He Doesn't Share

By JFstories

21.6M 703K 179K

Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. Howev... More

Prologue
Alamid Wolfgang
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
THE LAST CHAPTER
EPILOGUE
AKI

Chapter 24

395K 13.5K 2.1K
By JFstories

Chapter 24


"WHAT THE FUCK ARE YOU DOING HERE?"

"Easy, man." Isang matangkad na anino ng lalaki ang tumayo mula sa dilim. As usual, he's wearing an Armani. It was his signature.

He is Acid Thunderwood, the famous merciless shark in the business industry. A businessman. A billionaire in his young age.

"I have been meaning to talk to you."

I gritted my teeth. "And I don't wanna talk to you."

"Oh, sure you don't, brother."

Kami lang dalawa ang nandito sa malawak na kuwartong may sampung billiard tables na tanging ilaw sa paligid ay mga pulang maliliit na chandelier. Narito kami sa private undergound club na pag-aari ng Red Note Society, an elite brotherhood na kinabibilangan namin. Our leader is my younger cousin, Panther Foresteir. We are twelve in this group.

Being in this brotherhood means everything; power, power and more power.

Being an RNS makes you god. Untouchable. Unbeatable.

Kinailangan ko ang lahat ng impluwensiya na meron ang grupo para mabawi ko ang lahat ng ari-arian ng pamilya ko at makaganti sa mga taong may atraso sa akin. At para na rin makuha ko ang iba pang bagay na gugustuhin ko.

"So how is she?" tanong niya, pertaining to Ingrid, of course.

Naglagutukan ang kamao ko. "I told you I have a plan. Bakit kailangan mo akong pangunahan?!"

"Plan?" He looked at me as if he's mocking me. "Plan na itali muna siya sa 'yo bago mo sabihin sa kanya ang totoo? Is that your plan? You really think na kung asawa ka na niya ay hindi ka na niya iiwan? There is a thing called "annulment" in case di mo alam."

"You're not supposed to meddle in my personal life."

"I know I crossed the line." Nakapamulsa siya sa suot na slacks ng lumapit sa akin. "I just did what I thought is right, brother. I thought you just need a little push para makapagtapat ka sa kanya."

"A little push?" Napamura ako. "Sinayang mo ang plano ko, I'm now back to zero!"

"I'm sorry about that, my man. Life is short, hindi mo dapat sinasayang ang pagkakataon mo dito sa mundo." He sounded bitter while saying that. At alam ko kung bakit.

Kung gaano kalamig ang kanyang mga mata, ay ganoon din ang personality niya. He was bitter. Byudo kasi.

His wife was killed by a Black Omega Society Member, an elite brotherhood na kalaban ng brotherhood na kinabibilangan namin.

It was a fair duel between Acid and Hendrix Ybarra Montenegro, a nineteen years old boy, a genius na member ng BOS. Pero walang nag-akalang biglang susulpot ang asawa ni Acid. Iyon ang ikinamatay ng babae.

"I don't want you to lose that woman," mayamaya ay sabi niya. "Benilde is back in the country. Hindi papayag ang babaeng iyon na sumaya ka."

Alam nila ang lahat ng nangyayari sa buhay ko. Mula sa pagkakakulong ko sa asylum, sa paglaya ko, kay Benilde, an ex fling at ngayon kay Ingrid at kay Aki.

"I just wanted to make sure that you're sane now, Ala. Na wala kang gagawing pamimilit kay Ingrid kapag kasal na kayo at alam niya na ang totoo. And I wanna make sure na kapag balikan ka ni Benilde, hindi niya na magugulo ang buhay mo."

"Just mind your own business." I was now glaring daggers on him.

"I will not." Ngumisi siya. "Hindi ako naging parte ng samahan na ito para pabayaan kayong lahat na sirain ang mga buhay niyo at manira ng mga buhay ng mga babaeng mapagtripan niyo."

Acid is a very busy man. Wala siyang inaatupag kundi paano kikita ng bilyones. Wala siyang pinagkakaabalahan maliban sa pera at kayamanan. Kalahati na yata ng subdivision sa Pilipinas ay pag-aari niya. Thunderwood Homes, Thunderwood Condominiums, Thunderwood Realty at pati transient houses at apartments, meron siya. Meron rin siyang mga properties sa ibang bansa.

But what's happening with him now? He's a very busy man, yet he's wasting time on my personal life?

"If you really love Ingrid Uytengsu, be fair to her."

"Love is not fair, brother," matigas na sabi ko.

Ngumisi siya nang nakakaloko. "If love is not fair, then it's not really love. It's obsession, brother."

...

SUMALUBONG sa akin ang nakakarinding katahimikan pagpasok ko sa mansiyon. Dim ang ilaw sa sala, malalaki ang gamit pero malawak pa rin ang paligid. Naramdaman ko ang paglapit ng mga yabag sa akin. 

"Ala..." boses ng matandang babae na nakasama ko mula pa noon.

"Don't talk," I ordered her. I sat on the middle of the sofa.

Sumasakit ang ulo ko. Gusto kong magwala, gusto kong ihagis at basagin ang lahat ng nasa paligid ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa aking mga palad.

Mabilis na umalis ang matanda at pagbalik niya ay naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin sa sofa. Nang tingnan ko siya ay may inaabot siya sa aking mga tabletas. Kinuha ko iyon at nilaklak.

Mayamaya ay isang baso naman ng tubig ang inaabot niya sa akin. Kagaya ng utos ko ay hindi nga siya nagsasalita.

Inalis ko ang pagkakabutones ng suot kong polo saka ako sumandal sa sofa. "You can talk now."

Banayad siyang ngumiti sa akin. Kinuha niya ang isang palad ko saka marahang minasahe. "'Wag kang mag-iisip ng kung anu-ano, huminga ka nang malalim, kalmahin mo ang sarili mo."

"Kumain na ho ba kayo?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Ikaw, ano ang gusto mong kainin?"

Umiling ako. "Galing ako sa RNS Club."

Natigilan siya sa pagmamasahe sa palad ko. Ramdam ko rin ang paninigas ng kalamnan ni Manang Tess.

"Acid was there," kwento ko pa. Kilala niya si Acid dahil madalas ito na dumalaw sa akin noon.

"Kung si Acid lang, wala kang maririnig sa akin, Ala. Kahit hindi kumikibo ang lalaking iyon, alam ko na mabuti ang puso niya. Pero ang ibang kasama mo sa samahan niyo, lahat sila ay masasamang tao." Kababakasan ng disgusto ang tinig niya.

I understand where she's coming from. Ayaw niya sa Red Note Society dahil simula pa noon, alam niya ng walang mabuting naidulot sa akin ang samahang iyon.

Because of that brotherhood, nakapatay ako ng tao. Marami. The brotherhood helped me to do that sa mga taong iyon. At natakasan ko ang batas pagkatapos. Pero hindi ako nagsisisi. Dapat lang talaga ang ginawa ko. At kung bibigyan ako ng pagkakataon, uulitin ko ulit iyon. Puputulan ko ulit ng mga daliri, bubunutan ko ng mga ngipin, tatanggalan ko ulit ng mga mata ang mga iyon bago ko sila ipakain sa pating.

Uulitin ko ulit iyon. Paulit-ulit. Uulitin ko. Hindi ako titigil. Uulitin ko pa ulit. Paulit ulit at—

"Ala!" malakas na tinig na pumutol sa pag-iisip ko.

Naipilig ko ang aking ulo. Nanghina ako at natulala sa nag-aalalang mukha ni Manang Tess. Nagulat ako ng makitang luhaan na ang matanda.

"Ala!" sigaw niya muli sa pangalan ko, tila ginigising niya ako. Sa kanang kamay niya ay may hawak siyang syringe. "Tama na, hijo. Utang na loob, tama na!"

Saka ko nakita ang paligid. Nasa loob na ng sala ang mga tauhan ko na kanina ay nasa labas lang. Ang mga gamit sa paligid ay nagkalat, basag din ang vase na nasa center table.

Nawala ba ako sa sarili?

Nasagot ang tanong ko ng muli kong tingnan si Manang Tess, namumula ang leeg niya. At alam ko na ako ang may gawa non.

"I... I'm sorry, Manang..."

Tumango siya at niyakap ako. "Hijo, magpahinga ka na muna." Itinurok niya ang syringe sa braso ko at sinenyasan ang mga tauhan ko.

Bago ako kainin ng dilim ay nakita ko pang naglilinis ang mga tauhan ko sa paligid. Sanay na sila.

Sanay na silang lahat sa akin.

...

NAGISING ako na nauuhaw. Tumayo ako at hinanap ang phone ko, two am na. Bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa niyon si Manang Tess.

"Uminom ka muna ng gatas, hijo." Saka ko napansin na may hawak siyang baso.

"I don't need that." Hinilot ko ang noo ko gamit ang aking daliri.

"'Wag ka na munang aalis, kailangan mong magpahinga."

"I need to see her."

Napatingin siya sa akin. "Hijo..."

"Hinanap niya ba ako?"

Hindi siya sumagot.

Napailing ako at napatingala sa kisame. Kumikibot na naman ang sentido ko. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng kuwarto.

I need to see her. I need to see Ingrid. She's my cure.

"Ala." Nakasunod sa akin si Manang Tess.

Galit pa rin sa akin si Ingrid, pero wala siyang magagawa. Wala na siyang magagawa. I will not let her go. Magpapakasal siya sa akin sa ayaw niya at sa gusto. Hindi ako papayag na mawala siya sa akin.

"Ala!"

Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Manang Tess, dumiretso ako sa kuwarto na kinaroroonan ni Ingrid. Hindi ako kumatok, basta ko na lang iyon binuksan para lang matulala sa dugo na nasa ibabaw ng kama.

"What the..."Napabitaw ako sa doorknob at nanghina

Mahinang hikbi ni Manang Tess ang nagpalingon sa akin sa kanya.

"Where is she, Manang?" kabadong tanong ko.

Nangilid ang mga luha niya. "Ala..."

"Where is she? Where is Ingrid?!"

Hindi siya sumasagot. Nakatingin lang siya sa akin. Pakiramdam ko anumang oras ay mawawala ako sa sarili. Malakas ang pintig ng sentido ko at kumakabog nang husto ang dibdib ko.

"Where the hell is Ingrid?!"

Umiling siya.

Sinakal ko siya at isinalya sa dingding. "Papatayin kita kapag hindi mo sinabi sa akin kung nasaan siya!"

"Ala, p-patawarin mo ako..." hirap na sambit niya.

"Tell. Me. Where. Is. She."

"Wala na siya." Saka humagulhol ang matanda.

JF

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 319K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
36.7K 636 50
[The Jose Memorial Awards for Literature WINNER] Set in the late '80s, antisocial teenager Agnes Delgado, suffers from a mental disorder that makes h...
6.7M 137K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...