So Close Yet So Far

By dorothyhowl12

4K 138 32

Meet Vice.. . gay, mayaman, suplado pero very caring sa mga taong mahalaga sa kanya, masungit, at may-ari ng... More

White Mocha Latte
Elevator
Tapsilog
Fire Exit
Office Outing
Scavenger Hunt
Bike
Bag
Truth
Paperbag

Concert Tickets

314 12 2
By dorothyhowl12

-FAST FORWARD TO NEXT WEEK-

Nasa airport na si Vice, Tye at ang team niya na pupunta ng Paris para sa kanilang company project. Di man aminin ni Vice ay sobra siyang nalulungkot dahil sa pag-alis nito. Ipinapakita lang niya kay Tye na pagiging super supportive niya dito. Pero curious siya, kung magiging selfish ba siya at hindi niya ito papayagan umalis mas pipiliin ba ni Tye na magstay?

Tye: Babe, bakit parang di ka man lamang malungkot na aalis ako?

Vice: Hindi. Ikaw naman. Tapang-tapangan lang ako no.

Tye: Wag kang mag-alala, mabilis lang ang 6 months.

Niyakap nila ang isa't isa.

Vice: I'll miss you.

Pumasok na sina Tye sa check-in. Ayaw na ring magtagal ni Vice sa airport kaya ito ay dumiretso na pauwi sa kanila. Para mawala ang kanyang lungkot, nabanggit niya kay Tye na manonood na lang siya ng concert ni KZ Tandingan nung araw na rin na yun mismo. Kaya sinamahan siya ni Tye na magbook ng seat at pinili niya sa pinakaharap.

-CONCERT-

Dumating na si Vice sa concert arena at naupo sa kanyang designated seat sa pinakaharap. Unti-unti ng nawawala ang kanyang lungkot dahil sa ambiance ng lugar. Pinagmamasdan niya ang design ng stage ng naramdaman niya na may umupo na sa kanyang tabi.

Vice: Jackie!?

Jackie: Ms. Vice? kayo po pala yan! (sabay ang isang napakagandang ngiti)

Vice: Bakit nandito ka? 

Sasagot na si Jackie ng biglang naglean paforward ang katabi ni Jackie sa left.

Yam: Hello po Ms. Vice!

Vice: Hello Yam. Ah magkasama kayo ni Jackie?

Yam:Ay opo magkasama kami.

"Wow kay Yam nag-hello. Sakin,  tinanong kung bakit ako andito. T_T", naisip ni Jackie.

Biglang nagdim ang lights. Magsisimula na ang concert. Tumingin na sa harap si Jackie para manood. Pasimple namang tiningnan ni Vice si Jackie. Bahagyang dumaan sa mukha ni Jackie ang isa sa mga stage lights. Sa halip na panoorin ni Vice ang masayang performance sa stage, napatitig lang siya kay Jackie. Mas lalong nagstand out ang ganda nito dahil sa effects ng light, ngayon lang napansin ni Vice ang cute niyang mga dimples habang ito ay nakangiti. Her face glowed as the lights touched her beautiful face. Biglang pumasok sa kanyang isip, "Yan ang gandang pipiliin ko, kapag ang puso ko ay naguguluhan na." Napalingon naman sa kanya si Jackie kaya dali siyang tumingin ulit paharap.

"Ano nanaman ba tong naiisip ko? Naniniwala na talaga akong may ibang tao dito ngayon sa utak ko.", naisip ni Vice ng bigla siyang matauhan sa pagsisimula ng pagkanta ni KZ. Lumipas ang isang oras at sobra niyang nadama ang bawat performance, lalo pa ng kantahin ang Nadarang na ngayon ay isa sa mga paborito niyang kanta.

KZ: Let me share with you some of the memorable theme songs na pinalad akong kantahin through the years. And this time pwede bang bumaba ako at humanap ng ka-duet?

Nagsimula na magplay ng introduction ang banda para sa kantang "Till My Heartaches End". Unti-unting bumaba si KZ sa stage habang kinakanta ang first verse. Nagpunta sya sa right side ng stage ang kinuha ang inabot na mic ng staff. Tumataas ang kaba sa dibdib ni Vice habang papalapit sa upuan niya si KZ, at tuluyan na itong sumabog ng tumigil si KZ sa harap niya at inabot sa kanya ang mic.

*Video added para mas feel ^-^ you can start po sa 1:19*

Umupo na muli si Vice matapos siyang kumanta. Napansin niya na nakatitig lang sa kanya si Jackie. Mas naging matindi pa ang kanyang kaba kesa sa nung inabit ni KZ sa kanya ang mic.

Vice: Bakit ka nakatingin sakin?

Jackie: Ang galing niyo po Ms. Vice. Ang ganda po pala ang boses niyo pag kumanta. (nakangiti niyang sabi)

Ngingiti na sana si Vice sa narinig pero pinigilan niya ito. Tumingin na lang siya muli sa stage. Pero, habang pinapanood niya ngayon ang kumakanta na muling si KZ, nasambit niya ng napakabilis ang "Thank you."..

Biglang lumingon sa kanya si Jackie.

Jackie: Ano po yun?

Tumingin siya kay Jackie, sa mga mata nito, at sinabing, "Salamat." --  Salamat at napapangiti mo ako ngayon na ako'y malungkot. Hindi ko rin alam kung bakit at paano, pero napapasaya mo ako.

Jackie: Ibig sabihin po ba nun...

Vice: Oo na. Pinapatawad na kita. 

Jackie: Yehey! Thank you po Ms. Vice! ^-^

-LABAS NG CONCERT ARENA-

9 pm ng matapos ang concert ni KZ. Naisip ni Vice na dumaan muna sa restaurant para mag dinner. Naisip niya na isama si Jackie sa dinner para mas makausap pa ito. Kaso baka magtaka siya kung iinvite ko siya kasi di naman kami close. Alam ko na, una kong yayayain si Yam.

Vice: Yam, kumain na ba kayo ni Jackie ng dinner?

Yam: Ay hindi pa po Ms. Vice.

Vice: Sumabay na kayo sakin, plano kong magdinner na along the way.

Yam: Naku, di na po kami maka----

Jackie: Sige po! (kasabay ng pagkakasabi ni Yam)

Nakita ni Vice na biglang hinila ni Jackie si Yam at may binulong siya rito. Kumunot ang noo ni Vice. Sila ba ni Yam?? bakit parang sobrang close na nila agad eh mag-iisang linggo palang ata silang new hire. Matagal na kaya silang magkakilala?.

Napakamot si Yam sa kanyang batok, habang si Jackie naman ay nakangiti kay Vice.

Yam: Sige po pala. Sabay na kami ni Jackie sa inyo.

-SA LOOB NG SASAKYAN NI VICE-

Nakaupo si Vice sa harap, at magkatabi naman sa likod si Jackie at Yam. Binaba niya ang sun visor ng sasakyan at nagpanggap na nag-rereapply ng lipstick, pero ang totoo ay tinitingnan niya si Jackie at Yam sa likod.

Vice: Ilang taon ka na Yam?

Yam: 24 po.

Vice: How about you Jackie?

Jackie: 24 rin po.

Vice: Matagal na ba kayong magkakilala ni Yam?

Jackie: Ay, hindi po. Nagkakilala lang po kami kasi kami yung sabay na new hires ni sir Tye.

Yam: Mukha po ba kaming matagal ng magkakilala? Eto po kasi si Jackie feeling close.

Sabay ang tawa at pag pinch sa gilid ni Jackie.

Jackie: Ikaw kaya ang feeling close diyan! -- nakangiting sagot nito.

Di na sumagot muli si Vice, at naging tahimik na sa loob ng sasakyan. 

Jackie: Uhmm.. Ms. Vice, nag-enjoy naman po kayo sa concert?

Vice: Yes I did. Favorite kong singer si KZ.

Habang nakatingin sa sun-visor, napansin niya na nilalamig na si Jackie dahil kanina pa nito niyayapos ang kanyang sarili. Tatanggalin na sana ni Vice ang kanyang coat at iaabot kay Jackie ng makita niya si Yam na tinanggal ang suot nitong jacket at ipinasuot kay Jackie. 

Jackie: Salamat. Napansin mo pala.

Yam: Oo naman. Ayan o para ka ng bangkay diyan sa kulay ng mukha mo.--- sabay tawa.

Dali-daling binuksan ni Jackie ang camera ng kanyang phone at tiningnan ang kanyang mukha.

Jackie: Loko ka talaga!

Padabog na itinaas ni Vice ang sun-visor. Nakaramdam siya ng inis kay Yam at hindi niya alam kung bakit.

Vice: I've changed my mind. Ayoko na palang magdine in. Mang Carding, find the nearest drive-through then diretso na tayo sa bahay. Pakihatid na lang si Jackie at Yam after.

Kung makikita ko  lang kayo na ganyan wag nalang. Baka mabwisit pa ako. 

Nagkatinginan si Yam at Jackie. Nagulat na lamang sila sa nangyari. After bumaba ni Vice, si Yam naman ang hinatid ni Mang Carding at huli si Jackie.

Jackie: Salamat po Mang Carding! Pero okay lang po ba wait lang kayo diyan saglit? May ipapaabot po sana ako sa inyo kay Ms. Vice.

Dali-daling pumasok si Jackie sa kanilang bahay. Dumiretso siya sa ref at kumuha ng Leche Flan. Binalot niya ang mga ito sa plastic kasama ang lalagyan at nilagay sa paper bag. Nagsulat siya sa post-it note at nilagay rin ito sa loob ng paper bag.

Jackie: Mang Carding, pakibigay naman po ito kay Ms. Vice. Kuha po rin kayo ng isa. Marami naman po yan. Salamat po ulit!

-REPLAY TO 3 DAYS BEFORE TYE'S FLIGHT-

Nasa office ni Tye si Jackie at Yam dahil pinatawag sila nito.

Tye: Hi Jackie and Yam, good news. I have free tickets for you guys, front row seats sa concert ni KZ this Saturday.

Jackie: Wow sir! Thank you po!

Yam: Pero sir, bakit niyo naman po kami binilhan ng tickets?

Tye: Okay, I'll be honest with you, kaya ko talaga kayo binilhan ng tickets ay dahil gusto kong malaman from you guys kung ano ang lagay ni Vice. That day rin kasi ang alis ko. Sure kasi ako na di niya sasabihin sakin yun kapag ako ang nagtanong. Then shoot me a message after that. Favor ko na rin... na kahit mga one week sana. Give me an update on how he's doing.

Jackie: Nako Sir, kahit wala pang free tickets gagawin namin.

Yam: Ako sir, basta may free tickets.

Tiningnan siya ng masama ni Jackie.

Yam: Joke lang po!

Jackie: Pero sir, bakit po kami ang napili niyo?

Tye: Uhmm..sabihin ko sa inyo......after matapos yung one week na yun. (nakangiti niyang sagot)

Jackie: Si sir talaga oh! Pero sir pano po pala yun eh lagi lang naman kming asa 5th floor.

Tye: Don't worry. I've arranged something. First assignment niyo narin sa work. Nainform ko na ang accounting department ng company ni Vice na gagawan niyo sila ng automation software. Aware narin Vice pero di niya alam na kayong dalawa ang gagawa.

-BACK TO PRESENT-

Nakahiga na si Jackie ng maalala ang pinuntahang concert. Sobrang saya niya dahil first time niyang mapanood sa concert si KZ. Lagi lang niyang naririnig ito sa TV or youtube pero kanina, personal na niyang napanood. Iba talaga ang feeling ng live. Pero hinding-hindi niya malilimutan ang duet nila ni Vice ---

Habang kumakanta sila ay nakatitig si Jackie kay Vice. Kitang-kita sa mga mata niya ang lungkot. They way his eyes and his shoulders are moving you can see the hurt , and as well as the tiredness in his face. Tagos sa puso. Gusto ko siyang yakapin, para kahit papano maramdaman niya na di siya nag-iisa. Nandito ako, para sa kanya. Her heart skipped a beat habang nakikinig sa boses ni Vice.

Natapos ang kanta nila ang muling umupo si Vice sa tabi niya. Di na napansin ni Jackie na di parin niya inaalis ang titig niya kay Vice. Nag-eecho parin sa kanya ang kanta nila ni KZ.

Vice: Bakit ka nakatingin sakin?

Nakupo lagot T_T Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya. Isip ka ng palusot Jackie bilis!

Jackie: Ang galing niyo po Ms. Vice. Ang ganda po pala ang boses niyo pag kumanta. (nakangiti niyang sabi)

Nakabuntong-hininga na lamang si Jackie habang nirereplay ang moment na yun sa kanyang isip. Pero palaisipan parin sa talaga kanya ang biglang pagbabago ni Vice ng isip sa dinner.

Jackie: Ay siomai!! 

Nagulat si Jackie sa tunog ng kanyang cellphone.

*Unknown number calling*

Sinagot niya ito.

Jackie: Hello? Sino po ito?

Vice: Hello Jackie.

Jackie: Ms. Vice!?

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 291K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
141K 7.7K 40
𝐁𝐎𝐎𝐊 πŽππ„ πŽπ… π“π‡π„πˆπ‘ π…π€πˆπ“π‡ π’π„π‘πˆπ„π’ Aarohi and Siddharth's tale began unexpectedly at her brother's wedding. Their connection spa...
1.5M 113K 43
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
3M 95.8K 28
"Stop trying to act like my fiancΓ©e because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...