Archived

By usamiiin

17.1K 542 274

an anthology of stories completed under my baka_usagi account. cover art © seisyunbot More

Preface
About The Author
Twisty Heart - Unedited
Candied Feelings 1 ✓
Forbidden Apple - editing on-hold
Prince Charmee ✓
Forbidden Apple SP - Unedited
Candied Feelings 2 - Unedited
Twisty Heart SP - Unedited
bookmarked ✓
Paper Sky 1 - Unedited
Paper Sky 2 - Unedited
Paper Sky 3 - Unedited
Paper Sky 4 - Unedited
Coffee Cath ✓

Candied Feelings 2 Summer SP - Unedited

391 8 3
By usamiiin

お菓子な気持ち夏スペシャル


Warning

This is unedited. Read at your own risk.


"At sinong may sabi sa'yong kainin mo 'yan, ha??" bulyaw ko kay Tsuna na huling-huli sa aktong nilalafang ang slice of Brazo de Mercedez cake ko. Tinignan niya lang ako, kinindatan at anak ng dulce de leche! Sinubo nang buo 'yung natitirang piraso ng cake ko?! At hindi lang 'yun ah! Nginuya niya with feelings! Tipong pwedeng pang-commercial ng Goldilocks sa emosyon! Argh! Wichekels!

Napapikit ako sa sobrang frustration at napakuyom ng palad. "Tsunaaaaaa!" At sinugod ko siya, sinakal-sakal nang pabiro hanggang sa maubo-ubo na siya. "Iluwa mo 'yan! Inere-reserve ko 'yan para sa meryenda! Iluwa mo 'yaaaaan!"

"Ugh. Friendship naman eh! Babaan mo nga 'yang volume ng boses mo! Ang sakit sa tenga! Ang aga-aga, hyper ka na naman! Wala ka bang kapaguran??" reklamo ni Kumareng Nika na naalimpungatan sa bunganga ko. Tinapunan ko siya ng tingin at sinimangutan.

"Sisihin mo 'tong mokong na 'to! Nilantakan ba naman 'yung cake na binili ko kanina bago tayo sumakay ng bus?! Imagine??" At dinuru-duro ko si Tsuna.

Binalingan siya ni Kumare. Go, Friendship! Pagalitan mo nga! Pagalitan mo! Push!

"Eh bakit naman kasi kinain mo 'yung cake ni Friends—"

"Nakita ko 'yun na may kagat na sa plastic bag na bitbit ko. Malay ko bang gusto niya pang kainin—"

"Aba't!" Makokotongan ko 'tong batang 'to eh! Nangangatwiran pa! "Hindi porke't kinagatan ko na e ibig sabihin di ko na kakainin! Tinikman ko lang 'yan kanina 'no!"

"Fine, Fine!" awat ni Kumare at ginulo pa ang buhok niya sa pagkabwisit sa'ming dalawa. "Tsuna, bumili ka na lang ng cake sa susunod na bus stop nang matigil na 'yung armalite-mode ng bunganga ni Aki, okay?" Napipilitan man ay tumango si Tsuna. "Pagpasensyahan mo na ang Friendship ko, kung makapag-crave sa cake akala mo naglilihi eh."

"A-anoooo?!" Agad naman akong namula sa pang-aasar niya.

"Wala-wala. Sabi ko, magmenos ka sa kakakain ng matamis kung ayaw mong madagdagan ang layer ng bilbil mo. Bleh."

"Aray! Ang sakit mo namang magsalita, Friendship!" At umarte akong nasasaktan talaga.

"Tsk. Tsk. Tsk." Umiling-iling siya. "Masakit talaga ang katotohanan. Buti na lang ako, kahit anong kainin ko, hindi ako tumatab—"

"Che! Ang yabang mo talaga!"

"Yabang agad? Di ba pwedeng nagsasabi muna ng totoo?"

"Basag," singit ni Tsuna.

"Isa ka pa!" Pinandilatan ko ng mata si Tsuna at akmang babatukan (naka-shield na nga automatically ang mga braso niya eh) nang biglang humigpit ang yakap sa'kin ng katabi kong si Haru na himbing na himbing sa pagkakatulog.

"Tsk. Buti hindi nagigising 'yang boyfriend mo sa kaingayan mo? Para kang lumaklak ng mic e," puna ni Kumare habang nakangisi.

"Busy kasi siya sa kakapanaginip sa'kin," dahilan ko sabay irap. Eh 'yung nagfi-feeling na naman ako?? Rawr! Bakit ba? Possible naman 'yun, di ba?

"Wuuh! Haba ng hair!" react ni Kumare. "Paki-trim nga nang konti at baka tapakan ko."

"Tapakan talaga ang term, Friendship??"

"Oo, kasi intentionally!"

"Grabe!"

"Shhh!" singit na naman ni Tsuna. "Gusto n'yo bang kayo na lang ang magtabi?? Nakakaistorbo ata kami ni Fuyu-senpai sa pag-uusap n'yo eh."

At napatingin ako sa katabi ni Tsuna na kung makayakap sa life-size teddy bear niya e akala mo tao. Sinubukan kong pindut-pindutin ang cute na cute na pisngi ni Fuyu pero hindi pa rin siya nagigising. Hahaha. Ang bait niya talagang tignan 'pag tulog! Char! Meganon??

"Eeeh. So protective boyfriend ang peg mo ngayon, Tsuna-kun?" sabi ni Friendship habang naka-cross arms at nakatingin sa kanya.

"Hindi naman," biglang nahiya niyang sabi sabay iwas ng tingin. "Concerned lang ako na baka magising n'yo ang mga kasama natin."

"Eh sino bang nagsimula, ha?" tanong ko. "Kung hindi mo kinain ang cake ko e di sana tahimik tayong lahat ngay—"

"KUNG WALA KAYONG BALAK TUMAHIMIK, LUMIPAT KAYO NG IBANG BUS!" Nawindang ang beauty ko sa sigaw na 'yon ng isang matandang nakaupo sa bandang harapan na nakatingin nang matalim sa'min. "MGA LECHENG BATANG 'TO! NAPAKAIINGAY!"

Siniko ako ni Tsuna. "Ikaw kasi eh."

"Aba't! Ikaw nga d'yan eh!"

"Shhh!" Pinandilatan kami ng mata ni Kumare. "Wag na nga kayong mag-away kundi tayo ang mapapaaway niyan sa ginagawa n'yo eh!"

Sabay kaming tumango ni Tsuna habang nakasimangot.

Tsk. Kumbakit naman kasi nagtitiyaga kami sa bus eh. Ang arte kasi ni Natsu-san, kesyo raw ayaw niyang mapagod ang kotse niya. Lechugas! Oo, valid reason na di kami kasyang anim do'n pero bakit kasi di niya kayang isiksik sa utak niyang mataba na pwede namang kandungan?? At least hindi 'yong gan'tong commute kami! Aish! Gusto niya lang makatabi at makatsansing sa Friendship ko kaya ayaw niyang siya ang magmaneho e!

Saka mapagod?? Haller? Hindi na ba magpapahinga ang pinakamamahal niyang kotse after naming makarating sa rest house ng father ni Nika?? Kaloka!

In the first place, siya naman ang may idea na mag-outing kami tapos siya pa 'yong KJ. Pasalamat siya at chance namin 'to ni Haru na makagawa ng mas maraming memories together bago ang crucial last sem of my college years kundi...pina-boycott ko na 'yung outing plan niya. Chos!

Tumingin ako kay Haru.

Instantly, nawala 'yung kunot sa noo kong dulot ng pagka-highblood sa dalawang magkapatid na 'yon. Hinaplos-haplos ko ang pisngi niya at napabuntong hininga. Haay. Ang cute-cute niya talaga. At ang sarap ng feeling na nakayakap siya sa'kin while sleeping and wearing that soft expression on his face.

Kilig much! HANUDAW?? Maghunus-dili ka nga, Aki! Tinitignan mo lang siya habang natutulog, kinikilig ka na agad?? Eh pake mo ba, rational sense?? Eh sa kinikilig ako eh! Kuuuu..echos nito! Daming alam!

Naramdaman ko ang init ng katawan niya. Shocks. Lalo kong kinilig. Pati ang hininga niya, nararamdaman ko sa leeg ko. Emeged. I can't take this anymore—

Bigla kong nilapit ang mukha ko sa kanya at finocus ko ang mga mata ko sa labi niya. That irresistible lips of him. Ugh. I want to kiss it. I badly want to—

Habang palapit nang palapit ang labi ko sa kanya, lalong dumadagundong ang tibok ng puso ko. Ano ba, puso?? Ilan beses ko nang ginawa 'to, hindi ka pa rin ba nasasanay?? Bakit kailangan mong palaging mag-ingay at maki-eksena??

Then pumikit ako at dinampi ko ang labi ko sa kanya. Tokwa. Ang lambot. Waaah. I can stay like this forev—

Eh? Bakit parang gumagalaw ang labi niya?

Agad akong napadilat ng mata. Nagre-respond siya sa halik ko! OMG! P-pero tulog pa rin siya...? Ha?? So meaning...akala niya panaginip lang 'to at—

"Aki..."

Umungol siya nang marahan at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa'kin. Dumiin din ang mga halik niya. Bumilis. At naging...m-mapusok? Teka! Nasa bus kami at—!

"Ang virgin eyes ko!" react ni Tsuna na kunwaring nakatakip ang mga mata gamit ang dalawang kamay niyang hiwa-hiwalay naman ang mga daliri.

At dahil sa panira niyang reaction, nagising si Haru and...you can guess what happened next. Namula siyang parang kamatis at paulit-ulit na nag-sorry sa'kin dahil sa inasal niya.

"A-a-akala ko kasi talaga, n-na...nanaginip lang ako kaya—"

"In fairness, gumagaling ka ng humalik ah, Haru-kun," sabi ni Kumareng Nika na lalong nakapagpa-blush kay Haru. Yumuko ito at nagtakip ng mukha sa pagkapahiya. "Siguro...may nagtuturo sa'yo, 'no?"

"W-wal—"

"Malamang, si Kuya 'yon," sabat ni Tsuna. "Expert 'yun eh."

Emeged! Si...Haru...? Nagpapaturo kay...Natsu-san? WAAAH! Ako lang ba 'tong nag-i-imagine ng My Husband's Lover kind of scene? Shocks! Uminit ang mukha ko ro'n ah! Ang adik ko talaga! Asdfghjkl! Rawr!

"Sabagay...m-magaling ngang humalik ang lokong 'yon," amin ni Kumareng Nika na napaiwas pa ng tingin at namula! Emeged. Ang cute ng embarrassed expression ni Kumare! Uwah! An'sarap picturan!

"Pero hindi naman talag—"

"So...hindi si Nat-Nat?" tanong ni Kumareng Nika na agad naka-recover sa nagba-blush niya kanina. Pero hindeee! Hindi pa rin ako maka-move on! Wichekels!

"Waaah! Tinawag mo ba si Natsu-san na Nat-Nat?? OMG! Friendship, 'pag narinig ka niya siguradong kikiligin 'yon! Kyah!"

"Leche," pairap niyang sabi. "OA much? Bawasan mo nga 'yang ngiti mo."

"Ayieh! Ayieeh!"

"Teka, sa pagkakaalala ko 'yung kissing skills ni Haru ang pinag-uusapan natin, di ba?"

"Oo nga," pagsang-ayon ni Tsuna na tumango pa.

"So...kanino mo natutunan 'yan, ha, Haru-kun?" And thus, she brought it up again, smiling mischievously.

"O-on impulse lang," namumula pa ring sabi ni Haru habang kinakamot ang pisngi niya. "Hindi ko naman talag—"

"O nasagot niya na, okay?" sabi ko. "Tch. Kayo talaga! Wag n'yo na ngang i-hot seat si Haru!" Ako na talaga ang huwarang girlfriend of the year! A round of applause, please? Rawr!

"Sorry talaga, Aki." Enebe?? Hindi mo naman kailangang mag-sorry dahil hinalikan mo 'ko 'no!

"Sus! Wag kang mag-sorry d'yan! As if naman na hindi niya na-enjoy 'yung halikan n'yo e siya naman 'tong nag-initiate!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Friendship. "Di ba, Aki?" At kinindatan niya pa 'ko. Waaah! I hate you, Friendship! Bakit mo 'ko binubuko kay Haru?! Ayan tuloy napatingin siya sa'kin. Huhubels! I have no choice but to turn away!

"So ang ibig sabihin...?"

"Yes, as always, ninakawan ka ng hal—"

"Oy, hinde ah!" deny ko.

"Nakita ng dalawang mata ko ang nangyari!" protesta ni Tsuna. Kainis 'to! Arghh!

Inikot ko ang mga mata ko sa paligid saka nakangusong nagsalita, "Sisihin mo 'yang wichekels mong lips. I-inaakit ako..."

"At inaakit ang term??" violent reaction ni Kumare napahampas pa sa katabi niyang si Natsu-san na walang palag dahil tulog na tulog. Eh 'yung sobra siyang kinikilig?? Namumula pa nga ang loka at hindi na tinigilang hampas-hampasin ang katabi niya sa sobrang saya.

Namula lalo si Haru at ngumuso pa sa'kin saka pabulong na nag-comment na, "S-sayang, hindi ko nakita..."

"Waaah!" Nilamutak ko ang mukha niya. "Tama na nga! Pati ba naman ikaw, Haru, inaasar mo rin ako?" reklamo ko.

"Hindi ah." Umiling siya. "Gusto ko lang makita ang expression ng mukha mo kaya—"

Pinigil ko ang pagsasalita niya sa pamamagitan ng pagpatong ko ng aking pointing finger sa labi niya. And with a sexy voice (wag na kayong magreklamo! 'Yung boses ko na nga lang 'yung feeling sexy, napapataas pa kayo ng kilay!), I said, "Mamaya na lang."

Lalo siyang namula. Natawa 'ko nang bahagya saka yumakap sa kanya. Ako naman ang matutulog sa dibdib niya. Mula nu'ng sumakay kami sa bus, di pa 'ko nakakaidlip eh.

"Syet. Aabangan ko yang mamayang 'yan!" kinikilig pa rin na sabi ni Kumare na 'yung teddy bear na ni Fuyu ang yakap-yakap. Bruha 'to! Inagaw ba naman kay Fuyu 'yung stuff toy?? Mamaya magalit si—

"Ayos ba, Tsuna-kun?" tanong ni Nika na hanggang Mountain Everest ang ngiti.

Napatingin ako kay Fuyu at whoa! Dahil wala na sa tabi niya ang teddy bear na yakap-yakap niya kanina e kay Tsuna na siya nakayakap!! Wichekels! I love the view! Kaya pala naka-okay sign 'tong kumag na 'to kay Friendship! Eto pala 'yon! Mga para-paraan nga naman oo!

Si Natsu-san naman, naghihilik pa rin nang subukan niyang yumakap (subconsciously) kay Kumare at ayun! Hinataw siya ni Friendship ng stuff toy ni Fuyu! Kaloka! Natawa na nga lang ako eh. Tapos nu'ng 'yung teddy bear na ang yakap-yakap ni Natsu-san habang nakahilig sa kaliwa e saka naman siya niyakap ni Kumare. Rawr! Kakilig!

"Ang letcheng 'to, tulog na nga, balak pa 'kong tyansingan," pairap na bulong niya habang nakahiga sa balikat ni Natsu-san.

"Sus, kahit naman 'pag gising, kaya kitang tyansingan e."

Napabalikwas ako sa nagsalita. (Sorry, in born talaga ang pagiging chismosa!)

Emeged. Nagising si Natsu-san?? At nakatitig siya sa mukha ni Nika na wide-eyed sa pagkagulat.

"G-gising ka??"

"Gising man o tulog, wala namang masyadong pinagkaiba," nakangising sagot niya na kahit bagong gising, gwapo at hot pa rin!

"Haaa??"

"Kasi ikaw lang ang nakikita ng aking mga mata."

At namula si Nika sa sinabi ni Natsu-san. Shet! Summer na nga! Waaah! Kilig much!

Hinampas siya ni Kumare sa braso at umiwas ng tingin. "Leche, humanap ka ng kausap mo."

"Ah gano'n?" Nakangisi pa rin siya, balak pang akbayan si Kumare na naka-cross arms na.

"Oo ganu'n nga! Bakit, palag ka?"

"Sige ba..." At nilapit niya pa lalo ang mukha niya rito. Sheda! Nakatitig siya sa labi ni Kumare! "Kaso baka...'pag naghanap ako ng iba, ika-selos mo."

"Subukan mo," paghahamon ni Friendship na nakikipagtitigan na rin sa kanya. OMG to the highest Mountain Everest! Aylavet! Tapos tinaas ni Kumare ang kamao niya at sinabing, "At ito ang matitikman mo."

"Sorry, iba ang gusto kong tikman." Kyaaah! Lalong lumalapit ang mukha ni Natsu-san! Breath in. Breath out! Relax, Aki! Relaaaaax!

At kung kelan as in malapit na malapit na siyang halikan ni Natsu-san saka naman nilayo ni Nika gamit ng palad niya ang bibig nito sa kanya. "Try mo kayang mag-toothbrush muna, bago mo sabihin 'yan?! Tch."

Sabay kami ni Tsunang nagpipigil ng tawa dahil sa nangyari.

"This will be the best summer ever," sabi ko in between my laughs.

"Sinabi mo pa," nakangiting sabi ni Tsuna na nakipag-highfive pa sa'kin.

And Natsu-san crossed his arms and said, "Oh, shut up."

<>

"Waaaah! Ang ganda ng dagaaaaat!" full of excitement kong sabi pagkababang-pagkababa namin ng mga maleta sa bahay-bakasyunan ng father ni Friendship. Maliban sa fresh salty sea air, white sand at tropical ambiance, sobrang bongga at linis talaga nu'ng dagat sa gilid ng rest house nila. Alam mo 'yung feeling na gusto mo nang maghubad at dumiretso na agad na mag-dive du'n sa dagat?? Ganu'ng-ganu'n ang excitement ko e! Kaso alam ko namang hindi pwede dahil masakit pa 'yung katawan ko sa 4-5 hours na biyahe papunta rito. Ugh. Kulang pa ko sa tulog dahil sa pagka-hyper kanina!

"Maka-react parang ngayon lang nakakita ng dagat. Tch."

Imbis na mainis ay napangiti pa 'ko sa sinabi ni Fuyu kaya nagpasya akong lapitan siya. "Acheche!" sabi ko sabay akbay sa kanya na agad niya namang ikinairita. "Nagsisimula na ang kataliman ng dila ni gothic lolita maldita! Palibhasa, gising na ang tulug-mantika matulog kanina! Hahaha!"

"T-tulog-mantika ka, d'yan??"

"Oo kaya! Kahit nga nagtatawanan na kami kanina nila Kumare, hindi ka pa rin nagigising eh!"

"Tch. Whatever." She rolled her eyes. "Get your hands off me, Aki-oneechan," diring-diring sabi niya na agad dumistansya sa'kin. Tch. Sungit as ever talaga! "Yuck!"

"Ikaw talaga! Lagi mo na lang akong inaaway," nakanguso kong sabi. Paawa effect.

"Hah! Inaaway your face!" Then inirapan niya ulit ako at tumulong kina Tsuna sa pag-aayos ng mga bagahe namin.

"Kahit kelan talaga, naaaapakalambing niyang si Fu-chan 'pag kayong dalawa ang magkausap, ano?"

"Oo nga eh. Kung lambing bang maituturing 'yon. Haha," I said, turning around.

"Anyway, naipasok na ba ang lahat ng mga gamit natin? Wala ba tayong nakalimutan?" tanong ni Kumare sa'kin habang binibilang ang mga naipasok ng lahat sa sala.

"Meron, meron kang nakalimutan," paalala ni Natsu-san na siyang may pinakamaraming binuhat. Eh sorry siya! Siya ang pinakamalakas sa'min eh. Dapat mina-maximize talaga ang biceps at triceps niya kahit paminsan-minsan. Hindi purong laging pang-display!

"Ano?" tanong ni Kumare sa kanya.

"You owe me one kiss for being a good guy today," he reminded her. Tapos nag-wink pa siya. Kinikilig talaga ako para sa kanila. Way to go, Natsu-san! Rawr!

"Being one doesn't mean you have to be rewarded," she replied with disgust.

"Basag," ang signature basag-trip ni Tsuna. "Basag na puso." Lalo kong natawa sa idinagdag niya. Wuuh! Ang epic!

"Tumigil ka nga, Tsuna! Kanina ka pa ah."

Nanlaki ang mga mata ko. Shedaaaa. Si Natsu-san, mukhang napipikon na! Hahaha!

"O siya, tama na 'yan. Summer na summer, ang hot-hot mo—ay este! Ang init-init ng ulo mo," half-hearted na awat ko sa pierce eye to eye contact ng magkapatid. Eh 'yung nakaka-distract kaya 'yung mga pandesal niya? Oo, half-hearted ang pagsaway ko sa kanila kasi half-naked si Natsu-san. Boogsh. Ang yummy niya talagang tignan, kainis!

"Aki..."

That voice. Ooops.

Nilingon ko si Haru. Naniningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin. Emeged. Narinig niya kaya ang sinabi ko kanina?? Shocks! Blame my sinful eyes! Waaah!

"B-bakit, Haru?"

"Bakit ganyan ka kung tumingin kay Natsu-san?" relaxed niyang tanong, nakangiti pa nga eh, pero halatang pilit. OMG to the highest level! Lagot ako!

"Ah eh...a-ang ganda kasi ng view. Ha-ha-ha!" medyo awkward kong sagot.

"Ayan! Huling-huli sa aktong nangangaliwa! Haru-senpai o!"

Agad kong tinignan nang masama si Tsuna. Hindi ka lang magnanakaw ng cake, sumbungero ka pa! At sinong nangangaliwa, ha? Ako?? Watdahek—

"Oy, Haru," tinaas ni Natsu ang dalawang kamay niya. "Wala akong alam d'yan ah. Di ko inaakit si Aki-chan."

"What??" Isa pa 'tong babaeng 'to. Asdfghjkl! "Ang lakas ng loob mong ipagpalit si Haru-chan ko sa muscle ng demonyong 'yan??"

"Hanggang ngayon ba naman, Fu-chan, may galit ka pa rin sa'kin?" tanong ni Natsu-san.

Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa saka nagsalita ng, "Hanggang ngayon ba naman, Natsu-san, nagtataka ka pa rin? Tch. It will never be lost, my hatred over you."

"Teka nga!" react ko. Napatingin silang lahat sa'kin. "Ang dami n'yo ring segwey eh, 'no?"

"Hot siya...tapos ako...cute?" Makulimlim ang mukha ni Haru. Halatang nagtatampo at nagseselos. "Ang sabi mo, ayos lang sa'yo na hindi ako magpalaki ng katawan saka magpatangkad pero kung makatingin ka kay—"

"'To kasing si Tsuna, ang epal eh!" Then nilingon ko sa Tsuna na nagulat naman sa sudden mention ko sa kanya.

"O bakit ako ang sinisisi mo??"

"Makagawa ka ng issue, wagas!" sagot ko. "Napatingin lang, nangaliwa agad? OA lang?"

"Aah...so OA ako, gano'n?" pokerfaced na sabi ni Haru. Shocks! Bakit ba hindi niya ma-gets?!

"Hindi ikaw ang sinasabihan ko ng—"

"Aah...so kanina pa 'ko nagsasalita rito pero iba pala ang kausap mo, ganu'n ba, Aki-senpai?" Sheda! Pashnea! Mukhang galit na nga siya!

Kinakabahan na 'ko at feeling ko, tinatakasan na 'ko ng dugo sa mukha sa pagka-paranoid. Hindi siya usually na ganyan. At hindi naman siya mukhang nagbibiro. Asdfghjkl! Ano na naman 'tong nagawa ko??

Yumuko ako at nagsalita, "S-sorry na. Wala namang halong malisya 'yung pagtingin ko sa muscles niya 'no."

"Sus. Wala raw."

"Benta ka, Tsuna ah! Sige, isa pang singit at lulunurin kita sa dagat mamaya!" Panira 'to! Kainis. "So..yun," at bumaling na ulit ako kay Haru tapos lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. "Sorry na. Promise, hindi na mauulit. Saka...alam mo namang ikaw lang ang mahal ko eh."

Namula siya sa ginawa at sinabi ko kaya napaiwas siya ng tingin kahit nakasimangot pa rin. Yesss! Nagso-soften na ang expression ng mukha niya!

"Ayieeeh. Ayieeeh," asar ko sabay pindot-pindot sa tagiliran niya. "Patatawarin na 'ko niyan o. Yieeeh." Tapos lalo kong dinikit ang katawan ko sa kanya at binulungan siya ng, "I love you the highest Mountain Everest." Lalo siyang namula.

"T-tama na nga, Aki!" Dumistansiya siya sa'kin bigla. "Hindi naman talaga 'ko seryosong nagtatampo kanina e."

"Maghubad ka rin kasi ng t-shirt mo, Haru-kun, para pagpiyestahan ni Aki ang katawan mo," pabirong sabi ni Kumareng Nika.

"Leche 'to! Daming alam!" namumula kong sabi.

Tinawanan lang ako ni Kumare at inutusan na kaming lahat na maghugas na ng kamay sa kusina dahil pinahanda niya na ang meryenda namin. Grabe...ang bilis ng oras. Parang nu'ng dumating kami sa rest house nila, alas-dos pa lang, ngayon, meryenda time na. At speaking of meryenda...

"Hoy, Tsuna," sabi ko habang umiinom siya ng kape. Pwe. Ayan na namang aroma na 'yan! Ewww! "Nasa'n 'yung utang mong cake sa'kin, ha??"

"Cake?" nakakunot-noong tanong niya sa'kin.

"Aba! Wag mong sabihing nakalimutan mo na?? Baka gusto mong ingudngod kita sa iniinom mong kape para maalala mo??"

"Grabe. Ang brutal mo talaga, Aki-senpai. Kung 'yung Brazo de Mercedez ang tinutukoy mo, binigay ko na kay Haru-senpai kanina nu'ng naghuhugas ka ng kamay, kasi sabi niya pinapakuha mo raw sa kanya."

"Haa??" Agad akong napatingin kay Haru na agad nag-concentrate sa nilalantakan niyang egg pie. Ahaaaa. Halata sa mukha niyang guilty siya. Aba't...talagang ginantihan niya ko dahil sa pagtingin ko sa abs ni Natsu-san kanina, ha?

"Haru..."

"Ano 'yun, Aki?" patay-malisya niyang sabi.

"Ang sabi sa'kin ni Tsuna, kinuha mo raw 'yung cake ko," nakangiti nang pilit kong paliwanag sa kanya. "Nasa'n na?"

"Eh? Anong sinasab—"

"Aaah...so ginagantihan mo ko?" Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya sa dining table kung saan nagmemeryenda na ang lahat ng egg pie at apple juice.

"Ginagantihan? Bakit naman kita gagantihan?"

"Aaah...so nagkukunwari kang walang alam, gano'n?"

"Wala naman talaga—"

"Wala pala, ha?"

At kiniliti ko siya, dahilan para mabitawan niya sa platito 'yung isusubo niyang piraso ng egg pie.

"Hindi ka aamin? Hindi ka aamin?" natatawa kong tanong sa kanya habang kinikilit ko siya. Tawa naman siya nang tawa dahil sa ginagawa ko.

"T-tama na-HAHAHA! Tama na, Aki-HAHAHA!!"

"So kinain mo nga?"

"HAHAHA! O-oo! Hahaha! T-tama na, hin—HAHA—hindi ko na kaya—HAHAHA!!" sabi niya habang umiilag (pero di naman makailag) sa pangingiliti ko hanggang sa—

BOOM.

Nalaglag kami pareho mula sa kinauupan namin. Buti mababa lang 'yung upuan kundi nabagok na ang ulo niya.

"Ang virgin eyes ko!" Alam n'yo na kung sinong epal ang nag-react.

"Maaga pa para gawin n'yo 'yan, 'no," sabi naman ni Kumareng Nika.

Lalo akong mamula, considering our position. Na...na...ka...i...i...ba...baw...ak—ako..sa...sa kanya! Wichekels! Agad akong tumayo sa at inalalayan din siyang tumayo.

"A-ayos ka lang ba? Hindi ba masakit ang ulo mo?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Hindi lang ulo masakit kay Haru-chan, pati katawan. Tch. Sa bigat mong 'yan 'yun pa talaga ang tinanong mo?" As expected of Fuyu, tagos hanggang bones talaga ang tindi ng remark niya!

"S-sorry..." sabi ko habang kinakapa ang likod ng ulo niya. Baka may bukol or dugo. Buti bukol lang na maliit. "Sorry."

"Ayan, ang harot mo kasi, Aki-chan eh," komento naman ni Natsu-san. "Dapat talaga sa kama n'yo 'yan ginag—"

"Tahimek!" Pinandilatan siya ng mata ni Kumareng Nika kaya siya biglang napatikom ng bibig. Natawa naman ang ilan. 'Yaaan! Buti nga sa'yo! Bleh!

Nagulat ako nang biglang pisilin nang bahagya ni Haru ang ilong ko tapos ngumiti siya. Waaah. Maamo na ulit ang ngiti niya. "Okay na 'ko. Bati na ba tayo?"

Nag-pout ako at tumango sa kanya. Niyakap niya naman ako. At nag-ingay naman ang audience. Panira ng mood. Chos!

"Ehem. Ehem. Ang mahuhuli, maghuhugas ng pinggan," paalala ni Kumareng Nika.

"Ha? Parang ngayon ko lang narinig 'yan ah!" reklamo ko tapos kumalas na 'ko sa pagkakayakap kay Haru. Oo, ako na ang affected dahil ako ang huling naghugas ng kamay at ako na lang ang di pa kumakain.

"Eh malamang, ngayon ko lang sinabi eh," nakangising sagot niya. Agad kong tinapunan ng tingin ang platito niya. Lechugas! Simot na! Said na said! Ang dayaaaa!

"W-wait lang. Di ba may mga maids sa rest house n'yo na 'to?"

Tumawa si Nika. [Insert kontrabida laugh here.] "Pinag-half day ko, may angal? Hahaha!"

Napahawak ako sa temples ko. "Nooooooo!"

Bumalik ako sa katinuan (oo, Nag-Sisa-mode ako kanina e)—este—ulirat nang bigla akong hawakan sa kamay ni Haru. "Don't worry, hindi pa 'ko tapos kumain. Babagalan ko na lang para sabay tayong maghugas ng plato," sabi niya sabay kindat.

Kinindatan niya 'ko! Oh my golly gulay to the highest Mountain Everest! Eh 'yung naloka ako du'n?? Bati na nga kami tapos kinindatan niya pa ako! Waaah. Lecheness! Maghunus-dili ka nga, Aki! Remember, maghuhugas pa kayo ng plato together! Emeged. Kailangang nasa katinuan ka! Kailangaaaan!

<>

"Ano nang plano mo?" narinig kong tanong ni Nika kay Natsu-san habang magkatabi silang nakaupo sa dalampasigan at hinihintay ang paglubog ng araw. Tapos na kaming maghugas ni Haru nu'n at nagpaalam siya sa'kin na iidlip muna kaya eto, back to my favorite hobby, ang pagiging chismosa! Rawr!

"Plano? What do you mean, Nik-Nik?"

"After graduation..." Parang seryoso ata ang mukha ni Friendship at...medyo malungkot?

"Ah..." Tapos tumawa nang casual si Natsu-san.

"At bakit ka natatawa, aber? May sinabi ba akong nakakatawa?"

"Wala, wala," sabi nito na ngiting-ngiti habang nakatitig kay Kumare na binaling na ulit ang atensyon sa dagat. "Akala ko kasi tinatanong mo kung anong plano ko para sa'ting dalawa."

Anak ng—! Waaah! Pwede bang tumile nang literal?? My golly gosh! Kinikilig ako nang bongga! Shedaaa!

Hinampas ni Nika ang braso nito.

"Baliw."

Pero aminin mo, Friendship, kinilig ka sa sinabi niya! Weh! Wag nang maging in denial! Tapos na tayo sa phase na 'yan!

"Bakit ko naman 'yon itatanong 'no?"

"Bakit, gusto mo bang ako 'yung magtanong?"

Namula ito, lalo na nu'ng mahuli niyang kanina pa malagkit ang tingin ni Natsu-san sa kanya.

"Ewan ko sa'yo." Umiwas siya ng tingin. "Puro ka biro."

"Hindi nga. You want me to answer your question?"

"Alin du'n?"

"Sabi mo...after graduation, right?"

Kung wala kasing magiging problema, kasabay naming ga-graduate si Natsu-san. Bale last sem niya na rin next sem.

Tumango si Nika sa kanya.

"Well...of course, formally, I mean, in papers, magiging akin na ang MEI. Then I would also want to pursue—"

"Magtuturo ka?"

"Yup," nakangiti nitong sabi.

"Sa MEI?"

"Probably, pero mas gusto kong magturo sa college."

"Di ba may mga college students din sa MEI?"

"Yes...pero that's a specialized school."

"I see..."

"Bakit.." Nagkatitigan ulit sila. Okay, pigil-hininga kong naghihintay, anong next na sasabihin niya? "...ayaw mo ba 'kong magturo?"

Umiwas ulit ng tingin si Nika at niyakap ang sarili niya. "Hindi naman...kaso lang..."

"Kaso lang...?"

"Wala, wala."

Natawa si Natsu-san nang bahagya tapos iniharap niya si Nika sa kanya.

"Di nga...what is it, Nik-Nik? Tell me," sincere na sabi nito.

Tokwa! Ang sweet-sweet nila kahit ang seryoso ng pinag-uusapan! Rawr!

"Eh kasi...di ba... 'pag naging prof ka...sigurado akong maraming..."

"Maraming...?" Napapangiti na si Natsu-san. Mukhang nahuhulaan niya na ang gustong sabihin ni Nika.

"Shit. Wag ka ngang ngumiti nang ganyan!" sabi ni Nika sabay takip sa bibig ni Natsu-san. Haha! Nahalata niya pala. Lalong napangiti naman si Natsu-san at 'yung pinantakip na kamay ni Nika sa kanya e hinawakan niya. Asdfghjkl! Holding hands na sila! Emeged!

"I've told you already, right? Nagbago na 'ko."

"Yeah, right." She rolled her eyes, unconvinced. "But you're still a guy and—"

Natawa si Natsu-san. Sumimangot naman si Nika.

"You're so cute, can I kiss you?"

At hinaplos nito ang pisngi ni Friendship. WAAAH! Looooord! 'Yung kilig ko about nang universe!

"Sapak, you like?"

Natawa naman si Natsu-san.

"Aside from my future girl students, ano pa ang concern mo?"

"Time...?"

"Okay. I know that being a professor will take most of my time but—of course, hindi ibig sabihin no'n na...mawawalan na 'ko ng oras sa'yo, okay?"

"O...kay." Bumuntong hininga si Nika. "I can't believe we're talking about this."

"You brought it up."

"Fine. Ako na. I was just wondering about how our future will shape us. Seriously, kinakabahan ako after grad. Alam ko na, magkakahiwalay na kami ni Aki. Syempre, napakaliit na possibility na matatanggap kami sa iisang kumpanya, di ba? That would mean...bihira ko na siya makikita. Pati sina Haru-kun, Fu-chan, ang kapatid mo...actually, lahat kayo bihira ko nang makikita. And it scares me...the thought of it. Ever since Aki came into my life, hindi na 'ko sanay mag-isa. Then you came, at...wala na. I don't know. Hindi na rin ako sanay na malungkot. I just...don't know if I can still be me if I will rarely see all of you."

Niyakap siya ni Natsu-san nang mahigpit. Ako naman, teary-eyed na rito. Tama naman si Kumare. Kahit ako, natatakot ring isipin ang future. Baka 'pag nagtrabaho na 'ko, hindi na 'ko makatawa nang gan'to.

"You don't have to worry about the future, okay?" sabi ni Natsu-san. "Kahit na...hindi naman sobrang tagal nating nagkasama-sama, I believe that the six of us have this unbreakable bond. Na kahit anong mangyari, kahit maging busy tayo at may iba't-iba na tayong career na pinili sa buhay, we're still going to be bonded."

"Sana nga..."

"Trust me." Nang di na sila magkayakap, pinatong ni Nika ang ulo niya sa balikat ni Natsu-san. "And...speaking of future plans..."

"Mmm?"

"At what age are you gonna be ready?"

"Huh?" Napabangon ito at napatingin kay Natsu-san. "Ready for what?"

"Ready for..." Namula si Natsu-san. Watda—si Natsu-san, nag-blush? Anak ng patola! Seryoso?? "Ready for...m-marriage."

For five seconds, natulala si Kumareng Nika. Ako naman, nagtitili na sa utak ko at nagpapapadyak sa tuwa! Marriage proposal ba ito?!! WAAAH! Isa pa, WAAAAH! Holy crap, first time ko makarinig ng proposal sa totoong buhay! Graviteh! Hindi ko na kinakaya itech!

"You're joking, right?"

Muntik na kong masemplang sa delayed reaction ni Kumareng Nika. Lechugas! Anong klaseng sagot 'yan??

He chuckled. "No, I'm not. I want to marry you. For real."

"For real ka d'yan!" sabi niya tapos tumayo na ito at nagpagpag ng shorts niyang maraming buhangin. "Bata pa 'ko 'no."

"Magtu-twenty ka na next year tapos sasabihin mong bata ka pa?"

"P-pa'no mo nalaman ang edad ko, ha??" she asked, flustered.

He crossed his arms and smirked. "I have my sources. Kala mo ikaw lang?"

"Leche," mahina nitong sagot habang sinisipa ang mga buhangin sa tsinelas niya. "Pumasok na nga tayo sa loob, maggagabi na."

Akma na sana itong tatalikod nang pigilan siya ni Natsu-san. Shocks! Pinigilan siya ni Natsu-san!! Waaah!

"Wait. Kelan nga?"

"Ayos ka rin eh, 'no?" sabi ni Nika nu'ng nilingon niya si Natsu-san. "Hindi yes or no ang tanong mo e...when talaga."

Ngumiti si Natsu-san. "Of course I know you'd say yes," confident na sabi nito.

"Masyado kang mabilis para sa isang womanizer na bago palang sa pagpapaka-stick to one."

"Mas masarap magpaka-stick to one kung alam mong sigurado ka na sa babaeng gusto mong makasama habangbuhay."

ANSAVEH?? Ikaw na talaga! Ang galing mong humirit, Natsu-san! Da bes!

"So...you're sure you want to stay with me?"

"Tch. Sinabi ko na sa'yo dati yan, di ba?"

"Yeah right. Pero malay ko ba kung..."

"I want to marry you, Nik-Nik." Hinawakan niya ang mga kamay ni Kumare.

"Wag ka ngang paulit-ulit!"

Sige, ulitin mo pa, Natsu-san! Kinikilig pa rin ako eh! Rawr!

"Okay. I'll wait. I'll wait until you're ready to give me a decent answer."

Bumuntong hininga si Nika at saka nagpamaywang. "Mabuti naman kung gano'n. Tara na. Baka hinahanap na nila tayo sa loob."

EMEGED! Papasok na sila at siguradong dadaanan nila ang tinataguan ko!! Waaah! Anong gagawin ko? Siguradong sasakalin ako ni Kumare 'pag nalaman niyang nakinig ako sa usapan nila! Wichekels! Somebody help meeeeee!!

<>

Agad akong tumakbo papasok sa loob ng bahay kaso bago pa ako makarating sa pintuan—boogsh! May natapakan ako. Plangak ang beauty ko sa white sand dahil may tangang batong hindi umiwas sa daraanan ko. Kainis!

"Aki?"

Tokwa. Na-frozen ako sa narinig ko. Boses ni Kumareng Nika 'yon!

"Aki-chan, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Natsu-san.

Hindi pa rin ako tumatayo. Umarte akong sobrang injured. Sana gumana!

"Gabi na para magbabad ka sa araw," dagdag ni Friendship habang sabay sila ni Natsu-san na tinutulungan akong makatayo at pagpagan ang mga buhangin sa damit ko.

"O wag mong sabihing, sa sobrang pagod e dito ka na inabutan ng antok?" natatawang biro ni Natsu-san (na di naman nakakatawa!).

Umarte pa rin akong nasaktan. "A-a-aray!" acting ko. "Dahan-dahan sa paghawak sa braso ko, masakit. Huhubels!"

"Ano ba kasing nangyari sa'yo?" worried na tanong ni Nika. Yessss! Hindi nila ko pinagsuspetsahang nakikinig sa usapan nila kanina! Blessing in disguise rin pala ang nangyari sa'king pagkasemplang! Thanks, bato! Maaasahan ka rin, in fairness!

Bumaling ako sa kanya at sumimangot. "Obviously, nadapa ako. Lampa mode," paawa-effect kong paliwanag na ikinatawa niya nang bahagya. "Friendship, ang hard ah! Nagawa mo pa 'kong tawanan! Hmp!"

"Loka, akala mo lulusot ka," nakangiting sagot niya.

"Lulusot?"

Lumapit siya sa mukha ko habang naka-cross arms at siningkitan ako ng mata. "Measuring the distance from—"

"Lechugas! Kelan ka ba naging Mathematician, Friendship??" gulat na gulat kong tanong.

"'Kay, fine! Sasabihin ko in layman's term," sabi niya. "Based on my deduction, narinig mo 'no?"

"Narinig ang alin?" Gulp. Ang sharp talaga ng braincells ng Kumare ko!

"At nagmamaang-maangan ka pa??" Akto niya na 'kong sasapakin kaya nag-defensive mode ako using my braso as shield.

"Hindi ko naman talaga narinig na nag-propose na sa'yo si Natsu-san eh! Promise, hindi ko narinig!" mabilis at walang hinga-hinga kong sagot.

"Propose? You mean...marriage proposal?"

Oh my golly gulay to the highest Mountain Everest!

Lumingon ako at nakita ko si...si Fuyu at Tsuna! Waaaah! Lagot na!!

"That means..." Fuyu heaved a sigh and rolled his eyes. "Totoo na ba 'yan?"

Natsu-san seriously nodded. "At ikatutuwa ko kung mapapatawad mo na 'ko sa lahat ng kalokohan ko these past few years."

Nag-cross arms si Fuyu at umirap. "Tch. Pag-iisipan ko."

"Wah. Kuya! Seryoso ba 'yan??" hyper na tanong ni Tsuna.

"Kasasabi ko lang," sagot ng kuya niya. "Di ka ba nakikinig?"

"Basag," resbak ko. Rak!

"Weh. Epal si Aki-senpai! Ingget!" asar ni Tsuna.

"Leche! Bakit ako maiingit?? Masaya nga ako e!"

"Basta, Kuya, masaya ko para sa'yo. Iba ka na talaga." At nag-approved sign siya kay Natsu-san. Wichekels! I-snob-in daw ba ang sinabi ko??

"Naman, Bro!" Then nag-fist bump sila.

Napatingin ako sa naka-cross arms na babaeng nananahimik sa tabi. Ngumiti ito nang makulimlim (insert your favorite Horror movie lead cast image here) at inakbayan ako. Gulp. Parang alam ko na ang sasabihin niya...

"Aaaaaakiiiiiii!!!"

<>

Alas-siete ng gabi. Nasa likod-bahay kami ng rest house na katabi rin ng dalampasigan. Ramdam na ramdam ng balat kong kutis porcelana (ang maniwala, di ako kilala! Haha!) ang hampas ng malamig na hangin. Sininghot ko ang fresh air ng paligid. Epicness. Nakaka-rejuvinate. Daig ko pa ang tumungga ng isang boteng Extra Joss. Pansin n'yo, di pa 'ko napapagod kahit wala pa 'kong matinong tulog? 'Yan ang epekto ng masayang samahan ng tropa (tropa talaga ang term??) at magandang environment. Nakakapagpalala ng katinuang madalas ay wala ako. Chos.

Kidding aside, nandoon kaming lahat at busy-ing-busy sa toka namin. May naghihiwala ng mga gulay (hindi ako 'yon), may nagpapaypay ng apoy para maging baga sa bonfire (hindi rin ako 'yon), may nagpapanatili ng baga sa paglulutuan ng barbeque (mas lalong di ako 'yon), may nagbabantay ng sinaing habang nagtitimpla ng juice mula sa katas ng ripe mango (imposibleng ako 'yon), may naghahanda ng mga karne para sa BBQ (alam n'yo nang hindi ako 'yon) and lastly, may isang moral support at pang-aalaska lang ang kayang i-contribute. Hulaan n'yo kung sino. (Clue: maganda siya at nakabibighani!)

Ideya 'yon lahat ni Kumareng Nika dahil mas masarap pa rin daw kung kami ang magluluto ng aming hapunan kesa iaasa lang namin sa mga katulong (na pinag-halfday niya kanina). Tama nga naman. At least, ma-fi-feel mo na ang ambiance ng paligid at fresh na fresh ang mga kakainin mo, bonggang bonding time din ito. Ang talino talaga ng Kumare ko, right? Tsk. Manang-mana sa bestfriend niya!

"Hoy, Aki." Speaking of my bestfriend.

"Bakit, Friendship?" pa-tweetums kong tanong sabay lingon sa kanya.

"Nasabi ko na bang hindi kakain ang hindi tumutulong sa pagpe-prepare ng hapunan?"

"At nasabi ko rin bang ako na lang ang maghuhugas ng pinagkainan?" mayabang kong sagot.

Napatango siya. "Aaah. Okay. At kinarir mo na talaga ang pagiging dishwasher, ha, Friendship?"

"Di naman, medyo lang."

"Aki."

Nilingon ko si Haru.

"Ano 'yon?" tanong ko.

Ngumiti siya. Eh 'yung kinilig ako sa cute ng ngiti niya? Wichekels!

"Halika rito, saglit." Ano daw? Halikan kita saglit?? Asdfghjkl! Baliw ka talaga, Aki! Ang tagal mong ma-confine sa mental! Rawr!

"Wait lang, Friendship ah. Tinatawag ako ni Haru e," paalam ko kay Kumare na tumango at ngumiti lang saka bumalik sa ginagawa niyang paghahanda ng iba-barbeque.

Patalun-talon pa 'kong parang bata nang lumapit ako kay Haru. Masayang-masaya lang ang peg eh, 'no?

"Ano 'yun?" tanong ko saka nag-Indian seat sa tabi niya.

"Tignan mo." May tinuro siya sa bandang Northeast. Doon sa madilim na parte. Gubat ata 'yon. Daming puno e. Itatanong ko sana kung anong meron do'n pero agad lumiwanag ang mata ko nang makita kong may mga nagkikislapang fireflies doon.

"Waaah. Ang gandaaaa!" Niyugyog ko pa ang mga balikat niya sa sobrang tuwa. "Sobrang gandaaa! First time kong makakita niyan! At ang dami nila! Naalala ko tuloy 'yung Hotaru no Hikari saka Utsukushi Rinjin." Nagningning talaga ang mata ko sa ganda ng mga fireflies. Ang alam ko kasi sa mga malilinis at tamihik na lang sila ng lugar naninirahan e. Kaya bihira ata ito sa Maynila na medyo polluted na.

"Sabi na eh," sabi ni Haru. Tinignan ko siya. Ang kalmado ng mukha niya saka ang ganda ng ngiti niya. Heaven. "Matutuwa ka." Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Wichekels, holding hands while seeing fireflies?? Lord, thank you! Wala na 'kong mahihiling pa!

"Wait. Sabihan ko sila Kum—" Tatayo sana ko para sabihan sila tungkol sa fireflies pero hinatak ako ni Haru palapit sa bisig niya. Nakalimutan ko tuloy ang sasabihin ko at napatitig na lang ako sa mga mata niyang nakakalusaw.

"Mamaya na," sabi niya. "Gusto kong tayo lang muna ang makakita niyan."

"Achi! Ikaw talag—"

Wala na. Hinalikan niya na 'ko. Pumikit na lang ako at nag-respond habang tinitiis ang pamimilipit ko sa sobrang kilig. Gustong lumabas ng milyon-milyung butterflies sa stomach ko at grabe...kahit malamig 'yung paligid, nararamdaman kong dumadaloy ang init ng summer sa buong katawan ko. Pinatong ko ang dalawang braso ko sa balikat niya at ni-lock ang mga kamay ko sa batok niya. Naramdaman kong nakahawak naman siya sa bewang ko. Tiis-ganda na lang kahit may kiliti ako roon. Anak ng—gusto kong tumile sa kilig pero hindi pwede! Aish! Waaah. Ayoko nang matapos 'toooo!

Bumitiw siya sa'kin at hinabol ang hinga niya pagkatapos ng lagpas isang minuto naming halikan. Hinabol ko rin ang hininga ko at napatingin sa kanya. Namumula siya sa hiya habang hinihingal. Pareho nga pala kaming hindi sporty type kaya ang bilis naming kapusin ng hininga. Natawa kami pareho sa'ming mga sarili at maya-maya, nag-resume ulit sa paghahalikan. Nakatulong ata ang dilim ng paligid at ang mga fireflies sa di kalayuan sa mood naming dalawa. Waah. Gusto kong magsalita. Sabihan siya nang paulit na mahal na mahal na mahal kita kaso pa'no ko 'yun sasabihin e busy nga ang bibig namin, di ba? Chos. Pero seriously? Bakit ang hyper pa rin ng utak ko sa mga ganitong ka-awkward na sitwasyon?? Haha.

After a minute, tumigil na kami at tumingin na lang ulit sa mga firelies. Katamihikan. Walang gustong magsalita. Mamaya. Natawa siya. Hinampas ko siya nang mahina sa braso saka natawa 'rin.

"Epal mo," sabi ko. Napakagat-labi ako. Pinipigilan ko 'yung ngiti ko pero labas pa rin ng labas. Kainis!

"Mas epal ka."

"Aba!" Nagpalobo ako ng bibig at nagkunwaring nagtatampo sa kanya. Natawa naman siya at pinisil ang pisngi ko. Hinayaan ko lang siya.

Nagtaka ko nang bumuntong hininga siya. "Sana...hindi na matapos ang summer."

"Eh?"

Binalik niya na ulit ang tingin niya sa dagat at sa mga fireflies. Narinig ko ang hampas ng mga ahon at lagaslas ng mga dahon sa puno.

"Pagkatapos kasi ng summer..." Lumungkot ang expression ng mukha ni Haru. "...magiging busy ka na."

Niyakap ko ang braso niya at sumandal rito. "Sabagay..."

"Tapos...ga-graduate ka na at magkakatrabaho."

"Ayoko na ngang isipin 'yon eh," amin ko. Sana huminto ang oras. Sana ganito na lang tayo.

"Ayoko rin naman...pero paminsan-minsan, sumasagi pa rin 'yon sa isip ko."

"Same here." Bumuntong hininga rin ako. "Ayokong...matapos ang summer."

"Tch. Pero sana matapos na kayo sa pagmo-moment n'yo riyan kasi kakain na."

Muntik na 'kong atakihin sa puso nang lumingon kami ni Haru at nakitang si Fuyu ang nagsalita. Magkasalubong ang dalawang kilay nito at nakakunot ang noo. Naka-cross arms din siya at mukhang bad trip.

"Tch. 'Yung totoo, sasalampak na lang kayo d'yan sa damuhan at makikipagtitigan sa'kin o tatayo kayo bago ko kayo tadyakan??"

Sabay kaming natawa ni Haru sa kanya na lalo niyang ikinainis.

"Sorry na, Fuyu," sabi ni Haru na agad tumayo tapos inalalayan niya rin ako sa pagtayo. Pagkatapos niyang pagpagan ang sarili sa mga buhanging kumapit sa shorts niya, lumapit siya kay Fuyu at pinatong ang kamay niya sa ulo nito. "Wag ka nang magalit." Tapos ngumiti siya.

Umamo naman ang expression ni Fuyu dahil sa ginawa ni Haru. Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya. "Tara na?" alok ko. Tumango naman siya kahit nakasimangot pa rin...at sabay-sabay kaming bumalik, nakatitig sa nagliliyab na bonfire.

<>

"Tsuna, magpipinta ka?" tanong ni Fuyu. Nagsesepilyo ako nu'n sa kusina nang maulinigan ko ang boses niya. Sumilip ako sa may sala. Nakita ko si Tsuna na may bitbit na malaking canvas sa isang kamay at mga art materials naman sa isa.

Tumango ito. "Oo, sama ka?" nakangiti niyang tanong.

Ngumiti si Fuyu at tumango. Anak ng—si Fuyu?? Ngumiti nang ganu'n ka-sunny?? As in parang bumukas ang langit at naglabas ng isang anghel eh! Ang ganda ng ngiti niya! Tinalo pa 'yung ngiting wagi ko! Wichekels!

"Wait lang. Kukuha ko ng sketch pad at colored pencil," sabi niya at nagmamadaling pumasok sa kwarto niya. S-seryoso? May dala siyang art materials like Tsuna? Oh my golly gulay! Ibang-iba na talaga siya! Kung dati hindi mo siya makikitang dumidikit sa mga bagay ganu'ng bagay, ngayon...meron na rin siya! Nakakatuwa!

Well, sabagay, magta-transfer na nga pala siya sa Fine Arts. Kahit kasi magaling siyang mag-design ng damit, at may experience siya sa pagtatahi, kailangan pa rin na mahusay siyang gumuhit saka mag-blend ng kulay, di ba? At bakit ang talino ko sa ganyang bagay? Chos! Syempre, peborit ko ata 'yung Paradise Kiss at Runway Beat!

OMG. Bumalik na siya at palabas na sila nang magkasama. Binilisan ko ang pagsesepilyo at sinundan sila. Fufufu~

Alas-siete ng umaga. Di pa mainit sa labas kaya siguro ngayon na-trip-an ni Tsunang mag-paint. In fairness, ang ganda talaga ng view. Maaliwalas, summer na summer. Umupo silang dalawa sa white sand. Indian seat. Then inayos na ni Tsuna ang palette niya, nag-mix-mix ng kung anu-anong kulay.

Natatawa nang bahagya si Tsuna habang napapansin niyang pinag-aaralan ni Fuyu ang ginagawa niya.

"Isang tawa pa at sasampalin na talaga kita," banta ni Fuyu. Tokwa! Ayan na naman ang bibig niya!

Tumingin si Tsuna sa kanya. "Masaya lang ako kasi di ko ine-expect na darating ang araw na makakasama kitang gawin mag-drawing."

Meganon, Tsuna?? 'Yung totoo, tinatago mo lang gamit ng tawa mo 'yung kilig mo eh! Uuuuy! Aminin! Wag KJ!

Namula si Fuyu at umiwas ng tingin. "Hmp. Wag ka ngang feeling. Hindi ako lumipat ng Fine Arts para sa'yo 'no."

"Alam ko."

"A-alam mo??" gulat na tanong niya na napatingin saglit kay Tsuna.

"Kasi alam kong lumipat ka para...sa ating dalawa," seryosong sabi nito habang nakatitig sa mukha ni Fuyu na agad namang pumula. Boom! Ang galing mo, Boy Pickup! Chos! Eh 'yung kinikilig rin ako? Ang sarap talaga maging chismosa, damay sa kilig! Rawr!

"Eh 'kung ipalamon ko kaya 'tong mga acrylic paint na 'to, papalag ka?" banta ni Fuyu. Whoa. Ayan na naman ang deadly tongue niya!

"Joke lang. Excited lang talaga 'ko. Sana may subject na magkaklase ulit tayo. Hindi lang sa PE. Haha. Gusto ko kasi lagi kang kasama."

Namula na naman si Fuyu. Paawat ka nga, Tsuna! Baka mangisay sa kilig 'yang si Fuyu e di pa naman siya expressive gaya ko! Haha!

"S-sana.." mahinang sagot ni Fuyu na nagsimula nang mag-drawing sa sketch pad niya.

Wait. Sinabi niya bang 'sana'?? OMG! So gusto niya ring palaging kasama si Tsuna?? Waaah! Eh 'yung wagas ang ngiti ni Tsuna sa narinig ng dalawang tenga niya? HAHA! Napa-aja pose nang slight at napabulong pa ng 'yes' sa tuwa, akala naman di ko nakita! Epic! Ang cute kiligin ng lalaki!

"Gusto mo turuan kitang mag-mix ng kulay gamit ang colored pencil?" Nakanaks! After bumanat, dumadamoves naman ngayon! "Ano bang dress ang gagawin mo ngayon? Anong kulay ang gusto mong paghalu-haluin?"

Nag-isip si Fuyu. "Gusto ko sana...lolita dress pa rin pero...summer themed. 'Yung 'pag tinignan mo, presko sa mata...parang ganu'n."

"Ah..sige, gan'to 'yan."

Lumapit lalo si Tsuna kay Fuyu at siya ang pumili ng mga kulay na gagamitin niya. Tapos hinawakan niya ang kamay nito habang tinuturuan ng technique sa pagkulay si Fuyu. Di ko maintindihan yung ibang pinagsasabi ni Tsuna basta may kinalaman sa shading chuvaness. Isa lang naman ang maliwanag sa mata ko, ang tawag sa ginagawa niya ay pasimpleng tyansing! Hahaha! Tumatangu-tango lang si Fuyu at paminsan-minsan ay napapangiti. Minsan, nagtatanong siya ng tungkol ulit sa mga kulay-kulay na yabang-yabangan effect namang sinasagot nang mabilis ni Tsuna. Level up! Hantaray! Ang sweet nilang tignan! Kaloka!

Maya-maya, lumayo na si Tsuna nang konti sa kanya (mga one inch!) at nagpinta na. Napansin kong 'yung dagat at mga bulubundukin (present din ang blue sky syempre) ang pinipinta niya. Mas mabilis siyang magpinta ngayon kesa nung duel. Iba talaga ang lakas ng hatak ng inpirasyon lalo na kung literal na malapit sa'yo at katabi mo lang. Precise na rin siya mag-paint ngayon. Dahil medyo malayo ako, mukhang picture talaga yung gawa niya kahit hindi pa tapos. Ganu'n ka-realistic. Habang busy siya sa pagpe-paint, gumagawa naman ng panibagong sketch si Fuyu at medyo ginagaya yung tinuro ni Tsuna sa kanya.

Tahimik lang sila pero halatang masaya. Paminsan-minsan, ninanakawan ni Tsuna si Fuyu ng tingin and vice versa. Kapag nahuli ng isa ang isa, nagkukurutan sila at naghahampasan. Wagas! Nangigigil ako sa cuteness nilang dalawa.

At dahil satisfied na ako at ayokong mabuko na naman sa pagiging chismosa, pumasok na 'ko sa loob ng rest house. Kalalabas lang ni Haru mula sa CR. Nanlaki ang mga mata ko sa katawan niya. Half-naked. Nakatapis lang siya ng tuwalya at halatang basa pa ang buhok. Asdfghjkl. Nagpa-palpitate na naman ang puso ko! Pati siya nawindang sa nakita!

Namula siya at napatakip sa dibdib niya. Loka 'to! Ba't mo tatakpan?? Ano ka, babae?? Haha!

"Kahit bagong ligo ka, ang cute mo pa rin," asar ko sabay pisil sa pisngi niya. Sumimangot lang siya at nagmamadaling pumasok sa kwarto niya. Isasarado niya na lang ang pinto nang bigla niya 'kong tinawag. Lumingon naman ako. Nakalitaw ang ulo niya sa nakaawang na pinto.

"Hindi ka pa ba maliligo?" tanong niya.

"Bakit, sasamahan mo 'ko?" pilyo kong sagot.

Namula siya ulit at sumagot ng,"S-sira! Hindi 'no."

Tumawa ako. "Adik ka kasi. Ba't ka pa naligo e magsu-swimming na tayo mamaya!"

"Ha? Sino may sabi?"

"Si Friendship."

"Di ko narinig."

"Sayang 'yung damit na isusuot mo. 'Wag ka nang magpalit."

Namula na naman siya. "Eh mamaya pa 'yun eh! Lalamigin lang ako."

"Eh di yayakapin kita!" Kinindatan ko pa siya. Alam n'yo na ang usual reaction niya. Tumawa lang ako at lalong lumapit sa kwarto niya. Papasok sana ko kaso ayaw niya ko papasukin. "Mag-boxers ka na dali! Excited na 'ko!"

"Wag ka na nga, Aki! Pinagtatawanan mo lang ako eh!"

"Hindi kaya! O sige, sasabihin ko kay Friendship, ngayon na tayo mag-swimming! Dali na!"

"Weh. Sabihin mo muna!"

"'Kay fine!" natatawa kong sabi at nilubayan ko na siya sa kwarto niya.

<>

"Wow! Ang laki ng iyo, Aki!" nang-iinis na sabi ni Friendship na nakatitig sa dibdib ko. Agad akong nag-cross arms dahil sa remark niyang nakaka-conscious.

"Magtigil ka nga! Mas malaki lang ng isang cup size 'yung akin! At pwede bang wag mong ilantad masyado 'yung korte ng katawan mo kasi nakakainggit??"

"Hahaha! Wala eh. Born to be sexy ang peg ko eh," mayabang na sabi ni Kumare. "Hindi naman masyadong halata 'yung tiyan mo ah! Sabi ko naman sa'yo di ba, bagay sa'yo ang two-piece!"

"Ah...so pa'no naman ako?" poker-faced na tanong ni Fuyu na di ko namalayang dumating na pala. Agad kaming napatingin ni Friendship sa kanya. Particularly, sa dibdib niya. Confirmed. Certified FC siya. Flat chested.

"Gusto n'yo bang sundutin ko 'yang mga mata n'yo??" banta niya sabay cross arms nang mahalata niya kung saan kami nakatingin ni Friendship. "Isa pang tingin! Aish!!"

"Grabe...wala pa nga kaming sinasabi eh," react ni Kumareng Nika.

"Halata naman sa tingin n'yo eh!"

"Ikaw naman, Fuyu. Pare-pareho naman tayong mga babae 'no," sabi ko habang natatawa. Ang cute mapikon ng ating gothic lolita maldita! At talagang may ruffles ang pinili niyang one-piece swimsuit ah!

"Shit. Ang ganda talaga ng Nik-Nik ko."

Aba't! Dumating na ang mga makukupad na lalak—

Napa-jawdrop ako kay Natsu-san. Asdfghjkl. Parang mas maganda ang hubog ng katawan niya ngayon kesa kahapon. Waaah! Para kong nanonood ng Kdrama! Ang tambok ng kanya! Daig pa 'yung akin! Emeged! T-teka nga! Aki, umayos ka! Magagalit na naman sa'yo si Haru 'pag tumingin ka ulit sa yumminess ni Natsu-san, sige ka! Mamaya, mag-away na naman kayo!

"So feeling mo sasabihan kitang gwapo dahil pinuri mo 'ko?" nakapaywang na sabi ni Kumare kay Natsu-san.

"Hindi ko naman kailangang marinig 'yon mula sa bibig mo kasi sa itsura mo pa lang nu'ng nakita mo ko, alam ko na," mayabang na sagot niya. Inirapan lang siya ni Nika na ikinatawa ko naman. Akalain mo 'yun, walang naipangresbak si Kumare sa sinabi ni Natsu-san? Astig!

"Wow, Aki-chan. Di ko akalaing sexy ka rin pala."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Che! Wag mo nga kong bolahin!"

"Di nga kita binobola, promise," nakangiti nitong sabi tapos kinalabit si Haru. "Di ba, Haru? Ang sexy ni Aki?"

Napatingin naman sa'kin si Haru. Namula ito at tumango. Tinakpan ko ulit 'yung dibdib ko gamit ang braso ko! Mga lalaki talaga! Sa iisang direksyon lang talaga tumitingin! Asdfghjkl!

"O di ba? Pati si Haru nase-sexy-han sa'yo. Dapat magkaroon ka ng self-confidence sa sarili mo. Lahat ng babae, sexy at maganda."

In fairness, may point siya du'n. It just takes the right guy to see that beauty in every woman.

"Totoo 'yun, Aki," pagsang-ayon naman ni Haru na lumapit pa sa'kin. Nawala yung pagiging conscious ko nang hawakan niya ang kamay ko. "Tara, swimming na tayo." Nginitian niya ko. Kinilig tuloy ako.

"Haru, ang cute mo," nahihiya kong sabi. O, ba't kayo natatawa?? E cute naman talaga e! Anong gusto n'yong sabihin ko??

Tumawa siya nang bahagya. "Lagi naman akong cute sa paningin mo."

"Eeeh...ganu'n eh." Wala kong masabi. Naii-speechless ako sa titig niya. HANUVAH?? Tama na nga 'yan, Haru! 'Kala ko ba magsu-swimming na tayo??

"Fuyu-senpai, ang cute-cute mo. Bagay sa'yo ang suot mo ngayon." Sus, isa pa 'to.

"Lahat naman ng suot ko, bagay sa'kin eh," pairap na sabi ni Fuyu kay Tsuna na ikinatawa ko naman.

"Basag!" sabi ko habang tumatawa. Tinignan niya 'ko nang masama. "Model eh!" dagdag ko. "Ikaw talaga! Hahaha!"

"Model na fla—" Nakanaks! Nabuhay si Kumare! Pero di niya napagpatuloy ang asar niya dahil sa deadly glare ni Fuyu! Buti nakaiwas ako sa line of fire! Hahaha!

"May sinasabi ka, Nika-senpai?" Nakakatakot ang ngisi nito. With murderous intent ang aura!

"W-wala! Hahaha! Tara na nga! Mag-swimming na tayo!" sagot ni Nika sabay lakad sa dalampasigan at lumangoy na. Agad naman siyang sinundan ni Natsu-san. Hinatak ako ni Haru at sumunod na rin kami.

Nu'ng mahahaplusan na ng dagat ang mga tuhod ko, napatingin ako sa may dalampasigan. Andu'n pa rin si Tsuna at Fuyu. Napakunot ako ng noo. Anong hinihintay ng dalawang 'yon doon? Pasko? Bakit ayaw pa nilang mag-swimming??

"Tsunaaaa! Fuyuuuu! Halina kayo! Masarap mag-swimming, dali!" tawag ko sa kanila. Hinahatak na ni Fuyu si Tsuna pero parang namumutla ito. OMG. Don't tell me—

"Halika na, tuturuan na nga lang kitang lumangoy eh. Ang kulit!" napipikang sabi ni Fuyu.

"Eeee...aasarin lang nila 'ko kasi di ako marunong lumangoy," malungkot na sabi nito. Seriously? Sabagay, mahina ang resistensiya niya pero...di niya ba alam na nakakatulong ang paglangoy para lumakas ang baga niya?

"Aish! Kaya nga tuturuan eh!" sigaw ni Fuyu. "Bakit ba ang KJ mo??"

Lumapit na ko sa kanila nang di na sila magtalo pa.

Inakbayan ko si Tsuna. Napatingin siya sa'kin. "Ikaw naman. Wag ka nang matakot. Madali lang matutong lumangoy, promise! Isa pa, 'pag natuto kang mag-swimming, lalakas ang resistensya mo, gaganda pa ang katawan mo. Saka, haller??" Then, bumulong ako sa kanya, "Si Fuyu kaya ang magtuturo sa'yo. Ayaw mo nu'n, laging kayo ang magkasama sa pagsu-swimming?"

After kong sabihin 'yon ay nilayo ko na ang mukha ko sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya sa narinig at tumingin sa'kin at nag-okay sign.

"Ayos! Swimming na!"

Nakipaghabulan ako sa kanila papunta sa dagat sabay dive nang slight sa tubig. Pagkaahon ko after kong sumisid at pabirong hinila ang paa ni Nika, pinaulanan naman ako ng tubig ni Natsu-san na muntik pumasok sa ilong ko. Nakipagsabuyan ako ng tubig sa kanya at nakisali na rin sila Haru at ang iba. Inakbayan ako ni Kumare at hinila sa ilalim bilang ganti sa ginawa ko sa kanya tapos kiniliti pa ko ng loka sa tubig. Buti na lang marunong din pala sumisid si Haru at niligtas ako. Yakap-yakap niya 'ko hanggang sa makaahon kami. Hinabol ko nang hinabol ang hininga ko habang nakahawak sa dalawang balikat niya. Nu'ng mag-regular na ang breathing ko, lumangoy na lang kami nang sabay habang sina Nika at Natsu-san naman e nagwiwisikan ng tubig sa mukha. Hahaha. Sila Fuyu at Tsuna naman, may sariling bonding moment. Todo sa pagtuturo si Fuyu. Medyo nakakapagkampay na si Tsuna pero di niya pa kaya mag-isa. Inaalalayan pa rin siya ni Fuyu.

Bago magtanghali, umahon na kami sa dagat kasi nakaka-sunburn na ang init. Nag-unahan kami sa pagligo sa lilim ng likod-bahay kung saan may isang malaking drum doon ng tubig. Kanya-kanya kaming tabo ng tubig habang si Nika 'yung unang naligo sa loob ng CR. After niya, susunod si Fuyu tapos ako. Syempre, huli ang mga lalaki. Hahaha. Tawanan lang kami nang tawanan (with konting matinong kwentuhan, syempre) hanggang sa lahat kami nakaligo at bihis na. Nagpahanda pala si Nika ng inihaw na bangus, talaba, sinigang na hipon, pakwan, at melon juice sa mga katulong niya (na sa wakas ay pumasok na) kaya talagang sobrang lafang kung lafang ang ginawa namin. Ang sarap lumamon after mong mapagod sa pakikipagharutan sa tubig. Sumakit nga ang buhok ko kasi nakipagsabunutan pa sa'kin si Kumare. Akalain n'yo 'yon?? Mga maka-non-violence na nilabas sa tubig ang kulit at pagka-warfreak! At syempre, di ko makakalimutang ikwento na ilang ulit ako muntik malunod dahil sa mga kolokoy kong kasama. Hahaha. Sabagay, ako naman nagpasimuno ng paghila ng paa sa tubig e. Ginawa lang nila na pa-extreme nang pa-extreme.

"Haru, tikman mo 'to. Masarap 'to," sabi ko saka kinuha si Haru ng isang magkok ng sinigang na hipon na umuusok pa sa init. Agad naman 'yong tinaggap ni Haru tapos pinagbalat niya 'ko ng talaba.

"Aaaah," sabi niya. Kinilig naman ako. Susubuan niya 'ko. Wichekels! Syempre, ngumanga ako agad at kinain 'yun. Sheda. Mas masarap ang talaba 'pag si Haru ang nagbalat. Promise!

"Uy, pansinin n'yo 'tong inihaw na bangus, masarap 'yan," sabi ni Kumareng Nika na pinangunahan na ang pagkuha. Sinawsaw niya 'yon sa bagoong na may kalamansi at saka sinubo with feelings.

Nakigaya sina Natsu at Fuyu at sumawsaw rin sa sawsawan niya. Tumango si Fuyu at umulit pa ng kuha sa bangus. Gumaya na rin kami ni Haru.

"Pero mas masarap ka pa sa bangus na 'to," sabi naman ni Natsu-san.

"Eto, mas masarap." Binato siya ng shell ng talaba ni Kumareng Nika pero nakailag ito. Nagtawanan naman kaming lahat.

"Sayang!" asar ko. "Ba't ka umilag??" Tawanan na naman kami.

Pagkatapos naming kumain, nagpanghimagas kami ng pakwan. Palayuan kami ng hagis ng buto gamit ang bunganga. Hulaan n'yo kung sino ang nanalo. Hahaha. Syempre, ako! Ang laki ng bunganga ko eh.

Lumipas ang mga araw na 'yun ang palagi naming ginagawa. Harutan, hampasan, asaran, tawanan, kulitan. Halos masira ang panga ko kakatawa 'pag nagjo-joke si Tsuna, 'pag nambobola si Natsu-san, 'pag naglalabas ng makesyong linya si Haru, 'pag may witty remark si Kumare at ang huli at pinakainaabangan ko sa lahat, 'pag bumubuka ang bunganga ni Fuyu at naglalabas ng bloody at matatalim na komentaryong tagos sa kaluluwa mo ang epekto.

Sa sobra naming pag-e-enjoy sa company ng bawat isa, hindi na namin namalayan na may hangganan ang lahat. Na may tuldok ang lahat ng masasayang alaala. At katulad ng isang aklat na patapos na, kailangan nang isara ito at magpatuloy ulit sa isa na namang panibagong parte ng buhay.

Sana sa susunod na parteng 'yon, kasama pa rin kita.

Sana...sa susunod na summer, tayo pa ring anim ang magkakasama.

Dahil kahit madalas akong lokaret, chismosa, fangirl ng lahat ng asian drama, wala nang ibang mas makakapagpasaya sa'kin kundi kayo. Kayo lang... at wala nang iba.


Continue Reading

You'll Also Like

152K 4.2K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
167K 10.1K 28
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
6.9M 139K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

106K 2.8K 45
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]