Love On Air 2: Araw Gabi (Com...

By Kandice_Gonzales

74.1K 1.4K 63

"It's easy to fall in love with you. Bulag at tanga lang ang hindi magkakagusto sa'yo." Animo araw at gabi si... More

Prologue
Chapter Two
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen

Chapter Three

4.2K 85 0
By Kandice_Gonzales

"ANO'NG sabi mo, Jammy? Tama ba ang narinig ko na sasali ka sa COCC?"

Muntik nang mapailing si Jammy sa exaggerated na reaksiyon ng kaklase at kaibigan niyang si Jasmine. Nakasanayan na nitong tawagin siyang 'Jammy.' Masyado raw kasing mahaba ang pangalan niyang Jamaica. Kasalukuyan silang nasa labas ng classroom nila at nagpapalipas ng oras. May sampung minuto pa bago magsimula ang susunod nilang klase.

"Opo, sasali ako sa COCC. Heto nga, o, kumuha ako ng application form. Isa-submit ko na lang mamaya pagdaan ko sa COCC office."

Mabilis na inagaw ni Jasmine ang hawak niyang papel. Akmang pupunitin nito ang papel nang mabilis niya iyong inagaw mula sa kamay nito. "Jasmine! Huwag mong punitin 'yan!"

"Nakalimutan mo na ba? Bawal sa 'yo ang naiinitan, Jammy! Paano ka sasali sa COCC, ha? Hindi mo ba alam na sa ilalim ng araw sila nagte-training? Hindi mo ba alam na karamihan sa activities nila, eh, naka-expose sa araw? Paano mo matatagalan ang training kung hindi ka puwedeng naiinitan?"

"Kakayanin ko, Jas."

Si Jasmine ang nag-iisang kaibigan ni Jammy. Ang kaibigan din ang muse ng klase nila. Noong mga unang araw niya, palagi itong lumalapit sa kanya at hinihila siya sa kung saan-saan. Ang akala niya ay pinagti-trip-an lang siya ni Jasmine katulad ng iba. Pero sa isang buwan niya sa St. Agustin, napatunayan niya na sincere ito sa pakikipagkaibigan sa kanya. Si Jasmine ang naging replacement ng ate niya dahil ipinagtatanggol siya nito kapag may nanunukso sa kanya.

"Ano'ng pumasok sa isip mo at gusto mong mag-COCC?"

"I'm already sixteen, Jas. At sa loob ng sixteen years, palagi na lang akong nagtatago. Ang lolo ko at si Ate, at ngayon pati ikaw, palagi n'yo akong ipinagtatanggol sa mga tao. Pagod na akong maging mahina. Gusto kong maging matapang. Sa COCC, tuturuan nila akong maging matapang. Tuturuan nila akong maging disiplinado, tumaas ang self-esteem ko, at ipaglaban ang mga karapatan ko. Hindi puwedeng habang-buhay na lang akong umasa sa ibang tao. I should face my own fears. And I should start somewhere. Itong COCC, makakabuti ito sa akin. Naniniwala akong malaki ang maitutulong nito sa akin."

Umiling si Jasmine nang paulit-ulit. "You're a fool. Paano 'yon makakabuti sa 'yo? Pagti-trip-an ka lang ng mga officers. Sigurado ako na isa sa ipapagawa nila sa 'yo ay ang magbilad sa araw. Bago matapos ang training, hindi na kita kilala sa dami ng rashes mo sa katawan."

Naalala ni Jammy ang ate niya. Ganitong-ganito ang kapatid kapag pinapagalitan siya, kapag may gustong ipunto sa kanya. Iyon din ang pagkakataon na napatunayan niya sa sarili na totoong kaibigan si Jasmine. Dahil kung hindi, hindi siya nito papagalitan katulad ngayon. Kung makikilala ng ate niya si Jasmine, sigurado siyang magkakasundo ang dalawa.

Hindi lingid sa kaibigan ang allergy niya sa araw. Isa iyon sa itinanong nito sa kanya noong una silang nagkakilala. Si Jasmine lang ang matapang na tumabi sa kanya noong first day nila. Sinabi niya rito ang tungkol sa sakit niyang polymorphic light eruption o PMLE. Nagulat siya nang sa halip na iwasan siya katulad ng iba nilang kaklase, nakipagkaibigan ito sa kanya. Pinatunayan nito sa pamamagitan ng pakikipaglapit sa kanya na hindi nakakahawa ang sakit niya. And for that, she was very thankful.

"I'm sorry, Jas, pero buo na ang desisyon ko. Sasali ako sa COCC. There's nothing you can do or say to change my mind."

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Paano mo sasabihin sa lolo at ate mo ang gagawin mo? For sure, hindi sila papayag na mag-COCC ka. Baka ikulong ka nila sa bahay at hindi ka na papasukin."

"Hindi ko muna sasabihin sa kanila. Saka na. Maghahanap ako ng magandang timing."

Hindi gusto ni Jammy na maglihim sa lolo at ate niya pero gusto niya talagang sumali sa COCC. Naniniwala siyang makakabuti sa kanya ang pagsali roon. Pagod na siyang maging mahina. Pagod na siyang magtago sa mundo, sa likod ng lolo, kapatid, at kaibigan niya. Gusto na niyang maging matapang. Hindi puwedeng habang-buhay na lang siyang aasa sa ibang tao. Hindi puwedeng habang-buhay na lang siyang pabigat. Kailangan niyang harapin lahat ng takot at kahinaan niya. Kailangan matuto siyang ipagtanggol ang sarili.

Life was cruel and unfair, lalo na sa mga tulad niyang kakaiba. But somehow, she had to learn to step up. Kailangan niyang matutong sumabay sa agos ng buhay. Ang COCC, tuturuan siya niyon. Naniniwala siyang tuturuan siya ng COCC ng disiplana, na maging matapang, ipaglaban ang mga karapatan niya, at higit sa lahat ang tumaas ang self-esteem niya. Kakayanin niya. Kahit ano ang mangyari, kakayanin niya.

"May extra form ka ba diyan? Sasali na rin ako sa COCC."

"You don't have to do this, Jas..."

"Sino'ng nagsabing gagawin ko ito para sa 'yo?" Ngumiti si Jasmine. Kumislap ang mga mata nito sa saya at excitement. Hindi aware ang kaibigan na lalo itong gumanda. "Alam mo bang may crush akong officer? Mas mapapalapit at mapapansin niya ako kung isa ako sa ite-train niya."

"May crush kang officer? Bakit hindi mo yata nakuwento sa akin?"

Namula si Jasmine. Parang ito ang binilad sa araw sa pagbaba-blush nito. "Ano kasi... noong isang linggo ko lang siya nakilala. At sandaling-sandali lang 'yon. Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya..."

Nagsimula itong magkuwento tungkol sa bagong crush na officer. Biglang naalala ni Jammy ang lalaking tumulong sa kanya. Base sa suot nitong uniform, alam niyang schoolmate niya ito. Hindi na sila nagkita uli ng tagapagligtas niya.


--------------------------------------------------------


"SUSUKO ka na ba, Crisostomo? Hindi ka ba nahihirapan? Kung ako sa 'yo, magku-quit na ako."

"No, Ma'am."

"Aba, matapang ka. Tingnan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng tapang mo. Tumayo ka."

Mula sa pagkaka-squat, pinilit ni Jamaica na tumayo. Tiniis niya ang pananakit ng legs. Kung tama ang estimate niya, halos twenty minutes siyang naka-squat. Iyon ay utos sa kanya ni Grace, ang babaeng nakabungguan niya noong unang araw niya. Hindi niya alam na officer pala ito. Bukod sa training nila, may prebilihiyo ang mga CAT officers na utusan silang mga trainee. Si Grace at ang mga kaibigan nitong officer ay paborito siyang utusan. Pinapa-squat din siya hanggang sa halos hindi na niya maramdaman ang mga buto sa binti.

Napatingin siya kay Jasmine na katabi niyang naka-squat. Tinangka nitong ipagtanggol siya kay Grace. Ang resulta, pinarusahan ito at pinag-squat din sa tabi niya. Awang-awa siya sa kaibigan. Dahil sa kanya kaya ito nahihirapan ngayon.

"Alam mo bang mas mahirap pa diyan ang ipinagawa sa amin noon? Nakita mo 'yong gitna ng basketball court? Doon ako pina-squat noon dahil napag-trip-an ako ng isang officer. Gusto kong pumunta ka sa gitna ng court at doon mo ipagpatuloy ang pag-squat," utos ni Grace sa kanya.

"Pero-"

"Nagrereklamo ka? Gusto mong isumbong kita kay Sir Tolentino?"

Namutla si Jammy. Si Sir Tolentino ang over-all in charge sa kanilang mga trainees at officers. Base sa mga narinig niya, galing daw ito sa Amerika. Noong isang taon nagpasya itong bumalik at magturo na lang sa Pilipinas. Single pa rin daw si Sir Tolentino at sa tantiya niya ay kasing-edad ito ng kanyang ina. Naalala niya bigla na muntik nang hindi tanggapin ang kanyang application sa COCC kung hindi siya ipinagtanggol ni Sir Tolentino sa board. At mula noong nagkakilala sila ng guro ay lagi itong nakangiti at binabati siya tuwing nagkakasalubong sila sa school premises. Hindi ito nagkulang sa pag-encourage at pagmo-motivate sa kanya. Minsan din ay inaabutan siya nito ng pagkain at tubig pagkatapos ng training nila. Napakabait nito sa kanya.

"Gagawin ko na," aniya.

"Huwag mong gawin, Jammy. Nakatutok ang court sa araw. Hindi mo kakayanin doon," ani Jasmine.

"Tumahimik ka! Sinabi ba naming magsalita ka, ha?" sita ng isa sa kaibigan ni Grace kay Jasmine.

"Huwag kang mag-alala, Jas. Ayos lang ako." Iyon lang at naglakad na si Jammy papuntang basketball court. Katulad ng utos sa kanya, nag-squat siya sa gitna ng court. Hindi niya pinansin ang init ng araw na tumatama sa balat niya. Pumikit siya at nag-imagine ng magagandang bagay.

"May plano ka bang magpakamatay?"

Nagmulat si Jammy ng mga mata nang marinig ang malalim na boses na iyon. Agad niyang nakilala ang lalaking nakatayo sa harap niya. Ito rin ang lalaking tumulong sa kanya noong awayin siya ni Grace at ng mga kaibigan nito.

"Bawal sa 'yo ang naiinitan. Ano'ng ginagawa mo at nagbibilad ka sa araw?"

Napatingin si Joshua sa blue ribbon na nakasabit sa leeg niya na tila kuwintas. Iyon ang palatandaan na isa siya sa trainee ng COCC. "Tumayo ka na diyan."

Umiling siya. "Hindi ako puwedeng tumayo. Papagalitan nila ako. Madadamay din ang kaibigan ko."

"Ako ang bahala sa'yo. Sige na. Tumayo ka na diyan."

"Pero-"

Hindi na nito pinatapos ang sinasabi niya. Lumapit ito at hinila siya patayo.

"Joshua! Ano'ng ginagawa mo? Bakit mo tinutulungan ang trainee na 'yan?" sita ni Grace na nakalapit na sa kanila.

Napatingin si Jammy sa lalaking tumulong sa kanya. Seryosong-seryoso ang mukha ni Joshua na tila galit. Sa kabila niyon, napakaguwapo pa rin nito sa kanyang paningin.

"Masyadong matigas ang ulo ng babae... I mean ng trainee na 'yan. Kailangan niyang turuan ng leksyon."

"Officer ka na, Grace. You should know by now na maraming paraan para turuan ng leksyon ang isang trainee."

"Pero 'yan din ang ginawa nila sa atin last year. Natatandaan mo pa ba, Joshua? Kasama rin kitang nag-squat noon dito."

"Hindi dahil ginawa nila sa atin noon iyon na ang tama." Muling bumalik kay Jammy ang tingin ni Joshua. His face was now softer as he looked at her. "Are you okay? May masakit ba sa 'yo?"

Naramdaman ni Jammy ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang kabaitan nito. Nahihiya, natutuwa, at kinikilig siya na hindi niya maintindihan.

"Sige na. Pumasok ka na sa loob." Napatingin ito sa braso niya. Namumula na ang mga iyon dahil sa pagkakabilad niya sa araw. Nagulat siya nang bigla nitong hawakan ang kamay niya. Hindi niya napigilang mapasinghap. Napakalambot ng kamay nito. Para siyang humawak sa bulak. It may be soft and smooth, but his hand was firm. She instantly felt safe and secure with his hand covering her hand. "On second thought, sasabay na ako sa 'yo. Naalala ko may pupuntahan ako sa loob," dagdag nito.

"Hindi ka man lang ba magpapaalam, Joshua? Kukunin mo na lang basta ang trainee na 'yan sa akin?"

"Bakit ko kailangang magpaalam? Nakalimutan mo na ba? Mas mataas ang ranggo ko sa'yo. I can do anything I want with the trainees. Hindi ko na kailangang magpaalam sa 'yo."

Iyon lang at nagsimula nang maglakad si Joshua. At dahil hawak pa rin nito ang kamay niya, wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Nakakailang hakbang na sila nang biglang tumigil si Joshua sa paglalakad.

Nagtatakang huminto rin siya at tiningnan ang lalaki. Sandaling nagtama ang mga mata nila bago ito muling tumingin kay Grace. "Simula sa araw na ito, ako na ang may hawak kay Miss Crisostomo at sa kaibigan niya. I suggest na maging mabait kayo sa kanila. Sige na, Miss, tumayo ka na diyan," anito na nakatingin na kay Jasmine.

Iyon lang at muling naglakad si Joshua. Tulalang sumunod si Jammy. Hindi pa rin siya makapaniwala na ipinagtanggol siya ng lalaki at ito na ang magiging backer niya sa mga officers.


-------------------------------------------------------------------


"HOW ARE you feeling? Makati ba ang allergy mo?"

Dumako ang tingin ni Jamaica kay Joshua na marahang dinadampian ng towel ang kanyang braso. Bahagyang malamig ang towel, kahit paano ay nabawasan ang pangangati niya dahil sa ginagawa nito.

Ngumiti siya. Parang part two ng nangyari last week ang nangyayari sa kanyangayon. "Okay na ako. Maraming salamat."

"Gusto mong dalhin kita sa clinic?"

There was a hint of concern in his voice. Hindi niya napigilang muling mapangiti. "Huwag na, okay lang talaga ako. Papagalitan lang ako ng nurse doon."

Napatitig siya kay Joshua. Napakaguwapo talaga nito, lalo na kapag ganitong malapitan. Bumibilis at lumalakas ang tibok ng puso niya tuwing natititigan ito tulad ngayon.

"Hindi ba may allergy ka sa araw? Bakit nag-COCC ka pa rin? Hindi mo ba alam na sa ilalim ng araw kayo magte-training? At hindi lang si Grace ang magpapahirap sa 'yo. Posibleng may ibang officer ang gawin din ang ginawa niya at ibilad ka ulit sa ilalim ng araw."

Huminga siya nang malalim. "I need to do this."

Nagsalubong ang mga kilay nito. "What are you trying to prove? Gusto mo bang parusahan ang sarili mo?"

Hindi alam ni Jammy kung bakit natagpuan niya ang sariling nagkukuwento kay Joshua. Ikinuwento niya ang tungkol sa pamilya niya-sa lolo niya, sa ate niya, at sa kanyang ina. Sinabi rin niya ang dahilan ng pagpasok sa COCC. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang kadali para sa kanya ang mag-open up sa binata. Siguro dahil dalawang beses na siya nitong tinutulungan. Bagay na hindi nito kailangang gawin pero ginawa pa rin.

"You're such a brave woman," anito pagkatapos niyang magkuwento. "I've never met someone as brave as you."

Parang ibinilad na naman sa araw ang mukha ni Jammy. Kahit hindi nakaharap sa salamin, sigurado siyang parang natapunan ng blush-on ang kanyang mga pisngi.

"Thank you, ang bait-bait mo sa akin," hindi niya napigilang sabihin.

"Wala, eh, malakas ka sa akin. Don't worry, akong bahala sa 'yo. Sagot kita sa lahat ng officers."

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Are you serious?"

"Bakit? Ang akala mo nagbibiro lang ako nang sabihin ko iyon kanina?" Nahihiyang tumango siya bilang pag-amin. "Ouch! I'm hurt!" anito sabay hawak sa may dibdib.

She couldn't help but laugh. He did not know how adorable he looked. Kung hindi lang siya nahihiya, kinurot na niya ito sa pisngi. "Have a little faith in me, sweetheart. Kahit kaunti lang."

Hayun na naman ang pamumula ng mukha ni Jammy dahil sa pagtawag ni Joshua sa kanya ng 'sweetheart.' Nakakahiya! Kung palagi siyang mamumula nang ganito, baka mapagkamalan siya ng binata na may malalang sakit. Or worst, maisip nito na may crush siya rito!

Wala nga ba, Jamaica?

Muntik na siyang mapailing. Wala siyang crush kay Joshua. Napopogian at nababaitan lang siya sa lalaki. Mahirap na hindi mapansin ang tulad nito. Kung niluluto ang tao, sigurado siyang tama ang pagkakaluto rito. Walang labis at walang kulang. Hindi katulad niya na mukhang nasobrahan sa pagkakaluto.

"I'm sorry, hindi pa pala ako nagpapakilala. I'm Joshua Castillo," pakilala nito, flashing his nice, warm, and very charming smile.

Looking at him, it was hard not to smile back. "Jamaica Crisostomo, at your service, Sir."

Nagkamot ito ng ulo. "Please huwag mo na akong tawaging 'sir.' Nakakailang."

"Pero ikaw ang backer ko. Dapat lang na tawagin kitang 'sir.'"

"Wala 'yon. I volunteered, remember?"

"Pero nakakahiya... baka kung ano ang isipin nila..."

"Isa pang reklamo ibabalik kita kay Grace," pabirong sabi nito.

Natawa siya.

"Can I call you 'Maica'?" tanong nito mayamaya.

Ngumiti siya. Maica... it sounded sweet coming from him. Nakangiting tumango siya. "Okay."

Tila wala sa sariling itinaas ni Joshua ang kamay, pero sa huli ay nagbago ang isip at muling ibinaba. Huminga ito nang malalim. "Okay ka na?"

Tumango si Jammy. Paano siya hindi magiging okay kung kasama niya ito?

"'Pag may nang-away ulit sa 'yo o may nagpahirap sa 'yo na officer, isumbong mo sa akin. Ako ang bahalang bumawi sa 'yo."

"Ganyan ka ba talaga? You're too nice and too thoughtful."

Namula si Joshua. Gusto niyang itaas ang kamay at kurutin ang mapula nitong pisngi. Nahiya lang siya kaya pinigilan niya ang sarili. Naisip niya, iyon din kaya ang planong gawin ni Joshua kaninang itinaas nito ang kamay?

Napailing siya. Ang assuming naman niya para isipin iyon.


- to be continued

Continue Reading

You'll Also Like

74.5K 509 3
"Since that day you told me to stay away from you, you also took away my only reason to live." Romance writer si Graciella pero kabaliktaran ng magag...
79.2K 1.5K 11
Nang mamatay ang lola ni Freya ay nasanay na siyang mamuhay nang mag-isa. Ayos lang naman iyon sa kanya dahil may negosyo naman siyang pinagkakaabala...
61K 1.2K 10
"I've always thought that someday you're going to be mine." Erika was a frustrated romance writer. Lahat ng manuscripts niya ay pawang mga reject...
42.4K 850 23
TEASER: Kung ganyan ka babaw ang pagkakatingen mo sa akin,pwedi muna akung iwan,hindi ko ipinagpilitan ang sarili ko sa'yo kaya pwedi ba iwan muna ak...