WERE MARRIED? (COMPLETED)

By paujhoe

662K 10.7K 453

Isang hindi inaasahan na pangyayari sa buhay ni Girl na hindi niya alam kung paano at bakit nangyari sa kanya... More

Synopsis
Prologue
one
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
11
12
13
15
16
17
18
19
20
21
22
23
a/n

14

12.6K 343 16
By paujhoe

Flashback

NAGING madalas ang pagpapalit palit ng ugali o pagkatao ni Rhiane. Mas madalas kapag binibisita ito ng ina nito sa kanila. Matapos ang araw na nalaman nila ang totoong pagkatao ni Rhiane hindi pa din sumama ang dalaga sa totoo nitong pamilya.

Nalaman niyang naghiwalay ang mga magulang nito, may ibang pamilya na daw ang tatay nito. Na hindi naman matanggap ng dalaga dahil mas malapit ito sa tatay nito kaysa sa nanay nito. nalaman din niya na maayos naman si Rhiane ng umalis ito sa bayan nito para sundan sana ang tatay nito na sa kanilang bayan naman napiling manirahan kasama ang bagong kinakasama nito.

Kaya hindi din alam ng nanay nito kung bakit nagkaganoon ang dalaga.

"Rhiane"tawag ni Nanay Cristina o Tina ang ina ni Rhiane.

Makalipas ang dalawang linggong pabalik balik nito sa bayan nila at sa bayan ng mga ito napagpasyahan niyang patuluyin nalang sa bahay niya ng tuluyan ang ginang. Para ng sa ganoon din mabantayan nito ang anak at matulungan na gumaling sa karamdaman nito.

"Po"mahinang sagot naman ni Rhiane.

Nasa sala ang dalawa at kasalukuyan na nagtitiklop ng mga damit ng mga ito na bagong laba. Kasama na din ang mga damit niya at ni Nana Cely.

"Wala ka pa din bang naaalala anak?"tanong ng ginang.

Mula sa kinauupuan niya sa mismong talyer niya naririnig at nakikita niya ang usapan ng dalawa.

Tanging iling lang ang naging sagot naman ng dalaga sa ina nito. buntong hininga naman ang namutawi sa ginang habang matamang nakatitig sa anak nito.

"Kailangan na nating umuwi sa atin anak. Nakakahiya na kasi kay Claude na nakikitira tayo dito"narinig na naman niyang turan ng ginang.

Kita naman niya ang pagsimangot at pagtigil ni Rhiane sa pagtitiklop ng damit.

"Dito lang po ako, kasi pag umalis ako malulungkot si Papa. Lab lab niya ako kaya hindi niya ako papayagan na umalis dito"nakasimangot na sagot naman nito.

Lihim siyang napangiti sa naging sagot ng dalaga sa ina nito. nasanay na din siyang papa na ang tawag sa kanya ng dalaga. Kahit ilang beses na nilang itinatama ang dalaga wala pa din naman nangyari, papa pa din ang tawag sa kanya.

"Anak, hindi mo papa si Claude"malumanay na paliwanag ni Nanay Tina.

"Papa ko po siya. Kasi palagi niya ako niyayakap. Tapos nikakantahan pa niya ako bago matulog. Kaya papa ko po siya, papa ko siya."matigas na sagot naman ni Rhiane.

Napatayo pa siya ng makita niyang padabog na tumayo si Rhiane at alam na niya kung saan ang punta nito. sa kinaroroonan niya.

"Papa, punta tayo sa bukid please"anito ng makalapit na sa kanya.

Napatikhim naman siya sabay lingon sa likod nito sa gawi kung nasaan ang ina nito.

"Anong gagawin natin doon, wala pa namang tanim ngayon sa bukid"sagot niya dito.

"Date"inosenteng sagot nito.

Narinig niya ang tunog ng mga nalaglag na mga kagamitan na hawak ng mga kasama niya sa talyer na busy sa pagkukumpuni ng mga sasakyan doon. nang lingunin niya ang mga ito nakita niya ang kakaibang ngisi ng mga ito. nang matanawan niya ang asawa ni Jose na si Berta kita niya ang pagtawa nito na nakathumbs-up kay Rhiane.

"Ano ba yang sinasabi mo Rhiane?"baling naman niya sa dalaga.

Nakasimangot ito habang nakatitig din sa kanya. nakapameywang pa nga ito habang nakakunot noo'ng nakatitig sa kanya.

"Date, di mo po alam Papa?punta tayo sa bukid tapos hug mo ako hug kita. Tapos usap usap, tapos kiss mo ko sa lips, ganon. Tama po ba ako ate Berta?"inosenteng tanong pa nito sa asawa ng tauhan niya.

Napuno ng kantiyawan ang buong talyer niya. maging ang mga nagpapagawa ng mga sasakyan nakikikantiyaw na din sa kanila ni Rhiane.

"Rhiane, hindi mo dapat sinasabi ang mga ganon"sermon niya dito.

"Huh? Bakit dapat ba secret lang natin iyon?"inosente na namang sagot nito sa kanya.

Napapikit nalang siya, nang magmulat na siya ng mata niya he just grab Rhiane's wrist and just gone out. Hinila niya ito sa tapat ng motor niya at maingat na sumakay sila doon. hindi niya alam kung saan sila papuntang dalawa basta magkasama lang silang dalawa at nagdrive lang siya ng nagdrive.

Huminto sila ng makaabot sila sa isang burol, kung saan doon sila nagpalipas ng oras na dalawa. hindi naman sila nag-usap na dalawa, tahimik lang silang nakatingin sa kabukiran sa harapan nila.

"Rhiane"

"Claude"

Sabay silang nagsalita. Pero agad din siyang nakaramdam ng gulat sa pagsasalita ni Rhiane. Ito ang unang beses na tinawag siya nito sa pangalan niya simula ng makasama niya ito.

Panay 'papa' lang ang tawag nito sa kanya.

"Gusto kita"anito pa habang nakatitig sa kanya.

Seryoso itong nagsalita, malayo sa pagiging isip bata na madalas niyang makita dito.

"A-ano?"

Nakakabakla man pero nautal siya sa pagsasalita. Nawalan pa nga siya ng kakayahan na magsalita o magrason sa mga sinabi nito sa kanya.

"Gusto kita, ayokong umalis dito. Pwede mo ba akong ligawan, gaya ng sinabi ni Ate Berta? Kasi kapag asawa na kita hindi na ako kukunin ni nanay"anito pa.

Doon mas lalo siyang nawalan ng masasagot sa sinabi nito. 'Asawa' parang bumibilis ang pintig ng puso niya habang paulit ulit niyang iniisip ang sinabi nito sa kanya.

"Nagbibiro ka lang"iyon ang nasabi niya dito.

Mula sa pagiging seryoso bigla itong ngumiti ng sobrang lawak na kulang nalang makita na niya ang gilagid nito sa pagkakangiti. Sabay taas ng dalawang kamay nito at pikit ng mga mata. Parang dinadama nito ang hangin na humahaplos sa kanilang dalawa. malayang tinatangay ng hangin ang nakalugay na buhok nito.

"Ang lamig"sabi pa nito.

Tumayo pa ito at nagpaikot ikot sa harapan niya na para bang ginagaya pa ang isang ibon na lumilipad dahil panay ang kawag nito ng mga kamay nito.

"Claude, gusto ko ganito nalang tayo. Masaya ako dito, mahal"sabi pa dito habang patuloy sa ginagawa nitong pakikipagsayaw sa hangin.

Natulala nalang siya sa sinabi nito sa kanya. kanina lang asawa, ngayon mahal na ang sinasabi nito sa kanya.

"Rhiane"halos paanas na niyang tawag dito.

Huminto ito sa ginagawa at seryoso na namang nakatitig sa kanya. hindi na mababakas ang isip batang Rhiane na inalagaan niya ilang buwan na ang nakakaraan.

"Dalaga na ako, pwede mo na akong mahalin at pwede mo na akong halikan Claude. May sakit lang ako sa pag-iisip pero kahit isip bata ako alam ko ramdam ko, mahal kita isip bata man o nasa matinong pag-iisip mahal kita Claude"madamdamin pa nitong turan sa kanya.

Matapos noon, lakas loob siyang tumayo at tinawid ang pagitan nilang dalawa. walang pag-aalinlangan na sinapo niya ang mukha nito at hinalikan ang mga labi nito ng buong pagmamahal.

"Damn, ano bang ginagawa mo sakin Rhiane"anas pa niya ng maghiwalay ang kanilang mga labi.

She just giggle and kiss him again like there's no tomorrow.

PAGBALIK NILA galing sa burol, agad niyang sinabi sa ina ni Rhiane ang nangyaring pag-uusap sa pagitan nilang dalawa ni Rhiane. Noong una ayaw pumayag ng nanay ni Rhiane, dahil wala daw sa matinong pag-iisip si Rhiane. Pero makalipas ang ilang pagpipilit ni Rhiane mismo, wala ding nagawa ang nanay nito kundi bigyan sila ng basbas bilang magnobyo at nobya na dalawa.

Ipinakilala din niya si Rhiane sa mga kaibigan, kamag-anak niya. sa mga kapatid niya sa tatay niya bilang nobya niya.

Masaya naman sila kahit pa mas madalas na isip bata si Rhiane, tanggap niya iyon. kahit habnga buhay pang ganoon si Rhiane wala siyang sawang alagaan at intindihin ito.

Ilang buwan din ang mabilis na lumipas sa kanilang relasyon, noong una normal na magnobyo at magnobya lang silang dalawa hanggang sa napagdesisyunan na nila na magsama na silang dalawa tutal nakatira naman na sila sa iisang bahay. Pangit man tignan wala na siyang pakialam, basta mahal nila ang isa't isa.

May basbas din naman ng nanay ni Rhiane ang pagsasama nilang dalawa kaya wala na sa kanya. pinag-iipunan naman na niya ang kasal nila ni Rhiane sa simbahan, konting tiis nalang mapapakasalan na naman niya ito.

Sobrang mahal na mahal niya ito kahit pa napakadaming bumatikos sa pagsasama nila. Kesyo baliw daw ang nobya niya, na sinamantala naman daw niya. pero gaya nga ng sinabi niya wala na siyang pakialam pa, basta ang mahalaga nagmamahalan sila at masaya silang dalawa.

"Rhiane, wag makulit"saway niya dito.

Nasa simbahan sila ngayon kakatapos lang nilang magsimba, palabas na sila ng may makitang cotton candy si Rhiane sa labas ng simbahan. Pinagkakaguluhan nan g mga batang nagsimba ang tinda na cotton candy. At nakikigulo doon si Rhiane, wala namang kaso doon kaso ang gusto lang naman ni Rhiane bilin daw nilang lahat maging ang mga hawak nan g mga bata.

"Ah basta papa gusto ko lahat ito"maktol pa nito sa kanya.

"Bibili naman tayo pero isa lang"nawawalan na siya ng pasensiya.

Kanina pa kasi talaga sila nagtatalo na dalawa, halos mauubos na ang mga tao sa simbahan. Pero hindi pinapaalis ni Rhiane ang mga bata na may hawak na cotton candy na binili ng mga ito.

"Gusto ko lahat, please papa"pakiusap pa nito.

Pinagtitinginan na sila ng mga tao, hindi na niya alam kung paano niya aawatin ang nobya niya sa gusto nito. naiinis na din siya sa kakulitan nito ng mga nakalipas na mga araw.

"Hindi nga pwede Rhiane, nakikita mo bang binili na din nila ang mga ito, hayaan mo na silang umalis at ng makauwi na din sila. Bibili tayo kaso isa lang hindi mo mauubos ang lahat ng iyan masasayang lang"mahabang paliwanag niya dito.

Doon naman bigla itong umupo at umiyak ng pagkalakas lakas. Lalo tuloy silang pinagtinginan ng mga tao doon. napamewang naman siya sabay tingala na mariing nakapikit ang mga mata. Pilit na pinapakalma ang sarili sa sobrang inis na nararamdaman niya.

Pero ganon nalang ang gulat niya ng magsisigaw ang mga tao sa paligid niya. pagmulat kasi niya nakita nalang niyang nakahandusay na si Rhiane at walang malay. Maputla ang buong mukha at nangingitim ang ilalim ng mata at ang labi nito.

"Rhiane!"sigaw niya.

Agad niyang dinaluhan ito at binuhat, pinabayaan na niya ang kanyang motor at agad na sumakay sa tricycle na dumaan sa tapat nila at dinala sa ospital ang nobya niya. punong puno siya ng pag-aalala sa nobya niya habang nasa biyahe sila hanggang sa makarating sila sa ospital.

Hindi siya mapakali sa kinauupuan niya habang hinihintay ang doctor na tumitingin kay Rhiane. Hindi na niya alam kung ano ang iisipin niya, ng mga oras na ito. biglaan ang lahat ng nangyari, wala naman siyang alam kung may sakit si Rhiane bukod sa ipinapatingin niya ito sa Manila para sa isang psychologist para agad itong gumaling.

Pero bukod doon wala naman siyang matandaan na iba pang nararamdaman nito sa ngayon. Kaya wala siyang ideya kung bakit ito bigla nalang hinimatay sa simbahan. Kung tutuusin pa nga ang lakas ni Rhiane dahil kanina pa din siya hilahila nito dahil sa cotton candy.

"Mr. Altamerano"tawag sa kanya ng doctor na sumuri kay Rhiane.

Kinakabahan na lumapit siya sa doctor, hindi niya kasi alam kung ano nga ang maaaring dahilan ng pagkakawala ng malay ni Rhiane. Inisiip niya o ayaw niyang isipin na may koneksiyon ito sa utak, dahil na din sa sakit ni Rhiane.

"Kamusta po ang girlfriend ko?"nag-aalalang tanong niya dito.

Ngumiti lang ito sa kanya bago siya nito iginiya papasok sa clinic nito sa loob ng ospital. Naguguluhan naman siyang nagpatianod lang dito at pumasok na sa loob. Pagpasok niya sa loob nakita niyang gising na si Rhiane at nakatitig lang din sa kanya na kala mo hinihintay siyang talaga pumasok sa loob.

"Claude"nakasimangot na tawag nito sa kanya.

Nakakunot ang noo na nagpapalit palit ang tingin niya sa doctor at kay Rhiane.

"Sabi ni Doc may baby na daw ako sa tiyan ko. Please Mahal ilabas mo na ito baka hindi makahinga si baby sa tummy ko"naiiyak pang turan ni Rhiane.

Laglag ang pang niya na napatitig dito, naramdaman niya ang pagtapik sa balikat niya ng doctor pero hindi niya ito pinagtuunan ng pansin. Tanging si Rhiane lang ang mahalaga sa kanya ng mga oras na ito. at ang dinadala nitong anak nila.

"Congrats Claude, magiging tatay ka na"sabi pa ng doctor sa kanya.

Hindi siya makapaniwala sa nalaman niya, totoo ba na magiging tatay na siya. Hindi ba siya nananaginip lang, magiging tatay na siya.

Agad niyang nilapitan si Rhiane at niyakap ng mahigpit na mahigpit.

"I love you so much Rhiane"bulong niya dito.

"Umiiyak ka?"tanong naman ni Rhiane sa kanya.

Wala naman siyang naisagot dito, basta niyakap niya ito ng mahigpit na mahigpit. 

........................

a/n : try ko ulit next week. 3 chapter ko dati one day ko lang itype, ngayon almost two weeks sa sobrang pahirapan magtype sa laptop ko... huhuhuhu

tumatanggap po ako ng donation hahaha...

purita po kasi ang inyong lingkod,,,

Continue Reading

You'll Also Like

794K 22.7K 34
Mystique Emerald "a.k.a Mye"is one of the youngest successful designer, sa labas man o sa loob ng bansa. Hindi sya naniniwala sa salitang "love"dahil...
3.5K 70 15
A sequel to Camie's story from the diaries of a mistress. This story will take you to the dirty world of politics and the reason why sometimes we fig...
25.1K 722 47
Maldita, malandi, mangaagaw, pakawala ilan lamang iyan sa mga katagang nakakabit sa kanyang pangala and she don't care. Wala siyang paki kahit bansa...
44.7K 703 14
"Love until it hurts. Forgive until it healed. and Forget until it will last" Isa sa mga pinaniniwalaan ni Catherine na ang pag- ibig ay hindi nawa...