Stars ☆ Academy

By sheaulyn

8K 281 416

Stars Academy's Code for Success To be successful, one must dedicate themselves to the task at hand. No compl... More

○ v i s i o n a n d m i s s i o n
● f o r m
○ w e l c o m e, i d o l!
● t e s t o f c o u r a g e
○ d e c e i v e
● t i c k t o c k
✿ n o t e b o o k
☀︎ author's note & sneak peek
● w a l k i n g i n t h e i r s h o e s
✿ h a l l o w e e n s p e c i a l

○ s o l v e d

316 18 22
By sheaulyn

○ Solved

----------♪

[ Emi ]

Hindi ko inakala na may ganitong klaseng krimen ang mangyayari mismo sa aming paaralan. Hindi ko rin naisip na pwede rin ito mangyari sa inosenteng tao katulad niya.

Isang araw na akala ko'y magiging normal katulda ng dati, pero, hindi. Nagkamali ako. Hindi ko inakala na isang krimen na ganito ang mangyayari.

Sa ngayon ay hindi kami pinapapasok sa Boy’s CR, kung nasaan natagpuan ang katawan niya. Ang SSG, ginagawa ang lahat para malaman kung sino ang gumawa nito. Sinubukan nilang tawagan ang pulis o kaya naman kung sinong pwedeng makatulong, pero hindi sila sumasagot. Sapagkat sa mga nangyari ngayon, tuloy pa rin ang klase.

“Hindi ko talaga sukat na akalain na may ganitong mangyayari sa Stars Academy.” Sabi ni Shade habang nakasandal sa malapit na pader. Oo, nandito siya, pati narin sina Ayazi at yung si Ayame, nandito. Halos lahat na ng mga estudyante dito alam na ang nangyari, dahil sa bilis ng pagkalat ng balita katulad ng isang wild fire.

Ibinaba na ni Katzuya ang kanyang telepono, pagatapos tawagan ang pulis ng ilang beses, pero hanggang ngayon, hindi parin sila sumasagot. “Looks like we have to take matters in our own hands.” Napansin niya ang mga taong nagtitipun-tipon sa harap ng Boy’s CR. Dahil nga sinabi na niya na wala nang pwedeng pumasok doon, pinalayas niya ang mga ito at pinabalik sa kanilang mga klasrum. “Anong gagawin natin ngayon?”

Napansin ko na nagmumukmok sa isang sulok si Worry. Alam ko na, sa lahat ng tao dito ngayon, pinaka-apektado siya. Nawalan siya ng kapatid. Paano kaya kung ang taong mahal mo ay malalaman mo nalang ay pinatay? Hindi ba malulungkot ka? Pati rin naman ako ay malulungkot.

Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumayo siya mula sa kanyang pinag-uupuan niya at umalis. Out of curiousity, sinundan ko siya, hanggang sa makarating kami sa gilid ng hallway. Nagtago ako sa likod ng isang halaman at pinagmasdan siya sa malayo. Akala ko na iiyak lang siya, umalis siya dahil ayaw niyang makita nila na umiiyak ang palaging kinakatukan na bise presidente, pero, akala ko lang naman iyon. Nakita ko lang siya ngumisi, at tumawa na parang nasisiraan na siya ng ulo.

Sa takot, hindi ako umalis mula sa pinagtataguan ko. Nakinig lang ako sakanya humahalagpak. Napansin ko na para siyang sinasabi. Nagulat naman ako sa kanyang sinabi.

“Every thing’s going according to plan.”

Napatakip ako ng bibig para walang lumabas na tunog, agad agad naman akong umalis mula doon at pabalik kina Hell. Walang tigil akong tumakbo hanggang sa hindi na nakayanan ng aking mga paa. Kahit hingal na hingal ako, nakayanan ko parin na makatayo.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. According to plan? Anong ibig sabihin niyang plano? Hindi kaya siya ang may pakana nitong nangyari kay Fear? Hindi, parang imposible naman na gawin niya ito sa kanyang sariling kapatid? ‘Di ba? It’s seems… so unreal.

“May problema ka ba?” Napatingala ako nang marinig ko na may tumawag sa’kin, si Ayame. “Mukhang nakakita ka ng multo.”

Umiling ako at inayos ko ang aking sarili lumapit kina Hell. Panay tanong sila kung saan daw ako pumunta, pero hindi ko sila pinansin, kundi ang sinabi kanina ni Worry. Totoo nga ba siya na ang gumawa nun kay Fear? Hindi, parang imposible naman.

Lahat nagsibalikan na sa kanilang mga klasrum, kahit meron isang krimen na nangyari ngayon, tuloy parin ang mga klase. Mukhang stress na stress naman si Ma’am Pammy—dahil ata sa nangyari sa kanyang estudyante.

“Class, I’m so sorry about the inconvenience. Pero, I assure you na tuloy ang ating activity.” Walang nag-react sa sinabi ni ma’am, sa halip ay nanatili silang tahimik. “So. Let’s start with our activity, shall we?”

Nagulat ako ng biglang tumayo si Kaeri mula sa kanyang upuan at pinalo ang kanyang desk sa sobrang lakas, nakuha niya lahat ng kanilang atensyon. Tinignan ko siya na parang nasisiraan na siya ng ulo, dahil kahit kalian hindi ito ginawa ni Kaeri, mas lalo kapag ganito kabigat ang tension. Ano bang nasa isip nitong babaeng ito?

“Ma’am Pammy, bakit kailangan pa po natin ituloy ang activity kahit isa na sa mga kaklase namin ay naging biktima ng isang karumal-dumal na krimen?! Hindi ba mas mabuti kung kaisa nandito tayo na wala man ginagawa, paano kaya kung makitulong tayo sa pag-iimbestiga?!” Nagulat talaga ako sa sinabi niya. Kahit kalian hindi niya itinaas ang kanyang boses.

“Kaeri…” Tinignan siya ng masama ni Hell, habang nagiba naman ang tono ng kanyang boses. “Umupo ka na.” Ngunit, hindi siya nakinig, nanatili lamang siyang nakatayo at ang kanyang mga palad nakapatong sa kanyang desk.

“Hindi! Hindi ako uupo dito at walang ginagawa habang ang pumatay kay Fear naglakad ng malaya! Bilang kaibigan niya, gagawin ko ang lahat para makakuha ng hustisya para sa pagka-patay niya!”

“MISS HIYASHI.”

Sa tono at boses ni ma’am, napaupo niya siya at iniwan na pinagsisisihan ang kanyang pinagsabi kanina. Umubo ng kaunti si ma’am para makuha ulit ang atensyon ng kanyang mga estudyante.

“Bago mo putulin ang aking sasabihin, makinig ka muna.” Tinignan niya si Kaeri, bago niya ibalik ang atensyon niya sa’ming lahat. “Kung gutso niyo talaga malaman kung sino ang pumatay kay Fear, bibigyan ko kayo ng pagkakataon.” Sa sinabi ni ma’am, naguluhan kami, anong ibig niyang sabihin? “Kayo ang manghuhula kung sino ang pumatay sakanya. Gamit ng ilang clues na ibibigay ko sa inyo, kailangan niyong hulaan kung sino talaga ang totoong pumatay. Gets?” Nagsi-tanguan kami. “Alright, may time pa tayo. Ang unang makahula kung sino ang totoong suspek, may prize—katulad ng sinabi ko kanina—ang unang grupo na maka-solve ng mystery.

“Now, go and solve this mystery!”

Nagsipuntahan naman ang mga tao sa kanilang mga ka-grupo para pag-usapan ang kanilang gagawin. Ang grupo naman namin at nina Setsuko nag-form ng alliance para pag-usapan ang aming gagawin, dahil nga kami ang mga nakakita sa kanyang katawan. Tahimik lang si Kaeri habang nakasandal kay Marshall. Gusto ko sabihin ang sweet nila pero ayaw ko naman basagin ang heavy atmosphere.

“So, anong gagawin natin?” Pagbasag ni Hell ng katahimikan. Umiling lang si Anima, habang nakatingin sa pirasong papel na ibinigay sa’min. “Suggestion ko lang pero… hulaan muna natin kung paano kaya pinatay siya?”

“Paano nga ba siya pinatay? Kanina pa iyon ang nangangati sa isipan ko.” Singit ni Setsuko habang pinaglalaruan kung ano man ang nakatira sa kanyang buhok. “Ano ba ang mga nakita doon sa crime scene, Anima?”

Iniabot ni Anima ang papel na kanina pa niya binabasa sakanya pagatapos ipinatong ang kanyang ulo sa may desk niya. “Sabi daw diyan na may nakita daw silang panyo na may mga titik na ‘SA’, isang libro, at letrato ng isang babae. Wala rin daw silang nakitang bakas ng dugo sa kanyang katawan o kaya naman sa CR. Posible na ginamit nila ang libro bilang murder weopon.” Paliwanag nito. “Imposible naman na makapatay ang panyo  at isang picture ng babae.”

“Paano naman makakamatay ang isang libro?”  Tinaasan siya ng kilay ni Marshall. “Maliban nalang kung dictionary iyon. I doubt that a book can even hurt a fly.” Sa sobrang inis ni Anima, kumuha siya ng libro mula sa bag niya at ginamit na pamalo sakanya, para magkaroon ng isang bukol sa ulo niya.

“Oo nga, hindi pwede makasakit ng langaw ang libro.”

“Bakit palagi nalang ako ang sinasaktan?!”

Bahagyang natawa ako sakanilang dalawa. Pero, bigla kong naalala ang sinabi ni Worry kanina. Ayaw ko sana sabihin sakanila dahil baka kung anong isipin nila, at ayaw ko naman na mas lalong gumulo ang sitwasyon.

“Teka, ‘di ba panyo mo ito, Shinra?” Lahat kami napatingin kina Setsuko at Shinra ng marinig siyang magsalita. Para bang nagulat siya ng makita niya kaming nakatingin sakanya. “Paano naman napunta ang panyo mo doon, ha?”

“T-teka, Setsuko, ibang iniisip mo—!“

“Hindi kaya… ikaw ang pumatay sakanya?! *le gasp* Shinra! Bakit mo naman nagawa ito?!”

“Hindi nga ako ang pumatay sakanya sabi!”

“Eh paano mo i-eexplain na itong panyo mo ay nakita sa crime scene?!”

Napahilamos ng mukha si Shinra. “Okay, ganito iyon. Pabalik na sana ako sa klasrum ng magkabanggaan kami ni Fear. Nakita ko naman na umiiyak siya kaya ibinagay ko sakanya ang panyo ko para gamitin niya. Wala akong kinalamaan sa kamatayan niya. Okay?”

Ilang minuto ang kailangan para mag-sink in ang lahat ng sinabi niya sa utak naming. Nang mag-sink in na, nag-“Ah” nalang kami at bumalik sa’min ginagawa.

“Okay, alam na natin kung saan galing ang panyo. Iyong libro naman.” Pinatong ni Hell ang kanyang baba sa kamay niya, na nakapatong sa desk. “Paano kaya lung mag-interview tayo ng ilan sa  mga estudyante?”

“OKAY!”

“Justine, Johanna, pwede ba kayo pumunta sa may Boy’s CR at tignan ang katawan ni Fear kung may ibang clues.” Sabin i—wait, more like utos—ni Setsuko sa dalawa pa niyang mga kasama. Ang dalawa, nag-salute naman. “Aye, captain!”

Bali, ganito. Kami ni Hell magkasama. Si Anima naman at si Heavens ang magkakasama. Si Marshall kasama ni Kaeri. At sina Setsuko at Shinra naman. Magtatanong kami sa iilan sa mga estudyante dito sa Stars Academy, habang sina Justine naman at Johanna—isama narin si Ash—bahala na mag-gather ng data mula sa katawan ni Fear.

So far, ito palang ang nakukuha naming…

Mii & Marshy:

 

“Huh? May namatay?!” – Marshy

“Malamang, kasasabi lang niya.” – Mii

“Well, ang tanging alam ko lang ay nakita ko sila nag-uusap ni VP (vice president). Pansin ko medyo malungkot si Fear habang si Worry parang may dinadalang problema.” – Mii

Haruka:

 

“Huh? Fear? Siya ‘yong transferee at kapatid ni Worry, ‘di ba? Nakita ko siya kanina, umiiyak tapos tumatakbo.” – Haruka

“Alam mo ba kung saan galing iyong libro na ito? *shows book*” – Hell

“Ah! Nakita ko ‘yan hawak ni Fleija kanina. Inabot niya ito kay Fear. S-sorry pero iyon lang talaga ang alam ko. Kung pwede lang sana makatulong.” – Haruka

Fleija:

 

“Libro? Kulay pula? Oo, ako nga ang nagbigay nun sakanya kanina. Pinapabigay kasi ito ni Worry kaya sinunod ko nalang.” – Fleija

“Magkakilala ba kayo ni Fear in any way?” – Ako

“Hindi eh. Ang alam ko lang ay kapatid siya ni Worry. Iyon lang.” – Fleija

At… iyan lang an gaming nakuhang mga matitinong statements.Wala rin ni isa sa mga kinausap namin ay gustong mag-volunteer bilang witness. Wala na kaming nakuhang ibang impormasyon mula sa apat na tao na kinausap namin. May nakuha rin kaming impormasyon mula kina Justine at Johanna, sabi daw nila wala daw sila makitang ni isang fingerprint doon, na nakakapagtaka. Wala rin siyang makitang signs of struggle, o mga signs na lumaban pa si Fear bago siya namatay.

Hinimas ko ang aking noo at naglabas ng isang buntog hininga. Sooner or later, baka may mamatay pa ulit, kung hindi naming mahanap agad ang gumawa nito. Wala rin kaming suspek, maliban kay Worry, na pwedeng gumawa nito sakanya.

“Any leads?” Sumulpot si Ash sa likuran ko habang nakatingin sa pag paper na hawak ko. Umiling ako bilang sagot. “So far, kaunting impormasyon lang ang nakuha namin.” Si Hell na ang sumagot para sa’kin, dahil busy ako sa pagtingin ng mga alibis ng mga kausap naming kanina.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na ngumiti siya at tinapik ang aking likuran. “Don’t worry, we’ll find out who did this.” Ngumiti rin ako sakanya at tinignan ulit ang kanilang mga statements, para tignan kung may nakalimutan akong importante.

At, katulad ng mga anak ng kabute, sumulpot rin kung saan saan sina Setsuko at si Shinra ng kung saan. At kung minamalas ka nga naman, sumakay (watta term) sa’kin si Setsuko habang may iniwagayway na papel sa mukha ko. “Tignan mo, oh! Tignan mo! May nakuha kaming isda! Yieeeeeh! Malalaman na natin kung sino ang pumatay sakanya!”

“Setsuko, umalis ka nga sa likod ko! At paano makakatulong ang isda sa investigation natin?!” Tinanggal ko siya mula sa likuran ko at tinignan iyong papel na kanina pa niya iniwagayway sa mukha ko. Ngumuso siya pero agad naman bumalik ang kanyang ngiti. “Hindi mo bo alam mag-intindi ng figures of speech? But, no matter! May impormasyon kaming nakuha!”

“May witness kaming nakuha, at mukang makakatulong siya para malaman kung sino ang pumatay kay Fear.” Singit naman ni Shinra. May nakita naman  akong kulay brown na bagay sa likuran niya, at doon ko lang napansin isang babae pala iyon. “Siya si Azure, at nakita niya ang buong pangayari.”

 -----

[ Katzuya ]

Hay, off all things, bakit ito pa ang kailangan mangyari?

Crinumple ko ang papel na kanina ko pa pinagsusulatan at itinapon ito sa pinaka-malapit na basurahan. Kumuha ako ulit ng bagong papel at nagsimula muli sa una.

“Alam mo, masyado kang nai-istress diyan, Kat-kat. Why not take a break?” Tumingala ako para makita ang mga mata ni Ayazi na nakatingin sa’kin. Hindi ko nalang siya pinansin at bumalik nalang sa ginagawa ko. “Hoy, huwag mo nga ako isnobin.”

“Ayazi, mamaya ka na nga manggulo dahil marami pa akong gagawin. Bumalik ka nalang kaya sa sarili mong table?” Pagsusungit ko sakanya. Ngumuso lang siya pero bahagyang tumawa habang pabalik sa table niya. “Alam mo, masyado kang nagpapahirap diyan. Hindi ka robot, Katzuya. Tao ka at napapagod rin.”

I snorted. “Yeah, right. Hindi ako napapagod, that just proves na hindi ako human.”

“More like I’m the one not human here.” Tumawa siya ulit. Hindi nalang ako sumagot sakanyaat tinuloy nalang ang aking ginagawa. Tch, ang hirap talaga pag wala si Worry dito para tumulong. Saan lupalop ba siya pumunta?

“PRES! PRES! PRES!”

 Idagdag mo pa itong kambal na palaging maingay.

“Ano na naman, Kiaske, Haru?” Parehas ko silang hinarap at tinignan ng masama. Kung kailan may ginagawa ako, doon nalang sila biglang papasok dito sa may office naming at kung ano ano ang sasabihin.

“Pres! May mga freshmen na gusto kayong makita!” Sabi ni Kiaske.

“May importante daw silang sasabihin sa inyo!” Pagpapatuloy naman ni Haru.

Parehas ko silang tinaasan ng kilay. May tumulak naman sa kanilang dalawa at pinalo ng napakalakas ang table kp. Doon ko lang napansin na si Setsuko pala, isa sa mga kaibigan ni Kaeri. She has this michevious glint in her eyes, na alam na alam ko kung anong ibig sabihin. Ilang beses narin siya pumunta dito na may ganiyang tingin, at alam na alam ko rin kung anong sasabihin niya.

“Call all the SSG officers including Worry and tell them to gather at VII-Ursa Major.”

Hay, ano bang balak nito?

Tinawagan ko nga lahat ng mga SSG officers, pati narin si Worry katulad ng sinabi niya, at pumunta na kami sa room nila. Panay tanong naman ang mga officers kung bakit naming kailangan pumunta doon, dahil hindi nila tanggap na may isang first year ang umutos sakanila na pumunta doon. Si Ayazi at Shade? Ayun, walang imikan. Oo, officers sila, huwag na kayo magtaka pa kung bakit sila naging mga officers.

“Katzuya, I don’t see any reason for us to go.” Sabin i Kanri habang naka-poker face. “Pati rin ako, pero siguro importante talaga para bigla nalang siya papasok sa office natin at sasabihin iyon.” Pag-sangayon ni Kenji ‘AHOMINE’. Oo, Ahomine ang pangalan niya. Huwag na kayo umangal pa.

Nandito na pala kami sa room nila, binuksan ko agad ang pintuan at pumasok na doon. Sa loob, nandoon na ang lahat ng mga estudyante ng star section, ang Ursa Major, at si Ma’am Pammy. Ngumiti siya sa’min, bago niya ngusuan si Setsuko na nakaupo sa isang upuan at may hinihimas na laruang pusa. Isipin mo nalang ang isang scene sa isang movie kung saan ang antagonist ay nakaupo sa isang swivel chair at may hinihimas na pusa sabay sabi ng:

“I’ve been waiting for you.”

Well guess what? Ginawa niya ito.

“Uwaaaaaah! I always wanted to do that!” Nagningning naman ang mga mata niya nang malaman na ginawa niya iyon. Lahat kami nakaramdam ng pawis na tumulo mula sa noo naming lahat. May ibinulong naman si Kiaske sa’kin. “Sigurado ka ba na ito ang star section?”

Umiling ako, hindi ko talaga alam kung ito nga ang star section.

Ang katabi naman niya—si Shinra ba ang pangalan?—umubo ng kaunti at tinignan siya ng masama. “Setsuko, hindi ba may sasabihin kang importante?”

“Ay! Oo nga pala!” Agad siyang bumaba mula sa kanyang upuan at tinapon kung saan saan ang laruan pusa na kanina’y hinihimas himas niya. “Salamat at pumunta kayo dito lahat. Alam ko na marami sa’tin ay nagluluksa sa pagkawala ng isa sa mga kapwa-kapamilya natin sa Stars Academy.” Yumuko lahat ng mga estudyante, pati narin kaming mga SSG Officers at si Ma’am Pammy ay yumuko para ipagdasal ang kaluluwa ni Fear. Si Worry, parang wala lang naman ito sakanya.

Nang itinaas na nila muli ang kanilang mga ulo, itinuloy ni Kaeri ang sasabihin ni Setsuko. “Dahil nga katulad ng sinabi ni Ma’am Pammy, kami mismo ang nag-imbestiga sa pagkamatay n gaming kaibigan. Inikot pa naming ang buong school para lang makahanap ng mga pwedeng makatulong sa’ming imbestigasyon. Hindi lamang mga ebidensya ang nahanap namin, pati narin isang witness na nakakita ng buong pangyayari.”

Para bang namutla si Worry ng marinig ang sinabi niya. Nakakapagtaka kung bakit ganon ang reaksyon niya.

“Sa aming nalaman, pinatay si Fear sa pamamagitan ng pagsakal.” May inilabas naman na panyo si Anima mula sa kanyang bulsa at ipinakita sa’min. “Ito ang parehas na panyo na ginamit para patayin siya. Sa pamamagitan ng libro para ibagok siya sa ulo, ginamit ng suspek ang pagkakataon na iyon para itali ang leeg niya gamit ng panyo na ito at sinakal siya hanggang sa mamatay.”

“But that doesn’t prove anything, does it?” Sumingit si Shade sa usapan at tinignan sila ng masama. Oo nga naman, an gang pinaglalaban nila? Kung paano siya namatay?

“Sandali lang, Shade. Hindi pa kami tapos.” Ngayon, isa rin sa mga kaibigan—si Ash—ang nagsalita. “Ilan sa mga estudyante na tinanong naming ay sinabing nakita nila si Fear na tumatakbo papunta sa direksyon ng Boy’s CR, kung nasaan nakita ang katawan niya. Ang pinagtataka lang nila ay…

“Nakabuntot sakanya ang bise presidente ng Supreme Pupil Government, si Worry Dusk!”

Lahat napatingin sakanya, na ngayon ay nakasimangot at ang mga mata niya natakpan ng kanyang buhok. ‘Di naming tuloy makita ng tuluyan ang reaksyon niya.

“May kasama rin kami ngayon na nakakakita sa inyo, si Azure.” Pagkasabi ng pangalan na Azure, isang babaeng kulay brown na buhok ay lumabas mula sa likuran ni Ma’am Pammy. Pamiliar siya eh, ah! Siya pala iyong babaeng nakita ko kasama nina Kaeri kanina, isa sa mga na-late na umattend ng flag ceremony.

“H-hi! Ako si Azure…” Pinaglaruan naman niya ang kanyang mga daliri habang nakatingin sa sahig. “Witness po ako sa mga pangyayari.”

“Pwede mo ba sabihin kung ano ang nakita mo?” Tanong ni Kenji sakanya. Tumango lang sakanya si Azure at sinimulan na ikwento ang mga nangyari.

“Kanina, papunta na sana ako sa clinic para manghingi ng gamot para sa isa kong kaklase. Sabi daw niya kasi sumasakit daw ang tiyan niya. Ayaw niya pumunta doon kaya ako nalang ang pumunta para kumuha ng gamot. Habang papunta ako doon, nakita ko si Worry na papunta sa direksyon ng CR ng mga lalaki. Out of curiousity, nasundan ko siya, at nakita ko na sinusundan niya pala ang transferee na si Fear. Alam ko naman kapatid niya siya kaya akala ko sinundan lang siya para siguraduhin kung may kalokohan siyang gagawin. Pero nagulat ako na pumasok talaga siya doon. Hindi ko nalang iyon pinansin at papunta nalang sa clinic nang may narinig akong may sumigaw. Parang boses iyon ni Fear. Sa sobrang takot ko, tumakbo ako pabalik sa klasrum namin.”

Tahimik lamang kaming nakinig sa sinabi niya. Napansin ko naman na kahit anong oras, parang sasabog na si Worry. Nag bulong bulungan naman na ang SSG officers tungkol sa sinabi niya. Natahimik naman sila uli nang makita nilang nakatingin siya ng masama sakanila.

“So what kung may witness kayo?” Tinignan naman niya ng masama sina Kaeri. “Wala naman kayong solid evidence na sinundan ko nga siya. Sige nga, nasaan ebidensya niyo? Wala, hindi ba? At tsaka, bakit ko naman susundan si Fear? Nasa SSG Office ako, katulad ng dati.”

“Sorry, Worry pero…” Sumingit naman ngayon si Haru. “Bago pa naman mamatay si Fear, wala ka na sa office.”

Si Worry naman ngayon ang tinignan ng lahat. Nakasimangot siya, ang kanyang kilay nagkasalubong. Hindi na nga mai-pinta ng isang artist ang kanyang mukha.

Ngumisi naman si Shinra. “So, did we hit the bull’s eye?”

Nanatili lamang tahimik si Worry, nakayuko, ang mga bangs niya ay nakatakip ng mukha niya. Mamaya, tumawa siya. Tumawa siya na parang baliw. Nagtaka naman sila sa inaasal ni Worry, to the point na nagtago sila dahil sa takot. Ngayon lang nila siguro nakita siya ng ganyan.

“Ang galing niyo naman mga first year! Nahulaan niyo agad kung sino ang pumatay sakanya.” Natatawang sabi nito. Naguluhan lang lalo sina Setsuko sa kanyang sinabi. “So ikaw nga ang pumatay sa sarili mong kapatid?!”

Ngumiti siya at tumango, pati rin ang iba naguluhan kung paano niya nasabi iyon habang nakangiti. Isang krimen ang ginawa niya, kaya bakit siya nakangiti. “Pero, bakit mo pinatay si Fear?!” Naiinis na tanong ni Kaeri. “Bakit mo pinatay ang sarili mong kapatid?! Wala kang pusong bise presidente ka! Pinatay mo sarili mong kapatid!”

“Sino ang pinatay?”

“Huh?”

Napatingin sila sa pintuan, na ngayon ay unti unting bumubukas. Tuluyan naman itong binuksan at pinakita ang isang lalaki na pamiliar na pamiliar. “Sino ang pinatay, Kaeri?”

Ang iba, nagulat, ang iba, nasiyahan, ang iba naman mas lalong naguluhan sa kanilang nakita. Bakit nga ba? Sino ba itong tao na ito? Sino pa nga ba maliban kay…

“FEAR!”

Oh, ha? Nagulat ba kayo? Naguluhan? Nagtaka? Pati rin ako, naguguluhan na. Sapakin na nga ba natin si author?

“T-teka, Fear is… alive?! Pero, p-paano ‘yon?! ‘Di ba nakita naming ang katawa—W-wait, what? Wala na akong maintindihan!” Sinabunutan naman ni Setsuko ang kanyang sarili ng makita niya siya.

Ngumisi sa’kin si Worry, pati rin ako napangisi at nakipag-appear. “Ang galing mo naman, vice president.”

“Syempre naman, president. Best actress kaya ito.”

Pumalakpak naman ng tatlong beses si Ma’am Pammy at inakbayan kaming dalawa. “Ang galing naman ng mga dati kong estuydante! You two are really Stars Academy’s pride.”

“HUH?”

“Ehehehehe…” Nagtaas ng dalawang daliri si Fear. “Nagulat kayo, noh?”

-----

[ Marshall ]

“Sandali, so, plano niyo lang pala  itong lahat bilang surprise sa’ming mga first years?” Paninigurado ko. Kasi naman, lahat ng mga nangyari ngayon, PLANO LANG PALA NILA?

“Oo, pasensya na kung naabala pa namin kayo.” Kinamot ni President Katzuya ang kanyang batok habang nakangisi. Teka, halos lahat naman ng SSG Officers nakangisi eh.

Nakakainis. Kalokohan lang pala nila iyon. Pero, ang galing naman nila ah, naniwala pa kami sa kanilang kalokohan. KAINIS. Teka, pwede bang magmura?

Ganito kasi iyon, bilang test sa’min kung karapat-dapat kami dito sa Stars Academy, gumawa sila ng plano. Ginamit nila si Fear para sa kanilang plano na kung saan, magpapanggap na pinatay daw siya, at ang ginawang killer ay si Vice President Worry. Sinadya nila talaga ibigay ang libro sakanya para iyon ang magiging sana na murder weopon. Hindi naman nila inasahan na may binigay sakanyang panyo. At tsaka si Azure bilang witness? Kasama rin siya sa plano nila.

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. BWESET. Akala ko talaga pinatay siya.” Ngumuso si Setsuko sa sobrang inis. “BWESET. At feel na feel ko talaga na detective ako. BWESET. You have shattered my dreams! You don’t do that to meh! BWESET!”

“Setsuko, usong huminga.” Nag-abot si Shinra ng paper bag kay Setsuko, kung saan huminga siya doon. Paano ba naman kasi, nahingal dahil rant ng rant.

“Sorry po~” Kinopya naman nio Azure si Chichay. Kilala niyo siya kung fan kayo ng KathNiel. “Hindi naming talaga inakala na sineryoso niyo iyon.”

“Oo nga. You should’ve seen your faces.” Ngumiti si Vice President Worry, pero parang may ibang meaning itong ngiti na ito. “Speaking of which, Kaeri, anong sinabi mo kanina?”

“Hieeeeeeeeeeeee! I’m sorry po! Hindi nap o mauulit kahit kailan! Huwag niyo lang po ako paluin gamit ng bamboo sword niyo! Huwaaaaaaah!”

Nagsitawanan naman ang lahat ng makita ang reaksyon ng ‘Krung krung’ ng aming barkada. Grabe, ang kyut niya talaga.

“Pero, kung lahat nun ay peke. Eh, paano mo ma-explain ang katawan na nakita naming sa CR?” Tanong ko sakanila. Nanginginig nga buong katawan ko sa tuwing naalala ko iyon. Si President Katzuya naman ang sumagot nito. “Ginamit lang naming iyong mannequin mula sa TLE Room. Ang realistic ng mannequin, noh?”

“Oo, pres. Muntik pa nga kaming naniwala na pinatay ni Worry sarili niyang kapatid.” Sabi ni Ahomine. Nakatanggap naman siya ng isang malutong na sampal mula sa bise presidente. Ayan tuloy, may marka na mukha niya. “Aray, nagbibiro lang naman eh!”

“Kung magbibiro ka, siguraduhin mo na nakakatawa.”

Hmmm… Ano na ulit tatanungin ko? Ay, oo nga pala! “Paano naman si Fear? Anong score niya sa activity namin? Parang ang unfair pakinggan na hindi siya sumali sa pagso-solve ng mystery pero may grado parin siya.”

“Don’t worry, ako bahala doon. May naka-prepare na 50 question quiz para sakanya, kung ano man score niya doon, iyon na ang score sa activity.” Paliwanag na ma’am habang nakangiti. May papel pa nga siyang hawak, na mukhang iyon ang magiging quiz niya. “EH?! Ma’am naman eh! Hindi po ba ako exempted, since tinulungan ko sina ate sa plano nila?

“Gusto mong ma-exempt? Sige, huwag ka nalang pumasok.” Singit ni Worry habang nakataas ang kanyang kamao. “Ayyyy! Joke lang!”

Natawa nalang kaming lahat sakanilang magka-kapatid. Naalala ko naman ang sinabi niya tungkol sa school naming being weird.

Oo, weird ang school na ito. Hindi mo alam kung anong mangyayari dito.

----------♪

Date Finished: July 16, 2014 4:04 PM

 

A/N: HUAHUAHUAHUAHUAHUAHUA. KUYUGIN NA SI OTOR! XDD Pfft—Alam ko, ang fail ng ginawa ko. So, patawad? Kekekekekeke~ Naka-14 pages pa ako sa Word. XD

 

Grabe, ang lamig dito sa’min. Kamusta naman kayo diyan? Tinanggay ba ng bagyong si Glenda mga bahay niyo? De joke. Keep safe everyone! :D

 

[ Emi on the side with character song ----------> ]

 

P.S. Kung ayaw niyo ang mga pinili kong mga character songs niyo, pwede niyo po sabihin sa’kin at papalitan ko, o kaya pakisabi nalang ang kanta na gusto niyo gawing CV ng iyong character. :D

Continue Reading

You'll Also Like

11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
766K 41.3K 103
an epistolary
11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
979K 31K 129
DIM Series #1: Iñigo Valenzona (This is an epistolary) Rozel Roxas had tons of crushes when she was still in Grade 11 and she has always been vocal w...