The Girl Of My Dreams (ONE SH...

By EmsBaliw

70 5 5

Dreams are better than my reality.. There, I have you to be with me.. But there's one thing that causes our h... More

One Shot

70 5 5
By EmsBaliw

Plagiarism is a crime.



Gio's POV



Mahaba ang kulay brown na buhok.

Makinis.


Maputi sya.


Pero ba't ganun?


WALA SYANG MUKHA.


"Mr. Montes."


Distorbo namaaaaaan. Sino kaya tong mokong na gumigising sakin?


"GIO MONTES!"


Oo eto na gigising na nga.


Binuksan ko na ang aking mga mata at tumambad sa harap ko ang prof namin na mukhang bulldog. Ay mali, GALIT NA BULLDOG.



"Ma'am?"


Taas kilay syang nakatayo sa harapan ko na tila ba tutulo na ang laway nya habang nakatitig sakin.



"Since about simile ang lesson natin, give me a sentence that uses LIKE or AS."



"My love-" Ngunit natigil ang pagsasalita ko nang sumingit sya.



"STAND UP!"



Tsss. Eto na, baka kagatin mo ako at magkaka-rabbies pa ako eh.



"My love for you is like the stars during the day, Ma'am."



Nakita kong napangiti sya. Tsss, kinikilig ba?



"Pero sa kasamaang palad, wala pong mga bituin sa umaga Ma'am. Kaya.... kalimutan mo na ang tungkol sa love ko."



Nagsitawa ang mga kaklase ko at mas lalong nabalot naman ng inis ang mukha ng aming prof.




"WALA AKONG MODO! WALA AKONG RESPETO SA MATATANDA! KAYA LALABAS NA AKO!"



Inunahan ko na sya at sabay non ay lumabas na ako sa impyernong silid na yon.


GIO MONTES.

Kilala sa pagiging cold.

Suplado.

Walang sinasanto.

Walang puso..



"That's my spot. Get lost." Utos ko don sa babaeng nakaupo sa pinakadulong table sa cafeteria.


Wala syang ginawa. Ni hindi manlang nya ako nagawang lingunin.


Tsk. Malamang Gio hindi ka nya narinig kasi naka earphones sya. Ulol.



Kaya binaklas ko yung earphones nya, rason na napatingin sya sakin.


"That's my spot." Ulit ko pa.



Nakasuot sya ng facemask, naka-bun ang buhok at nakasuot ng nursing uniform. Tumayo naman sya agad.


"Good girl. I like it." Kagat labi ko pang tugon.



"Tss. Manyak!" Bulyaw nya at dali-daling umalis.



Wtf? Manyak? Ako? Tsk! May standards akong hinahabol no! Kaya ako nanatiling birhen hanggang ngayon.



Naupo ako sa silyang nilisan ng babae at napapikit.




"Here I come Abbi."



Then I fell asleep.










"Gio!" Tawag ng babaeng tumatakbo papalapit sakin.

"Ikaw ah. Lagi ka nalang nandito sa panaginip ko. Baka mainlove na ako sa'yo lagot ka."

Tinapik nya ako sa balikat.


"Kahit kelan wala ka paring kwenta magjoke."

Sabay kaming nagtawanan.



"Nakita ko palang dumating ang mama't papa mo. Yieeee mukhang mabubuo na ang happy family na pinapangarap mo Gio."


Natameme ako ng marinig yon.


"Yon ang gusto mo diba? Masayang pamilya?" Dagdag pa nya.


"Hindi yon mangyayari."


"GIO."


May ibang tumatawag sakin.


"Kailangan mo nang gumising."


Binuksan ko na nga ang aking mga mata.



"Haaaay salamat naman at nagising kana iho." Ani nung gwardya sa harapan ko.


"Alas syete na. Umuwi ka na."

What the-


Napatingin ako sa aking relo. Past seven na nga.



Hays. Sabagay. Kahit hindi na ako uuwi, wala namang mag-aalala. Walang magagalit.



Naalala ko tuloy ang sinabi ni Abbi sa panaginip ko. Darating daw sina mama't papa. Tsk. Kahit nga siguro sa panaginip ko hindi yon mangyayari eh. Kapag nangyari man yon, ang tawag don HIMALA! Sila? Isasantabi ang trabaho? Sus. Sana nga trabaho nalang ang ginawa nilang anak.





"Good evening sir Gio." Bati nung guard sa condo. Tinanguan ko lang sya bago paman ako dumirecho sa aking unit.




"Bw*s*t. Wala na pala akong grocery."



Napamura ako nang makitang wala nang natitirang pwedeng lutuin sa cabinet.



Nagtungo ako sa ref at nagbakasakaling meron don.


Itlog.


Tsk. Sawang-sawa na ako sa itlog.



Kaya sa labas nalang ako kakain.



Naligo ako at umalis.












"Beef steak and grilled tilapya with hot sauce. Enjoy your dinner, Sir." Ani nung waitress na naghatid ng order ko.


Nahatid na nya ang order ko pero hindi pa sya umaalis. Sa mga pagkain ako nakatingin ngunit ramdam kong nandyan pa rin sya.

"Go now." Utos ko.


"Just.... call me if you need something Sir."


"I dont need anything. I dont need anyone. I dont need you." Malaming kong tugon.


"Aasahan ko po 'yon." Then, she left.



Tinapos ko na yung pagkain saka bumalik na sa condo.


Sh*t. This life sucks. So damn boring.


Nakahiga ako sa couch at nakatingin sa kisame. As always.


Kailan ko pa kaya masabing REALITY IS BETTER THAN MY DREAMS?












"Abbi."



Tawag ko sa babaeng nakaupo sa buhanginan at nakatalikod sakin.


"Uy Gio. Andito kana pala." Ani nya at nilingon ako.


"Tsk. Syempre. Akin panaginip to no."


Humagalpak sya sa kakatawa.


"Hanggang kailan mo ba gagawing tambayan tong panaginip ko?" Bigla kong natanong sa kanya.


Napatingin sya ng seryoso sakin.



"Kung kelan.... kaya mo nang mag-isa." Sagot nya.



"Alam mo, sanay naman talaga ako noon pa eh. Kaso ikaw." Napahinto ako sa pagsasalita.



"A-ako?" Turo nya sa sarili.



"Bakit mo ba ako sinasamahan?"


Napatingin sya sa malawak na karagatan.


"Ayaw mo ba?"



"Nagpapasalamat nga ako eh. Kahit sa panaginip na lang, may karamay ako."


Humarap sya sa'kin.


"Kilala mo ba ako Gio?"


"Ikaw si Abbi. Yon ang pangalang pinakilala mo simula nung mapunta ka dito sa panaginip ko diba?"


"Abbi. Shortcut for Abbigale. Ngayon alam mo na."



"Matagal kana dito sa panaginip ko. Bakit hindi pa rin klaro ang iyong mukha?" Natanong ko sa kanya.




"Ganun naman lahat ng nananaginip diba? Wag ka nang magtaka."



Tut tut tut tut tut.........



Tunog yon ng alarmclock ko.



"Gumising kana, Gio."


"Abbi. Hindi ba pwedeng dalhin kita sa reality ko?"



Natawa lang sya.


"Kapag madala mo ako sa reality mo ang tawag dun, panaginip lang din. Kaya gumising kana."



Minulat ko na nga ang aking mga mata.












Nasa loob na ako ng classroom. May mga sariling mundo sila, kaya syempre ako rin. Wala akong makakausap kaya pinipilit kong matulog para makasama si Abbi sa panaginip ko. Pero hindi ko magawa. Kaya lumabas nalang ako at naisipang magpahangin sa labas.


"Mamaya na ipapasok sa surgery room si Abbi." Dinig ko sa mga babaeng nagkukwentuhan.


Naalala ko si Abbi. Magkapangalan sila.


"Kaya pala todo kayod na si Alice sa pagtatrabaho sa restaurant kasi ipapa-opera nya talaga ang ate nya. Sana gumising na si Abbigale pagkatapos ng operasyon."


Natigil na talaga ako ng marinig ang pangalang yon.



"Abbi. Shortcut for Abbigale."



Bigla akong nakaramdam ng halong kaba at lungkot




Nagkataon lang ba?















"GIO!"


Sa wakas ay nakabalik na ako sa panaginip ko.


Nang lingunin ko na ang tumawag sakin, bigla akong napaatras.


Totoo ba to?


Si Abbi.


Naaninag ko na ang mukha nya.


"O ba't ganyan ka makatingin? Parang manyak!" Sumbat nya sakin.



"Abbi. Nakikita ko na ang mukha mo." Nakangiti kong tugon.



"T-talaga? Ano? Maganda diba? Dibaaaaa?" Niyuyugyog nya pa ako.



"Pano nangyari to?" Tanong ko.


"Ewan ko. Baka....... ewan! Di ko alam." At napakamot pa sya sa noo nya.



"Abbi may itatanong pala ako sayo."


"Ano yun?"



"Pag gumigising ba ako.... saan ka pumupunta?"



Sabay kaming naupo sa dalampasigan.



"Dito lang. Nababalot ng dilim. Naghihintay na bumalik ka."



Napakamot naman ako sa sagot nya.



"Ayos lang naman na mabalot ako ng kadiliman dito. Natutulog ka naman palagi diba? At kapag nangyari yon, syempre. Liliwanag na ulit."



BOOOOOG!



Matapos ang malakas na tunog na iyon ay ang pagmulat ng aking mga mata.



Nakatulog pala ako sa cafeteria at marami nang tao. Lunch time na kasi.



At ang ingay na narinig ko sa aking panaginip ay ang nahulog na tray.




Medyo nakadama narin ako ng gutom pero nakakainis tignan ang mga pumipila. Parang extension ng traffic sa EDSA fvck! Sa labas nalang ako kakain.














"Chicken sotanghon ang fried bangus! Enjoy your lunch, Sir."




Napatingin naman ako sa tray na inihatid ng waitress.


Walang sawsawan para sa pritong bangus.



"Pwedeng humingi ng sawsawan para dito?" Ani ko sabay turo sa isda.



Tumingin lang sya sakin at hindi kumilos.


"Bingi kaba Miss?"



Nginitian nya pa ako?



Nambabadtrip ba ang waitress na'to?



"I just remembered what you'd told me once." Nakangiti nyang sagot.


Napakunot noo naman ako.




"You dont need anything. You dont need anyone. You dont need me." Then she left after saying those words.



At saka ko rin lang naalala...



Sya ang babaeng sinungitan ko noon.







Sa mall na ako dumirecho after ng lunch. Nawalan na ako ng ganang bumalik pa sa school. Wala naman akong ibang ginagawa don bukod sa pagtulog. Kaya naisipan ko nang mang grocery para naman hindi na ako sa labas kakain.


Nakapila na ako sa cashier para bumayad. Ngunit nang dukutin ko ang aking bulsa.....


Sh*t. My wallet was gone.


Nandon lahat ng ID ko.. Including ATM and credit card.




Agad ko nilisan ang mall nang maalalang naiwan ko pala ang aking wallet sa restaurant na kinainan ko kanina.










"Miss. Magtatanong lang sana ako kung may nakita kayong wallet na naiwan kanina. Importante kasi ang laman non."


"Naku pasensya kana Sir. Kakapasok ko lang po, at kakaalis lang din ng waitress na pinalitan ko. Baka sya po, may alam." Paliwanag ng babaeng pinagtanungan ko.


"Alam mo ba kung taga saan sya?"



"Ay hindi po Sir. Pero sa pagkakaalam ko, pupunta yon sa hospital."


"Thankyou!"



Agad kong pinuntahan ang pinakamalapit na hospital.


Ang babaeng yon. Pinapainit nya ang ulo ko. May balak pa talaga akong nakawan.


Inikot ko ang buong hospital para hanapin sya. Tsk!



Napatigil ako sa harap ng ICU nang makita ang pamilyar na mukha.



Ahhh. Nandito kalang pala.



"Hoy, magnanakaw."



Napatingin pa sya sa kaliwa't kanan.




"Ikaw ang kinakausap ko." At nilapitan ko sya.



"Asan ang wallet ko?"


Hindi nya ako sinagot at napayuko pa sya lalo.



"Ano'ng ginawa mo sa laman ng wallet ko?" Medyo galit ko nang tanong.


"Sa'yo pala talaga yon." Mahina nyang sagot




"Oo akin yon. At kailangan ko yon. Kaya isauli mo na. Kung ayaw mong ipakulong kita."



Napatayo sya bigla at tinulak ako.



"Ikaw ang walang kwentang nag-iwan ng wallet mo. Kaya nga napulot ko diba? Kasi hindi ka marunong magpahalaga? Kung talagang importante yon sayo, dapat iniingatan mo." Bwelta nya sakin.



"May calling card ako don. Kung wala kang ibang intensyon, dapat tinawagan mo ako para isauli yon." Pagtatanggol ko pa.



"Dahil akala mo magnanakaw ako? Kaya hindi ako tumawag? Bakit? Mas importante ka ba kaya ikaw ang dapat kong unahin? Malamang hindi mo ako naiintindihan kasi ikaw, sarili mo lang iniisip mo. Nakita mo yun?" May itinuro sya sa loob ng ICU.



"Kailangan ko ng malaking halaga para buhayin ang Ate ko! Pero hindi ko kailangan ang pera mo!" At may kinuha sya sa bag nya at hinagis yon sakin... at agad syang tumakbo palayo.



Ang wallet ko...




Agad kong chineck.. wala namang nawawala. Sh*t. Ako na ata ang napakalaking gago ma nag-eexist sa mundong to. Pinag-isipan ko pa sya ng masama.




Paalis na ako nang mahagip ng aking mga mata ang babaeng nakahiga sa loob ng ICU. Maraming aparatus ang nakapaligid sa kanya.


SHIT.



Kahit may mga dextrose na nakakabit sa kanya, hindi ako nagkakamali..



Ang mukhang yon...








Si Abbi....






















Kanina pa ako nakatitig sa kisame.



May mga pagkain na akong pwedeng lutuin, ngunit wala naman akong gana.



Marami akong katanungan kay Abbi ngunit hindi ako makatulog.


Uggh! Fvck you Gio. Dinadalaw kana ng konsensya mo dahil sa mga ginawa mo kanina.


Pero..... si Abbi na nakita ko kanina sa ICU.....



Siya ba yung Abbi na nasa panaginip ko?

















"Gio Montes! You're sleeping in my class again!"


Rinig kong sigaw ng prof naming mukhang galit na bulldog.


Hindi naman talaga ako tulog.



Nakasubsob lang ang mukha ko sa mesa dahil wala naman talaga akong ganang makinig sa klase nya.


"Heyyy, Ma'am. Relax. I'm not sleeping." At umayos ako ng upo.



"Nakita mo yun?" Tanong nya sakin at tinuturo ang karagatan mula sa bintana.



Oo nga pala, nakalimutan kong ikwento. Medyo malapit lang ang dagat sa school namin.




"Ganyan kalalim ang mga rason mo, Mr. Montes!"


Tumayo na rin ako sa harap nya.



"Nakikita mo rin yan Ma'am diba? Diyan kita itatapon kapag sa susunod kong tulog sa klase mo, gigisingin mo ako."



Nagtawanan na naman ang mga kaklase ko.



"Yeah, alam kong sasabihin mo na wala na naman akong respeto, Ma'am. Kaya..... tara na?" Yaya ko sa kanya sabay dampot ng bag ko.




"And where do you think you're going?" Taas kilay nyang tanong.




"Sa guidance! Sasamahan kitang ireport ang ugali ko." At lumabas sa na ako sa room.




Naglalakad ako papunta sa cafeteria nang mapansing ko ang grupo ng mga kababaihang seryosong nagkukwentuhan.



Sila yung narinig ko nung isang araw na bumanggit ng pangalan ni Abbi.



Nagtungo ako sa direksyon nila at nang mapansing nilang papalapit ako, parang gusto nilang umalis at lumayo.


Ano ba naman? Kilala ako sa pagiging mabagsik. Halos lahat takot na sakin.


"Hoy. May itatanong lang ako. I wont bite."



Sabay silang napalingon sakin.



"Oh basta hanggang dyan ka lang." Banta pa ng isang babae.


Tsss. Hindi naman ako nangangain eh.



"Okay, okay. I assumed, may kilala kayong Abbi. Abbigale." Simula ko.



"Umm. May kilala kami. At kaibigan namin. Bakit?"


"Saan sya?"



"Sa hospital! Ngayon sya naka-schedule na operahan."



Fvck.



Nang marinig ko yun, parang binuhusan ako ng malamig na tubig.



"S-sige. Salamat." At agad na akong umalis.

Kailangan ko nang matulog.


Kailangan kong managinip.


Kailangan kong makumpirma ang lahat.



Kailangan kong makausap si Abbi.



Pumasok ako sa library at inuntog ang ulo ko sa pader. Kasabay non ay ang pagdilim ng aking paningin.... sana sa paraang to, makatulog na ako.












Naririnig ko ang bawat hampas ng alon sa dalampasigan.



Hinanap ko sya.

Ngunit hindi ko sya nakita.




"Abbi! Abbiiiiiiiiiii!" Sigaw ko pa.



"Abbi saan kaaaaa? Magpakita kaaaaaa! Kailangan kitaaaaaa!"



Pinikit ko ang mga mata ko.



"Sh*t Abbi. Pakiusap.. Magpakita ka." Bulong ko sa hangin.


"GIO!"



Binuksan ko ang aking mga mata at don ko nakitang tumatakbo si Abbi papalapit sakin.



"Gio...."




Niyakap nya ako ng mahigpit at nararamdaman kong umiiyak sya.





"Gio... bakit ngayon kalang? Matagal na akong naghihintay sa bumalik ka. Bakit ngayon ka lang?" Ani nya habang umiiyak sa tapat ng dibdib ko.




"Yun nga ang ipinagtataka ko, Abbi. Hindi ako makatulog. Marami akong itatanong sayo."




"Gio...."





"Abbi... A-ang katawan mo. Nakita kita noong isang araw sa hospital. I-ikaw ba talaga yung nasa ICU?"




"Nakita mo ang katawan ko? S-si Alice.... ang kapatid ko.. nakita mo rin ba? Kumusta na sya?"





Parang paulit-ulit ako na sinasampal ng katotohanan.



P*ta naman. Bakit ba ang liit ng mundong ginagalawan ko?





"Ginagawa nya ang lahat para mabuhay ka Abbi. Ngayon ang operasyon mo.. Kapag nagtagumpay yon, kailangan mo nang gumising."



Lumakas pa lalo ang paghagulgol nya.




"Gio... nakakaramdam na ako ng takot kapag naiiwan mo akong mag-isa dito. Natatakot ako na baka hindi kana ulit babalik. Ayoko ko non. Wala akong ibang kasama dito. Nakakalungkot."



"Abbi makinig ka. Gumising ka na. Naghihintay ang kapatid mo sayo, Abbi."







"Gio... Gio Montes. Gio wake up."


"Dumudugo ang ulo nya Ma'am! Kailangan nyang magising kung hindi baka mas lalong lumala ang lagay nya."



"Gio... gumising ka."



May mga tinig kaming naririnig.



"Gumising ka na. Masasanay rin naman siguro ako dito. Wag mo akong isipin.. You need to wake up, Gio."



"No.. No Abbi. Gigising tayo. Gigising tayo ng sabay."



Niyakap ko sya pabalik.




"Close your eyes, Abbi. I will count. Pagbilang ko hanggang sampu, sabay nating bubuksan ang ating mga mata. Okay?"




"O-okay.." At mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakayakap sakin.



One.

Two..

Three...

Four....


Five.....


Six......


Seven.......



Eight........




Nine.........










Ten..........




I opened my eyes.



"Gio... Thanks God you're awake."


Inikot ko ang paningin ko sa paligid.


Nasa hospital ako.



Medyo mabigat ang ulo ko kaya ko kinapa. May bendahe..


And someone's sitting beside me..



Si Mama.


"I'm still dreaming." Usal ko.


"No, son. Gising ka na."


"Then why are you here?" Giit ko pa at sinubukang tumayo, but I failed. Sobrang sakit ng ulo ko.




"Tumawag samin ang school admin mo. At binalitang naabutan ka raw sa library na duguan ang ulo at walang malay. W-what happened?"



"I mean it. And it's none of your business. Why would you care?"



"Gio!"



"Hindi ako sanay na nandito ka, Ma. I can handle myself. I guess, I'll get better if you're not around. Your presence made me sick. Just.... leave.. and I'll be fine."



"Gio anak-



"I'm begging.. Just this once. I beg you to leave. Just like what you always did. Leave now."




Pumapatak na ang luha nya. At nararamdaman ko rin ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata ko. Ngunit pinigilan ko yon hanggang sa makalabas na si mama sa pinto.




At tuluyan nang dumaloy ang luha sa aking pisngi. Ngunit hindi ang paglisan ni Mama ang rason non.



Hindi ko alam.


Pero nasasaktan ako.



Ng hindi ko alam ang saktong dahilan.


Pero....



Parang may kulang?













Tumagal pa ako ng ilang araw sa hospital dahil may nga tests pa na isinagawa ang doctor na umasikaso sakin.



Gumagaling na rin daw ang sugat ko.


Katangahan.


Naalala kong inuntog ko ang aking ulo kaya ako ganito ngayon.




Hindi ko alam ang rason.



Weird.




Baliw na ba ako these past days?




"Pwede kana naming idischarge but you have to continue your medicines. And you need to come here for your health updates."




Tinanguan ko nalang ang doctor. Sa wakas, makakauwi na ako sa condo ko.




















Someone's POV


"Gusto mong gumising kayo ng sabay?"


"Pakiusap. Gusto ko nang gumising. Gusto ko siyang makasama sa reality ko. Please... nagmamakaawa ako Dream Goddess."


"Posibleng sabay kayong gumising. Pero hindi ganon kadali yon. Lahat ng bagay na hinihingi sakin, may kapalit."



"Kahit ano! Basta gumising na sya at maging maayos. Ganun na rin ako."



"Sa pagising nya, hindi ka nya maalala. Hindi ka nya muling mapapanaginipan. Patuloy syang masasaktan sa hindi nya alam na dahilan. Hindi sya mabubuo. Laging may kulang sa kanya."



"Kung ang kapalit nyan ay ang pagbalik naming dalawa sa reality....... sige."















Gio's POV

Lumipas ang ilang bwan. At ngayon ang aking huling check up dito sa hospital.



Nasa loob na ako ng elevator at kasabay ko ang ilan pang mga tao.



BLAG!


Biglang natumba ang babaeng nakatayo sa tabi ko. Agad ko syang tinulungan para makatayo.


"Miss okay kalang?" Tanong ko habang inaalalayan sya.



"Umm. Nahilo lang ako.. salamat.."


Bumukas na ang elevator kaya sabay kaming lumabas.


We separated nang pumasok na ako sa room kung saan naghihintay ang aking doctor.




"Congratulations, Mr. Montes. Everything was back to normal. There's no need to worry."


"Thankyou Doc."


"Until next time!" Biro pa nya.


Nasa loob na ulit ako ng elevator.



Muli kong nakasabay ang babae kanina.


May oras na nahuhuli ko syang nakatingin sakin ngunit nginingitian nya lang ako.




Bumukas na ang elevator nang makarating sa ground floor, kaya kami lumabas.



"It's good to see you, Gio."



Napahinto ako nang banggitin nya ang aking pangalan.






"Alam kong hindi mo na ako naalala. Pero masaya ako dahil nandito na tayo sa reality. Masaya ako dahil okay kana." Ani nya habang pumatak ang luha sa kanyang nga mata.





Shit. This feeling. Parang dinudurog ang damdamin ko.






"Hindi na kita pipilitin na maalala ako. I'm just very happy na nakita kita..... ulit. My sacrifice was all worth it. Goodbye, Gio."





Tinalikuran na nya ako at naglakad na sya palayo.


That goodbye.


That was the most painful one, coming from someone I didn't even recognized.




But as I watch her walk away, my heart explodes.





Why am I crying after hearing a goodbye from a person I didn't knew?







WHO IS SHE?

END.

Continue Reading

You'll Also Like

92.1K 2.5K 28
GXG
26.8M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
20.8M 512K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...