Making Love - Published by PHR

By FGirlWriter

10.5M 188K 15K

Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a strang... More

Content Warning & Disclaimer
Overview
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine (Part 1)
Chapter Twenty-Nine (Part 2)
Chapter Twenty-Nine (Part 3)
Finale Chapter: Chapter Thirty
Epilogue

Chapter Twenty-Five

214K 5.4K 740
By FGirlWriter

CHAPTER TWENTY-FIVE

"BILANG asawang lalake, kapag may problema, hayaan mong humupa ang mga emosyon at pilitin mong klaruhin ang pag-iisip mo. Sa pagiging rasyonal bumabawi ang pagkalalaki natin. Umisip ka ng mga maganda at mabuting solusyon upang maayos ang gusot niyong mag-asawa," payo ni Mang Bong habang nakasalampak sila sa malamig na sahig ng selda.

            Huminga ng malalim si Dylan at saka pinakawalan ang magkakasunod na suntok sa kaharap niyang punching bag. Nasa sariling gym siya ngayong hatinggabi at doon inilabas lahat ng nararamdaman. Nagkulong siya doon mula pa kaninang alas-siete ng gabi. Pinasara niya ang buong gym para makapagsolo siya. Isang janitor lang ang naiwan upang linisin ang lahat ng facilities.

            Bawat malalakas na suntok na pinakakawalan ni Dylan ay kasabay ng malakas rin niyang pagsigaw. Hindi siya makapag-isip ng tama. Kaya naisip niya na kung pakakawalan niya muna ang mga pinipigilan niyang emosyon, baka sakaling tumino siya.

            Damn, he thought everything's going smoothly! Planado na nila ni Lana ang lahat. Alam na nila ang mga dapat gawin. They are on their way together for their dream family.

            Then, this!

            Magkakasunod na suntok na ang pinakawalan niya at wala siyang pakialam kung basang-basa siya ng pawis na parang lumangoy siya sa pool. Sumuntok ulit siya ng ubod nang lakas na naging dahilan upang tumalsik ang punching bag at bumagsak iyon mula sa pagkakasabit.

            Nang nasa lupa na iyon ay nanggigigil na pinagsisisipa niya pa iyon kahit pa hingal na hingal na siya.

            "Whoa! He's really angry!"

            "Oo nga, eh. Kawawang punching bag."

            Mabilis na lumingon si Dylan nang marinig ang mga boses na iyon. "Anong ginagawa niyo rito?" matalim na tanong niya kanina Reynald at Charlie.

            "Grabe, napatumba mo ang punching bag!"

            "Go away!"

"Pati sa'min galit ka?"

            "Chill lang, pinsan. Wala kaming alam sa ginawa ni Kuya Bari. Alam mo naman kami, hindi pakialamero... slight lang."

            Pinalis niya ang pawis sa noo gamit ang braso. Pagkuwa'y tinanggal niya ang suot na itim na gloves. "Bakit kayo nandito?" he asked, poker-faced. Hindi niya alam kung maniniwala siyang walang kinalaman ang mga ito sa nangyari.

            "Well... we heard about what happened sa village nila Lana," ani Charlie pagkuwa'y napasipol. "Nandito kami para damayan ka sa pagkaka-ban mo ng habambuhay sa village na iyon."

            "Saka, nandito rin kami para ipakitang mas kampi kami sa'yo," dagdag ni Reynald. "Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Kuya Bari at siya ang nagsabi tungkol sa plano natin noon kay Lana. I think it's unfair that he intruded."

            Kinuha niya ang bitse ng mineral water sa isang tabi at lumagok doon. Naubos niya ang buong laman niyon at kinuyom pa ang plastik na bote sa kamay. "Nangyari na. Wala na tayong magagawa," sabay tapon ng bote sa kung saan.

            "So... any plans to win Lana back?" tanong ni Charlie.

            Umiling siya. "Wala pa. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Parang gusto kong pumatay ng tao."

            "Ay, bad 'yan!" sabi ni Reynald. "Pero wais din 'tong si Kuya Bari, alam mo bang umalis siya ng bansa kani-kanina lang?" natatawang pagbabalita nito.

            "Duwag," nasambit niya. Ganoon na lang? Gagawa ito ng gulo at saka aalis?

            "Tsk. Tsk. Kahit kailan talaga, hindi natin malalaman ang likaw ng bituka ni Kuya Bari. Magkakasabay na tayong lumaki pero napaka-unpredictable niya pa rin."

            "Pero, pinsan," sabay akbay sa kanya ni Charlie. "May naisip kaming plano para makatulong sa'yo kay Lana."

            "Anong plano?" kunot-noong tanong niya rito. Kung gusto talaga siyang matulungan ng mga ito, hindi siya tatanggi... basta magkaayos lang sila ni Lana.

            "Una," pagsisimula ni Reynald. "Hayaan mo muna ang asawa mo na mag-cool down. Siguro after two weeks... saka ka ulit magpakita sa kanya."

            "Birthday ni Allana ngayong linggong 'to. I don't want to miss it..." Iyon ang araw na ipamamalita nila sa lahat ang tungkol sa kanila, ngunit hindi na iyon tuloy, malamang. Alam na ng pamilya ni Lana ang totoo. Siya, hindi niya alam kung paano sasabihin sa mga magulang dahil hindi sila magkaayos ng asawa ngayon... at may pagbabanta pa ng annulment.

            "Sorry ka na lang muna, Dylan. You have to sacrifice."

            "Pero! Sa birthday mo, sisiguraduhin namin na makakasama mo si Lana."

            "How?"

            "Ayan ang pangalawa! Nabalitaan namin mula kay Agatha na may isang event ang Big Hopes at sa isang may kalakihang chapel magaganap iyon. Sa mismong date ng birthday mo, 'tol! Maraming major benefactors daw ang pupunta. Naisip namin, maybe, you can have a chance to talk to Lana."

            "Alam mo iyong bago mag-umpisa ang misa, mahihila mo si Lana mula sa maraming tao."

            "Better yet, confess everything to her infront of the people!"

            "That's crazy," palag niya. "Mas maganda na iyong nauna niyong naisip. Maybe, I can just grab her away from the crowd."

            "It's not crazy if you would confess your love to her infront of everybody. Mas malaki ang tsansa na maantig siya roon. May kissing scene pa iyan kapag sinuwerte."

            Napakunoot-noo siya sa dalawang pinsan. "Where are we? In a romance pocketbook?" Napailing-iling siya nang magtawan ang mga ito. Namomorblema na nga siya, tinatawanan pa siya.

            Lumakad na siya palayo sa mga ito. "Wait, Dylan! Ano, ayos lang ba sa'yo na maghintay ng dalawang linggo pa?"

            Nilingon niya ang mga ito. "How are you so sure that I can win back my wife kung pupunta ako sa event na iyon?"

            Nagkatinginan ang mga ito pagkuwa'y sabay na nagkibit-balikat.

"Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?"

***

"ANO?!" Napatayo si Dylan mula sa kinauupuang swivel chair nang malaman ang balita mula kay Reynald na bisita niya ngayon sa opisina niya. "Nasa Tagaytay ang asawa ko kasama ang Eugene na iyon?"

            "Nandoon daw si Lana to visit Eugene Arguelle's daughter. Heart Aragon?"

            "I know that little girl." Medyo kumalma na siya. Malapit kay Lana ang bata kaya siguro binisita ito ng asawa.

            "Mag-o-overnight nga si Lana roon. Doon daw din kasi siya magse-celebrate ng birthday niya."

            Nagsalubong ang dalawang kilay niya. "What?"

            Nagkibit-balikat ito. "Ayon iyon sa isang reliable source."

            Nahilot niya ang sentido. Limang araw na ang nagdaan simula nang magkagulo na naman sila ni Lana. Kahit pa sinabihan na siya nina Charlie at Reynald na maghintay na lang siya hanggang sa birthday niya ay hindi niya pa ring mapigilan ang sarili na subaybayan ang asawa.

            Sa nakalipas na mga araw ay panay ang biyahe nito katulad na lang ng pagpunta nito ng Pampanga kasama ang Lolo Rex nito, ang pamamasyal nito sa Taguig kasama ang parents nito, at ngayon ay nasa Tagaytay naman ito kasama ng ibang lalaki. Ayaw niyang isipin na sinasadya ni Lana ang ginagawa nitong pagbibiyahe sa malalayo kahit alam nitong masama iyon para sa baby nila.

            "But, Dylan, don't worry. May ibang babae naman daw na kasama sa town house. Rumor has it na baka girlfriend daw ng Eugene na iyon, so, chill, alright?"

            Ano pa bang magagawa niya?

            "Bumalik na ba si Kuya Bari?" tahimik niyang tanong.

            "Don't really know. Hindi pa namin siya ma-contact."

            Napabuga siya ng hangin. Aaminin niyang hindi pa rin humuhupa ang galit niya sa pangingialam nito at sa kung anong lason ang tinanim nito sa utak ni Lana. But, once and for all, he wanted to talk to his cousin for an explanation. He wanted to believe that their older cousin has a reason for doing this to him and Lana.

            Kinabukasan, nakatanggap ng tawag si Dylan mula kay Charlie na nasa Manila na daw ulit si Lana.

            "Nandoon siya sa paborito niyang pastryshop with that Eugene guy," imporma nito mula sa telepono.

            Damn, he wanted to see her wife, again! Pitong araw pa ang hihintayin niya bago ang mismong araw ng birthday niya. Mas may konkretong plano na sina Reynald at Charlie kung paano silang makakapasok sa event na gaganapin ng Big Hopes. Hindi niya alam kung saan-saan nakakakita ng koneksyon ang dalawang pinsan niyang iyon.

            Ang mahalaga, maisagawa niya ang planong makausap ang asawa. He promised to himself, na kung mapapatawad pa siya ni Lana, iyon na ang huling pagkakataon na magkakalayo sila ng ganoon.

            Oh, he'll make sure that his wife would listen to him.

            "Kumakain ba siya ng chocolate cake? Paborito niya iyon at doon siya naglilihi."

            "Oh, yeah, I can see that. Pero mukhang may ibang pinaglilihian pa ang asawa mo, ah?"

            His forehead creased. "What do you mean?"

            "Come over here, cousin."

            Iyon nga ang ginawa ni Dylan. Nagpaalam lang siya sa sekretarya niya at saka dumiretso sa lugar kung nasaan ang pastryshop na madalas puntahan ni Lana.

            Agad niyang namataan si Charlie na nasa labas ng shop at naka-park ang kotse sa di kalayuan. He parked his car beside Charlie's. Nang makita nito ang kotse niya at mabilis siyang sinenyasan na lumipat sa loob ng kotse nito.

            "What are you, my wife's stalker?" salubong ang mga kilay na sabi niya sa pinsan nang makitang may binoculars itong gamit-gamit habang nakatingin sa labas ng bintana.

            "Mas maganda 'to para makita mo kung anong ginagawa ni Lana sa loob. From our view, wala tayong makikita kung wala tayong binoculars. Isip-isip din, insan." Inabot nito sa kanya ang binoculars. "Take a look."

            Hindi naman niyang gustong mag-"spy" sa asawa. Pero sa sitwasyon nila ngayon, kahit sa malayo, gusto niya itong mabantayan.

            Itinapat niya ang binoculars sa mata at nag-focus siya sa dalawang pigurang nakaupo na magkatabi sa loob ng shop.

            It's Lana and Eugene. His wife was obviously enjoying eating her cake while Eugene was just half-smiling while looking at Lana.

            Muntikan niya nang mahagis ang binoculars sa harap ng bintana nang makitang mas tumabi si Lana kay Eugene at hinilig ang ulo nito sa huli. Parang tuwang-tuwa pa si Lana habang mas nilalapit nito ang ilong sa balikat papunta sa leeg ng lalaki.

            "O, saan ka pupunta?" pigil sa kanya ni Charlie nang akmang lalabas siya ng sasakyan nito.

            "I'm going inside! Allana's being crazy!"

            "Hindi ka puwedeng magpakita kay Lana! Alalahanin mong buntis ang asawa mo at masama pa ang loob niya sa'yo. Paano kapag nakita ka niya ng biglaan?"

            "Pero—"

            "Baka lalong tumaas ang emosyon ni Lana. Bahala ka, mapapahamak pa sila ng baby niyo."

            Nagtagis ang mga bagang niya at kumuyom ang mga kamay. He stayed inside Charlie's car and tried to calm his nerves.

            "Sa tingin ko," ani Charlie na hawak na ulit ang binoculars at nanunuod sa labas ng bintana. "Naglilihi 'tong asawa mo sa amoy ng ibang lalaki. Ang baho mo siguro?"

            Sinuntok niya ito sa braso. Tumawa pa nang malakas ang ugok.

            "Bitter! Naglilihi sa ibang amoy ang asawa mo. Nyenye!" parang batang tukso pa nito.

            Susuntukin niya na sana ito sa mukha kundi lang biglang tumunog ang cellphone niya.

            "Sino iyan?"

            "Si Ramses." Sinagot niya ang tawag. "Ram? Napatawag ka?"

            "You need to come over to my office now, Dylan."

            "Bakit?" kunot-noong tanong niya rito. Bigla siyang kinutuban at saka napatingin kay Charlie.

            Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Ramses. "Your wife filed an annulment yesterday."

            Natigagal siya. "A-Annulment...?"

            "Yes, Dylan. And mind you, malakas ang ground for annulment na sinampa ni Lana—Insanity. Lasing siya ng panahong magpakasal kayo."

            Walang maisip na sasabihin si Dylan. Bigla siyang parang nanghina. Para ring binibiyak ang dibdib niya.

            Gusto na ba talagang makipaghiwalay ni Lana sa kanya?

            "Kung sumusuko na siya, hindi ka dapat pinanghihinaan ng loob. Ipaglaban mo ang pagsasama niyo. Lahat ng kasal, ipinaglalaban. Kahit ano pang naging rason ng pagpapakasal niyo, kung mahal niyo na ang isa't isa, lalaban ka. Gustong makita nang Diyos kung hanggang saan mo kayang pangalagaan ang pangakong isinumpa niyo sa harap Niya."

            "Pero, paano, Mang Bong... kung ayaw na talaga mismo ng asawa ko ang kasal namin? Should I keep on holding her?But they said, if you truly love someone, set them free..."

            "Case to case basis iyan. Pero ang sigurado lang ako, walang kahit anong kasabihan ang makakatalo sa katotohanan ng salita ng Diyos."

            Humigpit ang hawak ni Dylan sa kanyang cellphone. "I won't sign those annulment papers, Ramses. Bye."

            Mas kailangan na niyang paghandaan ang mga sasabihin niya sa asawa.

***

"ANO, ready ka na ba?"

            Inangilan ni Dylan ang mga pinsan niya na kasama niya ngayon. Wala pa rin si Kuya Bari at wala na muna siyang pakialam kung nasaan man ito ng lupalop nagsuot.

            "Nakikita niyo na ngang kinakabahan, tatanungin niyo pa ng ganyan?" sabi ni Gideon.

            "Relax, Dylan. Breathe in, breath out," payo pa ni Ramses.

            Inabot pa ni Reynald ang kamay niya at pinagpag. "Huwag mong isipin na magko-confess ka sa harap ng maraming tao at maraming makakarinig ng ka-corny-han mo sa pag-ibig," kantiyaw nito.

            "Itatak mo sa isip mo, it's all for the love of Lana!" sigaw ni Charlie.

            "Ang ingay niyo," naiiritang komento ni River sa isang tabi.

            "O, tignan mo, nagsalita si River! Ganoon siya kasuportado sa'yo, Dylan. Kaya pumasok ka na sa loob, birthday boy!" wika pa ni Johann.

            Tinulak pa siya ng mga ito papasok sa loob ng may kalakihang Christian Chapel na halos puno ng tao.

            "Nakausap na namin ang Reverent Pastor kanina, pumayag siyang bigyan ka ng oras sa speech mo."

            "Bilis na, pasok na!"

            "Sandali nga!" pigil niya sa mga ito. "Bakit ba mas nagmamadali pa kayo sa'kin?"

            "We're so excited for you!"

            Kumunot ang noo niya. "Hindi pa nga natin alam kung pagkatapos ba nito, tatanggapin ako ulit ni Lana."

            "Tatanggapin ka niyon! Hala, sige, pasok!"

"What the heck?! Huwag niyo 'kong itulak!" Hindi alam ni Dylan kung matutuwa ba siya sa suporta ng mga pinsan niya o maiinis sa kakulitan ng mga ito. Nakalimutan na niya tuloy ang mga sasabihin mamaya. "Don't pressure me, guys!"

"Mga kuya?"

Sabay-sabay silang napalingong lahat sa pamilyar na boses na tumawag sa kanila.

"Agatha!" they all acknowledged in unison.

Naka-violet maternity dress ito habang nakalugay ang napakahabang buhok na may kulot pa sa dulo. Wala rin itong kahit anong bahid ng make-up sa mukha kaya mas natural ang ganda nito. She's glowing like Lana. Pareho kasing buntis.

"Anong ginagawa niyo dito sa labas?" she wondered. "Invited ba kayo?"

Nagkatinginan silang lahat. "Uh..."

"Ako, invited!" sabay taas kamay ni Johann. "Friends kami ni Prince at Lana, you know."

Humalukipkip si Agatha at tumutok ang tingin sa kanya. "Kuya Dylan... ang alam ko, bawal ka lumapit kay Lana."

"May TRO ba?" tanong ni Charlie. "Wala naman yata, eh."

"Basta kung nasaan si Lana, banned si Kuya Dylan at lahat ng kasangkot sa 'mission' niyo."

Nanlaki ang mga mata nilang magpipinsan. Walang nakapagsalita kahit isa sa kanila. Lalo na si Dylan. Kung alam na nito ang tungkol sa misyon nilang magpipinsan... posibleng alam na rin nito na...

Lumapit sa kanya si Agatha at tiningala siya. "It's my honor to be your first love and I salute you and admire you more for choosing the best for the both of us, Kuya Dylan."

Napakurap siya. "Agatha..."

Niyakap siya nito. "I'll forever be your baby cousin," bulong nito at saka tinignan silang lahat. "Nagpapasalamat ako dahil mga pinsan ko kayo, mga kuya. It's overwhelming how you always want to protect me. I know you mean no harm, pero may isang puso ngayon na nasasaktan."

Napalunok siya. "I love Allana, Agatha... I fell in love with her that made this so called 'mission' possible."

Ngumiti ito at tumango. "Naiintindihan ko." Tumingin ito sa kanilang lahat muli. Natahimik ang mga loko-loko niyang pinsan.

"Mga kuya, it's time to let me go. Because you know that I have my own hero now."

Nagsitanguan ang mga ito.

Agatha sweetly smiled and spread her arms. "Group hug?"

"Group hug!"

Dylan knew something that he thought he will never need. A closure.

Pagkatapos nilang yakaping lahat si Agatha, "Kung ano man ang plano niyo, naka-suporta lang rin ako," ani pa nito bago tuluyang makapasok sa loob.

"Tama nga naman. It's time to let go of our baby cousin. Tignan niyo nga magkaka-baby na."

"Oo nga. Iyong isa din nating pinsan magka-baby na rin pero mukhang nababaliw na siya ngayon. Oy, Dylan, anong iningingisi-ngisi mo diyan?"

"I think I'm ready," buong tatag niyang sabi at saka mabilis na pumasok sa loob.

Mas alam na niya ngayon ang mga sasabihin kay Lana—dahil hindi niya kinabisado iyon. His heart will speak for itself.

***

"PARA silang isang masaya at kumpletong pamilya."

            "I admit, they look good together."

            Malapit nang ibato ni Dylan ang hawak niyang mic sa mga pinsan niya. Kanina, suportado siya ng mga ito, ngunit nang makitang pumasok si Lana kasama si Eugene at ang anak nito ay ganoon na ang mga komento ng mga ugok niyang pinsan.

Nasa audio room sila ng chapel sa second floor at kitang-kita nila ang mga nangyayari sa baba bago magsimula ang misa. Isa pala iyong thanksgiving mass.

Humugot ng malalim na hininga si Dylan. Hindi niya ikakailang kinakabahan siya at pinagpapawisan ng malamig. It's his first time to confess an everlasting love to a woman and infront of the whole crowd.

"Dylan, sumenyas na si Pastor!"

"Bumaba ka na."

Iyon nga ang ginawa niya habang kipkip ang  mikropono. At nang tumapak na siya sa harapan ng maraming tao ay biglang nagsitahimik ang lahat. Bumalik tuloy ang bundol sa dibdib niya lalo na nang makita niyang napatayo si Lana mula sa kinauupuan nito.

"D-Dylan?"

The moment their eyes met, it was just Lana and Dylan... the crowd faded out to his eyes. "Allana..."

"W-What are you doing here...?" parang mangiyak-ngiyak na tanong nito.

"Please, honey, no more crying. Just listen to me."

Lumunok ito at napatango. Gusto niya sana itong lapitan ngunit kahit siya ay parang napako sa kinatatayuan.

"I-I... I will not clear my name from any 'mission' na inaamin kong ginawa namin. Yes, we thought you might be a threat for our cousin's happiness. Hindi ko lang akalain na magiging threat ka rin pala sa pagkabinata ko." His hands started shaking. "When I saw you the first time, I was stunned. I want to mend your broken heart fastly, I want to kiss you without any reason, I want you to be all mine, I... I want to love you.

"You might look like my first love," he continued. "Pero nang unang beses kitang nakita, I saw... you, the real you, and not any other person. You see, you captivated me because you're Allana Rose dela Cruz-Aguilar. You have your own mission, too, you know. At iyon ay ang paibigin ako sa'yo. You did it effortlessly, honey.

"Kaya nang sinabi ko sa'yo ang rason kung bakit kita biglang pinakasalan, because I really am falling for you so hard kahit iyon pa lang ang unang beses na pormal mo 'kong nakilala. Pero ako, ilang beses na kitang nakita, palihim na sinusulyapan, pasimpleng sinusubaybayan... Fine! 'Stalker' na kung 'stalker', I don't care. Damn, I'm in love! What should I do? Sabi nila, hindi daw puwedeng ariin ng isang tao ang isa pang tao. Pero ikaw, gusto kong akin ka lang.

"We had fair shares of times... I'm in love at lalo pa 'kong nalunod, Allana. I'm the happiest man whenever I'm with you. Lagi mang may gulo pagkatapos, we always find our way back to each other. You see, kahit hindi ako naniniwala sa tadhana, naging number one fan na'ko niyon dahil sa'yo. You make me believe in things that I thought was just an exaggeration."

Nararamdaman niya na ang pagdulas ng mikropono sa kamay. He shifted his weight to another foot. "We complement each other, they said. You have the selfish nature. Lahat ng atensiyon na gusto mo, naibibigay kong buo. Lahat ng utos mo, sinusunod ko ng walang angal. I always want to satisfy you more than what you expected because I was really insecure of thinking na kapag hindi ko nabigay ang gusto mo, iiwan mo 'ko.

"Damn! Sa'yo ko lang naramdaman na gusto kong magpaka-possessive but at the same time, ayokong maging madamot sa mga taong mahal mo rin. Sa'yo ko lang naisip na hinding-hindi kita pakakawalan, pero kapag ayaw mo na, pipilitin kong bitawan ka. Sa'yo lang ako nabaliw at tumino. I don't know if this is good or bad, but when I started loving you, white and black just always go together."

Bumaba siya ng altar at naglakad palapit rito. "Hindi ako romantikong tao. Pero sa harap ng maraming tao, hindi ako nahihiyang ipaalam, isigaw, o ipangalandakan na mahal na mahal kita."

Nanuyo bigla ang lalamunan ni Dylan at nararamdaman na naman niya ang paninikip ng dibdib. Shit, he may sound so gay, but he wanted to cry. There's too much emotion inside him.

Huminto siya nang malapit na siya kay Lana. "H-Honey... I... I still am looking forward for our dream family. You, me, and our sixteen children."

Nakita niya ang bahagyang pagngiti nito. "Dylan..."

"We'll have our first child very soon, so fifteen to go?" he tried to joke just to block away his tears. "Hindi ko alam kung ano pang kailangan kong sabihin na gusto mong marinig. Pero, mahal na mahal talaga kita. Oo, tagumpay ang plano naming magpipinsan hindi dahil nailayo ka namin kina Reeve at Agatha... But what made it truly successful was that, you made me feel that I can love more than I think I can. We made love... a love that can satisfy the words 'selfless' and 'everlasting'. Suddenly, the mission was not on you anymore, it's on me.

"We made true love. God did it for us. Tignan mo, kahit ilang beses tayong magkagulo, nagkakaayos pa rin tayo. Iyong annulment, alam kong dala lang iyon ng bugso ng damdamin. Huwag na nating intindihin iyon. B-Basta ipaglalaban ko ang m-marriage na 'to katulad ng ginagawa ko sa simula pa l-lang," nanginig na talaga ang boses niya at napatingala na siya dahil ano mang oras ay babagsak na yata ang mga luha niya.

Pinagtatawanan na siguro siya ng mga pinsan niya, but what the heck? They can laugh their ass out for all he care, his speaking from his heart and that what matters most.

"I'm sorry for all the heartaches and pains, Allana. Let me shove them away. Forgive me about what Kuya Bari told you, sasabihin ko rin sana iyon sa'yo pero nauna lang talaga siya... Pero kung babalik ang oras na pinagplanuhan namin ulit ang planong iyon, gagawin ko ulit lahat ng ginawa ko dahil alam kong sa'yo pa rin ang bagsak ko. What I'm trying to say is... I always want to end up being in love with you over and over, again."

Sunud-sunod na ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ni Lana. Tahimik lang itong nakatingin sa kanya at parang may gusto ring sabihin.

"Allana..." Inabot niya ang palad rito. "Hold me and let's continue making more love."

Akmang aabutin na nito ang kamay niya. Tila bumagal ang oras sa pag-aabot nito ng kamay niya at dinig na dinig ni Dylan ang bawat pagtibok ng puso niya...

Then, suddenly, the lights went off!

May mga babaeng nagtilian at umusbong ang mga bulungan. Biglang nagkagulo sa loob.

Naramdaman ni Dylan ang biglang may humila sa kanya sa likod.

"Allana!" sigaw niya nang hindi niya nahawakan ang kamay nito habang patuloy ang paghila sa kanya patalikod.

"Dylan, may problema!"

Si Charlie ang narinig niya.

"W-What problem? Bakit biglang namatay ang mga ilaw?" he said, panicking. "Saan tayo pupunta? Si Allana nasa—"

"Shut up, Dylan. Huwag ka ng maingay, makikihalo ka pa sa gulo ng mga tao, eh," si Ramses ang nagsalita.

"What the heck is happening?!" gulung-gulong wika niya. Damn it! He's almost there a while ago! It's his first time to confess infront of the crowd pagkatapos ay bulilyaso pa!

Maya-maya ay tumahimik ang buong paligid pero madilim pa rin. Tinulak naman ngayon ng magpipinsan ang clueless pa ring si Dylan.

"Stay there, Dylan!"

"Try not to cry."

"But it's okay to cry! Best wishes!"

Sunud-sunod na wika ng mga papalayong tinig ng pinsan niya. "What—"

Biglang nagliwanag muli ang buong chapel at nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakatayo siya sa gilid ng baba ng altar at last ng tao ay nakatayo rin at nakangiti sa kanya.

Then, a wedding march started to play.

Tumalbog ng malakas ang puso ni Dylan at mukhang tatalunin niyon ang best jumper ng buong mundo. Natulos siya sa kinatatayuan at unti-unting pumasok sa isip niya kung anong nangyayari.

"Surprised?"

Gulat siyang napalingon. "Kuya Bari!" Bakit bigla itong nandoon?!

Their eldest cousin grinned at him. "Still clueless?"

Nagsalubong ang mga kilay niya.

Tinapik siya nito sa balikat. "You were in a big role play, Dylan."

"R-Role play?"

"Happy birthday. There's our gift for you," bati nito sabay itinuro ang dulo ng aisle.

Sinundan niya ang itinuro nito at... at...

His tears suddenly fell, when he saw Lana—wearing  a wedding dress with a bouquet of pink roses and lavenders in her hands, walking down the aisle alone with a big sweet smile on her lips.

It's his wedding day? Oh, damn! It's his wedding day!

Dylan can't help but cry!

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

13.7M 244K 57
||RATED R|| Scenes may not be suitable for very young and innocent audiences. Phoebe Madrigal has a dark past na gustong gusto na niyang takbuhan...
841K 29K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
132K 3K 71
Started: [08-30-2014] Completed: [12-07-2014] ******* Warning: This is not your typical labstory. :) ******* Si Lexi, isang mayaman, matalino at maga...
14.6M 50.2K 10
#StanfieldBook2: ZekeSteele (#Wattys2016Winner Collector's Edition) "I've made mistakes out of my rebellion. But I embrace t...