Soulmates

By RefinedJenny

79.3K 3.3K 2.4K

FLY WITH ME is the first fanfiction I have written. It is about the fictional love story of Rhian and Glaiza... More

1 - Morning Glory
2 - Sun Bed and Sunset Nga Ba?
3 - Chase The Sun
4 - Numbers and Dreams
5 - RaStro Science and Fanfiction
6 - Her Habit
7 - Iloilo Escapade
8 - You Are Mine
9 - The Blazer
10 - Instagram
12 - Thorn Between Two Roses
13 - Common Friends' Birthday
14 - Photos
15 - I Love You
16 - Same Feather
17 - Real Score
Note 1
18 - Moving On
19 - My Last Night With You

11 - Cheese is My Wife

3.3K 206 78
By RefinedJenny

Disclaimer: This is only a FANFICTION. Hopia at your own risk.

—————-

It was June 11, 2018 Monday. It was Glaiza's third break that day from the taping of Contessa. Pilit na pumapasok sa isip niya ang closeness ngayon nina Rhian at Jolo. At natatakot siya na mahulog ang loob ng girlfriend niya sa sweetness ng actor-politician. Nagseselos siya... sobra!

Kilala niya si Jolo. Nakasama na niya ito noon sa soap opera na pinagbidahan niya. Ang Kaputol ng Isang Awit. May sarili itong charm. Maalaga sa kanila, lalo na kung gusto nito ang isang babae. Hindi nga ba nabihag nito ang puso ni Lovi Poe dahil sa charm at sweetness nito?

Noong Linggo ng madaling araw ang isa sa pinakamalala sa mga naging pagtatalo nila ni Rhian. Alam niyang napikon ito sa kanya. Alam niyang nasaktan ito sa binitawan niyang salita. Pero... dapat ba niyang sisihin ang sarili niya? Sinabi lang naman niya ang nararamdaman niya...

Mabuti na lamang at sinamahan siya ng kaibigan niyang si Angel ng araw na iyon. Sinabi niya rito ang nangyari at matiyaga naman itong nakinig. Pero hanggang doon lang. Naputol din ang pag-uusap nila... Pinilit kasi nito na matulog muna siya para makapagpahinga ang isip at katawan niya. Dahil ng gabing iyon ay kailangan din nilang magpunta sa birthday celebration ng kaibigang si Kean.

Hindi siya mapakali. Hanggang ngayon ay nagseselos pa rin siya. Gusto niyang malaman ang dahilan kung bakit consistent liker ni Rhian si Jolo sa Instagram posts nito. Na tila ba may notification pa ito sa mga posts ng girlfriend niya. Siya lang ba talaga ang nagbibigay ng malisya? Well, she can get opinions from her followers. At naisipan niyang magtanong sa mga followers niya sa Facebook. She used her personal account.

Regular liker means?

May mga sumagot.

It's a sign of adoration... of admiration... and probably, of boredom? Bored ang Vice Governor? Damn!

She set the post public. Kung makita man ito o mabasa ni Rhian, so be it! At least, she can make her aware that she's still jealous. Na hindi siya masaya sa pag-stalk ng actor-politician sa kaniya...

Alam niyang nasa sound studio si Rhian ng araw na iyon, kasama ang ibang cast ng 72 Hours. May dubbing sila para sa nasabing pelikula. Magkasama na naman sila ni Jolo! Muli ay may pumitik sa kanyang puso.

Hindi pa nagtatagal ay umilaw ang cellphone niya. It's a text message from her friend, Angel.

Hi Amigah. Ok ka na? Pwede na nating ituloy ang pag-uusap natin na naputol kahapon? Break ko ngayon sa shooting.

She decided to call Angel. Isa ito sa bihirang pagkakataon na nagkasabay ang break nila sa taping. Mahirap kasi kung sa text messages sila mag-uusap. Maliban sa matagal ay nag-iiba ang emotions at interpretation kapag text messages.

"Amigah, ano na?" Bungad niya. Ganoon siya ka-casual magsalita sa harap ni Angel. Kapag si Rhian kasi ang kausap niya ay nahahawa siya sa pagsasalita nito ng english.

"Amigah, may mali ka rin kasi. Pinairal mo ang selos mo. Sana kinausap mo siya ng maayos. Galing sa work si Rhian. Pagod 'yon. And yet, you nagged her. Hindi mo ba naisip na kaya sa iyo umuwi 'yon ay dahil gusto ka niyang makasama?".

"Wala ka man lang introduction? Sermon agad? Ako agad ang mali?"

"I just want to knock some senses in your head, Glai. Para mag-isip ka at hindi mo pairalin ang selos mo".

"Napaka insensitive kasi niya, Amigah. Sa harap ko mismo nakipag-usap kay Jolo".

"Kasi nga, wala naman siyang itinatago sa iyo. Walang malisya ang pakikipag-usap niya kay Jolo. Ano ba ang gusto mo, itago niya? And don't worry about Jolo. Alam ko kung gaano niya kamahal si Jodi".

"Akala ko ba, hiwalay na sila?"

"Sa akin ka dapat nagtatanong tungkol diyan. Huwag maniwala sa tsismis. Celebrity ka rin kaya dapat maintindihan mo na publicity lang 'yon Amigah. Come back movie ni Jolo 'yan kaya dapat lang na pag-usapan siya ng tao. That's the same publicity in 2016 noong may movie si Jodi na The Achy Breaky Heart. Habang walang formal declaration ang couple, huwag ka basta naniniwala".

"Well, I believe in you Amigah. Friends nga pala kayo ni Jodi".

"Kaya nga! Clear your mind, Amigah. Noon ko pa kasi sinasabi sa iyo na mahirap ang pinasok mo. Mahirap magkaroon ng girlfriend na ka-level ng ganda ko, hahaha! Pero matigas ang ulo mo. Kung hindi mo mapipigil ang kabaklaan mo, doon ka na lang sa Trixie. Siya ang mas mamomroblema sa kagandahan mo" biro nito.

"Pag-uusapan na naman ba natin ito? Ikaw lang ang alam kong nakakaintindi sa akin Amigah. Kahit ang family ko, hindi ako naiintindihan. Huwag ka nang dumagdag naman sa sakit ng ulo ko". Seryoso niyang wika bagamat natatawa siya sa kalokohan ng kaibigan.

"Oo na nga po. Alam ko namang head-over-heels ka sa kanya kaya wala akong magagawa. I like her din naman. Marami kaming common traits. At yun ang traits namin na nagpa fall sa iyo." Tumawa muli ito. "Napakabait na bata ni Rhian at low-profile na tao. At alam kong mahal na mahal ka rin niya."

"Sure ka na mahal niya talaga ako?"

"Oo naman! Ilang beses na kayong naghiwalay pero tinatanggap ka pa rin niya. And recently, siya pa ang gumawa ng paraan para magkabalikan kayo. If that's not love, ano ang tawag mo doon?"

Napangiti siya. Her friend has her own way para gumaan ang pakiramdam niya.

Nagpatuloy ito, "Pero Glai, alisin mo muna ang lahat ng selos mo bago mo siya kausapin. Otherwise, baka mag-away ulit kayo. And don't nag her. Hindi makakatulong 'yan Amigah."

"Thank you, Amigah. Gumagaan talaga ang pakiramdam ko 'pag kausap kita. Sobrang naa-appreciate ko ang friendship natin. Bagay na bagay talaga sa iyo ang name mo na Angel".

"Heh! Matagal ko ng alam na angelic ako... But seriously, thank you rin, Glai. Sino pa ba ang magdadamayan kundi tayo? Hindi ganoon kadali na makakita ng tunay na kaibigan dito sa showbiz. At isa ka sa kokonti na pinagkakatiwalaan ko. Goodbye cravvs amiga! Walang iwanan. Friends forever..."

Ngumiti siya. Alam niyang double meaning ang cravvs para sa kaibigan. Ang crab na ibinigay ni Jolo kay Rhian. At ang crab na birth sign ng ex-boyfriend ni Angel... Muli siyang nangiti. Goodbye cravvs!

—————-

June 12, Tuesday. Around 9:00 PM. Nasa set siya ng Contessa. Kahit Independence Day ay nasa trabaho siya. At alam niya na si Rhian ay nasa shooting naman ng 72 Hours sa araw na iyon. Pareho silang halos walang pahinga...

Nakita niya ang post ni Rhian sa IG stories noong nagdaang gabi. At nakita rin niya ang coffee mug na post nito noong umagang iyon. Both posts say that Rhian feels down... Alam niyang para sa kanya ang mga messages na iyon. Rhian misses her. And she feels guilty about it. Nasaktan si Rhian dahil sa sinabi niya...

Kailangang ayusin niya ang problema nila. Ayaw niyang mawala ito sa buhay niya... pero... one at a time muna... tatapusin muna niya ang mga obligasyon niya ngayon... mabibigat ang eksena niya sa Contessa. She needs to focus. Kailangan din niya ng focus para sa shooting ng Liway sa kinabukasan. Hindi pwedeng ma-compromise ang Cinemalaya entry niya dahil sa personal na problema .... Tatapusin muna niya ito. One at a time lang... at saka niya haharapin ang problema nila ni Rhian.

"Rhian... I miss you... wait for me, lubb." wika niya sa sarili.

—————-

It was June 14, Thursday. Rhian had a meeting with her producer friend, Darlene. Kasama sa meeting ang kanyang handler. Naroon din si JM de Guzman. The three artists have decided to co-produce a movie where she and JM will play the lead roles, Shana and Lio. Ang working title ng movie ay Seeing. Pinag-uusapan nila ang schedule ng look test, shooting, ang finances, ang script, ang execution, ang target market at ang possible ways of marketing.

Wala sa meeting ang focus ni Rhian. Hindi mawaglit sa isip niya si Glaiza.

She sent her a message early in the morning yesterday. Hindi ito sumagot. Buong araw kahapon ay hindi ito nagparamdam. Alam niyang may shooting ito ng Liway kahapon. Pero hindi man lang yata siya naaalala nito. At ngayong araw na ito, 3:00 PM na, wala pa rin itong message. Although, alam naman niya na may taping ito ngayon ng Contessa. Pero kung katulad kasi ng dati ay nagse send ito sa kanya ng message para mag update. Ngayon ay wala kahit 'hello'.

Mahal niya si Glaiza... kaya nga siya na ang naunang sumuko... kahit nasaktan pa siya sa sinabi nito... pero...

Galit ba ito sa kanya? Sana naman ay hindi. Magkaiba kasi ang nagagalit at ang nagseselos...

Teka muna, baka may post na naman si Jolo na pwedeng ipagselos nito!

She checked on Jolo's post. Wala namang dapat ipagselos. His stories? There were three posts:

May Amats na Sa Yo (May tama na sa 'yo). Siguro nga ay tinamaan sa kanya ang actor-politician. Hmmm... base sa ipinaparamdam nito sa kanya.

Hopia

Walang Tayo in All Levels.

Alam niya, para sa kanya ang mga posts na 'yon. Pero at least, alam niyang hindi na ito aasa pa sa kanya... Alam na ng actor-politician na hopia siya; na walang sila kahit anong antas pa ang pagbasehan.

No expectation. No disappointment.

Kahit papaano ay gumaan ang kalooban niya...

"Rhi, are you listening?" Tanong ni Darlene.

"Oh, sorry! Sige, ituloy lang ninyo. Nakikinig ako." Sagot niya. Napapailing ang kaibigang producer dahil sa kawalan niya ng focus.

Nakita niyang umilaw ang cellphone niya. It's a text message... Kinabahan siya. It's from Glaiza... Finally!

Binasa niya ang message.

I miss you <3

Lumulundag ang puso niya sa tuwa. Napapangiti siya sa sarili...

She sent back a message:

I am now in a meeting with Darl and JM...

I wanna see you, lubb. I miss you...

Sumagot itong muli.

Let's meet on Sunday night?

And she replied back:

See you on Sunday night. Call me once you're home.

Glaiza:  I will. Start na ng next scene namin. I love you...

Parang gusto niyang tumalon sa tuwa sa huling sinabi nito. Bilang pag-iingat ay hindi sila nagte text ng ganoong salita. But this time, these words are being called for. And she replied,

I love you too...

"Rhi, ano ang reaction mo rito?" Tanong ni Darlene

"I love you too..."

"Whaaaat?"

"Ha? Sorry... Can you repeat the details, Darl. Sorry!" Natatawa niyang tanong sa kaibigan.

——————-

Kahit hindi pa sila nagkikitang muli ay bumalik na sa dati ang communication nila ni Rhian. Naging magaan na para sa kanya ang pakiramdam. Sinisigurado niyang makapagbigay muli ng update dito.... katulad ng dati... Well, hindi ganoon kadaling bitawan si Rhian... She's a very loving person. At tama si Angge. Head-over-heels siya rito. Mahal na mahal niya si Rhian. At ramdam din niya na sobrang mahal din siya nito.

Sa dalawang sumunod na araw ay naging busy ulit sila. May taping para sa Dear Uge si Rhian ng Friday at may dubbing muli para sa 72 Hours ng Saturday. Siya naman ay patuloy ang shooting para sa Liway sa Friday at taping naman ng Contessa sa Saturday. Hanggang abutin na sila ng Sunday morning sa taping...

And now, it is Sunday afternoon. At ito ang araw na magkikita sila ni Rhian. Nagsimba muna ito sa umaga kasama ang kanyang mommy Clara. Pagkatapos ay sama-sama ang buong pamilya nito sa bahay na nasa Alabang Hills para doon mag lunch.

Excited siya... excited siya sa pagkikita nila ni Rhian... at kailangang bumawi siya rito ngayon...

--0–

It was 6:00 PM. Glaiza is with her parents in High Street Cafe. Isa itong restaurant sa ground floor ng Shangri-La At The Fort, Manila. Dahil Father's Day ay doon nila naisipan ng Nanay niya na i-treat ang mabait na haligi ng pamilya. They ordered noodles, High Street sandwiches and Molten Lava Cake.

While waiting for their food, umilaw ang cellphone ni Glaiza. It's a text message. And it's from Geon D.

I'm here at 3rd Avenue near Shangri-La. I have something for your dad. Punta ka muna rito. Naka hazzard lang ang car ko.

Pagkabasa ay napatingin siya sa ina. Alam niya na kahit binigyan na siya nito ng freedom ay ayaw pa rin nito kay Rhian. Well, ayaw ng buong pamilya niya si Rhian... maliban marahil sa kanyang tatay na kahit minsan ay hindi nagbigay ng opinion para sa taong kanyang minamahal. At maliban kay Alchris na nagpapatianod lang sa agos ayon sa pasya ng pamilya.

Pwede naman siyang magpaalam ng maayos. Pwede namang hindi niya ipaalam sa mga ito na si Rhian ang nag text...

"Lalabas lang po muna ako. Saglit lang po ako".

Iniwan niya ang purse sa ina para hindi ito mag-alala.

Naglakad siya patungo sa 3rd Avenue. Ng makita niya ang Honda Accord ni Rhian ay lumakas ang pintig ng kanyang puso. It's been a week since they last saw each other. At nagkaroon pa sila ng pagtatalo noong huling araw na nagkita sila.

Mabilis siyang sumakay sa front seat katabi ng driver.

"Hi!" Bati niya. Nakangiti siya rito...

"Hi!" Ganting bati nito. "I'll drive you around para hindi tayo naka-hazzard dito. Baka masita tayo ng pulis"

Tiningnan niya si Rhian. Wala itong make-up. Marahil ay nag face powder at nag lipstick lang ito. Hindi siya nakatiis na hindi sabihin ang paghanga sa natural na ganda nito.

"You look awesome!"

Tumingin ito sa kanya. Nakangiti ng nakalabas ang dimple. "Kung hindi pa ako nag text sa iyo noong Wednesday morning, hindi ka makikipag communicate sa akin". Binalewala nito ang compliment niya. Lumabi ito na parang nagtatampo.

"Whaaat? Wait... ako nga ang unang nag text sa iyo. Kung hindi ako nag text, hindi ka pa makikipag communicate sa akin". Wala siyang naaalala na nag text si Rhian sa kanya. Marahil ay nagkaroon ng traffic ang network. She's using Smart while Rhian is using Globe. "Lubb, seryoso. Wala akong na-receive na text galing sa iyo".

Tumango lang ito. Habang nagmamaneho ay nakatingin ito sa kalsada. Hinawakan nito ang kaliwang kamay niya. Ginantihan niya ang pagkakahawak nito bilang pagtugon.

"Rhi... I'm sorry... I'm sorry dahil hindi ako nagtiwala sa iyo... I'm sorry... " Lumingon siya kay Rhian saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Lubb, hindi ko sinasadyang magselos".

Naramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya. "I'm sorry too, G..." Hinalikan nito ang kamay niya. Ganoon naman si Rhian. Malambing. Isa sa dahilan kung bakit labis niya itong minahal.

Pagkatapos no'n ay nanatili lang silang tahimik. Hanggang makabalik sila sa lugar kung saan siya sumakay. May kinuha itong isang gift bag sa likod ng inuupuan. Iniabot ito sa kanya.

"This is for your Dad. Pakisabi na lang na Happy Father's Day. Hindi na ako bababa dahil baka may makapansin pa sa atin dito." Wika nito sa kanya.

"Ano ito? Hindi ka na sana nag abala".

"It's ok. I just saw a pair of belt and wallet from Paris Glamour. I also bought a set for my dad".

"Thank you, Rhi. Nagpapalakas ka kay Tatay ha?" Biro niya.

Ngumiti ito sa kanya. "Not really. Feeling ko, malakas na talaga ako kay tatay". Ganting biro nito. Napangiti siya sa pagtawag nito ng tatay sa tatay niya...

"Anyway, I need to go. Hinihintay na ako nila Nanay. See you in your condo later.

"See you". Naging malamlam ang mukha nito.

"Rhi?"

"You go now"

"I missed you... I love you"

"I love you too... Just hang on!..."

Muli nilang hinawakan ang kamay ng isa't isa. Pagkatapos no'n ay nagpasya na siyang bumaba ng kotse ni Rhian...

——————-

Habang pabalik sa restaurant na kinaroroonan ng mga magulang, naglalaro sa isip niya ang sinabi ni Rhian... "Just hang on!..."

Bakit nga ba ang hirap ng sitwasyon nila? Sa tuwing magkikita ay kailangan pa nilang mag disguise. Bilang celebrity ay mahirap sa kanila ang lumantad sa publiko. Siguradong huhusgahan sila ng maraming tao... hindi sila mauunawaan. Ilan lamang ang makakaintindi sa kanila...

Hindi nga ba kahit ang sarili niyang pamilya ay hindi siya naiintindihan? Walang nakakaintindi sa kanya sa bahay nila. Minsan, ang pakiramdam niya ay nag-iisa siya. Walang kakampi... na minsan ay nagiging dahilan din ng depression niya.

But family is a family... hindi ganoon kadaling talikuran ang mga ito. Kahit minsan ay napapagod na siya. Mahal niya ang kanyang mga magulang at nasanay siya na laging nasa tabi ng mga ito... Pwede namang hindi bitawan ang pamilya habang hindi rin niya binibitawan si Rhian. Mahirap. But she'll hang on. Darating din ang tamang panahon para sa kanila... hindi na sila bata ni Rhian. Hindi katulad noong naghiwalay sila siyam na taon na ang nakakaraan...

__________

November 2009, naalala niya kung paanong nagalit ang kanyang Nanay ng matuklasan nitong hindi naman buong cast ng Stairway to Heaven ang kasama niya noong mag overnight siya isang araw ng Sabado. Hindi sinasadyang nalaman ng mga ito sa driver niya ang tungkol sa pagtungo nila ni Rhian sa Tagaytay. At sang-ayon sa driver niya ay ang driver ni Rhian ang nagkwento rito. Marahil ay hindi naman binibigyan ng malisya ng mga driver nila ang pagtungo nila ng Tagaytay. Subalit alam niyang naalarma at naghinala ang Nanay at Ate niya tungkol sa tunay na namamagitan sa kanila ni Rhian. At... alam niyang in denial ang mga ito na posible siyang magmahal ng kapwa babae...

Noon pa lamang ay talagang ayaw na ng mga ito sa babaeng itinitibok ng kanyang puso. Kaya muli... sinabihan siya ng mga ito na iwasan si Rhian... na si Rhian ay hindi makakatulong para umangat ang kanyang career. Na si Rhian ay hindi magandang influence sa kanya...

They were younger then. She'll turn 22 while Rhian was 19. Ang alam lang niya noon, may mga pangarap pa siya na dapat matupad. She had to move on. Kailangang kalimutan niya ang nararamdaman niya para kay Rhian... Hindi ito tama...

And with her mother's help and guidance, nakayanan naman niyang lumayo kay Rhian... Nandiyan ang buo niyang pamilya para umalalay sa kanya... para gabayan siya sa pagtupad ng kanyang pangarap.

—0—

Nakatulong din ang sunod sunod na project niya sa GMA. January 2010 pa lamang ay may hosting project na siya sa programang Laff En Roll kasama si Boy 2 Quizon. Kasama rin siya sa Diva na pinangunahan ni Regine Velasquez. Naging mainstay siya sa Party Pilipinas ng taong iyon. At noong taon din na iyon niya ginawa ang Grazilda kung saan siya ang title role.

Taong 2010 ng makilala niya si Felix Rocco. Naging magaan ang loob nila sa isa't isa na humantong sa isang relasyon. But... it didn't last a year... nine months? Or even lesser? Kusa itong lumayo sa kanya sa hindi niya maintindihang dahilan. Muli itong bumalik pero hindi pa nagtatagal ay muli itong lumayo. Maybe because she was too cold and not willing to take the risk of loosing herself along the way of their relationship? Hindi niya maintindihan... Para kasi sa kanya, ang physical na aspeto ng relasyon ay pwedeng maghintay kung talagang nakahanda na siya... pero hindi siya naging handa para rito...

Dahil ba may iba siyang hinahanap? Dahil ba hindi kaya ng kayang sarili na gawin ang isang bagay na ayaw niya? Pero... pero bakit noon kay Rhian, buong puso niyang ibinigay ang kanyang sarili?.. maliban sa isang bagay... dahil hindi rin naman ito nag-insist noon...

Ang tulad ba talaga ni Rhian ang hinahanap niya?...

She learned about Rhian's relationship with JC de Vera. Hindi rin ito nagtagal. Hanggang napaugnay ito sa isang DJ na mas matanda rito ng labindalawang taon. Marahil, father image talaga ang hinahanap ni Rhian... isa itong relasyon na hindi rin nagtagal. And she was not happy to know that this young girl was involved to another guy. To Jeric Lacson... the son of the Senator.

Three different boyfriends only in two years... Her ex-girlfriend was a playgirl!

Alam niya, pareho lang sila ni Rhian... pareho silang nasa stage na nalilito sa pagkatao. Ang kaibahan lang niya, kasama niya ang mga magulang. May pader na pumipigil sa kanya para maging maayos ang buhay... hindi katulad ni Rhian... she was basically living alone... she was trying to find herself by shifting from one relationship to another... Rhian was trying to find herself... trying to prove to herself that she's like any other girls that deserved to be happy in a heteronormative relationship... Pero... pero bakit ganoon? Bakit hindi nito makita ang hinahanap?

Kung minsan ay nagkikita pa rin naman sila ni Rhian kapag may production number sila tuwing araw ng Linggo sa Party Pilipinas. They became acquaintances like other leading ladies in GMA. Naroon pa rin ang fondness niya rito... at siguro ay hindi na mawawala 'yon... siguro ay mananatiling special para sa kanya si Rhian... special simula pa noong makita niya ito sa McDonald's commercial...

Until in late 2011... Rhian was involved in a nightmare-like scandal.

———————

June 17, 2018. Kadarating pa lang niya sa condominium unit niya sa Rockwell. Siguro ay two hours pa siyang maghihintay kay Glaiza. Kanina, habang kausap niya ito sa loob ng kanyang kotse ay gusto niya itong yakapin. She missed her. Sobra!

Her girlfriend obviously losed weight. Maybe because of her busy schedule? O baka isa rin sa dahilan ang naging misunderstanding nila ng nagdaang araw? Somehow, she felt guilty. Hindi naman niya sinadya na magselos ito. Siguro kailangan nilang mag-usap ni Glaiza. May mga araw pa kasi na magkikita sila ni Jolo katulad ng pictorial sa darating na Tuesday. Magkakasama pa rin sila sa promotion ng movie. Napili rin siya ni Jolo para kumanta ng isa sa tatlong composition nito. Ang Napagod, na ire release sa itunes anytime this year.

Glaiza must understand that everything is only work related...

Mahal niya si Glaiza. She has that magnetic personality. Mahirap bitawan. She's the kind of person where you can easily drown into. For others, she is mysterious. And she's lucky because she's uncovered the mystery within Glaiza's personality. At higit dito, siya ang nagmamay-ari sa puso nito.

Malambing ito sa kanya kapag magkasama sila. Although kung minsan ay tahimik ito, marami itong antics na natatawa siya. And she finds her cute sa mga trying-hard jokes nito.

Glaiza is her inspiration to write her own song. And she hopes to collaborate with her very soon.

Sa relasyon nila, nandoon lagi ang bigayan. Ang proper adjustment sa isa't isa. Marami mang pagsubok, pero wala sa option niya ang makipaghiwalay rito... She will hang on...for the sake of their love...

Nahiga siya sa sopa. Gusto muna niyang matulog kahit saglit lang. Sunday should had been her rest day pero maaga rin siyang gumising para mag work out at para samahan ang kanyang mommy sa pagsisimba. At ngayon nga, kailangan nilang bumawi ni Glaiza sa isa't isa. Matatagalan pa kasi ulit bago lumuwag ang schedule ng girlfriend niya. Maybe by first week of July? And by that time, magsisimula naman ang shooting nila ni JM de Guzman para sa bagong movie nila... bahala na! She'll make sure to make time for her girlfriend...

Anyway, kapag natapos na ang Contessa, may mas mahabang panahon na sila sa isa't isa. At least... at least, bago siya magtungo sa US para mag-aral... At least bago magbakasyon si Glaiza sa US kasama ang pamilya.... At sana, magtugma rin ang date ng bakasyon na ibibigay ng GMA kay Glaiza sa date ng pagtungo niya sa US. Kung sakaling magkakasabay sila, they can arrange to see each other in the US. Kahit pa sa West Coast siya at sa East Coast ang girlfriend niya... madali na itong magawan ng paraan...

Anyway, everything will be all right. They are both grown up now. Hindi na sila katulad ng dati... hindi tulad noong siyam na taon na ang nakakaraan...

—0—

December 2009. Hindi ganoon kadali para sa kanya noong matapos na ang Stairway to Heaven. Nagkaroon siya ng separation anxiety sa show at sa mga nakasama niya rito. They had been her second family. And the soap had been her second home. Pero ang mas ikinalulungkot niya, nagkahiwalay na sila ni Glaiza...

Kung ano man ang nangyari sa kanila ni Glaiza ay isa na lamang magandang alaala...

Pagsapit ng taong 2010 ay naging busy na sila pareho. She had been a part of Dear Friend's episode for the month of February. Noong taon din na iyon niya ginawa ang Ilumina at ang situational fantasy comedy na Kaya ng Powers. Sunod sunod din ang magazine cover niya. Noon ding taon na iyon niya ginawa ang Saving Sally. At noon din siya nanalo bilang Asian Model sa South Korea.

It was the same year when she had a relationship with JC de Vera. Subalit hindi niya naramdaman sa sarili niya ang tunay na definition ng pagmamahal sa kanyang puso. Hindi nagtagal ang relasyong iyon. Inaamin niya na naging mapaglaro siya. Pilit siyang naghahanap ng atensiyon at pagmamahal sa mga naging boyfriends niya. Pero... tila iba ang kanyang hinahanap... Bakit hindi niya kayang mahalin ang mga taong ito katulad ng pagmamahal niya noon kay Glaiza? Talaga bang ang puso niya ay para sa isang babae na tulad niya?

Noong 2011 ay naging busy si Glaiza sa apat na sunod-sunod na indie films. Noong taon din na 'yon ito napasama sa cast ng long-running na Amaya.

Siya naman ay naging busy rin ng taon na 'yon. Tatlong movies ang sunod-sunod na ginawa niya para sa mainstream. Maliban rito ay ang mga TV commercials katulad ng PLDT DSL, Head and Shoulder Shampoo at iba pa. Mas lalong naging maningning ang kanyang career lalo na at ilang billboards niya ang makikita sa EDSA. She was almost at the peak of her career...

Subalit... ang lahat ng katanyagan na iyon ay biglang nawala sa kanyang mga palad..

Isang eskandalo ang halos nagpaguho ng mundo niya... Isang eskandalo na pati ang pamilya niya ay nadamay. Isang eskandalo na nagpabago ng kanyang buhay... Subalit... kung maraming negatibong nangyari noon sa buhay niya, ito rin ang dahilan para maramdaman niya ang pagdamay ng kanyang pamilya. Her mom decided to stay with her. Lagi ring nasa tabi niya ang kanyang Ate Nadine. Ang daddy niya na nasa Thailand ay lagi ring tumatawag sa kanya. Ang mga pinsan niya ay lagi ring nandiyan para damayan siya. Isang masakit na karanasan na naging dahilan para pahalagahan nila ang kanilang pamilya. Isang masakit na karanasan para mabuong muli ang samahan ng kanyang mga magulang. Na bagaman at magkahiwalay, naging magkaibigan ang mga ito... Isang masakit na karanasan iyon... pero hindi siya iniwan ng mga taong totoong nagmamahal sa kanya - ang kanyang pamilya at ang kanyang mga loyal fans.

Until she decided to stay away from showbiz for a while in 2012. And came back in 2013. But since then, hindi na siya part ng Talent Center. Since then, hindi na ganoon kaningning ang career niya. Since then, hindi na siya tinigilan ng bashers. Since then, ang apat na sulok lamang ng kwarto niya ang naging saksi sa mga lihim na pag-iyak tuwing gabi bago matulog... she was young... yet exhausted.

Nagkikita pa rin sila ni Glaiza sa Party Pilipinas. Naroon pa rin ang special na pagtingin niya rito... siguro, hindi na mawawala iyon. Subalit... marami ng nangyari... magkaiba na ang kanilang mundo ... kaya naman marahil, mananatili na lamang sila bilang magkaibigan... But Glaiza... she'll always be her special memories...

Hanggang noong April 2015, isang e-mail ang natanggap niya mula sa Executive Producer ng The Rich Man's Daughter...

————-

June 17, 2018. High Street Cafe. Pagkabalik ng restaurant ay naupo agad si Glaiza sa tabi ng ama. Nandoon na ang mga in-order nilang pagkain. Nagsisimula na ring kumain ang mga magulang.

Iniabot niya sa ama ang regalo ni Rhian. "Tatay, may nagpapabigay sa inyo. Happy Father's Day daw po".

"Kanino ba galing ito anak?"

Sa halip na sumagot sa tanong ng ama ay iba ang sinabi niya. "Kumain na tayo. Nagugutom na ako".

Subalit nakita na ng kanyang ama ang card na nakasabit sa bag.

"Pakisabi kay Rhian, salamat" Inilabas ng mabait na ama mula sa gift bag ang regalo. May box ito na may transparent cover. Isa itong set ng Gucci belt and wallet.

"Naregaluhan ka lang, sobra na ang ngiti mo", wika ng kanyang ina. "Sabi ko na nga ba, si Rhian ang dahilan kaya ka lumabas".

Tiningnan lang niya ang ina. Ngumiti siya. Ayaw niyang magtalo sila sa harap ng ama habang nagse celebrate sila ng Father's Day. Alam niya na hindi man nito sabihin, ramdam ng kanyang ina na patuloy pa rin ang pagkikita nila ni Rhian.

"Inimbitahan mo sana siya na maki-join sa atin anak". Wikang muli ng ama.

"Oo nga, narito na rin lang siya, hindi pa siya ang nag-abot ng regalo", dagdag ng ina.

"Hindi ka naman bitter, 'Nay?" Biro niya

"Naku, Cha! Noon pa kita pinipigil, hindi ka nagpapapigil. Bahala ka na. Nasa tamang edad ka na. Ang paalala ko lang sa iyo, anak, mag-ingat kayo. Isang pagkakamali niyo lang, mawawala ang mga opportunities na pwede pang dumating sa inyo".

"Kaya nga po hindi na siya bumaba, 'Nay. Ayaw din niya na may makakita na magkasama kami"

Hindi na kumibo ang ina. Kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Alam niya na unti unti na rin itong nasasanay sa independence na ibinigay sa kanya. At alam niya na masasanay na rin ito kay Rhian

—0—

Rockwell. 9:00 PM. Glaiza parked her red Ecosport car in a paid parking space inside the mall. Nakayuko siya habang naglalakad. Bagaman at alam niyang hindi naman mahilig sa Philippine showbiz ang mga nakatira sa building na ito, mas mabuti na ang nag-iingat. Ng makarating sa sadyang palapag, nag doorbell siya sa unit ng condominium ni Rhian. It was a three long bells. Hindi nagtagal ay nagbukas ito ng pinto. Rhian is in her spaghetti top and short shorts. No make up... And she's in a black blouse paired with shorts.

Tulad ng nakaugalian nila, mabilis nilang isinara ang pinto.

Yumakap siya rito. "I missed you"

Gumanti ito ng yakap sa kanya. "I missed you too, lubb"

Without any warning... they kissed.... they kissed...

And in between their lips, each one murmured "I love you"

Then Rhian joked, "which one is ready, my cheese or my mayonnaise?"

And she burst into laughter! "Both!"

——————

Author's Note:

Hoy!!! Pwedeng doon kayo sa room? Nasa pinto pa lang kayo! Hindi makapaghintay?

Kung minsan, iniisip ko, kung totoong may relasyon ang RaStro, napakahirap ng siwasyon nila lalo na kung may umaaligid sa isa sa kanila. Katulad sa fictional story na ito. How can Rhian tell Jolo that she has a girlfriend? How can Glaza tell Jolo to stay away from her girlfriend? Hindi ganoon kasimple. Kung showbiz ang bread-and-butter nila, how can they easily take the risk?

Ang sakit sa ulo! Hayy!

Words to ponder:

Taping - salitang ginagamit para sa TV program; Shooting/filming - salitang ginagamit para sa movies

Uy! 21 straight days nang number 1 RaStro story ang Fly With Me. Nakaka 3 weeks na. Hindi ko alam kung paano ginagawa ng watty ang ranking. Pero salamat sa inyo.

Comments? Press star?

Continue Reading

You'll Also Like

513K 7.7K 83
A text story set place in the golden trio era! You are the it girl of Slytherin, the glue holding your deranged friend group together, the girl no...
430K 10.9K 60
Lady Florence Huntingdon, daughter of the well-known and more importantly, well-respected Earl and Countess Huntingdon is stepping into the 1813 marr...
699K 25.6K 100
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! 😂💜 my first fanfic...
1.3M 55.2K 101
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC