Chapter 9: “The 5-day-mission”
Jessica’s POV
Trio? Huhuhu. Ayoko munang magkaroon ulit ng circle of friends. Pero wala na, huli na ang lahat dahil magkakilala pala itong dalawang ‘to and grabe lang, childhood friends pa sila. Paano k-kung..kung mangayri ulit yung dati? Ugh. Ito na nga ba sinasabi ko eh! Kaya ayokong makipagkaibigan kahit kanino.
“Oy! Jeca! Ano? Tititigan mo lang kami?” sabi ni Elle sa’kin na parang batang naghihintay ng isang story.
“Elle. Don’t shout.” Pagbawal ni Justin kay Elle
Nasa bahay kami ngayon nila Justin. Nung nagkita-kita kami kanina sa harap ng bahay namin ay nag-aya si Elle na pumunta raw ‘saglit’ (Take Note: Saglit daw pero sa tingin ko eh hanggang ngayo’y walang balak umuwi si Elle.) sa bahay ng kanyang childhood friend (Justin), gusto raw niya kasi makita ulit ang mga magulang ni Justin. Siguro close na close talaga sila. Kaso lang pagdating namin ay tulog na ang parents niya. Uuwi na sana ako kaya lang itong si Elle pinigilan ako at magkwento raw muna ako tungkol sa pag-meet namin ni Justin. Ayoko nga! Ayokong ikwento sa kanya. Pagtatawanan lang ako nito kapag nalaman niya ang kabaliwan na ginawa ko noong una kaming nagkita ni Justin.
“Hindi naman ako sumisigaw ha?! Oy~ Bilisan mo na Jeca!” pangungulit ni Elle sa akin
“Tss. “ –Justin
“Wag nga kayong mag-away. Justin, parang di ka naman nasanay kay Elle. That’s the normal volume of her voice.” Pag awat ko sa kanilang dalawa. Napangiti naman si Justin at napasimagot si Elle sa sinabi ko.
“Grabe ka naman! Ayos lang naman boses ko ha?” pagtatanggol niya sa sarili.
“Don’t worry sanay na kami sa ganyang boses mo” pang iinis ko kay Elle
“Paano ba dapat? Ganto? *Ehem*” Huminga muna sya ng malalim at umubo-ubo bago nagsalita ulit
“Bilisan mo na Jeca my loves. Kwento mo na. I’m really curious. Pretty pretty please.” Sabi niya with her sweetest voice. (I think?) HAHAHA. Sinabayan niya pa ng pag act na parang isang napakahinhin na babae. Nag puppy eyes pa sya dun sa part ng “pretty pretty please”
I burst out laughing and si Justin naman ay nagpipigil ng tawa. Lalaking ‘to nahiya pang tumawa. Pero hindi niya rin napigilan at natawa na rin ng pagkalakas-lakas, hawak hawak pa nga niya yung tiyan niya habang tumatawa eh.
“Hindi bagay sayo. Don’t do that again.” He said between his laughs.
“Yes. Never. Ang weird pakinggan.” Pagsang-ayon ko kay Justin
“Gra—A-ano y-yun?” Her eyes grew bigger and slow-mo pa niyang tinuro ang hagdanan.
Nasa living room kami ngayon and lampshade lang ang tanging ilaw na nagpapaliwanag dito.
“Grabe ka naman para kang nakakita ng—“ sabi ko habang dahan dahang tumitingin sa tinuturo niya
(O.O)
“MULTO!!!!” sabay na sigaw namin ni Elle
May dalawang paa na bumababa ng hagdanan. Naka-white syang dress and yung paglalakad niya nakakatakot parang zombie. Waaah! Ayoko na tignan. Lumapit kaming dalawa ni Elle kay Justin and kumapit sa magkabilang braso niya. Tatayo pa sana si Justin ng biglang nagsisigaw si Elle.
“Waaahhh Justin!!!! Dyan ka lang! Papatayin kita kapag umalis ka!” pag sigaw ni Elle
“Wait lang kas—“ tinatanggal niya yung pagkakahawak namin sa kanya sa magkabilang braso
“J-justin! Tutulungan ko si Elle sa pagpatay sayo pag umalis ka. Dyan ka lang. Takte! Dapat kasi umuwi na ako kanina pa eh. Alam niyo ba na maraming horror story tungkol sa bahay na’to? HIndi ko nga alam kung bakit kayo lumipat dito eh. Siguro hindi niy—“ tuloy-tuloy na sabi ko. Madami pa sana akong sasabihin nang biglang bumukas ang ilaw at bumungad sa amin ang mukha ng babae na sobrang puti.
“Waaaaaaah!!!” sabay na sigaw namin ni Elle, at itong si Justin naman ay tawa lang ng tawa.
“Anong kaguluhan ‘to anak?” nakakunot noo na sabi ng multo.
“A-anak?!” sabay na sigaw ulit namin ni Elle
“Pasensya na po Ma, nagising po yata kayo sa ingay namin. Mga kaibigan ko nga po pala. Si Jessica po and si Elle” My goodness! Nakakahiya!! Nanay niya pala yun. Lumapit naman agad sa amin yung mul—I mean yung nanay ni Justin.
“Bakit naman ganyan itsura niyo? PPara kayong nakakita ng multo.” Natatawa-tawang sabi ng nanay ni Justin
“Ah..Ehh..hmmm.” di ko alam sasagutin ko, alanga namang sabihin kong ‘Opo. Kayo po’
“ Ih.. Oh..Uh” dugtong ni Elle na parang di rin alam ang isasagot. Ewan ko dito kung najo-joke ba ‘to o hindi eh. Kung joke yun, pramis ang korni lang.
“Bakit po kasi kayo nagsusuot ng ganyan atsaka ano ba yang nasa mukha niyo? Napagkamalan po tuloy kayong multo ng di oras.” Nakakunot noong sabi ni Justin.
“Aaaahh. Kaya pala.” Natatawang sagot ng nanay niya.
“Gabi na mga iha. Saan ba kayo nakatira? Baka hinahanap na kayo ng mga parents niyo.” – nanay ni Justin
“Magkapit-bahay lang po tayo. Nice to meet you po.” Nakakahiya yung nangyari kanina. Ano bang meron ang pamilyang ito at laging epic fail ang mga una kong pag-meet sa kanila. (=_=”)
“Nice to meet you, too.” Nakangiting sagot niya.
“T-Tita Christine! Waaaah!” sabi ni Elle sabay yakap sa nanay ni Justin.
“Teka lang iha. Kilala mo ako?” nagtatakang tanong ng nanay niya.
“Hindi niyo na po ako kilala? Sabi ko na nga ba nasobrahan ang pag ganda ng mukha ko eh.” Teary-eyed niyang sabi. HIndi ko ma-identify kung nagjo-joke ba sya o hindi eh.
“Bata ka. Ang lakas talaga ng loob mo hanggang ngayon. Ang laki mo na ha, Gabrielle” nakangiting sabi ng nanay ni Justin.
Nagkwentuhan muna sila, habang kami ni Justin ay nakikinig lang. Minsan makikitawa ako. (Yes, ako lang. Si Justin kasi nakapoker face lang eh (-_-“)) kapag bumanat ng joke si Elle pati nga yung nanay ni Justin nagbibiro eh. Ang kulit ng nanay niya parang kasing edad lang namin, saan kaya nagmana ‘tong si Justin ng pagiging suplado? Habang nagkukwentuhan sina Elle at ang nanay ni Justin ay biglang nagring ang phone ko.
“Excuse lang po ti—Hmmm ano.”
“Tita Christine na lang” she said with her beautiful smile.
“Tita Christine sasagutin ko lang po yung tawag.” Nakangiti kong sagot sa kanya. Medyo nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina.
“Sige.” Nakangiti niya sagot. My goodness! Ang ganda niya parang kapatid lang sya ni Justin eh.
Tumayo na ako at pumunta sa likod ng bahay nila.
Justin’s POV
Ang tagal naman yata ng babaeng yon. Saang lupalop na kaya yun nakarating? Ugh. As if I care. Bahala sya sa buhay niya.
Hanggang ngayon nag-uusap pa rin sila Mama, hindi yata sila nauubusan ng topics (=_=”) . Parang kanina lang tungkol sa bahay pinag-uusapan nila, ngayon naman sapatos. Aiissh. Girl talk. Bahala sila, makapagbasa na nga lang ng libro. Kinuha ko yung book na kulay blue, iyun kasi yung pinakamalapit sa kinauupuan ko eh. I read title. “Lost Time Will Never Found Again”.. “Tss. “
“Nako. Nasaan na kaya si Jessica? Umuulan na oh.” Biglang sabi ni Mama. Tinignan ko saglit yung bintana namin and then tumayo na. Babaeng yun talaga istorbo.
“Oh. Ting-ting saan ka pupunta?” – Elle
“Sa C.R. lang.” sagot ko then naglakad n.
Pumunta ako sa likod ng bahay namin. Kinuha ko muna yung red na payong bago lumabas. Ugh. Ang lakas na ng ulan. Nilibot ko na ang likod ng bahay namin pero wala sya rito. Hindi kalayuan sa kinatatayuan ko ay nakikita ko ang swing namin. And there I saw her. Nakaupo at nakayuko lang. Hindi ba ‘to nakakaramdam ng lamig? Tumakbo ako palapit sa kanya at pinayungan sya. Mukhang di niya pa nararamdaman na nasa tabi niya ako.
“Idiot!” sigaw ko.
“Kevin?” Tss. Sya nanaman. Bakit ba hindi to makamove on? Two freakin’ years already passed.
Tumingala sya and I saw her swollen eyes. I felt something in my chest, I don’t know what it is so I just ignored it and looked into her eyes. It took me 1 minute to know the reasons behind those tears. As I thought, yung past nanaman niya ang iniiyakan niya. Kung nagtataka kayo kung paano ko nalaman.. well, I can read minds. Mahabang kwento kung bakit kaya next time ko nalang sasabihin sa inyo.
“Justin?” she said with a cracked voice.
“You stupid girl! Are you really that crazy? Ang lakas lakas ng ulan tapos nagduduyan ka pa dyan. Naghahanap ka ba ng sak—“
“Justin.” She said between her sobs. Ugh. I can’t look straight in her eyes. I looked away, still holding the red umbrella between us. Ayokong nakakakita ng mga babaeng umiiyak lalo na sa ganitong sitwasyon.
Tinignan ko ulit sya, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga gantong sitwasyon. While looking at her, I felt a sudden urge to hug her.
I leaned slowly and hug her. Tightly.
--------------------------------
Jessica's POV
Ah! Ang sakit ng ulo ko. Teka, bakit may basa sa noo ko. Pagdilat ko ay nasa isang kwarto na ako.
“Wag mong tatanggalin yang nasa ulo mo. Wag ka rin munang tumayo” biglang sabi ni Justin. Naka-indian seat sya sa mini sofa at nanonood ng tv. Kahit nakaside view sya dito makikita mo pa rin sa mukha niya na seryosong seryoso sya sa pinapanuod niya. He’s wearing a plain white v-neck t-shirt and pajamas. Medyo basa yung buhok niya at may towel na nakasakbit sa batok niya.
“Nasaan ako?” I asked him.
“My room.” He answered without looking at me.
“Aaaah.”- me
And then realization struck me.My room.
“WHAT?!”- sigaw ko pero hindi niya ako pinansin at nakatitig pa rin sa t.v.
(O.O)!
Tinignan ko ang suot kong damit and…. WAAAAAAH!
Justin’s POV
“Kaninong damit ‘to?” tanong ulit ni Jessica sa akin. Aiissh.. this girl! Bakit ba ang dami niya tanong?! Istorbo naman eh.
“Mine.” Tipid kong sagot. HIndi pa rin ako tumitingin sa kanya. Intense na ang labanan.. Mag 3 points ka na! Para tapos na ang laban! Ayan na! Takbo! Bilis! Obvious namang basketball ang pinapanuod ko diba?
*sniff*sniff*sniff*
Huh? Tumingin ako kay Jessica and she’s.. What the heck?!
“Hey! Bakit ka nanaman umiiyak dyan?”—me
“Waaaah!!” at mas lalo pa syang umiyak. Ugh. Ang ingay!
Tumayo ako at lalapitan na sana sya ng bigla sya nagbabato ng mga unan.
“HOW DARE YOU?! Wag kang lalapit sa akin!” sigaw niya habang bumabato. Ako naman ay iwas lang ng iwas. Matindi na ang topak ng babaeng ‘to. (=_=)
“Ano bang problema mo? T-teka*iwas* lang kasi *iwas*”
Boogsh.
(O.O) – Jessica
(-_-) – me
Tumingin ako sa pintuan at nakita ko si Elle na nakayuko habang hawak yung unan sa kanan niyang kamay. Lagot ka ngayon. Tsk.tsk
“Jessica Mae Marvelle!!” lumapit sya kay Jessica at niyakap ito. Niyakap? Aiish. Akala ko pa naman magagalit sya.
“Magaling ka na ba? Wait, bakit ka umiiyak?” pagkatanong niya kay Jessica ay bigla syang tumingin sa akin ng masama. Damn. Ano nanaman ang ginawa ko?
“What?” inosente kong tanong kay Elle.
“Si.. Justin.. Ano… Damit ko..” pautal-utal na sagot ni Jessica.
*POINK*
“Aray naman! Bakit ka nambabatok?” – Jessica
“Gaga ka! Binatukan kita ng maalog yang utak mo at makapag-isip ka ng matino.”—Elle
“Arrggh. Ewan ko sa inyo.” – me
Mga babae nga naman, sakit sa ulo. (=_=) Yung pinapanood ko!! Umupo ulit ako sa sofa at tinignan ang pinapanuod ko. Bwisit. Tapos na.. (T^T)
Jessica’s POV
“Grabe ka naman. Ano bang nangyari? Bakit ako nandito?” Tanong ko kay Elle
“Aba! Malay ko sayo kung anong pinag-gagawa mo. Ang alam ko lang binuhat ka ni Ting-ting papunta sa loob ng bahay na nahimatay na at inaapoy ng lagnat. Pinunasan ka ni Tita Christine at pinalitan ng damit. Mas malapit yung closet ni Justin kaya doon na lang nanguha.” Pagpapaliwanag ni Elle
W-wait.
Loading… 10%
Loading… 50%
Loading… 90%
Loading… 100%
Ting!
Ah! Naalala ko na.. Shocks! Nakakahiya.. Tinignan ko si Justin at nakita ko ang inis na expression niya, hawak niya ngayon yung remote at naglilipat lipat ng channel. Sorry Justin. Huhuhu. Argh! Ang dumi kasi ng utak mo Jess eh! Gaga ka! Palinis mo nga yan!
“Ano ba kasing pinaggaga-gawa mo sa labas?” kunot noong tanong ni Elle
At iyon nga kinuwento ko sa kanya yung pinag-gagawa ko simula nung tumawag si Mama hanggang sa pag-iyak ko (pero hindi ko sinabi yung dahilan). At ang katangahang ginawa ko na pagbabasa sa ulan para di halata na umiiyak ako.
“Confirmed. Gaga ka nga.” Seryosong sabi ni Elle habang nakahawak sa baba niya
*POINK*
“Aray! Bakit ka nambabatok?” – Elle
“Para quits.” Sabi ko sabay belat sa kanya.
“Baliw!” sabi niya habang tumatawa. Pero biglang sumeryoso ang mukha niya.
“Jeca. Bakit ka ba kasi nagkakaganyan? Dahil pa rin ba yan sa mga kabarkada mo dati?” – Elle
Di ko sya sinagot at umiwas na lang ng tingin.
“That’s why I told you to move on. 2 years na ang lumipas Jessica.” Biglang sabi ni Justin na naka tayo na pala sa tabi ng bed ko at nakacross-arms.
“Jeca. Jusmiyo! Magpakatapang ka naman. Please, be strong enough to let go. Nandito naman kami eh.” Elle said. You can hear and feel the sadness on her voice.
Gusto ko naman eh. Gusto ko para maging ganap na masaya na ako. Pero…
“Paano?” teary- eyed kong tanong.
“Wag kang iiyak! Mass papangit ka. Swear.” Tignan mo tong babaeng ‘to nakuha pang manlait sa mga gantong sitwasyon. Sa halip na matuloy ang iyak ko ay natawa na lang ako.
Ilang minutong katahimikan din ang lumipas ng biglang nagsalita si Elle.
“Ah! Alam ko na!” – Elle
“Yung ano?” – ako
“Uh-oh. Sa tingin ko ay madadamay ako sa iniisip mong yan.” Nakapoker face na sabi ni Justin.
“Anong oras na?” tanong ni Elle
Anong kinalaman ng oras dito?
Tinignan ni Justin yung necklace na clock niya.
“11:55 PM” – Justin
“Okay. 5 minutes para mag-explain.” – Elle
“Tutulungan ka namin mag move on ni Justin—“ – Elle
“Wait. Bakit kasama ako?!” – Justin
“Shut up Ting-ting. 4 minutes na lang..” – nakinig naman si Justin at tumahimik na lang
“Magkakaroon tayo ng 5-day mission. Diba 5 days na lang bago ka mag 18th birthday? Tutulungan ka namin mag move on sa loob ng 5 days. Dapat sa debut mo ay ganap ka ng maligaya without them. Goal nito ay para maalis yang mabigat na feeling mo kapag naaalala mo sila. Gagawin namin lahat. Promise. Agree?” nakangiting paliwanag ni Elle.
“NO.” sabay na sagot namin ni Justin.
“Oh come on~ Di ka naman namin pipilitin eh. Kapag nagsuccess edi masaya. Kapag nag failed edi.. malungkot. Tatanggapin namin ang magiging results. That’s you and that’s your choice. Hindi tayo magre-regret dito. Pumayag na kayo. Please?” --- Elle
Nag-isip muna ako ng ilang saglit. Sabagay, kanina tinatanong ko sila kung ‘paano’ and now, tinutulungan na nila ako.
“Okay.” Sabi ko sabay thumbs up.
“Yes! How about you Justin?” nagtitigan muna ang dalawa para silang nag-uusap at nagtatalo sa mga titig na yon.
“OK. Fine! If it’s okay with you then go.” – Justin
“Wala ka bang idudugtong?” Tanong ni Elle kay Justin. And here we go again sa titigan portion nila. Nakaka=op na ha! Parang may gustong ipahiwatig si Elle kay Justin at mukhang naintindihan naman niya.
“Are you sure?” hesitation plastered on his face
“Definitely…Yes!”siguradong siguradong sagot ni Elle
Huminga muna ng malalim si Justin bago nagsalita.
“Okay. If the mission failed, I’m going to tell you something important. That “something” is a secret so you better shut your mouth when someone ask you about it. Understand?” seryoso niya tanong sa akin. I just nodded and he continued.
“ May itatanong ako sayo that may change everything. Komplikado ang bagay na ito kaya please unawain mong mabuti. Itatanong ko na lang yun sa 18th birthday mo. Answer carefully or else magiging mas komplikado ang lahat. Understand?” tanong niya ulit sa akin. Tatanungin ko sana kung ano yun o kaya naman bigyan nila ako ng konting clue. Pero itong si Elle nagmamadali na.
“Bilis na Jeca. 10 seconds na lang. Dapat bago mag 12 ma-on na ang mission na ‘to.” – Elle
“Hurry up!” pati si Justin nagmamadali na (=_=)
“OK. Understood!” – me
“Yes!”- Elle
“5, 4, 3, 2” – Elle
”12:oo pm na” – Justin
“ The 5-day-mission is officially on.” Nakangiting sabi ni Elle sabay kindat.