MR.FASTERTHANABULLET (publish...

By jinkyjam

261K 5K 1.2K

Geneva caught Robin in a compromising situation. Kaya mula noon ay natatak na sa isip niya ang pagiging malok... More

CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
CHAPTER TWENTY THREE
CHAPTER TWENTY FOUR
CHAPTER TWENTY FIVE

CHAPTER ONE

30.3K 322 29
By jinkyjam


RED WINE

MAY isang oras nang nakaalis ang mga bagong kasal na sina Miguel at Ciarra patungo sa Baguio para sa isang linggong honeymoon.Ngunit  nag-e-enjoy pa rin si Geneva na makipaghuntahan habang sumisimsim ng red wine sa isa pa nilang kaibigan na si Marcia, na kagaya niya ay single pa rin.

Ah, hindi na pala masasabing single si Marcia. Kumbaga sa status sa Facebook, nakalagay roon na "engaged or "in a relationship with.... " na kaibigan. Iilan na lang silang naiwang mga bisita sa reception na ginanap sa mountain resort na pag-aari ng magkaibigang Miguel at Robin.

Si Robin na kahit may kaumpok din na mga barkada  ay maya-maya naman ang sulyap sa gawi ni Geneva sabay kikindat  sa kanya, flashing his killer smile. Killer smile na nagpakilig at nagpataas sa palda ng mga babae noong  high school pa sila.

Umasim ang mukha ni Geneva nang maalala ang hindi kaaya-ayang sernaryo. Subalit kung makatitig si Robin na may kasamang ibang klaseng ngiti, sino ba ang hindi tatablan? Marahil, may epekto na yata sa kanya ang red wine.  Paano ay kinikilig siya sa tuwing magtatama ang mga mata nila ni Robin. Gusto tuloy niyang batukan ang sarili kung bakit  nakakaramdam ng ganoon.

"Hay naku, malapit na tayong lusubin ng bata-batalyong langgam... ang cheesy naman talaga," nakairap ngunit nambubuskang bulalas ni Marcia.  "Mabuti pa kaya, bilisan na nating ubusin itong red wine at parating na ang sundo ko."

"Cheesy ka dyan," irap ni Geneva,  pilit na pinanormal ang ekspresyon. "Eh, bakit kasi nagpasundo ka sa boyfriend mo? Usapan nating overnight dito, ah, para namang makapag-catch-up tayo. Ang tagal nating hindi nagkita." Nurse si Marcia na nagtatrabaho sa isang hospital sa Dubai. Kasabay nitong nagbakasyon sa Pilipinas ang boyfriend na isang pharmacist sa naturang bansa.

"Hindi ko naman kasi akalain na hindi magtatagal ang lokong iyon sa parents niya sa Cainta. Ayun, sa simbahan pa lang tawag na nang tawag."

"Eh, kayo pala ang dapat ipalapa sa mga langgam ,"muling irap niya. "Hindi pa ba kayo nagkakasawaan, ha? At saka, kelan naman ang weddings bells sa inyo?"

Bumungisngis si Marcia. "E-enjoy-in na muna namin ang  ganitong set-up. Nag-iipon pa kaya wala pa sa plano ang kasal-kasal na 'yan."

"O siya, sasabay na ako sa inyo paluwas. Nagbago na isip ko. Akala ko naman kasi, kasama kitang mag-o-overnight dito kaya napapayag ko sina Mamang na mauna nang bumiyahe pauwi."

Naging apologetic naman ang mukha ni Marcia. "Pasensiya ka na, Bebang. Hindi ko naman kasi akalain na mangungulit na sumunod dito si Alex. Isa pa, bakit ka sasabay sa amin,eh, buti kung pumayag si Robin?"

'Bakit naman hindi papayag? Kaanu-ano ko ba 'yong mokong na iyon?"

Nanunudyo ang ngiti ni Marcia. "Hindi pa ba kayo? Ang cute n'yo ngang tingnan kanina sa wedding ceremony. Ang maid of honor at ang bestman... what a perfect pair!"

Inirapan niya ang kaibigan. "Huwag ka ngang ganyan."

"Sabi ni Ciarra, nanliligaw sa iyo."

"Wala akong balak na sagutin. "

"In your case, mukhang hindi na kailangan ng sagot, kasi tingin ko pa lang MU na kayo ni Robin. May mutual understanding...  Basta iyon na... wala nang pali-paliwanag, wala nang sagot-sagot. After all..." Ang kasunod nitong sinabi ay sa tonong malakas lang sa bulong. Si Robin ang matagal mo ng pantasya. Akala mo siguro nakakalimutan ko  'yong linya mo noong nasa high school pa lang tayo.  Na nirereserba mo ang sarili mo sa nag-iisang lalaki."

Pakiwari ni Geneva, namula ang buong mukha niya sa panunukso ni Marcia. "Ewan ko sa iyo, Marcing. Lasing ka na kung anu-ano na'ng pinagsasabi mo."

Bumungisngis ito. "Ilang taon na lang magte-thirty ka na. Ang dami mong na-miss, Bebang. Kaya ano pa ba'ng hinihintay mo? Hayan na siya," may pamuwestra-muwestra pa si Marcia ng kamay, sabay tukoy sa gawi nina Robin. "Ang magiting na kabalyero na magpapalasap sa iyo ng sukdulang kaligayahan."

Pinandilatan ni Geneva ang kaibigan. "Kung kay Robin lang, kung sa manyak, sa lalaking nag-uumapaw sa testosterone, ay hindi na bale na lang. Hindi na baleng tumanda akong dalaga  kaysa mapunta lang sa lalaking marami nang babaeng dumaan sa buhay."

"So? Eh, ano naman kung may past? Kaya nga past is past. It means tapos na.   Ang importante, 'yong ngayon at 'yong future."

"Wala sa bokabolaryo ng taong 'yon ang salitang 'exclusivity'. Ang tipo n'on, hindi matatali sa iisang babae. Puwede ba, change topic na nga tayo?"
Hindi  makapaniwala  si Geneva na naubos nila ni Marcia ang bote ng California red wine. Magaan na ang ulo niya, halos hindi maubos-ubos ang kuwentuhan nila. Hindi tuloy niya namalayan ang paglapit ni Robin kasama ang matangkad din na lalaki,   na nakilala niyang nobyo ni Marcia.

Agad namang humalik sa mga  labi ni Marcia ang nobyo nito. Medyo nagtagal nang ilang  minuto  ang halikan ng  magnobyo na  animo hindi nagkita ng mahabang panahon.

Naiilang tuloy na iniwas ni Geneva ang tingin sa dalawa. Ngunit sa pag iwas niya ay nagtama naman ang mga mata nila ni Robin. Hindi niya alam ngunit lalo lang  nakadagdag sa init na kanyang nararamdaman ang titig  ni Robin. Init na kumalat sa bawat himaymay ng kanyang mga ugat  at wari ay nagpatuyo sa kanyang lalamunan. Kasabay niyon ay ang tila pagsigid ng kung ano sa kanyang kaibuturan.

Ano ba, Geneva. Umayos ka nga! sawata niya sa sarili.

"Huwag na kayong bumiyahe, Brod," ani Robin na ang tingin ay nanatiling nakapako kay Geneva. "Tutal naman, may nakareserba  talagang cottages para sa mga bisitang nagnanais na magpalipas  ng gabi dito."

Tila nahihinoptismong wala ring kaalis-alis ang titig ni Geneva kay Robin. Naeengganyo siyang titigan ang mamula-mula nitong mga labi, ang bahagyang papatubong bigote, ang matangos na ilong na sa tungki ay may munting nunal.

Narinig ni Geneva ang malakas na pag-ubo ni Marcia. Alam niyang sinadya iyon ng kaibigan upang kuhanin ang kanyang atensiyon. Kunsabagay, saved by the bell na rin bago pa mapansin ng binata na halos lusawin na niya ito sa titig.

"Kunsabagay, ayokong mag-drive ka pa ng ganitong oras, babe,"wika ni Marcia sa nobyo. "Dito na tayo magpalipas ng gabi. Bukas na tayo bumiyahe."

"Ikaw ang bahala," sang-ayon naman si Alex.

"Good," nasisiyahang wika naman ni Robin,  naupo  sa tabi ni Geneva. Hindi maiwasang madaiti ang hita nito sa kanya.

 Strange, how come his nearness sent  jolts of electricity through her. Kinalma ni Geneva ang sarili. Inabot pa sila ng isang oras sa pagkukuwentuhan. Nakiumpok na rin ang mga barkada ni Robin na si Rustico, Emon at Gannicus.

Narinig ni Geneva  ang pagkukuwento ni Gannicus tungkol sa babaeng nagngangalang "Portia" na diumano ay hindi malaman ng binata kung paano didiskartehan. Inulan tuloy ng kantiyaw mula sa mga ka-brad si Gannicus.

Hindi nagtagal at nagyaya na si Marcia na gusto nang magpahinga. Matandang katiwala ni Robin ang naghatid sa magkasintahan sa isang cottage. Dalawa na lang silang naiwan ni Robin. Nagpaalam na sina Rustico at Emon na uuwi na samantalang si Gannicus ay may kalahating oras nang nakakaalis.

Noon lang nailibot ni Geneva ang tingin sa paligid. Iilang tao na lang pala ang naroroon na nagliligpit sa mga mesa at gamit.

"So, anong plano?" basag ni Robin sa kanyang pananahimik.

Tumingin si Geneva  sa kanyang orasan.  Mag-a-alas-nuwebe pa lang ng gabi subalit para sa kanya ay tila malalim na ang gabi. Nakakaramdam na siya ng pamimigat ng mga mata. Gayunpaman, hindi pa rin nawawala ang tila apoy na kumakalat sa buo niyang katawan. Mainit na mainit ang kanyang pakiramdam.

Nagkatitigan naman sila ni Robin.

"Hindi mo naman siguro gugustuhing umuwi ng Manila nang ganitong oras? Hindi kita ihahatid. Nakakatamad nang mag-drive."
"Hindi nanan ako magpapahatid sa 'yo.  Sasabay ako kina Marcia bukas." Ang lapad ng pagkakangisi ni Robin. 

"So you're staying?"

"'Turo mo na sa akin 'yong tutulugan ko." Sa pagtindig ni Geneva  ay nawalan siya ng balanse. Ngunit maagap siyang naalalayan ni Robin. Again, she was saved by the bell, sa kamuntik nang pagsayad ng katawan sa baldosa.

Muli silang nagkatitigan. Hindi  alam ni Geneva kung gaano sila katagal sa ganoong ayos. Kung hindi pa ito nagsalita ay hindi pa siya matatauhan.

"Okay ka lang, Gen?"

"O-oo..." Ang totoo ay parang tinakasan na siya ng lakas at hindi na  magawang ihakbang ang mga paa. Inalalayan siya nito sa paglalakad.

"Ano, kaya mo pa? Bubuhatin na kita," bulong ni Robin sa tapat ng kanyang  tainga  na lalong nagpabilis ng tibok ng puso niya.

Hindi na alam ni Geneva kung paano sila nakapasok sa loob ng isang cottage. At sa mga sumunod na sandali ay tuluyan na siyang iniwan ng natitira niyang katinuan . Naglaho ang lahat ng kanyang inhibisyon  sa katawan.

Naisandal siya ni Rohin sa likod ng nakalapat na pinto at siniil ng isang maalab na halik. Napayakap siya rito habang tinutugon ang halik ng may  kaparehong intensidad. Pasumandali nitong iniwan ang kanyang mga labi, na habol-habol pa rin niya, pagkatapos ay sinapo ng dalawang kamay ang kanyang mukha.

Again, flashing his killer smile. 

"Akala ko, hindi na darating ang sandaling ito, sweetheart..." Pumapaspas ang hangin mula sa bibig nito. Amoy pinaghalong alak at mabangong hininga ni Robin ang lalong nagpaigting sa kanyang nararamdaman.

"Shut up! Just kiss me..." Iyon na lang ang  nanulas  sa kanyang  bibig. Goodness! Ako ba iyon? pamumuska ng munting tinig sa kanyang isip.

Namimilyo ang ngiting sumilay sa mga labi ni Robin,  at muli siyang siniil ng halik. Sa pagkakataong iyon ay  ramdam ni Geneva ang pagsapo ng mga  kamay nito sa kanyang pang-upo, saka siya iniangat habang nanatiling magkahinang ang kanilang mga labi.

Sa ganoong posisyon, na tila bata siyang karga nito ay marahang naglalakad si Robin, na hindi naghihiwalay at animo ay naka-lock na  ang  kanilang mga labi.

Maingat siyang inihiga ni Robin  sa malambot na kama. Nakadagan ito sa kanya. Hindi niya alintana ang bigat ng  binata. Samu't- saring sensasyon ang nagpapatuliro sa  kanyang isip, lalo pa at nagsimulang gumapang ang mga labi nito sa kanyang leeg, muling bumalik sa kanyang bibig,  at nanunudyong marahang kinagat-kagat ang ibabang labi niya, at muling gumapang sa kanyang leeg...

"Robin...:" daing ni Geneva.  Ramdam niya ang kakatwang kirot sa bahagi ng kanyang pagkababae. It was a kind of pain na may dulot na walang kapantay na sarap.

Ramdam ni Geneva  ang isa-isang pagkahubad ng kanyang mga saplot. Saglit pa ay sakop  ng bibig ni Robin ang isa niyang dunggot, habang ang isa nitong kamay ay nasa kanyang pagkababae,  making some gentle movements na nagpasinghap sa kanya. Na tila ano mang oras ay kakapusin na siya ng hininga. Napaliyad na siya sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. Tila tatakasan na siya ng ulirat kung magpapatuloy pa ito.

Naramdaman ni Geneva  ang pagsayad ng mainit na mga labi nito sa kanyang puson, saka bumababa  hanggang sa matagpuan ang pakay.

Oh, my!!! hiyaw ng kanyang isip. Nakagat niya ang  ibabang labi sa tindi ng daluyong ng pinaghalong kiliti at sensasyon. Hindi  malaman kung nagdidiliryo siya. Nais na niyang awatin si Robin, patigilin sa ginagawa. Subalit wala siyang lakas. Naisabunot niya ang mga kamay  sa malago nitong buhok.

" Sweetheart,  I want to be inside you..." anas nito nang sa wakas ay muling tumayo at pumantay sa kanya.

Bahagya na lang naimulat ni Geneva ang mga mata. Ngunit alam niyang wala na ring natitirang suot na damit sa katawan si Robin. Kung paano nito iyon nagawa, hindi na niya nais alamin pa. She can feel his manhood. May bahagya siyang kabang naramdaman.

Pumosisyon na si Robin,  ilang sandaling nanantiya at banayad na bumungad. Hanggang sa tuluyan nang makapasok sa kaharian ni Geneva.


NAGISING si Geneva na parang minamaso ang kanyang ulo  sa sakit. Ayaw pa sana niyang idilat  kung hindi lang sa kakatwang pakiramdam. Hindi siya nag-iisa sa kama. May katabi siya  at nakayapos ito sa kanya. Iyong klase ng yakap na para siyang inakay na protektado ng mapagpalang inahin. Ngunit hindi inahin ang kanyang katabi  kundi isang...

God! Ano ito? Bakit kami magkatabi ni Robin?

Kapwa sila walang saplot. His flesh against her flesh. Ramdam na ramdam ni Geneva ang "bagay" na iyon sa kanyang likuran. Buhay na buhay! Mistulang mandirigmang handa naman yatang sumabak sa giyera. Pakiwari niya,  napunta ang kanyang  puso  sa kanyang lalamunan. Walang dudang may namagitan sa kanila ni Robin!

Nakaharap sa kanya ang binata, na halatang nasa kasarapan pa ng tulog. At kung ang pagbabasehan ang ngiti sa mga labi nito—ang klase ng ngiti na kung marahil hindi lang may nangyaring eksena ay makikiayon siya sa sasabihin ng matatanda na nilalaro ito  ng anghel. Ang kaso, hindi kakampi ng anghel ang tingin niya ngayon kay Robin.

Naningkit ang kanyang mga mata  sa inis. Ang hinayupak na 'to! Sinamantala ang pagkakataon na wala ako sa katinuan!

Kaya nakangisi si Robin  ay dahil nakaisa nga. Isa naman dagdag sa listahan ng mga conquest nito ang nangyari sa kanila!

Pagbalikwas ni Geneva ay hinablot niya ang unan at  ipinanghataw kay Robin. Pagkahataw ay hinatak niya ag puting kumot at ipinantapi  sa kanyang kahubdan. Pupungas-pungas na bumangon at naupo si Robin, hindi alintana ang pagbuyangyang ng pagkalalaki.

Dagling iniwas ni Geneva ang tingin sa lalaki.  Alam niyang namumula ang kanyang mukha  sa halo-halong nararamdaman nang mga oras na iyon. "Bakit magkatabi tayo?"

"Ayos kang manggising, ah. Sobrang lambing ng pagkakahataw mo ng unan."

 "Puwede ba, magbihis ka na?"

Nakita niya ang mga damit na nakakalat sa lapag. Hindi bale sana kung sama-sama ng puwesto. Ang  kaso, hiwa-hiwalay. Isa-isa niyang pinagpupulot ang mga damit. Hindi pa niya makita ang kanyang bikini. Ang brassiere niya nakasabit sa lampshade. Lalo tuloy uminit ang kanyang ulo.

"Heto ba ang hinahanap mo?" ani Robin na  hawak-hawak   ang red bikini.

Naramdaman ni Geneva ang pag-iinit ng buo niyang mukha, maging ang buong katawan, lalo pa at walang balak na magdamit ang lalaki. Nakaupo lang ito sa gilid ng kama habang nakamasid sa kanya. "Akin na yan!" singhal niya kay Robin.

"Kiss muna bago ko ibigay sa iyo," nanunudyo ang ngiting sabi nito.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo, Mr. Briones!" asik niya.

"Ang aga mo naman kasing high blood. Mag-usap nga muna tayo.,"

"Ayokong makipag-usap sa iyo!"

"Ayaw mong pag-usapan natin yung tungkol sa atin—sa nangyari sa atin?"

Natameme siya.

"Siguro naman papayag ka nang maging tayo na."

Huminga  nang malalim si Geneva. Nalilito siya. Natutuliro.

Tumindig na si Robin at isa-isang pinagdadampot ang mga nakakalat na damit. At sa harap ni Geneva  ay bale-walang nagbihis ang binata. Puti ang bikini-briefs nito. Sumunod na isinuot ang itim na slacks at white round neck undershirts. Sinuklay lang ng mga daliri nito ang buhok.

Lumapit si Robin sa kanya. Agad siyang napaatras na tipong alerto na kakaripas ng takbo sakaling may gagawin itong hindi maganda. 

Ah, kaya, tatakbo ka? Baka tatakbo ka palapit sa kanya?  buska ng sariling boses sa kanya.

Na-corner siya nito.

"Huwag kang magkakamali, sisigaw ako."

Natatawang naiiling si Robin. "Relax, Sweetheart. Kung maka-react ka naman, para kang gagahasain. Sige na, magbihis ka na at mag-uusap tayo." Maagap na nahawakan nito ang kanang kamay niya. Pumiksi siya subalit malakas ito.

Sa panggigilalas ni Geneva ay dinala muna ni Robin  sa tapat ng bibig ang undies, hinalikan at saka inilagay sa kanyang kamay.

"Bastos ka talaga!" asik niya,  sabay irap at tuloy-tuloy na pumasok sa isang pinto na natitiyak niyang banyo. Sunod-sunod ang ginawa niyang paghinga nang malalim upang kalmahin ang sarili.

Hay, ano ba ito?

Kompleto ng toiletries ang loob ng banyo. May puting roba at tuwalya. Sa loob ng isang cabinet ay mga lotion, bagong tootbrush, at disposable panties. May hair dryer din nakasabit sa may lavatory sink.

Ipinasya ni Geneva na  mag-shower na para  kahit paano  ay maibsan ang sama ng kanyang pakiramdam. Ramdam pa rin niya ang kirot sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Naiinis siya, nagagalit  sa sarili. Si Robin lang pala ang makakakuha ng kanyang iniingatang kabirhenan.

Maano naman? Hindi ba noon pa man ay inirereserba mo na ang sarili mo kay Robin Robles Briones? nang-aasar na sabi ng maliit na boses sa kanyang isip.

Noon iyon, sabi ng kabilang bahagi ng kanyang isip. 

Matindi ang pagka-crush niya noon kay Robin. Lihim niyang iaasam-asam noon na mapansin siya nito. Ngunit never na napansin siya ng binata.  Iba ang pinapansin noon ni Robin. Iyong naggagandahan at maaarteng babae sa  eskwelahan nila.

Si Robin ay certified na matinik sa babae. Binatilyo pa lang ay marami nang alam na kalokohan. Bakit niya iyon alam? Dahil si Robin ang lagi niyang naririninig na topic na pinag-uusapan sa umpukan ng mga babae. Kung gaano ito kagaling humalik at... at...

Hay, erase, erase!!! singhal ni Geneva sa sarili. Mabilis na niyang tinapos ang pagsha-shower.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa loob ng banyo. Paglabas niya ay wala na roon si Robin. Napaawang ang kanyang  bibig  nang mapansin ang kulay pulang mantsa sa beddings. Dali-dali niya iyong hinatak at binalumbon, saka dinala sa loob ng banyo.

Alam niyang kahit naman itago o i-dispose ang naturang bedsheet ay pihado namang nakita na iyon ni Robin. At sigurado rin na alam nito ang tungkol doon. Hindi niya malaman ngayon kung dapat nga ba nilang pag-usapan ang tungkol sa nangyari. Ano nga ba dapat?

Naiinis siya at naguguluhan siyang lalo. Nate-tense. Hindi siya makakapag-isip nang maayos kung ganitong tensiyunado siya. Ang unang dapat niyang isipin ay kung ano ba talaga ang kanyang gusto. Gusto ba  niyang panagutan siya ni Robin?

Hindi! mabilis na tanggi ng kanyang  konsiyensiya. Hindi niya maatim na ita-trap sa kasal ang kagaya ni Robin nang dahil lang sa virginity. In a way, may kasalanan din siya sa nangyari, Hindi niya pupuwedeng isisi  ang lahat sa alak. Nagkataon lang na  hindi  pala niya kayang dalhin ang alak na nainom kung kaya  kung ano-ano na ang kanyang nagawa.

Continue Reading

You'll Also Like

56.3K 1.5K 31
When Aiden died, Joey thought she died with him. Until she saw him again...Pero ang kakambal pala iyon ni Aiden na si Aidan. Okay lang naman sana sa...
2.7M 171K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
65.7K 2.7K 20
Alyssa Montenegro was a timid rich girl who supposed to marry a man chosen by her parents. Isang areglong kasalang magliligtas sa ari-arian ng kanyan...
116K 3.3K 18
PHR # 970 Alodia Mari-Antoine was a college student while Neil Robin was a young professor. Kung attracted na agad si Alodia sa gwapong propesor, wel...