One Way Ticket to Love

Por YourAudacity

387 10 0

Lucille Monteverde, isang Flight attendant aspirant. Gagawin ang lahat upang makamit ang kanyang pangarap. Is... Más

Prologue
1
2
3
5

4

40 1 0
Por YourAudacity

Lucille's POV

"Akala ko ba, klaro ang usapan natin, anong ginagawa mo dun?!" Matigas na pangangaral ni Kuya saakin.

Nakaupo lang ako sa kwarto ko sa apartment nina Ate Faith. Oo, inuwi na ako ni Kuya at kanina pa ako umiiyak.

"G-gusto ko lang din naman maranasan ang maging dalaga, kuya e" humihikbing sagot ko.

"Wag mong irason iyan, Lucy. Dahil yan din ang naging dahilan kung bakit hindi nakatapos ang Ate Faith mo" Tinawag na niya ako sa palayaw ko. Galit na siya niyan kapag hindi niya ako tinatawag na "bunso"

"S-sorry na po. Hindi na mauulit" mabigat sa loob kong sabi

"Talagang hindi na. Uuwi ka na sa atin" akmang tatalikod na siya upang tawagan na niya sina Nanay sa probinsya nang yakapin ko siya sa likod.

"K-kuya. Wag naman. P-please. Isang pagkakamali lang po iyon." malakas na din ang iyak ko dahil nagpapanic na ako.

"No. You lied to your ate Faith, you got your friends to lie to your Ate too at isa pa, sinuway mo ako. You know ako ang nakiusap kina nanay at tatay na payagan ka dito. Ako ang malalagay sa alanganin kapag ka may nangyari sayo" tinanggal niya ang yakap ko sakanya.

"Please naman kuya. One chance po. Hindi na mauulit. Hindi na ako magsisinungaling" lumuhod na ako sakanya.

Malakas na din ang pag iyak ko at nanghihina na ako.

"Tumayo ka jan." tumayo na lang din ako at umupo sa higaan ko at yumuko habang umiiyak pa rin.

"You know babalik na ako sa barko. Iniwan ko sa bar yung girlfriend ko na supposedly ay imemeet ko sana ngayon dahil lang kailangan kitang ihatid dito--"

"Luh, may girlfriend ka kuya? Di ka pala bakla?" pag putol ko ng sasabihin niya. Sorry naman na bigla lang

"Uuwi talaga kita. Tumahimik ka jan" sabi ni kuya. Yumuko na lang ulit ako at suminghot singhot.

"Ikaw pag nalaman kong nagloloko ka dito, kahit nasa barko ako. Iuuwi talaga kita. Wag mo kong susubukan, Lucille. Kampi tayo dito pero wag na wag mong gagayahin ang pagkakamali ng ate Faith mo." seryosong tugon niya

"O-opo. Opo kuya." tumango tango pa ako.

"Matulog ka na." tugon nito bago tumalikod at isinara ang pinto ko

Alam kong isang tsansa na kang ang natitira sa akin. I will not fuck this up. Pupwede naman akong magpaka-dalaga kapag nakatapos na ako.

Hindi na ako magloloko, Kuya. Hindi na ako magloloko nanay at tatay.

Ryan's POV

Isang linggo ang lumipas simula nung nagpunta kami sa Bar nina Miggy. Hindi ko alam kung bakit sumulpot bigla sa isip ko ang babaeng iyon. Lucille pala ang pangalan niya.

Kamusta na kaya 'yon? Hindi ko na kasi siya nakikitang bumalik doon e. Since bumalik na din ang nanay ko sa ibang bansa upang mag trabaho, balik na din ang freedom ko. Bumalik ako sa wisyo nang tumunog ang cellphone ko. Binuksan ko agad ang message ni Klarrise

From: Klarrise ❤
Hey babe, I'm hungry. Bilhan mo ko milk tea then french fries sa mcdo please. Load mo na din ako 200 baby. Paubos na tong load ko eh.

"Ah, mga pare. Alis na muna ako ah? May pupuntahan lang" pagpapaalam ko sa mga kaibigan ko.

Kami na ni Klarisse. Dalawang araw pa lang kaming mag-on pero napaka-demanding na niya. Siguro ganon lang talaga siya maglambing.

Agad akong pumunta sa Mcdo at nag order ng bff fries at bumili na din ako ng dalawang Milktea sa nadaanan kong Sharetea. Iniload ko na din siya dali dali akong pumunta sa gabaldon ng school kung saan siya.

"Um, baby--"

"Ah, Ryan. Nandito ka na pala. Nasan na?" pagputol ni Klarisse sa sasabihin ko na tila bang ayaw niyang marining ng friend niya ang pag tawag ko sakanya ng baby.

"Eto oh. Natanggap mo ba ang load? San ka pupunta? Hatid na kita" nakangiting tugon ko sa kanya

"Ah ano kasi, may gagawin pa ako e. Will text you later, okay?" sabi nito at kinuha ang mga binili ko na para sana saaming dalawa.

Tumango na lang ako sakanya at tiningnan siyang lumayo saakin. Balik na lang siguro ako kina Miggy.

Wala namang masyadong gagawin dito.

Lucille's POV

Fast forward, ilang buwan na din simula nung supposed to be bar hopping naming magbarkada, kinuha akong mag-represent ng school para sa Mr. and Ms. Tourism 2018.

Marami akong sinalihan na mga extra curricular activities dito tsaka nag-aral akong mabuti para naman hindi ako mapagalitan nina Nanay. Palagi ko sila ina-update sa bahay dati, hanggang sa ngayon medyo minsan na lang nila ako tinatawagan. Siguro may tiwala na din sila saakin.

"Our Ms. Tourism 2018 for today is... *drum rolls* Ms Lucille Monteverde" nagsi-hiyawan ang mga ka batch ko at syempre proud na proud sila saakin.


Marami pa ang nagpapicture saakin bago ako tuluyang nag pack up na para umuwi. Ganon lagi, school-bahay-school-bahay lang ako. Minsan kumakain kami sa mga cafe para mag aral, naiimpluwensyahan ko na nga ang tatlo dahil sa pag-aaral ko.


Nang marating ko ang bahay ay agad naman akong pinaringgan ni Belle, ang bunsong kapatid ni Kuya Gerard, asawa ni Ate Faith.


"Aba, Pakasarap ang buhay ah.. tapos ako ang naiiwan magbantay kay Gab" sabi nito habang nagtitimpla ng gatas ni Gab


"Ah, magpapalit lang ako Belle. Ako na magpapatulog kay Gab" sabi ko na lang.


Minsan kasi night shift si kuya Gerard tsaka minsan naman ginagabi na si ate sa pag uwi tapos pagdating niya dito busy pa siya sa pag gawa ng lesson plan. Assistant Librarian kasi si Ate tapos may mga gurong tamad gumawa ng sariling lesson plan, kaya ayun si Ate gumagawa kapalit ng extra income niya.


Matapos ko magpalit ay kinuha ko na agad si Gab sakanya at pinatulog na tapos nag-aral na din ulit ako. Taimtim akong nag-aaral at medyo papikit na din ang mata ko nang biglang mag-ring ang phone ko.


"Ay puking mabulbol!" Pota. Sino ba tong tumatawag ng dis oras ng gabi


Sasagutin ko na sana ang tawag nang ibaba niya ito. Aish! Kainis. Maya-maya pa ay may natanggap akong text


fr: Unknown Number

el0wz! gUd PM


Napakunot ang noo ko dun. Sino 'to? Tinanong ko siya kung sino siya at agad naman siyang nag-reply


fr: Unknown Number

rYaN etUh! :-)


Nireplyan ko nga..


to: Unknown Number

Ayusin mo nga mag-text, 2018 na jejemon ka pa! San mo nakuha number ko?


fr: Unknown Number

pnAhinGi kUh kaY mIgGy. Pwde MakIfRendz?! :-)


Pota naman. Hindi ko na siya nireplyan kaya after a while ay tumawag ito


"Ano?" bungad ko agad

"Suplada mo naman. Tawag lang naman e" sagot niya

"Kita mong nag-aaral ang tao e" asar kong sabi

"Ah. Bat di ka na nagrereply?" Tanong niya

"Ang sakit kaya sa mata ng text mo. Ayusin mo kasing mag text. Ang jeje mo" nag-roll eyes pa ako kahit hindi niya naman ito makita

Tumawa ito kaya mas lalong kumunot ang noo ko

"Bat ka tumatawa?" inis kong singhal sa kanya

"Eh kasi hindi ako sanay mag text eh, eh di tawag na lang ako sa'yo lagi" sabi naman niya

teka nga, bat ba ako nakikipag usap sa kanya. Bakit ba niya ako tinatawagan? Di naman kami close ah

"Ano bang kailangan mo at hiningi mo pa talaga ang number ko?" tanong ko

"Wala naman. Meron naman tayong common friends kaya nakikipag kaibigan lang" Siya

"Ah okay, ge na, Tulog na ko bye" hindi ko na siya pinasagot pa at pinatay na ang tawag niya


Pano kasi, kumalabog ang dibdib ko bigla. Parang ang pogi talaga ng boses niya eh. Just hearing his voice makes my knees weak. Bumalik ako sa wisyo nang magtext siya ulit..


fr: Unknown Number

gUdNaytz KulOt! :-*


________

Hehehehehehehehehehehe Helu

Seguir leyendo

También te gustarán

138K 6.3K 36
"I can never see you as my wife. This marriage is merely a formality, a sham, a marriage on paper only." . . . . . . She was 10 years younger than hi...
413K 24.9K 84
Y/N L/N is an enigma. Winner of the Ascension Project, a secret project designed by the JFU to forge the best forwards in the world. Someone who is...
763K 28.2K 103
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! 😂💜 my first fanfic...
60.9K 1.2K 46
*Completed* "Fake it till you make it?" A PR relationship with a heartbroken singer in the midst of a world tour sounds like the last thing Lando Nor...