MY LUKE

By crunchh

159K 4K 442

Namana ni Maureen Cassidy Solanor ang sumpa ng pamilya ng kanyang ina kaya nakikita niya ang hinaharap sa pam... More

Chapter 1: L.A.T
Chapter 2: Cassidy
Chapter 3: Model
Chapter 4: Call me
Chapter 5: Why so kind?
Chapter 6: Offer
Chapter 7: Loyalty
Chapter 8: Dreams
Chapter 9: As a woman
Chapter 10: L.A
Chapter 11: Nothing special
Chapter 12: Lights... camera, action!
Chapter 13: Jealous
Chapter 14: My Luke
Chapter 15: Frustrations
Chapter 16: Bagay sila
Chapter 17 to Chapter 19
Chapter 20: Okay now
Chapter 21: Forever exist
Chapter 23: Bangungot (Last 2 chapters to go)
Chapter 24: Goodbye?
Epilogue (The last chapter)

Chapter 22: Queen

4.6K 139 11
By crunchh

Medyo SPG.

==

Nabigla ako sa nalaman. Wala ng pamilya si Luke. Mag-isa lang siya sa buhay. Paano niya nakakayang mag-isa? Nanghihina akong tingnan siya. Magkasama kami sa labas ng bahay at magkahawak-kamay na nakaupo ng tahimik.

Ikinuwento niya sa akin ang buhay niya. Bata pa lang siya nang namatay ang kanyang ina. Hindi kinaya ng ama niya ang pangungulila kaya ilang araw lang ang nakakalipas ay nagpakamatay ito sa loob mismo ng kwarto nila.

Kinuha siya ng kapatid ng kanyang ama at pinag-aral pero kahit gano'n, ang laki siguro ng trauma niya.

Pinagmasdan ko si Luke. Tahimik lang siya pero nakangiti. Totoo kaya ang mga ngiting ipinapakita niya? Hinaplos ko ang kanyang kamay at humilig sa kanyang balikat.

"Totoo bang masaya ka ngayon?" tanong ko.

Gusto ko siyang damayan. Gusto kong gawin ang lahat ng kaya ko para huwag na siyang maging malungkot pa.

"Ngayon lang ako naging totoong masaya. Ngayong kasama kita."

Kahit na sinabi niyang masaya siya sa piling ko ay may kirot akong nararamdaman. Gumuhit sa aking isip ang mga tagumpay ni Luke bilang modelo at artista pero wala siyang pamilya. Walang pamilya na sasalubong at babatiin siya sa kanyang mga tagumpay.

Bigla kong naisip, wala siyang makakasama mamaya sa paghihintay ng pagsapit ng pasko. Ganito ba siya parati? Mag-isa lang siya.

"Luke, gusto mo bang dito magpasko?" Ipinikit ko ang aking mata. Papayag kaya siya?

"Ito ang unang beses na makakasama kitang magpasko kaya imposibleng humindi ako. Pero ayos lang ba sa kapatid at papa mo?"

Nakahinga ako nang maluwag. Ngumiti ako at tiningnan siya sa mata.

"Matutuwa sila kung dito ka sa amin."

Naghahanda na sina Ismael ng kakainin namin. Hindi ganoon karami ang handa pero sapat na ito para sa aming apat.

"Kung alam ko lang na dito ako magpapasko, sana nakabili ako ng mga pagkain."

Ang cute niyang sumimangot. Nanggigil ako sa kanya kaya pinisil ko ang pisngi niya.

"Ang kulit mo! Okay na ang handa para sa ating apat."

Ngumiti siya. Wala ng mas gaganda pa sa ngiti niya. Pakiramdam ko ay nagkaroon ng kulay ang buhay ko. Masaya ako kung saan masaya si Luke. Masaya ako sa piling niya.

Tumunog ang kanyang cellphone. Ilang minuto na lang ay malapit na magpasko. Sino kaya ang tumatawag sa kanya?

"Hello, Sachi," sagot ni Luke. Nakinig lang ako sa usapan nila. "I'm sorry. Wala ako sa unit ko kaya hindi ka makakapunta. Kina Cassidy ako magpapasko. You can spend your christmas with your family. I'm alright here." Nakangiti siya na siyang ipinagselos ko. May kung ano sa kanila ni Ms. Sachi na hindi ko kayang pantayan. Matagal na nilang kilala ang isa't isa samantalang ako ay bago pa lang sa buhay ni Luke. "Merry Christmas, Sachi."

Matapos niyang makipag-usap ay masuyo niya akong tiningnan. Nakagat ko ang labi ko. I'm jealous. Apat na taon na si Luke sa industriyang ito. Siguradong sa apat na taon na iyon ay marami na silang nabuong alaala.

"What's wrong?" nag-aalalang tanong niya. Hindi ko siya magawang tingnan. Tumunog na naman ang cellphone niya kaya roon nabaling ang atensyon niya.

Inalis ko ang kamay kong hawak niya. Siguro ay tumatawag na naman si Ms. Sachi sa kanya. Sa ginawa ko ay hindi niya sinagot ang tawag.

"What's wrong, baby?" Nanghina ako sa boses niya.

"Sagutin mo na ang tumatawag. Si... si Ms. Sachi 'yan 'di ba?"

"Walang mas mahalaga pa sa 'yo. Now tell me what's wrong, Cassidy?"

"Wala. Sagutin mo na ang cellphone mo. Baka mahalaga 'yan."

Sa wakas ay tumigil na ang pagtunog ng kanyang cellphone. Itinalikod niya ako sa kanya at saka niyakap. Ang ulo niya ay nasa balikat ko kaya nakikiliti ako sa bawat paghinga niya sa tainga ko.

"Pumupunta ba si Ms. Sachi sa unit mo?" He gave me a light chuckle.

"Now I understand. My Cassidy is jealous. That's cute baby." Mas inilapit niya ang mukha niya sa 'kin. Naipikit ko ang aking mata sa ibinibigay niyang kakaibang sensasyon sa 'kin. "But I assure, nothing's between us."

"Matagal na kayong magkakilala. Samantalang ako ay bago pa lang sa buhay mo."

"Stop your insecurities. Walang mas hihigit sa 'yo... at hindi ka bago sa buhay ko."

Kumalas siya sa yakap upang iharap ako. Hinalikan niya ako sa noo. Sumunod ay tinawag na kami ni Ismael. Sasalubungin namin ang pasko na magkakasama sa hapag kainan.

Pinatay ni Luke ang kanyang cellphone dahil tuwing pasko ay marami daw talaga ang tumatawag at magte-text sa kanya. Tiningnan ko ang gwapo niyang mukha. Maraming babae ang nabaliw sa mukhang iyon. Isa na si Jasmine Du. Nalaman ko na pursigido pala talaga noon pa ang babaeng iyon kay Luke.

Hindi ko alam kung paano natitiis ni Luke na makasama ang katulad noon na ikinukubli lang ang kagaspangan ng ugali sa magandang mukha.

Gumapang ang mga kamay niya sa aking likod. Bumaba ang hawak niya sa aking baywang. Sina Papa at Ismael ay nagsmula na mag-countdown. Malapit na ang pasko.

Kinikilabutan ako sa tuwing hinahaplos ni Luke ang aking katawan. Para bang nababaliw ako sa saya kapag ganoon ang ginagawa niya. Ayokong isipin na ginagawa niya rin ito sa ibang babae. Gusto kong ako lang ang makakaramdam nito because he's my Luke.

"5... 4... 3... 2...1! Wohooo! Merry Christmas!" sabay na sigaw nina Papa at Ismael.

Binati namin ang isa't isa hanggang sa kumain na kami. Nagpapatawa si Ismael sa kung paano raw siya kagaling na manager. Nagsabi pa siya na balang araw ay magkakaroon na raw siya ng sarili niyang restaurant. Halos sumakit na ang tiyan ko sa kakatawa. Ipinagmamalaki rin kasi niya na gwapo siya.

"Damn. Kung hindi ko siguro hilig itong career ko ngayon, baka artista na rin ako. Mas sikat pa ako sa 'yo, Luke!" Tumawa at nagkibit-balikat si Luke. Ang isa sa nagustuhan ko sa kanya ay hindi siya mayabang kahit nasa tuktok na siya.

Kung anu-ano pa ang mga ikinuwento ni Ismael hanggang sa akin napapunta ang usapan. Darn, kailangan na yata mapatikom ang bibig ng kapatid ko.

"You wouldn't believe this, but Maureen was a bully before. As in demonyitang bata talaga!"

Tumingin ako kay Luke. Nakita ko ang ningning sa mga mata niya. Ibang-iba ito sa mga tingin niya kanina sa kwento ni Ismael. Ngayon ay mas interesado na siya.

"Tell me more about her," pakiusap niya. May inasikaso si Papa sa kusina kaya kaming tatlo na lang ang nandito sa dining table.

"Takot sa kanya ang mga lalaki. Inaaway niya noon. I think she was only four nang may nasuntok na siya dahil niyaya siyang maglaro."

"Ooooh. Kawawa naman 'yung batang nasuntok niya," tawa ni Luke. Gusto kong maglaho dito! Ayokong sinasabi ni Ismael ang mga bagay na iyon kay Luke!

"Wala siyang makasundo pero may isang bata noon ang bumubuntot sa kanya. Tingin ko naman may isa rin siyang naging kaibigan noon kahit napakasama ng ugali niya." Humalakhak siya.

"Tigilan mo ako Ismael!" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Nasan na kaya 'yun ano? Darn, buti hindi mo na 'yun kaibigang ngayon kung hindi baka naging alalay mo lang siya. What's his name again? Tonton?" Tawa nang tawa si Ismael kaya binato ko siya ng tissue sa mukha.

Dim na ang mga ilaw. Nauna na sina Papa at Ismael sa kanilang mga kwarto. Chineck ko muna ang pinto kung sure bang naka-lock bago kami umakyat ni Luke sa taas.

"Kay Ismael ka yata, matutulog. Okay lang ba?" He nodded. Kinatok ko ang kwarto ni Ismael pero hindi niya ako pinagbubuksan. Paulit-ulit kong pinipihit ang door knob.

"Ismael! Buksan mo 'to! Tulog ka na ba?!" Nilakasan ko ang katok pero hindi siya nagbubukas. Darn! Pinagti-tripan ba niya ako?

Tumingin ako kay Luke. Naghihintay lang siya.

"Wait... baka kay Papa ka makikitulog." Pumunta kami sa tapat ng pinto ni Papa pero nakasarado rin iyon. Kumatok ako ng ilang beses. Sa sobrang inis ko ay pareho kong sinipa ang mga pinto nina Ismael at Papa.

"Bwisit kayo!"

Mahinang tumawa si Luke at masuyo akong tiningnan.

"I guess, they purposely lock their doors. Should I sleep in your room?" Malalim ang mga tingin niya sakin at saka tumingin ng mabilis sa direksyon kung nasaan ang kwarto ko. "Your family is awesome." Hinaplos niya ang aking mukha. May kakaiba na naman akong naramdaman dahil noon. Gustong-gusto ko ang mga haplos niya.

"Paano kung sabihin ko sayong sa living room ka?" Nag-iwas ako ng tingin.

"If that's what you want." He shrugged. Tumalikod siya sakin pero nahawakan ko ang laylayan ng damit niya. Ibinalik niya ang kanyang tingin sakin na may nakakaakit na mata. "What do you want, Cassidy?"

"Uhm..." Napalunok ako ng laway.

"Tell me... Your wish is my command. I am your slave so tell me," sabi niyang inihahaplos ang mukha niya sa 'kin. Nagbabaga na ang aking pisngi at nangangatog ang tuhod ko sa ginawa niya. Hindi ko siya tiningnan. Hinawakan ko lang ang kanyang kamay at dinala siya sa kwarto ko. Alam niya... alam niyang hindi ko siya hahayaan na mag-isa sa salas.

"You want me to sleep here, baby? Are you sure about that?" Tumango ako. Nagkasama na kaming matulog sa kanyang unit pero iba syempre na nandito kami sa bahay namin. Nandito rin sina Papa at Ismael na mukhang pinlano talaga ang bagay na ito.

"I want you to speak, Cassidy. You want me to sleep here?" Tumango ulit ako. "Tell me," utos niya.

"I want you to sleep with me."

Patay ang ilaw. Tanging ang liwanag ng buwan na nanggagaling sa labas ng bintana ang inaasahan namin.

Itinulak niya ako nang marahan sa dingding. Nagdikit ang mga katawan namin. Sa simpleng iyon ay nagwawala na ang katawan ko. Naamoy ko na naman ang aking paboritong amoy. Nahuli ko siyang nakatingin sa aking labi habang nakaawang ang kanyang bibig.

"Do have any idea how sexy your voice is?" Napatungo ako pero itinaas niya ang aking baba. Hindi niya binibitawan iyon. "Say my name, Cassidy," nang-aakit niyang sabi.

"Luke..."

"You're my queen..." siniil niya ako ng halik. Kanina ko pa hinihintay ang bagay na iyon. Palalim nang palalim pero mas lalo kung nagugustuhan. Nag-iinit ang katawan ko lalo nang haplusin niya ang braso ko. Gumapang iyon papunta sa aking dibdib.

"Ahhh... Luke." Para akong mababaliw nang haplusin niya ang nasa harapan ko. Hinalikan din niya ang pisngi at tainga ko. Shit! Tumigil siya. Nanghihina ako. I want more of his touch.

"What do you want, my queen?" Hindi na ako nakasagot. Inatake ko na ang malalambot niyang labi at ako na mismo ang pumulupot sa leeg niya. Binuhat niya ako at ipinulupot ko ang aking hita sa kanyang baywang. Naupo siya sa aking kama. Nasa ibabaw niya ako habang patuloy kong dinadama ang malalambot niyang labi.

"You're mine, right?" tumigil ako para itanong ito sa kanya. Tumitig siya sa labi ko sunod sa mata ko.

"Yes, baby. Never doubt that." Tumingin ako sa labi niya. Gusto ko siyang halikan pero binuhat ulit niya ako para ihiga. "Walang duda na pagmamay-ari mo ako. Ikaw, akin ka ba?" Nasa ibabaw ko siya. "Are you mine, Cassidy?"

"Oo."

"Never let anyone hold your hand except me. Never let anyone touch you." Hinaplos ng likod ng palad niya ang mukha ko. "This beautiful creature is mine. Only mine."

Hinawakan niya ang tiyan ko. Gumapang iyong papunta sa aking dibdib at nilaro iyon. Napapikit ako. Shit!

"My queen, what do you want?" sabi niya habang hinahalikan ako sa leeg. Patuloy pa rin ang kamay niya. "Your wish is my command. Tell me to stop, then I'll stop."

Nalalasing ako. Ang tanging gusto ko lang ay siya.

"I... I... shit!" siniil niya ako ng halik. "I want... you."

"Yes, baby."

==

(Pakituloy na lang sa mga isip nyo kung ano ang kasunod.)

Author's Note

Hm, nga pala magiging book na ang Courtin:g my Future Husband under VIVA-Psicom so malapit ko na iyon i-delete sa wattpad. (Para po ito sa mga nagbabasa non)

Add me on facebook: Crunchh WP

Twitter: @imericacruzat

Comments please. Tell me what do you want to happen next. :)

Continue Reading

You'll Also Like

47.8M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
234K 15.4K 76
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
134K 3.1K 51
A story about a gifted child and a "special" child. This revolves life that transcends late-adolescence, maturity, being true, love, everything! Mikk...