Just Today

By CamsAnn

7.9K 266 79

I saw weakness in his smile when he told me... "I wish I knew you earlier." More

Note
Simula
Kabanata 1: Ngayon
Kabanata 2: Itim at Puti
Kabanata 3: Balang Araw
Kabanata 4: Maririnig
Kabanata 5: Noon Pa
Kabanata 6: Malapit
Kabanata 7: Kanta
Kabanata 8: Hiling
Kabanata 10: Iiwan
Kabanata 11: Babalik
Kabanata 12: Huminto
Kabanata 13: Nakakahanga
Kabanata 14: Mapapasaya
Kabanata 15: Manliligaw
Kabanata 16: Pananaw
Kabanata 17: Sarili
Kabanata 18: Matapang
Kabanata 19: Kaibigan
Kabanata 20: Makikinig
Kabanata 21: Dumating Na
Kabanata 22: Tanong
Kabanata 23: Nagbabago
Kabanata 24: Litrato
Kabanata 25: Hustisya
Kabanata 26: Kahawig

Kabanata 9: Kahinaan

216 9 4
By CamsAnn

Kabanata 9: Kahinaan

Miley Cyrus - Butterfly Fly Away

///

Sophomore Year
High School

I grew up to be a pretty good observer. At hindi ko alam kung mabuti ba ang gano'n o hindi.

     I knew there's something wrong with my father. Kung paano siya pinag-uusapan ng mga kamag-anak namin at kung paano siya ipagtanggol ni Lola. Hindi ko lang masabi kung ano dahil sa tuwing kaharap ko si Papa, hindi ko magawang itanong, gusto ko masaya lang kapag nandyan siya.

     May idea ako pero hindi ko pa 'yon nakukumpirma kahit kailan. Or maybe I want them to trust me and say it to me.

     Hindi naman nagsasabi sa 'kin ang kahit na sino. Sina kuya at ate parang balewala lang sa kanila kahit parang may mali, may respeto pa rin sila sa Papa ko.

     Naglalakad ako sa may hallway yakap ang notebook kong may Iron Man na design na pinasadya ko pa.

     Ilang sandali, bigla akong natulak ng mga nagtatakbuhang estudyante. Useless ang umiwas kaya sumabay na lang ako sa agos.

     "May binu-bully na naman sina Ben! Damn sophomores!" sabi ng kung sino.

     "Talamak talaga ang bullying sa high school. Hays, gusto ko na mag-college para cool lang," dinig ko ring sabi ng kung sino man ang malapit sa 'kin.

     Huminto sila sa tapat ng isang room. Ibang section 'yon pero pareho ng year level ko. Sophomore.

     Nakita kong may isang estudyanteng babae na nakaupo sa sahig at nakayuko. Umangat ang tingin niya at nilingon ang paligid na dumami ang tao. Umiiyak siya at natatakot.

     "Tama na 'yan Ben!" sigaw ng tanda ko ay class president nila.

     Pero hindi nagpaawat 'yung lalaking tinawag na Ben at nagpatuloy sa paglapit sa babae.

     "Ano? Ang hina naman. Inasar ka lang, umiyak ka na?"

     "Akala ko gusto mo ng kaibigan? Dapat masabayan mo kami. E ang tanga mo masyado e," sabi naman ng isang babae at tumawa pa. Si Georgina.

     Madalas ma-guidance ang Georgina na 'yon kaya kilala siya sa rito sa school. Ito pala ang section niya.

     Biglang tumayo ang isa pang lalaki pero hindi naman siya dumagdag sa gulo, hinatak niya lang si Georgina papunta sa likod para hindi na 'yon makisali. Nakangisi pa rin siya kahit nagpahatak na.

     "Tama na... A-akala ko seryoso kayo," mahinang sabi ng nakaupong babae. "Gusto ko lang naman ng totoong k-kaibigan... Pero bakit..." Halos mapaos siya sa hirap sa pagsasalita.

     Magulo ang buhok niya na parang sinabunutan. May papel din sa likod niya pero hindi ko mabasa ang nakasulat.

     "Transferee 'yan," dinig kong sabi ng isang malapit sa 'kin sa kausap niya.

     "Kakalipat pa lang, na-bully na agad. Pinag-uusapan nila na na-bully rin daw 'yan sa previous school," sabi pa ng kung sino.

     Hindi ko alam kung bakit kailangan kong masaksihan 'to at manood pero nanatili ako ro'n.

     Sinubukang tumayo ng babae pero parang wala na siyang lakas. Nanginginig sa galit o sa matinding lungkot? Bago siya matumba, pumasok ako sa loob ng room at inalalayan siya. Hindi ko kayang manood lang.

     "Woah! Pilot section 'yan. It's a pleasure!" natatawang sigaw ng isang lalaki.

    Walang malapit na bakanteng upuan kaya sa upuan ng teacher sa harap ko muna siya inakay.

     Hinawakan kong mabuti ang braso niya. "Maupo ka muna."

     Tinignan ko siya nang nakaupo na. Nakatabing sa mukha niya ang katamtamang haba niyang buhok.

     "Criselina Elisse ang pangalan niyan."

     "Nagsusumbong ba 'yan?"

     "Wala akong pake kahit oo."

     "Ganyan ang tipo ko. Simple pero ang lakas ng dating."

     Biglang may sumigaw sa labas. "Uy malapit na mag-perform sa stage ang seniors! Tara na!"

     Agad nagsialisan 'yung mga nasa labas. May natira naman na kaunti at sumigaw na magtatawag ng teacher.

     Natira ang ilang mga estudyante sa section na 'to. Aalis na sana ang iba pero sinubukan kong magsalita.

     "Sandali lang..." sabi ko. Napayuko ako at hindi alam kung paano sisimulan.

     Tinignan ko 'yung babae sa gilid ko, nakayuko pa rin siya. Nakita ko kung paano nagpatuloy ang iba sa kani-kanilang ginagawa na parang walang nangyari.

    "There are no erasers..."

     Ilang sandali silang natahimik bago biglang tumawa iyong si Ben. "Ano'ng pinagsasasabi nito?"

     "Tangina eraser daw boy. Ayan sa harap o ang dami!" sigaw ng kung sino at tinuro ang nasa table na may ilang eraser ng board.

     "Kung patuloy niyo 'tong gagawin, balang araw mas marami kayong pagsisisihan. Madali para sa inyo na manakit sa ngayon pero kung masira niyo nang tuluyan ang buhay niya, at isang araw magbago kayo, hindi niyo na maibabalik ang panahon na ginawa niyo 'to."

     "Ano ba'ng mali? Simpleng laro-laro lang 'to ng kabataan. Mahina lang ang loob nyan," sabi nung Ben at tinuro ang nasa gilid ko.

     "Matapang ka dahil may kakampi ka. At kung para sa 'yo laro lang 'to, sana naman maisip mo na baka sa ibang tao, mundo nila 'to. Lalo na siya na kaka-transfer lang dito."

     "Talino mo e 'no? Pinapangaralan tayo," natatawang sabi ni Georgina na nasa bandang likod.

     "Mga bata pa tayo... Marami pa'ng hindi nare-realize. Pero naniniwala akong magbabago pa tayo," sabi ko.

    Lalapitan na sana ako nung Ben pero umawat iyong lalaking humatak kay Georgina kanina.

     "Magpakalalaki ka naman Ben. Nagtitimpi lang din ang iba sa ugali mo," sabi niya sa lalaking susugurin yata ako. Hindi ko sigurado.

     "Ano ba'ng problema niyo? Hindi niyo 'ko kilala!" sigaw ni Ben at nagpumiglas.

     "Alam ko nakakainis dahil mukhang pinagsasabihan ko kayo. Sorry... Pero sana makita niyo na concern lang ako sa inyo."

     May ilang estudyante na umalis ng room bigla, tila walang pakialam. Ang iba naman, nagliligpit na ng gamit. May iba na nagse-cellphone. Si Georgina ay nilapitan si Ben at nag-usap sila.

     Gusto ko na sanang umalis. Pero nang nakita kong nag-angat na ng tingin ang babae sa gilid ko at nakita ang bakas ng lungkot at hirap sa mga mata niya... Naisip kong baka mawalan na siya ng pag-asa sa buhay kaya...

     Huminga ako nang malalim... "Masakit masaktan ng pisikal pero mas masakit 'yung talim ng mga salita. Hindi mo alam kung kailan gagaling, kung kailan maghihilom."

     Nagpatuloy lang 'yung Ben sa pakikipag-usap kay Georgina at mukhang ayaw na ring pansinin ang mga sinabi ko.

     Nilingon ko 'yung babae sa tabi ko nang hawakan niya 'yung kanang kamay ko. Gusto niyang magsalita pero parang naubos na 'yung lakas niya.

     Hinawakan ng isang kamay ko 'yung balikat niya. "Maraming mananakit sa 'tin sa buhay na 'to. Pero mayro'n pa ring mabubuti ang kalooban. Ayokong sabihin 'to na parang ang dali-dali lang pero... Sana magpakatatag ka."

     Dumating bigla ang kung sino at tumakbo papunta sa 'min. "Anak..." pagtawag niya sa babae. Anak pala siya ng bagong teacher din dito sa school. Lumayo ako at dumami pa ang tao, dumating ang ilan pang teacher.

     Umalis na agad ako ro'n. Pero may babaeng humabol sa 'kin. "Pilot section!" Isa siya sa nagse-cellphone kanina na parang walang pakialam.

     Iniabot niya sa 'kin 'yung notebook ko na hindi ko namalayang nabitawan ko na kanina para alalayan 'yung babae. "Thanks," sabi ko at kinuha 'yon.

     May biglang lumabas din sa room nila. 'Yung lalaking umaawat kay Georgina at Ben kanina. Blangko akong tinignan ng lalaki saka naglakad palayo.

     Bumalik ang tingin ko sa babae sa harap ko. "I'm Elaine, 'yung lalaki namang 'yon," sabi niya at tinuro ang naglalakad na lalaki, "si Jackson 'yon. Bad boy pero may kabutihan namang taglay. Sumasama lang 'yon kina Ben kasi nililigawan niya si Georgina. Pero madadala na 'yan sa sama ng ugali ng babaeng 'yon."

     Tumango ako at umalis na. Doon ko nakilala ang dalawang 'yon... Sina Elaine at Jack.

     Nagsimula kaming maging close nang minsang inabangan nila ako sa labas ng gate ng school. Kasama nila 'yung babae na kaklase nila, 'yung anak ng teacher.

     Kinausap ako ng babae at nagpasalamat. Nagkwentuhan kaming apat hanggang dilim. Kinabukasan kasi no'n ay aalis na siya at ang nanay niya na teacher. Lilipat sila ng lugar at magsisimula raw ulit. Sinabi niyang nawawalan na talaga siya ng pag-asa pero dahil sa mga sinabi at ginawa ko, kahit papa'no nabuhayan ulit siya ng loob. Pero mas gusto niyang lumayo rito, at dahil may kakayahan naman sila, 'yon nga ang nangyari.

     Mula noon, madalas ko nang kasama sina Elaine at Jack. Kahit hindi ko sila kaklase, naging malapit kami sa isa't isa.

     We supported each other. Sa kanya-kanyang talento at kahit sa mga kalokohan.

     Madalas din kaming nagkaka-text at chat kapag hindi magkakasama. Doon ako nagsimulang mahumaling sa distraction. Kapag kasi may pinagkakaabalahan, hindi ko naiisip 'yung mga issue na naririnig ko tungkol kay Papa.

     Madalas, pagtapos ng klase nagpupunta kami sa malaking tambayan sa school, ang park. Marami ring ibang estudyante na nagpapalipas ng oras do'n. Nandoon kami hanggang hindi pa naiisip umuwi o kaya ay kung wala pa ang sundo kung mayro'n man.

     Ngayong araw, maaga silang umuwi kaya ako na lang ang naiwan sa tambayan.

     Inilabas ko ang sketchpad ko at ang pang-drawing. Nagpatugtog ako mula sa phone ko. Magaan ang pakiramdam ko habang gumuguhit.

     Halos patapos na 'ko nang biglang may tumawag sa 'kin mula sa 'di kalayuan. Napangiti agad ako nang makitang si Papa 'yon.

     Niligpit ko na ang mga gamit ko at naglakad na papunta sa kanya. Biyernes ngayon kaya kauuwi lang niya. Dito siya sa Bulacan hanggang Monday ng umaga bago siya bumalik sa trabaho.

     "Pa! Na-miss kita!" sabi ko sa isang madramang tono. Tinawanan niya naman ako habang naglalakad kami papunta sa motorbike niya.

     "Naku lumulusot ka lang e. Sino 'yung lalaking kasama mo kanina do'n?" tanong niya.

     "Lalaki? Sino? Imbento ka Pa!"

     "Sus! May lalaking malapit sa 'yo kanina habang nagdo-drawing ka!"

     Pagkarating sa bahay, naabutan ko sina Ate at Mama na naghahanda ng merienda sa may garden. Si Lola naman ay nakaupo sa tumba-tumba malapit sa kanila.

     Nagmano ako kina Mama at Lola. Nagmano naman si Ate kay Papa. Si Papa kay Lola.

     "Si kuya?" tanong ko kay ate.

     "Nako 'yung kuya mong 'yon, nag-aadik sa online games. Nasa computer shop. Magbihis ka na para makakain na tayo," sabi niya.

     Tumango ako. Nang makapagbihis na 'ko, dumiretso na 'ko sa labas ng bahay at naabutan silang masayang nagkukwentuhan.

     Napangiti ako. Masaya ako dahil tanggap ni Papa sina Ate at Kuya. At hindi man gano'n ka-expressive sina Ate at Kuya, ramdam na may paggalang sila kay Papa.

     Umupo na rin ako sa wooden chair at kumain ng turon. May mga prutas, tinapay at pancit canton, saka melon juice.

     "Tuloy niyo na 'yung painting niyo, ang ganda tignan kapag natapos niyo 'yan," sabi ni Mama na nakatingin sa pader.

     "Oo nga apo. Natutuwa nga ako kapag nakikita ko 'yang gawa ninyo." Si Lola.

     "Napaka-talented, galing," nakangiti namang sabi ni Ate.

     "Idea 'yan ni Crisel. Tinutulungan ko lang siya kung paano ia-apply nang mabuti 'yung naiisip niya," sabi naman ni Papa.

     "Naku Papa. Ang humble mo a," sabi ko.

     "Syempre. Para lumaki ka ring humble," natatawa niyang sagot.

     Pagkakain namin, itinuloy nga namin ni Papa ang pagpe-paint sa pader. May mga sketch na kami last week sa ibang banda kaya 'yon ang inuna naming lagyan ng kulay. Tinuruan niya 'ko kung ano ang mga dapat paghaluing kulay para maging panibagong kulay. Siya ang nag-inspire sa 'kin sa arts. Noong bata ako, noong niregaluhan niya 'ko ng sketch pad at lapis, nadiskubre kong kaya 'ko ring gumawa ng mga obra.

     Medyo marami na kaming na-painting-an nang biglang dumating si kuya sukbit ang gitara niya.

     Tumigil na rin kami dahil malapit nang dumilim.

     Nagmano si Kuya kay Papa at tinanguan ako. "May pinagdadaanan ka ba Carlos? Mukhang matamlay ka."

     "Okay naman Tito. Medyo marami lang school works." Pumasok na kami sa bahay.

     Kapag wala namang pasok, madalas kaming mamasyal ng childhood best friend kong si Grace. Nagkaiba kami ng school mula nang mag-high school pero malapit pa rin kami, lalo na at hindi kalayuan ang mga bahay namin.

     "May nag-text sa 'yo fren!" sabi niya. Nasa may book store kami at namimili ng mga pang-design. May kanya-kanyang project kaming kailangan gawin.

     Tinignan ko naman ang sinabi niya. Hawak niya kasi ang phone ko habang ako ang pinapapili niya ng magagandang materials.

     "Mamaya ko na re-reply-an, bayaran na natin 'tong pinamili natin," sabi ko.

     "Daming ka-text a."

     "Distraction lang," sagot ko.

     Nakapila na kami at na-observe naming mabuti kung gaano karaming plastik ang ginagamit sa mga pinapamili ng bawat tao.

     "Ang hirap isipin kung saan napupunta ang mga basura ng tao," nasabi ko bigla.

     "Talking about plastics?" maarte niyang sabi. Tumango naman ako.

     Doon nagsimula na maisip naming bumili ng ecobags para hindi madalas gumamit ng plastik. Kapag may naiisip kaming gawin, talagang gumagawa kami ng paraan para simulan. Kahit maliit na bagay, makakatulong pa rin sa kalikasan.

     Pagkatapos ay inusisa na niya 'yung mga nakaka-text ko. Kung may boyfriend na raw ba 'ko o ano.

     Sa sumunod na linggo, gaya ng karaniwan, inabangan ko ang pag-uwi ni Papa.

     Nakaupo ako sa wooden table sa may garden at nakatapak sa upuan para mas kita ang view sa labas. Hindi kasi gano'n kataas ang pader. Maaga ang uwian namin ngayon kaya nasa bahay na 'ko.

     Nakaupo si Lola sa tumba-tumba niya na malapit sa 'kin. Binubuklat niya ang sketchpad ko na punong-puno ng drawings. Kung saan kasi gustong tumambay ni Lola, doon din ako nag-i-stay.

     Nag-i-scroll lang ako sa Facebook account ko at nakitang maraming nag-like at comment sa mga sketch ko na ginawan ko ng album.

     Marami akong natatapos na mga sketch at hinikayat ako noon ni Grace na i-upload ang mga 'yon. By sharing, you can inspire others. 'Yon ang sabi niya.

     Nang may nag-doorbell, agad akong tumayo para pagbuksan 'yon. Akala ko si Papa na pero hindi pala.

     "Tita Jovie! Napadalaw? Musta po?" masayang sabi ko at agad siyang pinapasok.

     "Okay naman. Kasama ko si Justin, alam mo na, may ipapa-drawing daw sa 'yo. Nga pala, si Mama mo andyan 'di ba?"

     "Opo nasa kwarto niya siguro," sagot ko.

     "Ate Crisel!" masayang bati ng batang si Justin, ang pinsan ko.

     Nagmano sila kay Lola at may sinabi si Tita na hindi ko narinig dahil mahina lang.

     Pumasok na kaming lahat sa bahay. Sa sala lang kami habang si Tita ay pumasok sa kwarto ni Mama. Sumunod din si Lola.

     Pupunta na rin sana ako pero ipinakita na ni Justin ang assignment niya na kailangan kong i-drawing. Umalis din agad sila bago pa man makauwi si Papa.

     Mula noon, madalas nang pumupunta sa 'min si Tita na parang kinukumbinsi si Mama sa isang bagay. 

     Hanggang isang araw, maaga akong umuwi dahil maagang nagpalabas sa school, narinig ko sina Mama at Papa na nag-aaway.

     "Alam mong hindi totoo 'yon, sinisiraan lang ako ng Branch Manager namin para umalis na 'ko ro'n."

     "Baka naman kasi totoo Enrico? Baka niloloko mo nga ako, kami?" Si Mama.

     "Anong? Pa'no mo nasasabi sa 'kin 'yan Imelda? Alam mong hindi totoo 'yon! Mula noon ipinaglaban kita sa mga magulang ko, ni hindi ko naiisip na lokohin ka. Kulang pa ba? Hindi pa ba sapat 'yung mga sakripisyo ko?" frustrated na sabi ni Papa. May diin ang bawat salita. Hindi siya palasumbat na tao pero ramdam ko 'yung hinanakit niya sa sandaling 'yon.

     "Ang hirap. Ang hirap hirap na kasi... Ang daming sinasabi ng ibang tao," sabi ni Mama at lumabas ng kwarto. Nagulat siya nang makita ako pero nilagpasan niya 'ko at pinuntahan niya si Lola sa may garden.

     Nakita kong napaupo si Papa sa kama, tila nawalan ng lakas. Yumuko siya at alam ko... alam kong nahihirapan na rin siya.

     Hindi ako agad nakagalaw. Hindi ko alam kung ano'ng dapat gawin. Naramdaman ko 'yung pagtunog ng phone na hawak ko.

     Tinignan ko 'yon at nakitang may message mula sa isang unknown number.

     'Hi Criselina Elisse. I'm trying my luck right now. Pwede ka bang maging kaibigan? I'm a fan of yours.'

     Hindi ko pinansin iyon at nagdesisyong puntahan si Papa. Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya. Nagulat man, nakabawi pa rin siya at ibinalik ang yakap.

     My hero is hurt. Men, fathers, can sometimes be weak too. Gaano man sila katatag sa paningin ng anak at babae, may kahinaan din sila.

///

Continue Reading

You'll Also Like

93.6K 2.8K 19
Dylan had only three goals: beat Yno, crush Yno, and surpass Yno. It was always about Yno. Ever since high school, Dylan had a strong dislike for him...
44.1K 928 43
Ekaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyant...
54.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
8.6K 555 22
[ SAALVADERA SERIES # 1 ] Summer Elena Gonzales always believe that romantic love is not for her. As marriage didn't work with her parents and betra...