Carnal Desires 1: Lux Conte

Por JellyAcecake

124K 2.8K 246

Mula pagkabata ay naniniwala na si Sienna sa fairytale endings at lalo itong umusbong dahil sa isang munting... Más

Carnal Desires 1: Lux Conte
Desire 1
Desire 2
Desire 3
Desire 4
Desire 6
Desire 7
Desire 8
Desire 9
FINAL DESIRE

Desire 5

9K 267 23
Por JellyAcecake

Halos isang linggo na rin ang lumipas mula ang nangyari sa amin dalawa ni Lux. Sa loob ng linggo na iyon ay todo ang iwas ko dito kulang na nga lang hindi na ako lumabas ng kwarto para hindi lang ito makita.

Wala din akong pinagsabihan sa nangyari dahil natatakot ako sa kung anoman ang pwedeng mangyari kapag may pinagsabihan ako. Nasa pagiisip na naman ako ng may tumawag sa phone ko.

Calling Ziti...

"Hello?" Matamlay na sagot ko dito.

"At last sumagot ka din! Ano ba ang nangyari sa'yo? Last time kita nakita sa party sabi naman ni Tita tinrangkaso ka daw after." Sabi nga nito sa kabilang linya. After kasi talaga ng party ay hindi na ako masyadong lumabas sa bahay dahil sa nagiisip ng mga nangyari. Kinabukasan din ng party nilagnat ako ng sobra.

"Uh—yeah. Mukhang humina immune system ko you know kaya eto tinrangkaso." Pagpapaliwanag niya dito.

"But—are you okay now? Pupunta ako diyan." Sabi nga nito sa akin. Kaya ko na ba? Kaya ko na ba humarap sa ibang tao?

"Yes, I'm feeling well na Zi. Don't worry atsaka huwag ka muna pumunta papagaling pa lang ako e baka mahawa ka." Sabi niya nga dito. Hindi niya pa kaya at alam niya yun sa sarili niya.

"Sabagay but tell me kung okay na okay ka na ha. I miss you. Padala ko na lang kay Sevan yung binili kong fruits ha. Love you Roux." Sabi nga nito mula sa kabilang linya.

"Love you too Zi." Sagot niya at pinutol ang kabilang linya. Tinignan niya kung anong oras na at 10 am na pala. Tanghali na naman siya nagising st tulad ng nakalipas na mga araw ay nahihilo st nasusuka na naman siya dala na rin siguro ng trangkaso. Tumayo na nga siya at pumunta sa bathroom niya.

Hindi niya alam pero lagi na lang din siya nagsusuka tuwing gigising siya. Isama pa ang pananakit ng kaniyang ulo kaya naman ay nababahala na din siya sa mga naiwan niyang trabaho na ang Kuya Sevan niya muna ang sumasalo.

"It's going to get worse and worse every single day." Sabi niya sa sarili matapos magsuka. Gusto na niya magpatingin sa doctor dahil araw-araw na lang talaga siya nakakaranas ng ganito.


"Aalis ka na naman?" Tanong ng ina nang nakita ang mga maleta na nakahanda.

"Photoshoot." Pagsisinungaling ko dito. I'm not going to any shoot right now. I just want to have peace of mind. Waking up every f*cking day with a same dream that night freaks me out. Gusto ko na din makita si Bethina dahil naguguilty ako.

"Lux, I know na galit ka sa akin pero kailangan mo ba talaga magsinungaling?" Tanong na naman ng ina niya kaya hinarap niya ito.

"This is for the good mom. Magbabakasyon ako and I'm woth Bethina." Sabit ko sa ina. Nakita ko naman ang paglukot ng mukha nito.

"Lux—" pinutol ko na ang sasabihin ni mommy dahil alam ko na magaaway na naman kami dahil dito.

"Mom, kahit ano ang sabihin mo it doesn't change the fact na mahal ko si Bethina at hindi ko siya hihiwalayan." Sabi ko nga dito at umalis na. Hindi ko alam kung bakit ayaw ni mommy kay Bethina. Hindi pa sila nagkikita nito pero ayaw na agad nito dito.

Nilalagay ko na ang mga gamit ko sa sasakyan ng dumating si Taffy.

"Hey baby girl." Bati ko dito. Nginitian agad ako nito kahit pagod ito sa trabaho.

"Hey, kuya. Aalis ka?" Nagtataka na tanong nito. Ilang linggo pa nga lang kasi ako sa bahay ay aalis na din agad ako.

"Yeah—photoshoot." Pagsisinungaling ko dito pero mukhang hindi kumbinsado ang mukha nito.

"Fine! I'm going in a vacation with Bethina." Sabi niya dito. Naikwento niya kasi dito si Bethina at mukhang ayos lang naman ito dito.

"Oh your girlfriend." Sarkastikong sambit nito at papasok na sa loob ng bahay.

"Pati ba naman ikaw, Taf?" Sabi ko dito at napalingon na lang ito. Tinignan ako nito at umiling.

"Una na ako. Kuya." Sabi lang nito sa kaniya at pumunta na sa loob lalo naman siyang nagtaka sa reaksyon nito at ng ina. Ano ba talaga ang meron kay Bethina?

Nasa kalagitnaan ako ng pagdadrive ng makita ko si Sienna sa tapat ng hospital ni Tito Hutch. Mag-isa lang ito at nakatulala sa kawalan sabi din kasi ni Tita Serra kapag dumadalaw ako sa bahay ng mga ito ay may trangkaso ito.

Pupuntahan ko na sana ito para kamustahin pero may dumating naman na lalaki at mukhang doctor ito sa hospital nila Tito Hutch. Kinausap nito si Sienna at nakita ko naman ang pagngiti ni Sienna dito.

Mestizo ito at matangkad. Mukha din itong mabait na nilalang na hindi gagawa ng masama. Tipo ng lakaki na bagay kay Sienna at nababagay talaga dito. He can also pass as a model pero mas angat pa rin siya dito. Napailing na lang siya sa mga naiisip. Bakit niya nga ba kinukumpara ang sarili dito? Is he—?

"F*ck!" Napahampas na nga lang siya sa manibela at tinuloy na lang ang pagdadrive. Bakit niya ba ito nararamdaman? Sienna is only a little sister for him. No more, no less pero bakit ganito?

I miss Bethina and I love her pero bakit ako naiinis makita na may kausap si Sienna na iba at masaya pa siya dahil dito? Ano ba ang nangyayari sa akin? Kailangan niya talaga magbakasyon para burahin ang nararamdaman niyang ito.


"Sienna!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko naman na tumakbo palapit sa akin si Dr. Thiago. Ang family doctor namin. Nakakatuwa na hinanap talaga nito si Mommy niing nagbase na ito sa Pilipinas. Naikwento kasi ni mommy na ito daw ang cute na bata na nawawala sa airport.

"Doc, Bakit po?" Tanong niya dito.

"Nahulog mo." Hawak-hawak naman nito ang wallet ko at nagulat na lang ako na nahulog ko na pala ang wallet ko dahil sa sobrang kalutangan.

"Thank You. Doc Thiago." Pasasalamat niya dito. Ngumiti naman ito sa kaniya at lumabas ang malalim nitong dimples. Ang cute lang.

"Dahil diyan lunch tayo." Sabi nga nito sa akin.

"Busog pa ako Doc e." Pagtanggi naman niya dito. Nakita niya ang paglukot ng gwapo nitong mukha. Napailing na lang siya.

"Ganon ba sayang naman. Anyways, bakit ka nga pala nandito?" Tanong nito sa akin.

"Nagpacheck-up lang ako." Tipid na sagot niya dito. Nakita naman niya ang pagnguso nito at natawa na lang siya.

"Oh—Bakit hindi na lang sa akin? I mean family doctor niyo naman ako pwede ako pumunta sa inyo para hindi ka na mahirapan pa." Sabi nito sa kaniya at natawa siya lalo dito.

"Ang smooth ha. General check-up lang naman ito kaya okay lang po Doc." Sabi naman niya dito. Maloko talaga itong si Doc Thiago kaya naging kaclose din nila ito. He can be a flirt to her pero ganon na talaga ito. It's his way of caring sabi nga nito sa amin.

"Okay basta kung magpapacheck-up ka ulit sa akin na ha. Anyways, una na ako. Take Care. See you around." Sabi nito sa kaniya at nagpaalam na nga sila sa isa't isa pumasok na din ito sa loob ng hospital.

Nang makaalis si Doc Thiago ay bumalik na naman siya sa kalungkutan ay gusto niya na maiyak ngayon dahil hindi niya alam ang gagawin. Naguguluhan ang isip niya. Nang sinabi ng doktor ang kalagayan niya bigla na lang gumuho ang mundo niya at naging blangko ang lahat. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari ngayon lalong lalo na alam niya na may dinadala siyang bata sa katawan niya.


Lumipas ang tatlong linggo mula nang malaman ko na buntis ako at ang patuloy kong pagtatago na hindi malaman ng kahit sino ang kalagayan ko so far tagumpay naman ako sa pagtatago kahit na sa magulang at mga kaibigan ko pero hindi ko alam kung hanggang saan ko pa kaya itago ito. Medyo okay na rin ang pakiramdam ko dahil sa gamit na iniinom ko pero hindi pa rin maiwasan ang morning sickness na sabi nga ng doktor ay normal lang daw.

"Let's eat na!" Tawag nga samin ni mommy para makakain na kami ng hapunan. Nasa sala kasi kami at nanunuod ng balita ng maghain na ito.
Kaming tatlo lang ni Daddy at Mommy ang nasa bahay dahil nasa New York fashion week si Kuya Thay at si Kuya Sevan naman ay nasa Baguio kasama si Ate Caroline.

"Nagluto ako ng paborito mo Sienna." Sabi nga ni mommy at nilapag ang adobo sa lamesa. Agad naman sumama ang panlasa ko nang maamoy ko ito. Hindi naman ganito ang naramdaman ko dati nung may adobo sa hapag kainan namin.

"Best Adobo in the world." Biro pa nit Daddy ka mommy. Nilagyan na ako ni Daddy ng adobo sa plato pero nang lumapit ito sa akin lalo ako sinamaan ng panlasa sa amoy nito at gusto na lang masuka.

"Mom, Dad—restroom lang po ako." Sabi ko nga dahil gusto ko na talaga pero hindi pa man din ako nakakapunta sa restroom namin ay inabutan na agad ako sa sink. Naduwal na ako agad at naramdaman ko na lang ang paghaplos ni mommy sa likod ko. Nang matapos nga ako masuka ay inabutan ako ni mommy mg tubig.

"Anak, ayos ka lang ba?" Tumango ako dito at pumunta na muli sa hapag kainan. Naupo na ako katapat ni daddy at nakita ko ang seryoso nitong mukha.

"Kain na tayo." Sabi nga ni Mommy sa amin at kumain na kami. Wala akong  nagawa at kumain pa rin ako ng adobo na nakahain pero nanatiling tahimik si Daddy at seryoso. Nararamdaman ko na din ang tensyon sa hapag kainan.

Natapos nga ang hapunan namin ng wala masyadong imikan dahil si Mommy lang ang nagsasalita. Si Daddy naman ay nanatiling tahimik. Pataas na nga ako at nasa sala si Mommy at Daddy nang tawagin ako nito.

"Sienna." Malumanay pero puno ng awtoridad nitong sabi. Agad akong kinabahan sa tono ng boses ni daddy.

Please, huwag po ngayon.

Naupo ako sa upuan na malapit dito at kay mommy. Nakita ko naman na hinahawakan ni mommy ang kamay ni daddy. Kinakabahan na rin ako sa sasabihin nito sa akin.

"Bakit po daddy?" Malumanay kong tanong dito. Nakita ko muna ang pagbuntong hininga ni Daddy bago ito magsalita.

"Sienna, buntis ka ba?" Para akong nabingi sa binitiwang salita ni daddy at pinigilan bumagsak ang luha.

"H-hindi po Daddy." Sabi ko dito at nagcross finger. Ayoko magsinungaling sa mga magulang ko pero hindi pa ito ang oras.

"Sienna!" Lalo pa lumakas ang boses ni daddy mukhang hindi ito kumbinsado sa sinabi ko.

"Thatch, narinig mo ang sinabi ng bata." Pagpapakalma ni mommy dito. Pinipigilan ko pa rin ang nagbabadyang luha sa aking mga mata.

"Inuulit ko Sienna. Buntis ka ba?" May diin na sa boses ni daddy at hindi ko na kayang pigilan ang luha sa mata ko kaya naman ay napatango na lang ako at nanahimik.

"Thatch, tama na tinatakot mo ang bata." Pagpipigil ni mommy dito.

"Daddy, Mommy. Sorry po." Sabi ko na lang sa mga ito at kinagat pa ang labi para pigilan ang luha.

"Putangina!" Napahilamos na nga langsi daddy ng makita akong umiiyak. Hindi ko din alam pero traydor ang mga luha ko at kusa na lang itong nagsibagsakan.

Akmang pagtataasan ako ng kamay ni daddy ng pigilan ito ni Mommy.

"Thatcher!" Nagtaas na din ng boses si mommy at hinarangan si daddy.

"Fuck!" Mura ni daddy at kinuha na lang ang baso sa lamesa at binato ito sa tv. Lalo naman akong naiyak dahil nakikita ko na sobrang nagagalit si daddy.

"Ayusin mo ang sarili mo. Pupunta tayo ngayon din sa doctor." Sabi nga ni Daddy at lumabas. Nagpatuloy ang pag-iyak ko. Sa katayuan ko ngayon feeling ko wala akong kwentang anak.

"Mommy, sorry po. H-hindi ko po alam ang nangyari. S-sorry po." Sambit niya sa ina at patuloy ang pag-iyak. Ang sakit lang dahil parang galit ngayon sa kaniya ang mundo.

"Anak, tahan na. Hush." Sambit nga ni mommy at naramdaman ko ang pagyapos nito ng mahigpit sa'kin.

Pumunta nga kami nila Daddy sa obstetrician ni mommy. Pinaultrasound ako para malaman kung buntis nga ba ako.

"Mr. and Mrs. Ximenez, you're daughter is pregnant." Nang malaman ni mommy at daddy ang result sa cay niyapos ako ng mahigpit ni mommy at umiyak. Si daddy naman ay lumabas sa clinic.

"Sorry po." Nasabi ko na lang kay mommy ng paulit-ulit.

Bakit ba napakairesponsable kong anak? Ano ba ang ginawa kong masama para mangyari ito sa akin? Bakit sa lahat ng problema ito pa ang binigay sa akin?

Nasa sasakyan na kami na kung saan kanina pa pala naghihintay si Daddy. Wala itong imik at pinaandar ang sasakyan ng makasakay kami ni Mommy. Nasa kalagitnaan kami ng byahe ng tiniigil ni daddy ang sasakyan papasok sa village.

"F*ck!" Mura nito at nahampas ang manibela. Nasabunutan din nito ang buhok nito at niyapos ito ni mommy. Masakit sa akin na makita ko na nagkakaganito ang daddy.

"Thatch." Sambit ni mommy dito. Hindi ko maiwasan maiyak na naman. Lumabas ako ng sasakyan at binuksan ang pinto ng driver's seat. Lumuhod ako sa gilid at umiyak.

"Daddy, Sorry po. Sorry dahil naging iresponsable akong anak. Sorry po dahil sa akin nag-kakaganito po tayo. Sorry po daddy." Umiyak ako habang nakaluhod dahil wala na akong alam na paraan kung paano pa ako magsosorry kay Daddy pero sa pag-iyak ko ay naramdaman ko ang mahigpit na yakap ng aking ama. Lalo akong naiyak dahil sa ginawa nito.

"Sienna." Sabi ni Daddy sa akin. Pangalan ko lang ang nasambit ni Daddy pero dama ko agad ito dama ko yung sakit ng pagbitaw nito sa pangalan ko.

Itinayo na nga ako ni Daddy at hinawakan sa magkabilang pisngi.

"Princess, be honest—Sino ang ama ng batang dinadala mo?" Tanong nga nito sa akin at tumulo na naman itong traydor kong luha. Hindi ko alam ang sasabihin kay daddy dahil ayokong manisi ng tao at hindi ko din alam ang nangyari ng gabing iyon.

"H-hindi ko po alam Daddy." Sambit ko dito at tumango. Ayokong sisihin si Lux sa nangyari dahil baka kung ano ang gawin dito ni Daddy. Ayokong saktan ito ni daddy.

"Anak, pleass—sino ang ama?" Mahina nitong sabi sa akin. Wala na akong nagawa kundi umiyak na lang talaga. Ayoko na naman masaktan ang mga magulang ko.

"I don't want to blame someone pero si L-lux ba ang ama?" Tanong nito sa akin. Nagulat naman ako sa sinabi ni Daddy. Nakita ko si Mommy at mukhang nagulat din ito at tumungo na lamang. Wala sa sarili na napatango na lang ako sa sinabi ni Daddy.

Narinig ko na naman ang mahina nitong pagmura at pinapasok ako nito sa sasakyan. Pumasok na nga kami sa loob ng village st nanahimik na naman sa loob ng sasakyan.

"Thatch." Pigil ni mommy ng itigil ni daddy ang sasakyan sa harap ng bahay nila tito Aziel. Bumaba na nga si Daddy at sumigaw.

"Aziel!" Sigaw ni Daddy mula sa gate nila Tito Aziel. Pinipigilan naman namin ito ni Mommy pero hindi pa rin ito nagpaawat.

"Thatch! Please. Huwag tayo magiskandalo." Pigil ni mommy dito pero patuloy ang pagsigaw nito.

"Aziel! Ilabas mo ang anak mo!" Sigaw ni Daddy dito.

"Daddy, please stop na po." Pagmamakaawa ko dito pero hindi ito nakikinig. Napabalikwas ako ng higa ng makarinig ng ingay mula sa baba. Ginising ko naman ang aking natutulog na asawa.

Ilang sandali nga at lumabas na si Tito Aziel na. Mukhang kakagagaling lamang sa pagkakatulog.

"Aziel! Where's your son?" May diin sa boses ni Daddy at nakita niya ang pagkagulat ni Tita Shea. Kinausap nga ni Tito Aziel si Daddy at pinapakalma ito naiiyak na naman ako sa nangyayari.

"Mabuti pa Thatch pumasok tayo sa loob at pagusapan yang problema." Sbai nga ni Tito Aziel at pumasok kami sa loob ng bahay nila. Agad akong kinabahan na baka mamdito si Lux at kung ano na lamang ang magawa dito ni Daddy.

"Hey. Anong meron dito?" Tanong naman ni Tita Shea sa kanila. Napatungo na lamang siya at tahimik na umiyak nahihiya siya sa mga ito. Nahihiya siya kay Tita Shea, Tito Aziel at maging kay Taffy.

"Where's your son Shea?" Tanong Daddy kay Tita sa galit na tono.

"Daddy!" Pagmamakaawa ko dito dahil ayoko may masirang samahan dahil sa nangyayari ngayon sa akin pero hindi nakinig ang ama sa kaniya.

"Don't talk Sienna!" Saway pa nga nito sa kaniya at nanahimik na lang siya. Nakita naman niya na dinaluhan ito ni mommy at pinapahinahon ito.

"Thatch man. Let's just sit first. Pagusapan natin ito ng maayos. Bakit mo ba hinahanap ang anak ko?" Sabi ni Tito Aziel kay Daddy.

"Your son impregnate my daughter!" Saad ni Daddy na siyang ikinagulat nila Tita Shea. Nanahimik ng ilang sandali at nagsalita si Tito Aziel.

"The hell! Impregnate?! Do you mean Thatch magiging Lolo na tayo?" Sabi ni Tito Aziel at nakita ko ang pag-face palm nila Tita Shea, Mommy at Daddy sa reaksyon nito. Nablangko naman ako sa sinabi nito ramdam ko pa din kasi ang tensyon.

"Unfortunately! Kaya ilabas mo yang anak mo. Panagutan niya si Sienna." Sabi ni Daddy dito. Mukha naman akong nawalan ng dugo sa sinabi ni Daddy. Ayoko ng ganito. Ayokong maging dahilan ng pagkakasira ng relasyon ni Lux at ng girlfriend niya. Ayoko ipilit ang sarili sa taong may mahal ng iba.

"Meu Amor. Calm down." Pagpakalma ni Mommy kay Daddy at hinaos pa ang likod nito.

"I will not calm down hangga't hindi nagpapakita si Lux sakin!" Sabi muli ni Daddy pero this time nakikita niya na ang sobrang galit at inis nito.

"Dad! Please stop. It's just an accident." Hindi ko na kayang manahimik at umiyak na lang sa isang tabi. Kahit alam ko na masakit kailangan nilang malaman na aksidente ang lahat na miski ako ay hindi alam ang nangyari ng gabing iyon.

"Stop na po. Aksidente lang po ang lahat. Nagising na lang po ako na katabi ko si Lux. Hindi ko po alam ang mismong namgyari. Wala po kami sa—l hindi na niya natapos ang sasabihin ng magsalita ang ama.

"Walang nabubuntis ng aksidente! After we raised you Sienna to become a decent girl." Nasaktan ako sa sinabi ni Daddy akala ko okay na kanina pero masakit pala lalo na kapag nalaman ang dahilan. tinaas na nga ng ama niya ang kamay at akmang sasampalin siya sa narinig. Pinigilan naman ng ina niya ang kamay ng daddy niya at naramdaman niya ang pagyapos ng tita Shea niya. Sa kabila ng kalungkutan niya naramdaman niya ang pagmamahal mula sa ina at sa Tita Shea niya.

"Thatcher, Stop that. Let's talk about this man to man. Don't hurt your daughter." May diin sa boses na sabi ni Tito Aziel kay Daddy. Nakita ko din ang awa sa mga mata nito bigla na lang ako nakaramdam muli ng hiya.

"Taffy call your brother. Tell to him kapag wala pa siya dito within 30 minutes sa kangkungan siya pupulutin." Seryosong saad ni Tito Aziel. Malayong malayo ito ngayon sa Tito Aziel na kilala niya na happy-go-lucky. Nagtungo na ang Daddy at Tito Aziel niya sa may backyard.

"Tita sorry po." Sambit ko habang patuloy ang pagiyak kay Tita Shea. Naramdaman ko ang paghaplos ni mommy sa likod ko.

"Anak, hush now. Everything's gonna be alright. Right Shea?" Sabi nga ng ina niya. Ramdam niya din na nasasaktan ito para sa kaniya.

"Don't worry Sienna. Your mom's right. Everything will gonna be alright." Saad naman ni Tita Shea sa akin at tumabi na din sa amin ni mommy at hinaplos ang likod ko upang patigilin ako sa pag-iyak.

Lumipas nga ang tatlumpung minuto at wala pa si Lux. Kinabahan nMan siya sa mangyayari.

"Mommy! Malapit na daw po si Kuya." Balita ni Taffy sa kanila. Nakikita niya din ang awa sa mga mata nito.

Lumipas pa nga ang ilang minuto at narinig nga namin ang pagbukas ng pinto. Nakita mo ang pagpasok ni Lux sa bahay at tumungo na lang ako ayoko tignan ito.

"Lux Arsen! Where have you been?" Tanong ni Tita Shea dito. Napatingin ako dito at Mukhang hindi naman ito nagulat.

"Mom! I told you I'm on vacation. Ano bang  problema? Atsaka bakit nandito sila Tita Serra?" Nagtatakang tanong nito.

Tamang tama naman bago pa ito makasagot  ay dumating si Thatcher at Aziel na masayang naguusap pero napalitan ito ng galit ng makita si Lux.

"You young man!" Sabi agad ni Tito Aziel ng mamita ang anak.

"Woah! Dad. Ano bang problema? Care to tell it to me?" Nalilitong tanong ni Lux sa mga ito. Napatingin ito sa akin at tumango na lang ako.

"You impregnate my daughter Lux therefore panagutan mo siya." Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Lux ng sabihin ni Daddy ang dahilan kung bakit kami narito. Napatingin naman ito sa akin at nagtama ang aming mga mata hindi niya mabasa ang emosyon na meron ito ngayon.

"But---I can't, Dad, Tito I believe it's not mine it's just an accident. Hindi ko din alam na siya pala yung babae—" Nakita niya na nagalit ang Daddy niya kaya kinuwelyuhan nito si Lux. Napatayo naman ako at tinakbk si Daddy at hilahin palayo kay Lux.

"Daddy! Stop! Please!" Sabi ko dito. Nakita niya dn ang pagkagulat ng mga tao na nandoon.

"Lux! Son! Panagutan mo si Sienna." May awtoridad sa boses ni Tito Aziel.

"Dad I can't I'm not sure kung akin nga yan. Besides it's just an accident. I don't know what happened that night. F*ck! I just wake up and saw no obe but just a stain of blood in my bed. I don't know that is Sienna's." Nasaktan naman siya sa sinabi ni Lux pero wala naman din siyang magagawa dahil biktima lang naman din ito sa nangyari sa kanilang dalawa.

Nagulat siya na magpakawala ng malakas na suntok si Tito Aziel sa mukha ni Lux. Lumapit pa nga ito para suntukin si Lux pero inawat na ito ni Tita Shea. Ito na nga ba ang kinakatakutan niya ang masaktan si Lux. Martyt na kung martyr pero ayaw niya makitang may mangyaring masama dito.

Pinagsalitaan na ni Tito Aziel si Lux at hindi na niya makaya ang kaguluhan nasasaktan din siya dahil alam niya na una pa lang kung mangyari ito at hindi naman talaga ito matatanggap ni Lux dahil may Bethina ito.

"Dad, Mom, Tito, Tita sorry but hindi ko papanagutan si Sienna I'm not sure kung akin nga yan. Maybe it someone's." Lalo siyang nasaktan sa binitiwang salita ni Lux. Masakit na nga ang una nitong sinabi pero ang sabihin na sa iba ito at isipin may iba pa siyang nakakaniig ay sobra na. Hindi na niya kaya ito. Pinalampas niya kanina ang sinabi nito dahil nasasaktan siya para dito pero ang isipin na nagpagalaw siya sa iba ay sobra na.

Hindi na niya talaga kaya ito kaya at linapitan niya si Lux at sinampal ng napakalakas. Narinig niya pa ang pagsinghap ng ina at ni Tita Shea maging si Taffy.

"I'm not hoping na papanagutan mo ako Lux! Yes it is indeed a fucking accident! Wala tayong alam pareho kung ano ang nangyari bahala ka kung anong gusto mong paniwalaan pero gusto kong malaman mo na hindi ako ang babae ng tulad na nasa isip mo." Sabi ko dito at nakita ko na lang ang pananahimik nito. Nakakitaan ko din ng guilt ito sa mga mata nito.

"Sienna." Narinig pa niya na sabi ng ama at akmang susugudin nito si Lux pero pinigilan niya ito.

"Tito, Tita sorry for the inconvenience. Let's just pretend this not happened tonight." Sabi niya nga sa mga ito at nagpaumanhin. Mapait din siyang ngumiti.

"But Sienna our son needs to marry you." Sabi niTito Aziel sa akin. Umiling na lamang ako af nginitian si Tito.

Narinig niya pa ang pagsaway ni Lux pero sinagot ito ng ama at pasalampak na sinabunutan nito ang sarili.

"Tito sorry po I can't---" hindi na niya natapos ang sasabihin ng hilahin siya ni Lux at buhatin.

Narinig pa niya ang sigaw ng ama at ni Tito Aziel pero tuluyan na siyang naisakay ni Lux sa sasakyan at pinaharurot ito palabas ng village.

"Lux! Saan mo ba ako dadalhin? Hindi mo ba narinig ayoko nga di ba? Malaya ka na ibaba mo na ako." Sabi niya nga dito pero seryoso itong nagmmaaneho.

"Totoo ba?" Tanong nito sa akin habang nakatingin pa rin sa daan at mabilis na pinapatakbo ang sasakyan.

"Pwede ba Lux kung gusto ko magpakamatay dahil sa bilis ng pagpapatakbo mo huwag kang mandamay ng ibang tao." Sabat niya dito.

"Totoo ba?" May diin na sa boses nito at alam niya na galit na talaga ito. Naiinis na din siya sa inaakto nito. Sapat na ba ang tatlong linggo upang magbago ang ugali nito?

"Sa tingin mo ba hindi susugod ang tatay ko kung hindi totoo? Ano ang tingin mo sa akin Lux nagsisinungaling?" Tanong niya dito ng ouno ng panghihinakit.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin Sienna? Bakit hinayaan mo na magkaganito?" Tinigil ni Lux ang sasakyan at ipinarada ito sa may lookout point. Nakatingin lang ako sa mga magagandang ilaw sa ibaba at pinipigilan na naman ang umiyak.

"Sienna! Damn!" Mura nito at nahampas ang pinto niya. Huminga naman ako ng malalim upang magsalita.

"Bakit hindi ko sinabi? Bakit alam ko ba na mangyayari ang ganito Lux? Katulad mo hindi ko din alam kung ano ba talaga ang pinagumpisahan ng nangyari sa atin. Hindi ko alam na mangyayari ang bagay na ito sa akin at magbubunga ang gabing iyon." Puno ng hinanakit na sabi niya dito. Napapahid na rin siya sa mata dahil ramdam niya na maiiyak na naman siya.

"So-we're both a victim here. F*ck!" Sabi pa nga nito at nakatingin din sa mga magagandang ilaw ng buildings sa baba.

"Ganon na nga. Lux, please iuwi mo na ako." Sabi niya nga dito dahil nakakaramdam na siya ng sobrang pagod.

"Not yet Sienna. May gusto pa akong malaman." Sabi nga nito sa akin kaya naman ay naupo ako ng maayos.

"Go on and ask." Sabi niya dito.

"Ilang weeks na yan?" Tanong ni Lux sa kaniya.

"Three weeks." Tipid na sagot niya dito.

"Then it still has no life. Pwede—" Pinigilan na agad niya ang sasabihin ni Lux dahil sa tono pa lang ng pagsasalita nito ay ayaw na nito buhayin ang bata.

"Kung iniisip mo Lux na hindi ko ituloy ito sorry pero hindi ko magagawa." Sabi ko dito at hinawakan ang tiyan ko. Kahit wala pa nga itong buhay alam ko may kaluluwa na ito at isipin na mawala ito sa akin ay sobrang sakit na.

"Sienna, think about it wala pang buhay yang dinadala mo. We're still young and naguumpisa ka pa lang sa career mo at ako nasa peak na ako. Naiisip mo ba yun?" Sambit nito sa akin. Hindi sapat ang salitang inis at galit para idescribe ang nararamdaman ko ngayon kay Lux. Sa oras na ito, hindi na ito ang Lux na nakilala ko. Ang Lux na tinuring kong prince charming ay naglaho na.

"Naiisip mo din ba Lux na ang gago mo? Oo nga at paumpisa pa lang ako sa career ko pero kahit kailan at kahit ano man ang mangyari hindi ko gagawin ang gusto mo. Hindi ko babawiin ang buhay ng batang dinadala ko. Sabihin na natin may mga opportunities na masasayang pero hindi mo ba naiisip na mas nakakapanghinayang masayang ang isang buhay ng walang kamuang muang na bata. Kaya mo bang sikmurain na bawiin ang buhay ng inosenteng bata?" Nagiinit na ang mga mata niya at hindi niya kaya na may gawin masama si Lux sa dinadala niyang bata kahit pa nga na hindi pa buo buo ang katawan nito ramdam niya na nandito na ito sa sinapupunan niya.

"I know that we can't take away someone's life especially the innocent ones pero Sienna kapag pinagpatuloy mo yan—natin ito marami ang magbabago. Sorry for being dumb pero inaalala din kita. You're too young for this at hindi mo ito deserve." Sabi ni Lux sa kaniya sa nanghihinahong boses. Nakita niya din ang pagtitig sa mata nito.

"Lux, the moment na nagising ako at nakita kita alam ko sa mga oras na yun nagbago na ang lahat. Alam ko na kung mangyari man ito magbabago na talaga ang lahat at handa ako sa pagbabago Lux. Wala akong pake kung masira ang career ko o kung ano pero Lux lahat naman ng bagay may
dahilan at siguro ngayon hindi ko nga deserve itong nangyayari sa akin pero sooner or later maiintindihan ko din. Maiintindihan ko na itong nangyari na ito ay kadeserve deserve talaga." Sabi ko dito at ngumiti. Buo na talaga ang isipan ko itutuloy ko ang pagbununtis sa bata dahil alam ko deserve ng batang ito na mabuhay.

"Pero Sienna—may girlfriend ako at mahal ko si Bethina. Ayokong masira ang relasyon na meron kami." Sabi nga nito sa akin na nagbigay ng kirot sa puso ko. Alam naman niya na umpisa pa lang natalo na siya dito pero bakit ang sakit kapag ito na ang nagsabi.

"Huwag kang magalala Lux. Hindi ko naman sisirain ang relasyon niyo ni Bethina at hindi ko din hinahangad na mapanagutan mo ako. Don't worry Lux hindi masisira ang relasyon niyo ni Bethina. I will not meddle into your lives." Sabi niya dito. Gusto na niya maiyak lero nilalakasan niya ang loob niya kapag umiyak siya sa harap nito talong talo na talaga ako.

"Sienna, I'm sorry." Sabi sa akin ni Lux at tinignan ko ito. Nakita ko na may tumulog luha sa mga ito. Hinawakan ko naman ang mukha nito at pinunasan ang luha nito.

"Apology accepted Lux pero siguro ipahinga muna natin ang sarili natin. Masyadong nakakapagod e." Sabi niya dito at hindi napigilan ang pagpatak ng luha.

"Are you saying goodbye?" Tanong nito sa akin at tumango naman Ako bilang pagsangayon dito.

"Maybe. Sorry Lux pero I think goodbye na muna talaga. Sorry." And I love you. Gusto niya sanang sabihin pero hindi niya kaya mabigat ngayon ang nararamdaman niya. Niyapos na lamang niya s Lux at bumitaw na din ng makita niya na may raxi na paparating.

Nang makalapit ang taxi ay pinara niya agad ito at sumakay. Iniwan niya din si Lux na nakatulala. Ituloy niya din ang pagiyak sa loob ng taxi.

Alam niyang masakit pero kakayanin niya para sa sarili niya at para sa magiging anak niya kay Lux. Hindi man ito ang buhay na pinlano niya pero binigay ito sa kaniya at dapat lamang niya ito buong puso tanggapin.

Alam niya din na hindi pa ito ang katapusan ng lahat dahil ito pa lang ang panimula. Panimula para sa bagong kabanata ng kaniyang buhay.

—-
A/n: mahaba haba po ito. Hehehe. I'll leave it here po at nadrain ako sa chapter na ito. Charot. 😂😂😂

Happy Reading. ❤️❤️❤️

Seguir leyendo

También te gustarán

261K 7.7K 21
BARAKO SERIES #7 Isaac Dela Costa ay isang lalaking maginoo pero masyadong bastos. Sa pagiging Philippine Navy nito magaling siya sa sisiran mapatubi...
271K 7.2K 24
EIGTH BOOK OF GENTLEMAN'S QUEEN Ismael and Althea Story Cover by:PANANABELS
277K 8.8K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
64.7K 1K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...