Tumigil ang aking mundo
ng sinambit mong tapos na tayo
wasak na wasak ang aking puso
hindi ko na alam kung san patungo
ito ako ikaw padin di nagbago
ikaw padin ang tinitibok ng puso
di ko kayang kalimutan ka
dahil akoy lubos mong pinasaya
pero ayun nga ikay nagbago
naghanap ng thrill sa ibang tao
binigay ko lahat ng makakaya ko
di padin sapat para sayo
hindi ako magbabago
kasi alam kong tama to
tamang magmahal ng totoo
kelan man hindi ako mag gagago
magbabago ka pa kaya
ng naaayon sating dalawa
wag kang mahiya
tatanggapin kita
sana makamit na ang tunay na saya
yung wala ng hiwalayan pa
kasi ako, hinding hindi magsasawa
hindi maghahanap ng iba
tuparin mo ang iyong gusto
nandito ako aasa padin ako
dahil walang permanente sa mundo
ito lamang puso kong tapat sayo