Once A Love Story - #Wattys20...

By MicxRanjo

78.3K 2.7K 697

Can a moment of love last forever? Hindi kailanman kasalanan ang magmahal. Sabik si Erina De Dios na mahalin... More

Once A Love Story
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Eight
Wattys2018 Shortlist!
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
We got it! WATTYS2018 WINNER!
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Good news to share
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine

Chapter Seven

1.5K 61 4
By MicxRanjo

KANINA pa gising si Caleb, o mas tamang sabihin na hindi naman siya nakatulog. Ika-lima na nang madaling araw at kaaalis lang ni Erina. Nagkunwari siyang tulog pa rin nang lumabas ito ng silid. Muli siya nitong dinampian nang maikling halik sa labi bago umalis.

Nakatitig siya sa kisame, hindi mawari kung sadya lang malakas ang loob ng dalaga na gawin ang magustuhan dahil may tiwala ito sa kanya, o talaga lang nanunubok ito kung hanggang saan niya kayang kontrolin ang sarili. He almost grabbed her the second time she put her lips on his. Sobrang pagpipigil ang ginawa niya para lang manatiling tuod sa ginagawa nito.

Kaylambot ng mga labi ni Erina, nanatili pa rin sa ilong ang masarap sa pang-amoy na gamit nitong pabango. Paulit-ulit naglaro sa kanyang imahinasyon ang mga ginawa nito. Bumangon siya't umupo. Napangiti nang maalala kung paano nitong isigaw ang kanyang pangalan. Manipis na dingding lang ang kanilang pagitan kaya nadinig niya iyon. Tiningnan niya ang kamang ginamit nito sa nakabukas na silid, tumayo siya't pumasok doon.

Nakulong sa loob ang pabangong gamit ng dalaga. Naupo siya sa kama at sinalat ang sapin na nalukot sa paghiga nito, kinuha ang unan na ginamit nito at inamoy. Erina...his lips muttered. Humigpit ang hawak niya roon, humugot ng hininga, pinakawalan. Anong ginagawa mo sa akin? Pagkuwa'y napailing sa sarili.

Tumayo siya't umalis na rin bago pa magsidatingan ang kanilang mga tauhan sa tindahan.



BACHELOR of Science in Business Administration ang kursong kinuha ni Caleb at ito ang kanyang unang taon sa kolehiyo. Binigyan siya ng options ng magulang na mag-aral sa Maynila o sa ibang bansa, at anumang kursong gustuhin niya na walang kaugnayan sa negosyo ng pamilya, ngunit pinili niya ang manatili sa kanilang bayan. Gusto niyang sumunod sa yapak ng ama at ituloy ang mga negosyong ipinundar at pinalago ng mga magulang nito.

Kauumpisa pa lang ng pasukan. Naupo siya sa isa sa mga silyang bakante tsaka nagmasid sa kabuuan ng klase nang makita ang bagong dating na kaibigan, nakangisi. Palihim din siyang ngumisi, kung akala nito may makukuha itong impormasyon sa kanya ay nagkakamali ito.

"P're, hindi ka na bumalik kagabi a? Tanong nang tanong ang mommy mo," untag ni Rommel na umupo sa kanyang tabi. Parehong kurso ang kanilang kinuha, pwera kay Danilo na pinili ang Agri-business kaya nasa ibang building at department ito.

"Oy." Tumango lang siya.

"Ano?" Diretsong tingin nito. Anak si Rommel ng katiwala nila sa mansiyon sa Del Rio at lingguhan kung ito ay umuwi sa mga magulang nito.

"Anong ano?" Kumunot ang kanyang noo.

Tinapik siya ng kaibigan sa balikat tsaka tumawa. "Anong nangyari sa inyo ni Erin?"

Nagkibit balikat lamang siya, sinuri ang librong hawak.

"May nangyari ano?" Lalong lumakas ang pagtawa nito, nakaagaw pa ng atensiyon ng ilan sa kanilang mga kaklase.

"Gago, kung ano-anong iniisip mo." Binuklat niya ang libro, binasa ang nakasulat doon ngunit wala naman siyang maintindihan kahit ilang ulit pa niyang basahin iyon.

"Meron ano? Halata ka e." Siniko pa siya sa braso.

Nagpakawala siya nang malalim na hininga "Hindi ko alam kung anong nagustuhan ni Juliet sa 'yo ganyang daig mo pa ang babae sa tsismis. Tumabi ka nga."

"'Sus, sabi na e, gusto mo rin siya."

Sasagot uli siya ngunit natigilan nang nakita ang dating kasintahan na nakasilip sa kanilang klase. Saglit na nagtalo ang kanyang kalooban, ngunit sa huli ay nagdesisyon siyang lapitan ito. Tumayo siya, lumabas ng klase at nilapitan ang dalaga.

"Marie, bakit?" Akala niya'y hindi na niya magagawang makipag-usap o harapin man lang ito nang maayos matapos ang nangyari sa kanila ngunit heto at siya pa ang unang kumausap dito.

"A, C-Caleb...kasi..." Namula ang magkabila nitong mga pisngi. Napakamahiyain talaga nito, isang katangian na kanyang nagustuhan.

"K-kasi, ano...maaari ba tayong mag-usap kung ayos lang sa iyo?" Nakayuko ito, tila maiiyak.

Nabahala naman siya kaagad. Lumingon siya sa loob ng kanilang klase, kay Rommel, tsaka sa kanyang relo sa pulsuhan. "May twenty minutes pa bago magsimula ang klase namin, sige, saan mo gusto?"

"A...s-sa library?"

Nasa tapat lang ng department building nila ang library kaya nagpaunlak siya. Sabay silang nagtungo roon at dumiretso sa kaliwang sulok kung saan may bakanteng mesa at mga upuan. Hindi naiwasang punahin ni Caleb ang dating kasintahan, maganda pa rin ito at mayumi. Napakunot ang kanyang noo nang may mapagtanto sa sarili, walang tensiyon sa kanilang pagitan, hindi katulad nang pakiramdam niya kapag si Erina ang kaharap.

"I'm...sorry for what I did. Nalaman kasi ni kuya na nakikipagkita ako sa 'yo kaya tinapos ko ang tungkol sa atin." Magkasalikop ang mga palad nito sa ibabaw ng mesa. Hindi pa rin komportable sa sitwasyon.

"Akala ko ba alam sa inyo na tayo? Hindi mo sinabi?" Isang taon n'ya itong niligawan noong third year high school sila, naging sila sa sumunod na taon at nagtataka siya kung bakit ayaw nitong magpahatid sa kanila. Ngayon ay alam na niya kung bakit.

"S-sorry, Caleb...natakot ako e. Ayaw pa kasi nilang magkanobyo ako hangga't hindi ako tumutuntong sa gulang na labinwalo."

"Hindi ka lang sa kanila nagsinungaling, Marie, sa akin din. Ano na lang ang labas ko niyan, para namang niloko lang kita?"

"Kung...kung makapaghihintay ka ng dalawang buwan, mag-e-eighteen na ako, maihaharap na kita kina papa at mama."

Pinakatitigan niya ito, tinanong ang sarili kung paano niya itong minahal, bakit, at kung ganoon pa rin ang kanyang nararamdaman.

"C-Cale..." Ilang araw din niyang hindi narinig ang pagtawag nito niyon sa kanya.

Pinakawalan n'ya ang hiningang hinugot. Sumandig ang likuran sa sandalan ng silya. Dapat ay masiyahan siya kasi mahal niya ito, at wala pa ngang isang linggo na hiwalay sila, ngunit bakit hirap siyang tanggapin iyon?

"Cale?"

"Marie...hindi ko alam kung ano ang sasabihin."

"A-anong ibig mong sabihin?"

Umiba siya ng posisyon, tumungo, umiwas ng tingin.

"Dahil ba...sa babaeng kasama mo noong isang gabi sa parada?"

Natigilan siya, tsaka naalala na nakita nga pala nito ang ginawa ni Erina na paghalik sa kanya.

"Hindi--" Subalit ano nga ba ang kanyang irarason, na ito lang ang nagkusa at hindi niya iyon pinahintulutan? Na hindi naman siya apektado sa nangyari? Paano niyang ipaliliwanag na sa loob lamang nang ilang araw na pagkrus ng kanilang landas ni Erina ay may ilan ng mga nangyari? At paano niyang aaminin na dahil din kay Erina, saglit niyang nakalimutan ang tungkol dito?

"K-kayo na ba?" Nagsimulang bumalong ang luha sa mga mata nito.

"Hindi." Mabilis siyang umiling.

"Gusto mo na ba siya?"

"Hin...hindi." Humina ang kanyang tinig.

Pinahid nito ang luhang tumulo sa pisngi. "Gusto ka niya, ano?"

Natitigan niya ito. "Hindi ko alam." Napatiim-bagang uli siya, naiinis sa sarili dahil umiiyak ito dahil sa kanya.

"Gusto ka niya, Cale. At gusto pa rin kita. Walang nabago sa pagmamahal ko sa iyo. Akala ko...akala ko hihintayin mo ang rason ko kung bakit ko ginawa iyon. Akala ko kasi ganoon mo ako kamahal dahil isang taon ka ring nagtiyaga sa panliligaw sa akin."

Hindi siya makasagot. Planado naman na tatanungin niya ito, ang alamin ang katwiran nito at makipagbalikan. Ngunit nang dahil kay Erina, lumabo ang kanyang isipan, at gumulo ang kanyang damdamin.

"Hindi mo na ba ako mahal? Gusto mo pa ba ako?"

"Alam mong totoo ang damdamin ko sa 'yo, Rie...at gusto pa rin kita."

"Pero mas mahal mo na siy--"

"Hindi ko siya mahal." Agaw niya. "I just met her and it's impossible to fall in love like that in just a day, Rie."

"E tayo...paano tayo? I love you, Cale."

"Marie..." Natanaw niya sa bintana ang pagkaway ni Rommel, senyales na naroon na ang guro sa kanilang klase. "Mag-usap na lang uli tayo mamaya, nagsimula na ang klase ko." Tumayo siya.

"Cale, I love you."

I love you, too... sinabi na niya iyon noon, siya pa nga ang naunang nagsabi ng mga katagang iyon subalit bakit ayaw lumabas niyon ngayon sa kanyang lalamunan? Ipinatong niya ang palad sa kamay nito at pumisil. "Sige na, Rie...mamaya na lang ulit." Tsaka na siya umalis.



ERINA was at her father's library room in Villa De Dios. Nagkalat sa sementadong sahig ang ilang mga photo album na nakabuklat. Mabilis ang mga kilos nang pagbuklat niya sa kasalukuyang hawak na album, may hinahanap. Nang hindi makita, tumayo siya't muling bumalik sa kabinet kung saan niya nabungkal ang mga album ngunit wala ng natira roon, nakuha na niyang lahat.

Napaluhod siya sa sahig, inisa-isa sa paningin ang mga pahina ng album kung saan ay larawan lamang ng kanyang mga kapatid na sina Andrew at Matthew ang naroroon mula pagkabata hanggang sa paglaki. Maging sa mga family pictures ay wala siya. She remembered sending pictures of herself from time to time; almost every time but she could not find any of them in here.

Pumatak ang kanyang mga luha sa ibabaw ng nakatiklop niyang mga hita. Kumibot-kibot ang mga labi, nagpipigil na humagulgol. Pakiramdam niya'y wala siya sa sariling tahanan, walang litrato niya na makapagpapatunay na kabilang siya sa bahay na ito. Nagsisikip ang kanyang dibdib. Her heart was beating so hard she wanted to scream. Nasasaktan siya subalit hindi niya magawang patigilin iyon.

Tumayo siya't dinampot ang teleponong nasa ibabaw ng working table ng kanyang ama. She dialed a long-distance number and waited for someone to answer. Nang may sumagot, agad na niyang itinanong ang nagpapabigat sa kanyang damdamin.

"Tia Katerina, please tell me the truth, I'm not my parent's daughter, am I? Tell me!" Nanginginig ang mga kamay niyang nakahawak sa receiver.

"Erina? Is that you? What are you talking about? How are you?"

"I want a home, Tia.... I just want a home."

"Come back, my love, this is your home, with me."

Umiling siya na para bang makikita ng tiyahin ang kanyang reaksiyon. Basa ng mga luha ang kanyang mukha. Suminghot siya upang maalis ang nakabara sa kanyang ilong. "No, you're not. And here is not either. I don't have one, Tia...so please just tell me I'm adopted"

"No. You are my brother's eldest daughter. Your mother was pregnant with you when I left Del Rio. Kaya huwag kang mag-iisip nang ganyan, Love. Kung hindi ka pa rin naniniwala, tanungin mo sila, sasabihin nila sa iyo kung ano ang sinabi ko. Calm down, Erina."

"Pero bakit ganito? Why do I feel like I don't belong in here? Nasasaktan ako, Tia...I'm so scared."

"Hush, Love. Come back here, with me."

Pinahid ng mga daliri ni Erina ang pisnging nabasa ng mga luha. "I-I can't. Ayoko."

"Bakit, Erina? Malapit nang matapos ang summer vacation dito. You need to find a college to go to."

"I'm staying here." Caleb's smiling face flashed in her mind. "I want to be with someone, Tia."

"But Erin--"

"I have to go, Tia. I will talk to you later. I love you, bye." Hindi na niya hinintay pang makasagot ang tiyahin. Binalikan niya ang mga photo album at dinampot upang ibalik sa kabinet na pinagkuhanan. Nang matapos ay pinakatitigan niya ang mga iyon. I guess asking them is the only choice I have, kanyang bulong sa sarili.



FRIDAY evening. Mabilis na lumabas ng Villa De Dios si Erina at hinintay ang Pajero van sa paghinto sa paikot na driveway. Nakita niya agad ang kaibigan at maluwang ang mga ngiting lumapit sa bumukas na pinto sa likuran ng sasakyan.

"Juliet!" Mahigpit niya itong niyakap "I'm so looking forward for this weekend."

"Hey, big sis." Magkasabayang bati nina Matthew at Andrew nang sumunod ang mga ito sa pagbaba.

"Hey!" Nagtatatalon siya sa tuwa at nilundag ang mga ito. Sinalo naman siya ng dalawa. "Oh my gosh, Andrew, how tall do you want to be?" Nang kumalas siya ay nakipagpatangkaran pa siya sa mga ito. "You are taller than I am now."

"You? Tall at five feet and five? Pandak tawag do'n ate." Andrew smirked right after he glanced at her.

Humagalpak naman ng tawa si Matthew at nakipag-apiran kay Andrew.

"What? Pandak? Ako?" Tumaas ang isa niyang kilay, nagpameywang at ngumuso. "Hey Mathew, stop laughing." Dinuro niya ang kanilang bunsong kapatid.

"Bawal ba?" Sa halip ay lalo pa itong tumawa.

"I forbid you!" Kumilos para ito hablutin ngunit mabilis itong nakalayo sa kanya.

"I don't like you both." Huminto siya sa paghabol kay Matthew at nagkunwaring umangal.

"We love you anyway." Magkasabayang sagot ng mga ito, nakangiti pa.

She felt her eyes sting. Nagbabala ang kanyang mga luha sa pagtulo. Ngayon lang kasi niya narinig ang mga katagang iyon at sa mga kapatid pa niyang halos hindi na siya kilala. Andrew was just four years old then, and Matthew was two, too young to even remember her. Suminghot siya.

"And a crybaby, too." Dinilaan siya ni Matthew.

"I miss you...s-so much." Bumagsak ang kanyang luha, paisa-isa sa umpisa hanggang sa naging mabilisan at wala na yatang balak pang tumigil. "Akala ko...you wouldn't remember me anymore."

Si Matthew ang unang lumapit sa kanya, na sa gulang na labintatlo, halos magkasintangkad na sila. "Hindi kita maalala 'te, pero sa mga pictures mo halos nasubaybayan ko ang paglaki mo. Naitago ko lahat, nasa silid namin ni kuya Andrew.

Her eyes widened. "Y-you have my pictures?"

Tumango ito, nakangiti.

"H-have you read all my letters? I sent birthday cards, too?" Tumingin din siya kay Andrew.

"Yep, we did, and they were all dramatic." Ngumisi si Andrew.

Naningkit ang kanyang mga mata, ngunit sumilay naman ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. She was not abandoned after all, at least her brothers still welcomed her as family.

Tumayo siya't sasapakin sana si Andrew ngunit nakailag ito. "You are a meanie, hmp."



A/N:

Hello! Thanks for reading, please vote and/or react, i appreciate it. :)

Love,

MicxRanjo

Continue Reading

You'll Also Like

96.6K 4.7K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
14.5M 747K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
2.1M 60.5K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
777K 37.9K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...