Mafia of Mafias: Heir Apparen...

By kookiesandcream30

93.3K 2.2K 131

Seven years after the tragic incident that fell upon Genesis. More

Reminder !!
PLEASE READ 😅
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Last Chapter
Author's Note :)

Chapter 14

1.9K 51 2
By kookiesandcream30

KEIRA’S POV

Bumalik na kami sa room namin after that. Nawala na ang adrenaline rush ko kaya nararamdaman ko na ang sobrang kirot ng sugat ko. The wound is at least 5 inches long. Mabuti na lang talaga at hindi malalim.

“Grey, pakikuha yung first-aid kit sa banyo.” Yan ang unang-unang sinabi ni Titus pagkapasok namin.

“Come here, Em. Linisan natin yang sugat mo.” Hale motioned me to sit beside him sa sofa kaya umupo ako dun. The four of them know how to deal with this, almost the same as how Yan and Clark know how to do it as well. Mabilis lang na nakabalik si Grey bitbit yung first-aid kit at sinimulan nang linisin ni Hale at Titus ang sugat ko.

“Em?” Dinilat ko ang mga mata ko dahil pumikit ako, ayokong makita yung ginagawa nilang dalawa.

“Hmm?”

“Are you still nervous dahil sa nangyari kanina?” Takang tanong ni Hale pero tinignan ko lang din siya.

“What are you talking about, H?  I wasn’t nervous kahit kanina nang nakikipaglaban ako dun sa lalaki.” Nagkatinginan si Hale at Titus na parang may natuklasan sila na hindi ko alam.

“Anong meron?” It was Ash. Nakaupo lang sila ni Grey sa harap ko at nanunuod ng ginagawa nung dalawa. Geez, wala silang ibang magawa.

“Look at this.” Tinuro ni Titus ang bandang leeg ko or something near my collar bone. Mas lalong kumunot ang noo ko.

“Can someone get me a mirror para naman makita ko rin yang tinitignan niyo?” I snapped at them. Kinuha ni Hale ang maliit na salamin na malapit sakanya at inabot yun sakin.

“Well? Anong meron sa collar bone ko?”

“Not the collar bone, Em. This part.” Hinawakan niya yung parte na parang space sa collar bone ko. Nakatingin pa rin kaming tatlo nina Ash at Grey sa kanya para ipagpatuloy niya kung anong meron dun pero wala siyang sinabi.

“Pwede bang sabihin niyo na lang kung anong meron jan at hindi na kami magmukhang mga tanga dito?” Sabi ni Grey na tinanguan namin ni Ash. Bumuntong-hininga si Titus.

“Wala talaga kayong alam sa mga ganitong bagay noh? It is said na kapag mabilis ang tibok sa parteng ito ng katawan ng babae, it means na buntis siya.” Umayos na ng upo si Hale at Titus sa harapan ko din dahil tapos na nilang linisin at lagyan ng gamot yung sugat ko. Pero parang nabingi ata ako dun sa sinabi niya.

“I’m sorry. Pakiulit nung sinabi mo?”

“Sa tingin namin ni Hale ay buntis ka, Em.” Hinilot ni Titus ang sentido niya at sumandal sa upuan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa sinabi niya. Maaari kaya na buntis talaga ako?

“Are you fucking serious?!” Ash.

“It’s just a theory.” Hale.

“Then let’s find out kung totoo nga o hindi.” Grey.

“When was the last time that you had your menstruation, Em?” I glared at Titus. Is he seriously asking me that?

“I’m just asking, ya know. Don’t be mad.”

“Fine. I think it was last, uhh, two months? Maybe?” When I realized that, napatakip na lang ako ng bibig ko. Hindi pa ako dinatnan simula nung may nangyari samin ni Ran.

“Oh my god! Anong gagawin ko? Buntis ba talaga ako? Guys? What? Ano ba ang -” Hale stopped me from completely panicking. He held his finger against my lips.

“Relax. Kasama mo kami oh. Calm down, okay?”

“H. Pano kung buntis talaga ako?”

“Then so be it. It’s not a bad thing, is it? Isa pa, kung buntis ka nga, hindi naman ibang tao ang ama niyan. It’s Kyran. So, there’s nothing to worry about.” He gently squeezed my hands. Ginulo ni Titus ang buhok ko habang ti’nap naman ni Ash at Grey ang mga balikat ko.

“That only means na magiging Tito Ninong na kami. Yes!” Nag’apir sina Ash at Grey habang natatawa naman si Titus at Hale. Well, they surely love the idea of me being pregnant.

“Pero guys, hindi pa naman tayo 100% sure di ba? Natatakot lang ako para sa magiging baby ko if ever na buntis nga ako. Especially now na papasukin na natin ulit ang mundo ng mga mafia.”

“Nandito naman kami at hindi magtatagal ay makakasama mo na din ulit ang Royal Guards mo pati na rin ang iba mo pang guardians kaya magiging ligtas ka at pati na rin ang baby mo.” Grey.

“Pwede bang siguraduhin muna natin kung buntis ba talaga siya o hindi? I’ll make an appointment para makapagpa’check ka bukas. Cool?” Tumango na lang ako kay Ash. Tama, kailangan muna naming makasigurado bago ako mamroblema sa mga ‘what ifs’. Gosh, I told myself before na hindi na ako mag-iisip ng mga what ifs na yan pero ibang usapan na pag may anak na talaga ako. Kailangang kapakanan muna ng anak ko ang unahin ko bago ang sarili.

“By the way, Em. Since bukas pa naman natin masisigurado kung buntis ka talaga, is it okay to talk about Genesis and Apocalypse for now?” Seryosong tanong ni Grey at sumeryoso na din ang mukha nung tatlo.

“Sure. What happened?”

“Patuloy pa rin ang pagpapasabog nila sa mga hideout ng isa’t-isa. All in all, nasa labing-lima na ang napapasabog ng Genesis samantalang labing-tatlo naman ang napapasabog ng Apocalypse.” I massaged my temple dahil sa sinabi ni Grey. Nasi’stress na ako sa mga pinag gagagawa nila.

“How about the legal businesses?”

“Nakakalamang din sa legal businesses ang Buenaventura Empire. Isa-isa ng nagpu’pull-out ang mga investors ng Fuentebella Group. Clarkson and Khyan’s names keeps on popping up. I think silang dalawa ang matinding kalaban nina Reese at Jaxon sa legal businesses. Spike is holding Apocalypse just fine against Genesis. Pinapahirapan ni Spike sina Alexander, Cloudious at pati na rin si Kyran when dealing with the underground businesses.” Ash.

“Why do they even have to start this mess? It’s pointless.” Titus.

“T. They don’t know anything kaya ang sa tingin natin na walang katuturan ay mahalaga para sa kanila.”

“I know that pero hindi naman nila to ginawa for the past seven years so why start now?” Titus.

“Meron nga daw kasing hawak ang Apocalypse na dapat ay nasa Genesis. Well, that’s what I heard.”

“At ano naman yun?” Hale.

“Beats me. Anyways, continue monitoring their activities and report it to me. At ang pagtake’over natin sa Apocalypse? Wala pa ba kayong makikitang perpektong pagkakataon?”

“The Annual Ball for Apocalypse and Fuentebella Group will happen next month. I believe that would be the perfect timing to reveal who you really are. Kailangan natin yung paghandaan dahil siguradong dadalo dun ang lahat ng major stock holders sa mga kompanya ng Fuentebella Group at pati na rin ang mga kasosyo ng Apocalypse sa illegal businesses. Siguradong bantay-sarado nanaman ang venue ng party na yun. They always send invitations saaming tatlo so we're going to find out the exact venue through that. Ash stopped receiving them seven years ago when they thought that he died.” Hale.

“Pero dahil sa mga pangayayaring ito, hindi yan magiging madali. Kakailanganin natin ang tulong ng Genesis for us to successfully take control of Apocalypse. Em, I think we need to settle things with Genesis first. We can’t risk your safety especially now that a baby is involved. I know we haven’t confirmed it yet but I really believe that you’re pregnant. That’s the only explanation for your mood swings and the signs that your body is showing. We need your other mafia.” By the time na tapos na magsalita si Titus, lahat sila ay nakatingin na sakin ng seryoso. Naiintindihan ko ang punto ni Titus kaya tumango ako bilang pag sang-ayon.

“So, here’s the new plan: we need to get Genesis on our side so that they can help us take over Apocalypse during the Annual Ball.” Natawa ako sa sinabi ni Grey.

“You make it sound so simple, G. I like it. Give me five!” Nakipag’apir naman sakin si Grey at nagtawanan kaming dalawa.

“There she goes again. I can’t handle her, guys. Take care of her for the mean time. I’ll check on Apocalypse and Genesis. Don’t leave her alone.” Tinignan ni Titus isa-isa sina Hale, Ash at Grey. Nakita kong napalunok si Ash at Grey habang ngumisi lang si Hale. Did I mention that they see Titus as their leader nung hindi pa nila ako kasama? So, even now, Titus takes control of things from time to time.

“T, I want to eat fried chicken for dinner. Tsaka beef steak at barbeque na din. Ay wait, sinabi ko na bang gusto ko ng fried chicken?” Tumawa yung tatlong katabi ko samantalang nag face palm naman si Titus.

“What?”

“Yes, Em, you’ve mentioned that you want to eat fried chicken for dinner twice. Anything else?”

“Hmm, I think I want to eat leche flan as well and a bunch of ice creams – cookies and cream and double dutch please. And-”

“Wait! Sa tingin ko kailangan kong ilista ang mga yan. Teka.” Nilabas niya ang phone niya at dun ata ililista ang mga gusto kong kainin.

“Correct me if I’m wrong, what I got here is fried chicken, beef steak, barbeque, leche flan, ice cream – that’s cookies and cream and then double dutch. Ano pa?”

“I think that’s all.”

“You sure? How about your favorite marshmallows?” Parang piniga ang tiyan ko nang sabihin niya yung marshmallows.

“Uhh, no thanks.”

“Buntis ka nga, Em. Walang duda.” I shot Grey a glare. What does he mean by that?

“Oh sige, aalis na ako. I really think na mag’go’grocery lang ako instead of checking Genesis and Apocalypse. You three, call me if anything happens. And I mean anything.” Sabay-sabay na tumango yung tatlo. Tss, mga takot kay Titus. Titus is actually a baby, if you ask me. Tuluyan na nga siyang umalis kaya naghanap na ng kanya-kanyang gagawin yung tatlo habang ako ay sumandal lang sa upuan. Ngayon ko lang naramdaman na pagod na pala ako. Hindi pa nga tanghali ay pagod na ako, jusko.

“A~” Tawag ko kay Ash pero hindi siya sumagot. Kumunot ang noo ko.

“H~” Naghintay ako ng ilang segundo pero wala ding sumagot. Nainis ako kaya umupo ako ng tuwid. Nasa harapan ko lang si Grey na nagkakalikot ng phone niya.

“They’re in their room, Em. What are you calling them for?” Hindi siya tumingin sakin at pinagpatuloy lang ang ginagawa niya sa phone niya.

“Can you give me a massage, G? Ang sakit ng lower back ko, nabigla siguro ako kanina ng umiwas ako sa winasiwas saking espada.” That got his attention.

“Yun yung nakalimutan kong itanong kanina kung bakit may hawak kang espada sa hallway.”

“Dun yun sa nakalaban ko. Naagaw ko lang sakanya kaya ginamit ko. Look at this.” Lumapit siya sakin at kinuha ko yung parte ng buhok ko na naputol kanina. Hinawakan niya yun at seryosong chineck ang buhok ko kung yun lang ba ang naputol.

“Nakita na ba to ni Hale?”

“I don’t think so. Sabay-sabay kaming inatake kanina kaya baka hindi niya nakita. Bakit?” He sighed.

“He specifically likes your hair dahil katulad na katulad yan ng buhok ng dating Empress. For the past six years na tulog ka, Hale would comb your hair every night.”

“Wow. Really?” Tumango siya. Kung ganon, I think, unconsciously, naging panatag ang loob ko kay Hale. Nang magising ako galing sa coma, si Hale lang ang hinahanap ko kapag natatakot akong matulog afraid that I won’t wake up for a long time again. Hale would play with my hair and before I know it, nakatulog na pala ako.

“Can you go to Hale and let him see this?”

“Sure.” Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at pumunta sa kwarto ni Hale. I just knocked three times at sinabi niyang pumasok na ako.

“Em. What’s wrong?” May ginagawa siya sa laptop niya pero sinara niya muna ito at umupo sa tabi ko sa kama niya.

“Nothing, I think? Grey told me about the thing you always do when I was in coma.” He just stared at me for a few seconds.

“You mean playing with your hair?” Tumango ako.

“What about it?”

“Kasi kanina, may pinakita ako kay Grey and he told me that I should show it to you.” Kinuha ko ulit yung parte ng buhok ko na naputulan kanina. Biglang tumigas ang ekspresyon ng mukha niya and he gritted his teeth.

“H.”

“Anong nangyari dito, Em?” Hawak niya pa rin ang buhok ko at malapit siya sa mukha ko kaya amoy na amoy ko siya. When it comes to their smells, amoy ni Titus ang pinakamadaling magpakalma sakin pero kung presence ang pag-uusapan, Hale’s is the best. Kapag kasama ko kasi si Hale, parang may kung anong invisible barrier na nakabalot sakin so I feel very protected. Lahat sila may ganun but Hale’s is on another level. Para sakin din, si Hale ang pinakagwapo sa kanilang apat. I won’t rank the other three dahil lahat sila, gwapo. Yung tipong mga pang model na katawan at pagmumukha. They can rival my Royal Guards when it comes to looks. Well anyways, back to the task at hand.

“Remember what happened earlier at the hallway? My opponent’s first strike did that to my hair.” Tumango siya.

“May iba ka pa bang sugat or masakit except from the one in your chest?”

“About that, I was actually calling you or Ash earlier para magpamasahe ako. Ang sakit ng lower back ko, nabigla ata nung pagbent ko kanina para makaiwas sa letcheng espada na yun.” He smiled at me.

“Gusto mo lang palang magpamasahe eh. Oh siya, pumwesto ka na jan sa kama ko para mamasahe na kita.” Agad na akong dumapa sa kama niya at binalutan niya ako ng kumot niya and started massaging my back. His hands can really do miracles. Swerte ang babaeng mapapangasawa ng isang to.

“H, what should I do with my hair?”

“Hmm? It’s your hair, you can do whatever you want with it.”

“Nuh, Grey said that my hair means something to you so I won’t do anything with my hair without asking or informing you. So, ano?”

“Tss, he really talks like a girl. Well then, can I cut it for you?”

“Sure. I don’t mind.”

“That’s settled then. Now, you can rest for a bit habang wala pa si Titus.” Hindi na ako kailangang sabihan pa ng dalawang beses. He continued to massage my back at nakatulog na lang ako.

Continue Reading

You'll Also Like

132K 2.6K 42
AMHS is a school for GANGSTERS, MAFIAS, BITCHES, JERK, CASSANOVA, EMPRESS, EMPERORS AND FOR YOU. This story is just based on my imagination.
1M 26.1K 78
Kwento ng isang babaeng ang alam ay isang simpleng tao lang ngunit magbabago iyon simula ng mapadpad siya sa MAGICA LAND. Where magics exist. Matatan...
580K 8.8K 46
[ COMPLETED ] Inosente at wala akong pake sa paligid ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin kapag binubully nila ako. Hindi ako marunong lumab...
693K 13.7K 106
Under major revision.