Catching The Brightest Star [...

By LivelyLeo

69.3K 1.9K 1.5K

Hechanova Series 2/4 Truth to be told, We all once like someone who doesn't like us back. We chase them, unti... More

CATCHING THE BRIGHTEST STAR
CHAPTER 1
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
Chapter 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE

CHAPTER 2

2.3K 87 1
By LivelyLeo

Nakatingin ako sa kisame ng aking silid, habang ang parehas na kamay ay nasa dibdib. Hindi ko matanggal sa aking isipan ang mga sinabi nina Camille at Liam. Lalo na ang mga mabibigat na sinabi ni Tyron, Hindi ko pa rin mapakalma ang sarili hanggang ngayon. Ayaw ko naman na malaman nina Mommy na ganito ang nararamdaman ko kaya hangggat maari ay ayaw kong lumabas ngayong gabi.

Bakit ba kasi sobrang gusto ko siya? Baka kasi hindi dahil sa mayabang siya, o kaya naman antipatiko at matalino. Baka kasi siya 'yung sapat na hangin na kailangan ko, Baka kasi siya lang ang taong kayang bigyan ako 'non. Bakit ko nalaman? Dahil siya lang naman ang dahilan kung bakit araw araw akong nakikipag-laban kay kamatayan sa pag-pasok sa eskwela.

I should be homeschooling right now, Gustong mag-hire ni Daddy ng mga professor na tuturuan ako dito sa bahay para huwag na akong makalabas. But I insist, Kung ikukulong nila ako dito, Hindi ko makikita ang gusto ko. Hindi ko malalangahap ang hangin na hinahanap ng katawan ko. And that's Aster Hechanova, He made me lost to the puzzle of love, that time we made an eye contact when I was 8. And I'm so young that time, I can't even imagine.

"Carina?" Napatingin ako sa naka-lock na pinto nang marinig ang boses ni Mommy. Agad akong tumayo at inayos ang sarili, Huminga ako nang malalim at lumakad papunta sa pinto. Bago tuluyang ibukas ay muli akong nagpakawala ng malalim na hininga. Pinanood ko siyang pumasok sa aking kwarto at umupo sa kama, sumunod ako sa kanya at naupo rin.

"How's school?" She asked, Lagi niyang tinatanong sa akin 'yan. Para ata sa kanya, Isa pa lang akong elementarya, At hindi ko naman siya masisi sa pangangamusnta. She's just trying to keep an eye to me, Dahil isa rin siya sa hindi pabor na mag-aral pa ako sa isang ganap na unibersidad.

"Great, I'm doing great as you all know." Pagmamayabang ko pa, Hindi nila pwedeng malaman lahat nang nangyayari sa akin. Hindi ko kakayanin kung hindi na nila ako papasukin. I don't wanna break their rules, So to be fair, Hindi rin dapat nila sirain ang akin. I just want to live like a normal teen-ager, Kahit alam kong sobrang layong mangyari 'non. Because I'm not born normal, for Pete's sake!

"Really? That's good, I just want to check you out. Bumaba ka na mamaya, We'll eat together because your father will come home early." She said before she stood up, Tumango tango naman ako at tuluyan na siyang lumabas. Tumuloy ako sa banyo para mag-hilamos. Tinignan ko ang aking sarili at inayos ang mukha bago tuluyang lumabas. Baka mahalata nila na umatake na naman ang sakit ko, Napansin ko rin na namumutla ang aking bibig. Kinuha ko ang isang liptint na normal red lang ang kulay at nag-apply sa akimg labi, Para safe. Ayaw ko pa naman sagutin ang mga tanong nila lalo na kapag may napapansin sa akin na kakaiba.

Lumabas ako sa kwarto at bumaba, Naabutan ko sina Mommy at Daddy, kasama si Kuya na masayang nag-kekwentuhan sa hapag-kainan. Hindi pa naman sila nag-sasalita at sigurado naman akong hinihintay nila ako.

"Oh, Ang tagal mo ha. Come, Sit. Let's eat." Matamis ang ngiti ni Daddy habang winiwika iyon, Pilit naman akong ngumiti at umupo sa tabi ni Mommy. Si Kuya Leon ay nasa harap namin, Habang si Dad ay nasa gilid ng table. Kagaya nga ng sinabi ng aming Ama, Nag-simula na kaming kumain.

Kasalukuyan nilang tinatanong si Kuya tungkol sa kanyang trabaho. My Brother is a cool business man, Katulong siya ni Daddy sa trabaho. That's why Mom left her job, She used to be the Vice President of our Company while Dad is the CEO. Pero dahil may sakit ako, at habang tumatanda ay masyadong nagiging delikado knowing na marunong na akong makipag-socialize at I'm facing the reality, She quit. Kuya pursue business administration para mapalitan si Mommy. And they all did that on pupose, They all did that for me.

Tahimik lang ako habang nagpapanggap na masigla sa pag-kain nang biglang mabaling sa akin ang usapan nila.

"You're doing great, Nasabi sa akin ng mga Professors mo when I talked to them. That's good, Ija." Dad said, Pilit naman akong ngumiti at tumango tango.

"Iyan din ang sinabi niya sa akin kanina, What do you expect? She's a Carpio, Hon." Kibit balikat na singit naman ni Mommy at sumubo.

"I'm having fun, lalo na at marami akong nagiging kaibigan." Okay, So I lied. Tatlo lang ang kaibigan ko and that's fine, Pero gusto kong iparating sa kanila na marami akong kaibigan and I'm so attached to them, kaya bawal akong mag-homeschool.

That's a lame alibi, Wrong move, Carina.

Nakita ko ang pag-titinginan nilang tatlo, Akala nila I'm clueless. Pero basang basa ko naman na nag-aalala sila, Lagi nilang sinasabi sa akin na kapag daw mas maraming kaibigan, Mas malaki ang chance na masaktan. I undersrand the point that they don't want me to get hurt, Pero mas lalo akong masasaktan kung magiging preso ako ng sarili kong buhay.

"Don't make so many friends, Vela." Kuya said, He used to be my one and only friend pero nadagdagan noong pumasok na ako sa college. "It's not good for you." He added.

"Leon," Bawal ni Mommy. Naramdaman ko ang tuluyang paninikip ng dibdib ko ngunit pilit akong umaaktong normal. Sobra na ang mga narinig ko ngayong araw, At dumadagdag pa si Kuya. Nag-baba ako ng tingin, At hindi na lang siya pinansin.

"I'm just stating the fact, 'My. Dapat sinasabihan niyo rin siya so that she's aware." Diretsong wika nito, Mahigpit ang naging kapit ko sa aking hawak na tinidor dahil sa narinig. He's so rude, Kabaligtaran siya nina Mommy. Sobra.

"Stop, and eat." Bulalas ni Daddy kaya tahimik siya. Ibinaba ko ang aking hawak na kubyertos at sumandal sa upuan, Alam kong napansin nila iyon kaya naman napatayo agad si Daddy at si Mommy ay napahawak sa aking kamay.

"Tell us, what are you feeling?" Dad instructed, Hindi ako nag-salita, dahil wala na akong lakas. Itinuro ko ang aking dibdib, Kaya naman agad na napatayo si Kuya. Pinanood ko siyang umikot sa table at binuhat ako, It's happening again. I just dropped the act, Kahit anong akto ko ng normal, malalaman at malalaman pa rin nila. And God, This is so difficult.

They are all panicking, Habang ako ay nag-hahabol ng hininga. Naalog alog ang aking lamyang katawan dahil sa mabilis na pag-akyat ni Kuya. Ipinasok niya ako sa aking kwarto at at inihiga sa kama.

"Call the doctor, Now!" Wika ni Mommy kay Daddy, Naupo siya sa tabi ng aking kama at hinawakan ang aking kamay. Agad na in-on ni Kuya ang ventilator na nasa tabi ng aking kama at inilagay sa aking ilong ang breathing tube, Hinahabol ko ang aking pag-hinga. Napatingala ako at diretsong tumingin sa kisame habang ang mga butil ng luha ay tumutulo sa gilid ng aking mata.

Hindi napagod ang pisikal na katawan ko, Pero tila ba pagod na pagod ang buong kaluluwa ko sa lahat ng mga nangyayari sa eskwela. This is the first time na inatake ako ng bad monters, Dahil lang sa masyadong pag-iisip. Dapat talaga matutunan kong kontrolin ang aking emosyon, Baka ako pa ang maging dahilan ng sarili kong pagkamatay. I had enough this day, After ilang weeks ngayon na lang ako inatake.

"Carina, please..." Bulong ni Daddy at naupo rin sa aking tabi. Pinagmamasdan ko silang dalawa habang tinutulungan ang sarili na kumalma. How could this be so hard? At sobrang nasasaktan ako kapag nakikita ko silang umiiyak sa mismong harapan ko, Begging me to stay with them.

Because is a situation like this, Death is on my side waiting for me to give up.

Unti unting naging normal ang aking pag-hinga, ngunit hindi ko pa rin tinanggal ang breathing tube katulad ng aking ginagawa kapag inaatake akong mag-isa. May kumatok sa pinto kaya agad na binuksan ni Kuya iyon, And there I saw my Private Doctor, Again. After how many weeks.

"Doc, please check her. It happened again." Bulalas ni Kuya, Doctor Watson seat on the right side of the bed, as he asked me to get up so he can check my breathings. Laging ganoon ang ginagawa niya tuwing nagkakaganito ako, Minsan nga ay naiisipan kong ako na lang ang gumawa noon sa sarili, Kung hindi lang ako nalulupaypay at nanghihina.

"Dylan," Tumayo siya pagkatapos niya akong i-check at humarap kay Daddy. "I suggest that you must take the fact that Carina needs home schooling for good. Dapat ay hindi niyo na siya pinapalabas, Dahil madali lang siyang mapagod. At, Mapoprotektahan niyo siya sa kung anong makakasakit sa kanya, emotionally and physically." He said, Tumango tango sina Daddy na lagi nilang ginagawa ngunit hindi naman nila sinusunod. Sa kadahilanang ako ay may gusto na mag-aral sa isang paaralan at hindi sa bahay.

"And, The medicines. Wala tayong kaso doon, Pero ilang beses ko nang ipinayo sa inyo na kung gusto niyo pang humaba ang buhay ng anak niyo, She must undergo in somesome tests, medications and treatments." Bulalas niya na ikinabagsak ng balikat ng aking pamilya.

"We prefer natural medications." Singit ni Kuya, Iiling iling na lumapit sa kanya si Doctor Watson at hinawakan ang kanyang balikat. Kuya said, I should be homeschooling. Tapos ngayon sinasabi niya kay Doc na we prefer natural medications for good. He's a great liar whne it comes to me, really.

"Leon, Your sister is old enough for the tests, Mas aayos siya. Her heart failure isn't that easy to cure, And I believe me, Hindi na siya makukuha sa natural medications. College is stressful lalo na kapag ang mga nakapalibot sa kanyang tao ay stress din, It will cause her health in danger. She need peace, silence and she need to stay indoors, Kaya niya bang gawin iyon? No. Base on what I'm seeing right now, Carina is in the middle of life and death. I'm a doctor, One of my obligations is to tell honestly, how complicated this things are. I'm sorry, This is the truth." Pagpapaliwanag ni Doc, Taimtim akong nakikinig sa usapan nila. Kung paano nila pag-usapan na malapit na akong mawala, at kung ano ang dapat kong gawin para humaba pa ang buhay ko.

This life sucks, Big time. I have to do what they want me to do, in able to live. Pero mas mararamdaman ko pa ang aking existence if they will let me do what I want. Ayaw kong mag-home school, I don't want treatments. I just want to live my remaining days. Buti I can't blurt these things out, knowing na hindi rin nila alam kung ano ang gagawin.

"She's too young, Doc. Hindi siya pwedeng makulong sa hospital, at kung ano anong gawin sa katawan niya. She's too young for that..." Wika ni Daddy.

"Dylan, I know Im being selfish dahil pinapangunahan ko ang desisyon niyo. But please, mag-isip kayo. She's too young for the treatments is way better than She's too young to die." Doctor Watson left the room in silence, Mom's crying in Dad's shoulder and I can see my Brother walking towards me. Hinawakan niya ang kamay ko umiyak lang doon. Mabigat ang aura, at wala akong magawa. I'm their only daughter, And they will do everything for me. Pero sa panahong ganito, ako ang taya. Ako ang mag-dedesisyon para sa aking sarili, and I need to face my fate.

"Tell us, what happened? Hindi ka aatakihin ng ganyan ganyan, Vela." Bulong ni Kuya, Tinulungan niya akong makaupo at sinandal sa headboard ng kama, Hinimas himas niya ang aking likod. He's overprotective kaya niya nasasabi ang mga iyon, He's rude because he wants me to be safe. At sa mga panahong ganito, Doon ko lang narerealize ang kanyang mga ginagawa para sa akin.

He never let me out of this house noong bata, hanggang highschool. He never let me go alone in some diner, He never let me play with some friends. He never let his friends visit home because it will cause nonsense musics and talks na sobrang ikinagagalit niya. He never let me go, Naramdaman ko ang muling pag-tulo ng aking luha na ikinagulat niya, Nakita ko ang pag-alis nina Mommy at Daddy sa aking kwarto para bigyan kami ni Kuya ng katahimikan.

"I don't want to leave college, Kuya. I don't want to go..." Nanghihinang bulong ko at niyakap siya. Hindi ko mapigilan na isipin si Aster kahit na nasa ganitong sitwasyon ako ngayon, I don't wanna quit college dahil andoon siya.

"If you don't want to go, Then stay in the middle of everything. Walang sosobra, Walang kukulang. Or else, Wala akong magagawa kundi ang ikulong ka dito." He said, Tumango tango ako bilang pagsang-ayon. "Protect yourself, Carina. Help yourself." He again mumbled.

This is my life, My heart's beats are bad monters because I never knew when will they pound so fast, or, pound so slow. Just like what my Brother said, I need to stay in the middle in order to live. If I broke that one and only rule,

Then, I'll die.

Continue Reading

You'll Also Like

387K 17.7K 22
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
15.4K 499 45
𝐋𝐮𝐦𝐚𝐥𝐚𝐩𝐢𝐭 ∥𝘊𝘖𝘔𝘗𝘓𝘌𝘛𝘌𝘋 - "Ang tanga 'ko... Matagal na patay 'yung hiya ko sa sarili 'ko dahil 'di ko alam... Sa laki at dami 'kong k...
93.5K 3.6K 87
Caius Jeremiah Buenvenidez Fontana, the drummer of Chivalry, a male model and a celebrity, an outstanding student who is known to be an every-girl-in...
11.9K 411 48
Art Series #1: Pleasuring Stain Zonnique knows how to value smallest thing in life, even the ones that people considered as useless things. Broken v...