SHAYA: My Possessive Boyfrien...

By Swartout

2M 32.9K 3.5K

Psychopath Series #1 She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is wh... More

Reminders:
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 13

57.7K 873 76
By Swartout





After 3 months of vacation, back to reality na, dahil sa first day of college life na kami bukas ni James. Nagbakasyon si James sa may hawaii kasama ang kanyang mama at iniwan ako rito sa may condo naming dalawa. Actually pinapasama niya ako, ayoko lang dahil sa nakakahiya naman kung isasama pa ako, atsaka ayoko nang gumastos pa si James. Although wala lang naman sa kanila ang pera pero hindi naman ata tama na aabusuhin ko ito. Mas mabuti ngang hindi ako sumama dahil sa after 3 days umuwi din kaagad si James. Hindi raw niya kinaya na wala ako. Kinuwento ko kasi siya na inaya ako ni Lance na mag-enchanted kingdom kaya kinabukasan ng sabihin ko iyun ay agad-agad na umuwi si James.

"James matulog ka na." Sabi ko rito habang nanonood ng TV.

Pinatay naman niya ang TV at tumungo sa akin na nagaantay sa may pintuan ng kwarto. Niyakap ako nito at hinalikan ang aking mga labi.

"Goodnight." Anya ko rito habang nakangiti.

"Goodnight. I love you." Hindi ko na ito tinugon pa at sabay na kaming tumungo sa kwarto at natulog.






***

Nang makapasok kami sa unibersidad ng aming papasukan, nabighani ako sa napakalaking gusali nito at ang mayayaman na estudyanteng nagaaral rito. Lahat sila mamahalin ang sasakyan at hindi ko maisip na sila James rin ang may-ari nito. Hindi ko alam na sobrang saksakan ng yaman itong si James. Mas lalo akong nabighani ng makita lahat ng estudyante rito ay magaganda't gwapo. Walang balat mahirap.

Nang makapasok kami sa loob ng business department building, lahat ng mga tao ay nagsisitinginan sa amin. Ang iba ay nagbubulung-bulungan at ang iba naman ay nagsisitilian nang makita nila ang gwapong si James. Hindi ko naman ikinaiila ang kagwapuhang taglay ni James. Talagang makalaglag panty ito. Hindi ko kasi kasabay sa pagpasok si James nasa likuran niya kasi ako habang nakayuko dahil nahihiya ako sa mga taong nakatingin sa amin.

"Omg! James Khong?! Shit ang gwapo."

"James! Fuck, ang sexy niya."

"Wait let me talk to him." Sabi ng isang maganda at sexy na babae na nasa harapan ni James. Mukhang may lahi ito dahil sa matangos na ilong nito.

"Ouch! Sorry." Nabangga kasi ako sa likod ni James. May humarang kasi sa kanyang harapan ang isang grupo ng mga kababaihan at may maganda sa harap niya ngayon. Kaya nga di ko na napansin na nagstop pala itong si James.

Lumingon sa akin si James, na may pagtataka kaya naman tumingin ako sa harapan niya.

"Hi James, I am Jennie." Malanding tono ng babaeng nasa harapan niya.

"Get lost." Seryoso na sabi ni James. Medyo natawa ako sa sinabi niya at pinigilan ang aking tawa, napatingin sa akin ang mga babae sa harapan ni James kaya naman tumigil ako at tumayo ng maayos. Ang sama talaga kahit kelan ng ugali nito. Napansin kong tumaas ang kilay ng mga ito sa akin. Oh bakit sila galit sa akin?

"Ah-- James. I just want to be friends with you." Dagdag pa niya at medyo nasparkling eyes pa siya. Mas lalo kong pinigilan ang aking hagikgik. Natatawa kasi ako, ganito na ba talaga ang kakababaihan kung magpapansin?

"Tsk." Hindi pinansin ni James si Jennie at hinawakan niya ang aking kamay. Dinaanan lang namin kanina yung mga babae na nag-papacute kay James.

"Ang sungit mo naman." Anya ko rito mg makalayo kami.

"Gusto mo bang makipaglandian ako sa kanila?" Tanong nito sa akin. Ano nanaman bang ginawa ko rito?

"Edi go. Akala mo naman magseselos ako." Mataray na sabi ko. Akala ba niya selosa ako? Atsaka isa pa alam ko naman hindi niya iyun gagawin. Tumungo na kami sa may room na aming unang klase. May units ako na classmate ko si James, siguro mga tatlong subjects lang.

Nang makaupo na kami saktong dumating ang first prof namin at nagstart na sa may lesson niya.

Matapos ang klase namin, pumunta kami sa may cafeteria upang makapaglunch na kami. Sabay kaming kumain ng may magtext kay James.

"I have to go now. May practice pala ako ngayon." Pagpapaalam nito sa akin at kinuha ang dala niyang bag.

"Ah sige, bye." Sabi ko rito. Hinalikan na niya muna ang aking noo bago umalis at tuluyan na nga akong naiwan rito sa may cafeteria. Ano naman kaya ang gagawin ko? Parang malungkot ako sa tuwing di ko kasama si James. Sanay kasi akong siya palagi ang kasama ko at kausap ko kahit minsan ang lakas mangasar netong si James.

Nang matapos ako sa aking lunch, napagisipan kong maglibot-libot dahil sa malaki at maganda ang unibersidad na ito. Kaya naman naglakad-lakad ako kahit na saan ako mapunta.

"Hey, watch out!" Sigaw ng lalaking nasa likod ko. Pagkalingon ko mula sa likuran ko, saktong-sakto ang pagtama ng bola ng basketball sa aking braso.

"Aray!" Mabuti nalang at sa braso iyun at hindi sa mukha natama. "Magingat ka naman sa susunod!" Galit na sabi ko rito. Nakakainis! Bakit ba kasi siya nagbabasketball sa loob ng hallway. Kitang may mga taong nagsisidaan dito.

"Tsk, you're blocking the way." Masungit na sabi nito. At kasalanan ko pa ah? Mukha ba itong court para maglaro siya ng basketball? Nakakainis.

"Ang arte mo! Ikaw na nga 'tong nanama ikaw pa 'tong masungit. Mag-sorry ka sakin." Ma-awtoridad kong sabi sa kanya. Nang makalapit ito ng tuluyan sa akin, doon ko napagtanto kung sino ba itong lalaking ito.

Anong ginagawa niya rito?!

"Shaya!"

"Alex!" Sabay naming tawag sa aming pangalan. Hindi ako maaring magkamali. Napapikit pa ako para siguraduhing siya ito at hindi ako nakakamali dahil sa Si Alex nga ito!



**flashback***

"Simula ngayon ikaw na ang girlfriend ko." Maawtoridad na sabi nito sa akin. Ilan taon na ba ako at itong batang tabatyoy na ito? 9 years old ako habang siya ay 11 years old.

"Ang bata ko pa para dyan atsaka isa pa hindi naman kita gusto eh." Mataray kong sabi nito. Nakakainis! Hindi porket kapatid siya ng bestfriend ko pwede na nya akong angkinin na para bang bagay. Mayaman si Alex dito sa probinsya. Hindi ko nga alam kung bakit gusto ako nito marami namang ibang babae diyan.

"Why you didn't like me?" Naiiyak na sabi nito sa akin.

"Ayoko sa baboy at mayabang. Alis ka na nga." Pagtataboy ko rito. Tumakbo naman ito ng pagkabilis bilis papalayo sa akin habang umiiyak.

***end of flashback.***

Ngayon ko lang napagtanto na napakalaki ng pinagbago niya. Ang gwapo na nito at sobrang macho ng pangangatawan. Hindi kagaya dati na mataba ito.

"Teka... anong ginagawa mo rito?" Pagiiba ko.

"I am the one who should be asking." Masungit na sabi niya habang titig na titig ito sa akin. Hindi naman ito masungit dati eh.

"Ang sungit akala mo gwapo." Mahina kong sabi na medyo naasar.

"What did you just say?" Nakataas na kilay niyang sabi. Ang arte paenglish-english pa. Bakit pogi ka ba?

"Wala ang sabi ko, kamusta si Cherry?" Kapatid niya kasi si Cherry na bestfriend ko sa probinsya.

"At nagawa mo pang magtanong ha. Why not find her?" Masungit na sabi nito at nagpatuloy lang sa paglalakad. Binangga pa nga ako nito bago tuluyang umalis.

"Edi wag mong sabihin." Mataray kong tugon sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Akala mo kung sino umasta. Gumanda lang naman ang pangangatawaan niya pero yung ugali niya walang pinagbago. Mayabang parin!


Teka, kamusta na kaya si Cherry?

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 32.4K 29
Luke and Aviona - A romance that blosssomed in a society where a governor cannot love the daughter of a prostitute. R18 Adult content
3.4K 275 33
Events organizers are supposed to be the one who would organize the whole event.Everything should be planned and will work according to its function...
125K 6.8K 41
Porcia Era Hart x Chrisen
4.8K 377 53
"Do not cross the line." Five words. One line. But it crashed Seb Gallego countless times. Seb, being a middle child, was already used to not being...