Ruthless Desire

By Kass-iopeia

1.4M 21.7K 832

WARNING: R18!! Callum was against his father's marriage to Katharina, who was nearly his age, or worse, much... More

Prologue
001: How much is your rate?
002: Never seen a sunflower before?
003: Useless Mouth
004: Manila
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
Epilogue

023

24.3K 385 10
By Kass-iopeia

023

Katharina

Palabas na ako ng building nang makatanggap ako ng message galing kay Calvin. Susunduin niya daw ako at wag daw akong aalis. Nag hintay ako sa kanya ng ilang minuto sa labas ng building nang huminto sa harap ko ang kotse ni Callum. Agad na pinanlakihan ako ng mata nang bumaba siya mula duon at lumapit sa akin. Anong ginagawa niya? Gusto niya bang may makakita sa amin at talagang may makakakita samin dahil nasa tapat lang kami ng kompanya niya. Umiling ako sa kanya nang tangka siyang lalapit sa direksyon ko. Agad naman niyang nakuha ang dahilan nang pag iling ko. Tumingin tingin siya sa paligid at tyka walang nagawang bumalik sa loob ng sasakyan. Hindi niya agad instart yung kotse niya at nanatili lang dun, ilang segundo lang ay nakatanggap ako ng message galing sa kanya.

'Take care of yourself, Angel'

Bumaling ako sa sasakyan niya at ngumiti. Hindi ko man siya nakikita dahil super tinted ng sasakyan niya pero alam kong nakatingin siya sa direksyon ko. Mag rereply pa lang sana ako sa kanya nang biglang may sasakyang huminto sa mismong tapat ko. Tinakpan nito yung view ko sa sasakyan ni Callum. Lumabas mula sa sasakyan na yun si Calvin. Nakangiti siyang lumapit sa akin.

"You ready?" Aniya.

Tumango lang ako at inalalayan na niya ako papasok sa sasakyan niya. Muling nag vibrate ang cellphone ko at bago ko pa man mabuksan ang message ni Callum ay agad nang namatay ang phone ko. Nakalimutan ko palang mag charge kanina. Hays.

"Something wrong?"

Umiling iling ako bilang sagot.

Pinagsa walang bahala ko na lang muna iyon at itinabi ko na lang ang phone ko sa bag. Huminto ang sasakyan ni Calvin sa harap ng isang five star hotel.

"Bakit naman dito mo pa ako dinala. Alam mo namang mas gusto ko yung mga turo turo sa mga kalsada." Nakangiting sabi ko kay Calvin pag baba namin ng sasakyan.

"Ngayon lang naman eh." Aniya bago umakbay sa akin at iginaya ako papasok sa five star hotel.

Pagkatapos naming kumain ay inaya pa ako ni Calvin na mamasyal masyal muna saglit sa may park malapit sa hotel na kinainan namin.

"Bukas na ang alis ko pacanada." Untag niya sa may kaseryosohang boses. Napabaling naman agad ako sa direksyon niya.

Aalis na pala siya?

"Talaga? Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Actually ngayon ko lang din nalaman." Natatawang sabi niya pero halata sa mukha niya ang labis na kalungkutan.

Hindi ko napigilang yakapin siya. Maging ako ay nalulungkot din sa pag alis niya. Siya lang ang kaisa isang taong naging kaibigan ko dito sa maynila pero ngayon aalis na siya. Pati ang nag iisang kaibigan na meron ako ay kukuhanin na din sa akin. Siguro nakatadhana na talaga sa akin yung maiwan. Na dapat masanay na ako na kapag may dumating, may aalis din. Wala nga sigurong permanente sa mundong 'to. Lahat ng bagay hiram lang at darating yung araw na kailangan mo na itong isauli.

Tulad ni Calvin, kahit papano, kahit maiksing pagkakataon naging mag kaibigan kami. Kahit papano hindi ko naramdamang mag isa ako dito dahil sa kanya. Pero wala eh. Binabawi na agad siya sa akin. Kinukuha na agad nila yung kaibigan ko sa akin.

"Mamimiss kita." Aniya na tinutugunan ang yakap ko.

"Mamimiss din kita, Calvin."

Pag bukas ko ng pinto ay sinalubong agad ako ni Callum nang isang mariing halik. Isinarado niya ang pinto sa likod ko at isinandal ako duon. Hindi ko alam kung paano ako mag rereact nuong una dahil sa sobrang pagkagulat pero nang makabawi ay agad ko siyang itinulak palayo sa akin.

"Callum!"

Ngunit muli lang din niya akong siniil ng halik. Pinipilit kong kumawala sa mga bisig niya at sa halik niya pero hindi niya ako hinahayaang gawin iyon. Mahigpit ang hawak niya sa magkabilang braso ko at wala akong lakas para pigilan pa siya.

Natigilan ako nang malasahan ko ang alak sa kanyang bibig. Duon ko lang napagtantong nakainom pala siya. Dahan dahang bumaba ang halik niya papunta sa leeg ko. Tumaas naman ang kamay ko para haplosin ang buhok niya.

"C-Callum.. Lasing ka.." Marahang bulong ko sa tainga niya. Dahan dahang huminto naman siya sa pag halik sa leeg ko. Tumaas ang tingin niya sa mga mata ko.

Sandaling nag usap ang aming mga mata bago muling dumampi ang labi niya sa akin. Hindi na iyon katulad ng halik niya kanina na mapusok. Dahan dahang gumagalaw ang mga labi niya sa akin at wala na akong nagawa kundi ang sundang na lamang iyon. Ikinawit ko ang mag kabilang braso ko sa batok niya at ipinulupot naman niya ang isang braso niya sa bewang ko upang mahalikan ako ng mas malalim at mas mariin.

Ito nanaman yung kakaibang pakiramdam kapag hinahalikan ako ni Callum. Pakiramdam ko lumulutang ako sa langit sa sobrang tuwa ngunit sa isang banda hindi ko pa din maiwasang makonsensya sa mga ginagawa namin. Hindi ito tama at kahit kailan hindi magiging tama kung patuloy naming ililihim itong kung ano man ang meron sa amin. Ngunit ano nga ba kami? Ano ba ako sa kanya? Mahal din niya ba ako kagaya ng nararamdaman ko para sa kanya.

"You're mine, angel." Untag niya habang ang mga labi niya ay nag lalandas pababa sa gilid ng aking leeg. Mas lalo kong nadama ang init na hindi ko alam kung saan nang galing. Basta pakiramdam ko sobrang init at wala na akong nagawa kundi ang mag pasakop sa init na iyon.

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang boses ni Callum na may kausap sa phone. Sobrang sama ng pakiramdam ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko hinang hina ako at antok na antok at ang tanging gusto ko lang ay ang mahiga buong mag hapon. Kagabi hindi ko akalaing may mangyayari ulit sa amin ni Callum. Hindi ko mapigilang mapangiti kapag naaalala ko yung nangyari kagabi.

Maya maya ay nag paalam na si Callum sa kausap niya sa phone. Pinanatili kong nakapikit ang mga mata ko sa hindi ko malamang dahilan. Ewan ko ba. Bigla akong nakaramdam ng hiya kay Callum. Sa nangyari kagabi dapat lang siguro na mahiya ako di ba? Naramdaman kong hinila ako palapit sa kanya ni Callum.

Hindi ko napigilang mapangiti nang maramdaman ko ang kamay niyang humahaplos sa pisnge ko kasunod nuon ay ang marahang pag halik nito sa aking nuo. Duon na ako nag desisyong buksan ang mga mata ko. Sinalubong ako ng isang matamis na ngiti ni Callum. Hindi ko akalaing makikita ko pa siyang ngumiti ng katulad ngayon. Hinaplos ng kamay ko ang pisnge niya ngunit agad niyang dinala ang mga palad ko sa labi niya upang dampian iyon ng marahang halik. Naramdaman ko na lang na may tumutulo na palang luha sa mga mata ko. Nag bago ang hilatsa ng mukha ni Callum at napalitan iyon ng pag tataka. Agad niyang pinahiran ang luha sa mga mata ko.

"What's wrong, angel?" Aniya.

"Natatakot ako Callum." Pag amin ko. Lumamlam ang tingin niya sa akin. Napalitan iyon ng hindi ko maipaliwanag na reaksiyon. Pero ikinulong lamang niya ang mukha ko gamit ang mga palad niya.

"Don't be, angel. There's nothing to be afraid of. I'm just here. You have me now, Katharina. I won't let someone hurt you again. I won't let something bad happen to you, I'll protect you so don't be scared. Please don't be scared, angel. Maniwala ka kapag sinabi kong gagawin natin 'tong tama."

Imbis na tumahan ay mas lalo pa yata akong naiyak sa mga sinabi niya. Ngayon lang may nag sabi sa akin ng ganito. Buong buhay ko nag hahanap ako ng taong mag poprotekta sa akin laban sa tatay ko pero walang dumating para protektahan ako. Ngayon lang.

"Shhh. Stop crying. Hindi ka ba naniniwala sa'kin?"

Umiling iling ako.

"Pero Callum, bakit? Bakit ginagawa mo 'to? Bakit ako? Hindi ko maintindihan, ano ba tayo?" Hindi ko maiwasang itanong. Ito ang tanong na palaging nasa isip ko. Kung bakit ako? Kung ano bang dahilan niya kung bakit niya ginagawa itong lahat para sa akin. Bakit nya ako gustong protektahan?

Tulad din ba ng nararamdaman ko sa kanya ang nararamdaman niyapara sa akin. Gusto kong malaman. Gusto kong maintindihan kung bakit sa dinamirami ng babae sa mundo ako yung pinili niyang protektahan. Mahal na rin kaya niya ako? Gusto kong maniwalang mahal niya din ako pero kapag titigan ko siya bigla kong maaalala sa kanya ang kanyang ama. Napaka sama kong tao upang lokohin ang lalaking nag bigay sa akin ng panibagong pag asa. Pero bakit ganun? Hindi ko kayang pigilan 'tong nararamdaman ko para kay Callum. Sobrang saya ko sa kanya at hindi ko alam kung bakit tila ayoko ng malayo pa sa kanya. Ang sama sama ko. Minsan naiisip ko pa ngang umiwas na lang at bumalik na lang sa hacienda pero hindi ko talaga magawa. Hindi ko kayang basta na lang iwan si Callum. Gusto ko pa siyang makasama, ngayon lang ako naging masaya ng sobra at dahil yun sa kanya. Gusto kong itama kung ano man ang namamagitan sa amin. Pero paano? Pero paano kung hindi naman pala kagaya ng nararamdaman ko para sa kanya ang nararamdaman niya para sa akin.

Biglang natigilan si Callum sa tanong ko. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Pero isa lang alam ko. Hindi siya sigurado sa nararamdaman niya para sa akin. Nag iwas siya ng tingin na para bang bigla siyang natauhan sa tanong ko na yun. Muli ko siyang pinaharap sa akin at binigyan ng isang halik sa labi. Bago ako ngumiti.

"Wag kang mag aalala. Hindi na ako mag hahangad ng mas pa dito." Sabi ko kahit sa totoo lang ay gusto kong marinig sa kanyang mahal niya din ako at masaya siya sa tuwing kasama niya ako pero sa ngayon, hindi na muna ako mag hahangad ng mas pa sa kung anong meron kami ngayon. Masaya na ako basta kasama ko siya at naniniwala ako sa pangako niya na gagawin naming tama ito. Mahal na mahal ko siya.

"Oh angel." Hinaplos niyang muli ang mga pisnge ko.

"Mahal na mahal kita, Callum." Sabi ko nang may ngiti sa mga labi. Sandali siyang natigilan sa sinabi ko pero agad din naman itong nakabawi sa pag kagulat. Tumango tango siya at mariin akong hinalikan sa labi. Duon na tuluyang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinpigilan. Hindi ko alam kung para saan ba at umiiyak ako. Dahil ba sa masaya ako at nasabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko para sa kanya o dahil sa hindi ako nakakasiguro kung mahal na din ba niya ako? Kung ano pa man yun, wala akong ibang gusto ngayon kundi ang makasama pa siya ng matagal. Siguro ito na nga yung sinasabi nilang pag papakatanga.

Ganitong ganito si nanay nuong nag mamahal siya. Kahit sinasaktan na kami ni tatay ay patuloy pa din niya itong minamahal ng walang kapalit. Sobrang mahal na mahal ng inay si itay kahit anong mangyari hindi niya ito magagawang iwanan. Siguro ganun din ang nararamdaman ko ngayon para kay Callum. Sumasakit ang dibdib ko sa isiping balang araw ay mag sasawa din siya sa akin at iiwan din ako sa bandang huli pero hindi ko talaga kayang iwan siya. Gusto kong samantalahin ang mga oras na kasama ko siya para kahit papano may mabaon akong mga alaala kapag dumating na yung araw na pag hiwalayin na kami ng malupit na tadhana.

Mahal na mahal ko si Callum at alam ko na pag nawala siya sa akin ay tuluyan na akong bumigay. Bakit kaya ganun? Napaka lupit ng tadhana sa akin? Bakit sa lahat ng tao sa mundo bakit si Callum pa? Mahigpit na yumakap ako kay Callum at paulit ulit na sinabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Tahimik lang ito at hindi sumasagot pero ramdam ko ang mahigpit din niyang yakap sa akin.

Ayos lang naman sa akin na hindi niya ako mahal eh. Basta ang gusto ko lang ay ang manatili siya sa tabi ko at patuloy akong protektahan gaya ng ipinangako niya sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

67.4K 3.1K 49
Unbreak the broken soul
153K 5.8K 31
Elusive and hard to read. But Mylene always adored him. The man in her walls. The man whose struggles exceeds far human means and becomes god inside...
1.3M 23.6K 32
Pikit-matang tinanggap ni Nailah ang kanyang kapalaran dahil wala siyang pagpipilian...
22.2K 366 54
Si Heracyl ay lumaki na hindi nakasama ang kanyang ama, maaga kasi itong kinuha sa kanila, pero kahit gano'n ay ginawa lahat ng kanyang ina para hind...