Miss Astig 2

By cursingfaeri

1.6M 34.7K 13.5K

"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Nam... More

Uno
Dos
Tres
Cuatro
Cinco
Seis
Siete
Ocho
Nueve
Diez
Once
Doce
Trece
Catorce
Quince
Dieciseis
Diecisiete
Dieciotso
Diecinueve
Veinte
Veintiuno
~BONUS CHAPTER~
Veintidos
Veintitres
Veinticinco
Veintiseis
Veintisiete
Veintiocho
Veintinueve
Treinta
Treinta y uno
Treinta y dos
Treinta y tres
Treinta y cuatro
Treinta y cinco
Treinta y seis
Treinta y siete
Treinta y otso
Treinta y nueve
Cuarenta
Cuarenta y uno
Cuarenta y dos
Cuarenta y tres
Cuarenta y cuatro
Cuarenta y cinco
Cuarenta y seis
Cuarenta y siete
Cuarenta y otso
Cuarenta y nueve
Cincuenta
Cincuenta y uno
Cincuenta y dos
Cincuenta y tres
Cincuenta y cuatro
Cincuenta y cinco
Cincuenta y seis
Cincuenta y siete

Veinticuatro

26.4K 685 185
By cursingfaeri

~24~

"W-Why are you here? Where's..." medyo luminga-linga pa talaga ako sa paligid bago muling binalik ang tingin ko dito. "Urrhmm. I mean... bakit ka nandito?"

Shit. Bukod sa napa-English na nga ng wala sa oras, napaghahalatang...

"May date ka? I mean, na-istorbo ko ba ang date mo?" tanong nitong nakalimutan na yata ang tanong ko.

May date?! 'Pinagsasabi ng lalaking 'to? "Ha?"

Napalingon ako sa likod ko dahil lumampas na ang tingin nito sakin at nakita kong nasa labas na din pala ng pinto ang puno na kanina lang ay kausap ko.

Stalker, amp. Joke lang, hehe.

"Ah, hindi. Ano, may..." Ano ba'ng sasabihin ko? "Uhm... Tara Mase, nakaharang na tayo sa pintuan eh," sabi ko na lang at nauna nang naglakad dito.

Naramdaman ko naman ang agad na pagsunod niya sakin. Medyo ilang sandali din kaming lakad lang nang lakad hanggang sa ito din ang naunang nagbukas ng paksa.

"Tungkol dun sa tanong mo pala... Okay lang sa'kin."

Mabilis na napatingin ako sa sinabi nito. "Ha? Ano'ng tanong?" Bakit wala akong maalalang sinabi ko just a few moments ago?

"Uhm... Yung sa ano... Sa post-it na nilagay mo sa paper bag?"

Napahawak na lang ako ng bibig nang mapagtanto ang sinabi ni Mason.

Holy crap!

I was't planning to give the post-it! Reminder ko lang yun eh! Tsaka mukhang scratch paper pa yun!

Waaaaaa! Nakakahiya kaya ang nakalagay dun, huhuhuhu.

Namumula ang mukhang hindi ako makatingin dito habang inaalala ang kagagahang nasulat ko sa post-it.

Mase,

Is it okay for you to accompany me on the

second (Saturday) of September? Our family

will be hosting a dinner for a business launch.

I will only attend until my mother gives her

speech then we can go to our date? I hope that

would be fine... it's okay if... I really, really hope

that it's okay with you, hahaha :P

PAANO BA KASI NAPUNTA YUN DUN?! Huhuhu.

"Hindi ba—"

"Uhm, nope. Iyon nga iyon. Haha. Sige, salamat sa pag-unlak. It's settled then," nakayuko pa ring saad ko.

Kung pwede ko lang talagang tanggalin muna ang ulo ko at itapon kung saan wag ko lang maramdaman ang kahihiyang ito. Pati ang pesteng pang-iinit nitong pisngi ko.

Pero hindi eh. Lagi na lang ganito lately!

Bakit naman kasi Lord, di ba? Huhuhuhu.

Mukhang natutuwa ka talagang napapahiya ako eh.

"Hmm... Ang ganda ng araw noh?" narinig kong saad ni Mase nang matagal na namang naghari ang lagi naming pinaghaharing katahimikan.

Pasimpleng tiningala ko din ang papalubog na araw bago pigil-ngiting napatango. "Hm. Orange."

"Oo nga, orange."

Hindi ko na napigilan ang mahinang pagtunog ng tawa at maya-maya pa ay natawa na din ito.

"Paulit-ulit ka naman eh," natatawa pa ring saad ko.

"Wala na kasing ibang masabi," nakangiti namang sagot nito habang napapakamot sa batok.

"Sira. Uhmm, so saan ka na niyan?" tanong ko dito dahil napansin kong napapatingin na din ito sa relo. Medyo papadilim na naman kasi talaga ng mga oras na iyon.

"Hmm... Siya nga pala, na-ospital si Charlie."

Awtomatikong napakunot-noo ako sa narinig. "Ha? Kailan pa? Ano'ng diagnosis?"

"Noong Friday. Amoebiasis. Kung anu-ano kasi ang kinakain."

Napabunghalit na lang ako bigla ng tawa sa sinabi nito. "At ngayon lang talaga siya tinablan ng amoebiasis ha? Hahaha. Ay sorry, kapatid mo nga pala," biglang buwelo ko pero tila hindi naman ito na-offend sa sinabi ko.

"Hindi, okay lang. Bagay lang naman sa kanya 'yon," sabi nitong nakangiti pa rin.

"'Sumbong kita!" saad kong tawang-tawa bago agad ding ni-rendahan ang sarili. "Uhm... Ano. Bakit hindi niya pala sinabi sakin?"

Ano ba yan, parang ang feeling close ko naman yata sa kanya, tss.

"T-in-ext ka daw niya eh."

"Wala akong... Ah, nagpalit pala ako ng phone. I mean, hindi ko pa nahahawakan ang isang phone ko since Friday eh," kagat-labing saad ko.

"Okay lang iyon. Pero ano... papunta ako nyan sa ospital. Baka i-di-discharge na din kasi siya mamaya."

It didn't take a minute for me to decide sa sinabi niya.

"Tara, daan na muna ako dun. Doon na din ako magpapasundo kay Tatay."

Habang nasa taxi ay nagulat pa ako sa naging conversation namin ni Mase. Nanunukso kasi na parang ewan. Nakakapanibago lang talaga.

Ewan ko dun. Bahala siya.

Kasi naman, lokohin ba akong hihingiin daw ang kopya ng magazine na ako ang cover. Para panakot sa ipis ha? Gago yun. Bad trip ha, sabi niya nung una pangdisplay eh, hahahaha.

Pero at least parang hindi na ganun ka-awkward, di ba?

Hay naku, ayoko na lang pag-usapan ang nangyari sa hospital. Bukod sa nagliligpit na din naman sila ng mga gamit pauwi ay naiilang lang ako sa mga kapatid na lalaki ni Charlie. Kahit kasi walang sinasabi parang may something sa mga galaw nila.Biglang magsisikuhan, biglang magbubulungan. Nakakaparanoid. Tss.

***

It was one hot Sunday afternoon. Basically five days after ng pagbisita ko sa hospital kung saan na-confine si Charlie.

Wait, I stand corrected. Morning pa lang pala, hahaha.

Anyway, it was so hot I wanted to jump into a pool full of ice cubes. But of course that would be torture, too and I was just exaggerating, hahaha.

Ang totoo talaga niyan ay hindi naman ang kainitang klima ang problema ko ngayon. Nasa loob naman kasi ako ng air conditioned room. And what I actually felt was, ang pagkabanas ko habang naghihintay kina Mama at Tita Ayessa dito sa may receiving area ng spa.

Sinama-sama pa kasi ako. Bad trip.

Ang tagal na talaga nila. Lahat yata ng in-offer ng pesteng spa na 'to pinatos na nila eh. Parang pinagsisihan ko tuloy ang naging desisyon kong tumanggi nang ayain nila ako. Di hindi sana ako muntanga dito na parang ewan. Lahat ng klase ng sitting at standing position nagawa ko na yata huwag lang mangalay itong puwet ko kakaupo. Mabuti na lang at mag-isa lang akong naghihintay dito dahil kung hindi ay baka pagtawanan na ako ng makakakita. Labas-pasok din kasi ang receptionist kahit tila hindi naman ako nito pinapansin.

Before we ended up getting here ay sinundo nila ako sa condo kaninang umaga. Hindi kasi ako umuwi this weekend dahil ayokong magpa-istorbo sa pag-aaral ng lessons at paggawa ng sangkatutak na assignments. They-- my aunt and my mother, just barged in at nagpahayag na pupunta daw sa isang sikat na spa somewhere in Pasig. Hindi na ako nakareklamo dahil obviously, batas ang nanay ko, hahaha. So ayun, napadpad kami dito sa isang four-story na building. Ang buong dalawang floor-- the third and fourth, ay siyang ginagamit ng spa. Medyo familiar nga sa'kin ang pangalan, but it was my first time to set foot on the said building.

Feeling ko nga bagong bukas na branch 'to dahil parang may naaamoy pa akong pintura. The place was relaxing though, kahit nasa receiving area pa lang. Even the nature-feel music seems to allure you na mag-avail ng commodities nila. It felt like it was such a sweet guilty pleasure that you can't resist. But I still won't fall for that trap. Hindi nakakarelax sakin ang simpleng pagdapa habang minamasahe ang mga vital points ng katawan ko. Extreme sports will do. That might sound weird, but that's how I roll.

Pero sabi nila Tita, bonding daw 'to eh.

Bonding ha, tss.

Kung kumain na lang kami edi nabusog pa ko. Di yung ganitong nag-a-alburuto na ang tiyan ko sa gutom habang hinihintay na matapos ang session nila ng massage.

Pero teka, sabi isang oras lang ah?

Naiinis na napakamot na lang ako ng batok at naglaro ng 2048 sa iPad.

Mga two and a half hours na akong muntanga nang hindi na talaga ako makatiis. Hinintay ko lang na mawala sa paningin ko ang receptionist bago pumuslit sa loob ng spa, leaving all our stuff outside. I was planning to sneak in very, very quick. Wala na akong pakialam kung bawal. Physiologic needs ko kaya ang nakataya dito. Ayaw na ayaw ko pa namang nagugutom. I admit that I instantly become one unreasonable, impatient person.

Mahinang naglakad ako sa pasilyo ng mga kwarto.

"Ma? Tita? Si Louie 'to."

Sa kasamaang palad, wala akong narinig na sagot.

Medyo may kadiliman pala ang lugar?

I remember one time nang magpa-spa kami ni Mama way back freshman year in high school. Medyo madilim nga talaga ang lugar sa spa. But not this kind of dim. Kahit 20-20 ang vision ko ay parang wala na akong makita, grabe.

"MAMA! Nagugutom na 'ko eh."

Kaartehan mang matatawag pero parang maiiyak na talaga ako sa gutom. I always respond to urge whether that is brought about by hunger, pooping or simply getting a pee.

At ayaw na ayaw ko talaga sa lahat ang nagugutom ako, huhu.

"Ma'am, bawal po ang mag-ingay dito. Naiistorbo ang mga customer. Magpapa-massage ka po ba?"

Hindi ko na namalayang nakalapit na ang isa sa mga staff ng spa sakin.

Or was she not?

Nakumpirma ko lang nang makita ko ang kaparehang tabas ng uniporme nito sa nag-assist kanina kina Mama.

"Sorry po. Hinahanap ko po Mama ko eh. Yung dalawang babae. Nasa early forties ang isa at late forties ang kasama niya."

Kaduda-duda ang bilis ng pagka-register ng recognition sa mukha nito na parang kilalang kilala niya ang taong tinatanong ko. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan in an instant.

Sa dami ba naman ng customers nila? And it isn't her who assisted my mother.

Call it instinct, but—

"Ay Ma'am baka po hindi pa tapos ang session—"

"I'm sorry for interrupting, pero akala ko ba one hour and a half lang ang massage? We came here exactly 10:30 in the morning. Hasn't the session supposedly ended an hour ago? Ala una na, Miss."

Kahit medyo may kadiliman ang lugar ay nakita ko ang pagkabahala sa mukha nito. Lalo't ilang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sakin. At medyo naka-adjust na din ang vision ko sa kadiliman. Hindi ko tuloy maiwasang mas lalong magduda sa inakto niya.

"Ano po. Baka nagpa-facial na din—"

"My mother told me na after ng lunch siya magpapa-facial. At sa mall na 'yon Miss."

Ang tagal nitong hindi nakapagsalita kaya mas lalo ko lang siyang tinitigan ng diretso sa mga mata.

"Who are you?"

"H-Ho?"

Halatang nagulat ito sa tanong ko pero mas lalo ko lang siyang nilapitan.

"Where. Is. My aunt. And. My mother."

Kung nabigla ako sa pag-atake niya sakin ay mas nagulat ito nang agad akong nakailag bago pa niya patamaan ang mukha ko. Mabilis ko ding napapulupot ang isang kamay sa leeg niya kasabay ng mahigpit na pagpilipit niyon bago itinakip ang libreng kamay sa bibig niya para huwag makalikha ng ingay.

"Nasaan sila? Ituro mo agad kung ayaw mong ma-dislocate ko 'tong ugat sa leeg mo," mariing bulong ko sa tenga nito. "And I don't know if you would still be alive by then."

Pagkatapos makuha ang nais, mabilis akong umikot paharap dito and forcefully struck her larynx from a 45 degree angle, leaving her unconscious bago dahan-dahang ipinasok siya sa isa sa mga kwartong bakante na agad na nabuksan ko.

My heart was pounding fast habang tinalunton ko ang silid na tinuro ng staff kanina.

Maliksing hinanap ng mga mata ko sina Mama nang tuluyan akong makapasok ng silid. Kung titingnan, prenteng nakadapa lang ang mga ito sa tig pang-isahang higaan. Para silang nakatulog ng mahimbing. But that didn't make me feel any better. Tanging mga scented candles sa bedside table sa gilid ng higaan ang nagbibigay liwanag sa buong silid. Ramdam ko ang unti-unting pagkahilo habang tila may lumalabas na parang fog mula kung saan kaya agad na hinila ko pataas ang t-shirt upang pansamantalang itakip sa ilong ko.

My god, what the hell was that smell made of? Parang meron siyang anaesthetic effect na...

Fuck, no!

Kinakabahang nilapitan at niyugyog ko si Mama.

I can't even believe that this is happening now.

"Ma? Mama? Ma!" Marahang sinalat ko ang pulso sa leeg nito. "Ma! Gumising ka nga!"

I was getting nervous by the second, but I tried very hard not to break down and cry lalo't parang unti-unting nanghihina na din ako.

Bahagya akong nakahinga nang maluwag nang maramdaman ko ang mabagal at mahinang pagpintig ng pulso sa leeg ni Mama at doon ko pa lang naalalang gisingin din si Tita Ayessa.

"Tita? Tita, gising po!"

"Hmmm..."

Tila naalimpungatan lang ang mga ito mula sa mahabang pagkakahimbing.

I can't tell exactly how we still managed to leave that goddamn place. What's clear to me was... it turned out na ang lahat ng empleyado sa spa na iyon ay ikinulong sa isang kwarto even before we arrived. The receptionist and the two staff who assisted us were not employees of that spa. Pati ang umatake sakin. Ni walang idea si Mama kung sino ang may pakana dahil nang tanungin nito ang nagrekomenda sa kanya ng spa ay wala ding ma-trace na kahit anong senyales ng inside job.

I was starting to get worried, so worried even nang marinig kong sinabi ni Mama na huwag na daw munang makarating ang nangyari sa bahay. That it will be just between the three of us.

How could she say that, di ba?

I was worried as hell.

These past days, bigla biglang napapanaginipan ko na lang ang nabasa ko sa Reader's Digest way back when we were still in Canada. It still haunts me. It's so vivid as if it was happening to me instead of that teenage girl in the story. I was burning inside a car. Stuck. And was begging for help while I saw my mother's burning clothes started to immolate her. We were so helpless that I couldn't even hear my own screaming voice looking for someone to help me. To help us.

Napailing na lang ako habang pilit na winawaksi iyon.

Iniisip ko tuloy ngayon na baka may mga nagbabanta na sa buhay ni Mama at hindi lang siya nagsasabi. And that dream's a warning or something.

And for the first time, I considered contacting my father to delve deeper into this matter.

For the sake of my mother.

It was hard to dismiss the incident, but we still managed to grab some lunch kahit wala sa aming tatlo ang nakaubos ng alinmang in-order sa Chinese restaurant na iyon. Nag-ikot ikot din kami ng konti sa mall bago nagpasyang umuwi bandang alas singko. Tatay Tonyo called, and he said na nasiraan daw siya ng kotse sa daan kaya hindi niya kami masusundo.

That's odd, I silently thought.

Really.

Hindi kailanman nasiraan si Tatay sa gitna ng daan dahil tsine-check muna nito ang kotse bago umalis ng bahay. So we have no choice but to take a cab instead. Ayaw din ni Mama na magpasundo kami kina Kuya. Dahil ayaw ulit ipaalam sa iba ang nangyari. Masyado nang unreasonable ng mga desisyon niya, honestly, but I'm not in the position to complain. And not the right time to argue.

Dahil nga sa Robinson's Galleria kami nag-lunch, sinabihan ako ni Mama na iwan ko na daw ang ilang pinamiling gamit ko sa unit at kunin na din ang laundry ko para maiuwi sa bahay. Ang bilis kong gumalaw ng mga panahong iyon. It's like I don't want my mother to be out of my sight for a single second. Kung hindi niya lang talaga pinagpipilitang kunin ko na ang mga gamit ko sa taas para hindi tumambak ang labada ko. I even suggested na ako na ang maglaba. Kasi may washing machine naman. But she was too adamant.

My anxiety even grew nang hustong kakalabas ko lang ng condo ay agad na hinanap ng mga mata ko si Mama at hindi ko agad ito nakita.

Ang saglit na pagkahinga ko nang maluwag nang makita ko na itong nag-aabang lang naman pala ng taxi sa may highway mismo ay agad ding napalitan ng pagtataka. Bukod sa pwede naman kasi siyang magbantay ng taxi sa tapat lang ng condo...

Why didn't she just tell the guard to—

"MAMAAAAA!"

Mabilis kong binagsak ang hawak hawak na dalawang bag at hindi ko alam kung lumipad na ba ako sa bilis ng pagtakbo ko papunta dito nang makita kong muntik na itong mahagip ng rumaragasang taxi.

No. It was very obvious that the taxi intentionally did that to my mother. Hindi agad napaandar ng driver ang sasakyan pagkatapos nitong muntikang mabangga si Mama. Dala din siguro ng pagkagulat nang biglang sumulpot ako kung saan at malakas na sinipa ang bandang headlights nito bago pa matamaan si Mama. Wala akong pakialam kung nabasag ko iyon. Agad akong lumigid sa heavily tinted window ng passenger seat at sunod sunod na sinuntok ng malakas.

"Get the hell out of the car, you bastard!"

Hindi ko napaghandaan nang maliksing paandarin nito ang sasakyan kaya mabilis na hinanap ko ang plate number nito habang balak pa sanang habulin.

But it was fuckin'— so fuckin' frustrating that the number on it was deliberately erased. Nakapinturang itim ang buong plate.

"Fuck. Fuck," habol hiningang bulong ko habang pilit na kinakalma ang sarili.

Pinasya ko na lang na takbuhin pabalik ang kinaroroonan ni Mama. Kasalukuyang nakatayo na ito habang nakatukod ang isang kamay sa tila railings sa may foot walk. Kahit ang lalaking nag-abot dito ng handbag niya ay hindi ko maiwasang pagdudahan.

"Okay ka lang Ma?"

Nanghihinang tumango ito.

"Saan si Tita Ayessa?"

"May pinabiling pagkain sina lolo mo kaya bumalik saglit sa mall."

Wala sa sariling tumango na lang ako.

So it was really my mother ang tila habol ng kung sino mang hayop na iyon. Clearly, everything's not just a coincidence.

Twice. Not just a coincidence.

"Ma, sagutin mo nga ako. Is this the first time that things like this happened since we came back?"

Matagal bago sumagot ito kaya hinawakan ko na ang braso niya at hinarap siya sakin. Pero sa halip ay awang-awang hinaplos nito ang dumudugong kamay ko.

"My god, anak... Your hands..."

"Ma, please. I want to know. May nakalaban ka ba sa negosyo? Have you turned someone down lately because of some business related deals?"

I can't think of any reason kung paanong may gagawa kay Mama ng ganoon. Lalo't malapit na din ang launching ng negosyo niya. I know my mother so well.

She couldn't possibly...

Does her being just and righteous make her gain foes?

Nakita ko ang pag-iling nito, nasa mata ang pagsuko.

"Third time... This is already the third time, Louie."

Imbes na kabahan ay napakuyom lang ako ng kamay sa pag-usbong ng poot sa dibdib ko para sa kung sino mang hayop na may pakana nito.

Walang inagrabyadong tao ang Mama ko. She even left me just to be a good provider.

How could someone do that to her?!

There's no way in hell that I'll let anyone lay a finger on my mother.

Nobody has the right to hurt her. Or anyone in my family.

NO.BO.DY.

Continue Reading

You'll Also Like

97.4K 8.2K 40
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
185K 6.9K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
477K 23K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...