You heal my broken heart

By jhanhettes

69.7K 1.3K 125

"paano ipaglalaban ang kasalukuyang minamahal, kung biglang nanumbalik ang nakaraan? mahihilom pa ba ang puso... More

You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
you heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart

You heal my broken heart

1.3K 37 8
By jhanhettes

Part 28

  Maaga pa lang ay nagtungo na si Jaeyoung sa head quarters upang puntahan ang chief nila na maagang nagbigay ng task sa kanila tungkol sa operation na paghuli sa naudlot noon na mission nila...

Humarap ang chief nila Kay Jaeyoung at nagwika na ikinagulat nito na sinabing Hindi siya kasama sa operation, Kaya agad na nagsalita si Jaeyoung...

*sir, mas alam ko na ang bawat galaw nila! Hayaan niyo na Kong tapusin ito!

*sa nangyari noon Jay siguradong nakatunog na sila! Hindi ka na pwede sa misyong ito! Naiintindihan mo ba?!

*Alan niyo naman sir na ayokong pinuputol ang trabahong di ko natapos! Hayaan niyong tapusin ko to! Alam niyong mahusay ako pagdating sa taktika, kaya asahan niyong mahuhuli ko siya!

*ano kaba Jay! Masyado nang delikado kung itutuloy mo pa! Hayaan mo na ang ibang team na tapusin ito! And that's my final order!

Hindi na nga nakapagsalita pa si Jaeyoung at pagalit na ipinalabas na nga siya ng opisina. Pagkaraan nito'y naupo na lamang ito sa kanyang pwesto sa loob ng headquarters at painis na napakamot sa ulo at napukpok pa ng mga kamay niya ang kanyang desk na siyang ikinagulat ng kanyang mga kasama.

Kinagabihan na nga'y nagsimula na ngang umaksyon ang bagong team na siyang gagawa ng misyon na dapat na siya ang tatapos.

Kaya sa inis ni Jaeyoung ay napalabas na lamang siya at napamewang sa inis...

Lumipas ang ilang minuto ng may biglang lumapit sa kanya na isang batang lalaki at may iniabot sa kanya na cellphone na siya namang ikinagulat niya.

*kuya sagutin niyo daw po (wika ng bata)

*sinong nagpapaabot sayo nito?!
(Tanong naman ni Jay)

*yung mama po kanina na naka jacket na itim. Wala na po siya eh, sige po, alis na po ako.
(Paalam ng bata sabay alis kaagad nito)

Pagkaraa'y patakang sinagot na nga ni Jaeyoung ang cellphone...

*Hello Mr. Toshiro? Ba't ka naman biglang nawala! Alam mo bang kitang kita ko ang mga pulis na bumubuntot sa akin? Sa tingin ko, mas maganda kung ikaw ang magtutuloy ng gagawin ko? Ano Mr. Detective?

*ang mas mabuting gawin mo sumuko ka na lang kesa sa gumawa ka pa ng kawalangyaan! (Pasalubong na kilay na wika ni Jay)

*madali naman akong kausap Mr. Detective. Kaya nga lang baka mapahamak pa yung nadudungaw Kong Babae mo? Ang balak ko sana eh dukutin siya, kaso nga lang, baka madagdagan pa ang alalahanin ko, kaya pasimpleng titigukin ko na lang siya sa daan! Mas maganda diba?

*hayop ka! Pag sinaktan mo siya magkakamatayan tayo!

*magiging madali naman ang lahat kung susundin mo lang ako. Alam mo namang ayokong magpahuli sa mga gutom na aso. Kaya mas magaan ang trabaho kung magpapaamo ako ng isa man lang sa aso ng gobyerno? (Banggit ng kausap ni Jaeyoung)

Makalipas ang kanilang paguusap ay umaksyon na nga si Jaeyoung at nag-isip ng matinding pagpaplano...

Samantala naman, sa lugar naman ni Janna ay Panay ang dungaw niya sa kalsada, na ipinagtaka naman niya na lumipas na ang oras na wala siyang nakikitang kotse man lang ng binatang si Jaeyoung, maging si Henry ay di man lang niya napapansin sa paligid.

Kumunot nalang ang kanyang noo at nagwika..

*ayos ah! Ngayon naman di ka nagpapakita! Sige ! Baka magbago ang desisyon ko't Di na talaga ako magkikipagkita sayo Jay!

Biglang napalingon si Janna sa kanyang gilid ng kalabitin siya ni merly...

*oh Janna?! Di ka pa pala nakakauwi? Inaantay mo ba yung sumusundo sayo?

*pparang ganun na nga, kaso baka Hindi na siguro makakarating ngayon. Pauwi ka na ba? Tara sabay na tayong sumakay ng bus.

*Janna, baka gusto mong maglakad lakad muna tayo? Trip ko kasing kumain ngayon ng street food eh' gusto mo ba?

*Ok! Sige ba?! Tara! (Pagsang-ayon ni Janna dito)

Nakangiti ang dalawa habang naglalakad patungo sa bilihan ng street food, ng biglang nagulat si Janna ng binangga siya ng isang mama, at bigla na lamang siyang nasugatan sa kanyang kanang braso.


*

ARAY!
(Banggit ni Janna ng maramdaman ang sugat na dulot ng pagbangga sa kanya ng mama)

*bakit Janna!
(Sabay napansin ni merly ang kanang braso ng kasama)
Dumudugo yung braso mo! (Banggit ni Merely na nagulat sa nakita)

*may mamang bumangga sa akin kanina! May matulis na bagay siya na nakasugat sa akin eh!

*asan na siya?!

*di ko namukhaan, mabilis yung pangyayari eh! Ang napansin ko lang parang nakasuot siya ng itim na jacket?

*nako! Tara muna sa pharmacy at bumili tayo ng panggamot diyan!
(Banggit ng nag-aalalang si merly)

-TO BE CONTINUED-

Sorry po sa late update,
Sa ngayon po gumagawa po ako ng maraming chapter ng story na 'to, inaayos ko pa po ang iuupdate Kong muli na chapter, pasensya na po sa delayed update.
Salamat pong muli sa mga sumubaybay at sa mga nagvote po. (=^_^=)

JhanhetteS****

Continue Reading

You'll Also Like

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...