Ruthless Desire

Kass-iopeia

1.4M 21.7K 832

WARNING: R18!! Callum was against his father's marriage to Katharina, who was nearly his age, or worse, much... Еще

Prologue
001: How much is your rate?
002: Never seen a sunflower before?
003: Useless Mouth
004: Manila
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
Epilogue

022

25.9K 402 9
Kass-iopeia

022

"Callum, gutom ka na ba? Sandali lang maluluto na din ito." Sigaw ko mula sa kusina.

Wala siyang pasok ngayon kaya nakahilata pa siya hanggang ngayon sa sofa habang nanunuod ng basketball sa T.V. Naisipan kong ipag luto siya ng pagkain tulad ng madalas ko namang ginagawa para sa kanya. Ang saya kasi sa pakiramdam nung may ipinag luluto ka at may inaasikaso ka. Nuon kasi si nanay ang palagi kong inaasikaso kaya lang di na yun maari ngayon.

Napasinghap ako nang may mga brasong pumulupot sa bewang ko mula sa likod. Ipinatong ni Callum ang baba niya sa balikat ko para silipin ang niluluto ko. Kagabi pa siya ganyan sa akin. Sobrang sweet niya at clingy. Kagabi nga sa kwarto ko pa siya natulog dahil hindi daw siya makatulog sa kwarto niya, ang sabi ko naman sa sala na lang ako pero ayaw din naman niya kaya hinayaan ko na lang na mag tabi kami. Siyempre ako naman naiilang pa din, bago lang kasi sa akin yung ganito eh. Pero ang sarap din pala sa pakiramdam kahit papano na may isang taong gusto kang kasama palagi.

Mahal na niya ba ako? Alam ko may nararamdaman siya para sa akin pero kasi hindi ko pa naririnig sa kanya yung salitang yun at ayoko muna mag expect hanggat di niya sinasabing mahal niya ako. Pero kung ako ang tatanungin.. Siguro nga mahal ko na siya. Wala akong alam sa pag ibig kaya hindi ako sigurado kung pag ibig nga ba talaga ang tawag dito. Pero hindi naman siguro ako mahihirapang iwan siya kung hindi ko talaga siya mahal di ba? Yun na lang ang ginawa kong basehan para masabi kong mahal ko nga siya.

"Hmmm. Ang bango naman." Aniya habang sumisinghot singhot. Natawa ako dahil hindi naman yung niluluto ko yung inaamoy niya kundi ako.

"Ang bango bango naman." Aniya pa. Napalakas yung tawa ko dahil nakikiliti ako kapag nag sasalita siya sa may leeg ko.

"Callum, wag." Natatawang pigil ko sa kanya nang ibaon na niya talaga yung mukha niya sa gilid ng leeg ko. Pilit akong kumakawala sa pagkakayakap niya dahil nakikiliti talaga ako sa ginagawa niya lalo na nang dampian niya ng mga maliliit na halik ang leeg ko.

"Callum, ano ka ba! Baka masunod tong niluluto ko!"

"I don't care. I just want you." Aniya. Napailing tuloy ako.

"Callum, isa!"

Bigla siyang huminto sa ginagawa niya, mabilis niya akong pinaharap sa kanya at muling ipinulupot yung mga braso niya sa bewang ko. Now, mas lalo ng nakakahiya ito. Pakiramdam ko nag iinit yung mukha ko dahil sa titig niya. Mag kasalubong ang mga kilay niya habang nakatitig sa akin samantalang di naman ako mapalagay sa pwesto namin. Pinipilit kong iwalay sa kanya ang tingin ko.

"What have I done to deserve you? Have I ever told you how fvcking beautiful you are? I wonder if you know how precious you are to me now, angel."

Hindi ko napigilang yakapin siya. Siya lang ang lalaking nag sabi sa akin nuon. Siya lang ang taong nag pahalaga sa akin bukod sa kanyang ama. Hindi ko akalain na may isang lalaking gaya niya mag mamahal at mag papahalaga sa isang tulad ko. Akala ko para sa lahat ng tao, salot ako. Na.. Malas ako. Yun kasi ang sabi sa akin ni itay nuon. Malas daw ako kaya kami mahirap. Mula daw ng dumating ako sa buhay nila ni inay, nag kanda malas malas na daw ang buhay nila.

Kumalas siya sa pagkakayakap ko at itinaas ang mukha ko paharap sa kanya. Agad nag salubong ang mga kilay niya nang mapansin ang onting luha sa mata ko. Napakagat ako sa labi.

"Bakit ka umiiyak?" takang tanong niya. Umiling iling ako bago ngumiti. Sobrang saya ko lang talaga. Ganito pala kapag mainlove ka sa taong alam mong may nararamdaman din para sayo, sobrang saya. Heaven.

"Masaya lang ako." Sagot ko na ikinataas ng kilay niya na parang pinag dududahan ang sinabi ko.

"Sige na Callum, taposin ko na muna itong niluluto ko. Duon ka na muna sa sala, pangako sandali na lang 'to." umiling iling siya at pinaharap ako sa niluluto ko bago siya muling yumakap sa akin mula sa likod ko.

Di ko na nagawang pigilan pa ang ngiti ko. Bakit parang tumatalon yung puso ko sa saya. Di pamilyar sa akin yung ganitong pakiramdam dahil ito ang unang beses na maramdaman ko itong ganitong klaseng kasiyahan. Para bang pansamantalang nakalimutan ko lahat ng mga bagay na pinag daanan ko nuon. Di ko na maalala lahat ng sakit sa mga oras na ito, wala akong ibang naiisip kundi labis labis na kasiyahan. Parang ayoko na matapos pa ito. Ganito pala talaga kasarap ang mag mahal lalo na siguro dahil ito ang unang beses na mag mamahal ako.

"Kath.." Maya maya ay bulong niya sa tenga ko.

"Hmmm?" Tanong ko ng may ngiti.

Hindi siya sumagot kaya hinayaan ko na lang at ipinokus ko na lang ang sarili ko sa niluluto ko.

"Angel.." bulong niyang muli.

Pipihit sana ako paharap sa kanya nang pigilan niya ako. Napailing iling ako at ipinag patuloy ang pag luluto. Nang matapos ay bumitiw na din naman si Callum mula sa pagkakayakap sa akin at naupo na lamang sa harap ng lamesa. Inihain ko sa kanya yung mga niluto ko ng may ngiti sa labi. Di ko mapigilang mapangiti kapag nag tatama yung tingin namin. Wala kasi siyang ibang ginawa kundi ang tumitig sa akin mula kanina.

"Ang sarap pala ng buhay may asawa." Aniya nang may nakakalokong ngiti bago iniwas sa akin ang tingin upang pag tuunan ng pansin ang mga pagkaing inihanda ko.

Bigla akong natigilan sa kinatatayuan ko. Parang bigla akong nakonsensya. Hindi dapat ako nandito. Hindi dapat si Callum ang pinag sisilbihan ko at ang dapat na pinag lalaanan ko ng panahon pero di ko talaga magawang pigilan ang sarili ko. Mahal ko na siya at sana hindi ako nag kamaling pinili kong mahalin siya.


"Katharina, pinapatawag ka ni sir sa opisina niya, bilisan mo at mukhang mainit ang ulo." Sabi ni Miss Gemma.

Tumango ako at binitbit ang mga gamit ko papunta sa opisina ni Callum. Kumatok muna ako ng isang beses bago ako pumasok. Sumilay ang isang malaking ngiti mula sa mga labi ni Callum. Nag salubong ang mga kilay ko.

Ang sabi ni Ms. Gemma, mainit daw ang ulo nito eh bakit parang hindi naman. Pinalapit ako ni Callum sa kanya at nang makalapit naman ako ay agad niya akong hinatak sa bewang upang paupuin sa kandungan niya. Nanlaki ang mga mata ko sa pag kagulat sa inakto niya. Tumawa lang siya sabay nakaw ng halik sa labi ko. Napakagat ako sa labi ko, iniiwasan kong mapangiti. Paniguradong namumula na ko ngayon sa sobrang hiya. Parang gusto kong itago yung mukha ko sa dibdib niya pero mas nakakahiya atang gawin yun.

"I miss you.." Nag lalambing ang boses na sabi niya. Natawa ako ng bahagya.

"Wala pa pong isang oras mula nang dumating tayo dito at mag hiwalay." Natatawang sabi ko. Ngumisi lang siya at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin.

"Ang sabi ni Miss Gemma, mainit daw ang ulo mo."

"Kanina but now, I'm more than okay pa." Aniya sabay halik sa nuo ko.

"Uhm Callum, kailangan ko nang mag trabaho."

"I'm your boss. What's the point?"

"Yun na nga eh. Ano naman kung boss kita? Porque ba may namamagitan sa atin ay hindi na ako mag tatrabaho?"

"Well, pwede kitang bigyan ng ibang trabaho."

Umiling ako.

"No. Wag mong gagawin yan kung ayaw mong makahalata ang mga tao dito."

Lumawak ang ngisi niya.

"Then do your job, pag silbihan mo ko." Aniya.

"Huh?"

"I'm just kidding. You by my side was enough, Angel."

Sobrang sarap pakinggan ng mga sinasabi niya. Walang ibang lalaking nag paramdam sa akin ng ganto. Siya lang talaga. May part sa akin na natatakot na baka pansamantala lang ito, na baka pag nagsawa siya ay iwan na din niya ako pero ayoko na muna sigurong isipin yun. Kailangan mag tiwala ako sa kanya. Yun ang dapat. Ang sabi din naman niya itatama namin ang lahat sa tamang panahon.

Nagulat kami pareho ni Callum nang may biglang kumatok sa opisina niya. Agad agad akong tumaya mula sa kandungan niya bago pa man bumukas ang pinto. Pumasok dito ang bago nyang sekretarya na mukhang kasing edad ko lang din at maganda. Ano kayang nangyari dun sa dati niyang sekretarya. Nag panggap akong pinupunasan yung table ni Callum.

"Anong kailangan mo Miss Fernan."

"Masyado ka namang pormal, Nicholas." Anito nang nakangiti.

Nag salubong ang kilay ko sa pagtataka. Bakit Nicholas ang tawag sa kanya ng sekretarya niya?

"Abby, nasa opisina tayo."

"And so? Hindi ba tayo pwedeng mag usap as friends?"

Palihim kong pinanuod ang pag lapit nung Abby sa pwesto ni Callum. Tinabig ako ng bahagya ng sekretarya niya.

"What are you still doing here? Go out!" Anito. Tumango na lang ako at handa na sanang umalis nang magsalita si Callum.

"Abby, wala ka sa lugar para utusan ang empleyado ko. Opisina ko ito at kompanya ko ito baka nakakalimutan mo, kung gusto mong magpaka boss duon ka sa kompanya ng Daddy mo." Ani Callum. Sinimangutan naman siya ni Ms. Abby.

"You're so hard to me." Anito sabay pwesto sa likoran ni Callum. Dumapo ang mga kamay niya sa balikat ni Callum mula sa likod nito at marahang minasamasahe ito.

Agad akong nag iwas ng tingin nang sandali akong tignan ni Callum. Parang gusto ko ng umalis sa opisinang yun. Hindi ko na dapat pa makita ang susunod na gagawin ni Ms. Abby at baka hindi ko na magustuhan iyon.

"Abby, nirerespeto ko ang dad mo kaya pumayag akong dito ka mag trabaho as my secretary pero gusto kong malaman mo na hanggang duon lamang iyon." Ani Callum na nakatitig sa direksyon ko.

"Dahil kay Pauline?" Tanong ni Ms. Abby sabay pisil sa balikat ni Callum.

Pauline?

"ABBY PLEASE!"

Pareho kaming nagulat ni Ms. Abby nang tumaas ang boses ni Callum.

"Hey Cal, easy." Ani Miss Abby.

"Please Abby, kung wala kang importanteng sasabihin, just leave."

"Fine! But I'll see you later okay?" Anito sabay halik sa pisnge ni Callum. Nag iwas naman kaagad ako ng tingin.

Bago lumabas si Miss Abby ay tinigna muna ako nito ng masama bago ako tabigin paalis sa daan niya. Nang makaalis na ito ay humarap ako kay Callum para makapag paalam na sana pero nakatayo na pala siya sa harap ko. Hinawakan niya ang braso ko at ang kanang kamay naman niya ay nasa baba ko. Itinaas niya ang mukha ko para paharapin sa kanya. Sinalubong niya ako ng isang mabilis na halik sa labi.

"Mag papaliwanag ako--"

Tumaas ang kanang kamay ko para pigilan siya sa pag sasalita.

"Hindi Callum. Hindi mo kailangan mag paliwanag, alam ko kung anong lugar ko at kung ano lang ako.." ngumiti ako.

"Wag kang mag alala, walang magbabago."

Tanga na yata ako. Nag papaka baliw na yata ako.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin.

"Angel.."

"Sige na. Mag trabaho ka na okay?" Nakangiti pa ding sabi ko.

"Angel she's nothing. Okay fine, ex girlfriend ko siya pero yun lang yun. Wala nang namamagitan sa aming dalawa."

Pero hindi naman si Abby ang gusto kong tanongin sayo eh. Sino si Pauline. Gusto ko sanang itanong yan kaya lang bakit pa? Ayokong isipin niya na masyado akong nanghihimasok sa buhay niya. Alam ko kung saan ang lugar ko at alam ko kung hanggang saan lang ako. Mahal ko siya kaya handa akong tanggapin ang lahat. Naka handa akong masaktan. Wala naman siyang sinabing mahal niya ako eh bakit ako umaasang may namamagitan na nga talaga sa aming dalawa? Ang tanga tanga ko.

Продолжить чтение

Вам также понравится

143K 3.9K 32
[Complete | R-18 | Content Advisory | Taglish ] Island of Sin #1 Nang sabihin sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan na gusto siya ni Darius L...
153K 5.8K 31
Elusive and hard to read. But Mylene always adored him. The man in her walls. The man whose struggles exceeds far human means and becomes god inside...
134K 3.1K 38
He just want to forget. So he did gave a simple condition to her; to be his temporary girlfriend. Can he resist not to fall for her? Or just fall for...
WIFE SERIES : Silent Scars [Completed] SaerriiChan

Художественная проза

115K 4.3K 47
"In the hallowed institution of marriage, where love should bloom eternally, Denima Cris finds herself ensnared in a heart-wrenching tale. A forced u...