Hindi pumayag si Zia. Mas strict pa siya kay Gino. Parang wala kaming pinagsamahan, best friend ko pa ang kapatid niya," naiiling nitong kuwento. "Aalis lang ako sandali. Feel at home. Tawagan mo ako kung may problema."

"Okay."

"If you need someone to talk to, tawag ka lang. S-in-ave ko na ang number ko sa phone mo."

"Okay."

"Puno ang ref. Magluto ka lang ng kahit anong gusto mo."

"Okay."

"Maraming DVD sa 'baba. Manood ka lang habang wala ako."

"Okay."

"Iiwan ko ang susi ng kotse ko, gamitin mo lang kung gusto mong umalis..."

"Relax, Joshua. I'll be fine. Dinaig mo pa si Lolo kung magbilin ka."

Natawa ito. "Sorry. Nag-aalala kasi akong iwan ka dito mag-isa."

"After your program, uuwi ka rin agad? Hindi ka papasok sa office?"

"Hindi na. I want to spend time with you."

Huminga si Jammy nang malalim. She loved the warmth he was giving her. She loved the way he took care of her. She loved that he made her forget about everything. Ang dami niyang gusto kay Joshua. At habang tumatagal ay lalong humahaba ang listahan niya. Isang kasalanan ang maging ganito kagusto sa isang tao. Pero habang nakatitig kay Joshua kahit paano ay napatawad niya ang sarili. Bulag lang yata ang hindi hahanga sa lalaki. He was like a romantic hero straight from the movies and books.

"Go back to sleep. Aalis na ako. Tandaan mo lahat ng bilin ko sa 'yo, okay?"

"Opo, wala akong kakalimutan kahit isa."

Yumuko si Joshua at hinalikan siya sa noo. "See you." Mula sa noo, dumampi rin ang mga labi nito sa mga labi niya. He gently touched his lips to hers, as gentle as butterfly wings, as if he was afraid he might break her.

He stared at her bago napipilitang lumabas ng kuwarto. Gusto sana ni Jammy na manatiling nakatitig na lamang sa mga mata ni Joshua. Palaging puno ng init ang titig nito. Itinataboy niyon ang lahat ng alalahanin niya. Para ding bituin si Joshua sa madilim na gabi, itinuturo nito sa kanya ang tamang daan pauwi.

Nangingiting nahaplos niya ang mga labi. Naroon pa rin ang marka ng mga labi ni Joshua.

Iyon ang nasa isip niya bago siya nakatulog ulit.


-----------------------------------------------------------------------


"JASMINE?"

"I'm here."

Nakita ni Jammy ang kaibigan na nakatayo sa pintuan papuntang swimming pool. Hawak ang tray na may lamang merienda, lumapit siya rito. Kanina, tumawag ito at kinumusta siya. Naikuwento niya sa kaibigan ang tungkol sa nangyari kagabi. Hindi ito pumayag na hindi sila magkita. Tinanong muna niya si Joshua kung okay lang na papuntahin niya si Jasmine sa bahay nito. Okay lang sa binata kaya pinapunta niya ang best friend upang makapag-usap sila.

"Ang ganda ng bahay ni Joshua," ani Jasmine. "Ang suwerte mo, 'bes. Mukhang ikaw talaga ang inisip ni Joshua noong ipinagawa niya itong bahay niya."

"What do you mean?"

"Remember bago ako mag-shift ng Management, nag-one year ako ng Architecture so may kaunti akong alam pagdating sa bahay. See this?" anito, sabay turo sa dingding ng bahay. "This is adobe. Mahal ang market price nito pero malamig kapag ginamit mo sa bahay. And see that glass?" sabay turo sa salamin ng bahay, "Mas makapal 'yan kompara sa ordinary glass. Dahil sa kapal at tibay, matagal bago pumasok ang sikat ng araw sa glass na ito.

"Isn't it amazing? Gumamit si Joshua ng adobe dahil malamig ito sa balat kompara kung gagamit ka ng semento o kahoy sa bahay. Hindi rin siya basta gumamit ng ordinary glass sa mga bintana. Gumamit siya ng makapal na salamin na sasalain ang sikat ng araw na papasok sa loob ng bahay. 'Yong kurtina rin niya, makapal at puwede mong ibaba sakaling sobrang init na sa labas. May aircon din sa loob ng bahay in case na mainitan ka. Kahit swimming pool sa labas may bubong, in case na gusto mong mag-swimming nang may araw pa."

Habang pinagmamasdan ni Jammy ang kabuuan ng bahay ni Joshua, saka lang niya na-realize ang mga sinabi ni Jasmine.

"You're so lucky, 'bes. High school pa lang tayo gusto ka ni Joshua. Ewan ko ba sa 'yo kung bakit hindi mo iyon napansin. Noon hanggang ngayon, hindi nagbago si Joshua. How about you, 'bes? Do you still like him?"

Dumako ang mga mata niya sa bahagi ng sala kung saan nakasabit ang larawan ni Joshua kasama ang pamilya nito. Napako ang mga mata niya kay Joshua na ngiting-ngiti sa larawan.

"I have always liked him. Kagabi ko lang 'yon na-realize nang magtapat siya sa akin. Kaya siguro hindi ko siya napatawad agad. Ano ba iyong sabi nila? 'The more you hate, the more you love.' Gusto ko na siya noon pa man. Bulag lang yata ang hindi hahanga sa kanya. He was like a romantic hero straight from the movies and books. May mga bagay pala talagang hindi nawawala kahit lumipas pa ang panahon. Nakakalimot ka lang sandali, pero kapag bumalik sa 'yo iyong feeling, hindi ka na tatantanan kahit ano pa ang gawin mo."

"Sinabi mo na ba sa kanya 'yang realization mo?"

Umiling siya. "Aayusin ko muna ang problema ko. 'Yon din ang napag-usapan namin kagabi."

"Speaking of family problem, may kasalanan ako sa 'yo..."

May marinig siyang nag-doorbell. "Baka si Joshua na 'yan. Wait lang, ha."

Tumayo si Jammy at nagmamadaling binuksan ang pinto. Excited na siyang makita si Joshua. Tumawag ito sa kanya kanina pagkatapos ng radio program nito. Hindi daw agad makakauwi ang binata dahil nagkaroon ng emergency meeting sa opisina nito. Nangako itong uuwi agad oras na matapos ang meeting.

"Josh-" Natigilan siya. "Lolo? Paano n'yo po nalaman na nandito ako?"

"I told him," ani Jasmine na sumunod pala sa kanya. "Sorry, 'bes, gusto ko lang makatulong. Mauna na 'ko. Mag-usap muna kayo ng lolo mo," paalam nito, hindi na hinintay ang sagot niya. Tuloy-tuloy itong lumabas ng bahay at sumakay sa sasakyan nito.

"Pasok po, Lolo."

"Hindi na, apo. Kasama ko ang mama mo. Mas na kayo dapat ang mag-usap." Lumingon ito, saka lang napansin ni Jammy ang sasakyan nila na naka-park malapit sa bahay. "Alam kong masama ang loob mo sa mama mo, apo. Pero sana bigyan mo siya ng pagkakataon na makausap ka. Marami siyang kailangang sabihin at ipaliwanag. Hindi ko inaasahan na mapapatawad mo siya agad. Pero sana bigyan mo siya ng pagkakataon. Kahit ano'ng mangyari, siya pa rin ang iyong ina. Naniniwala akong walang magulang na hindi mahal ang kanilang mga anak. Iba-iba lang ang paraan namin upang ipakita iyon sa aming mga anak. Kausapin mo siya, apo. Kahit man lang para sa akin."

"Sige po, Lolo. Kakausapin ko po si Mama."

Tinapik nito ang balikat niya. "Salamat, apo. Natutuwa ako na mag-uusap na kayong mag-ina." Akmang tatalikod na ang abuelo nang bigla itong pumihit paharap. "May isang bagay akong hindi nasabi, apo. Hindi kagustuhan ng mama mo na umalis noon. Palugi na ang palaisdaan natin. Ilang buwan na lang mawawala na ang kabuhayan natin. Pitong taon kayo noong magkapatid. Hindi ko alam kung paano kayo bubuhayin kung mawawala ang palaisdaan. Nasabi ko iyon sa mama mo. Isang araw, nagulat ako nang bigla niya akong kinausap. Aalis daw siya at magtatrabaho sa ibang bansa. Ipapadala raw niya lahat ng susuwelduhin niya para may panggastos kayong magkapatid. Hindi n'yo kailangang maghirap dahil magtatrabaho siya para sa inyo. Kahit man lang daw iyon maibigay niya sa inyong magkapatid." Sandali itong huminto. "Sige na, apo, mag-usap na kayong mag-ina."

Sinundan ni Jammy ng tingin ang kanyang lolo hanggang sa makalabas ng bahay. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makitang bumaba ng sasakyan ang kanyang ina. Parang taon ang lumipas bago ito nakarating sa harap niya. Nahihiyang ngumiti sa kanya ang ina. Maputla ito at mugto ang mga mata. Napakaganda pa rin nito. Kung titingnan, mukha lang silang magkapatid sa halip na mag-ina. Matinding pagpipigil ang ginawa niya upang huwag itong yakapin.

"Can we talk?" tanong nito sa mahinang boses.

Tumango siya. "Pasok po kayo, Mama."

Sandali itong natigilan, saka tumango at sumunod sa kanya. Umupo sila sa sofa. May ilang sandaling tahimik lang sila, nagpapakiramdaman.

Ang kanyang mama ang bumasag sa katahimikan. "Kaninong bahay ito?"

"Kay Joshua po. Kaibigan ko."

"Kaibigan o boyfriend?"

Namula siya.

"Sorry, hindi ako dapat nakikialam. Pero masaya ako para sa 'yo, anak."

Anak. Tinawag siya nitong anak. Nanlabo ang mga mata ni Jammy. Hindi niya maalala kung kailan siya nito huling tinawag na anak. Natutuwa siyang marinig ulit ang salitang iyon mula sa kanyang ina.

"Matagal ko na ito dapat sinabi sa 'yo, pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Nahihiya rin ako," malungkot ang mukha nito habang nagsasalita. "First boyfriend ko ang iyong ama. Bago kami naging mag-boyfriend, alam ko na ang tungkol sa petition sa kanya ng mga magulang niya. Hindi ko iyon pinansin. Masyado akong naging confident na hindi ako iiwan ng iyong ama dahil alam kong mahal niya ako. Isang araw, sinabi niya sa akin na kailangan niyang umalis at sumunod sa mga magulang niya sa Amerika. Nagalit ako. Sa sobrang galit ko, pinapili ko siya. Kapag itinuloy pa rin niya ang pag-alis, puputulin ko lahat ng ugnayan ko sa kanya. Tuluyan ko na siyang buburahin sa buhay ko. Ang akala ko matatakot siya at hindi na aalis. Pero itinuloy pa rin niya ang plano niya.

"Pagkaalis niya, saka ko nalaman na buntis ako. Takot na takot ako. Eighteen lang ako noon at masyadong maraming ine-expect ang lolo mo sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Papa na buntis ako. Paano kung palayasin niya ako? Paano kung hindi niya kayo matanggap na magkapatid? Natatakot at nahihiya din ako sa sasabihin ng ibang tao. Isang araw naisip kong tapusin na lang ang lahat. Uminom ako ng maraming sleeping pills." Tumigil ito sandali upang pahirin ang mga mata. "Hindi doon natapos ang kasalanan ko. Pinalabas ko na ginahasa ako para hindi na magtanong si Papa tungkol sa ama ng dinadala ko. Sa maniwala ka at sa hindi, pinagsisihan ko ang lahat ng kasalanan ko, anak. Dahil hindi lang n'on sinira ang buhay ko, pati kayong magkapatid. Lalo na ikaw na nadamay dahil sa ginawa ko."

Lumapit ang ina at hinawakan ang kamay niya. "Patawarin mo sana ako, anak. Kung hindi ako naging mahina noon, lalabas kang malusog, walang sakit at allergy. Kasalanan ko ang nangyari sa 'yo. Tuwing nakikita kong inaatake ka ng allergy mo, paulit-ulit kong sinisisi ang sarili ko. Kung puwede lang, inako ko na ang sakit mo. Dahil ako naman talaga ang may kasalanan sa lahat. Kaya ako umalis noon, bukod sa gusto kong bigyan kayo ng magandang kinabukasang magkapatid, gusto ko ring umalis para hindi na kita makitang nahihirapan. Palagi akong nagi-guilty sa tuwing naririnig ko sa ate mo na may umaway sa 'yo dahil sa allergy mo. Hindi mo lang alam na palihim akong umiiyak tuwing nakikita kitang umiiyak dahil nangangati ka sa allergy mo. Kasalanan ko ang lahat. Ako ang uminom ng sleeping pills para matapos na ang paghihirap ko, pero ikaw ang nahihirapan dahil sa kasalanan ko. Anong klaseng ina ako? Napakasama ko."

Lumapit si Jammy at niyakap ang kanyang mama. "Tama na po, Mama. Wala kayong kasalanan. Katulad ko, biktima rin kayo ng pagkakataon."

Gulat itong humiwalay sa kanya. "Hindi ka galit sa akin?"

"Paano ako magagalit sa taong nagbigay ng buhay sa akin? Nagulat lang po ako kagabi kaya nag-walkout ako. Nakapag-isip na ako, Mama. Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang lahat ng nalaman ko. Nakapag-isip na ako, Mama. Naintindihan ko na po ang lahat. Hindi madali ang pinagdaanan ninyo. Tapos na po 'yon. Ang mahalaga ay makapagsimula tayo ulit. Kasama si Lolo at si Ate."

Niyakap siya nito nang mahigpit. "Salamat, anak. You have no idea how happy I am right now. Ang tagal kong kinatakutan ang araw na ito. Sana mapatawad mo rin ako kung hindi ako naging mabuting ina sa inyong magkapatid. Masyado akong naging mahina. Ang dami kong pagkukulang sa inyo. Babawi ako, sa inyo ng ate mo. Hindi na ako babalik sa Australia. Dito na lang ako. I need to set things right. Babawi ako sa lahat ng pagkukulang at kasalanan ko. Sa pagkakataong ito, pipilitin kong maging mabuting ina. Bigyan n'yo lang ako ng pagkakataon."

"Nasa atin po ang lahat ng pagkakataon, Mama. Babawi tayo, Mama."

Humiwalay ito sa kanya. "One more thing, anak. Huwag ka nang magtampo sa ate mo. Ako ang nagsabi sa kanya noon na huwag sabihin sa 'yo ang nalaman niya. Narinig niya kaming nag-uusap noon ng lolo mo. Inamin ko sa lolo mo na ang tinatawag mong Sir Tolentino ay ang tunay ninyong ama. Narinig 'yon ng kapatid mo. Kinumbinsi ko siyang ilihim sa 'yo ang nalaman niya. Sinabi ko rin sa kanya na kumbinsihin kang umalis ng Pampanga. I knew I was being selfish, pero gusto ko kayong ilayo noon sa inyong ama. Sa isip ko, wala siyang karapatan sa inyong magkapatid. Pagkatapos ng pang-iiwan niya sa atin, tama lang na iwan din natin siya."

"Galit pa rin po ba kayo sa kanya, Mama?"

"I only loved one man in my life, anak. I don't hate him. Angry sometimes, yes. But hate him? I don't think I ever really hated him. Mahirap kamuhian ang isang taong mahal na mahal mo."

Napangiti si Jammy. Nasabi na niya ang mga linyang iyon noon kay Joshua. Alam na niya kung ano ang namana niya sa ina. "Bakit ka nangingiti?"

"Mana po talaga ako sa inyo, Mama."

"No doubt. Pareho tayong maganda." Hinalikan nito ang pisngi niya. "I love you, anak."

"I love you po, 'Ma."

Nagyakap sila. Iyon na ang pinakamasayang araw sa buhay niya. Hindi na siya makapaghintay na makita si Joshua at sabihin ang magandang balita. Malapit nang maayos ang family problem niya. Ang relasyon naman nila ni Joshua ang sunod niyang aayusin.

Continue Reading

You'll Also Like

94.5K 1.3K 5
"Siguro nong ninakaw mo ang wallet ko ay sinama mo na rin ang puso ko. You snatched away my heart kaya siguro ganon na lamang ang pagnanasa ko noon n...
43.5K 817 12
Mayabang man ang unang naging impresyon ni Simone sa sikat na basketball player na si Chad Esquivel, nagbago iyon nang maging landlord niya ang binat...
90.8K 1.6K 10
Dahil sa pagmamahal sa mama niya, napadpad si Drei sa Lucban, Quezon para hanapin ang tahanan ng mga Moretti kung saan ay nakatira ang pintor na si P...
74.5K 509 3
"Since that day you told me to stay away from you, you also took away my only reason to live." Romance writer si Graciella pero kabaliktaran ng magag...