Vicerylle || To Hopianity and...

Bởi hopianity

24.5K 503 41

Xem Thêm

Vicerylle || To Hopianity and Beyond
Something That We're Not
When I Met You
When Princess meet his Prince
Realization, Acceptance, Forgiveness and Love
The Bucketlist
I LOVE YOU
Till We Meet Again
Who you love
MOA
...

KUYA

1.2K 42 1
Bởi hopianity

Nasa "Freevey" (isang bar kung saan magbayad ka lang ng VEYnte ay FREE na ang lahat. charot ang korni ko. Game na)

Vice, Billy and Vhong are now at the bar with some of their friends. 35th birthday na kasi ni Vice mamaya so naisipan nya magpaparty kasama ang mga friends nya at bestfriends na sila Vhong at Billy na magkapatid para salubungin ang birthday nya. Magbabarkada na sila since high school sila, and malapit na din talaga si Vice sa family nila Vhong. Their now at a private room sa bar habang ang iba ay nasa labas, umiinom at nagsasayaw. Si Vhong at Billy ay busy sa babaeng katabi nila habang ang nasa left side ni Vice ay kumakanta at ang nasa right side naman ay nilalandi sya. "Stop." mahinang sabi ni Vice sa babaeng lumalandi sa kanya. "Why? Hindi mo ba nagugustuhan?" tanong ng babae and Vice just gave her a death glare. "Mga brad, check ko lang mga bisita sa labas." paalam ni Vice kila Billy at Vhong saka lumabas, nagkatinginan naman ang magkapatid at saka nagpaalam sa mga babaeng kasama nila para sundan si Vice. 

"Ano yun brad?" tanong ni Vhong ng maabutan nila si Vice. "Anong ano yun?" Vice asked. "Yun ginawa mo sa loob, ganon naman tipo mo diba?" sagot nito. Napaisip naman saglit si Vice bago magsalita, "Hindi ba masyado na tayong matanda para sa mga ganon?" Napatawa naman sila Vhong at Billy, "Wow brad simula high school tayo, babaero na tayo tapos ngayon mo pa sasabihin yan?" Billy said. "Yun nga eh, high school pa tayo non.. Billy ikaw 34 na, si Vhong 35 na din ayaw nyo bang mag asawa?" seryosong tanong ni Vice and again tumawa ang dalawa, "Naeenjoy ko pa yung ganito." Billy answered while smirking. "Bakit Vice, magaasawa ka na ba? At sinong NAPAKASWERTENG BABAE naman ang papakasalan mo?" Vhong said sarcastically. "Psh. Ewan ko sa inyo, uminom na nga lang tayo." sabi na lang ni Vice.

3 am na ng matapos ang party ni Vice but still he decided na pumasok para magtrabaho. He's an architect, actually silang tatlo nila Billy and may sarili silang firm. It's already 11 am ng pumasok sya and nagulat sya ng may taong naghihintay sa loob. "Kuya!!!!!" sigaw ng babae at nagtatakbo para yumakap kay Vice. "Teka Karylle, nasasakal ako." sabi ni Vice na pilit inaalis ang kamay ni K na nakapulupot sa leeg nya. (Okay. K is just 22 here. May pagka childish pero cute. Medyo makulit at maarte pero matalino.) "Bakit ka andito? Wala ka bang pasok? Alam ba ng mga kuya mong andito ka?" sunod sunod na tanong ni Vice dito. Napataas naman ng kilay si K, "Daming tanong, Kuya." sabi nito. "At ni isa wala kang sinagot" Vice said at umupo sa chair nya at nagsimulang gawin ang mga trabaho nya. "I'm here because I want to see you and greet you a happy birthday, I brought you breakfast kaso maglunch na.." K pouted "bakit kasi ngayon ka lang? Anyway may gift naman ako sayo" sabi pa ni K at nagsmile habang pinapakita ang isang maliit na mahabang box. "Open it!" K said excitedly. "Mamaya na. Thanks" Vice said at inilagay sa drawer nya yung box. Nalungkot naman si K. "Pumasok ka na sa school mo." utos ni Vice dito na hindi tumitingin kay K at busy sa ginagawa. "I stopped." Napatigil naman si Vice sa kanyang ginagawa sa narinig "Anong sabi mo?" tanong ni Vice na nakatingin na kay Karylle. "I said I stopped. Ayoko ng course ko. Wala akong friends don. Ayoko sa school ko." sagot ni K. It's Vice turn para magtaas ng kilay "Bata ka pa nga." tanging nasabi lang ni Vice at bumalik sa pagtratrabaho. "Hindi na ko bata, Vice!" pagalit na sabi ni K at hinampas ang desk ni Vice. "Kuya Vice... KU-YA." he reminded. "Nakakainis ka! Ikaw ang parang bata, kelan mo ba ko seseryosohin?" pagmamaktol ni K. "Seryoso ako K, kaya bumalik ka sa pag aaral mo kung ayaw mong pagalitan ka ng Kuya Billy at Vhong mo." Vice said. "My mom and dad knows kaya wala akong pake kila Kuya. Ugh!" inis na sagot ni K. "Pwes ako may pake sakanila kaya umuwi ka na bago ka pa nila abutan dito." utos ni Vice. "Yan! Puro sila iniisip mo, paano naman ako? Vice, mahal nga kita." K said na may diin. Napaangat naman ng tingin ni Vice dito, "Kalokohan. Karylle kuya mo ko, 22 ka 35 na ko. Naiintindihan mo ba?" pagexplain ni Vice. "So what kung 22 ako at 35 ka eh sa mahal nga kita. Vice, I love you!" K said. "Go home ... and bumalik ka sa pagaaral wag mo sayangin ang buhay mo." Vice said seriously at bumalik sa ginagawa, napabuntong hininga na lang si K "basta kung ayaw mong ligawan ako, then ako ang manliligaw sayo." she said at saka tumungo palabas ng pinto but before pa nya buksan ang pinto ay may nagbukas na nito.

"And why you're here?" agad na tanong ni Vhong nang makitang nandoon si K. "Uhm. I just greeted Kuya Vice. Paalis na rin ako Kuya." K answered na nakatungo. Vhong looked at Vice and tumango lang naman si Vice to agree sa sinagot ni Karylle. "Okay. Now go to your school." utos ni Vhong. "Kuya, I stopped." she said. "Whaaaat?" sabay na sabi nila Vhong at Billy. "Mom and dad knows about it and okay lang sa kanila so please no sermon. Uuwi na ko." paalam ni K, she's about to go outside.. "K!" tawag ni Vhong kaya lumingon si K dito. "Maguusap tayo mamaya." K just rolled her eyes at tuluyan ng umalis. 

Nagtrabaho lang naman ang tatlo naunang matapos sila Billy at Vhong kaya nagdecide na silang umuwi. "Brad, hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Billy kay Vice na umiling lang bilang sagot. "Una na kame brad, happy birthday ulit." sabi naman ni Vhong. "Happy birthday, Vice." bati din naman ni Billy. "Salamat mga brad, ingat kayo." Nang makaalis ang dalawa ay napasandal sya sa kanyang upuan, he took a deep breath at naalala ang regalong ibinigay sa kanya ni K. He opened his drawer at kinuha ang box, pagkabukas nya may nakita syang note "Happy birthday, I love you" at may tatlong emoticon pang heart ang mata. Napailing na lang si Vice na natatawa saka kinuha ang regalo talaga, it's a pen na may pangalan nya. 

Nasa living room naman ng bahay nila sila Vhong, Billy at K. K sitted sa sofa habang ang dalawa ay nakatayo sa harapan nya. Their mom and dad kasi ay nasa America kaya bilang mga kuya ay strict at alagang alaga nila ang kaisa isang babaeng kapatid nila. "So anong pumasok dyan sa isip mo at tumigil ka na naman sa pag aaral?" panenermon ni Vhong dito. "Kuya, ayoko sa school ko. Wala akong friends don saka I don't like my course." sagot ni K. "Nung una, La Salle ayaw mo. Ngayong inilipat ka namin sa Ateneo ayaw mo pa rin? My God Karylle, pinaka magagandang school na yun dito." Sabi naman ni Billy. "At anong sinasabi mong walang friends? Andoon sila Iza, at Diana." dagdag ni Vhong. K crossed her arms at sumimangot, "They're not my friends anymore." she said. "Juskong bata to!" yun na lang ang taning nasabi ni Vhong sa bunsong kapatid. "Kuya, hindi na nga ako bata! 22 na ko kaya ko na sarili ko." K said. "Anong kaya, tingnan mo nga yang ginagawa mo." Billy said at nilayasan na lang sila ni K.

Everyday nagiiwan ng breakfast si K sa desk ni Vice minsan may kasama pang note, 2 weeks na nyang ginagawa yun. Madalas nagtataka sila Vhong at Billy kung saan nanggagaling yung mga pagkain nya pero sinasabi na lang nya na binili nya sa labas or hinanda ng maid nila. 

Maagang pumasok sa trabaho si Vice ngayon, pumasok sya sa office at nadatnang nagiiwan na naman si Karylle ng pagkain sa desk nya. "Karylle..." mahinang banggit ni Vice na ikinagulat pa rin ni K. "Ginulat mo naman ako." sabi ni K na nakahawak sa dibdib. "Bakit mo ba ginagawa yan?" tanong ni Vice after closing the door. "Ganon naman ang ginagawa pag naliligaw diba? Dapat nga may flowers pa kaso baka mahalata ni Kuya, akalain pang gay ka." she said and chuckled. "Hindi nakakatuwa." seryosong sabi ni Vice kaya napatahimik si K. "Gusto ko lang naman masigurong kakain ka." K explained. "Nagtataka na sila Vhong at Billy kung saan nanggagaling yan kaya tigilan mo na K. Wag na." Nalungkot naman si K sa narinig at iniwan si Vice na walang sinasabi.

Worried man ay hinayaan na lang ni Vice ang nangyari sa kanila ni Karylle kanina. "Sana tumigil na sya." mahina nyang sabi bago pumasok sa loob ng bahay nila. Agad naman syang binati ng maid nila at kinuha ang dala nitong gamit. "Si Mama?" tanong n Vice dito. "Ay sir, nasa kusina po nagluluto kasama si Ma'am Karylle." sagot ng maid. "Si Karylle nandito?" gulat na tanong ni Vice. "Opo sir. Magkasama po silang dumating ng mama nyo." sagot ulit ng katulong at tuluyan ng iniwan si Vice. 

Agad na pumunta si Vice sa kitchen nila at gaya ng sabi ng katulong nila andoon nga si Karylle. Naabutan nyang nagtatawanan ang Mama nya at si Karylle habang nagluluto. Parang naramdaman naman ni Karylle na may taong nakatingin sa kanila kaya napalingon sya kung nasaan si Vice.  "Kuya." nakangiting tawag ni K. "Oh anak andyan ka na pala, tamang tama patapos na to. Kami ni Karylle ang nagluto." sabi ng nito at humalik sa lumapit sa kanyang si Vice. "Bihis lang po ako, Ma." paalam ni Vice na hindi pinansin si Karylle. 

Pagkababa ni Vice ay saktong tapos ng paghahain ng pagkain kaya agad na silang umupo at kumaing tatlo. Puro kwento ang Mama ni Vice at todo kinig at tawa lang naman si Karylle habang tahimik lang si Vice. 

After kumain ay nagpaalam na rin si K. "Ma, hatid ko lang si K." Vice said. Tumango naman ang Mama nya. "Bye po Tita, thank you po ulit." at nakipag beso dito.

"Why you're here?" tanong ni Vice habang naglalakad sila palabas. Napatingin naman si K dito, "Nagkita lang kami sa mall then inaya nya ko to go here. Sobra bang ayaw mo kong makita?" K said sadly. Umiling iling si Vice "Ayoko lang na inuubos mo ang oras mo sakin, dapat nag aaral ka o kaya itinutuon ang sarili sa mahahalagang bagay." Vice said at inilagay ang mga kamay sa loob ng pocket ng pants nya. "Kaya nga ako andito eh, kasi ikaw ang mahalaga sakin." she said while looking at Vice. Tumigil na din naman sa paglalakad si Vice ng makarating sila sa gate at tumingin din kay K. "K naman, tama na tong kalokohang to. Para ko ng kapatid sina Billy at Vhong at ikaw para na kitang nakababatang kapatid." he said. "Pero Vice..." "KUYA." he reminded again bago pa matapos ang sasabihin ni K. "Wala kang dalang sasakyan?" tanong ni Vice ng mapansing walang sasakyang nakaabang sa labas. Umiling si Karylle "Pinasabay ako ng mama mo sa kotse nya." napahawak na lang sa ulo si Vice, "Sakit sa ulong bata talaga." mahinang sabi ni Vice at kinuha ang susi ng kotse nya para ihatid si K. 

Nakatigil ngayon ang kotse ni Vice sa tapat ng bahay nila Karylle. "Sige na pumasok ka na." utos ni Vice. "Hindi ka ba papasok?" tanong naman ni K. "Magtatanong pa yung mga yun kung bakit kita kasama." he said. "And so? bawal ba tayong magsama or magkita man lang?" tanong ni K. "Hindi." maikling sagot ni Vice. "Oh e bakit worried ka sa kanila?" tanong pa ni K. "Wala, sige na uuwi na ko." Vice said na pinalalabas na si K talaga. "Puntahan kita bukas." K said. "Wag na makulit Karylle!" inis na sabi ni Vice. "Bakit ka ba ganyan sakin? Dati naman close tayo ah bakit nagbago?" malungkot na tanong ni Karylle kay Vice. "Pumas---" di na natapos ang sasabihin ni Vice ng bigla syang halikan ni K. K's kissing him passionately habang nakapikit at si Vice naman dahil sa gulat ay nakamulat at hindi tumutugon. K pulled away at mabilis na lumabas ng kotse ni Vice kasabay ang pagbuhos ng luha nya. 

Maagang pumasok sa firm si Vice kasama ang kaibigang si Anne. "Paano ka naman nakakasigurong pupunta sya dito eh 2 weeks na nga syang di nagpaparamdam sayo dahil SINAKTAN mo." Anne said emphasizing the word "sinaktan". "Iba ang nagulat sa di nagustuhan, Aning." sagot ni Vice na umupo sa chair nya. "So nagustuhan mo?" hindi naman sumagot si Vice. "Silence means yes. So paano mo nga nalamang pupunta sya ngayon?" tanong ulit ni Anne. "14 ngayon." maikling sagot lang ni Vice. "And so?" Anne said na clueless. "14 nya sinabing mahal nya ko." mahina nyang sagot. "Wow naman Viceral, so anu yan monthsary ng pagtatapat? Ilang months na ha?" natatawang sabi ni Anne. "Whatever!" mataray na sabi ni Vice. "Palagi mong sinasabi sa kanyang bata sya e para ka rin namang bata pala." Anne said na natatawa pa rin. "Ewan ko sayo Anne, dito ka na nga baka padating na yun." Vice said at hinila si Anne paupo sa lap nya. "Alam mo Vice ewan ko din sa mga trip mo, nagustuhan mo yung kiss, may "monthsary monthsary" pa nga kayo tapos eto ka na naman sasaktan sya. Ang labo Vice." Anne said na gulong gulo talaga sa pinaggagagawa ni Vice. "Sundin mo na lang Anne, maniwala ka sakin para naman sa kanya to." 

FLASHBACK:

While K kissing Vice sa car, may matang nakatingin naman sa kanila sa may veranda ng bahay nila K, it was Vhong. Pagkababang pagkababa ni K sa kotse ni Vice ay agad dinial ni Vhong ang number ni Vice. 

"H-helo Vhong? Brad, bakit?" natatarantang sabi ni Vice. Hindi pa kasi sya nakakarecover sa ginawa ni Karylle ay eto agad tumawag ang iniiwasan nya.

"Brad, kilala kita. Wag ang kapatid ko kung ayaw mong pati tayo magkagulo." seryosong paalala ng Vhong. Agad naman na-gets ni Vice ang sinabi nito kaya agad nyang hinanap kung nasaan ang kausap. 

"Alam ko brad. Alam ko." tanging nasabi ni Vice ng makitang nasa veranda si Vhong at nakatingin sa kanya. 

//

"Eh paano kung di sya dumating?" tanong ni Anne habang nakaupo siya sa lap ni Vice. "E di mas okay, ibig sabihin okay na sya. Nakalimutan na nya ko." Vice said and smile sadly. "Haynaku Vice, ang gulo mo. Bakit di mo na lang sabihing mahal mo din sya." Anne said. "Alam mo namang hindi pwede." sagot ni Vice. "Ewan ko sayo Vice, bahala ka na nga." pagkasabi ni Anne non ay agad nilang narinig na may nagbubukas ng pinto, agad hinila ni Vice si Anne palapit sa kanya. Nakangiting pumasok si K sa office pero agad iyong nawala sa nakita, si Anne na nakatalikod sa kanya pero kitang kitang nakaupo sa lap at nakapulupot ang mga kamay sa leeg ni Vice at Vice na nakahawak sa bewang ni Anne at naghahalikan. Agad na nabitawan ni K ang dalang pagkain na para sana sakanila ni Vice. Nakagawa iyon ng ingay kaya napatigil si Anne at Vice sa ginagawa at kunwaring nagulat na hinarap ito, tumayo pa si Anne. "So-sorry." sabi ni K at yumuko para pigilan ang emosyon. "Ahh.. K..." tanging nasabi ni Anne habang nakatingin lang naman si Vice kay K. "Siguro kelangan ko ng umalis, sige. Sorry for interrupting you guys." malungkot na sabi ni K at agad lumabas ng opisina. 

"OMG!! Bakit ba ko pumayag sa plano mo! Kawawa naman sya." Anne said sadly. "Wala tayong ginawang masama, umupo ka lang sa lap ko." Vice said. "I know di naman ako papayag sa plano mo kung hahalikan kita noh, but sa angle na nakita nya we're like kissing and alam ko sobrang sakit non for her." Anne said and sighed. "Okay na din siguro yun. Salamat Anne ha." tanging nasabi ni Vice. 

After ng "masakit" na pangyayaring yun, K decided na lumipad papuntang America para samahan ang magulang nya at mag aral ulit pero ang pinaka dahilan talaga is para makalimutan si Vice. Mahal nya talaga si Vice. Crush na nito si Vice nung una pa lang nyang makita ito kasama ng mga kuya nya at habang patagal ng patagal ay hindi nga nawala iyon at mas lumala pa pero ngayon hindi na nya kinaya dahil sobra na syang nasaktan sa pagbaliwala sa kanya ni Vice. 

Nakaupo si K waiting for her flight kasama si Vhong, habang bumibili ng food si Billy. "Sure ka na bang gusto mong pumuntang America?" di mapigilang tanong ni Vhong, humarap naman si K kay Vhong at saka tumango. "Eh bakit parang di ka naman masaya?" Vhong asked, hindi naman sya nakakuha ng sagot sa tahimik lang na si Karylle. "Si Vice ba?" napaharap naman muli si K dito. "Ha?" K said. "I saw you kissing him." pag amin ni Vhong na ikinagulat ni K. "He didn't respond on that kiss so nothing to worry about Kuya. Sorry." K said sadly and bowed her head. "So si Vice nga ang dahilan?" tumango naman si K. "Kuya, mahal ko si Kuya Vice." pag-amin nito. "K, bata ka pa at kilala ko si Vice." sabi ni Vhong. "Pero kuya wala naman sa age ang pagmamahal diba, totoo ang nararamdaman ko for him kaya ako nasasaktan ngayon kasi hindi nya ko kayang mahalin."

2 years after.... 

Billy and Vhong prepared dinner para sa birthday ng Mama nila. Their mom and dad went home 2 weeks ago para bisitahin ang dalawa at para makapagbakasyon na rin doon. Vhong and Billy invited Vice kaya naman pumunta sya. They're now talking sa garden habang nagpreprepare ang mga maids ng dinner nila. "Ang dami ng nangyari sa loob ng dalawang taon noh?" nakangiting sabi ni Billy. "Oo nga noh. 2 years ago lang wala pa sa isip nyo ang mag asawa pero tingnan mo ngayon asawa na ni Vhong si Tanya at ikaw may first serious girlfriend na." kwento ni Vice na tumatawa. "Akala ko forever mambababae na lang ako eh pero iba pala talaga pag tinamaan na." nakangiting kwento naman ni Vhong. "Kaya nga wala pa kayong isang taon niyaya mo na agad magpakasal kasi natatakot kang mauntog at iwan ka." Vice said at tumawa sila. "Naalala ko kasi yung sinabi mo nung birthday mo non, matanda na nga tayo." and again natawa silang tatlo. "Eh brad, ikaw kelan ka magpapakilala ng girlfriend? aba eh sa dalawang taon wala ka pang napapakilala. Dalawang taon ka ng tigang Vice!" pang aasar ni Billy kay Vice. "Wala na ata yung hinihintay ko eh, at mukhang di na sya babalik sakin." seryosong sagot ni Vice na na-gets naman agad ni Vhong kaya Vhong tapped his shoulder. 

"Hon ready na yung dinner." Tanya said. "Padating na din sila Tita at Tito baka maabutan pa kayo dyan. Tara na babe." sabi naman ni Nikki kaya pumasok na sila sa loob. After 7 minutes ay dumating naman na ang mama at papa nila Vhong at Billy kaya kumain na sila. Masaya silang kumakain habang nagkukwentuhan. Nagtatawanan sila ngayon ng biglang ... "Surprise!!!!!" nagulat naman silang lahat ng makita nila si Karylle na yumakap sa Mama nya. "K!" Vhong and Billy said in unison at mabilis na tumayo at niyakap ang kapatid. "We missed you." Vhong said. "Namiss ko din kayo noh." K said na tumatawa at ng makabitaw sa yakap ng mga kapatid ay nagbeso sya kila Tanya at Nikki. "Gaganda ng mga ate ko oh." sabi pa nya then napunta ang tingin nya kay Vice na the whole time ay nakatitig lang sa kanya "Hi Kuya." bati ni K na nakangiti pero nanatiling nakatitig lang si Vice dito kaya naman tinapik ni Billy si Vice. "Huy!" bumalik naman sa sarili si Vice, "Ah.. Hi." tanging nasabi nya lang. "Ay wait may kasama nga pala ako" K said and went sa labas ng dining room para sunduin ang kasama. "I would like you to meet, Christian... my boyfriend." pakilala ni K dito habang magkahawak kamay. "Wow! Hi Christian." bati ni Billy dito. "Magaling ka pumili, K ha" he added. "Syempre naman Kuya Billy noh." K said. Napatingin naman si Vhong sa kaibigang si Vice, kitang kita ang gulat, lungkot at sakit sa mukha ni Vice pero ng makitang nakatingin sa kanya si Vhong ay nagbigay ito ng maliit na ngiti. Bumati si Christian kay Vhong , Tanya, Nikki at pati na rin sa parents ni K na kilala na naman sya dahil laking America din ito pati na rin kay Vice ay bumati ito. "So pwede ba kaming makikain? Sayang naman yung pamasahe namin dito pauwi kung di kami makikikain." biro pa ni K. 

"Mauuna na po ako, salamat po and happy birthday ulit tita." paalam ni Vice sa Mama at Papa nila Vhong. "Salamat din Vice lalo sa regalo mo." at niyakap nito si Vice. "Hon, hatid ko lang si Vice ha." paalam naman ni Vhong kay Tanya na tumango lamang.

"Brad, alam ko daan palabas di mo na ko kelangan ihatid." biro ni Vice. "Okay ka lang ba?" Vhong asked seriously. "Ha? Ako? Oo naman brad, bakit naman magiging hindi?" pagsisinungaling ni Vice. "Sinungaling. Kilala kita Jose Marie, hindi ka okay." sabi naman ni Vhong. "Akala ko pwede pa eh." pag amin ni Vice. "Tanga tanga ko kasi, sinaktan ko eh." he added. "Sorry." mahinang sabi ni Vhong kaya napatingin si Vice dito. "Kung hindi siguro kita pinagsabihan at binantaan, siguro masaya kayo ngayon. Late ko na kasi narealize na pwede pa pala tayong magbago. Pasensya na brad ha.Sorry talaga." Vhong said sincerely. "Ano ka ba Vhong kasalanan ko pa rin yun, nagpasindak ako sayo. Wala pa man isinuko ko na sya agad, hindi ko inilaban." Vice said sadly. "Bakit hindi mo ipaglaban ngayon? Okay na sakin brad." nakangiting sabi ni Vhong dito, Vice smiled too "Di na siguro Vhong, nakita ko kung gaano sya kasaya kanina and she deserves to be happy." Vhong just hug his bestfriend. 

It's been a week mula ng umuwi si K sa Pilipinas kasama ang boyfriend nyang si Christian, at sa buong linggo na yun ay palagi silang nagkikita ni Vice pero puro Hi and Hello lang wala silang chance na magusap dahil palaging kasama ni K si Christian. It's their last day dito sa Pinas kaya naman nagpaparty ulit sila Vhong at Billy para sa kapatid at parents nila na sabay sabay babalik ng America. The party is happening at their favorite restobar, busy ang parents nila K sa pagkain kasama ang mga amiga't amigo ng mga ito, Billy with Nikki and Vhong with Tanya, andoon din ang mga kaibigan nilang sila Jugs, Teddy, Eric, Ryan, Coleen at Angel. Vice is also there kasama si Anne and sila K at Christian ay enjoy na enjoy sa pagkanta. 

"Oh ngayon hanggang tingin ka na lang dyan." sisi ni Anne kay Vice na umiinom habang nakatingin sa sweet na sweet na sila K at Christian. Hindi naman sumagot si Vice at patuloy lang sa paginom "Kung di mo sya sinaktan noon siguro ikaw ang nasa posisiyon nang lalaking yan ngayon." Vice gave Anne a death glare "Tantanan mo ko Anning." seryosong sabi nito at tumungga ulit. "Bahala ka nga dyan." sabi ni Anne na kumain na lang. 

A few hours after sila Billy at Nikki na ang kumakanta. K and Christian sitted kung saan malayo kila Vice. "Sure ka na ba sa gagawin natin?" kinakabahang tanong ni Christian kay K. "Oo." mabilis nitong sagot. "Pero K, magpopropose ako sayo sa harap nilang lahat? K baka naman bugbugin ako ng mga yan pag nalamang loko-loko lang?" sabi pa ni Christian. "Hindi yan. Akong bahala sayo." K assured. "Bakit di mo na lang kasi sabihing mahal mo sya?" umiling si K "hindi nya ko mahal." K said. "Mahal ka nan K." Christian said. "And how did you know?" tanong ni K. "Lalake ako Karylle, alam kong nagseselos sya satin di mo ba nakikita? pag magkakasama tayo palagi syang walang imik at nakatingin lang ng malungkot satin. Mahal ka nan." Christian said. "Then mas dapat natin ituloy ang plano." Napakamot na lang ng ulo si Christian. "Ang kulit mo talaga K." he said. "Pero sige pag family members na lang ang nandito. Okay na?" K said smiling, napailing na lang si Christian. "I'm telling you it will work, ayoko namang for the second time ako pa rin ang bumigay at ligawan na naman sya. Sinaktan nya ko noh, kaya dapat maghirap sya swerte nga nya at mahal na mahal ko pa din sya noh." napatawa na lang silang dalawa. 

Sila Vhong, Billy with their partners, their parents, Vice and Anne at Jugs and Teddy na lang ang nandoon ngayon. It's time, umakyat si Christian sa may stage kung saan andoon ang mic. "Ah, Hi. I just want to say something important.." he paused, lahat naman ay nagfocus sa pakikinig sa kanya. Kinakabahan si Vice. "Ahm, K and I knew each other for about 2 years pero it's just a month or two ng maging official na kami. I love her, I really love you Karylle." he said and smiled to K na nakaupo. Bumaba ng stage si Christian para lumapit kay K saka lumuhod sa harapan nito. "Ana Karylle Tatlonghari, will you be my wife?" he asked kasabay ang paglabas ng isang diamond ring. Umaktong nagulat na naiiyak sa tuwa naman si Karylle. "Oh my gosh. Ofcourse, yes baby. YES." at ibinigay ang kamay kay Christian para isuot ang singsing. 

"Kiss! Kiss!" sigaw nila Jugs at Teddy kaya napatingin ng masama si Vice sa mga ito. "Hug na lang muna. Nakakahiya eh andyan sila Kuya." K laughed then hugged Christian tightly. Nagpipigil naman si Vice ng emosyon na nahalata ni Anne, "Okay ka lang ba?" Anne asked na hinaplos haplos ang likod ni Vice. "Labas muna ako saglit." paalam ni Vice. "Teka Vice...." di na pinansin ni Vice si Anne, nakita naman si Vhong na lumabas ito kaya sinundan nya. 

Lumabas si Vice na may hawak na alak, kanina pa sya umiinom and siguro nga lasing na sya kaya lumabas na lang din sya bago makagawa ng anumang gulo. "Brad." tawag ni Vhong ng makita si Vice na nakasandal ang ulo sa wall. Humarap si Vice dito at di na mapigilang maiyak, "Ang sakit Vhong. Ang sakit sakit." Hinaplos na lang din ni Vhong ang likod ni Vice para macomfort ito. "Sabi ko naman sayo ilaban mo eh." sabi ni Vhong. "Pero Vhong dapat pa ba? Masaya na sya eh, masaya na sya dun sa lalaking yun." inis na sabi ni Vice. "Atleast try to confess your feelings. Wag mong hayaan na sa pangalawang pagkakataon ay wala ka na namang nagawa." and dahil doon natauhan si Vice. "Tama ka Vhong. Hindi man na nya ko tanggapin atleast masabi ko man lang na mahal ko sya. Salamat brad!" Vice smiled and hugged Vhong. 

Nakita ni Anne na pumunta si K sa ladies room kaya sinundan nya ito. "Hi." bati ni Anne ng makita si K na nagaayos. K just smiled. "Congrats pala." sabi ulit ni Anne na tumabi kay K at nagayos rin ng mukha. "Thanks." sabi lang ni K. After a few awkward minutes ay nagsalita si K "una na ko sa labas baka hinahanap na ko ni Christian." she said and walked pero bago pa man sya makalabas ay hinawakan na sya ni Anne sa braso para pigilan. "Saglit lang tong sasabihin ko." Anne said kaya humarap si K. "What?" tanong ni K. "Yung nakita mo sa office ni Vice noon.." panimula ni Anne. "Ah yun bang naghahalikan kayo? Ano ka ba, wala na yun." K said sarcastically. "No, no. We didn't kissed. NEVER. I have a boyfriend for 5 years and Vice is my only bestfriend." pagexplain ni Anne na medyo ikinagulat ni K pero di pa rin naniwala. "Liar. Kitang kita ko kung nakaupo ka sa lap nya at grabe ang kapit sa leeg." mataray na sabi nito. "I'm sorry. I didn't mean to hurt you. Sabi ko naman kasi kay Vice wag na ituloy yung ganung plano pero--" di na natapos ang sasabihin nya ng biglang magsalita si K. "What?! Vice planned that?" tumango naman si Anne. "Why?" naiinis na tanong nito. "Pinagbantaan sya ng Kuya Vhong mo na pag minahal ka magaaway sila. Sabi nya para sayo yun kaya as his bestfriend pumayag na lang ako." napasabunot na lang sa buhok si K. "Sorry K." Anne said at lumabas na ng ladies room. Hindi alam ni K kung matutuwa ba sya o magagalit sa mga nalaman, pero masaya syang mahal na rin pala sya ni Vice matagal na. 

 "Anne!" hingal na tawag ni Vice kay Anne. Kanina pa nya kasi hinahanap si Karylle pero hindi nya makita. "Vice" tawag din ni Anne dito. "Nakita mo ba si K? May sasabihin--" "Nasa ladies room sya. Go!" Agad namang tumakbo papunta ng ladies room si Vice.

He opened the door and saw K looking at herself at the mirror. "K.." Vice called her sweetly. Nagulat man ay tumingin ito kay Vice. "Vi...Ku-kuya" mahinang tawag ni K. Vice locked the door and agad lumapit kay K para yakapin ito. "Why?" malungkot na sabi ni Karylle. Vice pulled away from the hug at tiningnan sa mata si Karylle. "Why?" ulit ni Vice ng di magets ang sinabi ni K. "Anne told me everything." she said. "Im sorry. Naging mahina ako, natakot ako eh. Ayokong mag away away kami nila Vhong at ayoko ding mapagalitan ka nila. Wala akong ibang maisip na paraan para lumayo ka sakin kaya ko nagawa yun. Sorry." he explained but nakatitig lang sa kanya si K. "Wala bang sasabihin?" tanong ni Vice kay K pero umiling lang ito. "Wala. Aalis na ko iniintay ako ni Christian sa labas." paalam nito. She's about to open the door ng bigla syang hilahin sa braso ni Vice dahilan para mapalapit at mapaharap sya kay Vice. "Ginulat mo ko noon kaya wala akong nagawa, it's time para bumawi sa ginawa mo." he said, then the next thing she knew Vice lips landed on hers. This time nakapikit na si Vice, kissing her gently and passionately. Nararamdaman na ni K ang pagmamahal ni Vice para sa kanya so she closed her eyes and responded to the kiss. After a minute or two Vice pulled away smiling at K and vice versa. "Im really sorry kung natakot ako dati. Naging mahina ako, naging duwag. Sorry kung nasaktan kita noon, maniwala ko hindi ko ginusto yun. Sorry kung hindi kita naipaglaban noon, sorry kung natagalan ako pero it's time para lumaban ako. Karylle, mahal na mahal na mahal kita.. mula noon hanggang matapos ang bukas." napangiti naman ng malaki si K sa mga narinig at nagpipigil ng kilig. She hugged him and placed a quick peck on his lips. "Yan lang naman ang matagal ko ng hinihintay na sabihin mo, ang sabhing mahal mo ko. I love you, Vice." and they hugged each other again. Vice pulled away, "pero paano si Christian?" nagaalalang tanong ni Vice. "Like what you did to me before, it was all part of the plan." K said and chuckled.

Lumabas sila ng ladies room na magkahawak kamay... "WOAH." sabay sabay na sabi ng mga natitira doon. K's mom and dad, her brothers with their partners and Anne and Christian. Well, bago pa man makalabas ang dalawa ay alam na ng lahat ang ganap between K and Christian and K and Vice. Itinaas naman ni Vice ang magkahawak kamay nila ni K.  "Naipaglaban mo din brad!" natatawang sabi ni Vhong. "Salamat sayo brad." sabi ni Vice. "Well, I think your plan really worked. Congrats!" Christian said. "I told you, chris. Thank you!" K said, she's about to hug Christian pero pinigilan sya ni Vice. "Oooppps. Seloso tong boyfriend mo, bawal yan. Akin ka lang." Vice said kaya natawa silang lahat. 

Okay. Kung may typo man o mali maling grammar eh pagpasensyahan nyo dahil no time to check. Haha! Hindi ganito yung nasa isip ko pero ayan yung nasulat ko ewan kinailangan ko lang talaga ilabas dahil hindi ako mapakali. :))) Arte diba? And again wala akong maisip na title. lol

I also wanna say thank you sa lahat ng mga bumoto sa yahoo awards, hindi man nanalo si K. Nanalo naman ang vicerylle :) And I know, inilaban naman natin ng malinis si Karylle so sya pa rin ang winner for me. Special thanks talaga to #TeamEyebags, saludo ako sa inyo ;)

#Happy29thMonthsaryViceRylle <3

Lastly,  alam kong mababasa nya to so... Happy happy birthday Ate Trix!!!! Alabsyuuuu. :)

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

18K 1.7K 18
တစ်ပိုင်းချင်း စာပြန်စစ်ပြီး ပုံတွေ ပြန်ထည့်၊ ရှင်းပြထားတဲ့ မှတ်စုလေးတွေ ပြန်ထည့်ပြီး တင်ပေးပါမယ်ရှင်။ စိတ်ဝင်စားတဲ့စာဖတ်သူတွေအနေနဲ့ မပျက်ခင် ဖတ်ကြပါ...
13.2K 2.9K 45
විනාශ කරදැමූ කිරි සිහිනයක් වෙනුවෙන් බැදි වෛරයක් නිසා පරම්පරාවක්ම නසන්නට ශපථ කළ නේත්‍රාවකගේ පළිගැනීමට මැදිවූ සෙනෙහසක අන්දරය....... රුහිරු බැදි බැමි~
1.6M 102K 49
" ရေစက်မပြတ်လို့ တစ်ပတ်ပြန်လည်လာတဲ့ သံသရာဟာ သံသယနဲ့ အစပြုရတာမျိုးတော့ ဘယ်တော့မှမဖြစ်စေချင်ပါ ။ ချစ်ခြင်းအားဖြင့် တစ်ခါလောက်တော့ ငြိမ်းချမ်းချင်မိပါ...
66.8K 3.7K 58
ထုံးစံတိုင်းပါဘဲ 18+ပါ ကြိုက်မှလာဖတ်ကြပါရှင်။