Love On Air 2: Araw Gabi (Com...

By Kandice_Gonzales

74.1K 1.4K 63

"It's easy to fall in love with you. Bulag at tanga lang ang hindi magkakagusto sa'yo." Animo araw at gabi si... More

Prologue
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen

Chapter Five

4K 80 0
By Kandice_Gonzales


"ATE, PAANO mo malalaman kung may gusto ka sa isang tao?"

Natigilan ang Ate Jaime ni Jammy nang marinig ang tanong niya. Nabitiwan nito ang binabasang libro at tumingin sa kanya.

Lately ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan na magkapatid. Nag-decide kasi siya na mag-transfer ng school nang hindi ito sinasabihan. Ilang linggo rin silang hindi nag-usap. Iyon ang pinakamatagal nilang tampuhang magkapatid. Hindi nagtagal, hindi rin ito nakatiis. Isang ngiti lang at nagkabati na sila. Parang walang nangyari at nagkasundo na silang magkapatid.

Kay Ate Jaime unang sinabi ni Jammy ang pagsali niya sa COCC. Sa una ay labis ang pagtutol nito at sinisi rin ang sarili. Hindi daw niya maiisipang sumali sa COCC kung hindi sila nag-away. She assured her that everything would be all right.

Ang totoo, nag-e-enjoy siya bilang trainee. Marami siyang natututunan sa paglipas ng mga araw. Higit sa lahat, marami siyang nakikilala at naging kaibigan. Hindi niya iyon inasahan. Sa kalaunan ay napahinuhod din niya ang kapatid. Nagbilin ito na mag-quit siya sakaling dumating ang araw na hindi na niya kaya ang training. Siyempre, malaking factor ang allergy niya sa araw. Nakatulong nang malaki na panahon pa rin ng tag-ulan. Hindi siya masyadong nabibilad sa araw.

"Bakit mo tinanong sa akin 'yan? Tell me, sis, may crush ka na ba?"

"Crush? Wala akong crush, Ate! Ang bata ko pa kaya!"

Itinuro ni Ate Jaime ang mukha niya. "Eh, bakit ka namumula? 'Yan ba ang walang crush? Kambal tayo, Jammy. Sa tingin mo, may maitatago ka sa akin?"

Huminga siya nang malalim. Kakambal nga niya ito. Kahit anong pagtatago ang gawin niya, mararamdaman at mararamdaman nito na may itinatago siya.

"So, tell me about your crush?"

"Mabait siya, Ate. Palagi siyang mabait sa akin. Para siyang male version mo. Palagi niya akong tinutulungan at pinoprotektahan."

Napatango ito. "What's his name?"

"Joshua." Napangiti si Jammy. For the first time, inamin din niya sa sarili na crush niya si Joshua. Ang gaan-gaan at ang saya-saya ng pakiramdam niya. Pangalan pa lang ni Joshua ay kinikilig na siya. Bigla niyang naalala ang lahat ng ginawa nitong pagtulong at pagprotekta sa kanya. Kahit hindi niya hilingin, automatic na rito ang maging Prince Charming sa isang damsel in distress na tulad niya. At wala itong palya. Para itong isang karakter na pinilas sa isang fairy tale.

Joshua was indeed the Prince Charming type. Ang tipo ng lalaking minamahal ng mga babae dahil sa magagandang katangian nito. Ito ang pinakamabait, pinakamagaling, pinaka-sweet, at pinaka-thoughtful na lalaking nakilala niya. And he was breathtakingly handsome. Sa lahat ng magagandang qualities nito, mahirap ang hindi ma-in love dito. It was like fighting an inevitable.

"Sana one of these days I will get to know him."

"Punta ka minsan sa school. Ipapakilala kita sa kanya."

"Kapag sinaktan ka niya, sabihin mo sa akin. Ako ang bahalang gumanti sa 'yo."

Natatawang niyakap ni Jammy ang kapatid. "Kaya ka nasasabihang war freak, Ate. Lahat, dinadaan mo sa away. Hindi gano'n si Joshua. Hindi niya ako sasaktan."

"Tama na ang isang sweet sa pamilya. At ikaw 'yon." Natigilan si Ate Jaime na tila may naalala. "Alam mo na ba?" seryosong tanong nito.

Nagtatakang humiwalay siya rito. "Alam ang alin, Ate?"

"Bumalik na raw si Mama. Nasa Maynila siya ngayon. Baka bukas, nandito na siya."

Natigilan si Jammy. Limang taong nagtrabaho sa Australia ang kanilang ina. Pagkapanganak sa kanila, lumuwas ito sa Maynila at iniwan sila sa pangangalaga ng kanilang lolo. Mabibilang sa daliri ang umuwi ito upang bisitahin sila. Mas gusto nitong manatili sa lugar na malayo sa kanilang magkapatid.

"Sa tingin mo, Ate, tanggap na kaya tayo ni Mama?" tanong ni Jammy sa mahinang boses. Sabik siya sa pagmamahal ng isang ina. Busog man sila sa pagmamahal mula sa kanilang lolo, may bahagi pa rin nila ang palaging kulang. May bahagi niya ang palaging naghahanap ng kalinga at pagmamahal ng isang ina.

"Huwag ka nang umasa. Wala siyang pakialam sa atin." Tumingin ito sa balat niya. "Look at yourself. Sinubukan niyang magpakamatay para mawala tayo. Siya ang dahilan kaya ka nagkaganyan. 'Yan ang malinaw na ebidensiya na wala siyang pakialam sa atin. Masasaktan ka lang kung aasa kang matatanggap niya tayo." Iyon lang at lumabas na si Ate Jaime ng kuwarto niya.

Napuno ng lungkot ang puso ni Jammy. Wala na ba talagang pag-asa na magkaayos silang mag-ina?


----------------------------------------------------------


"WHY DO birds suddenly appear every time you are near? Just like me, they long to be close to you..."

Natigil si Joshua sa paglalakad nang marinig ang napakagandang boses na iyon. Halos hindi niya maigalaw ang kanyang katawan. Para siyang na-hook na hindi niya maintindihan. Kalalabas lang niya ng library at papunta sana sa canteen. He looked around. Maraming estudyante sa paligid dahil lunch break.

Akmang pipihit siya nang mahuli ng kanyang tingin ang isang pamilyar na pigura. It was Maica. Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya na lumapit sa babae. Hindi na rin siya dapat magtaka. Dahil mula nang makilala niya si Maica, naging ugali na niya na lapitan ito at tulungan. He didn't know why. He just loved helping her, saving her. Naging bahagi na iyon ng sistema niya.

"Why do stars fall down from the sky every time you walk by? Just like me, they long to be close to you..."

Natigil si Joshua sa paglalakad nang marinig na kumanta si Maica. Ang dalaga pala ang narinig niyang kumakanta. Kung gaano kaganda ang boses nito kapag nagsasalita, doble-hindi pala-triple pa ang boses nito kapag kumakanta. Her voice was very sweet, angelic, and gentle. It was music to the ears. Kung kumakanta ang mga anghel sa langit, sigurado siyang kagaya iyon ng boses ni Maica.

Mukhang naramdaman ni Maica ang presensiya niya dahil napatingin ito sa kanya. She smiled at him. Joshua could not help but smile back. Unti-unting kumalat ang sinag ng araw sa mukha nito. Her face was now glowing. Her innocent face looked so breathtakingly beautiful. Para itong batang inosente sa mundo at hindi pa nasasaktan.

Everything went blank afterwards. Ang tanging nakikita ng mga mata niya ay si Maica lang. Wala na siyang pakialam sa ibang tao, sa maingay na paligid. Ang mahalaga sa kanya ay ang matitigan at marinig itong kumanta. Ang boses ng dalaga ay kasimpuro at kasing-gentle nito.

"On the day that you were born the angels got together and decided to create a dream come true. So they sprinkled moon dust in your hair of gold and starlight in your eyes of blue..."

Naramdaman ni Joshua ang biglang paninikip ng kanyang lalamunan at sikmura. He was never fond of shy, sweet, and nice girls. But as he looked at her-smiling sweetly while singing-he started to wonder if he would ever meet anyone as shy, as gentle, as innocent, as pure, as nice, and as passionate as Maica. Hindi na yata. Dahil nag-iisa lang ito sa mundo.

"That is why all the girls in town follow you. All around. Just like me, they long to be. Close to you..."

Muling bumalik ang tingin ni Maica sa kanya, saka ngumiti nang ubod-tamis.

Parang may bumagsak sa ulo ni Joshua at nagising siya mula sa mahabang pagkakatulog. Huminga siya nang malalim. If people would get close to Maica, close enough to really see her, siguradong marami siyang magiging karibal sa dalaga. Sa dami ng magagandang qualities nito, it was very easy to care for her and to love her.

Hindi niya napigilang sabayan ito sa pagkanta. "Just like me, they long to be close to you..."


-----------------------------------------------------------------------


"THANK you, Crisostomo. Dahil sa 'yo, napasagot ko rin sa wakas si Karina. Kung kailangan mo ng tulong, sabihan mo lang ako. Kahit ano, tutulungan kita."

Iyon ang paulit-ulit na sinabi kay Jammy ni Ted pagkatapos niyang kantahan ng dalawang beses ang nililigawan ng lalaki na ngayon ay girlfriend na nito. Hindi niya napigilang mapangiti. Kumanta lang siya habang nag-uusap ang dalawa. Hindi niya alam na nakatulong iyon upang sagutin ni Karina si Ted na matagal na itong nililigawan.

"Ang ganda ng boses mo. Nakakainggit!" ani Karina, nakaakbay dito si Ted na sweet na sweet.

"Salamat."

"Mula ngayon, hindi lang si Joshua ang backer mo. Count me in, Crisostomo."

Natuwa si Jammy. Hanggang sa makapagpaalam sa dalawa ay puring-puri siya ng mga ito. Ngiting-ngiting naglakad siya papunta sa gate. Kanina pa tapos ang klase niya. Nauna nang umuwi sa kanya si Jasmine. Siguradong naghihintay na sa labas ang sundo niya.

Natigil siya sa paglalakad nang makasalubong si Joshua. Humarap siya rito at sinaluduhan ito. Iyon ang pagbati nilang mga COCC trainee sa mga officer. Ibinaba niya ang kamay nang gumanti ito ng saludo.

"Tapos ka na?"

Napakunot-noo siya. "Huh?"

Ngumiti si Joshua. "Best seller ka sa lahat ng officers. Ilang beses kitang nakitang may kinakantahan. Kaunti na lang magseselos na ako sa kanila."

"Magseselos? Kanino ka magseselos?"

"Sa lahat ng officers na kinantahan mo. Imagine ako ang backer mo, pero kahit minsan hindi mo pa ako kinakantahan. Palagi kitang inililigtas sa ibang officers pero mas una pa nilang narinig ang boses mo."

Hindi napigilan ni Jammy na matawa. Hindi niya alam kung nagse-self-pity si Joshua, nagpapaawa, o nakikipagbiruan sa kanya. Pero ang cute-cute nitong tingnan. Tuwang-tuwa siya rito.

Nagulat siya nang mula sa likod ay inilabas nito ang tinatago na orange juice.

Nang hindi pa rin siya tumitinag, ang binata na ang nagbukas ng juice at ipinasa sa kamay niya. "Uminom ka na. Kakantahan mo pa ako bukas."

Hindi na napigilan ni Jammy ang sarili, natawa siya.

"You're so unfair. Pagkatapos mo akong pagkaitan ng boses mo, pinagtatawanan mo naman ako ngayon," anito sa magaan na tinig. Nakangiti na ito ngayon.

"Opo. Iinom na po. Para bukas makantahan na kita."

"What are you waiting for? Hindi ka makakainom sa kakatitig sa akin."

Natutuwang uminom si Jammy ng juice. Napakabait talaga ni Joshua sa kanya. Inabutan pa siya nito ng panyo pagkatapos niyang uminom.

"Salamat," aniya.

Ngumiti ito. Kaunti na lang matutunaw na siya sa kakangiti nito. "Uuwi ka na?"

"Oo. Baka hinihintay na ako ng sundo ko sa labas."

"Ihahatid na kita. Baka may humarang na naman sa 'yo."

"Kaya ko na baka may pupuntahan ka pa."

Umiling ito. "Mas matatahimik ako kung ihahatid kita."

Pagdating sa gate, agad na hinanap ni Jammy ang sundo. Wala si Mang Goryo sa lugar na madalas na pagparadahan ng sasakyan.

"Wala pa yata ang sundo mo," ani Joshua.

"Ang weird nga, eh. Usually, maaga siyang dumarating."

"Bakit hindi ka tumawag sa bahay ninyo? Halika, samahan kitang tumawag."

Pumunta sila sa tindahan sa tapat ng eskuwelahan kung saan may payphone. Nagulat siya nang si Mang Goryo mismo ang nakasagot ng telepono sa bahay nila.

"Mang Goryo! Bakit po nasa bahay pa kayo? May nangyari ba kay Lolo?"

"Walang problema sa lolo mo." Nakahinga si Jammy nang maluwag. "Baka mahuli ako sa pagsundo sa'yo, hija. Hindi ko alam kung ano ang problema sa kotse. Kahit anong pilit ko hindi nag-i-start. Tinawagan ko na 'yong kilala kong mekaniko."

Napabuntong-hininga si Jammy. Mukhang para makauwi sa bahay ay kailangan niyang mag-commute.

"Hihiramin ko na lang siguro ang tricycle nina Aling Naning para masundo kita," anito.

Napasulyap siya kay Joshua na tahimik na nakatayo sa tabi niya. Ngumiti ito. "Okay lang po ako, Mang Goryo. Kaya ko na po. Makakauwi po akong mag-isa."

"Sigurado ka, anak? Lagot ako nito sa lolo mo," nag-aalalang sabi nito.

"Ayos lang po ako. Ako na po ang bahala kay Lolo pagdating niya."

Kinailangan ni Jammy na paulit-ulit na sabihin na maayos siya bago napakalma ang matanda. Katulad ng lolo niya, lahat ng kasama niya sa bahay ay overprotective sa kanya.

"Walang susundo sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Joshua nang maibaba ni Jammy ang telepono.

"Wala, eh. Sira daw 'yong kotse. Hindi na ako nagpasundo. Kaya ko namang mag-commute pauwi.

"Sigurado ka? Gusto mo ihatid kita?"

"Hindi na. Kaya ko na."

Joshua looked at her intently. May kung anong dumaan sa mga mata nito na hindi niya mabigyan ng pangalan. "Ihahatid na kita."

"Joshua, okay lang ako, promise."

"Ikaw okay. Ako hindi." Huminga ito nang malalim. "Hayaan mo na akong ihatid ka. Hindi ako matatahimik na iwan ka lang dito. Halika na."

Hindi na siya nakapalag nang hawakan ni Joshua ang kamay niya at nagsimula itong maglakad papunta sa sakayan. Tumigil ito sandal na tila may naalala. Binuksan nito ang bag at inilabas ang payong.

"Ano'ng gagawin mo sa payong?"

Bilang sagot, binuksan ni Joshua ang payong at itinapat sa kanya. "Kailangan mo nito para hindi ka masyadong mainitan."

Parang matutunaw ang puso ni Jammy. May mas sweet at thoughtful pa ba kay Joshua?

Habang naglalakad, may narinig silang busina mula sa likuran nila. Napalingon sila sa pinagmulan ng busina.

"Si Sir Tolentino," ani Joshua.

Napangiti si Jammy. Si Sir Tolentino ang in-charge sa kanilang mga trainees at officers. Malaki ang utang-na-loob niya dito. Hindi siya makakasali sa COCC kung hindi sa tulong nito.

"Good afternoon, Sir!" bati nila.

Ngumiti ito. "Pauwi na kayo?"

"Yes, Sir," sagot ni Joshua. "Hindi makakarating ang sundo ni Maica. Ihahatid ko po siya sa bahay."

Tumingin si Sir Tolentino kay Jammy. There was warmth in his eyes as he looked at her. "May problema sa bahay n'yo?"

"Wala po, Sir. Nasiraan lang po 'yong sasakyan na susundo sana sa akin. Hindi na po ako nagpasundo. Magko-commute na lang ako pauwi," sagot niya.

"I'm proud of you, Jammy. Maganda ang epekto sa 'yo ng pagpasok sa COCC. Habang tumatagal, napapansin kong tumatapang ka na."

Tinapik ni Joshua ang balikat ni Jammy. "Ang galing ng manok ko, 'no, Sir? Hindi lang masyadong halata pero proud na proud ako sa kanya."

Happiness flowed in Jammy's heart. Ang malamang proud sa kanya si Joshua ay nagpapasaya sa kanya nang labis.

"Sakay na kayo. Ihahatid ko na kayo pauwi," ani Sir Tolentino.

"Huwag na po, Sir. Nakakahiya po sa inyo."

"Kung hindi kayo sasabay, magtatampo ako sa inyo."

"Sumabay na tayo kay Sir, Maica. Mahihirapan kang mag-commute."

"Okay lang po, Sir?" nag-aalangang tanong ni Jammy.

"Walang problema. Kayo pa, eh, malakas kayo sa akin."

"Okay," pagpayag niya.

Sumakay si Jammy sa backseat habang sa unahan naman naupo si Joshua katabi ni Sir Tolentino. Habang pauwi, napansin niyang ilang beses siyang tinapunan ng tingin ni Sir Tolentino. Minsan ay nahuli niya itong nakatingin sa kanya na may bahid ng lungkot at sakit sa mga mata.

"May problema po ba, Sir?" hindi napigilang tanong niya.

"Naalala ko ang mama mo noong kasing-edad mo siya. Nakikita ko siya sa 'yo. Napakaganda niya katulad mo."

"Kilala n'yo po ang mama ko?"

Ngumiti ito, malungkot iyon at umabot sa mga mata. "We used to be... friends. May nangyaring hindi maganda sa amin noon. Nagkagalit kami at umalis ako ng Pilipinas. Hindi na kami nag-usap kahit kailan."

Napatango si Jammy. Kaibigan pala si Sir Tolentino ng kanyang ina. Ngayon lang niya iyon nalaman. Sa pagkakaalam niya, matagal itong nanirahan sa Amerika at kailan lang bumalik sa bayan nila. At ngayon ay isa na sa mga teacher sa school niya. Kaya siguro napakabait ni Sir Tolentino sa kanya. Tuwing tumitingin sa kanya, naaalala nito ang kanyang ina.

"Nasaan pala ang mama mo?"

"Nasa Australia po si Mama, Sir. Five years na po siyang nagtatrabaho doon."

"Ang lolo mo lang ang nag-aalaga sa inyo?" curious na tanong ni Joshua.

"Since birth ay si Lolo na ang nag-alaga sa amin," ani Jammy. "Si Mama... masyado siyang... masyado siyang busy para alagaan kaming magkapatid."

"Kailan ang balik niya rito sa atin?" tanong ni Sir Tolentino.

"Hindi ko po alam, Sir. Wala po siyang nababanggit 'pag tumatawag siya."

Minsan lang tumawag ang kanilang ina. Madalas ay kukumustahin lang sila, pagkatapos ay magpapaalam na.

"Sa susunod na tumawag ang mama mo, pakisabi kumusta. Pakisabi rin sa kanya na 'sorry,'" anang teacher nila sa malungkot na tinig.

Napatingin si Jammy kay Sir Tolentino. Nakita niya ang lungkot at pait na dumaan sa mga mata nito. Kung bakit ay isang malaking palaisipan sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

103K 1.5K 13
This novel was published by Precious Pages Corporation under Precious Hearts Romances imprint, 30 September 2009. Catchline: "Ang gusto ko, kung saa...
110K 1.9K 10
Supermodel No. 1 Renjie Osuke, "Ang Model ng Hipon" ng TMA.
74.5K 509 3
"Since that day you told me to stay away from you, you also took away my only reason to live." Romance writer si Graciella pero kabaliktaran ng magag...
85.7K 1.8K 22
Papatunayan ni Morphine na pantay-pantay na ang mga kababaihan at kalalakihan ngayon, dahil siya na ang manliligaw sa campus crush at love na love ni...