Mystery in Island (Completed)

Av unfoundfears18

28.7K 2.2K 551

Sa pagkawala ng isang babae kasama ang grupo nito, ay siya namang pagbukas ng isang lihim mula sa lugar na hi... Mer

DESCRIPTION
CHARACTERS & OTHERS REVIEW
MYSTERY IN ISLAND: Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
MYSTERY IN ISLAND 2 (Sypnosis)

CHAPTER 40

355 37 5
Av unfoundfears18

BAGONG KALABAN?

"AYOS!" pabigkas ni Sir Jude at nagawa niyang mahawakan ang mga kakaibang halaman.

Pumutol siya sa mga ito at tumulong na rin si Kris. Gamit ang dalang tela ay maingat nilang ibanalot ang mga nakuhang sanga na may dahon at mga bulaklak. Napahinga ng malalim ang dalawa at ngayon ay handa na sila sa gagawin mula sa nakatala sa kasulatan.

"Lumakad na tayo Kris at baka hinihintay na tayo nila Jhanjo." At lumabas sila ng pinto.

"Saan po tayo dadaan?" patanong ng binata at napatingin sa butas na nasa itaas kung saan sila nahulog.

"Tulungan mo akong makaakyat sa butas na iyan dahil may lubid naman akong dala, mababa lang 'yan," paliwanag ng lalaki.

Tumango si Kris at pumatong si Sir Jude sa kanyang balikat. May kalakihan ang pangangatawan ng binata kaya't medyo may kalakasan din ito. Puwersado niyang inihagis ang kasama sa labasang butas at nakakapit doon ang lalaki. Nang makaakyat ay agad nitong inihulog ang lubid at doon kumapit ang binata at siya naman ang iniangat palabas.

"Kailangan na nating magmadali." Walang anu-ano'y pumasok muli ang dalawa sa pintong dinaanan kanina.

Hindi na sila nag-aksayang ng bawat oras sapagkat iniisip din ni Kris si Kristine at ibang kasamahan. Gano'n din kay Sir Jude mula sa anak nitong si Jhanjo.

SA KINALALAGYAN naman nila Kristine.

"Bakit hindi tayo roon dumaan sa kabilang hagdan?" patanong ni Jhanjo dahil lumihis ng direksyon ang sinusundang scientist.

"Patungo 'yan sa ikalawang laboratoryo ni Dr. Lertez. Ayaw ko na ring bumalik do'n at hindi ba't nais ninyong sa tuktok ng tower na ito tayo magtutungo?" patanong ng may salaming scientist.

"Sige, magpatuloy ka," bigkas ni Kristine.

Nagpatuloy naman ito. Nagtataka ang kasama nilang scientist kung bakit nais magtungo ng apat sa tuktok na siyang ipinagbabawal ni Dr. Lertez kahit sa kanila.

"Ano ba ang binabalak at gagawin n'yo roon? Nabanggit kasi ni Dr. Lertez na sagradong lugar ang itaas ng tower at siya lamang maaaring magtungo roon," patanong at paliwanag ng scientist.

"Para sa sinasabing-" napatigil si Jhenn.

"Para sa isang bagay na mamaya pa namin itatanong sa 'yo kaya't wala kang karapatang magtanong." Pabigkas ni Kristine at sinenyasan ang kaibigan.

Tumango lamang si Jhenn at malapit ng madulas ang kanyang dila dahil sa kasulatan pala nanggaling ang impormasyong nakuha nila. Sila lamang ang nakabasa nito maliban sa ama ni Dr. Lertez na sumulat nu'n.

"May itatanong ako." Wika ni Mrs. Cassandra habang patuloy nilang tinatahak ang hagdan.

"Ano po 'yon?" balik na tanong ng scientist.

"Bakit ba ipinagbabawal sa inyo na magtungo sa tuktok ng tower?" unang tanong ng guro.

"Hindi ko po alam kung anong mayroon doon dahil wala namang sinasabi sa amin si Dr. Lertez. Kung makakapunta po tayo roon ay unang pagkakataon sa akin iyon. Ang sabi niya ng walang kasiguraduhan, may isang nilalang siyang ipinagbabantay doon na kahit sino ay hindi makakalapit sa itaas at loob," tugon at paliwanag nito.

"Nilalang? Anong klase naman? Tulad ba ng mga nilikha ninyo at nakaharap namin?" mataas ang tinig ni Jhanjo.

Napahinto sa paglalakad ang scientist at napatingin sa kanila.

"Nakaharap n'yo na ang mga bagong likha at alaga ni Dr. Lertez?" nagtataka ito.

"Tama ang narinig mo. At hindi lang basta nakaharap, napaslang na namin sila." Si Jhenn ang sumagot.

"Nakakamangha kayo. Sa unang pagkakataon lang yata napahiya at nataasan si Dr. Lertez dahil wala pa noon ang nagtangkang makaligtas sa kanya. Imposible mang isipin ngunit totoong ngang dumating na ang mga taong makakapantay sa aming amo." Ngiti nitong sabi.

Nagkatinginan ang apat at natuwa sa sinabi ng scientist.

"Totoo ang sinasabi ko. Kahit si Jude noon na isang napakahusay na tauhan ni Dr. Lertez na sinubukang lumaban ay hindi nakaligtas sa mga likha nito," dagdag pa ng scientist.

"Noon 'yon pero ngayon ay bumalik ang aking ama hindi lamang upang ipaghiganti ang pagkamatay ni ina pati na upang tapusin ang kasamaan ni Dr. Lertez na dapat ay noon niya pa ginawa." Matapang na sabi ni Jhanjo at nagimbal ng labis ang kaharap na scientist.

Muli nitong inayos ang suot na salamin at nagpatuloy sa paglalakad dahil baka magalit sa kanya ang anak ng kinalaban nila noon na si Sir Jude. Huminto ito nang matanaw ang isa pang hagdan papaitaas.

"Bakit?" patanong ni Jhenn.

"Iyan na ang huling hagdan papunta sa itaas ng tower. May isang pinto riyan na kailangan muna raw daanan dahil nandoon ang sinasabing bantay bago matunton ng tuluyan ang tuktok," halata na muli sa mukha nito ang takot.

"At ikaw? Ba't mo sinasabi iyan? Sasama ka sa amin paakyat." Bigkas ni Jhenn at muling itinutok dito ang spear.

"Maaari bang magpaiwan na lamang ako rito? O baka may ipapagawa pa kayo? Ayaw ko talagang umakyat diyan noon pa, pakiusap..." Muling lumuhod ang scientist.

Muling napa-isip sina Jhanjo at pumasok sa isip ni Kristine sina Kris at Sir Jude.

"Sige, mayroon. Mukhang mapagkakatiwalaan ka naman at maaasahan dahil nadala mo nga kami rito. Naaalala mo ba si Kris at Sir Jude?" patanong ni Kristine.

"Oo, totoo ngang narito si Jude. Ano ba ang nais mong ipagawa sa akin?" tanong naman nito.

"Salubungin mo sila sa ibaba at gabayan upang makaakyat din dito, naiintindihan mo? Huwag kang mag-alala." Ngumiti ang dalaga. "Wala ka na marahil makakaharap na halimaw na sinasabing walang kamatayan. Lumakad ka na at nagmamadali kami." Utos nito at tumango ang scientist na dali-daling tumahak pabalik.

Nang hindi na nila matanaw ang pinaalis na scientist ay sandaling umupo si Kristine sa sahig.

"Ano ba ang nasa isip mo?" tanong ni Mrs. Cassandra.

"Maghintay na muna tayo rito. Malakas ang kutob kong makakabalik agad sila. Hindi naman natin natagpuan ang silid na sinasabi sa kasulatan dito sa itaas ng tower pero ipinagdarasal kong natagpuan nila iyon." Yumuko ang dalaga at sa unang pagkakataon ay tila nakaramdam siya ng pagod at gutom nang wala na silang halimaw na nakaharap.

"Sang-ayon ako." Kinuha ni Jhenn ang isa pang malinis na injection at gamot.

"Para saan 'yan?" tanong ni Kristine.

"Ayon dito, kaya nitong palakasin ang isang nilalang kahit hindi pa man kumain ng tatlo o higit pa sa limang araw," paliwanag nito.

"Subukan natin," wika ni Mrs. Cassandra dahil nakaramdam na rin pala ito ng panghihina at gutom.

Naturukan silang apat at nanumbalik ang ordinaryo nilang lakas.

SA PANIG nina Kris at Sir Jude.

"Tama ba 'yang mga pintong pinapasok natin?" na-e-excite na rin Kris at pareho silang nagmamadali na tahakin ang dinadaanan at bawat hagdan.

"Oo." Nagpapatuloy sila at napatigil nang matanaw ang scientist na pababa na siyang nagturo ng daan kina Kristine patungo sa itaas ng tower.

Itinaas ni Sir Jude ang shotgun at papuputukin na sana iyon.

"Teka lang, Jude." Yumuko ang scientist dahil natakot at kinabahan.

"Naaalala mo pa ako? Ni hindi nga kita kilala e. Ano naman ngayon ang pakana n'yo ni Dr. Lertez?" hindi nito ibinaba ang armas.

"Hayaan n'yo akong magpaliwanag. Naroon na ang apat ninyong kasamahan sa itaas kabilang ang anak mong si Jhanjo, Jude dahil tinulungan ko silang makapunta roon," una nitong pahayag.

Nagulat sina Kris dahil hindi nila alam ang buong kuwento at dahilan.

"Ikuwento mo para makasiguro kami." Nakataas pa rin ang shotgun ng lalaki.

Mahinahong nagpaliwanag ang scientist habang inaayos ang salaming nasa mata. Ngayon ay naniniwala na sina Kris at Sir Jude dahil sa mga tamang dahilan nito. Ibinaba na ng lalaki ang armas.

"Dalhin mo na kami kung nasaan sina Kristine." Utos ni Kris at tumango ito.

Sumusunod lang ang dalawa sa scientist habang nagmamatyag. Napangiti ang dalawa nang mapagmasdan ang bangkay ng ilang halimaw kasama si Winston. Huminto sa patay na kapatid si Sir Jude.

-------------
A/N: Excited na rin ako sa pagpunta nila sa tultok ng tower. Sino kaya ang tinutukoy ng scientist na nagbabantay roon? 😇

Fortsett å les

You'll Also Like

2.9K 286 34
Kuwento ito ni Mina at ang kanyang matalinhagang pakikipagsapalaran sa mundo ng mga engkanto, diwata, laman lupa, aswang at iba pang elementong kakai...
70.8K 2.9K 74
FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 WINNER (Highest Rank #10 in Horror and #2 in heroes) (79 in Magic)(HORROR/FANTASY) A mysterious woman with no memo...
101K 2.3K 43
Isa kaba sa naniniwala sa Magic? Magical World? What if kung isa ka sa kanila isa ka sa mga taong gumagamit ng magic? at isa ka sa mga may hawak ng...
514K 16.9K 75
[TAGALOG] Vampires are real. Not into this world. But into their own world. Eva Reyes is now on her last year in college. And just like any graduatin...