Charm Academy School of Magic

By april_avery

61.7M 1.7M 521K

She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang... More

Charm Academy: Prologue
Chapter 1: What's Your Charm?
Chapter 2: The Fire Ball
Chapter 3: Deadly Deal
Chapter 4: Welcome to Enchanted Forest
Chapter 5: The Rebel's Punishment
Chapter 6: The Four of Us?
Chapter 7: The Quest for Evergreen
Chapter 8: Caught in the Trap
Chapter 9: The Modifying Charm
Chapter 10: Training Mishaps
Chapter 11: The Thing with Trust
Chapter 12: The Puzzle Game
Chapter 13: The Academy Secret
Chapter 14: The Bow and Arrow
Chapter 15: Training Arrow
Chapter 16: Fire Against Light
Chapter 17: The Escape
Chapter 18: The Full Moon
Chapter 19: Ariela Against Hades
Chapter 20: The Deal with Augury
Chapter 21: Mystic Gifts
Chapter 22: The Mystic Ball
Chapter 23: The Head Masters
Chapter 24: The Society of Mirandi
Chapter 25: Leon Lancaster
Chapter 26: For Those Who Remain
Chapter 27: Love Him or Hate Him
Chapter 28: The Harvest Festival
Chapter 30: The Royal Ball of Mirandi
Chapter 31: The Real Traitor
Chapter 32: The Augury's Revenge
Chapter 33: The Charm Stealer
Chapter 34: All In Battle
Chapter 35: Charm Diffused
Chapter 36: The Final Chapter
Charm Academy: Epilogue
Charm Academy: Special Chapter
Academy Series: Self Published Books

Chapter 29: Finally Captured

1.1M 35.3K 10.1K
By april_avery

Chapter 29: Finally Captured

Hinila niya ako at dinala sa isang sulok ng dance floor. He was smiling again but his eyes are as empty as black holes.

"May problema ba?" tanong ko.

He shakes his head and let a sad smile. "Ariela, sorry." sabi nito out of nowhere.

"Bakit ka nags-sorry?" tanong ko. Hindi siya sumagot. Kinuha niya lamang ang kamay ko at ginaya sa pagsasayaw.

Para siyang lasing. Pero normal naman siya tingnan maliban sa walang emosyong mukha niya.

"Leon ano bang nangyayari sayo?" nainis na ako.

"Hindi kita kayang ibigay. Pero ginamit nila ang ama ko. Nasa kanila ang ama ko."

Tumatawa siya pero yung boses niya katulad noong araw na nasa burol kami. I stop dead the moment I realized what is happening.

"Ginagamit ka ba nila?" Nangatal bigla ang katawan ko. "Leon nandito ba sila? Sabihin mo."

Leon smiled insanely once again. "Leon sabihin mo. Kailangan kong malaman."

"Nandito sila." he mumbled in a low voice. "Nagkalat sila sa Royal Ball. Nandito sila para kunin ka."

"Kaya sila nakapasok sa Mirandi dahil sa akin. Ariela, itatakas kita."

Hindi ako makapaniwala sa narinig. Napatingin lamang ako sa kanya na may nanginginig na mga kamay.

"Leon sabihin mo kung nasaan sila. Humingi tayo ng tulong. Nandito ang matataas na tao ng council—"

Natigilan ako nang biglang humigpit ang hawak ni Leon sa mga kamay ko. Naramdaman ko ang lamig ng kamay niya na tumama sa mga palad ko.

"Sumama ka sa akin Ariela. Kailangan mong lumayo sa lugar na ito. Binigyan ko sila ng permiso para makalampas sila sa barrier ng Mirandi. Kasalanan ko ito."

Seryoso ang boses niya. Pero napansin ko ang hirap niya sa pagsasalita. Para bang nag lalaban ang dapat niyang sabihin sa gusto niyang gawin. Nagmadali siya sa paglabas sa Hall at halos mapatid ako dahil sa paghila niya sa akin.

Nang makalabas kami sa Hall bigla siyang huminto at napahawak sa ulo niya na para bang may inindang matinding sakit doon. Pero nagpatuloy parin kami sa paglabas sa kastilyo.

If I only knew that time that Leon is bringing me far from safety. Sana nanatili na lamang ako sa Royal Ball sa loob ng kastilyo.

Four days before the capture:

Pinagmasdan ko ang paalis na sasakyan ni Grandma saka napabuntong hininga. I guess no matter what I do I was still left with no choice. Umakyat ako sa stairs papunta sa kwarto. Ang daming nangyari ngayong araw na ito. Gusto ko ng magpahinga.

Pagdating ko sa kwarto isang damit na nakapatong sa kama ang agad na bumungad sa akin. Isang kulay cream flowy dress na hangang ankle. Kumunot ang noo ko. Para saan ito?

Kinuha ko ang dress at iniangat yun para matingnan. Eksakto naman na may nahulog na piraso ng papel mula dito. It's a note. Binasa ko ito.

Suotin mo sa gabi ng Royal Ball ng Mirandi. Hindi man kita makikita, alam kong magiging maganda ka sa gabing yun, apo. Nagmamahal, Grandma.

Royal Ball? Meron ba nun? Isang bagay pa ang nakita kong nakapatong sa kama. Isang masquerade mask.

Noong gabing yun habang kumakain ako ng dinner kasama si Georgia tinanong ko ang tungkol sa nakalagay na note.

"May magaganap bang Ball sa Mirandi?"

Huminto siya sa pagkain at napatingin sa akin. "Ano bang tanong yan. Hindi ba naibigay ko na sa inyo ang schedule ng mga dapat niyong puntahan?"

"Hindi naibigay ni Leon sa akin ang listahan." sagot ko na nakasimangot.

Her lips twisted in disapproval. "Ang batang yun talaga." she said in an undertone before answering me. "Sa huling gabi ng Harvest Festival ay nagdadaos ang palasyo ng isang Ball bilang marka sa pagtatapos ng Festival. Dito ito idadaos kaya kailangan mong dumalo sa ayaw mo man at gusto. Lahat ay imbitado sa gabing yun."

"Lahat?" interesadong tanong ko.

"Lahat ng nakatira sa Mirandi." she pointed out as if she knows what I'm thinking.

Nadismaya agad ako. Akala ko naman maaring dumalo ang kahit sino. Kahit ang mga nasa Academy.

"Nag iwan ng dress si Grandma para isuot ko sa Ball. Pupunta ako. Sinabi niya rin pala na salamat at pinayagan mo siyang bisitahin ako."

Georgia smiled lightly. Si Grandma at Georgia kasi ay mag kaibigan mula pa noong nag aaral pa sila sa Academy. Kaya naman mas pinili ni Georgia na dito ako mapunta sa Mirandi para na din mabantayan niya ako. Alam kong ginawa niya ang lahat para magkita kami ni Grandma.






Three days before the capture:

Nagising ako na sumasakit ang birthmark ko sa balikat. Hindi ko alam kung bakit. Para bang nagp-palpitate ito. Tumayo ako mula sa kama at tiningnan ito mula sa salamin sa banyo.

Medyo nabigla ako dahil ang brownish na kulay nito ngayon ay namumula. Pinagpapawisan din ako dahil sa sakit. This is the first time I felt something strange in my body since dumating ako sa Mirandi. Ano nanaman bang nangyayari?

Lumabas ako sa kwarto at bumaba ng stairs para kumuha ng yelo sa kusina. Yun lang ang alam kong makakapag pamanhid ng sakit. Wala si Leon sa palasyo. Napabuntong hininga ako. Kung kailan kailangan na kailangan ko siya.

"Ariela?"

Papunta na ako sa kusina nang mapalingon ako bigla sa direction ng hallway. Halos manlaki ang mata ko nang makita kung sino ang nakatayo at nakatingin sa akin.

"Miss Evergreen?"

Lumapit siya sa akin. Sumasayad sa sahig ang robe nito at pati na din ang luma at kulay dark blue na dress na suot niya sa ilalim ng itim na robe. She is smiling at me but I noticed how she glanced at my shoulder for a brief second.

"Ako nga. Mabuti at naaalala mo pa ako."

Napansin ko din na napahawak siya sa pendant na nakasabit sa mahabang kwintas na suot niya. Noong una ko siyang nakita sa gubat noon ito agad ang napansin ko. Ang pendant. Pakiramdam ko kasi nakita ko na ito dati. Ngayon alam ko na kung ano ang nakalagay doon. Ang logo ng Mirandi.

"A-Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ko.

Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin na para bang may pinagmamasdan na hindi ko nakikita. Maya maya pa natigilan siya at para bang nagulat. Napakurap siya bago ibinalik ang tingin sa mga mata ko.

"Nandito ako para dalhin ang mga gamot na kailangan ni Georgia." sagot niya. Nakita ko nanaman siyang nakatingin sa balikat ko kung nasaan ang birthmark ko.

"Pero kailangan ko ding umalis agad. Pasensya ka na."

Bakit siya humihingi ng pasensya? Tumango ako at ngumiti. "Sige po. Sasabihin ko nalang na dumaan kayo."

"Sige." sagot niya sa malayong boses saka naglakad papunta sa pintuan. Pabalik na ako sa kusina noong muli niya akong tawagin.

"Ariela?" humarap ako na nagtataka. "Mag ingat ka sana. Hwag kang masyadong magtitiwala sa mga taong malapit sayo. Kailangan mong mag ingat."

Saka siya tuluyang lumabas. Naiwan ako doon na nagtataka. Ano bang ibig niyang sabihin?









Two days before the capture:

"Leon, mabuti naman at dumating ka na." bati ko kay Leon nang makita siyang naka upo sa sofa sa Hall nang bumaba ako sa hagdan.

"Lagi mo nalang akong namimiss." nakangiting sagot niya.

Gusto ko sanang sabihin na masyado siyang bilib sa sarili pero pinili kong hwag ng makipag bangayan.

"Balita ko hindi ka pumunta sa kahit anong event kahapon?" tanong niya nang umupo ako sa tabi niya.

"Paano ako pupunta kung wala akong kasama." sagot ko. "Isa pa sumasakit ang birthmark ko kaya may dahilan ako kay Georgia."

"Birthmark?" biglang naging interesado na tanong niya. Akala ko naman doon sa unang sinabi ko doon siya magr-react.

"Oo pero wala yun. Binigyan na ako ng gamot ni Georgia kaya okay na ako. Bakit ka ba wala kahapon?"

"Gusto mong malaman?" seryosong tanong niya sa akin. Bigla siyang humarap kaya naman umusod ako ng konti. Akala niya ba nakakalimutan ko na ang ginawa niya noong isang araw.

"Oo naman. Para may idea naman ako kung saan ka napapadpad."

Bigla siyang tumayo at hinila ako. "Kung ganun, tara na." excited na sabi niya. Para talaga siyang bata.

"Hindi ba may mga events tayong kailangang puntahan?"

"Dumaan tayo sandali. Pagkatapos derecho na sa sinasabi ko."

"Okay." sagot ko.

Hindi na ako makatangi. Mukhang wala na siyang balak bitawan ang kamay ko. Isa pa gusto ko ring malaman kung ano pa yung ibang bagay na pinagkakaabalahan niya.









Matapos naming manuod ng isang street parade kung saan nalagyan ang buong katawan namin ng pintura at makukulay na powder at dumaan sa market fair kung saan binigyan ako ng libreng washable tattoo sa pisngi ng isang matandang lalake. Sa wakas ay dumerecho din kami sa lugar na sinasabi ni Leon.

Pero bago yun bumili muna kami ng pagkain na siyang hawak namin habang naglalakad. Napatingin ako sa paligid habang kumakain.

Nasa parte kami ng Mirandi kung saan hindi pa masyadong natitirahan ng mga tao. Puro kasi damuhan ang nakikita ko. Paakyat din ang lakad namin. Mukhang isang burol ang pupuntahan namin.

"Hindi ka ba naiinitan?" tanong ni Leon na lumingon sa akin. Nauuna kasi siya sa paglalakad.

"Hindi naman mainit." komento ko na tiningnan pa ang langit. "Medyo makulimlim nga eh."

"Akala mo lang yun. Lalabas din ang araw mamaya." sagot niya. Sinubo ko ang huling piraso ng sandwich na kinakain ko.

"Okay nga lang. Nakakamatay ba ang init?" wala sa sariling sagot ko.

Mula sa maalikabok na lupa na dinadaanan namin nakita ko ang tuktok ng isang malaking puno sa taas ng burol. Mukhang hindi ang bahay nila ang gusto niyang ipakita. Dahil wala namang ni isang bahay dito. Isa nanaman ba ito sa mga biro niya?

Nang sa wakas ay makaayat kami nakita ko agad ang ibig niyang sabihin nang sinabi niya kanina na pamilya. Hindi na maalikabok sa tinatapakan namin ngayon kundi malalagong damo. Dahil siguro sa malaking puno na tinatakpan ang sobrang sikat ng araw.

"Ayan sila, pamilya ko."

Lumapit si Leon sa dalawang headstone sa ilalim ng puno. May lantang bulaklak na nakapatong sa mga ito.

"Mama ko at nakababata kong kapatid."

Tiningnan ko si Leon na nakatalikod mula sa akin at nakaluhod sa harap ng mga puntod habang inaalis nito ang mga tuyong bulaklak. Lumapit ako at nakita ang nakaukit dito. Elizabeth Lancaster at Sophia Lancaster.

"Umuuwi ako paminsan minsan para bisitahin sila kapag wala akong trabaho. Dito din ako madalas pumunta kapag wala ako sa palasyo."

Napalunok ako at maingat na umupo sa damuhan sa tabi niya. Gusto kong sabihin na sorry but I don't think that's appropriate. Hindi ko akalain na patay na pala ang sinasabi niyang pamilya. And here I was. So excited to see them.

"Ma, kiddo, nakikita niyo nasa tabi ko?" sabi niya sa mga puntod na para bang nakikipag usap sa buhay na tao.

"Siya si Ariela Davis, ang babaeng may special charm. Hindi ba, kiddo, gusto mong makakita ng charmer na hawak ang special charm? Nandito na siya. Nasa harap mo. Ang ganda niya hindi ba? Magaling talagang mamili si Kuya."

Nagbibiro siya pero nahuli ko ang pagpahid niya sa mga mata niya. Huminga ako ng malalim para alisin ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko. Hindi ko akalain na darating ang araw na masasaktan ako para kay Leon.

Humarap sa akin si Leon na nakangiti. "Kung nandito lang siya malamang magpa authograph yun sayo." natatawang sabi ni Leon. "Pangarap niya talagang makakita ng tulad mo."

Napatango ako at hindi nakasagot. Isang sandaling katahimikan ang namayani sa amin. Maya maya pa bigla siyang naupo pasandal sa puno katabi ang mga puntod. Napatingin sa bayan sa di kalayuan at biglang nagsalita.

"Pitong taon si Sophia at labing anim naman ako noong may sumunog sa bahay namin tatlong taon na ang nakakaraan. Nasa palasyo ako noon at nagt-training kasama ng iba pang taga bantay. Noong mabalitaan ko yun huli na ang lahat. Patay na silang dalawa ni Mama."

"N-Nasaan ang Papa mo?" tanong ko.

"Umalis siya ilang araw bago ang sunog. Isang technical charmer si Papa. Pinakamatalino sa buong Mirandi. Mahilig siyang gumawa ng mga bagay na napapagana gamit ang charm. May dumating na sulat sa amin noon. Gusto siyang makausap ng isang mayaman na negosyante para maging kapartner sa pagtatayo ng isang shop. Tumugon siya agad dito. Noong panahon kasi na yun may sakit si Mama."

Nagsimula siyang paglaruan ang mga damo sa palad niya.

"Pero hindi na siya bumalik. Naiwan si Mama at ang kapatid ko sa bahay. Puspusan ang training namin noon kaya naman wala akong magawa. At yun nga ang nangyari."

"Hindi mo ba sinubukang hanapin ang Papa mo?"

Huminto siya sa ginagawa niya pero nakatingin parin siya dito na para bang malalim ang iniisip.

"Magsasayang lang ako ng oras kapag nagkataon." sagot niya sa mababang boses.

Nanatili kami hangang hapon sa burol.

Minsan nagk-kwentuhan, minsan tahimik lang. Noong mga oras na yun habang tinititigan ko siya na kinakausap ang Mama at kapatid niya doon ko narealize na hindi lahat ng pagkakataon pwede mong itago ang lungkot sa pamamagitan ng biro at ngiti. Kung may magagawa lang sana ako para kay Leon.






One day before the capture:

Kagabi nagkaroon ako ng isang kakaibang panaginip. Napanaginipan ko ang mga magulang ko. Katabi ko daw sila na nakaupo sa isang burol at nakatingin sa Charm Academy sa ibaba.

Itinuro ni Papa ang direction kung saan makikita ang mga training room. Nakangiti siya na para bang may inaalalang isang masayang bagay. Saka niya tinuro ang school building at napatingin siya sa akin na para bang sinasabing doon niya ako madalas nakikita.

Ang weird dahil kahit hindi ko maaninag ang mukha niya, alam kong nakangiti siya, nakikita ko ang masasayang mata niya pero hindi ko maaninag ang buong mukha niya.

Tapos biglang may yumakap sa akin. Si Mama. Ramdam ko ang pagsagi ng buhok niya sa mukha ko. Pero hindi ko makita ang mukha niya. Tanging ang maamo niyang mga mata, mahabang buhok, at ang ngiti niya ang malinaw sa akin.

Habang yakap niya ako may narinig akong mga boses.

"Darating mamaya ang baby sitter mo. Magpakabait ka okay?"

Bigla ay nasa ibang lugar na kami. Nasa harap na ako ng isang pinto. Kaharap ko si Mama at Papa at paalis sila.

"Sandali lang kami, anak. May kailangan lang kaming puntahan."

"Ma, hwag na kasi kayong umalis. Dito nalang kayo."

"Anak kailangan naming umalis. Babalik din kami. Magpakabait ka."

"Pero Mama—"

Biglang nagshift ang panaginip ko. Ang umaga ay naging gabi. Nakatingin na ako sa isang babaeng nakatalikod mula sa akin. Nakatapat ang telepono sa tenga niya tapos bigla siyang napaiyak.

"Ariela!" sigaw niya nang humarap sa akin. Nangingilid ang luha sa mga mata niya at nanginginig ang mga kamay niya na pumatong sa mga balikat ko.

"Ariela, naaksidente ang mga magulang mo. Ariela, patay na sila."

Isang pinaghalo halong scene ang nag flash sa harap ko. Para bang isang movie na nagp-play ng fast forward. Nakakahilo. Maya maya pa huminto ito at nasa ibang lugar nanaman ako.

Nasa harap ako ulit ng pinto. Pero this time hapon ito. Bumukas ang pinto at nakita ko si Grandma. Nakangiti siya. Pumasok siya sa bahay, binitawan ang dala niyang mga gamit, at niyakap ako.

"Ariela, apo ko."

May sinasabi siya pero wala na akong maintindihan. Sa panaginip ko para bang naka slow motion ang boses niya. Hangang sa nakita ko nanaman ang sarili ko sa ibang lugar.

Narinig ko ang malakas na ulan sa labas ng bahay. Familiar sa akin ang gabing yun. Ito ang dahilan kaya ipinasok ako ni Grandma sa Charm Academy. Nakita ko ang sarili ko na naglalakad sa madilim na hallway. Papunta ako sa kwarto ni Grandma pero huminto ako.

Isang palad ang humawak sa balikat ko. Nakita ko kung paano ako nawalan ng hininga at mabilis na natumba sa sahig. Nakita ko din ang taong may gawa nun. Isang taong nakasuot ng itim na cloak na may familiar na logo. Ang logo ng Augury.

Lumabas bigla si Grandma sa kwarto. Nagulat siya nang makitang hawak ako ng lalakeng naka cloak. Bigla niyang nilislis ang sleeves ng night dress niya saka itinapat ang mga palad sa direction namin.

Biglang nagmelt ang sahig na kinatatayuan ng lalake. Para bang nahuhulog siya sa isang malalim na butas. Unti unti siyang lumulubog hangang sa tumama ang walang malay na katawan ko sa sahig. Doon huminto ang pagkatunaw ng sahig.

Kinuha ako ni Grandma mula sa pagkakahawak ng lalake. Nang magawa niya yun isang itim na butas ang lumitaw sa sahig at mabilis na nahulog ang lalake doon na sumisigaw. Saka ito muling sumara at bumalik sa dati ang sahig. Isang dimentional charm.

"Ariela, apo."

Tinapik ako ng ilang beses ni Grandma para magising. Binuksan ko ang mga mata ko at napansin na hinihingal si Grandma at sobrang nagaalala ang mukha niya. Maya maya bumulong siya pero narinig ko ang malinaw na pagkakasabi niya.

"Kailangan na kitang ibalik sa Magic World."

Naputol ang panaginip ko matapos niyang sabihin yun. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Napanaginipan ko mga nangyari ilang taon na ang nakakalipas.

***

Author's Note:

Next chapter: The Royal Ball of Mirandi. You are cordially invited. Please wear your best dress and tux and don't forget your masquerade mask. Haha!

On a serious note, be a member of the group! Just search April Avery's Stories on Facebook and share your feels with co-readers. You can also tweet me your comments. I follow the official hashtags: #CharmAcademy and #JettRiela. See you there!

PS. May mga bibisita sa Mirandi para kay Ariela. Sino kaya?

@april_avery

Continue Reading

You'll Also Like

Runaway By Reynald

Mystery / Thriller

64.4K 2.5K 13
Maayos na pagkakaibigan, masayang samahan. Ganyan ang turingan nila sa isa't isa. "J-Jessica napatay natin si Mica" Isang pangyayari ang gugulo sa mg...
40.6K 256 13
#2 poem Nawili akong tumula, dahil naging malaya. Malayang iparamdam at ipagsigawan na ako'y lumaya. Sa mga salita, ako'y natutong magsalita. |Spoke...
275K 4K 108
"Bakit nga ba? Bakit hanggang ngayon, ang 'yong paglisan ay di ko malimutan?" Alam mo ba? Alam mo ba na ang mga araw na ikaw ay masaya sa piling niya...
1.4M 95K 89
There's a secret in his every bite. *Cover is not mine. Credits to the rightful owner.