Carnal Desires 1: Lux Conte

By JellyAcecake

124K 2.8K 246

Mula pagkabata ay naniniwala na si Sienna sa fairytale endings at lalo itong umusbong dahil sa isang munting... More

Carnal Desires 1: Lux Conte
Desire 1
Desire 2
Desire 4
Desire 5
Desire 6
Desire 7
Desire 8
Desire 9
FINAL DESIRE

Desire 3

9.7K 249 11
By JellyAcecake

"Hey Roux!" Napalingon siya sa tumawag sa kaniya at nakita ang pinsan na si Ceyera.

"Ate Cey!" Bati niya sa pinsan na nagiikot sa subdivision nila para ibigay ang annual gathering sa mga homeowners.

"Una na ako ha. Madami pa kasi akong ibibigay na invitation at kailangan ko din huntingin ang pinsan nating si Cassidy. Panuguradong nagshoshopping na naman ang gaga." Tukoy nito sa pinsan namin na si Cas. Ate Ceyera and Ate Cassidy are best friends just like their mom.

Binuksan niya ang magarbong invitation at namangha na lamang siya dahil may LED light pa na gamit sa title ng event at may edm music pa na kasama. Meron din maliit na screen kung saan may teaser ang gaganapin na event.

"Mukhang banong bano ka diyan." Basag ni Zitti sa pagkamangha niya sa invitation.

"Pupunta ka?" Mapangasar na tanong niya dito.

"Pupunta ba siya? I mean? Ako pa ba? Syempre. Hindi! Allergic ako diyan." Sabi nito sa akin at umupo sa hammock katabi ko.

"Uy baka bumagsak." Biro ko dito pero sinamaan lang ako nito ng tingin.

"Gaga! Ang body shaming niyo talagang magkapatid pagbuhulin ko kayo." Pagmamaktol nito sa akin.

"Sino sa dalawa kong kapatid? Si Kuya Sevan ba?" Tanong ko dito.

"No! Love ako ni Sev di niya ako ibobody shame pero-grrr kapag nakita ko talaga ang isa mong kuya. I swear icacastrate ko siya." Inis na saad nito sa akin.

"Selos ka lang kay—" mahina kong bulong pero narinig pa rin ni Zitti at hinaltak ang buhok ko.

"Aray ha! Ang brutal mo na ngayon." Sabi ko dito na kunyaring naiinis.

"Ikaw kasi e. Kasi naman. Anyways, I know you're not mad Roux. Hindi bagay sa'yo." Sabi nito sa akin at niyapos ako. Ngumiti na din ako dito at niyapos ito ng mahigpit.

"So—are you coming?" Ulit na tanong ko dito at inirapan muli ako nito. Kung hindi pupunta si Zi baka hindi na lang ako pumunta sa gathering.

"I can reconsider Roux. Pupunta ka ba?" Tanong naman nito sa akin.

"I don't know kung hindi ka pupunta hindi na ako pupunta." Sabi ko dito at nginitian ito.

"Your face says it all. Gusto mo pumunta dahil kay Lux. Don't worry I'll give it a try this time." Sabi nito sa akin.

"Hindi ah. Nasa moving on stage na ako atsaka namimiss ko na din magcatch up sa mga friends natin like Ate Treva na kakauwi lang from Russia." Sabi ko dito para ibahin ang usapan.

"Oh yes. I missed her too. So punta na tayo?" Tanong nito sa akin.

"If it's fine with you e di tara na." Sabi ko dito at inaya ako magshopping spree.

—-
"Zi, kain na tayo. Kanina pa tayo naglalakad wala naman tayong binibili." May isang oras na kasi kaming naglalakad ni Zi sa Mall pero wala pa din kami makita na pwede bilhin sa gathering na mangyayari sa village.

"Hindi tayo susuko Roux! May mga hidden treasure na nakatago sa women's department at naniniwala ako dun." Sabi nito sa akin at parang model na naglakad. Napailing na lang ako dito. Naririnig ko na din ang pagkulo ng tiyan ko.

"Roux! Over here!" Tawag sa akin ni Zi mula sa isang boutique for plus size. Sumunod naman ako dito at nang makita ko na may maliit na sofa ay para itong kuminang sa paningin ko. Agad akong umupo dito.

"Take your time Zi!" Sabi niya sa kaibigan na abala sa pamimili ng isusuot na damit. Binuksan muna niya ang instagram niya at nakita ang mga nagcomment sa mga pinopost niya natutuwa naman siya sa mga ito.

"Hey princess!" Napatingin ako sa labas ng boutique at nakita ko ang Kuya Thayer. Pumasok ito sa loob at nagtaka kung bakit ako nandito.

"Bakit ka nandito Kuya? Akala ko may shoot kayo?" Tanong niya dito.

"Already done. Just hanging around again. How about you? May kasama ka?" Tanong nito sa kaniya. Alam niya na may idea na ito kung sino ang kasama niya dahil sa pagtaas ng sulok ng labi nito. Sasagutin ko pa sana ito ng lumabas si Ziti sa dressing room.

"Roux! Bagay—shit!" Nang makita ni Zi si Kuya Thay ay bumalik ito sa dressing room at makalipas ng ilang minuto ay lumabas muli ito at nagmamadali na kinuha ang bag at inaya akong lumabas.

"Getting ready for a date?" Mapangasar na tanong ni Kuya bago kami umalis sa boutique.

"None of your business Thayer at pwede ba huwag mo akong sundan para kang stalker." Inis na saad ni Ziti dito. Namumula na din ang pisngi nito indikasyon na sobrang inis na ito.

"Stalker? Wow! As far as I remember, ikaw ang stalker sa atin dalawa." Sabi ni Kuya kay Ziti. Pinagtaasan naman ito ni Ziti ng kilay.

"Noon yun atsaka bakit ka ba nandito?" Sabi ni Zi dito. Nanahimik naman ako at muling umupo sa may sofa at nanuod na lang sa pagaaway ng dalawa. Nakita ko na nanahimik na rin ang mga sales lady sa loob dahil sa eksena nitong dalawa.

"Simply because Ako ang may-ari ng mall na'to. Remember?" Sabi ni Kuya kay Zi. Napailing na lang ako sa inasta ng Kuya. Ang yabang talaga.

"Oo nga pala. Sa'yo nga pala ang mall na'to na kahit buhay pa ang mga magulang mo ay inaangkin mo na." Sabi ni Ziti dito. Hindi niya alam kung matatawa siya sa sinabi ng kaibigan. Nalito ata ito at akala ay nasa mall kami na pagmamay-ari ni Daddy.

Natigilan si Ziti at siguro ay nagsink in na ang sinabi. This is indeed Kuya Thatcher's mall. Sa aming magkakapatid ito lang ata ang nahilig sa mga gawain ni Papa at kami ni Kuya Sevan ay sa photography talaga.

"Roux! Tara na nga may masamang hangin na naman dito." Sabi sa akin ni Ziti at hinila ang kamay ni Kuya Thayer. Natawa na lang ako sa ginawa nito. Iba talaga ang nagagawa ng natataranta.

Nagpaumanhin ako sa mga sales lady na nasa loob pero mukha naman okay lang sa mga ito at nasiyahan pa nang masilayan si Kuya. Lumabas ako ng boutique at nakita na wala na nga si Ziti at Kuya. Alone again.

"Why a pretty lady like mi sirenita is alone?" Napatigil siya sa pinanggalingan ng boses at bumaling dito. Panandalian naman tumigil ang mundo niya at nakalimutan ang gutom ng makita si Lux.

Ito na naman naguumpisa na naman itong traydor na puso.

"Ah—Ikaw pala Kuya Lux." Bati niya dito. Tumabi naman ito sa kaniya at sinabayan siya sa paglalakad.

"Drop the Kuya mi sirenita. Just call me Lux." Kinindatan pa nga siya nito at nagpatuloy sa paglalakad. Nakakabwisit lang! Bakit kailangan pa niya kumindat kung may modelo na siyang jowa?

"Kumain ka na?" Basag nito sa katahimikan. Sasagot sana siya pero kumulo ang tiyan niya ng malakas tamang-tama para marinig ito nito.

"Ah—sorry." Pagpapaumanhin niya sa kaingayan ng tiyan niya. Bakit ngayon pa ito tumunog? Bad timing!

"I'll take that as you're hungry. Let's eat, my treat." Tatanggi sana siya pero gutom na talaga siya at kailangan niyang magpakapraktikal. Kinuha ni Lux ang kamay niya't hinawakan ito. Hinila siya nito at nagpaubaya na lang siya dahil sa kabiglaan.

Nagingay muli ang tiyan niya at hindi niya alam kung gutom ba ito o mga nagwawalang paru-paro. Siguro mas pipiliin na lang niya ang pagkulo sa gutom dahil ayaw niyang paasahin ang sarili pero at the same time mas lamang ang mga nagwawalang paru-paro sa nangyayari sa kaniya ngayon.

Dinala nga siya ni Lux sa Isang restaurant na nagbalik na naman ang alaala niya noong mga bata sila. Ang lugar kung saan nila paborito kumain. Pinaghila siya ni Lux ng upuan at nakaramdam siya ng init sa pisngi.

Lux, huwag ka ganito please. Nagmomove on na ako e.

"Hi Sir and Ma'am." Bati sa kanila ng manager ng restaurant. Nginitian pa sila nito lalo na si Lux kulang na lang ay maging heart shape ang mga mata nito. Nakakatuwa lang na marami pala talaga na nakakakilala kay Lux.

Binigyan sila nito ng menu at nagmungkahi ng mga best seller na dishes.

"What do you like Sienna?" Tanong nito sa akin. Agad naman napansin ng mata ko ang Baby back ribs na paborito ko kaso hindi kaya nakakahiya na ito ang orderin ko pero gutom ako at libre ito kaya grab the opportunity na.

"Baby Back Ribs?" Sabay nilang sabi at pareho naman silang natawa pati na ang manager ng restaurant.

"Ang cute niyo naman po na couple. Destiny talaga sabay pa na nagsalita." Nahiya naman ako sa sinabi nito.

"Uhm—hindi ko po kami couple." Sabi ko naman dito at nakita nito ang pagkagulat sa mukha. Parang may panghihinayang pero baka hallucination ko lang yun sa kagutuman.

"Oh-Sorry po Ma'am and Sir." Pagpapaumanhin nito sa amin.

"No problem." Sabi ni Lux dito at pinakita ang pamatay na ngiti mukha naman kinilig ang manager at kinuha na ang order namin.

"So-Wow! Hindi ka pa rin pala nagbabago." Sabi nito sa akin nang makaalis ang manager. Hindi ko naman alam kung ano ang tinutukoy ni Lux.

"Huh?" Naguguluhan tanong ko dito na nagpakunot sa noo ko. Ngumit naman ito sa akin.

"I mean yung baby back ribs. I thought like any other girls you would prefer salad over steak" Sabi nga nito sa akin.

"All time favorite kaya ang baby back ribs. Atsaka may mga bagay talaga na mahirap mabago" tulad na lang ng feelings ko sayo. Gusto ko sana sabihin sa kaniya pero sino ba naman ako no? Tanging little sister niya lang.

"Right and I'm proud na I can catch up with you today. So how's life Sienna?" Tanong nito sa akin. Paano ko ba ito uumpisahan?

Heto mahal kita pero kailangan ko na magmove on sa'yo.

"Ito ayos lang. wala naman masyadong nabago sa akin except na lalo ako naging cute." Biro ko dito at para na rin takluban ang kaba niya. Nakita naman niya ang pagtawa nito.

"Cute is for kiddos, I prefer that you're pretty woman now." Nagbigay na naman ito ng kilig sa akin pero saglit lang dahil naisip ko muli na may kasintahan na nga pala ito.

"Ikaw? Kamusta ka sa US? Sikat ka na talaga." Sabi niya dito.

"Nope, I'm not that famous. I'm still the old Lux your prince charming." Ayan na naman tayo. Huwag na natin ibalik ang nakaraan nasasaktan ako Lux.

"Uy—hindi no As far as I remember si Kuya Thayer yun at ikaw yung shokoy." Sabi ko dito at natawa pa ito sa sinabi ko.

"Do I look like shokoy to you?" Tinignan ko siya at naramdaman ko ang pangiinit ng pisngi ko. Kung ganito lahat ng Shokoy e di sana karamihan ng kababaihan nasa kailaliman na ng karagatan.

"Magagalit ka ba kapag sinabi ko na oo?" Tanong ko na lang dito. Napaisip naman nito at kinagat pa nito ang labi.

"Honestly, hindi. Cool nga e. Pagod na din kasi ako maging gwapo." Pagmamayabang nito kaya napataas ang kaliwa kong kilay.

"Hindi ko alam na nahawa ka din pala sa kahanginan ni Kuya Thayer." Biro ko dito at natawa na din ito.

"Maybe, Thay is a bad influence but I'm still a one man woman unlike him." Sabi nito at nilaro pa ang labi.

"Sinisiraan mo si Kuya no? One man woman? I doubt." Sabi niya dito pero gusto niya tanungin kung may kasintahan na ba talaga ito.

"Hey, I'm saying the truth besides one year na kami." Nakagat ko naman ang dila ko sa sinabi nito so totoo nga. May kasintahan na ito at si Yvoree kaya ito?

"One year na kayo ni Yvoree?" Sambit niya dito at ngumiti ito sa kaniya.

"We're not a couple. She's just a friend." Pagpapaliwanag nito sa akin. Friend? Baka naman f*ckable friend?

"Pero bakit wala ka naman pinopose sa instagram mo?" Tanong ko dito ar late na narealize ang sinabi ko. Mukha tuloy akong stalker.

"Are you stalking my ig?" Mapangasar nitong tanong.

"Hindi no. Aksidente ko lang nakita yung ig mo dahil sa finofollow ka ni Zi anyways bakit nga ba ako nagpapaliwanag sa'yo?" Sabi ko dito. Natawa pa nga ito at taimtim akong tinignan yung tipong matutunaw na ako sa titig niya.

"I'm just kidding. Well—our relationship is private. Ayokong mabash siya ng iba kaya mabuti na. Ilan lang kami na nakakaalam." Sana yung "our" kami na lang pero hindi e. Game over na talaga Sienna. May nanalo na ng korona.

"Oh. Sabagay madami ka ng fans." Komento ko na lang dito. Dumating naman ang inorder namin at nagumpisa na kaming kumain.

Sa mga oras na nakain kami ni Lux, hindi ko pa rin maiwasan na isipin na seryoso talaga ito sa girlfriend nito yung tipong pinoprotektahan niya talaga ito huwag lang itong awayin ng mga fans nito.

"Uwi na tayo?" Tanong ko kay Lux nang matapos kami kumain.

"Nah. Matagal din tayo hindi nagbonding Sie. Sulitin na natin so game ka ba?" Tanong nito sa akin. Sasama ba ako sa kaniya o Uuwi na lang at iiyak? Magpapakamartyr ba ako?

"Sige. Wala naman akong gagawin." Sabi ko dito at niyaya na nga ako nito sa parking kung nasaan ang sasakyan nito.

Tahimik lang kami ni Lux habang nasa biyahe nang basagin nito ang katahimikan.

"Alam mo ba may kakilala ako na namatay sa panis na laway?" Sabi nito sa akin.

"Ha? Sino?" Wala sa sarili kong sagot dito.

"I'm just kidding. Ang tahimik mo ata." Pansin nito sa akin. Syempre iniisip ko kung paano na naman ako magpapakamartyr sa susunod na oras kasama ka na kahit masakit go lang.

"Ah. Inaantok kasi ako alam mo naman kapag busog." Biro ko dito. Tumigil ang sasakyan kung nasaan ang park na pinupuntahan namin nila Lux dati. Ang park na nasa loob lang din ng village pero nasa hill side ito at tanaw ang buong kabahayan ng village ni Tito Cad.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko dito.

"Namiss ko 'to. It's been years at ngayon lang ulit ako nakapunta dito." Sabi naman nito at naupo sa isang swing kaya ginaya niya na rin ito. Nakita niya pa ang pagpikit nito at ninanamnam ang hangin sa park.

Hindi ko maiwasan isipin na mahaplos ang mala-anghel na mukha ni Lux kapag nakapikit. Mahahabang pilik mata at ang labi na mukhang masarap damhin. Sa paglipas kaya ng taon malambot pa rin kaya ang labi nito?

"Bakit nga ba ako nagiisip ng ganito?" Bulong niya sa sarili.

"Tanda mo ba noong mga bata tayo masaya tayo naglalaro dito. We are all livin' free malayo sa magulong mundo na kinahaharap natin ngayon." Sabi nito at nakangiti sa kawalan.

"Oo naman. Masaya maging bata." Sabi niya dito at napangiti na lang sa sinabi. Sana maging bata na lang muli sila ng nakasama niya pa ito ng matagal.

"Yes, yung kahit anong gawin natin okay lang. walang malisya, walang magjujudge sa atin." Sunod pa nito. Tumingin naman ito sa akin kaya tumingin ako sa kawalan.

"Nakakamiss talaga yung dati." Sagot na lang niya dito. Bigla naman nagring ang phone niya at nakita kung sino ang tumatawag. Number ng makulit niyang manliligaw na lagi niyang tinatanggihan.

"Bakit hindi mo sinasagot? Boyfriend?" Tanong ni Lux sa akin.

"Hindi no. Wala pa akong boyfriend." Napatingin si Lux sa kaniya na nagtataka.

"Why? You're pretty, smart, kind. Why don't you have one?" Iniintay kasi kita pero wala na pala ako dapat hintayin.

"I'm still young and hindi ko pinapriority. Also may hinihintay ako." Sabi niya dito at tumingin kay Lux na hanggang ngayon nakatingin sa kaniya. Bumilis na naman ng tibok ang puso niya.

"Woah! Mukhang madami na talaga akong namimiss na pangyayari so who's the lucky guy?" Ikaw! Tinatanong pa ba yan?

"Secret baka hindi kami magkatuluyan kapag sinabi ko sa'yo."Sabi ko dito at nginitian ito ayoko naman mapaamin ng wala sa oras.

"Sienna, kung may ibabalik ka dati ano yung gusto mo?" Out of nowhere na tanong nito sa akin. Napaisip naman ako ano nga ba yung gusto kong ibalik?

"Q and A portion? Siguro, kung may ibabalik man ako yung panahon na bata pa talaga ako yung puno ng saya at kulay. Happy happy lang pero hindi na pwede ibalik dahil kailangan tayo mag-grow up. Ikaw Lux ano yung gusto mong balikan?" Tanong ko dito. Tumingin muli ito sa kalangitan.

"Siguro yung teenage years. Ang dami ko kasing namissed. Maaga akong namulat sa realidad. I want to bring back that time para maamin ko din sa babaeng gusto ko—na mahal ko siya pero huli na rin ata ang lahat kasi hindi ko na mababawi yung panahon na naiwan ko siya." Mahina lang ang pagkakasabi ni Lux sa "mahal ko siya" pero nagimbal na ang buong pagkatao niya. Umaandar ang woman's instinct niya pero gusto niya itong sawayin. Naramdaman niya na nagpaparty party na naman ang paru-paro sa tiyan niya pero sinasaway niya ito dahil baka may kaklase si Lux na gusto talaga nito dati. Di ba?

"Bakit hindi mo inamin?" Tanong niya dito. Naging interesado tuloy siya.

"Naunahan kasi ako ng takot at bata pa siya." Napahigpit naman ang hawak niya sa rope ng swing.

Sienna, huminahon ka ibang tao yan for sure.

"Toddler?" Biro ko dito para mabawasan ang nararamdaman niyang tensyon.

"Silly. Just the right age gap." Kwento nito.

"Oh. Fair enough. Ano naman ang sasabihin mo sa kaniya if ever na magkita kayo?" Tanong ko dito. Nakita ko ang pagngiti nito sa kawalan.

"Except sa I loved her I would tell her that I miss her a lot. Nagkagirlfriend man ako pero she has a spot in my heart and sorry dahil umalis ako at natakot umamin sa kaniya." Sabi nito. Dama ko naman ang lungkot sa mga mata ni Lux pero nawala din ito agad. Tumayo na ito sa swing. Tinignan naman niya ito.

"Oh—uhm. What about now Lux? Mahal mo pa rin ba siya?" Curious na tanong niya dito. Ngumit naman ito sa kaniya.

"It's getting late na baka hinahanap ka na ni Tito and Tita pati na rin ng mga kuya mo. So-tara na?" Inilahad nito ang kamay nito sa akin at tumayo ako humampas naman ang swing sa likuran ng tuhod ko kaya napalapit ako kay Lux.

Bigla na naman nagwelga ang aking tiyan dahil sa sobrang lapit ko kay Lux. Nakahawak din ito sa likuran ko bilang suporta.

"Ah-tayo na." Sabi niya dito at inayos na ang sarili nauna na rin siya naglakad papalayo dito.

"Are you going to the party tomorrow?" Tanong nito sa akin nang tumigil ang sasakyan nito sa tapat ng bahay namin.

"Uhm—oo?" Sagot naman niya dito.

"Then I'll take that as a yes." Bababa na nga sana siya nang naunahan na siya nito na pagbuksan ng pinto.

"Thank you." Sabi naman niya dito. Malapit na naman sila sa isa't isa kaya siya na ang unang lumayo dito.

"See you tomorrow mi sirenita." Pagpapaalam nito sa kaniya.

"See you." Sabi naman niya dito at nagkatitigan pa sila pero una nang bumitaw si Lux.

"Lux!" Napatingin naman sila dahil sa boses ng kaniyang ina.

"Tita Serra." Binati nga nito si mommy. Ngumiti naman ng makahulugan si mommy ar sinenyasan ko ito na "wala lang ito" look.

"Thank you for bringing my daughter back home. Anyways, are you going tomorrow?" Tanong ni mommy kay Lux.

"Yes, I'll be there Tita. Can't miss it." Sabi nga nito kay mommy at nagpaalam na.

"You owe me a story sweetie." Sabi sa kaniya ng ina.

"Mommy, wala lang yun." Pagpapaliwanag niya dito.

"Whatever it is. It's a good start." Sabi ni mommy at nauna papasok ng bahay.

Bago siya pumasok sa bahay napatingin muna siya sa langit at nag-Thank you.

Thank you na kahit sandali lang ay nakasama niya muli si Lux.

—-
A/n: Thank you for supporting Lux's story! 💕💕💕 enjoy reading.

How about you dears? Kung may ibabalik kayo dati ano ito at bakit? 😅

Continue Reading

You'll Also Like

11.8M 475K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
472K 11.8K 22
FORTH BOOK OF GENTLEMAN'S QUEEN Leigh and Trinity Story Cover by: PANANABELS
32.2M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...