Book 1: Mr. Billionaire, Don'...

By donnionsxx04

87.8K 3K 483

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... More

NOTE:
Book 1:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
BOOK 2:

Mr. Stranger 18:

1.2K 42 1
By donnionsxx04

Pagpapatuloy...

DYLAN LORENZO POV:)

Pagkabukas ng elevator, pumasok na ako at saktong pumasok rin sa loob si Mr. Andrew, ang kapatid ni Tito Cedric.

Nag-bow ako dito bilang paggalang. Nang sumara na ang pinto, doon nagsimulang nagsalita si Mr. Andrew.

"How's Johnser? He still losing his temper?" Tanong nito.

"No, Sir but I think he will stay all night in his office." Cold na sagot ko habang nakatayo lang akong deretsyo.

"Help me again, Dylan like what you did before katulad ng pagligpit kay Clive. Lahat na pipigil kay Johnser, patayin mo rin tulad ng ginawa mo sa bunsong anak ni Cedric. Bibigyan kita ulit ng maraming pera." Mahinang utos nito.

Di ko alam pero si Mr. Andrew talaga ang nagpumilit kay Johnser na ipapatay si Clive. Ayaw sana ni Johnser kaso masyado niyang bini-brainwash ito. Di ko alam kung susundin ko pa ba siya o hindi. Pag hindi ko sinunod, panigurado ipapapatay niya ako sa mga alaga niya.

Kilala ko si Mr. Andrew. Pumapatay siya ng taong kahit walang atraso sa kanya. Lahat ng babangga sa kanya, ipapaligpit niya agad.

"Masusunod po." Nakayuko na sagot ko maya-maya at umayos na ng tayo si Mr. Andrew.

Pagkabukas ng elevator, siya muna lumabas at tiningnan ko pa ito bago sumunod dito.

Alas 8 na ng gabi at uwian na ng lahat kaya kailangan ko na rin umuwi.

Pagkalabas namin ng entrance ng pinto, nanlaki mata ako nang makita si Clive na nasa gilid. Nakaupo lang ito at mukhang hinihintay niya ang umampon sa kanya na nagta-trabaho dito.

Dali-daling kong tinakpan ang direksyon ni Clive para di siya makita ni Mr. Andrew. Once na malaman niyang buhay si Clive, magiging panganib na naman ang buhay nito. Nawalan ng alaala naman si Clive dahil sa pagkakabagok ng ulo nito.

Kailangan ko iligtas at itago si Clive. Saka na siya babalik pag ready at bumalik na lahat ng memorya niya.

Pinagbuksan ko agad ng pinto ng kotse si Mr. Andrew. Pilit na hinaharangan ko ang direksyon kung saan si Clive para di makita nito.

"Take care, Mr. Andrew." Sabi ko pagkabukas ng pinto.

Tumango lang ito bahagya at sumakay na sa kotse nito. Umalis na nga ito nang di nakita si Clive. Nakahinga naman ako ng maluwag. Sak mabuti rin walang nakakakilala kay Clive kundi si Diego at ako lang ang nakakaalam at nakakita sa totoong mukha nito.

Nakatayo lang ako doon at maghihintay nalang ako ng taxi. Minsan kasi may dumadaan na taxi dito kaya doon nalang ako sasakay. Iiwan ko muna sa parking lot yung kotse ko.

Palihim na pinagmamasdan ko lang si Clive. Minsan nako-konsensya ako kasi di sana niya mararanasan ang ganyan ngayon kung di dahil nililigtas ko lang siya sa masasamang tao. Kailangan ko siyang protektahan muna para di makuha ng buo ni Mr. Andrew ang para kay Clive.

"Yah!"

Nakarinig nalang ako ng sigaw. Napalingon naman ako sa likuran ko at nakita ko si Mandy na kakalabas lang sa loob ng building.

Nakita kong salubong ang kilay nito habang lumalapit ito sa kinaroroonan ko.

"Hey! I forgot to tell you, you must respect me 'cause your working for uncle Cedric and I'm just the fiancé of Johnser. So, you are my apprentice." Malditang sabi nito nang makalapit ito sakin.

Umayos ako ng tayo at naghihintay ng taxi. Di ko siya pinansin. Di ko alam bakit ang maldita-maldita nito. Pero di naman ako masyado naiinis sa ugali niya. Mukhang ang sarap pa nga niyang asarin e.

"Hoy! Kinakausap kita! Wala kang modo ah?!" Singhal pa rin nito.

"Ang ingay mo. Kakahiya ka kasama..." Mahinang sabi ko sa malamig na tono.

Napakunot-noo nalang si Mandy sa sinabi ko. Magsasalita pa sana siya kaso di na niya natuloy dahil napansin niyang nakatingin ang ibang tao sa kanya.

"Hmp!" Sabay hirap nito. Kinuha nito sa mini bag niya ang kanyang cp."Ang tagal ni Manong driver! Asan na siya?!" Turan nito habang tinatawagan ang driver nito na susundo sa kanya. Mabuti di pa niya nakikita si Clive. Di niya malalaman na buhay pala ang magiging fiancé sana niya.

Bigla nalang may pumasok sa isip ko ng isang kalokuhan. Mukhang magiging katawa-tawa itong gagawin ko.

Tiningnan ko si Mandy at napatingin rin ito sakin nang makitang nakatingin ako sa kanya. Napatigil siya sa pagta-type sa cp dahil bahagyang namumula siya sa mga titig ko.

Ee ano pa ba? Titig ko palang kasi pamatay na. Tiningnan ko siya na parang nagagandahan ako sa kanya.

"B-bakit?" Nautal tanong nito habang bahagyang namumula ang pisngi niya.

"Ang ganda-ganda mo talaga, Miss Mandy." Sabi ko sa kanya.

Halatang kinilig na tumawa ito."May lahi kasi kami ng kastila. Ikaw? Anong lahi ka?" Sagot at tanong nito sabay flip ng hair. Mukhang kina-career na niya na totoo yung sinasabi ko.

Gandang-ganda na siya sa sarili niya.

Ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko."Lahi kami ng mga...SINUNGALING." Pagbabasag ko sa mood niya.

Napabagsak balikat nalang siya sa sinabi ko at nawala na lang yung feeling niyang gandang-ganda nga siya sa sarili niya.

Saktong may huminto na sa tapat ko ng taxi. Nakangiti pa ring nakakaloko nang pumasok na ako sa taxi.

Bago pa man umalis ako, galit na galit na sumigaw si Mandy sa inis dahil ginawa kong pangti-trip sa kanya.

"Dylan!" Gigil na gigil na sigaw nito sa inis.

Kumaway pa ko ng kamay bago umandar na ang taxi na sinasakyan ko at nagsisigaw lang sa inis si Mandy halos nagpapadjak-padjak pa siya ng papa sa sobrang galit.

"Makakabawi rin ako sayo! Unggoy ka!" Sigaw nito nang nakaalis na ako.

Tumawa lang na tumawa lang ako.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Di ko alam bakit niyakap ko ng ganun si Sir Johnser. Tapos nakakapagtataka, di siya nagalit sa ginawa ko pero umiyak naman siya sa balikat ko. Siguro, ganun talaga ang mga tao pag may dinadalang problema saka kailangan nila ng kaibigan na masasandalan. Nakakalimutan nila ang masamang ugali nila.

Mabait naman pala si Sir Johnser. Sa chismis kasi dito sa building, napaka-demonyo raw ng ugali ni Sir. Nasasabi lang nila iyan kasi pinagbabasehan kasi nila sa mga chismis. Ang totoo kasi kaya nagaganito ata si Sir kasi dahil may problema siya.

Tapos na ko maglinis ng office niya saka sabi niya di raw siya uuwi kasi gusto raw niya mapag-isa. Doon nalang daw siya matutulog sa office niya.

Sa totoo lang, naaawa ako sa kalagayan ngayon ni Sir Johnser. Alam ko ang nararamdaman niya ngayon. Syempre, naranasan ko na rin yan yung panahon na kailangan ko maging perpekto sa gawaing bahay. Napapagalitan ako ni mama kahit nakakagawa lang ako ng kunting mali o palpak. Kaya I feel you, Sir Johnser.

Palabas palang ako ng entrance nang maalala si Clive. Paktay! Sigurado akong naghihintay na iyon sa akin.

Dali-daling lumabas na ako ng building at lumingon-lingon ako sa paligid na nagbabasakaling makita si Ros. Kahit ni isa, wala akong nakita. Puro sasakyan lang ang nagsisidaanan.

"Hala! Kawawa si Ros. Naghintay yun sakin panigurado." Sambit ko habang panay lingon-lingon ako sa paligid.

Napatigil nalang ang aking mata sa gilid. Parang nakakita ng anghel na bumaba sa lupa na nakita ko si Ros na himbing na himbing na natutulog sa gilid habang nakasandig siya sa pader ng building.

Dahan-dahan ko itong nilapitan habang titig na titig pa rin ako dito. Naupo ako na di man lang sumasayad sa ibaba ang pwetan ko. Parang nakaluhod lang ako kumbaga. Napangiti ako habang tinitingnan lang si Ros na tulog na tulog.

"Sorry. Andito na si Lady Beth mo." Mahinang sabi ko. Kanina pa ata siya naghihintay sakin e. Siguro hihintayin ko nalang siyang magising. Nakakaawa siya e. Para siyang bata na antok na antok.

Di ko alam, the more tinititigan ko si Ros, the more lumalaki ang mga ngiti sa mga labi ko. Ewan ko! Pagdating sa kanya, napapangiti nalang ako. Feeling ko ang saya-saya ng buhay ko pag nakikita at kasama siya.

Maya-maya pa nagising na si Ros. Nang makita agad ako, nawala nalang ang antok nito. Sa tuwa, niyakap niya agad ako.

"Lady Beth!" Tuwang-tuwa bulalas nito at niyakap ako."I missed you! Akala ko lumayo kana sakin." Emote niya habang yakap ako.

"Hahaha. Oh! Don't hug me too much maybe we fell out of balance." Sabi ko sa kanya sa sobrang higpit ng yakap niya sakin. Baka kasi matumba kami. Lumayo na siya sakin at tumayo na ako."Let's go. Come on!"

Parang bata na ang lawak na naman ang ngiti ng tumayo ito.

Akala mo talaga monggoloids pag-iisip nito. Para talaga siyang bata e. Ngiti palang saka pagpa-pout niya, pang bata talaga. Siguro may sayad talaga ito at iniwan ito ng magulang niya kasi ayaw na nila kay Ros?

Aba! Pag yun nga ginawa ng klaseng magulang ni Ros, aba! Kapal ng mukha nila! Pagkatapos nila mag-ano at buuin si Ros tapos iiwan nalang? Ang kapal ng mukha nila ah?! Tsk!

Pero sana di iyon ginawa ng magulang ni Ros. Sana bumalik na alaala ni Ros para makabalik na siya sa pamilya niya pero habang tumatagal siya, nagwi-wish ako sana di nalang bumalik ang alaala niya. Kasi once na bumalik na siya sa pamilya niya, iiwan na niya ako. Paano ako mamumuhay ulit ng tahimik? Nasanay na akong kasama siya.

Sana di ako iwan ni Ros pagdating ng araw. Pag bumalik na ang buong alaala niya, alam kong mamimiss ko siya.

"Are you done eating?" Tanong ko sa kanya.

"Nope!" Sagot niya.

"Let's eat! I have a place we're we can eat. I assure you they serve the best." Yaya ko sa kanya.

Nakangiting tumango naman siya at naglakad na kami papunta sa pupuntahan namin.

****

Nasa tapat kami ng 7/11 ngayon ni Ros. Sarado na kasi yung karinderya na kinakainan ko minsan kaya dito bagsak namin ngayon.

"It is ok if we eat here?" Tanong ko kay Ros.

"Everywhere we eat, it's fine. Important is you are beside me." Sagot ni Ros at ngumiti ng matamis.

Ewan ko pero kinilig ako sa sinabi ni Ros.

"Come on! Let's eat noodles inside." Yaya ko sa kanya.

"Sure, sure!" Tuwang-tuwa na payag niya.

Naglakad na kami papunta sa entrance. Si Ros na ang nagbukas ng pinto. Ako muna pumasok sunod siya. Doon na nga kami bumili ng noodles at dito namin kakainin.

Napa-'wow' nalang si Ros nang alisin na namin pareho ang nakatakip sa noodles. Pwede na itong kainin at mainit pa ito.

Hinalo namin agad ito ni Ros halos mukhang excited na siyang kainin nito.

Di pa nakakalimang sekundo, kumain agad si Ros na agad ko naman siyang sinabihan nang...

"Mainit yan!" Sabi ko sa kanya.

"Arsh! Hot!" Sabi nalang niya halos nabalik yung noodles sa cup nito. Sapo niya ang ibabang labi niyang napaso.

"I told you it's hot. Let me see." Humarap nga sakin si Ros at hinawakan ko naman ang magkabilang pisngi niya para tingnan ang labi niyang napaso.

Panay tingin ko lang halos hinawakan ko ng hinlalaki ko ang gilid ng labi niya. Maya-maya pa biglang napahinto nalang ako. Dahan-dahan ko iniangat ang tingin ko kay Ros at nakita kong nakatingin siya sakin. Ewan ko parang may kakaiba nung oras iyon tila tumigil ang ikot ng mundo ko.

May kakaibang nararamdaman na nakatingin lang kami sa isa't-isa ni Ros. Nakakaakit ng tingin niya na parang napa-estatwa ako. Di ko nalang alam tumitibok nalang ng kakaiba ang puso ko.

Nawawala na ako sa isip ko. Di ko maisip kung ano gagawin ko pero ang nasa isip ko ay si Ros. Bakit tumitibok ng ganito ang puso ko? May gusto na ba ako sa ingleshirong estrangherong inampon ko?

Napaayos nalang kami ng tayo ni Ros nang biglang may magbabarkadang dumaan sa harapan namin. Mukhang naiilang na tinuon nalang namin ang sarili namin sa pagkakain ng noodles. Saka nakakahiya baka nakita kami ng mga iyon sa sitwasyon namin kanina ni Ros. Baka ibang isipin nila.

"Ang guwapo naman nitong lalaki." Narinig kong sabi ng isang babae.

"Oo nga e." Sabi naman ng mga kaibigan nito.

Tinuon ko lang ang sarili ko sa noodles. Alam ko naman sino tinutukoy nila. Sino pa ba? E di si Ros. Ang guwapo kasi ni Ros. Siguro anak mayaman talaga siya. Ang ganda kasi ng balat. Di lang maputi, malambot pa. Kahit kamay niya, napakalambot parang walang ginagawa. Kaysa sakin, pagod na kamay ko sa mga trabaho pero tuloy pa rin.

"Swerte ni Ate. Boyfriend niya si guwapo." Narinig ko nalang sabi ng isa sa magbabarkada.

Nabilaukan naman ako halos napaubo ako at parang may noodles na nakasabit sa lalamunan ko. Nag-aalala namang lumapit sakin si Ros at alalang-alala hinawakan niya ang likod ko.

"Are you okay, Lady Beth?" Tanong nito.

"W-wa-water!" Nahihirapang sabi ko habang hawak ang dibdib ko sabay ubo ulit.

Binuksan naman ni Ros yung mineral water na binili namin at binigay sakin. Ininom ko naman iyon agad. Pagka-inom, nakaluwag ako ng hininga halos sunod-sunod ang paghinga ko.

"Are you okay, Lady Beth?" Alalang tanong pa rin nito panay haplos niya sa likod ko para pakalmahin pa ako.

"Okay na ako, Ros." Sabi ko sabay alis ng kamay niya sa likuran ko. Umubo ulit ako.

"Don't rush to eat, Lady beth. I'm worried." Naka-pout na sabi nito.

"Just eat. After we eat, we will go. It's already late in the evening and I have something to do." Sabi ko sa kanya at kinuha ko sa kinakain niya ang tinidor na plastic at nilagay sa kamay niya.

"Okay." Layag nito at tinuon na nito ang sarili sa kinakain.

Nagsimula ulit ako kumain ng mahinahon at mahina na. Baka kasi mabilaukan na naman ako. Kakainis naman kasi yung magkakaibigan na yun e! Di ko naman jowa itong si Ros. Kung alam lang nila sitwasyon ko at ano relasyon namin sa isa't-isa.

Tama nga sila. Ang swerte ko kasi may kasama akong tulad ni Ros. Kakaiba siya sa lahat. Komportable ang loob ko sa kanya at ni isa di sumagi sa isip ko na baka masamang tao siya. Dahil panatag ang loob ko sa kanya na isa siyang mabuting tao at di niya ako sasaktan.

Sana di na bumalik ang alaala niya. Nag-aalala ako baka iwan na niya ako pag bumalik na ang totoong memorya niya. Di ko na alam ano na gagawin ko pag wala na siya. Nasanay akong siya nakikita ko paggising ko. Lalo na ito, kasabay ko siya kumain. Pag wala na ata siya, magiging tahimik ulit ang mundo ko. Mula nang dumating siya sa buhay ko, naging maingay at masaya ang buhay ko. Siya ang happy pill ko.

"Lady Beth, what are you thinking?"

Naputol nalang ang pagmumuni ko sa boses ni Ros.

"Ah?" Sambit ko lang nang tingnan ko siya.

"Your smiling. And your crying too but your still smiling. Do you have any problem?" Tanong ko.

"Me? Crying?" Takang tanong ko at pinunas ko ang gilid ng mata ko at meron ngang luha doon."Oh! Ba't may luha?" Takang tanong ko.

"You look like crazy. Lately, your sad then you will smile but there's a tear on your eyes. Is there any problem?" Tanong pa rin ni Ros.

"Hahaha! Wala! Just an eye irritation." Rason ko dito at tinutok na sa kinakain."Kumain kana. Uuwi pa tayo." Sabi ko sa kanya.

"Ah! Opo!" sabi nito at kumain na nga.

****

"Let's wait for a bus here." Sabi ko sa kanya at nasa waiting shed kami kung saan dito nag-aantay ng bus.

Naupo na ako at bago pa man umupo si Ros, nakatingin ito sa ibaba ko. Takang tiningnan ko siya.

"Why?" Tanong ko.

"Your shoes." Sabi nito.

Tiningnan ko naman yung sapatos kong luma. Natanggal yung isang sintas sa pagkaka-kabit nito. Dali-daling sinintas ko naman iyon. Pagkatapos pinagpagpag ko ang kamay ko.

"Ayos na!" Sabi ko at naupo na ng maayos.

Napansin ko pa rin na nakatingin sa akin si Ros ng kakaiba. Ang weird ng tingin niya.

"Oh? What was that look?" Anang ko.

"Never mind." Pailing-iling nalang na sabi nito at umayos na ng upo.

Nakita kong may bus na kaya tumayo  na ako."Lets go! The bus is here!" Sabi ko sa kanya.

Tumigil na nga yung bus sa harapan namin at tumayo na sa kinauupuan si Ros at pumasok na kami sa loob. Naupo kami sa hulihan ng bus habang magkatabi pa rin.

Umandar na nga ulit ang bus at umalis na.

Kaunti lang ang mga pasaherong nakasakay sa bus. Sa totoo lang, kami lang dalawa ni Ros ang sa hulihan ng bus.

"Lady Beth." Tawag sakin ni Ros.

"Oh?"

"Can we stay like this until the end?" Makahulugang turan ni Ros.

Takang napatingin naman ako sa kanya.

"Always ridding on a bus? Don't worry. We will do this together. We will go to our house together..." Nakangiting sagot ko.

"Not just that." Seryoso pa ring mukha na turan ni Ros. Kakaiba ng tono ng pananalita niya. May tonong malungkot at may tono na parang nakikiusap.

"Ano?"

"I hope we can be together, nobody will change to us then I hope you still the girl who will never leave me." Madamdaming turan ni Ros.

Bahagyang natigilan ako sa sinabi ni Ros. Kita ko sa kanyang mata ang pagiging emosyonal. Ramdam ko na totoo ang sinasabi niya. Pati ang mata niya, nakakaakit na parang nagmamakaawa ito na di ko siya iiwan.

Di ko alam pareho na kami napatitig sa isa't-isa. Matagal kami nagtitigan ng kakaiba.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

15K 569 77
How will you able to forget and move on if everything you dreamed about or looking for someone to love, was already with the person you wanted to bur...
1M 34.4K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2M 24.7K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
419K 6.1K 24
Dice and Madisson