Ferris Wheel

By cursed_name

40 0 0

Another Short Story More

Ferris Wheel

40 0 0
By cursed_name

"Nawili ako sa pagpapaikot mo, minahal kita kahit hindi ko ginusto. Pinaniwala mo akong mahal mo ako, pero 'yun pala may ibang tinitibok 'yang puso mo."

For three long years, naging tagasuporta niya ako. Present ako palagi sa gig niya, sa bawat show at concert nila. Nasa gilid lang ako nagmamasid, nagsisigaw, nanonood at umaasa. Fangirl, kung maituturing. Isang fan na nais mapansin ng iniidolo. Dati okay na sa akin na manood lang sa kanya. Okay lang saakin ang lahat. Kontento na ako sa pasulyap sulyap lang, not until someone dared him.

Nagbago ang lahat. Naging close ko siya, nakakalapit na ako sakanya, nakakausap at nakakwentuhan. Sumasama rin ako minsan sa mga gig nila. Sobrang saya ko nung mga araw na iyon.

A dare would always be a dare. May hangganan rin. Kung kailan natapos ang dare nila, diyan naman ako na trap. Na trap dahil hindi ko alam na unti-unti na pala akong nahuhulog sa kanya. Matagal ko na siyang gusto pero alam kong itong nararamdaman ko, iba na 'to.

Hindi siya ang vocalist ng banda, siya ang bassist. Ang galing niya kung gumamit ng gitara. Ang sarap sa tenga kapag naririnig kong tumutugtog siya. Damang dama ko ang bawat tunog na nililikha niya, para akong dinadala sa langit sa mga himig ng musika niya.

Araw-araw akong nagcha-chat sakanya. Pina-flood ko siya ng mga messages pero walang reply kahit na naka-online siya. Naiintindihan ko pero nasasaktan rin ako. Kasi dati, magdamag naman kami kung mag-usap. Matapos ang tatlong taon kong pagsuporta sakanya hindi ako nagsawa. Patuloy pa rin akong nakasunod at nakabuntot sakanya.

Kung pwede na nga lang siguro akong mag apply bilang PA niya ginawa ko na.

Kasalukuyan akong naghihintay ng reply niya ngayon, alam ko naman na walang kasiguraduhan na tutugon siya. Alas dos na ng madaling araw at ako nalang ang gising dito sa amin.

Tinitigan ko ang aking celphone. Iilan nalang ang mga naka-online. Habang umaasa't naghihintay sa reply niya, naisipan kong i-chat ang isa sa mga online dito sa Facebook. A random guy na nagngangalang Cris.

"Hi," bati ko

Cris: Hello

"Mhuxtah pfouh,"

Cris: Haha! Okay lang, kunware jeje alam ko namang writer.

"Sorry, walang magawa 'e." Tugon ko. Tama siya, isang akong manunulat.

Cris: Okay lang,

"Taga Cebu ka pala," tiningnan ko profile niya and I found out na taga doon siya.

Cris: Oo 'e.

"Nandyan din 'yung taong may hawak ng puso ko." Si Sieth, nasa Cebu kasi siya ngayon may mini concert sila. Sayang hindi ako makapunta ang layo kasi.

Cris: Ganun ba?

"Oo. Tinangay na naman siya ng vocalist nila. Malayo na nga, mas ilalayo pa."

Cris: Ano siya ng vocalist?

"Bassist, Tapos MU kami."

Cris: Ah, malapit na palang maging kayo.

"Hindi. MU lang, mag-isang umibig."

Cris: Oh! Haha akala ko mutual understanding.  Hala! alas dos na pala.

"Oo nga e, hindi ko rin napansin ang oras dahil umaasa pa akong magrereply siya. Pero naalala ko ilang buwan na pala mahigit na hindi na, hahaha!"

Cris: Hala nag emote! Ang sakit niyan ah.

"Siya 'yung katabi ko sa DP." Kwento ko kahit na hindi ko naman kilala ang kausap ko.

Cris: Tatanongin ko sana kaso naunahan mo ako.

"Sana pagkabalik niya tanggapin at basahin niya 'yung libro ko."

Cris: Libro? Yung bagong published mo?

"Oo, para kasing kami 'yung nasa libro 'e. Para sa amin 'yung storya. Sige na Cris, baka inaantok ka na. Salamat ah."

Cris: Sige, magiging kayo din tiwala lang. Akala ko nga nung una husband mo siya."

Napatawa ako sa sinabi niya. Husband?

"Nako, mag dilang anghel ka sana. Pero hindi e, may girlfriend na kasi siya. Maganda. Wala akong laban, pero alam ko, kami ang nakatadhana. Magiging akin rin siya. Maghihiwalay rin sila."

Cris: Hahaha may balak!

"Wala no, alam ko naman talaga na kami ang para sa isa't isa."

Cris: Walang forever!

Merong forever, at ako ang magpapatunay na mayroon. Kami ni Sieth, kami ang tutupad sa salitang iyan.

Matapos ang ilang araw, nakabalik na rin siya dito sa Maynila. Nandito ako ngayon sa labas ng isang building, naghihintay sakanya. Makulimlim at medyo hindi maganda ang panahon. Nandito ako para ibigay sakanya ang regalo ko. Kaarawan niya kasi ngayon. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Tatlong taon na rin at mahigit akong pabalik balik sa lugar na ito. Habang nilalasap ko ang mga alaala ng kahapon, nahinto ako nang makita ko siyang papalapit, siya nga at hindi ako nagkakamali. Nakasuot siya ng sapatos na pula. Pula, ang paboritong kulay naming dalawa. Unti unting nadudurog ang puso ko, ang sakit pala na makitang may kasama siyang iba. Napatingin ako sakanila. Magkahawak kamay silang naglalakad papalapit sa akin. Natulala ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pinikit ko ang aking mata, hindi ko kayang makita na masaya siya sa iba. Makasarili na kung maituturing pero wala akong pakialam dahil masakit.

Naalala ko kung gaano siya ka-protective nun. Hindi niya ako pinapayagan na lumabas dati na mag-isa. Dapat na kapag pumupunta ako sa gig o concert nila may kasama ako. I remember those days na sobrang caring niya, yung tipong pa-fall siya. Sa sobrang pa-fall niya literal akong bumagsak nang malaman kong may girlfriend na pala siya. Akala ko separated lang siya sa asawa niya. 'Yun pala may iba na siya. Sana ako nalang 'yun. Pero hindi e, wala akong laban sa ganda ng girlfriend niya. Sino lang naman ako? Di hamak na babaeng laging nakapantalon na maong at tee shirts

Hindi ko alam kung ano ba ang nagustuhan ko sa kaniya. Idagdag mo pa na sobrang layo ng age gap namin. Twenty-three ako tapos fourty-six naman siya. Sabi nila makakahanap pa raw ako ng ibang lalaking mamahalin. ‘Yung mas bata at ka-edad ko. Pero ayoko, gusto ko siya lang. Hindi naman kasi matuturuan ang puso kung sino ang ititibok nito 'e.

Sabi ng kaibigan ko love is blind daw dahil siya pa talaga ang napili kong mahalin. Pero para sakin love isn't blind, it can see but it doesn't mind. Wala akong pakialam kung matanda na siya. Wala akong pakialam sa pinagsasabi nila. Age doesn't matter at naniniwala ako sa kasabihang 'yun.

Natauhan akong bigla, tumayo ako at lumapit sakanila. Bahala na, kakapalan ko nalang ang mukha ko.

"Sieth," tawag ko. Nagtagpo ang aming mga mata dalawa. Mataman ko siyang tiningnan habang siya naman ay nakakunot noong napalingon saakin.

"Happy Birthday." Sabi ko sabay abot sakanya ng isang pulang gift bag. Nginitian ko siya, wala akong pakialam sa girlfriend niyang matalim kung tumingin sa akin. Ngumiti siya pero isang pilit na ngiti.

"Salamat," 'yun lang ang sinabi niya matapos niyang kunin ang regalo ko. Tumalikod sila at nakikita kong magkahawak kamay silang naglakad palayo sa akin. Napaupo ako, ilang oras rin akong naghintay para lang maibigay sakanya ang mga iyon. Masakit pala na makita siyang nakangiti habang nasa tabi ng iba. Masakit pala na palagi nalang akong naghihintay ng panahon para makausap siya. Pero mas masakit pala na hindi siya halos makatingin saakin, habang kausap ko siya.

Sana ako nalang, sana ako nalang 'yung nakahawak sa kamay niya. Sana ako nalang 'yung kasama niya sa espesyal na araw ng buhay niya. Sana ako nalang din ang babae sa buhay niya. Tahimik akong umalis at naglakad palayo sa gusaling siyang naging saksi ng lahat ng saya at sakit ng buhay ko. Sana sa susunod naming pagkikita, sana suot niya parin yung sapatos na pula, at sana ako na rin ang babaeng nakahawak sa kamay niya.

Umuwi akong ng may pait na ngiti sa labi. Bahala na nga, at least naibigay ko sakanya ang pinaghirapan kong isulat na libro.

Nagdaan ang ilang buwan, ganun parin. Walang pagbabago. Kailan ko ba matatanggap na wala ng pagkakataon? Bakit ba lagi kong naalala ang mga bagay na napag-usapan namin noon. Naalala ko nung sinabi ko sakanya na gusto kong sumakay sa ferris wheel kasama siya. Gusto kong makarating doon sa tuktok para makita ang ganda ng syudad. Sabi niya saakin sasamahan daw niya ako pag mapadaan kami sa mayroon.

Pero parang ibang ferris wheel ata ang tinutukoy niya. Kasi nakaya niya akong paikutin sa kamandag niya. Nakaya niya akong paniwalain na mahal niya rin ako, nakaya niya akong pasakayin sa bawat pag-ikot niya. Akala ko magiging kami na, 'yun pala hindi dahil may mahal siyang iba. Para siyang ferris wheel, nakakalula ang pagpapaikot niya.

"Sieth," sambit ko. Lumapit ako sakanya at diretso siyang tiningnan sa mga mata. Ang mga mata niyang isa sa mga naging dahilan kung bakit patay na patay ako sakanya.

"O, Claire nandito ka pala." Nakangiting tugon niya.

"Matagal na akong nandito Sieth, hindi mo lang ako napapansin dahil abala ka sa iba. Matagal na akong nandito, nagmamahal sayo."

"Claire alam mo namang hindi pwede diba?" Magkasalubong na kilay'ng sabi niya.

"Pwede naman Sieth, pwedeng pwede." Maluha luhang tugon ko sakanya.

"Hindi Claire, hindi tayo pwede dahil bata ka pa. Hindi tayo pwede dahil may mahal akong iba. Hindi tayo pwede Claire dahil masyadong kumplikado ang buhay ko. Matanda na ako Claire, hindi tayo bagay dalawa." naiinis na sabi niya.

"Pero mahal kita Sieth," naiiyak na sambit ko.

"Aanhin ko ang pagmamahal mo Claire kung hindi naman ikaw ang tinitibok ng puso ko. Aanhin ko ang lahat kung iba naman ang gusto nito." Sabi niya sabay turo sa puso niya. Sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya para akong sinampal ng katotohanan. Para akong isang salamin na binasag. Ang sakit na marinig sa kanya ang lahat na hindi kami pwede. Na hindi kami bagay. Na may mahal siya, at hindi ako iyon.

"Makakahanap ka rin ng lalaking magmamahal sa’yo Claire. Makakahanap ka rin ng lalaking handa kang ipaglaban. Ang lalaking bagay sa'yo."

"Pero Sieth, ikaw lang ang mahal ko. Hindi ko na kayang umibig pa ng iba. Kung sakaling kakalimutan kita, kakalimutan ko na rin ang mga bagay na magpapaalala sayo. Kakalimutan ko na rin na buhay pa pala ako."

"Ang sakit mong mahalin. Ang hirap mong abutin, at ang sarap mong bugbugin. Pinaasa mo ako Sieth, ano ang ibig sabihin ng mga bagay na ginagawa mo saakin dati? Akala ko gusto mo rin ako. Ano ang ibig sabihin ng lahat ng iyon?"

"Hindi kita pinaasa Claire, ginawa ko lang ang kailangan kong gawin. Sinunod ko lang ang dare ng mga kaibigan ko. Sinakyan ko lang ang trip nila." Matapos niyang sabihin 'yun ay tumalikod siya at naglakad palayo. Napaupo ako, hindi ko na kaya, ang sakit na. Humagulhol ako ng iyak. Durog na durog na ang puso ko. Ayoko ng mabuhay pa. Ang sakit pala na marinig mismo sakanya. Panahon na siguro para tapusin ko na ito. Tapusin ko na itong buhay ko.

"Miss, sipon mo tumutulo." Napaangat ako ng tingin sa taong nasa harap ko. Inabot niya saakin ang panyo niya. Dali ko itong kinuha at pinunas sa sipon at luha ko. Nakakahiya pero bahala na.

"Anong nangyari sayo? Bakit ka nagdadrama d'yan?"

"Wala, wala namang nangyari." Sabi ko sabay punas ng mga luhang kusa paring tumutulo.

"Nako, kung lovelife yan, mag move on ka na. Wala kasing forever! Tumayo ka nga diyan, ang dugyot mo tingnan!"

"Kuya, napapansin ko lang, hindi ka naman siguro masyadong hard no?"

"Nako hindi talaga. Mabait ako 'e. Tinulungan pa nga kita. Tsk! halika na, tumayo ka dyan." Sabi niya sabay lahad ng kamay niya.

"Huh, bakit?" Kunot noong tanong ko. Panira to, nagmomoment pa ako 'e. Ang sakit pa kasi 'e.

"Tumayo ka dyan, ituro mo sa akin kung saan ang kainan dito. Kakarating ko lang kasi galing Cebu. Nagugutom na ako."

Tinanggap ko ang kamay niya.

"Bilisan mo uhugin, nagugutom na ako."

"Sakit mong magsalita!"

"Totoo naman kasi,"

Sumama ako at itinuro sakanya ang kainan. Kahit papano'y nakalimutan ko sandali ang problema at sakit na idinulot ni Sieth ng dahil kay?

"Sino ka nga pala?" Tanong ko sabay nguya.

"Cris, ako si Cris ang lalaking magmamahal sayo ng totoo." Napatawa ako sa sinabi niya. Hindi ko na kayang magmahal pa, siguro hindi na.



Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 158K 48
Paano kapag pinagbigyan ni tadhana na mapalapit ka sa tao na sobra mong iniidolo?
89K 145 55
Enjoy
524K 19.2K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"
855K 40.7K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle