Carnal Desires 1: Lux Conte

By JellyAcecake

124K 2.8K 246

Mula pagkabata ay naniniwala na si Sienna sa fairytale endings at lalo itong umusbong dahil sa isang munting... More

Carnal Desires 1: Lux Conte
Desire 2
Desire 3
Desire 4
Desire 5
Desire 6
Desire 7
Desire 8
Desire 9
FINAL DESIRE

Desire 1

18.1K 305 14
By JellyAcecake

"Model of the year, Lux Arsen Conte is coming back to the Philippines."

Nabali ang lapis na ginagamit ko sa pagdadrawing ng marinig ko ang balita sa tv. Agad naman ako nagpunta sa harapan ng telebisyon at pinakinggan ang balita.

"Babalik na siya." Kinikilig kong bulong sa aking sarili. Hindi ko maiwasan kiligin lalo na ng sinabi ng reporter na baka dito na talaga mag based si Lux.

Ang aking prince charming.

"Princess, get ready in 10 minutes." Napatigil ako sa pagdadaydream ng punasok si Kuya Sevan sa kwarto ko. Nabitawan ko naman agad ang unan na yapos yapos ko.

"Okay, Kuya." Sabi niya sa kaniyang kuya at natatawa itong lumapit sa kaniya. Sinilip nito ang tv at nakita ang mukha ni Lux.

"The reason why you're not in yourself." Napailing iling na natatawa na nga lang si Kuya Sevan nang makita nito ang mukha ni Lux sa tv.

Umalis ang kuya niya at muli siyang naging abala sa dinadrawing niya. Kailangan niya muna magwarm up bago sumabak sa photoshoot mamaya at napili niya nga na pagdadrawing ang magiging warm up niya bago harapin ang realidad.

Makalipas ng sampung minuto ay natapos na siya sa kaniyang ginagawa. Itinago na niya ang sketchbook sa loob ng bag at naupo siya sa kaniyang kama.

Nagulat naman siya na saktong pagkaupo niya ay ang pagpasok muli ng Kuya niya sa kaniyang kwarto.

"Sienna, C'mon! Malalate na tayo sa shoot. Malalagot tayo nito kay mommy." Sabi ng Kuya Sevan niya na halatang nagmamadali dahil naka itim na cap na ito. Naalala niya na may photoshoot nga pala ngayon at ang team nila ng Kuya Sevan niya ang mamamahala nito.

"Alright, just a minute." Sabi niya dito at inayos ang nagusot na damit.

"Bye, bye prince charming. Alis muna ako ha. Be back later." Kinuha niya nga ang picture frame kung nasaan ang picture ng prince charming niya at hinalikan ito. Kumaripas naman siya ng takbo at sumakay sa Range Rover ng Kuya Sevan niya.

"I guess you bid your goodbye to your prince charming kaya ka natagalan." Sabi ng Kuya niya sa kaniya at namula naman siya. Guilty!

"Eeeehhh. Kuya naman! Just drive!" Sabi niya nga dito at hindi maitago ang sobrang kilig.

Pitong taon na din pala ang lumipas ng huling beses niya ito nakita. 17 years old kasi ito noon at pumunta ito ng Los Angeles kasama ng Kuya Thayer niya para sa isang model campaign. Magmula noon ay hindi ko na nga ito nakita pa ng personal. Pasko, Bagong taon maging ang birthday nito na pinakaiintay ko ay hindi ko man lang ito nasilayan.

Naaalala ko pa ang huli nitong sinabi bago ito magtungo ng Los Angeles.

"I'll be back, mi serenita. Wait for me." Pagkatapos nito sabihin ang mga katagang iyon ay hinalikan niya ako sa noo at sumakay na siya sa sasakyan patungo sa airport.

Hanggang ngayon pinanghahawakan ko pa rin ang mga katagang binitawan niya sa akin dahil alam ko na hindi niya ako bibiguin at hanggang ngayon patuloy akong naghihintay. Naghihintay na baka isang araw may dumating na sulat galing sa kaniya o kaya email, messenger ngunit ni isa wala pero dahil mahal ko siya patuloy ko siyang hihintayin.

Palagi na lang akong nakaabang sa mga balita patungkol dito. Tanda ko pa na hiniling ko na birthday gift kay daddy ng mag 13th birthday ako ay iphone para lang makapagdownload ng fashion tv app at magsubscribe para sa daily happenings ng buhay nito. Masaya na ako kung magnonotif ang phone ko na parte ito ng Fashion week at kasali ito sa runway.

Masaya na din ako sa bawat imprinta ng dyaryo na kasama ito, kahit naman ang finifeature talaga ay ang damit na suot nito ay feeling ko siya talaga ang pinapatungkol doon. Bawat imprinta din sa dyaryo ng mukha nito ginugupit ko at iniipon ko para mailagay sa scrapbook ko na punong puno ng larawan nito. Minsan nga nagagalit si Mommy dahil ang dumi ng kamay ko pagkatapos maggupit ng dyaryo. Naranasan ko din pagalitan ni daddy ng gupitin ko ang tatlo sa paborito niyang magazine na siya ang cover, para lang makuha ang page kung nasaan minomodel nito ang isang sikat na brand ng damit para lang mailagay ko naman sa clearbook.

Tanda ko pa na bawat punta namin sa iba't ibang milagrosong simbahan ay lagi itong kasama sa aking mga dasal. Sa bawat kandilang itinitirik ko sa simbahan ng Quiapo at Baclaran, tanging siya ang laman ng aking kahilingan. Ang kasagsagan ng career niya,ang kaniyang kaligtasan lagi kong hangad at lahat nga ng kahilingan ko ay nagbunga ng sumapit ang ika-dalawampung taon nito.

Ang taon kung saan nagumpisa ang asensadong asensado nitong career. Kaliwa't kanan photoshoots at guestings sa iba't ibang bansa. Mga fashion week na kung saan ito ang in-demand model. Mga perfume commercials na kung saan ito ang modelo at higit sa lahat iba't ibang naggagandahan at nagseseksihang modelong babae na naging kasintahan nito.  Hindi ko alam sa sobrang kadarasal ko dito ay lulubusin pala ni Lord ang blessings na matatanggap nito at may extra pa. Ito yung tipo ng extra na dapat masaya ako dahil masaya siya pero kabaliktaran naman ang nararamdaman ko.

Lumipas pa ang ilang taon at asensado pa rin ito sa career niya. Patuloy pa rin ang paghanga ko dito. Patuloy pa rin ang mga dasal at kahilingan ko dito at Patuloy pa rin akong lumuluha sa tuwing malalaman na may bago ito.

Pero sa kabila ng lahat ng ito, Naaalala pa kaya niya ako? Dumadalaw ba ako sa panaginip niya? Kasi kung ako ang tatanungin, siya lagi ang laman ng bawat panaginip ko. Siya pa rin ang bawat salitang binibigkas sa aking mga dasal. Siya pa rin. Siya pa rin ang mahal ko.

"Sienna, we're here." Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa Studio. Masyado pala akong nakapagdaydream sa daan.

"It's a brand new day!" Sigaw ko ng makalabas sa sasakyan. Agad naman akong binati ni Kuya Delfin ang guard na nasa morning shift at tinulungan kami ni Kuya Sevan na magunload ng mga gagamitin namin mamaya sa photoshoot.

"Sienna, don't carry that one masyadong mabigat." Sabi ni Kuya Sevan at pinabitbit na lang sakin ang inihanda nitong lunch para sa aming tatlo nila mommy.

"Okayyyy." Sabi ko dito at bumalik na muli ang atensyon nito sa paguunload ng bagay sa sasakyan nito.

Napatingin siya sa paligid at napansin ang dalawang kakaibang sports car sa parking. Hindi naman siya naabno sa nakikita niyang sports car dahil pakalat kalat lang naman ang mga sports car ng daddy at mga kuya niya pero hindi kasi pamilyar sa kaniya ang dalawang sports car na naka-parking. Siguro manager nung model naisip-isip niya lang.

Pumasok na siya sa loob ng building at binati siya isa-isa ng mga empleyado ng kaniyang ina.

"Good morning, little Serra!" Muntikan pa akong madulas sa sigaw na pagbati sa akin ni Ninong Mark buti na lamang ay nakahawak ako sa railing. Napansin ko na naman ang ootd nito for today. Naka-shades ito na tulad kay Michael Cinco at nakagloves ito na puno ng diamonds na tulad naman kay Michael Jackson.

"Good Morning, Ninong" bati ko dito at nakipagbeso beso dito.

"Ikaw na bata ka hindi ka talaga nakatanda. It's NINANG. Ninang Martha. N-I-N-A-N-G. Ninang." Natawa naman ako dito. Gusto kasi ni Ninang Mark na tawagin ko siyang ninang dahil feeling niya daw babaeng babae siya sa ninang.

"Okay po Ninang Martha. Nasaan po si Mommy?" Tanong ko naman dito.

"Ayun may office sesh with your dad." Sabi nito sa akin. Ano? Nandito na si Daddy?

"Po?" Sabi ko dito dahil di ko maintindihan ang una nitong sinabi.

"Office Sex, baby girl." Sabi nga ni ninong sa akin pero nasapo nito ang bibig nito.

"Ninong, Your mouth!" Nagpeace sign naman ito sa kaniya at inakbayan siya.

"Sorry, my little Serra. Manang mana ka talaga sa mommy mo. So innocent nung hindi pa nadidiligan." Sabi nito habang naglalakad kami.

"Nadidiligan? Hindi naman po halaman si Mommy. How come po?" Napapakamot na lang siya sa ulo dahil sa mga sinasabi ng ninang Mark niya.

"Nevermind Sienna. Anyways, Mukhang tapos na ang mommy at daddy mo we can barge into the office na. I'm sure excited ka makita ng daddy mo." Naexcite naman ako ng marinig na nandito na talaga si Daddy. Naging personal manager talaga kasi ito ni Kuya Thayer. Lagi itong kasama sa mga fashion week na kasama ang kapatid. Tawag na nga sa Kuya Thayer niya ay "Thatcher Jr.".

Kamukhang kamukha kasi ng Kuya Thayer niya ang ama kaya habulin din ito ng mga babae. Kamukha din naman ni Kuya Sevan si Daddy pero yung appeal kasi ni Kuya Thayer ibang iba kay Kuya Sevan siguro dahil expose si Kuya Thayer pero mas close naman siya sa Kuya Sevan niya. Kilala nito ang prince charming niya at pareho silang nagkakasundo pagdating sa lente.

Kumatok na kami sa pinto ng office ni Mommy at kinuha sa akin ni Ninong Mark ang baunan. Dalhin daw niya muna sa pantry. Kumatok muli ako at ang hingal na hingal na si Mommy ang nagbukas ng pinto.

"Baby, you're here." Sabi nga sa akin ni Mommy at agad akong pinapasok sa loob ng opisina.

Nagulat naman siya sa makalat na lamesa ng ina. Hindi naman ito ganitong makalat. Mukha kasing binagyo ang lamesa nito nagkalat ang mga portfolio at may mga bumagsak pang mga ballpen sa floor.

"Mommy, may dumaan bang bagyo dito sa office mo?" Tanong niya sa ina. Sa may part lang naman talaga ng lamesa nito ang magula sa ibang part malinis na.

"Ah—ano kasi anak." Mukhang hindi mapakali si mommy nang lumabas si Daddy mula sa may washroom sa loob ng opisina.

"Princess!" Sigaw ni Daddy ng makita ako.

"Daddy!" Agad akong pumunta kay Daddy at niyapos ito ng sobrang higpit. Miss na miss ko na ang daddy. Busy kasi ito sa mga tour nito kasama si Kuya kaya naman kami kami lang nila mommy ang nagkakabonding.

"How are you, princess?" Tanong sa akin ni Daddy.

"I'm fine dad." Masaya niya ngang sambit sa ama.

"How about boys?" Daddy! Isa lang laman ng puso ko pero hindi ko kayang sabihin sayo.

"Don't have one, daddy." Sabi niya sa ama at ginulo ang ibabaw niyang buhok.

"Good. Wala pa akong ibibitin ng patiwarik." Sabi ng ama pero kinurot ito ng kaniyang ina.

"Thatcher! Huwag mong takutin si Sienna baka hindi yan magboyfriend." Sabi naman ng kaniyang ina.

"Baby, You're beautiful and you're still young so enjoy it." Sabi ng ina at kinurot ang kaniyang pisngi.

"Mommy, masakit." Sabi niya dito matapos bitawan ang kaniyang pisngi.

"Are you with Kuya Thayer, daddy?" Tanong niya sa ama. Miss na din naman niya ang kuya niyang yun kahit pa nga ay nagpapaligsahan ito ng taong mahal niya sa padamihan ng babae. Kahit ano naman gawin niya Kuya niya pa rin yun kahit pa nga't playboy yun ay tatanggapin niya kasi no choice siya kapatid niya yun kahit anong kamalian pa gawin ng Kuya niya mahal niya pa rin ito.

"I've heard my name! A princess is calling me." Napalingon siya sa pinto at nakita ang Kuya Thayer niya. Ang laki ng pinagbago nito. Lumaki ang maskulado nitong katawan pero hindi yung tipong mga sasabak ng wrestling yung nasa tight places ang muscle. Ang style nito parang lumabas sa isang men's magazine. In short, nadagdagan ng ilang paligo na naman ang kagwapuhan ng kuya niya.

"Kuya!!!" Sabi niya dito at ito na ang lumapit para yapusin siya ng mahigpit at guluhin muli ang buhok na ginulo ng daddy niya.

"God! I miss you so much, princess." Sabi nga ng Kuya niya sa kaniya. Nangamusta pa nga ito at nagtanong ng kung ano-ano ng magsalita ang ina nila.

"Oh, It's time. Thayer get ready may photoshoot ka pa with Lux also, Sienna may kailangan pa tayong ishoot ng Kuya Sevan mo." Hindi ko naintindihan ang mga sinabi ni Mommy dahil pangalan lang ng isang tao ang nangibabaw sa pandinig ko ng mga oras na yun ang pangalan ng taong sinisigaw ng puso ko.

"Oh,Yeah. almost forgot about it! Lux is waiting. Gotta go for now, princess. See you later at the shoot." Sabi ni Kuya Thayer at hinalikan ako sa noo. Kumaripas na din ito ng takbo palabas ng office ni mommy.

Hindi ko na alam ang mga nangyayari. Ang alam ko lang ay naglalakad na kami nila Kuya Sevan, Mommy at Daddy patungo sa studio na kung saan may magphophotoshoot na mga international models.

"Are you ready to meet your prince charming, princess?" Bulong sa akin ni Kuya Sevan. Hinawakan pa nga nito ang pinagpapawisan kong kamay.

"I don't know, Kuya." Natatawa naman si Kuya Sevan sa akin at ito pa ang nagpunas sa pawisan kong kamay.

"Make sure it's dry. Ayoko naman mapahiya ang prinsesa namin kapag nakipag handshake na sa prince charming niya baka maturn off." Sabi ng Kuya Sevan niya at tinago na ang panyong pinampunas sa kamay ko nakurot ko pa ito sa tagiliran na ikinatawa naman nito.

Nauna nang pumasok ang mga magulang niya sa studio sumunod ang Kuya Sevan niya.

Inhale. Exhale. Si Lux Arsen Conte lang yan. Huwag ka masyadong kabahan.

Fighting, Sienna Roux!

3.
2.
1.

Pasok...

Fully packed ngayon ang studio. Tama nga ang ina niya puro international models ang narito. Hinanap niya ang kaniyang magulang at nakita niyang may kausap na din ang mga ito.

Ipinalibot niya ang kaniyang mga mata upang hanapin si Lux pero wala naman ito sa loob ng studio. Medyo nadisappoint siya kaya naman pinuntahan niya ang Kuya Sevan niya.

"Nahanap mo ba, princess?" Tanong sa akin ni Kuya Sevan habang nagaayos ito ng camera.

"Hindi, Kuya. Anyways, need mo ba ng tulong ko?" Tanong naman niya sa Kuya niya pero ginulo lang nito ang buhok ko.

"Nah, just sit and relax. Oh, here." Iniabot nito ang phone nito sa kaniya.

"Ano gagawin ko dito, Kuya?" Tanong niya sa kapatid basta basta na lang kasi nito iniabot ang phone nito sa kaniya.

"Caroline, will be here in any minute baka magtext siya hindi ko mapansin kaya ikaw muna ang bahala. Just tap me kapag nandito na siya para masundo ko." Tukoy nito sa long term girlfriend nito na si Ate Caroline.

"Aye, aye, Captain!" Masiglang sagot ko dito. Naupo na ako kaharap ang monitor.

"Models are here!" Sabi ng organizer kaya naman game face ready na ang mga taong nasa likod ng lente.

Isa-isang naglalakad ang mga model at nauna nga ang 3 babaeng modelo. Hindi sila pamilyar sa akin pero magaganda sila matatangkad at skinny talaga.

Sumunod naman ang mga lalaking modelo unang naglakad ang Kuya Thayer niya kasunod nitonang isa pang modelo na kabarkada din niya.

Napatigil naman ako sa kababantay ng phone at nahigit ang hininga ng makita ko si Lux.

Siya ang huling modelo na naglalakad. Naging tunog tambol ang puso ko ng makita ko ito. He is walking with pride.

Kung gwapo ito sa mga magazine, dyaryo maging sa commercial sobrang gwapo nito sa personal. Habang naglalakad ito para itong nasa runway. Hindi alintana ang suot nitong fit na shirt at ripped jeans na tinambalan ng timberland nitong sapatos. Nagdagdag kakisigan din dito ang suot na aviator at nang tumigil nga ito at hinubad ang shades na suot ay tuluyan nga atang tumulo ang laway niya.

Gusto sana niyang lumapit kay Lux pero nababalot siya ng hiya. Nahihiya siya dito ramdam niya kasi na ang taas taas nito at baka magmukha lang siyang muchacha kapag lumapit siya sa mga modelo.

Nababalot na siya ng sobrang saya ng lumapit dito ang isang
babaeng modelo at ipinulupot ang mga braso sa leeg ni Lux at inayos ang buhok nito.

Typical heartbreaking scene sa isang nobela. Akala niya malayo sa katotohanan pero totoo pala. Dapat sanay na rin siya dahil sa mga nababalitaan niya sa tv pero mas masakit pala makita kapag live.

Pinapamukha sayo ng mundo na nandiyan nga siya pero hanggang tingin ka na lang kasi para sa iba na siya.

Agad naman siyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Gusto niyang maiyak pero ang daming tao. Magmumukha lang siyang kaawa awang bata. Tamang tama naman na nagtext si Ate Caroline sa phone ng Kuya niya.

"Ku-Kuya." Napapiyok pa siya ng tawagin niya ang Kuya Sevan niya.

"Princess, ayos ka lang?" Tanong sa kaniya ng Kuya niya. Punong puno ito ng pagaalala. Gusto niya na magbreakdown sa harap nito pero pinipigilan niya.

"Ah—si Ate Caroline. Ako na lang ang susundo sa kaniya." Sabi niya sa Kuya Sevan niya. Hindi na niya inintay ang sagot nito at umalis na siya sa loob ng studio. Feeling niya mahihimatay lang siya kapag nasa loob siya.

"Sienna!" Tawag sa kaniya ng Ate Caroline niya. Agad naman niya itong nilapitan at nagbreakdown sa harap nito.

"Sweetie, what's wrong?" Niyapos siya ng Ate Caroline niya at hinagod ang kaniyang likod.

"Sienna." Hindi niya din namalayan na nakasunod na sa kaniya ang Kuya niya kaya hinagod din nito ang likod ko.

Patuloy ako sa pagiyak na napapansin na ng ibang empleyado sa building kaya naman nagsalita si Ate Caroline.

"Sweetie, Tara usap tayo. May bago akong flavor ng cake na ginawa I'm sure magugustuhan mo." Sabi ni Ate Caroline sa akin.

"But—may work pa po." Sabi ko kay Ate Caroline sa pagitan ng aking mga hikbi.

"Don't worry, princess. I got your back. Kuya got you." Sabi nga ni Kuya Sevan sa akin at niyapos ako.

"Thank You, Kuya." Pasasalamat ko dito at hinaplos nito ang buhok ko at kinausap si Ate Caroline.

"C'mon, Sienna. Cakes are waiting." Malambing na sabi ni Ate Caroline. Sumunod na ako dito sa kadahilanan na gusto ko din makalayo sa studio.

Kung sa mata siguro ng iba ang hina at ang babaw ko dahil lang sa aking nakita pero iba talaga ang epekto sa akin. Siguro ganon talaga kapag mahal mo yung tao tapos nakita mong may iba.

———
"Lux, you've grown into a stunning man." Bati sa akin ni Tita Serra.

"Thank you, Tita. You're still gorgeous as ever." Puri ko naman dito. Bukod sa ina ko isa din ito sa babaeng hinahangaan ko. Tita Serra doesn't age a lot. She's always glowing.

"Ang bolero mo talagang bata ka. How's life, hijo?" Tanong nito sa akin.

"Livin life to the fullest, Tita." Sagot ko dito.

"Don't tell me scripted yan sagot niyo ni Thayer." Sabi nga ni Tita Serra sa akin. Natawa naman ako nang maalala ko kanina habang papunta kami sa studio ang sinabi ni Thayer.

We just made a standard answers for typical questions. Kaya siguro magkapareho kami.

"Hijo, make yourself comfortable. We will start the shoot in 15 minutes." Sabi ni Tita Serra at kimausap na ang manager ng ibang models.

Lumapit naman sa akin si Yvoree. Yvoree is a co-model of mine and one of the top models in the industry. She's also a good companion and Thay's lover.

"Babe, I'm hungry. Wanna eat you. It's so hot here in the Philippines." Bulong nito sa tenga ko at kinagat pa ito. Napailing na lang ako sa sinabi niyo

"The production gave a bunch of foods here. It can full you instantly besides I don't eat leftovers." I whispered on her ears and left her speechless.

"Saw that bud." Thayer grins at me and sit besides me.

"Thay, where's Sienna and Sevan?" I asked Thayer about his siblings. Hindi ko pa kasi nakikita ang mga ito especially Sienna. I missed that little one too.

"They are here a while ago. Hinahanap ko din sila pero nawala naman." Paliwanag nito sa akin.

Thayer and I were talking stuff ng pumasok si Sevan ng Studio.

"Sevan, bro!" Kaway ni Thayer dito at pinapunta ito samin.

"Kuya." Sabi naman ni Sevan kay Thayer.

"Hey, bud." Bati ko dito at tinanguan lang ako ni Sevan.

May pagka seryoso si Sevan kaysa kay Thayer pero kaibigan din naman niya ito kababata din nila ito.

"Where's Sienna, Sevy?" Tanong ni Thayer dito.

"She's not feeling well kaya pinauwi ko muna siya." Pagpapaliwanag nito.

"What? Okay lang ba siya?" Nagaalalang tanong ni Thayer.

"I guess she's fine now." Sabi ni Sevan at bumalik na sa pagaayos ng camera.

Nagsimula na ang photoshoot for TVX Model Campaign and we're all on fire.

"Good job, guys." Sabi ni Tito Thatch sa amin at ponagbreak muna kami.

"Baby! Where have you been?" Napatingin kami ni Thayer kay Tita Serra at nakita nga na kausap nito ang isang cute na babae.

"Mommy, sumama lang po pakiramdam ko." Sabi nito. Her voice is so angelic yung gusto mong ulit ulitin sa tenga mo.

Is she Sienna? I never thought she would grown into a beautiful maiden.

——
"Princess, are you okay?" Lumapit sa akin si Kuya Thayer.

"Yes, kuya. Don't worry." Pagaassure ko dito.

"Thank goodness, you're fine. Oh, princess. Lux is here. He wants to meet you." Tumibok muli ng mabilis at malakas ang aking puso at nagkagulo ang mga hayop na nasa loob ng aking tiyan.

"Hi Sienna, Mi Serenita." Tumigil na naman muli ang mundo ko ng nagsalita ito sa aking harapan. Naggoglow itonsa aking paningin.

"Kuya Lux." Nasambit niya dito at agad naman siya nitong niyapos. Nagulat naman siya at lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Nahiya pa siya dahil baka makinig ni Lux ito.

"You've grown a lot." Sabi nito sa akin. Bahagya naman kong naconscious sa sarili. Anong grown ba ang sinasabi nito? Yung nadagdagan ko bang timbang?

Nahihiya naman akong ngumiti dito. Siguro pulang pula na ang mukha ko.

"I miss you so much, Mi Serenita. Kamusta ka na?" I miss you too Lux. Gusto ko sana sabihin ang katagang ito pero nahihiya na naman ako.

"Ito photographer na din tulad ni Mommy at Kuya." Sagot ko dito. Ginulo nito ang buhok ko at nginitian ako. The same old Lux way.

"That's what I expected from you. I need to catch up things. So, Lunch?" Inakbayan ako ni Lux at tila nakuryente ang buo kong pagkatao. Kinikilig ako ng sobra. Ang bango bango nito. Bago pa nga ako makasagot ng oo sa alok nito ay may babaeng modelo ang lumapit at pinulupot ang braso kay Lux.

Ito yung babae kanina kaya naman ay napabitaw sa akin si Lux at napunta ang atensyon sa babaeng humaltak dito.

"Babe, I'm hungry." Sambit nito kay Lux sa tonong pabebe.

"I want you to meet Sienna. Tita Serra's daughter." Pagpapakilala nito sa akin na tila hindi pinansin ang una nitong sinabi. Nagkamaron ako ng pag-asa.

"Oh, Wow! Nice to meet you, Sweetheart. I'm Yvoree, Lux's girl." Dirediretso nitong sabi nagulat naman ako yung pag-asa ko naging 10-0 real quick. Girlfriend ito ni Lux. Inilahad naman nito ang kamay nito at tinignan ko ito.

Dahil hindi naman ako pinalaki ni mommy na maging rude ay nakipagkamay pa rin ako dito kahit na gusto kong baliin ang mga daliri nito.

Nakakainis lang pero nakakaisip siya ng mean things na hindi dapat.

"Have you had lunch?" Sabi ni Kuya Lux at nakita ko agad ang pagtaas ng kilay nito at ang pagngiti nitong plastic. Hindi din naman ulit pinansin ni Lux ang pagpapakilala nito na girlfriend niya ito. No comment means true?

Buti na lamang ay madali siyang nakakabasa ng ekspresyon at ngayon sa tingin niya ay ayaw siya nito. Hindi rin naman siya sobrang martyr na samahan ang dalawa na kumain.

"Ahm, kumain na ako Kuya Lux. Kayo na lang. Besides, may gagawin pa ako. Bye." Sabi ko nga dito at tinalikuran ko na ito. Kinurot ko pa ang kamay ko para hindi maiyak.

Sienna, calm down. Maging brave ka. This is not the place para magbreakdown. Nakaya mong makita siya na may mga babaeng kadate dati di ba so, kaya mo din makita siya na nakikipagdate talaga sa iba.

Inhale, Exhale Sienna. Huwag lilingon para hindi masaktan.

1
2
3

Hindi niya nakayanan at lumingon na siya at sa paglingon niya ay laking pasasalamat niya na nakaalis na ang dalawang ito.

—-
A/n: Hi! Pinublish ko po muna si Lux dahil feel ko po na maisulat siya and dahil na rin po sa mga naghihintay ng story niya.

About sa Libidinous Series po isusulat ko pa rin po siya pero hindi muna ngayon. Dumating po kasi ako sa point na kahit anong pilit ko na isulat nabablanko po utak ko.

I hope you understand po. Miss you all! 💕

So, what can you say about first chapter po? Hehehe.

Continue Reading

You'll Also Like

622K 16K 23
Second Book of GENTLEMAN'S QUEEN story of Jen and Rome Cover by: PANANABELS
222K 12.9K 33
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
112K 4K 26
Na love at first sight si Titus Nieves sa babaeng natagpuan nilang walang malay sa isang labanan. Ngunit ng magising ang babae hindi nito matandaan a...
59.1K 957 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...