WERE MARRIED? (COMPLETED)

paujhoe द्वारा

659K 10.6K 453

Isang hindi inaasahan na pangyayari sa buhay ni Girl na hindi niya alam kung paano at bakit nangyari sa kanya... अधिक

Synopsis
Prologue
one
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
11
12
13
14
15
16
17
18
19
21
22
23
a/n

20

12.1K 372 24
paujhoe द्वारा

MABIBIGAT ANG bawat hakbang niya papalayo sa bahay nila Rhiane.

Gusto niyang bugbugin ang sarili niya lahat ng mga sinabi niya sa asawa niya, bugso ng damdamin kaya niya nasabi ang mga iyon. Na gusto na niyang bawiin ngayon dahil alam niya galit lang siya kaya niya nasabi iyon. At mas alam niyang nasaktan niya si Rhiane, kulang ang dalawang sampal nito sa kanyang mukha sa sakit ng mga binitawang salita.

He want to take it back, all words he say.

Kaya nakakailang hakbang palang siya palabas sa bahay bumalik siya para kausapin si Rhiane.

Naalala kasi niya na sinabi nga pala niya sa sarili niya na babawiin niya si Rhiane. Na gagawin niya ang lahat para mahalin siya ulit nito.

Pero ang ginawa niya ngayon sa asawa, alam niya mas lalo lang niyang pinalayo ang asawa sa kanya.

"Hey Baby what's wrong?"

Nakahawak na siya sa seradura ng pinto ng marinig niya ang boses na iyon. Para siyang itinulos sa kinatatayuan niya ng mga oras na iyon.

Halos madurog ang buong pagkatao niya ng marinig niya ang pag-iyak ni Rhiane.

Lalo pa ng silipin niya ang loob ng bahay at makita niyang nakaupo sa sahig si Rhiane habang yakap yakap ni Daniel ito habang walang tigil sa pagtangis.

Mariing kinagat niya ang labi niya sa galit niya sa sarili niya. siya ang dahilan kung bakit umiiyak ito, siya ang nagpaiyak sa asawa niya.

"Enough baby, I don't want to see you crying"pag-aalo pa ni Daniel sa asawa niya.

Gusto niyang maiinggit, pero wala siyang karapatan na maiinggit dito. Dahil hindi naman niya sana makikita ang ganoong tagpo kung nag-isip muna siya bago ang lahat.

Siya ang nagpapahirap ng lahat ng sitwasyon.

Tama nga siguro si Rhiane, mas maganda pa na maghiwalay na sila. Mukhang wala na namang pag-asa na bumalik pa si Rhiane sa kanya dahil may mahal na itong iba.

Hindi na siya ang dahilan ng pagtawa nito, dahil panay nalang sama ng loob ang naibibigay niya dito. At ngayon nga ay pinaiyak pa niya ito.

Mali yata ang desisyon niya noon na pabayaan ang asawa niya na hindi siya, sila maalala nito. pero huli na ang lahat, hindi na siya ang gusto ng asawa niya.

Nalulungkot lang siya para sa kanila ng anak niya, ang dami pa niyang pangarap para sa kanilang dalawa ng asawa niya kasama ang anak nila. Pero wala ng mangyayari sa lahat ng pangarap niya, dahil una pa lang wala ng pag-asa ang relasyon nila noong panahon na bumitaw na si Rhiane at kalimutan na sila ng tuluyan.

Babalik na siya sa kanila, panahon na para ang buhay nilang mag-ama ang atupagin niya kaysa sa habulin ang babaeng may-ari na ng puso niya walang taon na ang nakakaraan.

"Palalayin na kita, sana maging masaya ka na Rhiane"bulong niya habang nakatitig sa asawa niyang walang humpay sa pag-iyak.

Pinagsawa niya ang mata niya sa kakatitig sa asawa niya. kahit sa huling sandali man lang makita niya ang asawa niya. kahit pa ayaw niya na ang babaunin niyang huling alaala sa asawa niya ang makita itong yakap ng ibang lalaki habang umiiyak ng dahil lang din sa kanya.

"Mahal na mahal kita, Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko hanggang huli"aniya pa.

Mapait siyang napangiti ng biglang sumagi sa isip niya ang kanyang ina.

Siguro nagmana siya sa nanay niya, noong maliit siya sinasabi niya na magmahal nan g iba ang nanay niya. na wag nitong asahan ang tatay niyang nakatali na sa iba, nagagalit pa nga siya kapag sinasabi ng nanay niya na ang tatay lang niya ang mamahalin ng nanay niya hanggang sa huling sandali ng buhay nito.

Mukhang ngayon alam na niya ang pakiramdam ng nanay niya. hindi niya makita ang sarili niyang may ibang babaeng pagsasabihan na mahal niya ito kundi si Rhiane lang.

"Rhiane"bulong niya sa pangalan nito bago siya tuluyan na umalis.

Pikit matang linisan niya ang lugar na iyon. Sa lugar kung nasaan ang puso niya, naiwan hawak ng babaeng pinakamamahal niya.

NANG GABING iyon din umuwi siya sa bayan niya, madaling araw na siyang nakarating sa bahay niya. malungkot na pinagmasdan niya ang buong bahay niya, inalala niya ang lahat ng masasayang alaala nila ni Rhiane sa bahay niya.

Noong mga panahon na isip bata palang itong panay ang tawag sa kanya na 'papa' na ikinatutuwa naman niya. hanggang sa naging magnobya-nobyo silang dalawa, hanggang sa nagsama silang dalawa. pati din ang buhay nila bilang mag-asawa, kasama ang anak nila.

Pero mapait siyang napangiti ng maalala din niya ang mga panahon na tuluyan ng nawala sa katinuan ang asawa niya. na maski siya hindi na makilala ng asawa niya at ang mismong anak nila.

Naalala din niya ang huling sandaling kasama niya ang asawa niya sa kama kung nasaan siya nakahiga ng mga sandaling iyon. ang mainit na pagsasama nila na puno ng pagmamahalan.

Naiyak siya ng tuluyan ng bumalik sa alaala niya ang tagpong nakita niya si Rhiane sa sinehan habang kahalikan ang sinsabi nitong boyfriend nito na si Daniel. Masakit isipin na may iba ng gagawa ng mga bagay na dati siya lang ang may karapatan kay Rhiane.

Sobrang mahal na mahal niya ito, na handa siyang palayain ito kung doon talaga sasaya ang asawa niya.

Hindi siya nakatulog sa buong magdamag. Pagtirik pa lang ng araw agad siyang gumayak para lakarin na ang legal nilang paghihiwalay ni Rhiane.

Pero bago iyon dinaanan niya muna ang anak niya sa mga kapatid niya.

"Daddy!"masayang tili ng anak niya ng makita siya sa sala ng mga ito.

"Dahan dahan lang Charity"saway naman ni Charmaine sa anak niya.

Ibinuka niya ang braso niya bilang pagsalubong ng mainit na yakap sa anak niya.

"I miss you po daddy"ani ng anak niya ng mayakap niya ito.

Mahigpit na niyakap niya ang anak, sobrang namiss din niya ito. ilang araw din niyang hindi nakita ang anak niya.

"Ahmp! Daddy ang baho mo po, smell like you're drunk daddy. Nag-inom ka po ng beer?"reklamo ng anak niya.

Napahalakhak naman siya habang nagsasalita ang anak niya na nakakunot ang noo at gusot ang pagitan ng ilong at mata nito. nakatakip pa nga ang ilong at bibig nito habang nakatitig sa kanya.

"Kuya, something wrong?"nag-aalala namang tanong sa kanya ng kapatid.

"Daddy?"maging ang anak niya.

Habang nakatitig siya sa anak niya nakikita niya ang asawa niya. kamukhang kamukha kasi ni Rhiane ang anak nila, wala itulak kabigin. Rhiane na Rhiane ang anak niya, maging sa reaksiyon ng mukha pati sa pananalita katulad na katulad ng asawa niya.

"Daddy, may masakit po ba sayo?"nag-aalalang tanong sa kanya ng anak.

Lumapit ito sa kanya sabay punas ng pisngi niya. doon lang niya napansin na umiiyak siya habang tumatawa. Nababaliw na ba siya?

"Wala anak"sagot niya dito.

"Mabango ka naman po daddy, I'm just joking about your smell. Please don't cry na po daddy. Charity will be upset too."ani ng anak niya.

Niyakap siya nitong muli ng mahigpit. Idinantay pa nito ang ulo sa kanyang balikat, mas napaiyak naman siya sa ginawi ng anak niya.

Kahit kailan hindi na mamumulatan ng anak niya si Rhiane. Naaawa siya sa anak niya dahil sa wala siyang nagawa para mabuo ang pamilya nila at makasama nila ang nanay nito.

"I'm sorry baby"bulong niya sa anak niya.

Sa pag-iyak niya umiyak na din ang anak niya, hindi na niya namalayan na nakatulog na pala ang anak niya sa balikat niya.

"Charmaine, ikaw na muna bahala sa kanya. mamayang hapon o gabi babalik ako kukunin ko na ang anak ko"bilin niya sa kapatid.

"Sigurado ka ba kuya? Pwede pa naman dito si Charity. Ayusin mo muna ang problema niyo ni ate Rhiane"anito.

Malalim siyang napabuntong hininga bago binalingan ang nahihimbing niyang anak sa kama.

"Wala na Charmaine, game over na. talo na ako ngayon, si Charity nalang ang pagtutuunan ko ng pansin. Matagal ko ng napabayaan ang anak ko, babawi na ako sa kanya ngayon"aniya sa kapatid habang nakatitig sa anak niya.

"Nandito lang kami ni Mama at papa kuya kung kailangan mo ng tulong."

Tumango siya at nagpaalam na sa kapatid niya na aalis na.

"ARE YOU really sure about this Claude?"pang-ilang tanong na sa kanya attorney na kausap niya.

Hindi nga siya sigurado sa totoo lang, pero kailangan niyang maging firm sa desisyon niya.

Kailangan niya para sa kaligayahan ni Rhiane.

"Yes I'am"sagot niya dito.

Napailing-iling naman ang kaharap habang nakatitig din sa kanya. magsasalita pa sana ito ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok doon ang kanyang humahangos na ama.

"Claude, what is the meaning of this?"puno ng pag-aalalang tanong nito sa kanya ng magkaharap na sila.

"Mayor, your son just filed an annulment patition, with the grounds in faor to his ex-wife."ang attorney ang sumagot para sa kanya.

"Totoo naman ang sinabi ko Papa. Sinamantala ko ang pagkakataon na wala sa katinuan si Rhiane at binuntis ko siya. Wala sa sariling katinuan si Rhiane noong ikasal kami kaya malakas ang laban niya para mapawalang bisa ang kasal naming dalawa."paliwanag niya dito.

"But I saw how you loved you wife, at ganon din siya. Hindi naman ako papayag na pakasalan mo si Rhiane noon kung hindi ko nakita kung gaano niyo kamahal ang isa't isa"sermon sa kanya ng ama niya.

"Hindi mo kailangan na maghiwalay kayo ni Rhiane. Ipaglaban mo ang pagmamahalan niyong dalawa. siguro nga nakalimutan ka ni Rhiane ngayon kayo ni Charity. Pero anak ang meron kayo noon pwede niyong dugtungan ngayon. Hindi na mahalaga ang nakaraan, ang mahalaga ay ang ngayon at bukas niyo bilang mag-asawa. Bilang isang buong pamilya, wag mong hayaan na magaya si Charity sayo anak. Alam ko malaking pagkakamali ko noon na hindi panagutan ang nanay mo, at nagsisisi ako noon. Pero anak alam mo ang pakiramdam ng hindi buo ang pamilya, sana anak wag mong hayaan na maranasan ito ng anak mo"dagdag pa ng kanya ama.

Napayuko siya sa sinabi nito sa kanya, tumagos kasi ang sinabi nito sa kanya. ramdam na ramdam niya ang bawat salitang sinabi ng ama niya.

Pero anong magagawa niya kung hanggang dito na talaga.

"Pa, paano ang gagawin ko kung ang ngayon at bukas na sinasabi niyo para samin ni Rhiane ay hindi na kami kasama ni Charity. Na iba na ang ngayon at bukas niya, Pa. iba na ang taong gusto niyang makasama ngayon at sa mga susunod pang mga araw."umiiyak na sagot niya sa ama niya. 

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

306K 6.3K 31
TEASER Player. Manyak. 'Yun ang unang tingin ni Faith Lanohan Salvez kay Clifford Buchebber. Nakita niya kung paano nito paiyakin at paglaruan ang mg...
20.5K 695 20
DJC Series #1: Ylaina Alexandrea Austria She was raised by a snatcher. Kahit anong bagay ay kaya niyang makuha gamit ang mga itinuro sa kaniya ng kan...
5.2K 958 28
Love truly can wait until you find the right man in your life. Don't pressure yourself to find him, wait until he comes to you and treat you like a q...
26.5K 128 6
Caught in the tangled web of love and betrayal, Celeste faced the harsh reality of Noah Arkanghel's betrayal. As she navigates the storm of emotions...