Every Beast Needs A Beauty (G...

By jonaxx

151M 3.3M 1.7M

Bata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamily... More

Every Beast Needs A Beauty
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas
Notes

Kabanata 40

2.3M 44.3K 17.9K
By jonaxx

Kabanata 40

Parents

Bumalik ako sa kwarto at nagkunwaring natutulog. Ilang minuto ang nakalipas ay narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto. Naamoy ko kaagad ang halimuyak ni Rage. Umupo siya sa kama at bumuntong hininga. Hinaplos niya ang aking buhok at ang aking pisngi. Mainit ang kanyang mga kamay at hindi ko kayang hindi dumilat sa kanyang haplos.

"Good morning!" Bati niya sabay halik sa aking noo.

Tiningnan ko ang kumot na ibinalot ko sa aking sarili kanina pagkatapos kong tumakbo patungo dito.

Kanina ko pa iniisip 'yong masasakit na salita na sinabi nong babae sa akin. Tanggap ko na maaaring maraming hahadlang sa amin na kaibigan ni Rage. At tanggap ko rin na maaaring hadlangan kami ng kanyang mommy at daddy. Syempre, ang isang lalaking ganito ka successful ay para lang sa babaeng kasing successful. I'm a flaw on his credentials. I'm that one 'but' in his life.

"Good morning!" Ngiti ko pabalik.

Kung may natutunan man ako, iyon ay ang pagsugal sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Pag iisipan ko ang bawat desisyon at ayokong magpadalos dalos ulit. Hindi lang ang feelings ko ang iisipin ko ngayon, pati na rin kay Rage.

Gusto kong mag tanong kay Rage tungkol kay Ezra pero ayokong malaman niyang narinig ko ang lahat. Kung may problema man, gusto kong siya na mismo ang mag sabi sa akin at hindi niya iyon ililihim.

Pinapanood niya ako habang sumusubo ng kanyang niluluto. Nginiwian ko siya.

"Ano?" Tanong ko.

Umiling siya. “Nothing. I... I just want you to stay. Can you stay for today?”

Nagulat ako sa tanong niya. Wala naman akong plano para sa araw na ito. Panay lang ang text ni Mia sa akin kung kamusta na ako at kung babalik pa ba ako doon. Tingin talaga ng bruhang iyon ay hindi na ako babalik. Hindi ibig sabihin na dahil kami na ni Rage ay dito na ako mamamalagi sa kanya.

“Pero uuwi din ako mamaya. Kailangan kong kumuha ng mga damit tsaka may pasok pa ako bukas.” Sabi ko.

“I can buy you clothes...” Sabi ni Rage ng wala sa sarili.

Tinitigan ko lang siya at alam niya agad ang gusto kong iparating.

“I’m sorry. Okay. Sige, iuuwi kita mamaya.”

Buong araw kaming nanood na lang ng movie sa kanyang kwarto. Narinig ko pa ang tawag sa kanya ng guard o nang kung sinong kasama niya sa kanyang bahay.

“Nandito po si Sir Logan may kasamang babae.” Sabi nong guard sa telepono.

“Okay. Hayaan mo na. Sabihin mo wa’g lang akong istorbohin.” Sabi ni Rage habang hinahaplos ang buhok ko.

“Wala akong panahong mang istorbo sa’yo. Alam ko na, Sunny Sunny Sunny... ‘Yon naman palagi ang bukambibig-” Nanlaki ang mga mata ko sa boses ni Logan sa kabilang linya na agad pinatay ni Rage.

Nilingon ko si Rage ngunit diretso ang mga mata niya sa kanyang TV. Nakapatong ang binti ko sa kanyang binti. Hindi ko mapigilang mapangiti.

“Bukambibig mo ako?” Tanong ko.

Nilingon niya ako, nanliliit ang mga mata. “He’s with a girl. Dito niya dinadala mga babae niya. Probably it’s best if you’re inside my room always.” Sabay haplos niya sa aking braso.

Lumaki ang ngiti ko. Iniiwasan niya ang topic na iyon. Nilingon niya ulit ako at bumaba ang kanyang tingin sa aking labi. “Ughh!” Pumikit siya at tumingala. “I said we’ll watch a movie, Sunny.”

“Nanonood naman ako!” Sabi ko kahit na siya ang pinapanood ko ngayon.

Pagkadilat niya ay agad niyang siniil ako ng isang sabik na halik. “You’ve gotta calm my...” Ngumiti siya at hindi niya na iyon dinugtungan. Naramdaman ko ang kanyang hita sa aking hita at napasinghap na lang ako.

Kinaumagahan ay maaga siya sa apartment para ihatid ako sa school. Kakagising lang ni Mia nong bumaba kami. Panay ang kwento ko sa kanya tungkol sa mga nangyari. Maging iyong kay Ezra ay kinwento ko at pareho kami ng opinyon.

“Alam mo, Sunny. Ganon talaga ang mayayaman. Alam mo dapat iyon diba?” Aniya.

“Alam ko. Hindi naman ako nag rereklamo. Ganon talaga ang magiging reaksyon. Kaya nga kahit na ganito ay nagsisikap parin akong mag aral.” Sagot kong sinang ayunan niya.

Naabutan namin si Rage na nasa baba, naka number four ang mga paa at pumapangalumbaba habang nakatukod ang kanyang siko sa kanyang tuhod. Nang nakita niya kaming bumaba ay umayos siya sa pagkakaupo. Naka suit siya, isa sa pinaka pormal niyang suit. Magbabalik na talaga siya sa opisina. I’m gonna miss him at school.

Siniko ako ni Mia. “Andyan na ang knight in shining armor mo!” Sabay tawa niya.

Pinag uusapan namin si Kid na matagal tagal ko nang hindi nakikita. Gusto ko kasi sanang mag apologize kay Kid ngunit bigla naming nakita si Rage kaya nag iba ang topic.

Tumawa na lang ako.

“Good morning!” Bati ni Rage at tumayo agad para salubungin ako.

Kitang kita ko kung paano kami pinapanood nina Auntie Letty at ng iba pang borders. Alam ko, sinisigaw na ni Rage ngayon na sobrang yaman niya. 25 and filthy rich, yes. At ako’y isang hamak lang. Isinantabi ko ang pag iisip na iyon. As much as possible, gusto kong maging positive. Makakatapos din ako sa kolehiyo at makakapagtrabaho sa isang magandang kompanya. Tiis tiis na lang muna sa ngayon.

“Good morning, Sir! Pogi niyo po!” Sabay tawa ni Mia.

Tinapunan ng tingin ni Rage si Mia ngunit agad ding pumulupot ang kanyang kamay sa aking baywang.

“Di ‘yan maaagaw. I’m sure.” Dagdag ni Mia, tinutukoy ako.

Nginiwian ko siya at agad na kaming pumanhik. Sa araw na iyon, magiging busy siya sa opisina pero kukunin niya ako mamaya. Ihahatid niya ako sa classroom ngayon tulad ng dati niyang ginagawa pero wala ng maghihintay sa akin sa bawat pagtatapos ng klase ko.

Titig na titig ang ibang babae sa kanya lalo na't naka suit siya ngayon. Si Rage ay parang walang pakealam at walang nakikita kundi ang dinadaanan naming dalawa. Hinalikan niya ako sa noo nang nasa pintuan na kami ng aking classroom.

"I'll miss you today." Aniya.

"I'll miss you too." Sabay ngiti ko.

Kinagat niya ang kanyang labi at pinasadahan ng kamay ang kanyang buhok. Pagkatapos magpaalam ay dumiretso na rin ako sa loob. Pagkaupo ko ay nakatanggap agad ako ng text sa kanya.

Rage:

I just wanna kiss your damn lips all day.

Ngumiti ako at halos itapon ko ang cellphone ko. Magrereply na sana ako nang narinig ko ang isang pamilyar na sipol ng isang lalaking nasa gilid ko. Nakapangalumbaba siya at huling huli niya ako sa aking pagngisi dahil sa text ni Rage.

"Jason..." Kinabahan agad ako. Bakit siya nandito? Hindi ko naman siya kaklase.

Iginala ko ang mga mata ko at tama naman ang classroom na napasukan ko. Tiningnan ko ulit ang pintuan, takot na baka nandoon pa si Rage. Ayoko ng gulo.

"Chill, Sunny. Natransfer lang ulit ako kasi may games na sa football at magiging conflict sa schedule ko." Sabi ko nang narealize na medyo kuminang at bahagyang umitim ang kanyang mukha, siguro ay dahil sa kakabilad sa araw.

"Ganon ba..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ngunit sabay kaming dalawang nag "Sorry."

Humalakhak siya at ginulo niya ang kanyang buhok. "Sorry kasi nahuli pa tayo nong boyfriend mo. Hindi ko naman intensyon iyon. Wala akong intensyon na makipag kompitensya." Aniya.

"Sorry din." Sabi ko. "Sorry sa inasta ni Rage. Sorry sa pangyayari."

"Okay lang. Naintindihan ko naman ang reaksyon niya. Maging ako siguro, magagalit pag narinig iyon. Sorry. Wa'g kang mag alala, wala naman akong balak na manira ng relasyon. I'm just here to be your friend. I hope I can be this time."

Hindi ko siya matanggihan. Masyadong mababaw kung sasabihin ko sa kanyang tatanggihan ko ang pakikipag kaibigan niya dahil lang kay Rage kaya tinanggap ko iyon ngunit alam kong kailangan kong dumistansya para umiwas.

Nakapag text ulit si Rage sa akin habang nag lelecture ang aming professor.

Rage:

I miss you in my office.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ang corny niya pala.

Ako:

Corny mo pala, Sir. :D

Mabilis siyang nakapagreply.

Rage:

You calling your boss corny? What a bad girl.

Kinagat ko ang labi ko. Nababaliw na yata ako dito.

Ako:

Akala ko ba busy? Bakit nakakapag text?

Rage:

Nasa gitna ako ng meeting. May nag po-propose na possible assets. Wanna sit on my lap, lady? I wanna hug you from the back.

Napatingin ako sa professor. Salamat hindi naman niya ako napapansin kaya panay ang reply ko.

Ako:

Makinig ka nga diyan. Siguro ay inaantok ka kaya tinitext mo ako?

Naisip ko tuloy kung ano ang itsura niya habang may nagsasalita sa harapan. Tapos ako lang pala ang kanyang tinitext.

Rage:

No. Iniisip ko kung sino ang mga nasa tabi mo. Iniisip ko rin na tamang uniform naman suot mo kanina. Wala namang nakikitang di ko gusto don. You should probably look around. Roll your eyes pag may nakikita kang nakatitig.

Ako:

Ano? Bakit naman? Diba dapat friendly ako? Wala pa nga ako masyadong kaibigan!

Rage:

Ayoko lang. Don't start with me.

Ngumuso ako. Adik ito. Hindi ba pwede kahit babae? Umiling ako.

"So... pwede ba tayong mag lunch ulit? Libre ko para naman peace offering?" Biglang singit ni Jason sa akin.

Ngumiti ako at tinago ko ang cellphone ko. "Sorry. Medyo busy ako ngayon."

"Ohhh!" Nakita ko ang bigong ekspresyon sa kanyang ngiti.

Hindi na ako nag dalawang isip na tanggihan siya. Guilty ako sa ginawa ko. Pakiramdam ko ay masyado akong malupit sa kanya at ayokong mangyari iyon. Paano ko kaya iyon magagawa nang hindi ako nagiging malupit? Hindi ko alam.

Ang huling text ni Rage ay nong alas tres ng hapon. Nang sinabi niyang hintayin ko siya sa gate ng school pagkarating ng alas singko ngunit nilalamok na ako, alas sais na at wala paring sasakyan niyang dumadaan.

Sumilay ang gutom sa aking tiyan. Inisip ko tuloy na kakain na ako. Nakakailang message na ako sa kanya.

Ako:

Rage, nandito na ako naghihintay.

Ako:

Matagal ka pa ba? Kaya ko namang mag taxi patungo sa inyo.

Hindi siya nag rereply kaya inisip kong busy na siya sa kanyang trabaho. Hinagkan ko ang sarili ko. Madilim na at nakikita ko na ang mga estudyanteng nagsisiuwian na. Limang minuto na lang at didiretso na talaga ako sa kanyang bahay.

"Kanina ka pa nag hihintay ah?" Umalingawngaw sa likod ko ang boses ni Jason.

Halos mapasinghap ako dahil nandyan na naman siya. Gusto ko siyang maging kaibigan ngunit gusto ko ring umiwas sa gulo.

"Oo e. Hinihintay ko ang boyfriend ko." Sabi ko habang tumitingin tingin sa labas.

Tumabi siya sa akin at alam kong nakadungaw siya sa akin. Kahit na pawis at mainit ang katawan ay naaamoy ko parin ang kanyang pabango mula dito. Nilingon ko siya at nakita kong naka football na damit pa. Kulay puti at sky blue na stripes at naka sapatos din ng pang football.

"Pero kanina pa kita nakita dito. Nong papunta pa lang ako sa practice at ngayong nakabalik na ako, nandito ka parin. Alam ko namang ayaw mo akong umaaligid dahil baka magselos ulit ang boyfriend mo pero di ko lang maiwasan ang lumapit ngayon dahil nilalamok ka at giniginaw na. Kanina ka pa naghihintay."

Nanlaki ang mga mata ko sa natumbok niya. Nilingon ko siya at sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Para bang alam niyang magugulat ako sa sinabi niya.

"Busy kasi siya sa kanyang trabaho." Sabi ko at agad ibinalik ang tingin sa kalsada.

May isang itim na mamahaling sasakyan ang pumarada sa harapan ko kahit na bawal. Sumisigaw ng dolyares ang brand nito at hindi ito 'yong sasakyang Prado na sinasakyan ni Rage.

Lumabas sa front seat iyong pamilyar na guard o katulong ni Rage. Naka kulay grey siyang polo at agad tumingin ng diretso sa akin.

"Matatagalan po si Sir. Binilin niya sa akin na kunin ko kayo." Aniya sa isang malamig na boses.

Tumango ako at napatingin  sa medyo gulat na si Jason. "Sino 'to?" Tanong ni Jason.

"Ano po pangalan niyo?" Tanong ko dahil hanggang ngayon ay wala akong alam sa kanyang pangalan.

"Ako po si Renz." Aniya at pati ako ay nagulat sa masyadong makabagong pangalan niya.

"Siya si Kuya Renz, Jason." Sabay tingin ko kay Jason.

Hindi na ako nagdalawang isip na sumama kay Kuya Renz. Kitang kita ko ang pagkairita sa mukha ni Jason. Hindi ko alam kung bakit siya naiiirita. Dahil ba kay Kuya Renz o dahil sa akin. Siguro ay iniiisip niyang basta basta na lang akong sumama sa isang taong ngayon ko lang nalaman ang pangalan pero alam na alam ko na siya iyong kasama ni Rage sa bahay.

Gusto ko sanang mag tanong tanong kay Kuya Renz ngunit masyado siyang malamig at palagi pang may kausap sa kanyang cellphone.

"Nakuha ko na siya. Ihahatid ko na sa bahay. Paki sabi kay Sir." Narinig kong sinabi niya.

At iilan pang kompirmasyon ang narinig ko. Nang lumiko ang sasakyan sa malaking gate nina Rage ay agad na akong nag isip kung paano ako makakapag aral bukas kung dito ako magpapalipas ng gabi? Uminit ang pisngi ko. Bakit agad kong naiiisip na dito ako magpapalipas ng gabi?

"Putang ina!" Narinig kong mura ni Kuya Renz sabay sapak sa manibela.

Bakit siya nagmumura? Itinigil niya ang sasakyan sa bandang fountain. Ilang metro na lang ay ang hagdanan na ng bahay nina Rage. Tumirik ba ang bago at mamahaling sasakyan na ito? Hindi ko alam.

"Kuya, bakit po?" Bago pa ako nakapagsalita ay lumingon siya sa akin. Nakita ko rin na may isang malaking itim na SUV na naka parking sa may hagdanan ng bahay ni Rage. Kitang kita kong may iilang tao na doon na nagbubuhat ng mga bagahe papasok sa bahay.

"Ma'am, balik tayo. Ihahatid na lang kita sa inyo. Wala po akong address pero matuturuan-"

"Huh? Bakit po?" Nalilito kong tanong at agad kong nakita ang isang babaeng naka puti at eleganteng dress. Hindi pa gaanong matanda pero alam ko kaagad kung ano ang nangyayari. Nandito na ang mommy at daddy ni Rage.

Bago pa pumihit ang sasakyan ay may kumatok na isang babaeng mukhang katulong ng kanyang mommy sa salamin ng sasakyan.

"I-park mo na, Renz. Nasa likod sina Sir Del Fierro. Padaanin mo."

Namutla si Kuya Renz habang nililingon ang sasakyan sa likod. Nakita kong may isa pang itim na SUV. Sa loob niyan ay ang daddy ni Rage!

"Ma'am, ipapark ko 'to. Wa'g kang lumabas. Tatawagan ko muna si Mr. Rage Del Fierro." Sabay pindot niya sa kanyang cellphone.

Continue Reading

You'll Also Like

148K 2.5K 75
For once in his life, Kevin Romero got into a fuss in a public place with a stranger...a woman...a young one... a petite one. It was a commotion that...
2M 133K 47
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
595K 28.4K 5
"From Afar" is a story written by Jonaxx brought to you by Republika ng TM.