BITTERSWEET-first half

By IAmRhenren

1.8K 206 18

"bakit kailangan masaktan pa tayo kapag nagmamahal?.. why there is always a BITTER side in a SWEET word call... More

BITTERSWEET-first half
Chapter-One
Chapter-TWO
Chapter-THREE
Chapter-FOUR
Chapter-SIX
Chapter-SEVEN
Chapter-EIGHT
Chapter-NINE
Chapter-TEN
Chapter-ELEVEN
Chapter-TWELVE
Special Chapter
Chapter-THIRTEEN
Chapter-FOURTEEN(part 1)
Chapter-FOURTEEN(part 2)
Chapter-FIFTEEN
Chapter-SIXTEEN
Chapter-EIGHTEEN
Chapter-NINETEEN
Special Chapter
Chapter-TWENTY

Chapter-SEVENTEEN

44 7 0
By IAmRhenren

"we put a fake smile to hide the pain, yet we wish someone would look closely and see how broken we really are."

---

~Craze~

gosh! engage na pala si fafa JC bakit hindi alam iyon?

bakit ba kahit saan ako pumunta iyan ang naririnig ko,

"Craze!"

wahhh! naririnig ko siya, grr nabubuwisit ako...

"Craze!"

"ano ba pwede ba lubayan mo na nga ako, peste naman oh!" sigaw ko bakit ba kasi naririnig ko iyung peste niyang boses.

"Craze, hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako kinakausap" napalingon ako sa seryosong boses niya na iyon.

napakurap pa ako para masigurado kung totoo ba siya at hindi ilusyon. nang masigurado kong totoo siya agad akong tumayo sa pagkakasalampak ko sa damuhan sa garden.

"ano pang ginagawa mo rito?" matigas kong sabi.

"gusto kong magpaliwanag---"

"nanaman Crey? hanggang kailangan, hanggang kailangan kita iintindihin?" sabi ko ng hindi na napigilan ang luha ko, saka ako tumawa ng sarkastiko. "oo nga pala, wala nga pala akong karapatan,  kasi ano lang ba ako sayo---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla nalang niya akong patigilin gamit ang mga labi niya.

nanlaki iyung mata ko sa gulat pero napapikit na lang ako ng unti-unti niyang igalaw ang mga labi niya, gentle and careful at mahigpit niya akong hinapit sa bewang ko palapit pa sa kanya.

hindi ko maintindihan pero naramdaman ko na lang ang sarili ko na sinusundan na ang paggalaw ng mga labi niya,  kasabay ng paghawak ko sa batok niya.

I'd never been kissed as this way before, kissed that make may world stop just to heard my heartbeat beating fast.

at alam kong sa kanya ko lang ito mararamdaman.

Pareho kaming kinapos sa paghinga ng maghiwalay ang mga labi namin.

"mahal kita Craze, iyan lang ang paniwalaan mo please!" sabi niya ng yakapin niya ako.

"paano? paano ako maniniwala, kung lahat na lang itatago mo sa akin... bakit hindi mo ito sinabi? at bakit si ate Ann?" sabi ko sa kanya habang nakayakap sa kanya.

"gusto ko ayusin ito ng mag-isa ayoko ng idamay ka pa, at hindi ko rin alam kung bakit si Ann... "paliwanag niya.

"Crey---"

"Craze, do you still love me?" seryoso niyang tanong at tinitigan ako sa mata ko.

"Crey, alam mo na ang---"

"please gusto kong marinig mula sa iyo... please!" hindi ko maintindihan kung bakit napansin ko kanina pa siya please ng please... mukha nang hindi ko sasabihin sa kanya?

"Crey, mahal kita---" again he interrupted me with his kiss.

"runaway with me Craze, we'll get out of this complicated world where we are and I'll assure you,  everything will be... just for us!" seryoso niyang sabi.

hindi agad ako nakasagot sa kanya. runaway with him, at mabuhay sa isang mundong malayo dito sa komplekado naming sitwasyon.

"yes! I'll runaway with you," sabi ko at hindi ko namalayan na napangiti ako.

ngumiti rin siya sa akin at niyakap ako. "bukas after foundation night..." sabi niya na tinanguan ko.

sa isiping makakasama ko siya, ang taong mahal ko... noon, ngayon at sa mga susunod pang araw...

naramdaman ko ang kakaibang saya.

---

~Ann~

naglalakad ako ngayon sa hallway ng school tapos na rin naman ang playgame kaya wala ng mga estudyanteng pakalat kalat.

"gusto mo na siya?" nagulat ako sa nagsalita mula sa likuran ko, kaya na Palingon ako at hindi ko inaasahan na siya ang makikita ko.

"Johann, a-anong---"

"nakita kita sinundan mo siya... sila rather." seryoso niyang sabi.

sarkastiko akong natawa, "nakita mo rin sila?" tanong ko at tumango lang siya.

doon hindi ko na napigilang pumatak ang mga luha ko.

nung makita ko kanina kung gaano nagbago ang ekspresyon ng mukhang niya at ang paghabol niya kay Craze... hindi ko inaasahan na mararamdaman ko ito... parang pinipiga ang puso ko.

alam ko hindi ko siya gusto, ayoko sa arogante niyang personalidad pero--- anak ng tao ka nga naman! bakit?  bakit bigla na lang tumibok itong puso ko sa kanya?

"alam ko ikaw ang gusto ko!  ang alam ko kahit kailangan hindi ko siya magugustuhan, dahil sa arogante at sarkastikong ugali niya.... pero Johann, bakit ? bakit ako nasasaktan nung makita ko sila ni Craze? bakit?" sigaw ko sa kanya.

nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin...

"tama na hindi makakatulong sayo kung iiyakan mo siya... hindi rin naman magbabago kung sino ang mahal niya..." sabi niya habang hinihimas ang likod ko.

"bakit ba lahat na lang ng taong nagugustuhan ko, may gusto ng iba? hindi ba pwedeng ako na lang... ikaw bakit siya pa?" sabi ko at hinayaan niya akong umiyak sa braso niya.

"dahil hindi ako ang para sayo, hindi rin siya, dahil iba ka... at may taong higit pa sa akin, of sa kanya ang naghihintay sayo... " seryoso niyang sabi.

"nakakainis kayo!  nakabuwisit... bakit kailangan ko pa kayong magustuhan kung hindi naman pala kayo ang para sa akin?"

"dahil kailangan mong malaman na hindi lahat ng bagay nag-uumpisa sa tama... iyung nararamdaman mo mali, sa maling tao... pero alam ko at alam mo na mababaw pa iyan kaya hanggang maaga pa umiwas ka na..."

"katulad ng pag-iwas mo sa akin?... Johann, sa totoo lang minahal mo rin ba ako..?" tanong ko at tinitignan siya ng deretso sa mga mata.

"mahal ko ang kapatid mo!" sabi niya at agad na umiwas ng tingin.

"tss, lahat naman e, lahat nasa kanya na...  kahit wala na siya, siya pa rin... grrr" inis kong sabi saka ko siya hinampas sa dibdib.

"pare-pareho lang kayo, dumarating sa buhay ko para saktan ako... bakit ba ha?  wala naman akong kasalanan sa inyo... buwisit!" sabi ko at marahas na pinunasan iyung mga luhang nasa pisngi ko.

bago ako patakbong lumayo sa kanya.

---

pagkapasok ko sa room ko isang malaking pekeng ngiti ang ibinigay ko sa lahat ng mga kaklase ko.

"wow, mukhang masaya si Miss. President ... ano ba ang feeling na magiging Mrs. Statham na?" masayang sabi ng isa sa mga classmate ko.

"oo nga,  congrats Ms. Pres." bati nila sa akin.

pero ngiti lang ang isinagot ko sa kanila, wala naman silang mga alam kung ano talaga ang papel ko sa istorya ni Crey, ang alam nila ako ang bida pero ang totoo... ako ang kontrabida... tsk, lagi naman.

"huwag lang ngumiti, kung hindi ka naman masaya dahil nagmumukha ka lang tanga " narinig kong komento ng nasa likod ko kaya mataray ko siyang nilingon.

nakita ko si Franz ang isa sa mga Phoenix .... nakalimutan ko kaklase ko nga pala sila ngayon... mabuti naman wala dito iyung isa... tss..

"... at sino naman magsabi sayong hindi ako masaya?" naka ngiti kong sabi habang nakataas ang kilay ko.

"kung sila kaya mong lokohin ng peke mong ngiti... ako hindi, dahil sanay na akong makakita ng itsurang ganyan.... at na bubuwisit ako sa tuwing nakakakita ako ng ganyang mukha... napaka peke!" sarkastiko niyang sabi.

ito na yata ang pinaka mahaba niyang sinabi na narinig ko...

isa na namang taong walang modong kumokontra sa akin buwisit... wala akong panahon sa kanya...

"ano ngayon? paki-alam mo ba? pwede ba  manahimik ka na lang diyan!" mariin kong sigaw sa kanya.

napatingin iyung mga kaklase namin sa amin.

buwisit!

nginitian ko lang sila bago umayos ng upo. "fake!" narinig ko pang bulong niya.

minsan hinihiling ko na may makakita ng true feelings ko behind this fake smile of mine.

pero parang ngayon na bubuwisit yata ako.

---

a:/n: short UD ... pero na thing is malapit na po matapos ang FirstHalf ng Bittersweet... papasok na tayo sa mascomplicated  na Secondhalf...

hope ma-enjoy nito po itong UD... medyo busy po ako ngayon kaya mabagal ang UD... pero sisikapin ko po, makapag-UD...

Vote-Comment-Recommend-Share-BecomeAFan

-IAmRhenren-

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 6 54
Takot akong magmahal pero nung dumating sya... Sumugal ako kahit masakit.. Kahit walang kasiguraduhan.. Pero hanggang kilan?
1.8K 23 23
paG-ibig na kaya kung ang lahat ay nag simula sa di inaasahang pag kikita?? paano mo ba masasabi kung pag-ibig na kaya yung nararamdaman mo ?? ka...
69.5K 779 21
Nasubukan mo na bang magmahal ng hindi mo kadugo ngunit naging Kapatid mo? (Unedited)
132 4 1
kapag nagmamahal ka hindi laging HAPPY ENDING,minsan masasaktan ka,iiyak, aasa sa wala at higit sa lahat may masasaktan ka din. hindi ka naman nag ii...
Wattpad App - Unlock exclusive features