WERE MARRIED? (COMPLETED)

By paujhoe

659K 10.6K 453

Isang hindi inaasahan na pangyayari sa buhay ni Girl na hindi niya alam kung paano at bakit nangyari sa kanya... More

Synopsis
Prologue
one
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
11
12
13
14
15
16
18
19
20
21
22
23
a/n

17

12.3K 386 22
By paujhoe

MABILIS lang naman ang naging lakad niya para makahiram ng sasakyan sa kapitolyo. Dahil sa anak siya ng mayor kaya madali lang siyang makakahiram. Ang ibinigay pa nga sa kanya ay mismong isa sa mga sasakyan ng mayor nila. Para naman daw komportable ang mag-ina niya sa buong biyahe nila papuntang manila bukas.

Pero ganoon nalang ang panlulumo niya ng pagdating niya sa bahay nila wala na doon ang asawa at anak niya. aligaga naman ang biyanan niya sa paghahanap sabi ni Nana Cely. Kasama ng biyanan niya ang ilang tauhan niya sa paghahanap sa asawa niya.

"Ano nakita niyo na?"puno ng pag-aalala ang buo niyang pagkatao ng masalubong niya ang mga tauhan niya.

Hindi naman kasi kasama ng mga ito ang biyanan niya kaya natanong niya ang mga ito baka kasama na ni Nanay Tina ang mag-ina niya.

"Hindi pa din Claude, gagawi na sana kami doon dahil hindi namin sila nakita sa gawing ito"sabi ni Berta.

Mabilis niyang inawanan ang mga ito, kailangan niyang magmadali na mahanap ang mag-ina niya dahil maggagabi na din. Nagpunta siya sa mga lugar kung saan sila madalas na magpunta ni Rhiane kasama ang anak nila. Pero ni isa sa mga lugar na iyon ay wala ang anino ng asawa't anak niya.

Kahit na pagod na siya kakatakbo hindi pa din siya pinanghihinaan ng loob, kailangan niyang mahanap ang mag-ina niya sa lalong madaling panahon.

Hanggang tuluyan ng dumilim sa paligid nila, hindi pa nakisama ang panahon mukhang uulan pa. dahil kumukulog at kidlat pa, tapos heto na ang malakas na ulan.

Naiiyak siya sa isiping nababasa na ng ulan ang mag-ina niya. na baka nilalamig na ang mga ito, at kung hindi niya bibilisan ang paghahanap sa dalawa baka kung ano pang mangyari sa mag-ina niya.

Malalim na ang gabi, basang basa na din siya ng ulan. Wala siyang pakialam basta panay lang ang lakad takbo niya sa paghahanap sa mag-ina niya. hanggang sa pakiramdam niya susuko na ang katawan niya napadaan siya sa simbahan. Lalagpasan na sana niya ito ng may marinig siyang iyak ng bata.

Binundol siya ng kaba, hindi niya alam pero doon siya dinala ng mga paa niya. pagpasok palang niya agad siyang nakahinga ng maluwag ng makita niya si Rhiane na nakasalampak sa sahig doon habang nakatitig ito sa anak nilang panay ang iyak.

Mabilis siyang nagtatatakbo palapit sa mag-ina niya.

Pero ganon nalang ang gimbal niya ng makitang nakalapag sa sahig ang anak nila at halos magkulay ube na sa kakaiyak.

"Rhiane!"sigaw niya sa asawa niya.

Agad agad niyang binuhat ang anak nila at pilit na pinapatahan ito. nang haplosin niya ang anak niya ganon nalang ang takot niya ng mahipong inaapoy na ito sa lagnat.

"Fvck, Rhiane ano bang pumasok sa isip mo at ginawa mo ito sa anak natin"pagalit niya sa asawa niyang nakatulala lang sa kanya.

Kahit na anong gawin niya wala siyang makitang kahit na anong emosyon sa mukha ng asawa niya basta nakatitig lang ito sa kanila ng anak niya.

"Rhiane, ano ba? Magsalita ka nga dyan!"sigaw niya sa asawa niya.

Pero hindi naman nakatulong ang pagsigaw niya dahil ang kalmang mukha ng asawa niya ay unti-unti ng nauwi sa pag-iyak. Dueto pa ang mag-ina niya sa pag-iyak ngayon, pero wala siyang pakialam kay Rhiane ngayon, sa anak niya siya nag-aalala dahil sa taas ng lagnat nito.

Mabilis ang bawat kilos niya, hinatak niya si Rhiane patayo pero nagpupumiglas ito. kaya naman humingi na siya ng tulong sa mga taong nasa labas para maisugod na sa ospital ang mag-ina niya.

"Claude"humahangos na dumating ang kanyang biyanan.

Nasa loob nan g emergency room ang anak niya at kasalukuyan na tinitignan ng mga doctor. Katabi niya si Rhiane na panay pa din ang iyak at layo sa kanya. galit siya kaya wala siyang pakialam sa inaasta ng asawa niya sa kanya.

"Nay, iuwi niyo na si Rhiane, utang na loob habang kaya ko pang magtimpi"aniya sa kanyang biyanan.

Nang lapitan naman ni nanay Tina ang asawa niya muli nagwawala na naman ang asawa niya. tila hindi nawawalan ng lakas ang asawa niya, pilit na pinapalayo ang nanay niya. isinisigaw na nito ang pangalan na ng ama nito na ngayon lang niya narinig na sinabi nito.

Wala naman silang nagawa kundi ang patulugin ang asawa niya. kahit na tulog ang asawa niya at ang sabi ng mga doctor doon na iconfine na din ang asawa niya wala siyang pakialam.

Tanging ang anak niya ang iniintindi niya ngayon.

MABUTI NALANG walang masamang nangyari sa anak niya. makalipas lang ang tatlong araw humupa na ang lagnat nito at pwede na nilang ilabas ng ospital. Kaya naman ng mailabas na niya sa ospital ang anak niya nakiusap muna siya sa mga kapatid niya na ang mga ito muna ang mag-alaga sa anak niya.

Aasikasuhin na niya si Rhiane, dadalin na niya sa Manila ito para ipatingin. Wala na kasi ito kinakausap, lahat ng lalapit dito ay inaaway nito. maging sila ng nanay nito ay inaaway o kaya naman pinapalayas nito.

"rhiane, please naman umayos kana"pakiusap niya sa asawa niya habang magsama sila sa loob ng kwarti nito sa ospital.

Kanina pa sila nagtatalo, kanina pa din siya sinasaktan nito sa pagbabato ng kung ano sa kanya.

"Please, kailangan ka namin ng anak mo"muling pakiusap niya dito.

"Hindi kita kilala, ayaw kitang makita!"sigaw nito sa kanya.

Kahit na nadala niya sa manila ang asawa niya, ang tanging nasabi nalang ng doctor nito doon ay ang makabubuting na dalin na daw niya sa mental institution ang asawa niya. doon daw mas masusubaybayan ang kalagayan ng asawa niya.

Pero hindi siya pumayag, dahil sa tingin niya hindi baliw ang asawa niya. depress lang ang asawa niya o kaya naman may pinagdadaanan. Kaya naman iniuwi din niya ang asawa niya sa probinsiya nila, siya nalang ang mag-aalaga sa asawa niya hanggang sa gumaling ito.

Pansamantalang nasa mga kapatid niya ang anak nila, kasama ng anak niya ang biyanan niya para naman hindi nakakahiya sa mga kapatid niya ang pag-aalaga sa anak nila.

"Kumain ka Rhiane"aniya sa asawa niya.

Hindi na niya naaasikaso ang talyer at ang bukid niya. kumuha nalang siya ng taong pwedeng mag-asikaso noon para sa kanya. ilang buwan din ang matuling lumipas pero walang nagbago sa sitwasyon nila ni Rhiane, mas masdalas na tulala lang ang asawa niya habang nakatitig sa labas ng bahay nila.

Hindi na din niya naiuwi pa ang anak nila sa bahay dahil sa tuwing gagawin niya iyon nagwawala na naman ang asawa niya kaya naman sa bahay na ng mga kapatid at tatay niya tuluyan na tumira ang anak nila. Masaya naman ang tatay niya dahil nakakasama daw nito ang apo nito sa kanya. nagiging maayos na din ang relasyon niya sa tatay niya dahil sa nakikita niyang pag-aalaga sa anak niya.

"Mahal, please naman oh bumalik ka na. kailangan kita, kailangan ka namin ni Charity"pakiusap niya dito habang pilit na pinapakain ang asawa niya.

Tinignan lang siya nito, nakatulala at walang emosyon na nakatitig na ito sa kanya.

"Kailangan ka ng anak natin, miss na miss ka na niya"patuloy pa niya pero wala naman itong kahit na anong reaksiyon sa kanya.

Ibinaba niya ang hawak niyang plato ng pagkain nito at niyakap niya ito ng mahigpit. Idinantay din niya ang kanyang mukha sa leeg nito.

"Miss na miss na kita"bulong niya dito.

Napakalas siya ng pagkakayakap dito ng maramdaman niya ang pagganti nito ng yakap sa kanya.

"Rhiane!"naiiyak niyang tawag sa asawa niya.

Pero gaya pa din kanina wala pa din itong emosyon na nakatitig sa kanya. pero naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya.

"Mahal, please bumalik ka na sakin please"pakiusap niya sa asawa niya.

"Please"

Muli niya itong niyakap pero ngayon may kasama ng halik sa labi nito. mula ng makapanganak ang asawa niya ngayon nalang sila muling nagkahalikan na dalawa.

Mas pinalalim niya ang paghalik niya sa asawa ng maramdaman niya ang pagtugon nito sa kanyang mga halik. Nadala na siya sa halo-halong emosyon na nararamdaman niya kaya naman muli sa unang pagkakataon makalipas ang halos isang taon muling silang naging isa ng asawa niya.

NAGISING siya sa katok mula sa labas ng kwarto nila ni Rhiane. Sobra ang saya niya kahit pa sabihan siyang baliw na dahil pinatulan niya ang asawa kahit na wala ito sa sarili ngayon. Ano naman ang magagawa niya sa mahal niya ang asawa at sobrang miss na miss na niya ito.

Hindi man nagsasalita ang asawa o kahit magpakita man lang ng magandang senyales na magiging okay na ito. masaya na siyang hinayaan siya nitong angkinin ang asawa niya sa muling pagkakataon.

"Claude, anak nandito na ako. Ako nang bahala kay Rhiane puntahan mo na saglit si Charity"ani ng biyanan niya.

Nakalimutan niyang ngayon din pala ang araw ng dalaw niya sa anak niya. masyado kasi siyang nalibang na kasama ang asawa niya, hindi lang isang beses na may nangyari sa kanila ngayon kundi dalawa o marami pa. hiyaan lang kasi talaga siya ng asawa niya, sa bawat haplos at halik niya sa asawa may katugon naman ito kahit papaano sa parte niya.

Iyon nalang ang pinanghahawakan niya ng mga oras na iyon. na may pag-asa pa ding bumalik na sa normal ang asawa niya.

"Sige po 'nay. Magbibihis lang po ako"sagot naman niya.

Literal kasi na nakahubad pa sila ng asawa niya, kailangan niyang bihisan ang asawa niya. baka magwala ang biyanan niya kung iiwanan niyang walang saplot ang asawa niya. mahimbing ang tulog ng asawa niya ng mga sandaling iyon kahit na binibihisan niya ito hindi ito magising manlang.

Napangisi siya sa isiping napagod niya ng husto ang asawa niya.

"Babalik ako"paalam niya sa asawa bago niya ito halikan at umalis na.

Hindi naman siya nagtagal sa bahay ng kanyang ama, kunting kamustahan at buhat lang sa kanyang anak. Napapansin na niya na nalalayo na ang loob ng anak niya sa kanya, mahirap na din kasi itong kunin sa kapatid niya. umiiyak ito kapag kakargahin niya, at pilit na nagpapakuha sa kapatid niya.

Nasasaktan siya, pero hindi naman niya alam kung paano gigitna sa mag-ina niya. siguro naman maiintidihan ng anak niya paglaki nito kung bakit hindi sila magkasama na pamilya. Hindi din naman siguro tatagal ang sitwasyon nilang mag-anak ngayon.

Gabi na ng magpasya siyang umuwi, pinatulog na muna niya ang anak niya bago siya bumalik sa bahay niya. kahit papaano naman sa loob ng kalahating araw ay napaamo na naman niya ang anak niya. isang beses lang kasi sa isang linggo kung sila ay magkita na dalawa.

Pagdating niya sa bahay nila agad siyang sinalubong ni Nana Cely na may lungkot sa mukha nito.

"Umalis na ang mag-ina"salubong nito sa kanya.

Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ng ginang sa kanya, napatakbo pa nga siya sa kwarto nilang mag-asawa. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa sa nakitang ayos ng kwarto nila. Magulo at wala na ang ilang gamit ni Rhiane doon, halatang mabilisan ang pag-alis ng mga gamit nito.

Napasalampak nalang siya sa sahig habang nakatulala sa mga gamit na naroon.

"Ayaw sana ni Tina na umalis na hindi ka pa dumadating pero hindi niya mapigilan si Rhiane. Iba ang dating ng aura ni Rhiane kanina, parang hindi na siya ang asawa mo. Nakakatakot ang paraan ng pagtingin niya kanina maging sa nanay niya"paliwanag ni Nana Cely.

Nanghihina na napaiyak siya sa nalaman, buong akala talaga niya maaayos pa ang lahat. Pero hindi na pala, dahil pagbalik niya wala na siyang asawang babalikan.

Nagpalipas lang siya ng ilang linggo bago niya sinundan ang asawa niya, alam niya kung nasaan ito dahil tumawag sa kanya ang biyanan niya at sinabing bumalik sila sa bahay nila noon.

Mula sa malayo minamasdan lang niya ang asawa niya, natuwa siyang makitang maayos na ito.

Hindi niya alam kung paano pero mukhang maayos na ang pag-iisip ng asawa niya sa hindi niya alam na dahilan.

"Claude anak"tawag sa kanya ng biyanan.

Tipid na ngiti lang ang isinagot niya dito at muling pinagmasdan ang asawa niya na busy sa pagwawalis ng bakuran ng mga ito.

"Bakit hindi ka lumapit, halika at kausapin mo ang asawa mo"yakag sa kanya nito.

"Hindi na po, nay. Dito nalang po ako, masaya na akong makitang maayos siya"tanggi niya dito.

"Hindi ko din alam kung bakit at paano, pero bigla nalang siyang gumaling Claude. Bumalik na ang anak ko, ang anak ko noon bago mo pa siya makilala. Pero ang nakakalungkot parang hindi ka na niya maalala at ang anak ninyo"naiiyak na tugon ng biyanan.

"Nay, wag niyo po kaming intindihin. Alam ko dadarating ang araw maaalala niya kami, hahanapin niya kami. Gusto ko siya ang kusang bumalik samin gaya noong panahon na kakapanganak niya palang, diba bumalik din siya noon nay. Malay niyo po ganon din ngayon, ang maganda pa bumalik niya sa normal niyang pag-iisip. Handa akong maghintay nay, hihintayin ko ang anak niyo. Kahit matagalan pa iyan, basta hihintayin ko ang araw na babalik siya sakin, samin ng anak niya"aniya dito.

Pinagsawa lang niya ang kanyang mga mata na nakatitig sa asawa niya sa halos buong maghapon. Bago siya bumalik sa bayan niya para ipagpatuloy ang buhay nila ng kanyang anak.

Pero buwan lang din ang lumipas, bumalik siya kasama ang anak niya sa bayan kung nasaan ang asawa niya. doon namalagi siya na hindi alam ng biyanan niya na sinusundan lang niya ang asawa niya. kung hindi pa siya nahuli ng biyanan niya hindi pa siya makikita nito. simula din noon palagi na ang punta ng biyanan niya sa bahay na tinutuluyan niya para alagaan ang anak niya habang nasa labas siya para sundan ang asawa niya.

Tumagal ng halos tatlong taon ang pagsunod-sunod niya sa asawa niya. natigil lang ng mamatay si Nana Cely kaya kinailangan niyang bumalik sa bayan nila kasama ang anak niya. dahil wala ng tatao sa bahay niya at titingin sa kabuhayan niya. doon pinagpasa-Diyos na niya kung babalik pa ang asawa niya sa kaniya.

Isang taon ang matuling lumipas, busy na siya sa pagmamanage ng talyer niya at ng bukid. Paminsan-minsan din na pumapasok siya sa kapitolyo bilang City agriculturist kung may mga bagong project na kailangan ng tulong niya.

Malaki na din ang anak niya, maglilimang taon na din ito at nag-aaral na. minsan kasama niya anak niya sa bahay pero mas madalas na sa bahay ng mga kapatid at tatay niya naglalagi ang anak niya.

"Daddy!"masayang tawag ng anak niya.

Sinundo niya ito ngayon sa school nito para ihatid sa bahay ng mga kapatid niya. madami kasi siyang gawa ngayon, bukod sa madami silang tanggap sa talyer at panay bago pa naman ang kasama niya sa talyer. Sa bukid naman simula na naman ng sakahan kaya mas magandang sa mga kapatid muna niya iiwanan ang anak niya.

Minsan kasi na sa sobrang busy niya wala na siyang time para alagaan ang anak niya nagulat nalang siyang naliligo na ng langis ang anak niya na tuwang-tuwa na nakikigulo sa mga tauhan niya sa talyer.

"Hahatid na kita kila Tita Charmaine mo, doon ka muna hanggang week end"aniya sa anak niya.

Isinakay na niya ito sa owner type jeep niya. hindi na siya nagmomotor kapag kasama niya ang anak niya, malikot kasi ang anak niya baka malaglag sa motor kung doon niya isasakay.

"Okay po daddy"masayang sagot lang nito.

"Dy, galing ka po bukid. Putik ka pa po kasi"tinuturo pa nito ang bandang paanan niya.

Tumango lang siya dito at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Ilang sandali pa nakarating na sila sa bahay ng kapatid niya, hinihintay na sila ng mga ito kaya hindi na siya nahirapan pa na tawagin ang mga ito para iwanan ang anak niya.

Hindi na siya nagtagal pa doon dahil kailangan niyang makabalik agad sa bahay niya dahil kailangan niyang tulungan ang mga tauhan niya sa talyer.

Pero ganon nalang ang gulat niya ng makita ang babaeng nakatayo sa tapat ng talyer niya at nakikipagbangayan sa tricycle driver. Para siyang itinulos sa kinatatayuan niya, gusto niyang kumilos pero hindi niya magawa.

Totoo ba ang nakikita niya ng mga oras na ito, hindi ba siya namamalikmata lang habang nakatitig sa babaeng ang tagal na niyang pangarap na masama ulit.

Nakaramdam siya ng sobrang saya na makita itong muli sa loob ng mahabang panahon. Pero lahat ng tuwa at saya ng makita ito ay nawala ng hindi niya makita ang recognition sa mukha nito na kilala siya nito.

Na bumalik ito para makasama siyang muli at nakabalik na ang alaala nito sa kanya.

Lalo pang umusbong ang galit sa puso niya ng sabihin nito gusto nitong ipawalang bisa ang kasal nila na sa una palang daw ay hindi na nito alam kung paano nangyari.

Mas ang galit niya ng malaman niyang may nobyo itong amerikano at magpapakasal na ang dalawa.

Hindi naman siya makakapayag sa gusto nitong mangyari. Kaya gagawin niya ang lahat para mabalik niya ang asawa niya sa kanya. kahit pa hindi na lang mabalik sa dati, kahit mapaibig nalang niya ito at mapilit na magsama nalang silang dalawa.

Gagawin niya ito para sa anak nila, para sa pamilya nila. 

..................

a/n : End of Flashback ni Claude. ngayon nasagot ko na ang mga tanong ha...

sundan ang susunod na kabanata nilang dalawa. 

pero hindi ko pa alam kung may susunod pang chapter, bear with me kasi sira pa din ang laptop ko. buti nga nabuhay pa siya ung keyboard nalang ang problema ko. ayoko naman na bumili ng bago wala akong pambili hahaha....

comment pa kayo, salamat sa lahat ng naghihintay kahit medyo natatagalan ang update ko ngayon. ayoko ng mangako na babawi ako sa mga susunod kasi hirap talaga akong mag-adjust ngayon sa laptop ko. 

iyong ibang mga story ko tsaka ko na update kapag okay na lahat. dito muna ako magfocus. 


Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
20.5K 695 20
DJC Series #1: Ylaina Alexandrea Austria She was raised by a snatcher. Kahit anong bagay ay kaya niyang makuha gamit ang mga itinuro sa kaniya ng kan...
193K 3.5K 25
The Love Story of Ashley and Eugene
5.2K 958 28
Love truly can wait until you find the right man in your life. Don't pressure yourself to find him, wait until he comes to you and treat you like a q...