Notebook (One Shot)

By NotFactorable

207 10 11

Ang pag ibig na nagsimula sa katamaran. More

Notebook (One Shot)

207 10 11
By NotFactorable

I'm Chelsea Athena Jackson. I'm 17 years old. Nag aaral ako sa Rutherford Academy. Simpleng babae lang ako na may simpleng panga-- 

*Pak* 

Ay leshe! 

"Ano ba naman, Margarita! Kailangang mamatok?? Nagpapakilala lang ang tao oh!" sabi ko habang hinihimas ang batok kong binatukan ng magaling kong bestfriend. 

"Gaga! Malelate na tayo sa Math subject! Tara na nga!" at nang iwan na ang bruha. Pero hindi pa siya nakakalayo, tumigil siya at humarap sa akin. "At wag mo akong matawag tawag na Margarita. My name is Margarette. Not Margarita. So cheap." tapos tumalikod na siya at naglakad papuntang classroom. Siya si Margarette Joy Quintero. Ang napakagaga pero napakaganda kong bestfriend. 

Hay tama na nga ang pagpapakilala! Late na ko. 

Tumakbo ako papuntang classroom kaya daig ko pa ang nakipagtug of war sa warfreak ng eskwelahan naming si Satany Hellen De Villa. 

Napatingin ang classmates ko sa akin. And guess what? Wala pa pala si Ms. Doublemint! Putek tumakbo pa ko. Inayos ko ang sarili ko bago pumunta sa desk ko. 

"Hi Mr. Aircon." bati ko sa adik kong katabi. Pero shh lang kayo. Crush ko yan. :"> 

"Good morning Ms. Warfreak. Welcome to hell." nakangisi niyang sabi.

"Oh I'm scared. I'm a warfreak remember?" nakangisi ko ring sabi.

Hindi pa siya nakakasagot, dumating na si Ms. Doublemint. Badtrip! Math na naman. 

Kinuha ko nalang yung Math notebook ko. Habang nagdidiscuss, ginawa ko ang usual kong ginagawa tuwing Math time. Ang gawing diary ang likod ng Notebook ko. 

~~~~~~~~~*~~~~~~~~~*~~~~~~~~

Dear Punyetang Math Notebook, 

        Alam mo yung hindi ko pa nauubos ang pagkain ko, tumakbo na ako sa classroom para lang hindi malate, at parang nakipagtug of war pa ako kay Satan tapos pagdating ko sa room, wala pa pala si Ms. Doublemint? Badtrip lang di ba. At isa pa. Nakita ko na naman ang muka ng pinakakinaiinisan pero napakacrush kong si Joseph Martinez. Kahit na napakawalang hiya niya, crush na crush ko pa din siya- No, mahal ko na siya. 2 years crush ko na eh. 

-Athena 

ps. Nakakaboring ang Math. -.- 

~~~~~~~~*~~~~~~~~~*~~~~~~~~~ 

Sakto namang kakatapos ko lang magsulat ay kakaalis lang din ni Ms. Doublemint.

Physics naman ang next. Anak ng tupa. Isa pa ring nakakaboring yun eh. 

Wala pang ilang minuto, pumasok na si Mrs. Mentos. 

"Hay! Physics, Physics, Physics. Bakit ba nag eexist ka pa?" bulong ng katabi ko. Tumingin ako dito. 

"Kasi hindi mabubuhay ang tao kung walang force at motion?" sagot ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at ngumisi. 

"Hindi kita kinakausap, wag kang sumagot." tapos tumingin na siya kay Mrs. Mentos. 

"So nababaliw ka na ngayon dahil kinakausap mo yung hangin?" bulong ko habang nagsusulat ng lecture. 

-------- 

Pagkatapos ng klase, pumunta kami ng Library dahil tambayan namin yun ng bestfriend ko. (Malamig kasi dun eh.) 

Hinahanap ko sa bag ko yung Math notebook slash Diary ko dahil palagi ko yung binabasa ulit para aware ako sa kabaliwan ko. 

*Hanap* 

*Hanap* 

*Hanap* 

*Hanap* 

"Margarita, nakita mo ba yung Math notebook ko?" tanong ko kay Margarette pero umiling lang siya.

Takte! Nawawala yung Notebook ko! 

Sinubukan kong halungkatin yung bag ko pati case ko na lagayan ng libro pero wala. Hindi ko mahanap. 

Hala ka, maraming lamang secrets yun! Hindi pwedeng may makakuha nun! 

Tumakbo ako sa room at hinanap sa desk ko pero wala rin. Hinanap ko din sa mga posibleng paglagyan pero wala talaga. Nung nag give up na ko, lumabas na ako sa classroom at nagulat ako nang makita si Joseph. 

Na hawak ang notebook ko.. 

Gusto ko nang lumubog sa ilalim ng second floor dahil nakita kong nasa pages siya nung part na diary ko. Feeling ko para na akong apple na nasobrahan sa fertilizer dito sa sobrang pula. At lalo pa akong nahiya nung nakita kong ngumisi siya! 

Tinry kong hablutin yung notebook ko pero dahil mas matangkad siya, hindi ko naabot kasi bigla niyang tinaas. 

"Akin na yan, Joseph!" sigaw ko. Nakita kong nagkukumpulan na yung mga tao at parang.. kinikilig? Wtf. 

"Ps. Nakakaboring ang Math. Tsk tsk. Pasalamat ka at mabait ako. Hindi kita sinumbong kay Ms. Doublemint." nakangisi niyang sabi. Lalong namula yung pisngi ko. Leche 'tong lalaking 'to! "You're blushing. Why? Because everybody is watching us habang kinukuha mo ang notebook mo sa crush este mahal mo na puno ng secrets mo? Or because you're near to me na alam ko nang mahal mo ko?" ngayon ko lang napansin na sobrang lapit niya to the point na halos 1 inch nalang ang pagitan ng mga muka namin. 

"H-hoy--" 

"Don't deny it, Athena." 

"Hindi--" 

"I know your secret already. Why do you keep on denying?" dahil maraming estudyante dito! Bwiset.

"Ok! I give up. Aamin na ako." tinaas niya yung kilay niya na parang hinihintay ang sagot ko. "Mahal kita Joseph Martinez. I love you so much but I hate you. Wanna know why? Because you're so arrogant. You're so smart and famous. Palagi nalang akong napag iiwanan dahil isa lamang akong average girl na patay na patay sa'yo. Ano pa ang silbi ng pag amin ko kung irereject mo lang din naman ako di ba?" natahimik ang lahat ng tao. Pinunasan ko ang mga luhang hindi ko namamalayang tumulo na pala. 

Natahimik din si Joseph. "Oh? Bat natahimik ka? Ito yung gusto mo di ba? Ang pahiyain ako sa harap ng madaming tao. Bat ngayo-" naputol ang sasabihin ko nang napalitan ang katahimikan ng isang nakakabinging, 

"AYIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEEEEEE!" 

Bakit sila kinikilig???? 

Nagulat ako nang bigla akong hinalikan ni Joseph.

What the hell?

Hindi pa ako nakakarecover, niyakap na niya ako.

"Hindi ko gustong pahiyain ka. Gusto ko lang na aminin mo ang nararamdaman mong halatang halata na sa harap nang madaming tao. At sinong nagsabing irereject kita? Manhid ka din 'no? Mahigit tatlong taon na nga akong may gusto sa'yo pero hindi mo napapansin. Alam na nang lahat yun pero ikaw? Ewan ko kung nararamdaman mo yun. Kasi, manhid ka. Pero kahit manhid ka, gaga at amasona minsan, mahal na mahal kita, Chelsea Athena Jackson." tapos humiwalay siya sa akin at hinalikan ako sa noo. 

*Jawdrop* 

Gusto kong kumanta ng "Is it real, is it real?" ng Nesfuta dahil sa mga sinabi niya. 

"Isarado mo ang bibig mo, baka pasukan ng langaw." natatawa niyang sabi. Sinara ko naman ang bibig ko. "Wala man lang bang 'I love you too, Joseph Martinez' dyan?" 

Sinampal ko yung sarili ko. "Totoo ba 'to? Shet baka nananaginip lang ako. Leche leche." 

"Uy wag mong saktan yung sarili mo. Nasasaktan din ako eh." kailan niya pa naging muka yung muka ko para masaktan siya pag sinampal ko yung sarili ko? "Nga pala, ito na yung diary mo. Hindi ko naman totally nabasa lahat yan eh. Sa susunod kasi, mag ingat ka kung saan mo nilalagay ang mga importante mong gamit. Tsk. Pero wag kang mag alala, your secret is safe with me. Masyado yata kitang mahal para ipagkalat sa marami na mahal mo ko." sabay kindat. Baliw ka, Joseph! Parang ice cream na tunaw na siguro ako dito. 

"I love you, Chelsea Athena Jackson, ang Ms. Palaban ko." ulit niya. This time, naglakas loob na akong sabihin na, 

"I love you too, Joseph Martinez, ang Mr. Yabang ko." pagkatapos nun, ay hinalikan at niyakap niya ulit ako at isang nakakabinging hiyawan na naman ang narinig namin mula sa mga estudyante. 

I'm happy? Yes. Super. As in.

Hindi ko akalaing dahil sa notebook ko na ginawa kong diary, ay makakaamin ako sa kanya at makakaamin din siya sa akin. 

May maganda rin palang naidudulot ang katamaran ko. Haha! 

******** 

10-10-14 


Oh Oh Oh. Happy ending na yan ah. :P

Ano masasabi niyo? 

Vote and comment please! 

Thanks for reading! :) 

-Gill 

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
654K 14.5K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
31.2K 1.4K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...