Just Today

By CamsAnn

7.9K 266 79

I saw weakness in his smile when he told me... "I wish I knew you earlier." More

Note
Simula
Kabanata 1: Ngayon
Kabanata 2: Itim at Puti
Kabanata 3: Balang Araw
Kabanata 4: Maririnig
Kabanata 5: Noon Pa
Kabanata 6: Malapit
Kabanata 7: Kanta
Kabanata 8: Hiling
Kabanata 9: Kahinaan
Kabanata 11: Babalik
Kabanata 12: Huminto
Kabanata 13: Nakakahanga
Kabanata 14: Mapapasaya
Kabanata 15: Manliligaw
Kabanata 16: Pananaw
Kabanata 17: Sarili
Kabanata 18: Matapang
Kabanata 19: Kaibigan
Kabanata 20: Makikinig
Kabanata 21: Dumating Na
Kabanata 22: Tanong
Kabanata 23: Nagbabago
Kabanata 24: Litrato
Kabanata 25: Hustisya
Kabanata 26: Kahawig

Kabanata 10: Iiwan

180 8 4
By CamsAnn

Kabanata 10: Iiwan

Daughtry - Home

///

Sophomore - Junior Year
High School

Si Lola ang nagkwento sa 'kin ng sitwasyon. Gusto niyang mamulat ako at intindihin ang mga nangyayari. Sa pinagtatrabahuhan daw ni Papa, hindi maganda ang pakitungo ng Manager sa kanya. Madaling pakisamahan si Papa kaya magaan ang loob sa kanya ng mga kasamahan sa trabaho at kahit mga higher boss ay malapit sa kanya.

     Pero nagkaro'n ng issue dahil sa isang babaeng katrabaho na may asawa na. Siniraan siya ng Branch Manager niya. Noong una, walang naniwala. Alam naman daw kasi ng halos mga kasamahan na hindi palagay ang manager kay Papa. Pero lumala nang naging tahimik 'yung babae. Parang sinasadya niyang ipaisip sa iba na totoo 'yung issue. Kalaunan, nag-resign 'yung babae at hindi man lang nilinaw 'yung katotohanan na wala silang relasyon ni Papa.

     Gano'n din ang paliwanag sa 'kin ni Mama nang pinilit ko siyang sabihin sa 'kin 'yung totoo. Pero may iba pa rin daw issue tungkol sa mga kliyente nila at sa mga investment. Ayaw na rin niyang ipaliwanag.

     "Hindi na kita nakikitang nagte-text a?" bungad sa 'kin ni Grace nang puntahan niya ako sa 'min isang araw.

     Nandito kami sa may garden at nagbabasa ako ng isang english novel.

     "Parang nakakatamad na kasi. Kaya bihira na lang. Sumasakit din kasi ulo ko, saka pinapagalitan na 'ko ni Lola," sabi ko naman.

     Tumango-tango siya. "Dahil rin sa stress 'yan," sabi niya. Alam niya kasi ang issue sa pamilya namin.

     Tumunog ang cellphone ko sa isang text message. Si Grace ang kumuha no'n at nagbasa.

     "Mukhang hindi ka na interesado sa friendly text gaya ng sinasabi ng iba. May pinagdadaanan ka ba ngayon?'" pagbasa niya ro'n. "Huy fren sino 'to?" tanong niya.

     "Hindi ko alam e. Pero schoolmate ko raw siya. Senior. Lalaki. At fan ko raw siya, hindi ko nga alam kung bakit."

     "Hindi 'to makalapit sa 'yo, baka nai-intimidate o natotorpe, kaya dinaan muna sa text," natatawa niyang sabi.

     "Bakit mo naman nasabi?"

     "Kasi lahat naman ng ka-text mo dati kilala mo na muna in person 'di ba? Eto hindi pa."

     Napaisip naman ako sa mga nakaraang message ng taong 'yon. "Gusto rin daw niyang magpakilala kung okay lang sa 'kin. Kaso baka raw mas gusto ko ng kausap na hindi ko kilala. Ewan."

     Tuloy lang siya sa pagtingin sa phone ko. "Grabe ilang months ka nang tine-text o! Pansinin mo naman!"

     "Nasubukan ko na mag-reply," sabi ko.

     "Ay oo nga 'no," sabi ni Grace nang mas binasa ang ibang mensahe. "May kailangan ka ba sa 'kin?... Pakikipagkaibigan?... That's nice but after that what? Baka magpapa-drawing ka lang or pinagti-trip-an mo 'ko... Hindi. I just really admire you, but I'm fine with friends..." pagbasa niya sa usapan.

     Kinuha ko na sa kanya ang phone. Masyado na kasi niyang binabasa lahat.

     "Oh my goodness kaibigan bakit hindi mo ni-reply-an 'yun! Bwisit ka!"

     "Nangti-trip lang siguro 'yan," sabi ko at nagpatuloy na sa pagbabasa.

     Hindi ko na naririnig na nag-aaway sina Mama at Papa sa mga nakaraang buwan pero hindi na sila gano'n kasaya tulad dati.

     Nahihirapan akong mag-focus sa pag-aaral pero tuwing naiisip ko ang paghihirap ng pamilya, ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para magpursigi.

     "Selina..." tawag sa 'kin ni kuya isang araw na nakatulala ako sa harap ng painting sa bakuran.

     "Bakit?" tanong ko.

     Umupo siya sa tumba-tumba ni Lola habang kinakain ang chocolate bar na hawak. "'Wag mong masyadong isipin ang problema ng pamilya. Ang bata mo pa para mamroblema," sabi niya.

     Napangiti ako. "Ikaw ba kuya, pinoproblema mo?" tanong ko.

     "Oo. Kaming matatanda na ang bahala ro'n. Ikaw, 'wag kang makonsensya na mag-enjoy. Papangit ka lalo niyan."

     I smirked. "Pero bata ka pa rin kuya," napaisip kong sagot.

     Natawa lang siya sa 'kin at kinain ang chocolate niya. Na-realize kong napapansin niya 'yung pagiging malungkot ko sa mga nangyayari. Iniisip niya rin ang lagay ng pamilya. Ang online games ay distraction lang din sa kanya.

     Gaya ng sabi ni kuya, sinubukan kong mag-enjoy na gaya ng dati.

     Tumunog 'yung cellphone ko, may message galing sa lalaking hindi ko pa nakikilala. Hindi siya madalas mag-text kaya hindi naman siya 'yung tipo na nakakainis.

     'Kung nalulungkot ka sa buhay, sana malaman mo'ng importante 'yung existence mo sa mga taong nagpapahalaga at humahanga sa 'yo.'

     Napangiti ako at sinubukang sagutin 'yon.

     'Talaga lang a?'

     Ilang sandali, nag-ring ang phone ko. Tumatawag siya. Kinabahan ako pero sinagot ko pa rin 'yon.

     "Ahm... Hi... Sinagot mo," bungad niya. Malalim ang boses niya.

     "Lalaki ka talaga a. So, pinagti-tripan mo ba 'ko?" tanong ko at napangisi.

     "Hindi kita pinagti-trip-an. Kung gusto mo, magpapakilala na 'ko sa 'yo. Nasa school ka pa ba?"

     "Wala... Pero sa totoo lang marami kasi akong iniisip ngayon. Pasensya na. Alam kong palakaibigan ako noon at baka nabalitaan mo 'yon, pero ngayon kasi hindi na masyado."

     "I see. Love life problem? Sorry, baka lang may maitulong ako," nag-aalangang sabi niya.

     "Family..."

     "Same with me. Hindi kita pipilitin magsabi pero balang araw, kung gusto mo nang ibang masasabihan... Pwede ako..."

     Napahinga ako nang malalim. "Okay. Thank you," I said, appreciating his kind words. "Bye..."

     Pagkatapos ng tawag na 'yon, nagme-message pa rin siya minsan ng inspiring words. Hindi gano'n kadalas, tama lang sa mga panahon na sobrang down ako.

     Sometimes, I would reply to say thank you for the encouraging words.

     Kapag humahaba ang usapan, nakakapagkwento siya ng mga problema niya tungkol din sa pamilya. May sakit pala ang nanay niya. Nakikinig din ako sa mga kwento niya. Nagpapalitan kami ng malalalim na opinyon tungkol sa buhay, sa pamilya, at sa mundo.

     That's when I started to appreciate the beauty of the unknown. By not knowing him personally, I can not judge his words and thoughts as compared to his real life.

     'Saka ka na lang magpakilala.'

     'Pero kakausapin mo pa rin ako?'

     'Kung mabuti kang kausap, oo.'

     'Susubukan kong maging mabuti?'

     I laughed. Pinangalanan ko siyang 'star' sa contact list ko. At kahit papa'no, hindi ko man siya kilala personally, nararamdaman kong mabuti naman siya. Isa pa kung sakali mang pinagti-trip-an lang niya 'ko, bahala na siya.

     "Nahihilig ka na naman sa pagse-cellphone apo a," sabi sa 'kin ni Lola minsan.

     Nag-i-sketch ako no'n pero ka-text din si Star.

     "Okay po kasing kausap 'yung bago kong kaibigan La, naikukwento ko sa kanya 'yung ilan sa mga problema ko."

     "Mapagkakatiwalaan naman ba 'yan?"

     "Hindi ko po sigurado 'yan Lola. Pero hindi rin naman ka-share-share sa iba 'yung mga problema ko. Bahala na po siya, wala naman akong sinasabi na sobrang pagsisisihan ko kung sakali. Pero La masaya pala'ng pagsabihan 'yung taong hindi mo kilala?"

     "Paano mo naman nasabi?" tanong niya.

     Huminto muna ako sa pag-i-sketch at nag-isip saglit. "Gaya po ng problema sa pamilya. Ayokong ikwento kina Elaine kasi ayaw kong mahawaan sila ng lungkot ko. Kasi mahihirapan silang mag-enjoy kasama 'ko kapag alam nilang ang dami kong iniisip."

     "Kaya 'yung bago mong kaibigan ang pinagsasabihan mo ng mga nasa loob mo?"

     "Opo. Kasi siguro, hindi ko naman kailangan ng maraming advice. Gusto ko lang po ng taong handang makinig."

     "Kung mabuti siya, mas kilalanin mo nang personal apo, 'wag 'yung sa mga nauusong paraan ng pakikipag-usap ngayon. Dahil iba ang mundo ng teknolohiya sa realidad..."

     Napangiti ako at alam kong tama siya. "Opo La."

     Natuwa ako nang matapos ko ang dalawang sketch sa araw na 'yon. Mula noong nalaman ko ang mga problema ni Papa, hindi na 'ko nakapag-drawing ulit. Ngayon na lang ulit.

     Kailan lang bumalik ulit ang focus ko at ang lakas para gawin 'yung mga bagay na gusto ko.

     "Sorry Lola, ngayon ko lang po natapos 'tong sketch mo," sabi ko at ipinakita ang natapos ko.

     Noon ko pa 'to nasimulan. Naaalala kong sobrang masaya pa ang lahat noong inumpisahan ko ang drawing na 'to. Ngayon, tinapos ko kung kailan magaan na ulit ang pakiramdam ko.

     Sa isang portion ng bakuran namin, ang naisip kong i-paint ay night sky na may mga star.

     Sinuportahan ni Papa ang idea kong 'yon at tinulungan niya akong mas mapaganda ang itsura ng painting.

     Ikinwento ko kay Star ang mga painting sa bakuran namin. Hinikayat ko pa siya na magkwento rin tungkol sa sarili niya. Nito kasing huli, mas gusto niyang makinig sa mga kwento ko kaysa mag-share ng tungkol sa buhay niya.

     'Kung talent... Kumakanta ako.' Pagsisimula niyang magkwento.

     'Mahilig ka sa mga banda?' Reply ko sa text niya.

     'Oo. Naging part ako ng isang banda.'

     'Wow! Seryoso?'

     'Oo kaso kakaalis ko lang do'n.'

     'Bakit? Nagkahiwa-hiwalay na kayo?'

     'Hindi. Ako lang ang naalis sa banda. Gusto ko sanang makilala mo 'ko one day bilang parte ng isang banda. Kasi 'di ba mahilig ka sa music. Kaso ayon...'

     'Ano ba'ng nangyari?'

     'Nagkaproblema sa samahan.'

     'Away? Sinong may kasalanan?'

     'Minsan kasing nag-sub sa 'kin bilang vocalist yung isang kaibigan ko. Mula no'n bigla na lang napalayo sa 'kin 'yung banda. Nag-iba 'yung pakitungo nila. Hindi ko alam kung siniraan lang ako pero baka ayaw rin talaga ng iba sa ugali ko. Not sure really. Umalis na lang ako. Ayoko kasing sa kanila pa manggaling.'

     'Nasaan na sila ngayon?'

     'Buo pa rin sila. New vocalist.'

     'At 'yung vocalist ay 'yung kaibigan mo na nag-sub sa 'yo?'

     'Yup.'

     'Unfair! May totoong kaibigan ka naman siguro kahit isa lang do'n sa banda na kakausapin ka nang maayos.'

     'Syempre mayro'n, may kumausap sa 'kin, 'yung drummer namin, kababata ko.'

     'Anong sabi? Siniraan ka ba kaya gano'n?'

     'Concern ka ba? Nakakatuwa kung oo. Pero gano'n nga ang nangyari. Ayokong sisihin siya sa lahat kahit gano'n, I guess misunderstanding din. Atleast I learned life lessons, and true friendship.'

     'That's nice. Pero 'di bale, kung genuine ka, alam ko makakahanap ka pa ng mga bagong kaibigan. At kung talented ka ngang vocalist, makakabuo ka ulit ng bagong banda. Be patient lang, hindi naman agad dumadating 'yung mga totoong kaibigan. Minsan unexpected.'

     'Salamat. Magandang motivation 'yan.'

     Unti-unti, nakalimutan ng iba kahit papaano ang issue. Naging masaya ulit ang pamilya lalo na nang naka-graduate na ng college si Ate Caylee. Proud na proud kaming lahat. Ako naman, nakapasok din sa top students ng klase kaya sobra ang saya ni Mama no'n. Gusto niyang marami kaming naa-achieve.

     Nakahanap agad ng trabaho si ate na malapit lang sa lugar namin. Nakakatulong na siya sa mga gastusin sa bahay.

     Dumating ang junior year ko sa high school habang si Star ay nasa college na. Nanatili kaming magkausap kahit na hindi gano'n kadalas. Naging busy rin kasi siya sa pag-graduate at pag-apply sa college.

     Isang araw, kakababa ko lang ng jeep nang maabutan ko si Papa na nagtatanggal ng damo sa may labas.

     Nang makita niya 'ko, huminto siya at nagpahinga. Umupo kami sa may upuang kahoy sa labas ng gate at nagkwentuhan hanggang sa lumalim na 'yung usapan. Kinumusta rin niya ang pag-aaral ko.

     "Ayun masaya lang. Exciting. Minsan naman po boring o kaya mahirap. Maraming feels Pa, siguro kasi iba na ang panahon ngayon, alam mo na, masyado nang advanced kaya ang mga kabataang gaya ko, iba na rin mag-isip."

     Ngumisi naman siya. Sa ekspresyon niya, parang may inaalala siya, siguro 'yung panahon niya?

     "Growing up. Marami talagang pagbabago dyan. Alam mo anak, sa buhay may mga pagkakataon pa 'yan na kukwestyunin mo 'yung halaga mo. Minsan feeling mo wala kang kwenta saka parang wala nang patutunguhan ang buhay. 'Pag dumating sa 'yo 'yung gano'ng pag-iisip, tandaan mo lang na may Papa ka na idol na idol ka, maliwanag ba?"

     Medyo nakakalungkot 'yung sinabi niya pero natuwa ako sa huli niyang linya. Pero nararamdaman kaya 'yon ni Papa? Na parang wala siyang halaga?

     "Medyo nakakaiyak po 'yan Pa a! Ang lalim!" sabi ko at ngumiti.

     "Magbi-birthday ka na kasi. Tatanda ka na naman. Kailangan mo ng ganitong mga linyahan."

     Nakatingin kami sa mga dumadaan na mga sasakyan at sa mga napapadaan na naglalako ng mga pagkain.

     "Kapag magka-college ka na sa syudad tapos 'pag nagtatrabaho ka na, syempre malalayo ka na sa 'min. Maraming mga pagsubok sa buhay. 'Di ba 'yung Mama mo gusto lagi kang may honor sa school? Nako sa 'kin e basta nakakatulog ka nang sapat at kumakain nang maayos okay na! At walang tinatapakang tao, yan ang mahalaga."

     Napangisi ako at inakbayan siya. "Alam ko 'yun Pa. Hays, love na love mo talaga 'ko." Napaisip naman ako. "'Di ko rin naman ine-aim 'yung honors o awards. Pero gusto ko lang din talaga na nag-aaral mabuti. Alam kong one way or another, magagamit ko 'yung ilan sa mga pinag-aralan ko pagsabak sa real world," sabi ko at tumayo na.

     "Good. Basta anak ha, 'wag kang papatalo sa mundo. 'Wag susuko. Alam kong malakas ka at kaya mo ang sarili mo. Eto o... from your coolest tatay," sabi niya at nagpagpag ng kamay bago may iniabot na kahon galing sa bulsa niya. Advance birthday gift?

     Binuksan ko agad 'yon. Isang silver na kwintas na may maliit na plain butterfly-shaped pendant. Ang simple pero ang ganda!

     "Pa ang ganda! Alam mo talaga ang gusto ko!"

     Nginitian niya lang ako at pumasok na kami sa loob ng gate. Nadaanan ko ang painting ng night sky at nakitang sobrang gumanda 'yon! May mga detalyeng nadagdag na isang magaling na artist lang ang makakagawa.

     "Pa napakaastig!" sabi ko at nilapitan 'yon.

     Hinawakan ko ang star na nasa painting.

     "Ang galing ng star 'no Pa? Hindi laging nakikita pero alam mong nandyan lang," sabi ko.

     "Ang tinutukoy mo ata 'yung lagi mong ka-text na lalaki," natatawa niyang sabi. "Baka naman gusto mo na 'yon? Magpakilala muna siya!"

     Natawa rin ako. "Pa hindi. Kaibigan ko 'yun. At kung sakali man na may gusto ako na gusto rin ako, ipapakilala ko 'yun sa 'yo."

     "Mabuti naman kung gano'n. At nga pala anak, baka hindi ako makauwi sa birthday mo. May kailangan akong pupuntahan sa araw na 'yon. Baka kinabukasan no'n na 'ko makauwi rito.

     Nalungkot man ako pero tinanggap ko naman agad. Taon-taon naman kasing nandyan si Papa sa birthday ko.

    "Sige Pa. No problem," sabi ko.

     Nang dumating ang kaarawan ko, nagkaro'n lang ng simpleng handaan sa bahay, hapon pagkauwi galing school. Inimbita ko sina Grace, Jack, Elaine at mga malalapit kong kaklase.

     'See you...' Isang message na natanggap ko.

     Inimbitahan 'ko no'n si Star para rin magpakilala na. Late nga lang siyang dadating dahil exam nila para sa semester na 'yon. Hanggang gabi ang klase nila.

     May kasamang mga kakilala si Jackson. Isang banda. Lima sila. Alumni daw ng school namin ang ilan sa mga 'yon.

     "Hi Criselina Elisse, I'm Adrian," bati sa 'kin ng sabi ni Jack na vocalist no'n.

     "Hello, kain lang kayo a enjoy," sabi ko naman.

     "Nakilala ko siya through common friends. Kilala ka rin niya. Medyo makulit. Gusto ka raw niyang mas makilala kung pwede. Kung popormahan ka man, tignan muna natin kung matino," bulong ni Jack.

     "Nakita ko 'yung mga drawing mo online. Ang galing grabe!" sabi nung Adrian.

     "Magpapa-drawing ka siguro?" tanong ko.

     Bigla naman siyang natawa. Parang ang saya-saya niya. "Hmm. Pwede ba?" sabi niya at ngumisi. "Just kidding."

     Sinakyan ko lang 'yung kalokohan niya, sunod ay pinuntahan ko ang iba ko pang mga bisita.

     Nang nakita ako ni Mama, niyakap niya 'ko at tinitigan mabuti. "Parang kailan lang nasa kindergarten ka pa anak," sabi niya at ngumiti.

     Nginitian ko siya at in-appreciate ang atensyong ibinibigay niya sa 'kin ngayon. Minsan lang kasi siya ganito pero hindi naman ako nagtatampo dahil tanggap ko na hindi siya sobrang expressive sa feelings niya.

     Pumunta ako sa loob ng bahay para kumuha pa ng mga baso nang marinig kong nag-uusap sina ate at kuya.

     "Pa'no si Crisel? Birthday niya ngayon!" May pag-aalala sa boses ni Ate.

     "Hayaan mo na 'yang handaan na 'yan! Pumunta na tayo sa ospital!"

     "Kay Mama muna natin sabihin, kawawa naman si Crisel."

     "Kailangan niyang malaman. Tatay niya 'yon, mahal na mahal niya 'yon," dinig kong sabi ni Kuya. May diin ang bawat salita niya.

     Nakasalubong ko sila nang lumabas ako sa kusina. Kitang-kita ko 'yung gulat sa mga mukha nila.

     Pumasok rin sina Mama at Lola at naabutan kaming tatlo.

     "Ma, Crisel, m-may tumawag, mula sa ospital. N-naaksidente si Tito. Ang Papa mo C-crisel," sabi ni Kuya.

     Nanghina ako at tumibok nang malakas at mabilis ang puso.

     "A-ano raw ang lagay niya? Humanda kayo, pupunta tayo ro'n," Natataranta si Mama at hinawakan ang braso nina Kuya at Ate.

     Unti-unting nagsalita si Ate. "W-wala na siya."

     Napaupo ako sa sahig at napayuko. Nag-uunahan sa pagbagsak ang mga luha ko.

     Naramdaman kong may humawak sa kamay at likod ko. At ramdam kong si Lola iyon.

     Kahit na nanlalabo na ang mga mata ko, natitigan ko 'yung kwintas na suot ko. Paru-paro. Naisip ko 'yung huling pag-uusap namin, 'yun na ba 'yon? Hindi... Hindi pwede. Sinabi niyang uuwi siya kinabukasan ng birthday ko. Hindi ako iiwan ni Papa.

///

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
604K 15.4K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
28.5M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...