So Close Yet So Far

Oleh dorothyhowl12

4K 138 32

Meet Vice.. . gay, mayaman, suplado pero very caring sa mga taong mahalaga sa kanya, masungit, at may-ari ng... Lebih Banyak

White Mocha Latte
Concert Tickets
Tapsilog
Fire Exit
Office Outing
Scavenger Hunt
Bike
Bag
Truth
Paperbag

Elevator

381 17 1
Oleh dorothyhowl12

Masayang umuwi si Vice ng kaniyang bahay matapos manggaling sa anniversay date nila ni Tye. Pero may halong lungkot rin dahil dun niya nalaman na ang alis ni Tye ay next week na. Pero alam naman niya na when you love someone, you have to be happy for their success. Naghanda na siya para matulog ng bigla nanaman pumasok sa isip niya si Jackie. "Bad trip to si Jackie -- bad trip, matutulog na nga lang ako naiisip ko pa sya". Napahawak siya sa sarili niyang kamay ng maalala ang paghawak ni Jackie dito. Pinilit niya na lang balikan ang moments nila kanina ni Tye para di na niya maisip pa ang nangyari kanina sa kanila ni Jackie.

-SA BAHAY NI JACKIE-

"Bat ba kasi pa ako nag kape kanina? Ayan di tuloy ako makatulog." naisip ni Jackie habang nakahiga sa kanyang kama. Biglang pumasok sa isip niya ang nangyari kanina sa coffee shop. Gusto niyang makita ulit si Vice para makahingi na ng sorry dito kahit gano pa siya kasungit. Yun ang isang katangian ni Jackie na proud siya. Ang pagiging determined na ma-achieve ang isang goal na meron siya.

"Makulitan man siya sakin okay lang. Basta maforgive niya na ako. Pero.. yun ay kung may chance na magkita ulit kami."

*TING*

"Hi Jackie :)", text ni Yam.

"Hala bat kaya nagtetext to si Yam", naisip ni Jackie.

"Hello :)", reply ni Jackie.

"Jackie, anong oras nga ba ulit yung training natin bukas?", text ni Yam.

"Aaah magtatanong lang pala ng schedule. Nako di talaga to nakikinig kanina.", naisip ni Jackie.

"Alam ko 8 pm pa. Kaya need iadjust yung time ng pasok natin.", reply ni Jackie.

"Okay, edi magiging 2 pm pasok natin?, - Yam

"Oo. haha." - Jackie

"Okay. Thanks, Good night! :)" - Yam

-KINABUKASAN-

Bumaba na si Jackie sa sinasakyan niyang Grab at tumingin sa oras. 1:30 PM. "Uy, maaga pa ako ng 30 mins", naisip niya.

"Hi Ma'am!", sabi ni kuya Guard.

"Hi Kuya Guard. Good afternoon!", masayang bati ni Jackie, habang binuksan niya ang kanyang bag para i-check ni kuya guard. Naglakad na siya sa hallway hanggang sa makarating sa dulo kung saan nandoon ang elevator. Pinush niya ang up at nagbukas ito. Sasara na sana ang pinto ng may humarang dito.

Si Vice. Ito ay naka yellow na suit at may GUCCI shirt na panloob. Nagulat si Jackie. Diretso lang pumasok si Vice at hindi siya pinansin nito. Silang dalawa lang sa loob ng elevator. Sobrang tahimik sa loob. Kinabahan bigla si Jackie. "Eto na yung chance ko na makapag sorry ulit sa kanya.", naisip niya.

Jackie: Uhmm..

Vice: ....

Jackie: Hello po Ms Vice.. sorry po ulit sa nangyari kahapon.

Vice: ....

"Okay di ko na kaya. Di sya sumasagot T_T. Pagkabukas na pagkabukas ng elevator lalabas agad ako. Teka anong floor na ba?". Tumingala si Jackie at tiningnan kung anong floor na sila: 6TH.

"Whaaaaat? Ay siomai di ko napindot yung 5th floor. T_T", narealize ni Jackie. Since nangyari nanaman ito, mas pinili nalang ni Jackie na gamitin ang pagkakataon na iyon para kausapin pa si Vice. Di gaya ng kanina na di siya makatingin dito habang nagsosorry, pumunta siya sa harap nito tiningnan si Vice sa mata, magsasalita na sana siya uli ng biglang bumukas ang elevator door. Biglang sumakay ang napakaraming tao. Napalapit siya ng napalapit kay Vice habang si Vice naman ay paurong ng paurong, hanggang sa ma stuck sila sa sulok ng elevator.

Pinuwesto ni Jackie ang kanyang mga kamay sa harap niya at ni Vice, at biglang nailang na tumingin dito dahil sa lapit nila sa isa't isa. Naamoy nanaman niya ang pabango nito. Biglang may naramdaman si Jackie sa kanyang tyan. "Kinikilig ba ako? Hindi. Imposible. Vice is gay, at alam ko na sila ni Sir Tye. Pero ngayon lang ako nastuck na ganitong posisyon T_T" Nagulat siya ng biglang itinaas ni Vice ang kanyang kanang braso at inilagay sa likod ni Jackie, na para bang ito ay kanyang yayakapin. Napatingin si Jackie saglit kay Vice ng may pagtataka sa kanyang mukha. Nakita niya naman na nakatingin lamang ng diretso si Vice at nagsalita.

Vice: Excuse me, mag-ingat ka naman diyan sa hawak mo. Makakatama ka eh, mukhang mabigat pa naman yan.

Tumingin sa likod si Jackie at nakita ang kamay ni Vice na nakaharang sa dalang nakatiklop na tripod stand ng kasakay nila na lalaki. "Aaah sinangga pala niya. Kasi matatamaan ako.", naisip ni Jackie. Nagsorry naman agad ang lalaki at pinilit na ilagay na lamang sa kanyang harap ang dala. Agad namang ibinaba ni Vice ang kanyang mga kamay. Dumating na sa 15th floor at nagsibabaan na ang ibang mga nakasakay dito. Lumayo narin si Jackie kay Vice. Sila nalang ulit sa elevator. "Wow, magkakasama pala sila?", naisip ni Jackie.

Jackie: Salamat. Sorry po ulit talaga.

Tiningnan ni Vice si Jackie.

Vice: Alam mo tama na nga yang pag-sosorry mo. Okay na, okay? Kulit mo din eh.

"Sungit", naisip ni Jackie.

*TING* Bumukas na ang elevator. 20th Floor. Bago pa makasagot si Jackie ay lumabas na si Vice ng elevator. Pinindot na ni Jackie ang down at 5th floor button. Iyon na ang pinakamahabang ride niya ng elevator sa buong buhay niya. Pero napangiti na lamang siya ng naalala niya ang ginawa ni Vice upang maprotektahan siya. At, 2nd day pa lang niya sa work niya. Grabe na ituu.

-20TH FLOOR-

Bumaba si Vice sa elevator at dali daling nagtungo sa kanyang opisina. Di pa rin siya makapaniwala sa nangyari sa elevator.

*Flashback*

Nagmamadali na siya sa pagpasok ng makitang nakabukas pa ang elevator door pero papasara na rin ito. Hinarang niya ang pagsasara nito at sumakay. Nagulat siya ng makita si Jackie. Nagsara ang elevator door at pinindot ang 20th. Napansin niya na yung lang ang button na may ilaw. "Sa 20th floor din kaya to pupunta? Alam ko new hire nila Tye ay sa 5th floor." Hinayaan na lamang niya ito. Pasikreto syang sumulyap kay Jackie at nakita na para itong may malalim na iniisip. Simple lamang ang suot ni Jackie ngayon, naka pink na shirt na may tatak na cute na face ng baboy, pants, at shoes. Nakalugay ang buhok nito. " Ang ganda niya", naisip ni Vice.

Napaharap siya uli ng biglang magsalita si Jackie.

Jackie: Uhmm..

Jackie: Hello po Ms Vice.. sorry po ulit sa nangyari kahapon.

Di niya alam ang isasagot niya. Sasabihin ba niya na okay lang? okay na? Di naman ako ganito, pag may kausap ako, di ako nawawalan ng isasagot. Sa sobrang tagal niyang mag-isip ng isasagot, nagulat na lamang siya ng pumunta sa harap niya si Jackie. Napatingin siya sa mga mata nito. At nakatingin rin naman ito ng diretso sa kanya. Biglang nanlamig ang kanyang mga kamay.N apansin niya na magsasalita na si Jackie ng biglang bumukas ang elevator door. Nagsipasukan ang madaming tao. Nakatingin siya sa likod at napaurong na lang siya ng napaurong hanggang makarating sa sulok ng elevator, pagharap niya nagulat siya ng maramdaman na nasa harap niya si Jackie at napakalapit nito!

*DUG DUG. DUG DUG* Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nakapatong ang mga kamay ni Jackie sa kanyang dibdib. Sobrang lapit niya. Nakatingin lamang si Jackie sa side nilang dalawa. Napansin niya ang lalaki sa likod ni Jackie na may dalang folded tripod na nakasigit lamang sa kanyang braso, at hawak ng kamay niya ang dulo nito. Akmang mag move siya papalapit kay Jackie at nakita ni Vice na tatamaan ng tripod ang likod nito. Agad niyang itinaas ang kanyang kamay at hinarang ang tripod *Ouch*.

Vice: Excuse me, mag-ingat ka naman diyan sa hawak mo. Makakatama ka eh, mukhang mabigat pa naman yan.

Nagsorry ang lalaki. Tumingin si Jackie sa likod. Biglang narealize ni Vice ang posisyon nila ni Jackie na nakayakap na pala siya rito. Dali niyang binaba ang kanyang mga kamay at naramdaman niya na nag-init ang kanyang mukha. Nagbukas ang elevator at nagsibabaan na lahat ng kanilang mga kasama sa 15th floor. Sila na lang uli ni Jackie ang natirang tao ng magsalita ito.

Jackie: Salamat. Sorry po ulit talaga.

Naglakas loob si Vice na tingnan si Jackie. Ang ganda niya talaga. "Okay lang Jackie. Sa susunod mag-iingat ka na okay? Nag-aalala ako para sayo eh. Ikaw yung tipo na parang ansarap alagaan at protektahan.", naisip ni Vice. "Teka ano nanaman ba tong iniisip ko? May iba bang tao sa utak ko? hello??" Sa sobrang kaba niya, para bang nag auto-pilot siya at ang nasabi niya ay:

Vice: Alam mo tama na nga yang pag-sosorry mo. Okay na, okay? Kulit mo din eh.

Sakto naman bumukas na ang elevator at dali dali na lamang siyang lumabas.

*End of Flashback*

"Kailangan ko ng alisin sa sistema ko ang kung anumang nararamdaman kong ito kapag nakikita ko si Jackie. Nagagandahan lang ako sa kanya. Yun lang yun at wala ng iba pa. Okay lang naman na magandahan ako sa isang babae kahit bakla ako. And besides, kami ni Tye, si Tye lang dapat ang nasa isip ko ngayon ", naisip ni Vice.

Binuksan na lamang niya ang kanyang laptop at nagsimula ng mag trabaho.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

4.1M 170K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
188K 14.7K 36
Her marriage was fixed which was an arranged marriage but she moved to London to pursue her career and dreams and after that, she would marry. But in...
284K 32.7K 82
#Book-2 of Hidden Marriage Series. 🔥❤️ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...
1.4M 35.1K 47
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...