Archived

By usamiiin

17.1K 542 274

an anthology of stories completed under my baka_usagi account. cover art © seisyunbot More

Preface
About The Author
Candied Feelings 1 ✓
Forbidden Apple - editing on-hold
Prince Charmee ✓
Forbidden Apple SP - Unedited
Candied Feelings 2 - Unedited
Candied Feelings 2 Summer SP - Unedited
Twisty Heart SP - Unedited
bookmarked ✓
Paper Sky 1 - Unedited
Paper Sky 2 - Unedited
Paper Sky 3 - Unedited
Paper Sky 4 - Unedited
Coffee Cath ✓

Twisty Heart - Unedited

1.7K 43 17
By usamiiin

  捻る心

genres

YA ・romance・drama ・ slice of life

blurb

Bakit may mga taong isinisilang na torpe at manhid sa mundo?

Sa tingin mo, may gamot pa kaya ang epidemyang ito? Ano ang ibig sabihin ng mais tuhod? Nakakain kaya 'yun? Nakapunta ka na ba sa Meteor Garden? Ano ang sikreto sa likod ng Twisty Heart?

Ang storya kung paano dinala ng isang hugis pusong kwintas ang buhay ng anim na kabataan sa magulo at pasikut-sikot na mundo ng pag-ibig.

cast

Ono Ito as Kanna

Koike Teppei as Yuta

Okada Masaki as Seichiro

warning

This is unedited. Read at your own risk.

[Chapter One]

Kanna

Have you ever seen someone fall into pieces right in front of you?

Ako, oo. At ang sakit kasi..wala akong magawa kundi..umiyak.

Pumatak ang mga luha ko kasabay ng pagdampi ng ulan sa pisngi ng kabaong ni Tita. Humihikbi ang lahat, nakatingin sa kawalan. Nakita ko ang bestfriend kong si Yuta, walang imik, wala sa sarili. Pinagmasdan ko lang siya habang pilit tinatangay ng masalimuot na sandaling 'yon ang kan'yang kamalayan. Libo-libong mga salita, halo-halong mga ekspresyon ang nakikita ko ngayon sa mukha niya. He's on the verge of being broken. Pero pinipilit niyang indain. Dine-deny ang katotohanang, mahina siya, katulad ko at katulad ng lahat na pilit nagpapakatatag sa panahon ng ganitong trahedya.

Alam ko na hinding hindi siya iiyak. Hindi sa harap ng maraming tao—at mas lalong hindi sa harap ng tatay n'yang maaring nasa paligid lang. Lumapit ako sa kan'ya at hinawakan ko ang kan'yang malamig na kamay. I know it's not that much, pero sana sa simpleng gesture kong 'yon, maramdaman niyang 'andito pa 'ko. Hindi siya nag-iisa. Kailanman, habang 'andito ko, hindi siya mag-iisa.

Napatingin siya sa'kin at isang pilit na ngiti ang ibinigay niya. Ngumiti rin ako pabalik at saka lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

Sa tingin ko, wala namang nagulat nang magpakamatay ang mama niya. Kung meron mang dapat sisihin e wala ng iba kundi ang magaling n'yang ama na bigla na lang silang iniwan nang walang pasabi, limang taon na ang nakakaraan.

Unfair.

Napaka-unfair ng mundo. Hindi ko alam kung bakit sa murang edad ay kailangang danasin ng bestfriend ko ang ganitong klaseng pagsubok sa buhay. Mga problemang kung tutuusin ay mas malaki pa sa kan'ya. Balak nga ng papa ko, ampunin na lang si Yuta kung isang linggo matapos ang libing ni Tita e hindi magpakita ang papa niya. Iling lang lagi ang sagot ni Yuta 'pag nababanggit ko ang tungkol doon. Kesyo masyado na raw s'yang indebted sa'min. Ayaw n'yang maging pabigat. At higit sa lahat..ayaw n'yang kaawaan.

"Kanna!"

Napalingon ako at natawa sa sarili, na dahil sa lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayang nakalapit na pala siya sa'kin. Kanina kasi, habang tumutulong ako sa pagliligpit ng mga kagamitang ginamit sa libing, napansin kong nakatayo lang siya sa tabi ng gate nila sa labas, hinihintay ang pagbabalik ng papa niyang mukhang malabo nang bumalik.

Pinisil niya ang pisngi ko at marahang ngumiti. "Salamat ah," sabi niya.

"Ayaw mo ba talagang maging kapatid ko?" pang-aasar ko sa kan'ya.

Bahagya niya kong kinotongohan at umismid saka sumagot ng, "Asa!"

Natawa ako sa sagot niya saka gumanti ng kurot sa kan'yang tagiliran. Napangiwi siya at tinignan ako nang masama. Lalo akong natawa.

"Isa pang kurot at—" Bago pa siya matapos magsalita, naka-ready na ang kamay ko sa pagkurot ulit sa kan—

Ako ang nagulat nang hawakan niya ang braso ko at tumitig siya sa'kin. Natahimik ako at nanibago sa kan'ya—sa mga mata niya at sa lalim nito.

"Hinding-hindi ako papayag na maging kapatid ka, Kanna." Binitawan niya ko pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang 'yon.

At katulad ng pagkabigla ko sa sinabi niya, nabigla rin ako sa kakaibang kabog ng puso ko.

*****

Muntik na kong matapilok sa pasilyo dahil sa sobrang pagmamadali. Hinahabol ko ang oras sa parehong paraan na hinahabol ko rin ang hininga ko. Bigla kong narinig ang bell, lalo ko pang binilisan hanggang sa makarating din ako sa room namin sa first floor ng Recom Building.

"Wow! Ang aga! Traffic ba?" 'Yan ang bati sa'kin ni Yuta pagkapasok ko.

Hinahalikan nang nakasiwang na liwanag mula sa nakabukas na bintana ng silid-aralan ang kan'yang maputing balat at kapansin-pansin ang pag-alon ng kan'yang kulay-kapeng straight shag na buhok sa hampas ng hanging amihan. Lalo itong bumagay sa mabibilog niyang kayumangging mga mata, manipis at pilyong labi, 'adorable' na mga tenga at maliit ngunit matangos na ilong. Nakasandal ang kan'yang likod sa kan'yang silya at nagda-drums ang kan'yang mga daliri sa lamesa—sumasabay sa ritmo ng isang awiting siya lang ang nakakarinig.

As usual, napapalibutan na naman siya ng mga kaklase namin. Halos lahat kasi ay kaibigan ni Yuta. Pwede mo na nga s'yang tawaging 'celebrity' dahil kung sa batch lang namin ay may popularity contest, 100% sure akong siya ang mananalo.

Inirapan ko lang siya at nilapag 'yung bag ko sa'king upuan saka ko binati 'yung dalawa kong pinsang sina Tomo at Miki na parehong nakangisi at nang-aasar rin gaya ni Yuta.

"Sorry naman!" depensa ko. "Masama na bang ma-late kapag malapit sa school ang bahay?"

"Oo, lalo kung literal na kapit-bahay niyo lang ang school," alaska ni Tomo habang hinihipan at pinupunasan ang 'sing labo n'yang salamin. Sasagot sana ako nang biglang dumating na si Mrs. Oda, homeroom teacher namin.

"Class, sorry I'm late. Nagkaro'n kasi ng urgent meeting ang faculty tungkol sa nalalapit na Foundation Week. Sumaglit lang ako para sabihin na 'yung oras kong nalalabi para sa klaseng ito ay dapat n'yong gamitin sa pagpili ng gagawin ng section n'yo sa Foundation Week. Class President, take charge. Sige, iwan ko na kayo."

Pagkaalis ni Ma'am, agad naghiyawan sa tuwa 'yung mga classmate ko na akala mo nanalo sa Lotto sa sobrang saya—with matching palakpakan at apir pa 'yan. Pero tumahimik din agad ang karamihan nang tumayo na sa harapan si Megumi para ipaalala sa'min na kailangan naming pag-isipang maigi kung ano ang gagawin ng aming section dahil mataas ang expectation ng lahat sa tinaguriang 'Cream of the Crop'. 'Yun ang mahirap 'pag Section One. Madali kaming naitatali ng mga guro at kapwa kamag-aral sa ideyang mga perpektong estudyante kami na umaapaw sa talino at talento.

Umulan ng mga suggestions at nagkaroon ng botohan. Sa huli, napagdesisyunan na gagawa ang klase namin ng isang play kung saan ang kwento ay orihinal na gawa ng isa sa'min at may pag ka-musical nang konti. Uso na kasi 'yung ganu'n simula nang ipalabas at sumikat ang 'Highschool Musical'. At syempre, ang mga bida ay walang iba kundi ang muse at escort ng klase na sina Yumi at Yuta. Grabe 'yung tilian nang tumayo silang dalawa sa harapan. Pati ako naki-cheer. Ang cute kasi nilang tignan. As in bagay na bagay sila. Si Yumi kasi, mahinhin at literal na mayumi. Feeling ko, siya ang modern version ni Maria Clara. Opposite ng napakakulit na class clown ng klase na si Yuta.

Natawa ko nang mapatingin ako sa kan'ya, nag-iinarte pa, kesyo iba na lang daw pero tumayo rin naman nu'ng inasar ni Soushi ng bakla at KJ! Hahaha!

Pagkatapos ng klase, agad akong lumapit sa kan'ya. Pati sina Miki at Tomo ganu'n din ang ginawa.

"Ayiiee!! Nice, Yuta!" asar ko. Aba, mukhang na-bad trip ata. Siniko-siko ko siya habang paulit-ulit ko s'yang inaasar.

"Tumigil ka na nga, Kanna. Di na nakakatawa ah," sabi niya nu'ng nilingon n'ya ko. Napaatras ako sa sinabi niya. Pati sina Miki at Tomo, napa-exchange glances.

"Pikon," bigla ko tuloy nasabi. Hindi ko alam kung bakit pero may mga pilyong ngiti na naglalaro sa mga labi ng dalawa kong pinsan.

"Sinong pikon??" tanong niya.

"Ikaw, malamang. Parang inaasar ka lang ng konti—"

"Konti??"

"O sige na, madami na, masaya ka na? "

"Hindi."

"Ano ba'ng problema mo? Ayaw mo ba ka-partner si Yumi? E ang ganda-gan—"

"Hindi 'yun e," mabilis n'yang sagot tapos umiwas siya ng tingin at kinuha 'yung bag n'ya sa upuan. Bago umalis, nagpaalam siya sa dalawa. Akala ko lalagpasan n'yang banggitin ang pangalan ko. Buti hindi.

"Kanna, attend lang ako ng meeting para du'n sa play, usap tayo mam'ya."

Bago pa man ako mag-react, wala na siya. Automatic nu'ng lumabas s'ya ng room (which means tatlo na lang kami du'n), nag-exchange glances na naman 'yung dalawa.

"Hay naku. Si Yuta talaga.. Kahit kelan oo..." out of nowhere, sinabi 'yun ni Tomo na feeling ko sila lang dalawa ni Miki ang nakakaintindi. Kumunot 'yung noo ko at hinarap ko silang dalawa.

"Bakit ba ang init ng ulo nu'n? Natuwa pa naman ako kasi mukhang naka-get over na siya sa pagkawala ni Tita, tapos—"

"Hay naku. Isa ka pa, Kanna," putol ni Miki sa sinasabi ko.

"Anong isa pa 'ko?"

"Wala-wala.." sagot niya. Ngumiti si Tomo. Sumunod si Miki. Konting-konti na lang bi-bingo na sa'kin 'tong dalawang 'to e.

"Ano nga kasi 'yun?"

"Malalaman mo rin.. pagdating ng panahon," pabirong sagot ni Tomo na inulit naman ni Miki nang pakanta. Sinimangutan ko lang sila at nauna na kong lumabas ng room.

Nag-text ako kay Yuta para sabihing sa Meteor Garden ko na lang s'ya hihintayin.

Sa likuran kasi ng stage, may burol na punung-puno ng makukulay na bulaklak na kung ituring namin ay paraiso. Masarap mag-star gazing roon at ginagawa naming tambayan 'yun 'pag walang teacher. Saktong naipalabas dati 'yung "Meteor Garden" kaya 'yun na rin ang tinawag namin sa lugar na 'yon.

Uupo na sana ako sa bench du'n nang may humatak ng braso ko at biglang tinakpan ang bibig ko! OMG! Anong nangyayari?!

*****

"Mmm! Mmmm!!" Gusto kong sumigaw at manlaban kaso ang higpit ng pagkakahawak niya sa'kin at pagkakatakip niya sa bibig ko. Spell PANIC! Waah. Grabe 'yung kaba ng dibdib ko. Pa'no kung bigla na lang n'ya akong kidnapin, saktan, o kaya (Diyos ko 'wag naman sana) rape-in!?

Dinala n'ya ko sa likod ng puno ng Acacia, ilang hakbang lang ang layo sa Meteor Garden. Parte 'yun ng school na medyo mapuno at madilim. Feeling ko may tinataguan siya dahil tingin siya nang tingin sa paligid.

Mga pulis kaya?? And'yan na ba ang mga pulis to the rescue?

Mukhang hindi.

At mukhang tama nga ako. May tinataguan nga siya, hindi mga pulis kundi isang magandang babaeng may di kahabaan ngunit kulot na tsokolateng buhok.

Dubdub. Dubdub. Dubdub. Dubdub.

Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Ngayon lang ako naging sobrang lapit sa katawan ng isang lalaki. Halos yakapin na niya ako. Tapos hawak niya pa ang kamay ko. Waah! Napapikit na lang ako at sinubukang di masyadong isipin ang mga nangyayari. Nagmulat lang ako ng mata at nakahinga nang maluwag nu'ng tinanggal niya na ang pagkakahawak sa kamay ko at pagkakatakip sa bibig ko. Meaning, wala na 'yung babaeng tinataguan niya.

Dumistansya siya bigla at humarap sa'kin para humingi ng tawad sa ginawa niya kanina. Nagawa niya lang daw 'yun dahil natatakot s'yang baka ituro ko siya sa babaeng tinataguan n'ya.

Nanlaki ang mga mata ko at natulala sa kan'ya. Ngayon ko lang siya natitigang maigi at literal na nakatingala ako sa kan'yang katangkaran at may kalakihang katawan (di sobrang laki na tipong may nag-uumpukang biceps at triceps sa kan'yang mga braso pero hindi naman kasing liit ng pat-pating katawan ni Yuta. Hahaha—teka, bakit naikumpara ko siya kay Yuta?). Napakalinis tignan ng kan'yang kulay itim at undercut na buhok, may kasingkitang mga mata, matayog at nakaka-intimidate na tangos ng ilong, at nakangiting mga labi. Napakaamo at napakaaliwalas ng kan'yang mukha para pagbintangan kong gagawa ng mga bagay na pumasok sa isip ko kanina.

Tinubuan ako ng hiya nang mahalata n'yang nakatitig ako sa kan'ya. Nagtaka siguro ba't wala akong response sa paliwanag niya. Agad akong umiwas ng tingin at namula.

"O-okay ka lang ba?" nag-aalangang tanong niya.

"Oo, okay lang ako. Nabigla lang ako sa ginawa mo kanina," nahihiya kong sabi.

"Sorry ulit."

"'Di, okay lang."

Ngumiti ako.

Ngumiti rin siya.

Nagtama ang aming mga paningin—at nagtagal 'yon nang ilang nakakahimatay na segundo.

Uminit ang mukha ko at bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko sa di malamang kadahilanan.

"Sige alis na ako," paalam niya. "Ah—" Palakad na s'ya nu'n nang huminto siya at lumingon sa'kin. May naalala ata..

"Ako nga pala si Seichiro..Seichiro Kauri."

[Chapter Two]

Yuta

Have you ever wonder why on earth there exist such a family who cannot really be called a 'family'?

Ang gulo no? Ha-ha-ha. Ako rin naguluhan e. 'Langya kasi talaga 'yan. Grade five na ako nu'n pero hindi ko pa rin alam kung paano matatawag na pamilya ang isang tahanang walang ama. Tuluyan nang nagbago ang lahat, katulad ng estado ng pamumuhay namin, ng boses kong nagsimula nang magtunog sisiw, ng unit ng cellphone ko, at pati na rin ang tingin ko sa mundo nang dahil sa pang-iiwan niya. Mismong si Mama, parang wala ng kilala. Nakalimutan na niya ko pati na ang sarili niya. Si Papa lang ang tanging bukambibig niya. Lagi n'yang hinahanap 'yung taong wala at pilit itinatanggi 'yung existence ng mga taong nasa tabi n'ya lang.

Gaya ko.

Nasa estado ako noon kung sa'n hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko at sa pamilyang iniwan sa'kin ng hinayupak na 'yun nang makilala ko si Kanna Shizuki—ang taong nagpaalala sa'kin na hindi ako nag-iisa. Hindi man niya 'ko katulad na biktima ng isang broken family, nasa ibang bansa naman ang tatay niya kaya kahit paano..naiintindihan niya 'ko.

Naalala ko pa nga nu'ng araw na lumipat ako sa school nila dahil hindi na 'ko kayang paaralin ni Mama sa isang exclusive school, siya 'yung unang lumapit sa'kin at nakipagkaibigan. (Pero nu'ng una akala ko talaga pagagalitan niya ko kasi ang daldal-daldal ko at trip kong maging number one sa listahan niya ng mga noisy.) Hindi ko alam kung pa'no niya nakita sa likod ng palaging nakatawa kong mukha 'yung kalungkutang tinatago ko, pero alam ko, nu'ng mga sandaling 'yon, nu'ng ilahad niya 'yung palad niya at nakipag-shake hands sa'kin, nu'ng pinakilala niya ang sarili niya, at nginitian niya ko, alam kong may nagbago sa'kin. Alam kong sa simpleng gesture n'yang 'yun, nailigtas niya ko.

Nakakatawa no? I was saved by a mere stranger—someone who doesn't actually know my past but know exactly how I feel.

Nakakwentuhan ko siya nu'ng recess at namalayan ko na lang close na kami. Namalayan ko na lang..mahal ko na pala siya.

Nu'ng mga panahong matino pa si Mama, may binigay siya sa'king kwintas. 'Twisty Heart' ang pinangalan niya du'n dahil parang alambreng binaluktot 'yung pendant nu'n na hugis puso at may konting beads sa loob. 'Aanhin ko 'to?' naalala kong reklamo ko nu'n sa kan'ya habang nakakunot ang noo. Tumawa lang s'ya nu'n at inilagay 'yun sa palad ko saka ngumiti.

'Ibigay mo 'to sa babaeng magiging mundo mo 'pag dating ng araw.'

Du'n ko unang naisip na may kakaiba sa kukote ng nanay ko. Pang-alien. Out of this world. Anong mundo-mundo? At anong kinalaman ng pagdating ng araw?? Tokwa! May ganu'n ba?

Kung sasagutin ko ngayon ang batang ako dati, siguradong 'oo' ang sasabihin ko. Dahil alam ko, sa edad kong 'to, hindi ako nagkamali nang kay Kanna ko ibigay ang kwintas na 'yun, na kahit sa'n siya pumunta, suot niya, hanggang ngayon. Dahil simula nang dumating siya sa buhay ko, nagsimulang pumintig ang puso ko at gumalaw nang nasa ayos ang mundo ko—ang mundo kong nakasentro sa kan'ya.

Pero hindi niya alam 'yon.

Hindi n'ya alam ang sikreto sa likod ng Twisty Heart.

Pero malalaman niya rin 'yon.

Malapit na.

*****

"Haaaaa?! Bakit??" 'Yan lang ang nakuha kong reaksyon mula kay Kanna na kulang na lang e literal na mag-joined force ang mga kilay sa sobrang pagkadismaya. Pinaalam ko na kasi sa kan'ya at sa mga magulang niya ang sulat mula sa tatay ko na natanggap ko kaninang umaga kasama ng allowance ko.

Nakasaad du'n na humihingi siya ng dispensa sa hindi pagpunta sa libing ni Mama at habang di pa raw siya makakauwi dahil sa di matapos-tapos n'yang trabaho, tumira muna ko sa pamilya niya sa Quezon City. Pucha. Muntik ko ng punit-punitin 'yung sulat sa sobrang galit e. Una sa lahat, ang kapal ng mukha n'yang humingi ng tawad sa'kin pagkatapos ng ginawa niya sa mama ko. Hayup! Mababalik ba ng paghingi niya ng tawad 'yung buhay ni Mama?? Saka alam niya palang nagpakamatay si Mama, ba't di siya umuwi? Hintay ako nang hintay, pero ni anino niya di ko nakita! Leche talaga. Nakakainis! Mas importante pa 'yung trabaho niya kesa sa libing ng asawa niya??

Tapos—linsyak na buhay 'to—may iba s'yang pamilya? Pagkatapos n'ya kaming iwan, pagkatapos ng ilang taon, malalaman-laman kong may iba pala s'yang pamilyang inuuwian? Pucha! Ang sarap n'yang suntukin! Kung alam ko lang kung sa'n siya naglulungga—kahit sa impyerno—susundan ko siya makaganti lang! Hayup siya! Hindi lang buhay ko ang sinira n'ya, pati 'yung kay mama!

"Yuta, ayos ka lang?"

Nakabalik ako sa ulirat nang maramdaman ko ang pagpatong ng palad ni Kanna sa kamao kong kanina pa nagpupuyos sa galit at marinig ko ang nag-aalala n'yang tinig. Napatingin ako sa kan'ya. Inulit niya ang tanong niya. Napangiti ako at tumango.

Ayos ako. Kapag and'yan siya, ayos lang ako.

"Sorry po kung na-disappoint ko kayo, Tito." Alam ko kasi na sa mga nakalipas na panahon, parang anak na rin ang turing niya sa'kin at ni Tita. Ganu'n ako kalapit sa pamilya ni Kanna.

Ngumiti ang tatay ni Kanna at sinabing, "Ano ka ba, Yuta. Hindi naman sa gano'n. 'Wag mong pansinin ang kadramahan n'yang si Kanna. Basta kami ng Tita mo masaya kasi at least may pakelam pa rin sa'yo ang papa mo. Although alam kong masakit sa'yo ang tumira sa iba n'yang pamilya, wala tayong magagawa anak e..siya ang tatay mo."

'Yun na nga e. Sa dami ng taong pwede kong maging tatay, bakit siya pa?

"Basta Yuta, anak, tandaan mo na kapag inapi ka ng pamilya ng Hudas mong ama, kami ng Tito mo ang makakaharap nila!" matapang na sabi ni Tita.

Pilit kong kinokontrol ang sarili ko. Gusto ko kasing maiyak pero hindi pwede. Kailangan kong maging matatag dahil hindi pa talaga nagsisimula ang kalbaryo ko.

"Tito, tita, salamat po talaga ah, pasensya na kayo sa abalang lagi kong—"

"Kailanman hindi ka naging abala sa'min, Yuta," sabi ni Tito gamit ang kan'yang malumanay at reassuring na boses, saka niya ginulo nang bahagya ang buhok ko.

Nakakatawa nga eh. These people—who, five years ago, were just a group of nobody to me—treats me like a family more than my family.

Sa mga oras na 'yun bumalik na naman ang wish ko dati na sana siya na lang ang totoo kong ama—pero alam kong hindi 'yon pwede kasi siya ang tatay ng babaeng mahal ko. At ayokong maging kapatid si Kanna. Hindi ko siya kayang ituring na kapatid dahil hindi lang para sa isang kapatid ang nararamdaman ko para sa kan'ya.

"Saka alam mo namang ang pangarap ko lang sa buhay e ang mabigyan niyo kami ng Tita mo ng mga cute na apo na mag-aalaga sa'min sa aming pagtanda! Hahaha!"

"PAPA!! Ano na naman 'yang pinagsasabi mo?!" nakasimangot na reklamo ni Kanna na ngayon e nakabitiw na sa pagkakapatong na palad niya sa kamao ko at siya naman ang mukhang manununtok.

"Sinabi na ngang magkaibigan lang kami ni Yuta e! MAG-KA-I-BI-GAN!!"

"Magkaibigan o magka-ibigan?" asar ni Tito.

"Weh! Hindi nga sabi eh! Magkaibigan! MAGKAIBIGAN!" Namumula na sa pagkapikon si Kanna! Hahaha! "Yuta! Tulungan mo nga ako! Wala ka bang sasabihin d'yan?!" Hala, dinamay na niya ko! Kumindat sa'kin si Tito. Signal 'yun na ang ibig sabihin, sa kan'ya ako kumampi.

"Labas ako d'yan. No comment," sabi ko na lang.

"Waah! Bakit ba lahat kayo pinagkakaisahan ako?!"

"Pikon," mahina kong bulong, tapos tumawa ako nang konti. 'Yung tawang hindi niya maririnig.

"ANO? Sinong pikon?!"

Oops. Narinig niya pala. Haha. Eto na naman sila ni Tito. Routine na nila 'yan tuwing aasarin siya sa'kin ng papa niya. Matagal na kasi akong inaawitan ni Titong ligawan ko na ang unica hija niya—kesyo boto raw sila sa'kin at alam nilang hindi ko sasaktan ang anak nila. Tawa lang ang lagi kong sagot kay Tito pero alam ko naman na alam n'yang darating din ang tamang panahon para sa gan'yang bagay. At sa tingin ko, hindi pa ito ang tamang panahon.

"Yuta," biglang tawag sa'kin ni Kanna. Masyado na pala akong pre-occupied ng mga iniisip ko kaya hindi ko na namalayan na malalim na ang gabi at kasama ko nga pala si Kanna na naglalakad. Nagboluntaryo kasi s'yang ihatid ako hanggang kanto kung sa'n sasakay ako ng tricycle pauwi sa bahay.

Tumingin ako sa kan'ya at bago pa man ako mag-sorry, dahan-dahan n'yang hinawakan ang magkabilang pisngi ko gamit ang ka'nyang maliliit ngunit malambot na mga kamay. Hindi ko naiwasang hindi tumitig sa mga mata n'ya na nakatitig din sa'kin. Habang lihim kong hinihiling na 'wag n'yang marinig ang sobrang lakas at bilis na pintig ng aking puso, naglalaro naman sa isipan ko ang isang tanong: anong nangyayari??

"Pumikit ka," nakangiti siya nang sinabi n'ya 'yun—isang kalmado, seryoso, at tipid na ngiti. Nagmukha man akong utu-uto, sinunod ko pa rin ang sinabi n'ya nang hindi nagtatanong ng bakit. Madumi lang ba ang isip ko kasi feeling ko hahalikan niya ko o isa na naman ba ito sa mga pangarap ko?

Wait..Sino bang lalaki dito? Di ba ako? Eh di dapat ako ang humalik sa kan'ya sa mga ganitong pagkakataon! Kaya lang..hindi ko pa rin makumbinsi ang sarili ko na nangyayari talaga 'to!

Hallucination? Pwede. Ambisyoso? Sakto!—saktong nakaramdam ako ng sobrang sakit dahil pinitik niya 'ko sa noo.

"ARAY! Ang sakit a! Bakit mo ginawa 'yun? Ang lakas ng trip mo a!" nasabi ko na lang bigla. Badtrip! Sa ilang segundo, nalinlang ako ni Kanna! Ine-expect ko ang pang-aasar n'yang tawa at pagsabi ng 'utu-uto' sa'kin pero iba ang narinig ko.

"Yuta, 'andito lang ako," ngumiti siya—that reassuring smile na katulad na katulad ng kay Tito. Hindi ko alam pero kahit ilang salita lang 'yun, naramdaman kong nabawasan ako ng tone-toneladang problema at gumaan ang pakiramdam ko.

"Wag mo sanang kalimutan 'yun a.."dagdag niya. "Pwede mo akong pagsabihan ng problema. Kahit maliit man o malaki, kumplikado man o hindi, kahit ano."

Gusto kong matawa at maiyak na ewan. Kakaiba talaga 'tong babaeng 'to. Mind reader. Alam na alam niya pag problemado ako. Haha. Mas kilala niya pa ata ko kesa sa sarili ko e.

"Korni mo. Para lilipat lang ako sa bahay ng iba n'yang pamilya, OA ka na mag-alala d'yan," mayabang kong sabi. "Teka, wala ka bang tiwala sa'kin na makakasundo ko sila?"

"Alam kong kaya mo silang pakisamahan," sabi niya tapos tumitig siya sa'kin. "Pero..ang ituring silang pamilya, kaya mo ba?"

Bull's eye. Napaiwas ako agad ng tingin.

'Yan ang tanong na hindi ko kayang harapin. Hindi ko kayang sagutin.

Tumahimik na lang ako, at nag-isip ng pwedeng pag-usapan—kahit anong topic na makakapaglayo sa'kin sa topic na 'yon.

"Oo nga pala," sabi ko. Tumingin siya ulit sa'kin. Umiwas ulit ako sa mga mata niya. "May atraso ka sa'kin."

"Ako? Kelan ako nagka-atraso sa'yo?"

"Ayaw mong sabihin kung sino 'yung lalaki kanina."

Namula siya nang mabanggit ko 'yon at parang nailang. "Haha. Sinabi ko na nga, di ba? Wala lang 'yun. Nakilala ko lang. S-Seichiro Kauri ata ang pangalan ko ung di ako nagkakamali."

"Kauri?" Parang narinig ko na 'yun dati pero di ko matandaan kung kanino o saan.

Tumango siya. "Kilala mo?" tanong niya. Umiling ako.

Siniko niya ko. "Ache..nagseselos ang bestfriend ko. Haha," sabi niya sa isang nakakairitang tono.

Umiling ako. "Na-curious lang, selos agad? Hah! Asa!"

"Okay fine. Hindi na kung hindi! Eto naman, masyadong highblood!" sabi niya. "Sige ka, matu-turn off sa'yo si Yumi kapag ganyan ka! Haha!"

"Ay naku, tigil-tigilan mo nga ako sa kakaasar sa'kin kay Yumi."

"Asus! Sinasabi na nga ba at may gusto ka sa kan'ya eh!" lalong lumakas ang asar niya.

"Haaaa?"

"Don't worry!" sabi niya na parang lalong naging lively ang boses. "Kahit na hindi kami close, ilalakad kita sa kan—"

"Wala nga sabi akong gusto du'n! Bakit ba ang kulit mo?"

"Naku, Bes, makakapaglihim ka na sa iba, pero sa'kin hindi! Halata kaya sa'yo!" Ahh. Kaya pala kahit limang taon na 'kong may gusto sa'yo e hindi mo pa rin nahahalata. "Achi! Wag ka ng magdeny! Walang dahilan para magpaka-shy type ka!"

"Ay nako. D'yan ka na nga, uuwi na 'ko." Inirapan ko siya at luminga-linga na sa paligid, naghahanap ng tricycle na masasakyan.

"Grabe! Gusto ko lang naman maging open ka sa'kin e," nakasimangot niyang sabi. Nakanguso pa. Lumapit ako sa kan'ya at pinatong ko ang kanang palad ko sa ulo niya.

"Kelan ba 'ko naglihim sa'yo?"

"Ewan! Hmp!" sabi niya tapos umiwas siya ng tingin at humalukipkip. "Basta ang alam ko, maliban sa pamilya mo, may iba ka pang problemang di mo sinasabi sa'kin! At malakas ang instinct ko na lovelife 'yun!"

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi 'yun tanong. Statement yung sinabi nya! Whoops. Kabado na naman ako. Ramdam ko na may tumulong malamig na pawis sa gilid ng kaliwa kong kilay. Napalunok ako. Gusto ko mang ikalma ang isip at puso ko, hindi ko magawa. Pareho silang may involuntary muscle tissues. (Okay, halata bang paborito kong subject ang Bio? Haha.) Pero di nga, di ako mapalagay. Pa'no kung..pa'no kung 'yung pinakatagu-tago ko ng limang taon e alam na niya?? Takte 'yan! Sa lahat ata ng lalake, ako na ang pinakamalas 'pag nangyari 'yun dahil bago ko pa man pormahan ang babaeng mahal ko, sira na ang image ko sa kan'ya. Diyos ko, wala naman pong siraan ng diskarte!

"Ano, tama ako, no?"

"No comment," paiwas kong sagot. Buti na lang naimbento ang dalwang salitang 'yun. Useful sa oras ng kagipitan.

"Pag di ka nag-open sa'kin, para mo na ring sinabing di mo ko tinuring na bestfriend kahit kelan!" At siya pa ang may ganang magtampo? Haayst. Pa'no ko aamining tama siya? Hindi ko naman talaga siya tinuring na bestfriend kahit kelan e.

"Eto naman..makatampururut wagas."

"Wagas din ang pag-iwas mo eh."

"Hindi ah!"

"Sasakalin ko na talaga 'yang Yumi na 'yan e! Binasted ka, no??" galit n'yang sabi.

Lihim akong ngumiti. Una, dahil safe ang malupet kong sikreto. Pangalawa, handa s'yang mang-away ng ibang babae para sa'kin. Ibig sabihin mahalaga talaga ako sa kan'ya. Nangiti na naman ako.

Tumingin ako sa kan'ya habang nagpapalobo siya ng pisngi sa inis at pagtatampo. Napansin kong nagiging gintong kahel ang buhok niya sa liwanag ng poste ng ilaw at nagiging madilaw ang may kaputian niyang balat. Napatitig ako sa hugis almond niyang mga matang paminsan-minsan ay natatakpan ng side bangs niya, pati sa kan'yang nakakaakit na mga labi na madalas kong iniimagine na—

Napahinto ako sa pag-iisip nang biglang uminit ang mukha ko. Sira ulo ko talaga. Tinitignan ko lang siya pero heto, nai-inlove na naman ako. Haaay. Simple lang naman si Kanna, ni magsuklay nga, madalas kinatatamaran niya pa. Mahilig siyang magsuot ng maluluwag na t-shirt at knee-length pants at mabibilang ang mga pagkakataong nakita ko s'yang naka-sleeveless, skirt o shorts. Balingkinitan ang kan'yang katawan at flat chested. Pero kahit ganu'n, tanging siya lang ang nakakapagpabaliw sa'kin nang gan'to. Madalas, isang ngiti niya lang—'yung tipong lalabas ang ilang cute na sungki n'yang baby teeth at 'yung mababaw na dimples—buo na ang araw ko. Ganu'n ko siya kamahal.

Pero gan'to naman siya kamanhid.

"Anong ngini-ngiti mo d'yan?" Oops. Napansin niya. Haha.

"Mahal mo talaga ko no, Bes?" tanong ko.

"Leche. Tanong pa ba 'yun?" Natawa ko. Ginantihan niya naman ako ng ngiti.

"Kaya pala dine-deny mong may gusto ka ke Yumi kasi binasted ka niya. Tsk. Kung alam ko lang na ganu'n ang sitwasyon e di sana kinonfront ko 'yung tao."

"A-ANO?!!" 'Yun lang ang naging reaksyon ko. Sa'n galing ang assumption n'ya na 'yun?? Takte.. lalong naging kumplikado. Hay, pa'no ko aayusin 'to?!

"Bakit, mali ba?"

"Sino bang may sabi sa'yong binasted ako?"

"WEH!! Di nga?? So ibig sabihin kayo na??" excited n'yang tanong. Lord, bigyan nyo po ako ng mahabang pasensya sa ka-engotan ng bestfriend ko!

"Hindi no!"

"Ano?? So siya ang nag-confess sa'yo at ikaw bumasted sa kan'ya? Lupet mo, Bes! Hmm, sabagay..hobby mo na nga atang mambasted ng mga nagtatapat sa'yo."

"HINDI NGA EH!"

"Eh ano?? Kung di si Yumi, E DI SINO??"

"I—EWAN!!"

Ikaw. Ikaw lang takte. Masasabi ko na! Muntik na! Tama na po, Lord! Tapusin mo na po ang conversation na 'to!

"Uy sa wakas ayan na 'yung tricycle, 'ge, ba-bye!" agad akong sumakay sa likod ng tricycle.

"HOY! Andaya mo!! Sino nga kasi 'yon?!" sigaw n'ya.

"Wala ka na du'n! Hahaha!!" asar ko at pinakaripas ko na ng andar si Manong. Haay.. pagsinuswerte ka nga naman.

*****

Sabado. Nasa harap ako ngayon ng malaking bahay (na doble ng laki ng bahay namin dati) kung sa'n mula ngayon ay magiging tahanan ko na rin. Nakaramdam na naman ako ng galit kasi hindi ako pwedeng magpanggap na di nahahalatang mas mahal sila ng animal na 'yun kesa sa'min ni Mama. Sabagay, para namang minahal niya talaga kami, di ba? Ang nagmamahal, hindi marunong mang-iwan.

Pinindot ko ang doorbell. Ilang segundo lang ang lumipas nang may lumabas na babae, mid-40 siguro ang edad, naka-apron at naka-'poofhead' ang buhok. Nakangiti n'yang tinanong kung anong kailangan ko. Nu'ng una nagdalawang isip akong sumagot. Naisipan kong takasan ang problema ko at magpalusot sa babaeng 'to ng 'sorry po, nagkamali ako ng bahay na napuntahan,' pero sa huli, ginawa ko rin ang dapat.

"A-ako po si Yuta, a-anak po ni.." Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko nang makita kong nawalang bigla ang ngiti sa labi niya.

"Ah..naku..tuloy ka. Matagal ka na naming hinihintay simula ng makatanggap kami ng sulat mula sa papa mo," sabi niya. Bumalik ulit 'yung ngiti niya kanina at pinatuloy ako. Di ko alam kung ang ngiting 'yun e kasing genuine nu'ng una, pero isa lang ang alam ko at nararamdaman ko—napipilitan lang s'yang tanggapin ako.

Pinaupo niya ako sa mamahalin nilang sofa at in-offer-an ako ng juice at cookies. Tumango na lang ako. Nang umalis siya sa harap ko (sa kusina siguro pumunta), nilibot nang mga mata ko ang sala nila. Flat screen TV. Apple computer. Aircon. Lahat ata ng wala kami, meron sila. Nakaramdam ako ng kirot sa puso. Masakit. Pucha, ang sakit-sakit. Kaya ba niya ko pinatira rito ay para ipamukha sa'kin ang lahat ng ito?!

Maya-maya, bumukas ang pinto. Napatayo ako. Sino naman kaya—

"Mama! 'Andito na kami ni Kuya!" tinig iyon ng isang batang babae, na sa tono pa lang ng boses, mukha nang masaya. Ilang segundo makalipas, nakita ko na bumulaga sa may sala 'yung batang nagsalita. Naka-uniform siya ng pang-elementary ng school namin. Naka-pony tail siya at nakasabit pa sa likuran niya ang bag n'yang kulay kahel. Agad s'yang sinundan ng isang matangkad na lalaki na nakasuot ng uniform na katulad ng sa'kin. Naisip ko tuloy kung Sabado ba talaga ngayon o may special class lang silang in-attend-an kaya sila naka-uniform?

Basta ang alam ko, dalawa silang nagulat sa presensya ko sa bahay nila. 'Yung bata, nakataas na ang isang kilay. Naisip ko agad na mataray siya. 'Yung lalaki naman, luminga-linga, hinahanap siguro ang mama nila. Bago pa man ako magpaliwanag, bumalik na si 'Tita'.

"Naku, 'andito na pala kayo mga anak. Siya nga pala, siya si Yuta. Siguro naman nabanggit ko na siya sa inyo, di ba? Mula ngayon..dito na siya titira kaya maging mabait kayo sa kan'ya, okay?" nakangiti ang mama nila habang pinapaliwanag 'yon.

Ako naman gusto ko ng umuwi. Hindi ako sanay na hindi ko alam kung sandamakmak ba na mga plastik ang kaharap ko o hindi. Kaso naisip ko, di na pala posible 'yun kasi ito na nga pala ang bago kong tirahan. Binenta na 'yung dati naming bahay at wala na kong pwedeng mauwian. Liban dito.

Nag-abot ng kamay sa'kin 'yung lalaki. Napatingin ako sa kan'ya. At natulala. "Welcome dito, 'Tol. Ituring mong parang sarili mong tahanan ang bahay na 'to. Ako nga pala si Seichiro. Bale mula ngayon, kuya mo na rin ako."

Pero..hindi ko inabot ang kamay ko. Sa halip, tinitigan ko lang siya, at sinumpa ang linsyak na kapalaran ko.

[Chapter Three]

Kanna

Inagahan ko pumasok kasi may isasauli akong libro sa library. Isa kasi sa mga madalas kong gawin kapag wala akong ginagawa ay ang pagbabasa ng libro. Dati recipe books lang ang tinitignan ko dahil pangarap kong maging chef pero recently, nagsimula na rin akong magbasa ng fiction. Marami akong natututunan na di matatagpuan sa apat na sulok ng classroom, plus pa na nakakalibang at pakiramdam mo, napupunta ka sa iba't ibang bahagi ng mundo o panahon nang hindi naman talaga gumagastos o umaalis sa kinauupuan mo. Sana pala noon ko pa na-realize, ang astig magbasa ng libro.

Dahil sa pagsisimulang maging irregular ng mga klase para sa paghahanda sa Foundation Week at takot akong ma-penalty, minabuti ko nang isoli 'yung hiniram ko. Pagpasok ko sa library, napansin ko agad na iilan pa lang ang mga tao at mas marami pa ang tumatambay lang at nagpapalamig sa aircon kesa sa mga totoong gumagawa ng assignment o nagbabasa ng libro. Lumapit ako sa Librarian's Nook pero walang tao. Luminga-linga ko sa paligid, baka makaramdam 'yung nagbabantay dito na kailangan ko ng assistance nang biglang may napansin akong papalapit sa'kin.

Nagsimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Pa'no ba naman kasi..'yung taong papalapit sa'kin na may tipid pero nakakahimatay na ngiti ay walang iba kundi si Kuya Seichiro! Waah.

"Sorry, pinaghintay kita.."

"Ha?" Halata bang tulala pa rin ako hanggang ngayon? Naku naman, Kanna! Relax!

"Di ba..magsosoli ka ng libro?"

"Ah..oo," nahihiya kong sagot tapos unconsciously, nilagay ko sa likod ng tenga ko 'yung mga istorbo kong buhok. "P-pa'no mo nalaman?"

"Umm, dahil hawak mo 'yan..?" natatawa n'yang sabi habang nakatingin ako sa librong hawak ko. Haha. Oo nga naman. Nagmukha akong tanga sa harap niya. Kainis! Strike one!

"Akin na."

"Bakit naman?" Nagtaka ako..di ko pa nga nasosoli, hihiramin na niya?

"E ako 'yung Assistant Librarian e."

"Ahh..naku! Sorry di ko napansin ka'gad. Wala ka kasing—" Pagtingin ko, may pin siya na may label na 'ASST. LIBRARIAN'. Okay..isa na lang talaga..strike 3 batter out na ako sa sobrang pagkapahiya! "S-sorry talaga! E-eto na po 'yung libro." Nu'ng inabot ko 'yung libro tiningnan niya 'yung cover. Isang malapad na ngiti ang sumilay sa mga labi niya.

"Nagbabasa ka rin pala ng mga libro ni Sidney Sheldon?"

"Rin?? Ibig sabihin nagbabasa ka rin ng—"

Isang tango ang naging response niya. Biglang kuminang ang mga mata ko sa sobrang saya at feeling ko 'yung ngiti ko abot-tenga na! Waah! Totoo ba 'to? Pareho kami ng hilig!

"Anong favorite mong gawa niya?" natanong ko agad. Wala akong pakelam kung nasa library kami basta alam ko masaya ako dahil wala ata akong mga kaibigan na nagbabasa ng mga librong binabasa ko. Kung magkakataon, siya pa lang!

"Hmm..." sabi niya habang nag-iisip tapos natigilan siya saglita at nagsalita ng, "Nothing Last Forever". Nabasa mo na?"

"Oo! Oo! Waah! Paborito ko rin 'yun! Sobrang astig lalo na 'yung—"

"ENDING!!" nagkasabay kami ng pagkakasabi. Nagtinginan tuloy sa'min 'yung lahat ng nasa library. Napahiya kami at nag-sorry sa kanila tapos nagkatinginan kami saglit at ngumiti kami nang casual sa isa't-isa.

Nagpatuloy ang kwentuhan namin habang nirerecord niya ang sinoli kong libro. Halos lahat ng librong nabasa ko, nabasa niya na rin. Tapos nalaman ko pa na ang paborito n'yang local author e si Bob Ong na tanging Filipino author naman na sinusubaybayan ko ang mga gawa. As in pareho pa kaming tumawa habang inaalala 'yung mga patawang kalbo ni Bob. Nagpalitan rin kami ng mga pananaw sa mga issues sa bansa na nabanggit sa mga libro niya. As in hindi ako makapaniwala na ang daldal niya sa'kin at parang close na kami agad kahit pangalawang beses pa lang kaming nagkakausap. Haay. Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero sana 'wag na sumapit ang—

Bigla akong napatingin sa wrist watch ako at—Boom! Automatic na nanlaki ang mga mata ko. Takte! 8:15 na!! Eh 7:30 'yung start ng first period ko! Patay! Late na late na ko!

"Uh..Kuya Seichiro..?" nag-aalangan ako. Ayoko pang umalis! Gusto ko pang makipagkwentuhan sa kan'ya! Waaah!

"Ano, 'yun?" tanong niya.

"A-ano kasi e.. U-una na ko..late na kasi ako," nakasimangot kong sabi.

"Sige ingat ka, Kanna," sabi niya tapos ngumiti siya—'yung kalmado at cool na ngiti. Natulala naman ako. Pa'nong nalaman niya ang pangalan ko? Aah. Baka du'n sa borrower slip ng book na hiniram ko. Haha. Pero kahit na! Kinilig pa rin ako!

*****

Pagpasok ko ng room, nagre-rehearse na sila. Nakaurong lahat ng chairs sa dulo ng room. Nasa harap ang main cast pati 'yung ibang supporting. Tiningnan ko kung okay pa ba ang mood ni Pres Meg. Siya kasi ang director. Reflection ang mukha niya ng resulta ng pinraktis nila mula nu'ng 7:30. Positive. Malapit ng kumulo ang dugo niya. Sinisigawan niya ang mga malalamya umakting at ang mga sintunado kumanta! Whew! Buti na lang di ako napili sa play na 'yan. Nagvolunteer kasi akong maging Head ng Refreshments Committee.

Sa likod ako dumaan para di ko sila maistorbo sa pagpapraktis. Tahimik kasi ang lahat 'pag nagsimula nang magalit si Pres. Ramdam ko ang tensyon sa room. Nakakatakot!

Successful na sana akong makakapasok ng tahimik at di nila napapansin nang biglang matapilok ako. Ang galing, di ba? Sa lahat naman ng pagkakataon, ngayon pa! Muntik lang naman akong plumakda sa sahig buti nakahawak ako sa may silya—e sa silya may nakapatong na salamin! Bigla tuloy nabasag at boogsh!! Napatingin silang lahat sa'kin. Nu'ng mga panahon na 'yun gustong-gusto kong sakalin 'yung salamin! Bakit kasi 'andu'n siya?? Ayan tuloy! Literal na nabasag ko ang katahimikan nila!

"Haha. S-sorry..late ako at...n-nag—" Bago ko pa naipagpatuloy 'yung sinasabi ko, napunta ang atensyon ko kay Yuta. Nagulat ako kasi bigla, nasa tabi ko na siya.

"AYOS KA LANG BA?? HINDI KA BA NASAKTAN?!" hinawakan niya ang dalawang braso ko at sinuri isa-isa. Wala namang galos. Nakakita ako ng sigh of relief sa mga mata n'yang OA kung mag-alala.

"Haay. Pinakaba mo 'ko! Di ka kasi nag-iingat eh!"

"Sorry kung pinag-alala kita, Bes," sabi ko. "Teka..! 'Wag mo ng pulutin 'yan baka mas—" Wala na. Di ko pa natuloy 'yung sasabihin ko, nabubog na siya dahil sa pagpulot sa mga basag na piraso ng salamin. Nakakita ako ng kumakaway na dugo sa isang daliri niya—na nakita rin ng lahat. Ayun. Naging exag 'yung reaction nila. Akala mo nakakita ng multo o patay na kuko.

"Pres, super sorry talaga sa abala! Dalhin ko lang s'yang clinic!" 'yun lang ang nasabi ko at hinatak ko na si Yuta. Nu'ng una ayaw niya pang sumama kesyo okay lang daw siya. Achuchuchu. Mga dahilan nga naman oo. Pero sa huli, wala na rin s'yang nagawa. Hah! Ako pa!

Pagpasok namin ng clinic wala pang tao. Nine pa ata darating 'yung nurse. Kinuha ko 'yung first aid kit sa cabinet saka pinaupo si Yuta sa kama.

"Hay naku! Sabi ng hindi na kailangan n'yan eh. Wala nga ta—" Bigla kong nilagyan ko ng band aid 'yung bibig niya nang manahimik siya at tumigil na sa pagrereklamo.

"Subukan mong tanggalin 'yan, puputulin ko 'yung daliri mo, sige ka. Haha," banta ko. Marunong kasi ako nang konti dahil surgeon si Papa at minsan, nanunuod ako sa bintana ng ilan sa mga operasyon niya. Nag-behave naman siya kaya maayos kong natanggal 'yung bubog sa daliri niya. Nilinis ko rin ang sugat bago ko binalot ng gauze. Pagkatapos kong putulin 'yung sobrang gauze, tinanggal ko na ang band aid sa bibig niya.

Di ko mapigilang mapangiti. Namumula kasi siya na parang ewan. Haha! Ang cute!

"Ayan..tapos na. Pwede ka nang magsalita."

"Grabe. Papatayin mo ata ako eh! Ang hirap kayang di magsalita!" reklamo n'ya. Hindi siya makatingin sa'kin nang diretso. Bakit kaya? Napansin ko pa, habang hawak ko ang kamay niya dahil nilalapatan ko ng first aid kanina, ramdam ko sobrang bilis ng pulse rate niya. Sa may wrist kasi..pwede mong malaman 'yun. Di ko tuloy alam kong takot siya sa dugo o nerbyoso lang. Haha!

"Utu-uto ka kasi. Bleh!" asar ko sabay belat.

"Aah ganun ah!!" At ayun, nagkilitian kami. Ang dami kong tawa. Adik talaga 'tong si Yuta. Tumigil lang kami nu'ng hinihingal na kami sa kakatawa.

"Oo nga pala Yuta.."

"Hm?"

"Sorry kung..nasaktan ka dahil sa'kin. Imbes na ako 'yung nasugatan..ikaw 'yu—"

Nablanko ko at nawala na 'yung sasabihin ko nang bigla niya kong yakapin nang mahigpit.

"Masaktan na ko 'wag lang ikaw." Seryoso na naman ang boses niya. Lumakas naman ang pintig ng puso ko. Kinakabahan din ba 'ko?

"Ha? Ang gara naman nu'n, may pagkamasokista ka pala, Bes?"

"Haha. Siguro nga." Malungkot ang pagkakasabi niya nu'n. Bagay na di ko inaasahan kasi pabiro na nga ulit 'yung tono ko kanina. Akala ko gets niya na joke 'yun. Di pala. "K-kasi kanina..nu'ng nangyari 'yun..parang sasabog ang puso ko. A-akala ko..mawawala ka na sa'kin.."

Feeling ko uminit 'yung cheeks ko sa sinabi niya at dumoble ang bilis ang tibok ng puso ko.

"Loko. Para natapilok lang e! Exag ka naman!" sabi ko. Imbes na sumagot, lalo n'yang hinigpitan ang pagkakayakap sa'kin. Ang akward bigla ng scene. Wish ko lang hindi niya marinig 'yung pintig ng puso kong papansin kundi hindi ko alam kung pa'no ko ipapaliwanag ang sarili ko! Waah.

Kung tutuusin, ito 'yung unang beses na niyakap niya ko nang sobrang tagal. Pakiramdam ko, alam ko na ang dahilan kung bakit minsan, nakikita ko s'yang malungkot. Natatakot s'yang mawalan na naman ng isang taong malapit sa kan'ya. Akala ko nu'ng nakaraan, naka-move on na siya sa pagpapakamatay ni Tita. Mukhang hindi pa pala. Sabagay, sino ba namang agad makakalimot kung iiwan ka nang tuluyan ng sarili mong ina? Na-guilty tuloy ako kasi inasar ko pa siya nu'ng nakaraan kay Yumi. Ang epal ko talaga. Bakit ba iniisip ko na hindi lang tungkol sa pamilya ang nagpapalungkot sa kan'ya? Bakit parang meron pa? Ewan. Basta! Pumikit na lang ako at yumakap ako pabalik at pinangako ko sa sarili ko na kahit kelan at kahit ano pang dahilan, hindi ko siya iiwan.

*****

Habang papalapit ang Foundation week, lalong dumalang ang mga araw na nagkikita kami ni Yuta. Mas madalas na kasi silang mag-rehearse sa auditorium kesa sa classroom lang. At dahil wala naman akong participation sa play at naasikaso ko na ang budget at menu para sa araw ng event, minabuti kong tumambay na lang sa stage—kung saan kunwari tumutulung-tulong ako sa stage design pero ang totoo, gusto ko lang palaging nakikita at minsanang nakakausap si Kuya Seichiro. 'Yung tipong makita mo lang siya abot-langit na agad ang ngiti mo? 'Yung tipong pansinin ka lang niya, buo na araw mo? Haay. Ewan ko ba. Kaligayahan ko na atang makita siya araw-araw.

Sabi ng mga classmates ko, may crush na raw ako sa kan'ya. Sabi naman ng iba, love na raw 'yun. 'Pag tinatanong ko naman ang dalawa kong pinsan, iisa lang ang lagi nilang sinasabi: "ligo lang katapat n'yan." Sira ulo talaga 'yung mga 'yun. Tamang basag trip! Hasyt!

Sa ilang lingo kong pagtambay sa stage, marami na rin akong narinig tungkol kay Kuya Seichiro. Running for salutatorian at second best siya sa batch nila. Siya rin pala ang Vice President ng Supreme Student Government (SSG). Kaso may bad news! Madami rin daw nagkakagusto sa kan'ya kahit snob daw siya at laging seryoso. Nagulat nga ako nu'ng narinig ko 'yun kasi pagkausap ko siya, feeling ko ang bait-bait niya saka ang daldal niya sa'kin, lalo na 'pag libro ang topic. Madalas nga ako na lang ang nakikinig kasi ang dami n'yang kwento tungkol sa mga nababasa n'yang di ko pa nababasa. Iniisip ko tuloy kung sa'kin lang siya ganu'n. Ibig sabihin ba nu'n—?

Oops. Ayoko umasa. Kakakilala ko palang sa kan'ya at mabibilang lang sa daliri ang mga pag-uusap namin kahit halos araw-araw ko s'yang nakikita sa school.

Napabuntong hininga ako habang mag-isa akong nakaupo sa bench sa Meteor Garden. Sumagi kasi sa isip ko si Yuta at pakiramdam ko ilang taon ko na s'yang di nakikita. Nag-make face ako at sumigaw nang malakas, "Yuta! Miss na kita!" Ewan ko kung bakit ako tinopak na isigaw 'yun. Impluwens'ya siguro ng mga pelikula na nagsasabing 'pag may gusto kang sabihin sa isang taong nasa malayo, isigaw mo—hindi para marinig niya kundi para mapaos ka—este—para gumaan ang pakiramdam mo.

"Haha! Gan'yan mo na ba talaga ko ka-miss?" Nagulat ako nang paglingon ko, nasa likod ko na pala ang Bes ko. Namula ko sa pagkapahiya. Waah. Bakit narinig niya? Sobrang lakas ba talaga ng sigaw ko kanina?

"Char lang 'yun no! Asa ka naman!" tanggi ko sabay irap. Natawa naman siya at umupo sa tabi ko at kinurot nang walang paalam ang magkabila kong pisngi. Ang lakas ng trip nito ah!

"Sus! Magde-deny pa e rinig na rinig ng dalawang tenga ko," asar niya habang titig na titig sa mga mata ko. Nailang ako kaya ako 'yung umiwas. Pang-asar talaga 'to si Yuta kahit kelan!

"E narinig mo naman pala tapos nagtatanong ka pa," mataray kong sagot.

"Asus! Nagtampo agad! O sige na, na-miss din kita. Sobra," seryoso n'yang sabi habang nakangiti. Lalo kong namula. Ewan ko kung bakit.

"Ang mais tuhod mo, alam mo 'yun?"

Kumunot ang noo niya. "Ha? Anong mais tuhod?"

Napangiti ako tumawa ako nang malakas at bumawi ng asar, "Hahaha! Hindi mo alam 'yon?!"

"Sa tingin mo ba itatanong ko kung alam ko?"

"Ingles-in mo lang."

"Ingles-in?? Eh di..mais..hmm..corn..tuhod..kn—" bago niya matapos sabihin, natawa siya sa sarili n'yang pagkapahiya. Ako naman, nagpaulan ng sequel—tawang pang-asar level up! "HAHAHA!!"

"O, ano ng balita sa'yo?" bigla nyang natanong.

"Sumi-segway??" hirit ko.

"Ano nga? Haha. Ang adik mo na Kanna ah. Ganyan ba ang naidudulot 'pag wala ako sa tabi mo?"

"Hmm..siguro..?" sabi ko sabay ngiti sa kan'ya.

"O..ano na nga?" Ang kulit ni Yuta. Sasabihin ko ba? Hmmm..oo o oo? Sige na nga oo na. Excited na rin kasi akong marinig ang reaksyon niya.

"Eto inlove.." sabi ko. Hindi ko pa man nabibigay ang buong detalye ng aking kwento, nakarinig na ko sa kan'ya ng humahagalpak na tawa—as in 'yung uri ng tawa na mapapahawak ka sa tiyan mo at maiiyak!—ganu'ng kalalang tawa ang binigay niya sakin. Imagine??

Sumimangot ako. Argh! At sinabunutan ko siya. "Ang epal mo! Bakit, di ka ba naniniwala??"

"Hindi." Waah! Isang diretso, mabilis, at hindi man lang pinag-isipang sagot ang binigay niya sa'kin! At sinabi niya pa 'yun with matching pigil ng tawa a! Hah! Ayun! Sinabunutan ko tuloy ulit siya!

"Bruho ka talaga!"

"Tama na..T-tama..HaHAHA!!..T-t-am—ARAY!!" Hindi niya pa rin mapigil ang tawa niya kahit nasaktan na siya sa ginawa ko?! Kaasar! Tapos sinabi niya pang 'yun daw ang pinakanakakatawang joke ko ever? Grabe talaga 'tong lalaking 'to! E kung seryoso kaya ako?!

"Wag mong sabihin sa'king 'yun 'yung lalaking—"

Agad akong tumango at ngumiti sa kan'ya. "Oo siya nga! Ang galing mo talag—"

"Pa'no ka naman nakasiguradong in love ka na sa kumag na 'yun e halos kakakilala niyo pa lang?" irritable niyang tanong sabay iwas ng tingin.

"E kasi pakiramdam ko tuwing nakikita ko siya, sobrang saya ko na agad. Tapos kapag nama—"

"Ewan!" pairap n'yang sabi. "Tsk. Na-late lang ako ng dating nu'n tapos.." pabulong niyang sabi sa sarili tapos tumalikod na siya.

"Ha?" Nagpanggap na lang akong di ko narinig 'yung sinabi niya kasi feeling ko..ayaw niya kay Kuya Seichiro.

"Wala-wala!" mabilis niyang sagot.

"Ala-una na pala. Balik na kong auditorium," sabi niya pagkatapos n'yang tignan 'yung relo n'ya. Hindi pa ako nagsasalita pero tumayo na siya at mukhang lalakad na. Pinigilan ko siya hawak ang braso niya. Napatingin siya sakin. Parang nagtatanong ang kan'yang mga mata.

"Pwede bang dito ka muna..sa tabi ko?"

Hindi ko alam ba't sinabi ko 'yun pero effective ata. Napangiti at napabalik ko siya sa pagkakaupo niya kanina. Binuksan ko ang aking bag at naglabas ng may kalakihang lunch box. Inalis ko rin sa plastic 'yung dal'wang pares ng kutsara't tinidor.

"Alam kong hindi ka pa kumakain simula kanina," sabi ko nang nakangiti.

"Stalker kita, no? Pa'no mo nalaman 'yun?" biro niya. Di niya maitago ang kan'yang ngiti. Minsan hindi ko maintindihan si Yuta dahil sa mga mood swings niya pero isa lang ang sigurado ko: nagiging ayos ang araw niya kahit ga'no pa siya ka-bad mood kapag pinagluluto ko siya ng pagkain.

"Hindi ah. Alam ko lang talaga. Saka araw-araw akong may dala nito." OMG! N-nadulas ako!

"Ibig sabihin.." Hindi ko gusto ang ngisi ni Yuta dahil sa sinabi ko. Bahagya akong umiwas ng tingin para itago ang pag-blush ko sa nangyari sabay segwey ng,

"Oo na. Kumaen na tayo." Syempre, ayoko namang isipin niya na talagang hinihintay ko siya araw-araw, nagbabakasakaling makakasabay ko siyang kumain!

Isa ito sa mga dahilan kung bakit wala akong ka-close na babaeng classmate namin liban kay Miki na pinsan ko—dahil madalas 'pag nagbabaon ako, kasahog palagi ang parte ni Yuta at sa iisa lang na lunch box kami kumakain. Ang natatandaan ko, nagsimula 'yun nu'ng minsang kumakain ako sa classroom nu'ng recess tapos napatitig siya sa ulam ko which is paborito pala niya, kaya nakisubo siya at nasabi niya pa nu'n na 'yun daw ang pinakamasarap na menudo na natikman niya sa buong buhay niya. Mas masarap pa raw sa luto ng nanay niya. Alam kong bola lang 'yun pero sinakyan ko naman. Haha.

"WOW! MENUDO!!" reaksyon niya 'yan nu'ng binuksan ko na 'yung takip ng lunch box ko. Parang nag-gi-glitter ang mga mata niya sa sobrang saya. Ilang minuto lang naubos na namin ang baon ko. Pareho ata kaming sobrang busog. Tumayo siya bigla nang matapos naming ligpitin 'yung pinagkainan namin tapos..nagulat ako nang kunin niya ang isang kamay ko habang nakatingin sa malayo.

"Tara, bili tayo ng inumin, libre ko," nakangiti n'yang sabi. Tumango naman ako at sumunod sa kan'ya.

Habang umiinom kami ng C2 sa labas ng auditorium, napapansin kong ninanakawan niya ako ng tingin. Akala niya di ko nahahalata. Napangiti ako at ang galing, natupad ang plano ko. Nahuli ko siya!

"Akala mo ah!!" asar ko sabay tawa. Nag-blush siya sa pagkapahiya sa'kin.

"Inaabangan ko kasing ako 'yung tingnan mo kaso sa iba ka nakatingin," dahilan niya.

"Sus! Utot mo bilog! Ako pang lolokohin mo! Alam ko namang gusto mo lang hingin 'yung C2 ko kasi ubos na ang iyo!" Natawa siya sa sinabi ko.

Kinurot niya nang bahagya ang pisngi ko sabay sabing, "Totoo 'yun." Tapos pumunta siya du'n sa trash can para itapon ang bote ng C2 na pinag-inuman niya. Pabalik na siya sa loob ng auditorium nang tawagin niya ang pangalan ko at sinabi n'yang,

"Hindi kita ibibigay sa kan'ya."

Tapos kumindat siya. Natulala ako saglit. Lalo na nu'ng ngumiti siya at ginulo ang buhok ko bago siya tuluyang pumasok sa loob.

Napansin ko na lang nu'ng pumasok ako sa CR na pulang pula ang mukha ko. Hinawakan ko ang magkabila kong pisngi. Ang init ng pakiramdam ko. Waaah. Dahil ba 'yon sa..sinabi ni Yuta?

[Chapter Four]

Yuta

Friday. Gabi na nu'ng matapos kaming magpractice. Sobrang nakakapagod. Buti nga hindi pa ako napapaos e. Takte kasi 'yan. Nu'ng rehearsals ko na lang nalaman na halos 80% ata ng dialogue sa script e part ko. Sige na. Ako na ang bida. Ewan ko kung pinagtitripan ako ng buong klase o plano talaga ni Pres na pahirapan ako sa kaka-memorize ng mga dialogue ko. Hayst. Nakakainis! Bakit ba kasi ako pumayag sa kalokohang ito? Sana sumama na lang ako sa Refreshments para lagi kong makita si Kanna!

Palabas na ko ng auditorium nang biglang may malamig na kamay ang humawak sa braso ko. Akala ko talaga white lady kasi ang puti-puti nu'ng kamay. Muntik pa nga akong mapalundag sa takot e. Nung pagtingin ko at nakita kong si Yumi pala 'yon, nakahinga ko nang maluwag. Agad siyang nag-sorry sa'kin pero sabi ko wala 'yun. Wag niya lang uulitin dahil baka sa susunod, atakihin ako sa puso. Joke 'yun pero mukhang di niya na gets kaya tumahimik na lang ako habang sabay kaming naglalakad sa hallway. Maya-maya, huminto siya sa paglalakad at yumuko. Huminto rin ako at napatingin sa kan'ya.

"P-pwede bang..ako na lang?" pagkatapos n'yang sabihin 'yun ay biglang tumulo ang luha niya. Sunud-sunod. Tahimik. Parang walang hanggan. Nataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin.

"U-uy. O-okay ka lang?" Nag-offer ako ng panyo pero hindi niya tinanggap. Teka, ako bang dahilan ng pag-iyak niya?

"Yuta, ako na lang please? Ako na lang ang piliin mo." Hala. Mukhang ako nga!

"P-piliin?" Naguguluhan pa rin ako.

"K-kasi ako, mahal kita—mahal na mahal." Umiiyak pa rin siya. Wala akong nagawa kundi yakapin siya. Totoong nagulat ako sa sinabi niya kasi hindi kelan man pumasok sa isip ko na magkakagusto sa'kin si Yumi. Kahit kasi mabait ako sa lahat, hindi naman lahat nakaka-close ko talaga.

"K-kaya..sana ako na lang, k-kasi ako hindi kita sasaktan. Hin—"

Pinakalma ko siya at pinahinto sa pagsasalita hindi dahil sa ayokong marinig ang mga sasabihin n'ya kundi dahil nahihirapan na siyang huminga sa kakaiyak. At ayoko namang mapano siya. Naghanap ako ng mauupuan at swerteng may mga bleachers sa labasan. Naupo kami do'n at—

"Mahal mo si Kanna, di ba?" nagulantang ako sa tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko. P-pa'no niya nalaman 'yun?! Tokwa! Ganu'n na ba talaga ko ka-obvious?? "Pero may mahal s'yang iba at di ka niya napapansin."

"Hindi niya 'yun mahal," sabi ko. Alam kong hindi 'yon totoo pero 'yun ang gusto kong paniwalaan.

"P-pero kahit na. Alam na—"

"Tama na, please?"

Napahinto siya sa sinabi ko. Tila napahiya kaya yumuko na lang at nanahimik. Pinili kong magpatuloy. "Sorry pero..Yumi, di ko kayang i-accept 'yung feelings mo para sa'kin. Isa pa, hindi ganu'n kadali ang sinasabi mo. Mahal ko siya e. Oo kahit masakit. Kahit mukha na 'kong tanga. Kahit siguro sa after life ko, kung meron man nu'n, siya pa rin ang pipiliin kong mahalin. Sorry talaga."

Ramdam ko na nasaktan siya sa mga sinabi ko. Mas masakit siguro 'yung mga nasabi ko sa kan'ya kesa sa ibang babaeng ni-refuse ko dahil..sa lahat ng mga babaeng 'yon, ni isa di nakaalam ng sikreto ko. Siya lang. Nakita kong tumulo na naman ang mga luha niya. Lalo akong na-guilty dahil sa mga luhang 'yon kaso..anong gagawin ko? Ayokong makipagrelasyon nang wala akong nararamdaman para sa kan'ya. Ayoko nu'n. Kasi alam ko 'yung feeling na ikaw lang ang nagmamahal. Masakit, kaya hindi ako kahit kelan nagpaasa ng mga babae.

Pinahid niya ang mga luha niya at tumingin sa mga mata ko. Naiilang ako. Magang maga ang mata niya kakaiyak.

"Ang swerte ni Kanna," sabi niya habang sumi-singhot-singhot pa. "..kasi merong isang taong nagmamahal sa kan'ya nang sobra." Masayang malungkot ang expression ng mukha n'ya. Ngumiti ako nang pilit. Hindi naman totoo 'yon. Kung tutuusin, ako nga ang swerte—kundi dahil kay Kanna, baka hindi ako 'yung ako ngayon. Baka ibang tao ako, 'yung masama, 'yung nakakatakot.

"Yuta, salamat a. K-kasi..naging mabait ka pa rin sa'kin kahit na hinindian mo ko. Kung iba 'yun, siguro..iniwan na lang akong mag-isa na umiiyak." Naglalakad na kami nu'n palabas, mabibilang na lang sa daliri ang mga tao sa school. Tinanong niya kung pwede ba raw kaming magkaibigan. Natawa ko at pinatong ko ang palad ko sa ulo niya.

"Ano ka ba. Simula nu'ng maging partners tayo sa play, magkaibigan na tayo no. Hindi mo lang alam." Napangiti siya sa sinabi ko. Lalo kong napansin kung ga'no siya kaganda. Napangiti rin ako.

"Alam mo ba, Yuta? Gumaan ang pakiramdam ko after kong mag-confess sa'yo," nahihiya niyang amin sa'kin. "K-kasi dati..inuunahan ako ng kaba at sobra 'kong nahihiya kaya di kita malapitan. F-feeling ko nga nu'n, di kita mari-reach. P-pero ngayon, parang iba na. Parang mas okay na kasi..at least naging kaibigan ko ang..taong mahal ko."

"Gumaan din ang pakiramdam ko kasi alam kong safe ang sikreto ko sa'yo," pabiro kong sabi.

Bigla siyang huminto sa paglalakad at tumingin sa'kin. Napakunot ako ng noo.

"Kelan mo ba balak?" seryoso niyang tanong.

"Ha? Balak?"

"Umm. 'Yung, alam mo na, 'yung..nararamdaman mo. Kelan mo ba balak sabihin sa kan'ya?"

Natameme ako sa tanong niya at yumuko. Umiwas. "Di ko pa alam," amin ko. Ang gara ng sitwasyon. Kakatapos ko lang siyang i-reject pero eto siya, concern sa love life ko—kahit na alam niyang masasaktan siya sa ginagawa niya. Hayst.

"Anong hindi mo pa alam? Pa'no ka niya mapapansin kung di mo sasabihin sa kan'ya? Habang buhay ka na lang bang magtatago sa anino ng salitang 'bestfriend'??"

Hanggang sa makauwi na ko ng bahay matapos siyang ihatid sa kanila, hanggang sa nakahiga na ko sa kama para matulog, di pa rin maalis sa isip ko 'yung sinabi ni Yumi. Nagulantang talaga ko. Di ako makapaniwalang sa kan'ya nanggaling ang mga salitang 'yon. Pero mas nagulantang ako sa katotoha-nang tama siya. Hindi na ko pwedeng magpaka-petiks o magpakampante. Nangako ako kay Kanna na di ko siya bibitawan. Kahit pa nagkataong kapatid ko sa ama ang lalaking sinasabi n'yang 'mahal' na niya.

Lunes. Pumasok ako sa school na ayos na ayos. Ilang buwan ko na ring pinagpaplanuhan at pinag-iipunan ang gagawin ko sa araw na 'to.

Ang ganda at aliwalas ng langit, kasing ganda ng ngiti sa labi ko nu'ng makita ko siya..kaso nawala agad 'yun na parang bula at parang dumilim ang langit, nang makita ko siya..kasama ni Kuya.

*****

"Wow! Ang ganda ng nabili mong bouquet!" Tuwang tuwa si Yumi nang makita ang hawak ko. Kinuha niya 'yun sa kamay ko at inamoy-amoy. "Ito na ba 'yung sinasabi mo sa'kin kahapon na pinasadya mo pa sa Dang—" Tinakpan ko ang bibig niya at tumingin sa paligid. "Shh! Baka marinig ka niya mahirap na!" Agad siyang humingi ng tawad nang tanggalin ko na ang kamay ko sa bibig niya.

"Okay lang. Ayoko lang naman kasing isipin niya na talagang—"

Tinapik niya ko sa balikat at ngumiti sabay abot sa'kin ng bouquet ng red roses. "E talaga namang pinaghandaan mo ang araw na 'to, di ba? Patunayan mo sa kan'ya na deserve mo ang matamis niyang 'oo'." Napangiti ako nang malapad sa sinabi niya. Nabalik ang kumpiyansa ko sa sarili at nawala 'yung lungkot ko nang makita ko sila kanina.

Ala una ng hapon. Uwian. Lumapit ako kay Kanna at tinapik siya.

"O, bakit nakasimangot ka d'yan?" tanong ko habang tinatago ko sa likod ko 'yung bouquet. Nu'ng di siya sumagot, nagsalita ulit ako. "O bakit di ka sumasagot? Tinanggal na ba ng Seichirong 'yun ang bibig mo?" Syet. Nangingibabaw na naman ang selos ko! "Di ba ang saya-saya n'yo kaninang umaga du'n sa tapat ng gate? O e ba't ngayon nakasimangot ka na?"

"Wala ka na du'n!" sabi niya tapos kinuha niya na 'yung bag niya sa may stage at nagsimula nang maglakad.

"Uy teka!" Hinabol ko siya. "Ginaganyan mo na ko ngayon a, bahala ka baka magbago ang isip ko," pabiro kong sabi.

"Isip na?" Napalingon siya.

"Ibigay sa'yo 'to." Kinakabahan man at medyo nangangatog, nilabas ko ang tinatago ko at ibinigay sa kan'ya. Pero parang di siya nagulat. Di siya ngumiti. Sumimangot pa nga e. At di niya kinuha 'yung inaabot ko sa kan'ya. Nawala ang ngiti sa labi ko at parang kumirot sa puso ko.

"O sige na. Tama na Yuta. Nainggit mo na ko," pairap n'yang sabi. Kumunot ang noo ko.

"Nainggit??" Ha?? Anong pinagsasasabi niya?

"Denial pa! Sus! Alam ko namang pinapakita mo lang sa'kin 'yan para mainggit ako e. Oo na, nainggit na ko. Sige na, balik mo na 'yan kay Yumi." Tumalikod na siya at naglakad nang mabilis. Hinabol ko ulit siya.

"Sira! Para sa'yo 'to!" Natawa ko nang bahagya. "So kaya ka nakasimangot d'yan ay dahil akala mo para kay Yumi 'to? Haha!" asar ko.

Nilingon niya ko. "Sinong may sabi sa'yong 'yun ang dahilan kung ba't malungkot ako?" sabi n'ya sabay irap. Nasa may gate na kami nu'n nang mapako ang tingin niya du'n sa mga nakatanim na pink roses sa gilid na ngayon e sira na. Mukhang tinapak-tapakan.

"Kaya ako malungkot ay dahil may sumira ng mga bulaklak na bigay sa'kin ni Kuya Seichiro."

Okay. So siya na naman ang dahilan. Tumingin ako sa malayo. At kinokontrol ko ang sarili ko pero di ko kinaya. Bumuntong hininga ako at humarap sa kan'ya. "Seichiro-Seichiro! Puro na lang 'yung Seichirong 'yun ang lagi mong binabanggit! Mas maganda naman nang di hamak 'tong bouquet na 'to kesa d'yan pero mas pinapahalagahan mo pa rin ang mga 'yan!!"

Di ko na napigilan ang sarili ko na di mag-walk out. Nakakainis kasi talaga. Kulang na lang ipagdikdikan sa'kin ni Kanna na kahit gula-gulanit na 'yung mga rosas na 'yun, basta galing sa Seichiro niya, tiyak na mas maganda pa rin 'yun sa paningin niya. Mas importante. Mas mahalaga.

"Y-Yuta." Napalingon ako. Si Yumi pala ang tumatawag sa'kin. Nakasunod pala s'ya sa'kin papuntang stage. Huminto ako sa paglalakad nu'ng huminto rin siya.

"Yuta, s-sorry. Kung di dahil sa'kin hindi san—" So narinig niya pala ang lahat. Unti-unti na namang pumatak ang mga luha sa mga mata niya. Sunud-sunod. Tahimik. Parang walang hanggan.

At sa pangalawang pagkakataon, nakaramdam na naman ako ng guilt sa puso ko. Agad akong lumapit sa kan'ya.

"Wala kang kasalanan, okay?" sabi ko habang pinupunasan ko ang mga mata n'yang wala na atang balak tumigil sa pag-iyak.

"P-pero..dahil sa'kin inakala niya na 'yung bouquet ay para—"

"Kung kanino man ako dapat magalit, sa sarili ko 'yun," sabi ko. Sa sobrang galit ko, nasuntok ko ang pader ng building malapit sa stage. "Peste kasi 'yan e! Pucha, bakit siya pa?? Bakit 'yung Seichirong 'yun pa??" Natakot si Yumi sa ginawa ko. Ako naman, nagulat sa sarili ko. "Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan kong magkaganu'n!" Pinipigilan ko ang mga luha ko sa pagpatak. Pero alam kong namumula na ang mga mata ko sa galit. Naramdaman kong niyakap ako ni Yumi.

"Tama na Yuta, please? 'Wag mong saktan ang sarili mo."

"Naiinis ako kay Kanna kasi ang kitid-kitid ng utak n'ya!" Natawa ako nang bahagya sa huli kong sinabi. Linsyak na buhay 'to! Galit ako pero nakakatawa pa rin. Bwiset! "Palibhasa kasi walang ibang alam gawin kundi mag-aral at magluto! Sinabi ko na ngang para sa kan'ya 'to eh! Para sa kan'ya! Bakit ba pinagpipilitan n'ya yu'ng side n'ya e mali naman?!"

"Tama na 'yan, Yuta! Huminahon ka, please? Ayokong nakikitang nagkakaganyan ka." Hinigpitan ni Yumi ang pagkakayakap sa'kin. Naramdaman kong basa na ang likod ng uniform ko. Mukhang ako na lang palagi ang nagiging dahilan kung ba't siya umiiyak. At mukhang hindi ko na rin kayang pigilan ang sarili ko at umiyak—umiyak sa galit at awa sa sarili.

"Halika na sa clinic, kailangang magamot 'yang sugat mo." Nung mabanggit niya 'yung salitang 'sugat', saka ko lang naramdaman na putek ang sakit ng kamao ko. Napasigaw ako sa sakit matapos kong iwasiwas yu'ng dumudugo kong kamao. Natawa kaming dalawa. Du'n ko lang na-realize na nakita niya kong tubigan ang mga mata. Tinry ko itago pero di ako nagtagumpay. Hinawakan ni Yumi ang dalawa kong kamay at saka niya sinabing..

"Alam mo bang mas nakaka-inlove ka kapag umiiyak?" sabi niya habang nakangiti nang mahinhin. Natawa ko nang bahagya sa sinabi n'ya. Sumimangot naman siya kaya lalo lang akong natawa. Hindi ko alam pero nu'ng mga sandaling 'yun, feeling ko nabawasan ang nararamdaman kong sakit.

Pagkatapos gamutin ng nurse ang kamao ko at sermunan ako sa kalokohang ginawa ko, naupo kami ni Yumi sa bench.

"Salamat a, kung wala ka siguro baka kung ano nang—" Di ko na napagpatuloy 'yung sasabihin ko dahil bigla niya 'kong binatukan. "ARAY! Ano bang prob—"

"Hahayaan mo na lang bang matapos ang espesyal na araw na 'to nang di kayo nagkakabati??" Namumula na naman ang mga mata nya, parang gusto na namang umiyak. Napatanga lang ako sa sinabi niya. Sa pangalawang pagkakataon din ay nagdalawang isip ako kung si Yumi ba talaga ang kausap ko. "Para sa'n pa 'yung kinukwento mo sa'king ilang buwang paghahanda mo para sa araw na 'to kung mas pinaiiral mo pa 'yung pride, selos, at galit mo? Akala ko ba ngayon ka na magtatapat sa kan'ya? Akala ko ba sabi mo gagawin mo s'yang pinakamaligayang babae ngayong Valentine's day? Nasa'n na 'yun?? Nagkagalit lang kayo tapos wala na?? Ano pa 'yung sinasabi mong restaurant reservation? Ano 'yun, wala na lang? Yuta, isipin mong mabuti, kung di kayo magkakaayos ngayon, baka di na kayo magkaayos kahit kelan! Gusto mo ba 'yun, ha? WUY!!"

Nu'ng mag-sink in sa'kin 'yung mga sinabi niya, napatayo agad ako sa bench. Tokwa. Wala 'kong kwenta. Kailangan ko pa ng isang Yumi na magpapaalala sa'kin ng lahat—ng mga bagay di ko pwedeng isuko kahit anong mangyari.

"Ano pang hinihintay mo, sundan mo na siya, dali!" sabi niya sabay tulak sa'kin palayo. Kinuha ko 'yung bouquet na red roses at nagsimula na akong tumakbo. Bago ako tuluyang makalayo, lumingon ako sa kan'ya at sumigaw ng 'salamat!'. Tumango lang siya. Nakita kong nakangiti siya pero nangingilid ang luha sa mga mata niya. Bumigat na naman ang pakiramdam ko pero agad ko 'yung winaksi sa isip ko at binilisan na lang ang pagtakbo.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng gate ng school, nabitawan ko ang hawak kong bouquet na saktong dinaanan ng isang humaharurot na motorsiklo. Nablanko ang utak ko. Parang naging gray-scale ang background at muted ang boses ng mga iilang naglalakad sa kalye. Natigilan ako at nakatulala lang sa kanila. 'Yun ang unang beses na umiyak si Kanna sa harap ng ibang lalake liban sa'kin. At 'yun din ang unang beses na narinig kong nag-crack ang puso ko.

Chapter Five

[Kanna]

Pinakahihintay ko ang araw na ito kasi makikita ko siya ulit. Duty niya sa lib 'pag Lunes. Hindi ko matago ang ngiti ko. At halos ma-memorize ko na 'yung mga topic na pwede naming pag-usapan o pwede kong itanong sa kan'ya. Alam naman ni Kuya Seichiro na darating ako. May isosoli kasi akong libro. Itinataon ko talagang magsoli kapag siya ang naka-duty para makausap ko siya.

Paglapit ko sa Librarian's Nook, nakita ko siya, seryoso at nagbabasa na naman ng libro. Nu'ng mapansin niya ko, ngumiti siya. Parang sasabog na naman ang puso ko sa sobrang kaba. Pagkatapos n'yang ibalik sa bookshelf ang librong sinauli ko, lumapit na siya sa'kin.

"Halika, labas tayo ng lib. May ipapakita ako sa'yo," sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Ako naman napatango lang sa sobrang gulat at excitement. Nangyayari ba talaga 'to?? Waah! Ano kayang ipapakita niya sa'kin?

Pumunta kami sa gilid ng old academic building. Katabi 'yun ng gate ng school.

"Wow! Ang ganda! Bakit di ko 'to napansin kanina pagpasok ko?" Ngayon lang ata ako nakakita ng pink roses na nakatanim pa sa lupa at di pa naka-cut. Sobrang gaganda nila! Wait—! P-pa'no niya nalaman na ito ang paborito kong bulaklak? Hala! Umiinit na ang cheeks ko sa sobrang kilig!

"Tinakpan ko sila ng malaking panyo kanina para walang ibang makakita kundi..ikaw lang," sabi niya sabay ngiti. S-sinabi niya bang..p-para sakin lang? Waah! Sobrang saya ko!

"Pasasalamat ko 'yan kasi ikaw lang nakakausap ko tungkol sa mga librong gusto ko."

"Grabeng pasasalamat naman 'to kung ganu'n." Natawa siya sa sinabi ko. OMG! Nakita ko s'yang tumatawa! Waaah! Kung nakakamatay lang ang sobrang kilig, malamang kanina pa ako nangingisay dito!

"Alam mo ba kung bakit pinakita ko sila nang nakatanim kesa naka-cut na? Kasi mas magandang tignan ang rosas kapag nakatanim pa ito sa lupa. Mas natural ang pagka-bloom niya at mas buhay sila tignan kesa sa mga pinutol na. Mas masigla at mas malaya. 'Yung feeling na nakangiti sila sa'yo kasi mas pinili mong i-appreciate ang kagandahan nila kesa sirain o saktan."

Nawala ang pagkakangiti ko nang may pamilyar na babaeng umepal sa eksena.

"Seichiro, 'andito ka lang pala. Alam mo bang kanina pa kita hinahanap??" pagtataray ng babae na s'yang tinataguan ni Kuya Seichiro nu'ng una kaming magkita. Napangiti ako nang ma-realize ko na dapat pa pala akong magpasalamat sa mataray na babaeng 'to.

"Bakit mo naman ako hinahanap?" tanong ni Kuya Seichiro.

"Hindi ka ba na-inform ni Natsume na magkakaro'n tayo ng meeting?"

"Sorry. Wala akong na-receive na text galing sa kan'ya kaya hindi ko alam. Ngayon na ba?"

"Kanina pang 9," pairap niyang sagot. Tumingin sa'kin si Kuya Seichiro. Mukhang nag-aalangan s'yang umalis dahil sa'kin. Tinaasan naman ako ng kilay nu'ng babae.

"Sige na Kuya, umalis na kayo baka magalit pa si Ateng kasama mo." Gumanti siya ng ngiti sa'kin saka nagpaalam. At ayun, umalis na sila. Wala na. Inagaw na ng evil witch ang prince charming ko. Di bale, pinakita naman niya sa'kin ang favorite flower ko at sinabi n'yang para sa'kin lang 'yun. Ang sweet niya. Haay. Ito na ata ang pinakamasayang Valentine's day ng buhay ko.

Palakad na ko ng classroom para sana mag-iwan ng bag at dumiretso na ng stage para tumulong kaso pagpasok ko, nag-iba ng timpla ang araw ko. Nakita ko kasi si Yuta, masayang-masayang nakikipag-usap kay Yumi, habang hawak-hawak ang isang napakaganda at malaking bouquet ng red roses.

Hindi ko alam kung ba't hindi ako makangiti kahit pilit man lang nu'ng mga oras na 'yun. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang pumasok sa room at batiin sila ng 'good morning'. Hindi ko alam bakit kahit dapat akong matuwa dahil tama ang hula ko na ang babaeng gusto niya e si Yumi, hindi ko magawang maging masaya o biruin man lang sila ng 'kayo ah, di niyo sinasabi..kayo na pala!'

Hindi ko rin alam bakit kahit paborito ko ang pink roses, parang mas gusto kong akin na lang ang red roses na 'yun. Kahit pa sinabi ni Kuya Seichiro na mas maganda ang uncut roses, hindi ko alam ba't sa paningin ko ngayon, mas espesyal ang mga red roses.

Alam ko na! Siguro dahil naiinggit ako, kasi ngayon lang nag-abalang bumili si Yuta ng bulaklak para sa isang babae. Nga naman! E sa ngayon lang siya na-inlove e. Pero kahit na! Ba't ganu'n? Naiinis ako. Selfish na ba ang tawag kung aaminin kong gusto ko rin makatanggap ng red rose, kahit di na bouquet, galing sa Bes ko?

Napabuntong hininga na lang ako at pumunta na sa stage.

"Sabi na nga ba e, sila na." Napahinto ako nang makarinig ng mga bulung-bulungan ng mga kaklase ko.

"Ibig sabihin, totoo talaga 'yung sinabi ni Mia na nakita niya 'yung dalawa nu'ng Friday na magkayakap!"

Nung marinig ko yung word na 'magkayakap' hindi ko na napigilan ang sarili ko na di makisali sa chismisan. "Sinong magkayakap?" tanong ko.

"Ay nako Kanna, kanina ka pa namin hinihintay. Sa'yo nga dapat kami magtatanong kung totoo ba talaga 'yung chismis tapos 'kaw pa pala yung di nakakaalam. Wala ba sa'yong nabanggit si Yuta?"

S-so..si Yuta 'yung may kayakap nung Friday? Sumikip ang dibdib ko na parang ewan. Basta, di ko ma-explain. "Wala eh," amin ko. Wala siyang sinasabi sa'kin tungkol sa bagay na 'yon.

"OMG! So di mo alam na may nakakita sa kanilang magkayakap ni Yumi?"

"Oo at antagal nila magkayakap 'Teh! Kala ko nga magki-kiss pa sila e!" dagdag ni Mia na kararating lang. Nung marinig ko 'yun, parang huminto ang mundo ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Naiinis ako dahil di ko maintindihan ang sarili ko. Ang selfish ko na nga sigurong bestfriend kasi di ko makuhang maging masaya para sa kan'ya.

"Sobrang bagay sila, no?"

"Ay nako 'te, korak ka d'yan!"

"Isang maganda at isang gwapo—perfect match talaga!"

"Sinabi mo pa!"

Hinayaan ko na lang mag-usap ang mga classmates ko. Nakakatawang isipin na hindi ko magawang sumang-ayon sa kanila e samantalang dati, ako pa nga ang nang-aasar sa Bes ko kay Yumi. Haay. Bakit kaya? Bakit?

Nilapitan ako ng dalawa kong pinsan, di ko na namalayang nan'dito na rin pala sila dahil sa pagka-depress ko. Bigla, inakbayan nila kong dalawa.

"Ano namang ine-emote-emote mo d'yan?" tanong ni Miki.

"There is a 75% probability na nagseselos ka, Insan," banat ni Tomo. Takte, gamitan ba naman ako ng Stat??

"Haha. Sinong nagseselos?" tanong ko. Lumingon 'yung dalawa sa paligid at sabay silang sumagot ng, "Bakit, may iba pa ba kameng kausap liban sa'yo?"

"Haha. Ewan ko sa inyo. Ma-issue kayo."

"Naniniwala ka kasi masyado sa mga chismax ng mga classmates nating chismosa kaya ka nasasaktan e," sabi ni Miki. Aba, selos at nasasaktan ang mga terms? Ano bang brand ng katol ang nahithit ng dalawang 'to?

"Imbento kayo a. Kelan pa kayo naging mga imbentor?" sabi ko na lang. Ayoko nang pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yun. Gusto ko na ka'gad mag-bell para makauwi na.

Nu'ng uwian, balak kong magmadali na pero nasurpresa ko nu'ng kalabitin ako ni Yuta. Sumama lang lalo ang loob ko at nag-away lang kami dahil una, dine-deny niya pang iniinggit niya 'ko. Bakit di niya na lang aminin na para kay Yumi talaga 'yung bouquet? At pangalawa, nilait niya ang bigay ni Kuya Seichiro. Tapos ang lakas ng loob niyang mag-walk out at..paiyakin ako.

Ewan. Basta tumulo na lang nang kusa ang mga luha ko. Pinupunasan ko sila pero ayaw tumigil.

Naiinis ako sa sarili ko. At sa kan'ya.

Hindi ko siya maintindihan. Bakit niya ba 'to ginagawa sa'kin?

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Ano ba talagang dahilan kung bakit ako nagkakagan'to? Bakit ako umiiyak?

*****

Limang araw, pitong oras at labinwalong minuto na ang nakalipas nu'ng huli kaming nagkausap ni Yuta. Ito na ata ang pinakamatagal na away naming dalawa. Dati, hindi natatapos ang isang araw nang hindi kami nagkakabati. Laging may isa sa'min na unang makikipagbati, kaso ngayon parang.. Haay.

Ilang beses ko nang naisipang makipagbati sa kan'ya kaso hindi ko magawa. Una, sa Monday, sa unang araw ng Foundation Week, minalas na natapat ang section namin na magtanghal kaya lalong humaba ang oras ng praktis nila. Whole day na ata. Pangalawa, hindi niya rin ako pinapansin. At pangatlo, mukha namang wala lang sa kan'ya na nagkagalit kami. 'Pag minsan nakikita ko s'ya sa malayo, mukha naman s'yang masaya kasama si Yumi.

Sa bahay naman, kahit busy sina Papa dahil inaayos niya ang mga papeles niya pabalik ng Europe, katulong si Mama, hindi pa rin ako nakaligtas sa mga tanong nila. Ang daldal kasi ng dalawa kong pinsan e. Ayan tuloy nalaman nilang hanggang nagyon, di pa rin kami nagpapansinan ni Yuta.

Sinasabi ko na lang sa kanila na busy 'yung tao kasi malapit na 'yung play. Saka may girlfriend na 'yun kaya wala na 'yung panahon para sa'kin. At hindi sila naniniwala sa pangalawa kong sinabi. Kainis. 'Pag pasaway nga naman ang mga magulang mo oo.

Kagabi, bago ko matulog, umiyak na naman ako. Lagi ko ngang sinasabi sa sarili ko na dapat di ako malungkot kasi may nangyari rin namang maganda nu'ng araw na 'yun— isang pangyayaring hinding hindi ko malilimutan kailanman.

"K-Kanna?" Matapos naming mag-away ni Yuta, lumabas na ko nu'n ng gate nang tawagin niya ko. Hindi ko alam kung anong magic meron ang boses ni Kuya Seichiro nu'ng mga panahon na 'yun. Ang alam ko lang, nu'ng marinig ko ang malalim at kalmado n'yang boses, nagsimula na namang pumatak ang mga luha ko. Hindi siya nag-atubiling puntahan ako at yakapin. Umiyak lang ako nang umiyak habang yakap n'ya. Hindi s'ya nagtanong kung bakit ako umiiyak at kung anong problema ko, basta niyakap n'ya lang ako nang mahigpit hanggang sa matuyo na ang mga luha ko.

Pagkatapos kong umiyak, ngumiti siya sa'kin tapos nilibre niya ko ng strawberry shake du'n sa stall sa gilid. Hindi kami nag-uusap. Humihigop ako ng shake habang sumisingut-singhot. Siya naman, nakatingin lang sa'kin. Pagkatapos kong inumin 'yung shake, nagpasalamat ako sa kan'ya—isang mahina, nahihiya at with matching singhut-singhot pa na "thank you". Ngumiti lang siya, pinat ang ulo ko, tapos may inabot siya sa kamay ko bago siya pumasok ulit sa gate ng school.

Nung binuksan ko ang palad ko, nakakita ko ng candy. Monami na strawberry flavor. Napangiti ako bigla. Ang kulet kasi. Na-comfort niya ko nang hindi siya gumagamit ng salita. Feeling ko tuloy lalo kong nahuhulog sa kan'ya. Haaay.

Kung tutuusin, dapat maging masaya pa ko na nagkagalit kami ni Yuta dahil lalo kaming naging close ni Kuya Seichiro pero alam ko sa sarili ko na malabong mangyari 'yon. Umiyak ako kagabi dahil alam kong may possibility na di na kami magkakaayos ni Yuta. May possibility din na hindi na niya kailangan ng bestfriend kasi may girlfriend na siya. Although chismis lang 'yun, halata namang totoo, alangan namang magbulagbulagan pa ko. 'Yung ideya pa lang na maaaring di na niya ko kailangan sa buhay niya, nasasaktan na ko. Pa'no pa kaya kung talagang ganu'n ang mangyari?

Gusto kong mag-sorry kung may nasabi man akong mali sa kan'ya, kaso, pa'no ko 'yun gagawin e ramdam kong useless din? Ilang beses ko na rin siyang gustong itext o tawagan kaso di ko masend-send o mapindut-pindot 'yung call button kasi natatakot ako—natatakot ako na hindi niya ko reply-an. Natatakot ako na baka marinig ko ang ayokong marinig. Natatakot ako.

Buti sana kung ordinaryong classmate ko lang siya at kelan ko lang siya nakilala, kaso hindi e. Bestfriend ko na siya since Grade 5. Parang kapatid na nga ang turing ko sa kan'ya. Parang anak na ang turing sa kan'ya ng mama at papa ko at parang mama ko na rin 'yung mama n'ya. Kasing normal na lang ng paghinga ko ang pagkukulitan at pag-aasaran naming dalawa. Mahirap kalimutan 'yun kung saka-sakali man, di ba? Kaya—

Hala..Tumutulo na naman ang mga luha ko. Pa'no pa ko makakapasok nito?

*****

"Kuya Seichiro, u-umm, p-para sa'yo," sabi ko tapos inabot ko sa kan'ya ang lunch box na ginawa ko. Sinadya kong pumasok ng maaga para mabigay 'yun sa kan'ya bago magbell kaso nakakailang dahil kasama niya pala sa Supreme Student Government Headquarters (SSGH) ngayon 'yung mataray na babae. Binigyan niya ko ng matamis na ngiti. Isang mapait naman na ngiti ang binigay sa'kin nu'ng kasama niya.

"Salamat. Nag-abala ka pa."

Umiling ako. "Pasasalamat ko 'yan sa'yo kasi ang bait-bait mo sa'kin." Tumawa lang siya nang bahagya sa sinabi ko. Tapos ngumiti na naman niya. Ang ganda-ganda talaga ng ngiti niya. Haay.

"Tapos mo ng gawin 'yung pakay mo dito, di ba? Ba't di mo na kaya i-try lumabas? Nakabukas ang pinto," singit ni Ateng mataray na sa pagkakarinig ko e siya palang Secretary ng SSG.

"Imadori!" saway ni Kuya Seichiro sa kan'ya.

"Madami pa tayong gagawin, Seichi. Bukas na ang start ng Foundation Week baka nakakalimutan mo. Kung may oras kang makipaglandian d'yan, sana may oras ka ring gawin ang mga responsibilidad mo."

Kumulimlim ang mukha ni Kuya sa sinabi ni Ate Imadori. Nakakatakot pala siya 'pag naiinis! Tumayo siya bigla. Nanlaki ang mga mata ko nu'ng hinawakan niya ang kamay ko at hinatak palabas ng headquarters nila. Nu'ng moment na 'yun, feeling ko isa akong prinsesa na tinatakas ng aking prince charming sa kastilyo kung saan namumugad ang evil witch.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nu'ng tumingin ako sa kan'ya, nakatingin na pala s'ya sa'kin. Pareho tuloy kaming umiwas ng tingin sa isa't isa.

"P-pasensya ka na kay Imadori, Kanna. Ganu'n lang talaga 'yun pagtrabaho na ang pinag-uusapan."

"Hindi. O-okay lang. Ako naman ang may kasalanan kasi inabala ko kayo kahit alam kong busy kayo. Umm.. Sige Kuya Seichiro, una na ko."

Tumango lang siya. Palakad na ko nu'ng nagsalita s'ya ng, "Salamat dito!" habang hawak-hawak ang lunch box na ginawa ko. Ngumiti ako at kumaway sa kan'ya bago ko tuluyang umalis.

Bago ko umuwi, naisipan kong puntahan si Kuya Seichiro sa SSGH. Lihim kong inaasam na sana wala du'n si Ate Imadori. Ang totoo niyan, pumasok din sa isip ko na baka may gusto rin siya kay Kuya kaso nabalitaan ko sa iba na papalit-palit daw siya ng boyfriend. Kahit sino raw pinapatulan niya. Palengkera rin daw at mahilig makipag away lalo na sa mga babaeng lumalapit kay Kuya Seichiro.

Pero may narinig rin ako na kaya lang naman ganu'n kung makalapit 'yun kay Kuya e dahil since first year, magkaklase na sila. Kung anuman ang totoo sa mga impormasyong nakalap ko (taray! Nakalap talaga ang term!) tungkol sa tunay na pagkatao ni Ate Imadori, hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, ayaw niya sa'kin at..lumevel up ang pagiging chismosa ko.

Pagkatapos kong kumatok, nakarinig ako ng boses ng isang lalaki na nagsalita ng "Pasok". Sa tono palang ng boses, halatang hindi 'yun si Kuya kasi parang mainit ang ulo nu'ng sumagot. Kahit disappointed at bahagyang natakot, pumasok pa rin ako sa loob. Isang lalaking matangkad, tikwas-tikwas ang buhok, may salamin at naka-Ninoy Aquino pose sa table ang nakita ko. Sa tindig at ayos pa lang, obvious na obvious nang nag-eemit siya ng authority aura. Walang duda. S'ya ang President ng SSG—si Natsume Hirai.

"Umm. A-alam niyo po ba kung nasa'n si Kuya Seichiro?"

Kumunot ang noo niya at this time, nakalagay 'yung hintuturo niya sa gitnang bahagi ng eye glasses niya at tumingin sa'kin nang diretso. "Mukha bang hanapan ng mga nawawalang tao ang office ko??" seryoso at may pagkasarkastiko n'yang sagot.

Nag-sorry na lang ako at nagmadaling lumabas ng kwartong 'yun bago pa ako mabugahan ng apoy ng nakakatakot na monster sa loob. Grabe, terorista siya! Muntik na ko atakihin sa puso sa sobrang kaba at takot! Akala ko lalamunin ako ng buhay ng mga matang 'yun! Hayst! Para nagtatanong lang e! Hayst! Parang siya lang ang nakilala kong matalino pero ubod ng sungit!

Bago ko makalayo roon, may nahagip ang mga mata ko. Isang pamilyar na bagay. 'Yung lunch box na ginawa ko—nasa basurahan..at halatang sadyang itinapon ang laman.

Sumikip ang dibdib ko at dahan-dahan, tumulo ang mga luha ko. Tumakbo ako palayo. Ayokong marinig pa ng monster sa loob ng SSGH ang pag-iyak ko at baka sigawan pa ko nu'n. Habang tumatakbo, nakasalubong ko si Kuya Seichiro and guess what? Kasama niya si Ate Imadori. Mukhang kakatapos lang nilang mag-lunch. Tuluy-tuloy lang ako sa pagtakbo. Ito ang unang beses na nakita ko siyang nagpanggap na hindi niya ko nakita. Tuluy-tuloy lang sila sa paglalakad, nagtatawanan.

Nagpunta ako sa Meteor Garden at du'n ko binuhos nang todo ang iyak ko. Parang wala lang sa kan'ya ang nangyari. Lahat ba ng kabaitan niya, puro pagkukunwari lang? Siguro nga ayaw niya talaga sa'kin at napipilitan lang s'yang maging mabait dahil kailangan n'yang maging modelong estudyante. Siguro niloloko n'ya lang ako, pinapaasa. Tapos secretly, pinagtatawanan kasi mukha kong tanga at papansin sa kan'ya.

Alam ko na assumptions ko lang ang lahat base sa mga nangyari. Hindi ko talaga alam kung anong tunay na pagkatao ni Kuya Seichiro. Basta ang alam ko lang, sobrang sakit ng ginawa niya sa'kin. Hindi lang dahil tinapon niya 'yung lunch box na ginawa ko para sa kan'ya. Nasasaktan ako kasi natututunan ko na s'yang mahalin. Kasi ang akala ko totoo s'ya.

'Yun pala, akala ko lang 'yun.

[Chapter Six]

Yuta

Limang araw, pitong oras at labinwalong minuto na ang nakalipas nu'ng huli kaming nagkausap ni Kanna. Ito na ata ang pinakamatagal na away naming dalawa. Ilang beses ko nang naisipang makipagbati sa kan'ya kaso hindi ko magawa. Hindi ko naman pwedeng ipagtapat sa kan'ya na mahal ko s'ya kaya ako nagselos nu'n.

Dahil mali ang panahon.

Mali ang timing.

Baka hindi niya lang ako lalong seryosohin 'pag sinabi ko 'yun.

Isa pa, hindi na rin ako makatakas sa mga practice, lalo na ngayon na general rehearsal na. Todo bantay sa'kin si Pres Meg—ultimo paglabas ko para mag-CR, pinagdududahan niya. Akala lagi akong tatakas. Pa'no, napaos lang naman siya sa kakasigaw sa'kin noong Valentine's kasi tumakas ako sa praktis at bumalik nu'ng hapon nang may benda ang kamay at wasak na puso.

Saka hindi ako pinapansin ni Kanna. Tapos 'pag nakikita ko s'ya minsan, lagi n'yang kausap si Seichiro—este—Kuya Seichiro pala. Bwisit naman talaga o! Tapos akala mo naiihi sa kilig 'pag magkausap sila at OA sa kakangiti! Arghh! Nakakainis! Nakaka..selos.

Mukhang okay naman 'ata siya kahit hindi ako ang kasama niya. Parang wala nga lang sa kan'ya na nag-away kami e. Minsan nga naiisip ko na baka hindi niya na kailangan ng isang bestfriend kasi mukhang completely satisfied naman siya sa atensyong binibigay sa kan'ya ng utol ko.

Yung ideya pa lang na maaaring di na niya ko kailangan sa buhay niya, nasasaktan na ko. Tokwa, pa'no pa kaya kung talagang ganu'n ang mangyari? Baka di ko kayanin. Gusto kong mag-sorry sa kan'ya, kaso..pa'no ko 'yun gagawin e ramdam kong useless din? Ilang beses na rin ako nagbalak i-text siya pero pagkatapos kong mag-load, mag-unli, magtype ng apology, e di ko masend-send. Laging sa ganu'n napupunta ang allowance ko—na hanggang ngayon e di pa nakaka-recover sa mga ginastos ko nu'ng isang linggo. Siguro kasi—alam ko na kung hinihintay niya man ang sorry ko, mas maa-appreciate niya 'yun kung personal. Mas malaki ang probability na maging okay na kami pagkatapos.

Pero may mga bagay na mas mahirap sabihin nang personal.

Katulad ng 'Sorry na' at..'Mahal kita'.

Naabala ang mga iniisip ko nang maramdaman kong nagva-vibrate ang cellphone ko. Agad ko 'yung kinuha sa bulsa ng pantalon ko at iwinasiwas kay Pres Meg saka matuling tumakbo palabas ng impyernong auditorium na 'yun. Kung sinuman ang tumatawag na 'to, hulog siya ng langit kasi makakatakas na rin ako sa wakas! Yahoo!

Sinagot ko ang tawag pagkalabas na pagkalabas ko ng auditorium. "Hello?" bungad ko.

"Yuta, si Tomo 'to."

"O ikaw pala. 'Nung problema?"

"S-si Kanna.."

"ANONG NANGYARI KAY KANNA??"

"Umiiyak siya at—" Hindi ko na siya pinatapos. Tama na ang narinig ko. Kumaripas ako ng takbo papunta sa Meteor Garden—kung sa'n nakita ko ang babaeng pinakamamahal ko na umiiyak habang nakaupo sa nag-iisang bench roon. Alam kong itatanong n'yo kung pa'no ko siya natagpuan. Simple lang. Puso—'yun lang ang kailangan ko.

"Kanna!" Tinawag ko siya. Pinigilan ko humingal sa pagod pero hindi ko maiwasan. Lumingon s'ya sa'kin. May nagbago sa kan'ya. Namumutla ang mukha n'ya. Halatang di s'ya nakakatulog nang maayos. Namamaga ang mga mata niya.

Agad ko syang nilapitan at niyakap nang mahigpit. Parang isang libong taon na ang nakakalipas nu'ng huli ko s'yang niyakap. Sobra ko s'yang na-miss tapos gan'to ko pa s'ya makikita??

Iniisip ko pa lang na may nagpaiyak kay Kanna, gusto ko nang manuntok. Hindi ko mapigil ang galit ko. Patuloy lang s'yang umiiyak. 'Nak ng—! Sino ba ang may gawa nito sa kan'ya??

Nang tanungin ko siya, umiling lang siya. Ayaw magsalita. "Si Seichiro ba??" tanong ko. Lalo siyang umiwas ng tingin. Nagdilim ang paningin ko. Agad akong tumayo. Sapat nang reaksyon 'yon para malaman ko kung sino ang susugurin ko mamaya. Ang demonyong 'yon!! Akala niya siguro palalampasin ko siya s—

Handa na 'kong sumugod pero pinigilan ako ni Kanna. Hinawakan niya ang laylayan ng polo ko.

"W-wag na," sabi n'ya. Gusto kong magmura sa sobrang galit. 'Di lang dahil mas pinili niya pang ipagtanggol ang hayop na 'yun kesa ang hayaang ipagtanggol ko siya. Bwiset!

Wala akong magawa.

Wala akong ginawa.

Sa halip, umupo ako sa tabi niya. Pinahid ko na lang ang luha niya. At niyakap siya ulit. Nakakuyom ang mga palad ko habang dahan-dahan niya namang kinukwento ang nangyari.

"Wag kang mag-alala. Gagawa ako ng paraan para magkaayos kayo." Kahit ako nagulat sa sinabi ko. Pwede na kong barilin ng mga Guardia Civil sa Bagumbayan. Dinaig ko pa si Rizal sa sobrang pagkamartir ko.

"Bes.." Niyakap niya 'ko pabalik. Napangiti na lang ako nang pilit habang hinahagod ang likod niya. Lord, gan'to po ba talaga 'pag nagmamahal? Gan'to po ba kasakit?

*****

"Yuta, sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Yumi.

Gabi na 'nun, naglalakad kami sa ilalim ng bilog at maliwanag na buwan. Kakatapos lang ng final rehearsal namin. Akala ko nga mag-oovernight pa kami dahil sa pagka-perfectionist ni Madam Megumi (haha. Asar ko 'yun sa kan'ya kanina kasi umuusok na naman ang ilong niya sa galit dahil tumakas ako sa kalagitnaan ng praktis kanina). 'Pag ganitong late na kami nakakauwi, hinahatid ko si Yumi. Isa pa, feeling ko sasabog na ko 'pag wala akong pagsasabihan ng mga problema ko—kay Kanna.

Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. "Yumi, alam mo naman ang sagot ko d'yan, di ba?"

"Pero..hindi naman sinabi sa'yo ni Kanna na pagbatii—"

"Mahal ko s'ya. Mas mahalaga sa'kin na nakikita s'yang masaya. Na-realize ko na hindi naman kailangang maging kami para maging masaya 'ko. Dapat ko lang matutunang maging kuntento sa pagkakaibigang meron kami. Sa ngayon, 'yun ang pinakamahalaga sa'kin. Isa pa.." Huminto ako saglit at tumingin sa langit. May nakita kong bulalakaw. Ang ganda. Ngumiti ako nang pilit saka tumingin ulit sa kan'ya. "Sabi nila, friendship is the highest form of love, di ba?"

"So susuko ka na lang? E ano 'yung sinabi mo dati na 'hindi kita ibibigay sa kan'ya'?? Ano 'yun, JOKE??" Haay. Minsan iniisip ko kung s'ya 'yung nawawalang parte ng utak—este—konsensya ko. Pa'no ba naman, lahat ng ayokong marinig sinasabi n'ya. Minsan nakakainis na. Lagi n'ya kasing ipinapamukha sa'kin ang mga flaws ko bilang isang tao.

Katahimikan.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa mga tanong n'ya. Siguro, 'yun din 'yung mga tanong na gusto kong itanong sa sarili ko.

"Wag mong lokohin ang sarili mo, Yuta," bigla n'yang sabi—na nakapagbasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Alam kong alam mo na hindi 'yan ang totoong gusto ng puso mo. Wag kang tumakas. Harapin mo ang problema mo at ibigay mo ang best mo sa paglaban. Hindi 'yung susuko ka na lang nang walang ginagawa. Hindi duwag ang Yutang kilala ko." Ngumiti s'ya nang tipid at saka pumasok sa loob ng gate nila.

Naiwan akong tulala, nakatingala sa nakasimangot na buwang tadtad ng pimples na nakabitin sa langit, at humihiling na sana..huwag ng dumating ang umaga.

Pag-uwi ko sa bahay, kumatok ako sa kwarto ni Kuya Seichiro. Pinaalala ko ulit sa sarili ko na 'wag basta-basta manugod at maglakas ng boses dahil ayokong magising at makialam pa sina Tita at Mika ('yung mataray at spoiled brat na kapatid n'ya—este—namin pala). Nang marinig kong nagsabi siya ng "Tuloy", binuksan ko ang pinto at nakita kong may mga tinatype s'yang dokumento sa computer. Nu'ng mapansin n'yang nasa loob na ako, agad n'yang hininto ang ginagawa n'ya, tumayo at hinarap ako nang nakangiti. Mukhang maaliwalas at masaya ang mukha n'ya. Ang sarap lapatan ng kamao at burahin ang kalmadong ngiting 'yon.

"Ito 'ata ang unang beses na magkakausap tayo nang personal." Nakangiti pa rin s'ya at malumanay ang kan'yang pagsasalita.

Hindi na ko nakapagpigil sa sobrang inis. Lumapit ako sa kan'ya at hinawakan s'ya sa kwelyo. Pataas. May pwersa at nakaambang na ang kanang kamao ko para suntukin s'ya.

"Bakit mo ginawa 'yon sa kan'ya, ha?! SABIHIN MO!!"

"Ha? Ano bang sinasabi mo, Yuta?"

"Hindi kita maintindihan. Pwede ba, ibaba mo 'yung kamao mo at pag-usapan na'tin 'to nang maayos?"

"Maayos?? Pasensya ka na, hindi ko alam 'yon!!" Agad ko s'yang sinuntok sa kanang pisngi na naging dahilan para mabuwal siya at mapaupo sa sahig.

Sapo n'ya ang kan'yang pisngi nang sabihin n'yang, "Ano bang problema mo??"

"BAKIT MO GINAWA 'YUN KAY KANNA?!" Di ko na napigilang magtaas ng boses sa galit. Sa totoo lang, gustong-gusto ko s'yang suntukin nang suntukin hanggang ma-realize n'ya 'yung maling ginawa n'ya. Pasalamat na lang s'ya at kahit pa'no, pinipigilan ko pa ang mga kamao ko.

"Kanna? Kilala mo si Kanna?"

"Bestfriend ko siya. PWEDE BA, 'WAG KA NG MAGKUNWARI! Bakit mo tinapon ang lunch box na ginawa n'ya para sa'yo?? Kung ayaw mo nu'n, sana hindi mo na lang tinanggap! E di sana hindi siya umiyak at nasaktan dahil sa ginawa mo!!"

Dahan-dahan s'yang tumayo. Walang poot na mababakas sa mukha n'ya kahit sinuntok ko na s'ya. "Wala akong alam sa binibintang mo sa'kin. Kahit nga ako nagtataka, kasi ang alam ko, pinasok ko 'yung lunch box na bigay n'ya sa bag ko. Balak ko sanang kainin pag-uwi ko sa bahay pero nu'ng nasa bahay na ako, wala na s'ya sa bag ko. Hindi ko alam kung sino ang kumuha nu'n at ang sabi mo nga e tinapon pa. Wala akong kinalaman du'n. Maniwala ka, 'Tol."

"At bakit naman ako maniniwala sa'yo??"

"Okay. Mag-so-sorry ako kay Kanna bukas at ipapaliwanag ko sa kan'ya ang nangyari, sapat na ba 'yun? Wala akong makitang dahilan para saktan si Kanna. She's a precious friend to me," sabi n'ya. Nagulat ako nang akbayan n'ya ko sa kaliwang braso ko. "Sorry kung dahil sa isang misunderstanding, nasaktan ko ang bestfriend mo, 'Tol. Tutulong ako sa paghahanap kung sino ang gumawa no'n."

"Siguraduhin mo lang na lilinawin mo kay Kanna ang nangyari bukas, kundi.." habol ko.

"Kundi..? Gugulpihin mo 'ko?" tanong niya tapos tumawa s'ya nang bahagya. "Okay lang 'yun sa'kin. I can always accept something that I deserve."

Hindi ako makapaniwala na hindi man lang s'ya nagalit sa ginawa ko. Ni hindi man lang siya gumanti ng suntok o sumagot nang pabalang. Di ko alam pa'no niya nagawa 'yun pero matapos n'yang magpaliwanag, parang okay na ang lahat.

Napangiti ako sa sarili, saka tumalikod at lumabas sa silid niya.

Tama nga si Yumi, kailangan kong patuloy na lumaban. Not because he's a rival to compete with, but because he's a rival worth fighting with.

*****

Unang beses na nagsabay-sabay kaming tatlo sa pagpasok sa eskwela—ako, si Kuya Seichiro at ang kan'yang kutong lupa—este kapatid—na si Mika. At katulad ng nangyari nu'ng Biyernes, 'di ko na naman maipaliwanag kung pa'no ko nakumbinsi ng taong 'yun na sumabay sa kanila. Namalayan ko na lang, nakaupo na ko sa tabi nila sa jeep.

"Hmp! Bakit kasabay pa natin 'yan!?" Umusod sa upuan si Mika at kumapit kay Kuya Seichiro. Ang arte. Ano ba ako, alipunga na dapat pinandidirihan?? Haayst. Sabagay, unang pagkikita pa lang namin, alam ko nang di ko siya makakasundo e. Bukod sa 'di ako nagkaro'n ng nakababatang kapatid (at di ako nag-asam na magkaroon ni sa bangungot), alam ko, mula sa nakaimbak na theories ko (na akalain mong meron pala ako?), na mae-equate sila sa term na 'sakit ng ulo'.

At napatunayan kong totoo nga iyon. Oo, tried and tested. Lalo na kung ang pangalan ay Mika? Naku. Double headache!

Tumawa lang nang bahagya si Kuya Seichiro at pinatong ang kanang palad niya sa ulo ni Mika saka nagsalita ng, "Mika, kapatid natin si Yuta. Learn to respect him. Call him Kuya Yuta, okay?"

"PERO KUYA?! Hindi ko pa rin s'ya matatanggap na kapatid! Alam mo namang s'ya 'yung anak sa—"

"Mika, stop that. Ituturing mo s'ya bilang kuya or else..." Biglang sumeryoso ang mukha n'ya. Nagdilim. "..hindi na ko magiging mabait sa'yo, sige ka." Akala mo nagbabanta pero nakangiti pa rin. Napalunok ako sa takot at napatingin na lang sa may bintana.

"Fine! Hmp!" sagot ni Mika tapos tumingin s'ya sa'kin. Inabot n'ya ang palad n'ya.

Gusto n'yang makipag-shakehands?

Napangiti ako at makikipag-shakehands na sana nang bigla n'yang hatakin ang kamay ko. Saktong biglang preno ng jeepney driver! Ayun. Muntik akong ma-out of balance at malaglag sa kinauupuan ko. Nagtinginan sa'kin 'yung ibang pasahero. Kinikimkim ang mga bungisngis nila. Anak ng tokwa naman o! Napatingin ako kay Mika para bulyawan pero ayun, tumatawa nang malakas!

"Ha-ha-ha! S-sorry, 'Kuya' Yuta! Ang pam-pam kasi ni Manong driver e! Hahaha!"

See? Double headache.

Nasa labas kaming dalawa ng Home Economics room. Sumilip ako sa bintana. Nandu'n nga si Kanna. Busy-ing-busy sa pagluluto. May iilan-ilan kaming mga kaklase na tumutulong sa kan'ya at dalawa sa mga 'yun, pinsan niya na lagi mang nasa background e mas updated pa sa'kin sa mga pangyayari sa kwentong 'to.

Sinenyasan ko na si Kuya na kumatok sa pinto at kausapin na si Kanna bago pa magbago ang isip ko at tubuan ako bigla ng sungay na pigilan silang magkausap.

Nu'ng magkausap na sila sa labas ng HE room, nagtago naman ako sa may hagdan. Takte. Bakit ba ako nagtatago? Haay..

Muntik akong mapalundag sa takot nang biglang sumulpot sa tagiliran ko sina Miki at Tomo. Bago pa ko magreklamo sa panggugulat nila, nakapag-"Shhh!" na sila nang sabay sa harap ng mukha ko. At dahil wala na kong nagawa kundi ang irapan ang magpinsan 'yun, tumingin na lang ulit ako pabalik du'n sa dalawang nag-uusap.

"Kanna, sorry kung nasaktan kita kahapon. Sabi pa nga ni Yuta, umiyak ka pa raw dahil sa'kin."

"K-kilala mo si Yuta?"

"Oo, kapatid ko s'ya."

BOOM! Patay tayo d'yan! Nawala sa isip ko ang posibilidad na mangyayari 'to. Oo nga pala, hindi ko pa pala nasasabi sa kan'ya na kapatid ko sa ama ang taong gusto n'ya (raw).

Naramdaman kong kumapit sa braso ko si Miki. Inakbayan naman ako ni Tomo. Para bang sinasabi nilang 'andito lang kami, Bro'. Isang simpleng ngiti ang binalik ko sa kanila saka ko bumuntong hininga. Ito talagang magpinsan na 'to, ang bilis makaramdam 'pag di na ko okay.

"T-talaga, Kuya Seichiro? H-hindi ko alam." Parang nagulat na masaya na malungkot na di ko maintindihan ang expression ng mukha ni Kanna.

Katahimikan.

"Look, sorry sa misunderstanding. Actually, kung di pa sinabi sa'kin ng utol ko na may nagtapon pala ng lunch box na bigay mo sa'kin, hindi ko malalaman. Nawala kasi 'yun sa bag ko. Nalaman ko na lang nu'ng makauwi na ako ng bahay. Believe me, hindi ko magagawa 'yun. Hindi ko kayang itapon ang isang bagay na galing sa'yo," sincere na sabi n'ya na nakabasag ng katahimikan sa pagitan nila.

"N-naku, haha. W-wala 'yun! Okay lang. Kasalanan ko naman e, kasi nag-assume ka'gad ako na ikaw 'yung nagtapon. I'm sorry din kasi pinagbintangan kita," nahihiya at namumulang sabi ni Kanna. Kita mo 'to! Nag-sorry lang, pinatawad mo na agad! Wag ka ngang pa-easy to get, Kanna! Haayst. Sige, ako na ang apektado. Ako na ang nagseselos. Na-realize ko tuloy 'yung kahalagahan ng mga tulay sa nation building. Mabuhay kayo. Mabuhay tayo.

"Wala 'yun sa'kin. O siya, mauna na ko. Alam kong busy ka," akma na sana s'yang aalis pero huminto s'ya at lumingon ulit kay Kanna. May nakalimutan 'ata. "S'ya nga pala, 'wag mong kalilimutang magpasalamat sa bestfriend mo. Hindi mo alam kung ga'no s'ya nag-alala dahil sa nangyari," dagdag niya tapos ngumiti siya at tuluyan nang umalis.

Hindi ko inaasahan 'yung mga huling sinabi niya. Parang dahil do'n, hindi ko na kayang magalit sa kan'ya. Kahit na alam kong nasasaktan ako na nakikitang okay na ulit sila—pero ako—hindi pa.

Pagkatapos umalis ni Kuya, nakita ko ulit 'yung ngiti sa labi ni Kanna na matagal ko nang di nakikita. 'Yung ngiting carefree, sobrang ganda, at nakaka-inlove.

Kung ang ngiti n'yang 'yun ang naging reward sa ginawa ko? Okay na siguro 'yun.

Kahit hindi dahil sa'kin kaya s'ya nakangiti. Okay lang siguro 'yun.

Nagulat ako nang itulak ako nina Miki at Tomo palabas ng tinataguan namin. Muntik tuloy akong madapa. At dahil do'n, nakita ako ni Kanna. Arghh! Badtrip!

Nu'ng tumingin ako sa paligid, wala na 'yung dalawa. Bwiset! Ano sila, kabute??

"Yuta!" Tumakbo s'ya palapit sa'kin at niyakap ako nang mahigpit. Bakas sa mukha niya ang sobrang kaligayahan. "Thank you talaga! Kundi dahil sa'yo baka hindi kami nakapag-usap ni Kuya Seichiro tungkol sa nangyaring misunderstanding! Salamat talaga, Bes!"

Sobrang higpit ng yakap niya sa'kin, para na 'kong nasasakal—nasasakal hindi ng yakap niya kundi ng mga salitang 'yun.

"T-tama na nga 'yan. Ang drama mo, alam mo 'yun?" sabi ko na lang at humiwalay na sa pagkakayakap niya. Naisip ko kasi na kung magtatagal pang nakayakap siya sa'kin at paulit-ulit kong naririnig ang mga pasasalamat niya, baka biglang gumuho 'yung wall kung saan pilit kong tinatago 'yung nararamdaman ko para sa kan'ya. Baka bigla kong masabi. Baka bigla akong magpakatotoo at aminin na sa kan'ya ang lahat.

Pero hindi pwede. Ayoko—ayokong biglang gumuho 'yun nang wala sa oras.

Ngunit, katulad ng inaasahan ko, yumakap ulit siya sa'kin. This time, nakatago ang mukha niya, nakasandal sa dibdib ko. Naramdamang kong basa na 'yung polo shirt ko. Umiiyak ba s'ya o pinagpapawisan lang ako sa sobrang kaba?

"Bes, namiss kita. Sobra," sinabi n'ya nang pabulong habang sumihinghot-hingot. Umiiyak nga s'ya. Kung di ko s'ya kilala baka akalain kong nabaliw na siya kasi kanina lang ang saya-saya niya tapos ngayon umiiyak na. Humarap siya sa'kin. Patuloy sa pag-agos ang luha niya. Punas siya nang punas sa mga ito habang sinasabing,

"Kung ano man ang maling nasabi o nagawa ko sa'yo nu'ng Valentines, Bes, sorry na, s-sorry talaga. A-ayoko nang hindi tayo nagpapansinan. A-alam mo ba, ilang araw na akong wala ganu'ng tulog kasi iniisip ko, pa'no kung ayaw mo na sa'kin? Pa'no kung di mo na ko kailangan?"

Napatanga lang ako sa mga sinabi niya. Namangha? Oo, kasi 'yun ang eksaktong iniisip at nararamdaman ko. Ibig sabihin, pareho lang pala kami ng pakiramdam nu'ng nagkagalit kami?

Bigla, may ngiting nagtatago sa loob ng seryoso kong mukha habang pinagmamasdan s'ya.

"Sana kahit may girlfriend ka na, wag mo kong iechupwera sa buhay mo, Bes. Pinapangako ko sa'yong di na kita aasarin kay Yumi kung 'yun man ang dahilan kung bakit ka nagalit sa'kin, basta wag lang 'yung di mo ko papansinin." Tapos ngumawa siya nang parang bata sa harap ko. Nagtinginan tuloy 'yung mga kaklase naming nasa loob ng HE room at kanina pa pinagpipyestahan ang usapan namin. Hinatak ko s'ya du'n sa may gilid—sa may hagdan kung saan ako nagtago kanina. Ngawa pa rin s'ya nang ngawa at paulit-ulit na nagso-sorry.

"Hindi ko girlfriend si Yumi kaya tumahimik ka na d'yan. I-ikaw ang pinakaimportanteng babae sa buhay ko simula nung..mawala si M-mama." Hindi ako makatingin nang diretso sa mata n'ya. Tumingin lang ulit ako nang matapos na 'kong magsalita. Parang nagulat siya. Pero at least tumahan na siya. Teka, safe naman 'yung sinabi ko, di ba? Wala namang lumabas na hint na may gusto ko sa kan'ya, di ba??

"P-pero nagalit ka sa'kin nu'ng—"

"Nagselos ako nu'n," amin ko. Wala na kong choice. Pag di ko 'to sinabi, hindi niya ko tatantanan tungkol kay Yumi. Lalo ko lang masasaktan si Yumi kung magpapatuloy pa ang mga tsismis.

"Ha?! N-nagselos?? Kanino?" Takte! Kanna, mababatukan na kita! Alangan namang sa aso n'yo ako magselos. Hayst! Kanino pa ba??

"Alam mo naman kung kanino, di ba??" Ayan tuloy, nalakasan ko ang boses ko. Ramdam kong umiinit na ang mukha ko at namumula na pati tenga ko. Bwiset! Pinagsisisihan kong sinimulan ko ang topic na 'to maiwas lang na si Yumi ang mapag-usapan.

"K-kay Kuya Seichiro?" tanong niya. Umiwas ako ng tingin. Tumawa s'ya nang bahagya, "Pfft. Bakit ka naman nagselos sa kan'ya?"

"K-kasi.."

"Kasi?"

Katahimikan.

Wala na. Hanggang dito na lang ang kaya ng lakas ng loob ko. Hindi ko naman kasi inaasahang itatanong n'ya pa kung bakit. Akala ko 'pag sinabi kong nagselos ako nu'n, end of the conversation na. Hindi pa pala. Peste! Sino bang naka-imbento ng follow up question??

"Siguro kasi iniisip mo rin ang iniisip ko na..baka..hindi na kita kailangan as bestfriend dahil kay Kuya Seichiro..?" hula niya habang nakangiti. Hindi ko alam kung nang-aasar lang siya o talagang purong hula lang 'yun. Tumango na lang ako at tumalikod. Ayoko nang pahabain ang usapan. Baka may masabi pa akong hindi n'ya dapat malaman. Lumakad na ako.

"Wuy! Hindi 'yun mangyayari kahit kelan! Ikaw lang ang nag-iisang bestfriend ko!" masaya n'yang sigaw.

At ikaw naman ang nag-iisang laman ng puso't isip ko.

"YUTA!!" kakatapos ko lang magbihis sa dressing room nu'n nang biglang pumasok at binulabog ni Pres Meg slash Direk ang pananahimik ko at ng kwartong 'yun.

"O bakit? Anong problema, Pres?"

"NASAAN SI YUMI?! Kanina ko pa s'ya hinahanap!"

"Ha? Wala pa ba s'ya?" Ngayon ko lang napansin na oo nga, hindi ko pa s'ya nakikita mula nu'ng pumasok ako ng school.

"Itatanong ko ba kung nandito na s'ya??" pagalit n'yang sagot.

"Sorry naman! E nasubukan n'yo na bang kontakin s'ya?"

"Kanina pa! Pero hindi sinasagot e!" Halatang-halata ang pagkataranta ni Pres. Pinmagpapawisan na siya at nammutla. Ako naman, nagsimula na ring kabahan. Nasaan ka Elisa—este—Yumi??

Sinubukuan ko ring tawagan siya pero ganu'n din. Ayaw sagutin!

"Pres, wala na tayong choice! Magplan B na tayo!" sigaw ng isa naming classmate na pumasok na rin sa loob ng dressing room.

Mukhang nahihirapang magdesisyon si Pres dahil kanina pa s'ya paikut ikot kung lumakad. Nag-iisip pa 'ata ng ibang option. Takte! Gusto ko ng puntahan ang bahay nila Yumi kaso wala ng oras! Ilang minuto na lang magsisimula na ang play! Lord, anong gagawin namin? Sayang naman po ang pinaghirapan naming praktisin ng ilang linggo kung hindi lang din kami makaka-pagperform.

"Sino? Sinong ipapalit natin sa kan'ya??" natataranta pa ring sabi ni Pres. Pakiramdam ko tutulo na ang luha niya sa sobrang pressure.

Nagulat ako nang pumasok din sa dressing room sina Miki at Tomo, na pilit kinakaladkad si Kanna sa loob. "Ano ba, bitawan niyo nga ako!! Kamote naman o! Ano na naman bang gimik 'to?!" reklamo ni Kanna habang nagpupumiglas.

"Pres, s'ya na lang," sabi ni Miki, pokerfaced pero alam mong may maitim na balak. Tumango naman si Tomo habang nakahawak sa salamin niya sa mata at bahagyang nakangisi.

Pumalakpak si Pres ng dalawang beses at nag-utos na, "Costume and Make-up Committee, make-up-an ninyo na at palitan ng costume ang damit ni Kanna. Now na! Wala na tayong oras!"

"H-HAAAA??" reaksyon ni Kanna na gulat na gulat. Kahit ako, nanlaki ang mga mata. Napatingin sa'kin si Kanna, nanghihingi ng tulong ang mga matab niya pero wala akong maisagot. Hindi ko rin kasi alam kung anong nangyayari. Sobrang bilis ng pacing ng bawat eksena.

Dali-daling hinawakan ng mga kaklase naming babae ang magkabilang braso ni Kanna. Para s'yang hinuhuli ng mga pulis nang wala namang kasalanan. Nanlaban s'ya. Nagpumiglas.

"B-bitawan niyo nga ako! Ano ba! YUTAAAA!!" unti unting nag fade out ang boses niya dahil tuluyan na s'yang naipasok sa loob ng kabilang kwarto.

Napalunok ako bigla.

Hindi ko inaasahang mangyayari 'to. Anong gagawin ko?

[Chapter Seven]

Kanna

Kada tik tak ng orasan, lalo akong kinakabahan. Limang minuto na lang bago tawagin ang section namin at hanggang ngayon nangangapa pa rin ako sa mga linya ko. Hay naku! Lagot talaga sa'kin sina Tomo at Miki mamaya! Kundi dahil sa kanila, di ako magiging substitute ni Yumi at di ako malalagay sa gan'tong sitwasyon kung sa'n di ko alam kung:

1. Iiyak na lang ako dahil sa sobrang pressure;

2. Sasabihin kay Pres Meg na di ko talaga kaya 'to dahil wala naman akong katalent-talent sa acting at sobrang imposible na makabisado ko 'to sa maiksing panahon (like twenty minutes!);

3. Mag-back out (magpanggap na nai-LBM o masakit ang puson) at mag-suggest ng ibang taong gaganap;

4. Humiling ng himala; o kaya

5. Sabihin ang 'Bahala na si Batman'. Repeat until fade.

Maliban sa number six (na hindi nag-e-exist), ano sa listahan ko ang dapat kong gawin? Argh! Kung pwede lang maresolba ng paggawa ng wala ang sitwasyon, sana di ako naii-stress ngayon. Haayst!

Nasa kalagitnaan ako ng pagiging Sisa na na-exorcist at masakit ang ulo nang dumating si Yuta para inisin ako. Oo, tawa siya nang tawa dahil lalo raw akong nagmukhang manang sa suot ko. Palibhasa kasi, lalo siyang gumwapo sa suot niyang damit pang-prinsipe kaya kung tubuan ng electric fan sa bibig, akala mo may-ari ng Standard. Alam ko naman na di bagay sa'kin 'tong European dress na 'to dahil nakalaan 'to para kay Yumi na ni sa kalingkingan niya e walang-wala ako.

Bumuntong hininga ako at sinimangutan si Yuta. "Isang lait pa at—"

"Joke lang. Bagay kaya sa'yo." Nagulat ako kasi bigla s'yang nagseryoso at parang nahihiya s'yang sabihin 'yon. "Nagmukha kang babae. Ha-ha-ha!" pahabol niya sabay takbo palabas.

Nagsalubong agad ang mga kilay ko at pinandilatan siya. "Bakit, di ba 'ko mukhang babae dati, ha??" Sinundan ko siya para sabunutan. Sinigawan ko pa siyang 'wag papahuli sa'kin kundi kakalbuhin ko siya. Tawa lang ang laging sagot niya habang tumatakbo nang mabilis.

Na-realize ko lang na lugi ako sa takbuhan dahil sa haba ng dress na suot ko nang bigla kong maapakan ang laylayan nito. Muntik na kong madapa, buti na lang inalalayan ako ni Yuta.

Unexpectedly, nagkatitigan kami. Ilang inches na lang ang layo ng mukha n'ya sa'kin. Nakita kong nagulat s'ya at namula. Nauna s'yang umiwas ng tingin.

"H-hindi ka kasi nag-iingat e," sabi niya nang pabulong.

Ngumiti ako. "And'yan ka naman para saluhin ako, di ba?" sabi ko habang inaalalayan niya 'kong makatayo nang maayos.

"Weh. Ganyan ka, ako na lang lagi ang sumasalo, pa'no naman ako?" sagot niya tapos sumipol siya habang nakatingin sa malayo.

Napakunot ako ng noo. Hindi naman s'ya kasing clumsy ko. Paano namang siya ang madadapa?

"Hoy Yuta! Kanna! Ano, tutunganga lang kayo d'yan??" sigaw ni Pres sa di kalayuan. Nakapa-maywang siya at umuusok ang ilong sa galit. "Baka gusto n'yong kumilos at magsisimula na ang play?! Tsk, kung saan-saan pa kasi kayo nagpupunta e!"

Namutla ako bigla. At kinabahan. At nataranta. Pakiramdam ko masusuka ko na maiihi na—

"Tara na?" tanong ni Yuta. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Parang may dumaloy na kuryente mula sa kamay niya patungo sa'kin. Kakaibang pakiramdam. Ang gara naman. Dati kahit hawakan ni Yuta ang kamay ko nang ilang oras, wala lang sa'kin. Ba't ngayon parang may iba—? Parang..

"Yuta, kinakabahan ako," sabi ko. Kailangang may sabihin ako para di ako malunod ng mga iniisip ko. Ngumiti siya. Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko nang ilagay niya ang kaliwang kamay ko sa tapat ng puso niya. Nag-blush ako at di ko naiwasang mapatingin sa mga mata n'ya—na nakatitig naman sa'kin. At naramdaman ko ang tibok ng kan'yang puso, na nakikipag-unahan sa bilis ng tibok nang sa'kin.

"Hindi lang ikaw ang kinakabahan," sabi niya. "Kaya natin 'to." Kahit nag-aalangan pa rin ako at natatakot, tumango na lang ako. Automatic na hinatak niya ang kamay ko at sabay kaming sumunod kay Pres papuntang backstage.

Sa backstage, naririnig ko na ang hiyawan ng mga tao. Ilang segundo na lang at magsisimula na ang musical play na pinakahihintay ng lahat.

*****

'Sing itim ng langit kapag gabi ang loob ng auditorium na sa pagkakarinig ko ay full house ngayong tanghali. Rinig mula sa kinatatayuan namin ang ano mang ingay mula sa audience, damay pati sarili naming paghinga at tibok ng mga puso.

"Once upon a time, in a land far far away, nagkrus ang landas ng dalawang taong punung-puno ng trahedya ang buhay—si Rose DeWitt Bukater na nakatakdang ma-inlove sa malulunod ring si Jack Dawson—at si Romeo Montague na nakatakdang ma-inlove sa mamamatay ring si Juliet Capulet." Kasabay ng nakakabilib na narration ni Pres Meg ang pagtugtog ng isang instrumental song, na dinownload lang ata kanina ni Soushi mula sa Youtube (in fairness, ang ganda. Bagay sa tema ng dula), at paghinto ng audience sa pag-iingay.

"Mabago kaya nila ang kanilang kapalaran at ma-inlove sa isa't isa?" On cue, pumwesto na ang lahat ng kasali sa first scene. Waah. Kinakabahan na 'ko! "Atin nang tunghayan ang pinagmamalaking musical ng 3rd year section 1 sa patnubay ni Mrs. Oda. Ang musical tungkol sa makulay na pagtatagpo ng mga pusong nakatakdang mabigo—ROMEO AND ROSE."

Malakas na palakpakan at hiyawan ng audience ang sumalubong sa pagbukas ng telon at mga spotlights—isa sa kaliwa kung saan ako nakapwesto at isa sa kanan para kay Yuta. Nasa paligid ang iba naming kaklaseng nakasuot pangmaharlika na ang role lang e kunwaring nagchichismisan. Humupa ang palakpakan nang sinimulan ng patugtugin ni DJ Soushi ang isang klasikong awiting nilikha para sa gan'tong uri ng okasyon.

"Nagkakilala ang dalawa sa isang pagtitipon ng isang mayamang pulitiko," paliwanag si Pres. Lumapit sa'kin si Yuta hawak ang dalawang wine glass na may lamang champagne at iniabot sa'kin ang isa. Halata sa mukha niya ang sobrang kaba. Iniisip ko tuloy kung 'yun din ba ang repleksyon ko sa mga mata niya at sa audience.

"Cheers?" suave at pa-cool n'yang tanong. Mahinhin akong tumango at nag-cheers kami at nagngitian sa isa't-isa—sabi sa script magtitigan daw kami na parang nai-inlove so inimagine kong ang kaharap ko ngayon ay si Kuya Seichiro. Ilang minuto na ang lumipas at sa pagkakatanda ko, linya niya ang susunod pero nakatitig pa rin siya sa'kin kaya pasimple ko s'yang binulungan. "Yuta, ikaw na ang magsasalita." Nanlaki ang mga mata niya at namula saka nagmamadaling lumuhod at hinalikan ang kamay ko tapos tumingala siya sa'kin. Napahinto, kasabay ng musika, ang lahat ng mga chismosang extra sa background at napatingin sa aming direksyon.

"Binibini, sa kalaliman at kadiliman ng gabi, isa kang marikit na bituin na nagpakislap sa aking mga mata. Maaari ko bang malaman ang magandang pangalan ng makislap na bituin sa aking harapan?"

Inaamin kong kinilig ako sa linyang 'yon ni Yuta pero di ko pinahalata at bahagyang namaypay habang nakatingin sa ibang direksyon. Ilang segundo makalipas, naalala kong ako na pala ang magsasalita kaya tinapunan ko siya ng tingin at ninenerbyos na nagpakilala. "A-ako si Rose, Rose DeWitt Bukater."

"Ako naman si Romeo, Romeo Montague. Ikinagagalak kitang makilala, Rose," sabi niya tapos hinalikan niya ulit ang kamay ko. Ngayon ko lang napansin na nanginginig siya.

Ngumiti ako at itinayo siya. "Ikinagagalak rin kitang makilala, Romeo."

Biglang nagdilim ang paligid. Senyales ng pagtatapos ng unang kabanata. Nagsimula nang mag-narrate ulit si Pres habang kami ay busy sa pagpunta sa backstage at pagpapalit ng damit, at ang iba naman ay nagpapalit ng setup sa stage para sa susunod na scene. "Dahil sa pagkikitang iyon, naging matalik na magkaibigan ang dalawa. Hindi inaasahan ngunit nagkagusto ang bolerong si Romeo sa kan'yang bestfriend na si Rose. Limang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin niya magawang magtapat dahil natatakot s'yang masira ang kanilang pagkakaibigan. Isa pa, wala s'yang lakas ng loob na magugustuhan rin siya nito."

Pagkabukas ng malaki at maliwanag na spotlight sa tapat ni Yuta sa kaliwang bahagi ng stage, at mapusyaw na liwanag naman ang sa'kin sa gawing kanan (sapat lang para maaninag ng mga taong ako ang andu'n) ay nagsimula na ang instrumental. Nakatanaw si Yuta mula sa tapat ng veranda kung saan ako'y nakatingin sa kabilang direksyon habang sinusuklayan ng isang katulong. Halos maihi ang mga audience na babae nang magsimula n'yang awitin ang unang stanza:

"Alam mo ang ganda mo pala, 'pag tumawa ang iyong mata. Hinahabol kong bawat mong tingin ngunit ito'y di mo napapansin. Puro ako pagmamayabang, porma ko laging astig, di ba? Sino ba ako puro dating sa'yo. Bagay tayo ngunit manhid ka, talaga.."

Dumilim ulit at nagkapalitan naman kami ng spotlight—this time, mas malaki 'yung sa'kin at mag-isa na lang ako sa veranda, habang siya naman ay nakatingin sa malayo, nagsa-soundtrip gamit ang kan'yang Ipod shuffle. Delayed pero di pahuhuli, tumugtog na ang instrumental ng kanta ng Parokya ni Edgar na "Pangarap Lang Kita"—na lalong nagpakaba sa'kin dahil ako na ang kakanta.

Huminga ako nang malalim at saka umawit (sana 'wag masira ang mic na hawak ko at ang mga eardrums nila!), "Ang hirap maging babae, kung torpe 'yung lalaki. Kahit may gusto ka, di mo masabi. Hindi ako 'yung tipong nagbibigay motibo. Conservative ako kaya di maaari. At kahit mahal kita, wala ako magagawa. Tanggap ko oh aking sinta, pangarap lang kita."

Tumugtog ang bridge ng kanta at tinanggal niya ang earphone niya habang papalapit kami sa gitna. Lumakas ang tugtog pati ang liwanag na nakatutok sa'min. Naghawak kami ng kamay ngunit magkatalikuran at sa magkabilang direksyon nakatingin habang kinakanta ang chorus.

"At kahit mahal kita, wala ako magagawa. Tanggap ko oh aking sinta, pangarap lang kita.."

Pagkatapos, nagdilim na ulit ang paligid. Naging aligaga ulit ang lahat sa stage. Nagsimula na naman ang isang panibagong instrumental sa saliw ng boses ng narrator. "Ngunit sa kabila ng agam-agam ni Romeo, napagdesisyunan niya na rin isang araw na magtapat kay Rose."

Nagbukas ulit ang spotlight, kami lang dalawa, sa gitna, magkahawak ang mga kamay, parehong kinakabahan. Napansin kong may namumuo nang pawis sa may patilyo ni Yuta. Binigyan ko siya ng isang reassuring na ngiti at marahang pisil sa kamay. Ngumiti siya, mukhang nabawasan na 'yung stiffness niya saka huminga nang malalim at tinitigan ako sa mga mata at sabay sa musika ay kumanta siya.

"Natupad din ang aking pangarap na ipagtapat sa'yo. Ibubulong ko na lamang sa alapaap ang sigaw ng damdamin ko. Sulyapan mo lang sana ang langit, baka sakaling marinig ng puso mo ang tinig ko. Maalala mo sana ako dahil noon pa man, sa'yo lang nakalaan ang pag-ibig ko. Bawat sandali na ikaw ay kasama para bang di na tayo muling magkikita. Kaya ngayon aaminin na sa'yo na mahal na mahal kita, maalala mo sana."

Nag-shift ang kanta, pati ang kumakanta.

"Hindi ko maintindihan ang nilalaman ng puso, tuwing magkahawak ang ating kamay. Pinapanalangin lagi tayong magkasama, hinihiling bawat oras kapiling ka. Sa lahat ng aking ginagawa, ikaw lamang ang nasa isip ko, oh Romeo. Sana'y di na tayo magkahiwalay, kahit kailan pa man."

Bahagyang humina ang background music, nagbigay daan sa linya ni Yutang "I-ibig sabihin—?" Tumango ako at ngumiti nang malapad. Lumakas ulit ang musika at nag-duet kami sa chorus. Grabe, first time talaga namin 'tong ginawa. Partida, wala kaming kapraktis-praktis pero pakiramdam ko may harmony kaming dalawa—parang alam ng bawat isa ang dapat gawin o sabihin. Ewan. Parang magic.

Natapos ang kanta nang magkayakap kami. Namatay ulit ang ilaw—badya ng unos—para kina Romeo at Rose.

[Chapter Eight]

Yuta

Pucha! Di na kinakaya ng puso ko 'yung mga eksena! Sana pala si Yumi na lang ulit ang partner ko nang di ako lutang nang gan'to. Kalmado kasi ako 'pag siya ang kapalitan ko ng linya. 'Pag kay Kanna, bwiset! Halos lahat ng gawin ko, kundi delayed, palpak o sabit!

Pero inaamin ko naman na may mga pagkakataon na heaven ang feeling dahil si Kanna ang kaeksena ko. 'Yung tipong ang sarap n'yang halikan kaso wala sa script? Haay. Sana 'yung lyrics ng mga kanta kanina ay ang tunay na nararamdaman niya para sa'kin.

"Okay na sana ang lahat kaso one day, may sinabi si Rose na pinagtatakhan ni Romeo kung anong ibig sabihin." On cue, nagbukas ang spotlight. Nakahiga ako sa lap ni Kanna na sa totoo lang e first time kong naranasan. Nabatukan niya pa nga ako kanina kasi ang likot ko raw. E sino ba naman kasing magiging mahinahon kung nakahiga ka sa lap ng taong mahal mo?

Nagsimula ang instrumental ng "Minsan Lang Kitang Iibigin" ni Regine Velasquez. Mukhang nagko-concentrate na s'yang umiyak kaya nagpakabait na 'ko at umaktong normal.

"Mahal, pangako sa iyo, hindi magbabago, ikaw lang ang iibigin ko. Kahit, ako ay lumayo at masaktan ako, damdamin ko'y di magbabago. Ang pag-ibig ko'y alay sa'yo lamang, kung kaya giliw dapat mong malaman.."

Saktong naputol 'yung kanta nang magsalita ako. "Rose, h-hindi kita maintindihan." Hinawakan ko ang kan'yang mga pisngi. Teka, ayoko ma-distract! Ang lapit nang mukha namin sa isa't isa!

"A-alis ka?"

Imbis na sumagot ay pinagpatuloy niya ang pagkanta. "Minsan lang kitang iibigin." Hala, nagsimula nang pumatak ang mga luha niya. At napapatakan ang mukha ko. "Minsan lang kitang mamahalin."

Napabalikwas ako at niyakap siya. Muntik ko nang makalimutan ang linya ko. Haha. "Rose, tell me, what's wrong? (Naks, English!)

"Ang pagmamahal sayo'y walang hangganan. D-dahil ang minsan ay magpakailanman." At tuluyan na s'yang humagulgol habang yakap ko. Dumilim ulit at nagsimula ang panibagong eksena.

"Pagkatapos ng araw na iyon ay isang linggong hindi nagpakita si Rose nang wala man lang nababanggit na dahilan kay Romeo. Labis na nasaktan ang lalaki at dahil dito ay napakanta siya ng—" opening ni Pres Meg kasabay ng nakakasilaw na liwanag at nakakadalang ritmo mula sa kantang rock 'en roll—este—"Ikaw Pa Rin" by Letter Day Story. May hawak akong electric guitar (prinsipeng may hawak na electric guitar? Dito lang nauso 'yan!) at nag-rock on sign sa audience na nagsimulang maghiyawan at palakpakan (akala mo tuloy may concert!).

"Ilang araw na kitang hinahanap at wala ka. Isang linggo nang nakalipas hindi ka pa rin nagpapakita. Pa'no kung bigla ka na lang iiwas at mawawala? Di 'to matatanggap ng buong buhay ko." Todo birit kasama ng audience! Wuuh! "Nais kong malaman mo na ikaw lang ang nasa puso ko at kahit na anong mangyari Ikaw pa rin ang iibigin ko."

Nagdilim ulit. Nabitin lahat. This time mas malakas ang palakpakan at hiyawan ng mga tao. Ngumiti ako. Ayos! Nagiging maganda ang usad ng play.

"Pagkalipas ng isang buwan ay nagpakita rin si Rose sa kan'ya – dala ang isang masamang balita," pagkasabi nu'n ni Pres, nagbukas ang dalawang spotlight na nakasentro sa aming dalawa. Magkaharap ngunit habang hindi siya makatingin nang diretso, nagtatanong naman ang aking mga mata. (Syempre, joke lang 'yon. Pa'no ba magtanong ang mata? Kumukurap-kurap ba na parang nagsasalitang bibig?)

"Rose, sa'n ka ba nagpunta?" tanong ko. "Bakit bigla ka na lang nawala? Hindi mo ba alam kung ga'no ko nag-alala sa'yo?"

"Oh Romeo, Romeo, nakikiusap ako." Tumalikod siya sa'kin at nilingon ako nang sabihin n'yang, "K-kalimutan mo na 'ko." Parang di ata kakayanin kung sasabihin niya 'yan sa'kin sa tunay na buhay.

"Ha?? Bakit? H-hindi mo na ba ako mahal?" Ang tanong, mahal niya ba 'ko?

Umiwas siya ng tingin at sumagot ng, "H-hindi sa gano'n.."

"E ano??" tumaas na ang boses ko, sabi kasi ng script e.

"Nakatakda na akong ikasal sa iba." Nang sabihin niya 'yon, hinatak ko siya at niyakap nang mahigpit saka kumanta ng,

"Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig. Maghintay ka lamang, sa kasal nyo ako'y darating. Pagka't sa isang taong mahal mo nang buong puso, lahat ay gagawin. Makita kang muli. Makita kang muli.."

At..dumilim ulit ang paligid.

Nang magbukas ulit ang mga spotlight na nakatutok sa kan'ya (wala ako sa scene na 'to, sayang!). Nakasuot siya ng pangkasal at may hawak na bouquet ng bulaklak. Nakatanaw ako sa backstage pero seryoso, ang ganda niya! Lalo pa't suot n'ya ang Twisty Heart. Nangingiti ako habang nag-iimagine na kinakasal kaming dalawa. Haha.

Nagulat ako nang batukan ako ni Tomo. "Aray! Ano bang problema mo??" reklamo ko.

"Wag ka munang mangarap d'yan. May dapat ka pang ipagpasalamat sa'min ni Miki mamaya," sabi niya habang nakangisi. Hindi na 'ko nakasabat kasi nagsimula na ang instrumental ng kantang "Ang Pag-ibig Kong Ito" ng Moonstar88. Pareho kaming nakaantabay sa solo performance ni Kanna.

"Umiiyak ang aking pusong nagdurusa, ngunit ayokong may makakita." Nagsimula nang dumaloy ang mga luha niya. Ramdam ko 'yung lungkot niya. Grabe. "Kahit anong sakit ang aking naranasan, 'yan ay ayokong kan'yang malaman. Mga araw na nagdaan, kailanma'y hindi malilimutan. Kay tamis na araw ng pagmamahalan, ang akala ko'y walang hangganan. Ang pag-ibig kong i—"

Huminto ang kanta nang kumatok sa pinto ang kaklase naming nakadamit pang-katulong.

"Milady, pinapatawag na po kayo ni Madame DeWitt Bukater."

Pinahid ni Kanna ang kan'yang luha at sumagot ng, "O-okay. Susunod na ko sabihin mo."

Dumilim ulit at nag-narrate si Pres Meg. "Tulad ng inaasahan, dumating si Romeo upang ipaglaban si Rose. Nasa mansyon pa lang si Rose nang maulinigan niya mula sa veranda ang boses ni Romeo. Agad s'yang dumungaw upang masilayan ang binata."

"Rose!" sigaw ko.

Nagsimula na namang tumulo ang luha ni Kanna. Ang galing, timing na timing! "Romeo, umalis ka na." May halong diin at pakikiusap ang tono ng boses niya.

"Ha? Bakit??"

"UMALIS KA NA!" Nagsimula ang instrumental, kasabay ng pagdating ng mga nakasuot ng costume na pam-bodyguard. Hinarang nila ako at pigilang makalapit sa mansyon.

"B-bitawan niyo nga ako!" Patuloy akong nanlaban sa mga guard. Tumingala ako kay Kanna at saka kumanta ng, "Oh kay bilis namang magsawa ng puso mo. Gan'yan ka ba talaga, bigla na lang naglalaho? Para bang walang nangyari. Di mo man lang sinabi..Sana'y hindi na lang pinilit pa, wala ring patutunguhan kahit sinabi ko pang mahal kita. Nalulungkot, nayayamot, nabubugnot, hindi ko pa yata kaya pang labanan ang damdamin ko.

"Nakakainis talaga, nagmukha tuloy akong tanga. Pinaasa mo kasi, puso ko ngayon tuloy lumuluha. Dahil iniwan mo kong mag-isa, ilang buwan lang ay babay na. Sana'y hindi na lang pinilit pa, wala ring patutunguhan kahit sinabi ko nang mahal kita."

"Romeo, Oh Romeo. I'm so sorry. Tama na, please? Hindi ko 'to ginusto pero..wala na tayong magagawa kaya..umalis ka na!" Huminto siya saglit saka sumigaw, habang umiiyak. "GUARD!!"

Ang lakas ng pwersa ng mga guard. Nanlaban ako at nagsimula na naman ang isang kanta..

"Sandali nga lang." Pinilit kong maging teary-eyed sa eksena, sana gumana! "Maaari bang pagbigyan? Aalis na nga, maaari bang hawakan ang iyong mga kamay? Sana ay maabot ng langit ang iyong mga ngiti, sana ay masilip. 'Wag kang mag-alala, di ko ipipilit sa 'yo, kahit na lilipad ang isip ko'y torete sa 'yo. Ilang buwan pa nga lang nang tayo'y pinagtagpo, na parang may tumulak, nanlalamig, nanginginig na ako. Akala ko nu'ng una, may bukas pa na ganito. Mabuti pang umiwas pero salamat na rin at nagtagpo." Nang magchorus, lumakas ang musika at nagduet kaming dalawa sa awiting "Torete" habang umiiyak, nasasaktan.

Isang blessing ang kadiliman nang matapos ang kanta. Para hindi makita ng mga katabi mong umiiyak ka, katulad ng mga nag-iiyakan na sa audience na nakaka-relate ata. Grabe, napaka-universal talaga ng musika. Kahit di kami (este, ako lang pala) ganu'n kagaling umarte, naging effective pa rin ang eksena at naipahayag namin ang mensahe ng kanta. Nag-aalisan na ang mga guard kasi last scene na ang susunod (finally) nang hawakan ko si Kanna sa kamay. Ayoko s'yang makawala. Ayokong makawala ang pagkakataon na ito para sabihing, "Ang galing mo kanina."

"Che. Ikaw na heartthrob," sagot niya. Binitawan ko na ang kamay niya kasi aalis na siya sa stage (monologue ko kasi ang finale). At dahil madilim, hindi ko makita ang facial expression niya, kung nagbibiro ba siya o seryoso. Pero—ha? Heartthrob? Hmm. Sabagay, may mga nagtitiliang babae at bakla sa audience 'pag ako 'yung kumakanta. Pero di ko naman binibigyan ng atensyon ang mga 'yun kasi sa kan'ya lang nakatuon ang paningin ko. Saka—

"Yuta, last scene na 'to. Galingan mo." Inantala ni Pres ang mga iniisip ko. Kahit kelan talaga 'tong si Pres, wrong timing na, pressure pa.

"Trust me, Pres," sagot ko na lang saka ngumiti. Nu'ng okay na ang lahat sa background, nagsimula ng magsalita siyang magsalita.

"At tuluyan ngang nagkahiwalay ang dalawa. Si Rose ay ipinakasal ng kan'yang mga magulang sa isa ring maharlika. Nabalitaan ito ni Romeo at labis na nasaktan sa mga nangyari kaya napakanta siya ng.." Nagbukas ang spotlight na nakasentro sa akin. May hawak akong gitara habang nakaupo sa isang kama. May mga nakatumbang bote ng alak sa paligid. Nagsimula na ang instrumentals at umarte akong naggigitara habang lumalagok ng red horse pero ang totoo ay C2 ang nito laman sa loob.

"Tulala lang sa'king kwarto, at nagmumuni-muni. Ang tanong sa'king sarili, sa'n ako nagkamali. Bakit sa iyo pa nagkagusto? Parang bula ika'y naglaho." Umarte akong teary eyed pero eye drops lang 'yun na pinalagay ko kanina. "Porque contigo yo ya iskuji , aura mi corazon ta supri. Bien simple lang iyo ta pidi, era cinti tu el cosa yo ya cinti."

Ramdam kong nakiki-jamming din ang mga tao sa akin kaya tumingin ako sa kanila at sumenyas na itaas nila ang kamay nila at sumabay. Lalong lumakas ang boses ng mga nakiki-jamming. Napansin kong may mga umiiyak pa rin. Gaano ba karami ang nakaka-relate sa kantang ito? Siguro hindi ko mabibilang kahit mag-effort pa 'ko.

"Ta pidi milagro, vira'l tiempo, el mali hace derecho. Na dimio reso ta pidi yo, era olvidas yo contigo. Bakit ikaw pa ang napili? Ngayon ang puso ko ay sawi. Kay simple lang ng aking hiling, na madama mo rin ang pait at pighati. Sana'y magmilagro, mabalik ko. Mali ay maiderecho, pinagdarasal ko sa'king puso na mabura na sa isip ko."

Paghinto ng kanta, binasa na ni Pres Meg ang pang-wakas. "Dahil sa nangyari, natakot na si Romeo na muling umibig, pero sa susunod na kabanata ng kan'yang buhay, kung saan makikilala niya si Juliet Capulet ay bubuksan niya ulit ang kan'yang puso—na alam naman nating magdadala sa kan'ya sa kamatayan. May mga bagay na sadyang nakatadhana nang mangyari. Resistance is futile. Because in the book of fate, the way you'll live your life is already written. THE END."

Nang mamatay sa huling pagkakataon ang mga ilaw—hudyat na tapos na ang dula, maraming tumayo at nagpalakpakan. May mga humagulgol dahil tragic and ending at meron namang masaya dahil sa 'realistic approach' namin sa kwento. Nang magbukas ang ilaw, lahat ng mga cast ay nagsama-sama sa gitna ng stage. Naghawak-hawak kami ng kamay at sabay-sabay na nag-bow. Nagkatinginan kami ni Kanna, or should I say, titingin sana ko sa kan'ya nang palihim kaso nakatingin na siya sa'kin? Sabay kaming umiwas ng tingin at binawi ang kamay sa pagkakahawak namin sa isa't isa.

Parang nanibago ko kay Kanna. Ang weird niya. Namumula siya at parang naiilang sa'kin. Bakit kaya? Tatanungin ko sana siya kung anong problema kaso may mga grupo ng kababaihan ang nag-request na magpapicture sa'kin. (Naks! Artistahin talaga ang dating ko! Haha!) Nang tumingin ako kay Kanna, may nakita kong mga manyak na gusto siyang akbayan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Iniwan ko ang sangkatutak na babaeng nagpapa-picture sa'kin, hinawakan ko ang kamay niya at hinatak siya palayo sa crowd. Bahala na kung magalit siya. Bahala na rin kung anong palusot ang idadahilan ko sa kan'ya mamaya.

Basta sa araw na ito, akin lang siya.

*****

"Di nga, seryoso, Kanna, ang galing mo kanina!"

"Oo nga, akalain mong naisalba mo ang section natin sa acting mo?"

"Oo nga! The best ka, Kanna!"

'Yan ang mga komento ng mga kaklase namin habang kumakain kami nang sabay-sabay sa backstage. Nakakadismaya. Akala ko masosolo ko siya kaso nawala sa isip ko na may kainan pala pagkatapos ng dula namin. Tinalakan pa nga niya ko kasi raw ang OA ko kanina—nagpapapicture lang daw 'yung lalaki at di naman siya minamanyak. Haay. Napahiya tuloy ako (bawas pogi points din 'yun!).

Niluto ni Kanna lahat ng pagkain kaya walang dudang masarap. Nakakalungkot lang kasi walang menudo rito. Spaghetti, fried chicken, pansit, fruit salad at lumpiang shanghai 'yung mga nakahan-da. Parang birthday party lang. Sabi sa'kin ni Kanna, si Ma'am daw ang nag-request nu'n. Naisip ko tuloy na may pagka-child at heart din pala ang laging haggard naming adviser. Haha.

"Naku! Hindi naman ako ganu'n kagaling," nahihiyang sabi ni Kanna. Napairap na lang ako.

"Speaking of acting, yung isa d'yan, ilang linggong nagpractice pero nakakalimutan pa rin ang mga linya niya." Muntik na 'kong mabulunan sa pagpaparinig ni Pres.

"Oo nga Yuta, n'ung bandang simula, nakalimutan mo ang linya mo, di ba?" puna ng isa.

"Oo nga, tapos minsan delayed reaction ka. Buti di niya nadid-istract si Kanna, no?" puna pa ng isa. At ayan na nga ba ang sinasabi ko e. Argh. Naalala pa tuloy ng lahat 'yung mga pagkakamali ko!

"Ahaha. Nadi-distract kasi ako 'pag napapatingin ako sa audience e. Ang dami kasi," dahilan ko.

"Weh. E di ba kay Kanna ka lang nakatingin nu'ng play?" singit ni Miki. Tumingin ako nang masama sa kan'ya. Batuhin kita ng buto ng manok d'yan e! Tumawa naman si Tomo, nang-aasar.

"H-hindi ah! Hindi totoo 'yan!"

"Sus. Hindi nga ba?" tanong ni Tomo habang nakangisi. Binato ko siya nang patalim—este—ng matalim na tingin. Pasalamat siya at malayo ang inuupuan niya sa'kin kundi inapakan ko na ang paa niya sa ilalim ng lamesa!

"Tama na nga 'yan, kumain na tayo. Kapag nag-alas kwatro na, kailangan na nating i-vacate 'tong backstage kasi may banda pang magpe-prepare dito mam'ya," sabi ni Pres. Tumingin ako kina Tomo at Miki at ngumisi. Haha! Ano kayo ngayon? Kala niyo a!

*****

"Siya nga pala, Yuta," sabi ni Kanna habang naglalakad kami papuntang Meteor Garden, parehong may hawak na ice cream, strawberry 'yung kan'ya at chocolate naman ang flavor ng sa'kin. 4:30 na ng hapon at katatapos lang magligpit ng klase nang ayain ko siyang maglibot kami sa mga booth at stall sa paligid. Chance ko nang ma-solo siya. Yes!

"Ano 'yun?"

"Kanina sa play, bakit kapag tumititig ako sa'yo lagi kang umiiwas ng tingin? Hindi mo ba alam na nakikita 'yun ng audience?" Totoong di ko ineexpect ang tanong niya pero syempre may pambara na 'ko kaga'd para iwas pahiya. Ha-ha-ha!

"Ha? E bakit 'pag ako ang tumititig sa'yo, namumula ka?" Bigla s'yang namula sa sinabi ko. "Katulad ngayon, ano ha? Bakit?" asar ko sabayngiti.

"H-hindi kaya!" deny niya. Ang cute niya talaga mainis kahit kelan.

"E ikaw, bakit titig ka nang titig sa'kin nang palihim nu'ng play, ha?" hirit niya.

"Ha? Hindi kaya! Bago ko tumingin sa'yo, nakatitig ka na sakin e!" Namula na naman siya at umiwas ng tingin. Jackpot. Hehe. Panalo 'ko.

"Imbento ka a! I-imposible 'yun no," deny niya.

"Weh.."

"Wah! Tama na nga!" Bigla niyang binilisan ang paglalakad. Napikon ata.

"Wuy! Sorry na!" Hinabol ko siya. Humarap siya sa'kin. Mapula pa rin ang mukha niya.

"Patatawarin lang kita kung ipagtatapat mo na sa akin 'yung sikreto mong limang taon mo nang tinatago sa'kin."

"H-HAAAA??!"

[Chapter Nine]

Kanna

"Wag mong sabihin sa'king hindi sinabi sa'yo ng mga pinsan ko ang tungkol sa pustahan?"

"PUSTAHAN?? Anong pustahan ang sinasabi mo?" Mukhang natatae na ewan ang mukha ni Yuta. Hindi ko tuloy mapigilang matawa nang bahagya.

"Sabi nila, kapag nai-portray ko nang maayos ang role ko, ibibigay ni Miki 'yung kopya niya ng Candied Feelings tapos sasabihin mo raw sa'kin 'yung five-year-old secret na matagal mo nang tinatago sa'kin."

"Ang mga 'yon talaga!" galit na sabi ni Yuta nang nakakuyom ang mga palad.

"So..ano nga 'yon? Sabihin mo na, Bes. Promise, di ko ipagkakalat sa iba." Nginitian ko siya— nang-iinis. Nakaka-excite naman. Ano nga kaya ang sikreto na 'yun?

"Ah..ano.."

"Chappy? Chappy?"

"T-tungkol 'yun sa.." May tumulong pawis sa tabi ng kaliwang kilay ni Yuta. Wow ah. Ga'no ba kabigat na sikretong 'yun para nerbiyosin siya nang gan'yan?

"Sa..?"

"S-sa T-twisty Heart."

"SUS! Sa Twisty Heart naman pala e. Akala ko kung ano na," dismayado kong sabi habang nakapamaywang. "O.A. mo kasi magreact, e! May pa-suspense-suspense ka pang nalalaman d'yan! O e ano ang tungkol sa Twisty Heart?"

"A-ang totoo niyan, hindi talaga ako ang gumawa no'n—"

"Naku naman, Yuta! E matagal ko ng alam 'yan e!"

"HA?? Pa'nong—"

"Chinika na 'yan sa'kin ng mama mo two years ago. Pinakita ko kasi sa kan'ya once 'tong Twisty Heart tapos sinabi kong gawa mo 'to. Then sabi ni Tita, siya raw ang tunay na gumawa nu'n at binigay niya lang sa'yo para ibigay mo raw sa babaeng gusto mong makasama habambuhay." Habang nagpapaliwanag ako, namumula siya. Bakit kaya? Ah! Siguro dahil nalaman n'yang matagal ko nang alam na nagsinungaling siya sa'kin! Haha! Eto talagang si Yuta, kahit kelan, ang babaw! "Alam mo, hanggang ngayon nga nagtataka ko kung bakit mo sa'kin 'to binigay e. Although sinabi ko na bestfriends forever tayo, hindi naman ibig sabihin nu'n na ako dapat ang bigyan mo nito. Dapat sa magiging girlfriend mo ito ibigay, di ba?"

"Eh.." Naningkit ang mga mata niya at napalunok habang pinaglalaruan 'yung maliit na bato sa lupa, na katabi ng kanang paa niya.

"Eh?"

"Eh..b-binigay niya 'yan sa'kin kaya may..k-karapatan akong ibigay 'yan sa kahit kanino ko gusto," sabi niya nang nauutal at di na naman makatingin sa'kin nang diretso.

"Ano ba 'yan! Ginaling-galingan ko pa naman kahit sobra 'yung kaba ko sa stage at first time ko umarte sa harap ng maraming tao tapos 'yung sikretong sinabi mo, matagal ko nang alam! Nakakaasar ka naman o!" reklamo ko.

"Eh..kasalanan ko bang hindi ko alam na alam mo na?" dahilan n'ya.

"'Ku! Ewan ko sa'yo. Ganyan ka, Yuta! Kung di ko pa malalaman, hindi mo pa sasabihin! Pati 'yung kay Kuya Seichiro, kung di niya pa sinabi, wala pa kong kaide-ideyang magkapatid kayo! Hmp!"

"Sorry na," sabi niya. Inirapan ko lang siya.

Nagulat ako nang bigla niya 'kong yakapin kahit nakatalikod ako. Tapos mahina n'yang binulong sa tenga ko ang dalawang salitang "sorry na" nang sincere at malungkot. Namula tuloy ako at bigla ko s'yang naitulak palayo.

"Oo na! Pinapatawad na kita. Hmp! Kailangan 'pag nag-so-sorry, may yakap na kasama?"

"Oo, para mas lalong effective," sabi niya habang nakangiti, nang-aasar na naman.

"Che! Ewan ko sa'yo!" Ngumiti rin ako at natawa. Tumawa rin siya. At napuno ang maghapong 'yun ng tawanan at asaran.

*****

Friday ng gabi nu'ng magpa-despedida party si Papa. May konting kasiyahan sa bahay pero alam naman ng lahat na pang-front lang 'yun. Bukas ng umaga, kailangan na naman niyang pumunta sa ibang bansa. Nakakainis nga e, kasi gusto kong sabihin tuwing aalis siya na 'wag na s'yang tumuloy, kaso alam kong hindi pwede. "Para rin naman 'yun sa kinabukasan mo"—'yan ang palagi niyang sinasabi sa'kin.

Nagulat ako nang akbayan ako ni Yuta habang nagmumukmok ako sa gilid, tinatago ko ang mga luha ko kasi ayokong mag-alala sa'kin si Papa.

"Okay lang na umiyak ka. Sandalan mo ko." Nilagay niya ang ulo ko sa balikat niya. Automatic na tumulo ang mga kanina pa sabik na sabik bumagsak na luha ko. Parang ang lalim ng gabi. At sana, kung pwede lang, hindi na sumikat ang umaga.

Alas-singko pa lang nang makarating kami sa NAIA. Malamig ang klima at di ko maiwasang mapayakap sa sarili kapag sumasayaw ang Amihan sa paligid. Pero walang bagyo—walang pag-asang mapapatigil ko ang kan'yang pag-alis. Pilit akong nagpakatatag, katulad ng lagi kong ginagawa sa loob ng mga nakalipas na taon, at nagpaalam ako kay Papa nang may ngiti sa mga labi. Nakatulong ng malaki ang pag-iyak ko kay Yuta kagabi. Kung wala siguro siya, hindi ko mahaharap nang maayos ang araw na ito.

"Yuta, alagaan mo ang unica hija ko a. Lagot ka sa'kin 'pag may nangyaring masama sa kan'ya," sabi ni Papa habang nakaakbay sa kanang balikat ni Yuta.

"Papa naman eh, hindi ko naman bodyguard si Yuta para pagbilinan mo nang gan'ya—"

"Aye aye captain!" nakangiting singit ni Yuta na nakasaludo pa kay Papa.

Ginulo ni Papa ang buhok niya saka ngumiti. "Sige, alis na 'ko. Ma, take care of yourself, chat na lang 'pag miss mo na ko. Hehe," pabirong sabi ni Papa na pa-cool pa rin kahit kailan.

"Wag kang mambababae du'n ah! Lagot ka sa'kin!" banta ni Mama nang pabiro pero umiiyak na.

"Alam mo namang ikaw lang ang pinakamagandang babae sa paningin ko e," sagot ni Papa sabay kindat kay Mama. Napatingin sa'kin si Yuta saglit pero umiwas din agad. Natawa na lang ko.

"Che! Umalis ka na nga! Lalo mo lang akong pinapaiyak e!" sabi ni Mama habang pinupunasan ang mga luha niya. Ngumiti lang si Papa. Niyakap kaming isa-isa at tuluyan nang nagpaalam. Isang taon na naman ang hihintayin ko bago ulit siya makapiling. At wala pang isang segundo, habang tinitignan kong mawala sa hangganan ng paningin ko ang eroplano kung saan siya naroroon sa himpapawid, ay namimiss ko na siya. Sobra.

Lunes. Maaga kong pumasok dahil excited na 'kong mabasa 'yung librong sinasabi ni Miki. Habang nagbabasa, di ko mapigilang tumawa. Kwela kasi 'yung bidang babae, ang sarap batukan! Haha. Naputol ang pagbabasa ko nang lumapit si Yumi sa'kin at tinapik ako sa balikat.

"Congrats, Kanna," masaya n'yang sabi. Wow. Ito ang unang beses na kinausap niya ko. Ang masasabi ko lang, mas maganda siya sa malapitan.

"Ha? Para saan?" tanong ko. Parang s'ya pa ang naguluhan. Di ba dapat ako?

"Wag mong sabihing—t-teka, nagtapat na ba siya sa'yo? Akala ko kasi..kayo na eh."

"Wow! Ano 'yan?? Anong kaguluhan 'yan?" singit ni Miki.

"Hohoho! Sino 'yon?!" hirit ni Tomo. Di ko alam kung kelan sila sumulpot sa gilid namin ni Yumi pero isa lang ang masasabi ko, ang bilis talaga nilang makasagap ng balita! Well, ako naman nag-gi-glitter ang mga mata sa tuwa.

"OMG! Yumi! Sino 'yung taong may gusto sa'kin?" excited kong tanong sa kan'ya. First time in my whole life na may nagkagusto sakin! WAH!!

"'Uy dali, sino nga 'yon??" atat ding tanong ni Tomo kay Yumi. Mukhang nataranta ata si Yumi at napahakbang paatras.

"A-akala ko..s-sinabi niya na sa'yo. H-hindi pa pala."

"Wow! Seryoso?? May tao nga talagang may gusto sa'kin?? Sino? Sabihin mo na, Yumi!"

"P-pero.." Mukha siyang nagdadalawang isip kung sasabihin niya o hindi. "S-sigurado ka bang..h-hindi mo pa alam?"

"Promise! Cross my heart! Hindi pa talaga! Sino 'yun??"

"Oo nga, sino 'yun??" hirit ni Miki.

"Umm..basta. B-baka kasi..m-magalit siya sa'kin e."

"Hindi 'yan!" sabi naman ni Tomo.

"Basta. Kilala mo siya—kilalang-kilala. Hintayin mo na lang na s-siya ang magsabi sa'yo. S-sige, may nakalimutan pala 'kong gagawin!" sabi niya tapos nagmamadali na siyang tumakbo palabas ng classroom.

"Good morning!" bati ni Yuta na kararating lang. "O ba't parang ang saya-saya mo ngayon, Kanna? May nangyari bang maganda?"

Ano ba 'yan! Hindi ko ba matago ang ngiti ko? Obvious na obvious ba? Wah! Kinikilig ako! Sino kaya 'yun?? S-si Kuya Seichiro kaya? OMG! Pwedeng-pwede!! Waah! Kung siya 'yun, mamamatay siguro akong may ngiti sa mga labi!

Naistorbo ko sa aking pangangarap nang biglang pitikin ako sa noo ni Yuta. "Aray!"

"Serves you right. Hindi mo kasi ako pinapansin e!" Nagbelat siya sa'kin. Aba! Nagbelat din ako sa kan'ya!

"Kausapin niyo nga 'yang pinsan niyo, nababaliw na," sabi ni Yuta kina Tomo at Miki.

"Nagkakaganyan 'yan kasi meron na s'yang secret admirer," sabi ni Miki. Tumawa nang malakas si Yuta— tipong napapahampas pa siya sa upuan at maiiyak na.

"WAHAHA! S-secret admirer?! Haha! Imposible! KALOKOHAN 'YAN! HAHA!!"

"Bakit, wala ba 'kong karapatang magkaro'n no'n? Palibhasa maraming nagkakagusto sa'yo kaya ang yabang-yabang mo! Hmp!" Ito ang pinakaayoko kay Yuta e. Kung makalait wagas. E di hamak naman na mas gwapo si Kuya Seichiro sa kan'ya!

"Kanna, may naghahanap sa'yo," sabi ng isa naming classmate, si Nao, part siya ng Props Committee nu'ng Foundation Week at naging magkaibigan kami dahil isa siya sa mga nakakausap ko 'pag tumatambay ako sa stage.

"Sino?" tanong ko.

"Yung crush mo! Dali!" sabi niya na tuwang-tuwa at this time, napapatalon pa sa sobrang kilig. Kumalat 'yung 'uuuy!' sa room. Ito ang unang beses na sobrang saya 'kong inaasar sa isang lalaki. Hehe. Totoo naman kasi e. At wala naman akong dahilan para mag-deny.

Tumayo ako at lumabas ng classroom at isang cool, calm at composed na lalaki na nakangiti ang nakita ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at feeling ko ang kinatatayuan ko ay mga ulap.

"Hi, Kanna," bati niya sa'kin. At sa isang iglap, parang tumigil ang lahat. Sa isang iglap, kami na lang ang tao sa mundo. Kami na lang.

*****

"Ah..oo nga pala, balita ko successful daw ang play niyo a," sabi ni Kuya Seichiro habang naglalakad kami sa corridor palabas ng Recom building. Hindi ko mapigilang hindi kiligin. Ang kan'yang malalim at kalmadong boses, ang ngiti n'yang hulog ng langit, ang mga mata n'yang mapungay at nakakabaliw—lahat 'yun parang ang tagal ko nang hindi namamasdan. "Sorry hindi ako nakapanood. May inaasikaso kasi ako nu'n e." Tumingin siya sa'kin, napaka-sincere ng mga mata niya. Umiwas ako nang tingin at bahagyang namula.

"Naku, okay lang 'yun. Hindi naman talaga ko original na part ng play e. Substitute lang ako kasi absent 'yung kaklase namin, yung gaganap sanang Rose."

"Lead role 'yun, di ba?" Tumango ako at inayos 'yung paepal na buhok kong humaharang sa mukha ko at nilagay ko ito sa likod ng tenga ko. "Wow. In just a short span of time? Ang galing mo, Kanna." Pinat niya ang ulo ko. Lalo tuloy akong namula.

"S-sinuwerte lang siguro," pa-humble kong sabi habang pasimpleng nakangiti.

"Ah!" sabi ni Kuya. Huminto siya sa paglalakad kaya huminto rin ako. Ngumiti siya. "Wait lang a." Bago ko makasagot, nagmamadali na s'yang tumakbo palayo. Sa'n naman kaya siya pupunta?

Pagkatapos ng ilang minuto, dumating na siya, may hawak na dalawang strawberry flavored ice cream sa magkabila n'yang mga kamay. Inabot niya sa'kin 'yung isa at sabay kaming umupo sa isang bench du'n sa court. Pinagmasdan ko s'yang kumain ng ice cream. Wah. Hindi lang 'tong ice cream ko ang natutunaw, pati ang puso ko.

"Kuya, pwedeng magtanong?"

Tinapunan niya ko ng tingin. "Ano 'yun?" Ngumiti na naman siya. Waah.

"P-pa'no mo nalaman na mahilig ako sa pink rose at strawberry?"

"Assistant librarian ako, di ba? Kaya alam ko 'yung mga uri ng librong binabasa mo," paliwanag niya tapos kumagat ulit siya sa ice cream niya. "Alam mo ba na ang pinaka-the best na paraan para makilala mo ang isang tao ay ang alamin ang mga madalas n'yang basahing libro? Naniniwala ako na ang pagbukas ng bawat librong 'yon ay parang pagbukas na rin sa puso hindi lang ng sumulat no'n, kundi ng taong nakabasa no'n. Saka, mahilig rin ako sa strawberries, hindi nga lang pink ang paborito kong kulay kundi pula."

Tumitig lang ako sa kan'ya. Namangha.

"Oo nga pala, may gagawin ka ba this upcoming Saturday?" bigla n'yang natanong tapos tumingin siya sa'kin kaya pasimple akong tumingin paibaba at tumitig sa ice cream ko. T-teka. B-bakit tinatanong niya kung may gagawin ako sa Sabado? Hindi kaya—wag mong sabihing—aayain niya akong makipag-date?? W-wait lang! Sumusobra naman ata ang pagiging ilusyonada mo, Kanna!

"Naalala mo nu'ng napag-usapan natin minsan 'yung libro ni Lourd de Veyra na "This is a Crazy Planets?"" Tumango ako. "Magkakaroon siya ng book signing sa MOA sa Saturday, k-kaya kung libr—"

"Libre ako," agad kong sabi. YAY! Makikita ko na si Lourd, makakasama ko pa siya!!

Nag-blush siya at namula. "Mabuti naman. Akala ko di ka papayag e. Haha. Alam mo namang ikaw lang ang kaibigan kong kapareho ko ng hilig." Lalong lumapad ang ngiti niya. Napakaamo talaga ng mukha niya. Nakakahipnotismo. Ginulo na naman niya ang buhok ko. Natawa ko. Ginulo ko rin 'yung kan'ya. Tapos tumawa kami parehas. Gustung gusto ko 'yung tawa niya, malalim at mahinahon, parang isang dagat ngunit walang kaalon-alon.

[Chapter Ten]

Yuta

"Ha? Hindi ka talagang nagkasakit?? Anong ibig mong sab—" Hapon nu'n at tapos na ang klase. Sabi niya kanina may importante s'yang sasabihin kaya heto't nasa Meteor Garden kami.

"N-naisip ko kasi na..mas magiging masaya ka kung si Kanna ang partner mo k-kaya—"

"Maski na, Yumi! Hindi ko naman sinabing gawin mo 'yun para sa'kin, di ba—"

"Kagustuhan ko 'yun," sabi niya, seryoso ang kan'yang mukha at may diin ang kan'yang mga salita. "Isa pa, mas bagay naman talaga kay Kanna 'yung role e. Aminin mo, tuwing magpapractice tayo, iniisip mong ako si Kanna, 'no? Kasi pareho kayo ng sitwasyon ni Romeo." Kinagat niya ang labi niya at saka pilit na ngumiti. Niyakap ko siya at, katulad ng inaasahan, tumulo na naman ang mga luha niya.

"Yumi, s-sorry a. Lagi ka na lang umiiyak nang dahil sa'kin. Sorry talaga."

"W-wag ka ngang mag-sorry sa'kin. Kasi..kahit kelan, kahit ga'no kasakit, hindi ko pinagsisisihan na sa dinami-dami ng tao sa mundo, sa'yo ako na-inlove. Alam kong alam mo 'yun, kasi..ganu'n din ang nararamdaman mo para kay Kanna, di ba?"

Hindi na ako sumagot, niyakap ko na lang siya nang mahigpit.

"Y-Yuta." Bumitiw siya sa yakap ko at kinusot ang mga mata niya. Tumingin siya sa kalawakan ng nag-aapoy na langit, at sa mga kalat-kalat na bituing nagsisimula nang umusbong at kuminang. "M-may dapat akong s-sabihin sa'yo." Nag-aalangan siya at parang natatakot.

"Ano 'yun?"

"A-alam ko 'yung plano nila Miki at Tomo nu'ng play. Um-agree ako sa kanila kaya hindi ako sumipot sa mismong araw na magpe-perform tayo. Sinet up nila 'yung pagkaka-substitute ni Kanna para after ng play e makapagtapat ka na sa kan'ya. 'Yun ang dahilan ng pustahan na sinabi nila kay Kanna."

"Teka! Bakit hindi mo ka'gad sinabi sa'kin na alam mo pala??"

"A-akala ko kasi..a-alam mo na." Umiwas siya ng tingin at namula.

"Pakiramdam ko sinadya ng dalawang kumag na 'yun na di sabihin sa'kin. Tama. Pakana nila 'yan e! Hah! Akala naman nila, maiisahan nila ko. Magaling ata kong magpalusot."

"K-kaso a-alam na ni Kanna na—"

"Na?" Napalingon ako sa kan'ya at bahagya kong kinalimutan ang kayabangan ko sa huling linya.

Pumatak na naman ang luha niya. Natataranta siya at malikot ang mga mata.

"Wuy, bakit umiiyak ka na naman? Ano nga 'yun?"

"Sorry sorry sorry talaga, Yuta!" mabilis niyang sabi habang nakapikit. "A-akala ko kasi nakapagtapat ka na sa kan'ya pagktapos nu'ng play kaya in-assume ko na kayo na, k-kaya kaninang umaga, nadulas ang dila ko at nasabi ko kay Kanna na—"

"A-ANOOO?!!"

"P-pero hindi ko naman sinabi na ikaw 'yun! Ang alam niya lang, may secret admirer siya."

Napahawak ako sa noo ko. "Kaya pala kanina ipinagmamalaki niya sa'king may secret admirer siya. Akala ko naman kung sino na 'yun! Tapos malalaman kong ako pala 'yon??" Literal akong namutla at kinabahan. Si Yumi naman, sorry nang sorry dahil sa nangyari. Pero di naman maibabalik ng sorry niya ang lahat. Haay. Pa'no na? Ano nang gagawin ko??

"A-ano kaya kung.." sabi ni Yumi habang nag-iisip nang malalim, "P-pangatawanan mo na lang ang pagiging secret admirer niya?"

"H-HA??"

Hinawakan niya ang kanang kamay ko at pinisil ito. Tumingin siya sa mga mata ko saka ipinaliwanag ang naisip niyang plano—isang planong makakatulong raw sa'kin para magustuhan ni Kanna nang hindi inaalis 'yung role ko bilang bestfriend niya.

"Magiging dalawang tao ka sa buhay ni Kanna—bilang bestfriend at bilang secret admirer. Madaling ma-fall ang isang babae sa taong mysterious kaya kung manliligaw si Mr. Secret Admirer sa kan'ya, without revealing his real identity, malaki ang t'yansang maibaling niya ang feelings niya para sa kuya mo sa imaginary person na binuo natin—which is Mr. SA. 'Pag naging successful 'yun, mas madali na lang aminin ang nararamdaman mo para sa kan'ya, di ba? Kasi ang rival mo na lang ay ang sarili mo, hindi na ibang tao."

Nu'ng una, nagdalawang isip ako, sabi ko baka pakana na naman ng dalawa 'yan, pero umiling siya at sinabing sarili niya 'yung ideya para makabawi sa'kin sa kasalanang nagawa niya. Skeptical pero mas okay na 'to kesa mag-impromptu ng kasinungalingan sa harapan ni Kanna.

Kinagabihan, nagsa-soundtrip ako sa kwarto nang may ma-receive akong text mula kay Kanna—bagay na minsan niya lang talaga ginagawa. Napabalikwas pa ko at hininto ko muna 'yung kanta para mabasa ko ang mensahe niya—just to be disappointed dahil ang tanging laman lang nu'n ay "Bes!!"

Bumuntong hininga ako at humiga ulit sa kama. Akala ko naman ang haba ng text niya. Unli siguro 'to. Tinawagan ko siya sa landline. Di ko kasi ugaling mag-text. Bukod sa wala akong sapat na kasipagan, mas pipiliin kong marinig ang boses niya.

"O bakit?" bungad ko nang sagutin niya 'yung tawag.

"Ang sungit mo naman 'ata ngayon!" masigla niyang sabi. Gusto kong sabihin na naiinis ako sa kan'ya kasi ang tagal niya bago bumalik sa classroom kanina tapos mukha pang ang saya-saya niya dahil nakasama niya si Kuya Seichiro. Plus pa na imbes na tabihan niya 'ko sa parteng likuran ng classroom dahil wala naman 'yung teacher namin e mas pinili n'yang makipagdaldalan sa mga bago n'yang kaibigan. At obvious sa hagikgikan, sikuan, hampasan at tawanan nila na siya ang pinag-uusapan nila.

"Guni-guni mo lang 'yun," sabi ko na lang.

"Haha. Nga pala, k-kinuha na ba ni Kuya Seichiro 'yung..number ko sa'yo?"

"Hindi," diretso kong sagot. "Bakit niya naman kukunin ang number mo?" Nakarinig ako ng buntong hininga sa kabilang linya. Mukhang na-disappoint siya. At mukhang na-disappoint din ang puso ko. Kasi minsan na nga lang tayo magkakausap nang gan'to, si Kuya pa ang topic natin.

"Inaya niya kasi ako sa MOA sa Sabado. May book signing kasi si Lourd de Veyra e. Sabi niya kukunin niya na lang daw sa'yo ang number ko para makontak n'ya 'ko." Habang sinasabi niya 'yun, alam kong masaya siya. At parang..gusto ko nang ibaba ang telepono. Gusto ko nang putulin ang tawag na 'to. Ayoko 'yung pakiramdam na may mga bagay na pareho nilang naiintindihan—pareho nilang alam—na tila sila ay nasa iisang mundo—na iba sa mundo ko. Na kahit anong pilit kong gawin, hindi ko sila maiintindihan, hindi ko malalaman ang mga pinag-uusapan nila at hindi ko magagawang makapasok sa mundong sila lang ang nakatira.

"Pumayag ka naman?"

"Ha? S'yempre naman! 'Nu ka ba! Chance ko na kaya 'yun no! Teka, sa tingin mo ba maituturing na ring..'date' 'yun?"

"Hindi porke nagpasama siya sa'yo sa book signing ng author na paborito n'yo e date na agad 'yun," sabi ko. Naiinis ako sa sarili ko. Sinusungitan ko na naman si Kanna.

"Hmp! Ang sabihin mo nagseselos ka lang kasi inaya ako ni Ku—"

"Bakit, 'pag sinabi ko bang nagseselos ako, hindi ka na sasama sa kan'ya??"

"Ha? An—"

Beep. Beep. Beep. Sinadya kong putulin ang tawag na iyon. Badtrip. Muntik na naman ako du'n. Namula ang mga mata ko at maya-maya, may tumulong mga luha mula rito. Takte. Ngayon ko lang na-realize na matagal ko na palang niloloko ang sarili ko. Ang sakit-sakit. Ang sakit-sakit maging bestfriend ng babaeng mahal ko.

Sa totoo lang, gustong-gusto ko nang aminin sa kan'ya. Pero wala namang magbabago, di ba? Hindi mo rin naman ako kayang mahalin kasi mahal mo siya.

*****

Kinabukasan, habang kumakain ako ng agahan, napansin kong hirap na hirap si Mika sa pagsisintas ng sapatos niya. Si Kuya Seichiro, naliligo pa. Si Tita naman, busy-ing-busy sa paghuhugas ng plato.

"Akin na nga," sabi ko sabay agaw sa kan'ya ng sintas saka ko inayos at ni-ribbon pa. Napansin ko, nu'ng sinisintas ko ang sapatos niya, nakatitig siya sa'kin at nakakunot ang mga kilay. Parang nagtataka siya kasi tinutulungan ko siya. "Ayan, tapos na," sabi ko.

"S-salamat," sabi niya na tila nahihiya. Nanlaki ang mga mata ko. Teka—tama ba ang pagkaka-rinig ko? Nagpapasalamat sa'kin ang malditang batang 'to?

"Wag mo nga 'ko tignan nang ganyan! Nakakadiri ka." Inirapan niya ko saka tinalikuran. Tumawa ko nang malakas at ginulo ang buhok niya. "Wag mo ngang hawakan ang buhok ko!" Lalo lang akong natawa sa sinabi niya. Okay rin pala magkaro'n ng nakababatang kapatid e. May naasar ka. Feeling ko, konti na lang at magkakasundo rin kaming dalawa.

Sa school, maaga kaming pumasok ni Yumi para maisakatuparan ang plano namin.

"A-ano 'to??" naibulalas ni Kanna nang mabasa niya ang nakasulat sa blackboard ng classroom namin na: Kanna Shizuki, nais kong malaman mo na gusto kita. -Mr. Secret Admirer

Kitang-kita ko ang labis na pagkagulat at pamumula sa mukha ni Kanna. Mas exag naman ang reaksyon ng mga kaklase namin. Napuno ang paligid ng mga sipol, tilian, hiyawan, sikuan at asaran.

Nahawi ang mga kumpol ng tao sa harap ng blackboard nang magsimula akong dire-diretsong dumaan sa gitna. Natigilan ang lahat at alam kong nagtataka sila sa inaasal ko.

"Tumigil na nga kayo! Ang iingay n'yo! Magsibalik na nga kayo sa mga upuan n'yo!!" seryoso, galit at pasigaw kong sabi habang binubura ko nang mabilis ang nakasulat sa blackboard. Tumahimik ang lahat ngunit ilang segundo lang , nagsimula na ang mga bulung-bulungang tulad ng "Anong problema ni Yuta?" at "Insecure lang 'yan!" Bakas sa mukha ni Kanna ang pagtataka. At gaya ng nasa plano, nabuo namin ang isang imaginary person—si Mr. SA—na hindi napaghihinalaang ako 'yun.

At dito magsisimula ang isang pagpapanggap—isang pagpapanggap upang maagaw ang puso ni Kanna..sa di niya inaasahang pamamaraan.

*****

Miyerkules ng umaga. Sinadya naming iwan ang pulang rosas sa desk ni Mrs. Oda sa faculty room para makarating nang ligtas kay Kanna. Inis na inis si Ma'am dahil inasar pa siya ng mga co-teachers at mga estudyante niya dahil roon. Sa wakas raw nagkaroon na siya ng manliligaw pagkatapos ng ilang dekadang paghihintay. Lalong uminit ang ulo niya nang malamang hindi para sa kan'ya 'yun kundi para kay Kanna. Tinapunan niya ito nang nakakahiwang tingin bago iniabot ang pulang rosas sa klase na ikinaingay naman ng lahat—kinikilig para kay Kanna at natatawa kay Mrs. Oda.

Nang matapos ang klase niya sa amin, dinumog si Kanna ng mga kaklase naming chismosa. Nagsimula silang maghulaan kung sino si Mr. SA. "Baka 'yung crush mong fourth year!" sabi ng isa. Umiling si Kanna. "Hindi siya nagbibigay ng rosas nang naka-cut na." "Baka si Yuta!" hirit ni Nao. Umiling ulit si Kanna, "Imposible" sabi niya. Napangiti ako—at nasaktan nang sabay. Masaya kong wala sa'kin ang suspetsa pero masakit isiping ni minsan di siya nagkaideyang may gusto ko sa kan'ya at may posibilidad na ako at si Mr. SA niya ay iisa.

Nung uwian, nagulat ako nu'ng lumapit siya sa'kin, nagtatanong kung pwede ba raw kaming mag-usap. "Oo naman. Ay! Oo nga pala, sorry talaga kagabi! Nakalimutan kong tumawag sa'yo." Sinabi sa'kin ni Tita na hinahanap niya raw ako kagabi kaso na kina Yumi ako nu'n. "Di bale, nakuha na naman ni Kuya 'yung number mo sa'kin e. Balita ko pa nga, tinawagan ka niya kagabi." Sarkastiko—ganu'n ko siya kinausap. Di ko matago ang sakit. Alam ko naman e, kaya siya tumawag kagabi ay para na naman sa number ni Kuya.

"Oo. Tumawag siya. Pakisabi naman sa kan'ya na sorry kagabi o. Hindi ko kas—"

"Kailangan ba talagang ako pa ang magsasabi n'yan??" Hindi na 'ko nakapagpigil. "Pwede namang ikaw a! Bakit kailangan pa talagang sa'kin ka magpatulong?? Nananadya ka ba?!"

"Ha? 'Nananadya'? Anong ib—" Masakit. Sobrang sakit.

"Huwag ka nang magpanggap. Kung gusto mo talaga siya, e di sa kan'ya mo sabihin! 'Wag mo na 'kong gawing tulay! 'Wag mo na 'kong idamay!" Basag na ang boses ko. Parang pipiyok. Parang maiiyak. Putek. Nakakasawa 'yung gan'to. Bakit pa kasi kapatid ko 'yung lalaking 'yon?? At bakit pa kasi naging bestfriend kita?! Linsyak na buhay 'to oo! Ayoko na!!

"Alam mo, nakakasawa nang maging bestfriend mo, Kanna!" pasigaw kong sabi tapos nag-walk-out na ko. Tumakas ako sa kan'ya, sa mundo, sa lahat.

[Chapter Eleven]

Imadori

"You're Kanna Shizuki, am I right?" I asked while curling the tips of my hair and curving my lips into a grin. The person right in front of me is the most bitchy bitch I've ever met. Ang ayoko sa lahat e 'yung mukhang inosente ang dating, pero leche, malandi naman!

"A-ate Imadori?" Finally! She recognized me. Hah! With my face that's more than any guy could want to, and more than any girl could hate and curse to death—who would not recognize me?

"Masakit ba?" I asked sarcastically. Ang sarap makitang umiiyak ang isang malanding babaeng tulad niya. "Masakit bang sabihan nang ganu'n ng 'yong pinakamamahal na bestfriend?" I made sure I emphasized my last word to mock her. And look at her face. Hindi ko alam kung nagulat ba siya, nagalit o lalong nalungkot. Ang alam ko lang, she deserved it."Hindi ko naman inakalang maniniwala siya sa konting sinabi ko sa kan'ya kagabi e." I added salt to the wound I inflicted while grinning.

"A-anong sinabi mo kay yuta??" Wow. Just wow. Kung makasigaw ha. Sige. Gan'yan nga, Bitch. Hate me, like I hate you.

"Sinabi ko lang naman na..ginagamit mo lang siya dahil alam mong kapatid niya si Sei—"

"Hindi totoo 'yan!" Another wow. Talagang umiiyak ang loka. Affected much?

"Talaga lang ha? Hindi kaya..hindi mo lang alam sa sarili mo na..ginagamit mo lang siya? Hindi ba convenient nga naman sa'yo na magkapatid ang bestfriend mo at ang taong gusto mo?"

"Bakit mo ba 'to ginagawa, Ate Imadori?? Wala naman ak—"

"Wala?? Hahaha! Kung hindi ka umeksena sa buhay ni Seichiro, e di sana, hindi ka umiiyak ngayon. Hah! Masakit ba?" Tinawanan ko siya, inasar, nginisian. "Listen, no one can win over Seichiro's heart—except me." Dinuro-duro ko siya gamit ang hintuturo ko.

"Hindi ba marami kang mga boyfriend? Bak—"

"Pampalipas-oras ko lang sila. Kailangan bang mahal mo ang isang tao para maging kayo? Duh! Di na uso 'yan ngayon! It's just a game anyone who wants can play!"

"B-bakit naman ako maniniwala na mahal mo si Kuya Seichiro kung ganyan lang kababa ang tingin mo sa love?" Aba! Sinasagot ako ng bruhang 'to?? Masabunutan nga. As expected, napasigaw siya sa sakit pero hindi lumaban. I really hate girls who act strong. Lalo lang niyang pinakukulo ang dugo ko.

"Ano bang alam mo? Una sa lahat, hindi mo naman kilala si Seichi. Pangalawa, hindi mo nga alam 'yung sarili mong narararamdaman e! You just assume like a feeler! Isa ka lang linta na feeling close sa kan'ya. E ano kung pareho kayo ng hobby? E ano kung pareho kayong mahilig sa strawberry? Feeling mo those things keep you and him bonded to each other? Hah! That's bullshit!" Kinaladkad ko siya habang hawak ko ang buhok niya at patuloy na nagsalita. "Tandaan mo, sa lahat ng kaibigan niya, ako ang pinakanakakakilala sa kan'ya. I'm not just anybody to him—unlike you. You're just a piece of crap destined to meet him but it doesn't mean that you are someone to cherish! Kaya don't be so bitchy, Bitch!"

Umiiyak lang ang leche at hindi nakikipagtalo. Geez! Nakaka-disappoint naman! Binitawan ko siya at pinagmasdan siyang humalik sa malamig na semento ng classroom nila. I stepped on her head and laughed. Lalakad na sana ako palabas ng kanilang luma, mabaho at cheap na classroom nang may bigla akong maalala. Nilingon ko siya. "Nasabi ko na ba sa'yong ako ang nagtapon ng lunch box na binigay mo sa kan'ya at ako rin ang nanira ng mga pink roses na malapit sa school gate?"

"A-anong sabi mo??" nNkikita ko na ang galit sa mga mata niya. That made me feel good inside.

"I just want to remind you na kahit magsumbong ka pa kay Seichi, hindi ka niya paniniwalaan. Kaya 'wag mo nang sayangin ang laway mo. Just disappear from his life and your sufferings will be over. Iba 'ko kalaban. Lahat ng babaeng lumalapit sa kan'ya, gan'yan ang dinaranas. At ngayong natikman mo na, go-go ka pa ba? Hah! Subukan mo lang. At hindi lang relasyon n'yo ng bestfriend mo ang sisirain ko. Ako pa naman 'yung tipo ng kontrabida na hindi lang nambu-bully physically. Hindi ako katulad ng iba na 'yun lang ang kayang gawin. They're low-class bullies—and I'm not. I torture bitchy girls like you—mentally and emotionally."

I grinned at her then walked away. She's not a threat pero hindi ko hahayaan na ang babaeng unang mamahalin ni Seichi ay siya. Hindi. Kahit kailan.

Pumunta ako sa library just to see him. I love his serious face every time he reads books I have no interest with. He's my first love. And he will be mine. Soon.

"Imadori, ikaw pala 'yan," sabi niya nang mapansin niya ko. His infectious and warm smile always melts me. He's the only person in this world who treats me kindly. I play with guys a lot. But he neverminds. He is the exact definition of the word 'kind'. Wala nang mas babait pa sa kan'ya. 'Yun nga lang, he always builds a wall that no one can penetrate except his family. Kung hindi mo siya kilala, aakalain mo s'yang masungit.

"Hindi mo naman sinabi. Nahiya tuloy ako," he said, blushing a bit, then he quickly put the book he's reading back into its shelf and smiled at me.

Hindi ko makakalimutan nu'ng una ko s'yang makita. All the girls are quietly giggling whenever he passes by. He has this weird charm that can swoon every girls on his way. Pero hindi niya 'yun lahat napapansin. Dahil wala s'yang alam sa love. Hindi iyon ang priority niya. Pag-aaral at pamilya. D'yan lang naman talaga umiikot ang buhay niya. Kaya marami ring umayaw sa kan'ya.

He's not the pretty boy I usually prefer. He's not the popular boy whose name is known by all the girls in school. Hindi siya maporma. Wala s'yang alam sa fashion. Lalaking t-shirt o polo at pantalon o maong lang ang lagi n'yang suot pero laging bumabagay ang mga ito sa kan'ya—or it's just me who sees him in a different way? I dunno. Maybe it's just because..I love him.

"Wala 'yun. Pumunta lang ako rito para sabihin sa'yo na sa Saturday na 'yung seminar na a-attend-an natin nila Natsume. Sa UP ata 'yun." Parang nag-iba ang expression ng mukha niya nang mabanggit ko ang salitang 'Sabado'. "What's wrong? May lakad ka ba sa araw na 'yun?"

"M-meron sana e. Inaya ko si Kanna na—"

"What??" Nagpanting ang tenga ko. That girl?? Inaya niya? OMG. This is crazy.

"Bakit ba parang ayaw mo kay Kanna? Napapansin ko 'pag bumibisita siya rito lagi mo siyang—"

"Heck. No way, Seichi. Guni-guni mo lang 'yun," I assured him, though, of course, that's I lie.

"Haha. Baka nga."

"Anyway, be sure to inform Natsume a. Alam mo naman ang taong 'yun."

"Haha. I know what you mean."

"See? Told you! Hindi ko masakyan ang init ng ulo niya. He is just so..irritating! Napaka-perfectionist! He always takes things seriously. Iniisip niya na lahat ng bagay, responsibilidad niya. Hay naku, ikaw lang ata ang nakakaintindi du'n," reklamo ko sa kan'ya.

"Haha. Kaya siguro ganu'n..kasi nakikita ko ang sarili ko sa kan'ya. Alam ko naman na alam mo ang storya ng buhay ko, di ba? We are somehow the same, in many aspects actually."

Seichiro was just fifteen when his mother told him that his father has another family. Iniwan sila at sinusustentuhan lang financially. Nothing hurts more than seeing your mother cry every night and pretends to be strong every time she faces you and your younger sister. Dahil du'n, lumaki si Seichi na may malaking responsibilidad na nakaatang sa kan'yang mga balikat. Nobody pressures him academically or even in the family. Siya lang 'yun. He pressures himself. He always aims to be the best but fails to do so because of Natsume. Lagi tuloy s'yang second best. And it hurts to watch him aim for something he can't reach.

"Yeah, I know," I said softly then I smiled at him.

Dahil lahat 'yun sa father niya, na lately, nabalitaan nilang iniwan din 'yung iba n'yang pamilya. Tapos tumira pa 'yung anak nu'n sa labas sa bahay nila.

I know your pain. But I know you don't need my comfort, kasi malakas ka. You have your pride as a son who always try to prove that you don't deserve to be abandoned by your father. That pride is more than enough for me to be amazed—to be enchanted.

"Nag-lunch ka na ba?" tanong niya sa'kin while picking up his bag at the counter.

"Hindi pa. Bakit, treat mo ko?" pabiro kong tanong. Lumapit siya sa'kin at ginulo ang buhok ko. Then with his beautiful smile, he said, "Halika na nga."

And then I followed him. And I will follow him wherever he will go. Because he's a guy you can never meet in a million years.

And he's the guy I love—but doesn't think of me as more than just a friend.

Yet I still believe..that someday he will.

He will.

[Chapter Twelve]

Kanna

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Nao kanina. May gusto raw ako kay Yuta. Parang timang. Pa'no ko magkakagusto du'n e bestfriend ko 'yun? Isa pa, kahit lagi ko siyang naiisip, kahit nasasaktan ako ngayon kasi iniiwasan niya 'ko dahil sa intrimitidang si Ate Imadori, kahit mas concerned pa 'ko sa away namin ngayon kesa kay Mr. SA at Kuya Seichiro, hindi sapat na batayan 'yun para sabihin niya 'yun.

Kahit minsan ('kay fine, madalas na!) di ko magawang maging masaya para sa kan'ya, at may mga pagkakataon na kumikirot ang puso ko 'pag naaalala ko siya, hindi pa rin sapat na batayan 'yun.

"May karapatan bang magselos ang isang bestfriend sa mga ibang babaeng kinakausap ng bestfriend niya?" naalala kong tanong niya sa'kin. Umiling ako at sinabi kong "Hindi", tapos pinagpilitan niya na naman na selos raw 'yung nararamdaman ko 'pag magkasama si Yuta at Yumi. Nilinaw ko na 'di 'yun selos, ayoko lang 'yung feeling na pagnagka-girlfriend na siya e di niya na ko kailangan sa buhay niya. Tapos ikinatwiran niyang, "E sus! Ganu'n na rin 'yon. 'Wag ka nang magpalusot! Ayaw mo lang aminin dahil alam mong masasaktan ka—lalo't mukhang may gusto nga siya kay Yumi. Kaya lagi mong sinasabi na may gusto ka du'n sa kuya niya kas—" TAMA NA! Tinakpan ko ang mga tenga ko at nagpatuloy sa paglalakad. Ayoko nang maalala ang mga sinabi niya dahil wala, wala akong gusto kay Yuta!

Kinagabihan, nagkalakas loob akong kausapin si Kuya Seichiro. Iniwasan ko siya nu'ng mga nakaraang araw dahil natatakot ako sa pwedeng gawin ni Ate Imadori pero hindi ko rin kinaya. Ayoko namang isipin niya na hindi ko siya pinapansin. Saka as if naman na malalaman ni Ate Imadori na tatawagan ko siya ngayong gabi. Ano siya, spy? Pero may parte sa utak ko na nagsasabing kaya ko lang 'to gustong gawin ay para patunayang mali si Nao. Mali siya. Si Kuya Seichiro talaga ang gusto ko.

"Kanna? Ikaw ba 'yan?" Gusto kong umiyak nang marinig ko ang malalim at malamig niyang boses. Parang ang tagal-tagal na naming di nagkakausap.

"Kuya Seichiro.." malungkot ang tono ng boses ko. Hindi ko matago, kahit sa kan'ya, 'yung kalungkutang nararamdaman ko.

"Hindi kita matutulungan kung hindi mo sasabihin sa'kin ang problema mo."

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. " Tuluyan nang namula ang mga mata ko.

"Huhulaan ko, nagkagalit kayo ng kapatid ko, no?" Nagulat ako. P-pano niya nalaman 'yun? "Dalawang araw nang dumidiretso lang ng kan'yang silid si Yuta. Mukhang laging malungkot. S'yempre mapapansin ko 'yun," paliwanang niya.

"P-pa'no ko ba—" Hindi ko matuloy. Ang awkward. Ngayon ko lang na-realize. Hindi naman dapat si Yuta ang topic ng usapan e. Hindi. Ang balak kong sabihin ay 'yung tungkol sa pagkikita namin bukas. Peste kasing luha 'to e! Nangingilid na naman! Nakakai—

"Kanna, ano kaya kung puntahan mo siya rito sa bahay bukas? Hindi magandang nag-aaway kayo ng bestfriend mo," kalmadong sabi ni Kuya Seichiro.

"P-pero..di ba bukas 'yung book sign—"

"'Yun nga 'yung sasabihin ko dapat sa'yo nu'ng nakaraan pa. E nasasaktuhang lagi kang tulog 'pag vacant niyo. Hindi kasi ako pwede bukas. I'm sorry. Sinabi kasi ni Imadori na naaprubahan na 'yung seminar na a-attend-an namin sa UP. Para kasi 'yun sa SSG kaya hindi ko pwedeng mahindihan. Kaya I suggest na puntahan mo na lang si Yuta rito sa bahay. At least 'pag nandito ka na, hindi na 'yun makakaiwas sa'yo."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Malungkot ako na hindi matutuloy 'yung pagkikita namin (at kagagawan na naman ito ni Ate Imadori). Pero masaya ko kasi..gumagawa ng paraan si Kuya Seichiro para magkabati kami ni Yuta. Ang bait niya talaga. Sobra.

Nahihiya man, nagpasalamat ako sa kan'ya.

"Wala 'yun. Ayoko lang na nakikitang pareho kayong malungkot dahil pareho kayong mahalaga sa'kin." Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Ibig sabihin, mahalaga pala ako sa kan'ya? Nakakataba naman ng puso! "Saka sorry talaga a, dahil di matutuloy ang lakad natin. Ako pa naman ang nag-aya. Di bale, babawi na lang ako sa'yo next time." Bigla siyang huminto at bumuntong hininga. Nagsimula akong mag-alala. "Saka feeling ko naman..kahit matuloy ang lakad natin, hindi ko pa rin magagawang mapasaya ka."

"Ha? B-bakit nam—"

"Kasi hindi pa kayo okay ni Yuta." Natahimik ako sa sinabi niya. 'Di ko alam kung sasang-ayon ako o kokontra. At dahil sa di ko pagsagot, nagpaalam na siya at naputol na ang aming pag-uusap.

*****

Sabado. Kinakabahan ako habang nasa biyahe papunta sa kanila. Pa'no kung hindi pa rin ako pansinin ni Yuta? Pa'no kung hindi na siya maniwala sa'kin? Pa'no kung totoong napagod at nagsawa na nga siyang maging bestfriend ko?

Nang magdoorbell ako, agad namang lumabas si Kuya Seichiro. Literal na natulala ako nang makita ko siya. Ngayon ko lang siya nakitang naka-corporate attire at masasabi kong lalo siyang naging gwapo dahil rito. Nginitian niya ko at pinapasok sa loob. Namangha ako sa laki at ganda ng bahay nila. Parang isang litratong ginupit sa mga magazine!

"Wala sina Mama at Mika, yung bunso naming kapati. Nag-shopping. Kaya walang makakaistorbo sa pag-uusap niyo," sabi niya habang inaayos na sa salamin ang kurbata niya. Gusto ko sana siyang tulungan kaso hindi ako marunong. Si Mama kasi ang laging nag-aayos ng kurbata ni Papa e. Sayang! "Kinuha ko 'yung spare key ng kwarto ni Yuta, naka-lock kasi, bale ang plano, bubuksan ko ang pinto tapos papasok ka. 'Pag nakapasok ka na, hindi ka na niya mapapalabas. Saka pa lang ako aalis."

Kinakabahan ako. Pero kaya ko 'to! Hindi ko hahayaang masayang ang effort ni Kuya Seichiro para lang magkabati kami! Kailangan kong ma-convince si Yuta na hindi totoo ang mga sinabi ni Ate Imadori sa kan'ya. Hindi totoong ginagamit ko lang siya. At hindi, kahit kelan, mangyayari 'yon. Dahil hindi ako ganu'ng klaseng tao—hindi ako ganu'ng klaseng kaibigan. Alam niya 'yun. Naniniwala akong alam niya 'yun.

Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ni Yuta, nginitian at kinindatan ako ni Kuya Seichiro bago niya sinarado 'yung pinto. Lihim akong kinilig at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makita ko si Yuta, nakahiga sa may sofa.

"Yuta?" Nilapitan ko siya. Mukhang tulog. Naka-earphone pa siya. Napabuntong hininga ko sa pagkadismaya. Pa'no ko s'ya kakausapin kung tulog siya? Anong gagawin ko? Gigisingin ko ba siya?

"Ano ba 'yan, ngayon na nga lang ako nagka-chance na makausap ka, saka ka pa natulog," sabi ko sabay upo sa tabi niya. Tinanggal ko sa kaliwang tenga niya 'yung isang earphone at kinabit sa tenga ko. Ano naman kayang kanta ang pinapakinggan nito?

Gusto kong magpaliwanag sa iyo, ngunit 'di kinakausap. Di ko inasahang diringgin mo, nakatingala sa ulap.

Tumulo nang kusa ang mga luha ko. Nakakainis. Hindi ba ito 'yung eksaktong nararamdaman ko? Tinignan ko 'yung playlist sa cellphone ni Yuta. Ito lang ang lamang kanta. Lalong tumulo ang mga luha ko. Naka-repeat kasi 'yung kanta. Ibig sabihin..hanggang sa makatulog siya..ito lang ang pinaki-kinggan niya?

Alam kong nasaktan na naman kita, ngunit 'di ko naman sinasadya. Hinding-hindi na mauulit sinta. Sana'y maniwala ka.

Unti-unti, napasabay ako sa kanta habang pinupunasan ko ang mga luha ko. Pabulong ko lang sinasabayan. Ayokong magising siya. Ayokong makita niya kong gan'to.

Sabihin mo na kung anong gusto mo. Kahit ano'y gagawin para lamang sa 'yo. Sabihin mo na kung papa'no mo mapapatawad.

"Sobrang miss na kita." Hinihimas-himas ko ang buhok niya. Sa bawat sandaling 'yon, lalo ko lang nararamdaman 'yung di maipaliwanag na kirot sa puso ko.

Ilang araw mo ng hindi pinapansin. Ilang araw pa'ng lilipas.Nakatanga sa harapan ng salamin. Naghihintay ng bawat bukas.

"Sorry na. Sorry na talaga, Bes. Hindi ko naman alam e. Saka bakit ka kasi nagpapaniwala sa sinabi ni Ate Imadori? Alam mo namang hindi totoo 'yun, di ba? Alam mo namang hindi ko magagawa 'yun sa'yo, di ba?

Lahat naman tayo'y nagkakamali. Sinong 'di magsasala? Ngunit kung papa'no babawi sa pagkakamali'yun ang mahalaga.

'Di ko na kontrolado ang sarili ko. Nagsasalita na lang akong parang ewan dito. Alam ko namang tulog siya. Pero..hindi ko na talaga kaya e. Kahit practice lang..kailangan kong masabi 'to.

"Alam ko naman na may mali rin ako, pero 'wag mo sana isipin na porke may gusto ko sa kuya mo, balewala ka na sa'kin. Hindi ko magagawang gamitin ka para lang mapalapit sa kan'ya. Yuta, alam mo sa totoo lang, may nililihim ako sa'yo. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. May kakaiba akong nararamdaman 'pag nakikita kita, 'pag nakakasama kita, kaso hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung ano 'yun. Kasi iba 'yun sa nararamdaman ko sa kuya mo. Alam ko—alam ko iba 'yun. Kaya hindi ko masabi sa'yo, kasi ikaw 'yung mismong problema ko. Ewan. Ang gulo ko lang." Huminto ako saglit. Pilit pinapahid ang mga luhang wala atang balak maubos. "Kasi ang alam ko..mahal ko si Kuya Seichiro, pero sumasakit ang puso ko 'pag hindi ikaw 'yung kasama ko at 'pag iba 'yung kasama mo. Sabi ko kay Nao, mali siya. Wala akong gusto sa'yo. Pero ngayon, hindi ko na alam. Ang sakit-sakit, Bes. Litung-lito na talaga ko."

Tinakpan ko ng dalawa kong palad ang mukha ko at tahimik na umiyak. Ilang minuto makalipas, tumayo na rin 'ko. Nahihirapan na kasi akong huminga. Pinahid ko ang mga luha ko at sininghot kung ano mang sipon ang nakabara sa ilong ko (wala kasi akong dalang panyo). Tinanggal ko na 'yung earphone sa tenga ko at tumayo, huminga nang malalim at kinumbinsi ang sarili kong okay lang ako.

"Sige Bes, uwi na ko. Masasabi ko rin siguro sa'yo 'to. Baka sa Lunes. Sana." Lalabas na lang ako ng pintuan nang may marinig akong tinig.

"I-lock mo 'yung pinto, ah."

Huh? T-teka—sino 'yung nagsalita?? H-hindi kaya..? W-wag mong sabihin sa'king n-narinig niya ang lahat ng sinabi ko??

Maya-maya, nakarinig ako ng tawang wagas mula sa likuran ko—tawang bigay na bigay, tawang pang-asar. Para kong naging estatwa sa kinatatayuan ko. HINDEEE!!

"Nyahaha! Akala mo tulog ako, no? Haha! Ang sakit sa tiyan! Wahaha!!"

"Argh..YUUUTAAAA!!"

"Huwag mo nang itanong kung narinig ko ang lahat." Tumayo siya, hinarap ako at mayabang na humalukipkip. "Ikaw Kanna a. May gusto ka pala sa'kin, 'di mo sinasabi."

Bigla akong namula at bumilis ang tibok ng puso ko. "H-ha?? W-wala kong natatandaan na may sinabi akong gano'n no!" bulyaw ko sa kan'ya habang nakakuyom ang aking mga palad.

"'Kuu!! 'Wag ka nang mag-deny!" Maiiyak na ko sa sobrang pagkapahiya at inis sa kan'ya pero sige pa rin siya sa kakaasar sa'kin at kakatawa.

"WAH!! HINDI NGA SABI EH!!"

[Chapter Thirteen]

Yuta

Hindi ko alam kung bakit ko nasigawan si Kanna nu'ng Wednesay. Na-realize ko na lang na mali 'yung ginawa ko nu'ng mga sumunod na araw. Hindi ko siya pinapansin kasi hindi ko alam kung pa'no ko magso-sorry sa kan'ya. Lagi namang ganu'n e. Minsan hindi ko na kasi alam pa'no ko mapapangatawa-nan ang pagiging bestfriend ko sa kan'ya. Napapagod na rin kasi ako.

Nung Sabado, hindi ko inaasahang darating siya sa kwarto ko. Kasi di ba 'yun ang araw ng 'date' nila ni Kuya? Kaya nga ko nagmumukmok sa kwarto ko nu'n at nagsa-soundtrip para mawala sila sa isip ko kahit saglit lang. Di ko namalayang nakaidlip na pala ko. Nagising na lang ako nu'ng nawala 'yung isang earphone sa tenga ko. Nu'ng dumilat ako nang kaunti, nakita ko si Kanna. Nakapikit, lumuluha habang nakikinig nu'ng tanging kanta sa playlist ko. Bumilis ang tibok nang puso ko nu'ng sabayan niya ang kanta habang hinihimas-himas niya ang buhok ko. Nu'ng panahon na 'yun, gusto ko nang yakapin siya at humingi ng sorry. Kasi alam ko na kasalanan ko naman ang lahat pero siya pa itong humihingi ng tawad. Sumikip ang dibdib ko. Ayokong nagkakaganu'n si Kanna. Nararamdaman ko kasi na nasasaktan siya, kaso..wala akong magawa.

Wala akong kaalam-alam na ganu'n pala ang nararamdaman niya. Although masaya kong malaman na kahit pala pa'no, may pag-asa ko sa puso niya, alam ko na hindi ako pwedeng umasa dahil hindi naman siya sigurado. Pwedeng naguguluhan lang talaga siya. Pero okay na siguro 'yun. At least, alam ko na meron—merong nararamdaman para sa'kin si Kanna.

Lunes. Pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom, hinanap ko siya agad. Nung nagtama ang mga paningin namin, umiwas siya ng tingin at namula. Napangiti ako at lumapit sa upuan niya saka inasar siya ng, "Good morning! Aaah! Namula ka dahil nakita mo ko? Haha! Ano ba ang feeling na makita mo ang crush mo ngayong araw?" Inirapan niya ko at sumimangot. Halata sa mukha niya ang pagkapikon. Tumawa ako at lalo pa s'yang inasar. "Wag mong sabihing..nakalimutan mo na 'yung..ka-ha-pon?"

Nagulat ako nang tumayo siya at hinarap ako. "Pagkatapos ng lahat ng mga ginawa mo, nagawa mo pang mang-asar, ha?? Baka nga ikaw pa ang may gusto sa'kin kasi lagi kang nagseselos kay Kuya Seichiro e!!" Aaah. Naghahamon ka Kanna, a. Sige lang. Tignan natin kung sinong mas magaling mang-alaska! Haha!

"Excuse me," sabi ko habang nakapamaywang. " Hindi 'ata kita type no!"

"Humanda ka sa'kin! May araw ka rin! Kala mo a!" Nakakuyom na ang mga palad niya. "Magsama kayo ng Yumi mo! Hmp!"

"Uuuy..nagseselos siya!" sabi ko tapos tinawanan ko siya.

"CHE!! At bakit naman ako magseselos, ha??"

"Kasi di ba..may-gusto-ka-sa'kin??" sabi ko habang nakangisi.

"W-wala akong s-sinasabing ganu'n, no!! 'Wag kang feelingero d'yan!"

"Oy hindi ko 'yun inimbento 'no! Ikaw ang mismong nagsabi sa'kin nu'n nu'ng Sabado. Nakalimutan mo na ba?"

"Hindi 'yun ang sinabi ko! Ang sabi ko la—"

"Sige nga, ano 'yung sinabi mo?" putol ko sa sasabihin niya. Natahimik siya at lalong namula tapos nag-walk out siya palabas ng room. Haha! Panalo ko!! Asar-talo talaga siya kahit kelan! Wuuh!

Nung recess, kinausap ko si Yumi at kinuwento ko sa kan'ya ang mga nangyari. Sinigurado ko na walang ibang makakarinig ng usapan namin.

"Ang, ang ibig sabihin ba n'yan.." Napakagat-labi si Yumi habang seryosong nakatingin sa kawalan. "Hindi na natin itutuloy ang plano natin?"

"Habang wala pang kasiguraduhan ang lahat, mas makabubuti kung itutuloy na lang natin."

*****

Banas na banas ako. Pinapila lang naman kami ni Mrs. Santiago sa covered court pagkatapos ng recess. Nu'ng mismong araw lang rin na 'yun ko nalaman na may JS Prom pala. Haha. Absent ba ko nu'ng sinabi 'yon o talagang di lang ako nakikinig sa klase? Okay na sana e. Exciting. Sayaw-sayaw. Kaso pucha! In-announce sa stage na bawal maging magka-partner ang magka-year level! Dapat raw 'pag junior, ang kapartner, senior! Anak naman ng—! Sino bang umimbento ng rules na 'yan at ba-black-eye-an ko?!

Ang mas nakakabadtrip pa, nananahimik akong nakapila at nagbabalak nang umuwi at mag-cut class dahil walang kwenta 'tong event na 'to nang may biglang humawak sa kwelyo ko at hinatak ako palayo.

"A-aray!! Hoy! Sino ka ba?!" galit kong sabi sabay tanggal nu'ng kamay niya. Nung humarap na ako sa kan'ya, napansin kong pamilyar ang mukha nya. T-tama!! Siya 'yung humarang at nang-trashtalk sa'kin nu'ng gabing pumunta ko kina Yumi para um-attend ng birthday party ng tatay niya!

Lumapit siya sa'kin habang nakahalukipkip at nakataas ang kilay. "Are you serious? As in hindi mo talaga ako kilala??"

"Itatanong ko ba kung kilala kita??" pilosopo kong sagot.

Natawa siya nang bahagya at napairap dahil sa sinabi ko. Mukhang di talaga siya makapaniwala. Teka, kasalanan ko bang di ko siya kilala?? Hindi naman, di ba? Buti sana kung artista siya o pulitiko—baka sakaling makilala ko siya, e hindi naman e!

"I'm Imadori, the SSG Secretary, and I want you to be my prom partner."

"O e ano naman kung ikaw ang secretary?" sagot ko. "Sa tingin mo hangang-hanga ako sa'yong secretary ka? Saka bakit naman ako papayag maging partner mo??" Hindi naman talaga ko galit sa kan'ya, napipika lang ako sa mga babaeng tulad niya na ang arte at arogante kumilos at magsalita.

"Kasi hindi mo naman magiging partner si Kanna kahit anong gawin mo kaya kahit sino pwede, di ba?" nakangisi niyang sabi. Kinilabutan ako sa ngisi niya—parang pang mangkukulam.

"P-pa'no mo nal—" 'Di lang siya mangkukulam, manghuhula pa!

Lalo s'yang lumapit sa'kin tapos bumulong sa tenga ko ng, "Alam ko ang dalawang pinakatatago mong sikreto. Kung ayaw mong i-reveal ko 'yun sa 'bestfriend' mo e wag ka ng mag-inarte d'yan."

Nanlaki ang mga mata ko. Seryoso ba talaga ang babaeng 'to? Ano bang problema niya? Una, siniraan niya sa'kin si Kanna tapos ngayon iba-blackmail niya kong maging partner niya?!

Wala na kong nagawa kundi pumayag nang magsalita na 'yung SSG President sa stage dahil tapos na ang limang minutong palugit na binigay niya para maghanap kami ng makakapareha. Arghh! Badtrip! Bakit ba kasi kailangang ang babaeng ito pa ang partner ko??

Kinagulat ko pa na kasama ako sa cotillion dahil sa pesteng Imadori na 'to. Tapos kung makadikit sa'kin akala mo dikya. Hindi naman kami close! Hayst! Tapos nu'ng mapunta 'yung atensyon ko sa malayo, natanaw ko pa si Kanna. Bwiset! Sinasabi ko na nga ba e. Si Kuya ang partner niya. Nakakainis makita na mukhang kumportableng-kumportable na siya kay Kuya Seichiro. Nakakainggit. Nakaka..selos.

Habang magkasayaw kami ni Imadori sa saliw ng kantang "Moving Closer", may binulong siya sa'kin, "Sa araw ng JS, pagkatapos ng traditional ceremony, gusto kong ipaglayo mo si Kanna at ang kuya mo, maliwanag?" At alam niya ring kapatid ko si Kuya Seichiro? Holy crap. May investigative team ata 'to e. Teka, wag mong sabihing—

"May gusto ka sa kuya ko??" naasiwa kong tanong. Agad s'yang nag-blush at binatukan ako.

"Will you shut your mouth?? 'Pag may nakarinig ng sinabi mo, humanda ka sa'kin!" galit n'yang sabi nang pabulong.

"So meron nga." Napa-iwas ako ng tingin sa pagkainis. Lahat na lang ba ng babae sa mundo may gusto sa kuya ko?? Takte! Ano bang meron sa kan'ya?! "Teka nga, magkalinawan tayo, kung may gusto ka sa kuya ko, bakit dinadamay mo pa kami ni Kanna??"

"Hindi ba obvious??"

"Hinde, kaya nga tinatanong ko e!" Kapika talaga 'tong babaeng 'to kahit kelan!

"'Yang pinakamamahal mong bestfriend lang naman ang malanding lapit ng lapit kay—"

"Subukan mong sabihan ulit si Kanna nang gan'yan at makikita mo! Kahit babae ka, masasaktan kita!!" sabi ko nang pagalit ngunit pabulong. Astig, di ba? Nag-aaway kami habang nagbubulungan at nagsasayaw. Kakaibang multi-tasking! Nakakapuno kasi e. Kung malandi si Kanna, ano pa siya? Bwiset!

"Whatever. Basta, kung hindi nanghihimasok 'yang Kanna na 'yan sa buhay ni Seichi e di sana, wala na kong problema. Teka, why don't we team up? Advantageous, right?" Sabay sa pilantik ng kaartehan niya ang pagtatapos ng huling kanta at ng tunog ng bell. Kumalas agad ako sa kan'ya at lumayo.

"Hey! You!!" sigaw niya. Ini-snob ko lang siya at dire-diretso sa paglalakad. Medyo umiingay na ang paligid dahil tapos na ang practice. Ang daming estudyanteng kan'ya-kan'ya ng direksyon kung maglakad. Nilingon ko siya kahit inis na inis na ko. Kawawa naman, walang pumapansin sa kan'ya.

"Wala akong panahon sa mga babaeng insecure na tulad mo. Isa pa, may sarili akong diskarte, kaya hindi ko na kailangan ng tulong mo, Ate Imadori," sarkastiko kong sabi. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Ang yabang-yabang kasi umasta, akala mo naman lahat ng tao mapapasang-ayon niya sa gusto niya. "And lastly, hindi kita mapapatawad 'pag may ginawa ka na namang masama kay Kanna. Hindi rin ako padadala sa pangbla-blackmail mo kaya tigilan mo na 'yang bulok na taktika mo," dagdag ko at tuluyan na akong lumayo sa kinaroroonan niya. Narinig kong napapadyak siya sa sobrang inis. Napangiti na lang ako.

Nang makita ko si Kanna at Kuya na magkasama pa rin, agad akong lumapit sa kanila at inakbayan ko si Kuya sabay sabing, "'Tol, pwede ko bang hiramin ang bestfriend ko?"

Napatingin sa'kin 'yung dalawa. Si Kanna, nag-blush nang makita ako at umiwas ng tingin. Sumimangot bigla. Haha.

"Sure, paalis na rin ako e, may aasikasuhin pa ko sa SSG," kalmadong sabi ni Kuya Seichiro at ngumiti sa'kin. Tumingin siya kay Kanna nang sinabi n'yang, "See you tomorrow, Kanna," tapos ngumiti na naman siya—'yung usual na ngiti n'yang gentle at nakakayamot—tapos tuluyan na s'yang umalis.

Lumapit ako kay Kanna, natawa ako nu'ng lumayo siya. Kada isang hakbang ko palapit sa kan'ya, isang hakbang din paatras ang ginagawa niya. Sa iba siya nakatingin at abot-tenga ang pamumula niya. Parang sa isang iglap lang, nawala 'yung inis ko sa Imadoring 'yun kanina.

"Bakit mo ba ko iniiwasan?"

"K-kasi alam kong aasarin mo na naman ako," sabi niya. Ang cute talaga ni Kanna. Natawa tuloy ako lalo at hindi ko matago ang ngiti ko.

"O sige, hindi na kita aasarin pero sa isang kondisyon."

"Ano?" tanong niya.

"Ako ang magiging first dance mo," nakangiti kong sabi. Napatingin siya sa'kin nang mabanggit ko 'yun. Nag-isip siya saglit saka inirapan ako.

"Ayoko nga!" Nagulat ako sa sagot niya. Akala ko pa naman papayag siya. Ang KJ naman nitong si Kanna! Tinanong ko kung bakit, sabihan ba raw ako ng, "K-kasi malay mo..ayain ako ni.."

"Ni kuya? Tama ba? E siya na nga ang partner mo e, mula umpisa hanggang pagkatapos ng ceremony kayo na magkasama tapos—" Tokwa naman! Ayaw mo na bang mahiwalay sa kan'ya??

"Selos ka?"

"Hindi no," iwas ko. Aba! Ako naman ngayon ang inaasar niya!

"Weh. Di nga?" tanong niya tapos siya naman ang lumalapit sa'kin. Ako naman tuloy 'yung umiiwas at napapahakbang palayo.

"Hah! Kung ayaw mong maging first dance ako, e di wag! Maghahanap na lang ako ng iba! Akala mo naman ikaw lang ang babae sa prom!" sabi ko. Sumimangot siya. "Ang dami-daming maganda do'n sigurado 'ko. Haha! Akala mo naman ik—"

"E di sige! Bahala ka sa buhay mo! Makipagsayaw ka sa lahat ng babae sa prom! Wag na wag mo akong isasayaw a!" sigaw niya tapos nagbelat siya sa'kin na parang bata at tumakbo na palayo. Napabuntong hininga na lang ako. Ang bilis naman niya magtampo, para binibiro lang eh.

Kinabukasan, practice na naman ng JS. Kung 'yung iba, natutuwa at kinikilig sa mga partners nila, ako hindi. Bukod sa wala kaming pansinan ng partner ko, sinasadya niya talagang tapakan ang paa ko 'pag walang nakatingin. Ang sakit, sobra! Nakatakong pa man din siya! Bwiset! Para napahiya lang nang konti. Para naapakan ko lang nang konti 'yung uuuuubod ng kapal n'yang pride e ganyan na siya. Hayst! Ang babaw! Lahat ba ng babae gan'to??

Si Kanna naman 'pag sumusulyap ako sa may pwesto nila at nagtatama ang paningin namin, iniirapan ako. Argh. Pati ba naman siya?? E kung 'wag na lang kaya ako um-attend ng JS Prom? Haay. Hindi pwede. Sabi nila, marami raw nangyayari 'pag prom. May nagkakahiwalay, may nagkakatuluyan. 'Pag wala ako sa eksena, baka kung anong development na naman ang mangyari sa kuya ko at kay Kanna. Hindi ata pwede 'yun. Kasi naniniwala ako mas mahal ko siya at mas bagay kaming dalawa.

[Chapter Fourteen]

Kanna

Kasalukuyang nagsisimula na ang countdown ng monster sa sungit na SSG President sa pagpili ng bawat isa sa'min ng makakapareha. Nagmumukmok lang ako sa sulok at nagdarasal na bumilis ang oras at mag-uwian na dahil wala naman talaga kong kainte-interes sa mga gan'tong event at alam ko naman na:

1. Para lang ito sa may jowawers.

2. Para ito sa mga magaganda at gwapong (feeling) 'single' (paganda rito, papogi roon, paramihan ng makasayaw panalo).

3. Di pwede ang magka-year level (meaning, cross out sa option si Yuta at Tomo).

4. Walang mag-aaya sa'kin dahil plain-looking ako, parehong kaliwa ang paa ko, hindi ako marunong mag-ayos sa sarili at wala 'kong kilalang senior na magkakamaling piliin ang isang tulad ko—

Wait—May nagtext!

Agad kong kinapa sa bulsa ng palda ko 'yung cellphone ko at nagmamadaling binuksan iyon, umaasang hindi 'yun si Yuta na lately e walang ibang trip kundi ang asarin ako.

Kanna, may kapareha ka na ba? Kung wala pa, tayo na lang :)

Muntik ko nang makalimutang huminga nang mabasa ko ang text ni Kuya Seichiro. Naka-limampung beses ko atang kinurap ang mga mata ko at lagpas isandaang beses ko naman inulit-ulit basahin ang nakasulat—baka sakaling magising ako sa katotohanang namamalikmata lang ako. Pero hindi. 'Yun talaga ang nakasulat. Inaaya niya kong maging ka-partner niya sa Prom. OMG. At di lang 'yon, sinabi niyang 'tayo na lang'—Waaah! Kinikilig ako!

Nang magawi ang mata ko sa stage, nagulat ako kasi 'andu'n pala si Kuya Seichiro at nakatingin siya sa'kin! Natawa pa siya nang bahagya saka ko casual na nginitian. Waah! Nakakahiya naman. Nakita niya kong pulang-pula at kilig na kilig kanina.

Nagtaka ko nang may ibulong siya kay Mr. President na tumango naman rito. Tapos bumaba na siya ng stage. T-teka! Tama bang nakikita ko? P-palapit siya sa'kin??

Gusto kong magtago na parang timang sa sobrang kaba at kilig. Nakakaloka. Parang panaginip. Parang ilusyon.

"At dahil mukhang nakapili na ang lahat ng kapareha, magsisimula na akong ipaliwanag ang magiging flow ng program bago ang pinananabikan n'yong sayawan," sabi ni Mr. President gamit ang mic sa stage.

"Sorry, pinaghintay ba kita?" tanong ni Kuya Seichiro nang makalapit na siya sa'kin.

Umiling ako kagad at nagsabing, "Hindi naman." Ipinaliwanag sa'kin ni Kuya na ang SSG raw ang magho-hold ng JS Prom ngayong taon kaya humihingi na siya ng dispensa ngayon palang dahil hindi siya palaging makaka-attend ng JS Practice. "Naku..okay lang 'yun, Kuya Seichiro!" sabi ko. "Ang saya ko nga kasi ako ang napili mong partner e."

"Akala ko nga may nag-aya na sa'yong iba e. Swerte kong wala pa." Namula na naman ako dahil sa sinabi niya. Waah. Kung alam mo lang Kuya Seichiro, mas maswerte ako!

Maya-maya, ipinaliwanag na ni Mr. President sa lahat ang flow of ceremony. Sa pagsisimula raw, magkahiwalay ang pila ng mga magkakapareha, sa kaliwa ang mga lalaki, at sa kanan naman ang mga babae. Tapos on cue, maglalakad sila at magtatagpo sa gitna kung saan maghahawak sila ng kamay saka sabay na maglalakad hanggang sa makarating sila sa loob ng covered court kung saan sila nakapila.

"Tuluy-tuloy 'yun, bale, two couples at a time ang maglalakad nang sabay sa gitna ng covered court para mabilis tayo. Kapag lahat na ng magka-partner ay nasa covered court na, saka niyo palang pwedeng bitawan ang kamay ng partner ninyo."

Wow! Ganu'n katagal ko mahahawakan ang kamay ni Kuya Seichiro? E si Yuta kaya? Sinong partner niya? Luminga-linga ako sa paligid. Nasa kabilang dulo sila ng stage kaya ang hirap n'yang hagilapin.

"Si Yuta ba ang hinahanap mo?" tanong ni Kuya Seichiro. "Si Imadori ang partner niya. Nakita ko sila kanina nu'ng nasa stage pa ako."

Nanlaki ang mga mata ko. "S-si Ate Imadori??"

Tumango siya at sinabi n'yang, "Kahit ako nagulat e. Kasi maraming third year na lalaki ang gusto s'yang makapareha, lalo na 'yung mga naging ex niya. Magkakilala ba sila?"

Umiling ako. "H-hindi ko alam e."

Kinakabahan ako. Pa'no kung kaya niya piniling partner si Yuta e para lasunin na naman ang utak nito? O kaya ginagantihan niya ko kasi ako ang partner ni Kuya Seichiro? Waah. Anong gagawin ko?

Pansamantalang nawala ang pag-aalala ko nang magsimula na ang practice. Ang masasabi ko lang, nakakatakot s'yang host ng program. Bukod sa hobby niya na atang manigaw, may pagka-perfectionist rin siya. Napaling lang ang linya, nahuli lang ng ilang segundo sa paglalakad ang isang couple, ipapaulit niya lahat mula simula. Oo, as in mula simula. Tapos 200 couples kayong lahat? Saya!

Makalipas ang ilang oras na paulit-ulit na entrance, sa wakas, na-satisfy rin si Mr. President at makakapag-move on na kami sa cotillion. Nagulat ako na kasama pala si Ate Imadori du'n. Sabagay, isa siya sa pinakamaganda sa mga senior—Whatda! Kasama rin si Yuta! Whoa. Nakakabilib ang finesse nilang sumayaw. Talagang may pitik! Hindi pa pino kasi unang practice palang pero masasabi kong ang ganda ng tandem nila! (Side note: Akalain mong marunong palang sumayaw si Yuta? Bago 'yun a!)

"Dancer si Imadori kaya magaling siyang mag-lead ng kahit sinong makapareha niya," paliwanag ni Kuya Seichiro habang pinapanuod namin sila sa gilid. Aah. So nadadala lang pala si Yuta ng galing ni Ate Imadori? Ang astig naman! Kahit kontrabida siya sa buhay ko, nakakamangha ang dancing skills niya!

Nang matapos na ang pratice ng cotillion, nagsimula na ang pinakahihintay ko—'yung slow dance ng magkapartner! At nu'ng magkaharap na kami, lalo akong kinabahan. Eye contact—shocks! Nakakailang!! Tapos nilagay niya na ang dalawang kamay niya sa bewang ko at nilagay ko naman ang mga kamay ko sa balikat niya. Waaah. Lord, di ako makahinga sa kilig!

"Sa pagsisimula ng tugtog," sabi ni Mr. President na mukhang naalibadbaran sa mga nakikita niya. "..kailangang sumabay kayong lahat sa kanta. Ang mahuli kong magkapareha na hindi kumakanta ay papasayawin ko dito sa stage. Pumili kami ng mga sikat na kanta para hindi na kayo kailangang magkabisado. Gahol na rin kasi sa oras. 'Yung mga nakakaalam ng kanta, please lang, lakasan niyo ang boses n'yo. Okay, eto na, magsisimula na ang kanta."

Nang isabog ng speaker na parang mga pixie dust sa ere ang malamig na boses ng Never The Strangers ay tila uminit naman ang paligid; napuno ito ng samu't saring emosyong dala ng awitin nilang "Moving Closer". Hindi ako makakanta nang maayos kahit kabisado ko ang lyrics dahil nakatitig sa'kin si Kuya Seichiro—at hindi ko mailayo ang mga mata ko sa kan'ya. Pero bakit kahit kinikilig ako e may pakiramdam akong hindi naman siya sa'kin nakatingin kundi sa kawalan—sa kalawakan ng kan'yang isipan?

*****

10 pm na pero gising pa rin ako. Pinagsabihan pa naman ako ni Mama na matulong nang maaga kesyo kailangan ko raw ng 'beauty rest' (as if naman na gaganda ko 'pag natulog ako nang maaga. Haay). Mas excited pa nga siya sa'kin, biniro ko tuloy siyang siya na lang ang um-attend tutal gusto n'yang maranasan ulit 'yung sinasabi n'yang pinaka-memorable na parte ng highschool life niya: ang JS Prom.

Iniisip ko tuloy kung anong mangyayari bukas. Kung matatapilok ba ko, kung mamu-murder ng beautician 'yung hair and make up ko, kung bigla kong tumaba at di magkasya ang dress na inarkila ni Mama, kung biglang magkasakit si Kuya Seichiro at umabsent, kung may gawing masama si Ate Imadori at (ang pinakahuli sa lahat ng kung) kung tuluyan nga akong hindi isayaw ng mokong na 'yun. Natatakot ako na imbes na memorable e forgettable 'yung first prom experience ko.

Bigla tuloy akong napahawak sa kwintas sa nasa leeg ko habang nakahiga at nakatitig ako sa kisame ng kwarto ko, naghihintay na datnan ng antok. Napabuntong-hininga tuloy ako. Nakakainis kasi siya. Kung di niya ko inaasar at kung seryoso lang 'yung pag-aaya niya sa'kin e di pumayag ako. Hmp. Palibhasa alam niyang di ko siya tatanggihan kaya ang yabang-yabang niya. Gumanti lang ako nang konti at humindi sa kan'ya tapos kung anu-ano na ang sinabi. Siya pa 'yung may ganang magtampo sa'kin e siya naman 'tong nagsimula. Tapos sasabihin niya pa na kesyo raw hindi lang naman ako ang babae sa prom at maraming magagandang babae du'n na pwede n'yang isayaw. Para niya na ring sinabi na kung di ako inaya ni Kuya Seichiro, forever wallflower ang drama ko sa prom. Tama bang ibaba niya pa lalo 'yung self-esteem ko e bestfriend ko pa man din siya? Haayst. Nakakainis talaga!

Naalala ko si Yumi. Dahil hindi ako pumayag sa gusto ni Yuta, malamang sa malamang siya ang una n'yang isasayaw. Nang maisip ko 'yun, kumirot na naman ang puso ko. Argh! Pumikit ako at huminga nang malalim at huli nang mamalayan kong nagte-text na pala ko kay Yuta ng:

Hoy lalakeng mayabang! Sige pumapayag na kong maging first dance kita.

Gusto ko sanang burahin at 'wag nang i-send dahil unang-una, lalo ko lang kinukunsinte ang lalaking 'yon, as in puputok na 'yung ulo nu'n sa sobrang laki, at magkakaro'n ng biglaang bagyo sa sobrang kahanginan niya; plus pa na pinatunayan ko na naman sa kan'ya na di ko siya kayang tiisin, wala akong isang salita at certified loser ako. Kaso kahit bumuo ako ng listahan ng mga dahilan para hindi ko isend 'yon, sinend ko pa rin at pagkatapos na pagkatapos noon ay nakatulog na ko.

*****

Fairies na lang ang kulang at mukhang hinugot na mula sa isang fairy tale ang school namin. Kumpleto sa mahika, musika, prinsipe at prinsesa. Bet na bet ko 'yung stage decoration. Kumikinang na akala mo may Aurora Borealis sa pader ng stage. Kulang na lang ituro ko pa na 'ako ang gumupit nu'n!' at 'ako ang nagsabog ng glitters na pink sa parteng 'yun!' sa sobrang pagka-proud na naging parte ako sa pagbuo ng masterpiece na iyon. Ang hirap tuloy i-imagine na parang kahapon lang, nu'ng last practice namin, raw pa ang lahat, tapos ngayon lahat nag-evolve, nag-transform. Nakakatuwang isipin na graduate na nga kami sa pagiging mga bata ngayon. Kitang kita sa suot, hugis ng katawan, kilos, pilantik ng kilay, pilikmata, mga kamay at paa, boses at brand ng deodorant na mga dalaga't binata na kami.

"Wow, Kanna! Ikaw ba 'yan?" Naputol ang mga inisiip ko nang marinig ko ang boses ni Miki. Agad ko siyang nilingon. Napangiti ako nang makita ko siya kasama si Tomo. Literal akong napa-wow sa ayos nila.

"Ang ganda mo!" bola ni Miki sa'kin.

Napairap ako habang nakangiti sa kan'ya. "Ewan ko sa'yo. Ikaw nga d'yan e! Muntik na kitang di makilala!" Napakaiksi ng buhok ni Miki at magaslaw siyang kumilos katulad ko, pero sa'ming dalawa, mas napagkakamalan siyang tomboy maski na nu'ng nasa elementary pa kami, kaya laking gulat ko nang makita ko siya. Red lips at red cocktail dress—na bagay na bagay sa maputi niyang balat. Sinamahan pa ng polkadots na red ribbon clip sa gilid ng side bangs niya. Waah. Sobrang cute niya tignan!

"E ako, kilala mo pa?" natatawang tanong ni Tomo na nagmacho pose pa sa harapan ko. Isang pabirong siko ang niregalo ko sa kan'ya na inilagan niya naman.

Si Tomo naman, naka-black suit—lalo tuloy nakita ang kan'yang nakakainggit na katangkaran at pati na rin 'yung strong built ng katawan niya. Naka-wax ang medyo mahaba niyang buhok at ang cool niya lalong tignan dahil sa pagpapalit niya ng eyeglass.

Bigla, parang nahiya ko sa kasimplehan ng suot kong baby blue dress. Naka-light make up lang ako at di ako pumayag na lagyan ng kung anu-anong kemikal ang buhok ko para magkaro'n ng kakaibang style. Hinayaan ko nang nakalugay ang hanggang balikat kong manipis at unat na buhok. Tumanggi rin akong magsuot ng alahas kasi baka mawala ko lang saka mas kumportable ako kapag suot ko ang Twisty Heart. 'Yung sandals ko naman blue green, hiniram ko lang sa kapit bahay namin para bumagay sa suot ko. Haay. Parang pakiramdam ko tuloy ako lang ang naiiba sa lahat. Parang gusto ko nang umuwi na lang at tapusin ang binabasa kong libro.

Luminga-linga si Tomo sa paligid, parang may hinahanap. Napagaya tuloy ako at lumingon rin. "Si Yuta, di mo kasama?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko at ibinalik ko ang tingin sa kan'ya. "Hinde eh. Wala pa siya?" tanong ko. Ano kayang nangyari du'n? Ilang minuto na lang magsisimula na 'yung entrance a.

Maya-maya, may nag-hello-mic-test-test-mic na sa stage. Napatingin kaming lahat du'n. 'Andu'n ang tatlong may pinakamataas na posisyon sa SSG at mukhang naghahanda na sila para pormal na simulan ang prom. Inanunsyo ni Kuya Natsume na magsimula na kami ng pila para mabilis na makapagsimula. Nakaka-nganga 'yung mga porma nila. Respetadong-respetado saka talagang ginastusan ang mga damit nila. Higit sa dalawa, mas nakakatawag ng pansin ang hot pink cocktail dress na suot ni Ate Imadori na nagbigay-diin sa hugis ng sexy niyang katawan ( e di siya na ang sexy!) Kahit naiinis ako sa kan'ya, hindi ko maide-deny na napakaganda niya talaga (at inggitera naman ako).

Nu'ng magsimula na ang entrance, ang tindi ng kaba ko, paulit-ulit na bumabalik sa'kin 'yung mga naisip ko kagabi at wini-wish ko na sana, ni isa du'n, hindi mangyari. Nu'ng kami na ni Kuya Seichiro ang maglalakad nang sabay, iningatan ko ang bawat hakbang ko palapit sa kan'ya sa gitna.

Hindi ako pwedeng madapa. Hindi ako pwedeng madapa. Hindi ako pwedeng madapa. Hin—

"Kanna, okay ka lang?" tanong niya sa'kin habang magkahawak na kami ng kamay at naglalakad nang sabay. Tumango na lang ako. Tumawa siya nang bahagya nang makapag-settle na kami sa designated area namin. Tapos tumingin siya sa'kin at ngumiti. "'Wag kang kabahan. 'Andito naman ako e. Haha. Don't worry, hindi tayo magkakamali." Pinisil niya nang bahagya ang kamay ko habang hawak niya ito at bigla, pakiramdam ko na-wash away ng magic charm niya ang pangamba ko. Sinuklian ko siya ng isang maluwang na ngiti at pinisil pabalik ang kamay niya.

Pero naagaw rin agad ang atensyon ko nang makita ko si Ate Imadori na naglalakad sa gitna nang walang partner. Halata sa mukha niya ang pagkayamot. Ibig sabihin, wala pa rin si Yuta? Anong nangyari du'n? Tinanong ko si Kuya Seichiro kung sabay ba silang pumunta ni Yuta sa school pero sabi niya hindi raw. Sabi raw ni Yuta, mauna na siya.

Napakunot ako nang noo at napasimangot. Naku naman! Ano kayang paghahandang ginawa nu'n at late na siya nang ganto?? Hayst! Daig niya pa ang babae sa kaartehan!

Natapos nang magsalita ang mga representatives ng juniors at seniors para sa passing of churvaness—hindi ko na alam kung ano ang mga pinagsasasabi nila kasi lingon ako nang lingon sa likod—pero wala pa rin Yutang dumarating.

"Dadating rin 'yun, 'wag kang mag-alala." Nagulat ako nang biglang magsalita si Kuya Seichiro. Di ko alam na sobrang obvious ko na pala sa kakahintay sa sira ulong 'yon at nababalewala ko na siya. Hayst! Humanda ka talaga sa'kin, Yuta! 'Pag di ka dumating, kakalbuhin kita!

Nang magsimula ang cotillion, agaw-eksena ang naging pag-walk-out ni Ate Imadori sa stage kasi hindi pumayag 'yung adviser na naka-incharge sa kanila na sumayaw siya nang walang partner. Sa loob-loob ko, naaawa ako sa kan'ya. Kahit sabihin na masama siya sa'kin, alam ko ang hirap sa pakiramdam nang napapahiya sa harapan ng maraming tao, lalo pa't hindi mo magagawa ang passion mo. E di ba, dancer siya? Ang sakit nu'n. Para kang binigyan ng kalayaang lumipad pero tinanggalan ka naman ng pakpak.

Pagkatapos ng ceremony, nagpunta na kami sa kan'ya-kan'ya naming tables. Hinatid pa ko ni Kuya Seichiro sa table ko bago siya umalis. Nang makaupo na ako, agad kong tinanong kay Tomo kung anong oras na. 8 pm na raw. Lalo kong nabadtrip. Hindi pa man lumalalim ang gabi, sinira na ni Yuta ang gabi ko! Ni hindi ko man lang na-enjoy ang sayaw namin ni Kuya Seichiro nu'ng ceremony dahil sa pag-aalala ko sa kan'ya at kung napano na siya. Di man lang maanong mag-text ng Bruho, hayst!!

Nung mai-serve na 'yung pagkain, kumain na lang ako hanggang sa mabusog ako. Oo, pati 'yung parte ni Yuta, kinain ko na sa sobrang inis ko. Napatingin lang sa'kin ang dalawa kong pinsan at natawa, 'di makapaniwalang kung ngumasab ako ng pagkain e para na kong bibitayin bukas. (Pero ang totoo, si Yuta ang bibitayin ko bukas.)

"Hinay-hinay lang Kanna," paalala sa'kin ni Miki. "Baka mabilaukan ka."

"Oo nga, saka ba't kinain mo pati 'yung parte ni Yuta? Baka late lang 'yun, 'kaw naman, HB agad," dugtong naman ni Tomo.

"Bahala siya sa buhay niya! Kung di siya a-attend, e di 'wag! 'Wag na s'yang dumating kahit kelan! Hmp!" sabi ko sabay kagat sa piraso ng steak na nasa tinidor ko. Bwiset talaga! Kung kelan ako pumayag na siya ang maging first dance ko, saka naman siya wala! Haayst!

Pagkatapos kumain, pormal nang sinimulan ang pinakahihintay ng halos lahat ng um-attend sa prom—ang sayawan. First song pa lang ang tinutugtog, may nag-aya na ka'gad kay Miki na sumayaw. Si Tomo naman, tumayo sa kinauupuan niya at mukhang may target ding isayaw na babae. Naiwan tuloy ako sa table nang nag-iisa. Nakakalungkot. Ito na nga ba ang sinasabi ko e. Magiging wallflower lang ako at uuwi nang hindi nae-enjoy ang gabing ito.

Lumipas ang oras, nakakasawa rin palang makakita ka ng mga taong masaya at ang sweet-sweet habang ikaw, nakapalumbaba sa lamesa at takatunganga. Tumingin ako sa cellphone ko. Take, 9 pm na. Hanggang 12 lang 'tong JS. Ano ba 'yan! Sana 12 na! Gustong gustong gusto ko nang umuw—

"Pwede ba kitang maisayaw, Kanna?"

Nagulat ako nang bigang lumitaw sa harapan ko si Kuya Seichiro nang nakalahad ang kanang kamay sa'kin. Bumilis ang tibok nang puso ko, as in! Akmang ilalapit ko na ang kamay ko para abutin ang kamay niya nang bigla kong maalala si Yuta. Oo nga pala, sinabi ko na siya ang magiging first dance ko. Kaya ayun, imbis na iabot ko sa kan'ya ang kamay ko ay ibinaba ko ito at pinatong sa lap ko. Yumuko ako at malungkot na humingi ng tawad sa kan'ya. "N-nakapangako na kasi ako kay Yuta na..siya ang..magiging first dance ko e," paliwanag ko.

Ibinulsa na lang ni Kuya ang kanang kamay niya at bahagyang ngumiti. "Ayos lang," sabi niya. "Pumasok rin naman sa isip ko na reserved na 'yung first dancemo para sa kan'ya e. O sige, maya na lang. Aalukin na lang kita pagkatapos nyong magsayaw ni Yuta." Nakaka-guilty pagmasdan 'yung aliwalas ng mukha niya habang sinasabi 'yon. Feeling ko para kong sinasaksak ng mga ngiti n'yang 'yon nang ilang beses. Naputol ang mga iniisip ko nang lumingon-lingon siya sa paligid at nagtanong ng, "Teka, wala pa rin ba siya?"

Isang slowmo na iling ang ginawa ko habang naka-pout. Bumuntong hininga siya at pinat ang ulo ko. "'Wag kang sumimangot. Nababawasan ang kagandahan ng isang babae kapag nakasimangot siya." Namula ako at napatingin sa kan'ya dahil sa mga salitang 'yon. Somehow, I felt warm inside. Kahit kelan talaga, hindi nauubusan si Kuya Seichiro nang mga simpleng salitang makakapagpasaya sa'kin.

Ngumiti ako at nagpasalamat sa kan'ya. Maya-maya, nagpaalam na siya at nangakong babalik mamaya. Tumango lang ako at pinagmasdan ang kan'yang likuran hanggang maglaho 'yon sa'king harapan. Bumalik ang lungkot ko upon realizing na mag-isa na naman ako. Bumalik rin ang inis ko kay Yuta. 'Nak ng tokwa—'di talaga ko makapaniwala sa sarili kong nagawa ko 'to nang dahil sa lecheng 'yon! Arghh! Peste kasi e, sana di na lang ako pumayag. Sana di ko na siya tinext. Sana pwedeng bawiin ko ang nasabi ko na. Hindi 'yung reklamo ko nang reklamo pero lihim pa rin akong umaasa na darating siya. Putek, parang naiiyak na ko. Badtrip talaga!

9:30 pm na nang bumalik sina Miki at Tomo sa table namin. "O, wala pa ring nagsasayaw sa'yo?" bungad na tanong sa'kin ni Miki pagkatapos niyang tumabi sa'kin.

Umiwas ako ng tingin. Namumula na ang mga mata ko. "Wala pa nga kasi si Yuta," sabi ko.

"'Yan ang mahirap sa taong 'yun e. 'And'yan na nga 'yung opportunity, sinasayang pa," sabat ni Tomo.

"Opportunity na..?"

"A..e di o-opportunity na..maging first dance mo!" sagot ni Tomo na di naman obvious na pinag-isipan talagang maigi ang sinagot niya. Bonus pang nakakaduda 'yung tawa niya sa dulo. Pilit at magkakagalit na ha-ha-ha. Napairap na lang ako at isinandal sa braso ko ang ulo ko na parang bumigat sa pagkayamot.

Lumipas pa ang ilang minuto at tanan!! 10 pm na! Ang saya, mag-isa na naman ako at iniwan ng mga pinsan ko. Spell lungkot. Haay.

Habang nililibang ko ang aking sarili sa pagtingin sa bawat galaw ng kamay ng analog clock ng cellphone ko at matamang naghihintay ng uwian, may nag-aya sa'king mga lalaki na hindi ko kilala. May nagsabi pa sa kanila na gusto raw akong maisayaw kasi idol niya raw ako kesyo ang galling ko raw umarte sa play nu'ng nagdaang foundation week. Pero lahat sila di ko pinansin. Lahat sila tinanggihan ko lang. At dahil sa pinakita kong kagandahang asal na dapat taglay ng mga kabataan ngayon, nakarinig lang naman ako ng mga papuri—este—reklamo at panlalait galing sa kanila katulad ng, "Ano ba 'yan!? Ang arte naman niya! Namimili pa e 'di naman maganda!" at "Bayaan niyo na nga siya, magkakaugat na siya d'yan sa puwesto n'ya e gan'yan pa siya umarte. Tara na! Mag-aya na lang tayo ng ibang babae."

Ang sarap lumamon ng tao. Pramis. Hindi ko rin naman kagustuhan na ma-stuck up dito e! Sa sobrang inis ko, hindi lang dahil sa mga lalaking 'yon, kundi dahil din kay Yuta, ay napatayo ako. Ayoko na! Suko na 'ko! Uuwi na lang ako! Pipilitin ko si Manong Guard na palabasin ako ng gate.

Automatic na tumulo na ang mga luha ko. I hate this feeling. I hate this prom!

Habang pinapahid ko ang mga luha ko at akmang kukunin ko na ang handbag ko sa table, sakto namang biglang nakita ko si Yuta. Kumunot ang noo ko at lalong sumimangot. Humahangos siya palapit sa'kin na akala mo sumali muna sa triathlon ng Olympics kanina bago pumunta rito. Nang makalapit na siya, huminto siya saglit, hinabol ang hininga niya. Pagkatapos e lumapit siya sa'kin at nilahad ang kan'yang kanang palad.

"S-sorry na late ako.." sabi niya na kinakapos pa rin ng hininga. "H-huli na ba ko para maging first dance mo?"

[Chapter Fifteen]

Kanna

"A-ARAY!! Ang sakit a!" reklamo niya habang hinihimas ang kaliwang tuhod niya habang patalon-talon sa sakit. Imbes kasi na iabot ko ang kamay ko sa nakalahad n'yang palad kanina e sinipa ko nang uuuuuuubod ng lakas 'yung kaliwa n'yang tuhod.

"Buti nga tuhod mo lang ang sinipa ko e!" Basag ang boses at mapulang mga matang patuloy na umiiyak—I hate this. How can he make me feel so weak?

"Anong oras na sa tingin mo ha?? Kanina pa kita hinahantay," reklamo ko habang kinukusot ko ang mga mata ko. "Akala ko kung napa'no ka na tapos—! Tapos.."

"Sa totoo lang, wala naman na talaga 'kong balak um-attend pa ng JS eh," paliwanag niya habang magkasalubong ang kilay na nakatingin sa'kin. Siya pa ang may ganang mag-alburoto? E kung sabunutan ko kaya siya?! "Ano pang silbi ng pagpunta ko rito e ayaw mo naman akong kasayaw? Kung di pa nagtext sa'kin si Tomo na kanina mo pa raw ako hinihintay hindi ko malalaman na inaasahan mo palang darating ako." Napatingin ako sa kan'ya, at saglit na nagkatinginan ang aming mga mata pero agad din siyang umiwas ng tingin sa'kin. "Akala ko nga na-wrong send siya kasi di ba si Kuya Seichiro ang gusto mong maging first dance mo? E bakit mo naman ako hinihintay?" At talagang ipinagdiinan niya talaga sa'kin 'yun a?!

"Tinanggihan ko si Kuya Seichiro kanina," amin ko sabay irap sa kan'ya. "Hinihintay kita kasi.. tinutupad ko lang 'yung..s-sinabi ko—"

"O? Si Kuya, tinanggihan mo? At ano 'yung sinasab—"

"Nag-text ako sa'yo kagabi sabi ko pumapayag na kong ikaw ang m-maging..first dance ko a!"

"H-ha? Anong text ang pinagsasasabi mo? Wala akong na-receive."

Ano?! H-hindi niya natanggap 'yung text ko?? Imposible!!

Dali-dali kong kinuha sa handbag ko yung CP ko at tinignan 'yung se—

"H-hindi ko na-send??" nabulalas ko nang hindi ko mahanap sa sent items ang tinext ko.

"Sa susunod, siguraduhin mo munang na-send mo bago ka magsalita d'yan. Ikaw kasi eh," paninisi niya sa'kin habang nakangisi. "..pakipot ka pa, e kung nu'ng una pa lang sinabi mo nang gusto mo pala kong maging first dance mo e di sana..kanina pa ko 'andito.."

Sinimangutan ko siya at yumuko ako. Ayoko na siyang tignan dahil pinapamukha lang ng mga titig niya kung ga'no ko napahiya—kung ga'no ko pinagmukhang tanga 'yung sarili ko sa loob ng ilang oras na paghihintay—para sa isang taong hindi naman dapat darating kung di sinabihan ni Tomo. Naluha ako at umiyak na parang bata. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. I hate him but I also hate myself—for being like this. Lagi na lang. Lagi na lang ako 'yung talo. Ako 'yung mali. Ako 'yung—

"'Uy! Wag ka na nga umiyak!" natataranta n'yang sabi habang pinupunasan niya ang mga luha ko, pinipigilan ko siya pero tinatabig niya lang ang kamay ko. "Pinagtitinginan na tayo ng ibang nagsasayaw o!" paala niya.

"I-ikaw kasi e!" Hinarap ko siya at tinignan nang masama. "Pagkatapos kong maghintay sa'yo nang matagal, aawayin mo lang ako!"

"'Oy, hindi kita inaaway a!" depensa niya. Sinadya kong lakasan ang iyak ko para lalo s'yang ma-guilty. "Kanna! 'Wag ka ngang ngumawa na parang bata d'yan! Sige ka, 'pag di ka tumigil.."

"Ano? Anong gagawin mo??" nanghahamon kong tanong.

"'Pag di ka tumigil, hahalikan kita!" sabi niya tapos bigla niyang nilapit ang mukha niya sa'kin. Blush. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Tinulak ko siya at umatras nang bahagya—naghahalo ang emosyon sa'king mukha. Tinawanan niya ko at inasar pa. "Akala mo naman talagang hahalikan kita?" sabi niya tapos tumawa siya ulit. "ASA!" Gusto ko na sanang mag-walk out nu'n pero sumeryoso ang mukha niya at naging malamyos ang tono ng boses niya nang sabihin niyang, "Infairness, effective. Hindi ka na umiiyak", kaya nagbago ang isip ko at bahagyang napangiti—dahil may naisip na 'kong pang-counter attack sa mokong na 'to.

"Ah ganun a!" Tinadyakan ko lang naman ang kanan n'yang tuhod at nagpalundag-lundag na siya sa sakit—katulad ng naranasan niya kanina.

"Sorry na, okay? Para binibiro ka lang e!"

"Sorry mo mukha mo!"

"Wag ka na ngang magtampo d'yan. Halika na, sumayaw na tayo, sayang 'yung oras," sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Kokontra sana ko pero hindi na lang ako nagsalita at sumunod na lang ako sa kan'ya. Nakakailang na hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami. T-Teka, papunta kami ng stage??

"'Uy! Ayokong magsayaw sa stage! Nakakahiya!" angal ko habang pilit kong inaalis ang kamay ko sa kan'ya.

"E mas special 'pag dito e," paliwanag niya. Napatitig ako sa mga mata niya nang banggitin niya ang salitang 'special'—ibig sabihin ba nu'n..espesyal ako sa puso niya? At teka—ano ba 'tong iniisip ko?

Nang nilagay niya na ang dalawang kamay niya sa bewang ko, hindi ko mapigilang hindi mailang at sa iba tumingin. Napaka-awkward! O ako lang talaga ang nakakaisip nu'n?

"Ilagay mo na kaya ang mga kamay mo sa balikat ko," paalala niya.

"Oo na! Atat??" sigaw ko sabay irap. Tumawa lang siya nang bahagya.

"Sino kayang mas atat sa'ting dalawa? Ilang oras ka nga ulit naghintay sak—" Pinutol ko ang dila niya—este—ang sinasabi niya nang apakan ko ang paa niya. Napa-aray siya sa sakit at sinamaan ako nang tingin. Ako naman ang ngumisi at tumawa. My victory.

"Asarin mo pa ako at mas masakit pa d'yan ang aabutin mo," sabi ko habang nilalagay ko na ang dalawang kamay ko sa leeg niya. Bumulong siya ng 'Sus..asar talo' kaya tinanong ko siya ng "May sinasabi ka, ha, Yuta?" nang nakangiti. Umiling siya at sumagot ng "Wala—wala!"

Tumingin ako sa paligid namin, lalo na sa ibaba ng stage kung saan mas marami ang mga nagsasayaw. Habang kasayaw ko si Yuta sa awiting "Kismet" ng Silent Sanctuary, na-realize ko kung ga'no ko kalungkot kanina habang nanonood lang sa ibang nagsasayaw. At na-realize ko kung ga'no kabilis nawala ang kalungkutang 'yon nang dumating na ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Pa'no kaya kung hindi siya dumating? Ibig sabihin ba no'n, hindi ako magiging gan'to kasaya ngayong gabi?

Napangiti na lang ako habang iniiisip 'yon—habang iniisip siya.

Ang paghawak ni Yuta sa magkabilang pisngi ko at ang simpleng gesture niya na pagharap ng mukha ko sa mukha niya ang nakapagpabalik sa'kin sa realidad. Nagkatitigan kami at—

"Mas maganda kung kahit ngayong gabi lang na 'to, sa'kin ka lang nakatingin."

"E-ewan ko sa'yo." Agad akong umiwas ng tingin para maitago ang pamumula ko kahit alam kong iilang inches lang naman ang layo ng mukha niya sa'kin.

"Kanna."

"Ano na naman?"

"Sorry," seryoso at halos pabulong n'yang sabi habang nakasandal sa balikat ko ang noo niya.

"Ganyan ka. Pagkatapos mo kong asarin, mag-so-sorry ka nang ganyan."

"May nakapagsabi na ba sa'yong napakaganda mo ngayong gabi?" Blush. A-ano daw??

"W-wag mo nga kong bolahin! Akala mo naman mapapatawad kita sa g—"

"Totoo 'yun." Tumitig siya sa mga mata ko na parang pilit niyang binubuksan kung ano ang nasa isipan ko. 'Pag seryoso si Yuta sa pagsasalita, lagi na lang akong nagkakagan'to. Nawawalan ako ng kakayahang magsalita. Na para bang nasa mga titig niya nakatago ang susi ng aking bibig—ng aking puso.

"'Oy, di ka na nagsalita d'yan?" puna niya. "Siguro di ka naniniwala sa'kin no?"

"Hindi nga," paiwas kong sabi. "Hindi naman kasi ako mag—"

"Maganda ka." Napatingin ako sa kan'ya dahil sa sinabi niya. Nakangiti siya. At parang matutunaw ako.

"Kunwari n-naniniwala na 'ko, magtigil ka lang," sabi ko na lang. Hindi ako pwedeng maniwala dahil baka..baka..

"Ang ganda ng kanta no?" tanong niya.

"Ha?" Nang sabihin niya 'yon saka lang ako nagbigay atensyon sa kanta na nagpalit na pala. Kasalukuyan nang tinutugtog ang pangalawang stanza ng "Saranghae" ni Sabrina, OST ng Perfect Match.

"Haay. Bawasan mo kasi ang kakaisip sa'kin para makapag-focus ka naman sa kanta."

"H-hindi kita iniisip no!" tanggi ko. Lalong ngumisi si Yuta habang sabay naming pinapakinggan ang lyrics ng kanta.

Dahil sa piling mo'y laging kaysaya ng aking puso, para bang ako'y nasa langit na, ang paligid kayligaya. Kung ito may panaginip ay ayoko nang magising. Ang pag-ibig ko'y patuloy at aaminin ko sa'yo. Saranghae.

"'Yung kanta na ang umaamin para sa'yo o!"

"Imbento ka ah!"

Di ako nakapalag nang yakapin niya 'ko nang mahigpit pagkatapos ng kanta. Kakalas na sana ko sa kan'ya pero humirit siya ng, "Wag muna. Pwede bang limang kanta pa?" Ayaw niya kong bitawan. Na parang natatakot siyang pag natapos ang sayaw namin, hindi na 'to mauulit. Parang tanga. Minsan, napakagulo talaga ng kukote ng lalaking 'to. Gusto niya lang 'atang matulog sa balikat ko e!

Pero hindi naman ako umangal. Yumakap lang din ako sa kan'ya. As in 'yung braso ko na ang nakasandal sa shoulders niya sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Teka—does that mean na gusto ko ring tumagal pa ang oras na magkasayaw kami? Namula ko sa pag-iisip ng kalokohang iyon. Hindi no. Pinagbigyan ko lang siya kasi—

'Di na maalala , pa'no nagsimula. Ikaw ang laging nasa isip ko bawat araw, laging ikaw, ang aking nakikita. Ano ba ang nadarama ko tuwing ikaw ay kasama?

B-bakit ganu'n naman 'yung bagong kanta? Waah. Biglang tumingin sa'kin si Yuta at sinabayan nang pabulong sa tapat nang tenga ko ang sumunod na linya. "Ganyan din ang nadarama ko. Tuwing ika'y lalapit sa akin, ako'y parang natutulala. Di ko malaman ang sasabihin ko."

Uminit ang pakiramdam ko sa ginawa niya at pakiramdam ko kasing pula na ko ng lipstick ni Miki. Waah. Tigilan mo na ang pang-aasar sa'kin, Yuta! At puso, please, 'wag kang sumabay sa kanta!

[Chapter Sixteen]

Yumi

Meron akong tatlong bagay na pinagsisihan ngayong JS Prom:

1. Umattend pa ko kahit alam ko namang walang kasiguraduhang pupunta si Yuta dahil ayaw daw ni Kanna na makasayaw siya. Ang sakit lang ng feeling na 'yung mahal mo, binabalewala lang ng mahal niya—na may mahal rin namang iba. Hindi ko mapigilan ang sarili kong 'di isipin na kung sana ako ang unang nakilala ni Yuta, kung ako ang binigyan niya ng Twisty Heart at naging bestfriend niya, e di sana..ako ang mahal niya. Sa'kin lang sana siya nakatingin at ako lang sana ang gusto n'yang makasayaw ngayong gabi. Kaso hindi e. Malabong mangyayari 'yon. Hindi naman nababago ang past, di ba? Ang masakit lang, 'yung present na pwede pang baguhin para sa future, hindi ko rin kayang baguhin. Kasi kahit anong gawin ko, hanggang kaibigan lang ako sa paningin ni Yuta.

2. Dahil iniiwasan ko ang crowd at ang mga iilang kalalakihang gusto akong isayaw, pumunta ako sa likod ng stage—sa mapuno, madamo, at madilim na parte ng school na kabaliktaran ng makulay at maliwanag na covered court. Dahil madilim, naghanap ako ng pwesto na magandang upuan at namalayan ko na lang ang sarili kong naliligaw sa sarili kong school.

3. Nadapa ako dahil sa takot na makagat ng paniki na humahabol sa'kin kanina at nang tumayo ako, napadpad ako sa isang lugar na hindi ko kailanman pinangarap puntahan—ang puno na tinaguriang tambayan ng mga ligaw na kaluluwa sa school—ang matandang puno ng Balete.

Maliban sa hindi ko alam kung paano 'ko makakabalik sa covered court kung saan nagsasaya at nagsasayaw ang karamihan, hindi ko rin alam ang anong gagawin ko. Gusto ko nang maiyak at humingi ng tulong kaso kanino naman ako hihingi ng tulong? Wala namang katatao-tao rito. Alangan namang sa mga multo ako humingi ng tulong. Waah. Lord, help me!

Nang may bumagsak na maliit na tuyong sanga ng kahoy mula sa puno, napatili at napaluha ako sa sobrang takot.

"S-sino 'yan??"

Isang tinig mula sa di kalayuan ang narinig ko. O-OMG! S-sino 'yung nagsalita??

"S-sorry po. Hindi ko po kayo gustong gambalain k-kaya sana po 'wag n'yo kong sasaktan!" sabi ko sa harap ng punong Balete sa paghihinalang galing ang boses na 'yun sa mga engkantong naninirahan sa loob ng puno. Nanlaki ang mga mata ko nang may lumabas sa puno—este—sa gilid ng puno pala. Isang lalaki na hindi nga mukhang maligno pero mas nakakatakot pa sa maligno ang aura.

"At sino naman ang may sabi sa'yong sasaktan kita, ha?? Tsaka—Teka lang, ANONG, GINAGAWA MO RITO?!" pagalit na sabi ng lalaki may pamilyar na mukha. Parang nakita ko na siya dati pero..hindi ko maalala.

"A-ano.. N-naliligaw kasi ako..baka pu-pwed—"

"MUKHA BA AKONG TOUR GUIDE?! Bakit naman kita tutulungan e ikaw nga 'tong umistorbo sa pagtulog ko??" bulyaw niya sa'kin. Sa sobrang lakas at lalim ng boses niya, pati mga uwak na nagpapahinga sa Balete umalis sa sobrang takot!

Teka—sinabi niya bang ginambala ko siya sa pagtulog niya? Bakit naman siya natutulog sa mga malalaking ugat ng puno ng Balete? Hindi ba siya natatakot? At..ayaw niya rin ba ng JS kaya siya nandito?

"Outsider ka no? Umalis ka na bago kita i-report sa guard," banta niya habang palapit siya sa'kin. Napaatras ako at kahit natataranta at kinakabahan, pinilit kong magpaliwanag. "Na-nagkakamali ka! Estudyante po ako rito. Ma-maniwala ka!"

"Bakit naman ako maniniwala sa'yo?? May estudyante bang maliligaw pa sa sarili n'yang school? BALIW KA BA?!" Gusto ko sanang sabihin na 'meron, ako!' kaso baka lalo niya lang akong pagalitaan at maliitin. Kasalanan ko ba kung di ako matandain sa lugar??

Habang nag-iisip ako ng isasagot sa kan'ya, naaninag ko mula sa sinag ng buwan na naka-school uni—Teka, bakit naka-school uniform siya?? Di ba dapat nakapang JS siya? Hala! Baka isa siya sa mga nagmumultong estudyante sa school na 'to! Waaah! Napaupo ako sa sobrang takot at napatakip ng tenga. "P-parang awa mo na! 'Wag mo kong kakainin! H-hindi ako masarap!" naiiyak kong sabi. Narinig ko ang mga palapit na yabag niya. Lalong bumilis ang tibog ng puso ko. Looooord!!

Nagulat ako nang iangat niya ang ulo ko. Ang lamig ng kamay niya, parang sa bangkay, pero—n-nahahawakan niya ko kaya imposibleng multo siya, di ba? Di ba? Napatitig ako sa mga mata niya (sabi kasi nila, 'pag nakipag-eye contact ka raw sa isang multo, baliktad raw ang magiging repleksyon mo sa mga mata niya pero hindi! Hindi ako baliktad! Yes!)—sa mga mata n'yang kakikitaan ng kalungkutan. Hindi pa ako nakakakita ng matang 'sing lungkot nang sa kan'ya.

"Mukha ba 'kong multo sa panigin mo, ha??" pasigaw na tanong niya. Ilang segundo na kaming nakatitig sa isa't isa. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis ang tingin ko sa mga mata niya. Natatakot ako pero di ko magawang tumakbo. Parang nakasemento ang mga mata ko sa mga mata niya. Parang magnet. Parang hipnotismo. Ay ewan!

T-teka!

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na kung sino siya! "M-Mr. SSG President..?" Nang sabihin ko 'yun, inirapan niya ko at binitawan niya na ang baba ko. Napatayo ako dahil mukhang aalis na siya. Napansin niya atang sumusunod ako sa kan'ya kaya huminto siya sa paglalakad at lumingon sa'kin.

"Ngayong na-realize mo na kung sino ko, baka gusto mong tigil-tigilan ang pagsunod sa'kin?!"

Napakasungit naman niya! Ano bang ginawa ko para kagalitan niya ko nang gan'yan? Dahil lang ba sa naabala ko siya sa pagtulog niya? Ang babaw niya naman!

"N-Natsume Hirai..tama ba?" tanong ko nang nakangiti. Nagulat ata siya nang ngumiti ako. Ine-expect niya ata na magagalit din ako sa kan'ya. Hindi naman ako katulad niya no!

"Oo. 'Yun nga ang pangalan ko. Bakit ba??"

"Pwede bang magtanong?"

"Kanina ka pa nga nagtatanong, di ba?" Naisip ko lang, bakit ang iksi naman ng pasensya niya? Nasasayang ang pagiging gwapo niya dahil sa kasungitan niya. Presidente pa naman siya pero napaka-unsociable niya. Ang hilig pang sumigaw. Akala mo magkalayo kami e hindi naman.

"P-pwede ba bang magtanong?"

"ANO BA 'YON??"

"B-bakit..ang lungkot ng mga mata mo?"

"H-HA?!" Pinanlakihan niya ko nang mga mata na parang 'yun na ang pinaka-nakakalokong tanong na natanggap niya ever.

"N-naku sorry po! Sorry po kasi pakealamera ko. S-sige..m-mauna na ko!" nasabi ko na lang sa takot sa kan'ya tapos tumakbo na ko palayo kahit medyo nangangapa ako kasi medyo madilim.

Nang hingalin ako sa kakatakbo, pansamantalang huminto muna ako at nagpahinga. Whew! Grabe. Buti nakakaalis ako du'n! Baka kung anong gawin niya sa'kin dahil sa natanong ko. Waaah. Kakaiba. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko! Dahil ba sa mga mata niya..? O dahil nakakatakot siya?

Teka. Ang mas dapat kong intindihin e kung natandaan niya ang mukha ko! Baka pag-inita—

"Teka! Hoy!! SIRA KA BA??" Para akong naging naging bato sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ni Mr. President. Naku!! Patay! Sinasabi ko na nga ba e! Napikon siya sa'kin kaya niya ko sinundan! Lagot na!! "Ang sabi mo sa'kin kanina..naliligaw ka. E bakit tumakbo ka na lang bigla?? Baliw ka talaga no?? Pa'no kung mapahamak ka pa rito? E di responsibilidad pa kita kasi ako ang huling nakakita sa'yo! Tsk," paliwanag niya sabay hawak sa kamay ko tapos lumakad na siya. Nagulat ako sa ginawa niya pero nagpatangay na lang ako sa pwersa niya. Actually, ang hirap niya sundan sa paglalakad dahil ang lalaki ng mga hakbang niya.

Nu'ng nakahalata s'yang hawak niya pa rin ang kamay ko, bigla niya itong binitiwan. Ang sakit! Grabe, gan'yan ba talaga siya makitungo sa mga babae? Tapos nauna na s'yang maglakad na parang wala siyang kasama. Napakawirdo naman ng taong 'to. Siya 'yung may sabi kanina na 'wag ko s'yang sundan tapos nagalit s'ya nu'ng tumakbo ako palayo sa kan'ya. Hay..ang gulo naman n'ya.

Nasa kalagitnaan ako nang pag-iisip nang mauntog ako sa likod niya dahil bigla siyang huminto sa paglalakad. "'Andito na tayo kaya iiwan na kita," baling niya sa'kin. Tumingin ako sa harapan namin. Kulang na lang mag-glitter ang mga mata ko nang makita ko na ang mga nagkikislapang decorations ng JS Prom at ang mga nagsasayawan sa court! Nakabalik rin ako—nang ligtas at buhay! "Ano pang tinutunga-tunganga mo d'yan?! Di ko na responsibilidad na ibalik ka pa sa table mo no!!" bulyaw niya sa'kin. Nyii..nakakatakot na naman siya!

"S-salamat..M-Mr. President," nasabi ko na lang tapos dahan-dahan akong lumakad palayo. Nu'ng nilingon ko siya, wala na siya du'n sa kinatatayuan n'ya kanina.

"Yumi! Yumi! An'dyan ka na pala!" Teka, boses ni Yuta 'yun a! Nang lumingon ako sa kan'ya, kumakaway siya sa'kin at ubod ng laki ng pagkakangiti niya. Napangiti rin ako. Sa wakas nakita ko rin siya! Waaah! Akala ko talaga hindi na siya aattend ng JS e. Buti—teka—ibig sabihin..nakasayaw niya na si Kanna. Haay. Nakahinga ko nang maluwag. Mabuti naman. Kung nagkataon, hindi ko rin siya makakasayaw.

Nang lumapit siya sa'kin, hinawakan niya agad ang kamay ko at sinabi n'yang, "Sayaw tayo!" Tumango ako at ngumiti sa kan'ya. Waah. Ang saya ko. Blessing in disguise siguro ang pagkaligaw ko kanina. Kahit pa sabihing may nakilala kong nakakatakot na taong hindi marunong ngumiti at ang alam lang ata ay magsungit, ang mahalaga, magiging first dance ko si Yuta. At siguro..'yung tatlong in-enumerate ko kanina ay hindi talaga mga bagay na pinagsisisihan ko, kundi mga bagay na pinagpapasalamat ko sa Diyos.

*****

Kabalikataran ng nangyari kanina, feeling ko kumikinang ang lahat—nagtu-twinkle na parang mga bituin sa madilim na langit. Sumasayaw ang mga nalalagas na dahon sa mga puno ng Acacia sa di kalayuan, na animo ay nakakaunawa rin sa ritmo at melodiyang likha ng tao at makabagong teknolohiya. Punung-puno ang paligid ng makukulay na mga kasuotang pasok sa tema ng okasyon—mula sa madulas at makinang na seda, hanggang sa magaspang at manipis na usung-usong yaring tela ngayon—iba't ibang desenyo at dekorasyon. Nakakaengganyo sa paningin ang tignan sila—kasi habang nagsasayaw kami ni Yuta, wala kaming ibang pinag-uusapan, mula kanina pa, kundi si Kanna—na it turned out na gusto rin pala siyang maging first dance nito kaya nagbago ang isip niya at um-attend na lang at nagsayaw sila sa loob ng pitong kanta; at palagi niya itong inaasar at sobrang cute nito mapikon—lahat ng 'yon, at ang iba pang maliliit na detalye, kinuwento niya sa'kin habang nakangiti at kinikilig pa.

Tumatango-tango lang ako at pinapakinggan siya pero sa loob-loob ko, napapailing ako at lihim na nasasaktan. Lagi namang ganu'n. Sanay na siguro ako. Ginusto ko 'to e. Ito ang nababagay sa taong tulad ko. Martir.

Okay na rin siguro ang gan'to. At least, simula nang inamin kong mahal ko siya at naging magkaibigan kami, may dahilan na para magkausap kami ng mas matagal at magkita ng mas madalas. Dahil kay Kanna, nabibigyan niya ko ng kahit konting atensyon na hindi ko man lang mahingi sa kan'ya noon.

"Alam mo Yumi, feeling ko," sabi niya. "Hindi naman sa masyado kong kampante a, pero pakiramdam ko talaga, unti-unti nang nagkakagusto sa'kin si Kanna." Nang itanong ko sa kan'ya kung pa'no niya ito nasabi, kinuwento niyang naitanong raw ni Kanna sa kan'ya kung pa'no raw ba malalaman na in-love ka na sa isang tao. Nagtaka nga raw siya kasi ang sabi sa kan'ya dati ni Kanna, in love na siya sa kuya nito pero ngayon nagtatanong siya about love. So..ang ibig sabihin nga nu'n, naguguluhan nga siya kung ano ang nararamdama niya. Ang number one na tanong nga lang kung para kanino: kay Yuta o Kuya Seichiro?

"Pero sinagot mo pa rin 'yung tanong niya?"

Tumango si Yuta. "Oo, ang haba pa nga ng paliwanag ko e. Tipong detailed na detailed, mula sa pagkawala ng rationality ng taong in love, hanggang sa 'butterflies in the stomach', 'yung 'kuryente feeling', 'yung panlalambot ng mga tuhod, 'yung heartbeat—lahat! Tapos alam mo kung anong ginawa niya? Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at napansin kong pulang-pula ang mukha niya at parang di mapakali na ewan. Tapos di rin siya makatingin nang diretso sa mga mata ko. Pagkatapos n'yang magpasalamat sa pagsagot ko sa tanong niya, bigla s'yang umalis ng stage at iniwan na ako. Weird, di ba?"

"Baka nga tama ang hula mo, Yuta. Baka na-realize niya nang may gusto siya sa'yo," sagot ko. At baka kailangan ko na ring ma-realize na dapat na kong sumuko sa'yo.

"Sana. Pero hindi pa rin ako mapalagay, parang may mangyayaring hindi maganda. Wala kasi akong tiwala du'n sa Imadori na 'yun e." At pinaliwanag ni Yuta kung anong koneksyon ng SSG Secretary sa kuya niya at kay Kanna at kung pa'no niya inaya itong makipagsabwatan sa kan'ya para mapaglayo ang dalawa.

"Matagal na kong may mga naririnig tungkol sa kan'ya," kwento ko. "At gaya nga ng kinuwento mo, madalas niya ngang bantaan ang mga babaeng umaaligid sa kuya mo. Nag-aalala ako para kay Kanna. Baka kung an—" Naputol ang sasabihin ko dapat kay Yuta nang biglang may pamilyar na boses akong narinig sa likuran namin ni Yuta.

"Pwede ko na bang kunin ang kasayaw mo??"

Nang nilingon ko kung sino 'yung nagsalita, nanlaki ang mga mata ko.

"I-ikaw?!"

"Ako nga, bakit??" masungit n'yang sabi. Kumunot ang noo ni Yuta. Inalis niya na ang mga kamay niya sa bewang ko. "Close pala kayo?" tanong ni Yuta sa'kin habang nakatingin siya kay Mr. President.

"Ha? H-hindi no!" sabi ko sabay iling. Nang tumingin ulit ako kay Mr. President, parang lalo akong natakot. Magkasalubong ang mga kilay niya at mukhang naiinip na siya!

"Hanggang kelan n'yo ba 'ko paghihintayin, ha?? Ano bang problema?" tanong niya habang naka-cross arms. Tumingin siya sa kabilang direksyon at bumuntong hininga na para bang naubusan ng pasensiya. Ibinaba niya ang kan'yang mga braso at nagpamayweng saka tumingin kay Yuta mula ulo hanggang paa. Ngumisi siya at saka nagsalita ng, "'Boyfriend' ka ba niya, ha?"

Agad akong namula dahil sa sinabi niya. B-boyfriend?? Ano bang problema niya?? Halatang naghahamon siya ng away kay Yuta e! Waah. Nakuu! A-anong gagawin ko?

Nang tumingin ako kay Yuta, halatang napikon nga siya sa careless at insulting remark nito kaya napakuyom siya ng palad at ginantihan ang sama ng tingin sa kan'ya ng presidente! Agad kong inawat si Yuta nang akmang aambangan niya ito.

"Yumi, bitawan mo nga ako! Mababanatan ko 'to eh!!" sigaw ni Yuta. Buti walang masyadong nagsasayaw sa puwesto namin kundi lagot na!

"T-tama na 'yan! S-sige na. P-pumapayag na a-akong makipagsayaw sa'yo," sabi ko kay Mr. President nang matapos na ang wirdong kaguluhang ito. Kahit hindi ko alam kung bakit gusto niya 'kong isayaw, wala na kong ibang magawa. Ayoko ng eskandalo. Lalung-lalong ayokong madamay si Yuta rito. Napakamaimpluwensyang tao pa naman ni Kuya Natsume Hirai.

"Kung gano'n, halika na." Take note: hindi niya lang basta-bastang sinabi niya 'yon, inutos niya—na parang obligado akong sundin 'yon. Pero bago ko pa ibuka ang bibig ko, nahatak niya na ang kamay ko palayo.

"Y-Yumi!" sigaw ni Yuta. Halata sa mukha niya ang pag-aalala.

"Kung hindi ka naman niya boyfriend, wala kang karapatang mag-astang ganyan," pahabol ng masungit na kasama ko. Nakakatakot ang glare niya kay Yuta habang papalayo kami.

Hindi ko alam kung anong nangyayari. Hindi ko rin alam kung bakit feeling ko ang init ng cheeks ko. Ang gara naman, ang gaspang ng ugali niya, 'yung tipong pagpinagpatung-patong mo ang ugali niya, makakagawa ka na ng bahay. Ganu'n—ganu'n kagaspang. Parang hollowblocks.

Saka akala ko ba galit siya sa'kin? E bakit hinahanap niya pa 'ko at inayang makipagsayaw? Teka, bakit gusto niya kong isayaw? It doesn't make sense. Saka..pati ba naman sa pag-alok sa babaeng makipagsayaw kailangan nakataas pa rin ang tono ng boses niya? Kailangan sapilitan at nang-aaway??

Nagulat ako nang tumingin siya nang pailalim. Nakita ko na naman ang malulungkot n'yang mga mata. Unexpectedly, naramdaman kong kumirot ang puso ko. Nararamdaman ko rin ba ang kalungku-tang nagtatago sa likod ng mga matang iyon?

Imbes na magpahalata akong natatakot, nginitian ko lang siya. Pero useless din ang ngiti ko dahil ini-snob niya lang 'yun! Haay. Saklap naman!

Habang magkasayaw kami, ni katiting na salita e wala man lang s'yang sinabi! Kapag tinatanong ko naman siya at inuusisa, hindi naman siya sumasagot! Hindi ako ganu'n kagaling makipag-socialize sa iba pero tina-try ko naman ang best ko na may mapag-usapan kami kasi nakakailang 'yung feeling na may kasayaw ka pero katahimikan lagi ang nasa pagitan ninyong dalawa.

Pagkatapos ng dalawang kanta, bigla niya kong binitawan at saka siya tumalikod. "Halika na, ihahatid na kita sa table mo," mas malamig pa sa freezing point of water niyang sabi. Nu'ng naglalakad na siya, alam ko na ang mangyayari. Sa bilis n'yang maglakad, siguradong ako na naman ang hahabol sa kan'ya. "Ah..sandali," sabi ko.

Huminto siya saglit sa paglalakad at nilingon ako. "ANO?!"

"Umm..g-ganyan ka ba talaga?" nag-aalangan kong tanong sa kan'ya.

"Ha? Anong ibig mong sabihin??"

"A—I mean..'yung hindi mo pag-imik at..'yung di mo' pag ngiti.."

"Ano ba ang alam mo tungkol sa'kin, ha??" Halata ang pagkayamot sa tono ng boses niya.

"W-wala."

"'Yun naman pala e bakit masyado mong pinanghihimasukan ang buhay ko??"

Di ko man ma-explain nang maayos, sinabi ko pa rin sa kan'ya ang tungkol sa malulungkot niyang mga mata at kung pa'no, sa di maipaliwanag na dahilan, nakaka-relate ako sa kalungkutang 'yon—na parang nararamdaman ko ang sakit na bumabalot sa puso niya.

Nang matapos akong magpaliwanag, inangat ko ang aking paningin para makita ang reaksyon niya—just to be disappointed kasi kanina pa pala siya naglalakad palayo.

"T-teka! S-sorry, Mr. President!" Teka, bakit ba ako ang nag-so-sorry? Ako na nga ang nagmuk-hang tanga, ako pa ang nagpapakababa para pansinin niya ko. Haayst!

Huminto siya sa paglalakad ngunit hindi niya man lang ako nilingon nang sabihin n'yang, "Hindi mo na kailangang problemahin pa ang isang tulad ko. Di mo na 'yon responsibilidad."

'Responsibilidad' na naman. 'Yun ba ang favorite word niya? Kahit sinusungitan niya ko, inaamin kong lalo akong nalungkot sa sinabi niya. Na tila pinapahiwatig niyang 'ayos lang siya' kahit kabaliktaran nito ang katotohanang nakalatag sa harapan ko.

Tumakbo ako at humarap sa kan'ya. "Papayag lang ako sa isang kondisyon," sabi ko habang nakangiti. Kumunot ang noo niya.

"H-hah? Sino ka para umastang gany'an, ha??"

"Ako si Yumi. Mayumi Masato," nakangiti kong sabi. Alam kong lalo s'yang magagalit sa ginawa kong pagpilosopo sa sarcastic n'yang tanong pero..bahala na!

"Hindi ko tinatanong ang pangalan mo," irritable niyang sabi.

"Alam ko." Hindi ko alam kung kay Yuta ko nakuha 'tong ganitong klase ng pang-aasar pero dahil useful naman, okay na rin. Haha. Parang naa-out of character na ko dahil sa lalaking 'to. Hindi ko kasi alam kung lulubayan ko na lang siya kahit naku-curious ako sa kan'ya o kukulitin ko siya hanggang sa bumait siya sa'kin at maibsan ko ang tinatago niyang mga suliranin.

"Alam mo naman pala e, so could you get out of my way? Marami pa akong aasikasuhin!"

"Sabihin mo muna sa'kin kung bakit mo ko sinayaw. 'Kala ko ba galit ka sa'kin?"

Lumapit siya sa'kin at tumitig sa mga mata ko. And with his constant serious face he asked: "Gusto mo talagang malaman?"

"A—e..w-wag na kung ayaw mong sabihin," paiwas kong sabi.

"No, I will tell you why." Napapikit ako. Nakakatakot kasi ang pagkakasabi n'ya. Parang 'yung sinasabi ng murderer sa mga pelikula bago n'ya patayin ang biktima. Nyay! "Gusto ko lang makita nang malapitan ang kaisa-isang taong nagsabing may mga malulungkot akong mga mata."

Nang narinig ko 'yun, dinilat ko na ang mga mata ko. Tama ba 'tong nakikita ko? N-nakangiti siya?? Ngumiti siya bago tuluyang umalis! N-nakakamangha!

At kahit isang ngiti lang 'yun, kahit tipid na ngiti lang 'yun, it made my heart skip a beat. Na para bang nagawa akong maging captive na tila isang caged bird ng kan'yang mapupungay, nangungusap, at malulungkot na mga mata.

[Chapter Seventeen]

Imadori

I have never been humiliated in my whole life until I met that bitch's bestfriend. Sukat ba namang tanggihan ang inaalok kong makipag-team up siya sa'kin?? Tapos ipinahiya niya pa 'ko sa buong school ngayong JS Prom dahil sa hindi n'ya pagsipot?? Talagang hinahamon niya ko e no?? Akala naman niya siguro hindi ako gaganti sa kan'ya! Hah! D'yan s'ya nagkakamali!! At leche 'yung humahawak sa cotillion na 'yan!! Ayaw pa 'kong payagang maghanap ng panibagong partner para makasayaw. Hayst! Mamatay na sana siya! Kainis!! She doesn't deserve to be called a teacher! Wala s'yang alam sa talent! Puro rules and regulations lang ang pinaiiral niya! To hell with you!!

Habang nagpapalamig ako ng ulo at nakikipagsayaw sa kung kani-kaninong lalake, hinahanap ko sa paningin si Seichi. Hindi ko pa siya nakikita mula nu'ng matapos magsipagkainan ang lahat. Hinihintay ko pa namang isayaw n'ya ko pero anung petsa na, hindi pa rin siya nagpapakita sa'kin!

Sa inis ko, nakipag-flirt na lang ako sa mga nagiging kasayaw ko, tutal gusto rin naman nila. They want fun? I will give them what they wanted!

"Kanna?" A familiar voice. Napatingin ako sa ibaba. Yes, nasa stage kasi ako, e sa doon ko trip makipagsayaw e. Pagtingin ko—heck! S-si Seichi?!

"Sei—" Naputol ang gusto kong sabihin nang bigla kong makita ang malanding babaeng matagal ko ng gustong burahin sa ibabaw ng mundo—si Kanna.

"Kuya Seichiro!" nakangiting sabi ng bruhang 'yon. We-wait! What's the meaning of this? Don't tell me—

"Pwede na ba..kitang isayaw?" sabi ni Seichi habang palapit siya kay Kanna.

"Opo naman. Tapos na kaming magsayaw ni Yuta. P-pasensya ka na nga pala kung kanina—"

"It's okay. Halika na?" At nagsayaw na sila du'n sa may gilid.

Fucking shit. So he asked her first? And—what the—she rejected my Seichi?? Tapos ngayon—Ugh. I want to scream in frustration! How could he choose that girl over me? And did I hear her mention that demonic guy who embarrassed me in front of everyone?! After ditching me, he's here?! Argh!! Ang kapal talaga ng mukha ng mag-bestfriend na 'to! Just wait and see how I'll pay back!

"Imadori, are you okay?" tanong ng kasayaw ko. Mukhang napansin n'yang lagi akong nakatingin sa ibaba.

"I've never been okay in my entire life," I said, using my seductive smile, which actually pleased him a lot. Then our bodies drew closer, I want to release my stress my pressing my lips on him but I stopped—I realized I can't kiss this guy knowing that Seichi's just around the corner of my eyes, talking with that bitch, her smile at him—so infuriating I want to wipe it out of her mouth. And what makes my chest churn the most is Seichi's soft expression when he's with her. He's laughing heartily like I've never seen before. Ang sakit. It hurts like hell. I wish she would just disappear—that goddamn bitch. Pero imbis na siya ang mawala, I was the one who walked out—not caring about my dance partner that time—and obviously not caring about the rest of the world. I just need some air—before jealousy take over my rational senses. 'Cause seriously, I might kill her if I didn't.

After an hour, I went back to the covered court and saw Kanna dancing with a guy with glasses beside the stage. I smirked. I'm glad Seichi's not with her anymore, hence, I can now proceed my plan. Kumuha ako ka'gad ng champagne glass na may lamang tubig at umakyat ng stage hanggang sa makarating sa tapat nila.

This night is not meant to be hers, but mine.

I was about to pour the cold water on her head when—

I felt a hand holding and clamping my arm and saw a pair of eyes glaring at me.

"S-Seichi??"

Bago pa ako makapagsalita ulit, tinakpan niya na ang bibig ako at hinatak ako pababa ng stage, palayo sa mga nagsasayaw. Nagpumiglas ako pero walang epekto. Nakahinga lang ako nang maluwag nang tanggalin n'ya na ang kamay n'ya sa bibig ko, but his hand refuses to let my arm go.

"Stop this, Imadori." Nagulat ako sa sinabi nya.

"What?? What are you talking about??" sabi ko. "Let go of me! Nasasaktan ako!" Nagpumiglas ulit ako pero ayaw n'ya paring bitawan ang braso ko.

"Hindi mo na kailangang magpanggap pa sa harap ko. Alam ko ang lahat ng ginagawa mo sa mga babaeng nagiging kaibigan ko."

Napatingin ako sa kan'ya. There is this weight in his eyes—the seriousness in his face—that makes me feel like he's really seeing the real me beneath the several layers of my 'not-so-me's. And there's anger and sadness and regret and disappointment diffused all over his face—that I wanna deny seeing. Parang hindi siya ang Seichiro na nakilala ko. He was never like this. Or am I the one whose making him like this?

Suddenly, my tears started to betray me. When he saw my tears, binatawan niya na ang braso ko. "So you knew. Since when?" I asked, looking away.

"From the very start," sagot niya.

"Kung gano'n, bak—"

"Dahil gusto kong malaman ang dahilan kung bakit mo ginagawa 'yon. Saka, hinihintay ko rin na ikaw ang kusang tumigil at magsabi sa'kin ng dahilan. But you never did."

Napangisi ako. Nagkamali ako. "You don't know anything about me or how I feel." So he's like everyone else—pretending to be on my side—pretending to care—but cannot accept who I really am.

"Wala na 'kong pakelam sa nakaraan, Imadori," pagpapatuloy niya. "Pero tandaan mo 'to: hindi kita mapapatawad kapag may ginawa ka pang masama ulit kay Kanna." Nilingon niya ko nu'ng sinabi niya 'yun. His eyes told me he mean it. Upon hearing that, lalo lang bumuhos ang mga luha ko.

"Ano bang meron sa babaeng 'yon? Bakit lahat kayo s'ya ang gusto?? Bakit?!"

I have never been like this before. Pero kung para maiparating ko kay Seichi ang nararamdaman ko, ayos lang kahit mawalan na ko ng poise o kung ano pa man.

"Wala akong sinabing may gusto ako sa kan'ya. Ang akin lang, hindi ka dapat gumagawa ng mga bagay na ikasasakit ng iba. Stop this nonsense, Imadori."

Yumuko ako. I can't believe he's telling me that. He preaches like a priest and acts like a know-it-all—please don't make me hate you, Seichi.

"Nonsense??" I reiterated, facing him once again, with a fake grin on my face. "Sinabi mo bang nonsense ang lahat ng ginagawa ko??" Lalo kong naluha. This talk has been seriously messing me up—my face and my heart—all at once. "Nasasabi mo lang 'yan kasi wala kang alam! Wala!!"

"What do you mean wala? Ano bang gusto mong palabasin? Ever since I met you, napansin ko nang lahat ng bagay na ginusto mo, nakukuha mo. Shouldn't you feel satisfied and blessed? You've got all there is na gustong makuha ng kababaihan—riches, brain and beauty. Kaya bakit mo ginagawa ang mga ganu'ng bag—"

"Nagkakamali ka, Seichi. Merong isang bagay sa mundo na kahit anong gawin ko, kahit ga'no ko gustuhin, kahit ga'no ko pa pangarapin, alam kong kahit kelan, hindi ko makukuha!!"

"Ano?"

"Ang puso mo." I've finally said it..in the most inconvenient and unlikely circumstance, at the most unexpected time possible. This is definitely embarrassing.

Ngayon ko lang nakita si Seichi na ganu'n kagulat sa buong buhay ko. His face was flustered and he tried covering it with one hand. Halata namang hindi n'ya 'yun inaasahan.

See how clueless he was all this time?

It is definitely his first time hearing someone confess to him. Syempre, wala 'kong hinayaan ni isang babae na magconfess sa kan'ya. Ito rin ang first time ko. And this is really, really regrettable.

"You heard it right. Unfortunately, nagkagusto lang naman ako sa isa sa mga pinakamatalinong manhid na tao sa buong mundo. And those things I did and keeps on doing, were all because of this stupid and selfish feelings I feel for you!"

Speechless pa rin siya. He is really stupid when it comes to this kind of situation.

Pinunasan ko ang mga luha ko. When I've already regained my posture and ego, I faced him again and this time with a head held up high, na parang walang nangyari.

"Ngayong alam mo na kung anong nararamdaman ko, wala na 'kong dapat sabihin pa."

I decided to walk away from him. And walk away from this stupid scenario.

Hindi ko namalayang 20 minutes na lang pala alas-dose na. Siguro wala rin naman akong pakelam dahil hindi ako si Cinderella. Dahil para sa'kin, ang walang kwentang gabing ito ay natapos na.

*****

In the 20 minutes of this unforgettable yet forgettable night, I tried to wipe away my sadness and frustration by flirting again with other guys. It's also my way of showing to him that I am okay. I will not cry again in front of him at hinding-hindi ko na ipapakita ulit sa kan'ya ang kahinaan ko—my other side which is, unfortunately, crazily and selfishly in love with him.

Come to think of it, ang daming lalaki na nagkakandarapa sa'kin, but ironically, the stupid guy I love didn't even notice my feelings for him. Ang pinakamasakit na part e nagconfess ka na nga, pero damnit! Wala pa s'yang sinabi! Sa'n ka lulugar du'n, di ba?? Buti na nga lang naka-graceful exit pa ko e kung hindi?? Aamagin na ko't lahat-lahat, hindi pa siya magre-respond!

Siguro nga, mas okay kung makipag-flirt na lang ako sa iba. At least, by doing that, I am filling the spaces in my empty heart. I am being happy without being hurt. Maybe this is for the better. Maybe things are better off without him bothering my heart.

But no—I shouldn't have said that no matter what. Why didn't I realized it sooner? Looking into the heart of the situation—I've just—ugh—ruined everything—our friendship and our partnership in the SSG ('Cause Natsume always wants to do things on his own that's why we're left with no choice but to be always paired up in every event the SSG has). Shit. Obviously, everything will be awkward—and ugh. Anong gagawin ko?? I bet I couldn't face him without thinking that he already knew I love him.

But what should I have said, then?? Wala akong ibang makitang ibang idadahilan. It was in the heat of the moment. Wala akong ibang choice. No. That's not quite right. Ang totoo, meron. Tanga lang talaga ako. Hindi naman niya alam, sana hindi ko na lang sinabi.

Ngayon ko lang narealize na..he refused to tell me na alam niya ang lahat ng mga ginagawa ko to protect me. I know that. It's his nature. Hindi niya sinabi kay Kanna na ako ang sumira ng mga pink roses at nagtapon ng laman ng lunchbox. Kahit in fact, alam pala niya. He pretended not to know. Kasi maraming mang-aaway sa'kin. At darami pa 'pag naglitawan ang lahat ng babaeng ginawan ko ng kasamaan at kamalditahan. He did all that for me. He was a keen observant as ever. Hinihintay niya lang pala akong magtapat sa kan'ya ng mga kasalanan ko. And to tell the reason why. And to eventually stop.

But instead of confessing my sins, I confess my love.

In short, it's my fault I am suffering like this. Alam ko namang darating din 'yung araw na 'to, kaso, hindi ko inaasahang ganu'n kabilis—ganun kabilis ko mararamdaman ang sakit na dulot ng unrequited love.

Last 5 minutes. Nagsalita na ang sub-host sa stage na last two songs na lang daw. Hearing that ached my heart. Dahil sa frustration ko, nagpakita ako ng motibo sa kasayaw ko na gusto kong halikan siya. I don't care if it's against the rules or whatever. Kaso nu'ng hahalikan ko na siya, may biglang humatak ng kamay ko. Napalingon ako. Then suddenly, everything went motionless. And all I could hear was my damn heart beating fast.

Ang humatak ng kamay ko ay walang iba kundi..si Seichi.

"'Tol, ano bang problema mo?? Istorbo ka e no?!" Inambahan ng ka-partner ko si Seichi. Naghahamon ng suntukan. Ngumiti lang siya.

"Ilang minuto na lang magtu-twelve na. Hindi ko hahayaang matapos ang gabi nang hindi ko siya naisasayaw. Her last dance was reserved for me," seryosong sabi niya tapos binaba niya ang nakakuyom na kamao ng kapartner ko.

"A-at sino naman ang may sabi sa'yong pumapayag ako ha??" Tinarayan ko siya, to hide my shamelessly embarrassed self. And—it was very unlikely for him to do it—to ask me to dance after what happened. Alam kong awa lang ang dahilan kung bakit gusto niya kong isayaw. He just felt guilty.

At ang ayoko sa lahat, 'yung kinaawaan ako. I have my pride as a lady. And I will not take my pride off just because of a self-serving invitation.

"We need to talk kaya—"

"Wala na tayong dapat pag-usapan!" matigas kong sabi saka ko kinuha ang kamay ko mula sa kan'ya. See?? He just wanted to s—

"Fine. Sorry sa istorbo." Then he walked away—pissed? He's angry because I refused him? Did he really mean it when he asked me? Did he really want to dance with me?

"S-sandali!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Umm. A-ayos lang sa'kin na..m-makipagsayaw s-sa'yo." I stammer like an idiot! Is this really me?? Ugh!

Lumingon siya, ngumiti nang tipid saka ko hinatak palayo. Tinignan ko nang masama 'yung lalaking kasayaw ko kanina para hindi na s'ya sumunod.

And I know, this is crazy. Kakasabi ko lang kanina na hindi ako makikipagsayaw sa kan'ya dahil alam kong self-serving lang 'yung ginagawa niya pero..heto ako..kasayaw s'ya ngayon sa huling kanta ng gabing ito! It was really awkward, dancing with him like this, with that overwhelming, self-relating lyrics whooshing in my ears. Darn! I hate this!!

"Sorry." Finally, nagsalita rin siya, breaking the silence lingering between us. I noticed that he wasn't looking at my eyes. Pero naramdaman kong sincere 'yun. And that single word—sincerely broke my heart.

"S-sinabi ko bang sagutin mo ang confes—"

"Sorry for not noticing." Napatiklop ang dila ko sa sinabi niya. "Sorry for not noticing that you have feelings for me," he admitted with his soft cool voice against the cold gush of wind. "Look, hindi ko talaga alam na..g-ganu'n pala. I'm sorry kung may nasabi ako sa'yong hindi magagandang salita kanina. I shouldn't have said that." Nakatingin lang ako sa kan'ya habang sinasabi niya 'yon. His eyes were so sad and embarrassed. "H-hindi ko talaga inaasahan yun kasi.." he paused, looking at me and then he looked away with his face flustered. "Alam kong..papalit-palit ka ng boyfriend. Kaya..I don't get it. Kanina nga di ba magki—"

I immediately shut his mouth off—using my lips.

I was so embarrased na hindi ko na alam kung pa'no ko pa tatanggalin sa mindset n'ya na nag-try akong humalik ng ibang lalaki—kaya hinalikan ko siya. To stop him from reminding me my mistake. And to answer what kind of doubts he has in mind.

Nanlaki ang mga mata niya at lalong namula sa ginawa ko kahit pa sabihing dinampi ko lang ang labi ko sa kan'ya. I smiled. Mali 'yung ginawa ko pero..sabi ng puso ko, okay lang 'yun.

"Now I answered your doubts," I smiled confidently. "Hindi porke nakikipag-flirt ako sa ibang lalake, hindi na totoo ang sinabi ko sa'yo. I am just frustrated, but my heart still wishes they were you."

At natapos ang huling minuto na 'yon. I walked away from him, smiling.

"I-Imador—"

Lumingon ako sa kan'ya, and with my teasing smile I said, "Hindi ako magso-sorry sa ginawa ko, Seichi. Kasalanan mo lahat 'yan, kasi inakit mo ang pinakamagandang babae sa school na 'to..ng mga ngiti mo."

Natawa siya sa sinabi ko. At natawa rin ako.

In this JS Prom, I realized one thing:

There's no way I can be Cinderella, not just because I am not a damn weakling like her, but because, when the clock strikes twelve, I felt happy while she felt sad.

[Chapter Eighteen]

Kanna

Habang palalim nang palalim ang gabi, lalo ring lumalalim at lumalawak ang mga iniisip ko tungkol sa maraming bagay. Pinagmasdan ko ang paligid, lahat nagsasaya, makikinang—parang mga bituin sa langit. And me? I was stuck in between what I know I am feeling and what I'm really feeling. In short, ang gulo ko. Argh. I'm both happy and sad and I'm still in the process of figuring out how crazy it sounds and how can that be possible. Hindi ko pa rin ma-digest 'yung sinabi ni Yuta kanina—'yung sagot niya sa tanong ko—at kung pa'nong sa kan'ya napunta ang conversation namin ni Kuya Seichiro nu'ng magkasayaw kami kanina.

I wonder why Yuta's always been the center of my life. And I wonder why I just realized it now. That it's pretty not normal and I'm afraid to admit to myself that I probably know the answer even before he opened his mouth. Oo, natatakot ako. In so many ways, natatakot ako.

Naiinis ako sa kan'ya, for making me feel this way. Bakit kasi ganun siya? Lagi n'yang pinaparamdamn sa akin na parang may something sa'min. Ano ba talaga kami? What am I to him?

Half-meant jokes, sweet nothings—lahat ng 'yon, laging nagdudulot sa'kin ng sobrang kaba. He always teases me about my feelings that I don't know what to do anymore. Paano kung na-inlove na nga ako sa bestfriend ko? Paano kung all this time hindi naman pala si Kuya Seichiro ang mahal ko, pa'no kung siya??

Namula ko nang maisip ko 'yon. Hinde—wah! Ano ba 'tong iniisip ko?! Hindi pwedeng mangyari 'yon! Hinde! HINDE!! K-kasi..'pag nalaman n'ya 'to, siguradong pagtatawanan niya lang ako at lalong aasarin! Wah! Ayoko! Ayokong mangyari 'yu—

Isang batok ang nagpabalik sa'kin sa kamalayan. "A-aray!! Ano bang problema mo—" Paglingon ko, si Tomo ang nakita ko. "Makabatok ka wagas ah!!" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit ka ba nagtatago d'yan sa may gilid?" tanong n'ya.

"Ayokong makita ako ni Yuta." I bit my lip. Di ko 'lam ba't nagsabi ako ng totoo kay Tomo.

"Ha? Bakit? 'Wag mong sabihing nag-away na naman kayo? Tsk, pagkatapos naming gumawa ng paraan ni Miki na mapapunta rito si Yuta—"

"Hindi kami nag-away no. At oo na. Alam ko namang hinihintay mo lang ang matamis kong 'thank you' e. Ayan, isaksak mo sa baga n'yong dalawa ni Miki," pabiro kong sabi. "Kayo na ang the best pinsan in the world!"

"Wag mo nga akong i-trashtalk at baka mahawa ako ng kamanhidan mo."

"Ano??"

"Wala! Sabi ko magsayaw na tayo, kawawa ka naman," sabi niya habang nanglalait at pinagtatawanan ako tapos sukat ba namang guluhin ang buhok ko at hatakin ako papunta sa gilid ng stage? Hayst. Mas malala talaga ang saltik nitong isang 'to e.

"Sinong kawawa ha??" tanong ko habang magkasayaw kami.

"Wala. Wala. Joke lang 'yun," sabi niya habang dinidisplay na naman niya ang mala-Cheshire cat niyang ngiti. Nag-'hmp' lang ako sa kan'ya sabay irap. Tumawa siya nang bahagya. "Hindi naman kasi ikaw ang kawawa. Si Yuta talaga 'yun. Haha," pabulong n'yang sabi tapos sumipol siya at tumingin sa paligid habang nagsasayaw kami sa isang mellow na kanta.

"Narinig ko 'yun a!" sabi ko. "At bakit naman si Yuta ang kaw—"

"Speaking of Yuta, di ba siya 'yun?" sabi niya habang nakaturo du'n sa kabilang parte ng covered court. Hindi ko na kailangang sundan ang hintuturo niya para mahanap si Yuta. Even in the sea of people, I can easily see him, and I can't help but wonder why I felt my heart suddenly stopped when I notice he's dancing with Yumi. At parang napaka-intimate nila sa isa't isa.

I was pulled out of my thoughts when Tomo suddenly give me a forehead flick. Tinignan ko siya nang masama at binulyawan. Lalo kong nainis kasi nakangisi lang siya. Inapakan ko nga ang paa niya.

"Ang sakit a! Bakit pati ako—"

"E pasaway ka eh! Para kang si Yuta. Hmp!"

"Di kaya. Hindi ako kasing torpe nu'n."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, pero at the same time, kumirot ang puso ko. Sinasabi ko na nga ba eh. Dine-deny lang sa'kin ni Yuta na may gusto s'ya kay Yumi—kasi torpe siya. Natotorpe siya kay Yumi. Hayst! Hinampas ko ang noo ko sa sobrang katangahan at natawa sa sarili. Of course, nakagawian n'ya lang talaga kong asarin kaya minsan sinasabihan n'ya ko ng something sweet. Of course, it's not something I imagine it would be. Sumimangot ako. Bumigat na lang bigla ang mga balikat ko at pakiramdam ko, nilibot ko ang buong mundo sa sobrang pagod. Parang ayoko na tuloy makipagsayaw pa sa kumag kong pinsan. Gusto ko ng umuwi.

"Oy, ba't nakasimangot ka d'yan? Wahaha! Ang manhid at ang torpe! Bow! Magbestfriend nga kayo! Haha!" Ay badtrip naman o! Nag-asar pa 'tong si Tomo. Hayst! Inapakan ko ulit ang paa niya, this time mas madiin tapos iniwan ko siya. Hmp. Bahala ka sa buhay mo. Mag-isa kang sumayaw d'yan!!

Nagmukmok na lang ako sa isang madilim na parte ng covered court. 'Yung walang masyadong tao. Hayst. Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko. Ang tanga-tanga mo naman kasi talaga ,Kanna. 'Wag ka ng makieksena. Nauna n'yang mahalin si Yumi. Makuntento ka na lang sa kung anong meron kayo. Teka nga. Anong drama ba 'tong pinaglalaban ng maingay kong utak? Saka bakit ba ko nasasaktan? Magbestfriend kami. Mag.Best.Friend. Hindi ako pwedeng magkagusto sa kan'ya. Hindi pwede.

Naantala ang mga iniisip ko nang biglang nagsalita 'yung sub-host sa stage. Sub-host kasi umexit na ang tunay na host na walang iba kundi ang masungit na presidente.

"Last two songs na mga guys! Kaya grab a partner and enjoy your last dance!!"

Last dance? So mag-aalas-dose na pala? Buti naman. Makakauwi na ko. Matext na nga si Mama. Nang ma-send ko na, pumunta muna ako ng CR tapos lumakad na ko pabalik sa table namin nila Miki. Baka kasi gusto nilang sumabay sa'kin umuwi kahit hanggang labas lang.

Nagulat ko nang bigla 'kong hinawakan ni Yuta sa magkabilang balikat. Parang may laban ng UAAP sa loob ng puso ko. Ang daming kumakalabog at dumadagundong na drums.

"Kanna! Sa wakas nakita rin kita!!" Napansin kong pinagpapawisan siya at hinihingal. 'Wag mong sabihing..kanina niya pa 'ko hinahanap?

"Ano pang hinihintay mo? Bilis na! Habang may kanta p—"

"Okay! Tapos na guys! Back to your own tables!! Na-enjoy n'yo ba ang gabing ito, ha?" sabi ng sub-host sa stage. Naghiyawan naman ang mga tao.

"Kakatapos lang, narinig mo?" sabi ko.

"'Ay nako! Kasalanan mo 'to e!! Kung sa'n-sa'n ka kasi pumupunta! D'yan ka na nga!!" pagalit n'yang sabi tapos nagwalk-out s'ya. Hindi ko siya maintindihan. Ano bang ikinagagalit niya?

Sinundan ko s'ya pero ang tulin niya pa ring maglakad.

"Galit ka ba sa'kin?"

"Ewan ko sa'yo!" sigaw niya nang hindi ako nililingon.

"Anong nangyari?" Si Tomo 'yun, kababalik lang, kasama niya na si Miki. Nakalayo na talaga si Yuta kaya hindi ko na siya sinundan. Napansin kong umupo siya sa bleachers sa gilid covered court.

"Ewan ko sa kan'ya. Nagalit siya nu'ng natapos na ang huling kanta."

"E kaya naman pala eh," sabi ni Miki.

"Malamang talaga magtatampo 'yun sa'yo. Ang alam ko, last dance ang pinakamahalaga at unforgettable sa lahat ng sayaw sa buong gabi ng prom," paliwanag naman ni Tomo.

"Ganu'n ba? E hindi ko naman alam eh. Kasalanan ko ba 'yon??"

"Kung ako sa'yo, puntahan mo na s'ya. Sus! Wala 'yang tampo-tampo na 'yan! Lambingin mo lang ng konti tapos 'yan!!" sabi ni Miki tapos nag-approve sign pa siya at kumindat. Lalo lang kumunot ang noo ko.

"L-lambingin..?"

"Gan'to ang gawin mo." Lumapit sa'kin si Miki at may binulong. Namula ako sa binulong niya at lalo akong kinabahan.

"B-bakit ko naman gagawin 'yon?!"

"Basta gawin mo!" sabi ni Miki sabay tulak sa'kin. Wala na kong choice kundi lumapit kay Yuta. Haayst! Bakit ba kasi kailangan ko pang gawin 'yon?? Hindi nga ako ang may kasalanan e! Argh!

"A-ano..Y-Yuta.."

"Umalis ka na!"

Ay ganu'n? Galit pa rin s'ya?! Tadyakan kita e! Para 'yun lang! Para last dance lang!!

Lumapit ako lalo sa kan'ya at ginawa ang sinabi ng isa ko pang magaling na pinsan. Si Miki. Niyakap ko siya habang nakatalikod siya.

"Wag ka ng m-magalit sa'kin. Sorry na."

Nagulat siya sa ginawa ko kaya napatayo siya, pero hindi ko siya binitawan. Napansin kong pumula ang likuran ng tenga n'ya. "A-ano bang ginagawa mo?! B-bitawan mo nga ako Kanna!"

"Kung di mo ko papatawarin, hindi kita bibitawan!" Oo, kasama lahat ng sinabi ko sa pinagagawa ni Miki. Bwiset!

"Argh! Oo na! Oo na!! Di na ko galit! Sige na—a-alisin mo na 'yang kamay mo!" Hindi ko alam kung nandidiri ba siya sa'kin o talagang naiilang lang siya e. Haay.

Sinunod ko nga ang sinabi niya, tinanggal ko na ang braso kong nakayakap sa kan'ya. Nu'ng humarap siya sa'kin, sobrang pula ng mukha niya at pilit n'ya 'yung tinatago gamit ang likod ng kan'yang kanang kamay. Nakakunot ang noo niya, magkasalubong ang kilay at kasalukuyang nire-regulate and paghinga niya habang nakatingin sa iba. Napangiti ako at nawala ang inis ko sa kan'ya. Ang cute niya kasi tignan. Ang sarap n'yang picturan. Haha.

"B-bakit mo pa 'yon g-ginawa, ha?"

"Masama ba?" sabi ko. "Ba't pulang pula ka d'yan?"

"H-hindi ah!" Sa wakas, sinalubong rin niya ang mata ko.

"Weh? Namumula ka eh!" asar ko sa kan'ya. Hindi na 'yun kasali sa sinabi ni Miki pero minsan lang ako makaganti kaya lulubus-lubusin ko na. Lumapit ako sa kan'ya at niyakap ko siya ulit. I felt the warmth of his body and it tempted me to stay with him like this forever pero syempre, wala 'yun sa plano kaya dinikit ko na lang ang tenga ko sa dibdib niya. "At ang lakas-lakas nga ng tibok ng puso mo oh!"

Agad siyang lumayo sa'kin, with his arms up, admitting his defeat.

At natapos ang mahabang gabi ng JS sa pang-aalaska ko sa kan'ya. Nu'ng tumingin ako sa dalawa kong pinsan, pareho silang nag-thumbs up sa'kin. I puffed my chest, feeling proud saka gumanti ng 'ako pa!' pose sa kanila na kinatawa naman nila. Napangiti ako and I realized, tama nga si Mama. Kahit pa sabihing may nalaman akong masakit na bagay, memorable at unforgettable nga ang JS na 'to.

*****

And just like any other Cinderella out there, when the clock strikes twelve, all the magic will be lost and we're stuck back into being normal again. But there's something incredible about this morning that made me think twice about the 'magic curfew' thing. At 'yun ay ang makita nang dalawa kong mata ang isang pamilyar na lalaking seryosong nagbabasa ng libro habang nakasandal sa gilid ng entrance gate.

"Kuya Seichiro!" tawag ko habang nakangiting palapit ako sa kan'ya. Napatingin siya sa'kin saka agad n'yang sinara ang librong binabasa niya tapos nginitian niya 'ko—his trademark smile.

"Bakit dito ka nagbabasa, Kuya? Hindi ba duty mo ngayon sa lib?"

"Ah, oo. Hinihintay kasi kita kaya nakipagpalitan muna ako ng oras sa isang kasama ko." Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya. Bakit niya ko hinihintay? Anong meron? "Gusto ko kasi sanang manghiram sa'yo ng notes sa AP," paliwanang niya. "Nawala kasi 'yung notes ko last year. E malapit na ang mga major exams namin. Alam mo naman 'pag graduating, mas advance ang schedule ng mga exam." Sabagay, lahat nga pala ng lesson mula first year to fourth year, kailangan nilang aralin. Ugh. Just thinking about it makes me sick. Parang ayoko natuloy maging senior! Ang hirap kayang mag-aral!

"A ganun ba, Kuya? Sure! Teka, kukunin ko," sabi ko sabay bukas ng bag ko. Hala! Nasaan na 'yun? Habang hinahalukay ko ang bag ko, hindi maalis ang sinabi niya sa isip ko. I felt sad realizing that their graduation is just around the corner. Kaya hayan, nagiging sobrang busy na nila. Hindi ko na siguro siya ganu'n kadalas makikita. Haay.

"Ah! Nasa locker ko!" bigla kong nasabi. "Wait lang Kuya a! Kukunin ko lang!" Akma na sana kong tatakbo nang bigla niya kong pinigilan.

"Sabay na tayo. Sasamahan na kita," sabi niya habang nakangiti. Tumango na lang din ako at ngumiti sa kan'ya.

Nu'ng nasa tapat na kami ng locker ko, agad kong kinuha ang notes ko sa Araling Panlipunan. Whew! Buti maayos ang pagkakasulat ko dito kundi nakakahiya naman kay Kuya Seichiro.

"Pasensya ka na, Kanna a. Sa'yo pa ko nanghiram. Feeling ko kasi, walang notes si Yuta e. Hindi ko kasi siya nakikitang nag-aaral sa bahay. Pero hindi ko naman sinasabing—"

"Naku! Totoo ang hula mo, Kuya Seichiro! Si Yuta pa! E walang ginawa 'yun kundi makipagdal-dalan 'pag nagle-lecture ang mga teacher namin eh! Haha. Wala ka talagang maasahan sa notes nu'n," sabi ko.

"Haha. Di bale, and'yan ka naman e."

"Sus! Hindi naman ako parating nagpapakopya sa kan'ya ng notes kasi namimihasa siya. Ang tamad-tamad kasi nu'n! Hmp!" Napatingin ako sa kan'ya nang bigla s'yang tumawa. "Bakit ka tumatawa, Kuya?" Teka. Pinagtatawanan niya ba ko?

"Wala lang. Natutuwa lang ako kasi sobrang kilala niyo talaga ang isa't isa. Alam mo ba ang sinabi niya sa'kin kagabi nu'ng tinanong ko kung may notes ka sa AP?"

"Ano?"

" Sus! 'Yun pa! E lahat ata ng sabihin ng teacher namin, sinusulat niya. Ang sipag-sipag magsulat pero ayaw naman magpakopya ng notes!'" Natawa ko nang in-impersonate niya si Yuta. First time ko makitang ginawa niya 'yun. Ang cute! "Haha! O di ba? Halos pareho kayo ng sinabi?"

Bago pa ako makasagot, napunta ang atensyon ko sa isang taong paparating.

"Seichi!" tawag ni Ate Imadori habang papalapit sa'min. Bigla akong napatago sa likuran ni Kuya Seichiro at napakapit sa braso niya. Natatakot kasi ako kay Ate Imadori. Baka pagalitan niya ko. Buti and'yan si Kuya.

"Yo!" bati ni Kuya Seichiro sa kan'ya. Y-yo? Kelan pa siya natutong bumati nang ganu'n? Ang weird lang. Parang wala naman sa tipo n'yang babati sa isang tao ng 'yo'. Tsaka ang napansin ko pa, medyo naging uneasy siya nang dumating si Ate Imadori. Bakit kaya? May nangyari ba? Nag-away ba sila?

"O ikaw pala 'yan Kanna!" sabi niya habang nakangiti nu'ng tinuro n'ya ko. Kinilabutan ako sa ngiti niya. Parang ang saya-saya niya ngayon. Hindi ko tuloy alam kung talagang masaya ba siya o may halong pagbabanta at sarcasm ang ngiti niya.

Isa pang kinagulat ko, bigla n'yang hinawakan ang dalawa kong kamay at tinanong niya 'ko, (straight-to-the-point!) kung bakit raw kami magkasama ni Kuya Seichiro. At take note: tinatanong niya 'yun habang nakangiti sa'kin. Napalunok tuloy ako at pakiramdam ko, may tumulo nang pawis sa gilid ng kilay ko.

"Nanghihiram ako sa kan'ya ng notes sa AP, " cold na sagot ni Kuya Seichiro sa kan'ya. Mukha ngang hindi sila in good terms today.

"Ah..ganu'n ba? Pwedeng ako rin? Pa-xerox ko na lang! Okay lang?"

"O-okay lang, k-k-kung 'yun ang gusto mo, Ate I-Imadori." Natatakot pa rin ako sa kan'ya!

"Siya nga pala!" sabi ni Ate Imadori tapos nag-bow siya sa harap ko. "Sorry sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan sa'yo. I hope you can find it in your heart to forgive me, Kanna. Sana maging friends tayo before kami grumaduate." Napaatras ako sa ginawa niya kasi hindi ako makapaniwala. I looked at Kuya Seichiro and his eyes were telling me he's surprised as well. T-totoo bang nagso-sorry siya sa'kin? Weh? Di nga? Kukurutin ko na ba ang pisngi ko para magising ako sa panaginip na 'to? Come to think of it, si Ate Imadori magso-sorry? Parang hindi ata comprehensible 'yun ah.

"O-okay lang 'yun, Ate. Itaas mo na ang ulo mo. H-hindi mo na kailangang gawin 'yan, " sabi ko habang nakangiti. I'm still doubting her sincerity but I think it's time to be matured enough to forgive her. Isa pa, sabi nga, past is past. Ang importante, nag-sorry sa'kin si Ate Imadori.

Agad s'yang nagtaas ng ulo at napayakap sa'kin. "Thank you! Akala ko hindi mo na ko mapapatawad e!" parang maiiyak sa tuwang sabi niya. "Promise! I will be good to you from now on!"

Ngumiti ako sa kan'ya. Nakaka-overwhelm lang. Hindi ko kasi akalaing darating ang araw na ito eh. Hindi pala lahat ng tao, talagang masama. Ngayon ko lang nakita si Ate Imadori na hindi mataray ang mukha at hindi nakataas ang kilay. Mukhang totoo ngang nagbago na siya.

Biglang nag-bell. Nag-atubili akong kunin lahat ng kailangan kong libro para sa araw na ito, at kahit ayoko pang mahiwalay sa kanila, nagpaalam na kong mauuna na dahil may klase pa ko.

"Hatid na kita sa room n'yo," sabi ni Kuya Seichiro, nakalahad na ang palad niya, ready to carry my things.

"Naku 'wag na! Malapit na lang naman e!" tanggi ko.

"I insist," sabi niya habang nakangiti. "Ako ang umabala sa'yo kaya ito man lang sana e pagbigyan mo kong gawin ko para sa'yo."

"Oo nga naman, Kanna. Pumayag ka na. Seichi, una na ko a. May pinapagawa na naman si Natsume e," sabi naman ni Ate Imadori tapos umalis na siya. Tumango na lang ako.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Nag-Lunes lang gan'to na kaganda ang mga pangyayari? Parang nakakatakot magpakampante. Ang sabi kasi nila, 'pag sunud-sunod ang saya, darating at darating ang lungkot.

Nu'ng nasa tapat na kami ng room, narinig ko na naman ang 'uuuyyyy!' factor ng mga kaklase ko pero hindi na katulad ng dati. Wala na 'yung magic effect na nararamdaman ko. Siguro nga ganu'n talaga 'pag settled na ang puso mo para sa isang tao. Although crush ko pa rin si Kuya, hindi 'yun kasing katulad ng nararamdaman ko ngayon para sa bestfriend ko. Ugh. Teka, parang kinilabutan ako sa naisip kong 'yon ah!

Nagpasalamat ako kay Kuya matapos niya kong ihatid, gumanti siya ng ngiti at sinabing mamaya na lang niya isosoli ang AP notes ko 'pag napa-xerox niya na. Um-okay lang ako. Ang ganda talaga ng ngiti ni Kuya Seichiro. Sobrang kalmado at maaliwalas. A patch of heaven.

Palakad na siya palayo nang huminto siya at bumalik sa'kin. May naalala ata.

"Ay nga pala," sabi niya. "Ilahad mo ang palad mo." Ngumiti na naman siya. Nakakasilaw!

Agad ko naman s'yang sinunod. May naramdaman akong nilagay niya ro'n bago niya sinarado ang dalawang kamay ko. "Buksan mo 'pag nakalayo na 'ko."

Nu'ng nakaalis na siya, excited kong binuksan ang kamay ko na parang isang batang nagbubukas ng regalo mula kay Santa. Tatlong Potchi ang kumaway sa'kin. Abot-langit ang ngiti ko. Paborito ko kasi ang Potchi at na-realize ko kung ga'no ko na-miss kumain nito. Waah. Eto na naman ako. Nalilito. Bakit hindi mawala 'yung kilig factor ko 'pag binibigyan ako ng kung anu-ano ni Kuya? Nakakainis naman kasi ang pagiging sweet at misteryoso niya e. Haaay.

Pagpasok ko ng room, inasar na naman ako nila Nao at ng iba pa. Ngumiti na lang ako sa kanila at tinago sa bulsa ng bag ko ang binigay niya.

"Good morning! Muntik ka nang ma-late ah!" bati sa'kin ni Tomo.

"E kasi kausap niya pa si Kuya Seichiro e, nag-date pa ata sila haha!" asar naman ni Miki.

"Hindi no! May hiniram lang s'yang notes sa'kin kaya natagalan ako," paliwanag ko tapos umupo na 'ko sa upuan ko. Hinanap ko sa tingin si Yuta. Ayun. Kumirot na naman ang puso ko. Ang ganda-ganda kasi ng ngiti n-ya..habang kausap si Yumi.

"Oh, kanina ang saya mo ah! Ba't ngayon nakasimangot ka d'yan?" puna ni Nao.

"Wala 'to," sabi ko tapos nagpalumbaba ako sa desk ko at bumuntong hininga. It's this feeling again. One minute ago, I'm happy and now, I'm sad—it's amazing how different people can give you different conficting emotions, like temperature—you just can't deny you're affected everytime it changes. And it hurts, seeing him like that. Parang nu'ng JS lang, naasar ko pa siya, ngayon parang ang layo niya na naman. Ni hindi man lang niya ko binati o pinansin nu'ng dumating ako. Si Yumi na lang palagi ang nakikita at pinapansin niya. Sabagay. It's not like his world revolves around me like him around mine. It's not like that but how I wish it would be.

His full attention on me, and mine on him. That would be perfect—perfectly impossible.

Naantala ang pangangarap ko nang biglang pumasok sa room si Mrs. Oda dala ang isang hindi kagandahang balita. "Good morning class! Ngayong tapos na ang JS, tapos na rin ang maliligayang araw ninyo dahil sa Wednesday Pre-Finals n'yo na. Tandaan n'yo na ang hindi papasa sa Pre-Final Exam ay hindi pwedeng makakuha ng Final exam. Hindi ako nagbibigay ng retake alam niyo 'yan kaya mag-aral kayong maigi. Maliwanag?" Sumagot naman ng pilit na "opo" ang buong klase na obvious na nasira agad ang araw dahil sa sinabi ni Ma'am.

Haay. Exam! Exam! Exam! Kailangan ko na namang mag-review at mapuyat para makakuha ng mataas na marka. Napailing ako. Perfect news para lalo lang akong mabadtrip.

"Lalo ka na Yuta!" pahabol ni Ma'am.

"Bakit ma'am?" tanong naman ni Yuta na napatayo pa sa gulat. Nagtawanan ang buong klase. Hmp, buti nga sa'yo, hindi ka kasi nakikinig e.

"Kung hindi ka papasa sa exam na 'to, ipapatawag ko na ang mga magulang mo," seryoso at nakakatakot na sabi ng homeroom teacher namin.

Napansin ko na biglang tinakasan ng kulay ang mukha ni Yuta at alam ko ang dahilan—ayaw n'yang mapatawag ang Mama ni Kuya Seichiro dahil malalaman ng lahat na magkapatid sila at magiging malaking issue 'yon 'pag nagkataon. Pinalis niya ang pagkabalisa niya at ngumiti nang malapad. "Don't worry ma'am! Ipapasa ko 'yan!" mayabang na sagot niya.

Siguradong magdadasal siya sa lahat ng santo sa Pre-Finals. Ang tamad niya kasing mag-aral.

After ng recess, nagulat ako sa kumpulan ng tao sa may harapan ng classroom. Nang tanungin ko si Miki e sinabihan ba naman akong ang haba ng hair ko?! E ang nipis at iksi nga ng buhok ko. Anong konek nu'n sa—

Tinuro ni Tomo ang upuan ko.

"Anong meron sa upuan ko?" tanong ko tapos lumapit ako ru'n at nag-excuse sa mga usisero kong mga classmate. Pagtingin ko, napa-blink blink ako ng mata. Totoo ba 'tong nakikita ko? Isang bouquet ng rosas at isang cute na teddy bear ang nasa upuan ko!

Agad ko silang kinanlong sa mga braso ko at inilapit sa mundo ko. Waah. Kanino kaya galing 'to?

"Ang swerte mo naman, Kanna!"

"Kay Mr. SA galing 'yan, no?"

"Infairness, ang mahal ng bouquet ah! Bongga ka talaga, Girl!"

"Akala ko mananahimik na nang tuluyan ang SA mo kasi nu'ng JS hindi 'ata siya nagparamdam,'yun pala may bonggacious pasabog siyang pinaghandaan!"

'Yan ang reaksyon ng mga kaklase ko bago pa ko makapagsalita. Napansin ko na may sulat sa gitna ng bouquet. Kinuha ko 'yun at binasa: Kanna, sana someday, ma-realize mo kung sino ako.

Nag-'ayieee!' naman ang mga classmate kong babae. Mas kinikilig pa sila kaysa sa'kin. Tinago ko ang pagkapula ng mukha ko sa paghampas nang bahagya sa braso ni Tomo. "Tigilan niyo nga ko nang kakaasar!" nakangiti kong sabi. Nakakainis naman 'tong si Mr. SA, bukod sa printed ang letter na iniwan niya, wala raw maski isang nakakitang naglagay ng bouquet at stuff toy sa desk ko nu'ng recess. Haaay.

Paano ko malalaman kung sino ka kung hindi mo man lang ako binibigyan ng pagkakataon na makilala ka?

Nu'ng uwian na, nagulat ako nang biglang lumapit sa'kin si Yuta. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko at nahihirapan na naman akong huminga.

"Uy ano 'yan?" sabi n'ya sabay agaw du'n sa sulat na galing kay Mr. SA. Ni-recite n'ya 'yun nang sobrang lakas tapos tumawa siya. "Haha! Ang mais tuhod naman ng Secret Admirer mo! Ang daming alam!" asar niya habang tumatawa pa rin.

"Akin na nga!!" pagalit kong sabi sabay agaw du'n sa sulat.

"Sus! Para binasa ko lang 'yung sulat, nagalit ka na. Para 'yan lang!" sumbat niya.

"Anong problema mo??" Nataasan ko tuloy ang boses ko dahil sa sinabi niya.

"Binigyan ka lang ng bouquet ng red roses at teddy bear, gan'yan ka na ka-protective sa Mr. SA na 'yan! Bakit, kilala mo ba 'yan? Hindi naman a!"

"E ano ngayon sa'yo??" Pinanlakihan ko siya ng mata. "Siguro nagseselos ka lang, ano?!"

"Haaaa? Selos? Bakit naman ako magseselos?" pairap niyang sabi.

"Ewan ko sa'yo!!" basag ang boses ko nu'ng isinigaw ko 'yun sa kan'ya. Kinuha ko ang bouquet at stuff toy sa desk ko saka ko nag-walk out. Hindi ko mapigilan ang di mainis sa kan'ya. Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil sa sinabi niya. Wala naman akong ginagawang masama tapos nagalit na naman siya sa'kin. Pilit kong pinahid ang maiinit na luha sa pisngi ko. Bakit ba siya gan'yan? Bakit??

Hinihiling ko na sana, katulad ng dati, hahabulin n'ya ko at magso-sorry siya sa'kin. Pero hindi niya 'yun ginawa. Nu'ng lumingon ako, patakbo siya sa kabilang direksyon. Lalong pumatak ang mga luha ko..kasi nakita ko si Yumi na naglalakad sa direksyon na 'yun. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Binalewala na nga niya 'ko, pinuntahan niya pa si Yumi. B-balewala na ba ko sa kan'ya?

"Kanna, umiiyak ka ba?"

Napalingon ako sa kung sino ang nagsalita. Si Kuya Seichiro pala. Agad kong pinahid ang mga luha ko. Ayokong mag-alala na naman siya sa'kin dahil sa pesteng si Yuta.

"Ibabalik ko na sana itong notes mo sa AP. Teka, ano bang nangyari?" nag-aalala niyang tanong. Umiling lang ako. Ayokong magsalita, lalo lang akong naluha.

Muli, sa curiosity ko, tumingin ako sa direksyon kung sa'n sinundan ni Yuta si Yumi. At nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Lalong lumakas ang daloy ng luha sa mga mata ko.

Hin—hindi totoo ang nakikita ko..di ba? Sabihin n'yo sa'king hindi totoo ang nakikita ng dalawang mata ko. Sabihin niyo sa'king..hindi hinalikan ni Yuta si Yumi.. S-sabihin n'yo! Parang awa n'yo na. P-panaginip lang 'yon, di ba? D-di ba?

Napatingin rin si Kuya Seichiro sa direksyon kung sa'n ako nakatingin. Naramdaman ko na lang na biglang niya kong niyakap nang mahigpit habang nakatalikod ako sa kan'ya. Kasing higpit ito nu'ng yakap n'ya nu'ng una kaming magkakilala. Ang pinagkaiba nga lang, hindi nakatakip sa bibig ko ang isang kamay, kundi sa mga mata ko—mga mata kong nakalimutan na ata 'yung salitang 'tama na'. Pero kahit kadiliman na lang ang nakikita ko, hindi pa rin maalis sa isipan ko si Yuta at si Yumi na—

"Minsan, kailangan mong pumikit at magbulagbulagan sa mga bagay na nakikita ng mata, para kahit pa'no, mabawasan ang sakit na nararamdaman mo," narinig kong kalmadong sabi niya sa'kin.

"Bakit Kuya Seichiro?? Bakit ganu'n??" Hindi ko na napigilang itanong 'yun sa kan'ya. At sa ganung posisyon, nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. "Ang sakit-sakit. Ang sakit-sakit.." Lalong hinigpitan ni Kuya ang pagkakayakp niya sa'kin. "Bakit kasi si Yumi pa? E mas nauna naman kaming nagkakilala, di ba? Bakit hindi na lang ako? Bakit hindi na lang kasi ako?!"

"Tama na, Kanna. Wag ka nang umiyak."

Bakit simula nu'ng natuto 'kong magmahal, natuto na rin ang puso kong umiyak? It hurts—and the pain is never ending.

Lord, gan'to po ba kasakit magmahal ng isang taong hindi mo dapat mahalin? Gan'to po ba?

"Nan'dito lang ako, Kanna. Tandaan mo 'yan." Yumakap ako at patuloy na binuhos ang iyak ko habang nakatago sa dibdib ni Kuya, hinihiling na sana..sana panaginip lang ang lahat.

[Chapter Nineteen]

Yuta

Tapusin na ang Mr. SA Plan—'yun ang dahilan kung bakit maaga kaming pumasok ni Yumi. Naisip ko na kung tamang hinala nga ako, wala ng gamit ang MSP at makakapagtapat na ko kay Kanna pagkatapos nito. Lakas ng loob at tamang timing na lang ang kailangan—para makumpleto ko na ang formula to a happily ever after na ending. Pero hindi ko naman inaasahan na hindi lang pala ang planong 'yun ang matatapos..

"Oo nga pala, nu'ng JS, anong nangyari sa pagsasayaw n'yo ng masungit na presidente?"

Sa totoo lang nag-alala talaga ko nu'n kasi sa itsura pa lang ng lalaking 'yun, hindi na mapapagkatiwalaan. Isa pa, kung makahatak s'ya kay Yumi wagas. Hindi man lang s'ya nagpaka-gentleman kahit pa-kunwari lang. Nakakakulo pa ng dugo nang sabihan n'ya ko na bakit ako nangingialam e hindi ko naman girlfriend si Yumi. Pucha! Bakit sino ba s'ya?? 'Wag niyang ipagmamayabang na president siya! Pakelam ko sa title n'ya dito sa school. 'Yung insecure nga na Imadoring 'yun nababara ko, s'ya pa kaya! Saka, masama bang maging concern sa kaibigan?

"Ah..O-okay naman. Hindi naman kasi siya nagsasalita nu'ng magkasayaw kami. Haha. Nakakailang lang," sabi niya habang nakangiti. Napakunot ako ng noo. Bakit nakangiti pa s'ya habang sinasabi 'yun? Hindi ba siya naiinis sa lalaking 'yon?

"Sa susunod, 'wag mo ng pansinin 'yun. Wala lang 'yung magawang matino sa buhay n'ya. Takte, power tripper pa," sabi ko.

"Hindi naman ganu'n si Mr. President, feeling ko mabait siya."

"Mabait? Wow! Sa'ng parte ng lalaking 'yun ang sinasabi mong mabait? E napaka-bossy nga n'ya. Buti sana kung magkakilala kayo e hindi naman. Masyado s'yang—ay basta! Ayokong lalapit ka pa du'n! Baka kung ano pang masamang gawin n'ya sa'yo!"

"Yuta." Napatingin ako sa kan'ya. Ngumiti siya nang pilit—na parang may tinatago siyang sakit sa likod ng ngiting 'yon, tapos tinakpan niya ng dalawang kamay niya ang mukha niya. "Please, w-wag kang maging ganyan sa'kin."

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Wag kang maging..s-sobrang bait sa'kin." Bakit parang maiiyak na naman ang tono ng boses niya? "K-kasi..baka ma-misunderstand ko ang pagiging..m-mabait at protective mo sa'kin. K-kaya—"

"Hindi pa rin kita maintindihan. Anong masama sa pagiging mabait ko sa'yo? Saka 'protective'? Gusto ko lang naman na layuan mo ang mayabang na presidente na 'yun kasi—"

"Yun nga eh. Tama 'yung sinabi ni Mr. President nu'ng JS, h-hindi mo naman ako g-girlfriend kaya..h-hindi mo dapat sinasabi 'yan."

Magsasalita na sana ko kaso nagdatingan na ang iba naming classmates. Habang 'yung iba e lumapit sa'kin at nakipagkwentuhan, napansin kong tumahimik si Yumi.

"Wag ka nga sumimangot d'yan, sige ka, papangit ka," pabiro kong sabi sa kan'ya. Natawa naman siya nang bahagya. Buti naman at napatawa ko s'ya. Although hindi ko pa rin talaga magets kung anung punto n'ya kanina, hindi na 'yun mahalaga. Basta hindi na s'ya ulit iiyak nang dahil sa'kin, okay na 'yun. Dahil mas maganda si Yumi kapag nakangiti.

Okay na sana ang umaga ko kaso nabadtrip ako nu'ng naghiyawan ang mga classmates namin. Napasilip naman ako sa labas at 'ayun. Ang ganda ng view. Kitang-kita kong ang ganda-ganda ng ngiti ni Kanna..habang nakikipag-usap kay Kuya Seichiro. Nakakaselos lang kasi akala ko naman sa'kin na talaga siya may gusto. 'Yun pala, talagang masyado lang akong tamang hinala at malaki ang kumpiyansa sa sarili. Hayst. Pagsinuswerte ka nga naman o.

Uwian na nu'ng isagawa ko ang second part ng huling plano namin, ang tanging paraan para hanggang sa huli, hindi ako mapagsuspetsahanng ako si Mr. SA: ang alaskahin si Kanna. Kaso parang hindi naging maganda ang kinalabasan. Ang bilis niya ma-HB. Para konting biro lang nagwalk-out na siya.

Dapat susundan ko na siya kaso bigla kong nakita si Yumi na papunta du'n sa lugar kung saan niya unang nakita ang mayabang na SSG president. Nakwento n'ya rin kasi sa'kin kung pa'no n'ya nakilala 'yun. At dahil malakas ang kutob kong susuwayin n'ya ang sinabi kong 'wag nang lumapit pa du'n sa lalakeng yun e sinundan ko siya.

Ang tigas kasi ng ulo niya. Gusto ko lang naman s'yang protektahan sa mga ganu'ng klaseng lalake na alam kong walang gagawing matino sa kan'ya.

Bilang isang kaibigan, ayoko lang naman siyang masaktan.

Nang mahabol ko na siya, agad kong hinawakan ang kanang braso niya. Hindi n'ya ata napansin na sinundan ko siya kaya nagulat siya sa ginawa ko. "Bakit pupunta ka pa du'n? Sinabi ko na sa'yong 'wag ka nang lumapit sa kan'ya, di ba?"

"Bitawan mo nga ko, Yuta!" sabi niya sabay tanggal nu'ng kamay ko sa braso n'ya. Nu'ng tinignan ko siya, namumuo na naman ang mga luha sa mata niya. "Alam mo, masakit na kasi e! Masakit sobra!" Tuluyan na naman s'yang umiyak. Ano na naman ba 'to?? "Gusto ko nang mag-move on! Gusto ko nang mag-move on sa'yo! K-kaso pa'no ko gagawin 'yun kung gan'yan ka kabait sa'kin? Alam mo bang nami-misunderstand ko na ang sobrang kabaitan mo?" Nagmamakaawa ang mga mata niyang nagsimula nang mamaga sa kakaiyak. Basag na ang kan'yang tinig at nahihirapan na siyang huminga. "Kaya please..wag. Yuta, wag. Si Kanna ang mahal mo. Hindi naman na magbabago, di ba? Kaibigan mo lang ako! K-kaya sana..sana.."

Biglang umihip ang malakas na hangin. Napansin kong tinakpan niya ang mata niya at nang tanggalin niya ang mga kamay niya ay nagsimula siyang i-blink-blink ang kaliwa n'yang mata.

"Napuwing ka ba?" Lumapit ako sa kan'ya pero humakbang siya paatras. Ang kulit naman nitong si Yumi o! "Akin na nga, hihipan ko," sabi ko sabay hawak sa braso niya. Lumapit ako sa kan'ya at itinaas ko ang ulo n'ya. "Tumingin ka sa taas, okay?" Tumango naman siya habang sinisinghut-singhot. Natawa naman ako nang bahagya saka napangiti. Hinipan ko nang marahan ang kaliwa n'yang mata nang ilang beses saka ko siya tinignan. "Ipikit-pikit mo. Ano, okay na?" Gumaan ang pakiramdam ko nang tumango siya at bahagyang ngumiti.

"Sorry na," marahan at pabulong kong sabi. Napatingin s'ya sa sinabi ko. "Hindi ko alam na..nasasaktan pala kita lalo sa mga ginagawa ko. S-sa totoo lang, isa ka sa mga pinakatine-treasure ko na kaibigan kaya ganu'n ako sa'yo. Haha. Para na ba kong tatay mo sa pagiging protective ko? Sorry ah. A-ayoko kasi na masaktan ka na naman kaya.."

Hindi ko na naipagpatuloy ang sinasabi ko kasi biglang yumakap sa'kin si Yumi. Hinimas ko ang buhok n'ya. Nararamdaman kong medyo okay na s'ya. Napangiti ako. Wala na sigurong kasing pure-hearted na babae na katulad ni Yumi. Kaya siguro gan'to ko sa kan'ya.

"Na-realize ko na, ang hirap palang magmahal ng taong sobrang bait. Nakakainis ka kasi e. Ang bait-bait mo, sobra," sabi niya.

"Bait lang, bait-bait, OA na 'yun," biro ko. Natawa kami pareho. Kaya lang nawala ka'gad ang ngiti sa labi ko at ang halakhak sa boses ko nang makita ko si Kanna sa malayo..kayakap ni Kuya Seichiro.

"Sabihin mo, Yumi, hindi totoo ang..n-nakikita ko, di ba?"

"Ha?" Napalingon rin si Yumi sa direksyon kung saan ako tumitingin. Mukhang nagulat rin siya.

"Y-Yuta.." Malungkot ang mga mata ni Yumi nang tumingin siya sa'kin. Alam kong alam niya kung anong nararamdaman ko.

"O-okay lang ako. Tara na."

Nagsinungaling ako.

Ang totoo, hindi ako okay. Masakit. Masakit hindi lang sa mata—kundi pati na rin sa puso. Kung ako talaga ang mahal ni Kanna, bakit kayakap niya ang kuya ko? At bakit mahigpit din ang yakap ni Kuya sa kan'ya?? Bakit ganu'n? Kung kelan akala ko okay na, kung kelan ang kulang na lang, aminin ko sa kan'ya ang nararamdaman ko..saka pa nagkaganito.

Baka nga talagang ilusyon ko lang na may gusto na sa'kin si Kanna. Siguro nasobrahan lang ako ng kakaaasar sa kan'ya kaya siya nagba-blush o naiilang 'pag nakikita ako. Siguro nga ganu'n lang 'yun. Na-misundertand ko lang. Ang hangin ko kasi eh. Para kong nakalunok ng electric fan.

Ang totoo pala..si kuya pa rin ang mahal niya. Si kuya pa rin.

[Chapter Twenty]

Kanna

Kinabuksan, habang kumukuha ako ng mga libro sa locker ko ay muntik na akong atakihin sa puso nang biglang sumulpot sa gilid ko si Ate Imadori. Nakakapagtaka. Namamaga rin ang mga mata ni Ate Imadori. Umiyak din ba siya kagabi?

"Uy, anong nangyari sa mata mo? Bakit namamaga?" puna niya.

Umiwas ako nang tingin. "Ah..e..napuyat kasi ako kagabi. Haha," palusot ko.

"Aah, ganun ba? P-pareho pala tayo." Tumawa siya nang bahagya. At Katulad ng pagsisinungaling ko, feeling ko nagsinungaling rin si Ate Imadori sa'kin. Na-curious tuloy ako kung ano ang dahilan kung bakit nagkaganu'n ang mata nya. Infairness, natatago naman ng light make up niya kahit pa'no. Bale, sa malapitan lang halata. E ako? Pa'no ko 'to itatago? Haay..

"Uy, ngayon ko lang napansin, ang ganda ng necklace mo!" sabi niya sabay hawak sa Twisty Heart na nasa leeg ko. "Saan mo nabili?"

"Binigay lang 'yan sa'kin ni.." Napahinto ako. Sumikip na naman ang dibdib ko. Naalala ko na naman kasi si Yuta..at ang nasaksihan ko kahapon. Haay.

"Ni?"

"Ng bestfriend ko. Sign of friendship namin 'to," sabi ko habang nakangiti nang pilit—pilit itinatago ang sakit.

"Ah. Nakakainggit naman kayo ng bestfriend mo."

Tumawa na lang ako nang bahagya. Kung alam mo lang Ate Imadori, kung alam mo lang kung ga'no kasakit na tawaging 'bestfriend' ang taong mahal mo, haay.

Nu'ng mag-bell, nagpaalam na sa'kin si Ate Imadori. Kahit medyo namamaga ang mata niya, ang sweet pa rin niya ngumiti. Ibang-iba sa dating siya. Nakakainggit. Hindi ko kasi magawang ngumiti nang totoo 'pag ganitong alam ko sa sarili ko na hindi ako okay.

Napatingin ako sa Twisty Heart na nasa leeg ko. Gusto ko sanang tanggalin 'yun kaso..hindi ko magawa. 'Pag tinanggal ko yun, parang hindi na ako si Kanna, kasi naging parte na 'yun ng pagkatao ko. 'Pag tinanggal ko 'yun, para ko na ring sinira ang promise ko kay Yuta na bestfriends forever kami. Haay..

Ngayon ko lang na-realize na ang pinakamahirap na posisyon sa buhay ng isang tao e ang pagiging bestfriend niya. Hindi ba pwedeng hindi ko na lang bestfriend si Yuta? Hindi ba pwedeng ako na lang ang taong mahal niya??

Bago ko pumunta ng room, naisipan kong hubarin ang kwintas na bigay niya. Hindi ko hinuhubad 'yun kahit pa 'pag naliligo ako. Ngayon lang. Alam kong nabawasan ako ng parte ng pagkatao ko. Pero who cares? I don't feel like being Kanna at all—because being like one makes me sick, that just means I can't have him for myself. Kasi 'yung puso niya, ibinigay niya na kay Yumi.

Siguro, ibabalik ko na lang sa kan'ya ang Twisty Heart 'pag medyo okay na kami—kung mangyayari pa 'yun. Feeling ko kasi..hindi ko na siya kayang kausapin nang katulad ng dati. Kung pwede nga lang na di ko siya makita ngayong araw eh..haay.

Kanna, sigurado ka ba sa gagawin mo? Wag ka ng magtanong, Isip. Hindi ko rin alam.

Nagsimula at natapos ang klase sa puro review at lecture ng mga teachers namin. Nag-concentrate na lang ako sa pagsusulat ng notes at pakikinig kaysa isipin ko pa siya—siya na hindi man lang ako nagawang pansinin ngayong araw. Mabuti pa 'yung mga pinsan ko, palaging nand'yan para sa'kin. Handa akong damayan, i-comfort at ipagtanggol, ako lang ang tumanggi dahil labas naman sila sa problema naming dalawa. Sapat na 'yung alam kong 'di ako nag-iisa, sabi ko sa kanila. Sapat na 'yun para kahit paano, gumaan ang pakiramdam ko.

Nu'ng uwian na, pumunta ulit ako sa locker ko para ibalik ang mga librong ginamit ko kanina at para kumuha ng ibang textbooks at notes na kailangan kong review-hin para sa mga subject na eexam-in namin bukas. Kaso pagbukas ko ng locker, hindi ko na makita 'yung Twisty Heart. Spell PANIC!! Agad 'kong ginalugad ang laman ng locker ko at inisa-isa ang mga nakalagay du'n. Hindi ako pwedeng magkamali. Alam kong nilagay ko lang 'yun dito bago ko pumasok sa room kanina. H-hindi pwedeng mawala 'yun! Nag-iisa lang 'yun. At 'yun lang ang natatanging bagay na sobrang iniingatan ko!

Waah! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko talaga makita kahit saan e. Maiiyak na ko nu'n nang bigla akong tapikin ni Kuya Seichiro.

"Uy. Okay ka lang?" taong niya. Tumango ako, pero sa totoo lang, ang iniisip ko e kung saan ko pwedeng hanapin ang kwintas ko. "Lalo mo lang akong pinag-aalala n'yan e." Pinat niya ang ulo ko. Nagulat ako nu'ng tumitig siya sa'kin, pero umiwas rin ako agad ng tingin.

"Sorry Kuya pero kasi..kailangan ko ngayong hanapin ang kwintas ko. N-nawawala kasi siya. Hindi ko alam kung bakit wala na sa locker ko." Nanginginig ang mga kamay ko habang sinasabi ko 'yon. Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Anong gagawin ko 'pag nawala 'yon? S-siguradong di ako mapapatawad ni Yuta! "A-ang alam ko nan'dun ko lang 'yun nilagay e..p-pero—"

Bigla akong niyakap ni Kuya Seichiro kaya hindi ko na natuloy ang pagpapanic mode ko.

"Calm down. Tutulungan kitang hanapin 'yun, okay? 'Wag ka nang umiyak," sabi niya sabay pahid du'n sa mga luha ko. Tumango na lang ako habang sinisinok.

Una kaming pumunta sa classroom, inisa-isa namin lahat ng sulok nu'n, kaso wala kaming nakita maski anino nu'ng kwintas. Pumunta rin kami sa mga pasilyo pero wala rin. Pinipigil ko na nga lang ang luha ko kasi nahihiya ako kay Kuya. Alam kong exams na nila this week pero heto at tinutulungan niya kong maghanap ng kwintas ko.

Hapon na. Mamaya lulubog na ang araw. Nawawalan na rin ako ng pag-asa. 'Pag dumilim na, mas lalong imposible na naming makita 'yun. Wala na kong pakelam sa exam ko bukas. Ang mahalaga, makita ko 'yun.

"Uy, Seichi, Kanna, kayo ba 'yan?" Nakita namin si Ate Imadori na naglalakad sa may hallway. Lumapit siya sa'min. Mukhang busy siya. May dala-dala kasi siyang maraming documents.

"Anong oras na a, bakit nan'dito pa kayo sa school?"

"Nawawala kasi ang kwintas ni Kanna. Tinutungan ko s'yang hanapin 'yun," paliwanag ni Kuya sa kan'ya. Ramdam ko pa rin ang uneasiness niya 'pag 'and'yan si Ate Imadori. Pero wala akong panahon para atupagin pa 'yun. Ang mahalaga, mahanap ko ang Twisty Heart.

"Y-yung kwintas mong maganda na nakita ko kaninang umaga? E di ba nasa leeg mo lang 'yun? Paanong nawala?"

"Hinubad ko kasi tapos nilagay ko sa locker ko. Pagbalik ko nu'ng uwian, w-wala na."

"Gosh! Bigay pa naman 'yun ni Yuta, di ba?" Hindi ko alam pero madiin ang pagkakabanggit niya ng pangalan ni Yuta at saktong tumingin pa siya kay Kuya nu'ng sabihin niya 'yun. Tumango na lang ako. "Okay. I'll help. Ipagtatanong ko sa iba pang nasa school, okay?" sabi ni Ate Imadori with this reassuring smile. Natuwa naman ako kasi willing s'yang tumulong kahit na busy siya.

"Salamat ah, Ate Imadori."

"Welcome, dear," nakangiti niyang sabi. "O sige, una na ko, I'll ask around. Kontakin na lang kita Seichi, okay?" Tumango naman si Kuya at pagkatapos nu'n, nagpatuloy na kami sa paghahanap.

Kahit sa mga ibang classrooms hinanap na rin namin. Pati nga mga paso, CR at corridor, tinignan na rin namin. Wala pa rin.

Biglang kumulog at kumidlat. Tinakpan ko ang tenga ko sa takot. Nagsimula kong kapitan ng pangamba. Not now, please? Kung uulan ngayon, mas mahihirapan kami sa paghahanap! Maya-maya, nag-ring ang cellphone ni Kuya Seichiro. Yes! Baka may nakakita na! Salamat talaga, Ate Imadori!

"Oh? Sa may garden?? Okay. Okay. Thanks." Nu'ng binaba na niya ang phone niya, ngumiti siya sa'kin. "May nakakita raw! Nasa may garden!" Pareho kaming napangiti at nabuhayan ng loob. Tumakbo agad kami papunta sa Meteor Garden.

"Ang sabi ni Imadori, isang freshmen daw ang nakakita nu'n sa madamong parte ng garden e," paliwanag niya habang naghahanap na kami sa paligid. Itinuon namin ang paghahanap sa damuhan pero ang hirap hanapin. 6 pm na kasi. Badtrip naman! Bakit kailangang dumilim agad?!

Nagring ulit ang CP ni Kuya, sinagot niya 'yun agad. "Ha? Emergency meeting?? Ngayon na? Hayst! Alam mo namang tinutul—" Nakakunot ang noo niya habang nakikipag-usap sa kabilang linya. Mukhang may problema 'ata. "Fine. Oo na, pupunta na ko d'yan. Tell Natsume na 'wag magsisimula hangga't hindi ako dumarating, okay? O sige. Bye." Tumingin siya sa'kin pagkatapos ng tawag na 'yon. And with an apologetic look, he said, "Kanna, pasensya ka na. Mukhang hindi na kita masasamahan rito. Nagpatawag kasi si Natsume ng emergency meeting . May problema du'n sa proposal na sinubmit namin sa principal. Sorry talaga."

Umiling ako at ngumiti. "Hindi, okay lang, Kuya Seichiro. Sobra-sobra na nga ang naitulong mo at ni Ate Imadori e. Kaya ko na 'to, don't worry."

"Text or call me 'pag nakita mo na, okay? Sige. Alis na ko. Mag-iingat ka rito ah. Bye!" sabi niya tapos umalis na siya nang tuluyan. Ang bait talaga ng Diyos sa'kin kahit kelan. Di man ako pinalad sa love life, marami naman akong mga kaibigang handang tumulong sa'kin sa lahat ng oras. Kaya dapat mahanap ko na 'yun agad. Ayokong mauwi sa wala ang effort nilang tulungan ako. Fighting! Aja!

Lumuhod ako sa damuhan at kumapa-kapa. Hayst. Ang hirap nang walang gano'ng makita. Tapos bigla na namang kumulog at kumidlat. Napasigaw ako sa takot nang di oras. Waah! At biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Great. 'Yung feeling na hopeless ka na ngang hanapin ang isang bagay na napakahalaga sa'yo tapos biglang di pa nakikiayon ang panahon?? Argh!

Nagpatuloy akong kumapa sa damuhan kahit nanginginig na ko sa lamig. Basang-basa na ang uniform ko. Buti na lang nakalagay sa locker ang bag ko bago kami naghanap ni Kuya Seichiro.

Please, magpakita ka na, Twisty Heart. 'Yun na nga lang ang kaisa-isang bagay na mahalaga sa'kin, mawawala pa? Siguradong—

"Nawawala daw ang Twisty Heart??"

Hinde. Nagha-hallucinate lang ako. Imposibleng si Yuta 'yun. Nakauwi na siya nang ganitong oras, di ba? Nagpatuloy ako sa paghahanap at in-ignore siya. Nakarinig ako ng mga yabag palapit sa'kin.

"Sige, 'wag mo kong pansinin. Tamang trip ka a."

Kumirot ang puso ko nang marinig ang boses niya. Siya nga 'yun. Siyang-siya. "Umalis ka na nga!" sigaw ko. 'Wag kang lalapit. Utang na loob. I might totally break into pieces if you do.

"Ayoko nga! Bakit ko naman hahayaan na mawala mo lang 'yun?? Kung alam ko lang na hindi mo 'yun iingatan, sana hindi ko na lang sa'yo 'yun binig—"

"Oo! Sana hindi mo na lang 'yun binigay sa'kin!!" sigaw ko—sigaw ng puso ko. Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Buti na lang..umuulan. Sana nga, hindi mo na lang binigay 'yun sa'kin. E di sana..hindi kita naging bestfriend..E di sana..

"Ah! Nakita ko na!" Napasigaw ako sa sobrang tuwa. Hinawakan ko agad 'yun at idinikit sa puso ko. Ngunit unti-unti, dumilim ang paningin ko. At nagfe-fade out na sa pandinig ko ang mga sigaw ni Yuta.

"KANNA! KANNA!!"

[Chapter Twenty One]

Imadori

"Imadori."

Nagulat ako nang makita ko si Seichi. How did he know that I'm here? Wait! Don't tell me—

"Oo. Alam kong hindi totoo ang 'meeting' na sinabi mo sa'kin over the phone," he said, his eyes were staring right through me, seeing everything and nothing of who I am. Tapos sinarado niya ang payong n'yang gamit at lumapit sa'kin. "Alam ko rin na nan'dito ka sa lobby ng school building natin dahil nu'ng kausap kita sa cellphone, habang kasama ko si Kanna sa may garden, nakita kita." Palapit siya nang palapit sa'kin habang sinasabi 'yun. Seryoso ang mukha niya, lalo na ang mga mata n'ya. And I don't feel good about those eyes.

Humalukipkip ako at nag-pretend na hindi na-bother sa seriousness niya. "Hah! So you knew after all?" Ma-pride pa rin ang tono ng boses ko nu'ng tinanong ko 'yun, though, hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata niya.

"Sinabi ko naman sa'yo di ba? Kilala kita, Imadori. I can read between your actions. Alam ko kung nagpe-pretend ka lang."

"K-kung gano'n, bakit hindi mo sinabi kay Kanna na pina-plastik ko lang siya? B-bakit hindi mo sinabi sa kan'ya na ako ang kumuha ng kwintas n'ya, ha??"

"Same reason as before."

"Alam mo, Seichi, I really hate that part of you! K-kasi ayaw mo kong mapahiya? Ayaw mo kong masaktan?? Kasi concerned ka sa'kin?! Kasi kaibigan mo 'ko?! What the hell!" Walang anu-ano, tumulo ang mga luha ko. "I hate you being so kind to me! What I hate the most is , all of these—lahat ng pagco-cover mo sa mga kasalanan ko, sa pananahimik mo kahit alam mong ako ang gumawa ng ganu'n at gan'yang mga bagay—y-you are doing all of these things, out of kindness!" My voice faltered, and betrayed me.

He rolled his eys and heaved a sigh. "Sabi ko na nga ba e," sagot niya sabay lahad ng isa n'yang palad. "Give it to me."

"Give you what?!"

"'Yung napulot mo sa basurahan ng SSGH. 'Y-yung pilas ng papel mula s—"

"Tinapon ko na. Sinunog ko pagkatapos kong mabasa. I will never let that bitch know what's written in that—"

"Wala rin naman akong balak na sabihin sa kan'ya e," paiwas niyang sabi sa'kin.

He was pertaining to a piece of paper which he ripped off from his diary. Hindi ko alam na nagtatago siya ng diary pero what's written there really broke my heart. Like what he said, I found it at the garbage bin in the SSGH last Monday morning because I was asked by that bastard Natsume to re-write the proposal I made. I asked him where he put my proposal and told me he toss it to the trashcan. That incident led me into finding Seichi's secret—'yung sikreto n'yang nagpaiyak sa'kin nang ilang gabi. I just can't believe it. And I will never ever accept it.

Who would have thought that behind his gentle smile, his kindness, was a deep and sad secret? Bakit hindi ko 'yun nahalata? Bakit?!

I never know I have this feeling before until someone confessed to me.

"Bakit, Seichi?? Ano ba kasing nakita mo sa babaeng 'yon?? Why her, of all people?!"

"Pwede bang ibalik ko 'yung tanong mo sa'yo? Bakit ako??" Na-speechless ako sa tanong niya. At the same time, kahit sinabi ko na dating hindi ko na ipapakita ang weak side ko sa kan'ya, eto na naman ako, hopelessly crying in front of him.

In these past few years, puro pag-aaral lang ang inaatupag ko. I still aim to beat Natsume. But suddenly, my life took a sudden turn. It was really unexpected, having this feelings for her.

I could'nt bear to see his pained expression, pero hindi ko kayang wala akong gawin. I must give him a piece of my mind. "Seichi, please. Ako na lang! Promise! Magbabago ako! I will be humble and I will try reading books that you like! I will never flirt with other guys! I will nev—"

Hindi ko noon alam na, habang ang tingin ko sa sarili ko ay isang taong dapat sumunod sa kung anong plinano ko para sa sarili ko, unti-unti na pala akong lumilihis du'n at nagbabago. Hindi ko noon alam na, iba ang kabaitang pinapakita ko 'pag kasama ko ang babaeng 'yon. Is it because I see a part of myself in her? I don't know.

Bigla akong niyakap ni Seichi. "Imadori, 'wag mong piliting baguhin ang sarili mo para sa ibang tao. You're fine, just the way you are. Kaya—"

At kung kelan na-realize kong I was still capable of loving someone in spite the fact that I shunned my heart to protect my family..saka ko naman pilit tinatanggi 'yun sa sarili ko.

Tinulak ko siya palayo. This is getting absurd. Why am I getting so worked up over this kind of guy? Bakit ba kasi ako nagkagusto sa taong 'to in the first place?!

It is because I know her very well that I know, even from the start, that she will never look at me like the way she looks at him. She will never ever like me.

"Shut up! Shut up! Sinasabi mo lang 'yan 'cause you're looking down on me! On my feelings! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ako nagbibiro nu'ng sinabi kong mahal kita! This is not a fling! I am really serious, can't you see that?!"

She made me realize about the things I don't know about myself. She made me realize how hard it is to be kind—to be kind and lonely.

"Alam ko, Imadori. Alam kong seryoso ka. And I don't want to hurt you kaya—"

"Sorry ka, nasaktan mo na 'ko," sabi ko sabay pahid sa mga luha ko.

"Sorry."

"Ano pang magagawa ng sorry mo? Will it change anything?!"

"Please understand." Tinakpan ko ang mga tenga ko. I know I'm being stubborn here but what should I do? The person I love is telling me to understand his feelings for another girl—sige nga, tell me, how will I ever understand that?? I-it's just so unfair—How can I even accept that?! Tell me!

"Imadori, please. Kaibigan kita kaya sana—"

"Don't you ever call me your friend," matigas kong sabi sa kan'ya. "The moment I told you my feelings, we aren't friends anymore."

"Ano bang gusto mong gawin ko, ha?"

"Mahalin mo ko."

"Imad—"

"Fine! I was just kidding, okay??" I was really irritated. Pissed off. Whatever. Tumakbo ko du'n sa labas ng lobby at nagpabasa sa ulan. I let out my tears again and shouted, "Seichi! Sabihin mo sa'kin, should I still hold on..or should I give up..?"

Nakatayo ako sa gitna ng malakas na ulan, isang babaeng nakukuha ang lahat ng gusto niya liban sa tanong mahal niya; ang babaeng kinatatakutan at kinaiingitan ng karamihan sa mga kababaihan ng Tala High School; ang babaeng tinitilian at pinag-aagawan ng mga lalaki sa kahit anong year level; ang babaeng pinagmumukha lang tanga ng taong mahal niya.

How ironic.

Is this what they called love?

Isn't this misery?

Naghintay ako ng response pero wala akong narinig mula sa kan'ya. He was still on the process of absorbing what I have asked. Iniisip niya na naman kung paano siya sasagot nang hindi niya ko masasaktan. But he already did.

That piece of paper already did.

"Hindi ako maghihintay na parang sira na katulad ng ibang babae sa sagot mo!" Mabuti na lang nasa ulan ako, hindi halata ang mga luha ko. "Tandaan mo 'tong araw na 'to Seichi, because from this day forward, the fierce and tough Imadori that you knew will be gone forever. And I will make sure that you'll regret not falling for me." And with that, I walked away, habang tinatamasa ko ang lamig ng ulan na bumabalot sa pagkatao ko ngayon.

He was the same old Seichi I knew since first year. Kung may nabago man, ' yun 'yung fact na.. na-inlove na siya, hindi sa'kin, kundi sa iba—sa babaeng 'yon na effortlessly nakuha ang puso niya.

[Chapter Twenty Two]

Kanna

'Pag dilat ko ng mata, napapikit ulit ako. Whoa—isa 'tong matinding ilusyon! Hinde. Imposibleng 'andito si Yuta ngayon sa gilid ko at mahimbing na natutulog, kung saan ang maamo n'yang mukha ay ilang sentimetro lang ang layo sa mukha ko. Breath in. Breath out. Kumalma ka puso. Please? Please? Wag ka namang kumabog nang sobrang lakas.

Nang imulat ko ulit ang mukha ko, nandito pa rin siya. Waah. B-bakit siya nandito? S-saka, nasa'n ako—este—kami?

Tumingala ako ngunit kasabay nu'n, biglang may nalaglag na bimpo sa noo ko. Nagkasakit ba ko? Pinagmasdan ang paligid. Walang duda. Kwarto ko 'to. Paano ako nakarating rito?

Kukunin ko sana 'yung bimpo at ibabalik sa noo ko kaso napansin kong..h-hawak hawak ni Yuta ang kamay ko. Namula ako bigla at napapikit. Lalong uminit ang pakiramdam ko. Uwaaah.

Ginalaw ko nang bahagya ang kamay ko na hawak niya. May naramdaman akong nakapagitan sa mga palad namin—a-ang Twisty Heart! Biglang nag-sink in sa utak ko ang lahat. Oo nga pala, nu'ng nahanap ko na ang kwintas saka naman nagdilim ang paningin ko. Nahimatay siguro ako. Sabagay, pagod, puyat, stress, brokenhearted, isabay pa ang pagkawala ng TH at ang bad weather—boom! Ito ang napala ko. Teka, k-kung ganu'n—s-si Yuta ang nagdala sa'kin dito sa bahay?

Naku naman, Kanna! Wrong timing ka naman mahimatay! Waah!

Napatingin ako sa wallclock—lalo kong namutla at tinakasan ng kulay sa mukha. 9:30 na ng gabi?? P-pa'no pa ko makakapagreview nito? Hala! Bukas na ang exam!

Napatingin ulit ako kay Yuta. And the time stopped. Nawala ang pag-aalala ko about exams. All I could think of is him—and how my heart ache whenever I'd realize we couldn't be more than friends.

Pumikit na lang ulit ako at pilit binura sa isipan ko ang mga sad thoughts ko.

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Tama! Magpapanggap na lang akong tulog para di ni—

"'Wag ka ngang magpanggap na tulog. Di na uso 'yan."

Pagbukas ng mga mata ko, nakatingin na sa'kin si Yuta. Blush. Agad akong umiwas ng tingin. Waah! Badtrip naman Lord e! B-bakit nagising siya?? Pwede bang..matulog na lang siya ulit? Uwaah! A-anong gagawin ko??

Naramdaman kong tinanggal niya na ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko tapos pinatong niya 'yun sa noo ko. Napapikit ako sa ginawa niya. Buti na lang hindi nalalaman ang heartbeats sa noo! "Mabuti naman at wala ka ng lagnat." Pagalit pa rin ang tono ng boses niya. Nu'ng idilat ko na ulit ang mga mata ko, nakaupo na siya sa gilid ng kama ko. Nagulat ako nang bigla niya 'kong pinitik sa noo.

"A-aray!" nasabi ko habang sapo ko ang noo ko.

"Badtrip ka, alam mo bang pinag-alala mo ko? Pa'no na lang kung may nangyaring masama sa'yo?? Anong ipapaliwanag ko kay Tito, sige nga!" Nangilid bigla ang mga luha ko at naramdaman kong uminit ang talukap ng mga mata ko dahil sa sinabi niya. Akala ko pa naman nag-aalala siya sa'kin. 'Yun pala, mas nag-aalala pa siya sa sasabihin ni Papa.

Badtrip naman. Luha, wag ka munang pumatak please? Nakakarami ka na e. Kahapon ka pa. Mag-AWOL ka muna o. Ayoko munang umiyak e.

Agad kong tinakpan ang mukha ko ng kumot. "E di umalis ka na! Bakit ka pa kasi nandito?! S-sino bang may sabing mag-stay ka pa rito? Tutal naman wala ka namang pakelam sa'kin, di ba??" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Masyado na siguro kong depressed kaya wala na kong magawa kundi ilabas ang sama ng loob ko sa kan'ya. "Iwanan mo na lang ako! Katulad ng palagi mong ginagawa! Bumalik ka na nga sa girlfriend mo! Mamaya magselos pa 'yun sa'kin kasi gabi na 'andito ka pa!!"

Garalgal ang boses ko habang sinasabi 'yun. Tulo nang tulo ang mga luha ko. Buti na lang nakatalukbong ako ng kumot. Buti na lang.

"Haaaa? Girlfriend?? Anong pinagsasasabi mo d'yan?"

"Hanggang ngayon ba ide-deny mo pa rin? Kitang-kita nga ng dalawang mata ko na naghalikan kayo kahapon eh! Tapos sasab—" Napahinto ako sa pagsasalita nang marinig ko s'yang tumawa nang sobrang lakas, tapos bigla niya pang tinanggal ang kumot ko. Tinry kong agawin pero ayaw n'yang ibigay. "Akin na nga 'yan!" sigaw ko habang pilit itinatago ang maga kong mga mata sa kan'ya.

"HAHAHAHA! Ang sakit sa tiyan! Wuuh! Ahahaa!" Naiiyak na siya kakatawa. Nakakasama ng loob. Wala talaga s'yang pakelam sa nararamdaman ko kahit kelan. Tama ba namang pagtawanan niya ko? "Haha. Sorry, hindi ko napigilang tumawa. Haha! An—HAHA!! Anong sinasabi mong naghalikan? Pfft—!" At pinipigilan niya pang tumawa ng lagay na 'yan ah?! "Kami ni Yumi? Naghalikan?? Haha! Ayos ka makagawa ng issue a!"

Nagulat ako nang bigla s'yang lumapit sa'kin. Nagtakip agad ako ng unan sa mukha ko.

"Alam mo ikaw, kahit kelan ka talaga e no? Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ko girlfriend si Yumi?? At mas lalong hindi kami naghalikan! Tanga ka ba? Bakit ko naman gagawin 'yun??"

"Wag ka ngang magsinungaling d'yan! Nakit—" Tinanggal niya ang unan sa mukha ko at nilapit niya ang mukha niya sa'kin. Blush.

Dubdub. Dubdub. Dubdub.Dubdub.

"Napuwing siya. Hinipan ko ang mata niya. Ano, okay na??"

"Ano? N-napuwing??"

Inilayo niya na ang mukha niya sa'kin at mayabang at nakangising humalukipkip. "So kaya maga ang mga mata mo kaninang umaga nu'ng pumasok ka ay dahil..umiyak ka nu'ng inakala mong hinalikan ko si Yumi? Tama ba?"

"H-hindi no! Asa ka naman!" tanggi ko sabay hagis sa kan'ya ng isang throw pillow sa gilid ko. "Napuyat ako kak-kakaaral kagabi kaya namamaga ang mata ko pagkagising ko—"

"Aah.." Tumango-tango siya saka tumingin sa'kin. "At sa tingin mo naman maniniwala ko sa palusot mo ha? Ha?" Unti-unti na naman n'yang nilalapit ang mukha n'ya sa'kin. Namula na naman ako. Gusto kong tumakbo palayo sa kan'ya pero hindi ako makagalaw! "Aminin mo nga sa'kin, Kanna. Bakit ka umiyak, ha? Siguro.."

Para makaiwas sa tanong niya, hinagisan ko ulit siya ng unan.

"Aray! Ang sakit ah!" reklamo n'ya tapos bigla ny'ang hinawakan ang dalawang braso ko para di ako makapiglas sa kan'ya. "Gan'yan mo ba tratuhin ang taong nagbuhat sa'yo mula sa school hanggang bahay n'yo in spite the fact na napakabigat mo at umuulan pa? Alam mo bang imbes na nagre-review ako ngayon, inabala 'ko ni Tomo para lang sabihing nasa school ka pa at hinahanap mo ang Twisty Heart na ikaw naman ang may kasalanan kung bakit nawala??" I blinked my eyes. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. G-ginawa 'yun ni Tomo? "'Yung babaeng Imadori naman na 'yun, nag-text sa'kin na tinapon mo raw ang kwintas. Di ko nga alam pa'no n'ya nakuha ang number ko e. Pasalamat ka nga at naunang tumawag si Tomo bago ko na-receive ang text n'yang 'yun kundi talagang—hay naku!" S-sinabi ni Ate Imadori 'yun? I-imposible! "Ano? Hindi mo pa aaminin? O gusto mong mag-assume na naman ako??"

Suddenly, there was this pain in his eyes while asking me that question. It was like he was pleading me to answer him—like a lifeline that could save him. Pero imbis na sagutin siya, umiwas lang ako. "B-bitawan mo nga ako!" I dodged his question as if not hearing it. "Gan'yan ba ang tamang pagtrato sa may sakit, ha??"

"'Wag mo kong lokohin. Wala ka ng sakit," sabi niya. "Ay hindi pala, meron, selos."

Namula na naman ako sa sinabi niya. I can't believe my face is so transparent! Pero idineny ko pa rin 'yon. "Hah! Selos mo mukha m—" Naputol ang sasabihin ko nang biglang nilagyan niya ng band aid ang bibig ko. At nanlaki ang mata ko nang bigla s'yang pumikit at nilapat ang labi n'ya sa band aid na nakadikit sa bibig ko.

Dubdubdubdubdubdubdubdub! Parang sasabog ang puso ko. Ang init. A-ang init ng pakiramdam ko. Hindi ako makagalaw. H-hindi ko siya matulak. Hindi ako makapag-isip nang matino. Parang tumigil na naman ang mundo. Nawala ang lahat sa paligid. Wala akong ibang naririnig kundi ang pagwawala ng aking puso. Blanko ang utak ko. Nakatulala lang ako sa kan'ya—sa mukha niyang sobrang lapit sa'kin.

Nang nilayo niya na ang mukha n'ya sa'kin at tinanggal n'ya na ang band aid sa bibig ko, ngumiti siya. Ako naman tulala pa rin sa nangyari. Hindi makapagsalita.

"Pulang pula 'yang mukha mo. Ayusin mo nga," sabi niya habang hindi makatingin sa mga mata ko. Tumayo siya at nagpamaywang. "Hindi naman kita talaga hinalikan no. OA ka naman! Hinalikan ko 'yung band aid, hindi ikaw."

"M-maski na! B-b-b-bakit mo ginawa 'yun ha?!" Sa wakas, nakapagsalita rin ako.

"E green-minded ka eh," paiwas ngunit nakangiti n'yang sabi.

"Haaa?! Green minded ka d'yan! "

"Bakit? Kung hindi ka green-minded, bakit mo naisip na hinalikan ko si Yumi? Ibig sabihin lang nu'n gusto mong halikan kita, di ba?" Agad akong umiwas rin ng tingin sa sinabi niya. H-hindi 'yon totoo!

"B-bakit ko naman gugustuhing halikan mo ko ha?"

"Mahal mo ko, di ba?" He flashed his overconfident smile at me.

"Hoy wala akong sinasabi a!!" sigaw ko sa kan'ya.

"Aah. Kaya pala pulang-pula 'yang mukha mo."

"Normal lang na pumula ang mukha ko kasi ginawa mo 'yon!"

"Sus! Eh di sige, pakiramdam ko lang na may gusto ko sa'kin. Ano, aangal ka pa??"

"Bahala ka sa buhay mo!" sabi ko sabay hatak ng kumot sa sahig at takip sa mukha ko. Ramdam kong ang init-init ng cheeks ko at hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa niya kong halikan—ay este—'yung band aid pala 'yun, pero maski na!! Naramdaman ko pa rin ang labi niya! Waah! Mababaliw na ko. Mababaliw na talaga ko!

"Gusto mo bang halikan kita nang totohanan?" Hindi ko man siya nakikita kasi nakakumot na ko, alam kong inaasar niya na naman ako. Napakaepal niya talaga kahit kelan.

"Bwiset! Umuwi ka na nga sa inyo!"

"Anong oras na, uuwi pa ko? Baka wala ng jeep d'yan sa kanto no! Pinayagan naman ako ni Tita na dito muna ko. Alagaan daw kita." Namutla ako sa sinabi niya.

"Hah! Hindi ko kailangan ng pag-aalaga mo!"

"Sorry ka. Bago ka pa nagising, ako na ang nagpapalit-palit ng bimpo d'yan sa noo mo. Ako ang nagpainom sa'yo ng gamot. Kaya—"

"Oo na. Sige na! Matulog ka sa sahig at wag na wag mong susubukang lumapit sa'kin ha!!"

"Aye aye captain! Tsk! Sungit! May gusto ka talaga sa'kin eh no?"

"WALA NGA SABI EH!!"

Makalipas ang ilang minuto, pinatay niya na ang ilaw at natulog na s'ya sa carpeted na sahig ng kwarto ko. Waaah! Hindi ako makatulog!! Naiisip ko pa rin ang ginawa niya sa'kin kanina. Kahit sabihin pang prank niya lang 'yun..naiisip ko pa rin na hinalikan n'ya ko. Nagpagulung-gulong ako sa kama. Hindi ko alam kung nababaliw na ko o kinikilig lang talaga. Para na kong ewan. Buti nakapatay ang ilaw.

Haay..anong oras na ba? Hindi ako mapalagay. Pa'no ko makakatulog kung alam kong nasa ibaba ko lang si Yuta? Waaah. Hindi ko na kaya 'to—

"Bawas-bawasan mo kasi ang kakaisip sa'kin para makatulog ka."

Blush.

G-gising pa siya? Waah! Naku naman!

"Wag ka ngang feeling d'yan!" sabi ko sabay hagis sa kan'ya ng unan.

"Salamat sa unan," sagot niya. "Good night, Kanna. Sana mapanaginipan mo ko. Haha!!"

"Asa!!"

*****

"Ma!! Bakit hindi mo ko ginising?? May exam kami ngay—" 'Yan ang naging reaksyon ko nang Makita ko ang glow in the dark kong wallclock. It ticked 9 am, meaning male-late na ko! Pero naputol ang sanang sasabihin ko nang bigla akong madapa. Kung kanina, pupungas-pungas pa ko, ngayon sobrang gising na ang diwa ko.

"A-ang sakit!" nasabi ko habang sapo ang noo ko. Tinry ko bumangon mula sa pagkakadapa nang biglang may humawak sa paa ko. Napasigaw ako sa takot nang di oras. A-ano 'yon? M-multo? Tatayo na sana ko para buksan ang ilaw (makapal kasi ang kurtina kaya kahit umaga na, madilim pa rin sa kwarto ko) nang biglang may humatak sa braso ko. T-te-teka..k-kamay ng tao??

"Aaah! M-mama! Waaah!" muntik na kong maiyak sa takot lalo na nu'ng naramdaman ko na may yumakap sa'kin. Tapos nakarinig ako ng tawa. T-teka, pamilyar ang boses na 'yun ah!

"Y-Yuta??"

"Hahaha! Natawa ko grabe ah! Anong akala mo sa'kin, multo??"

"A-anong ginagawa mo dito sa kwarto ko, ha??"

"May memory gap ka na ba? Dito kaya ako natulog," sabi niya tapos niyakap n'ya ko lalo nang mahigpit.

Blush. Dubdub. Dubdub. Dubdub. Dubdub.

Nanlaban ako kaso sinasadya n'yang higpitan ang pagkakayakap sa'kin para di ako makawala.

"B-bitawan mo nga ako!"

"Ayoko nga, inaantok pa ko e. Ang lamig-lamig kaya, sarap matulog. Haha," sabi niya tapos tumingin s'ya sa'kin, naaninag ko na nang konti ang mukha n'yang nakangiti—nang-aasar na naman. Umiwas ako ka'gad ng tingin. Waaah! Panaginip lang 'to! Panaginip lang!

Nilalapit na naman niya ang mukha niya sa'kin. Blush. Waah! Naalala ko na naman 'yung kagabi! Hinawakan ko ang mukha n'ya at pinihit pa-kaliwa. Tapos kinurot ko siya sa tagiliran at nagmadaling tumayo at binuksan ang ilaw. Whew. Safe!!

"A-ansakit a! Grabe ka! Para binibiro ka lang e!" reklamo niya.

"Hindi ito ang panahon para sa biro mo no. Anong oras na kaya! Alam mo bang late—"

Biglang pumasok si Mama sa kwarto. "O, gising na pala kayo, Kanna, Yuta, tara na sa baba, nakahanda na ang almusal." Ngiting-ngiti ang mama ko na parang ewan. Hindi ba siya nag-aalala? Late na kami! Hindi naman pwedeng kumuha ng special exam ang mga late na ang dahilan lang e tinanghali ng gising! Hay naku!

"Ma!! Bak—"

"Walang pasok. Bumabagyo."

"Yes!!" biglang sabi ni Yuta na ngayon, nakatayo na at napatalon pa sa tuwa!

"Be thankful kasi may time pa kayo para makapagreview. Salamat nga pala sa pag-aalaga kay Kanna kahapon a," sabi ni Mama tapos tumingin siya sa'kin bago kay Yuta. "Oo nga pala, Yuta, tumawag ang kuya mo kanina a, umuwi ka na raw sa inyo 'pag medyo okay na bumyahe."

Biglang nag-make face si Yuta. "'Nu ba yan!" reklamo niya.

Lalong napangiti si Mama sa reaksyon ni Yuta. "Pero syempre sinabi kong hindi ka pa makakauwi kasi mas malakas ang ulan rito sa Caloocan kesa sa QC," dagdag ni Mama sabay wink kay Yuta. "O siya sige, maghilamos na kayo at nang makakain na."

Nang makalabas na si Mama ng pinto, sumigaw si Yuta ng "Mahuli maghuhugas ng pinggan!!" sabay takbo sa may ban'yo. Agad naman akong sumunod sa kan'ya at nakipaggitgitan sa pintuan.

"Ladies first!!" sabi ko.

"Weh. Sinong lady? Lady ka ba??" Aba!! Anong gusto n'yang palabasin ha?? Inapakan ko nga ang paa niya! Napaaray siya sa sakit kaya nauna ko sa loob at ni-lock ko ka'gad ang pinto.

"Hoy, Kanna! Lumabas ka d'yan! Madaya ka!"

"Hah! Buti nga sa'yo! Bleeh!!" Sinadya kong tagalan sa paghihilamos at pagsisipilyo para lalo s'yang maasar. Bwahaha. Pero pagbukas ko ng pinto, wala na siya. Nasa'n na 'yun?

Sumilip ako sa ibaba, sa may sala, at 'ayun, nakita ko siya na nakikipagchismisan sa mama ko. Argh! Naisahan niya ko ah! Agad akong bumaba tapos pinikit ko siya sa tenga sabay upo sa tabi niya.

"Nakakarami ka na, Kanna ah!"

"Madaya ka eh, akala ko ba—"

"Masama bang gumamit ng ibang banyo liban sa nasa kwarto mo?"

"H-hinde.." Badtrip! Pahiya ako du'n ah!!

"Kayo talaga kahit kelan o, ang hilig n'yo mag-asaran. Kumain na nga kayo, lalamig ang pagkain," singit ni Mama tapos nilapag n'ya na ang umuusok pang champurado sa lamesa.

"Wow! Champurado!" sabay pa kami na sabihin 'yun. Haha. Mahilig kasi kami sa champurado lalo na at umuulan.

It's been awhile. Huli kaming nagchampurado nu'ng buhay pa si Tita, mama ni Yuta. Namiss ko tuloy bigla si Tita. Ilang buwan na rin pala ang lumipas simula nu'ng nawala siya. Sa reaksyon ni Yuta kanina, feeling ko, hanggang ngayon, hindi pa rin siya ganu'n kakumportable sa bago n'yang pamilya. Feeling ko, hindi pa siya nakakapag-adjust. Hindi niya pa rin napapatawad ang papa niya. At somehow, nalulungkot ako kasi kahit anong sabihin ko, kahit anong gawin kong pagpapa-realize sa kan'ya na ituring sila bilang bago niyang pamilya, hindi, kahit kelan, magiging madali ang lahat para sa kan'ya. Hindi ko siya masisi, kasi binetray siya ng nag-iisang taong nabubuhay sa mundo na kadugo niya: ang papa niya.

"Yuta, nakwento sa'kin ni Kanna na may secret admirer daw siya, totoo ba 'yun?"

Pareho kaming nasamid at naubo sa tanong ni Mama. Wrong timing naman ang tanong n'ya o!

"Totoo 'yun, Ma! Hindi ko 'yun inimbento! Binigyan pa nga ko ni Mr. SA ng stuff toy at bouquet ng red roses kahapon e! Nasa bag ko kaya!"

"Oo nakita ko no. Masama bang itanong kay Yuta?" sabi ni Mama sabay tingin du'n sa umiinom ng tubig na unggoy sa tabi ko. Pagkatapos n'yang uminom, nagsalita siya ng, "Sa kasamaang palad, Tita, totoo 'yun."

"At bakit sa 'kasamaang pal—"

"E kasi may nagkamaling nagkagusto sa'yo. Wahaha," asar niya.

"Anong sabi mo??"

"Wala-wala. Tita, meron pa bang champurado? Penge pa po, thank you."

"Haha. So hindi pala ilusyon ng anak ko ang Mr. SA na 'yun? Kilala mo ba kung sino siya?" usisa ni Mama habang nilalagyan ng laman ang mangkok ni Yuta. Ewan ko ba pero mas lively talaga ang bahay 'pag and'yan si Yuta. Bigla ko tuloy na-miss si Papa kasi lagi kaming nag-aasaran tatlo nu'n. (Ako, si Yuta at si Papa, referee kasi si Mama eh. Haha.)

"Hindi po e. Pero kung makikilala ko siya, sasabihin ko lahat ng alam kong sikreto ni Kanna sa kan'ya, lalo na ang mga pahiya moments niya nu'ng elementary. Haha! Tignan ko lang kung hindi ma-turn off 'yun sa'yo! Haha!"

"Weeh! Wag ka na nga!"

Nang matapos kaming kumain, tumawag si Yuta sa kanila. Habang tumatawag siya, naliligo naman ako kaya hindi ko alam kung anong sinabi niya kay Kuya Seichiro. Pagkatapos kong magbihis, nakita ko s'yang naghahalungkat ng mga textbooks sa kwarto ko.

"Ayos a," bungad ko. Alam kong sobrang close kami pero alam na alam niya naman na ayokong pinapakelaman ang mga gamit sa kwarto ko. Hmp.

"Naghahanap lang ako ng librong makakatulong sa'tin," sabi niya nang nakangiti.

"H-ha?" Makakatulong saan? Sa'min? Bakit iba ang naisip ko nang nabanggit niya ang word na 'yun? Blush. Waah! Totoo ba na naisip ko 'yun? Hinde-hinde-hinde!!

"Kanina, may memory gap ka lang, ngayon bingi ka na? Haha. Kanna, iba na 'yan! Signs of aging! Haha!" Binato ko siya ng tuwalya sa inis ko. Grabe, signs of aging agad??

"Bakit ka nga kasi naghahalungkat ng mga textbooks ko?"

"Magpapaturo kasi ako sa'yo."

"Ha??"

"Bingi-binge??" papilosopo n'yang sabi. Inirapan ko siya at kumuha na lang ng suklay sa may tokador at sinuklay ang buhok kong basa pa. "Pumayag ang mga tao sa bahay na dito muna ko. Natuwa pa nga sila nu'ng sabihin kong magpapaturo ako sa'yo eh. Haha."

"Ang sabihin mo, dinahilan mo lang 'yun kasi tinatamad ka pang umuwi sa inyo. Sus. As if naman na mag-aaral ka talaga."

"Hoy, seryoso 'yun ah! Kailangan ko kayang ipasa lahat ng pre-final exams ko! Tsk. Palibhasa kasi mayabang ka!" sagot niya.

"Ha? Pa'no naman ako naging mayabang?"

"Pinagkakait mo 'yang malamang utak mong sa'kin. E kung turuan mo na lang ako at 'wag ka nang magreklamo d'yan, e di nakatulong ka pa. Isipin mo na lang pambayad mo 'yun sa pag-aalaga ko sa'yo kagabi."

"Ayos a! Kelan pa nagkaro'n ng bayad ang service mo??"

"Ikaw nga lang ang binigyan ko ng special service tapos nagrereklamo ka pa d'yan!" Namula ako nang sabihin n'ya 'yun. Waah. Badtrip!

Para matapos na 'to, pumayag na lang ako at sinabihan ko siyang maligo muna bago ko siya itutor. Habang naliligo siya, nahiga ako sa kama. Hindi ako mapakali. Dati wala lang sa'kin 'to. 'Yung tipong overnight stay si Yuta sa bahay tapos maghapon lang kami sa kwarto ko. Ngayon—waah! Hindi ko na alam. Kinakabahan ako at natatakot. At the same time, natutuwa rin at nae-excite. Hayst! Gumulung-gulong ako sa kama. Napa-praning na nga ata ako. Parang kahapon lang, hindi ko alam kung ga'no ko katagal iiyak, ngayon naman, hindi ko maalis ang ngiti sa mukha ko. Napabuntong hininga na lang ako.

Nang pumasok na si Yuta sa kwarto, nakabihis na siya at sobra kung makangiti.

"Oy, start na tayo. Lahat ng subject a."

"Grabe," reklamo ko.

"Wag ka ng magreklamo. Ikaw naman uh!" sabi nya sabay siko sa'kin.

"Che!"

Lumipas ang mga oras. Habang tinuturuan ko siya, napapansin kong hindi siya sa tinuturo ko nakatingin—sa'kin. Tapos kung makangiti talaga siya, wagas. Nadi-distract tuloy ako at madalas, nawawala sa sinasabi ko.

"May dumi ba ang mukha ko?" tanong ko.

"Ha?"

"E kasi tingin ka nang tingin sa mukha ko e," puna ko. Nung sinabi ko 'yun, agad s'yang umiwas ng tingin sa'kin at namula.

"H-hindi a! Imbento ka naman!"

"Oo kaya. Gusto mo bilangin ko kung ilang beses?" banta ko.

"Alam mo, etiquette 'yun! Etiquette! Dapat tinitignan mo ang nagsasalita! Haha!" palusot niya.

"Sus, mga dahilan mo o! At may nalalaman ka pang etiquette-etiquette! Spell mo nga!"

"Weh! Wag ka na nga Kanna! Segwey ka rin e no? E kung tinuturuan mo na ko nang matuwa-tuwa pa ko sa'yo!"

Inirapan ko siya. "Oo na!"

Nag-resume na ang patuturo ko sa kan'ya. Nang biglang nalaglag ang ballpen ko, nagtama ang kamay namin sa pagkuha nu'n. Hindi ko alam pero pareho kaming..namula? At naging awkward ang atmosphere sa kwarto ko. Ilang minuto ang nakalipas bago siya nagsalita ng, "Kanna."

"Mm?"

"Pwede bang payakap?"

Blush.

"H-haaa?!" Sorry ang violent ng reaction ko pero kasi e! Hindi ko inakala na itatanong niya sa'kin 'yun! Waaah!

"S-sabi ko..k-kung pwede ba kitang..yakapin." Hindi siya makatingin sa mga mata ko. Hindi rin siya mapakali. Waah! Anong saltik na naman ba ang meron si Yuta?? "P-promise! Wala kong ibang gagawin! Yayakapin lang kita!" Pulang-pula na ang mukha niya. Seryoso, anong problema niya?

"B-bakit muna?"

"H-hindi ko rin alam eh." Ha? Anong klaseng sagot 'yon?

Bago pa ko makaangal, unti-unti na s'yang lumapit sa'kin. "T-teka!! Hindi pa ko pumapay—"

Wala na. Niyakap niya na 'ko. Waah. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Lord, sana hindi niya marinig. Sana talaga!

"Kanna, m-ma—"

"Ha?"

Ma? Anong Ma? Bigla s'yang bumitiw sa pagkakayakap sa'kin. Napansin kong nagulat siya sa ginawa niya at pulang pula na naman siya. He tried covered his face with the back of his hand. Anong nangyari du'n?

"W-wala. Wala."

"Ha? Anong wala? Meron e. Ano 'yung sasabihin mo?"

"Wala nga sabi e. Kulit mo a."

"Ano nga kasi 'yun?"

"Wala nga."

Paulit-ulit kaming ganu'n nu'ng araw na 'yon. Hindi ko pa rin alam kung ano ang dapat n'yang sabihin na hindi niya nasabi at talagang itinananggi niya 'yon. Sabi niya wala naman daw talaga s'yang sasabihin. Ewan. Haay. Ang gulo n'ya talaga kahit kelan. Bigla n'yang pabibilisin ang puso ko tapos mamaya aasarin niya ko.

He's being weird. But I guess I can't really hate that part of him. 

[Chapter Twenty Three]

Yumi

"Yumi!!"

Nu'ng lumingon ako, nakita ko si Yuta, nakangiti at palapit papunta sa kinaroroonan ko. Nasa labas ako ng library nu'n, nagre-review habang nakatingin sa mga naglalakad na mga estudyante sa baba, nasa second floor kasi ng old academic building ang library. Hawak-hawak ko ang unit test paper ko sa AP. Wala kasing pasok kahapon kaya ngayon ang start ng pre-final exams. Sa totoo nga, kabado rin ako. Sino ba namang gustong mapatawag ang magulang 'pag bumagsak sa exam, di ba?

"Anong ginagawa mo?" masigla n'yang tanong sa'kin.

"Eto, nagrereview," sagot ko.

"Sus! Wag ka na mag-review! Matalino ka na eh! Di mo na kailangan 'yan!" sabi niya sabay agaw ng test paper sa'kin. Matalino? Hindi naman kasing talino ni Kanna. Haay. Mukhang masyado atang maganda ang araw niya a. Siguro bati na sila ni Kanna. Sabagay, napakadali namang malaman ang mga iilang dahilan kung bakit masaya si Yuta e. Most of the reasons, si Kanna ang root cause.

"Hindi kaya. Ang baba nga lang ng nakuha ko e," sabi ko.

Tinignan niya ang papel kong hawak niya. "Ang baba? 85 'yan, Yumi!" paalala niya sa'kin. "Kung ako nagka-score ng gan'yan, baka nagpamisa pa ko! Haha!"

"Sus. Kung magseseryoso ka lang sa pag-aaral, malalagpasan mo pa 'yang score ko."

'Yun ang napupuna ko kay Yuta. Siya ang uri ng estudyante na hindi na nga nakikinig sa klase, hindi pa nagrereview, pero 'wag ka, almost pasado lahat ang mga score niya sa mga quizzes at exams. Sumasablay man pero hindi naman fatal blow talaga. Siguro kung ako 'yun, lagapak talaga ko.

"Kailangan ko kayang ipasa ang pre-finals ngayon, kaya magseseryoso na talaga ko no."

"Sana," sagot ko habang nakangiti. Kaso hindi na niya narinig 'yun kasi napunta na ang atensyon niya sa paparating na si Kanna. Naisip ko tuloy, siguro kaya siya maagang pumasok at kaya niya ko sinamahan dito sa labas ng library ay para madali n'yang makita si Kanna 'pag pumasok na ito ng gate. Sabagay, understandable naman 'yun, di ba? Kaso..hindi maintindihan ng puso ko. Haay.

"Uy, Yumi, una na ko a! And'yan na si Kanna e!" sabi niya sabay bigay sa'kin ng test paper ko tapos nagmamadali na s'yang bumaba para salubungin si Kanna.

Sooner or later magiging sila rin. Dapat nasasanay na 'ko sa ganitong mga eksena. Imbes na malungkot, sinubukan ko na lang ulit magfocus sa nire-review ko.

"Si Tutankhamun ay isang—"

Biglang humihip ang malakas na hangin at tinangay ang test paper sa kamay ko. Waah! Kung minamalas ka nga nam—

OMG. Sa lahat naman ng lalandingan ng papel ko, du'n pa sa daraanan ng masungit na presidente! Waah! Sana hindi niya mapansin. Sana hindi niya pulut—

Aww. Wala na. Pinulot niya na. Ano ba 'yan? Tinignan niya pa ang papel ko, at sumakto pang habang nakatingin ako sa kan'ya sa baba ay napaangat siya ng ulo at napatingin sa kinaroroonan ko.

Dubdub. Dubdub. Dubdub. Dubdub.

Agad akong napaupo sa takot at nagtago sa kan'ya. Waah! Sana hindi n'ya ko napans—

"Hoy! Ayos ka rin ano? May taga pulot ka ng papel?!" Naku..ayan na! Nabadtrip na siya. Napapikit ako sa takot. Bakit kasi kailangang makita niya pa ko?? Hala, pa'no na? Pag di ko kinuha 'yun sa kan'ya, wala na kong reviewer. Kaso, pa'no naman ako lalapit e nakakatakot siya?

"Kukunin mo ba 'to o itatapon ko 'to sa basurahan?? Kunsabagay, pambasurahan naman ang marka ng test paper na 'to eh."

Grabe naman siya! 'Yung 85 ko, pambasurahan lang sa kan'ya? Sabagay, siya nga pala ang pinakamatalino sa buong school—pero kahit na! Hindi niya dapat 'yun sinabi. Di porket matalino siya, may karapatan na s'yang manglait sa score ng ib—

"Isa!!" Naku! Binilangan n'ya na 'ko! Anong gagawin ko? "Dalawa!! Tsk!"

Sa takot ko na baka lalo s'yang magalit, maingat akong bumaba at dahan-dahang lumapit sa kan'ya. Kukunin ko sana ang test paper ko sa kamay n'ya para makatakbo na 'ko agad kaso nu'ng kukuhanin ko na, itinaas niya kaya hindi ko maabot, ang tangkad niya pa naman! Kainis!

"Sa susunod, pwede ba, 'wag mo ngang i-display sa public 'yang test paper mo. Nakakahiya kasi e," pagalit n'yang sabi habang nakatitig sa'kin.

"W-wala akong dapat ikahiya kasi pinaghirapan kong makuha 'yan. K-kung ikaw, Mr. President ang nahihiya sa score ko, k-kasalanan mo na 'yun." OMG. Sinabi ko ba talaga 'yun? Yumi, ano bang ginagawa mo? Lalo mo lang s'yang ginagalit nyan eh!

Natawa s'ya nang bahagya at napairap. Hindi siguro s'ya makapaniwala na..ang isang tulad ko.. ay magagawang mangatwiran sa kan'ya.

"Hah! 'Pinaghirapan'? Itong score na 'to?? Hah! Gusto kong makita 'yang sinasabi mong 'pinaghirapan mong makuha' sa exam n'yo ngayon a. Talikod!" utos niya.

Napa-'ha?' lang ako na lalo naman niyang ikinainis kaya siya na ang mismong nagtalikod sa'kin. B-bakit naman kaya niya ko pinatalikod sa kan'ya?

"Wag kang gagalaw." Napalunok ako at sumunod na lang sa utos niya. Maya-maya, naramdaman ko na pinatong niya ang test paper sa likod ko tapos may sinulat-sulat siya.

Dubdub. Dubdub. Dubdub. Dubdub.

Waah! Nakakakiliti at nakakailang!

After two minutes or so, tinanggal niya na ang test paper sa likod ko at hinawakan niya ang dalawa kong balikat sabay iniharap na n'ya ko sa kan'ya. Nu'ng binigay n'ya sa'kin ang papel ko, du'n na napunta ang atensyon ko. Sinulat niya pala ang mga tamang sagot sa mga mali ko. Wow. Ang galing! Nasagutan n'ya ang 15 questions na 'yun sa sobrang iksing panahon! Whoa.

Magpapasalamat sana ako sa kan'ya kaso nu'ng inangat ko na ang ulo ko at hinanap siya sa paligid ay wala na siya. Napangiti na lang ako at niyakap ko ang test paper ko. Sinasabi ko na nga ba, mabait siya. Hindi lang halata kasi lagi s'yang mukhang galit.

Nu'ng marinig ko na ang bell, nagmadali na 'kong pumunta sa room namin. Ayos, makakapag-review pa ko nang konti. Kung kanina, kinakabahan akong baka bumagsak ako, ngayon feeling ko, makakakuha pa ko ng mataas na marka. Iba pa rin pala talaga 'pag may tamang sagot ang mga mali mo sa exams. Mas natatandaan mo.

Recess. Agad akong lumabas ng room at hinanap siya. Gusto ko kasing magpasalamat sa kan'ya dahil talagang nakatulong ang pagsagot n'ya sa mga mali ko. Nu'ng nag-exam kasi ako kanina sa AP, pakiramdam ko ang dali-dali ng exam. Pumunta ako sa SSGH, kaso walang tao. Pumunta rin ako sa library, kaso ang pamilyar na mukhang nakita ko lang ay ang kuya ni Yuta na nagre-review. Haay, sa'n ko naman kaya siya hahagilapin?

Natigilan ako nang marinig kong kumalam ang sikmura ko. Naku, kailangan ko ng kumain. Mahirap pa naman mag-exam ng gutom ka, plus, may dalawang subject pa mamaya.

Bumalik ako sa room at kinuha ang baunan ko, tapos dumiretso na ko ng canteen. Ayokong kumain sa room kasi naabutan ko sina Kanna at Yuta na kumakain nang sabay. Ito na naman 'yung trip nilang kumain sa iisang baunan lang. Haay, nakakainggit.

Nu'ng nasa canteen na ko, nawalan na ko ng ganang kumain. Haay. Ang hirap naman kumain ng walang katab—

Hindi ko na napagpatuloy ang iniisip ko kasi may naramdaman akong tumabi sa'kin. Hindi ko man iniangat ang ulo ko, alam kong meron.

"Hindi ko na itatanong kung may nakaupo ba sa tabi mo kasi alam kong wala," sabi niya. Haha. Oo nga naman. Logic. Dahil sa sagot niya, napatingin ako sa katabi ko. Curiosity kills the cat talaga. Biglang bawi ako ng tingin e!

Dubdub. Dubdub. Dubdub. Dubdub.

Waah! Yung hinahanap ko kanina..k-katabi ko na ngayon!

"Gan'yan ba ang tamang pagtrato sa isang presidente??" cold at naiirata n'yang tanong. Aww. Napansin n'ya palang umiwas ako ng tingin. Naku. Na-badtrip ko na naman siya. Haayst.

"Aah. Haha. Sorry-sorry," sabi ko na lang sabay subo ng pagkain ko.

Katahimikan. Wuuh. I hate this—this kind of feeling. 'Yung tipong may katabi ka pero feeling mo mag-isa ka lang. Haay. Gusto ko sana s'yang kausapin kaso baka lalo lang s'yang magalit sa'kin. Mahirap na. Napatingin na lang ako sa kan'ya. Grabe, ang hinhin niya naman kumain. Mas mabagal pa sa'kin. Siguro kahit matapos na ang recess, hindi niya pa makakalahati ang inorder niya.

"G-ganyan ka ba talaga kumain, Mr. President?" Naku. Hindi ko na napigilan ang bibig ko sa pagtatanong.

"Lahat ba ng bagay kailangang mapansin mo, ha??" Sabi na nga ba e, maaasar lang siya. Dapat talaga tinikom ko na lang ang bibig ko e. Hayst.

"S-sorry. Sige, h-hindi na ko magsasalita," sabi ko na lang. Mind your own business, Yumi!

Katahimikan again. Nagulat ako nu'ng tumingin ako sa kan'ya, papalapit naman ang mukha niya sa'kin. Waah! B-bakit nilalapit niya ang mukha niya sa'kin? Nakakatakot pa naman kasi..napakaseryoso ng mukha niya at hindi ko mabasa ang nasa isip niya! Sa takot ko, napapikit na lang ako. Lord, help me!

"Masarap ba 'yan?"

"Ha?" Nu'ng idinilat ko ang mata ko dahil sa weird niyang tanong, nakita kong nakatingin siya sa baunan ko. Ha-ha-ha. Nakakanerbyos naman o. Baunan ko pala ang nilalapitan niya kanina. Akala ko naman kung ano na. "Ah..oo naman. Luto 'yan ng mama ko," delayed kong sagot.

"P-pinagluluto ka ng mama mo?" Parang di s'ya makapaniwala sa sinabi ko. Weird ba ang sinabi ko? Hindi naman a. Most of the students naman, pinagluluto ng nanay nila, di ba?

"Oo. Bakit, ikaw ba hindi?" Agad s'yang umiwas ng tingin. Aww. Wrong move, Yumi. Okay na siya kausap kanina e, ininis mo pa!

Magso-sorry na sana ako kasi mukhang na-hurt slash napikon ko siya sa sinabi ko kaso bigla s'yang nagsalita ng, "Hinde e. Hindi pa ko ipinagluto ng sarili kong mama."

Ayan na naman ang malungkot n'yang mga mata. Siguro isa ang mama niya sa dahilan ng kalungkutan niya. Gusto ko sanang usisain kung bakit kaso 'wag na nga. Baka isipin n'ya pa na masyado kong pinanghihimasukan ang buhay n'ya. Haay. Pa'no ko ba siya mapapangiti? Oo nga no, ang tagal ko na palang hindi nakikita ang ngiting ipinakita niya sa'kin nu'ng prom. Nami-miss ko na 'yun.

Ah! Alam ko na!

"Ito oh," sabi ko habang nakangiti. Iniabot ko sa kan'ya ang baunan ko. Napakakonti pa lang naman ng bawas nu'n.

"H-haaa??"

"Iyo na lang."

"What?? May sinab—"

"Alam ko na..hindi mapapantayan ng luto ng mama ko ang luto ng mama mo..pero sana pagkinain mo 'to, maramdaman mo 'yung warmth ng pagmamahal ng isang ina habang inihahanda niya ang pagkain na ito," paliwanag ko habang nakangiti pa rin. Hindi ko alam kung convincing ang sinabi ko pero natuwa ako nu'ng sumubo siya kahit na nag-aalangan pa siya.

"Ano, masarap, di ba?" tanong ko. Nagulat ako sa reaksyon ng mukha niya. Is he embarrassed? Waah. First time ko makita 'yun! Kaso nu'ng tumingin s'ya sa'kin, nakasalubong na naman ang mga kilay niya. Ha? Bakit na naman?

"Bakit mo 'to ginagawa ha??"

"A-anong ibig mong sab—"

"You..you are entering my life without permission."

Biglang nagbell. Naku, kailangan ko nang magmadali! Hindi ko pa nare-review ang notes ko sa Fil!

"M-mauna na ko ah! Ba-bye!" sabi ko sabay takbo. Waah. Sana ma-late si Mr. Suda! Sana ma-late siya! Kailangan ko pang mag-review eh!

Habang tumatakbo, napaisip ako sa sinabi ni Mr. President. Ano kaya ang ibig n'yang sabihin sa du'n sinabi niya? Dapat ko bang ikatuwa 'yon? Hayst. Hindi ko kasi ma-distinguish kung kelan siya galit o hindi e. Malay ko ba kung negative o positive 'yun!

Pagdating ko sa room, wala pa si Sir. Yes! Agad akong umupo sa upuan ko at kinuha ang notes ko. Habang nagca-cram sa pagrereview, bigla akong napalingon sa paligid kasi biglang dumoble ang ingay ng mga kaklase ko. Anong meron? Nang hanapin ko ang pinagmumulan ng ingay, at laking gulat ko nang makita kong papalapit siya sa'kin.

"M-mr. President??" Attention-grabbing naman o. Lahat ng nasa room nakatingin na tuloy sa'min. Waah. Nakakahiya!

"Naiwan mo," sabi niya tapos inabot niya sa'kin ang baunan ko. Pagtingin ko, malinis na 'yun, hugas na. Hindi ko alam kung bakit hindi siya makatingin nang diretso sa mga mata ko pero masaya ko kasi talagang nag-effort pa siyang hanapin ang room namin para lang ihatid 'tong baunan. "S-salamat n-nga pala sa pagkain," mahina n'yang sabi. Magsasalita na sana ko kaso bigla na s'yang lumabas ng room.

'Ayun. Umingay na naman at ako sigurado ang topic. Lumapit ang iba sa akin, nagtatanong kung ano raw ba ang relasyon ko sa masungit ng presidente. Hindi ko na lang sinagot. Wala naman akong isasagot e.

Basta, hindi pa rin ako makapaniwala. Nag-thank you ba talaga siya sa'kin? Parang himala na sa bibig ng mahirap intindihing SSG president manggagaling 'yun. Hindi ko man nakita ang ngiti n'ya ngayon, masaya naman ako kasi..may nakita kong mga expression ng mukha n'ya na ngayon ko lang nakita. Lalo na 'yung expression n'ya nu'ng nagpasalam—wait lang. Speaking of pasasalamat, hala! Hindi pa pala 'ko nagpapasalamat sa kan'ya sa ginawa n'yang pagtulong sa'kin sa AP! Waah!

[Chapter Twenty Four]

Yuta

"Yuta, m-may gagawin ka ba sa Sabado?" tanong sa'kin ni Kanna.

Nagliligpit na ko nu'n ng gamit, uwian na kasi. Last day ng pre-final exams kaya nagkayayaan kaming mga lalaki ng 3-1 na gumala kaya nagmamadali ako. Nilingon ko siya habang nilalagay sa likod ko ang bag ko. "Ha? Bakit mo naman tinatanong?" Lumapit ako sa kan'ya pero umatras siya at namula. Napangiti ako sa cute na reaksyon niya.

"A-ano kasi e..k-kung hindi ka busy, okay lang ba kung..samahan mo ko sa SM bukas?" Nag-aalangan siya at 'di makatingin nang maayos. Seyoso? Tinatanong niya ba talaga ko kung pwede ako? Whoa. Syempre, oo!

"Bakit, anong gagawin mo sa SM?" tanong ko. Sabi niya, gusto niyang bumi ng regalo para kay Kuya Seichiro. Bumagsak ang balikat ko. "Bakit? Birthday ba niya? Bakit mo siya reregaluhan?" Spell badtrip! Sa lahat naman ng dahilan kung bakit niya ko aayain, si Kuya pa. Hayst!

Ngumuso siya at nangatwiran na kesyo raw malapit nang grumadyet si Kuya at kahit sa munting regalo man lang, maiparamdam niya kung gaano ito naging mahalaga sa kan'ya. Nahalata ko sa mukha niya ang kalungkutan. Napaiwas ako ng tingin. Alam ko namang ilang linggo na lang, ga-graduate na siya pero bakit kailangang sa'kin pa siya magpasama?

Naalala ko na naman tuloy ang senaryong 'yon. Hindi ko pa naitatanong sa kan'ya kung bakit magkayakap sila. Ang hirap rin kasing i-brought up pa ang isang bagay na tapos na.

"Yuta?" Mukhang napansin n'yang wala na 'ko sa mood. Imbes na sumagot, tumalikod na 'ko at akmang aalis nang—

"K-kung ayaw mo, kina Miki na lang ako magpapasama."

Napalingon ako dahil sa sinabi n'ya. Obvious naman na hindi ako papayag na sa iba siya magpasama! 'Nak naman ng—Nakakainis ka talaga, Kanna!

"Oo na. Sasamahan na kita," napipilitan kong sabi.

"Weh? Di nga??" Grabe siya makangiti ah!

"Ayaw mo ata eh."

"Hindi a! S'yempre gusto ko!" Lumapit siya sa'kin at niyakap pa ko sa tuwa. "Wah! Thank you, Bes!!" Napabuntong hininga na lang ako habang pilit isinusumpa ang existence ng tawagan naming iyon.

*****

"Kuya Yuta." Si Mika 'yon, naka-crossed arms at nakataas na naman ang isang kilay nang salubungin ako sa sala pagkarating na pagkarating ko mula sa eskwela.

"O bakit?" Iniisip ko kung ano na naman bang ginawa kong kasalanan sa kan'ya at ganu'n ang mukha niya. Hindi ko naman kinain ang cholocate niya sa ref at mas lalong hindi ko nilait ang project niyang kinukulayan kagabi.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang bigla siyang magtanong ng,

"Sino si Kanna?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. P-pa'no niya nakilala si Kanna??

"Ate Kanna," pagtatama ko sa kan'ya.

"Sino nga siya??" She's getting impatient. Wow. Napaka-demanding naman ng batang 'to!

Tinanong ko muna kung bakit niya gustong malaman pero isang cold na 'wala ka na du'n' ang nireply niya sa'kin sabay utos ng 'ipakilala mo ko sa kan'ya' nang wala man lang 'please'!

"Pa'no kung sabihin kong..ayoko?" hamon ko sa kan'ya.

"Aah ganu'n ah?! Isusumbong kita kay Mama!" Wow ha. Ako pa talaga ang binantaan niya!

"Aba! Sinong tinakot mo?" I rolled my eyes and crossed my arms in front of her.

"Ikaw! Isusumbong kong ang baba ng mga grades mo! Bleh!"

"Haha! E di isumbong mo! Totoo naman 'yun e. Pero ito ang sasabihin ko sa'yo." Yumuko ako saglit para mailapit ko nang kaunti ang mukha ko sa kan'ya, tapos ngumisi ako at nagpatuloy, "Mababa man ang mga grades ko, hindi naman masama ang ugali ko. Bleh!" At nakipag-asaran na 'ko sa kan'ya. Haha.

But seriously, sa'n niya kaya narinig ang pangalan ni Kanna? Bakit n'ya ito gustong makilala?

*****

Bago ko matulog, tinawagan ko si Kanna, buti sinagot niya agad.

"Hindi mo sinabi sa'kin kung anong oras at saan tayo magkikita," sabi ko.

"Haha! Oo nga no! M-masyado kasi akong excited eh. S-sorry. Nakalimutan ko." Excited? Wow—okay. Dahil na naman siguro 'yun kay Kuya. Haay, bibili lang ng regalo, nae-excite na siya!

"Yuta? And'yan ka pa ba?" nag-aalala niyang tanong sa kabilang linya.

"Ah..sorry-sorry. Nag-space out ako."

"Hmm..ano kaya kung..sunduin mo na lang ako?"

"Okay. Anong oras?"

"11 am na lang para mas mahaba 'yung oras," sagot niya. Haay..para mas mahaba ang oras na makapamili siya ng ibibigay kay Kuya? Grabe ah. Ibig sabihin wala pa s'yang ideya kung anong bibilhin n'ya?? Argh. Ine-expect ko nang magiging taga buhat niya lang ako ng mga bibilhin niya bukas.

"Okay. Sabi mo eh." Ibababa ko na sana ang telepono nang biglang nagsalita pa siya.

"Yuta."

"Oh?"

"Hmm..w-wala wala. Haha. Excited na ko para bukas. Sige na. Good night."

Beep. Beep. Beep.

Weird. Ano kaya 'yung dapat na sasabihin n'ya?

Kinaumagahan. Busy ako sa pag-iisip ng maisusuot nang biglang pumasok na lang nang basta-basta si Mika sa kwarto ko. "Whoa. May date ka?" tanong niya habang nakatingin sa mga nakakalat kong mga damit sa sahig.

"Wala," sagot ko sabay turo sa kan'ya sa may pintuan. Sana magets n'yang pinalalabas ko na s'ya ng kwarto ko.

"Weh. E bakit gan'yan ka maghanda? Di ba ganu'n maghanda ang may date?" Ang kulit talaga ng batang 'to oo. Hayst.

"Hindi nga sabi date ang pupuntahan ko. May sasamahan lang ako, okay?" Teka. Bakit ba 'ko nagpapaliwanag sa kan'ya??

"Siguro..'yung sasamahan mo, hindi alam na gusto mo siya no?" usisa niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Loko 'to ah!

"Hindi na 'yon mahalaga, kaya lumabas ka na sa kwarto ko, please?" Napipilitan kong iniluwa sa bibig ko ang huling salitang 'yon—baka sakaling tubuan siya ng sensitivity sa katawan.

"Sus! Pareho kayo ni Kuya Seichi. Haay. Kawawa naman ang mga babaeng mahal n'yo," sabi niya sabay labas sa kwarto ko. At padabog niya pa talaga sinara ang pintuan! Hayst. Ang kulit talaga niya.

Teka, tama ba'ng pagkakarinig ko? P-pareho? Ibig sabihin..may babae ring gusto si Kuya? Hinde. Imposibleng..si Kanna 'yon, di ba?

[Chapter Twenty Five]

Kanna

"Umm. Ma? Anong sinuot mo sa unang date niyo ni Papa?" bigla kong natanong kay Mama habang naghahapunan na kami. Muntik siyang mabulunan dahil sa tanong ko.

"M-may date ka??"

Umiling ako at napakagat-labi. Bakit ba ko nahihiyang magkwento kay Mama? Waah. "H-hindi naman talaga date. Nagpasama lang ako kay Yuta, sabi ko may bibilhin ako."

"Aah. Sayang naman," sagot ni Mama, sumandal siya sa upuan niya at bumuntong hininga. Tumingin siya sa'kin saka saglit na ngumiti. Parang hinihintay niya ko na may sabihin pa kaya umamin na ko habang nakayuko at sinusundut-sundot ang pagkain ko.

"Ang totoo n'yan, gusto ko rin sanang..matawag na date 'yun." Uminit ang cheeks ko sa sinabi ko. "K-kaso hindi ko alam kung..pa'no ko aayain si Yuta nang hindi nahahalatang—"

Tumawa si Mama, this time, she leaned beside the table, her eyes glowing in enthusiasm for reason I don't know. "Haha! Ang importante, he's going." Tumango ako. "Tungkol sa tanong mo kanina, umm, ordinaryong damit lang ang suot ko nu'n. Mas okay na simple lang ang damit mo kasi 'pag pinaghandaan mo nang sobra, baka mahalata niya. Ikaw rin," sabi niya with a teasing tone.

"Sabagay, pero.."

"Gusto mong maging maganda sa paningin niya, tama?"

Lalong pumula ang mukha ko sa sinabi ni Mama. Bakit ang galing n'yang manghula? Tumango ako kahit medyo nahihiya akong aminin 'yun sa kan'ya.

"Wag kang mag-alala, tutulungan kita bukas. Anong oras ba ang alis n'yo?"

"11 am po. Pupunta s'ya rito sa bahay para sunduin ako."

"Okay. Gigisingin kita nang mas maaga para kahit papa'no, matulungan kita sa pagpili ng tamang damit na isusuot, okay ba?" Tumango ulit ako habang nakangiti, excited sa mangyayari bukas. "O sige na. Matulog ka na. Good night, Kanna."

"Salamat, Ma. Good night din po," sabi ko tapos hinalikan ko siya sa cheeks. Bago siya lumabas, pinatay niya na ang ilaw at unti-unti, nakatulog na rin ako.

Kinaumagahan, katulad nga ng napag-usapan namin ni Mama, simpleng damit lang ang sinuot ko. 'Yung magiging kumportable ako pero kahit papano, presentable at bagay sa'kin 'pag tinignan.

Nang dumating na si Yuta, magkahalong kaba, excitement, saya at kilig ang naramdaman ko. Pilit ko lang tinatago kasi baka mahalata niya.

Pagkatapos niyang ipaalam na aalis na kami kay Mama, naglakad na kami papunta sa sakayan ng jeep. Bahagya kong napangiti nu'ng siya na ang nagbayad ng pamasahe naming dalawa nu'ng makasakay na kami. Dati naman kasi, 'pag umaalis kami at naglalakwatsa, KKB—kan'ya-kan'yang bayad—Ano kayang nakain niya ngayon at nanlibre siya?

"Dalawang SM po, Manong," sabi niya. Napatingin ako sa suot niya, nagtaka ko kasi parang hindi ko pa nakikitang suot niya ang mga 'yon dati. Ano 'yun, bago? O may memory gap na naman ako? Ewan! Basta para sa'kin ang cute at gwapo niya sa suot niyang asul na polo at itim na maong.

"Wow. Magde-date ba kayong dalawa ng girlfriend mo?" Waah. Feeling ko tuloy pulang-pula na ng mukha ko. Ano ba, Manong? Wala pa kami sa ganu'ng stage!

"Hindi ko po siya girlfriend," sagot ni Yuta habang nakatingin sa labas ng bintana ng jeep.

"O-opo. Mag bestfriends po kami," sagot ko naman.

"Aah..ganu'n ba? Haha. Bagay kasi kayo e," sabi ni Manong na masyado ata akong pinapasaya ngayong araw.

Nagpatuloy ang byahe namin. Mga 40 minutes lang naman ang layo ng SM sa bahay kaya saglit lang. Meaning—kailangan sulitin!

Agenda no. 1: Magkunwaring tulog para makasandal sa balikat ni Yuta.

Nang gawin ko 'yun, hindi naman siya umangal. Buti naman. Pwede na pala akong best actress! Nu'ng may humps, inalalayan pa ko ni Yuta para hindi malaglag ang ulo ko sa balikat niya. Waah. Bakit kinikilig ako? Paki explain! Lab yu!

"'Uy, 'andito na tayo, Kanna. Gising na," sabi niya tapos tinapik-tapik niya ko sa pisngi. Alam ko naman 'yun, hindi naman talaga ako natulog e, nagpapanggap lang. Nakakainis naman. Ang bilis ng oras!

Pagkapasok namin sa SM, nagpaalam ako kay Yuta na magsi-CR, tumango lang siya at nag-antay sa may labasan. Nagpulbo muna ako at nagsuklay ng buhok para naman kahit pa'no hindi naman isipin ni Yuta na para na naman akong hindi nagsuklay ng buhok (na madalas nangyayari kasi tamad akong mag-ayos). Pagkalabas ko, agad akong lumapit sa kan'ya.

"Sorry kung pinaghintay kit—"

"Halika na. Sa'n ka ba bibili ng ireregalo mo kay Kuya?" Kanina ko pa 'to napapansin. Parang bad mood si Yuta. Hindi siya ga'nong nagsasalita kahit nu'ng sinundo n'ya ko sa bahay. Galit ba s'ya? Waah. Sana hindi naman.

"Hmm, sa National Bookstore na lang muna tayo pumunta," sagot ko.

"Okay." Ang cold niyang sumagot, tapos kung maglakad siya parang wala s'yang kasama. Kailangan ko pa tuloy maglakad nang mabilis para sundan siya.

Sa NBS, tumingin agad ako ng mga libro. Naging close kami ni Kuya Seichiro dahil sa mga libro kaya syempre, libro rin ang ireregalo ko sa kan'ya. Sana magustuhan niya kung anumang libro ang mapili ko.

"Yuta, ano sa tingin mo ang maganda sa dalawang 'to?" tanong ko sabay taas ng dalawang librong hawak ko. Pareho 'yung libro tungkol sa pagha-handle ng college life kasi naisip ko na makakatulong 'yun kay Kuya.

"Aba malay ko," paiwas niyang sagot. "Hindi naman ako mahilig magbasa ng libro, di ba?"

Sumimangot na lang ako. Alam ko naman na hindi siya mahilig sa mga libro pero..hindi naman niya ko kailangang sungitan nang ganu'n. Hmp. Pwede naman s'yang mamili kung 'yung nasa left or right hand ko, di ba? Tinatanong ko lang naman ang opinyon niya e. Haay.

In the end, ako rin ang pumili ng librong ireregalo ko kay Kuya Seichiro, pero bago ko 'yun tuluyang bilhin, pumunta muna kami sa mga recipe books. Balak ko kasi ipagluto si Kuya ng dessert. Syempre, ang main ingredient ay strawberry—na pareho naming paborito.

"Wag mong sabihing ibibili mo na nga siya ng libro, ipagluluto mo pa siya?" tanong ni Yuta.

"Ang gara naman 'pag libro lang, di ba? Saka, once in a lifetime lang naman siya ga-graduate ng HS kaya dapat special," paliwanag ko.

He rolled his eyes and crossed his arms. "Sabi mo eh. May magagawa ba 'ko?"

Seryoso. Bad mood nga siya. Kaya ayun, binilisan ko na lang sa pagpili ng recipe book na bibilhin para makapunta na ko sa may counter. Haay, pa'no ko ba pawawalain ang pagka-badmood niya? Hindi kaya naging maganda ang gising niya kaya siya gan'yan? O may nagawa na naman akong mali?

Pagkatapos naming mamili sa NBS, dumiretso kami sa SM Hypermarket para makabili ng ingredients ng napili kong dessert na gawin. Although two weeks pa naman bago ang graduation, gusto kong nakahanda na ang mga sangkap para hindi ako gahulin sa paghahanda. Pagtingin ko sa relo ko, two pm na pala. Naramdaman kong kumalan ang sikmura ko. Pagkalabas na pagkalabas namin ng Hypermarket, hinatak ko ang laylayan ng damit ni Yuta.

"Ah..ano.."

"Bakit?"

"Kumain kaya muna tayo..?" nag-aalangan kong suggestion sa kan'ya.

"Pwede ka namang kumain sa bahay n'yo a. Bakit, may bibilhin ka pa ba?" He really looked irritated. Napayuko na lang ako. Feeling ko ang hapdi-hapdi na ng mga mata ko. Bakit? Bakit ba siya gan'yan? Bakit ba s'ya nagmamadaling umuwi e ang aga-aga pa. Ayaw niya ba 'kong makasama?

Maya-maya, tumulo na ang mga luha ko at tumingin ako sa kan'ya. "B-bakit ka ba gan'yan, Yuta? Galit ka ba sa'kin?" Nataranta siya nang nakita n'ya kong umiiyak, pero hindi ako nagpaawat. Naiinis ako sa kan'ya. I was waiting for this day. I really anticipated it. Tapos—tapos—

"'Uy, 'wag ka ngang umiyak! Pinagtitinginan tayo ng mga tao o," he said while looking back at those people whose passing by.

"Kung ayaw mo naman pala talaga kong samahan, e di sana nu'ng una palang sinabi mo na!"

"Hindi sa ganu'n." Umiiwas siya ng tingin sa'kin. Nakakainis talaga siya! Ano ba kasing problema?

"Eh ano??" tanong ko. Hindi siya sumagot kaya sinigawan ko siya ng "Yuta!"

"KAYA AKO GANITO KASI NAGSESELOS AKO!!"

"Ha?" Parang nablanko ako sa sinabi niya. N-nagseselos? B-bakit??

"Bakit kailangang ipamukha mo pa sa'kin kung ga'no kahalaga sa'yo si Kuya Seichiro, ha? Ang saya-saya mo nga habang namimili ka ng regalo para sa kan'ya. Wala ka ng ibang inisip kundi s'ya! S'ya!! S'ya na lang palagi!" A-ano bang sinasabi niya? E siya kaya ang lagi iniisip ko, hindi naman si Kuya Seichiro e. "Oo na! Kayo na ang maraming pagkakapareho. Mahilig kayo sa libro, sa strawber—"

Bigla ko siyang niyakap. Wala akong ibang maisip na paraan para mapahinto siya kundi ito. Ang kirot-kirot ng puso ko, sobra. Hindi ko pa rin mapigilan ang luha ko. Nabitawan ko na nga ang mga napamili ko e, buti walang itlog na mababasag du'n.

"Alam mo ba ang totoong dahilan kung bakit kita inaya sa SM?" tanong ko habang nakayakap pa rin ako sa kan'ya, kinakabahan at nahihirapang huminga.

"E di para ibili mo ng regalo si—"

"Nagkakamali ka," amin ko.

"Ha?"

"G-gusto kasi kitang makasama. K-kaya..m-mali ka ng iniisip," nahihiya kong sabi tapos kumalas na ko sa pagkakayakap ko sa kan'ya. Masyado ng nakakahiya. Ang dami ng taong nakatingin sa'min. Pinahid ko ang mga luha ko tapos kinuha ko na ang mga pinamili ko. "P-pero..kung 'yun pa rin ang gusto mong isipin, b-bahala ka. S-sige, uuwi na lang ako," sabi ko sabay walk out.

Uuwi na lang ako. Tutal nabili ko na naman ang kailangan kong bilhin e. Tutal ayaw n'ya naman akong kasama.

"Oy! Sorry na!!" sigaw niya habang tumatakbo palapit sa'kin. Paglingon ko, nakita kong namumula siya at hindi makatingin nang diretso sa mga mata ko. "S-sorry na. H-hindi ko naman alam e."

Inapakan ko ang isang paa niya. 'Yung madiing-madiin.

"Aray! Ang sakit nu'n ah!! Bak—"

Bago niya pa matapos ang pagrereklamo niya, binigay ko sa kan'ya ang mga pinamili ko at lumakad na ko sa kabilang direksyon. Di ko mapigilang ngumiti. Akala ko hindi niya ko susundan e. Akala ko hindi s'ya magso-sorry. Buti akala ko lang 'yun.

"Bilisan mo. Nagugutom na ko," utos ko sa kan'ya na parang galit.

"O-okay," maamo niyang sagot sabay sunod sa'kin. Lumingon ako sa kan'ya at sumimangot tapos nagbelat ako. Natawa naman siya. At sa isang iglap, bati na ulit kami.

*****

"Whoa. Bibitayin na ba tayo bukas??" 'Yan ang reaksyon ko nang dalhin ni Yuta sa table namin ang dalawang tray na inorder niya. Isang buong pizza, dalawang spaghetti, dalawang pineapple juice at apat na regular French fries. Tinignan ny'a ko nang masama—pero 'yung tinging alam mong hindi naman galit.

"Sabi mo nagugutom ka tapos ngayon nagrereklamo ka," sabi niya habang inaasikaso ang mga kakainin namin. Haha. Senyorita e no? Ayaw tumulong? Hah! Dapat lang 'yan sa kan'ya! Pinaiyak n'ya ko kanina e. Hmp!

Nagulat ako nu'ng lumapit ang isang service crew at nagsabing, "Sir, ito po 'yung pahabol n'yong order," tapos binaba n'ya sa table namin ang isang large size strawberry sundae! YEHEY!

Habang nagpapasalamat si Yuta sa crew, ako naman, dali-daling kinuha 'yung sundae, successful na sana kaso—biglang pinalo ni Yuta ang kamay ko.

"Aww!"

"Mamaya na 'yan, pwede? Kaya nga dessert, di ba?"

"Eeh..!" pag-iinarte ko. Hayaan n'yo na, minsan lang naman ako mag-inarte. "Gusto ko nang kainin e! Saka sino bang may sabing kailangang kainin ang dessert pagkatapos kumain ng m—"

"Ako. Aangal ka?"

"Hmp!" angal ko sabay irap. Hindi ko alam kung kelan kami nag-away nang katulad ng ganito, kasi pareho kaming nakangiti.

Maya-maya, sumubo na ko ng spaghetti. Hmm. Hindi ko alam pero parang ito na ang pinakamasarap na spaghetti na natikman ko. Tinalo pa ang luto ko. T-teka, dahil ba kasama ko siya?

Blush. Ano ba 'tong iniisip ko? Pati ba naman sa pagkain, Kanna?? Waaah.

Tumingin na lang ako kay Yuta kaso bigla kong napaiwas ng tingin. Nakatitig kasi siya sa'kin habang kumakain ng isang slice ng pizza! Waah. Lalo tuloy akong kinabahan.

Katahimikan.

Waah! Anong nangyayari sa'min? Walang nagsasalita! Napaka-awkward naman!

Ah! Alam ko na!

Agenda no. 2: Subuan ni Yuta.

"Yuta," tawag ko.

"Oh?"

"Masarap ba 'yang kinakain mo?" tanong ko. Kumunot ang noo niya tapos mamaya, tumango din. "Patikim..aahh," sabi ko sabay pikit at binuka ko ang bibig ko. Akala ko hindi niya ko susubuan pero ginawa niya naman. Nu'ng dumilat na ko, binigyan niya ko ng mag-asawang irap at tawa.

Sumimangot naman ako. "Bakit ka ba tumatawa??"

"Wala lang. Nakakatuwa ka lang. Haha. Ayaw mo namang magpapansin sa'kin no, Kanna? Kanina ka pa sa jeep eh," sabi niya habang nilalapit niya ang mukha niya sa'kin. A-ano?? Alam niya ring nagpapanggap lang akong tulog sa jeep?! Waaah! Nakakahiya!

"Ha-ha-ha. Imbento ka a!" deny sabay bato sa kan'ya ng isang piraso ng French fries.

"Wuuh," asar niya. "Talaga lang, ha?"

"Bakit ikaw?!"

"Anong bakit ako?"

"Napakasama ng ugali mo kanina," pagpapaalala ko sa kaniya.

"Haha! E kasi ikaw eh."

"Aba! Makapasa ka wagas ah!"

Ngumiti siya nang sobrang laki sabay sabing, "E kung sinabi mo ka'gad na gusto mo pala kong maka-date e di sana hindi kita sinungitan kanina."

Blush. "M-maka-date? Sino namang nagsabi sa'yo na gusto kitang maka-date??"

"'Yung puso mo," sabi n'ya habang nakangiti sabay turo sa puso ko. Lalo 'kong namula. Takte, ako na naman ang talo sa asaran na 'to! Nakakainis! Imbis na sumagot, nag-make face na lang ako sa kan'ya at sumubo ulit ng spaghetti.

"Haha. Ano ka ngayon? Bleh." Nagbelat siya saken bago siya uminom ng juice.

"Yuta. May gusto ka sa'kin no?"

Muntik niya nang maibuga sa'kin ang iniinom niya dahil sa pagkagulat. Buti nasamid lang siya at umubo ubo.

"Grabe ka! Papatayin mo ba ko ha?!"

"Wow. OA ah! May namamatay bang nasamid lang??"

"Oo kaya!" Napansin kong namula ang mukha ni Yuta. Dahil ba nasamid siya? O dahil sa tanong ko? Hehe. Chance ko na 'to. Revenge!

"Bakit hindi mo sinasagot ang tanong ko?"

"Wala naman akong dapat isagot e," paiwas niyang sabi.

"Haha. Alam mo bang silence means yes?"

"Alam ko yun no. Hindi naman ako tanga. Nagsalita naman ako a! Hindi nga lang oo o hindi," sabi niya tapos ngumisi siya sa'kin.

"Weh. Nangangatwiran pa! Defensive! May gusto ka talaga sa'kin no? Kaya nga nagseselos ka kay Kuya Seichiro, di ba? Di ba?"

"Haha! Sinong may sabing nagseselos ako, aber?"

"'Yung bunganga mo," sabi ko sabay smirk sa kan'ya. "O ano ka ngay—" Bigla n'yang pinasukan ang bibig ko ng isang slice ng pizza.

"Kumain ka na nga lang. Ang daldal mo e," sabi niya habang kumukuha ulit ng panibagong slice. Inirapan ko na lang siya tapos kinuha ko 'yung pizza sa bibig ko at dahan-dahang kinain.

Agenda no. 3: Alamin ang gusto ni Yuta sa isang babae. (Make sure to mentally take note of it.)

"Yuta."

"Oh?"

"Naaalala mo ba 'yung tinanong ko sa'yo nu'ng JS?"

"Oo. Ayos nga eh. Pagkatapos ng mahabang speech ko, bigla ka na lang umalis," sarkastiko niyang sagot—na inisnob ko lang. Haha!

"Yuta, matagal ng may nagpapatanong sa'kin nito, ano ba ang gusto mo sa isang babae?"

"Sumisegwey ah!! At sino naman ang nagpapatanong n'yan? Ikaw no? Kunwari ka pa!"

"Hindi no! Ang dami kayang nagpapatulay sa'kin sa'yo."

"Oh?"

"Oo nga! Sagutin mo na nga lang ang tanong ko."

"Anong konek nu'n sa pinag-uusapan na'ting may kinalaman sa JS?"

"W-wala." Umiwas ako ng tingin. Badtrip kasi eh. Muntik ko nang masabi na dahil sa sagot niya sa tanong ko nu'ng JS, na-realize kong mahal ko nga siya. Waah.

"O sige na nga. Sasagutin ko na ang tanong mo. Hmm..gusto ko sa isang babae? Yung.."

"Yung..?"

"Wahaha! Interesado ka talaga a!"

"Hindi no."

"Yung.."

"Ang tagal!"

"Atat? Atat??"

"Hindi naman. Sige, take your time," sabi ko sabay subo ulit ng spaghetti.

"Ang hirap i-describe e. Pwede bang indescribable na lang?"

"Hayst! Anong klaseng babae naman 'yan?"

"Haha. Basta."

"Hay naku! Pa'no ko naman sasabihin 'yan sa mga babaeng naghihintay ng sagot mo?? Indescribable? Basta?? Ano kaya 'yun?"

"E kasi hindi mo naman kailangan ng standards para ma-inlove. Nangyayari na lang 'yun bigla."

"Wow. Expert a!"

"Haha. Ewan ko sa'yo, Kanna. Kumain ka na nga lang! Hanggang ngayon hindi mo pa ubos 'yang spaghetti mo!"

"Weh. Ikaw nga wala pang bawas e." Tinuro ko ng tinidor ko ang plato niya.

"Eto na nga, di ba??" sabi niya tapos sinimulan niya ng kainin 'yung kan'ya.

Katahimikan ulit. Kanna, isip ka ng topic, bilis! Tutal ayaw niya namang ayusin ang sagot niya sa tanong mo kanina e. "Sa tingin mo ba, may something na kina Mr. SSG President at Yumi?"

"Bakit mo naman natanong?"

"E kasi naalala mo ba 'yung pagpunta ni President sa room? Binigay niya kay Yumi 'yung baunan n'ya. Feeling ko binaunan ng pagkain ni Yumi si Mr. President."

"Feeling mo lang 'yun."

"Bakit naman?"

"Imposible 'yun no. Hindi naman si Yumi ang nagluluto ng baon niya, kundi Mama niya."

"Wuuh. Bakit alam mo?"

"E close kami eh."

"Oo nga pala," sabi ko tapos nanahimik ako bigla. Hmp! E di sila na close!!

"Wuuh. Selos ka naman!"

"Nanahimik lang, selos na agad??" depensa ko. Tumawa lang siya. "Naku-curious ako kay Pres Natsume kasi nu'ng una ko s'yang na-encounter, napakasama at napakasungit niya. Nakakagulat na pinapansin niya si Yumi," kwento ko.

"Oo nga e. Ang epal nu'n. Alam mo ba nu'ng JS, hinatak n'ya si Yumi para lang maisayaw? Badtrip ako ru'n e. Power tripper. Feeling niya naman porke presidente siya, kahit anong trip n'yang gawin, pwede. Tsk." I don't know but I don't feel happy seeing him worry for another girl. Jealousy ba ang tawag rito? Sabagay, sabi niya nga e, close sila, di ba?

"Yuta, di ba sabi mo wala kang gusto kay Yumi?" Gusto kong bawiin 'yung tanong ko pero wala na e, nasabi na ng traydor kong bibig! Arghh. Ano bang pumasok sa isip ko ang tanong na 'yon?? Lalo tuloy akong mapaghihinalaan niyan e!

"Paulit-ulit??" sagot niya habang nakatingin sa'kin nang nakangiti. "Wala nga. Si Yumi ang dating may gusto sa'kin. 'Yun ang naging dahilan kaya naging close kami."

"Ganu'n pala ang nangyari? E di tama ang hula ko dati na s'ya ang nag-confess sa'yo tapos ni-reject mo siya??"

"Ang harsh mo naman magsalita." Siningkitan niya ko ng mga mata. "Parang pinapalabas mo naman na ang sama ko e no?" Hindi ah. Masama mang pakinggan pero natutuwa nga ako e, kasi ni-reject mo siya.

"Kelan nangyari 'yun?" tanong ko.

"Kelan ka pa naging chismosa, Kanna?"

"Di ba 'pag magbestfriends, walang lihiman?" sabi ko sabay ngiti.

"Tsk. Ilang beses mo na ngang na-break 'yan e," reklamo niya. Pinagmasdan ko siyang bumuntong hininga at sinandal ang likuran niya sa upuan. 'Di pa rin ako natitinag sa pagngiti. Umirap ulit siya at tinaas ang mga kamay niya sa ibabaw ng ulo niya. "Fine, sasabihin ko na." Lumapad ang ngiti ko sa sinabi niya. Haha. Sabi na e, di niya ko matitiis! "Nu'ng practice ng sa musical play."

"Ang tagal na pala," sabi ko habang unti-unting nalulunod sa mga alaala ng nakaraan, nu'ng mga panahong wala pa 'kong kaide-ideya sa nararamdaman ko para sa kan'ya.

"E ikaw Kanna, kelan mo nalamang mahal mo na pala ko?"

"Nung n—H-HA?!"

Waah! NAISAHAN N'YA KO!! Whew. Muntik na ko du'n ah! Argh! Akala mo kami lang ang tao sa loob ng fast food chain kung humagalpak ng tawa 'tong si Yuta. Nakakainis!!

"Hahaha!! Sinasabi ko na nga ba e."

"Ang kapal a." I rolled my eyes and glared at him. "Segwey ka rin e no?"

"Kelan nga?" he said in a teasing tone while crossing his arms.

"Wala! Wala!!"

"Wuuh. Asar talo siya o! Haha!"

At hanggang sa matapos kaming kumain, wala siyang ibang ginawa kundi asarin ako. Badtrip!

*****

"Ano na namang bibilhin mo?" tanong niya habang naglalakad kami papasok sa Hypermarket.

"Regalo para kay Ate Imadori."

"HA?? Bakit kasama sa reregaluhan mo ang babaeng 'yon? Tapos ako, hindi??"

"E kasi mabait na kaya si Ate Imadori. Siya kaya ang tumulong sa'kin para mahanap ang Twisty Heart," paliwanag ko habang tumitingin na ng magandang ipanregalo.

"Hindi ka ba nakikinig sa'kin nu'ng Sabado? Sinabi ko na sa'yong s'ya ang nagtext sa'kin na 'tinapon' mo raw 'yung kwintas, di ba??"

"Baka nagkakamali ka lang, Yuta," sabi ko tapos hinarap ko siya. "'Yung pinakita n'yang concern sa'kin nu'ng mga panahong 'yun ay sapat nang dahilan para magtiwala ako sa kan'ya. Saka naniniwala ako na walang taong talagang masama."

"Bahala ka na nga!" sabi niya pero hindi naman mukhang convinced siya sa dahilan ko. "Anyway.." Huminto siya saglit. Tinignan ko siya at hinintay na ipagpatuloy niya ang sasabihin niya. "..halata ka e." Pinaningkitan niya na naman ako ng mga mata pero this time, nakangiti siya.

Napakunot ako ng noo. "Halatang ano na naman??"

"Na dinahilan mo lang 'yang pagbili ng grad gift para makasama 'ko. Hohoho! Tama, di ba??"

Agad akong namula at saka umiling. "Hindi no! Talaga lang—"

"Aaah. Talaga? E sa pagkakaalam ko, second week of April pa ang schedule ng graduation nila. Kulang-kulang isang buwan pa tapos sasabihin mong naghahanda ka na ng grad gift? Sige nga, kung hindi mo idinahilan 'yan para makasama ko, nasa'n ang logic do'n, aber?"

Umiwas ako ng tingin sa kan'ya. "Logic-logic," ulit ko sa sinabi niya. "Spell nga!"

"Amin-amin din kasi 'pag may time," pasipol niyang sabi habang tumitingin sa paligid.

Sinikmuraan ko nga siya at saka inirapan. "Bahala ka d'yan, basta ko maghahanap ng pangregalo, pati pala ng pasalubong para kay Mama. Hmp!" Binilisan ko ang paglalakad para makaiwas sa pang-aasar ng lokong 'yun.

Napatingin ako sa mga mapupula at makikinang na strawberries du'n sa Fruits & Veggies Section. Grabe, mouth-watering! Tinignan ko 'yung wallet ko pero bumuntong hininga rin siyang gaya ko. Out of the budget. Haay. Bakit kasi ang mahal ng strawberries e!

Lumiko na lang ako sa kabilang hilera ng mga stalls at hinanap ang area kung sa'n matatagpuan 'yung mga make-up. Feeling ko kasi mas magugustuhan ni Ate Imadori ang ganu'n kesa pagkain o libro. Pagkatapos akong tulungan ni Ateng Saleslady sa pagpili ng magandang makeup (dahil wala naman akong masyadong alam sa mga ganu'ng kaek-ekan), nagtungo na ko sa may counter at nagbayad. Nagulat ako nang biglang nagpakita si Yuta sa harapan ko, may hawak na isang bag at inabot niya 'yun sa'kin.

"Ano 'to?" tanong ko sabay silip sa laman sa loob. Muntik nang lumuwa ang mata ko nang makita kong mga strawberries ang laman ng plastic! OMG! A-at ang dami-dami nila! Grabe, nararamdaman ko nang nagdiriwang ang mga alaga ko sa tiyan!

"P-para sa'n 'to?" tanong ko habang pinipigilan ko ang sarili kong yakapin siya sa sobrang kilig at saya. First time niya ko binilhan ng strawberries kahit limang taon niya nang alam na kung meron man isang pagkain na gusto kong kainin bago ko mamatay e walang dudang anything na may strawberry ang isasagot ko.

"Akin na nga!" sabi niya while attempting to snatch away my precious strawberries! "Ayaw mo ata e!" Syempre agad ko silang pinotrektahan!

"M-may sinabi ba 'kong ayaw ko?" sabi ko habang inilalayo ang plastic na hawak ko.

Maya-maya, napangiti siya at lumapit sa'kin, aatras sana ko palayo sa kan'ya pero pinat niya lang ang ulo ko na parang aso. Siningkitan ko siya ng mata. "At ano namang klaseng trip 'yan, ha?"

"Wala. Na-realize ko lang, ang cute mo—" Namula ko sa sinabi niya. A-ako, c-cute?? Inuuto niya ba 'ko?? "—'pag tulog." Tinawanan niya ko nang malakas.

"Aah gano'n?? Sige, tawa pa!" At ayun—tinawanan nga ako! Masunurin! Hayst!

[Chapter Twenty Six]

Yuta

Habang natutulog sa balikat ko si Kanna, hindi ko mapigilang ngumiti; nasa byahe pa kami nu'n, sa jeep. Haay, Kanna. Nakakainis ka talaga. Masyado mo kong pinapasaya. Haha. Wala lang. Natutuwa lang talaga ko sa mga nangyari kanina. Ang kulit-kulit kasi niya. Hindi ko alam kung kelan siya nagsimulang maging ganu'n sa'kin pero honestly natutuwa ko sa ginagawa niya.

Patay. Mas mahal ko na nga ata s'ya kesa sa inaakala ko. Siya kasi eh. Haay.

Huli na ang lahat nang mamalayan kong hinalikan ko pala siya sa noo. Whoa. Sira talaga ko! E pa'no kung magising siya? Hayst. Buti hindi. Siya kasi 'yung tipo ng tao na alam kong grabe matulog, akala mo walang pakiramdam, na kabaliktaran ko namang napakababaw kung matulog. Tipong, may kumalabit lang sa'kin o bumulong, kahit mahinang tunog lang, ikakagising ko na.

Siguro advantage na rin 'yun. Magamit nga ulit. Haha.

Hinawakan ko ang kamay niya. Wala pa rin s'yang kamalay-malay. Ano ba 'yan? Feeling ko tuloy kami na. Wahaha. Nababaliw na nga ako—sa kan'ya.

Nu'ng malapit na kami, inalis ko na ang kamay ko sa pagkakahawak sa isa n'yang kamay tapos ginising ko na s'ya. "Wuy, Kanna. Malapit na tayo. Gising na," sabi ko sabay tinapik-tapik ko ang pisngi niya. Kumunot ang noo niya saka sumimangot siya bigla. Tapos kinusut-kusot niya ang mata niya at kumurap kurap. Haha. Ang cute niya..para s'yang bata.

"Nasa'n na tayo?"

"Basta malapit na," sagot ko habang pinagmamasdan siya. Luminga-linga siya sa paligid tapos sumilip siya sa bintana ng jeep. "Oo nga no," inaantok pang sagot niya.

Maya-maya, pumara na kami tapos hinatid ko na siya sa kanila. 'Pag tingin ko sa relo ko, magsi-6 pm na pala. Naku. Hindi ko namalayan na medyo late na pala.

"Sorry, Tita. Medyo late na kami nakauwi," sabi ko sa mama niya na nu'ng makita kami e mas malaki pa ang ngiti kesa sa'kin kanina nu'ng nasa jeep kami. Dahil ba 'yun sa dala naming pasalubong?

"Naku okay lang! Tiwala naman ako sa'yo Yuta e."

"Salamat, Tita. Haha. Sige, Kanna, Tita, uwi na po ako," paalam ko sa kanila.

"Bye-bye," sabi ni Kanna habang nakangiti at kumaway sa'kin, yakap-yakap ang mga pinamili niya, lalung lalo na 'yung supot ng strawberries. Bumulong ako ng 'I love you' sa hangin habang nakangiti sa kan'ya kahit alam kong ako lang ang nakarinig no'n.

Pag-uwi ko sa bahay, nag-sorry din ako kay Tita, 'yung nanay nila Kuya Seichiro at Mika, kasi hindi ako nagpaalam na male-late ako ng uwi. Saka hindi naman talaga 'ko nagpaalam 'pag umaalis ng bahay. Haha. Ako na ang matigas ang ulo.

"Next time, magpaalam ka naman, ha, Yuta? Nag-aalala rin naman ako sa'yo. Sana isipin mong parte ka na ng pamilya namin. Do not exclude yourself. Kung hindi pa sasabihin ni Mika sa'kin na may lakad ka, hindi ko pa malalaman."

"Opo, Tita. Sorry po," sabi ko tapos dumiretso na ko ng pasok sa kwarto ko.

Nahahalata pala ni Tita na hindi pa rin ako ganu'n kakumportable sa bahay na 'to. Haay. Hindi naman niya ko masisisi. Ilang buwan pa lang din naman kasi ang nagdaan. Hindi ko pa nga rin siya matawag na 'mama' kasi..sa totoo lang..para sa'kin si Mama lang ang nag-iisa kong ina. Hindi ko pa kayang tanggapin na kailangan kong tawaging 'mama' ang isang taong hindi ko naman kaano-ano.

Lunes. Nagcheck lang kami ng mga test papers. Ang saya. Walang masyadong ginagawa. Ito talaga ang gusto ko e. 'Yung after ng exams e petiks ulit. Haha.

"Okay, i-aannounce ko na ang mga scores ah," sabi ni Pres. Megumi. Agad namang umangal ang lahat. English at AP kasi ang chinekan namin e ang hirap ng exam kaya alam ko nang ayaw din ng iba kong classmates na i-announce pa.

"Ipamigay na lang 'yung mga papel sa may-ari, Pres!" suggest ko. Pasikat mode on.

"Okay. Ikaw nakaisip kaya ikaw ang magpamigay," sabi niya sabay abot sa'kin ng mga test paper. Whoa. Namiss ko ang kasungitan niya ah! Haha. Ngayon na lang kasi naging in-charge ulit sa homeroom si Pres mula nu'ng foundation week.

"Wow. Mahirap na pala mag-suggest ngayon," pabiro kong reklamo sa kan'ya. Umirap naman s'ya at nagtawanan ang ilan. Haha. Nakitawa na lang rin ako at nagsimula nang magpamigay ng test papers. As expected, highest na naman si Megumi. Feeling ko siya na naman magiging top one ngayon. Si Kanna naman, pumapangalawa. Ako? Hindi na nangungulelat. Naks! Medyo maganda ang mga resultang nakuha ko. Haha. Dahil siguro 'yun sa pagtuturo ni Kanna sa'kin.

Pero ang ikinagulat ko e nang makita ang score ni Yumi sa AP! 100! Binigay ko sa kan'ya ang papel niya. "Grabe ah. Ikaw na!!" sabi ko sa kan'ya habang nakangiti. S'ya naman, gulat na gulat din.

"Wah! Totoo ba talagang naka-100 ako??"

"Hinde-hinde-hinde!" papilosopo kong sagot. "Akin na, gagawin kong 65! Ayaw mo ata e!"

"'To naman! Parang na-overwhelmed lang e!" masayang-masaya n'yang sabi, to the point na pakiramdam ko, ipapa-laminate niya na ang test paper niya mam'ya pag-uwi.

"Ikaw ah! Hindi mo sinabi nu'ng nag-exam tayo na minaster mo pala ang AP. E di sana nangopya ko sa'yo," biro ko sa kan'ya.

"Ano ulit 'yung narinig ko? Balak mong mangopya kay Yumi, ha?" sabat ni Kanna sabay pingot sa tenga ko.

"A-a-aray! B-binibiro ko lang si Yumi no!" reklamo ko sabay hawak du'n sa tenga kong piningot n'ya. "Napaka-brutal mo talaga!" dagdag ko.

"Grabe, brutal na agad??"

"Oo kaya. Di ba, Yumi?" Natawa na lang si Yumi sa sinabi ko.

"Haha!! Akala mo naman kakampihan ka ni Yumi! Bleh!"

"Lakas ng tama mo ah."

"Ewan ko sa'yo haha."

"'Uy, Science at Math naman ang che-check-an natin. Back to your proper seats na!" sigaw ni Pres. Ba 'yan! Atat naman masyado si Pres magcheck! Hayst! Nagmadali na kong magpamigay at saka umupo na sa pwesto ko kung saan may nag-aabang na sa'king mga test paper na naghihintay ma-check-an.

Natapos ang klase na puro pagche-check lang ang ginawa namin. Akala ko masaya, nakakapagod din pala. Badtrip kasi si Mrs. Oda e! Pati ba naman 'yung papel ng ibang section, sa'min pa pina-check?? Hayst. Ang sipag niya talaga! Sobra!

Nu'ng uwian na, nilapitan ko ka'gad si Kanna. "Oy, ang yabang mo a," sabi ko.

"Bakit na naman?"

"E ang tataas ng mga score mo. Lugi ako. Sabay naman tayo nag-aral a," pabiro kong sabi.

"Kuu! Nagreview ka nga ba talaga? Saka FYI, hindi lang naman nu'ng Wednesday ako nagreview no pati nu'ng Thursday ng madaling araw."

"Sus! Nagpaliwanag pa!" sabi ko sabay kuha sa bag niya. "Tara na nga, umuwi na tayo."

"Nye. 'Yun naman pala ang pakay mo—ang ihatid ako pauwi. Kaso sayang, sana kanina mo pa sinabi. Haha."

"Hindi ko 'yun pakay no! Naaawa lang ako sa'yo kasi wala kang kasabay. Nauna na kasi sina Tomo at Miki," dahilan ko.

"Pinauna ko na talaga sila kasi may pupuntahan ako."

"Saan ka naman pupunta?"

"Sa library. Nag-text kasi sa'kin kanina si Kuya Seichiro, may sasabihin daw siya sa'kin ngayon kaya..hindi ako makakasabay sa'yo sa pag-uwi. Bukas na lang," paliwanag n'ya sabay ngiti tapos dumiretso na s'ya sa labas papuntang lib.

Para 'kong na-frozen na isda sa kinatatayuan ko. I don't know if I'm just being paranoid but I don't really feel good about this. Ano kaya ang sasabihin ni Kuya sa kan'ya?

Posible kayang..totoo ang hinala ko?

[Chapter Twenty Seven]

Yumi

Kasabay na nilipad ng hangin ang mga tuyong dahon mula sa isang matayog na puno sa di kalayuan kasama ng aking walang kagusut-gusot at pinakamamahal na test paper sa AP. Katulad noong una, walang kadala-dalang nakatambay na naman ako sa may terrace ng second floor ng old acad. building, nagpapahangin at umiiwas sa mga mahanging tao sa loob ng library sa tabi kung sa'n nagpapataasan ng score ang ilan sa mga estudyante mula sa iba't ibang section at year level. Ewan ko kung bakit nauso 'yung ganu'ng sistema sa school. Siguro kasi, centralized na masyado ang exam kaya talagang literal na achievement ang mataas na score sa test paper. Kahit pa sabihing Pre-Finals lang 'yun, malaki pa rin ang bearing nu'n sa class standing. Kanina nga, sa sobrang saya ko sa score na natanggap ko, muntik na kong pumunta sa stall sa school kung sa'n pwede magpa-laminate (Oo, korni man pero gusto ko talaga siyang isabit sa kwarto ko mamayang gabi. Wait—ipa-frame ko na lang kaya?). Hindi naman sa OA ako, sadya lang talagang hindi ko 'yun ineexpect—ganu'n kadalang sa'kin kumaway ang 100.

Nakipagsayaw muna ang mayabang kong test paper sa mga nagbe-belly dancing na dahon bago tuluyang lumanding sa ibaba kung saan, sakto na namang padating si Mr. President. Parang de ja vu lang—or is this some prank from the so-called Fate?

Napahinto siya nang makita niya sa lapag ang papel ko. Pero ilang segundo lang ang lumipas, naglakad na ulit siya palayo na parang walang nakita. Hindi ko maiwasang hindi madismaya dahil inisnob niya 'yung pinagpaguran ko. Akala ko pa naman pupulutin niya 'yun katulad ng dati. I was hoping he would finally admit na mali siya nu'ng sabihin n'yang pang-basura ang score ko; I was hoping he would take his words back—at ma-appreciate niya 'yung score ko ngayon na pinagpaguran kong makuha.

Luminga-linga ako sa paligid, trying to find him from the rest of the students strolling around. Nakita ko siya na papunta sa tambayan niya—sa puno ng Balete na nakakatakot.

"Mr. President!" sigaw ko sabay takbo palapit sa kan'ya. Huminto siya sa paglalakad. Napangiti ako. Akala ko kasi pati ako iiwasan niya rin katulad ng test paper ko.

"N-nakakuha ako ng 100 sa pre-final exam namin sa—"

"E ano naman??" pagalit n'yang tanong na hanggang ngayon, hindi pa rin ako nililingon. Mukhang bad mood siya. Teka, palagi naman s'yang bad mood. Dapat nga pala nasasanay na 'ko.

"Aah..k-kasi..gusto ko sanang magpasalamat sa'yo kas—

"That has nothing to do with me," cold n'yang sabi tapos nagsimula na ulit s'yang maglakad.

"Ha? E ikaw kaya ang tumulong sa'kin kaya—"

"So anong gusto mong gawin ko? I-pat ang ulo mo at sabihan ka ng good job??" sarcastic n'yang tanong. "Tsk! Siguro hindi tayo nagkakalinawan..so I'll make it clear to you." Then he finally looked at my way, with the exact face I imagined him to wear, glaring and angry yet sad eyes, knitted dark and thick eye brows almost hidden in his black-rimmed glasses, and bitterly pursed lips wanting to talk more but refused to do so.

"Nagkataon lang na sinipag akong magsagot ng isang random na pang-basurahang test paper, naiintindihan mo? Kaya 'wag mong isipin na dahil lang du'n, pwede ka nang manghimasok sa—"

"Hindi ko naman ginagawa 'yun ah!" sabat ko. "Nagkataon lang din naman po na 'yung random na pang-basurahang test paper na sinipag kang sagutan ay nakatulong sa'kin nang malaki para makakuha ng pwedeng ipang-display na test paper. Gusto ko lang namang magpasalamat. 'Yun lang. Kung ayaw mo ng thank you ko, e di wag."

Mag-asawang irap at tawang bahagya ang na-receive ko mula sa kan'ya. Hindi ko talaga maintindihan ang presidente na 'to; kanina sobrang galit siya sa'kin tapos ngayon natatawa siya. Or maybe it was just mockery?

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?" tanong ko habang nakasimangot.

"You never fail to amuse me."

"So mukha pala akong amusement park sa'yo? Nakakaaliw? Nakakatawa?"

"Wala ka na du'n," cold na naman n'yang sagot tapos lumakad na ulit siya. Agad ko naman s'yang sinundan. Nang napansin n'yang sumusunod ako, huminto siya at lumingon sa'kin.

"Bakit mo ba ko sinusundan, ha? Hindi ba't nakapagpasalamat ka na? E ano pang ginagawa mo dito?!"

"N-nagkataon lang din na papunta ko sa lugar na pupuntahan mo," dahilan ko sabay turo du'n sa puno. Nu'ng maalala ko na masama nga palang nagtututuro, agad kong ibinaba ang kamay ko at inisip na not counted ang ginawa ko kasi first time lang naman. Promise, di na 'ko magtututuro!

"Hah! Sinong nagbigay sa'yo ng permiso para tumambay sa lugar na 'to, aber?"

"Wala akong natatandaan na kailangan pa ng permiso para lang tumambay sa isang lugar dito sa loob ng school, Mr. President." Napairap na naman siya at mukhang hindi makapaniwala sa sagot ko sa kan'ya.

"Hanggang hindi pa 'ko nakaka-graduate, walang ibang may karapatang tumambay sa puno na 'yan kundi ako lang." Sige ipaglaban mo 'yan! Push pa!

"Dahil ba sa presidente ka?" matapang kong tanong sa kan'ya.

"Oo. Pakelam mo ba??"

"May pakelam ako kasi estudyante rin ako rito at karapatan ko rin na gamitin ang mga bagay na pag-aari ng paaralan. Tungkulin ko rin bilang estudyante na isuplong ang mga power tripper na namumuno sa SSG."

"Haha! 'Power tripper'? Ako??" he asked, pointing his pointing finger to himself, obviously mocking me.

"Hinde, 'yung puno," papilosopo at pa-irap kong sagot. Ano ba, Yumi? Magpapasalamat ka lang, di ba? E bakit ka nakikipag-away sa kan'ya?? Haayst!

Umirap na naman siya tapos nahiga na lang sa malalaking ugat ng Balete. Great, he completely ignored what I have just said.

"Umalis ka na pwede, ba? Wala akong panahong makipag-usap sa'yo."

"Mr. President, pwede bang magtanong?"

"Nagtatanong ka na nga, di ba??"

"H-hindi, I mean.."

"ANO??"

"Okay ka lang ba?" nag-aalala kong tanong. I don't like to assume but I think that single question made his eyes twitch and his heart sink, like I have nailed him right under his nose.

Naupo ako sa may gilid niya. Oo, kahit hindi naman siya pumayag. Epal lang talaga ko. Haha.

He suddenly stole a glance from me, then he looked away and closed his eyes, feeling the soft wave of breeze touch his hair and skin.

"Hindi ko na responsilibidad na sagutin ang tanong mo."

"N-nu'ng makita kita kanina, feeling ko..m-may pinagdadaanan kang problema..k-kaya..naisip ko na..kung m-may maitutulong ako.." Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko, 'pag sinisigawan niya ko, nilalait o kaya tinignan nang masama, his heart, maybe not just his eyes, is telling something else.

"Wala kang maitutulong kaya 'wag ka nang makialam, pwede ba? Bakit ba napakakulit mo??"

"Masakit sa pakiramdam 'yung..w-wala kang pinagsasasabihan ng problema mo. It will eat you up. Sige ka."

"Wala ka ng pake du'n."

"Narinig mo na ba aung kantang 'walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang'?"

"E ano naman kung narinig ko na 'yon??" pabalang n'yang tanong. Natutuwa ako kasi kahit nakapikit lang siya habang nagsasalita, at least sinasagot niya pa rin ang mga tanong ko.

"Kasi..gusto kong malaman mo na..h-hindi ka nag-iisa."

Bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Tahimik. Tuluy-tuloy. Tila walang hanggan. Siguro napansin n'yang nanahimik na 'ko kaya nagdilat na siya ng mga mata. Nagulat siya nang makita 'kong umiiyak. Pinunasan ko ang mga luha ko pero ayaw huminto.

"Hoy, bakit ka umiiyak??"

Umiling ako. "H-hindi ko rin alam. P-pero siguro..dahil 'yun sa..nararamdaman ko ang kalungkutan mo."

"H-HA?!"

"H-hindi ko itatanong kung anong klaseng problema ang pinagdadaanan mo ngayon. Alam ko namang isa sa mga pinakaimportante sa mga lalaki ay ang kanilang pride."

"Teka, ano bang pinagsasab—"

"Kung hindi mo kayang umiyak sa mga panahong gusto mo dahil kailangan mong maging matatag, ako ang iiyak para sa'yo."

"Alam mo, ang pinakaayoko e 'yung mga tanong nagpapanggap na alam kung ano ang nararamdaman ko, kaya pwede ba?? Please lang, tigilan mo na 'yan. You're annoying!"

"W-wala naman talaga akong balak istorbohin ka. W-wala rin akong balak panghimasukan ang buhay mo at pakelaman ka. It's just that..I feel your pain and sadness. And it reminds me of myself. And I can't just ignore you—because if I do, I'd feel as if I ignored myself."

He was telling me that I'm annoying. But it is his eyes that were annoying—they're annoying me.

Maya-maya, nagulat ako nang may binato siya sa'kin. Nu'ng dinilat ko ang namamaga kong mga mata na iyak nang iyak, nakita kong panyo pala ang binato niya. Tinignan ko siya, still in trance because of what he just did. Then I saw him, already standing, staring above—to the scary tree beneath us.

"Sa susunod na iiyak ka, pwede bang magdala ka ng sarili mong panyo?" Ngumiti ako at tumango. From his mouth, it sounded like an order but his eyes were telling me it was more like a plea.

"B-bahala ka na kung anong gusto mong gawin. I give up shooing you off my life," sabi niya sabay lingon sa'kin. Nakasalubong na naman ang dalawang kilay niya at nakakatakot na naman siya tumingin. Maya-maya, nagsimula na siyang maglakad palayo pero huminto ulit siya. "If you want the reason why I am so frustrated and hot-headed today, then, sasabihin ko na sa'yo."

"A-ano?" I asked, feeling the lump in my throat, as I wait for his answer. Lumingon siya sa'kin, and for the first time, nakita kong hindi lang mata niya ang malungkot, it was his whole face.

"I lose to Seichiro."

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Our adviser in class secretly called us. At sinabi niya na kung sino ang magiging Valedictorian. And it is not me. Si Seichiro ang Valedictorian sa darating na graduation."

*****

"Tsk. Sakit ka talaga sa ulo e no??" reklamo niya habang tinutulungan akong makaupo at makasandal du'n sa puno nang maayos.

Pagkatapos niya kasing sabihin na hindi siya ang Valedictorian sa nalalapit na graduation ay nagtangka siyang umalis—sinundan ko siya, stupidly crying again—for him—for the pain he's keeping inside his heart—kaso ayun, napatid ako sa malalaking ugat ng Balete at naglanding ang kaliwa kong tuhod sa isang batong kasing gaspang ng ugali ng presidenteng hinahabol ko.

"Alam mo, there's a limit in being a nuisance, idiot," sabi niya sabay tingin nang mabuti sa tuhod ko. Sumimangot na lang ako sa sinabi niya at itinuon ang atensyon ko sa—waah! Dumudugo ang kaliwa kong tuhod! Namilipit ako sa sakit nang pindutin niya ang gilid kahit kitang-kita niyang namamaga na nga.

"Masakit kaya!" reklamo ko tapos tumingin ako nang masama sa kan'ya. Alam kong masakit 'yung naranasan niya; being the student who holds the highest position in SSG, having the highest grades in the whole school—everyone, without an exception, expects him to be the Valectorian. Actually, parang it's a given na nga na siya 'yun e. Tapos biglang naungusan siya ni Kuya Seichiro na hari ng pagiging second best sa lahat ng bagay? Oo, I cannot even imagine how painful it would be, to be in his position, pero tama bang pag-initan niya ang kawawang tuhod ko?

Inirapan niya lang ako. Nanlaki ang mga mata ko sa sumunod n'yang ginawa. Kinuha n'ya ang checkered na panyong nananahimik sa bulsa ng palda ko, 'yung panyong binigay niya kanina, para ipamunas sa dugo sa tuhod ko; tapos pinunit niya ang laylayan ng uniform niya at ginawa itong bandage. Whoa. Ang galing niya mag-bandage. Member kaya siya ng SRCY?

"P-pa'no 'yung u-uniform mo?"

"Mas intindihin mo 'yung peklat na mabubuo mula d'yan sa pagiging lampa mo." I was about to utter something in response to his insults when he suddenly lifts me up and carry me like a bride in a wedding!

"Waaah. A-anong ginagawa mo, Mr. Pres—este K-Kuya Natsume? B-bitawan mo nga ako! K-kaya ko namang maglakad e!"

"Sorry pero hindi ako tanga." Bakit may sinabi pa kong tanga ka?? "Kaya ko pinindot ang sugat mo kanina e para makita ko ang reaction mo. And by that, I can safely assume na hindi mo kayang maglakad." G-ganun? Whoa. E di s'ya na matalino!

Binuhat niya 'ko mula sa Balete hanggang sa clinic. Waah. Nakakahiya! May mga iba pa namang estudyante saka teacher na nakakita sa'min. OMG, nai-imagine ko na ang mga naglalaro sa isip nila!

"Ma'am, may isang babae po ritong nadapa," sabi niya habang dahan-dahang iniuupo ako sa kama sa loob ng clinic. "If it is not in your incovenience, okay lang po ba kung pakitingin 'yung sugat n'ya? Wala po akong disinfectant kanina kaya hindi ko nalinis ang sugat niya," paliwanag niya sa nurse.

"S -sige. Pakitanggal na lang ang bandage niya at ihahanda ko lang 'yung disenfectant ko rito."

Pagkatapos akong gamutin ng nurse, nagpaalam s'yang aalis muna. Nagpatawag daw kasi ng meeting ang principal. Habang wala pa raw siya, bantayan daw muna namin ang clinic. Magpahinga muna raw ako.

Waaah. Yari na naman ako nito kay Mr. President. Imbis na uuwi na lang siya e nadamay pa s'yang magbantay ng clinic nang dahil sa'kin.

"Bakit bigla mo ata akong tinawag na 'Kuya Natsume', ha?" tinatanong niya, out of nowhere, habang nakatitig sa iba't ibang aparato sa loob ng clinic. Naisip ko tuloy na baka gusto n'yang maging doctor.

"K-kasi, naisip ko na, baka magalit ka sa'kin 'pag tinawag pa kita uling 'Mr. President'. K-kasi di ba nga, 'yung tungkol sa pagiging Val—"

"Kahit hindi ako ang magiging Valedictorian, ako pa rin ang presidente ng SSG."

"Ah..okay. Hmm. Pwede bang magtanong ulit?"

"Ano na naman??"

"Ilang points ang l-lamang ni Kuya Seichiro. I-I mean..kasi diba..umm..."

"Just a matter of decimal point."

Nanlaki ang mga mata ko. "I-ibig sabihin..?" Natahimik siya bigla. Tinignan ko ang facial expression niya. Malungkot na naman. Aww. Patay. Dapat pala hindi ko na binalik ang topic na 'yun.

"In just a matter of decimal point, I lost my position. S-siguradong hindi matutuwa ang parents ko nito. I know that they will be very disappointed."

"So you are being put under pressure by your parents."

"Hindi ba normal lang 'yun?"

"Hindi no. Ang mga magulang ko, tanggap nila kung hanggang saan lang ang kaya ng utak ko. Hindi malaki ang expectations nila sa'kin at masaya sila kahit ano lang ang score na makuha ko. Kasi lahat naman ng bagay, pinaghihirapan ko. And that hardwork, it's enough for them to be proud of me."

"So meron palang mga magulang na nag-eexist na ganu'n?" Nagulat ako sa tanong niya. So he thought na lahat ng parents e katulad ng kan'ya?

"Oo."

"I see. You are lucky then," sabi niya. Nakakainis naman. Hindi ba pwedeng mabait na lang ang parents niya? Baka kung sakaling magkagano'n, mabawasan ang kalungkutan sa mga mata niya. "I can already expect na hindi na sila darating sa graduation ko."

"B-bakit naman sila hindi darating?" Kahit na pine-pressure nila ang anak nila, hindi naman tama na hindi sila darating, di ba??

"I grew up in a world where you must be the best in everything that you will do in order to be respected and treated as a son. Isang mundo kung saan, ang maging second place ay isang malaking kahihiyan sa pamilya—isang malaking basura. Walang kwenta. Walang silbi." There was angst in his tone. And just by listening to him, my heart could stop in pain. "That is why, kung magiging second best lang ako, it's as good as being a loser. At wala silang panahon para sa mga loser na tulad ko."

"P-pero..h-hindi naman ata tama 'yun. Naniniwala ako na..hindi naman kailangang i-judge ang tao base lang sa posisyon n'ya. A person is more than what his position dictates him to be."

"Siguro nga tama ka, but you cannot deny the fact that society is being dictated by position. Hindi lahat ng bagay, kaya mong isipan ng something positive. There are some things that cannot be changed."

"K-kung walang pupunta sa'yo sa graduation n'yo, hmm..e di 'yung mama ko na lang ang magsasabit sa'yo ng medal!" sabi ko habang nakangiti.

"H-HA??"

"Nakwento ko sa mama ko na nasarapan ka sa luto n'ya kaya gusto n'ya ulit na matikman mo ang iba pa n'yang specialties. At isa pa, gusto ka rin n'yang maki—"

"Teka nga. Wala akong natatandaan na sinabi kong nasarapan ako sa luto ng mama mo."

"Sapat na ang facial expression mo para malaman ko 'yun."

"A basta! Hindi ako pupunta ng graduation kaya hindi mo rin magagawa 'yang balak mo."

"Ha? Bakit hindi ka pupunta ng graduation??"

"E ano ngayon sa'yo kung hindi ako pupunta? Teka nga, bakit umiiyak ka na naman??" Sa wakas tumingin din siya sa'kin.

"Sinabi ko na sayo hindi ba? I will cry for you."

"Tears can't change anything, you know."

"But it can comfort you—that comfort is already worthy of the tears that I have shed, is shedding and will shed." Kung may magagawa lang sana ko para mabago ang uri ng pag-iisip meron ang parents niya..kung may magagawa lang sana ako e di..

Nagulat ako nang biglang pinindot niya na naman ang sugat ko na naka-bandage.

"ARAY!! Bakit mo' yun ginawa, ha??"

"I want to bring you back to your senses."

"Nasa katinuan naman ako ah!"

"Hindi mo na dapat pinuproblema ang problema ng iba. Mind your own business."

"Pero.." Bigla n'yang ginulo ang buhok ko at ngumiti. Para bang sinasabi ng ngiting 'yon na, 'Thanks for worrying about me."

"Waah. Ngumiti ka!" bigla kong nasabi.

"Ha? Hindi kaya," paiwas niyang sabi.

"Ngumiti ka no! Kitang kita ng dalawang mata ko!"

"Hindi nga eh!"

"Oo, ngumiti ka!"

"Hindi!"

"Hindi mo na sasabihing hindi ka pupunta ng graduation, di ba?"

"Hindi!" sagot niya nang hindi nag-iisip saka siya biglang natigilan at nagreklamo ng, "T-teka! Naisahan mo ko du'n ah!" Halata sa mukha niyang na-badtrip siya sa ginawa ko.

"Haha! Ang nasabi mo na ay nasabi mo na no!"

"H-HINDI NGA SABI EH!!" he shouted, flustered.

Dear Lord,

Please help this person right in front of me to overcome his sadness. Sana po marealize din ng mga magulang niya na hindi lang ang pagiging the best ang pinakamahalaga sa mundong ito. I hope they can realize it soon. Because they are missing their son's wonderful smile.

[Chapter Twenty Eight]

Kanna

Pag-akyat ko, nakita ko si Yumi sa may gilid ng lib. May hinihintay kaya siya? Nagngitian lang kami tapos pumasok na ko sa loob at hinanap sa paningin ko si Kuya Seichiro. Lumapit ako sa may librarian's nook at nakita siya na nagbabasa ng libro ni Salinger. Napangiti ako.

"Kuya Seichiro!" Nu'ng makita n'ya ko, agad s'yang ngumiti at ibinalik niya sa shelf ang binabasa niya. Lumapit s'ya sa'kin at lumabas na sa nook. Nagulat ako ang hawakan niya ang isa kong kamay tapos lumabas kami ng library. Sabi niya pupunta raw kaming canteen kaya tumango na lang ako.

Habang naglalakad kami papuntang canteen, hawak pa rin ni Kuya Seichiro ang kamay ko. Hindi naman sa naiilang ako o kung ano, hmm..siguro hindi lang ako sanay?

Ilang hakbang bago kami makarating sa canteen, bigla n'yang binitawan ang kamay ko. Ngayon niya lang ata napansin na kanina niya pa hawak-hawak ang kamay ko. Nauutal s'yang humingi ng sorry sa'kin habang nakatingin siya sa ibang direksyon. Bakit kaya? Parang ang weird ni Kuya ngayon.

"Okay lang, Kuya," sabi ko habang nakangiti. Napansin ko pa na hindi nagsasalita si Kuya nu'ng naglalakad kami papuntang canteen. Dati siya ang kwento nang kwento. E wala rin naman akong masabi kaya hindi rin ako nagsasalita. Haayst. Ngayon lang ata nangyari 'to ah.

Nu'ng nasa canteen na kami, bumili siya ng strawberry ice cream. Tig-dalawang scoops kami. Waah! Strawberry!! Yey! Kumikinang ang mga mata kong inabot ang libre niya.

Habang kumakain ng ice cream, kami naupo sa Meteor Garden.

"Kuya, ano nga pala ang sasabihin mo sa'kin?"

"Ah..'yun ba?" Tumingin siya sa'kin saka ngumiti. "Sa totoo lang, sa'yo ko pa lang 'to sasabihin kaya isikreto mo muna sa iba, okay?" Tumango na lang ako tapos ngumiti rin. Wow. Ano kaya 'yun? Na-excite tuloy ako bigla! "Sa darating na graduation..ako ang Valedictorian."

"WOW!! Hindi nga, Kuya Seichiro? Seryoso?" hyper kong tanong sa kan'ya. Tumango siya. "YES!!" Napasigaw pa ako at napatalon sa tuwa. Hindi ako makapaniwala! Kasi di ba, sobrang talino ng masungit na si Kuya Natsume? Tapos natalo siya ni Kuya! Wooow! Ang galing-galing niya! "I'm so proud of you, Kuya! Grabe, ikaw na talaga!!" sabi ko tapos shinake hands ko ang bakante n'yang kamay.

"Sa totoo lang, napaka-unexpected din na magiging ako ang Valedictorian kasi iilang decimal points lang ang pagitan naming dalawa. Sinuwerte lang siguro talaga 'ko," paliwanag niya.

Siniko ko naman siya. "Asus! 'Wag ka na magpaka-humble! Basta para sa'kin, ikaw ang mas deserving!"

"Haha. Bahala ka na nga kung anong gusto mong isipin, basta i-sikreto mo muna sa iba, ha?"

"Bakit nga pala kailangan pa nating isikreto 'yun?"

"E kasi sa'ming dalawa lang sinabi 'yun ng adviser namin kaninang umaga. Bukas pa kasi 'yun officially ina-announce. Inabisuhan niya na kami ngayon para wala ng masyadong violent reactions bukas."

"Aah. E anong reaksyon ni Kuya Natsume?"

"Ayun, nagwalk-out siya nu'ng sinabi ng adviser namin na ako nga."

"Ang bitter niya naman!"

"Nauunawaan ko siya." Bigla akong nakakita ng guilt at sadness sa mata ni Kuya Seichiro habang nakatingin siya sa kawalan at nagpapaliwanag. "Ang totoo n'yan, nalulungkot din ako sa part niya kasi.. alam ko namang hindi niya rin 'yun ine-expect. Lahat kasi alam na siya ang magiging Valedictorian. Saka, pag ni-round off mo ang grades naming dalawa, pareho lang talaga. Kung pwede lang sanang maging dalawa ang Valedictorian e." Bumuntong hininga siya bago magpatuloy ulit. "Although, matagal ko nang pangarap na matalo siya academically pero not in the extent na magkakalamat 'yung friendship na meron kami. Kasi isa siya sa mga taong ina-idolize ko pagdating sa leadership saka kahit na medyo masungit si Natsume, alam ko na..halos pareho lang kami. Nakikita ko ang sarili ko sa kan'ya."

"Hindi ko maintindihan, Kuya. E ang layo-layo kaya ng personality ninyo."

"Haha. Hindi naman sa personality talaga ang tinutukoy ko. I mean, halos pareho kami ng sitwasyon. Pareho kaming nagsisikap maging pinakamagaling sa klase kasi may gusto kaming makuha."

"Ano naman 'yun?"

"Atensyon ng magulang. Gusto kong ma-realize ni Papa, which is papa rin ni Yuta, na I deserve his attention. Gusto kong ma-realize niya na mali ang ginawa n'yang pang-iiwan sa'min. Although, feeling ko, it's because of work, hindi ko pa rin maiwasang isipin na mas mahal n'ya pa ang trabaho n'ya kesa sa'min. Maswerte na lang din siguro ako na..'yung mama ko, full support sa'kin. Samantalang si Natsume, everyday, kailangan n'yang patunayan sa mga magulang n'ya na deserving s'yang maging anak nila."

"Ha? Bakit naman?"

"Napaka-perfectionist kasi ng mga magulang ni Natsume. They want only what's best. As in literal na best talaga. Nangangamba nga ko na baka kung ano na naman ang sabihin ng mga magulang niya sa kan'ya dahil naging Salutatorian lang siya. 'Yun din ang reason kaya hindi ako masyadong masaya sa resulta."

"Oo nga, halos pareho kayo ng sitwasyon. Mas matindi nga lang ang parents niya." Na-guilty tuloy ako kasi ayoko talaga du'n sa masungit na presidente na 'yun. Halos i-curse ko pa nga siya kasi sinungitan niya ko nang bongga one time. Pero ngayon, naaawa na ko sa kan'ya. Haay. Hindi ba pwedeng maging dalawa ang Valedictorian? "Teka, Kuya Seichiro, ngayon ko lang na-realize..hindi kaya..ang dahilan kung bakit hindi nagseseryoso sa pag-aaral si Yuta ay dahil gusto n'ya ring makuha ang atensyon ng papa ninyo? I mean, pareho kayo ng reasons pero magkaiba lang kayo ng paraan ng p—"

"Sa tingin ko ganun nga 'yun. Kaso sa part ko kasi, medyo may ideya naman ako kung bakit bigla na lang nang-iwan si Papa. Feeling ko si Yuta, hindi niya na inisip kung may dahilan man o wala." Tumingin siya sa'kin, ang seryoso ng boses niya. "He was already being eaten by his hate. Naramdaman ko 'yun nu'ng una ko s'yang makita at ipakilala ni Mama na s'ya ang anak ni Papa sa labas. Alam kong ayaw niya sa'min dahil sa galit niya kay Papa. Buti nga ngayon, kahit papa'no, nakikipag-usap na siya sa'kin saka kay Mika e. 'Yun nga lang, hindi pa rin mama ang turing niya sa mama namin. 'Andu'n pa rin 'yung coldness n'ya sa bahay. Kaya nga natutuwa ako 'pag nakikita ko kayong magkasama kasi nakikita ko ang totoong siya na hindi ko nakikita 'pag nasa bahay na s'ya."

"'Wag kang mag-alala, Kuya, minsan, pagsasabihan ko si Yuta." Na-realize ko ngayong araw na, maswerte pa rin pala talaga ko sa parents ko. Kasi kahit nasa ibang bansa si Papa, alam ko na mahal na mahal nila kong pareho. Saka hindi naman sila gaanong nag-e-expect sa'kin.

"Kuya, salamat a. Sa pagsasabi sa'kin ng tungkol kay Kuya Natsume at Yuta," sabi ko habang naglalakad kami. Medyo late na rin kasi kaya sabi ko kailangan ko ng umuwi. "Congrats din pala sa pagiging Valedictorian. Feeling ko naman may magandang plano si God kaya ikaw ang pinili Niya sa position na 'yun kaya wag ka nang mangamba, baka may mas maganda pang mangyari para kay Kuya Natsume in the near future."

"Salamat, Kanna," sabi niya habang nakangiti. "Ay oo nga pala," bigla n'yang sabi. May naalala ata siya. Napansin kong may kinuha s'ya sa bulsa n'ya. "Akin na 'yung kamay mo." Nilahad ko na lang ang palad ko at di na nagtanong. Feeling ko strawberry na candy o something na matamis ulit ang ibibigay niya.

Pagkatapos n'yang maglagay ng kung ano sa kamay ko, sinabihan niya ulit ako na buksan ko na lang daw 'yon 'pag umalis na siya. Nasa tapat na kami ng gate nu'n.

"Kanna."

"Ano 'yun, Kuya?"

"Gusto kong palaging nakikita kang masaya kasama si Yuta a."

"Haha. Bakit mo naman sinasabi 'yan?"

"Wala lang. Natutuwa kasi ako sa inyong dalawa kaya 'wag na kayong mag-aaway ulit, ha?"

"Hindi ko 'yan mapapangako. Kasi epal 'yun eh." Natawa lang siya nang bahagya sa sinabi ko. Maya-maya, nagpaalam na siya sa'kin at tumakbo na pabalik sa academic building. Ako naman, tuluyan nang lumabas ng school gate.

Ang weird talaga ni Kuya Seichiro ngayon. Feeling ko may nililihim siya sa'kin. Parang may lungkot sa mga ngiti niya. O masyado lang talaga akong nag-iisip? Oo nga, baka guni-guni ko lang 'yun.

Binuksan ko na lang ang palad ko. Napangiti ako sa nakita ko. Isang napaka-cute na strawberry cellhone strap. Tapos may nakasulat na Kanna sa gitna. Waah. Ang cute! Ilalagay ko ito sa cellphone ko pagkauwi ko!

Kinagabihan, pinagsama-sama ko ang mga binigay sa'kin ni Kuya Seichiro. Wala lang. Na-tripan ko lang. Naku-curious kasi ako kung bakit ang unang dalawang binigay niya, nakakain, tapos 'yung pangatlo, hindi. O matakaw lang talaga ko kaya gusto kong kainin 'yung strap na strawberry? Haha!

Isang Monami na candy. Tatlong Potchi. At isang strawberry cellphone strap na may nakasulat na pangalan ko.

Hmm. Ano nga kayang ibig—

Biglang nanlaki ang mga mata ko. Iniarrange ko ulit ang mga binigay niya at may nabuo ako.

Dubdub. Dubdub.Dubdub. Dubdub.

Isang sentence—isang sentence na hindi ko akalaing mae-extract ko sa mga ito.

Isang Monami (1 = I)

Strawberry cellphone strap (strawberry means LOVE),

Tatlong Potchi (3 = YOU)

Nakasulat na pangalan ko sa CP strap (KANNA)

I.LOVE.YOU.KANNA? I love you Kanna.

OMG. Blush. M-mahal ako ni Kuya Seichiro?? Waah! Teka-teka, Kanna! Huminahon ka muna. Baka naman nagkamali ka lang ng pagkakaintindi? Oo nga, baka masyado lang akong nag-iisip.

Pero hindi e. All this time, sobrang bait sa'kin ni Kuya Seichiro, tapos alam na alam niya ang mga gusto at ayaw ko. Alam niya rin 'pag may problema ako o wala. Tapos sinasabi ng marami na snob siya pero sa'kin naman never s'yang naging snob. Hala. Anong gagawin ko kung sakaling totoo ngang may gusto sa'kin si Kuya Seichiro?

Bigla ko pang naalala si Ate Imadori. E di ba may gusto siya kay Kuya? Hala. Pa'no 'yan? Kababati lang namin halos e. Baka pagnalaman niya, magagalit na naman siya sa'kin! Waah. Anong gagawin ko??

Na-bother pa ko sa 'huling mga sinabi niya bago niya ibigay 'yung strap.

'Gusto kong palaging nakikita kang masaya kasama si Yuta ah.'

'Wala lang. Natutuwa kasi ako sa inyong dalawa kaya wag na kayong mag-aaway ulit ha?'

Napalunok ako. Hindi kaya may ipinahihiwatig siya sa mga sinabi n'yang 'yon?

Muntik na kong mapalundag sa kama ko nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Sino naman kaya ang tatawag sa'kin nang ganitong oras? Gabi na ah. "Hello?" bungad ko.

"Uy, Kanna." Boses 'yun ni Yuta. Nu'ng narinig ko ang boses niya, gumaan ang pakiramdam ko.

"Bakit napatawag ka?" tanong ko.

"Gusto ko kasing marinig ang boses mo."

A-ano? Bigla akong namula sa sinabi niya. Dubdub. Dubdub. Dubdub. Dubdub.

"K-kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo!"

"Haha. Kinilig ka naman?"

"Kinilig mo mukha mo!" bulyaw ko sa kan'ya. Tumawa lang siya in return mula sa kabilang linya. Pang-inis! "Bakit ka nga tumawag?"

"Kailangan ba may dahilan para tawagan kita?"

"O-oo."

"Miss na kita, pwede na bang dahilan 'yun?"

Blush. "Ano ba?! Magseryoso ka nga! Parang di tayo nagkita kaninang umaga a!"

"Kanina pa 'yun no."

"K-kahit na."

"Bakit, hindi mo ba ko nami-miss?" Teka, anong gusto n'yang sabihin ko? Na namimiss ko siya?? Waah. Asa!!

"Hindi."

"Ganun? Sige, uuwi na lang ako. Di mo naman pala ko namimiss e."

"Ha? Uuwi?" Nakarinig ako ng dumaang tricycle sa background. "Teka, 'wag mong sabihing—"

Agad akong bumaba sa hagdan at tumakbo palabas ng bahay. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko na inisip kung anong itsura ko nang buksan ko ang gate.

At oo nga, nasa harap nga siya ng bahay namin. Binaba ko ang cellphone ko na kanina, nakadikit pa sa kaliwang tenga ko. Ngumiti siya sa'kin at kinaway-kaway pa sa ere ang cellhone niya. Parang magsu-suicide ang puso ko kakakabog. When did he become so handsome in my eyes?

"B-bakit ka nandito?" tanong ko sa kan'ya.

"Wuuh. Paulit-ulit? Nasabi ko na kanina, di ba?" sabi niya habang nakangiti pa rin.

"Weh. Wag ka na nga!" sabi ko. Lumapit siya sa'kin.

"Ayaw mo, e di wag. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina," kunwari nagtatampo niyang drama tapos humalukipkip siya habang nakasimangot.

"Ano nga kasi 'yun? Hindi ka naman biglang susugod dito nang walang dahilan, di ba?"

"Haha. Kilalang-kilala mo talaga ko no, Kanna?" Ngumiti siya ulit at tumingin sa mga mata ko. Naramdaman kong may something sa ngiti niya. Empty. Malungkot.

"Tara, pasok tayo sa loob," aya ko.

"'Wag na, dito na lang sa labas."

"O-okay." Naupo kami sa ng gilid ng gate, may upuan kasi du'n na kahoy e. "O, anong problema?" Ako na ang nagsimula. Bihira naman kasi mag-open si Yuta e. Dapat samantalahin.

"Nakatanggap ng sulat sina Tita galing kay Papa," malungkot n'yang sabi sabay buntong hininga.

"Anong sabi du'n sa sulat?"

"One of these days, babalik na siya."

"E di maganda!"

"Loko, anong maganda du'n??"

"Ano ka ba naman Yuta. Magandang opportunity 'yun para makapag-usap kayo ng papa mo at ng magkabati na kayo."

"Hah! Ngayon pa..sus! Limang taon na ang lumipas, Kanna. Marami nang nagbago. Hindi na 'ko magugulat kung hindi niya na natatandaan ang mukha ko." Ramdam ko ang galit sa puso ni Yuta. Tama nga si Kuya Seichiro, 'he was already being eaten by his hate'. Haay. Ano bang pwedeng gawin ko para mawala 'yung galit niya sa papa n'ya?

"Yuta."

"Oh?"

"Sa tingin mo, bakit babalik ang papa mo?"

"Ano pa nga ba? E di s'yempre, dahil malapit ng grumaduate si Kuya Seichiro." Napansin kong lalong lumungkot ang mukha niya nu'ng banggitin n'ya mismo ang pangalan ni Kuya.

"Mali. Feeling ko, kaya siya darating ay para matanggal na ang gusot sa pamilya ninyo."

"Asa ka naman du'n. Walang kwenta 'yun eh."

"Wag ka ngang magsalita nang ganyan. Papa mo pa rin siya."

"Kinakahiya kong naging siya pa ang ama ko."

"Yuta," saway ko sa kan'ya.

"Kanna naman e." Tumingin siya sa'kin at nakita kong nakikiusap ang mga mata n'yang tigilan ko na ang mga sinasabi ko dahil hindi na siya natutuwa sa mga iyon.

"Gusto kong pagdating ng papa mo, sumbatan mo siya, pagalitan mo. Suntukin mo pa kung gusto mo. Mas okay na 'yun kesa 'yung nagbibilang ka ng taon d'yan sa puso mo na puro galit ang laman. Hindi habambuhay, maiiwasan mo siya. Kailangan, magkausap kayo."

"Para saan pa? Kahit magkaayos kami, wala na si Mama." May nangingilid na luha sa mga mata niya nang mabanggit niya ang mama niya. Si Tita. Bigla s'yang tumalikod sa'kin. Hindi pa rin siya nagbabago. Ayaw niya pa rin ipakita sa'kin 'yung Yuta na mahina—'yung Yuta na maga ang mga mata.

"Isa pa, sampid lang naman ako sa bahay na 'yun e. 'Pag andun ako, feeling ko, para kong isda na naligaw sa isang gubat. Hindi ako belong 'dun. 'Pag dumating pa 'yung hayup na 'yun, buong-buo na ang pamilya nila. Ako naman, n-nag-iisa."

Biglang pumatak ang mga luha ko. Niyakap ko siya kahit nakatalikod siya sa'kin.

"Yuta, 'wag mo ngang isipin 'yan."

"Ano bang gusto mong isipin ko, Kanna?" Umiiyak ang boses niya. Garalgal. Basag. Pumipiyok. "Simula nu'ng iniwan niya kami, wala na ang pamilyang pinapangarap ko. Isa pa, hindi naman kami ang tunay n'yang pamilya kaya alam ko nang kasinungalingan lang ang lahat. Lahat-lahat. Simula pa lang, hindi na nag-e-exist 'yung pamilyang akala ko, meron ako." Lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kan'ya. Lalong bumubuhos ang mga luha ko katulad ng pagbuhos ng mga luha niya. Sabay kaming tahimik na umiyak.

"Kaya lang, kahit ga'no ko isiksik sa kukote ko na dapat nasasanay na ko, hindi ko pa rin maiwasang isipin na ang unfair ng mundo. Biruin mo a, pagkatapos kong mawalan ng nanay, malalaman ko pang may ibang pamilya ang tatay ko na iniwan kami ilang taon na ang nakalilipas. Ang masakit pa, ako pa pala 'yung anak sa labas.

"Nung una 'kong pumasok sa bahay na 'yun, alam mo ba kung ano 'yung una kong naisip? 'Ah. Ito 'yung pamiyang mahal ng tatay ko. Ni katiting ng pagmamahal na 'yun, wala kong natanggap. Sa kanila napunta lahat.' Tapos babalik siya? Lalo niya lang talaga 'kong gustong pahirapan at saktan. Kasalanan ko ba 'yun? Kasalanan ko bang maging anak niya?"

May ideya ko sa burden na meron si Yuta all these years pero hindi ko alam na ganito pala 'yun kalaki at kabigat. Ang sakit. Kung lulugar ba ko sa posisyon ni Yuta, kakayanin ko kaya?

Maya-maya, biglang tumayo si Yuta. Still, nakatalikod pa rin sa'kin. Napansin kong pinahid niya ang mga luha niya, tapos humarap na ulit siya sa'kin nang nakangiti.

"Teka, bakit umiiyak ka d'yan, Kanna?" maloko n'yang sabi sa'kin at pinisil-pisil pa ang mukha ko. Umupo siya ulit sa tabi ko na parang wala s'yang kadramahang sinabi kanina. S'ya na ulit 'yung Yutang mapagpanggap. 'Yung Yuta laging may ngiting pang-front.

"Manahimik ka nga! Ikaw rin naman kanina a!"

"Weh. Imbento ka a!"

"Ewan ko sa'yo."

KATAHIMIKAN.

"Yuta."

"Hmm?"

"Pwedeng ako naman ang magsabi ng problema sa'yo?"

Tumango naman siya. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya saka nagsalita, "Pano kung..nalaman mong may gusto pala sa'yo ang crush mo? Anong gagawin mo?"

"Sinong crush naman 'yun?"

"Secret. Ano nga kasi?"

"Ano ba 'yan. May pasecret-secret ka pang nalalaman."

"Sagutin mo na lang kasi."

"Siya ba mismo ang nagsabing gusto ka n'ya?"

"Hindi."

"O eh pa'no mo nalaman?"

"Na-extract ko."

"H-ha?"

"Na-extract ko mula sa mga binigay niya sa'kin simula nu'ng makilala ko siya. Parang codes na may secret meaning. 'Yung code na nakuha ko, ang lumabas na meaning ay..I love you, Kanna."

Bigla 'kong nakarinig ng tawang wagas mula sa ka'nya. As in 'yung usual n'yang tawang pang-asar. Kainis! Ang seryoso ng sinasabi ko tapos biglang babanat siya ng ganu'n! Hmp! Binatukan ko nga siya!

"Aray!"

"Ang epal mo!"

"E kasi nakakatawa ka eh! HAHAHA! "

"Hoy, hindi ko inimbento 'yun no!"

"Makinig ka, Kanna," sabi niya tapos tumitig siya sa'kin. Seryoso na bigla ang mukha niya. "Hangga't hindi niya pa sinasabi nang personal, 'wag mo munang paniwalaan."

"O-okay," sabi ko sabay iwas nang tingin. Nakaka-distract kasi tumitig si Yuta. Nakakatunaw.

"Alam mo, Yuta."

"Hindi pa." Binatukan ko siya ulit. Bwiset! "Nakakarami ka na, Kanna ah!" reklamo niya.

"Kahit siguro.." Tumingin ako sa kalye, kung saan may mga dumadaang tricycle at minsan, jeep. "..sabihin niya sa'kin 'yun nang personal, hindi pa rin magbabago kung sino ang nasa puso ko."

"Bakit, sino ang nasa puso mo?" tanong niya. Pinipilit niyang tignan ako sa mga mata kaso ayoko talaga kasi lalo lang akong kakabahan. Umiwas ako nang tingin.

"S-secret ko na 'yun no!" Tumawa lang siya nang bahagya tapos tumayo na siya. "Sa'n ka pupunta?" tanong ko. Tumayo na rin ako.

"Uuwi na. Bakit, sasama ka?" pabiro n'yang sabi sabay ngiti.

"Hindi no. Sige na, umuwi ka na."

"Hindi mo man lang ba ko ihahatid sa kanto?"

"Sabi ko nga e."

Pagkatapos ko s'yang maihatid sa may sakayan, bumuntong hininga ako. Wala pa rin akong naiisip na paraan para mawala ang galit ni Yuta sa papa niya.

Ang tanging naiisip ko lang e siya. At ang munting sikreto ko.

*****

Kinaumagahan, pagpasok ko, nagulat ako nu'ng marinig ko 'yung sigaw ni Yuta. Ramdam ko ang galit sa boses niya.

"SINONG MAY GAWA NITO?? SABIHIN N'YO!!"

Napatingin ako sa tinutukoy niya. Nanlaki ang mga mata ko sa mga nakasulat sa black board.

TRIVIA: YUTA TONAMI ng 3-1, ANAK SA LABAS NG PAPA NG ATING VALEDICTORIANG SI SEIICHIRO KAURI ng 4-1!!

BONUS TRIVIA: ANG NAMATAY N'YANG MAMA AY ISANG PROSTITUTE NA NILANDE ANG PAPA NI SEICHIRO PARA LANG SA PERA!!

S-sino ang nagsulat nito?? Nabigla ako nang sinipa ni Yuta ang teacher's table sa harapan. Napaatras ang iba kong mga kaklase sa takot.

"E ANO KUNG ANAK SA AKO SA LABAS, HA?? Kahit ipangalandakan n'yo sa buong mundo 'yun, wala akong pakelam!! Pero 'yung pambabastos n'yo sa nasira kong mama, 'yun ang hindi ko mapapalampas!! HINDI N'YO NA S'YA GINALANG!! HINDI S'YA PROSTITUTE KAYA KUNG SINO KA MAN NA GUMAGAWA NG KWENTO D'YAN, LUMABAS KA AT HARAPIN MO KO! HAYUP KA!!!"

Napaiyak ako sa takot kay Yuta. Sino ang may gagawan nito??

Biglang pumasok si Yumi sa loob ng kwarto at nagsalita ng, "Y-Yuta, lahat ng room ng mga 3rd year at 4th year, m-may nakasulat ding ganito."

Agad lumabas si Yuta ng classroom. Natatakot ako sa pwedeng gawin ni Yuta. Sobrang nanlilisik ang mga mata niya. Akma ko sanang kukunin ang eraser nang biglang agawin 'yun ni Tomo at siya na ang nagbura ng mga nakasulat sa board.

"Kanna, i-encourage mo ang mga classmates natin na tulungan tayong magbura ng mga nakasulat na 'to sa lahat ng rooms ng 3rd year at 4th year!"

Tumango naman ako. "Please, classmates, maniwala at magtiwala kayo kay Yuta. Tulungan natin siya, okay? Please tulungan n'yo kaming burahin ang mga vandal na 'to sa lahat ng room. Please, nakikiusap ako," sabi ko sabay bow sa lahat. Pinipigilan ko ang mga luha ko pero ayaw huminto.

Buti at sumang-ayon naman ang lahat. Agad kaming nagsitakbuhan sa isa't ibang room. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Feeling ko may masamang mangyayari kay Yuta.

Lord, please gabayan nyo po siya. At wag na wag n'yong hayaan na..tuluyan na s'yang lamunin ng galit sa puso n'ya.

[Chapter Twenty Nine]

Kanna

Habang nagbubura ako ng vandals sa blackboard sa room ng 3-5, nakita ko si Yuta, tumatakbo siya papunta sa room ng 4-1. Feeling ko anytime manununtok siya.

Agad kong binitawan 'yung eraser na hawak ko at hinabol siya.

"YUTA!!" sigaw ko. Pero wala s'yang naririnig. Kinakabahan na 'ko. Binilisan ko na lang ang pagtakbo. Habang tumatakbo ko, napunta ang atensyon ko sa isang pamilyar na boses.

"Kung sino man ang gumawa nito, umamin na kayo. Hindi ko mapapalampas ang pambabastos na ito sa kapatid ko at sa mama niya," seryoso, may bahid ng galit pero kalmado pa ring sabi ni Kuya Seichiro sa harapan ng mga kaklase niya. May bakas ng chalk sa mga kamay niya. Mukhang siya ang nagbura ng vandal sa room nila. "At saka, e ano kung anak siya sa labas? Kahit kelan, hindi ko siya tinuring na iba sa'min. Kaya kung sino ka man, umamin ka na bago pa ko magalit sa'yo."

Walang nagsasalita sa mga classmates n'ya.

Biglang pumasok sa room nila si Yuta. Binilisan ko ang takbo. Lord, 'wag naman sanang—

'Pagdating ko sa room, nakaamba ang kamao ni Yuta sa mukha ni Ate Imadori at inaawat naman siya ni Kuya Seichiro at ng iba pang 4-1 boys.

"ALAM KONG IKAW ANG MAY GAWA NITO!! KAHIT BABAE KA, HINDI AKO MAGDADALAWANG ISIP NA SAKTAN KA KAYA UMAMIN KA NA!!" sigaw ni Yuta. Walang katinag-tinag ang mukha ni Ate Imadori. Wala akong nakikitang takot sa mga mata niya.

"Yuta, tama na 'yan!" awat ni Kuya Seichiro na hawak na si Yuta sa dalawang braso. Pumapalag si Yuta pero hindi siya makapanlaban kay Kuya.

"BITAWAN MO KO!!" sigaw niya kay Kuya tapos bumaling ulit siya kay Ate Imadori. "HAYUP KA IMADORI!! Bawiin mo 'yang mga sinabi mo sa mga vandals na 'yan!! HINDI PROSTITUTE ANG MAMA KO!!"

Tumayo si Ate Imadori sa upuan niya. Nakapamaywang at nakataas ang kilay.

"Ano naman ang ebidensya mong ako nga ang may gawa no'n?" mataray n'yang sabi.

"Imadori, tama na 'yan. Wag mo na s'yang galitin, pwede ba??" sabat ni Kuya.

"Hah! Masama na palang ipagtanggol ang sarili ngayon, Seichi??" sagot ni Ate Imadori. Feeling ko may something din kita Ate Imadori at Seichiro-sempai. Ang cold nila sa isa't-isa. Nu'ng nakaraan ko pa 'to napapansin e. Ano bang nangyari sa kanila?

Biglang nakawala si Yuta sa pagkakahawak sa kan'ya ni Kuya Seichiro at muntikan na naman n'yang masuntok sa mukha si Ate Imadori. Buti na lang naawat siya ng ibang lalaki. Nagtilian sa takot 'yung iba at tuluyan nang lumabas ng room.

Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Natatakot ako kay Yuta.

Kahit ganu'n na katensyonado sa room, nananatili pa rin 'yung pokerface pero taas-kilay na mukha ni Ate Imadori.

"Anong karapatan mo para pagbintangan ako sa isang bagay na hindi ko naman ginawa, ha?"

"IKAW LANG NAMAN ANG MAY MOTIBONG GAWIN 'TO EH!! DEMONYO KA!! HAYUP KA!! HINDI KO 'TO MAPAPALAM—

"Hah! Ak—"

"IMADORI, TAMA NA 'YAN!!" sigaw ni Kuya Seichiro sa kan'ya.

"Bakit, Seichi?" Nagulat ako nang may tumulong luha sa kanang mata ni Ate Imadori. "'Pag may nangyaring masama, ako na ka'gad ang gumawa??"

"Wala akong sinasabing gan'yan," paiwas at cold na sagot ni Kuya sa kan'ya.

Sinipa ni Yuta yung teacher's table sa harapan at nagsisigaw sa galit. Nabasag 'yung flower vase nila na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Sa wakas, nagkaro'n ako ng lakas ng loob na lumapit.

"Yuta, tama na 'yan, please?" sabi ko. Niyakap ko siya.

"Kanna, bitawan mo ko," pagalit, matigas, at cold n'yang sabi. Umiiyak ako habang umiiling sa kan'ya. Kailangan kong magmatigas. Hindi ko s'ya pwedeng bitawan.

"BITAWAN MO KO SABI EH!!" Nanlilisik ang mga mata niya sa'kin. Umiling ulit ako at lalo ko lang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kan'ya.

"Kanna, ako na ang bahala rito, sige na," mahinahong sabi ni Kuya sa'kin. Tumango naman ako.

Habang yakap ko si Yuta, dahan-dahan ko s'yang inilabas sa room ng 4-1. Pinaupo ko s'ya sa bench sa Meteor Garden at pinainom ng malamig na tubig. Pagkatapos niyang uminom, sinandal ko ang ulo niya sa balikat ko. Sa wakas, nakahinga na rin ako nang maluwag. Mukhang kumalma na siya.

"Yuta, lahat kami kakampi mo, tandaan mo 'yan."

Naramdaman kong nabasa ng luha ang uniform ko. Sa may parteng braso.

Kumikirot ang puso ko kasi umiiyak ang taong mahal ko. Pero wala akong magawa para sa kan'ya. Lord, ano po bang dapat kong gawin?

Nu'ng hapon na, pinatawag si Yuta sa Guidance Office. Pinatawan s'ya ng suspension for two weeks dahil sa gulo na ginawa n'ya nu'ng umaga. Hindi na siya nagsalita, bagkus ay kinuha niya ang bag niya at umuwi na. Pinaiwan ni Tomo at Miki ang lahat ng 3-1. Hindi pwedeng wala kaming gawin. Kapag hindi naalis ang suspension kay Yuta, hindi siya makakapag-final exam at maho-hold back siya ng isang taon.

"Guys, tulungan n'yo kaming makiusap sa principal na alisin ang suspension ni Yuta. Siguro naman lahat ayaw na manatili s'yang third year next school year, di ba?" paliwanag ni Miki sa harapan.

"K-kung magsasama-sama tayo, sa tingin ko, mapagbibigyan ang kahilingan natin na—"

Naputol ang sasabihin ko sana nang may biglang nagrekamo ng, "Eh pa'no kung pati kami ma-suspend? Anong kasiguraduhan na kapag sumama kami d'yan, hindi kami mapapahamak?"

At nagsunud-sunod pa ang mga ito.

"Oo nga! Pa'no kung madamay kami?"

"Siguradong magagalit ang parents namin!"

"Count me out! Ayokong makigulo d'yan!"

"Saka kasalanan naman ni Yuta 'yun eh. Wala kaming kinalaman d'yan."

"Oo nga, s'ya ang gumawa ng gulo na 'yan, tapos—"

"ANONG KLASE KAYONG MGA KAIBIGAN?? ANO 'TO, IWANAN SA ERE??" sigaw ni Tomo. Ngayon ko lang nakita si Tomong magalit. At hindi ko na 'to gustong makita pa ulit. "KUNG GANYAN KAYO KA-SELFISH, E DI SIGE!! MAGSAMA-SAMA KAYONG LAHAT! UMUWI NA KAYO!! HINDI NAMIN KAILANGAN NG MGA PLASTIK NA TAO! KUNG AYAW N'YONG TULUNGAN SI YUTA, E DI WAG!! KUNSENSYA N'YO NAMAN 'YAN EH!!"

Napatingin ang lahat kay Pres. Megumi nang magtaas s'ya ng kamay.

"Kahit napakakulit ni Yuta at—" Teary-eyed siya at namumula na ang ilong. "..laging pinapasakit ang ulo ko, hindi ko hahayaan na ma-suspend siya. Count me in, ipaglalaban ko siya sa Principal."

Napangiti ako at ang dalawang pinsan ko. Thank you, Pres!

Nagtaas din ng kamay si Yumi, pinapahid niya rin ang mga luha niya. "Obvious naman na kasama ko sa mga nagmamahal sa kan'ya, di ba?" sabi n'ya habang nakangiti.

"Ako rin! Class Clown kaya natin si Yuta! Hindi s'ya pwedeng mawala sa last year natin sa high school!" paliwanag naman ni Nao habang nakataas ang kamay.

"Oo nga. Saka seatmate ko kaya 'yan! Kasabwat ko sa kopyahan at samu't saring kalokohan. Syempre, kasali ako!" nakangiting sabi ni Soushi na proud pa talagang ni-reveal ang pagiging cheatmate nila. Unti-unti, nagsibalikan ang mga nag-aalangan kanina. Napayakap ako kay Yumi. Hindi kami close pero alam ko na isa siya sa mga taong sobrang nagpapalahaga kay Yuta.

Sama-sama ang mga 3-1 na pumunta sa Principal's office.

Kaso pagpunta namin dun, natigilan kaming lahat.

Nanlaki ang mga mata ko.

Nakita ko si Kuya Seichiro na nakaluhod sa harapan ng principal namin at nakatungo ang ulo.

"Kaya kong i-sacrifice ang posisyon ko bilang Vice President ng Student Council, pati ang pagiging Valedictorian ko sa darating na graduation, tanggalin n'yo lang po ang suspension ng kapatid ko."

Garalgal ang boses ni Kuya Seichiro. Umiiyak siya.

Walang anu-ano, naramdaman ko na lang ang mainit na patak ng mga luha na umaagos mula sa mga mata ko.

I-ito ba 'yung sinabi niya sa'kin kaninang umaga na 'siya na ang bahala?'

*****

Kinabukasan, sinamahan ko si Kuya Seichiro sa Principal's Office. Nasa waiting area kami kasi mukhang mamaya pa siya kakausapin ng principal namin. Sa totoo lang, ayoko rin naman 'yung gustong gawin ni Kuya pero mukhang hindi na magbabago ang desisyon niya at mukhang papayag nga 'yung principal. Sinabi kasi n'ya kahapon na ngayon daw n'ya ibibigay ang final decision n'ya. Hindi umubra ang pagmamakaawa naming mga 3-1 na 'wag nang suspendihin si Yuta.

Ang rules ay rules daw kasi. Badtrip. Bakit kasi walang salitang kaakibat na 'consideration' sa rules-rules na 'yan? Hindi ba naging biktima lang din si Yuta? Kung sino man ang dapat ma-suspend, 'yung gumawa ng mga vandals na 'yun. Kaso hindi pa rin kami umubra sa principal kahit sinabi namin 'yon. Papayag lang daw s'ya kung mahahanap namin kung sino ang gumawa. E takte, wala ngang nakakaalam kung sino 'yun e! In short, ayaw n'ya lang talaga.

Hindi ko tuloy alam kung may personal grudges s'ya kay Yuta kaya s'ya ganu'n ka-inconsiderate. Parang gustung-gusto n'yang pinapahirapan ang mga estudyante. Tapos parang na-flattered pa nga siya nu'ng nakiusap si Kuya sa harapan niya. Nakakabwiset. Kung hindi lang masamang i-wish na sana nawala na lang siya sa earth e kahapon ko pa ginawa.

"Kuya Seichiro," tawag ko sa kan'ya. Nilingon niya naman ako. "A-alam na ba ni Yuta n-na.."

"Pag-uwi ko sa bahay, naka-lock na ang kwarto n'ya e. Kaya hindi ko na nagawang sabihin sa kan'ya. "

"E 'yung mama mo pati 'yung kapatid n'yong bunso?"

"Haha. Ayun, nagalit."

"Kuya.."

"Oh?"

"Di ba pangarap mo ang pagiging Valedictorian? Pa'no na 'yun?" malungkot kong tanong sa kan'ya. Napangiti lang siya nang pilit.

"Hindi na 'yun mahalaga. Ga-graduate pa rin naman ako e. Kaya okay lang. Saka, feeling ko rin na..hindi talaga para sa'kin ang posisyon na 'yon."

"Hindi a. Deserve mo kaya 'yun. Saka 'pag binitawan mo ang pagiging Valedictorian, hindi naman ibig sabihin nu'n na magiging Salutatorian ka, Kuya. E di—"

"Alam ko," sagot niya. "Ayos lang 'yun. Ang importante, mapapayag ko ang principal natin. Sa ngayon, ito lang ang kaya kong gawin para kay Yuta."

"Kuya Seichiro naman eeee." Hindi ko mapigilang di umiyak. Lalo kong nararamdaman ang pagiging useless ko. Wala akong magawa.

"Wuy, 'wag ka ngang umiyak d'yan. Haha. Ikaw talaga o," sabi ni Kuya sabay pahid ng mga luha ko tapos ginulo n'ya ang buhok ko at ngumiti—'yung usual n'yang ngiti na cool, calm and collected na akala mo walang nangyari.

"P-pero—"

"Okay lang ako. Mas nag-aalala nga 'ko para kay Yuta," sabi n'ya tapos tumingin s'ya sa kawalan. Magsasalita na sana ko nang biglang pumasok sa office si Kuya Natsume at mukhang galit na galit. Bigla n'yang kinuwelyuhan si Kuya Seichiro at kinorder sa may gilid.

"HOY, SEICHIRO!! ANONG IBIG SABIHIN NITO, HA??"

Kumunot ang noo ni Kuya. Pati ako naguluhan. Anong problema nitong si Mr. President??

"Sa tingin mo ba matutuwa ako kung magiging valedictorian ako nang dahil sa'yo? Are you looking down on me?? Kilala mo ko! Alam mong hindi ako papayag d'yan sa gusto mo!! "

Inalis ni Kuya ang kamay ni Mr. President na nakakwelyo sa kan'ya at ngumiti s'ya nang pilit. "Natsume, I am not looking down on you. Napagdesisyunan ko 'to dahil gusto kong matanggal ang suspension ng kapat—"

"Hindi ako papayag sa gusto mo, Kuya."

Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Si Yuta 'yun, naka-civilian siya na damit at hinihingal. Mukhang tumakbo s'ya papunta rito. Magkasalubong ang dalawang kilay niya at mukhang galit—pero hindi katulad ng galit na ipinakita n'ya kahapon, iba 'yun. Ibang-iba.

Napatayo ako sa kinauupuan ko.

"Yuta."

S'ya naman ang lumapit kay Kuya Seichiro.

"S-sa tingin mo ba.." Nagulat ako nang itaas n'ya ang kamao n'ya at akmang susuntukin n'ya si Kuya Seichiro. Aawat sana si Kuya Natsume pero mukhang hindi naman balak ituloy ni Yuta. Ang mas ikinagulat ko pa, biglang nangilid ang mga luha sa mata ni Yuta habang nanginginig s'ya sa galit.

"Sa tingin mo ba, matutuwa ako sa gagawin mo, ha? Sa tingin mo ba magpapasalamat ako sa'yo kung mawawala ang suspension ko..kasabay ng pangarap mo, Kuya?? Sa tingin mo ba, gugustuhin ko pang pumasok kung alam ko naman na DAHIL SA'KIN..d-dahil sa'kin, hindi ka makakaakyat ng stage para i-deliver ang speech mo?? "

"Yuta, a—"

"Hindi ko hahayaan na ikaw ang sumalo ng ginawa ko, tandaan mo 'yan!" matigas ang pagkakasabi ni Yuta nu'n. Tuluyan nang bumagsak ang mga kanina pa namumuong luha sa gilid ng mga mata n'ya na kasabay ng pagbaba n'ya ng kan'yang kamao.

At sa unang pagkakataon, nakita kong umiyak si Yuta. Hindi lang sa harap ko, kundi sa ibang tao.

"Anong gusto mong gawin ko, ha? Magpanggap na okay sa mga nangyari?? Yuta, kuya mo ko. Sa tingin mo ba hahayaan na lang kitang masuspinde nang wala akong ginagawa??" Nangingilid na rin ang mga luha sa mata ni Kuya Seichiro.

Lalo lang akong naging bato sa kinatatayuan ko. Ang bigat sa pakiramdam. Nahihirapan akong huminga. Wala na kong ibang ginawa kundi umiyak—umiyak at manalangin na sana maging okay na ang lahat.

"Sa tingin mo ba..makakaya kong umakyat sa stage at kunin ang pinakamataas na karangalan kahit alam kong maho-hold back ka ng isang taon, ha?? Sana maisip mo man lang Yuta na 'yung problema mo, hindi problema mo lang."

"Hind—"

"BAKIT KASI LAGI MONG INIISIP NA PABIGAT KA LANG? BAKIT LAGI MONG INIISIP NA MAG-ISA KA LANG?? Sana maisip mo na may pamilya ka pa. E ano kung hindi tayo magkadugo? 'Yun ba ang sukatan para matawag na pamilya ang isang pamilya??"

Nagulat ako kay Kuya. Ngayon ko lang s'ya nakitang gan'to kung magtaas ng boses. Natahimik lang si Yuta. Umiiyak pa rin s'ya. Gusto ko sanang lumapit sa kan'ya pero hindi ko magawa.

Walang anu-ano, biglang lumabas ang principal sa office n'ya. "Tama na ang kadramahang 'yan. Ibibigay ko na ang huling desisyon ko," iritableng sabi ng principal na nakapamulsa pa ang dalawang kamay. Biglang napunta sa kan'ya ang atensyon ng lahat.

Lord, pwede po bang bigyan n'yo ng puso ang principal namin? Hindi po ba pwedeng tanggalin n'ya ang suspension ni Yuta nang walang sinasakripisyo?

"At ang desisyon ko ay..."

"SANDALI LANG."

Lahat kami nagtaka kung sino ang nagsalita. Imposibleng isa sa'min yun. Iba ang boses e. Malalim. Pang matanda. Hindi naman 'yun ang boses ng principal namin. Iba eh.

Napalingon ako sa may pintuan. Nakaawang iyon. Natakot ako nang biglang tuluyan itong bumukas. Akala ko kapre, 'yun pala tao. Isang malaki at may katandaang lalaki ang pumasok mula sa pintuan. May dala s'yang malaking bagahe at maleta. Hinihingal siya at nagpapawis. Tumakbo rin ba siya papunta rito?

T-teka, sino ba s'ya?

"Sino po ba kayo?" naiirita pero magalang pa rin na tanong ng principal namin.

Tumingin ako kay Kuya Seichiro at Yuta. Parehong nanlaki ang mga mata nila. Binalik ko tuloy ang tingin ko du'n sa matandang lalaki sa may pintuan.

"Ako ang ama nila Yuta at Seichiro."

[Chapter Thirty]

Yuta

"Wah! Ang cool mo talaga, Daddy! Ang galing-galing mo!" masayang sabi ni Mika habang todo yakap siya sa good for nothing kong ama na pagkatapos ng limang taon e nagbalik upang gumawa ng eksena at maging hero ng storyang ito.

Oo, sa kasamaang palad, hindi lang pala s'ya nakilala ng principal dahil limang taon s'yang nawala. Magkaibigan pala sila nu'ng college sila at isa pala ang damuhong 'yun sa pinakamalaki kung mag-contribute sa paaralan namin. At sa tulong ng konting bolahan at kumustahan, nawala ang suspension ko at hindi na kailangan ni Kuya Seichiro na magsakrispisyo. Laking gulat ko nga na kasama pala namin sa loob ng Principal's Office 'yung power-tripper na SSG President e. Parang hindi ko siya napansin na pumasok. Pero mas ikinagulat ko na mukhang masaya rin siya sa naging resulta.

Bakas sa mukha ni Kanna ang pagkagulat pero nakita ko sa mata niya na nakahinga na siya nang maluwag dahil naresolba na ang problema. Pinauwi ko na lang s'ya pagkatapos ng usapan ng dalawang matandang 'yun. Isa pa, may problema pa kong kailangang harapin, at 'yun ay ang presensya ng hudas kong tatay.

Kasalukuyan akong nakahalukipkip, magkasalubong ang kilay at pagalit na nakatingin lang sa bintana ng kotse. Katabi ko si Kuya Seichiro at nagmamaneho naman ang demonyong 'yun sa harap, katabi si Mika na tuwang-tuwa. Napatingin ako kay Kuya, tahimik lang rin s'ya at nakatingin sa kabilang bintana, tila may malalim na iniisip.

"Dad, alam mo, sooobrang na-miss kita! Ang tagal mong nawala!"

"Sorry, anak. Marami lang inaasikaso ang daddy mo."

Anak.

Badtrip. 'Yan ang salitang ayokong marinig ngayon. Masakit sa tenga. Masakit sa puso.

Pagkalipas ng ilang minutong pagtitiis sa loob ng kotseng 'yun, sa wakas nakarating din kami sa bahay. Nagmadali akong pumasok sa kwarto ko. Wala akong pakelam sa kanila. Magpaparty man sila dahil sa pagdating n'ya, wala akong pakelam. Wala.

Hindi ko pa rin s'ya matatanggap, kahit kelan. Kahit s'ya pa ang dahilan ng pagkawala ng suspension ko. Anong akala n'ya sa'kin, magpapasalamat dahil sa ginawa n'ya? Hah! Hindi ganu'n kadaling limutin ang nakaraan. Hindi ganu'n kadaling magpatawad. In the first place, wala naman akong narinig na apology mula sa kan'ya.

Maya-maya, nakarinig ako ng katok sa pinto ko.

"Sino 'yan?" tanong ko. Nakahiga pa rin ako sa kama. Wala akong balak na buksan ang pintuan.

"Ako 'to." Boses 'yun ni Kuya Seichiro.

"Bakit?"

"Hindi mo man lang ba—"

"Wala akong balak."

"Yuta."

"Gusto kong mapag-isa," cold kong sabi sa kan'ya.

Pagkatapos nang ilang segundo, nakarinig ako ng mga yabag palayo sa kwarto ko. Buti naman at nauunawaan ako ni Kuya Seichiro. 'Pag naalala ko kasi ang ginawa ng hayup na 'yun sa'min, sa'min ni Mama, hindi ko mapigilang hindi magalit. Gusto ko s'yang magsisi. Gusto ko s'yang saktan. Gustung-gusto ko s'yang suntukin at magdusa sa sakit. Gust—

Nakarinig na naman ako ng mga marahang katok sa pinto ko.

"Ano ba? Hindi ka ba makaintindi?? Ang sabi ko gusto kong mapag-is—"

"Yuta. Ako 'to." Napaupo ako sa kama ko. Siya ang nagsalita, 'yung walang kwenta kong ama.

Nanahimik lang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Or should I say, hindi ko alam kung pa'no ko magsisimula? Ang alam ko lang, naghahari ang galit sa'kin. Napakuyom ako ng palad.

"Buksan mo ang pinto. Mag-usap tayo," mahinahon n'yang sabi.

"Bakit, may dapat ba tayong pag-usapan??" Hindi ko na napigilang magtaas ng boses.

"Yuta, buksan mo ang pin—"

"HINDI KITA KILALA. UMALIS KA NA."

"Yuta." Kumakatok pa rin siya sa pintuan. Badtrip. Ano pa bang gusto niya?

"Simula nang mamatay si Mama, itinuring ko na ang sarili kong ulila. Hindi ko kailangan ng is—"

"Bigyan mo ko ng chance na ipaliwanag ang sa—"

"Chance?? Si Mama ba binigyan mo ng chance?" Napatayo na ko mula sa pagkakaupo ko at humarap sa may pintuan. Hindi ko mapanlabanan ang galit sa puso ko at ang luhang nangingilid sa mga mata ko. "Nu'ng mga panahong kailangan ka n'ya, nasaan ka?? Alam mo ba..bago s'ya magpakamatay, ang tanging hiling n'ya lang e makita ka? Alam mo ba kung ga'no kasakit sa'kin 'yun, ha?? Na kahit ako ang laging nasa tabi ni Mama, ikaw pa rin ang gusto n'yang makasama! Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit mahal na mahal niya ang isang walang kwentang tulad mo na walang ibang ginawa kundi iwan at saktan siya!! Ni hindi ka man lang nga dumating sa libing n'ya e, tapos—"

"Hindi ko ginus—"

"Kundi dahil sa'yo, sana buhay pa s'ya ngayon! IKAW ANG PUMATAY SA KAN'YA!! Tapos ang kapal ng mukha mong bumalik pa?? Pagkatapos ng lahat-lahat??"

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. May extrang susi pala siya. Takte. Sige, ayos lang. Para 'pag gusto kitang masuntok, nakaharap na ang mukha mo.

"Yuta, anak, hind—"

"WAG NA WAG MO KONG MATAWAG-TAWAG NA 'ANAK'!!"

Napa-atras ako nu'ng lumapit s'ya sa'kin.

"Alam mo bang ilang beses ko nang hiniling sa Diyos na sana..sana hindi na lang ikaw ang tatay ko?? Kasi kinakahiya kita!! Matagal ko nang gustong sabihin sa'yo nang harap-harapan na WALA KANG KWENTANG AMA!! GALIT AKO SA'YO! Galit na galit! Kung meron ka ng pamilya, bakit mo pa pinaasa ang mama ko, ha?? BAKIT?! Sa tingin mo ba masayang maging anak sa labas?? KUNDI DAHIL SA'YO, HINDI NAMAN MANGYAYARI ANG LAHAT NG 'TO E!!"

"Oo, inaamin ko na..kasalanan ko nga ang lahat, ngunit gusto kong malaman mo na minahal ko ang mama mo. Alam n'ya 'yon."

"Hah! 'Minahal'?? 'Wag mo kong patawanin!"

"Alam kong sa lahat ng nagawa ko, sa inyo ng mama mo, pati sa pamilyang iniwan ko, alam kong hindi n'yo ko mapapatawad. Inaamin ko na malaki ang naging pagkukulang ko sa lahat. Iniwasan ko ang pagbalik dito sa Pinas dahil wala akong mukhang maiharap sa inyo. Sabihin na na'ting..nagmukha akong pera at ang pagyaman ang naisip kong solusyon para maayos ang lahat..ngunit hindi pala. Alam kong galit din sa'kin ang panganay kong si Seichiro at ang nanay n'ya na inabandona ko rin. Alam ko na..hindi ko kayang tanggalin ang galit sa mga puso n'yo.." Huminto s'ya bigla, garalgal na ang boses niya na parang maiiyak.

But that cannot deceive me.

"Pero..gusto kong malaman mo na pinagsisisihan ko ang lahat ng ginawa ko." Tuluyan nang tumulo ang mga luha n'ya. Pero hindi ako paloloko. Sa tingin n'ya ba madadaan n'ya ang lahat sa pagluha? Sa mga empty words n'ya? Hah! D'yan siya nagkakamali.

"Natuwa pa nga ako dahil nailabas mo na rin ang ilang taon na galit mo sa'kin e. I know that this is kinda impossible..pero..gusto ko sana, kung mamarapatin mo at ng lahat..I want us all to live happy.. and start a new life. Magsimula tayong muli..habang pinagsisisihan ko..ang lahat ng kasalanang nagawa ko sa inyo."

"Hah! Wag mo kong patawanin! Kung gusto mong magsimula ng panibagong buhay, 'wag mo na kong idamay!"

"Yuta, anak ko, bata ka pa, marahil hindi mo pa ako mapapatawad..pero kapag naging malaki ka na..mauunawaan mo rin ang papa. Patawad." Napaatras ako lalo nang lumuhod siya sa harap ko. And his tears were falling on the floor.

"Anak..patawad. Patawad sa lahat-lahat. Alam ko na..hindi madaling magpatawad sa isang walang kwentang amang tulad ko..pero tandaan mo sana, anak..na walang gabing hindi ko kayo inisip ng mama mo."

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Just because of those words, bakit umiiyak din ako?

Takte. Yuta, 'wag kang magpapaniwala sa sinasabi ng matandang 'yan!

"Walang gabing hindi ko pinagsisisihan ang mga kasalanan ko sa inyo. Hindi ko man naipaparamdam sa inyo, gusto kong malaman mo anak na..mahal na mahal kita..mahal na mahal ko kayo ng mama mo."

Nu'ng marinig ko ang mga salitang 'yon, parang may kakaiba kong naramdaman sa sarili ko. Umiiyak ako na parang tanga. Teka, bakit ba ako nagpapaapekto sa sinasabi n'ya? Bakit ba..parang gumaan ang pakiramdam ko nang sinabi n'yang mahal na mahal n'ya ko..kami ng mama ko?

Dahil ba..matagal ko nang hinihintay na marinig 'yon mula sa kan'ya?

"T-tumayo ka na nga dyan! Dinudumihan mo ang sahig ng kwarto ko!" pagalit kong sabi sabay punas ng mga luha ko. Parang wala s'yang narinig. Nakaluhod pa rin s'ya.

"Sinabi ng—! S-sinabi nang tumayo ka na d'yan eh, P-P-Papa.."

Nagulat ako sa sinabi ko..pero mas nagulat ako nang bigla n'ya 'kong niyakap. Biglang tumulo ulit ang mga luha ko. Ito ang unang beses na naramdaman ko ang yakap n'ya—'yung mahigpit na yakap ng isang tatay na mula nu'ng elementary, kinaiingitan ko na sa mga kaklase kong may mga tatay na yumayakap sa kanila.

"Ito ang unang beses na..tinawag mo kong 'Papa', di ba, anak?"

"Guni-guni mo lang 'yun," cold kong sabi sabay iwas ng tingin. Tumawa s'ya nang bahagya sa sinabi ko.

"Pwede bang makigulo?" Napatingin kaming dalawa sa may pintuan. Si Kuya Seichiro 'yun.

"Bakit, may kaguluhan ba rito?" nakangiti kong sabi sa kan'ya.

"Bakit, wala ba?" Napangiti rin siya.

Maya-maya, lumapit s'ya kay Papa at niyakap n'ya ito nang mahigpit.

"Seichiro, anak, I'm so proud of you. Sorry rin sa lahat ng pagkukulang ko sa'yo. Alam kong marami kang pinagdaanang hirap nang dahil sa'kin. Sana mapatawad mo rin ak—"

"Sapat na sa'king makitang an'dito ka at okay na kayo ni Yuta," kalmado niyang sabi tapos kumalas s'ya sa pagkakayakap kay papa at tumingin sa'kin. "Mas kailangan kasi ni Yuta ng kalinga ng isang ama kesa sa'kin eh," pabiro n'yang sabi.

"Woy, ayos ah! Imbento ka Kuya ah!!" sabi ko sabay kinulong ko ang leeg n'ya sa isang braso ko.

Natawa nang bahagya si Papa at siya namang pagdating ni Mika. "Waaah! Ang daya!! Bakit kayo lang ang nagsasaya d'yan?? Hmp. Sali rin ako!" sabi ni Mika habang nakanguso at patakbong lumapit sa'min. Nagulat ako nang akbayan kami pareho ni Papa. Kakaiba pala 'yung feeling. Masarap sa pakiramdam.

"Daddy naman e! Ba't sila lang??" nagmamaktol na sabi ni Mika.

"Beh, buti nga!!" asar ko habang pinaniningkitan siya ng mata.

"Weh, epal ka, Kuya Yuta ah!!" sabi n'ya tapos nagbelat rin s'ya sa'kin.

Tumawa naman sina Kuya Seichiro at Papa.

"Aba, bakit kayo lang ang masaya. Hindi ba ko kasama d'yan?" Si Tita 'yun. Pumasok rin siya sa loob ng kwarto ko at lumapit.

"Syempre, kasama ka rin..M-M-Mama."

Hindi lang si Tita ang nagulat sa sinabi ko, pati ako.

Is this for real? O 'yung tunay kong mama ang naggagabay sa'kin para sabihin ko ang mga ito?

Bigla akong niyakap ni Tita. Ngayon ko lang s'ya nakitang sobrang saya. Napatingin ako sa salamin na malaki na nasa gilid ng kwarto ko. Ngayon ko lang din nakita ang sarili ko, mula sa reflection ng salamin, na ganito kapanatag ang kalooban.

Ito ba 'yung matagal ng sinasabi sa'kin ni Kanna? Ito ba ang salitang pagpapatawad?

'Feeling ko, kaya s'ya darating ay para matanggal na ang gusot sa pamilya n'yo.'

Tama nga si Kanna.

Pagkatapos ng limang taon, ito ang unang beses na nakaramdaman ako nang ganitong kaginhawaan.

Bukas. Bukas na bukas din, magpapasalamat ako sa kan'ya.

She saved me more than anyone else. She saved me again.

At bukas, aaminin ko na sa kan'ya 'yung limang taon ko nang tinatagong sikretong matagal ko nang gustong sabihin sa kan'ya..

[Chapter Thirty One]

Kanna

"Bukas, after school, pwede bang sabay tayong umuwi? May sasabihin kasi ako."

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Yuta kanina nu'ng tumawag siya. Maliban sa pagpapasalamat sa'kin dahil sa kung di raw dahil sa'kin, hindi siya magkakalakas ng loob na sabihin ang lahat ng hinanakit niya sa papa niya at hindi raw magiging maayos ang gusot ng pamilya niya, na ikinatuwa at nakapagpakilig naman sa'kin, ay naku-curious talaga ko kung ano ang sasabihin niya sa'kin bukas. Pinilit ko s'yang sabihin na lang sa'kin sa telepono pero ayaw niya. Mas maganda raw 'pag personal. Ang arte! Ayan tuloy, hindi ako makatulog!

Humiga ulit ako sa kama ko at in-imagine si Yuta, nakikipagbatukan kina Kuya Seichiro at sa papa niya, nakikipag-asaran kay Mika at tumutulong sa mama niyang maghugas ng pinggan. Waah. Ang gaan ng pakiramdam ko. Masaya ko para kay Yuta. Sa wakas, nahanap na n'ya sa puso n'ya ang pagpapatawad. Malaya na ang puso niya sa galit. Nararamdaman niya na 'yung pakiramdam ng pagkakaroon ng pamilya na matagal niya nang pangarap.

*****

Kinabukasan, maaga akong pumasok. Oo na, ako na ang excited! Bago 'ko tuluyang makapasok sa loob ng classroom, napansin kong nasa labas si Yumi at mukhang malungkot siya. At mukha ring may hinihintay siya. Si Yuta kaya?

"Good morning!" bati ko sa kan'ya. Napatingin s'ya sa'kin. Napansin kong nag-aalangan s'yang sumagot. "Yumi, may problema ka ba?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tanungin siya.

"K-Kanna..pwede ba kitang makausap..?" Bakas pa rin sa mukha n'ya ang pag-aalangan.

"Oo naman," sabi ko sabay hawak ko sa kamay n'ya. Ngumiti ako sa kan'ya. "Pwede mo 'kong pagsabihan ng problema mo. Don't worry. Di ko ipagkakalat kahit kanino, kahit kay Yuta pa!" pabiro kong sabi. Buti at napangiti ko siya sa sinabi ko. Dahil maaga pa naman, pumunta kami sa Meteor Garden at naupo sa bench doon.

Ngumiti ulit ako sa kan'ya at hinintay ko s'yang magsalita. Na-realize ko na first time 'to mangyayari. Hindi naman kami close dati pero sa tingin ko, wala naman sigurong masama kung magiging kaibigan ko si Yumi. Isa pa, siya lang ata ang close ni Yuta na bihira kong makausap.

"Kanna, s-sa totoo lang nahihiya ako sa'yo. Kaso..w-wala kasi akong ibang alam na pa—"

"Ano ka ba, okay lang 'yun. Sabihin mo na sa'kin, malay mo makatulong ako sa'yo!" masigla at masaya kong sabi sa kan'ya. Mukhang naging at ease naman siya sa sinabi ko kaya huminga siya nang malalim at nagsimula nang magkwento.

"Tuwing makikita ko siya, parang nakikita ko ang sarili ko. Nararamdaman kong pareho kaming nakakaramdam ng kalungkutan. At hindi ko na namamalayan na napapalapit na pala ako sa kan'ya. Kahit alam kong galit siya palagi sa'kin, lagi ko pa rin s'yang pilit kinakausap. Gusto ko kasing makita 'yung napakaganda n'yang ngiti. Gusto ko ulit 'yung makita. Kaso..baka hindi ko na ulit makita ang mga ngiti n'yang 'yun."

Sinabi niya na nu'ng araw na napatawan ng suspension si Yuta, nakita raw siyang umiiyak sa may Balete ni Kuya Natsume tapos nagalit ito kasi umiiyak siya para kay Yuta samantalang pinangako pala ni Yumi na tuwing may problema si Mr. President, siya ang iiyak para sa kan'ya. Tinawag pa raw siyang sinungaling ni Kuya Natsume. Sinubukan niya pang magpaliwanag, na naging daan para malaman ni Mr. President na binalak ni Kuya Seichiro noon na magback-down sa position niya para lang alisin ang suspension ni Yuta. Tapos nu'ng paalis na siya, pinilit siyang hinabol ni Yumi pero sinabihan lang siya nito na 'wag ng kakausapin at lalapitan dahil kailanman, hindi siya nito tinuring maski kaibigan man lang. Na all this time, siya lang pala ang nag-iisip na magkaibigan sila. Nu'ng narinig niya 'yun mula sa kan'ya, bumuhos ang luha niya at sobrang kumirot ang puso niya, at sa unang pagkakataon, nagduda siya sa sarili n'yang nararamdaman.

Namumula ang mga mata niya habang kinukwento 'yon. "Alam ko sa sarili ko na mahal ko pa rin si Yuta, pero hindi ko alam kung bakit sobra akong nasasaktan 'pag naalala ko s'ya. G-gusto ko ulit siyang makita. Gusto ko ulit s'yang makausap kaso natatakot ako, baka kasi lalo lang s'yang magalit sa'kin."

"Yumi, alam mo, nakaka-relate ako sa'yo kasi naranasan ko na 'yan." Napatingin siya sa'kin at tila nagtaka siya sa sinabi ko. "Naguguluhan ka sa kung sino sa kanila ang mahal mo talaga, no?"

"W-wala naman akong gusto kay Mr. President no!" Nag-blush siya nang sabihin niya 'yon. Natawa tuloy ako nang bahagya.

"Natatakot ka at nag-aalinlangang mahalin si Kuya Natsume kasi iniisip mo na kung magmamahal ka ng iba, para mo na ring ibinetray ang feelings mo para kay Yuta at magiging mukhang kasinungalingan lahat ng inamin mo sa kan'ya," paliwanag ko. "Naranasan ko na 'yan noon. Kasi akala ko si Kuya Seichiro ang mahal ko. Nag-aalangan ako nu'n na aminin sa sarili ko na may gusto na pala ako kay Yuta kasi bukod sa magkapatid sila, bestfriend ko siya at hindi rin biro ang mga pinagsamahan namin.

"Para sa'kin, hindi naman mawawala ang nararamdaman mo kay Yuta 'pag nagmahal ka ng iba. Mababawasan lang. Kasi ako, inaamin ko kinikilig pa rin ako kay Kuya Seichiro at crush ko pa rin siya pero alam ko sa puso ko kung sino talaga ang mahal ko. Kaya..sa palagay ko ganu'n din 'yung sa'yo."

"S-sa tingin mo?" Nag-aalangan pa rin siya. Naguguluhan. Nagdadalawang-isip.

Tumango ako.

"K-kung gano'n, e di..p-pa'no ko.."

"Simple lang. Sabihin mo sa kan'ya na espesyal s'ya sa'yo. O kaya iparamdam mo. Malapit ng grumaduate si Kuya Natsume kaya kung ako sa'yo, sasabihin ko na, bago pa mahuli ang lahat. Although hindi kita masisisi kung ayaw mo pang aminin kasi kahit ako nahihirapan sa sitwasyon ko. Haha."

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Yumi. N-namamalikmata ba 'ko?

"Yumi?"

"Maraming salamat sa advice mo. Oo nga pala, gusto kong humingi ng tawad sa'yo, Kanna."

"Ha? Para san?"

"Kasi madalas, lalo na dati, naiinggit ako sa'yo."

"Ha? Bakit ka naman maiinggit sa'kin?"

"Basta. Malalaman mo rin."

"Ay, sorry rin pala, Yumi."

"Bakit?"

"Kasi naiinggit din pala ko sa'yo. Haha," amin ko. "Kasi..ang ganda-ganda mo. Ang hinhin-hinhin mo pa." Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin tapos tumingin siya sa mga mata ko at ngumiti. Buti tumigil na ang mga luha niya. Mas iyakin pa pala siya sa'kin. Ngayon ko lang napansin.

"Pareho pala tayong naiinggit sa isa't isa," sabi n'ya tapos natawa s'ya nang bahagya. Niyakap n'ya ko ulit. "Kanna, aminin mo na kay Yuta. 'Wag n'yo nang pahirapan ang mga sarili n'yo."

Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa'kin tapos nagpaalam na siya. Magsi-cr daw muna siya bago pumunta sa room. Napatingin ako sa relo. Malapit na palang magbell.

Habang papasok ako sa room, ang gaan ng pakiramdam ko at sobrang saya ko. Bukod kasi sa nadagdagan ako ng kaibigan, nakapagbigay pa 'ko ng advice. Tapos nagsabihan kami ni Yumi ng lihim namin. 'Yung insecurity ko sa sarili biglang nawala, kasi may part pala sa'kin na pwedeng kainggitan ng iba, although hindi ko nga lang alam kung ano 'yun. Haha.

Nung nakapasok na ko sa room, napansin kong may sulat na nakalagay sa desk ko. Hmm. Kanino kaya galing 'yun?

"Kanna! Ang tagal mo naman!" Si Nao 'yun, parang excited siya na ewan.

"Maaga pa naman a. Wala pang bell."

"Kahit na! Excited na kong mabasa kung ano 'yang sulat na 'yan! Dali!"

"Atat? Atat?" pabiro kong sabi sa kan'ya sabay upo sa pwesto ko.

"Oo na! Ako na atat! Ano, kanino galing? Anong sabi?"

Binuksan ko iyon at binasa ang nasa loob:

Dear Kanna,

Okay lang ba sa'yo kung magkita tayo sa Shakey Hut after class? Ngayon lang kasi ako nakapag-ipon ng lakas ng loob na kausapin ka nang personal. Please sana makapunta ka.

At sana, 'wag mong ipapaalam 'to sa kahit kanino. Nahihiya kasi ako.

Sana okay lang sa'yo.

Mr. Secret Admirer

Pagkabasa ko nu'n, biglang lumakas ang tibok ng puso ko at na-excite kasi akong malaman kung sino siya.

"Uy, anong sabi?"

"Galing kay Mr. SA," bulong ko sa kan'ya. "Quiet ka lang, Nao a."

"Oo naman! Maasahan mo ko! Ano na ngang sabi?" pabulong na tanong niya sa'kin.

"Magkita raw kami sa Shakey Hut. 'Yung sikat na pizza parlor."

Napatili si Nao sa sobrang kilig kaya agad kong tinakpan ang bibig niya.

"Sinabi ko na sa'yong wag kang maingay e." Tumango naman siya kaya tinanggal ko na ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya.

"Sorry naman. Masyado lang akong kinilig. Kelan?"

"After class," pabulong kong sagot.

"Waah. Text mo ka'gad sa'kin kung sino a!"

Tumango naman ako.

"Basta walang ibang makakaalam nito a. Ikaw lang sinabihan ko. Sabi kasi sa sulat, 'wag ko raw sabihin sa iba kaso di ko mapigilan na walang pagsabihan."

"Roger!" nakangiti n'yang sabi.

Nu'ng uwian, dali-dali akong umalis ng school. Sorry, sobrang excited lang. Haha. Sumakay ako ng tricycle papunta sa Shakey Hut. Malapit lang naman kasi 'yun sa Tala High School e.

Ite-text ko na lang mamaya si Yuta na bukas niya na lang sabihin kung ano man ang sasabihin niya sa'kin. Siguro naman makakapaghintay pa 'yung sasabihin n'ya, di ba? E si Mr. SA kasi baka ito lang ang araw na pwede n'ya 'kong kausapin kaya mas pinili kong pumunta sa Shakey Hut. Saka matagal ko na rin kasing gustong pumunta du'n. Sikat na sikat kasi ang pizza parlor na 'yun eh.

Pagpasok ko sa loob, luminga-linga ako. Nakakainis, ngayon ko lang na-realize na ang tanga ko talaga. Sa dami ng tao, pa'no ko malalaman kung sino sa kanila si Mr. SA?? Waaah.

Imbis na mainis pa ko lalo sa sarili ko, umupo na lang ako sa isang bakanteng spot du'n na may dalawahang seats.

Dubdub. Dubdub. Dubdub. Dubdub.

Kinakabahan talaga ako pero at the same time, excited din. Sino kaya talaga si Mr. SA? Nu'ng luminga ako, nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Napatayo pa ako sa kinauupuan ko.

"A-Ate Imadori??"

[Chapter Thirty Two]

Yuta

Pagkatapos kong tawagan si Kanna nu'ng gabing iyon, hindi ko maiwasang hindi kabahan. Sana..sana makapagtapat na talaga ako nang maayos sa kan'ya. Sana this time, hindi na 'ko panghinaan ng loob.

Maya-maya, may kumatok sa pinto. Nu'ng binuksan ko, si Papa pala, nakangiti at may dala s'yang champagne glass at wine, itinaas n'ya 'yun na parang inaalok n'ya 'kong uminom.

Ngumiti ako sabay sabing, "Underage pa po ako, Pa e."

"Ayos lang 'yan. Samahan mo muna ko. Wala kasi akong kasamang uminom e."

"Bakit, si Kuya Seichiro po ba nasaan?"

"Hindi ko alam e. Pero mukhang may pinuntahan."

"Sa gantong oras ng gabi?" Nakakapagtaka naman. Imposibleng gumala si Kuya Seichiro. Wala namang night life 'yun na katulad ng ibang kabataan ngayon e. Sa'n naman kaya siya pumunta?

Bakas sa mukha ni Papa ang pag-aalala kay Kuya kaya hindi ko na siya nahindian. Sa may veranda ng bahay ko siya sinamahang uminom. Kumuha ako ng juice sa baba. Ayoko kasing malasing. Special day pa naman bukas. Mamaya magalit pa sa'kin si Kanna 'pag nalaman n'yang uminom ako. Haha. Mahirap na.

"Sino nga pala ang kausap mo kanina sa phone mo, Anak?" natanong niya bigla.

Naisip ko na wala namang masama kung sasabihin ko sa kan'ya ang tungkol kay Kanna. Isa pa, ito ata ang unang beses na mag-uusap kami nang ganito.

"Aah..si Kanna po iyon," casual kong sagot sa kan'ya. Medyo nahihiya ako na ewan. Haha. Ang weird lang na si Kanna ang topic namin ni Papa. Sabagay. Hindi lang siguro ako sanay.

"Kanna? Girlfriend mo?" Namula ko nang sabihin n'ya 'yon. Haha. Para kong tanga. Gusto ko sanang sabihin na bukas siguro, girlfriend ko na po siya, kaso nahihiya akong sabihin 'yon kaya ito na lang ang sinabi ko, "Aah..h-hindi po. Bestfriend ko ho siya. Wala pa po akong girlfriend."

"Talaga? Sa edad mong 'yan? Gwapo ka naman, Anak a!"

"Ang totoo po kasi n'yan eh.." Sasabihin ko ba?

"Huhulaan ko..espesyal siya sa'yo, tama? Nakikita ko sa expression ng mukha mo e." Nakita kong bahagya s'yang tumawa. Napangiti ako at medyo nawala ang hiya ko sa kan'ya.

"Tama ho kayo."

"Alam n'ya na ba?"

"Ang alin po?"

"Ano pa ba e di..na gusto mo siya."

"Hindi pa po e."

"O..bakit hindi mo pa sinasabi?"

"E kasi po..hindi naman ganu'n kadali sabihin. Actually nga po, limang taon ko nang tinatago sa kan'ya ang nararamdaman ko."

"L-limang taon??" gulat na gulat n'yang tanong sa'kin.

"O-opo." Oo na, ako na ang dakilang torpe. Aminado naman ako du'n e! Haayst.

"Hmm. E hindi ka pala nagmana sa papa mo eh. Nu'ng kabataan ko, sandamakmak ang naging girlfriend ko. Aba e, kapag type ko ang babae, sinasabi ko agad! Kasi kung di mo sasabihin, paano n'ya malalaman? Malay mo mahal ka rin pala n'ya..kaso syempre..hinihintay n'yang ikaw ang magtapat."

"Wag kang mag-alala, Papa. Plano ko nang magtapat sa kan'ya bukas eh. Hindi ako papayag na hindi siya ang magiging first and last girlfriend ko."

"Haha! That's the spirit, Anak! True love talaga, ha? Haha. Nakita ko na ba 'yang babaeng mahal mo?"

"Opo. Kasama po natin s'ya sa Principal's Office nu'ng araw na dumating kayo."

"Aah..hindi ko na masyadong maalala ang mukha. Di bale, may chance pa naman na makita ko siya, di ba?" tanong niya saka nakipag-cheers sa'kin.

"Opo naman," sabi saka ko 'tungga ang juice na hawak ko pagkatapos naming mag-cheers.

"Ayos. 'Pag naging kayo na, sa'kin mo siya unang ipapakilala a. Gusto kong makausap at makilala ang babaeng mahal ng anak ko. Haha."

"Sige po." At nagcheers ulit kami. Lalo tuloy akong na-excite para bukas! Ano kayang sasabihin saken ni Kanna? Haay.

"Papa, nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." Napalingon kami sa nagsalita. Si Mika pala 'yun, pupungas-pungas at kinukusot-kusot ang kan'yang mga mata. Nakadamit na siya ng pantulog at mukhang naalimpungatan.

"O bakit Mika anak?"

"E kasi nu'ng nagising ako, wala ka na sa tabi ko," paliwanag nya habang nakasimangot. "Akala ko tuloy iniwan mo kami ulit." Tumawa nang malakas si Papa tapos lumapit siya kay Mika at kinarga ito.

"Hindi na ulit aalis ang papa. Wag kang mag-alala."

"Talaga, Papa?" Sa sobrang tuwa sa narinig, niyakap niya si Papa.

Maya-maya, nagulat ako nang bigla s'yang tumingin nang matalim sa'kin. "Si Kanna. Siya 'yung pinag-uusapan n'yo kanina ni Papa, no?"

"Ate Kanna," pagtatama ko sa kan'ya.

"E basta 'yun na 'yun," mataray n'yang sabi. "Papa, alam mo ba, 'yung Kanna na 'yun, siya ang babaeng gusto ni Kuya Seichiro." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mika. So totoo nga ang kutob ko? Nagkatinginan kami ni Papa.

"Pa'no mo naman nasabi, Anak?" usisa ni Papa sa kan'ya.

"Minsan, nakita ko si Kuya na may sinusulat na pangalan sa strap na binili niya. Nilagay niya ang pangalang 'Kanna' tapos nu'ng nahuli n'ya kong nakatingin, bigla n'yang tinago 'yun sa drawer ng study table n'ya tapos namula siya nang konti. Pinipilit ko nga s'yang sabihin sa'kin kung sino 'yun kaso ayaw n'yang sabihin. Kaya si Kuya Yuta na lang ang pinagtanungan ko." Tinapunan niya ulit ako ng tingin saka siya nagpatuloy sa pagsasalita. "Woh! 'Wag mong sabihing, may gusto ka rin sa Kannang 'yon kaya ayaw mo ring sabihin sa'kin kung sino siya??"

Bull's eye. Umiwas ako ng tingin. Hayst. Badtrip!

Biglang tumawa nang malakas at pang-asar si Mika. "Lagot ka, Kuya Yuta. Wahaha!"

"'Wag mo na nga kong asarin."

"Hala. Di ba, umalis si Kuya Seichiro ng bahay? Baka pumunta siya kina Kanna tapos in-ambush niya si Kanna tapos nagtanan sila tapos kinasal sila and they live happily ever after!"

"Imposible 'yun no! Mika, nasosobrahan ka na ng kakabasa ng mga fairytale books," sabi ko tapos nagbelat ako sa kan'ya.

"Wuuh. Ang sabihin mo, naasar ko kasi totoo namang mas gwapo si Kuya Seichi sa'yo! Bleh!"

"Mika, tama na 'yan. Wag mo nang asarin ang Kuya Yuta mo," awat ni Papa.

"Opo," masunurin n'yang sabi pero nakairap pa rin siya sa'kin. Badtrip naman 'tong bulinggit na 'to. Hayst. Kahit anong mangyari, magtatapat pa rin ako kay Kanna bukas. At hindi ko hahayaan na may humadlang sa plano ko.

*****

Kinabukasan, bandang tanghali, nag-text sa'kin si Kuya Seichiro na pupunta raw kami sa Principal's Office. Sinabi kasi ni Papa na gamitin ng principal ang PA system para i-broadcast sa buong school ngayong recess na hindi totoo ang mga vandals na nagkalat nu'ng nakaraan.

Pagkatapos naming samahan at i-guide ang principal sa kan'yang speech na rinig ng lahat, umalis na kami ni Kuya Seichiro at pumunta kami ng canteen. Hindi pa kasi kami kumakain. Siguro naman mauunawaan ng mga teachers namin kung bakit late kami papasok after recess, di ba?

Habang kasama ko si Kuya na kumakain, hindi ako mapakali. Ano ba? Itatanong ko ba? Tokwa talaga. Kinakabahan ako. Pa'no kung totoo nga ang sinabi ni Mika? Pa'no kung pumunta nga siya kina Kanna kagabi? Nakaka-paranoid naman kasi ang batang 'yun e. Kundi dahil sa kan'ya hindi ako magiging gan'to ngayong araw. Wala na kong inisip kundi 'yung worst case scenario.

E hindi ko naman matanong si Kanna. Bukod sa may klase kanina , hindi pa 'ko nakakapagtapat kaya mahaba-habang explanation pa ang iisipin ko kapag nagtanong siya pabalik ng bakit—bakit tinatanong ko siya kung pumunta ba si Kuya sa kanila at bakit lutang ako ngayong araw. Hayst.

"Yuta, may problema ba?" biglang tanong sa'kin ni Kuya tapos kumagat siya du'n sa sandwich na kinakain n'ya. Oo. Ikaw. Hayst.

"Aah. Kuya, pwede ko bang malaman kung s-sa'n ka pumunta kagabi? Nag-alala kasi sa'yo si Pa—"

"Aah 'yun ba? Sorry pero..hindi ko pwedeng sabihin sa'yo kung saan e." Umiwas siya ng tingin habang sinasabi 'yun. Tokwa, lalo tuloy akong hindi mapakali sa pagiging suspicious niya e!

"Confidential ba ang ginawa mo para hindi mo ma-share sa'kin?"

Natawa siya bigla sa sinabi ko. Halata bang desperado na 'kong malaman kung sa'n siya pumunta?

"Haha. Don't worry. Hindi ako pumunta kina Kanna no," nakangiti n'yang sabi tapos kumagat siya ulit sa sandwich niya. Nanlaki ang mga mata ko. Ganu'n na ba talaga ko ka-transparent para malaman niya ang nasa isip ko??

"P-pa'no mo—"

"Halata naman sa mukha mo." Nagtaka ko nang biglang nawala ang ngiti sa mukha n'ya at sumeryoso s'ya bigla. "Alam mo na pala. Siguro sinabi na sa'yo ni Mika." Tumango ako. Ngumiti siya tapos nagsalita ng, "Wala akong balak agawin sa'yo si Kanna. Simula nu'ng ibigay ko sa kan'ya ang strawberry strap, sinabi ko na sa sarili ko na susuportahan ko kayong dalawa."

"Kuya.." nag-aalala kong sabi.

"Don't misunderstand me. Hindi ko 'to sinasabi sa'yo dahil pinapaubaya ko s'ya sa'yo dahil nakababatang kapatid kita o dahil mas matagal mo na s'yang mahal. Sinasabi ko ito dahil alam ko na mas magiging masaya s'ya sa'yo. Pero kahit ganu'n, gusto kong tandaan mo na once na nalaman kong sinaktan mo si Kanna, hindi kita mapapatawad. Kung hanggang kapatid lang ang turing n'ya sa'kin, kaya kong ibigay ang pagmamahal at proteksyon ng isang kuya para sa kan'ya, Yuta."

"Makakaasa ka, Kuya," seryoso at sincere kong sagot sa kan'ya. "Teka, pa'no mo naman nalaman na kuya lang ang turing sa'yo ni Kanna?" bigla kong natanong.

"Simula pa lang nu'ng maging close kami, alam ko nang 'yung paghangang nararamdaman niya para sa'kin ay sa isang kuya lang. Kasi di ba, only child siya? No wonder she wants a big brother. Haha. 'Wag ka ng magtaka. Hindi ka n'ya kahit kelan pagkakamalang big brother n'ya no."

"Bakit naman?" Hindi ba 'ko Big Bro material?

"Sigurado ako na kung tatanungin mo siya, ang isasagot niya e para ka n'yang nakakababatang kapatid. Haha. 'Yan ay nu'ng hindi n'ya pa nare-realize na.."

"Na..?"

Napatingin siya bigla sa orasan niya. "Naku. Late na pala. Kanina pa nagsimula ang mga klase natin. Bumalik na tayo," sabi niya na halatang nagmamadali. Sumunod na lang ako sa kan'ya kahit ang totoo, nabitin ako sa usapan namin.

Nung uwian, nag-cr muna ko. Bukod sa kinakabahan ako, kailangan kong magpapogi nang konti. Para naman medyo presentable ang mukha ko 'pag nagtapat na 'ko kay Kanna mamaya.

Pagbalik ko ng room, nagtaka ko kasi hindi ko na siya makita.

"Tomo, nasa'n si Kanna?"

"Malay," sagot ni Tomo sa'kin.

"Ikaw, Miki, alam mo ba kung sa'n s'ya nagpunta?"

"Hindi e. Napansin ko lang na nagmamadali s'yang umalis nu'ng magbell. Baka may pupuntahan," sagot naman ni Miki.

"Haay. Sa'n naman kaya 'yun pumunta?" Nasabi ko naman sa kan'ya na after class ko siya kakausapin di ba?

"Hinahanap mo ba si Kanna, Yuta?" Si Nao yun, seatmate ni Kanna.

"Oo. Alam mo ba kung—"

"May date siya ngayon e. Kaya nagmamadali s'yang umalis."

"ANONG SABI MO? D-DATE?!!" Napalakas ang boses ko sa sobrang violent ng reaction ko. Sa lahat ata ng pwedeng mangyari 'yun ang pinaka hindi ko inaasahan.

"Wag mong sabihing hindi mo alam?" tanong ni Nao.

"Mukha bang alam ko??"

"Ay oo nga pala. Secret pala namin 'yun ni Kanna. Aw. Yare," sabi n'ya sabay takip sa bibig n'ya.

"Secret? Sino ang ka-date ni Kanna?" tanong ni Tomo.

"Oo nga. Sino 'yun?? Sabihin mo sa'kin!"

"Easy lang kayo, okay? Since nadulas na rin ang dila ko, wala na 'kong magagawa kundi sabihin ang nalalaman ko," sabi n'ya. "Ang ka-date niya lang naman ay si..Mr.SA."

"T-teka, ako 'yun e!"

"H-HA?!" gulat na reaksyon ni Tomo.

"Talaga? Ikaw 'yun?? E panu'ng—" tanong naman ni Miki.

"Aba malay ko kung pa'no nangyari 'yon!" sagot ko tapos bumaling ako kay Nao. "Alam mo ba kung sa'n sila magkikita?"

"Sa Shakey Hut daw." Pagkasabing pagkasabi niya nu'n, kinuha ko ang bag ko at nagmamadaling tumakbo papunta sa lugar na 'yun.

Leche. Sino kaya ang gumamit ng codename na Mr. SA?? Imposible namang si Yumi 'yun! Alam kong hindi n'ya ko tatraydorin! Teka, sino pa bang ibang tao na nakakaalam na ako at si Mr. SA ay iisa??

Bigla akong kinabahan.

Habang tumatakbo, biglang naalala ko ang sinabi ng Imadori na 'yun nu'ng JS Prom:

'Alam ko ang dalawang pinakatatago mong sikreto. Kung ayaw mong i-reveal ko 'yun sa 'bestfriend' mo, 'wag ka ng mag-inarte d'yan.'

BADTRIP! BADTRIP! BADTRIP!!

Nang makarating ako sa Shakey Hut, luminga-linga ako sa paligid. Hindi ko nakita ni anino man lang ni Kanna o ng demonyitang Imadori na 'yun. Bwiset! Sinasabi ko na nga ba hindi mapagkaka-tiwalaan ang Imadoring 'yun eh! Lalo pa kong kinabahan nang maalala kong buong-buo pa rin ang tiwala ni Kanna sa kan'ya. Argh!! Ba't ba nangyayari ang lahat ng 'to?? BAKIT NGAYON PA??

Sa'ng lupalop dinala ng babaeng 'yon si Kanna??

[Chapter Thirty Three]

Kanna

"Hi Kanna," bati sa'kin ni Ate Imadori habang kumakaway at lumalakad palapit sa'kin.

"O-oo nga pala, Ate Imadori!" Nag-bow ako sa harap n'ya at nagsalita ng, "S-sorry nga pala sa inasal ni Yuta nu'ng nakaraan. Pagpasensyahan mo na siya."

Iniangat ko na ang ulo ko nang mapansin kong tumawa siya nang bahagya. "Ano ka ba, wala sa'kin 'yun. Saka naayos na naman ang lahat, di ba? I'm glad na na-clear na ang misunderstanding about du'n," nakangiti n'yang sabi.

"Oo nga e. Kaso, hindi nalaman kung sino ang nagsulat ng mga vandals."

"Haay. Hayaan mo na 'yun. Ang importante, maayos na ang lahat."

"Sabagay, tama ka d'yan, Ate."

"Oo nga pala, ba't ka nandito?" bigla n'yang natanong sa'kin. Napansin ko na nakapang-alis na damit siya. Medyo maiksi ang damit niya at naka-make up siya ng mas makapal nang konti sa usual make up na ina-apply niya 'pag nasa school siya. Iniisip ko tuloy kung may date siya ngayon rito.

"Um..hinahanap ko kasi 'yung..si.." Ano ba 'yan? Pa'no ko ba ipapaliwanag na makikipagkita ko kay Mr. SA? E hindi naman kilala 'yun ni At—

"Si Mr. Secret Admirer, tama ba?" Nagulat ako kasi alam niya. Iniisip ko tuloy kung nabanggit ko 'to sa kan'ya minsan. Parang hindi naman. "Haha. Gusto mo sigurong itanong kung paano ko nalaman no?" tanong niya sa'kin. Tumango ako. "Nasabi ko na ba sa'yong kilala ko s'ya?"

"T-talaga? Kilala mo siya?" Parang naggi-glitter ang mga mata ko sa tuwa. At least hindi na 'ko mahihiya na i-meet si Mr. SA kasi may kasama na ko, si Ate Imadori, na kilala pala s'ya! Yes! Swerte!

Luminga-linga ako sa paligid. "Kung gano'n, nasa'n na siya?"

"Hindi raw sya makakapunta e," malungkot na sabi ni Ate Imadori.

"G-ganun ba? Hala. E di.." Nalungkot din ako. Excited pa naman akong makilala siya. "..di ko siya makikita at..makikilala. Sayang naman."

"Gusto mo s'yang makilala?

"Opo naman."

"Baka..magsisi ka."

"Kung saka-sakaling makikilala ko s'ya, wala akong pagsisisihan. Para sa akin kasi..isa s'yang mabuting tao. At gusto ko s'yang makilala at maging kaibigan. Sana. Haha."

"O sige, halika na. Pupunta tayo sa isang private place para mapagkwentuhan s'ya."

"Okay," masaya kong sabi.

Pagkababa namin ng taxi, na binayaran ni Ate Imadori, tinanong n'ya ko kung ayos lang daw ba na sa condo unit niya raw kami magkwentuhan. Agad naman akong pumayag. Nang makarating nakami sa condo niya, napa-wow ako. Ito kasi 'yung unang beses na papasok ako sa isang mamahaling condo unit. Sobrang ganda ng interior ng silid. Sa sobrang pagkamangha ko, parang nahihiya na tuloy akong pumasok sa loob.

"Halika pasok ka, Kanna. Haha. Wag ka nang mahiya. Sus. Ituring mo 'tong parang sarili mo," nakangiting sabi niya sa'kin.

"O-okay," sabi ko at tuluyan nang pumasok sa loob. Pinaupo niya ko sa kulay puti at mukhang mamahalin niyang sofa at inalok ako ng maiinom. Sabi ko kahit ano na lang. Tumango naman siya at pumunta siguro sa kusina. Nilibot ko ang aking mga mata. Ang sarap sigurong tumira rito.

Ilang minuto ang nakalipas, naglabas siya ng mga teacup at biskwit. Habang umiinom kami ng tsaa at kumakain, nagsimula na ang aming munting usapin tungkol kay Mr. SA.

"Ano, ready ka na bang makilala ang Mr. Secret Admirer mo?"

"Oo naman."

Humigop muna siya sa kan'yang tsaa tapos maya-maya, ngumiti siya sa'kin. "Tapatin mo ko, Kanna, may gusto ka sa bestfriend mong si Yuta, tama ba?" Muntik ko na s'yang mabugahan ng iniinom kong tsaa dahil sa tanong n'ya. Buti nalunok ko at nabilaukan lang ako sa pagkagulat. Grabe naman kasi 'tong si Ate Imadori! Bigla ba namang iyon ang itanong e!

"B-bakit naman nasama si Yuta sa usapan, Ate Imadori?"

Nagtaka ko nang ibaba niya ang tasang hawak niya at ngumisi sa'kin. "Simple lang, Kanna..dahil si Yuta lang naman..ang Mr. Secret Admirer mo."

"Ha?" Naguluhan ako sa sinabi ni Ate Imadori. Nu'ng nag-sink in na sa utak ko, natawa pa ko nang bahagya at umiling. "Haha. Imposible 'yun, Ate Imadori!"

"Seryoso ako. Si Yuta ang Mr. SA mo."

"A-ano? P-pa'nong.." Bigla kong naalala ang reaction ni Yuta nu'ng unang beses na nagparamdam sa'kin si Mr. SA. Tama! 'Yung sa blackboard! Galit s'ya nu'n at iritable! Halatang ayaw n'ya kay Mr. SA. "I-imposible talaga 'yun, Ate." Isang mapait at napipilitang ngiti ang binigay ko, pero at the same time, biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. "K-kasi nu'ng..s-sa blackboard a-at.."

Habang kinukumbinsi ko si Ate Imadori na imposible 'yun, pilit ko ring kinukumbinsi ang sarili ko. Nanlalambot ang tuhod ko. Imposible nga ba talagang si Yuta 'yun?

Ngumiti si Ate Imadori nu'ng tumingin ako sa kan'ya. "Bakit..nagulat ka ba? Hindi ka makapa-niwala na..niloko ka niya?"

"H-hinde..h-hindi totoo 'yan, Ate. Imposibleng—"

"Sabihin mo sa'kin 'yan after mong mapanood 'to." Pinindot niya ang remore ng flat screen TV sa sala. Bumukas ang TV at isang katotohanan ang tumbad sa aking harapan.

Magulo ang pagkakakuha ng video na 'yun, halatang kinunan lang gamit ang cellphone pero madaling makilala na si Yuta at Yumi 'yun. Habang si Yuta aynagmamasid sa labas ng classroom, si Yumi naman ang nagsusulat ng mensahe ni Mr. SA sa'kin sa blackboard. Pagkatapos ni Yumi magsulat, lumabas siya ng room at lumapit siya at nag-okay sign kay Yuta.

"Ito pa," dagdag ni Ate Imadori. Ibang footage naman' yun. Video din sa cellphone. Si Yuta ang nasa video, at nasa faculty room siya. May nilagay siya sa table ni Mrs. Oda.

"H-hinde.." 'Yun lang ang naging reaksyon ko. Tumulo na nang tuluyan ang kanina pa nangingilid sa mga mata ko. Ang iniwan niya sa table ay walang iba kundi ang pulang rosas na iniabot sa'kin ni Ma'am.

"At ito pa." Footage 'yun kung saan si Yumi naman ang look-out sa labas ng room at si Yuta ang mismong naglagay ng isang bouquet ng rosas at isang cute na teddy bear sa pwesto ko. Pagkatapos ng video, pinindot na ulit ni Ate Imadori ang remote para patayin ang TV.

"Don't get me wrong, Kanna. Hindi ko 'to pinapakita sa'yo para siraan sa'yo si Yuta. Ang akin lang, I want you to know the truth. Inaamin ko dati na I even sent persons to investigate on you. 'Yun 'yung mga panahon na sobrang galit ako sa'yo at naghahanap ako ng mga paraan para mangalap ng classified information para siraan ka. Incidentally, natuklasan din ng mga private investigators ko ang tungkol sa pinaggagawa ng bestfriend mo. When I first heard about it, hindi ako makapaniwala. Kasi isipin mo nga naman, bakit niya 'yun gagawin sa sarili n'yang bestfriend, di ba? Then I instructed them to listen closely to Yumi and Yuta's conversations. Sadly, hindi recorded but do you know what I found out?"

Tumingin ako kay Ate Imadori. May part sa'kin na ayaw ng maikinig sa iba pa niyang sasabihin pero at the same time, I also want to know why..why did Yuta do this to me? Ang sakit-sakit kasi. Sobra. 'Yung mga luha ko, ayaw nang huminto. Ito na ata ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. Feeling ko any moment, sasabog na ang puso ko sa sakit.

"It was just for fun."

"A-ano?"

"Hindi ka ba nagtataka..kung bakit..alam na alam ng Mr. SA mo kung ano ang mga bagay na makakapagpasaya sa'yo? Alam ni Yuta kung anong mga bagay ang makakapagpangiti sa'yo. Alam n'ya rin kung pa'no ka pagselosin. And he used those information to his own advantage. And he did all those cruel things para paglaruan lang ang damdamin mo, Kanna. Gusto n'yang makita ang reaksyon mo para maasar ka at mapagtawanan."

Biglang nagflashback sa'kin ang sinabi niya tungkol kay Mr. SA:

'Haha!! Ang mais tuhod naman ng Secret Admirer mo! Haha! Ang daming alam!'

'Tumigil na nga kayo! Ang iingay niyo! Magsibalik na nga kayo sa mga upuan niyo!!'

'Sus! Para binasa ko lang 'yung sulat, nagalit ka na. Para 'yan lang!'

'Binigyan ka lang ng bouquet ng red roses at stuff toy, gan'yan ka na ka-protective sa Mr. SA na 'yan!'

"Kanna, planado ang lahat. From day one, from the very first day that your secret admirer existed, plinano na nilang dalawa kung pa'no ilalayo sa kanila ang suspetsa mo. At kasabwat niya si Yumi para pagselosin ka."

Napangiti ako nang pilit sa sinabi niya habang umiiyak. Naalala ko ang saya ko kanina nu'ng nanghingi sa'kin ng advice si Yumi. Hindi pala siya totoo. Plastik pala siya.

"Alam mo ba kung bakit pumayag si Yumi na gamitin siya ni Yuta? Dahil may gusto siya kay Yuta kaya lahat gagawin niya para rito. How desperate, di ba? Haha!"

Naalala ko 'yung sinabi niya noon. Hayop. Kinongrats niya pa 'ko. 'Yun pala..'yun pala..

'Basta..kilala mo siya..kilalangikilala. Hintayin mo na lang na..s-siya ang magsabi sa'yo.'

"Lahat ng 'yun..kaplastikan n'ya lang. A-akala ko pa naman ang bait-bait n'ya..a-akala ko pa naman—" Bigla kong niyakap ni Ate Imadori.

"Sa tingin ko hindi. Siguro nagawa niya lang ang lahat ng 'yon dahil mahal niya si Yuta. Malay mo si Yuta lang din ang nag-utos sa kan'ya na gawin ang mga 'yon."

"H-hindi ako makapaniwala..pero..it all makes sense." Lahat tumutugma. How can I deny something and brand it as a lie kung alam ko sa sarili ko na totoo ang lahat ng 'yon? Na lahat ng sinasabi ni Ate Imadori, nagfi-fit perfectly sa lahat ng mga nangyari?

Yuta, bakit mo ko niloko? Bakit mo ko sinaktan? Akala ko pa naman.. Akala ko pa naman..

"Wala ka bang gagawing aksyon sa nalaman mo, Kanna? Sinaktan ka n'ya. 'Wag mong kalilimutan 'yon. At ginamit n'ya pa si Yumi—that poor girl who blindly follows his orders. Hindi ka ba nagagalit sa kan'ya, ha?"

I saw myself as I face the mirror. It's funny how I've been seeing myself, falling, breaking into pieces. Thousand of whys and thousand of lies. The unbearable pain stabbed me as it made its way inside my heart—and slowly, transforming itself into hate.

I cursed and cursed and cursed him. Then I burst into tears. I felt Ate Imadori's warmth as she embraced me tighter.

Anong karapatan n'ya para saktan ako nang gan'to? Dahil ba..dahil ba sa madali akong mauto? Dahil ba sa kilalang-kilala n'ya na 'ko? Dahil ba may gusto ko sa kan'ya?

Enough. This is already enough.

I will learn to forget. Itong bwisit na nararamdaman ko sa kan'ya, I will forget it.

These feelings for you that I've been meaning to say, I'm going to secretly lock it up, and throw its key to the darkest and farthest part of my heart.

Kasi mahal kita..pero all this time, niloloko mo lang pala ako. Mahal kita, pero sinaktan mo lang ako. At 'yun ang kahit kelan, hindi ko mapapatawad.

[Chapter Thirty Four]

Yuta

Dahil sa pagkabigo kong makita si Kanna, umuwi na lang ako. Haay. Hindi ako mapalagay. Kung 'yung bruhang Imadori na 'yun ang kasama n'ya, malamang may sasabihin o gagawin s'yang masama kay Kanna. Pero sana..sana lang talaga..kahit anong sabihin ng malditang 'yon, 'wag siyang maniniwala.

Nang bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig, napansin kong lumabas si Kuya sa pinto, sa may back door siya dumaan. Napatingin ako sa relo, alas-nuwebe pasado na. Di ko tuloy maiwasang hindi mag-alala lalo na nu'ng sabihin niya sa'kin nu'ng nakaraan na: 'Sorry pero..hindi ko pwedeng sabihin sa'yo kung saan e.' Haay. Kung sa'n man s'ya pumupunta, sana hindi naman sa lugar na hindi niya dapat puntahan.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko, agad kong tinawagan ang number ni Kanna, umaasang sasagutin n'ya iyon. Pero kahit ilang beses ko nang tinry, ayaw n'ya talagang sagutin. Hindi sana ko susuko kaso lumalamin na ang gabi at lumalalim na rin ang eyebags ko, kailangan ko ng matulog, kaya nag-text na lang ako sa kan'ya ng: Kanna, bakit hindi mo ko sinipot kanina? Please, magreply ka naman o. Mag-aalala na 'ko.

Pero nakatulog na ko't lahat-lahat, hindi man lang ako nakareceive ng reply mula sa kan'ya.

At nu'ng umaga, pagpasok ko ng school, nakita ko si Kanna na nakikipagtawanan kasama ang mga pinsan niya. Finally, nakahinga rin ako nang maluwag. Haay, buti naman at nagkamali lang ako ng akala. Haha. Napaka-worrywart ko na pala.

"Good morning!" masiglang bati ko sa kan'ya. "Bakit hindi mo ko hinintay kahapon?"

Nagulat ako nang tumingin s'ya sa'kin nang masama. Bakit kaya ganu'n ang naging reaksyon n'ya? Hindi kaya..

"K-Kanna, sandali! Magpapa—" Hindi ko na napagpatuloy ang sasabihin ko dahil lumakad na siya nang mabilis. Dinaanan lang ako na parang hangin. Bigla akong kinabahan. Bakit niya ko iniiwasan?

Nagkaroon ng mga bubuyog sa paligid, at ako at si Kanna ang pinag-uusapan nila. Lahat nagtatanong, ano ba raw ang ginawa ko para iwasan niya? Karamihan, nagkibit-balikat lang dahil hobby na nga naming mag-away. Parang routine na lang naming 'yun, conclusion nila.

Sana nga ganu'n lang kaso hindi ko maalis sa isipan ko ang posibilidad na nalaman niya na mula kay Imadori ang tungkol sa Mr. SA Plan kaya niya ko iniiwasan.

And thinking about that makes my head thump and sore like it's going to burst. I don't want to make a conclusion, I don't want to think that she will hate me for real; I can't even bear to imagine how can I survive without her smile, her laugh, her..everything.

Because I don't think I can be myself again, without her.

Nu'ng uwian, hinarang ko siya habang naglalakad siya palabas ng school.

"Pwede bang umalis ka sa dinaraanan ko?! Nakaharang ka eh!!" pagalit n'yang sigaw sa'kin.

"Hindi ako aalis hangga't hindi mo ko kinakausap. Ano bang sinabi sa'yo ng Imadoring 'yon at nagkakaganyan ka, ha?" Nagpanggap akong malakas sa harap niya, pero unti-unti na kong kinakain ng takot na namumuo sa isipan ko. Imbis na sagutin niya ang tanong ko, lumiko siya at nag-iba ng direksyon. Hahabulin ko sana siya kaso nawala na siya sa panigin ko.

Kinabukasan, inagahan ko ang pasok at hinantay ko siya sa entrance gate.

"Umalis ka nga sa dinaraanan ko!!" Kung ituring niya ko para kong may Leprosy, ayaw makita, ayaw lapitan, ayaw makahalubilo.

"Kanna, please, kausapin mo naman ako o." I sounded hopeless, pero 'yun naman talaga ang totoo. "Bakit ka naniwala na sinabi lang sa'yo ng Imadoring 'yon? Nagsisinungaling siya! Sa'kin ka maniwala, Kanna!"

"Hah! Nagsisinungaling? Baka ikaw ang nagsisinungaling!!"

"Oo nga, ako si Mr. Secret Admirer per—" Hindi ko na napagpatuloy ang pagpapaliwanag ko kasi ginamit niya lang pala ang opportunity na 'yun para makatakas sa'kin.

So I was right, after all. She hates me. A lot.

It was not supposed to be this way. It was not—argh. I just want to disappear. Really.

*****

"Ano ba kasing nangyari?" bungad ni Yumi. Mukhang talagang hinintay nilang wala pang tao sa room maliban sa'min bago nila ko kinausap nu'ng araw na 'yun.

"Teka, narinig ko kayong nagtatalo sa may gate kaninang umaga a. Nabanggit mo ang tungkol sa Mr. SA. 'Yun ba ang dahilan kung bakit galit sa'yo si Kanna?" tanong ni Tomo.

Tumango ako at umiwas ng tingin. Pucha. Eto na naman 'yung sakit. Bumalik na naman.

"Alam na niya. Pakiramdam ko si Imadori ang nagsabi sa kan'ya," sabi ko.

"E kasi ikaw naman ang may kasalanan e," sabi ni Miki habang nakapamaywang. "Bakit kasi nagsinungaling ka sa kan'ya? Saka, kahit ako, nu'ng narinig kong ikaw at si Mr. SA ay iisa, nainis din ako. Yuta, niloko mo siya e. Alam mo namang hindi mo na kailangang magpanggap pa na ibang tao. Haayst. Lalo mo lang pinalala ang sitwasyon dahil sa ginawa mo."

I wonder which is better: doing something to get her notice you without completely losing the friendship you two have or doing nothing and just remain friends forever?

Ginawa ko lang naman 'yun dahil gusto kong mapansin niya. Dahil natatakot akong mawala siya sa'kin. Hindi ko naman aakalain na aabot sa ganito ang lahat e. If I expected this might happen, e di sana, hindi ko na tinuloy, di ba? But it's too late. Too late. The damage has been done. And I don't know how am I going to fix this mess.

"Let me explain, Miki. A-ako ang may kasalanan kung bakit napilitan si Yut—"

"Yumi, hindi ako napilitang gawin 'yun. Pumayag ako sa plano mo," putol ko sa sinasabi ni Yumi.

"So plano mo, Yumi, ang lahat?" tanong ni Miki, hindi makapaniwala. "'Yung tungkol sa Mr. SA? T-teka, in the first place, bakit niyo ba ginawa ang planong 'yun?"

Bago pa magsalita si Yumi, biglang dumating na si Mr. Tan kaya agad na kaming nagbalikan sa kan'ya-kan'ya naming upuan. Naka-isanlibong buntong hininga ata ko sa klase. Hindi ako makapag-focus sa lessons kahit alam kong malapit na ang Final Exam.

I wish I wasn't so insecure about my brother. I wish I wasn't a coward. I wish I have said it to her sooner. I wish I didn't make her feel so bad. I wish I didn't broke her heart, her trust, and everything that we had. I wish I was strong enough. I wish she won't hate me. I wish she can give me a second chance and listen to me, or if not..I wish this never happened. I wish this is all but a nightmare.

Linsyak na buhay 'to—mababaliw na ata ako. I wish my mind could just shut up even just for a while. Nakakapagod mag-isip. Bakit ba kasi nagagawa kong mag-isip 'pag di ko kailangan pero hindi ko naman magawa 'pag kailangan ko? Pucha. Ang bobo ng utak ko. Kainis. Walang kwenta. Bad trip! Argh!

I was temporarily distracted from my toxic thoughts when I've receive a folded paper from Soushi. Napakunot ang noo ko sa kan'ya. Tinanong ko siya kung kanino galing 'yung papel, umaasang makikipagbati na sa'kin si Kanna pero na-disappoint ako nang ituro niya ang direksyon kung saan nakaupo 'yung magpinsan. Napabuntong hininga ko at tamad na tamad na binuksan at binasa ang sulat nila:

Yuta, since nangyari na 'yan, the best thing you can do is to say sorry. Kung hindi ka niya pakinggan, make a way. Kaya mo 'yan. Sabihin mo na sa kany'ang mahal mo s'ya. Siguro 'pag ginawa mo 'yun, instantly, mapapatawad ka ni Kanna.

P.S. Pipilitin din namin si Kanna na magsabi sa'min ng tungkol sa pinag-usapan nila ni Ate Imadori, pero wala 'yung kasiguraduhan, ha? Basta, good luck and do you best.

-Tomo & Miki

Di ko man inaasahan, napangiti ako sa sulat na 'yun. Alam kong mula umpisa pa lang, sila na 'yung laging tumutulong sa'kin para maipadama ko kay Kanna ang nararamdaman ko para sa kan'ya. This time, I hope, I could live up to their expectations.

*****

Habang naglalakad si Kanna sa labas ng school, luminga-linga siya sa paligid. Nakahinga siya nang maluwag nang mapansing wala ako. Ang hindi niya alam nagtatago lang ako sa may gilid. Nakasuot ako ng isang itim na jacket. Itinaas ko ang hood para hindi niya ko mamukhaan agad.

Dahan-dahan akong lumakad malapit sa kan'ya. Takte, kinakabahan ako. Gagana kaya 'tong plano ko? Sana naman!

Nu'ng nakalapit na ko sa kan'ya, bigla ko s'yang hinawakan sa may balikat at niyakap siya mula sa likuran. Nanlaban siya at sinubukan sumigaw pero tinakpan ko ang kan'yang bibig. Pumunta kami sa isang masikip na eskinita para walang ibang makapansin sa'min. 'Nak ng kamote—alam kong mukha na 'kong kidnapper pero pramis—iba 'to!

Pero bago ko pa man patunayan na hindi ako kidnapper, nagawa n'yang makawala sa pagkakahawak ko sa kan'ya nang kagatin niya ang kamay ko. Putek! Ang sakit! Pero buti na lang at naabutan ko siya at niyakap ko siya ulit nang mahigpit. This time, hindi ko na siya pakakawalan.

"Saklolo! Tulungan n'yo ko!!" sigaw niya kaya agad kong tinakpan ang bibig n'ya. "Mm! Mm!!"

"Kanna, 'wag kang maingay, ako 'to," I said softly on her ears. Tumahimik siya bigla at tila naging bato habang yakap ko siya patalikod. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kan'ya. "Kanna, nakikiusap ako, k-kausapin mo naman ako o." Syet. Di pa ko nakakalahati sa speech ko, tinatraydor na ko ng boses ko!

"M-mahal na mahal kita." Gusto kong maiyak. Putek! Ang hopeless ko na. Hindi dapat gan'to ang pinakahihintay kong pagtatapat sa kan'ya! "Sorry na. N-nagawa ko lang na..magpanggap na si Mr. Secret Admirer dahil sa..dahil sa..gusto kong maramdamam mo 'yon, Kanna. Please, maniwala ka sa'kin."

I thought this plan could work but the moment she shouted at me, telling me to stay away from her, I knew it won't. Pero sinubukan ko pa rin, baka sakali..baka sakaling..

"Kanna, please maniwala ka sa'kin..mahal na mahal kita!"

'Yung ilang taong paghihirap ko na masabi sa kan'ya ang mga salitang 'yon, parang nabalewala lahat. Kasi kahit paulit-ulit ko pang sabihin sa kan'ya kung ga'no ko siya kamahal at kung ga'no ko katagal pinangarap na aminin sa kan'yang mahal na mahal ko siya, walang magbabago.

Kasi hindi siya nakikinig. Ayaw niyang makinig. Wala siyang naririnig.

Because her heart and mind were so clouded by her hate.

"Ano bang gusto mong gawin ko para mapaniwalaan mo ko?? Sabihin mo!"

Bigla niya akong sinampal at dahil do'n, tuluyan na s'yang nakawala sa'kin.

"Gusto kong lumayo ka na sa'kin at wag na wag ka nang magpapakita kahit kailan!! Hindi kita mapapatawad! Kinamumuhian kita! Niloko mo lang ako! Niloko mo lang ako!!" umiiyak siya habang sumisigaw. Nakikita kong nagwawala ang boses niya kasabay ng kan'yang puso.

She's breaking. I'm broken. And I wonder why things must happen this way.

Pagkatapos ng ilang segundo, tumakbo na siya palayo, kasabay ng mga yabag niya ang tuluyang pagpatak ng mga luha ko. Ang sakit. Sobrang sakit. Wala na atang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon.

Gusto ko pa sana s'yang habulin. I-convince siya at makiusap sa kan'ya. Kaso..para sa'n pa? She have said enough. Enough to make realize that I was holding on to something that didn't exist anymore. It was enough to make me face the truth that no matter what I do or say, her decision won't change because she changed. People changes when they're hurt.

At sinaktan ko siya. It's all my fault.

Great. She gave up on me. Should I give up as well?

[Chapter Thirty Five]

Kanna

Mula school hanggang sa pag-uwi ko sa bahay, iyak ako nang iyak. I feel like I cried an ocean worth of tears. I feel like I'm drowning. Whenever the image of his face would flash in my head, I feel like I'm drowning.

At nasabi ko bang hindi ako marunong lumangoy?

"K-Kanna? Bakit, anong nangyari, Anak?"

Papasok na ko sa kwarto nang maulinigan ko ang boses ni Mama. Kaasar, napansin niya pala. Nilingon ko siya, nakatingin siya sa'kin, nakababa ang kan'yang mga kamay na tahimik na naggagantsilyo kanina. Ngumiti siya nang bahagya, na parang sa pag-obserba lang sa itsura ko sa mga oras na iyon, alam niya na ang nangyari. Pinaupo niya 'ko sa tabi niya at niyakap ako nang mahigpit. Naramdaman ko ang haplos ng malambot niyang kamay sa aking likod. At parang isang signal button, nagsimula na naman akong maluha at humikbi—pinipigil ko ang bunganga kong mag-ingay—kasi ayoko na siyang makisabay pa sa kanina pa nag-iingay kong isip.

Nagdaan ang humigit-kumulang tatlumpug minuto bago ako napagod umiyak at tuluyan nang kumalma. Inabutan ako ni Mama ng isang basong tubig at ininom ko 'yon nang straight—na parang isang lasenggerong uhaw ang lalamunan sa alak. Tumingin ako kay Mama at sa ekspresyon ng mukha niya alam ko nang hinihintay niya 'kong magsalita.

"Ma, ayoko nang magmahal." Parang may nakabara sa lalamunan ko. Hirap na hirap akong magsalita nang maayos. Parang basag. Parang paos. "A-ayoko na."

"Ano ba kasing nangyari, Kanna? Sabihin mo." Gusto kong umiling at magdahilang pagod na 'ko at gusto kong mapag-isa pero alam kong unfair 'yun kay Mama kaya wala akong ibang nagawa kundi ang ikwento ang lahat.

"Ayoko nang maniwala pa sa kan'ya dahil sa mga nalaman ko. T-tapos..tapos..sasabihin n'yang mahal n'ya ko?? Ang kapal-kapal niya!" I tried to fight back the tears but I've always been defeated.

"Kanna, makinig ka sa'kin." Napatingin ako kay Mama at pinunasan nang kaunti ang basa kong mga pisngi. "Hindi pa natin alam kung tama ba ang sinabi sa'yo ng sinasabi mong Ate Imadori mo. Hindi mo rin naman pinakinggan ang side ng bestfriend mo kaya malamang hindi rin natin masusuma total kung sino ang tama sa kanila—kung sino ang nagsasabi ng totoo sa kanilang dalawa." May tono man ng pag-aalala, nanatiling mahinahon ang boses ni Mama; parang tunog ng tubig-dagat na humahalik sa bunganinan. "Isa lang ang malinaw sa'kin ngayon, Anak, na tinanggap mo kaagad ang sinabi sa'yo bilang katotohanan at nagalit ka agad kay Yuta without even giving him a chance to explain his side. Iniwasan mo siya. And you have hurted his feelings."

Napaismid ako bigla. Hindi ako makapaniwalang si Yuta pa ang kinakampihan ni Mama kaya nangatwiran ako ng, "Pero nangyari ang lahat ng sinabi ni Ate Imadori. Tsaka 'yung iba, ako mismo ang nakapansin. Kung hindi dahil kay Ate Imadori, hindi ko malalaman ang dahilan kung bakit niya 'yun ginawa sa'kin. Kahit ikaw Ma, niloko niya. Remember nu'ng tinanong mo siya tungkol kay Mr. SA? Sinabi n'yang hindi n'ya 'yun kilala e siya pala 'yun. Saka siya mismo ang umamin na siya nga 'yon. E di ano pa ba? Di ba obvious—"

"'Yan ba ang sa tingin mong tama?"

Nakatingin sa mga mata ko si Mama na parang sinisiyasat sa kasuluk-sulukang parte ng mata ko ang hinahanap niyang kasagutan. Pero nanahimik lang ako at hindi nagsalita.

Sa tingin kong tama? Hindi ko alam. Hindi ko alam.

Ang alam ko lang sobrang sakit ng puso ko ngayon.

"Kanna, anong naramdaman mo nu'ng sinabi n'yang mahal ka n'ya?" Umiwas lang ako ng tingin sa karagdagang tanong ni Mama. Mas mahirap pa sagutin ang mga tanong niya kesa sa NCAE, promise.

"Kanna." Halatang gusto niyang may sabihin ako. Huminga ako nang malalim at yumuko, naghahanap ng mga salitang aakma sa narararamdaman ko kahit alam kong wala.

"S-sumikip ang dibdib ko na parang hindi ako makahinga tapos kumirot ang puso ko."

"I mean, natuwa ka ba o—"

"Nasaktan," mabilis kong sagot. Nakakainis. Umiiyak na naman ako. Ayoko na nang ganto.

"Kasi mahal mo siya, tama ba?"

Napatitig lang ako kay Mama. Patuloy na bumabagsak ang mga luha ko. Lumipas ang ilang segundo bago ko tuluyang tumango habang sumisinghot-singhot.

Dahan-dahan niya kong ikinulong sa mga braso niya at binigyan ako ng saglit na yakap at marahang pisil sa namumulang ilong. "Then the best thing for you to do is to prove to yourself that the decision that you've made is the right choice."

"Anong ibig—"

"You still hate him, right?" Tumango ako. Ngumisi siya nang malumanay. "Naniniwala ako na kung talagang mahal mo ang isang tao, hindi mo siya kayang kagalitan for the rest of your life. Kaya ang maia-advice ko lang sa'yo, Anak, pangatawanan mo ang desisyong napili mo. Hate him. Go ahead. Pero in the end, you will certainly arrive into a conclusion. Kung ano man 'yun, ikaw lang ang makakaalam."

Baon ang advice ni Mama, pumasok ako kinabukasan na parang walang nangyari. Ngunit pagpasok ko pa lang ng room, naramdaman kong bumigat ang hanging umiikot sa paligid. Napakunot ako ng noo nang mapansin kong nakatingin sa'kin ang lahat at ang mga kilay nila, either nakataas ang isa o kaya magkasalubong. Biglang nanuyo ang lalamunan ko at pinagpawisan ako nang malamig.

Tapos..nakarinig ako ng mga bulung-bulungan.

"Akala mo kung sinong maganda."

"Akala ko pa naman ang bait-bait niya..plastik!"

"An'dyan na pala ang atribidang babaeng 'yon."

"Nagbabait-baitan! Hmp!"

Nilibot ng mga mata ko sa apat na sulok ng silid. Bakit..parang..galit sa'kin ang lahat? Ano bang nangyayari?

Lumakas pa ang bulung-bulungan. 'Yung iba, sinasadya ng lakasan ang boses nila.

"Ang kapal talaga ang mukha niya!"

"Biruin mo nagawa nya 'yon kay Yuta??"

"Ang lande! Pati nga 'yung SSG Vice inaakit niya rin e! Kairita!!"

"Hmp. Mas okay pa at mas matatanggap ko pa kung si Yumi na lang ang mahal ni Yuta. Sheda, mukha pa lang niya—hayst! Nakakaimbyerna!"

Ang kapal talaga ni Yuta para magpakampi sa room!

"Nagkakamali ka ng inaakala, Kanna." Napatingin ako sa nagsalita, si Tomo 'yun. Whoa. Nabasa niya ang nasa isip ko? "Absent ngayon si Yuta..kaya imposibleng siya ang magkalat ng tungkol sa problema n'yong dalawa. Tsaka hindi n'ya naman ugali 'yun no. Ang alam lang namin ay may nakakita sa inyo kahapon at sinaktan mo raw si Yuta," dagdag niya.

"Obviously, magre-react talaga ang mga classmates natin," sabi naman ni Miki. "Alam mo namang more than 95% ng population ng room, kaibigan niya."

Napatungo na lang ako ng ulo.

Bakit ganu'n? Bakit feeling ko..ako na lang ang palaging masama?

Nu'ng magsimula ang klase nagsimulang mag-set off ang isip ko at lumipad sa kung saan-saan.

Mula ngayon..magbabago na ang lahat. Wala na kong bestfriend. Bawas na rin ang mga kaibi-gan ko. Nadagdagan pa ang haters ko. Haay.

Balik na naman ako sa pagiging mag-isa. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

'Kanna, please maniwala ka sa'kin..mahal na mahal kita!'

Kumirot na naman ang puso ko nang maalala ko ang tungkol do'n. Hindi ko alam kung pa'no ko paniniwalaan ang sinabi niya kasi masakit pa rin sa'kin ang ginawa n'yang pangloloko.

Pinagtiwalaan ko siya pero etong napala ko. Naloko. Nasaktan. Nagpakatanga.

Kung ganito lang din naman pala kasakit magmahal, hindi ba mas maganda kung sa simula pa lang e..'wag na lang?

[Chapter Thirty Six]

Imadori

"Kahapon po nabayaran na namin ang mga inutusan naming mga estudyante na mag-vandal nu'ng nakaraan. They gladly accepted the money," nakangising sabi sa'kin ni Ken, isa sa mga pinagkakatiwalaang private investigator ko na mula sa company ni Papa, habang nire-report niya sa'kin ang plantsadong pag-usad ng aking mga plano. "Sigurado po akong wala ni isa man sa kanila ang magsusumbong. Isa pa, medyo patay na rin ang issue sa kung sino ang mastermind ng mga vandals na 'yun."

"Very good." Sumandal ako sa upuan ko at napangiti. Kung 'yung plano kong gantihan si Kanna sa pamamagitan ng pag-aaway nila ng bestfriend niya dahil lang sa cheap na kwintas na 'yun ay nag-fail dahil sa pangingialam ni Seichi at ng isang pinsan ng malditang 'yon, sinigurado kong ang sumunod kong plano ay magtatagumpay.

Just look at what's happening between those two? I bet they wish everything is not true.

"Tapos nabayaran na rin po namin ang mga estudyanteng spy natin sa THS na binantayan maigi ang kilos nila Yuta at Yumi."

"They did a great job. Those videos that they took helped me alot in convincing that bitch." Hanggang ngayon, hindi ko makalimutan kung ga'no katanga ang Kannang 'yun para paniwalaan ang lahat ng sinabi ko. Just a few evidences and lies, nasa side ko na ka'gad s'ya.

Sana nga matagal ko na 'yun naisipang gawin e.

No, perhaps this is the right time? Kasi hindi ko naman maiisip gawin ang plano na 'yun kung hindi ko nalaman ang tungkol sa secret admirer thingy ng Yutang 'yon. Siya ang gumawa ng bagay na makasisira sa kan'ya. Well, the fact that he has been deceiving his bestfriend is something I did not distort, nilagyan ko lang ng konting palabok that'll make her hate him.

Kasi ang kakapal ng mukha nilang dalawa; they're laughing with senseless jokes, jerking around, spreading the universal disease called 'frivolity' everywhere they went, enjoying their carefree lives—while me? I am deprived of happiness. Sila ang kumuha ng kaligayan ko. If it wasn't for that stupid Kanna and his irritating bestfriend, hindi magkakagan'to ang buhay ko ngayon.

They don't deserve to be happy.

I do.

I am doing all this because I want fairness—because God is so unfair.

And I cannot tolerate that any longer.

"Siya nga pala, Miss Imadori.." putol ni Ken sa iniisip ko. I looked at him, waiting for what he has to say. "May nakarating pong report sa'kin na may isang suspicious na tao na ilang araw nang umaaligid-aligid sa mansyon ng mga magulang n'yo."

I raised an eyebrow at him. "Huh?" I mouthed.

"Nabanggit pa po sa'kin ng security guard na nagbabantay sa entrance gate ng mansyon na kinukulit daw siya nu'n na sabihin kung sa'n ang current address n'yo."

"Who the hell is that person??"

Damn. Sino kaya 'yun? Kinabahan ako bigla. I hope that person is not someone from Papa's underground organization. Baka hinahanap na nila 'ko dahil ilang buwan ko na ring hinihiram ang mga tauhan nila. Now that I've mention it, I never informed those monsters that I moved out and live in a condo somewhere they won't know where just to stay away from them. Because I hate living in that mansion. It was so big. Sa sobrang laki nu'n, lalo ko lang naiisip na nag-iisa lang ako. Wala akong ibang kasama kundi puro mga katulong. Geez. How could I stand living there?

"Hindi pa po namin ala—"

"Pwes, alamin n'yo! Gusto kong malaman kung sino 'yun! And I want to know it later this afternoon. Clear?"

"Yes, ma'am." He bowed, showing his respect. Aalis na sana siya nang may biglang kumatok sa pintuan. I blinked at him and he opened it. One of his subordinates whispered something on his ears. He nodded then he gawked at me. "Miss Imadori, may naghahanap daw po sa inyo."

"Who?"

"Yuta raw po ang pangalan. Nasa labas siya." Upon hearing that, agad kong hinawi ang venetian blinds at tumingin sa ibaba. Siya nga. May ngiting naglalaro sa aking labi. He went here sooner than I expected. "Sige, papasukin mo siya rito," utos ko.

"Masusunod po."

Ilang minuto ang lumipas nang makapasok si Yuta sa loob, inutusan ko sila Ken na iwan na kaming dalawa saka ako lumingon kay Yuta at ngumiti. Magkasalubong ang kilay niya. Halatang galit.

"Ano, nag-enjoy ka ba sa ginawa ko?" I asked in a teasing tone then I purposely laughed at him to add salt in the injury.

"Anong sinabi mo sa kan'ya, ha?! Alam mo bang—"

"Alam ko. 'Cause I planned it all," amin ko habang papalapit sa kan'ya. "Na-appreciate ko nga pala ang pagpunta mo sa condo ko. Ang totoo n'yan, hindi ko akalain na mahahanap mo ka'gad kung sa'n ako ngayon nakatira. At umabsent ka pa talaga para lang makaausap ako, ha? Hahaha!"

"Alam kong may iba ka pang sinabi kay Kanna! Imposibleng tungkol lang 'yun sa pagiging Mr. Secret Admirer ko!"

"Aah. Kasi galit na galit siya sa'yo at sinabi n'yang ayaw ka na n'yang makita kahit kelan in spite the fact na inulit-ulit mo pang sabihin na mahal na mahal mo s'ya, tama ba? Hahaha! Anong feeling??" I mocked him and in a serious face, I added, "Ngayon alam mo na kung ano ang naranasan ko nu'ng nagtapat ako kay Seichiro. Alam mo na kung ga'nu kasak—"

"Hindi kita maintindihan. Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng 'to ha??"

"Simple lang." I crossed my arms and twitched my eyes while glaring at him. "I want to destroy Kanna's happiness. Kung hindi mapupunta sa'kin si Seichiro, mas mabuti na ring hindi ko makitang maligaya ang babaeng 'yon. Because she stole my happiness. Kung wala siya, hindi sana mangyayari ang lahat ng misfortunes na ito sa'kin! If she didn't exist, ako sana ang mahal ni Seichiro! Hindi siya! That's why I can't forgive her! Never!!"

Tumalikod si Yuta. Aba, ang lakas ng loob niya para talikuran ako, ha??

"Aalis na ko."

"What??"

"Ito lang ang masasabi ko, Imadori," he paused for awhile and glared back at me. "Hindi ka papalayain ng galit mo. Lalamunin ka lang nito at sa huli, hindi mo rin makukuha ang gusto mo." At sinarado niya na ang pinto.

I closed my fist, never leaving my eyes on the door.

You don't have the right to tell me that, Yuta; dahil wala kang alam sa nararamdaman ko ngayon. Wala.

Maya-maya, may kumatok. I angrily shouted and ordered him to come in.

"Miss Imadori, nalaman na po namin kung sino ang suspicious na lalaki na naghahanap sa current address n'yo."

"Hindi ba 'yung bwiset na lalakeng kausap ko kanina 'yun?"

"Hindi eh. Ibang tao po."

"Then, who??"

"Seichiro Kauri po ang pangalan."

Nanlaki ang mga mata ako at natigilan. "S-Seichiro Kauri? Are you sure??"

"Yes, ma'am. Na-verify ko na po iyon sa CCTV sa guard house ng mansyon. Kung gusto n'yo po pwede kong—"

"No, thanks. You may leave."

Pagkatapos n'yang lumabas, umupo ako sa sofa. I tried calming myself but I couldn't breathe. I wonder why Seichi's looking for me. Dahil ba hindi na ko pumapasok sa school? Dahil ba alam niya nang ako ang may pakana ng mga vandal? O dahil sa alam na n'yang niloko ko na naman si Kanna?

Argh! Hind ko alam! Bakit? Bakit n'ya ko hinahanap??

[Chapter Thirty Seven]

Yumi

Ilang araw na 'kong di mapalagay. Gusto kong makita at makausap si Mr. President kaso tuwing maiisip ko 'yun, naaalala ko lang ang mga sinabi niya: 'Wag mo na 'kong kakausapin kahit kelan. I don't talk to strangers.' 'Kaibigan?? Hah! Right from the start, hindi kita tinuring na isang kaibigan. Don't be so full of yourself, idiot.'

Gumulong ako sa kama at hinigpitan ang pagkakayakap sa unan ko. Pilit kong ipinikit ang mga mata ko pero wala akong ibang nakikita sa isip ko kundi 'yung ngiti n'ya bago n'ya ko iwan nu'ng JS. 'Yung ngiting 'yon. Haay. Nakakainis.

Sa pagdilat ng mga mata ko, I came back to a sad realization that his graduation is approaching. And I won't be able to see him anymore.

Then, I remembered Kanna's words back then: 'Simple lang. Sabihin mo sa kan'ya na espesyal s'ya sa'yo. O kaya iparamdam mo. Malapit ng grumaduate si Kuya Natsume kaya kung ako sa'yo, sasabihin ko na, bago pa mahuli ang lahat.'

Bumuntong hininga ako. Na-inlove ako kay Yuta dahil naging napakabait n'ya sa'kin. 'Yung taong napakabait nga, nagawa akong i-reject e, paano pa kaya kapag sa taong masungit ako magtapat?

Teka, may gusto na ba talaga ko kay Pres Natsume?

Ewan. Hindi ko rin alam. Isa lang ang sigurado 'ko. Gusto ko na s'yang makita at makausap.

Oo, kahit siya ang pinakamasungit na nilalang na nakilala ko. Kahit wala s'yang ibang sinasabi kundi masasakit na salita. Gusto ko s'yang makita. Gustung-gusto.

Kinabukasan, pumasok ako nang maaga. Napagdesisyunan ko na kausapin siya. Last na 'to. 'Pag talagang wala, ayaw n'ya na talaga 'kong kausapin, susuko na ko. Madali lang naman sigurong mag-move on sa isang taong saglit mo lang nakilala, di ba?

Dumiretso ako sa SSGH.

"Bukas 'yan. Pasok." Boses ni Kuya Seichiro 'yun. I let out a sigh of disappointment. Pero binuksan ko pa rin ang pinto at pumasok sa loob. Nagbabakasakali na nandu'n siya.

"Umm...s-si—" Tumingin ako sa paligid habang sinusubukang kausapin siya. Positive. Wala nga si Kuya Natsume rito.

"Si?" tanong niya at saglit na ibinaba ang textbook na sa palagay ko, kanina pa niya binabasa.

"Si Mr. Presdident po ba..a-alam n'yo kung nasa'n?" nag-aalangan kong tanong.

Biglang napako ang atensyon ko sa isang makinang na bagay sa loob ng basurahan na malapit sa'kin. Na-curious tuloy ako. Ano kaya 'yun?

"Ah! Ikaw..posible bang ikaw si..Yumi?" nakangiting tanong ni Kuya Seichiro, ngayon nakatayo na siya at palapit sa'kin. T-teka. Pa'no niya ko nakilala? Dahil ba kay Yuta? Kay Kanna?

Bahagya akong tumango. Lalo siyang napangiti.

"Sabi na nga ba."

Napako na naman ang atensyon ko du'n sa makinang na bagay na 'yun. Nang matitigan kong maigi, napansin kong kulay sky blue siya at korteng..teardrop. Teka, pendant ata 'yung korteng teardrop. K-kuwintas? Bakit naman nasa bas—

"Nabanggit ka sa'kin minsan ni Natsume." Napatingin din siya sa kung sa'n ako nakatingin at—"Ah! Naku." Lumapit siya sa basurahan at kinuha ang kwintas. Pinagpagan niya ito at binigay sa'kin. Nagtaka naman ako.

"Bak—"

"Sira talaga 'yun. Sabi niya, ibibigay niya 'yan sa'yo nu'ng nakaraan e. Ewan ko ba dun. Nu'ng nakaraang Monday pa ata 'yun."

Monday? AH! 'Yun ang huling araw na nag-usap kami.

"Kinukwento n'ya pa nga na dahil sa'yo, nagkalakas siya ng loob na kausapin ang mga magulang niya. It ended well. Sa wakas, nagkaro'n na rin siya ng boses sa pamilya nila."

"T-talaga po?" Bigla akong napangiti at napatitig sa kwintas.

"Oo. At nakangiti siya habang kinukwento ang tungkol du'n. I also want to thank you personally. Hindi ko alam kung pa'no kayo naging magkaibigan pero masaya ko kasi okay na ang trato ng parents n'ya sa kan'ya. Maybe it all takes just one person to make him confident sa pagsasabi ng tunay n'yang nararamdaman. Thanks, Yumi."

"N-naku..wala naman akon—"

"You are the first girl I know na kayang i-tolerate ang pagiging masungit n'ya. I hope you can accept his thank you gift kahit hindi n'ya nabigay 'yan sa'yo personally."

A-ako?

"Ah..nga pala, that pendant..nabanggit n'ya sa'kin na nu'ng makita n'ya 'yan sa isang jewelry shop, ikaw agad ang naalala n'ya."

Napangiti ako nang maalala ko ang sinabi ko sa kan'ya dati: 'Kung hindi mo kayang umiyak sa mga panahong gusto mo dahil kailangan mong maging matatag, ako ang iiyak para sa'yo.' Bagay na bagay nga siguro sa'kin ang kwintas na ito.

"Sorry, ang dami kong sinabi." He laughed heartily. Somehow, even though we're just mere strangers, I felt warmed inside, conversing with him. I realized he's like Yuta. Magkapatid nga sila. "About your question earlier, siguro nandu'n s'ya sa favorite place n'ya."

Ngumiti ako at nagpasalamat sa kan'ya saka nagpaalam; at habang hawak-hawak ang kwintas, lumabas ako ng SSGH at tumakbo papunta sa lugar na 'iyon. Sa lugar kung sa'n una ko s'yang nakita.

Nakaupo sya't nakasandal sa puno. Ang mga mata n'ya, kahit nakatingin sa malayo, ay katulad pa rin ng dati, mapupungay at nangungusap. May bahagyang kalungkutan pa rin sa mga iyon.

I smiled. Looking at him at a distance has made my heart jump a little. Biglang tumulo ang mga luha ko. Ilang araw ko pa lang s'yang hindi nakakausap, feeling ko dantaon na ang lumipas.

"Ikaw ang sinungaling, Kuya Natsume," sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko. Napatingin s'ya sa'kin. Nagulat siya sa presensiya ko.

"Haaaa??" At ayan na naman ang kasungitan nya. Na-miss ko 'yun. Sobra.

"Sinungaling ka, a-ang sabi mo hindi mo ko tinuring na kaibigan kahit kelan? E ano ang ibig sabihin nito?" tanong ko sabay taas nu'ng kwintas. Nanlaki ang mga mata n'ya nang makita n'ya ito. Umiwas s'ya ng tingin. Magkasalubong pa rin ang kilay n'ya. As usual.

"Unfortunately, you're wrong. Hindi ako sinungaling." Tumayo siya at lumapit sa'kin. Nakaka-takot pa rin s'ya kung makatitig. Dahil sa paglapit n'ya, napaatras ako nang bahagya. Nagsimula akong kabahan.

"I never treated you as a friend. 'Cause for me.."

He paused while still staring at me. Sa sobrang lapit niya sa mukha ko, I could hear his breath under my skin. I looked away 'cause I can't stand his eyes, they're melting me.

"..you're more than that."

Upon hearing that, agad akong napatingin sa kan'ya.

"Geez," he muttered, rolling his eyes.

Pinag-isipan ko mabuti ang sinabi n'ya. Sorry slow ako.

More than that. More than that. That. Friend? More than a fr—

Blush.

Nanlaki ang mga mata ko. At dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko. A-anong sasabihin ko? Waah. H-hindi ko alam!

"Alam mo, napakatagal mag-process ng utak mo," panlalait n'ya, still, with his serious face.

"A-a-umm..aa.." Hindi ako mapalagay. Hindi rin ako makatingin nang diretso sa kan'ya.

Hindi ko pa 'to nararanasan dati kaya..kaya..hindi ko alam kung pa'no ko iha-handle ang ganitong sitwasyon. Hala! Baka naiinip na s'ya! Baka nagagalit na naman s'ya! Bak—

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang halikan n'ya ko sa noo tapos tumalikod na siya.

Blush. Waaah. Lalo lang akong kinabahan sa ginawa n'ya. Teka, bakit..bakit n'ya 'yun ginawa?

"Forget it."

H-h-how am I supposed to forget that??

"Nakalimutan kong may mahal ka na pala."

Nagsimula na s'yang maglakad palayo. Teka..teka..hinde..hinde..a-ano..

Hinabol ko siya at humawak ako sa manggas ng uniform n'ya. Nakahinga ako nang maluwag nu'ng huminto s'yang maglakad. Nilingon n'ya ko. Mukhang na-badtrip s'ya sa ginawa ko. Umiwas ako ng tingin at tumingin na lang ako sa damuhan.

"Ano ba??" Pagalit ang boses n'ya. "Sinabi ko na ngang—"

"Sorry!" napapikit ako sa sinabi ko.

"Kaya nga sinabi ko nang kalimutan mo na di b—"

"Sorry k-kasi..s-sa tingin ko..m-mahal na rin kita, Kuya N-Natsume." Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko at tumingin sa mga mata n'ya.

Nagulat ata siya sa sinabi ko. Hala, nagalit pa yata s'ya. Naku naman. Anong gagawin ko? Ano?

Teka, baka naguluhan lang s'ya sa sinabi ko. Tama, lilinawin ko na lang.

"A-ang ibig kong sabihin ay..m-ma—"

"Narinig ko, hindi ako bingi," mabilis n'yang sabi. "Hindi ako slowpoke na gaya mo no."

Muntik akong mapatalon sa pagkabigla nang hawakan niya ang mga kamay ko. Nagtama ang aming paningin at lalo akong namula.

Ang init at laki ng kamay n'ya. Teka, nakangiti ba s'ya? Tama ba ang nakikita ko?

Napangiti ako. "Nakangiti ka," mahina kong sabi.

"H-ha??"

"Ang sabi ko..nakangiti ka," ulit ko.

Umiwas siya ng tingin. "Guni-guni mo lang 'yun."

"Hindi ah. Nakangiti ka pa rin kaya."

"Hindi nga sabi!"

"Oo nga sabi."

"Ang kulit mo a. Sinabi na ngang hindi e!"

"Pikon."

"Sinong pikon?"

"'Yung puno." Natawa ko nang bahagya sa sinabi ko. Parang nabara ko na s'ya nang ganito dati a. Teka. Parang sa isang iglap..nawala 'yung awkwardness na naramdaman ko kanina. Pero..mixed feelings pa rin. Magkalahong kaba at saya ang nangingibabaw sa'kin ngayon.

Pero 'yung kasiyahan na 'yun, sa isang iglap, nawala nang nagpaalam ako sa kan'ya at pumunta na 'ko sa room, kasi nu'ng pumasok ko sa loob, nagkakagulo ang lahat.

Nakita ko si Kanna, napapalibutan at sinisigawan ng karamihan sa mga babae sa room.

Teka, ano bang nangyayari? Dahil pa rin ba 'to sa hindi pagpasok ni Yuta nu'ng isang araw? Hala, absent pa rin siya ngayon??

[Chapter Thirty Eight]

Kanna

"A-anong nangyayari?" 'Yan ang una kong tanong pagkapasok ko sa room.

"Ito na ang pangatlong araw na hindi pumapasok si Yuta, Kanna," sagot ni Tomo na nasa likuran ko lang pala.

"Obviously, magwawala ang buong classroom.." dagdag ni Miki na nasa tabi naman ni Tomo.

Nagulat ako nang uupo sana ako sa upuan ko, bigla nilang inilayo iyon kaya natumba ako at napaupo sa sahig. Nagtawanan sila. Tinulungan ako ng dalawa kong pinsan.

"Ano bang problema n'yo?" maayos kong tanong, sinusubukang kontrolin ang namumuong galit sa puso ko. Simula kasi n'ung umabsent si Yuta binu-bully na nila ako. Hindi lang ako pumapalag dahil ayoko ng gulo—dahil ako na naman ang magmumukhang masama rito.

"Alam mo Kanna Shizuki, sumusobra ka na e!" sagot ng isa naming classmate. "Ano bang sinabi mo kay Yuta, ha? Dahil sa'yo hindi na s'ya pumapasok! Dahil sa'yo, maraming tao dito sa room ang hindi mapalagay at nag-aalala tapos ikaw, parang wala lang sa'yo! Grabe ka!!"

They looked at me with disgust and hatred. Hindi ako makapagsalita dahil nagsunuran na sa pagsasalita ang iba.

"Imposibleng hindi mo alam na marami rito sa room ang may gusto sa kan'ya! Napakaswerte mo nga dahil bestfriend ka niya. Lagi kayong magkasama, samantalagang kami, hanggang tingin lang. Tapos pati ba naman 'yung maliit na bagay na 'yon, ipagkakait mo pa sa'min?? Ano bang tingin mo sa sarili mo? Maganda? Hah! Napakaambisyosa mo!!"

"Akala namin ang bait-bait mo! 'Yun pala plastik ka! Sinaktan mo si Yuta! Sinaktan mo s'ya!!"

"SABIHIN N'YO NA LAHAT NG GUSTO N'YONG SABIHIN!!"

Akala ko kaya kong manahimik, hindi pala. Hindi ko na kaya. Nag-taas na 'ko ng boses. Sumigaw ang katahimikan sa paligid. Napatingin sa'kin ang dalawang pinsan ko, pati si Nao na kararating lang.

"Hindi n'yo kasi alam kung ga'no kasakit sa'kin ang lahat eh!" Kumawala ang mga maiinit na luha sa pisngi ko. Nanginginig ang mga kalamnan ko sa sobrang hinanakit sa kanila. "W-wala kayong alam sa mga nangyari kaya wala kayong karapatan para pagsabihan ako nang ganyan! Kasi in the first place, hindi n'yo naman talaga ko kilala!"

Lumapit sa'kin si Nao at hinagod ang likod ko. I glared at him, telling her to back off. She nodded softly, I'm glad naiintindihan niya 'ko.

"Niloko n'ya lang ako! Sinaktan n'ya lang ako! Sinadya n'yang magpanggap na Mr. Secret Admirer ko para lang mapaglaruan ang damdamin ko! Sinungaling s'ya! Niloko niya lang ak—"

"Alam mong hindi totoo 'yan."

Napatingin ang lahat sa nagsalita. Si Yumi. Nang pumasok s'ya sa room, napakaseryoso ng mukha n'ya at ang sama n'ya makatingin sa'kin. Nagsimulang magbulung-bulungan ang ilan, pero nahinto ang mga iyon nang titigan sila nang masama ni Yumi. Bakas sa mukha ng karamihan ang pagkabigla. Hindi kasi si Yumi ang tipo ng tao na kayang makapag-control ng crowd sa tingin lang.

"Hindi.." Huminto siya saglit at huminga nang malalim, pilit pinipigilan ang mga luha n'ya sa pagpatak. "Hindi ka kahit kailanman niloko ni Yuta! Alam ko 'yan! Alam kong nararamdaman mo rin 'yon, Kanna." Tuluyan nang pumatak ang mga luha niya. Pinahid n'ya ang mga ito.

"Mahal ka n'ya, Kanna. Kahit kelan hindi n'ya naisip na saktan ka.."

"Sinasabi mo lang 'yan para ipagtanggol si Yuta!" sigaw ko.

Naalala ko 'yung sinabi ni Ate Imadori na posibleng kaya lang s'ya pumayag na makikuntsaba kay Yuta para isagawa ang Mr. SA plan ay dahil sa hindi n'ya ito mahindian, dahil mahal n'ya si Yuta kaya sinusunod n'ya ang kahit anong inuutos nito.

Kaya hindi ko siya paniniwalaan. Kasi kinakampihan niya lang si Yuta. Kinukunsinti niya lang.

"Kanino mo ba nalaman ang maling impormasyong pinaniniwalaan mo ngayon, ha? Alam mo, tama sila e, " sabi niya sabay tingin sa crowd. "Ang swerte-swerte mo..dahil mahal ka ni Yuta.. samantalang kami, hanggang kaibigan lang. Alam mo naman 'yun, di ba? Nu'ng nag-confess ako sa kan'ya, ikaw ang pinili n'ya.

"Alam mo ba kung anong sinabi n'ya sa'kin nu'n, ha? Na kahit masakit, kahit mukha na s'yang tanga, kahit siguro sa afterlife n'ya, ikaw pa rin ang pipiliin n'yang mahalin. Alam mo ba kung ano 'yung naramdaman ko nu'ng mga panahon na 'yon? Inggit. Kasi 'yung taong dating pinapangarap ko, binabalewala lang ng isang tulad mo."

Umiwas ako ng tingin. Hinde..hindi 'yon totoo. Ayokong maniwala. Ayokong masaktan ulit.

"Oo sabihin na nating nang dahil sa'yo, naging close kami ni Yuta, kasi ako lang 'yung dating nakakaalam nu'n na mahal ka n'ya. Lahat ng mga problema n'ya tungkol sa'yo, sa'kin n'ya sinasabi. Alam mo ba kung ga'no kasakit sa part ko nu'n na suportahan 'yung taong mahal ko para lang makatuluyan n'ya 'yung taong mahal n'ya, ha??"

Lalong pumatak ang mga luha niya pero binalewala niya lang ang mga ito at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Oo, sige, sabihin mo ng martyr ako. Hindi ko 'yun kailanman ide-deny. Kasi hindi ko pinagsisisihan na s'ya ang first love ko. 'Yung sa secret admirer plan na 'yan, hindi totoong ideya ni Yuta 'yun. Ako ang nakaisip nu'n." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya. Ha?? Pa'no nangyar—

"Ako ang pumilit sa kan'ya na gawin ang planong 'yon. Oo, ako ang may kasalanan. Kung nasaktan ka man, please lang, sa'kin ka magalit, 'wag kay Yuta," pakiusap niya habang patuloy na lumuluha. "Kasi..ako 'yung may ideya nu'n. Kung di dahil sa'kin, hindi 'to mangyayari..K-kaya nakikiusap ako, 'wag kang magalit sa kan'ya. Wala siyang kasalanan. Wala..wala."

Humagulgol siya at inihimalos ang mga kamay niya sa kan'yang mukha. Umiling-iling ako. Nagmatapang kahit unti-unti na kong pinarurupok ng bawat salitang binibitawan niya. Kahit ayokong umiyak, hindi ko mapigilan. Litung-lito na 'ko. Hindi ko na alam kung kanino ba 'ko maniniwala.

Sino ba ang talagang nagsasabi ng totoo?

"N-naalala mo pa ba nu'ng one time," Nagsalita ulit si Yumi, mas buo na ang boses niya ngayon kesa kanina, nakatingin siya sa'kin, pilit ang ngiti, mugto ang mga mata. "Bigla kitang in-approach tapos sinabi ko 'congrats, Kanna?' . 'Yun 'yung araw na inakala kong kayo na kaya kita kinongratulate. Pero nu'ng nakita ko sa expression at response mo nu'n na wala kang ideya sa sinasabi ko, du'n ko lang na-realize na hindi pa pala n'ya nasasabi sa'yo na mahal ka n'ya.

"Oo, nadulas lang ang dila ko. Muntik ko ng pangunahan si Yuta sa pagsasabi sa'yo ng nararamdaman nya. And to cover it up, naisip ko ang planong 'yon. Ang objective lang naman ng plan na 'yun e para maipadama n'ya sa'yo, as a different person, kung ga'no ka n'ya kamahal without losing his role as your bestfriend. Kasi ang dahilan lang naman kung bakit matagal n'ya ng nililihim sa'yo ang nararamdaman niya ay dahil ayaw n'yang mawala ang friendship n'yong dalawa. Hindi ko naman alam na 'yung malinis na hangarin ng plano ko na isinagawa namin ay magdudulot ng gan'to. I'm sorry. I'm sorry if hindi mo nagustuhan. I'm sorry if it turn out like this. Pero ito lang ang gusto kong linawin sa'yo, ang planong 'yun ay hindi ginawa para saktan ka.

"S-sana..sana maisip mo Kanna..na..napakaswerte mo sa kan'ya. Mahal na mahal ka n'ya. Isipin mo, five years? Sa tingin mo ba madaling itago ang nararamdaman mo sa isang tao sa loob ng ganu'ng katagal na panahon? Sa tingin mo ba hahayaan n'ya lang na masayang 'yung five years n'yang paghihintay sa tamang pagkakataon para masabi sa'yo na mahal ka n'ya dahil lang sa gusto ka niyang saktan? Lokohin?

"Hindi mo ba naisip nu'ng mga oras na sinasabihan mo s'ya ng masasakit na bagay na...he's not the type of person whose capable of hurting you, ha?? Because all his life, wala siyang ibang inisip kundi kapakanan mo. His world revolves around you. How on earth would he destroy something that keeps him alive? Sinabi niya sa'kin na blessing ka raw sa kan'ya, because you save his life from misery. Ikaw ang naging lakas niya sa lahat ng pagsubok sa buhay na naranasan niya—lalung lalo sa pamilya niya. He owe you a lot, sabi niya. Hindi niya raw alam kung pa'no pa siya magiging Yuta kung di ka niya nakilala. But don't you think it's really the other way around?" Hinintay niya kong magsalita pero yumuko lang ako at humikbi nang tahimik.

"Ikaw nga eh. Ilang beses mo na s'yang sinaktan. Oo, hindi mo lang alam. Pero sinukuan ka ba n'ya? Di ba hindi? Tapos..tapos..ngayon..ang lakas ng loob mo na sumuko. Why did you have to give up on him so easily? Why did you not trust him? Is that five years of friendship not enough to draw the line between the fabricated lie and the truth? Don't you know that he's holding on to you like a lifeline? Pero anong ginawa mo? Anong ginawa mo??"

Napaatras ako nang bigla s'yang lumapit sa'kin.

"Kanna, pabalikin mo na si Yuta. Ikaw lang ang makakapagpabalik sa kan'ya rito. At alam kong hindi kumpleto si Kanna Shizuki kapag wala si Yuta Tonami, di ba?"

Lumakad siya ulit palapit sa'kin. I was crying hard that I don't know what should I respond. I want to cover my face. I want to disappear.

"Kanna," tawag ni Yumi sa'kin, may pagmamakaawa sa tono ng boses niya. Napilitan akong iangat ang ulo ko. Nagulat ako nang makita kong nakalahad ang palad n'ya sa harapan ko. Maga ang mga mata n'ya pero nakangiti s'ya sa'kin.

Ang mga kamay na 'yon..

Biglang rumehistro sa isip ko 'yung nakalahad na palad ni Yuta nung JS.

Yuta..

Panibagong set na naman ng maiinit na luha ang lumabas sa mga mata ko.

Yuta..

I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry..

"Ano pang hinihintay mo..? Hinihintay ka na n'ya," sabi ni Yumi.

Iniabot ko ang palad ko sa kan'ya tapos niyakap n'ya ko at umiyak kami nang sabay.

" Sorry, Yumi. Sorry." At hindi ko na napigilang hindi bumunghalit ng iyak.

Nu'ng kumalas si Yumi sa pagkakayakap n'ya sa'kin, tinignan n'ya ko sa mata. Her eyes were soft and gentle and warm and glowing. Pinunasan ang mga luha ko at ngumiti sa'kin.

"Wag ka sa'kin mag-sorry. Sa kan'ya."

Tumango ako. Tumango nang tumango habang sumisinghut-singhot. Tapos ako naman ang yumakap sa kan'ya. Nagulat ako nang may sumipol sa crowd. Siguro si Tomo 'yun. Tapos nagpalakpakan sila. Nakakahiya tuloy. Ang eksena-maker namin ni Yumi.

Ewan. Hindi ko alam, hindi ko maipaliwanag 'yung biglang paggaan ng pakiramdam ko.

Ang alam ko lang, mahal na mahal ko si Yuta.

At isang malaking pagkakamali ang ginawa kong hindi pagtitiwala sa kan'ya.

Pero hindi pa naman huli ang lahat, di ba?

I will apologize to him..and I will make him back..back to me.

[Chapter Thirty Nine]

Kanna

Confirmed. Nawawala nga ang Twisty Heart for the second time around. At hindi ko pa mapapansing nawawala 'yun kundi napansin ni Miki na wala ito sa leeg ko nu'ng recess. Hinanap ko na sa bag ko at sa locker ko pero wala. Nakitawag na rin ako kay Tomo para itanong kay Mama kung naiwan ko ba 'yun sa bahay pero sinabi niyang nu'ng nakaraang araw ko pa raw 'yun hindi suot. Dapat nga itatanong niya raw kung nasaan kaso naisip n'yang hinubad ko lang kasi magkagalit kami ni Yuta.

Argh. I-ibig sabihin..n-nawala 'yun nu'ng huli kaming nag-usap??

Sinuggest ni Tomo at Miki na hanapin namin after class ang kwintas sa huling lugar kami nag-usap ni Yuta. Tumango na lang ako at nagpalumbaba sa desk ko. Haay. Dahil sa galit ko, hindi ko na napansin na nawala ko pala ang kwintas? Waah. Naiinis na talaga ko sa sarili ko! Kung nu'ng isang araw ko pa 'yun nawala, malamang sa malamang may nakap—hinde-hinde! Think positive, Kanna!!

After class, natagpuan nga namin ang kwintas, dun sa gilid sa labas ng school, sa may eskinita. Kaso..sira na. 'Yung beads, nakakalat sa lupa at na-deform na ang pendant. Napaka-fragile pa naman nu'n. Napaluhod ako nang makita ko 'yun. Isa-isa kong dinampot ang mga beads at inilagay sa bakante kong palad.

Bigla kong naalala kung pa'no 'to napunta rito at bakit gan'to na ang Twisty Heart. Nu'ng tumakbo ako palayo sa kan'ya nu'ng araw na 'yun, hinila ko ang kwintas sa leeg ko at tinapon na lang nang basta-basta. 'Yun ang dahilan kung bakit nasira ang kwintas at nagkaganito na. Bahagya akong naluha. Ako ang sumira sa Twisty Heart. Ako ang may kas—

"Wag ka nang malungkot d'yan, Insan," masiglang sabi ni Miki sabay palo nang bahagya sa likod ko. "Pliers lang ang katapat n'yan no! Wag kang mag-alala, tutulungan ka namin ni Tomo. Di ba, Tomo?"

"Aye aye captain!"

Kahit napipilitan, ngumiti ako at sabay-sabay kaming umuwi sa bahay at pinagtulungang ayusin ang Twisty Heart. Malapit na sana naming maayos kaso napansin naming may mga kulang na beads. Nawawala.

"Alam ko na, bibili na lang kami ni Miki ng katulad na katulad n'yan. Sa tingin ko naman may gan'yang beads sa mga malapit na patahian dito, di ba?" Tumango ako kahit medyo nakasimangot. Nahihiya na ako sa dalawa kong pinsan na wala ng ibang ginawa kundi suportahan at tulungan ako.

"D'yan ka lang Kanna a. Kung gusto mo, gumawa ka na lang ng meryenda namin para pagbalik namin, makakain tayo, okay? 'Wag ka nang sumimangot d'yan! Gusto ko ng blueberry tart ah! Special request ko 'yan kaya alam kong gagawin mo. Hehe," pabirong sabi ni Tomo.

Ngumiti ako. "Okay, ikaw Miki? Any request?" tanong ko.

"Hmm. Cookies na lang 'yung akin. Mas trip kong kainin 'yon e."

"Roger. Sige, ingat kayo," sabi ko at inihatid ko na sila sa may gate.

Pagbalik ko, nasa sala na si Mama.

"O Kanna, 'andito sila Miki at Tomo?" Kakagising n'ya lang kasi kaya hindi n'ya alam.

"Opo. Kaso umalis po sila. Babalik din sila mamaya. May binili lang."

"Aah. Ano bang pinagkakaabalahan n'yong tatlo?" usisa niya.

"Ito po," sabi ko sabay angat ng hindi pa maayos na kwintas kay mama. "Inaayos ang Twisty Heart. Kanina ko lang po naalala na..a-ako 'yung sumira nito."

"Haha. Akala ko ang sasabihin mo eh, 'ito, inaayos ang puso ni Yuta na sinaktan ko' o kaya 'ito, pilit inaayos 'yung puso ko na ako rin ang nanira.' "

Sumimangot ako sa sinabi ni Mama. Tamang-tama ako eh.

"Hmp. Mama naman eh."

"Alam mo Kanna, ang Twisty Heart, parang puso ng tao."

Ha? Anong pinagsasasabi nitong si Mama? Hinimas-himas niya ang hindi pa ga'nong ayos na pendant ng kwintas saka tumingin sa'kin.

"Napakarupok. Mahina. Kaya dapat, iniingatan. Kasi kung hindi mo ito iingatan, made-deform siya, at hindi na maghuhugis puso. Saka 'yung mga iba't-ibang beads na nakapaikot sa loob ng pendant, parang 'yung mga taong nakapalibot sa'yo. May mga taong mananakit sa'yo. May mga taong magpapatibok ng puso mo. May mga taong susuporta at tutulong sa'yo. Lahat sila, iba-iba ang kulay at size. Iba't iba ang role nila sa buhay mo. Pero tandaan mong may isa sa kanila na mangingibabaw. At 'yun ay ang taong nakalaan para sa'yo.

"'Yung Twisty Heart, ang daming sanga-sanga. Pero look at it and you will see na iisa lang ang pinapakitang hugis nito. It's a heart. No matter how many twists and deformations it have and will have, it's still a heart. Isang pusong kailangang ingatan ng tagapag-alaga n'ya."

Na-amaze ako kay Mama. Hindi ko alam kung epekto lang 'yun ng katotohanan na kagigising n'ya lang o talagang sinisermonan n'ya lang ako. Pero isa lang ang malinaw sa'kin, 'yung puso na tinutukoy niya sa unang part ng mga sinabi niya ay puso ni Yuta. 'Yung sa gitnang bahagi, puso ko. At sa huling bahagi, puso ulit ni Yuta.

Tinitigan ko ang Twisty Heart, hindi ko alam na pwede palang magkaro'n ng malalim na kahulugan 'to 'pag pinag-isipang mabuti, na pwede pala itong ikumpara sa isang tao, sa isang pag-ibig, sa isang storya..

"Ah! Nakalimutan ko!" bigla kong naibulalas. Agad 'kong ibinaba sa lamesita sa sala ang kwintas at dumiretso sa kusina.

"Anong nakalimutan mo?"

"Gagawan ko nga pala si Tomo ng blueberry tart at cookies naman ang kay Miki," paliwanag ko habang inilalabas sa cabinet ang mga gagamitin ko.

Lumapit sa'kin si Mama. "Tulungan na kita," sabi n'ya habang nakangiti.

Pagkarating nila Tomo at Miki, saktong katatapos lang namin sa paggawa ng mga ni-request nila. Nag-tsaa na lang muna kami sa sala kasi mukhang napagod sila. Nu'ng lumamig na, sabay-sabay naming kinain na apat.

Bago gumabi, naayos namin ang kwintas. Ayos. Bukas, sigurado nang matutuloy ako sa pagpunta kina Yuta.

After class, dumiretso ako sa bahay nila. Ite-text ko sana si Kuya Seichiro kasi kinakabahan ako kaso..naalala kong start na pala ngayon ng practice ng graduation nila saka maghapon 'yun. Ayoko namang maging abala sa kan'ya. Siguradong busy 'yun. Siya pa man din ang Valedictorian.

Haay. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sobrang kinakabahan ako habang nakasakay sa jeep papunta sa kanila. Hindi ko kasi alam kung pa'no ko hihingi ng tawad sa kan'ya. Hindi ko rin alam kung kaya ko ba talagang pilitin s'yang pumasok. Haay. Sa Monday, Final exams na tapos sa week din na 'yun aasikasuhin na namin ang mga clearance namin kaya hindi na s'ya pwedeng umabsent.

Pagpara ko ng jeep, pumunta na ko sa gate nila. Kanna, kaya mo 'yan! Go! Pindutin mo na ang doorbell! After pagli-limang isip (oo hindi lang dalawa) napindot ko rin ang doorbell. Napapikit pa nga 'ko sa takot nang may nagbukas nu'ng gate.

"Sino ka?"

Nagdilat agad ako ng mata. Isang batang babae ang bumulaga sa'king harapan. Ang cute n'ya kaso sa tono pa lang ng pananalita n'ya, halatang mataray s'ya.

"Ah! I-ikaw si Mika?" Naalala ko na nabanggit na s'ya sa'kin ni Kuya Seichiro minsan.

"So?" mataray n'yang tanong at nakataas pa ang kan'yang kilay. "Sino ka? At anong kailangan mo?" Akala ko dahil mabait si Kuya mabait din siya. Hmm. Mukhang hindi hereditary ang kabaitan. Hindi niya namana e.

"A-ako si Kanna..Kanna Shi—"

"H-huh?! I-ikaw si Kanna??" tanong n'ya na parang gulat na gulat na nandidiri na ewan. Na-disappoint ata s'ya sa'kin matapos n'ya kong tignan mula ulo hanggang paa. Na-conscious tuloy ako sa sarili ko.

"O-oo a-ako nga 'yon."

"Gosh! Mukha kang commoner! Hayst! Mukhang nagayuma mo ang dalawang kuya ko a. Ayos ka rin, e no? Anong pinunta mo rito, ha??"

"G-ginayuma?"

"Hah! Don't tell me hindi mo alam na parehong may gusto sa'yo ang dalawang kuya ko? O Feel mo lang magpainosente sa harapan ko??"

"A-alam ko ang tungkol du'n."

"Good. Akala ko magsisinungaling ka pa e. Anyway, anong kailangan mo rito?"

"S-si Yuta ba, 'and'yan?"

"Oo, kararating n'ya lang."

"Ha? S-s'an siya galing?"

She crossed her arms and glare at me. "At bakit ko naman sasabihin sa'yo? Ano tayo, close? Duh! It's none of your business!"

"A..eh..kasi..pumunta 'ko rito para kausapin s'ya. Hindi na kasi s'ya pumapasok sa school. Nag-aalala ko na baka may nangyaring masama sa kan'ya."

"Aah..I see. So it's you after all."

"Ha?"

"Ikaw ang dahilan kung bakit hindi na pumapasok si Kuya Yuta. Hah! Buti nakunsensya ka??"

"S-sorry," sabi ko habang nakatungo ang ulo. Wala kong laban sa batang 'to. Tama s'ya eh. Ako nga ang may kasalanan.

"Wag ka sa'king magsorry. Tsk. Nakakainis ang mga babaeng tulad mo. Alam mo bang dahil sa'yo, halos apat na araw nang nagkukulong ng kwarto si Kuya Yuta? Ni ayaw n'ya ngang kumain e. Ayaw n'ya ring sabihin kung anong problema at nagkakaganu'n s'ya. Kaya nga nagulat ako nu'ng lumabas s'ya kanina.

"Hayst. Anyway, kahit ayokong papasukin ka, kailangan ko. No choice. Baka masakal pa ko ni Kuya Seichi 'pag ipinagtabuyan kita. But let me tell you one thing: I am not in favor of you. I don't see any reason kung bakit nagustuhan ka nilang dalawa. And also, I don't see any reason para magkaganu'n si Kuya Yutapara lang sa isang babaeng gaya mo. Hmp!"

Half-hearted na binuksan niya ang pinto at pinapasok ako. Nag-aalangan man, pumasok na rin ako. Kaya ko 'to. Huminga ako nang malalim at sumunod sa kan'ya.

"Here's his room. Nakikita mo naman siguro 'yung nakalagay na karatula sa pinto n'ya, di ba? 'DO NOT DISTURB'." Tumango ako. "Naka-lock din ang kwarto." Pinakita n'ya ngang naka-lock. Ayaw bumukas e. "Ngayong sinabi ko na sa'yo ang mga 'yan, huling paalala na lang. Hindi ko na kargo de kunsensya kung magmukha kang tanga sa harap ng pintuan n'ya. I will leave our main door and gate unlocked, kung napagod ka na sa kaka-convince sa kan'ya, you may leave na. Clear?"

Tumango ulit ako. Inirapan niya muna ako bago siya tuluyang umalis.

Whew. Nakahinga rin ako nang maluwag. Nakakatakot siya, pero mas nakakatakot ang mga description niya kanina. In just a few days, nagkagan'to na si Yuta.

At ako ang may kasalanan nito.

"Y-Yuta." Nauutal ako. Nanginginig ang buo kong katawan. Kumatok ako nang marahan pero walang nangyari. Nagsimulang pumatak ang mga luha ko. "Yuta, ako 'to. Si Kanna. Please, k-kausapin mo naman ako oh. S-sorry na. Sorry na. Bumalik ka na sa school. Parang awa mo na, bumalik ka na,Yuta."

Hindi na 'ko sanay nang wala siya. Namimiss ko na siya. Sobra.

"Yuta, sorry na. Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ko? I'm really sorry. Sige na naman o, bumalik ka na. H-hindi ko na kaya..Hindi ko na kayang wala ka! Wala nang mang-aasar sa'kin, mangungulet, magtatanggol, m-magmamahal, 'pag wala ka. Ako ang may kasalanan. Sorry, Yuta. Ayokong nagkakagan'yan ka dahil sa'kin, please, please, bumalik ka na!"

Humagulgol na 'ko sa tapat ng kwarto n'ya, pero walang nangyari. Hanggang sa maubos ang lahat ng pwede kong sabihin, hanggang sa maubos ang mga luha na pwede kong iiyak..walang nangyari.Hindi bumukas ang pinto. Hindi ko man lang narinig ang boses niya. Walang nangyari.

Nu'ng napagod na ko, umuwi na lang ako—umuwi akong sinisisi ang sarili ko. Dahil kasalanan ko itong lahat. Kasalanan ko.

Kinabukasan, hindi ko alam kung pa'no ko haharap sa mga kaklase ko. Sinadya kong magpa-late. Bukod sa maga pa rin ang mata ko kakaiyak, wala rin akong ganang sagutin ang mga nai-imagine kong mga itatanong nila sa'kin. I failed to bring him back. I failed.

Pagpasok ko sa room, agad akong sinalubong ng lahat.

"Ano, Kanna, anong balita?" Tumungo ako at naglakad papunta sa upuan ko na parang wala sa sarili. "Kanna?"

"Anong nangyari? Nakausap mo ba siya?"

Sunud-sunod ang mga tanong nila. Parang nalulunod ako.

Tumayo ako bigla. Lahat sila tumahimik. Yumuko ako sa kanila. "I'm sorry pero..hindi ako nagtagumpay..n-na..ibalik si—"

"Hi classmates! Hehe. Late na ba 'ko?"

Lahat napatingin sa nagsalita sa may pintuan. May tumile. May napatalon sa saya. May nag-high five sa ere. Nagmadali ang karamihan sa paglapit sa kan'ya.

Nang iangat ko ang paningin ko, agad bumusok paibaba ang mga luha ko.

Si Yuta..pumasok na. Pumasok na siya.

Sobrang saya ng lahat sa pagbabalik niya. Sa isang iglap lang, napalibutan na siya ng mga kaklase namin. Ako? Kuntento na 'kong nakatingin sa malayo.

"Namiss n'yo pala ko! Haha!" masayang sabi ni Yuta.

Nu'ng tinignan ko s'ya napansin kong may nagbago sa kan'ya. Nagpakulay siya ng buhok. May highlights na pula. Nagtaka tuloy ako. Hindi kaya..'yun ang dahilan kung bakit siya lumabas ng bahay nila kahapon?

"Bakit ka ba kasi nawala, Bro?" tanong ni Soushi habang ginugulo ang buhok ni Yuta.

"Oo nga," sang-ayon ng ilan, naghihintay sa sagot niya.

"Nagkasakit lang ako..kayo talaga! Haha!" N-nagkasakit? T-teka, di ba—

"Ganu'n ba? Kawawa ka naman! Haha! Jooooooke!"

Nagtawanan sila sa sinabi ng isa.

Nagulat ako nang tapikin ako ni Miki. "Kanna, ang galing mo! Dahil sa'yo, okay na ang lahat," sabi n'ya.

"Anong ginawa mo para mapabalik si Yuta? Naks naman!" sabi naman ni Tomo.

"H-huh? W-wala no!" tanggi ko.

"Teka guys," sabi ni Pres Meg. "Dapat tayong magpasalamat kay Kanna. Kundi niya pinakiusapan si Yuta..malamang hindi tayo magiging gan'to kasaya ulit!"

"Oo nga! Tama! Tama!"

"Ha? Ano bang sinasabi n'yo?"

Natahimik ang lahat nang biglang magsalita si Yuta. Nakangiti pa rin siya, pakwela pa nga ang pagkakasabi pero alam kong may something sa tono ng boses n'ya.

"Hindi siya ang dahilan kung bakit ako pumasok no." Nanlaki ang mga mata ko. "Bakit naman siya ang magiging dahilan ng pagpasok ko? Dahil 'yon sa inyo, guys! Haha! Nabalitaan ko kasi na namimiss n'yo na ko e!"

At tumawa siya nang tumawa at nagpatuloy sa pakikipag-asaran sa mga kaklase namin.

A-anong ibig n'yang sabihin? A-akala ko ako ang dahil—hinde—w-wag mong sabihing..galit pa rin siya sa'kin?

*****

Nakakainis. Kumbakit sa lahat naman ng pwedeng utusan ni Mrs. Oda na magturo kay Yuta ng mga lessons sa lahat ng subject na na-missed niya, ako pa. Tapos ang mas nakakainis pa, parang ako lang ang affected! No reaction ang peg niya kanina, parang walang narinig. Nu'ng recess, hindi niya pa rin ako pinapansin. Dinaanan n'ya lang ako. Pati tuloy sina Tomo nagtataka na.

"Anong nangyari kay Yuta?" tanong ni Tomo habang kumakain kaming tatlo sa canteen.

"Oo nga, maliban sa bago n'yang hairstyle na mukhang anime at may highlights na pula, feeling ko nagbago rin ang ugali n'ya. Anyare ba?" dagdag na tanong ni Miki.

Sumimangot lang ako at tumingin sa malayo.

"Nice talking a," pairap na sabi ni Miki.

"Hindi ko nga alam," nayayamot kong sabi sa kanila. Haay. Kung alam ko lang ang dahilan e di sana sinabi ko na sa kanila agad, di ba? Hayst. Pero actually, may idea na ko kung bakit siya ganyan e. Feeling ko talaga galit pa rin siya sa'kin dahil sa ginawa ko sa kan'ya. Maybe this is my punishment for being so mean to him..for not trusting him. Waah. 'Sorry na, Yuta. Please pansinin mo na ko,' gusto kong sabihin 'yon sa kan'ya kaso wala akong lakas ng loob. Haay.

Bago matapos ang klase, sinulat ko sa blackboard na sa library na lang kami magkita-kitang lima. (Bale humingi ako ng tulong kay Yumi at sa dalawa kong pinsan na tulungan akong magtutor sa kan'ya kasi ayokong mapag-isa kaming dalawa.) Saka baka kasi isnob-in n'ya lang ako 'pag kinausap ko pa s'ya tungkol sa kung sa'n magkikita kaya mas mabuti nang ganito na lang.

Nu'ng nagbell na, pumunta muna ko ng CR para mag-ayos nang konti. Nagsuklay lang ako saka nagpulbo para hindi ako mukhang haggard sa paningin niya, tapos dumaan ako sa locker ko para kumuha ng mga neccessary notes at books na makakatulong sa pagtu-tutor ko sa kan'ya.

Pagkatapos kong ma-double check ang mga dala ko, dumiretso na 'ko sa library.

Dubdub. Dubdub. Dubdub. Dubdub.

Sobrang kinakabahan ko. Shocks. Kung bakit ba kasi wala ngayon sa library si Kuya Seichiro eh! May practice kasi sila ng graduation march. Haayst. Pa'no na ko nito?

Pagkapasok ko sa loob, si Yuta pa lang ang 'andu'n. Napa-facepalm ako nang di oras. Anak naman ng tokwa! Bakit wala pa 'yung tatlo?? A-anong gagawin ko? Bumalik kaya ako sa room o kaya hanapin ko muna sina Tomo? Kaso ang rude ko naman kung aalis na lang ako bigla, di ba? Hayst. Bumuntong hininga ako. Hinde, Kanna, kaya mo 'yan. Go, fight!

"A-an'dyan na ba sila?"

Ay ang sarap sapatusin ng bibig ko! Bakit sa lahat naman ng pwedeng—hayst! Imbis bawiin ang natanong ko na, naghintay na lang ako ng sagot ngunit walang dumating. Wala akong narinig. At hindi man lang n'ya ko nilingon. Focus na focus s'ya sa pagbabasa ng English textbook namin. Sumimangot ako. Bakit ganu'n s'ya? Napakahirap bang sumagot ng 'wala pa'? Haay. Nagmukha lang tuloy akong tanga rito.

"Haha. Masyado pa pala akong maaga..s-sige aalis muna 'ko. Magtatawag ako ng iba pa nating kasama," nag-aalangan kong sabi. Aalis na sana ko ng library nang bigla s'yang tumayo at lumapit sa'kin.

Dubdub. Dubdub. Dubdub. Dubdub.

Sa wakas pinansin n'ya rin ako..pero..bakit gan'to? Parang napipi yata ako. Hindi ako makapagsalita sa sobrang kaba at hindi ko rin s'ya matignan nang diretso. Waah. Naramdaman kong may tumulo ng pawis sa may gilid ng tenga ko. Pinagpapawisan na pala 'ko sa sobrang kaba. Lord, please help me!

"Teka.." Sa wakas nagsalita na s'ya. "Hahayaan mo na lang ba 'kong mag-isa rito?" Hindi seryoso ang pagkakasabi n'ya nu'n, may halong pakwela na ewan pero nararamdaman kong iba ang asal n'ya sa usual na Yutang kilala ko. May iba. May iba talaga sa kan'ya.

"A-ha? A-umm.." Ano ba, Kanna? Magsalita ka nga nang maayos! "A-ano kasi..m-may.."

Dubdub. Dubdub. Dubdub. Dubdub.

"M-may nakalimutan ako..t-teka lang ha? Sige, aalis na 'ko!" sabi ko sabay takbo palabas.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng pintuan, napahawak ako sa itaas na bahagi ng dibdib ko. Waah. Sobrang kaba ko parang sasabog na ang puso ko.

"Teka." OMG! Boses ni Yuta 'yun ah! D-don't tell me sinundan n'ya ko??

Dubdub. Dubdub. Dubdub. Dubdub.

"'Yung libro, nahulog mo.." malumanay niyang sabi habang hawak ang textbook na nalaglag siguro sa bag ko dahil sa pagtakbo ko palabas kanina. "Ano bang problema?" tanong niya. Lumakad siya papalapit sa'kin. Lalo akong nataranta. Takbo, Kanna, takbo! Kaso ayaw gumalaw ng mga paa ko! T-teka, bakit ba gusto kong tumakbo??

"N-nakikiusap ako..w-wag kang lalapit!" nasabi ko na lang bigla.

Nakarinig ako ng tawang bahagya. "Ninenerbyos ka?"

"H-hindi a!" deny ko. Lumapit pa siya lalo sa'kin at tinitigan n'ya 'ko sa mata. Umiwas ako ng tingin at pinako na lang ang atensyon ko sa sahig.

Dubdub. Dubdub. Dubdub. Dubdub.

"E bakit hindi ka makatingin nang diretso sa mga mata ko?"

"K-kasi.." Kanna, mag-isip ka ng dahilan, bilis!

"Wag mong sabihing..iniisip mo pa rin 'yung sinabi ko sa'yo nu'ng nakaraan?"

Napatingin ako saglit sa kan'ya bago ko tumingin ulit sa sahig. Anong ibig n'yang sabihin?

"Hindi mo na kailangang isipin o problemahin pa 'yon. Wala na 'yun sa'kin ngayon..kaya hindi mo na kailangang sagutin pa. Ayos lang sa'kin kung gusto mo ako o hindi. Kalimutan mo na lang na nasabi ko 'yun sa'yo." H-ha? K-kalimutan? Bakit?? "Nitong mga nakaraang araw, na-realize ko na..dapat ko nang iwanan ang dating immature na Yutang nakilala mo. Salamat sa pagpapa-realize sa'kin na limang taon ko na palang sinasayang ang buhay ko sa isang bagay na hindi man ganu'n kahalaga."

'Hindi naman ganu'n kahalaga', ulit ng isip ko.

"From now on, I will become a stronger person. Hindi na 'ko kahit kailanman dedepende sa'yo o sa ibang tao. Mag-aaral na 'kong mabuti. Tama naman, di ba? Kasi next school year, magiging fourth year na tayo. Na-realize ko na ito na ang tamang panahon para isipin ko kung anong future ang gusto kong buuin, hindi 'yung sinesentro ko ang buhay ko sa mga bagay na hindi naman panghabang buhay 'and'yan—sa mga bagay na mabilis namang magbago at mawala. Hindi ba..magandang ideya 'yun?"

Pinigilan ko ang sarili ko na umiyak sa harapan n'ya, pero ang totoo..gustung-gusto ko.

Hinde. Ayoko, Yuta, ayokong magbago ka. Mas gusto ko 'yung dating ikaw..kahit ga'no ka pa ka-immature at dependent, mas pipiliin ko pa rin 'yun kasi 'yun ang Yutang minahal ko.

Gusto kong sabihin lahat 'yun sa kan'ya pero hindi ko mabuka ang bibig ko. Hindi ako makatanggi. Hindi ko masabing ayoko. Hindi ko masabi.

"O sige na nga, tawagin mo na 'yung iba, ako na lang ang magbabantay ng pwesto natin sa library," sabi n'ya habang nakangiti tapos pumasok na ulit s'ya sa loob.

Nu'ng wala na s'ya sa paningin ko, nanghina ang mga tuhod ko at napaluhod ako bigla. Dahan-dahang bumagsak ang mga kanina ko pa pinipigil na mga luha. P-pa'no ko pa sasabihing mahal ko s'ya, kung sumuko na s'ya sa nararamdaman n'ya para sa'kin? Pa'no na?

Ilang minuto rin ang lumipas bago ko nakatayo. Pinahid ko ang mga luha ko at nagsimula na 'kong hanapin sila Tomo. Kanna, kaya mo 'yan. Matatag ka. Kaya mo 'yan.

Sana nga, kaya ko. Sana nga..

"Sa wakas nakita ko rin kayo!" sabi ko habang hinihingal. Natagpuan ko sila sa loob ng classroom at nagdadaldalan. "Bakit hanggang ngayon 'andito pa rin kayo? Di ba ang usapan, sa library??" naiinis kong tanong sa kanila.

Bigla akong siniko ni Miki. "Asus! Kunwari pa! Wala ka bang balak magpasalamat sa'min, ha?"

"Yiiee! Kunwari pa si Kanna!" asar naman ni Yumi.

"H-ha? Ano bang pinagsasasabi n'yo?"

"Sinadya naming hindi pumunta para makapag-usap kayong dalawa ni Yuta no," paliwanag ni Tomo habang inaayos ang salamin niya. "Ano, kamusta? Kayo na?"

Nu'ng hindi ako sumagot, nag-high five sila sa isa't isa at sumipol-sipol sa tuwa.

"Yehey! Finally, kayo na!"

"Pacheese burger ka naman!"

I stared at them with a face of someone who tries her best to hide the tears in her eyes.

"I-Imposible nang mangyari 'yun.." Nagulat sila sa sinabi ko. "Sinabi n'ya sa'kin na kalimutan ko na lang ang lahat. A-ayaw niya na sa'kin."

Humagulgol ako na parang bata at sinandalan ang balikat ni Yumi.

"S-sinabi niya talaga 'yon?" nagtatakang tanong ni Yumi habang hinahagod ang likod ko.

"Wag ka nang umiyak, Kanna," malungkot na sabi ni Miki.

"Sorry, akala namin.." Hindi na ipinagpatuloy ni Tomo ang sasabihin niya.

"Nagpapakatorpe na naman ang lokong 'yun! Tsk. Wag kang mag-alala, Kanna! Akong bahala! Kakausapin ko siya!" Ngumiti ako nang pilit sa sinabi ni Yumi ngunit umiling ako at tinanggihan ang tulong na inaalok niya.

"Wag n'yo na 'kong intindihin, hayaan n'yo na si Yuta. Sa tingin ko..tama s'ya. Para mahanap niya ang sarili niya, kailangang lumayo s'ya sa'kin. K-kaya, hayaan na natin siya. Tama ang naging desisyon niya. Nagiging matured na siya mag-isip. D-dapat maging masaya tayo..para sa kan'ya."

"Pero Kanna.."

"Ano bang sinasabi mo??" reklamo ni Yumi. "Paano ka? Hahayaan mo na lang ba s'yang iwan ka n'ya?"

"'Pag ginawa mo 'yan, ikaw naman ang mahihirapan," sabi naman ni Miki.

Pinahid ko ang mga luha ko. Wala akong karapatan na pigilan si Yuta sa naging desisyon niya. Kasi simula ngayon, hindi na niya 'ko tinuturing na bestfriend. Siguro nga, ito na 'yung punishment ko. "Hay naku..halina nga kayo. Hinihintay n'ya na tayo," sabi ko habang nakangiti.

"Kanna," angal ni Yumi. "Tigilan mo nga 'yang pagngiti mong 'yan! Wag mong plastikin ang sarili mo!" Nagsimula na namang mamula ang mga mata niya. "Alam kong nagpapanggap ka lang na masaya! Bakit kailangang sab—"

"Yumi, ayos lang ako," sabi ko sabay talikod. "Bilisan n'yo na, anong oras na hindi pa tayo nagsisimula sa pagtu-tutor sa kan'ya."

Alam ko, Yumi. Alam ko. Pero anong gagawin ko? Kahit ano pang sabihin ko, he already made up his mind. Wala na eh. Wala na. This is definitely my punishment. I know. And I have to live with it.

Ang mabuhay ng wala siya?

Malaking hamon 'yun para sa'kin.

Pero pipilitin kong kayanin..para sa kan'ya—para sa kan'ya na piniling kalimutan na lang ang lahat..

I have to respect his decision. After all, ako rin ang nag-push sa kan'ya para gawin 'yon.

Simula bukas, magbabago na ang lahat. Ako, si Kanna Shizuki, ay lagi nang kakikitaan ng mga peke at malulungkot na mga..ngiti.

[Chapter Forty]

Imadori

So what if it's Seichi? As if I care! 'Yan ang lagi kong sinasabi sa sarili ko 'pag naalala ko ang ni-report sa'kin ni Ken nu'ng nakaraang araw. I am not expecting that he, of all people, will find me. It's not that I am missing or something, I just don't want to go to school just to pratice that bothersome graduation march. A-attend na lang ako sa mismong araw ng graduation. I cannot afford to waste my time in such gibberish. Isa pa, I want to do everything that I can just to forget about him.

Kaya wala akong pakelam kung hinahanap man n'ya ko. Mapagod s'ya kung gusto n'ya but I won't go running back to him again. Yes, after I avenge myself sa mag-bestfriend na 'yon, plano ko na talagang kalimutan si Seichi. Falling in love with him is the stupidest mistake I have ever made after all.

Yes, he's the guy I truly wish to have pero sobra-sobra na 'yung ginawa ko. Hindi ko na kayang ibaba ang pride ko para lang sa kan'ya. I am better off without him. Mas okay na 'yung papalit-palit ng boyfriend. At least, kung kelan ayaw ko na, malaya akong kumalas sa isang relasyon. Makakapili pa 'ko ng kasunod ka'gad. I guess eto talaga 'yung bagay sa'kin: to handle unserious relationships. Kasi 'pag nagmahal ako, ako lang naman lagi ang talo. And I don't want that to happen again.

Many guys want me to be their girlfriend. Hindi naman ako tanga para maghintay na lang sa isang tao na alam ko namang sa iba nakatingin.

"Imadori, why are you in a daze again? Something wrong?" tanong sa'kin ng recent boyfriend ko, si Shin, a marketing student from one of the prestigious universities in the country. Kasalukuyang umiinom kami sa isang bar sa Manila. Tuwing gabi, dito kami naghahang-out. Maganda kasi ang ambiance at nakakaaliw tignan ang mga bartender sa paggawa ng iba't ibang cocktails.

I sipped my glass of Bloody Mary bago ko siya sinagot ng, "I'm okay. May naisip lang ako."

"Him again?" Damn. Alam kong rich kid siya pero hindi ko naman sinabi na alamin niya ang past ko. Geez. Kapag may gusto siyang alamin, sa private investigators lang inaasa. Kapag may gusto siyang kunin, lahat gagawin n'ya para makuha lang 'yon. Yes, just like me.

Umiling ako at ngumiti sa kan'ya. "Of course not. Why would I?" sabi ko sabay halik sa pisngi niya. He smirked. "I hope you're not lying."

I rolled my eyes. "Whatever," sabi ko sabay tingin sa relo ko.

Shit. Past midnight na pala. Kailangan ko nang umuwi sa condo ko. Wala naman akong curfew sa sarili ko. I just don't want to ruin my face by always hanging out with him until the wee hours of the morning. I need to rest. Lack of sleep can ruin my pretty face. At hindi ko 'yun hahayaang mangyari.

"Can you drive me home? Late na kasi e." Nagulat ako nu'ng niyakap n'ya ko bigla. Then he tried to kiss me. I stopped him. Napaka-clingy talaga ng lalaking 'to. Geez. "I said—"

"Fine. Fine, honey," sabi niya. I smiled.

Pagkababang-pagkababa ko sa kotse n'ya nu'ng nasa tapat na kami ng condo unit ko, bigla n'ya kong hinatak. Then he kissed me passionately. Hindi na 'ko nakaangal. I just responded to him. Minsan lang naman kaya hinayaan ko na. After that kiss, we said our goodbyes, tapos umalis na s'ya.

Nu'ng lumingon ako, nanlaki ang mga mata ko.

Epekto ba 'to ng nainom ko o nagha-hallucinate lang ako?

"S-Seichi??" Pagkasabi ko ng pangalan n'ya, tumayo s'ya mula sa pagkakaupo n'ya sa sementadong parte ng guard house, tapos ngumiti s'ya sa'kin. Heck, anong ginagawa n'ya rito? Past midnight na ah! Don't tell me kanina n'ya pa ko hinihintay??

I was speechless for a moment. Hindi ko alam kung anong susunod kong sasabihin o kung anong ire-react ko. Damn that Yuta! Siya lang naman ang pwedeng magsabi ng current address ko dahil siya lang ang nakakaalam nito. Kasi I already instructed Ken na never ever ipaalam kay Seichi ito. Dahil ayoko. Ayoko siyang makita. Ayoko na syang makita. Kasi..kasi..

Bumuntong hininga siya at ipinamulsa ang kamay n'yang sa palagay ko ay nilalamig na. "Nakahinga ko nang maluwag nang makita kita." He's staring straight into my eye. My cheeks burned. I hate you. I hate you for always always me feel like this. "More than a week ka na kayang hindi pumapasok sa school. Akala ko kung napano ka na."

Agad akong umiwas ng tingin. At muli, nagtapang-tapangan ako, like what I often do in front of him. "Hah! You're worried??"

"Yes, and also very disappointed." Napatingin ako sa kan'ya dahil sa sinabi n'ya. He sounded very serious. Then ibinaling ko ang atensyon ko sa mga dumadaang taxi sa kalsada.

"Aah..'yung tungkol ba sa nakita mo kanina?" Kaya pala ako hinalikan nang ganu'n ni Shin kanina kasi nakita n'yang naghihintay si Seichi sa tapat ng condo unit ko. That guy. Geez.

"Mukhang wala naman pala 'kong dapat ipag-alala." He sounded sarcastic to me. Or is it me whose wondering if he is?

"Sino ba kasing may sabing mag-alala ka?" mataray kong sabi. Right. This is what I should do. Kasi nakapagdesisyon na ko. "For your information, wala na 'kong gusto sa'yo, Seichi. Kaya hindi na uubra sa'kin 'yang pagiging mabait mo sa'kin. That can—"

"I'm glad to hear that," sabi n'ya. Tumalikod ko siya tapos nagsalita ulit. "Kasi..ayoko nang maging dahilan kung bakit ka nagkakaganyan. I don't want to feel guilty anymore. Kung wala ka nang gusto sa'kin, then, that's great."

Nasaktan ako sa sinabi niya, oo. Pa'no ko sasabihing nagsisinungaling lang ako? That I am secretly hoping na..

I shooked my head to erase that idea. No, this is better. This is how I wanted it to end. Mas okay na 'to. Tama, mas okay na 'to.

"The real reason I'm here is to tell you that you went overboard..sa ginawa mo kay Yuta at Kanna."

"Hindi ko inaasahang alam mo rin pala ang tungkol do'n,"may pagmamataas kong sabi.

Lumingon siya sa'kin. Napakaseryoso ng mukha niya. Somehow, it scares me.

"Gusto kong sabihin sa'yo kung ga'no ko nagalit nu'ng na-realize kong ikaw ang may pakana ng mga vandals na 'yon. Alam mo ba kung ano ang ginawa mo ha??"

"Yes, alam ko. Ang hindi ko lang inaasahan ay ang pag-volunteer mong isuko ang posisyon mo bilang Valedictorian just to erase Yuta's suspension. It was so stupid na hindi ko in-expect na gagawin 'yon."

"'Cause you don't know that feeling.."

"Haaaa?" My eyes crinkled.

"Hindi mo alam 'yung pakiramdam na meron kang taong gustong protektahan at ayaw masaktan."

"Don't talk like you do know me, Seichi."

"All of your evil acts, sa tingin mo ba coincidence lang ang lahat kaya alam ko ang tungkol sa mga 'yon?" Natahimik ako. Oo, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit lahat ng mga plinano ko alam n'ya. He was clueless about how I feel about him but he was never clueless about my plans.

"I'm always watching you, that's why. I am worried about everything that you do."

"That's stupid. Bakit mo naman 'yun gagawin? Don't tell me something stupid like..'for the sake of your so-called friendship'??"

"Sa totoo lang, sa lahat ng taong kilala ko, ikaw ang pinakamadaling basahin. Napakadaling alamin ang iniisip at ginagawa mo."

"You're ignoring my question."

"Sa tingin ko, hindi mo naman talaga ako mahal, Imadori. Mahal mo ang sarili mo. Kaya hindi mo napapansin na nag-aalala ako sa'yo."

"What??"

"Okay, I will answer your question. Sa tingin ko, I am doing this out of guilt. And out of friendship. Ayokong gumagawa ka ng mga bagay na alam kong ayaw mo ring gawin." His eyes, I can't stand it. They were somber and deep and disturbing.

"Ayaw? Hah! Ginawa ko ang lahat ng 'yon para makaganti sa mga nang-agaw ng kaligayahan na dapat ako ang nagtatamasa! I just want fairness!"

"Alam mo, nagde-depreciate 'yung intelligence mo dahil sa ginagawa mo, Imadori."

"Anong sabi mo??"

"Kasi hindi mo na alam kung ano ang ibig sabihin ng happiness."

"Heck, Seichi! Are you making fun of me?? Hindi ako tanga para hindi malamang happiness is.." Natigilan ako. It is..it is..

"Happiness is relative. It depends upon the person kung sa tingin n'ya, happiness ba 'yun o hindi. Just think about it. Since it is relative, then what you're saying is just a desperate approach in hurting yourself. Kasi kung gusto mo talagang maging masaya, hindi mo kailangang mang-agaw ng kaligayahan ng iba. Why don't you make it yourself? Your own happiness?"

"K-kaya ko nga lahat' yon ginawa e, kasi 'yon lang ang paraang alam ko para maging masaya," pangangatwiran ko.

"Then answer me, are you happy?"

Napatingin ako sa kan'ya. Hindi ako sumagot, kasi alam ko, kahit anong idahilan ko, hindi ako mananalo sa kan'ya. Ngumiti ulit siya tapos nagsalita ng, "Another thing, gusto ko ring malaman mo kung ga'no ko nagalit sa'yo nu'ng malaman kong after ng vandals issue, niloko mo pa si Kanna. The reason why I spent so many nights para lang malaman kung sa'n ka nakatira ay para lang masabi sa'yo lahat ng 'to. I wan't to tell you personally na hindi kita mapapatawad sa lahat ng mga ginawa mo. I've already warned you once pero hindi ka nakinig.

"Kaya wag na wag mong sasabihing dahil mahal mo 'ko kaya mo nagawa ang lahat ng 'yon. Kasi lalong hindi kita mapapatawad. Remember that. Oo, concern ako sa'yo kasi kaibigan kita pero there's a limit to my kindness. There is an extent kung hanggang kelan kita pwedeng intindihin. At 'yung hangganan na 'yon, matagal nang natapos. I just want you to know na this is the first time na nakaramdam ako ng gan'tong hatred to the point na gusto kitang saktan pero hindi ko magawa. Gusto ko ring malaman mo na ito na ang huling beses na sasabihin ko sa'yong itigil mo na ang lahat ng plano mo kung meron pa man. Kasi iba ko magalit. Dati, naniniwala ako na walang taong likas na masama. Pero I realized that you are an exception."

Matigas ang pagkakasabi n'ya no'n. And his eyes while telling those lines has sharpness that can fierce my heart. Pagkatapos n'yang magsalita, tumalikod na sya sa'kin.

"Lastly, I can't possibly love a person who cannot even love anyone else except herself."

Then umalis na siya. Napaupo ako malamig na sementado sa sobrang sakit ng lahat. I covered my face and sobbed. Ang sakit. Ang sakit-sakit lang. Lalo na dahil sa kan'ya ko mismo 'yun narinig.

Why? Why does it hurts so much? Di ba dapat maging masaya pa nga 'ko dahil mas madali akong makaka-get over sa kan'ya ngayong galit na s'ya sa'kin? Pero bakit ganto? Bakit??

Am I happy? Hell no. Hinde..hindi ito ang gusto ko.

I am wrong. Completely wrong. Everything. Everything was all wrong.

What is happiness?

It's him. He's my happiness. My only happiness.

Seichi..Seichiro..Seichiro..

That time, alam ko na..kahit ilang beses ko s'yang tawagin sa isip ko, hindi na siya babalik..kailanman. Cause I just turned him into somebody I don't know. Ako ang dahilan kung bakit ngayon galit na siya sa'kin. But..in spite of that, I wan't him back. I want him back. Kasi..kasi..mahal ko pa rin siya. Just as I thought, mahal na mahal ko pa rin siya.

And it hurts me to see him hate me to death. Sa tingin ko, ganu'n nga 'yon. That's the reason why these tears keep on falling and continuously ruin my make up—my make up which covers the ugliness inside me. Umiyak ako nang umiyak. Hanggang sa maubos ang kayang iluha ng mga mata ko.

Then I realized that it wasn't my eyes which were crying, it was my heart.

[Chapter Forty One]

Kanna

"Hoy, wag 'yung mukha ni Yuta ang reviewhin mo!" paalala sa'kin ni Nao. Start na ng final exams at hawak ko ang notes ko, pilit nagrereview. Kasalanan ko ba kung walang pumapasok sa isip ko kundi si Yuta? Haay. Sinimangutan ko lang siya tapos isinandal ang ulo ko sa desk at bumuntong hininga.

"Naku, isipin mo p'ag bumaba ka sa final exam natin, malalaglag ka sa Top 10. Bahala ka d'yan," paalala niya. Bigla akong umayos ng upo at tinapik-tapik ang sarili kong pisngi.

"Tama ka. Hindi ako pwedeng ma-distract!" determined kong sabi. Binuka ko nang mabuti ang mga mata ko at nag-focus sa binabasa ko. Kaya ko' to. Hindi ko pwedeng ma-disappoint sina Mama at Papa. Kailangan ko ng mataas na grades para payagan nila kong pumasok sa isang culinary school after graduation! Isa pa, hindi ako dapat magpatalo kay Yuta! Kailangan, mag-aral din ako nang maigi!

Pagkatapos ng pag-eexam namin sa dalawang subject, nagpasalamat ako kay Nao kasi tinulungan niya 'kong makapag-review nang maayos.

"Wala yun. Ayoko lang na nagkakaganyan ang seatmate ko. Nakakahawa kaya ang katamaran. Haha. Baka kasi mahawa ko sa'yo at tamarin din akong mag-review kaya kita in-encourage. Haha!"

"Sus! Pa-humble ka pa. Basta, thank you."

Nginitian niya na lang ako tapos umalis na siya ng room. Sakto kasing nag-bell na. Hay salamat. Recess na. Nagugutom na ko e. Kasabay ko sina Tomo, Miki at Yumi kumain. Hindi ko alam kung bakit parang tinatamad akong kumain kahit alam ko sa sarili ko na gutom na ko. Haay. Epekto siguro 'to ng sobrang kakaisip ko sa mga sinabi ni Yuta. Honestly, hindi pa rin ako makaget over.

Friday, Saturday at Sunday. Tatlong araw na 'kong tulala. Hindi niya na talaga ko pinapansin. As in parang hindi ako nag-e-exist. Nakakainis lang kasi mukhang okay naman siya. Mukha s'yang masaya.

Nagulat pa nga ko kasi ngayong araw, may dala s'yang gitara. Hindi ko alam kung sa'n niya nakuha 'yun, kung bagong bili man o hiram lang, ang alam ko lang, nagpapaturo siya kay si Soushi kanina na maggitara bago sila mag-review. Siguro ngayon recess, nagpapaturo na naman siya.

Dumami rin lalo ang may crush sa kan'ya. Marami kasing free time ang mga estudyante kapag exam week kaya 'yung mga babaeng may gusto sa kan'ya, panay ang daan sa room namin. Mga taga-ibang section at taga-ibang year level. Hindi niya nga kinakausap ni isa sa kanila pero nginingitian naman niya. Nakakasakit lang sa puso ang tignan siya. Kaso anong gagawin ko, kahit masakit na sa puso at sa mata.. ayaw pa rin tumigil ng mata ko sa kakatingin..at ng puso ko sa kakaasa na sana..sana lang naman, pansinin niya ko. Kahit hindi na katulad ng dati. Basta pansinin niya lang ulit ako, okay na.

"Wala ka bang ganang kumain?" tanong ni Miki. Tumango ako.

"Kumain ka, Kanna. Kailangan mo 'yan. May dalawang exams pa tayo mamaya," sabi naman ni Yumi. Tumingin lang ako sa kan'ya tapos tinitigan ko lang 'yung pagkain ko. Bumutung hininga siya at nilapag ang tinidor at kutsara niya. "Kung ayaw mo ang nangyayari sa inyo ni Yuta, sabihin mo sa kany'a. Wag ka na kasing magtapang-tapangan, Kanna. Kung di mo kaya, just tell it to him."

Agad tumulo ang mga luha ko. Nakakainis naman 'tong si Yumi o. Sawang-sawa na nga 'kong umiyak tapos ayan na naman siya, pinapaiyak na naman ako.

Umiling ako. "Hindi mo ba nakikita? Masaya na siya. Masaya na s'yang wala ako." Pinahid ang mga luha ko at pilit kumain. Mamaya isipin pa ng iba na nagpapaawa ako o kaya nagpapakampi.

Inabutan ako ng pan'yo ni Tomo, tinanggap ko naman 'yon at nagpasalamat ako sa kan'ya.

"'Pag ako hindi nakatiis, isusumbong ko kay Tita ang ginagawa sa'yo ni Yuta," sabi ni Tomo.

"Wag!" May takot sa mga mata ko. Hindi pwedeng malaman ni Mama at lalung-lalo na ni Papa na gan'to ang sitwasyon naming dalawa. Hindi pwede.

"Oo na, joke lang," bawi ni Tomo.

"Last mo na 'yan ah!" banta ni Miki na tinapunan siya ng makahulugang tingin. He just rolled his eyes hin return.

Bago mag-exam ulit, nagtaka ko nu'ng naramdam ko ng nag-vibrate ang cellphone ko. Agad kong binuksan 'yon, pero hindi si Yuta ang nag-text kundi si Kuya Seichiro.

Kanna, kuya mo 'to. Goodluck sa exams n'yo. Anong oras labasan n'yo? Hihintayin kita :)

Aww. Napangiti ako at slight na kinilig sa text niya. Kaso..mas matutuwa sana ko kung si Yuta ang nag-text nito, baka namatay na ko sa kilig. Haay. ASA! Umasa ka na lang Kanna. Imposible na 'yun.

Nagpaload muna 'ko sa isa saka nireplyan ko siya.

Baka 1pm tapos na kami mag-exam. Kuya Seichiro, di ba may grad practice kayo?

Ilang minuto makalipas, nagreply siya ng : Haha. Walang practice ngayon kaya libre ako.

Ako: Okay. Kita na lang po tayo dun sa may garden. :)

Reply niya: Sige2. Bye. Galingan mo sa exams nyo ah.

Ako: Okay po. :) Kitakits.

Pagkatapos ng conversation namin sa text, nag-review na 'ko para sa mga susunod na subject na e-exam-in namin. After ng exam namin for today, nagmamadali akong magligpit ng mga gamit ko.

"O may lakad ka?" tanong ni Nao.

"Oo e. Naghihintay sa'kin si Kuya sa Meteor Garden."

"Kuya? As in Kuya Seichiro?" At talagang pinagdiinan n'ya at nilakasan ang pagsasabi ng pangalan ni Kuya para marinig ng lahat. Napailing na lang ako at 'di na siya nagawang pagsabihan. Tumango na lang ako at nagpaalam na sa kan'ya at kina Yumi na mauuna na 'ko.

Bago ko lumabas ng room, tinignan ko muna nang palihim si Yuta. Kumakanta siya habang naggigitara. Ka-duet niya si Soushi. Alam kong hindi naman ganu'n kaganda ang boses ni Yuta pero lagi naman s'yang nasa tono kaya ayos pa rin. Ang cool n'ya. Haay. Lalo lang nakaka-inlove. Nakakainis. Nakakainis talaga. Naiinggit ako sa mga kaklase kong babae na nakapalibot sa kanila. Buti pa sila..

Pagpunta ko sa garden, 'andun na siya. Ngumiti siya nang makita ko. Medyo na-conscious ako nang konti sa sarili ko kasi naalala ko na ang tungkol sa secret codes. Nakakailang tuloy.

"S-sorry..medyo natagalan ako."

"Di, okay lang." Haay. Ang ganda talaga ng cool, calm and collected na boses ni Kuya. Pati 'yung ngiti niya. Ang lamig sa pakiramdam. Saktong mahangin pa at maaliwalas sa Meteor Garden ngayon.

Nung umupo na 'ko sa tabi niya sa bench, nawala lahat ng iniisip ko nang bigla n'ya 'kong yakapin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"K-kuya Seichiro..?"

"Just a little bit."

Dubdub. Dubdub. Dubdub. Dubdub.

B-b-bakit niya ko niyakap? Waaah. Naku, baka mailang na talaga ko sa kan'ya!

Maya-maya, kumalas na siya sa pagkakayakap sa'kin. Haay. Nakahinga na rin ako nang maluwag.

Nu'ng tumingin ako sa kan'ya, huminga siya nang malalim. 'Yung tipong dinadama niya ang ambiance ng paligid. Ganu'n.

"Thanks. Medyo okay na 'ko," sabi nya sabay tingin sa'kin habang nakangiti. "Sorry nga pala. Niyakap na lang kita bigla."

Umiling ako. "W-wala sa'kin 'yon."

Tumingin siya sa mga halaman sa harapan namin. Parang may nagbago sa kan'ya. Puyat ba siya? O stressed lang dahil sa darating nilang graduation? Saka habang pinagmamasdan ko kasi siya, hindi ko maiwasang isipin kung anong dahilan at bakit sinabi n'yang 'medyo okay na 'ko.'

"Oo nga pala, Kanna." Tumingin siya ulit sa'kin. "I want to apologize to you. I am partly to blame..sa lahat ng mga ginawa sa'yo ni Imadori. Not only to you, pati na rin kay Yuta."

Umiling ako. "Wala ka namang kasalanan du'n eh. Kung meron mang may kasalanan do'n sa—"

Natigilan ako sa pagtitig niya sa'kin. "Ako ang dahilan kung bakit ganu'n si Imadori. Kaya may kasalanan pa rin ako. Ang totoo n'yan Kanna, alam ko ang lahat ng tungkol sa mga ginawa ni Imadori sa'yo pero hindi lang ako nagsasalita. 'Yung sa lunch box, sa pink roses, sa pagkawala ng Twisty Heart, sa vandals at pati du'n sa pagsisinungaling n'ya sa'yo about Yuta's Mr. SA disguise, alam ko ang lahat ng 'yon pero hindi ko sinabi sa'yo."

Napalunok ako at natigilan. Hindi ko alam kung pa'no ko ida-digest ang mga sinabi niya.

"P-pati 'yung s-sa vandals..?" Hindi ako makapaniwalang pati 'yon—

"Honestly, the first time I didn't expect her to be the culprit is with that vandals issue. 'Cause I didn't think she'd do something like that. Lalo na nu'ng umiyak s'ya sa harapan ng klase.. Alam mo 'yun, you're there. Na-realize ko na lang na siya 'yun nu'ng umalis kayo ni Yuta sa room. I saw her secretly smiling."

"Grabe talaga si Ate Imadori! Napakasama n'ya! Bakit ba siya ganyan? Hindi niya ba alam na sobra na ang mga ginagawa niya??"

Ngumiti lang si sempai nang mapakla sa reaksyon ko."Tungkol naman nangyayari sa inyo ngayon, late ko nang nalaman. Napansin ko na lang na iba na ang kinikilos ni Yuta. Nu'ng tinanong ko si Mika, hindi n'ya rin daw alam so I tried asking one of your classmates, si Megumi, 'yung president niyo. Part din kasi siya ng SSG. Sa kan'ya ko nalaman ang tungkol sa sinabi sa'yo ni Imadori. Nalaman ko naman ang ibang detalye kay Yumi."

"Kay Yumi? Kilala mo siya?"

"Recently lang. Medyo nakagaanan ko siya ng loob simula nu'ng malaman ko 'yung sa kanila ni Natsume. E medyo pumupunta-punta na rin kasi siya sa SSGH 'pag uwian n'yo na..last week ata nag-start. Kaya minsan naitanong ko sa kan'ya. Nainis nga ko sa ginawa sa'yo ni Yuta eh. Hindi ko lang mapagsabihan kasi busy ako sa kakaasikaso sa nalalapit na graduation namin."

"T-teka. 'Sa kanila ni Natsume'? Ibig sab—"

Tumango siya. "Oo, parang..sila na. Hindi ko nga lang alam kung official. Saka hindi ko naman inuusisa pa ang tungkol du'n. Basta ang napapansin ko lang, mas okay na kausap ngayon si Natsume. Hindi naman nawala ang pagiging masungit n'ya pero nabawasan."

"Wow." Nakakamangha.

Nakakatampo lang nang konti kasi hindi man lang nabanggit sa'kin ni Yumi ang tungkol doon. S-sabagay..baka kaya hindi siya nagkukwento ay dahil alam n'yang malungkot ako.

"K-kuya Seichiro, wag mo ng..wag mo ng pagsabihan si Yuta."

"Ha? Bakit naman?"

"Sa totoo lang, oo galit ako kay Ate Imadori kasi nagsinungaling siya sa'kin, pero may kasalanan din naman ako e, kasi naniwala ako sa kan'ya. Kaya..hindi ko masisisi si Yuta kung' yun ang naging desisyon niya."

"Okay, if that's want you want. Sige, hindi na 'ko mangingialam." He smiled and patted my head.

"Umm..Kuya, pwedeng magtanong?"

"Ano 'yun?"

"Tungkol kanina..gusto ko lang malaman kung m-may problema ka. Malay mo makatulong ako."

Tumawa siya nang bahagya tapos ginulo n'ya lang ang buhok ko. Sumimangot naman ako.

"Kuya naman e."

"Sige na nga, sasabihin ko na." Bigla siyang bumuntong hininga at tumingin sa malayo. "Sa totoo lang, hindi ko rin maintindihan kung ano ba talagang problema ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Feeling ko naman tama ang ginawa ko pero parang may mali. Parang nagi-guilty pa rin ako."

"Nagi-guilty saan?"

"Sa mga nasabi ko kay Imadori kagabi."

"Kay Ate Imadori? Bakit, ano bang sinabi mo sa kan'ya? Teka..nagkita kayo? Di ba.."

"Napilit ko si Yuta na sabihin sa'kin kung ano ang bagong address ni Imadori. Nalaman ko kasi kay Mika na lumabas ng bahay si Yuta nu'ng nakaraan at may pinuntahan. Nagka-ideya akong kay Imadori siya pumunta nang sabihin sa'kin ni Mika na mukhang galit si Yuta nu'ng lumabas ng bahay. Kaya ayun, pinuntahan ko kagabi si Imadori."

"Umm..pwede bang malaman kung bakit mo siya pinuntahan?"

"Nag-aalala ako sa kan'ya. More than a week na s'yang hindi pumapasok."

Nakakapagtaka. Parang si Kuya Seichiro lang ata ang nag-aalala sa hindi pagpasok ni Ate Imadori. Sabagay, wala namang ibang kaibigan si Ate Imadori e. Siya lang.

"Pero..nabalewala lang yung pag-aalala ko," dagdag niya.

"Bakit naman?"tanong ko.

"Mukha namang masaya siya sa mga pinaggagagawa niya eh. I'm just disappointed kaya medyo nasabihan ko siya nang hindi maganda. Akala ko kasi may chance pa na mapabalik ko siya sa dati kaso..parang malabo na' yon."

"Sa dati..?"

"Nakilala ko si Imadori nu'ng first year kami. She was often bullied by the rest of the girls in our class. Normal naman 'yun kasi naiinggit sa kan'ya ang mga kaklase naming babae. 'Almost perfect'. 'Yun ang bansag sa kan'ya ng karamihan. Maganda, matalino at mayaman. Nu'ng mga panahon na 'yun, hindi siya palaimik. Naaawa ako sa kan'ya kaya minsan tinulungan ko s'ya. After nu'n, naging magkaibigan kami. Then eventually, nalaman ko sa isa naming kaklase na binayaran lang sila ni Imadori para i-bully siya, para mapansin siya at kaawaan. Kahit nalaman ko 'yun, nagpanggap akong walang alam. Kasi after nu'n, wala ng ibang pumansin sa kan'ya, kundi ako lang..saka 'yung ibang lalaki sa klaseng may gusto sa kan'ya."

Hindi ako makapaniwala. Nagawa niya 'yon para lang magpapansin??

"The reason why I still continued to be her friend is to find out why became like that. Curious lang ako. Nalaman ko na..kaya siya ganu'n ay dahil lagi s'yang mag-isa sa mansyon nila. Busy palagi ang parents n'ya at walang time para sa kan'ya, kaya she seeks attention from everyone. Kahit mali, ayos lang, basta mapansin siya. Kung tutuusin, okay naman s'yang kausap at kasama e. Responsible siya lalo na sa SSG. 'Yung selfishness n'ya lang talaga ang hindi mawala-wala sa kan'ya. Saka ayun nga, 'yung pagsi-seek n'ya ng attention. Sa tingin ko, hindi naman s'ya ganu'n dati. Kaya nga naisip ko na..bakit hindi ko kaya siya tulungang magbago? While thinking that..hindi ko alam na she's already bullying other girls. Lalo na 'yung mga nagiging kaibigan ko rin.

"Kaya nga nabansagan akong 'snob' e." Natawa siya nang bahagya. "Hangga't maaari kasi ayoko nang pumansin ng iba. Lalo 'pag di ko kilala. Kasi I'm sure, behind my back, may gagawin na naman si Imadori. Ang I don't want her to continue doing those things. Kaso hanggang ngayon, wala rin akong nagawa kundi i-cover up lang ang mga alam ko.

"Nagsinungaling ako sa kan'ya actually."

"Nagsinungaling?"

"Oo. Matagal ko nang alam na may gusto siya sa'kin. Hindi ko lang pinapahalata. Kasi..wala rin namang mangyayari. Gano'n pa rin naman siya. Saka naisip ko na mawawala rin 'yon kasi..alam mo naman na..mahilig s'yang makipag-fling. Siguro 'nagulat' ang tamang term. 'Yun ang naging reaksyon ko nu'ng nagconfess siya sa'kin nu'ng JS. 'Cause I'm not expecting na may gusto pa rin siya sa'kin. I really don't think that what she feels for me is love. Idinadahilan n'ya lang 'yon.

"Then, it happened in the heat of the moment. Pinagsabihan ko siya at binalaang hindi ko siya mapapatawad 'pag sinaktan ka niya ulit. Pero wala pa ring nangyari."

So yun pala ang dahilan kung bakit naging malamig ang pakikitungo niya kay Ate Imadori nu'ng nakaraan.

"Gusto kong iparamdam sa kan'ya na galit ako sa kan'ya kaso parang binabalewala n'ya lang yon. Haay. Sa totoo lang, ang sakit niya talaga sa ulo. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa babaeng 'yon. I really want to help her change. Kaso kung siya mismo ay walang will na magbago, useless lang din ang effort ko. Useless lang din ang pag-aalala ko sa kan'ya. Kaya kagabi, medyo napuno na rin ako. Lalo pa nu'ng nakita kong pa-happy-go-lucky na naman siya."

"P-pa-happy-go-lucky?"

Umiwas ng tingin si Kuya, parang nag-alinlangan pa siya kung sasabihin ba o hindi sa'kin ang tungkol do'n pero sa huli, napabuntong hininga siya at nagkwento. "Naghintay ako ng tatlong oras para lang makita siyang intense na nakikipaghalikan sa isa na namang lalaki niya."

Nanlaki ang mga mga mata ko. K-kung nakita 'yon ni Kuya, that means, they're making out in public??

"'Yun ang pinakanakaka-disappoint sa babaeng 'yon. Lagi n'yang iniisip ang sarili n'ya. To the point na nakakalimutan n'ya nang hindi tama ang mga ginagawa niya. Nagsisisi tuloy akong hindi ko pa siya dineretso nu'ng una pa lang. Hindi kasi ako 'yung tipo ng tao na magsasabi sa'yo directly na ayaw ko sa ginagawa mo. As much as possible, ayoko s'yang masaktan. Dahil naaawa rin naman ako sa mangyayari sa kan'ya. I know how much all the girls in our class hate her. Ayoko namang s'ya ang i-bully ng mga 'yon 'pag nalaman nila lahat ng pinaggagagawa n'ya. But on the same note, ayoko rin namang s'ya ang nananakit. Saka kung tutuusin, you and Yuta have nothing to do with us. Kaya wala s'yang karapatan na saktan kayong dalawa dahil lang sa lagi n'yang dinadahilan."

Ngayon ko lang narealize na..hindi lang ang tungkol kay Ate Imadoti ang kinukwento ni Kuya kundi pati yung sarili niya. 'Yung side niya na hindi niya pinapakita sa iba.

Sa sobrang bait niya, pati problema ng iba, iniisip niya. Naaawa tuloy ako kay Kuya Seichiro. He was caught up in the middle of saving and punishing Ate Imadori. But somehow..I feel something different from the way he talks about Ate Imadori. Lalo na nu'ng binanggit n'ya ang tungkol sa pagkakakita n'ya na nakikipaghalikan si Ate Imadori sa ibang guy.

Nagseselos ba sya? O imagination ko lang 'yon?

Saka..yung pag-aalala n'ya kay Ate Imadori, parang sobra-sobra naman ata. Dahil lang ba talaga 'yon sa friendship?

"May kasalanan din naman ako, Kuya e," sabi ko. Kumunot ang noo niya. "Kaya sa'kin galit si Ate Imadori ay dahil..m-may crush ako sa'yo. L-lalo na dati kaya..mainit ang dugo n'ya sa'kin. Y-yung kay Yuta, feeling ko dahil 'yun sa JS. Kasi ininjan ni Yuta si Ate Imadori nu'n e di ba..mag-partner sila?"

"Kahit na. Hindi pa rin tama ang mga ginawa niya."

Tumango na lang ako. Teka nga, bakit ko pa pinagtatanggol si Ate Imadori? Haayst.

"E ano 'yung sinasabi mo Kuya na nagi-guilty ka sa mga masasakit na sinabi mo kay Ate Imadori kagabi?"

"I just told her what I think about her. Alam kong masakit sa kan'ya ang mga salitang 'yon kasi 'yun ang mga salitang ayoko talagang sinasabi sa isang tao lalo na 'pag galit ako."

"Katulad ng?"

"S-sinabi ko sa kan'ya na..'dati naniniwala ako na walang taong likas na masama, pero I realized that you are an exception'. Saka..'yung huli kong sinabi na..'I can't possibly love a person who cannot even love anyone else except herself'."

'Yun. Mukhang tama nga ang hinala ko.

"Oo nga, Kuya, ang sakit nga ng sinabi mo. Kahit ako nasaktan. Partida, kinukwento mo lang sa'kin 'yun a."

"Kaya nga nagi-guilty ako. Pero naisip ko rin na kung hindi ko sasabihan nang masasakit na salita si Imadori, baka tuluyan na s'yang hindi magbago. 'Yun naman ang ayaw kong mangyari. Hangga't maaari I want to help her change."

"Sempai, change topic tayo okay lang?" Tumango siya. "Nung sinabi kong crush kita..bakit hindi ka ata nagulat..?" Nakakatawa kasi parang hindi ako naiilang na sabihin' yon. Kung dati ko 'to sinabi siguro maiihi na ko sa kaba. Tumawa siya nang bahagya.

"Kasi alam ko naman 'yun."

"Ha? P-pa'nong—"

"Hindi lang siguro halata pero madali akong makabasa ng kilos ng isang tao. Anyway, alam ko naman na sa simula pa lang, si Yuta na ang mahal mo."

Bigla akong namula. S-seryoso? P-pa'no niya nalaman e dib a nu'ng una akala ko—

"Hindi mo pa lang siguro 'yun napapansin dati kasi at ease ka na laging nasa tabi mo lang si Yuta. Napansin mo na lang nu'ng..may naging threat na sa closeness n'yo."

"O-oo nga no." Thinking back, nagsimula lang naman 'yun dahil nagseselos ako sa closeness nila ni Yumi eh. "Pero Kuya, may tanong ako."

"Ano 'yun?"

"Kung totoo nga 'yong sinabi mo na madali kang makabasa ng kilos ng isang tao..bakit hindi mo alam na mahal mo si Ate Imadori?"

"Huh?" gulat na gulat siyang humarap sa'kin. Maya-maya, pilit siyang tumawa sa sinabi ko na parang isang joke 'yun at obligado siyang magkunwaring natawa. Hayst. Sabi na e.

"Haha. Imposible ang sinasabi mo, Kanna. Alam mo na naman, di ba?"

"Ang alin?"

"Secret Code."

"Aah." Parang medyo nahiya na 'ko. Ayokong pag-usapan ang tungkol dito. Nakakainis naman 'tong si Kuya! Siya ang hina-hot seat ko tapos ngayon namalayan ko na lang ako na pala ang nasa hot seat.

"Although wala akong planong i-pursue ang nararamdaman ko para sayo, I know what I'm feeling kaya..imposible talaga ang sinasabi mo," paliwanag niya.

"Pero hindi kaya..natatakot ka lang aminin sa sarili mo na may gusto ka na sa kan'ya kasi wala kang assurance na ikaw talaga ang mahal niya? K-kasi di ba..papalit-palit siya ng mga boyfriend saka.."

"Kanna," saway sakin ni Kuya Seichiro.

"hmp. Feeling ko lang naman 'yun eh. Saka alam mo Kuya Seichiro, may kasalanan ka rin e. Kasalanan mo kung bakit ka mahal ni Ate Imadori."

"Wala naman akong ginagawang espesyal sa kan'ya para magustuhan n'ya ko no."

"Akala mo lang."

"Pa'no mo nasabi?"

"May kasalanan ka rin kasi pinakita mo sa kan'yang karapat-dapat kang mahalin."

Natawa na naman siya at ginulo ang buhok ko. "Hindi naman joke 'yun ah! Bakit ka tumatawa?"

"Wala lang. Nag-iiba na kasi ang reasong mo e. Lumalalim na. Haha."

"Hay naku! Basta naniniwala ako na may gusto ka kay Ate Imadori. Nagseselos ka nga kasi nakikipaghalikan siya sa ibang lalaki eh. At take note: hindi lang basta halikan, intense pa! Tapos parang nabalewala lang ang pag-aalala mo sa kan'ya." Magsasalita sana siya pero pinigilan ko siya. "O wag mong i-deny! Kakasabi mo lang kanina!"

"Bakit naman ako magseselos? Alam ko naman matagal nang ganu'n talaga si Imadori. I am used to it, seeing her doing that with different guys."

"Used to it-used to it! Ang sabihin mo manhid ka na kasi lagi kang nasasaktan 'pag ginagawa ni Ate Imadori 'yon!"

"Nasosobrahan ka na ng kakabasa ng mga romance novels, Kanna."

"Hindi no! Siguro hindi mo pa 'yun nare-realize pero sooner or later mare-realize mo rin 'yun. Ramdam kong kakaiba 'yung pagpapahalaga mo kay Ate Imadori e."

"Ha? Pa'nong iba?"

"Would a normal friend do what you are doing to Ate Imadori? Hindi naman, di ba? Sobra kaya sa isang kaibigan ang turing mo sa kan'ya."

"I don't get what you are saying."

"Sige nga Kuya, tanong ko sa'yo, kaya mo bang magalit sa'kin? 'Yung katulad ng pagkagalit mo kay Ate Imadori?"

Nag-isip siya saka umiling. "Hindi. Wala akong nakikitang rason para magalit sa'yo. At hindi ko ma-imagine ang sarili ko na sinisigawan ka o kinagagalitan ka."

"O kita mo na! That's it!" sigaw ko nang may pagbubunyi. "Wala kang gusto sa'kin. Akala mo lang 'yon. Kasi kung hindi mo kayang magalit sa taong mahal mo, ibig sabihin non hindi mo talaga siya mahal."

"Haha. Sa'n mo naman nakuha 'yan?"

May pagmamalaki kong sinabi na, "Based on experience. May angal?"

"Hindi naman porket tama sa sitwasyon mo, tama na rin sa'kin. People have different interpretations in a single situation."

"Saka.." habol ko. "I think that it is because our fate has been separated from the start. Kaya hindi tayo nabigyan ng opportunity na ipakita kung sino talaga tayo sa harap ng taong akala natin e mahal natin."

"I am showing you who I really am."

"I don't think so."

"Oo kaya."

"Hindi kaya. Kung hindi mo kayang magalit sa'kin ibig sabihin hindi mo kayang ipakita ang side mo na galit ka."

"Haay. Hindi na matatapos ang usapan natin sa kakapilit mo sa'kin ng reasoning mo."

"E kasi aminin mo na."

"Wala akong dapat aminin."

Tumayo ako at tinapunan siya ng tingin. "Bahala ka, Kuya! Baka magsisi ka sa bandang huli. Basta ko, na-realize ko ngayong araw na..kailangan ko nang magpakatotoo sa sarili ko. Simula bukas, kakausapin ko na si Yuta. I will do everything para mahalin niya ko ulit."

"Then, that's better."

"Sana ikaw rin," sabi ko sabay belat sa kan'ya tapos tumakbo na 'ko palayo. Nu'ng nilingon ko siya, natawa na lang siya saka ngumiti.

I want him to be happy. Kaso mukhang hindi n'ya pa rin alam ang susi para ma-unlock ang happiness na 'yun. Kasi ayaw n'ya pa ring aminin sa sarili n'ya na..na-inlove siya sa taong nakakagawa ng masasamang bagay dahil sa pagmamahal sa kan'ya.

Siguro nga selfish si Ate Imadori, pero pakiramdam ko, mahal n'ya talaga si Kuya Seichiro. Kahit galit pa rin ako sa kan'ya, hindi ko maide-deny that one form of love is being selfish. Kaya kahit pa'no nauunawaan ko siya.

Okay. Her way of loving him is absolutely wrong, but tha act of loving itself is never wrong. In fact, sa lahat ng maling desisyong ginawa niya, 'yun ang pinakatama.

Haay. Sana maayos na ang lahat. At sana..bigyan ako ng chance ni Yuta para mapatunayan ko sa kan'ya..kung ga'no ko s'ya kamahal.

[Chapter Forty Two]

Kanna

"Sinabi niya talaga 'yon sa'yo?" mahinahong tanong ni Mama pagkatapos kong ikwento ang naging desisyon ni Yuta. Tumango ako.

"Ma, hindi ko na kaya eh. M-mahal ko siya talaga." No, Kanna. Hindi ka pwedeng umiyak. This time, hindi na ko pwedeng magpatalo sa mga traydor kong luha. This time, grounded sila at di pwedeng lumabas mula sa mga mata ko. "P-pero hindi ko alam kung pa'no ko sasabihin kay Yuta. H-hindi ko alam. Saka natatakot ako na baka..baka.."

"Confessing your love to someone is like risking everything. Meron lang dalawang pupuntahan ang sitwasyon after mong mag-confess, either magkaayos kayo o magpatuloy 'yung nangyayari sa inyong dalawa. In short, normal na matakot ka, Kanna. Pero tandaan mo, kung magpapadaig ka sa takot mo, walang mangyayari. As in wala talaga. Magpapatuloy lang ang lahat. Gusto mo ba 'yun?"

Syempre umiling ako at sumimangot. Luha, wag muna, please? Wag muna.

"Gan'to. The first thing you should do is observe him. Tapos, iparamdam mo slowly 'yung feelings mo sa kan'ya. Alam kong mahirap 'yun sa part mo, but this time, you need to take the initiative. You must let him feel that you love him. Then, look for a perfect timing, saka mo sabihin." She's smiling, quite relieved na sa kan'ya ko humihingi ng advice. Ako naman, napapalunok.

"Ma, pa'no ko ba ipaparamdam sa kan'ya?"

"Hmm. How about..cooking his favorite? Sabi nga nila, one way to a man's heart is through his stomach."

Biglang nag-light up and mukha ko. Oo nga no! Bakit hindi ko naisip 'yon? Tama! Ipagluluto ko siya ng paborito n'yang Menudo bukas!

Niyakap ko si Mama sa tuwa. "Ma, thanks sa advice! The best ka talaga!" Then hinalikan ko siya sa cheeks at nagpaalam na kong papasok sa kwarto ko para magreview.

*****

Tuesday. Second day of final exam. Observation day.

"Wow ah. Sipag mag-aral," sabi nu'ng babaeng taga-ibang section na (ang lakas ng loob na) umupo sa tabi ni Yuta na kasalukuyang nagre-review.

"Goal ko kasi makapasok sa Top 10. Alam kong sa mga grade ko nu'ng third grading, mahirap mangyari 'yun pero kung magiging sobrang tataas ng mga score ko ngayong finals, may chance ako."

"Siya nga pala, tuloy ba yung.." Parang nahihiya 'yung babae na ipagpatuloy ang sasabihin niya.

"Oo. After school, di ba?"

Tumango siya at nag-blush. "Salamat ah, Yuta. Kita na lang tayo sa labas after ng mga exams natin." Ano? M-magkikita sila?? W-wag mong sabihing magde-date sila? Argh! Grabe! Ako nga, hindi niya man lang inaya ng date kahit kelan, tapos—! Tapos—! Tapos ang lakas ng loob niya makipagdate sa kung sinu-sino lang? Tapos ang tamis pa ng ngiti niya du'n sa babae! Waah. Ang sakit! At..at ako na ang walang ibang magawa kundi mag-observe lang at magselos.

After ng exam, nagmamadali 'kong kinuha ang bag ko. Oo, susundan ko sila. Hindi ako mapapa-natag hangga't hindi ko nalalaman kung sa'n sila pupuntang dalawa!

Tumakbo ako at pumunta sa may gilid, sa labas ng school dahil sa pagkakatanda ko, du'n sila magkikita. Breath in. Breat out. Go, kaya ko 'to!

Maya-maya, nakita ko na 'yung babae sa harap ng gate. Agad akong nagtago sa puno malapit sa isang eskinita. Ayos, okay ang view rito.

"Kanina ka pa?" Si Yuta 'yun, kalalabas niya lang sa gate. Umiling 'yung babae at ngumiti. "Tara na?" aya ni Yuta. Tumango naman siya.

Nu'ng sumakay sila ng tricycle, sumakay din ako sa sumunod na tricycle sa pilahan at pinasundan ko sa driver kung sa'n sila pupunta. Haay. Ang hopeless ko naman. Mukha kong spy sa ginagawa kong 'to. Bumuntong hininga na lang ako at nag-focus sa pagmamatyag sa kanila.

At nakakamatay naman 'tong nakikita ko! Nagtatawanan sila sa loob ng tricycle! Oo na! Ako na! Ako na ang nagseselos! Waah.

Huminto ang tricycle nila sa isang flower shop. Parang dinaganan ng tonetoneladang isda ang puso ko. Ano 'yun, bibilhan niya ng bulaklak 'yung babae?? E samantalang ako nga, hindi pa niya nabibigyan ng bulaklak e! Oo, as Mr. SA nagawa na niya, pero 'yung siya talaga mismo? Hindi pa!

Katulad nga ng suspetsa ko, binilhan niya nga 'yung babae ng bouquet ng iba't-ibang makukulay na bulaklak. Ang ganda—ang gandang itapon. Ako na ang bitter! Haaay. Tama na nga, Kanna. Itigil mo na 'tong pagsunod sa kanila. Lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo e hindi ka naman pinanganak na Capital M. Siguro nga, mas mabuti kung uuwi na lang ako. At least 'pag umuwi ako ng maaga, makakapag-aral pa ko para sa bukas na mga exam, kesa 'yung susundan ko sila tapos maiinis at masasaktan lang ako. Tama, uuwi na lang ak—

"Sa tingin mo, magugustuhan 'to ni Soushi 'pag bumisita ko sa kan'ya sa ospital mamaya?"

"Haha! Oo naman! Isa ko sa mga close ng mokong na 'yun kaya alam kong magugustuhan niya 'to! Saka ano ka ba naman, Chiyo, girlfriend ka niya, malamang, kahit anong galing sa'yo, ikatutuwa nu'n! Haha. At tiyak, mas lalong bibilis ang paggaling nu'n!"

"Haha. Ikaw talaga! Mabola ka masyado!" natatawang sabi nu'ng babae sabay hampas sa braso ni Yuta.

T-teka. So sinamahan lang pala ni Yuta 'yung babae na girlfriend pala ni Soushi na bumili ng bulaklak? Oo nga no, absent si Soushi kanina. Ba't ngayon ko lang naalala? Waaah. Nakakahiya ako. Kung ano-ano nang naisip ko e hindi naman pala sila magde-date!

"Uy, Chiyo, nakausap ko na nga pala si Mrs. Oda kanina. Okay na. Pumayag siyang pag-exam-in si Soushi next week kaya galingan mo sa pag-aalaga sa boyfriend mo nang gumaling siya ka'gad! Haha!"

"Oo na! Oo na!" Tapos nagtawanan sila.

Nakakainis. Kahit alam kong magkaibigan lang sila ng gf ni Soushi, hindi ko pa rin maiwasang magselos. Namimiss ko nang makipagtawanan nang ganu'n kay Yuta. Sobrang namimiss ko na. At habang nag-e-emote ako, nagulat ako nu'ng hinawakan ni Chiyo ang buhok ni Yuta.

"Alam mo, ang dry na ng buhok mo. Stressed ka no? Kasi hindi magiging dry 'yan dahil lang sa nagpakulay ka ng buhok. Saka kahit si Soushi, sinasabi sa'kin na hindi bagay sa'yo ang bago mong gupit. Haha! Mas cute ka tignan dati!"

"Haha! Inggit lang 'yun sa'kin no! Pa'no kasi ayaw ng papa n'yang magpakulay siya ng buhok!" Tapos tumawa si Yuta nang malakas. Sumimangot naman si Chiyo.

"Oy hindi a! Hindi ganu'n ang si Soushi ko! Mabait 'yun!"

"Ganu'n 'yun." Nagsimula na si Yutang mang-asar.

"Hinde."

"Ganun 'yun."

"Hinde nga sabi e!"

"Ganu'n nga si Soush! Ang kulit mo, alam mo 'yun? Para kang si Ka—" Biglang natigilan si Yuta at namutla.

"Ayos ka lang?" tanong ni Chiyo sa kan'ya. 'Ka—?' A-ako ba ang tinutukoy niya?

Biglang umiwas si Yuta tapos maya-maya, tumawa siya. "Okay lang ako no! Halika na nga! Nabibilad na sa araw 'yung binili nating bouquet!"

Napangiti ako nang konti kasi kahit pala pa'no, nasasagi pa rin ako sa isip niya. Masaya na 'kong malaman 'yon.

*****

Wednesay. Third day of exam. Nagmamadali akong pumasok kasi male-late na 'ko. Medyo mabusisi kasi ang paggawa ng Menudo dahil sa dami ng mga ingredients nito. Habang tumatakbo 'ko papasok sa gate ng school, may naapakan akong bato na naging dahilan ng pagka-out of balance ko.

"Ah—!" Akala ko masesemplang na ko buti na lang may humawak sa braso at likod ko. Buti na lang may tumulong sa'kin kundi—

"Mag-ingat ka nga! Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh."

Dubdub. Dubdub.Dubdub. Dubdub.

OMG. Boses ni Yuta 'yun a? Uminit at nanlambot ang buong katawan ko. Nandito siya. Katabi ko. Inaalalayan niya kong tumayo. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit pero hindi ako makagalaw. Nanghihina ako. Nakatingin lang ako sa kan'ya hanggang sa tumalikod na siya at tuluyan nang mawala sa paningin ko. Ni hindi man lang ako nakapagpasalamat.

Nu'ng recess, lumabas siya ng classroom. Kinuha ko ang opportunity na 'yun para ilagay sa desk niya ang niluto ko. Nilagay ko 'yun sa usual na baunan namin. Sana..sana magustuhan niya. Paborito niya 'yun eh. At lalo ko pang sinarapan ang luto ko para matuwa siya habang kinakain 'yon.

Waah. Masaya na kong ini-imagine si Yuta na nag-gli-glitter ang mga mata kapag kumakain ng Menudo. 'Yung Yuta ko. Haay.

Pagkatapos kong iwan ang baunan sa desk niya, lumabas ako ng room at dumiretso sa CR. Whew. Grabe 'yung kaba ko! Waah. At nu'ng bumalik na ko sa room, isang pagalit at nakakatakot na bulyaw ang bumati sa'kin.

"Kanna!" Si Yuta 'yon at hindi ko na kailangang lumingon para malamang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.

"B-bakit?" tanong ko sabay lingon sa kan'ya while playing clueless.

"Ikaw ang gumawa nito.." Inangat niya ang sa baunan ko gamit ang kanang kamay niya. "Di ba?"

Nagulat ako nang bigla n'yang nilaglag sa sahig ang laman ng baunan naming dalawa. Natapon ang niluto ko. Naging agaw-atensyon ang nangyari kaya pati 'yung mga nagre-recess sa labas, napasilip sa room namin. Hindi ko inalakang gagawin niya 'yon. B-basta niya na lang tinapon ang pinaghirapan kong lutuin.

"Linisin mo 'yang kalat mo," cold n'yang sabi sabay talikod at labas ng room.

Automatic na tumulo ang mga luha ko. Napaluhod ako at pinagmasdan ang pinaghalong kanin ang Menudo na nahalo sa alikabok at amoy floorwax pang sahig ng classroom namin.

Bakit? Talaga bang wala na s'yang balak na pansinin ako?

Ito ang unang beses na ni-reject niya ang pagkaing niluto ko. Para niya na rin akong sinampal sa mukha sa ginawa niya.

Maya-maya, tumatakbo at humahangos papasok ng room ang dalawa kong pinsan. My rescuers. My saviors. "Kanna! Ayos ka lang ba??" sabay pang tanong nila.

Napalingon ako sa kanila at ngumiti nang pilit. Niyakap ako ni Miki. At hinagod naman ni Tomo ang likuran ko. Hindi ko na kontrolado ang mga luha ko. Hindi ko kayang i-equate ang dami ng luha ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Ma, akala ko ba, one way to a man's heart is through his stomach? E bakit ganu'n? Bakit ganu'n?? Hanggang..gan'to na lang ba kami?

Mali pala, wala namang kami eh. Kasi bago pa mangyari 'yun, naging siya na lang at ako—nag-iisang ako.

[Chapter Forty Three]

Yumi

Nakakaasar talaga si Hirai! Lagi na lang mainit ang ulo!"

"Sinabi mo pa! Kabwisit!"

Malapit na ko sa SSGH nang marinig ko ang dalawang lalaki na 'yun na nag-uusap. Mukhang galing sila sa loob. Actually, wala naman akong balak na pumunta ngayon du'n kundi lang nagpilit si Mr. Nishio na ibigay ko raw 'tong mga documents kay Natsume, ngayon raw kailangan ni Mr. President e. Hindi ko nga alam kung pa'no niya nalamang 'close' kami. Siguro ganu'n lang kabilis kumalat ang balita? Ewan. Hindi ko pa nga rin alam kung kami na ba o hindi pa. Basta after kong mag-confess sa kan'ya, hinawakan niya ang kamay ko. The end. Walang sabihan ng kung anu-anong matamis na salita. Sabagay,wala naman talaga s'yang romantic side dahil mabibilang lang sa kamay 'yung mga expression na kayang gawin ng mukha niya. Kundi pokerface, laging galit. Nagpapasalamat nga ko kasi minsan, tinotopak siyang ngitian ako e.

Tapos nu'ng mga nakaraang araw, sabi niya, lagi raw akong pumunta sa SSGH o kaya sa tambayan niya. Kesyo gusto niya raw akong palaging kasama. Echos. Ako na ang kinilig kahit pokerfaced niya pa 'yun sinabi. Baka ganu'n lang siya maglambing. Ha-ha-ha. What a word, Yumi.

Anyway, pumayag rin naman ako e. Gusto ko kasing sulitin ang mga nalalabing araw niya rito sa school. Natatakot pa rin kasi ako sa maaaring magbago sa'ming dalawa once na grumaduate na siya.

Nu'ng nasa tapat na 'ko ng pintuan, nakarinig ako ng mga sigaw. Napalunok tuloy ako.

"Sinabi ng ayoko n'yan eh! Gusto n'yo bang mapahiya tayo?! Alisin n'yo 'yang project na 'yan! Saka ikaw! Ano no 'to? Di ba sabi ko tanggalin n'yo na ang intermission number na 'yan sa meeting ng mga teachers at parents? E ba't 'andito pa rin sa pinrint mong invitation??"

"P-per—"

"Walang pero-pero! Trabaho!"

Nagulat ako nang biglang iniluwa ng pinto ang dalawang babaeng nagngingit-ngit sa galit na umalis.

"Nakakaasar talaga! Pinaghirapan natin 'yon tapos—!" nagpupuyos na sabi nu'ng babae.

"Gahd! Ito ang unang beses na napahiya ako sa buong buhay ko!" maiyak-iyak naman na sabi nung isa. Malamang sila 'yung nasabon na, binanlawan pa ni Natsume kanina. Natakot tuloy ako bigla. Monster mode on na naman siya ngayon. Ibibigay ko pa ba 'tong hawak ko? Parang gusto kong magback-out at magdahilan na lang kay Mr. Nishio na—haay. Baka mapagalitan ako lalo sa naiisip kong ito. Sige na nga! Ibibigay ko na!

Kumatok ako nang mahina at pumasok ako ka'gad. Wala pang five seconds, muntik na 'kong lumabas! Pa'no ba naman kasi, kakapasok ko pa lang nu'ng sumigaw siya ng: "Sinabi nang baguhin ny'o 'yan eh!! Ba't ba ang kikitid ng ut—"

Nagulat siya nang makitang ako 'yun. Teka, namula ba siya? O iniisip ko lang 'yun? Haha. Baka naman napahiya siya kasi sinigawan niya ko e hindi naman niya ko subordinate.

"I-ikaw pala.." sabi niya. Tumango ako. Umiwas siya nang tingin. Oo nga, nagba-blush nga siya. "S-sorry, nasigawan kita. Y-yan ba 'yung galing kay Mr. Nishio?"

"Oo." Padabog kong nilapag sa mesa niya ang mga documents na hawak ko at sinamaan ko siya ng tingin. "Sa susunod, Mr. President, tratuhin mo nang maayos ang mga officers at members mo." Hindi ko matiis na hindi siya sabihan kasi sobra naman 'yung ginawa niya kanina. "Ang galing mo mag-utos pero nakaupo ka lang d'yan! Hindi mo matatawag na responsibilidad ang pag-uutos!"

Oo, diniinan ko talaga 'yung favorite word n'ya nang maisupalpal ko sa mukha n'yang kaya ko siyang pagsabihan.

"Ganu'n ba?" Tumingin siya sa'kin, seryoso ang mukha niya. Mukhang galit. Nainis ata sa sinabi ko. "Ano namang alam mo sa pamamahala, ha? Tsaka, for your information, more than 50% ng lahat ng ginagawa ng SSG, ako ang tumatrabaho."

"E ano naman? Siguro nga hindi ko alam kung ga'no karami ang kino-contribute mo sa SSG pero ang alam ko lang, mali 'yung sinisigawan mo sila! Hindi 'yon makakatulong para sumunod sila sa'yo. Deep in their hearts, nagtatanim na sila ng galit sa'yo! You should know that!"

"Okay, fine with me. Gagawin ko 'yang sinabi mo," pairap n'yang sabi.

"Talaga? Mabuti naman!" sabi ko. Hindi ko inaasahan na papayag siya ka'gad pero mabuti na rin 'yun. Ga-graduate na sila, dapat walang maiwang sama ng loob!

"Pero..sa isang kondisyon," sabi nya habang nakangisi.

"Nye. May gano'n pa?"

"Kailangang makipagdate ka sa'kin."

Natulala ako. Ngumiti siya. Waah. Parang umaliwas ang buong paligid!

"Wooow. Ngumiti ka," masaya kong sabi sabay ngiti rin. Ewan ko. Adik na ata ako sa ngiti niya kaya lagi kong hinihintay ang mga ganung rare moments. Dati sa mga mata n'ya lang, di nagtagal pati ngiti n'ya na. Haay. Ah! Oo nga pala! Bigla kong naalala na may sasabihin pala s'yang kondisyon.

"Ano nga ulit 'yung kondisyon?" tanong ko. "Di ako nakikinig eh. Haha." Masyado akong natulala sa ngiti n'ya kaya hindi ko na narinig ang sinabi niya.

Nagtaka ako nu'ng biglang nagbago ang mukha nya. Kanina medyo okay na e. Ngayon, balik na naman sa dati. Galit siya. Bakit naman kaya?

"Basta! Two pm sa Sabado! Sa Coffee Cafe!" sigaw niya sa'kin.

Napakunot ako ng noo. Hindi ko kasi naintindihan. Ano daw? Two pm? Bakit? Anong meron?

*****

Wednesday ng umaga. Papunta ako ng library para mag-review. Third day of exam na kasi. Kailangan kong mapataas ang mga grades ko. Nakakahiya naman kay Natsumeng masungit. Lalaitin niya na naman ang test scores ko 'pag nagkataon. At syempre, ayokong mangyari 'yun! Gusto kong ipakita sa kan'ya na nagsisikap talaga kong mag-aral at hindi ako slowpoke na katulad ng tinatawag n'ya sa'kin minsan!

Naistorbo ang mga iniisip ko nang may lumapit sa'king mga estudyante.

"Ikaw ba si Yumi Masato?" tanong ng isa. Siya 'yung babaeng umiiyak nu'ng nakaraan kasi sinigawan siya ni Natsume. Tumango naman ako.

"Wow! Ang galing mo!" sabi niya at nagsunud-sunod ang mga papuri nila sa'kin sa 'di ko malamang kadahilanan. "Anong ginawa mo sa boss namin kahapon?" tanong niya.

"Ha? 'Boss' ?" tanong ko, nagugulahan.

"Si Natsume. Ang sungit kaya n'un!" sabi nu'ng lalaki. "Tapos nagulat na lang kami nu'ng nag-meeting kanina 'yung SSG! Parang himala ang nangyari!" kwento niya.

"H-himala?" ulit ko sa sinabi n'ya nang patanong.

"Pa'no naman kasi, ang kalmado n'ya sa meeting. Pati nga si Seichiro, nagulat. Tapos 'yung mga opinyon namin, kino-consider n'ya isa-isa. Ang pinakakinagulat pa namin, mas binigyan niya kami ng reasonable date para tapusin ang mga deadline namin!" masayang sabi nu'ng isang babae.

"W-wow." G-ganon kalaki ang in-improve niya?

"Dahil sa'yo tuluyan nang bumait si Natsume! Imagine??" Tumingin siya sa mga kasama niya. "Ngumiti siya kanina sa'min!"

"Syet! Ang wafu pala ng presidente natin no? Kanina ko lang napansin!" komento ni Ate kanina.

Umubu-ubo 'yung isa. "Adik ka, taken na 'yun! Wag ka nang pa-kontradiba effect!"

"Ahaha! Sorry, Yumi. Pinupuri ko lang naman siya. Wala akong HD (Hidden Desire), okay?"

T-taken? Waah. So iniisip nila na girlfriend ako ni Natsume? Blush. Hindi pa kaya. Sa sobrang hiya at kaba ko habang inuusisa nila ko, napatingin na lang ako sa mga paa ko. Hindi kasi ako makatingin sa kanila ng diretso eh. Nahihiya ako. Pwede bang lamunin na lang ako ng lupa?

"Hala! Nahiya na si Yumi! Ikaw kasi e!" sabi ng isa.

"N-naku! Hindi sa ganu'n!" sabi ko.

"Girlfriend ka ni Natsume, di ba? Sinong mag-aakalang may magtatyaga pang pakibagayan ang taong 'yon? Haha! Thank you ah! Dahil sa'yo, bumait s'ya sa'min."

"Paulit-ulit ka naman! Nasabi ko na 'yan kanina e!"

"Ahahaha. Nasarapan. Sorry naman."

"S-sa totoo lang.." Huminto sila sa pagchichikahan nang magsalita ako. "Hindi ko pa alam kung girlfriend na ba ang turing niya sa'kin," nahihiya kong sabi sa kanila.

Tinapik ako nu'ng lalaki kanina. "Masungit lang 'yun pero mahal ka nu'n. Shy type lang!" Nagtawanan sila at inasar pa ko lalo kay Natsume. Lalo tuloy akong namula. Maya-maya, nagpaalam na sila at nagpasalamat ulit. Nagpasalamat rin ako sa kanila tapos mag-isa na ulit ako at nagpatuloy na sa pagrereview.

Nung recess, umalis ako ng room kaya nagulat ako nu'ng pagbalik ko, ang daming usisero't usisera sa room namin. Anyare?

Nag-excuse-excuse ako sa mga nakaharang sa pintuan. Nung nakadaan na ko, nagulat at nanlaki ang mga mata. Nakita ko si Kanna na umiiyak at nagwawalis sa sahig. Ano 'yung natapon? K-kanin? Saka ulam? Anong nangyari? Don't tell me si Yuta ang may gawa nito?

[Chapter Forty Four]

Imadori

"W-what?! You're breaking up with me??" react ni Shin. I just rolled my eyes.

"Kakasabi ko lang di ba??"

"Pero Imadori?!"

Nagsimula na akong maglakad palayo. Pero nakakaimbyerna, hinahabol n'ya pa rin ako.

"Okay, gets ko na. 'Yung Seichirong y'un ang dahilan, di ba?"

Huminto ako sa paglalakad at nilingon siya. "It's none of your business," sabi ko sabay lakad ulit at pumara ng taxi.

"Hey! Wait! Y-you can't do this to me!" Patuloy pa rin s'yang sumisigaw at pinupukpok pa ang bintana ng taxi.

"Manong, let's go," utos ko sa driver, totally ignoring him.

I decided to end it all. These bullshits I've been doing all my life. 'Cause I know these guys, my flings, can't make me happy. Nakakapagod na ring magpanggap na masaya. Lalo ko lang pinapatunayan kay Seichi na tama ang sinabi niya.

Thursday. Pumasok ako ng school. Parang nanibago tuloy ako. Ang tagal ko na kasing hindi pumapasok e. I immediately went to the faculty and talked to our adviser. Ipinaliwanag ko sa kan'ya kung bakit ako nawala nang matagal. Syempre, nagsinungaling ako. Sinabi kong nagkasakit ako. Nagtanong siya kung may medical certificate daw ba ko. Of course, meron. Madali na lang makakuha n'yan ngayon. Ang after ng konting kumustahan, dumiretso na 'ko sa pila sa may covered court.

May mga bumati sa'kin at tinanong kung bakit absent ako nang matagal. Ngumiti lang ako at sinabi ko sa kanilang nagkasakit ako. Deep inside alam kong plastik lang din naman silang gaya ko.

Ang pinagkaiba lang namin, mas maganda ako sa kanila.

Hinanap ko sa tingin si Seichi, pero hindi ko siya makita. I asked Natsume. Nakakagulat kasi parang may nagbago sa kan'ya. Ewan pero looks like he doesn't have a dark aura unlike before.

"Kanina andito siya eh. Ang pagkakatanda ko may nagpatawag sa kan'ya. Outsider ata 'yun. Kalalabas n'ya lang ng gate kanina at hindi pa s'ya bumabalik," paliwanag niya. Bigla akong kinabahan. May masama akong kutob sa mga mangyayari. W-wag naman sana.

"O-outsider? N-nakita mo ba ang mukha niya?" nagpapanic kong tanong sa kan'ya.

"Hindi e. Ang usap-usapan lang, may dalang mamahaling kotse ang outsider na 'yun."

Shit! Baka si Shin 'yun. Nagmadali akong tumakbo papunta sa labas ng gate kasabay ng pagdadasal ko, na first time ko ginawa, na mali sana ang hinala ko. Lord, alam ko na makasalanan akong nilalang pero please..sana..sana walang gawing masama si Shin kay Seichi!!

Pagkalabas ko ng gate, ni anino nila wala akong naabutan. Nagtanong ako sa ibang bystanders sa paligid kung sa'n nagpunta 'yung kotse. Tinuro naman nu'ng isa. Tumakbo ako at naghanap ng masasakyan. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko at tinawagan si Shin.

Damnit! Sagutin mo!!

Nakakita ako ng taxi. Pinara ko at sumakay ako agad sa loob.

"Miss, sa'n tayo?"

"Dumiretso ka lang! Mamaya ko na sasabihin kung sa'n!" sagot ko.

F-F*ck! Sagutin mo! Hayup ka!

Maiiyak na ko. After ng ilang minuto, sinagot niya rin.

"Hayup ka! Sa'n mo dinala si Seichiro?!" 'Yun ka'gad ang sinabi ko. Nakarinig ako ng tawa sa kabilang linya. "Damn you! Sagutin mo ang tanong ko! Sa'n mo siya dinala?"

"Hmm..sa isang bakanteng lote rito sa QC? Haha!"

"Mapapatay kita 'pag may ginawa ka sa kan'ya! Tandaan mo 'yan!!" banta ko. Unti-unti nang namumuo ang mga luha ko sa takot. Nagpapanic na 'ko at nanginginig ang mga kamay ko.

"M-manong, maghanap kayo ng bakanteng lote sa QC! Du'n tayo!" utos ko.

"H-ha? Pero miss, masyadong malawak ang Que—"

"Basta! Maghanap ka!" Nakarinig na naman ako ng tawa sa kabilang linya.

"Chillax, Imadori. Hindi pa naman siya patay. Don't worry. Pero baka mamatay siya..kung hindi mo ka'gad matatagpuan kung sa'n namin siya dinala. HAHAHAHA!!"

"A-anong sabi mo??" No..No! There's no way I'd buy that! Imposibleng—imposibleng—! "Shin, please! If this is a joke, hindi ka nakakatawa! Sabihin mo sa'kin ang totoo!"

"I am telling you the truth!"

"Anong ginawa mo sa kan'ya? Demonyo ka!"

"We just played a little game. Kaso ayu'n..hindi siya lumaban e. Kaya natalo siya. HAHAHA! Napakawalang kwenta naman ng lalaking iniibig ng prinsesa ko! HAHAHA!!"

"Demonyo ka! Demonyo ka! Mamatay ka na!!" Tuluyan nang bumagsak yung mga luha ko. Shit! Pa'no kung hindi ako umabot?? God!! Hindi ko kakayanin! Please, help me!!

"HAHAHA! Sinong mas demonyo sa'ting dalawa? Ha, Imadori?"

"M-minahal talaga kita! Pero sadya talagang—"

"Mas mahal mo ang lalakeng 'yon, tama ba??"

"O-oo," maiyak-yak kong sagot sa kan'ya. Damn, stop this Shin! Stop this!!

"You know I hate rivals and I hate accepting defeat. Kaya mas mabuti nang mawala na lang siya sa mundo. HAHAHA!!"

"Shin, please! Ako na lang ang saktan mo, wag siya! P-parang awa mo na! Wala s'yang kinalaman sa'ting dalawa!" I pleaded, and cried and sounded so desperate but—but still—he—

"Sorry, Princess, mukhang nahuli ka na."

"SHIIIIIN!! Please wag mo naman gawin sak—"

Beep. Beep. Beep. Pinutol niya na ang tawag. Bigla akng kinapos ng hininga. Hindi ako mapakali. A-anong gagaw—Ah! Tama-tama, t-tatawagan ko ulit siya. Pinahid ko ang mga luha ko. Calm down, Imadori. This is just a damn old joke. Hindi ito totoo. Seichiro's safe somewhere. C-calm—

"Miss, sa tingin ko..ito na 'yun," sabi ng driver na mukhang may takot sa kan'yang mga mata. May tinuro siya. Halatang nagpa-panic din si Manong. "M-miss, m-may t-taong d-duguan du'n sa m-may gilid." Napatingin ako sa kung lugar na tinuro ni Manong taxi driver.

And the world suddenly stopped. I stared at him, wide eyed. No, this can't be happening. No! Nooooo!! Nagsisigaw ako sa loob ng taxi. Lumabas naman si Manong at binuksan ang pintuan sa tapat ko at kinalma ko.

"Miss! Miss!! Ayos ka lang ba?? Huminahon po kayo!!" sabi niya.

"Seichiro! Hinde! Hinde!!"

Inalog-alog ako ni Manong ang balikat ko, pilit akong binabalik sa katinuang unti-unti na 'kong tinatakasan. "Miss! Huminahon kayo! Baka buhay pa po siya! Dalhin po na'tin siya sa ospital!"

Tumigil ako sa kakaiyak at pagsigaw dahil sa sinabi ni Manong. Para kong mababaliw. Agad akong lumabas ng taxi at tumakbo sa bakanteng lote na 'yun. Lumapit ako sa duguang katawan ni Seichi. Puro pasa ang katawan niya at dumudugo ang ulo niya. Agad ko s'yang binuhat at nilagay sa hita ko. Tumingin ako sa paligid. Wala na ang mga Hudas na 'yun! Damn!!

Tinapik-tapik ko yung pisngi ni Seichiro.

"Seichi! SEICHI!! Gumising ka! Parang awa mo na! I'm really sorry! Ako ang m-may kasalan—SEICHIRO! SEICHIRO!"

Natutuluan na ng luha ko ang mukha niya. Kahit anong tapik ko sa kan'ya, ayaw n'yang gumising. Kahit anong sigaw ko ng pangalan n'ya, hindi siya nagkakaron ng malay.

"Miss, iche-check ko ang pulse niya. Huminahon po kayo."

Pagkatapos n'yang i-check,ngumiti siya sa'in. "Manong!! Ano? Ano? 'Wag kang ngumiti d'yan! Ano?? Bu—"

"Buhay pa po syia. K-kaya dalhin na po natin siya sa pinakamalapit na ospital!"

Paulit-ulit akong tumango at tinulungan ko si Manong na buhatin si Seichi papunta sa loob ng taxi. Habang humaharurot si Manong driver, hindi ko pa rin mapigilang umiyak. Pinupunasan ko ang mga bloodstains sa mukha ni Seichiro pati sa kamay at braso niya.

"Seichi! Just hang on! Hindi ka pwedeng mamatay! Tell you're not gonna leave me! You can't die! You can't! SEICHI!!"

Dinala ka'gad si Seichiro sa ICU. Hinawakan ko sa braso ang doctor.

"Doc, please, save his life! Please!! Nakikiusap ako, m-ma-mayaman ang pamilya ko, k-kahit magkano kaya kong ilabas, buhayin n'yo lang s'ya! Kahit magkano! Maniwala kayo sa'kin!! Kaya gawin n'yo ang lahat! Save him! Please save him!!"

Alam kong nakatingin na sa'kin halos lahat ng mga malapit sa area ng ICU dahil sa pagmamakaawa ko sa doctor. Lumuhod pa ko habang hawak ko ang braso niya. Nagpupumiglas siya pero hindi ako natinag. Hindi ako bumitaw. "Promise me! Promise me that he'll be alright! PLEASE! Please parang awa n'yo na po! Nakikiusap ako!! DOC!!!"

"Alright. Just calm down." Tumangu-tango ang doctor with an apologetic look tapos sinenyasan n'ya ang mga kasama n'yang nurse. Nagulat ako nang hawakan ako ng mga nurse sa magkabilang braso at pilit akong nilalayo sa doctor ay kay Seichi.

"Bitawan n'yo ko! Sinabi nang bitawan n'yo ko eh!!" pagpupumiglas ko sa kanila.

"Miss, huminahon po kayo. Kung gusto n'yo pong maligtas ang buhay ng pasyente, mas mabuti pong umupo kayo sa isang tabi at maghintay. Naaabala n'yo po ang—"

"FINE!!" sabi ko sabay bawi sa dalawang braso ko. Tinitigan ko sila nang masama habang naghahabol ako ng hininga.

"Sige po, tatawagin na lang namin kayo 'pag tapos na namin s'yang gamutin," sabi nung isa sa kanila tapos pumasok na sila sa ICU room.

Wala akong magawa kundi umiyak na lang habang sapo ng dalawang kamay ko ang mukha ko. Biglang bumalik sa'kin ang sinabi ni Seichi dati: 'Cause you don't know that feeling..hindi mo alam 'yung pakiramdam na meron kang taong gustong protektahan at ayaw masaktan.'

Seichi, you're wrong. Kasi..kasi..alam ko na ang pakiramdam na 'yun. Alam ko na! Alam ko na.. kaya please..please don't die!

Lord, sana ako na lang! I deserve Your punishment! Kaya bakit siya pa? Bakit siya pa ang kailangang makaranas ng paghihirap? Sana ako na lang! Ako na lang sana ang mamatay!! Wag n'yo pong idamay si Seichi dito. Nakikiusap ako! Parang awa Niyo na po!

Habang humahagulgol, naalala ko ang family ni Seichi. I need to inform them. Tinawagan ko ang number ni Yuta kahit alam kong galit sa'kin ang taong 'yun.

"Ano na namang bang problema mo, ha??" bungad sa'kin ni Yuta.

"S-si Seichi.." Hindi ko alam kung pa'no ko sasabihin sa kan'ya ang nangyari.

"Anong meron kay Kuya? Teka—wag mong sabihing pati si Kuya ginawan mo rin ng masama? Alam mo, ikaw?! Sagad sa buto na ang kasamaan mo e no?"

"OO!! INAAMIN KO NAMAN EH! Kaya lang naman ako tumawag, para i-inform kayo. Nasa ICU si Seichi. 'Andito kami sa East Ave Hospital. P-pakiinform na rin ang parents n'yo." Pinutol ko na ang tawag 'pagkasabi ko nu'n kasi ayoko nang makarinig pa ng sermon mula kay Yuta. I know, right? Kung pwede lang ako na lang 'yung nasa loob ng ICU ngayon e. Kung pwede lang sana, di ba??

Tumawag rin ako sa mga pulis at ni-report ko ang mga nangyari. Dahil kilala ang mga magulang ko at makapangyarihan sila, agad nilang inaksyunan ang nangyari. Officially wanted na si Shin at pinaghahanap ng mga pulis. Ilang minuto lang ang lumipas, tumakbo palapit sa'kin ang mga magulang at mga kapatid ni Seichi.

Lumapit ako kay Tita. Maga na ang mata ko pero ayaw pa rin tumigil ng luha ko. Sumisinghut-sighot na 'ko at nahihirapang huminga. "T-t-tita, I'm really sor—"

Nagulat ako nang bigla akong sampalin ng mama ni Seichi.

Huminga siya nang malalim at tila nagpipigil ng iyak. "Mula ngayon, hindi ka na makakalapit sa anak ko. TANDAAN MO 'YAN!!" Hinawakan n'ya ang buhok ko at tangkang hihilain pero pinilan siya ni Tito.

"Hon, stop it!" sabi n'ya sabay yakap kay Tita. "Hindi pa natin alam ang lagay ni Seichi kaya huminahon ka.There's no use blaming her."

Binitawan niya ang buhok ko at nagsimulang humagulgol. "Ang anak ko! Ang anak ko! Seichiro!!"

Pati si Yuta lumapit na kay Tita at hinagod ang likod n'ya. 'Yung bunso naman nilang kapatid, umiiyak na rin sa gilid.

Lumuhod ako sa harap nila.

"I'm really sorry po!! Sorry..sorry..sorry! I'm really sorry!! K-k-kundi dahil sa'kin, hindi mangyayari 'to sa kan'ya."

Minutes later, lumabas na ang doctor at nagmadaling lumapit sa kan'ya sila Tito.

"A-ang anak ko, kamusta?"

"Don't worry. He's safe now. Siguro it will just take a few days bago siya maka-recover completely," mahinahon at nakangiting sabi ng doctor na tinulungan pa akong tumayo at tinapik ako sa balikat, his eyes were telling me not to worry anymore.

"A-ayos na ang anak ko?? Buhay siya??" natutulirong tanong ni Tita.

"Opo, madame. Baka mamaya po magkamalay na siya."

Muntik nang mahimatay si Tita sa mga narinig. "Diyos ko! Lord! Salamat po!!"

"Doc, ano nga palang nangyari sa anak ko? Kararating lang kasi namin eh. Wala kaming ideya kung anong nangyari," sabi ni Tito. Napansin kong nakakapit sa braso niya ang umiiyak pa ring bunso nila.

"Nu'ng dinala siya rito, puno ng bruises ang katawan niya at dumudugo po ang ulo niya. Sa tingin ko po, binugbog siya at pinalo ng matigas na bagay sa ulo. Luckily, hindi naman ganu'n kalalim ang naging sugat n'ya sa ulo kaya hindi naapektuan ang pag-function ng brain niya."

Pagkatapos ng ilan pang pag uusap, iniwan na sila ng doctor. Before he left, he tapped my head and gave me a warm smile. "Ngumiti ka na, Miss. Okay na siya."

Napatingin ako sa kan'ya at pinahid ko ang mga luha ko.

"S-salamat po," sabi ko at nagsimula na naman akong humagulgol. Thank you Lord!

Tinransfer na si Seichi sa isang bakanteng silid kung saan nagsimula na s'yang bantayan at lapitan ng pamilya n'ya. Bago pumasok sa loob si Yuta, tinapik ko siya.

Nilingon n'ya ko at sinabi n'yang, "Ano??"

"P-please inform me kapag..n-nagkamalay na s'ya."

"Hah! At bakit ko naman 'yun gagawin, ha??"

"Please, Yuta. Nakikiusap ako. Alam kong marami akong nagawang kasalanan sa'yo pero please naman o.. ako sa'yo. Kahit 'yun man lang..sabihin mo sa'kin. S-s-sige na..I-I will make sure na mahuhuli si Shin..y-yung ex ko sa ginawa n'ya kay Seichi..k-kaya—"

"F-fine! Gagawin ko na kaya pwede ba? Umalis ka na," madiin n'yang sabi. Tumango ako at tumalikod na. Bago ko maglakad, bigla s'yang magsalita. "O-oo nga pala." Napalingon ako sa kan'ya, nakatingin siya sa malayo at magkasalubong ang kilay. "I-inform mo na rin si..si Kanna..sa kalagayan ni Kuya."

Tumango ako.

Oo nga pala..si Kanna. 'Yung babaeng sobra kong kinaiinisan. 'Yung babaeng mahal ni Seichiro. I need to talk to her. At this time, hindi ako pupunta sa kan'ya para mag-revenge o kung ano pa man.

This time, I will make sure that I will do the right thing..for Seichiro.

[Chapter Forty Five]

Kanna

"Kanna? Ayos ka lang? Anong nangyari??" Napalingon ako sa nagsalita. Si Yumi pala 'yon. Ramdam ko ang matinding pag-aalala sa boses n'ya. "Wag mong sabihing..si Yuta ang may gawa nito??" Iniisip ko kung pa'no ko sasabihin sa kan'ya ang lahat pero bago ko magawa 'yun, nag-conclude na siya agad. "Hayst! Sumusobra na talaga ang lalakeng 'yon!" sabi n'ya na akmang lalabas ulit ng room. Pinigilan ko siya. Hawak ko ang isang braso niya at umiling-iling ako.

Tumingin s'ya sa'kin at nagsabing, "Kanna, bitawan mo ko." May halong pagbabanta ang boses niya, nagpipigil ng galit. "Hindi ko na talaga mapapalampas ang ginagawa sa'yo ni Yuta! Bitawan mo ko! Sumusobra na siya e!!" Umiling ulit ako saka binigyan ko siya ng isang matamlay na ngiti.

"W-wag na. Ayos lang ako."

"Ayos? Sa'n banda, Kanna? Tignan mo nga 'yang mata mo o..namamaga pa rin sa kakaiyak!"

"Ayos lang ako," I pressed on her. Matapos ang ilang beses na pangungumbinsi, napagod din si Yumi at sumuko sa'kin.

"Hmp. Fine. Pero sa susunod na may gawin ulit siya sa'yo, hindi na talaga ako magdadalawang isip na sugurin siya, okay?" Tumango na lang ako. Wala naman akong magagawa sa gusto ni Yumi. Isa pa, kapakanan ko lang naman ang iniisip niya.

Bago ko umuwi, dumaan ako sa sementeryo kung saan nakalibing ang mama ni Yuta. Nagbigay ako ng bouquet ng paborito n'yang bulaklak: Lilies.

"Tita, sorry ngayon ko lang kayo nabisita. Miss ko na po kayo."

Muli, bumalik sa'kin ang mga alaala ng nakaraan. 'Yung mga panahon na madalas ako sa bahay nila Yuta at lagi kaming nagluluto ng mama n'ya. Minsan naman sila ang pumupunta sa bahay namin. Bonding-bonding ng dalawang pamilya. Sana, sana pwedeng maulit 'yun.

Tumulo na naman ang mga luha ko.

Makikita ko pa kaya ulit ang ngiti ng dating Yuta na matagal ko ng kaasaran at kabiruan noon? 'Yung taong walang ginawa kundi mang-inis at mangbara sa'kin? 'Yung taong laging and'yan sa tabi ko 'pag kailangan ko ng kasama?

"Tita, tulungan n'yo po ako. Tulungan n'yo po akong mahalin ulit ako ni Yuta. Sige na uh. A-alam ko po na may nagawa akong kasalanan sa kan'ya..pero pinagsisisihan ko na po 'yun. Tulungan n'yo naman po ako na mapatawad n'ya ko. Please po, Tita. H-hindi ko na po kaya eh. A-alam n'yo naman po na maski dati pa lagi na kaming magkasama. A-ang hirap po ng sitwasyon namin ngayon e. K-kasi galit na siya sa'kin. Tita, hindi ko na po talaga alam ang gagawin ko. I-I'm sorry po kung kelan ko lang na-realize na mahal ko pala ang anak n'yo. Promise po Tita, m-mahalin n'ya lang ulit ako, hindi ko na s'ya sasaktan ulit. Promise po 'yan."

At nagpatuloy ako sa pag-iyak sa puntod ni Tita. Kinausap ko siya nang kinausap hanggang sa hindi ko na kayang magsalita dahil nauubusan na ko ng hangin kakaiyak. Siguro nga, ang desperada ko na. Kung pwede lang sanang magkaron ng magic lamp na may genie sa loob eh. Para mai-wish ko na sana, bumalik ako sa nakaraan—'yung nakaraan na pinapangarap ko sanang maulit ngayon.

Kasi dati, hindi naman gan'to kakomplikado ang lahat.

Naisip ko nga, kung hindi ba kami nagkagusto sa isa't isa, magiging masaya kami? Magiging okay ba ang lahat? Sabagay, mali naman kasi ang timing ng pagkakagusto ko sa kan'ya. Hindi naman ata kami nagsabay ng rhythm. Maybe it will make a difference if we fall for each other at the same time. Para walang complications. Kaso..napaka-unrealistic naman nu'n. Too good to be true.

*****

Thursday. After ng exams, maaga akong lumabas ng room. Nakaka-suffocate ang ginagawa ni Yuta na pagkanta habang naggigitara sa mga babaeng nakapalibot sa kan'ya. I can't stand it kaya umuwi na lang ako at dumiretso sa kwarto ko para makapag-review. Last day na kasi ng exam bukas. Dapat ko nang itodo ang powers ko. Kaso hindi ako nagtagumpay.

Bigla ko kasing naisip na gawan siya ng love letter total ayaw niya kong kausapin. Alam ko ang mais-tuhod nu'n pero 'yun na lang ang tanging naiisip kong paraan para maiparating sa kan'ya ang nilalaman ng puso ko. Na baka sakaling sa gagawin kong 'yon, mabago ko ang isip niya.

Ilang oras ang nakalipas, pero hindi ko pa rin alam kung pa'no ko magsisimula. Hanggang sa maisipan kong i-summarize ang libu-libong mga salitang nagkukumpulan sa utak ko na nais kong sabihin sa kan'ya sa apat na salita:

Mahal kita. Sorry na.

*****

Friday. Nu'ng magbell, dumiretso ako ng CR para mag-ayos nang konti. Napansin ko ang Twisty Heart sa leeg ko. Napangiti ako. Sa lahat ng babaeng may crush kay Yuta, ako lang ang meron nito. Twisty Heart, gabayan mo ko! Sana palapitin mo ang puso ko sa puso ng amo mo!

Pagkalabas ko ng CR, nagulat ako sa nakita ko.

S-si Ate Imadori.

May hinihintay ata sya sa labas ng CR. Napalunok ako. S-sana hindi ako 'yun!

Tatakbo na sana ko nang mabilis para hindi n'ya ko mapansin kaso nakita n'ya ko ka'gad.

Ngumiti siya. Teka. Kakaibang ngiti 'yon ah. Ang tamlay ng ngiti n'ya. Dahan-dahan s'yang lumapit sa'kin. Unti-unti kong napapansin na may nagbago sa kan'ya. Ang gulo ng buhok niya. Parang may humila o sumabunot. May nakita kong mga maliliit na pasa sa braso n'ya. Hindi s'ya mukhang elegante at presentable. S-si Ate Imadori ba talaga ang nakikita ko? Baka naman napagkamalan ko lan—

"Kanna, p-pwede ba kitang makausap?" Halatang may pag-aalangan sa tinig niya. Nang mapansin n'yang nakatitig ako sa braso n'ya, agad n'ya 'yung tinago sa likod n'ya.

DV (Domestic Violence)? Bullying? Haha. Imposible naman 'yun. Naalala ko 'yung kinuwento sa'kin ni Kuya na minsan nagawa ni Ate Imadori na bayaran ang mga kaklase nila para lang magmukha s'yang nakakaawa at makakuha ng atensyon. Tama, baka technique n'ya lang rin 'to.

Magsasalita na sana ako at susungitan s'ya kaso bigla s'yang nagsalita ng: "I know this is too late but..c-can you please forgive me?" Biglang tumulo ang mga luha niya. Shocks. Ramdam ko ang sincerity niya! Teka-teka. Naalala ko na nu'ng sa vandals issue, nag-iyak-iyakan din siya kaya hindi dapat ako magpalansi! Hindi dapat ako maniwala!!

"Kanna, I'm so sorry for everything that I've done to you. A-alam ko na..posibleng hindi ka maniwala sa'kin kasi..napakasinungaling at napakamapagpanggap kong tao. Inaamin ko na pinaplastik lang kita dati just to make fun of you and to use you. But then, I want you to know..that this time, I'm telling you the truth. Sorry sa lahat."

Lalong dumaloy ang mga luha niya. Hindi niya 'yun pinahid. Parang hindi talaga siya si Ate Imadori. Lalo akong nagulat nu'ng lumuhod s'ya sa harapan ko.

"O-okay lang sa'kin kahit hindi mo na 'ko mapatawad. But..c-can you do me a f-favor? A-alam ko na.. ang kapal ng mukha ko para humingi pa ng favor sa'yo after all that I've done to you, but you are the only one who can do it." A-ako lang ang kayang gumawa? Ano kaya 'yun?

Tumingin sya sa mga mata ko. "Please, s-si Seichi na lang ang mahalin mo."

"H-ha??" Ano bang pinagsasasabi ni Ate Imadori?

*****

"L-look, I know it sounds ridiculous. Pero alam mo na naman di ba, na..i-ikaw ang mahal niya?"

"A-alam ko 'yun, per—"

"Si Yuta ang mahal mo. I know that. Kelan ko lang nalaman. I'm sorry, I don't know that before. Pati 'yung sa current situation n'yo ngayon, kelan ko lang nalaman. Alam ko na..hindi ka na pinapansin ni Yuta ngayon. And it's all my fault. But..but..please..hindi ba pwedeng si Seichi na lang ang mahalin mo?"

Umiwas ako ng tingin kay Ate Imadori. Para s'yang nagmamakaawa sa'kin. Buti walang tao sa labas ng CR ngayon kundi pagtitinginan na kami ng ibang tao.

"I-impos—"

"Sige na, Kanna. Kailangan ka n'ya. H-hindi pa s'ya nagkakamalay eh. I think that if you are by his side—"

"Wait! Hindi pa nagkakamalay?? A-anong nangyari kay Kuya??"

"B-because of me, sinaktan siya ng ex ko. He is still unconscious and is confined to the hospital."

"A-ano?" Teka, totoo ba ang sinabi nya?? OMG. Kinabahan ako bigla. Pa'no kung hindi na s'ya magising? Pano kung—hala! Malapit na ang graduation nila! H-hindi kaya—

"T-teka, don't get the wrong idea, Kanna." Napatingin ako kay Ate Imadori. Mukhang nahulaan n'yang siya ka'gad ang pagbibintangan ko sa nangyari. "Hindi ito part ng plan ko, okay? My ex act on his own and—nalaman ko na lang nu'ng huli na ang lahat. A-alam mo naman na hindi ko kayang gumawa ng bagay na makakasakit kay Seichi, di ba? Kasi mahal na mahal ko siya. Alam mo' yun. Kahit ga'no ko kasama alam mong hindi ko kayang gawin 'yun sa kan'ya. Hindi ko kagustuhan 'yung nangyari sa kan'ya. Kung pwede nga lang na ako na lang eh. Ako na lang sana ang sinaktan ng ex ko."

Bigla kong naalala ang mga pasa niya.

"A-about these?" she asked, lifting her arms. Napansin n'ya atang napunta ulit ang mga atensyon ko sa mga braso niya. Itinayo ko na rin siya. Naawa na ko sa tuhod niya, may pasa na nga, dadagdagan ko pa ba?

Ngumiti siya nang pilit. "When my parents learned about what connection I have with that person na nanakit kay Seichi." Natawa siya nang bahagya. "Ito ang napala ko." Huminga siya nang malalim at finally, pinahid niya ang mag luha niya. "Nalaman na rin nila na ginagamit ko ang mga private investigators ng company namin para sa mga kalokohan ko."

Tumingin siya sa'kin. "Alam kong ang iniisip mo ngayon, that I deserve it. Siguro nga. Pero please Kanna. I'm serious. Si Seichi na lang ang mahalin mo. Alam kong nagka-crush ka dati sa kan'ya, di ba? Hindi naman ganu'n kahirap na mahalin s'ya e saka—"

"Bakit ba pinipilit mo 'ko na mahalin ko si Kuya Seichiro? Hindi ba parang mali? K-kasi mahal mo siya, di ba? Ang dahilan mo nga palagi kaya ka nananakit ng ibang tao ay dahil sa 'pagmamahal' mo na 'yun sa kan'ya, di ba?"

"Pero hindi naman ako ang mahal niya eh. Ikaw. At alam kong galit na galit siya sa'kin. Tapos idagdag mo pa ang ginawa ng demonyo kong ex sa kan'ya. How can I face him?" She looked away. "Haha. Kunsabagay, hindi nga pala ako pwedeng lumapit sa kan'ya. Maski man lang sa room n'ya sa hospital. Because his parents also hates me."

Bigla akong nakaramdam ng awa kay Ate Imadori. Oo, kahit pa sabihing galit pa rin ako sa kan'ya. Kasi kung saka-sakali man na magmahal ng iba si Yuta, hindi ko alam kung kaya kong makiusap sa babaeng 'yun na mahalin niya rin ang mahal ko. Kasi mahal ko 'yun eh. Para ko na ring pinatay ang sarili ko 'pag hinayaan kong magkatuluyan sila.

Hinawakan n'ya ko sa balikat at nagpatuloy s'ya sa pagsasalita. "Kanna, nakikiusap ako, mahalin mo siya. Alam ko na ikaw ang babaeng makapagpapaligaya sa kan'ya. I know what I am asking is too much kaso..wala na kong maisip na paraan. I want him to be happy."

Even if that happiness doesn't include you?

Parang hindi talaga si Ate Imadori ang kausap ko ngayon.

She's being selfless.

"Ate Imadori, s-sorry. Hindi ko kayang gawin ang pinagagawa mo. K-kasi mahal ko si Yuta." Biglang bumagsak ang mga luha ko. Badtrip. Ito na naman ako. "H-hindi ko kayang magmahal ng iba dahil lang sa hindi niya na ko mahal. I'm sorry."

"Kanna, please. Kanna. Kanna." Hala. Pareho na kaming umiiyak."H-hindi ko naman 'to ginagawa para sa sarili ko e. Sana maniwala ka sa'kin. Please naman, reconsider it. Hindi naman mahirap mahalin s—"

"A-ayos lang sa'kin na araw-araw dumalaw kay Kuya, pero ang mamahalin siya more than a friend or an older brother? Hindi ko 'yun kaya."

Kung alam mo lang Ate Imadori. Mahal ka rin niya. Alam ko, mahal ka rin niya.

Dahil kahit anong pilit sa'kin ni Ate Imadori ay hindi pa rin ako pumayag, sinamahan niya na lang ako papunta sa ospital. Bago 'yun, tinulungan ko muna s'yang magpalit ng damit at mag-ayos kahit konti sa kan'yang condo. Napansin ko nga na ang daming basag na gamit at sirang furnitures sa loob. Mukha ngang tama ang sinabi niya. DV nga.

Hindi pa' ko nakakaranas n'un pero ang alam ko, matindi ang pyschological effect ng DV kung ikaw ang biktima..lalo na kung bata ka pa lang—Wait. Hindi kaya..

Possible. Pero wag naman sana. Sana hindi 'yun ang dahilan kaya lumaking masama si Ate Imadori. Ang kwento sa'kin ni Kuya, laging busy ang parents niya kaya lumaki s'yang mga katulong lang ang kasama. Pero hindi nabanggit sa'kin ni Kuya kung anong ginagawa kay Ate Imadori ng mga magulang nito kapag umuwi sila ng mansyon.

Hayst. Ayoko na ngang isipin.

"K-Kanna, salamat ah. S-sa pagpayag mo na samahan akong dumalaw sa ospital. A-although, ikaw lang naman talaga ang makakapasok sa kwarto niya. Off limits kasi ako du'n."

"Wala 'yun. Balak ko rin namang lagi s'yang dalawin. Sana nga magkamalay na siya."

"Sana."

Ewan ko ba. Sa kabila ng lahat, hindi ko na magawang magalit sa kan'ya. Siguro, dahil 'yon sa nalaman ko at sa nakikita kong mga pagbabago sa kan'ya.

Kinuha ko na ang bag ko na nakapatong sa sofa tapos ni-lock niya na ang pintuan.

Bigla kong naalala ang sulat. Haay. Saka ko na nga lang 'yun ibibigay kay Yuta. Come to think of it, siguradong alam niya ang sitwasyon ni Kuya Seichiro pero hindi niya man lang sinabi sa'kin. Ang sama niya na talaga. Hindi niya man lang naisip na mag-aalala ko sa kalagayan ni Kuya.

Pagdating namin sa tapat ng room ni Kuya, nagpaalam na sa'kin si Ate Imadori. Mukhang hindi nga talaga syia pwedeng pumasok. Nu'ng sinilip ko kasi sa may pinto kung sino ang mga nagbabantay, 'andun ang mga magulang ni Kuya Seichiro. Pati si Mika. Ang wala lang ay si Yuta.

"O-okay lang ba kung balitaan mo 'ko kapag nagkamalay na si Seichi?" nag-aalangang sabi ni Ate Imadori. Tumango naman ako at saka ngumiti. Binigay sa'kin ni Ate Imadori ang cellphone number niya. Agad ko naman 'yung sinave. "Actually, duda kasi ako na..sasabihin sa'kin ni Yuta ang kalagayan ni Seichi e. Ah! Oo nga pala, si Yuta ang nagsabi sa'kin na sabihan kita about Seichi's condition."

"S-si Yuta??" S-seryoso? As in??

Ngumiti lang siya. "S-sige. Aalis na ko," sabi niya saka pinisil niya ang mga kamay ko na hawak-hawak niya tapos tumingin siya sa mga mata ko. "I'm sorry ulit sa lahat ng ginawa ko sa'yo. And thank you..for understanding me."

Ngumiti lang ako. Maya-maya, nagsimula na siyang maglakad palayo.

"Ah! Ate Imadori, sa'n na nga pala ang lakad mo n'yan?" usisa ko.

Ngumiti ulit siya. "I will go to a chapel and pray for Seichi to gain consciousness. Afterwards, I will talk to the police and see if nahanap na nila si Shin, 'yung ex ko na may gawa nito."

Sumagot ako na mag-ingat siya. Nagpasalamat siya at tuluyan nang umalis.

Nu'ng kumatok ako sa pinto, si Mika ka'gad ang nabungaran ko.

"Look who's here," mataray n'yang sabi. Kinabahan ako bigla. Hindi nga pala kami in good terms ng batang 'to. At hindi ko pa pala nakakausap ni minsan ang bagong mama ni Yuta at ang papa ni Yuta na kelan lang dumating.

"A-ako po si Kanna, kaibigan ko po si Kuya Seichiro," pakilala ko sa mga magulang ni Kuyta. Binalewala ko na lang ang pagtataray sa'kin ni Mika kanina. Napatayo at napangiti naman ang mga magulang niya. Konting batian at kumustahan, maya-maya, nagpaalam na sila. Para raw makausap ko si Kuya Seichiro kung gusto ko.

Wait. Makausap? Ibig sabihin—

"Ay..hindi mo ba alam, Hija? Kahapon pa siya may malay," sabi ni Tito.

Nanlaki ang mga mata ko. "P-pero ang sabi ni—"

"Nagpunta na naman ba ang babaeng 'on dito??" Halatang may galit sa tinig ni Tita. "Hay, ang tigas talaga ng ulo nu'n kahit kelan! Sinabi ko na ngang huwag na ulit siya pupunta dito e!"

"Ah..Kanna, pasensya ka na a. Hindi lang naman kami ang may gustong ilihim kay Imadori na may malay na si Seichiro," paliwanag ni Tito. Napatingin ako kay Kuya Seichiro na natutulog nang mahimbing. Tumango sila.

"Ayaw ipaalam ng anak ko sa babaeng 'yon na may malay na siya," sabi ni Tita. "Kita mo na? Kahit anak ko ayaw e. Tsk. 'Pag ako nainis, ipapapulis ko ang napakulit na babaeng 'yon!"

Hindi ako makapaniwala. Bakit ayaw ni Kuya na ipaalam kay Ate Imadori na okay na siya? Seryoso ba talagang galit na siya rito dahil sa nangyari?

"O siya sige, aalis na kami. Mahaba na ang tulog n'yang si Seichiro. Ayos lang kung gigisingin mo s'ya. Sigurado akong matutuwa s'ya 'pag nakita ka n'ya," sabi ni Tito sabay aya kina Tita na lumabas na ng kwarto.

"Hmp! As if naman!" mataray na sabi ni Mika sabay belat sa'kin at takbo sa mama niya. Maya-maya, umalis na rin sila at natahimik ang kwarto.

Umupo ako sa upuan sa tabi ng kama niya at pinagmasdan siya habang natutulog. May benda pa ang ulo niya at halata pa rin ang mga pasa niya sa braso.

Bigla ko tuloy naalala na wala man lang akong dalang kahit ano para sa kan'ya. Nakakahiya. Sabagay, napakabiglaan naman. Bukas, dadalhin ko na lang ang librong binili ko na regalo ko dapat sa kan'ya para sa darating n'yang graduation. Saka gagawan ko s'ya ng strawberry cake, katulad ng plano ko. Siguradong magugustuhan n'ya 'yon.

Napangiti ako nung iniisip ko yu'n. Kaso nalungkot rin ako.

Pa'no naman si Ate Imadori? Haayst.

"Kanna, ikaw pala 'yan," halos pabulong na sabi ni Kuya Seichiro.

"G-gising ka na?" Nagulat naman ako. Kanina lang tulog siya eh.

Tumawa siya nang bahagya pero pigil lang talaga. Mukhang masakit pa rin ang katawan niya.

"Haha. Pa'no naman ako hindi magigising, ang lakas kaya ng boses ni Mama kanina. Haha. Nagpanggap lang akong tulog para hindi na humaba ang sasabihin niya," sabi niya habang nakangiti. Waah. Feeling ko ang tagal na nu'ng huli kong nasilayan ang ganda ng ngiti niya.

Pero hinde. Hindi dapat ako magpadala. Kailangan ko s'yang kausapin ng masinsinan.

"Kuya Seichiro, " sabi ko na nakanguso pa. "Bakit naman ayaw mong ipaalam kay Ate Imadori na okay ka na?" Umiwas lang siya ng tingin sa'kin at nawala ang ngiti niya. "Alam mo ba kung ga'no siya nag-aalala sa'yo, ha? Oo, alam ko, wala ako sa posisyon para sabihin 'to pero kahit ga'no pa s'ya kasama, hindi tama ang ginagawa mo." Hala. Naiiyak na naman ako. Grabe, hobby ko na 'atang maiyak.

"Alam mo ba kanina?? Lumuhod pa siya sa harapan ko para lang makiusap na mahalin daw kita?" Napatingin siya sa'kin sa sinabi ko. Halatang nagulat siya. "Kahit ako nagulat sa sinabi niya. Pero believe it or not, ginawa niya 'yun para sa'yo. Sabi niya, kung ako raw yang laging nasa tabi mo, baka magkamalay ka na. Kasi akala niya, wala ka pang malay. 'Yun pala, meron na. Gusto niya lang naman na maging masaya ka kaya niya 'yun ginawa, kahit hindi siya maging parte ng happiness mo. S-sa tingin ko pinagsisisihan niya na lahat ng kasalanan niya. Kasi Kuya, 'yung dating Ate Imadori na kilala ko, imposibleng magpakababa sa kahit kanino para lang sa kaligayahan ng iba.

"Kuya, nakikinig ka ba, ha? W-wag mo naman ganituhin si Ate Imadori o. Nag-aalala s'ya sa'yo. Alam mo ba kung nasaan s'ya ngayon? Nasa chapel, ipinagdadasal na sana magkamalay ka na. Sana..sana maisip mo na.."

"Tama na Kanna. This is not your problem anymore."

"Alam ko," nakasimangot kong sabi. "Pero.."

"Kanna," saway niya sa'kin.

"S-sabi mo hindi ka talaga galit sa kan'ya. Sabi mo, sinabi mo lang lahat ng masasakit na salita na 'yun para magbago s'ya. Ngayong nagbago na sy'a, bakit gan'yan ka? Saka naalala ko, ang sabi mo pa, hindi mo kayang mahalin siya kasi selfish siya! E ngayon, hindi na siya sel—"

"Kanna, can you please leave the room? I want to rest."

"Kuya, kung iiwasan mo nang iiwasan si Ate Imadori, magiging masaya ka ba? Ha? Hanggang kelan mo siya mapapaniwala na wala ka pang malay? O hindi kaya, ginagawa mo lang 'to kasi ayaw mong aminin sa sarili mo na mahal mo na siya? Na tama ako?"

"Kanna, ano ba??"

"Lagi ka na lang ganyan, Kuya Seichiro. Tinatago mo ang tunay mong nararamdaman at iniisip mo lagi ang kapakanan ng iba. Why don't you try being selfish? Kahit minsan lang. Mag-demand ka sa kan'ya! Sabihin mong mahal mo s'ya kaya she doesn't have any right to flirt with anyone again. Kuya—!"

"NURSE!" Boom. Mukhang first time, nainis siya sa'kin. Dumating nga ang nurse at pinalabas ako ng room. Haayst. Alam kong hindi ko dapat pinanghihimasukan ang problema nila. Kaso, naaawa ako kay Ate Imadori.

A selfish person na naging selfless dahil sa pag-ibig.

And a selfless person na kailangang maging selfish para maging okay na sila. Haaay.

Sana ma-realize ni Kuya ang mga pinagsasasabi ko kanina. Gusto ko lang naman silang maging masaya. Nakakalungkot lang kasing isipin na mahal naman nila ang isa't isa kaso..sila rin naman ang gumagawa ng dahilan para hindi sila magkatuluyan.

Oo, parang kami lang. Parang kami lang ni Yuta.

Siguro kaya rin gusto ko silang magkaro'n ng happy ending kasi 'yun din ang pangarap ko.

Haay. Hanggang pangarap na lang ba 'to?

[Chapter Forty Six]

Kanna

Pagkauwi ko ng bahay galing sa ospital, tinext ko ka'gad si Ate Imadori pero hindi ko sinabi na may malay na si Kuya Seichiro. Basta. May plano ko. Nagulat ako nu'ng mag-ring ang phone ko. Si Ate Imadori, tumatawag. Kinabahan ako bigla. Sasagutin ko ba? Pa'no kung bigla kong madulas at masabi kong may malay na si Kuya? E di sira na ang plano ko? Pero naisip ko rin, nag-aalala si Ate Imadori. Baka lalo lang s'yang mag-alala kapag hindi ko sinagot ang tawag niya. Haay. Sige na nga.

"Hello?" bungad ko. Nagulat ako kasi umiiyak s'ya sa kabilang linya. Narinig ko na sumisinghut-singhot siya.

"Kanna, a-anong gagawin ko 'pag hindi na siya nagkamalay?" Ramdam ko ang pagpa-panic at pagkatakot niya. "S-siguradong..siguradong.."

"Relax ka lang, Ate Imadori. Magiging okay din ang lahat."

"S-sana nga," sabi niya. "Nga pala, Kanna. I'm sorry for asking you a stupid favor awhile ago. Pasensya ka na kung hindi ko man lang kinonsider 'yung situation mo before I asked you. That was so stupid of me. I'm really sorry. Hindi ko na kasi talaga alam kung anong gagawin ko nu'n. I'm so desperate. I have never been like this in my entire life. Feeling ko..any moment mawawala sa'kin si Seichi. Hindi ko 'yun kaya." Nakarinig ako ng hagulgol sa kabilang linya.

"W-wag mo ng isipin 'yun." Hala! Pa'no ba 'yan? Nakukunsensya na 'ko. Pano ba 'to?

Takte. Sabihin ko na kaya?

"B-basta 'wag mo na masyadong isipin 'yun. Nga pala, gagawa ako ng paraan sa Linggo para madalaw mo siya."

"H-ha?" Halata ang pagkagulat sa tinig niya. Pero ang maganda du'n, hindi na siya humahagulgol dahil sa sinabi ko.

"Basta. Ako nang bahala. Kaya for now, please continue na lang po in cooperating with the police para mahuli na ang dapat mahuli."

"O-okay. Thanks, Kanna. Nakakahiya na..afterall what I've done to you, ginagawan mo pa rin ako ng kabutihan. Maybe..maybe that's the reason kung bakit na-inlove si Seichi sa'yo. You're something I'm definitely not."

Waah! Pa'no ko sasabihin na nagkakamali s'ya? Hay. Ang hirap naman ng posisyon ko o!

"Hahaha. Hindi naman. O siya sige, magpapaalam na po ako. May gagawin pa kasi ako e. Basta 'wag ka na umiyak, Ate Imadori. Sige na po, bye-bye na."

"Sige. Sige."

Beep. Beep. Beep. Whew. Nakalusot din. Akala ko maiipit na ko sa sitwasyon eh.

*****

Kinabukasan. Sabado. Maaga akong nagising upang mag-bake ng cake. Strawberry cake to be exact. Buti may nabili akong strawberry sa grocery. Gamit ko ang recipe book na binili ko kasama si Yuta nu'ng nakaraang nakaraan—na sa sobrang tagal na, feeling ko panaginip lang ang lahat ng iyon. Haay.

Pagkatapos kong palamigin sa ref 'yung cake na binake ko kanina, naligo na ko at nagbihis. Then, hinanap ko ang librong binili ko para sa kan'ya. Nu'ng ready na 'ko,nagpaalam na ako kay Mama na dadalaw kay Kuya sa ospital. Buti pumayag agad si Mama. Usually kasi, strict siya. Lalo kung hindi si Yuta ang kasama ko 'pag may lakad.

Pagpasok ko sa kwarto ni Kuya Seichiro, nagulat ako nung 'andu'n si Yuta. Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso ko. Kasabay nu'n e 'yung kirot. Ang sakit na makita siya. Lalo na nu'ng nakangiti s'ya habang nakikipagkwentuhan kay Kuya pero nu'ng nakita n'ya na 'kong pumasok sa loob, nawala na lang na parang bula ang ngiti niya.

"Tol, alis na ko a. Nakalimutan ko. May lakad pala kami ni Soushi ngayon," sabi niya. Tumango naman si Kuya at napatingin sa'kin. Napatungo na lang ako ng ulo lalo na nu'ng dinaanan lang ako ni Yuta. Parang tinira ng isang daang palaso ang puso ko sa ginawa niya. Ang sakit-sakit lang.

Nung nakaalis na siya, nagbigay ako ng isang pilit na ngiti kay Kuya Seichiro.

"Ayos ka lang ba, Kanna?" malungkot na tanong niya sa'kin. Napatingala ako sa taas. New technique ko 'yun para kontrolin ang luha ko. Kahit pa'no effective naman. Nginitian ko na lang at bahagyang tinawanan ang tanong niya saka umupo sa upuan sa tabi ng kama niya.

"Nga pala, Kuya, sorry sa inasal ko kahapon. Masyado kitang pinangunahan," segwey ko.

"It's okay. Sorry din. Nasungitan kita kahapon."

"Wala 'yun. Natutuwa nga ako kasi for the first time, nagalit ka sa'kin eh. Haha."

"Ang weird mo talaga, Kanna. Ano namang nakakatuwa du'n?" sabi nya habang nakakunot ang noo.

"E kasi naipapakita mo na sa'kin ang totoong ikaw," sabi ko sabay ngiti. Medyo okay na ko ngayon. Salamat naman at hindi na inungkat ni Kuya ang tungkol kay Yuta.

"Haha. Ewan ko sa'yo Kanna."

"By the way, may dala pala akong strawberry cake at libro para sa'yo," sabi ko sabay labas nu'ng cake na nakakahon pa. Nilapag ko naman 'yung libro sa lamesita.

"Wow. Salamat. Alam mo talaga ang gusto ko. Haha."

"Lagay ko muna 'to sa ref ah. Buti may ref dito," sabi ko. Nu'ng naipasok ko na sa loob, umupo ulit ako sa tabi niya. Napansin ko na kinuha niya ang libro at tinanggal 'yung plastic nu'n.

"It's been awhile since I've read a self-help book," sabi niya. Halata sa mukha n'ya ang excitement sa pagtuklas ng bago na namang kaalaman na kan'yang matututunan sa pagbubukas ng librong yu'n. Nakita ko tuloy bigla ang sarili ko sa kan'ya. Sabagay, pareho naman kaming bookworm kaya normal lang 'yun. Haha.

"Alam ko kasi na kailangan mo 'yan ngayon. Kailangan mong tulungan ang sarili mo, Kuya."

"Tulungan na?"

"Na marealize ang totoong feelings mo."

Although alam ko na wala naman 'yung konek sa topic ng book na binigay ko na 'How to Handle College Life'. Sinabi ko lang 'yun dahil sa 'self-help' ang type nu'ng book. Haha.

"Ayan na naman tayo Kanna eh."

"Ayaw mo pa kasing aminin eh. Nakakainis ka. Alam mo ba, kahapon gusting-gusto ko nang sabihin kay Ate Imadori na may malay ka na? Kaso naisip ko na ikaw ang dapat na magsabi nu'n sa kan'ya."

Awkward silence. Iniiwasan na naman akong sagutin ni Kuya. Haayst.

Dahil no choice ako kundi mag-change topic, kinuwento ko na lang sa kan'ya ang mga recent na books na nabasa ko. Although hindi naman talaga recent kasi nu'ng nag-finals, hindi na 'ko masyadong nakakapagbasa. At ayun nga. Sa wakas, nagre-respond na siya. Badtrip ah. Namimili talaga siya ng topic of discussion.

Haay. Wala na bang chance na maging okay sila ni Ate Imadori? Ano ba kasing problema niya? Galit ba talaga siya o nagtatampo lang?

Natapos ang buong maghapon nang puro libro na lang ang topic namin. Nu'ng 5 pm na, nagpaalam na 'ko sa kan'ya.

"Sempai, uwi na ko a. Bukas na lang ulit ako dadalaw. Pagaling ka na. Malapit na graduation n'yo."

"Thanks. Nga pala, kelan recognition day n'yo?"

"Umm..siguro sa Friday na 'yun. Kasi di ba next week 'yung inyo?" Tumango naman siya. "Kaya Kuya, magpalakas ka na a. Gusto kong marinig ang Valedictory Speech mo next week."

"Haha. Makakaasa ka. Sinabi na naman ng doctor na kung magpapatuloy ang mabilis na pagbuti ng pakiramdam ko at mabilis na paggaling ng mga broken bones ko, makaka-attend ako ng graduation."

"Wow. Dapat lang. Ikaw ata ang star sa araw na 'yun."

"Haha. Ewan ko sa'yo."

"O sige na. Bye-bye na," sabi ko sabay kuha ng maliit kong bag. Lalabas na sana ko nang may makalimutan akong sabihin.

"Nga pala, Kuya," pahabol ko.

"Ano 'yun?"

"Wag mong kalilimutan ah."

"Ang alin?"

"Na mahal na mahal ka ni Ate Imadori," sabi ko sabay ngiti at sarado ng pinto. Bago ko isara 'yun, nakita kong nag-blush siya. Ahehe. Ang cute.

Hindi ko tuloy maiwasang mapakanta at mapangiti habang pauwi. Mukhang hindi naman siya seryosong galit. Sana. Sana talaga.

Sunday. Kinausap ko ang mga magulang ni Kuya Seichiro na ako na lang ang pagbantayin nila buong maghapon. They gladly accepted it. YES!! Tuloy ang plano!

Pagkaalis nila ng ospital, agad kong kinontak si Ate Imadori. Ayos. Within a few minutes, darating na raw siya. Sumilip ako sa kwarto ni Kuya. Yes, tulog pa siya.

May ngiti na naglalaro sa aking mga labi. Sana sa gagawin kong 'to e magkaayos na sila.

Pagkadating na pagkadating ni Ate Imadori, sinabihan ko siya na nagawan ko na ng paraan ang pagpasok niya sa kwarto ni Kuya Seichuro. Syempre hindi ko pa pinaalam sa kan'ya na may malay na si Kuya para may element ng surprise. Hehe. Nae-excite naman ako.

"Ate Imadori, basta hanggang 5 pm ka lang ah. After mong magbantay, kontakin mo agad ako."

"S-sige, Kanna. Salamat a." Pinatong ko ang kaliwang siko ko sa balikat ni Ate Imadori.

"Naniniwala akong magigising na rin siya."

"S-sana nga," sabi niya sabay ngiti—ngiti na may halo pa ring pag-aalala.

Maya-maya, nagpaalam na ko. It's time to face my own problems naman. Kayanin ko kaya 'to?

Monday. Checking of papers lang. Mukhang may masama kong kutob sa mga scores ko. Alam ko kasing hindi ako gaanong nakapag-review dahil nga sa pre-occupied ako sa mga problema ko kay Yuta. Haay. Sana..hindi naman ganu'n kababa. Please Lord. Help me.

Nu'ng na kay Mrs. Oda na ang lahat ng papel, pina-take charge n'ya na kay Megumi ang klase. Pag-usapan na raw namin ang recognition day namin na gaganapin sa room sa Friday.

Nakakainis. Hindi ko man lang alam ang mga scores ko. Akala ko kasi ia-announce ni Ma'am kaya hindi ko na hinanap ang mga papel ko bago ipasa sa kan'ya.

"Oo nga pala, class, bukas eh ia-announce ko na yung Top 10," sabi niya.

Nag-ingay ang klase. 'Yung iba, excited, 'yung iba hinde. Ako, kabado. Yare. Yari talaga ko. Feeling ko bababa ang ranking ko.

"O sige na. Maiwan ko na kayo. Megumi, ibigay mo na lang sa faculty room mamaya ang final na napag-usapan n'yo para sa Biyernes ah. Don't dismiss them too early. Baka ako naman ang madehado n'yan."

"Yes, ma'am," sagot naman ni Pres. Megumi.

Nung umalis na si Ma'am, nag-ingay lalo ang klase. Pero tumahimik din sila nu'ng nagsalita na sa harapan si Pres. As usual. Ang takot lang nila du'n. Haha.

Natapos ang buong maghapon na puro 'yun lang ang topic. Botohan ng kung anong gagawin, anong mga program o intermission number. Ang pinakanagmarka lang sakin e kasama sa magpe-perform si Yuta at Soushi. Kaya siguro nu'ng nakaraan pa sila nagpapractice maggitara.

Tuesday. Announcement of honor roll. Parang may sandamakmak na sisiw sa loob ng tiyan ko at isa-isa nilang tinutuka at tinutuklap ang balat ko. Gan'un ako ka-kabado. Haay.

"Bago ko i-announce ang Top 10, gusto ko lang sabihin na may mga bumaba. As in bumulusok sa ibaba. May nawala sa top 10. May mga nagmaintain. At may iisang tao na from lower class rank, as in below the average rank, e biglang nakapasok sa Top 10."

Napachorus ng 'wow' yung mga kaklase ko. Parang alam ko na kung sino 'yun. Yung iba siniko-siko na siya at inaasar ng 'pa-cheese burger ka naman!'

Pagkatapos magsalita ni Ma'am, tumingin siya sa'kin. Napayuko tuloy ako. Naku po..feeling ko ako 'yung bumulusok sa ibaba. O baka naman ako 'yung nawala sa top 10??

Waah. Wag naman sana.

"Hindi ko na ia-announce ng sunud-sunod. May mga sasabihin pa kasi ako sa iilang tao na nakasama sa top 10 e. Uunahin na kita, Ms. Kanna Shizuki," seryosong sabi Mrs. Oda na naging dahilan ng paglipat sa'kin ng atensyon ng lahat. May mga nagbulung-bulungan at meron namang nanahimik na lang. Nanlaki ang mga mata ko. Sinasabi ko na nga ba eh. Shocks. Ano kaya rank ko? Teka, saglit, nasa top 10 pa kaya ako?

"I am very disappointed." Opening niya pa lang, ikinatahimik na 'yun ng mga nagbubulung-bulungan. Ako naman, parang maiihi na sa kaba at sa takot. "Napansin ko na wala ka sa focus these past few weeks. No wonder you got bad results."

Bawat salitang lumalabas sa bibig ni Ma'am parang bato na nakadagan sa dibdib ko. Grabe, nahihirapan na 'kong huminga at parang gusto ko nang umiyak. Kaso..nakakahiya.

"Your lowest exam score is 75. Sa Math." Madaming nagulat. Lalo na 'ko. Nagpipigil na lang ako ng luha. Hindi ko akalaing makakakuha ako ng ganu'n kababa. Yung pre-final exam score ko sa Math ay 89, tapos ngayon..75? "And your highest score is only 88. English."

May mga narinig akong side comment na 'awww..ang sakit nu'n' and so on. Ang pre-final exam score ko sa English ay 99. Tapos ngayon, 88 na lang?

"Kaya don't be surprised, Kanna. From Top 2, naging Top 9 ka na lang."

Naging extreme na ang mga reaction ng mga kaklase ko. As in na pa 'what??', 'huh?!', 'seryoso??', 'OMG!' pa sila.

"On the other hand, I would like to congratulate your bestfriend.."

May umangal pa kay Mrs. Oda na, "Ma'am, hindi na!"

"Whatever. I would like to congratulate Mr. Yuta Kauri for taking the Top 10 spot. Sa mga hindi pa nakakaalam, recently, naasikaso na ni Mr. Kauri ang papers niya kaya napalitan na ang kan'yang apelyido. He is now using (again) his father's surname."

Naghiyawan na 'yung iba. Parang nakakainsulto lang. Kanina nalulungkot sila para sa'kin pero ngayon, nagdiriwang sila para kay Yuta. Sa isang iglap lang, nakalimutan na ako ng karamihan.

"Ayos lang yan, Kanna."

Nagulat ako nu'ng hinagod ni Miki ang likod ko. Napalingon ako sa kanila ni Tomo. Hindi ko alam kung kelan sila napunta sa tabi ko, ang alam ko lang, hindi ko na kayang pigilan ang mga luha ko. Kumuha na lang ako ng panyo sa bulsa ko para hindi naman ako agaw-eksena—habang nagsasaya ang karamihan.

"Naks! Ang galing mo Yuta! Wuuh!"

"Manlibre ka naman!"

Dinig na dinig ko ang mga kantyawan at papuri kay Yuta.

"I was really impressed, Yuta. Talagang pinangatawanan mo ang sinabi mo sa'kin sa faculty room dati nu'ng sinita kita sa buhok mo na makakapasok ka sa top 10. Naalala ko pa ngang tinawanan lang kita noon. I'm sorry for that nga pala. Anyway, most of the scores na nakuha ni Yuta sa final exam e perfect score. Pinakamababa n'ya eh English, which is 92."

Napa-wow at nagpalakpakan ang karamihan.

"Yun ata yung waterloo mo no?" usisa ni Ma'am. Tumango naman si Yuta at mayabang na ngumiti. Kinantyawan na naman siya ng mga kaklase namin pero nanahimik rin sila nang ipagpatuloy ni Ma'am ang pag-aannounce sa ranking. Pero wala na kong pakelam. Rather, hindi ko na masyadong binibigyan ng atensyon pa 'yun. Siguro ang pinakanatandaan ko lang e Top 1 pa rin si Pres. At si Yumi, tumaas din. From Top 10, naging Top 8.

Masyado na 'kong nalulunod ng mga luha ko. Hindi ko alam ang gagawin ko 'pag nalaman nila Mama at Papa ang ranking ko. Alam ko na hindi naman sila nag-eexpect ng malaki sa'kin pero pinangako ko sa kanila na ibibigay ko ang best ko na makakuha ng matataas na score para payagan nila kong mag-college sa isang culinary school.

Pa'no ko na matutupad ang pangarap ko kung ngayon pa lang sablay na ko?

Nakakainis kasi alam ko sa sarili ko na hindi ko nabigay ang best ko. Kasi..kasi..mas inatupag ko pa ang problema ko kay Yuta. Buti pa sya..buti pa sya..

Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inggit. At sakit na rin. Mas lalo ko lang napatunayan sa sarili ko na wala na akong puwang sa buhay niya. At tama siya, mas naging okay siya nu'ng nawala ako sa buhay niya. Siguro nga hindi naman siya 'yung hindi kayang mabuhay ng wala ako.

Ako 'yun. Ako yung hindi kayang mabuhay ng wala siya. 'Yung tipong palpak ang lahat 'pag hindi s'ya ang kasama ko. Ang sakit-sakit lang kasi, more than anything, I know, probably, naka-move on na siya sa'kin.

Pero ako..hindi pa rin. Baka hindi na nga e. Baka hindi na.

*****

Pagkatapos ng klase, umuwi agad ako ng bahay. Maga na ang mata ko kakaiyak. Hindi ko na naman alam kung pano ko ipapaliwanag kay mama ang lahat. Wala akong lakas ng loob na sabihin sa kan'ya na from Top 2, naging Top 9 lang ako. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko. May mga missed calls at unread messages pala ko sa phone ko, pero dahil pagud na pagod na 'ko sa mga nangyayari sa'kin, in-off ko na lang 'yun. Gusto ko munang ilayo ang sarili ko sa lahat. Then I cried myself to sleep, hoping tomorrow will promise me that everything is just an ugly dream.

Kinabukasan, inasikaso na namin ang clearance namin sa iba't ibang teachers pati na rin sa library. At dahil wala naman akong unpaid fees, maaga akong makakauwi. Pero bigla 'kong naalala yung love letter na ginawa ko para kay Yuta. Inaamag na 'to sa bag ko. Kailangan ko nang maibigay.

Bukas kasi wala ng pasok. Sa Friday na ulit. Ito na lang ang chance ko.

Maya-maya, tinapik ako ni Yumi at kinumusta. Sinabi niya sa'king i-text ko lang siya in-case na kailangan ko ng kausap o kaya ng resbak kapag inaway ulit ako ni Yuta. Ramdam ko 'yung labis-labis na concern niya sa'kin. Nagpasalamat ako sa kan'ya at niyakap ko siya nang mahigpit.

Ilang minuto makalipas, nagpaalam na siya. Mukhang magkikita ata sila ni Kuya Natsume. Buti pa siya. Okay. Tama na nga. Kailangan ko nang mahanap si Yuta para mabigay ko na 'to. Last na 'to. 'Pag hindi niya pa rin ako pinansin, wala na talaga. Susuko na 'ko.

Kahit masakit, kahit ayoko pa, susuko na 'ko.

Nakita ko siya sa Meteor Graden, nagpapahangin habang nakaupo at nagigitara sa bench. Na-miss ko na naman ang nakaraan. Masyado kasing memorable ang lugar na 'yun sa'min dati. Oo, dati.

"Y-Yuta.."

Feeling ko maiiyak na naman ako. Parang any moment bibigay na ang mga luha ko. Parang gusto ko na lang na magmakaawa sa kan'ya na bumalik na s'ya sa'kin.

Tinapunan niya ko ng tingin. Hininto niya ang pagtugtog at itinabi ang gitara niya.

"Bakit?" asiwa n'yang tanong.

Hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata niya. Naiilang ako. Nag-aalangan. Parang 'yung confidence ko kanina, bigla na lang nawala. Nanlalambot ang tuhod ko. Argh. Kaya ko ba talaga 'to?

"Ano bang gusto mong sabihin sa'kin, ha?" Tumayo na siya at lumapit pa sa'kin. Lalo tuloy akong kinabahan. Ang seryoso ng mukha niya.

"A-aah..umm." Nag-iisip ako ng sasabihin pero parang walang lumalabas sa bibig ko. Bigla 'kong naalala ang sulat. Agad ko 'yung kinuha sa bulsa ng uniform ko sabay abot sa kan'ya. "T-tanggapin mo sana 'to," sabi ko at nakapikit pa, pero nangawit na ang braso ko, hindi niya pa rin 'yun kinukuha. Dumilat ako.

"Ano 'yan?" tanong niya. "Love letter? Thank you letter? Sorry letter? Ano?!" Nagulat ako nu'ng nilakasan n'ya ang boses niya. Natakot ako. Parang ayoko ng ituloy. Waaah.

Nang hindi ako nagsalita, inagaw niya sa'kin 'yun na parang galit pa. Tapos..tapos..

Nanlaki ang mga mata ko sa sunod n'yang ginawa.

"Walang kwenta!" sabi n'ya tapos pinunit niya sa gitna ang sulat ko. "Pwede ba, maraming babae d'yan na nagsusulat ng ganito sa'kin. Kung sa tingin mo, madadaan mo 'ko sa mga ganitong love letter, nagkakamali ka." Hindi pa siya nakuntento, pinunit niya pa sa mas maliliit na piraso ang sulat ko at isinabog niya sa hangin. "Basura mo," sabi niya tapos kinuha na niya ang gitara niya at tumalikod. Nagsisimula na s'yang maglakad ng palayo.

Teka..hanggang gan'to na lang ba..? Hindee..Hinde. Ayoko!

"Bakit ba galit na galit ka sa'kin??" pasigaw kong sabi. Bumagsak na ang mga luha ko. Na naman. Huminto siya sa paglalakad pero hindi siya lumingon. "Kulang pa ba ang paghingi ko ng tawad sa'yo ha? Nagpapakababa na nga ako eh. Ano pa bang gusto mong gawin ko, ha? Please..bumalik ka na sa dati. Nakikiusap ako! Yuta, hindi ko na kaya! Hindi ko na kayang gan'to tayo! Please nam—"

"TAMA NA, PWEDE BA??" Napahinto ako sa sigaw niya. Hindi n'ya ko nilingon pero alam kong may diin at galit sa boses n'ya. "WALA AKONG PAKELAM SA MGA SASABIHIN MO!!"

Maya-maya, umalis na siya. At naiwan na naman akong mag-isa.

Eto na. Eto na talaga. Sabi ko..sabi ko kanina sa sarili ko kapag hindi niya pa ko pinakinggan.. susuko na 'ko. Pero ang sakit kasi..ayoko pa. Kasi..kasi..mahal ko siya. Kaso pa'no ko pa 'yun sasabihin, pa'no ko pa'yun ipaglalaban kung ramdam ko namang ayaw niya na sa'kin? Pa'no pa 'ko magho-hold on sa nararamdaman ko kung siya mismo ang nagpaparamdam sa'kin na wala ng pag-asa?

Is there any other chance?

Ayokong magmove on. Ayoko. I can't imagine a future without him.

But what should I do?

He is already starting to create his future..without me. Without me.

[Chapter Forty Seven]

Imadori

I am really nervous. Okay, sabihin na nating thankful talaga ako kay Kanna dahil talagang she went out of her way just to help me na kahit once lang, mabantayan slash makalapit ako kay Seichi. Kaso..natatakot ako. Pa'no kung magalit lang lalo ang mga magulang niya 'pag nalaman nilang nagpunta ulit ako du'n? Baka isipin pa nilang nagpumilit ako kay Kanna na magbantay kay Seichi.

Pa'no kung magising nga si Seichi pero lalo lang lumala ang kondisyon niya 'pag ako ang nakita n'ya? Natatakot ako na kagalitan n'ya ulit. E ang huli pa naman naming pag-uusap ay nu'ng gabing pumunta siya sa condo unit ko para pagalitan ako.

Hindi ko alam kung pa'no ko siya haharapin. Kaso..wala na 'kong magagawa. 'Andito na ko eh. Saka baka ngayon ko na lang ulit makikita nang malapitan si Seichi. Kaya dapat..sulitin ko na.

Pagpasok ko sa kwarto niya, wala pa rin s'yang malay. Napabuntong hininga ako. Naisip ko na naman ang mga negative thoughts na naglu-lurk sa isipan ko. Pa'no kung hindi na s'ya magising?

Damn! What should I do?

Naupo ako sa upuan sa tabi ng kama niya. Pinagmasdan ko siya. Parang maiiyak ako. Hindi pa rin gaanong naghihilom ang mga pasa niya. May benda pa ang ulo niya.

Kundi dahil sa'kin, hindi 'to mangyayari sa kan'ya e. It's because of me. I should be the one who is unconscious and lying there. Not him.

"Seichi," I mumbled. Pumatak isa-isa ang mga luha ko, pero pinahid ko rin kasi I feel that I don't have the right to cry. And I don't think these tears can make him better.

I closed my eyes. Pinagdikit ko ang mga palad ko in a praying position.

"Please Lord. Alam ko na..galit kayo sa'kin kasi sa kabila ng mga ginawa kong masama, humihingi lang ako sa inyo ng tulong 'pag kailangan ko Kayo. Without even repenting for my sins. I'm so sorry." Mahina lang ang boses ko habang nagdadasal. Tipong parang bulong na lang. "I know and I admit na masama ako. I deserve to be in hell when I die. But please sana po ma-grant n'yo ang tanging hiling ko sa inyo. Please save Seichi. Sana magkamalay na siya. Gagawin ko ang lahat. Pagbabayaran ko ang lahat ng kasalanan ko sa inyo, basta magkamalay lang siya. Please, I'm begging you, Lord. Please hear me out. Amen."

Nu'ng nagdilat na ko nang mata, nagulat ako. As in nanlaki ang mga mata ko.

Gising si Seichi.

And am I just hallucinating nu'ng nakita ko siya na muntik akong halikan? Wait. This isn't intact with reality anymore. 'Pag dilat ko nang mata, nagulat din siya. He was about to kiss me.

Nung makita n'yang nakadilat na 'ko, he quickly shifted his eyes away, covering his lips with the back of his hand. And..he blushed..?

"S-sorry," mahina n'yang sabi. Nag-blush ako bigla at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

This is crazy. And definitely awkward. A-anong nangyayari?

Wait. Let me rationalize his actions. Nagising na siya. Thank God!

Nakita niya kong nagdadasal. No, sa tingin ko, inakala n'yang ako si Kanna kaya n'ya ginawa 'yon. Wait. Wait. As far as I know, hindi niya 'yun gagawin. Or maybe I'm just mistaken? Kanna's his first love after all. Kaya n'yang gawin 'yon.

I suddenly felt an excruciating pain in my heart.

He's going to kiss Kanna. Teka, baka nga nagawa n'ya na dati pa.

I smiled fakely. "G-g-gising ka na pala, Seichi. I-I'm sorry at.." Natawa ko nang bahagya sa sarili ko, mukha kong tanga rito. Of course, he wouldn't expect to see me here. At syempre, alam ko naman na..ayaw niya kong makita. Alam ko naman e. Alam ko naman na galit siya sa'kin. Pero..pero..

Pumatak na naman ang mga luha ko. Shit. Bakit ngayon pa? Ngumiti ulit ako sa kan'ya.

"I'm sorry. Well..umm..i-inakala mo atang ako si Kanna? Wait. I'll call her. Baka hindi pa siya nakakalayo." Natataranta akong tumayo at maglalakad na sana papunta sa may pinto. "Kanina 'andito pa siya eh. Tatawag—" Bigla niya 'kong hinawakan sa braso. Napalingon tuloy ako sa kan'ya.

"Dito ka lang," utos niya. He said that without even looking at me. Nakatingin lang siya sa window. And he is still flustered. Baka may lagnat siya kaya ang pula ng mukha niya. God, sana naman gumaling na siya. Teka. Is he commanding me to stay? No. Of course not. Hindi ako 'yun. Hindi ako 'yung sinasabihan nya nun.

"Seichi, h-hindi ako si Kanna. S-sige, tatawagin ko na siy—"

"SABI KO, DITO KA LANG!" nagulat ako nu'ng sumigaw siya. Nakaramdam ako ng takot. Ang higpit na ng pagkakahawak niya sa braso ko. Kanina, pinagtitiisan ko lang 'yun, kaso masakit na kasi may pasa ako sa parteng yu'n. Binawi ko ang braso ko mula sa kan'ya. I tried to hide the pain kaya tinago ko ka'gad ang braso ko sa likuran ko.

Hindi nya pwedeng malaman na—

"Ano 'yang mga pasa na 'yan?" he sounded concerned, but at the same time, angry.

Naiiyak na ko. Ayokong sagutin ang tanong niya. For the longest time, tinago ko sa kan'ya 'to..at ayoko na—

"Wag mong sabihing 'yung ex-boyfriend mo ang may gawa nito??"

Ha? Hindi. Hindi si Shin. Gusto ko 'yung sabihin pero hindi ako makapagsalita.

"Bumuntong hininga siya. Halata ang pagkainis sa mukha niya. "Kaya nga hindi ako lumaban sa kan'ya eh! Kasi ayokong ikaw ang saktan n'ya! Tapos—"

"What?"

He rolled his eyes. "That day, sumama ako sa kan'ya kasi ang sabi n'ya may masama raw na nangyari sa'yo. I was so worried na akala ko kung napa'no ka na. Tapos dinala n'ya ako sa isang vacant lot para sabihin ang mga grievances niya sa'kin. Na ako ang dahilan ng break up n'yo."

"Hin—"

"And he told me not to fight back unless na gusto kong ikaw ang saktan niya."

Ganu'n pala ang nangyari. Hayup talaga ang Shin na 'yun.

"Seichi, please maniwala ka saken. Kahit ngayon lang. Hindi ko sinabi sa kan'ya na ikaw ang dahilan. He just—"

"So ako nga ang dahilan?"

"I-I'm sorry," sabi ko. "Pero maniwala ka sa'kin, hindi ko naman ginusto ang mga nangyari! Wala akong alam—"

"You're not answering my question, Imadori. BAKIT MAY MGA PASA KA??"

Natahimik ako. Hindi ko kayang sabihin.

"Lalabas ka ng kwarto ko, o sasabihin mo sa'kin??"

Umiling ako. My eyes were pleading. Please stop asking me questions!

"Imad—"

"No.."

"Imadori!"

"Fine!" sabi ko. Lalo akong naluha. This is my only secret na hindi n'ya alam. Pero wala na 'kong magagawa kundi sabihin 'yun sa kan'ya. "S-sina M-mom and Dad."

"What??"

"N-nu'ng nalaman nila na m-may connection ako k-kay Shin, 'yung gumawa sa'yo n'yan, n-n-nagalit sila." Remembering that sent shiver to my skin. Natatakot pa rin ako. "A-and they—"

Napapikit si Seichi sa inis. Huminto ako sa pagsasalita.

"Bakit ngayon mo lang sinasabi 'to sa'kin??"

"K-kasi..kasi..ayokong malaman mo na—"

"Since when?"

"Ha?"

"Kelan pa nila ginagawa sa'yo 'yan??"

Hindi ako sumagot. Bago ko pa siya nakilala, sanay na 'ko na sinasaktan ng mga magulang ko. Sinasabi ko lang na busy sila palagi at wala silang time sa'kin pero ang totoo, 'pag may oras sila, sa'kin nila binubuhos ang stress nila sa trabaho.

Concealer ang bestfriend ko noon. Para hindi mahalata sa school ang mga pasa ko. Kaya ako natututong mag-make up. That's to hide it all.

Shit. Bakit kasi..bakit ba nawala sa isip ko na lagyan ng concealer ang mga pasa ko ngayon? Dahil ba nawalan na ko ng gana na alagaan pa ang sarili ko?

"Makaalis lang ako dito, kakausapin ko sila," biglang sabi niya. Nakatingin sa siya bintana, may galit pa rin sa mga mata niya. Nakita kong kinuyom niya ang mga kamao niya.

"S-Seichi. Hindi mo alam ang sinasabi mo. Alam mo naman na makapangyar—"

"Ano naman??" Tinignan niya ko nang walang halong takot sa mga mata niya.

"T-tsaka..bakit gan'yan ka? D-di ba..galit ka sa'kin? Why are you still so concerned about me? Akala ko ba—"

Bumuntong hininga siya.

"Wag mong itanong sa'kin 'yan. Hindi ko rin alam."

Ha? Hindi niya alam? What kind of answer is that?

"Hindi mo ba napapansin? Eversince I met you, gan'to na 'ko? For some reason I don't know, I just can't leave you alone."

"Teka. Maybe you're just mistaken. I am not Kanna."

"Alam ko," may diin niyang sabi.

"E bakit mo 'to sinasabi? Teka, maybe you're still sick. I noticed na namumula ka kanina. Baka naman may fever ka. I will ask the nurse outside to give you some meds. Wait la—"

This time hinawakan niya 'ko sa kamay. Namula ako. Kinabahan.

Shit. This is why I hate it when I'm near him.

Ang lalo kong ikinagulat, bigla niya kong hinatak. Teka, anong balak niya??

"Wait! Seichi, are you out of your mind??" sabi ko. His face is just an inch away from mine!

"Maybe. Maybe you're right," sabi niya tapos pumikit siya. And..and he..wait.

He kissed me??

Ilang segundo lang 'yun pero..pero..feeling ko sobrang tagal no'n.

Pagkatapos ng nangyari, I just stared at him. Wide-eyed. I know I looked like I was kissed for the first time for acting this stupid. But what should I do?

Oo, marami ng humalik sa'kin. Hindi ko na mabilang. Sa dami ba naman ng naging boyfriend ko. Pero hindi ko naman naramdaman 'yung gan'to.'Yung gantong kaba. 'Yung gan'tong init sa pakiramdam. 'Yung gan'tong panlalambot ng tuhod. Lahat-lahat na.

Hindi naman 'yun torrid kiss. Hindi naman 'yun kiss ng isang expert. Dinampi lang naman niya ang labi niya sa'kin. Pero sa simpleng kiss na 'yun, parang mababaliw na ata ako.

Hindi ko na kaya. Itatanong ko na. Baka naman kasi..nagkakamali lang siya. 'Cause this is really crazy. Definitely.

"Sei—"

"Don't ask me," sabi niya sabay iwas ng tingin. Namumula pa rin sya.

Naiyak ako sa sinabi niya. Alam kong he will not kiss someone for no reason. Alam kong he is not the type of guy na manghahalik na lang ng kung sinong matripan niya.

Kaya nga mahal ko siya e. Kasi kabaliktaran ko sya.

He is pure. Kind. Everything. Everything that I'm not.

"You're so unfair," sabi ko habang umiiyak. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Baka naman ginawa n'ya lang 'yun para mag-revenge sa'kin. Para ma-realize ko kung ga'no 'ko kasama at kung ga'no s'ya kagalit sa'kin. Pero..hindi naman ganu'n si Seichi. Hindi s'ya 'yung tipo ng tao na magre-revenge. Alam ko na pinagsasabihan n'ya 'ko palagi at sinesermonan pero never n'ya pa 'kong sinaktan.

"Are you talking about yourself?" sabi niya.

"Huh?" Teka, ako ang unfair? Pa'no n'ya nasabi 'yon?

"Matagal na kong may malay."

"A-ano?? Pero di ba ngayon ka lang—"

"Sinabi ko sa kanila na ilihim 'yun sa'yo."

"Bakit? H-hindi mo ba alam kung ga'no ko nag-alala sa'yo ha? Akala ko hindi ka na magigising! Akala ko mawaw—"

"Alam ko. Kaya ko nga ginawa 'yun eh."

"Huh??" Hindi ko maintindihan. Shit. Ano ba?!

Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko. He is serious when he said, "Inilihim ko 'yun sa'yo kasi.." Bumuntong hininga siya.

"Kasi??"

"Lagi na lang ako 'yung nag-aalala para sa'yo. Gusto kong ikaw naman ang mag-alala sa'kin."

I rolled my eyes. He must be kidding, right? Pero honestly, napangiti ako sa sinabi niya.

"Hindi na kita kilala. Are you really Seichi?" sabi ko habang nakangiti.

"He's probably somewhere..somewhere I don't know," sabi niya. Hindi ako makapaniwalang nakangiti rin siya. "You. Are you sure you're Imadori?"

"Funny but..hindi ko rin alam. Maybe I am someone else?"

Natawa ko sa sinabi ko. Natawa rin siya. Is this a dream? I don't know. Pero sana totoo 'to.

I know I dont have the right to dream like innocent and pure-hearted persons do, pero sana kahit ito man lang..wag na kunin sa'kin ng langit.

Pag-uwi ko sa condo unit ko, nag-text agad ako kay Kanna. I thanked her. Kaso hindi s-ya nag-reply. Tumawag pa ko nang ilang beses. Patay ata ang phone niya. Nag-alala tuloy ako bigla.

Tinawagan ko si Yuta. Aba, ayaw din sagutin! Nagtext ako sa kan'ya ng: Emergency 'to. Sagutin mo.

Tapos tumawag ulit ako. Ayun, sinagot n'ya nga.

"Ano na naman bang kalokohan ang ginawa mo??" bungad niya sa'kin.

"May sasabihin ako."

"Teka nga, Imadori. Ano bang akala mo sa'kin, kumpisalan?? Lahat na lang ng kasalanan mo kailangan sinasabi mo sa'kin? Ganon?"

"Anong ginawa mo kay Kanna?"

Hindi siya sumagot. I was testing him. Gusto kong malaman kung bakit nakapatay ng cellphone ni Kanna. I know it has something to do with him.

"W-wala no," sagot niya. Natagalan siya sumagot. This only means one thing. He's lying.

"Alam ko kung anong sitwasyon meron kayo ngayon. Alam ko rin na it's my fault na nangyari iyon. Pero' wag mong i-deny sa'k-n na wala kang kasalanan."

"Wow! So ang lagay e masama na rin ako? Katulad mo?? Haha! Nakakatawang joke 'yun ah!" he sarcastically replied.

"Aren't you even worried about her? Actually, kanina ko pa siya tinatawagan pero nakapatay ang phone niya. Don't you have any idea kung—"

"Kung si Kanna lang ang pag-uusapan natin..pwes, ibababa ko na."

Beep. Beep. Beep. Siya ang mismong nag-end ng call. Damnit! Iniinis talaga ako ng Yutang 'yun! Kahit kelan talaga hindi ko siya makakasundo e! Hayst. Pa'no na? Gusto ko pa naman na kahit pa'no matulungan si Kanna. Kaso..mukhang I am incapable of doing that.

Wala na 'kong kapangyarihan na gamitin pa ang mga private investigators ng mga magulang ko. Wala na 'kong tauhan para utusan. Haay. Wala na ba talaga kong magagawa?

[Chapter Forty Eight]

Yumi

Waaah! Anong oras na hindi pa 'ko pumupunta ng Coffee Cafe! Naku. Naiimagine ko nang umuusok na ang ilong ni Natsume at anytime magbubuga na siya ng apoy sa bibig niya sa galit! Waah! Imagination ko pa lang, nakakatakot na! Parang reality! Nyii. Kung bakit kasi ngayon ko lang naalala ang sinabi niya e. Hmp. Bakit ba kasi kami magkikita du'n? Di n'ya naman inulit sa'kin kung bakit. Ang init-init kasi lagi ng ulo niya.

Kasalukuyang tumatakbo ko papunta sa Coffee Cafe nang biglang may humarang sa'kin na mga kalalakihan. Apat sila. Nakasuot ng mga presentableng kasuotan pero nakakatakot na mga ngiti.

"Ikaw ba si Yumi Masato??" tanong nu'ng isa. Napaatras ako. Nakakatakot talalaga sila. Lalo na 'yung mga ngisi nila. Bakit nila ko kilala? Teka, dapat ko bang sagutin ang tanong niya o manahimik na lang? Waah! Hindi ko alam ang gagawin ko!

"Wow. Ang cute niya, 'Tol!" sabi nu'ng pinakamatangkad sa kanila.

"Hahaha! Hindi ako makapaniwala! Baka naman nagkamali tayo ng nilapitang babae? Baka hindi siya 'yun!"

"Adik. Siya 'yun!"

Habang nagtatalo ang dalawa, lalong lumapit sa'kin ang isa sa kanila. Siya 'yung unang nagtanong kanina na ngayon, mukhang napipika na.

"Miss, wala kang bibig? Para tinatanong ka lang eh! Di ba? Di ba mga, Tol?"

Um-agree naman ang iba. Palapit sila nang palapit sa'kin. Parang no use umatras.

Kinakabahan ako at unti-unti na 'kong nakakaramdam ng takot. Parang napipipi na ko. Hindi ako makasigaw ng tulong. Uwaah. Lumingon ako sa paligid, walang gaanong tao. At may eskinita malapit sa kinatatayuan ko. Loooord! Help me! Umatras pa ko nang umatras kaso pagtingin ko sa likuran ko, may pader. Argh. Bakit ngayon pa nagkaro'n ng pader d'yan?

So..a-ang ibig sabihin na-corner na nila ko? Naku po..anong gagawin ko??

Nanginginig na 'ko sa takot. Hindi ko na maiwasang hindi maiyak. Alam kong mababaw talaga ang luha ko at hindi ako sanay sa gan'to.

"N-n-nakikiusap ako..w-wag n'yo 'kong sa-saktan," nauutal kong sabi sa kanila.

Tinawanan lang nila ko. Lalo akong natakot nu'ng nagsalita 'yung isa pang lalake. "Miss, relax ka lang, wala naman kaming gagawing masama sa'yo eh. Basta sumama ka sa'min."

Bigla, hinawakan niya ang isa kong braso. Hindi ako makalaban sa kan'ya.

Natsume!! Nasa'n ka na ba? Waah. Natatakot ako sa kanila. Natatakot ako sa kanila! Tulong!

"Miss, sasama ka ba o masasaktan ka??" mukhang naasar na 'yung isa sa kanila.

"A-ayoko..ayokong sumama sa inyo." Iyak ako nang iyak pero wala lang sa kanila. Hindi pa rin nila ko nilulubayan. Uwaah. Bakit ba ang hina-hina ko? Wala nang boses na lumalabas sa bibig ko. Nauunahan ako ng takot. Bakit? Bakit hindi ako makalaban sa kanila??

Yung isa, hinawakan ang magkabilang mukha ko at iniangat ang ulo ko. Pumikit ako sa takot.

Wag! Please wag! Natsume! Natsume!!

"Ano bang nangyayari dito?" Napalingon ako sa nagsalita. Pamilyar yung boses na yun.

"Natsume!" Kahit tinawag ko na siya, nakatanga lang siya sa gilid at tinignan ang mga lalakeng nakapalibot sa'kin. Poker-faced. Nakakainis! Akala ko pa naman tutulungan niya ko tapos—! Tapos—!

Lalong dumaloy ang mga luha ko. This time, hindi sa takot, kundi sa inis sa kan'ya.

"Ano pang hinihintay mo? Tulungan mo 'ko!" sigaw ko sa kan'ya.

"Ha??" Anong 'ha??' Hindi ba, usually, ang mga lalake, nililigtas ang mga babae 'pag nasa panganib? 'Yun man lang ba, hindi n'ya magawa? Kung kaya ko lang sila e di ako na ang gumawa! Hindi na sana ko nanghingi ng tulong, di ba?!

"Bakit ko gagawin 'yon?" dagdag pa niya.

"Ano?! Hindi mo ko tutulungan?!" Ano bang problema niya? Galit na naman ba siya sa'kin? Bakit na naman? Dahil late ako? Ganu'n??

Natatawa lang 'yung mga lalake sa'kin. Nagmukha lang akong tanga.

Sira ulo ka, Natsume. I hate y—

"Gagawa ka ng isang gulo, tapos di mo kayang lusutan," pangaral n'ya pa habang nakangiti—'yung ngiting nang-aasar. Hinawakan na naman ako nu'ng isang lalake sa braso. Umilag ako at lumakad nang konti palayo sa kan'ya.

"Natsume Hirai!!" sigaw ko habang nakasimangot. Natawa lang siya nang bahagya.

"Binibiro lang kita. Pwede ba naman kitang pabayaan..e responsibilidad kita?" sabi n'ya na astang pa-cool pa. Kinuha ko 'yung isa kong sapatos tapos binato ko sa kan'ya sa inis ko. Swerte n'ya nakailag s'ya kundi talagang basag ang salamin niya sa mata!

"Hindi nakakatawa ang biro mo! Hmp!"

Sumeryoso yung mukha n'ya tapos tinitigan nang masama 'yung mga lalake sa paligid ko. Binitawan na 'ko nu'ng lalakeng isa. Whoa. Titig pa lang 'yun ah?

Nilagay n'ya ang index finger n'ya sa nakapagitan sa salamin n'ya tapos itinaas n'ya iyon nang bahagya saka nagsalita siya ng, "Kayo ba hindi n'yo tatantanan si Yumi, ha?? Sina Mama ang nag-utos na gawin n'yo 'to no?"

Ano?

Napalingon ako sa mga lalake. May nagpipigil ng tawa. May sumisipol. May nakangiti.

A-anong nangyayari??

Lumapit sa'kin si Natsume hawak-hawak 'yung binato kong sapatos sa kan'ya. Nagulat ako nang lumuhod siya sa harapan ko at isinuot sa'kin ang sapatos ko. F-feeling ko tuloy ako si Cinderella.

Tapos, nu'ng tumayo siya, pinat n'ya ang ulo ko at hinawakan ang kamay ko.

Blush. Dubdub. Dubdub. Dubdub. Dubdub.

Nakakainis! Bakit ba ko gan'to? Hinawakan n'ya lang ang kamay ko feeling ko nagka-amnesia na agad ako. Nakalimutan ko nanggalit ako sa kan'ya. Hayst!

Itinaas n'ya nang bahagya ang kamay kong hawak n'ya. Ka-level ng balikat n'ya. Tumingin ulit siya nang masama du'n sa mga lalaki at nagsalita ng, "Makinig kayo—kayong lahat. Wala kayong karapatan na saktan ang babaeng 'to..dahil mahal ko siya,naiintindihan nyo?!"

"H-huh?!" bigla kong nag-react. S-s-sinabi n'ya bang mahal n'ya ko? S-seryoso??

Natawa naman 'yung isa. "For real??" tanong niya.

"Natawa lang talaga ko nu'ng malaman ko kay Mama na may girlfriend ka na kaya pinatawag ko pa ang iba nating kapatid para ma-meet and greet 'yang girlfriend mo. Haha," sabi naman nu'ng isa.

"Oo nga. Akala ko joke kaya inalam ko pa kung sa'n kayo magkikita para sa first date n'yo. Tama ba? 'First date'?? Haha! Akalain mong may date si Natsume? HAHAHA!!" sabi nu'ng isa pa at nakipag-apir sa unang nagsalita sa kanila.

"Haha! Ang OA mo, Natsume a! Tinakot lang namin siya nang konti! Sabi kasi sa mga kwento ng subordinates mo sa school, iyakin daw girlfriend mo. E kasi ayaw magsalita kanina kung siya ba si Yumi kaya tinesting namin kung iyakin nga! Haha!"

"Miss, seryoso, pumayag kang makipagrelasyon sa lalakeng 'to?? Alam mo bang sagad sa buo ang pagkamasungit niya? Hahaha!" sabi nu'ng isa na kanina na nagpipigil ng tawa pero ngayon, hindi niya na napigilan. Tumawa siya nang bongga sa lakas. A mocking laugh.

Tumingin ako sa mukha ni Natsume. Mukhang lalo s'yang nainis.

"Tumigil na nga kayo!!" sigaw niya. Napapikit ako sa lakas ng boses niya. At sa takot na rin. Nakakatakot talaga siya 'pag galit. Pero ewan ko ba. Feeling ko kahit galit s'ya, safe ako.

Kasi hawak-hawak nya yung kamay ko.

"Tsaka pwede ba?? Hindi ko pa siya girlfriend."

Parang kinabahan ako sa sinabi niya. So ano ako sa kan'ya? Ano ba kami? Waah. Parang gusto ko tuloy itanong, kaso natatakot ako sa kung anong magiging sagot niya.

"Tol, 'di n'ya pa pala girlfriend e!" sabi nu'ng isa.

"Haha! Sabi na eh! O, talo kayo ah! Tsk, kung may perang kasama ang pustahan na 'to, nadag-dagan na naman siguro ang yaman ko! Hahaha!"

"Teka nga. Tapos na ba 'kong magsalita ha??" galit na tanong ni Natsume sa kanila. Napahinto sa sila sa pagkakantyawan. "Hindi ko pa nga siya girlfriend..pero malapit na 'yon," sabi n'ya.

Natulala ako sa sinabi niya. Teka, nagba-blush ba siya? O ako ang nagba-blush at nagre-reflect lang ang pula ng mukha ko sa eye glasses n'ya?

Naghiyawan at nagkantyawan pa lalo ang mga lalake.

"Iba ka na talaga!"

"Ang laki ng pinagbago nitong kapatid natin, no? Haha! Naks! Naisipang magka-love life!"

"Titigilan nyo ba kami o ipapapulis ko kayo??" sigaw niya.

"Teka..para pinupuri ka lang e. Ganyan ba ang tamang pagtrato sa mga kuya mo, ha??"

"Kuya?" natanong ko bigla.

"Oo, sa kasamaang palad, 'yang apat na sira-ulong 'yan e mga kuya ko. Sila ang mga dahilan ng sobrang taas ng expectation sa'kin nila Mama. Pa'no ba naman kasi..lahat sila grumaduate na Valedictorian nu'ng high school at Cum Laude naman nu'ng college," seryoso at halatang naiinis pa rin na paliwanag niya sa'kin.

Aahh. May na-realize ako. Kung gan'to kaloko-loko ang mga kapatid n'ya, hindi na 'ko magtataka kung bakit napakasungit ni Natsume. Haha. Parang..siya lang ang matino kausap sa kanila.

"Grabe ah. 'Sa kasamaang palad' talaga??" sabi nu'ng isa.

"Anlupit mo, 'Tol!"

'Yung isa, lumapit sa'kin. "Yumi, sorry kanina a. Ang lakas kasi mantrip ng mga 'to eh. Sorry kung natakot ka namin kanina."

Umiling lang ako at nahihiyang ngumiti sa kan'ya. "A-ayos lang."

"Alam mo kasi, 'yang si Natsume, walang ibang inatupag sa buhay 'yan kundi pag aaral kaya big deal sameng magkakapatid nu'ng isang araw nagsalita siya ng mga hinaing niya sa parents namin na hindi ko naman maide-deny na mga perfectionist. E ayun, na-curious kami kung sinong nag-impluwensya sa kan'ya na lumaban sa kagustuhan ng mga magulang namin. Kasi kami, as mga kuya n'ya, hindi namin nagawa 'yun nu'ng nag-aaral pa kami. Kaya ayun, medyo, nagkayayaan kami kanina na makilala ka."

"Curious lang talaga kami sa'yo," dugtong ng isa. "Taas noo akong humahanga sa haba ng pasensya mo sa bunso namin. Haha."

"N-naku, hindi po ganu'n kahaba ang pasensya ko."

"Haha. Oo nga no. Napansin ko nga kanina. Haha. Let me rephrase it. Taas noo ako sa kakayahan mong masigaw-sigawan at mautusan ang bunso namin nang hindi siya nagagalit sa'yo. Haha. The best ka, Yumi!" Nahiya naman ako sa sinabi niya. Hindi ko tuloy alam kung ikaka-proud ko ba 'yuno hindi. "Oh, by the way, I'm Natsuki. Ako ang pinakamatanda sa kanila," sabi n'ya at nakipag-shake hands pa sa'kin.

Lumapit naman 'yung isa. 'Yung pinakaalaskador sa kanila.

"Woy! Ano 'yan?? Tsyansing? Grabe ah! Ako rin! Haha! Pa-shake hands, Yumi!"

"Sira ulo, magpakilala ka muna. Mukha kang manyak sa paningin n'ya!" sabi ni Kuya Natsuki.

"Ay, sorry-sorry. Ako si Naruki. Pangalawa," sabi n'ya saka ngumisi sa'kin. Nakipagshake hands na lang ako. Lumapit din 'yung dalawa pa.

"Naoki nga pala. Pangatlo."

"Natsuhiko naman ako."

Lahat sila nakipagshake hands sa'kin.

"Ayos! Friends-friends na tayo ha!" masiglang sabi ni Kuya Natsuhiko.

Mamaya-maya, hinatak ni Natsume ang kamay ko palayo sa mga kapatid niya.

"Gusto ko lang ipaalala sa inyo na may mga girlfriend na kayo. At ikaw Kuya Natsuki, may asawa ka na," sabi niya.

"O e ano naman?" nakangising sagot ni Naruki. Tumingin lang nang masama si Natsume sa kanila. Mukhang napipikon na siya sa mga kapatid niya.

"Sus! Selos ka lang e. Haha!" kantyaw naman ni Kuya Naoki.

"Palibhasa kasi hindi ka marunong pumorma sa babae, 'Tol. Hindi mo pa pala girlfriend, ganyan ka na. Wuuh!" sabi naman ni Kuya Natsuhiko.

"Ligawan mo kasi nang maayos! Di ba? Di ba?" gatol ni Kuya Naruki.

Umagree naman 'yung iba.

"Tsk," react ni Natsume. "Halika na nga Yumi, masisira lang ang araw na'ting dalawa kapag pinansin pa na'tin 'yang mga 'yan." Hinawakan n'ya ulit ang kamay ko. Tapos..sabay kaming tumakbo.

Ewan ko ba. Feeling ko tinatanan ako ng Prince Charming ko. Haha. Ang lakas ko talaga maka-imagine. Kinikilig ako na parang ewan.

Huminto kami sa isang parke. Naupo ako du'n sa may swing. S'ya naman nakatayo lang.

Awkward silence. Hala. Anong gagawin ko? Wala na namang nagsasalita sa'min!

"S-sorry talaga kanina," sabi niya. Tumingin ako sa kany'a pero hindi siya makatingin nang diretso sa mga mata ko. Nahihiya ba siya?

Ngumiti ako. "Ayos lang. Masaya akong nakilala ang mga kuya mo. Saka..na-realize ko nu'ng nakikipagtalo ka sa kanila na..hindi naman pala ganu'n kalungkot ang pamilya n'yo. Sana dalasan n'yo ang pagkikita-kita. Nakakatuwa kayong magkakapatid 'pag nagsasama-sama. Saka dahil sa kanina, alam ko na kung bakit masungit ka."

"Haaa? Ano namang relasyon nu'n sa mga bwiset na 'yun?"

"Masungit ka kasi maloko naman sila. Kumbaga, naging gan'yan ka dahil sa katigasan ng ulo ng mga kuya mo. Feeling ko ganu'n 'yun. Kasi nakita ko kanina kung p'ano ka makipagtalo sa kanila. Ang cute n'yong lima mag-usap. Naiinggit tuloy ako. Kasi..only child lang ako," paliwanag ko sa kan'ya.

Hindi nagsalita si Natsume. Waah. Topic! Topic!

"Umm..Natsume, 'y-yung kanina..'y-yung sinabi mo na.." Ano ba 'to? Kinakabahan ako at nauutal. Hindi ko alam kung pa'no ko itatanong ang tungkol sa sinabi n'ya!

"Na mahal kita?" Bigla akong namula at napayuko sa pagkapahiya. "Totoo 'yun. Kahit gan'to ko, hindi ako sinungaling." Napatingin ako sa ground at nag-swing nang konti. Napangiti ako sa sinabi niya.

"P-pwede ko bang malaman kung..bakit?"

Sana..sana hindi siya magalit sa tanong ko.

Nagulat ako nang tumitig siya sa mga mata ko. Napahinto tuloy ako sa pagswi-swing.

"Kasi.." Huminto siya saglit, parang nag-iisip siya ng sasabihin. Parang nahihiya siya na hindi mapakali. Maya-maya, tumingin na ulit siya sa'kin at nagpatuloy. "Ikaw lang ang babaeng nakapagsabi na..meron akong malulungkot na mga mata. Ikaw lang ang kayang umintindi sa mga bagay na kahit ako, sa sarili ko, hindi ko maintindihan." Namumula siya habang nagpapaliwanag. Waah. Hindi ako sanay!

"Nakikita mo sa mga mata ko ang..ang katotohanang tinatago ko. Ikaw ang..nagpakita sa'kin na may mga bagay na dapat sabihin at ipaglaban. May mga bagay na hindi magbabago kung hindi ikaw mismo ang aaksyon. At may mga bagay na mas importante kesa sa pagiging number one. Ikaw ang nagturo sa'kin na..masarap ngumiti at..maging masaya."

Tumulo ang mga luha ko sa sinabi niya. Nakakainis. Ang babaw talaga ng luha ko kahit kelan.

"Tsk. Bakit umiiyak ka na naman? May sinabi ba kong mali??"

"W-wala. Sorry," sabi ko sabay pahid ng luha ko. Hinagisan niya ulit ako ng panyo. Nakakatawa kasi hindi n'ya man lang iniabot. Talagang hinagis n'ya pa rin. Parang nu'ng dati lang. Hindi pa rin s'ya nagbabago.

"Sabi ko sa'yo, sa susunod na iiyak ka, magdala ka ng sarili mong panyo, di ba??"

Natawa ko nang bahagya sa sinabi niya. Kinuha ko ang panyo sa lap ko at ginamit ko 'yun sa pagpahid sa mga luha ko.

"Umiiyak ako kasi..masaya ko. K-kasi ito ang unang beses na..may nagpahalaga sa'kin more than a friend. Ito ang unang beses na may nagsabing mahal n'ya ko. Kasi lagi na lang ako ang dating nagsasabi nu'n. S-siguro..hindi lang ako sanay na mare-reciprocate ang feelings ko," paliwanag ko tapos nagpatuloy na ko sa pag-iyak.

"Tumigil ka na nga sa kakaiyak! Hindi ko na responsibilidad pag na-dehydrate ka ha!" sabi n'ya na medyo pagalit pa.

"Oo na," sabi ko habang nakangiti. Pa'no pa ko iiyak e bigla n'ya 'kong niyakap? Waaah.

"I guess, falling in love with you is the best responsibility that I ever have," sabi n'ya na tila pabulong. Blush. Waah. Hindi ako sanay na gan'yan siya. Maloloka na ata ako! Enough of your favorite word!

Natapos ang araw na 'yon na nag-uusap lang kami. Napapatawa ko na siya ngayon. ,Yung tawang hindi sarcastic, ha? Ay naku. Sobrang heavenly n'ya kung tumawa. Kung sa ngiti n'ya, napapatulala ako, 'yung tawa n'ya naman, para kong dinadala sa langit. Oo, OA na ko. Pero ganu'n nga 'yung pakiramdam ko.

Nagulat ako nung Monday, nabalitaan namin na naospital daw si Kuya Seichiro. Nakaka-high blood talaga si Yuta. Hindi man lang niya sinabi e nu'ng Thursday pa pala nangyari 'yun at matagal nang may malay ang kapatid niya. Nagpapagaling na lang siya ngayon.

Bumisita kaming dalawa ni Natsume sa kan'ya. Mukhang mabuti na ang kalagayan n'ya. Sinabi n'ya na rin na sure na raw na makaka-attend siya ng graduation nila which is next week na. Pinayagan na raw siya ng doctor eh. Buti naman.

Nu'ng Wednesday, nagimbal ako sa binalita sa'kin ng mga pinsan ni Kanna. Sa galit ko, hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa, sinugod ko ka'gad si Yuta.

Nakita ko siya sa garden. Agad n'yang napansin ang presensiya ko nang lumapit ako sa kan'ya. Tumayo siya at hinarap ako, habang nakahalukipkip.

"Ano? Nagsumbong rin siya sa'yo? Aawayin mo rin ako—katulad ng dalawa n'yang pinsan??"

"Ano bang problema mo, Yuta?"

"Wala akong prob—"

Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Sinampal ko na siya kaagad. Ilang linggo nang nangangati ang palad ko. Gustung-gusto ko talaga 'tong gawin sa kan'ya.

Halata ang pagkagulat sa mukha ni Yuta. Walang anu-ano, tumulo ang mga luha ko dahil sa galit sa kan'ya.

"Makinig ka, Yuta. Ito na ang una't huling beses na pagsasabihan kita. Hindi ko 'to ginagawa dahil kaibigan ko si Kanna, ginagawa ko 'to kasi alam ko, at alam mo rin na hindi na tama ang mga ginagawa mo. Sobra ka na alam mo ba 'yun, ha?? 'Yung sa ginawa mong pagtapon ng niluto n'ya para sa'yo, du'n pa lang, gusto na kitang sugurin e. Pinigilan lang ako ni Kanna. Pero Yuta, hindi ka pa nakuntento. Bakit mo pinunit 'yung love letter na ginawa sa'yo ni Kanna? Ha?? How could you??

Alam kong alam mo more than anyone else na ngayon lang gumawa si Kanna, 'yung babaeng minahal mo ng limang taon, ng isang love letter para sa isang lalaki. Knowing that, how could you just simply rip it like it's nothing?? How could you simply ripped out her heart??"

Dinuro-duro ko siya sa galit ko.

"Alam mo, hindi ko na alam kung pa'no ko sasabihin sa'yo lahat-lahat ng sama ng loob ko dahil sa mga ginagawa mo kay Kanna. Ang akin lang, gan'to, kung hindi mo na siya mahal, pwede ba?? Please lang, tama na, Yuta. Wag mo na s'yang saktan!!

"Alam mo, tama sila e..hindi na ikaw ang Yutang nakilala namin. Hindi na ikaw ang Yutang minahal ko. Ngayon, alam mo ba? Ha? Hindi ko na ma-imagine kung bakit dati, nagmakaawa pa ko sa'yo na mahalin mo ko. Kung ganyan lang din naman pala kakitid ang utak mo, pwes, nagpapasalamat ako sa Diyos kasi binigay n'ya sa'kin si Natsume! At sana, sana, pati si Kanna, makahanap ng taong deserving ng pagmamahal n'ya! Hindi sa tulad mo!"

Pagkatapos kong magsalita, umalis na ko. Iniwan ko na si Yuta sa garden. Baka kung ano pang magawa ko sa kan'ya 'pag nanatili pa ko du'n. Ngayon lang ako nagalit nang gan'to katindi sa tanang buhay ko. Unexpectedly, du'n pa sa dating minahal ko.

[Chapter Forty Nine]

Kanna

Nakaupo ako ngayon sa harap ng salamin. Nanghiram ako kay Mama ng foundation para kahit man lang sa araw na 'to, hindi mukhang maga ang mga mata ko at hindi halata ang mga eyebags ko. Ngumiti ako sa harap ng salamin. Nakakatawa kasi kahit 'yung salamin, alam na peke ang ngiti na 'yun.

Hinubad ko na ang Twisty Heart tapos inilagay ko iyon sa isang maliit na jewelry box. Mamaya, sa recognition day, ibabalik na kita sa totoong nagmamay-ari sa iyo. Sorry, hindi ako maingat. Hindi kita naalagaang maigi. Sorry rin kung..hindi ako ang taong karapat-dapat ng mag-alaga sa'yo.

Mamaya, ibabalik na kita kay Yuta.

Sa pagtatapos ng school year na ito, matapos din kaya lahat ng sakit na nasa puso ko?

Hindi ko alam. Pero isa ang sigurado. Sumusuko na 'ko. Kailangan ko nang tigilan ang kabaliwan kong ito. I must set my self free. Nakakapagod na rin kasi.

Pagkatapos ng araw na 'to, magpapatuloy ang buhay ko. Pati ang buhay n'ya.

Dalawang buwan na bakasyon. Siguro naman, sapat na 'yun, di ba? Para makapag-move on. Para tuluyang matanggap ko ang lahat. Para tuluyang makalimutan s'ya.

Para sa susunod na pasukan, maging okay na 'ko. Para sa susunod na pasukan, kaya ko na s'yang tignan sa mata nang hindi ako nakakaramdam ng kahit ano mang sakit. Para sa susunod na pasukan, kaya ko na s'yang ngitian at tanungin ng, 'kamusta ka na?'

Tumingala ako. Alam n'yo na kung bakit. Technique ko 'yun para hindi tuluyang maiyak. Sayang ang pinahid kong foundation kung iiyak lang ulit ako.

Tumayo na ako. Mag-aala-una na. Kailangan ko ng umalis.

"Ma, alis na po ako," paalam ko kay Mama. Hinalikan ko siya sa cheeks saka ako ngumiti sa kan'ya.

"Have fun anak. Pictures, ha?"

Tumango na lang ako saka ngumiti ulit. Hanggang ngayon, hindi ko pa sinasabi kay Mama na tinapon ni Yuta ang niluto ko para sa kan'ya. Hanggang ngayon hindi n'ya pa rin alam na hindi pa kami okay. At hindi na nga siguro kami magiging okay. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nasasabi sa kan'ya na hindi na ko top 2. Top 9 na lang. Lahat kasi ng mga iyon, mahirap sabihin. Sobrang hirap sabihin.

Lumakad na 'ko papasok sa school. Nakabestida ako ng pink at burdado ng simpleng design. Naka-doll shoes din ako. Lahat 'yun bagong bili ni Mama. Nahihiya nga ako sa kan'ya. Binilhan n'ya pa 'ko ng mga gan'to para sa araw na ito. E..hindi naman na ako ang Top 2.

Pagpasok ko sa room, marami nang tao. Agad lumapit sa'kin ang dalawa kong pinsan at binati ako. Pati si Nao at Yumi. Naupo kami sa gilid at nagkwentuhan. Nakikinig lang ako sa mga usapan nila na napapatungan ng saliw ng mga tugtugin sa room. Luminga-linga ako sa paligid. Nakita ko agad si Yuta. Mukhang nagpa-practice siya kasama si Soushi. Para siguro' yun sa performance nila mamaya.

Napangiti ako nu'ng makita s'ya pero at the same time, nasaktan din. Parang memory lane ang mukha niya. Pag nakikita ko siya, nagfa-flood sa isip ko lahat--ang lahat-lahat ng mga alaala sa isip ko na kasama ko siya. At dahil ayoko nang maalala pa ang mga 'yun, agad ako tumingin sa ibang lugar.

"Oo nga pala, Kanna," sabi ni Yumi. Napatingin ako sa kan'ya.

"Bakit?"

"Nagtext ako sa'yo kanina a. Hindi mo ba na-receive?" tanong niya.

Oo nga pala. Hanggang ngayon hindi ko pa rin binubuksan ang cellphone ko. Hala! Ma-receive ko pa kaya 'yun? Agad kong kinuha ito sa bag ko at binuksan.

"Loka ka, bakit nakapatay CP mo?" komento ni Miki.

"Haha. Trip-trip," dahilan ko. Pagbukas ko ng cellphone ko, bumulaga sa'kin ang dami ng unread messages at missed calls. Mostly, galing kay Ate Imadori. 'Yung iba, kay Kuya Seichiro. Ang pinaka-latest, kay Yumi.

Binuksan ko ang message text niya: Kanna, pumunta ka mamaya sa recognition day ah. Tandaan mo, para sa aming mga TUNAY na kaibigan mo, ikaw ang top 2. :)

Napangiti ako sa text niya at nagpasalamat. Niyakap niya ko. At grinoup hug naman ako ng mga pinsan ko. Parang maiiyak ako. Kaya ayun, tumingala ulit ako para hindi ako maiyak.

Pagkatapos n gaming group hug, binuksan ko naman ang ibang mga text messages sa inbox ko.

Kanna, sira ulo ka talaga. Bakit nung Sunday, dinala mo si Imadori sa kwarto ko? Adik ka talaga.

Napangiti ako sa text ni Kuya Seichiro. Nu'ng Sunday ng gabi n'ya pa pala 'to tinext haha.

Kanna, nalaman ko kay Yumi na top 9 ka na lang daw. Totoo ba yun? Akala ko pa naman ikaw na papalit sa pwesto ko bilang VP. :( Dahil ba to kay Yuta? Seryoso ka ba talagang ayaw mong kausapin ko siya?

Eto namang text na 'to, nu'ng Wednesday pa. Haay. Salamat sa concern, Kuya pero ganu'n siguro talaga ang buhay. Hindi naman pwedeng lahat..maging masaya.

May text pa pala siya, kagabi niya sinend.

Bukas pala ang recognition day nyo. Sorry hindi ako makakapunta dyan. Kahit kasi okay na ako, hindi pa kasi ako dinidischarge sa ospital. Nga pala, para saken, ikaw ang Top 2. Tandaan mo yan, Kanna. :)

Pati ba naman ikaw gusto akong paiyakin? Tumingala ulit ako, tapos binasa ko naman ang mga text ni Ate Imadori. Ang dami. Waah.

Kanna, salamat kanina ah. Hindi ko alam kung anong magic ang nangyari pero mukhang hindi galit saken si Seichi. Thank you talaga. Just tell me anything na gusto mo. I will do my best to do it. Kahit ano. Sobrang nahihiya na kasi ako sayo.

Sunday ng gabi n'ya 'yun sinend. Tapos 'yung iba pang sumunod na text, tinanong naman n'ya ko kung bakit hindi ako sumasagot sa tawag n'ya, kung okay lang ba 'ko, kung may masakit ba sa'kin..at marami pa. Natawa na lang ako. Ang worrywart din pala ni Ate Imadori. Haha.

Kanna, nalaman ko ang nangyari sayo. Top 9 ka na lang daw. At yung hayup na Yutang yun, nakaakyat ng Top 10 out of nowhere?! WTF! Gusto mo kausapin ko yung homeroom teacher nyo?? I can make transactions with her para ikaw na ulit ang Top 2 tapos si Yuta ilalagay ko sa lowest rank. Ilan kayo sa room? 50 di ba? Gagawin ko syang rank 50! Sabihin mo lang!!

Ay oo nga pala, I forgot. Arggh! Shit! Hindi ko na nga pala pwedeng utus-utusan mga investigators ng parents ko. Argh. Damn! May araw din saken yang Yuta na yan!

Literal na natawa ko sa mga sumunod na text ni Ate Imadori. Salamat Ate, pero..tanggap ko na. Kasalanan ko rin naman eh, kasi hindi ako gaanong nakapag-aral.

"Okay, maupo na ang lahat at magsisimula na ang ating program!" sabi ng emcee na isa sa mga kaklase namin. Nahinto na ko sa pagbabasa ng mga text messages at nakinig na lang sa opening remarks ng homeroom teacher namin. After nu'n, nagpa-games sila. Hindi naman ako nakisali kasi wala ako sa mood magsaya. Pinagmasdan ko na lang sila habang masaya at nagtatawanan.

Pagkatapos nu'n, performance na nila Yuta. Agad nagpalakpakan at naghiyawan ang lahat.

Pinagmasdan ko lang siya. Ang gwapo niya sa suot niya. Nakakainis..kasi pinupuri ko siya sa isip ko. Haay. Pa'no ko makakamove on nito sa ginagawa ko?

"Okay. Okay. Salamat sa mga palakpak. Dahil sira-ulo 'tong si Soushi, hindi makapag-decide ng kakantahin namin e tumatanggap po kami ng requests. Basta OPM po. 'Yung kayang igitara. Hahaha. Wag OA sa request a, baguhan pa lang ako," paliwanag ni Yuta.

"Hindi po. Actually, si Yuta ang may idea na kayo na lang mag-isip ng kakantahin namin," sabi naman ni Soushi.

"Ayos ah! Hindi kaya!"

"Oo Kaya!"

Nag-tawanan naman ang mga kaklase namin sa pag-aaway nila. Para silang comedy duo.

"Okay, game. Seryoso na. Guys, anong gusto n'yong kantahin namin?" tanong ni Yuta.

Maraming nagsuggest. Pero may nangibabaw. "Pain in my Heart ni Arnel Pineda!!" sigaw ng nagsalita. Napatingin kami sa kung sino 'yun. Si Pres? Whoa. Mukhang hindi makakaangal ang lahat kung si Megumi ang nag-request. Dahil do'n, halos lahat nagsisigaw ng 'Pain in my Heart! Pain in my Heart!' habang pumapalakpak at sumisipol.

Tumingin ako kay Yuta, parang nagdadalawang isip s'yang kantahin iyon. Napapailing s'ya.

Nagpatuloy lang ang crowd sa pagsigaw ng title nu'ng kanta. Siniko na siya ni Soushi na pumayag na. Maya maya pa, itinaas niya ang mga kamay niya sa ere. Give up sign. Kakantahin niya na at ilang minute lang,nagsimula na ang kanta.

Ibinalik ako ng unang stanza ng kinakanta niya sa nakaraan, kung saan kaming dalawa ay kumakanta para sa isa't isa sa isang musicale play.

Namamalik-mata ba ko? Kasi nakita kong tumingin sa'kin si Yuta nu'ng nagsimula 'yung chorus. Alam kong iilang segundo lang 'yun pero..pero..mahalaga 'yun sa'kin.

As the song went on, tearing my heart apart. Why does it have to be this song? When all the lyrics reflect our past that for the pastfew weeks I've tried to bury inside my head.

I bit my lips and looked at the ceiling, fighting the urge to cry. Ayokong umiyak. Kailangan kong maging matatag. Kahit ngayong araw lang.

"Kanna, ayos ka lang?" Badtrip! Napansin ako ni Nao. Bigla tuloy bumagsak ang mga luha ko. Kanina pa nga ako nagc-oconcentrate para wag silang tumulo e.. "Uy, ba't ka umiiyak?"

Dahil sa sinabi niya, napatingin tuloy sa'kin ang ilan. Ang mas malupet pa, nahinto ang kanta. Nakita ko si Yutang nakatingin sa'kin. Ang daming bulung-bulungan habang ang mga peste kong luha, agos nang agos.

Hindi ko na kaya. Ayoko nang pinagtitinginan ng lahat sa gan'tong sitwasyon. Tumakbo ko palabas ng room. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa dalhin ako ng sarili kong mga paa sa Meteor Garden. At doon, umiyak ako nang umiyak. Humagulgol nang humagulgol.

Hindi ko alam kung gaano 'ko katagal umiyak. Ang alam ko lang, natuyo na ang mga luha ko pero hindi pa nabubura sa puso ko ang mga alaalang dahilan ng mga luha ko. Nagpapasalamat na rin ako at di ako sinundan nila Tomo. Baka lalong lumaki ang issue 'pag nagkataon.

Naisip kong bumalik sa room pero hindi ko na itinuloy. Para saan pa? After ng performance nila Yuta, awarding na at malamang, natawag na ang pangalan ko. Nandoon naman sila Tomo para kunin ang certificate ko. Pagkatapos nu'n, kainan na. See? Wala namang dahilan para bumalik pa ko room. Lalo lang akong masasaktan. Lalo lang—

OMG. M-meron pala. Ang agenda kong isoli ang kwintas kay Yuta. Argh. Pa'no ko na 'yun mabibigay kung 'andito lang ako sa garden? Saka nasa room ang bag ko na naglalaman ng jewelry box kung saan ko nilagay ang Twisty Heart! Hayst! Ang malas ko naman! Bakit kasi nu'ng umalis ako, hindi ko dinala ang bag ko? So pa'no na? Hahantayin kong makaalis ang lahat bago ko kunin 'yun? Haaay. Malas talaga.

Palubog na ang araw. Kulang na lang amagin na 'ko sa kinauupuan ko. Kinausap ko na ata lahat ng halaman, bulaklak at insekto na matatagpuan dito sa garden e. Nu'ng sumilip ako sa room, napangiti ako nang makitang wala nang tao sa loob. Agad akong pumasok doon at kinuha ang bag ko. Napansin kong may note na katabi nu'n:

Alam namin na babalik ka pa rito kaya iniwan namin ang bag mo. Don't worry, tinabi na namin ang certificate mo. Pati yung share mo sa pagkain, tinabi na din namin. Oo nga pala, sorry kung di ka namin sinundan, naisip kasi namin na baka gusto mong mapag-isa. Ano, okay ka na ba? Text ka lang. We are always here for you.

-Tomo, Miki, Nao at Yumi

Aww. Thank you sa inyo. Lord, salamat po at nagkaro'n ako ng mga kaibigang tulad nila.

Aalis na sana ko sa room after kong i-double checking jewelry box sa bag ko nang may bigla akong nakita. Si Yuta, mahimbing na natutulog sa isang upuan.

Lumapit ako nang dahan-dahan at chineck ko kung tulog ba talaga siya. Dumaan-daan ako sa harap niya. Kumaway-kaway rin ako. Wala pa rin. Tulug na tulog nga siya.

Napangiti ako at lumapit sa kan'ya. Sa mukha n'ya. Ngayon ko na lang ulit s'ya natitigan nang gan'to kalapit. Mukhang puyat siya. Nangingitim kasi ang ilalim ng mata niya.

Bigla kong naalala ang Twisty Heart. Siguro, ito na ang chance ko na maibigay sa kan'ya 'yon. Kinuha ko sa bag ko ang jewelry box tapos nilagay ko 'yun sa tabi n'ya.

"Eto o," bulong ko, baka kasi magising siya. Lagot na 'pag nagkataon. "Binabalik ko na. Pasensya ka na kung..hindi ko masyadong naingatan. Siguro..ibigay mo na lang 'to sa iba. Du'n sa taong makakapag-alaga nito. Sorry." Nang sabihin ko ang huling salitang 'yun, tumingala ako. Alam n'yo na kung bakit. "Sorry sa lahat. Alam ko ako ang may kasalanan. Sana..sana hindi ka na magalit sa'kin."

Lumapit pa 'ko lalo sa mukha n'ya. 'Wa epek ang ginawa ko kanina. Teary eyed pa rin ako. Haayst. "Mahal na mahal kita, Yuta. Pero alam ko na..hindi pa sapat 'yun para mapatawad mo ko di ba? Kaya sumusuko na ko. Hindi ko na hihilingin na sana maging masaya ka. Kasi alam ko..saka nakikita ko naman na..okay ka na. Okay ka na kahit wala ako. Paalam na."

Tapos hinalikan ko s'ya sa cheeks, at kasabay nu'n ang tuluyang pagpatak ng mga luha ko. Waah. Napatakan ko ang mukha n'ya! Papahirin ko sana kaso..natatakot ako na baka magising s'ya kaya dali-dali na lang akong umalis habang hawak-hawak ang bag ko.

Habang naglalakad ako pauwi, pinapahid ko ang mga luha ko. Sa wakas, nasabi ko rin sa kan'ya. Okay na' yun, kahit tulog siya. At least nasabi ko na ang mga gusto kong sabihin.

Sa wakas, makakapagmove on na ko nang walang pinagsisisihan.

Mahal na mahal kita. Pero..paalam na.

Farewell. Farewell, my soulmate.

Siguro nga tama sila na hindi lahat ng storya, may happy ending. Kasi 'yung iba, katulad ng sa'kin, hanggang once upon a time lang.

Once upon a time, na-inlove sa'kin ang bestfriend ko.

Once upon a time, na-inlove rin ako sa kan'ya.

Kaso may nangyari kaya..walang happy ending.

Kasi hindi naman lahat ng kwento dapat laging masaya. Hindi lahat..pwedeng maging masaya.

Sabado. Kaalis lang ni Mama. Magbabayad ata siya ng tubig at ilaw. Mag-isa lang ako sa bahay. Eto, nagmumukmok. Malungkot. As usual.

Nagtaka ko nu'ng may nagdoorbell. May nakalimutan kaya si Mama?

"Wait lang po! Papunta na!" sigaw ko mula sa sala. Nagmamadali akong pumunta sa may pintuan at saka binuksan ang pinto. "Ma, bakit, may nakalimutan ka b—"

Natulala ako sa kung sino ang bumulaga sa harap ko.

"B-bakit ka nandito??"

[Chapter Fifty]

Kanna

Parang biglang nanlambot ang tuhod ko nang nakita ko siya. Sumikip ang dibdib ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang sa isang iglap, nakalimutan ko lahat ng sinabi ko sa sarili ko kahapon.

Sa isang iglap, hindi ko na alam ang salitang 'move on'.

Nakasandal siya sa may tabi ng pintuan. He looked so weak. Half-awake ang mga mata niya. His hair, ayun, parang hindi sinuklay. At ang pula ng mukha niya. But of course, I pretended not to be disturbed by his presence. "T-teka! Kung balak mo lang akong ipahiya ulit o kaya pagtawanan, hind—"

Nahinto ako sa pagsasalita nang lumapit siya sa'kin at para s'yang..matutumba?

"H-huh? W-wag kang lalapit!! o-o-o binabalaan kita!!" Ano bang nangyayari sa kan'ya?

"T-teka ano ba—" Pabagsak na napayakap siya sa'kin, napasandal tuloy ako sa pintuan. Naramdaman ko ang pahigpit nang pahigpit ang yakap n'ya sa'kin.

"T-teka, ang init mo a..m-may sinat ka!" sabi ko habang yakap niya. Hindi pa rin siya nagsasalita. Pati hininga niya, mainit. "A-ano ba? N-nasasaktan ako. Te—" reklamo ko dahil ang higpit nang yakap niya.

"DI BA ITO NAMAN ANG GUSTO MO?!" narinig kong garalgal ang boses n'ya nu'ng sumigaw s'ya nang gano'n.

"Huh?" 'Yun lang ang nasabi ko. Ano bang ibig n'yang sabihin? Hindi ko maintindihan.

"Batrip ka Kanna! Badtrip ka!!" Naramdaman kong may mainit na mga patak ng luha na tumulo sa balikat ko. U-umiiyak siya??

"Akala mo siguro..hindi ko alam no? 'Yung mga stolen glances mo sa'kin. Ilang beses mo ba ako tinititigan araw-araw, ha? Six times kada period, di ba? Akala mo siguro hindi ko napapansin, no? Minamatyagan mo ang bawat kilos ko, pati nu'ng sinamahan ko 'yung girlfriend ni Soushi alam ko sumunod ka sa'min, tama ba??"

A-alam niya? T-teka..bakit n'ya ba 'yun sinasabi? Para saan pa??

"Badtrip ka! Bwiset!! Kaya ko nga sinabi sa'yo na lalayo na ko, di ba? Kaya ko nga sinabi sa'yo kahit masakit sa loob ko na kakalimutan na kita, di ba?? Para ikaw mismo..lumayo ka na sa'kin. E ano 'yung ginagawa mo??"

Meron na namang another batch ng mga luha na naramdaman kong pumatak sa balikat ko. Teka, pati ako naiiyak na.

"Bakit kasi kailangan mo pa kong kalimutan??" sagot ko. "Ha? Bakit??"

Nagpilit ako na kumawala sa yakap niya para magkausap kami nang harapan pero ayaw niya. Hindi pa rin siya nagbabago. Ayaw niya pa ring humarap sa'kin 'pag umiiyak s'ya. 'Pag mahina s'ya. Sira ulo talaga siya..e nakita ko na nga s'yang umiiyak minsan e.

"Kasi Kanna, 'yung ginawa mo saken, sobrang sakit. Dahil sa ang sakit-sakit na kaya ako nagdesisyon na kalimutan ka. Naisip ko na..para saan pa 'yung mga taon na pinagsamahan natin kung maski tiwala man lang hindi mo maibigay?? Bakit kailangang sa kan'ya ka maniwala? Du'n pa lang napatunayan ko na kung ga'no lang kaliit 'yung importansya na binibigay mo sa kung anong meron tayo—kung ga'no kaliit lang ang parte ko sa buhay mo."

Gusto kong sabihin sa kan'ya nang paulit-ulit ang salitang 'sorry' pero hindi ko magawa. Iyak lang ako nang iyak habang nagsasalita siya.

"Kaya nga tinapon ko 'yung niluto mo sa'kin kahit paborito ko yon; pinunit ko 'yung love letter mo s'akin kahit alam ko na kahit kelan hindi ka pa gumawa no'n sa kahit kaninong lalake—na dati 'yung makatanggap nu'n ang isa sa mga pinapangarap ko. Ginawa ko 'yun lahat para magalit ka sa'kin! Para tigilan mo na 'ko! Para sumuko ka na..para makalimutan mo na rin ako kasi..'yun ang gusto kong mangyari. Yun ang plano kong mangyari.

"Kaso..badtrip. Badtrip lang talaga. Kasi..kasi..sa tuwing makikita kitang malungkot at umiiyak nang dahil sa'kin, doble 'yung sakit na nararamdaman ko. Feeling ko' pag sinasaktan kita, sinasaktan ko rin ang sarili ko. Gusto na talaga kitang kalimutan..k-kaso pa'no ko pa gagawin 'yon kung kahapon, sinabi mo sa'kin na mahal mo ko??"

Nanlaki ang mga mata ko. Oo kahit maga na kakaiyak. Nagulat ako. P-papa'nong—

"Badtrip ka, kelan mo ba mare-realize na mababaw lang ako matulog?! Na kahit katiting na ingay lang, makapagpapagising sa'kin ha?"

A-ano?!

"Nakakainis ka, Kanna. Pa'no ko makaka-move on kung gan'yan ka? Alam mo ba nu'ng narinig ko 'yun' ha?? Gusto ko nang tigilan ang pagpapanggap ko at habulin ka at yakapin ka at mag-sorry sa lahat ng mga ginawa ko sa'yong masama. Kaso pinigilan ko ang sarili ko..kasi..pinangako ko sa sarili ko na magbabago na 'ko.

"Nakaya ko naman, di ba? Nakahabol ako sa ranking, mas dumami ang kaibigan ko kesa noon. Kaso..kaso..may kulang eh.." Nag-pause niya. Siguro pumikit siya kasi naramdaman kong may tumulo na namang mga patak ng luha sa balikat ko.

"Ikaw. Takte. Pa'no ko makakapag-move on kung kahit anong gawin ko..ikaw pa rin 'yung naiisip ko? Ikaw pa rin 'yung tanging nakikita ng mga mata ko. Ikaw pa rin 'yung..argghh! Badtrip! Bakit ba 'ko ganito??"

"I-ibig sabihin ba no'n, nagpapanggap ka lang na..ayaw mo na sa'kin? M-mahal mo pa rin ako?" Sa wakas, natanong ko rin.

Kumalas siya sa matagal na pagkakayakap sa'kin. Pinahid n'ya nang pasimple ang mga luha niya at tumingin sa ibang direksyon.

"Ewan ko sa'yo. Bwiset," naiinis n'yang sabi. "Hindi ko pa rin alam kung anong meron sa'yo. Takte. Lagi na lang. Lagi na lang gan'to. Kahit pinilit ko ng kalimutan ka, wala pa rin!"

Bigla kong sinipa ang tuhod nya. Napatalon-talon siya sa sakit.

"A-ARAY! Bakit mo 'yun ginawa, ha??"

Hmp. It's my turn. Anong akala niya? Siya lang may karapatang magsalita?

Tuluy-tuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko ng agawin ko ang eksena mula sa kan'ya. "Ang kapal ng mukha mo! Bwiset ka rin! Kung hindi mo alam kung anong meron sa'kin, pwes! Hindi ko rin alam kung anong meron sa'yo! Sa tingin mo ba ginusto ko ma-inlove sa'yo ha??"

Umiyak ako nang umiyak. Badtrip. Siya lang ba ang nasaktan?? Ako rin naman ah!

"Akala mo ba madali sa'kin ang lahat ng 'yon ha?? Pagkatapos mo kong paiyakin—halos araw-araw umiiyak ako nang dahil sa'yo tapos malalaman-laman ko na nagpapanggap ka lang, ha?! Lahat ng yon, lahat ng mga nakakahiyang bagay na 'yon, ginawa ko para sa'yo, tapos—!Tapos—"

"Hoy! Ayos ka rin a! Hindi ako nagpapanggap! Totoong pinilit kong magbago no! Bakit sino bang nauna? Di ba ikaw?? Kasi wala kang tiwala sa'kin??" Pasigaw na rin ang boses n'ya gaya ko. Ano sigawan na lang? Sige ba!

"Ang kapal ha! Ikaw ang nauna! Kung nu'ng una pa lang sinabi mo nang mahal mo ko e di san-"

"Hah! Bakit? Akala mo ganu'n kadali 'yon?? E binasted mo nga ka'gad ako nu'ng nag-confess ako sa'yo eh! Kita mo na? O ano?? May sasabihin ka pa??"

"E kasi ikaw eh!" sabi ko sabay simangot.

"Anong ako?? Baka ikaw! Tapos sinira mo pa 'yung Twisty Heart! Tapos ang lakas ng loob mong ibalik sa'kin 'yun nang ganu'n ang itsura?! Pinalitan mo 'yung ibang beads!!"

"Choosy ka pa! Buti nga inayos ko pa eh!!"

"Aba! Dapat lang! Binigay ko 'yun s'ayo tapos dahil lang sa galit mo sa'kin, dinamay mo 'yon?! Sino ngayon ang may kasalanan sa'tin, di ba ikaw??"

"Ikaw!! Sinaktan mo rin naman ako ah! Tinapon mo 'yung niluto ko tapos pinunit mo 'yung ginawa ko sa'yong love letter!! Kahit nakakahiyang gawin 'yon, ginawa ko 'yun para sa'yo tapos sinayang mo lang!"

"Kakasabi ko lang, di ba?? Ginawa ko yun para magalit ka sa'kin!"

"Pwes! Galit na ko sa'yo!"

"Hah! As if naman na maniniwala ako sa'yo e kakasabi mo nga lang kahapon na mahal mo ko eh," sabi niya sabay belat sa'kin.

Tinignan ko siya nang masama. Bwiset. Ako na naman ang talo. Pinahid ko ang mga luha ko. Ako na lang palagi ang talo 'pag nag-aaway kami.

Pero ilang segundo lang, nakaisip ako ng magandang argument!

"Hah! Feeling mo lang 'yun no! Bakit naman ako magkakagusto sa'yo, ha? Aber?"

"Kakasabi mo lang kanina na hindi mo alam kung bakit ka na-inlove sa'kin eh! Weh! Wag ka ng mag-deny!!"

"Ewan ko sa'yo! Pinahiya mo 'ko sa buong klase sa mga ginawa mo tapos ngayon ang lakas ng loob mo na bumalik sa'kin? Hah! Sa tingin mo ba papatawarin kita ka'gad??" sabi ko sabay halukipkip at irap sa kan'ya.

"Aah..gano'n??" sabi n'ya sabay titig sa'kin nang masabi tapos nag-smirk siya.

"Oo ganon nga! Hmp!"

"Bakit? Nag-sorry na ba ko sa'yo ha? Hindi pa naman, di ba??"

Napaisip ako. Takte. Oo nga no. Waaah! Teka, hinde. Hindi ako pwedeng matalo na lang nang ganito. Ang kapal-kapal niya. Pagkatapos ng lahat?? Ano 'to, kalimutan na lang??

"E di magsorry ka!" utos ko.

"At bakit naman ako magso-sorry??" sabi niya na humalukipkip din.

"Para sa lahat ng masamang ginawa mo sa'kin."

"Ikaw muna," sabi niya.

"Aba! Paulit-ulit na nga 'kong nag-sorry sa'yo e! Lahat na nga ginawa ko! Kulang pa ba 'yon ha??" pangangatwiran ko. Nag-isip siya. Napakunot pa ng noo.

Hindi ko alam kung bakit kanina nag-iiyakan kami, tapos nagsisigawan tapos ngayon kalmado na lang kaming nag-uusap. Ewan ko. Baliw na nga siguro kami pareho.

"Magso-sorry ako sa'yo kapag sinuot mo 'to," sabi n'ya tapos may kinapa siya sa bulsa niya. Whoa. Dala niya ang Twisty Heart??

"Ayoko nga!" sabi ko sabay irap. "Binalik ko na 'yan sa'yo, di ba? Bakit mo sinosoli?"

"Kasi ikaw 'yung may-ari nito, tanga."

"Wow ah! Tama bang narinig ko? Tinawag mo kong 'tanga'??"

"E kasi ayaw mo pa tanggapin e."

"Kasi nga..binalik ko na 'yan sa'yo."

"E di ba, sabi mo kahapon..habang nagda-drama ka na ibigay ko 'to sa taong makapag-aalaga nito?" At talagang pinagdiinan niya pa talagang 'nagda-drama' ako a!

"E hindi nga ako 'yun eh!" sabi ko habang pinaniningkitan ko siya ng mata.

"Alam mo ikaw? Ang kulit mo rin e no?? Sabi nang para sa'yo 'to eh. Di ba alam mo naman ang sabi ng Mama ko? Ibigay ko raw 'to sa babaeng gusto kong makasama habambuhay."

"O e ano naman ang kinalaman ko ru'n?"

"Hayst! Ang labo mo talaga kausap kahit kelan!" reklamo niya tapos bigla niya kong tinalikod. Hindi na ko nakaangal nu'ng kinabit n'ya sa leeg ko 'yung kwintas. Tapos bigla niya kong niyakap. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Para sa lahat ng mga kalokohan na ginawa ko sa'yo nu'ng mga nakaraang linggo, sorry na," seryoso n'yang sabi sa'kin habang yakap n'ya ko nang mahigpit. Tipong nakapatong pa ang baba niya sa balikat ko.

"Sa tingin mo naman gagana 'yang ganyang pamamaraan mo ng pagso-sorry? Ha?" pagtataray ko sa kan'ya.

"Oo, kasi mahal mo ko."

Blush. "Ayos ka rin eh no??"

"Bakit hindi ba totoo?"

Natahimik naman ako. Argh. Nakakainis!!

Nakaramdam ako na bumuntong hininga siya.

"Kanna, mahal na mahal kita. Sorry na."

Lihim akong napangiti sa sinabi niya. Eto na naman 'yung sincere na boses n'ya na hindi ko kayang iresist. Haaay. "Ang mais-tuhod mo," sabi ko. Feeling ko ang pula-pula na ng cheeks ko.

"Mas mais-tuhod ka. Akalain mong sa panahon natin ngayon, naisipan mo pang gumawa ng love letter? Di na kaya uso 'yun. Haha! Mais-tuhod!" asar n'ya nu'ng kumalas na s'ya sa pagkakayakap sa'kin.

"Sus! Kunwari ka pa! Kakasabi mo nga lang kanina na dati pangarap mong makatanggap no'n mula sa'kin eh!"

"Bingi ka ba? Sabi ko 'dati'? Past tense 'yun!"

"Whoa. E di ikaw na matalino! Yabang mo!"

"Haha. Oy, hindi ko kasalanan na bumaba ang ranking mo a!"

"Wow ah! Ikaw kaya ang may kasalanan no'n!!"

"Asan si Tita? Alam na ba n'yang Top 9 ka na lang?" pang-aasar n'ya. Luminga-linga pa s'ya sa paligid.

"Sa kasamaang palad, hindi pa," sagot ko sabay irap."Saka wala siya. Nagbayad ng tubig at ilaw."

"Aah. Tamang-tama. Mamaya, may sasabihin ako sa kan'ya," sabi n'ya habang nakangiti.

"Ano naman ang sasabihin mo, aber?"

"Ako na ang magsosorry para sa'yo. Sasabihin ko kay Tita na, 'sorry Tita, ako kasi ang laman ng utak ni Kanna kaya wala s'yang maisagot sa exam eh'," pang-aasar niya na in-impersonate pa 'ko.

Sa inis ko, inapakan ko ang paa niya, kaso alam kong di ga'nong masakit 'yun kasi nakapaa ako at naka-sandal naman siya.

"Hahaha! Hindi na 'yan uubra sa'kin ngayon! Bleh!"

"Aah ganon ah?" sabi ko tapos sinipa ko na naman ang isang tuhod niya. Natawa na lang ako nang mapa-aray na naman siya sa sakit.

"Aw! Napaka-brutal mo talaga kahit kelan!" reklamo niya habang sapo ang tuhod niya.

"At least hindi tulad mo na nagpapaiyak ng babae!"

"Hah! E kesa naman sa'yo na nagpapaiyak ng lalaki!"

"Hmp! Dapat lang 'yan sa'yo no!!" sabi ko.

"O..Yuta, ikaw ba 'yan?" Napalingon kami sa nagsalita. Si Mama! Whoa. Nakabalik na siya. Napadiretso ng tayo si Yuta.

"Oho, tita. Ako po ito," sabi niya sabay ngiti. Ginantihan naman siya ng ngiti ni Mama.

"Bakit mukhang matamlay ka? May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ni Mama sa kan'ya.

"Oho Tita eh. Wala kasing tao sa bahay ngayon. Nasa ospital lahat. Bantay kay Kuya. Magpapaalaga ho sana ako sa anak n'yo kung pwede lang."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Yuta. Anong pinagsasasabi nu'n?? Alam kong may sinat siya pero hindi naman ganu'n kalala 'yun para magpaalaga pa s'ya sa'kin. Ayos ah!

Tumingin ako nang masama sa kan'ya.

Kinindatan n'ya lang ako. Bwiset!

Tumawa naman si Mama. "Sure. Alam ko namang nam-imiss ka na nitong si Kanna e."

Namula bigla ang mukha ko. "H-hindi no!" deny ko.

"Ayusin mo kasi ang mukha mo para hindi halata!" asar niya sa'kin habang nakangiti.

Pumasok na si Mama sa loob. Sumunod naman ako. Pati si Yuta.

"Nga pala, Tita," sabi ni Yuta. Napalingon si Mama.

"Ano 'yun, Yuta?"

"Pwede ko na po bang pormal na ligawan ang anak n'yo?"

"A-ANO??" Sorry. Violent reaction. Kanina lang nag-aaway kami tapos ngayon—

"Oo naman. Matagal na naming hinihintay ng tito mo na ligawan mo si Kanna."

"Haha. Sorry, ang bagal ko po ba? Hahaha. Anyway, salamat po, Tita."

"Walang anuman. Basta ikaw," sabi ni Mama na mas lumapad ang ngiti ngayon kesa kanina tapos dumiretso na siya sa kusina.

Nung kami na lang dalawa, siniko ko siya.

"Hoy, ano 'yun ha??"

Sumimangot si Yuta. "Bakit, ayaw mo?"

"May sinabi ba ko??" paiwas kong sabi.

"Wala," sabi niya.

Naupo kami sa may sofa.

"Patingin nga kung may sakit ka talaga," hinawakan ko ang leeg niya. "May sinat ka nga."

"Halata naman kanina, di ba?"

"E malay ko ba kung epekto lang 'yun ng kadramahan mo."

"Ewan ko sa'yo. Ang dami mong alam," sabi n'ya habang nakangiti.

Natahimik ako nu'ng tumitig s'ya sa'kin. Maya-maya, unti-unti nang lumalapit ang mukha niya sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko. Teka, anong balak n'yang gawin?? Waah! H-hahalikan n'ya ba ko??

"T-teka, Yuta!" nasabi ko bigla. Napahinto siya at kumunot ang noo.

"Bakit?"

"A-anong—"

Ngumisi siya. "Gagaling ako kapag hinalikan ko ang prinsesa ko."

Blush. "Sira!"

"Totoo 'yun," seryoso n'yang sabi tapos pumikit na s'ya. Waaah. Anong gagawin ko? Ilang inches na lang ang layo n'ya sa mukha ko. OMG. Napapikit na lang ako.

Dubdub.Dubdub.Dubdub.Dubdub.

Ha? Napadilat ako. Nyek, nakatulog na pala siya. Sa may balikat ko. Napangiti ako nang bahagya. Masama nga ang pakiramdam nya. Haaay. Sira talaga. May sakit na nga, ang kulit-kulit pa.

Waaah. Pero namiss ko 'to. Ang cute n'ya lang titigan habang natutulog. Sobra!

Ngayong araw, na-realize ko na..ang puso ng tao, parang eskinita, maraming pasikut-sikot. Minsan, akala mo, mahal mo na, hindi naman pala. Minsan akala mo di ka mahal, mali pala. Minsan simpleng bagay lang ginagawa pang komplikado. Minsan nakakalusot kahit muntik nang maging bistado. 'And'yan 'yung maguguluhan ka, malilito at magmumukhang tanga. Gan'yan kagulo ang puso ng tao 'pag nagmamahal. Ang twisty..parang..'yung binigay n'ya sa'kin nu'ng Grade Five pa lang kami. Oo..parang 'yung kwintas na ang tawag niya ay..TWISTY HEART. ♥

[Epilogue]

"Yuta..Yuta."

"Hoy! Kanna! Gising na!" Nagising ako sa mga tapik sa'kin. "Gumising ka na. Natulog ka buong period no?" Nung ibukas ko ang mga mata ko, nakita ko sina Tomo, Miki at Yumi na nakapalibot sa'kin.

Napabangon ako bigla, "Ha?! Ganu'n ba?" tanong ko habang pupungas-pungas pa.

"Oo ganu'n nga," sagot ni Tomo.

"Teka," napalingon ako sa paligid. "Hindi ba pumasok si Yuta?"

"Yuta?" tanong ni Miki. "Sinong Yuta ang sinasabi mo? Wala tayong kaklaseng Yuta."

"H-HUH?! Ano bang sinasabi mo, Miki?? Si Yuta ang—"

"Wala akong natatandaang may nag-aaral dito sa school natin na Yuta ang pangalan. Baka naman nananaginip ka lang. Ang hilig-hilig mo kasing ulit-uliting basahin 'yung Candied Feelings na binigay ko sa'yo eh! Ayan tuloy! Nahawa ka na kay Aki!" natatawang sabi ni Miki.

Ano? Hinde. Imposible. Bakit walang nakakaalala kay Yuta? Hinde..Hindi ito isang panaginip lang o kathang isip. Maliwanag na maliwanag sa memorya ko ang lahat ng naganap. Hindi pwedeng mangyari 'to! Hinde!

"E si Kuya Seichiro? 'Yung kuya ni Yuta?"

"Huh? Sino 'yun?" tanong naman ni Tomo. "Wala akong natatandaan na may grumaduate na gan'yan ang pangalan last year."

"Ha? E siya kaya 'yung Valedictorian!"

"Kanna, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Yumi sa'kin.

Hindi ako makapaniwala sa kanila. Agad akong tumakbo palabas ng room at hinanap si Yuta. Alam kong hindi ilusyon ang lahat! Hindi siya isang panaginip! Hinde! Grade Five pa lang naging bestfriend ko na siya! Kaya imposible 'to! Napakaimposible!!

YUUUUUUUTAAAAAAA!! Nasa'n ka na?!

Hinanap ko siya sa lahat ng sulok ng school. Sa clinic, kung sa'n una n'ya kong niyakap nang matagal. Kung sa'n ko s'ya nilagyan ng band aid sa bibig. Sa labas ng auditorium, kung sa'n n'ya sinabi sa'kin na hindi n'ya ko ibibigay sa iba. Sa backstage, kung sa'n pinarinig n'ya sa'kin ang bilis ng puso n'ya. Sa stage, kung sa'n umarte kami bilang Rose at Romeo. Kung sa'n nu'ng JS, nagsayaw kami.

Pero wala. Ni anino nya wala. Unti-unti na kong nawawalan ng pag-asa.

Yuta! Yuta!! Nasan ka na ba? YUTA!!! Kung joke 'to, hindi ka na nakakatawa!!

And lastly, pinuntahan ko ang Meteor Garden kung saan libu-libong mga alaala ang doon nagsimula. Sobrang saya ko nu'ng sa wakas, nakita ko siya. Naggigitara. Nahinto siya nang makita nya ko. Tapos ngumiti siya.

"Yuta!!" sabi ko sabay lapit sa kan'ya. Tuluyang bumagsak ang mga luha ko.

"Haha. Anong nangyayari sa'yo, Kanna? Ang OA mo ah. Namiss mo ba 'ko? Parang kahapon lang magkasama tayo ah!"

"E kasi..hindi ka naalala nila Tomo eh! Bwiset sila! Siguro pinagtitripan lang nila ako!"

"Hindi ka nila pinagtitripan." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Isa lamang akong kathang isip mo."

"Huh? Sira ka talaga! Wag ka ngang magbibiro sa'kin nang ganyan! Hindi na nakakatawa ah!" sabi ko sabay pahid ng luha ko.

"Gumising ka na Kanna. Gumising ka na."

"Huh?? A-ayoko! AYOKOOOOOO!!"

"Wuy! Gumising ka na!" Pagdilat ng mga mata ko, nakita ko si Yuta sa harapan ko. Nakapalumbaba ang isa n'yang kamay na nakapatong naman sa kama ko. Wait—sinabi ko bang kama ko?? Napatingin ako sa paligid. Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Tama. Kwarto ko 'to eh.

Teka. Parang may mali. Napatingin ulit ako kay Yuta.

A-anong ginagawa nya sa kwarto ko—specifically—sa kama ko??

"Good morning, Kanna ko. Kamusta ang tulog mo?" nakangiti n'yang sabi. "Good news! Magaling na 'ko!"

"Huh? Teka..ano bang nangyayari? Ano ba 'yang mga sinasabi mo?" naguguluhan kong tanong habang nakahiga pa rin sa kama at hindi pa rin bumabangon.

Si Yuta naman, nasa tabi ko pa rin. Ang kapaaaaal. Ayaw pa ring umalis!

"Inaantok ka pa ba? O sige," sabi n'ya sabay ngiti. "Gigisingin kita."

Nanlaki yung mga mata ko nang bigla n'ya 'kong hinalikan. As in kulang na lang, lumabas ang eyeballs ko sa sobrang gulat. Agad akong napabalikwas dahil sa ginawa nya.

Blush. Dubdub.Dubdub.Dubdub.Dubdub. 

WAAAAH!!

Tumingin ako nang masama kay Yuta. Siya naman, tawa lang nang tawa at ngayon e nakaupo na rin sa kama.

"Ano? Gising ka na? Maligo ka na kaya. Ako, naligo na 'ko. Mamaya lang tatawagin na tayo ni Tita sa ibaba," nangingiti n'ya pang sabi. Samantalang ako..hanggang ngayon tulala pa rin. Hindi ako makapaniwala na..na.. "Uy, ayos ka lang?" tanong sa'kin ni Yuta na kumaway-kaway pa sa harapan ko habang nakatitig sa'kin. Agad akong umiwas ng tingin. Waaah!

"Uuuuy! Namumula siya!" asar niya sabay pisil sa pisngi ko. "Kinikilig ka no? Hahaha!!" dagdag niya sabay tawa. Teka. Ibig sabihin, 'yung kanina, panaginip lang? PAMBIHIRA! Akala ko talaga—Argh!

Agad ko s'yang tinulak palayo sa'kin. Nalaglag siya sa kama. Pasalamat siya at carpeted ang kwarto ko kundi katapusan niya na. "Hahaha! Buti nga!" resbak ko.

"Grabe ka! Gusto mo ba kong patayin?!" reklamo niya na ngayon ay nakatayo na sa gilid ng kama ko habang sapo ang noo niya.

"A-anong ginagawa mo sa kwarto ko, ha? Saka bakit mo ko hinalikan? Alam mo bang 'yun ang f-fi—" Naunahan na ko nang pakapula bago ko tuluyang masabi! Waaah! Nakakainis!

"Teka, dahan-dahan naman sa pagtatanong," Umubu-ubo siya nang konti tapos nagpamaywang. "Una sa lahat, hindi ko rin alam kung bakit ako nasa kwarto mo. Ang alam ko lang nu'ng nagising ako, tulug na tulog ka sa tabi ko at nakayakap ka pa nga sa'kin eh. Kulang na nga lang gawin mo kong unan!"

"Wow! Ayos ka ah! Imposible 'yun!"

"Mukha ba 'kong sinungaling??"

"Oo, hindi lang halata!"

"Anyway, so ayun nga. Pangalawa, may sakit ako nu'ng pumunta ko dito kahapon, di ba? Nawalan nga ata ako ng malay eh. So kung pinag iisipan mo ko ng masama d'yan, aba! Ayos ka! Ako nga ang may karapatang mag-isip sa'yo ng masama dahil mahina ako kahapon at wala akong malay! Malay ko ba kung n'ng tulog ako e naisipan mo kong—"

"Hoy ang kapal ah! Asa ka naman!"

"Haha! Hindi ako umaasa no! Baka ikaw!"

"Hmp!" sabi ko sabay irap sa kan'ya. "E-eh..bakit mo ko h-hinalikan? Ha??"

Namula siya nu'ng itanong ko 'yun tapos umiwas s'ya ka'gad ng tingin. "Eh ayaw mong magising eh."

"Bakit? 'Yun ba ang tamang way ng paggising sa natutulog??"

"Bakit? Effective naman ah!" dahilan niya. "Tsk. Kunwari ka pa! Gusto mo rin naman!!"

"A-ano?? Sino namang may sabi sa'yo n'yan, aber??"

"Yung puso mo."

"Weh! Ang mais-tuhod mo!"

"Di bale nang mais-tuhod, mahal mo naman," sabi nya sabay belat saken.

"Ewan!"

"Tama na nga 'yan, maligo ka na. Ang baho mo na. Wuhaha!"

"Aah..ganon?" mataray kong tanong sa kan'ya.

"Oo, ganu'n."

"E bakit mo ko hinalikan kung alam mo naman pala na mabaho na 'ko?"

"Eh.." Namula na naman si Yuta at nag-iisip ng isasagot.

"Eh?"

"Eh sabi ng labi mo halikan daw kita eh."

Blush. "Imbento ka ah!"

Nakarinig ako ng katok sa kwarto. Napahinto tuloy kami sa pag-aaway ni Yuta.

"Pasok ka, Ma," sabi ko. Nung bumukas yung pinto, napangiti siya nang makita kami.

"Sorry kung dinala ko kayong dalawa kahapon sa kwarto mo, Kanna."

"Po?"

"E kasi kahapon, nu'ng tapos na kong magluto ng hapunan, nadatnan ko kayo ni Yuta na natutulog na magkatabi du'n sa may sofa. Magkahawak pa nga ang kamay n'yong dalawa."

"H-HUH??" sabay pa naming react na dalawa.

"Haha. Oo kaya. E naawa naman ako sa inyo na natutulog habang nakaupo kaya ipinasok ko kayo sa kwarto."

"Aaah," nasabi ko na lang.

"O, kita mo na??" sabi ni Yuta sabay tingin sa'kin nang masama. "Tamang hinala ka kasi eh! Bleh!"

"Ewan ko sayo! Bleh!" sagot ko naman sabay belat.

"O siya-siya. Tama na 'yan. Kumain na tayo ng almusal sa baba."

"Okay po!" masigla namang sagot ni Yuta.

*****

"WAAAH! Sira ulo ka talaga Yuta!" sabi ko sabay sabunot sa ulo niya.

"Aray! Bakit ka ba sa'kin nagagalit? Kasalanan ko bang traffic??"

"Pa'nong hindi ako magagalit e kung dumating ka lang sana nang mas maaga sa bahay e di sana hindi tayo nata-traffic ngayon! 'Pag talagang hindi natin naabutan ang speech ni Kuya Seichiro, kakalbuhin kita!!"

Nakasakay kami ngayon sa bus papuntang PICC. Du'n kasi kasalukuyang ginaganap ang graduation nila Kuya eh. Si Yuta kasi..nagboluntaryong susunduin ako sa bahay para sabay daw kaming pumunta e siya naman' tong late! Kesyo tinanghali raw ng gising! E ang aga-aga pa lang umalis na ng bahay nila ang mga magulang n'ya eh! Sino ngayon ang mababaw ang tulog ha? Hayst!

After ng ilang minutong pagkatengga sa kalye at pag-aaway, nakarating din kami sa PICC.

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa loob. Takte. Kakatapos lang ng speech ni Kuya Seichiro! Waah! Palakpakan na lang sa kan'ya ang inabot namin.

"Uy, akin na 'yung kamay mo," sabi ni Yuta.

"Huh? Bakit naman?" Naglalakad na kami du'n sa gilid at hinahanap ang mga magulang nila.

"Basta!" sabi niya tapos bigla n'yang kinuha na lang 'yung kamay ko at hinawakan n'ya 'yun.

Napatingin ako sa kan'ya. Namumula s'ya pero sa ibang direksyon nakatingin.

"Hmp. Pasimpleng t'yansing ah!" sabi ko sa kan'ya habang tinitignan ko ang kamay naming dalawa. Magkahawak habang naglalakad palapit kina Mika. Waaah. Feeling ko ang init ng cheeks ko. Hindi ko lang pinapahalata.

"Haha. Hindi kaya!" dahilan niya.

"Oo kaya!" sabi ko naman.

"Sus. Kinikilig ka naman!" sabi niya sabay titig sa'kin.

Blush."Hindi no! Epal mo!"

"Uy, sina Kanna na pala 'yon!" sigaw ni Tita.

"Uy, Kanna! Ba't antagal n'yo?" tanong naman ni Yumi. Syempre present din siya rito.

"Wahaha! Baka nag-date pa 'yang dalawang 'yan!" kantyaw naman nila Tomo at Miki.

"Si Yuta kasi eh! Ayan tuloy, na-traffic kami!" sabi ko.

"Wow, ayos Kuya ah! Akala ko ba, hindi pa kayo? E bakit magka-holding hands kayo kanina pagpunta rito??" puna ni Mika na nakahalukipkip pa.

"Hahahaha! Hindi naman kami nag-holding hands no! Guni-guni mo lang 'yun, Mika!" sabi ko.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko. Si Kuya Yuta! Hmp!" Aww. Ang sungit talaga ng kapatid nilang si Mika kahit kelan!

"Maaga pa kayo. Maaga pa kayo para bukas. Tsk," sabi naman ni Kuya Natsume na nakakatakot pa rin as ever habang papalapit sila sa'min. Nagulat ako nu'ng pinalo ni Yumi nang bahagya sa braso si Pres Natsume at sinabihan niya ng, "Ikaw naman. Na-traffic nga daw eh."

"A ganun ba?" Nagulat lalo ako nu;ng ngumiti s'ya sa'min at nag-sorry. Whoa. Ang laki na talaga ng pinagbago niya!

"Si Kuya Seichiro nga po pala? Nakababa na s'ya ng stage, di ba?" tanong ko kay Kuya Natsume.

"Papunta na sila rito," sagot niya.

"Sila?" natanong ko bigla. "Aah! Silang dalawa ni Ate Imadori, tama?"

Tumango naman siya.

Speaking of Ate Imadori, nahuli na ang ex niya na nambubog kay Kuya Seichiro. Pero dahil napatawad na ni Kuya ang ex ni Ate, nadaan naman sa mabuting usapan ang lahat. Tapos mukhang okay na rin ang family niya. Hindi na siya sinasaktan. Kinausap nang personal ni Kuya Seichiro pagkalabas na pagkalabas niya ng ospital. Natutuwa nga ako kasi kahit 'yung parents niya mismo, kinausap niya na wag nang magalit kay Ate Imadori dahil siya naman daw ang nagdesisyon na wag lumaban nu'ng binugbog s'ya nu'ng Shin na 'yun.

"O, ayan na pala sila!" sabi naman ni Tito. Napalingon ako. Oo nga. Papalapit na naglalakad si Kuya Seichiro at Ate Imadori.

"Seichi!" tawag ni Ate Imadori sa kan'ya habang nakasimangot. Mabilis naman kung maglakad si Kuya. Nye. Anong nangyayari? "Hmp! Bakit sinabi mo du'n sa mga babaeng nagpa-picture sa'yo kanina sa gilid ng stage na single ka? A-akala ko ba tayo na?"

Napalingon si Kuya sa kan'ya. "Ha? May pinag-usapan ba tayo?"

"W-wala. Pero nu'ng sa ospital..y-yung—" Namumula na si Ate Imadori. Hala. Parang maiiyak na siya. Lumapit sa kan'ya si Kuya Seichiro at ginulo ang bulok niya saka ngumiti.

Nagalit naman lalo si Ate Imadori. "Why did you do that?? Alam mo bang ilang oras ko pinaayos ang buhok ko tapos—! Tapos—!" Nginitian lang siya ni Kuya. "Seichi!"

"Saka na. Masyado kang nasasanay na mabilis mong nakukuha ang mga bagay na gusto mo," sabi niya tapos lumapit na siya sa'min.

"Pero—"

"Kanna, bakit ngayon lang kayo?" tanong sa'kin ni Kuya, ignoring Ate Imadori behind his back.

"Si Yuta kasi e. Ang tagal dumating sa bahay. Kaya ayun," sabi ko tapos yumakap ako sa kan'ya. "Congratulations, Kuya! Mami-miss talaga kita! Dadalaw ka sa THS ah?"

"Haha. Oo naman," sabi niya nu'ng kumalas na ko pagkakayakap ko sa kan'ya. Ngumiti siya sa'kin. Y'ung usual na ngiti n'ya na cool, calm and collected. "Nga pala, thank you sa book. Natapos ko na. Ang ganda."

"Welcome," sabi ko sabay ngiti. Nagulat ako nu'ng biglang humarang sa'ming dalawa si Yuta. As in pumunta talaga s'ya sa gitna nam'n.

"Oy tama na 'yan!" sabi naman ni Yuta sabay hawak ng kamay ko. "Akin na si Kanna no!"

Natawa naman nang bahagya si Kuya sa ginawa ni Yuta.

"Hahaha! Hindi pa no! Bleh!" sabi ko naman sa kan'ya.

Nagtawanan naman ang lahat.

"Mukhang hindi naganap 'yung tragic ending sa script na ginawa natin ah?" sabi ni Tomo.

"Oo nga eh. Pero mabuti na din 'yun. At least, may ibinunga naman ang effort na binigay natin para sa kanilang dalawa. Haha," sabi naman ni Miki

"Ano? Kayo ang gumawa ng script nu'ng play??" tanong naman ni Yuta na gulat na gulat. Nagulat din ako pero mas OA siya mag-react sa'kin.

"Oo. Di lang halata. Lagi lang kasi kaming nasa background pero alam namin ang takbo ng storya n'yong dalawa! Hahaha!" mayabang na sabi ni Tomo habang inaayos ang eye glasses niya.

"O siya! Tama na 'yan! Umuwi na tayo sa bahay at nang makakain na!" sabi naman ni Tito. Nagtawanan naman kami sa sinabi niya. Tamang basag trip lang! Haha!

Ewan ko ba..pero sa palagay ko. Ito ang storyang walang katapusan. Sabi nga sa isang librong nabasa ko "..and leave the epilogue to God'.

Because in real life, wala naman talagang epilogue. Dahil ang totoong storya namin ni Yuta ay nagsisimula pa lang.

Continue Reading

You'll Also Like

8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
34.9K 547 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
2.8M 102K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy