Latecomer

By Mylazylady

21.1K 281 13

Patricia, ang babaeng mahirap unawain, intindihin, at kausapin. Piling tao lamang ang kaniyang binibigyang ha... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Author

Chapter 2

1K 16 0
By Mylazylady


Israel

“Dude, Look at that girl! She's so hot!” pasigaw na komento ni Larry at kulang nalang maging puso ang mga mata n'ya.

Nasa bleacher kami ngayon habang pinapanood ang mga kaklase naming girls na nagbabasketball.

The one he's pointing out is our classroom president. She's Kelly.
Well, she's beautiful lalo na kapag hindi nagmamake-up.

I know most of the boys here wants to be her boyfriend. Well, except for me. Hindi 'yung mga tipo n'ya ang gusto ko.

I prefer a simple girl.

Naghiyawan ang mga kasama ko nang nakapoints si Kelly. She's not good at basketball tho. Maybe, nagkataon lang. Hindi naman talaga sila magaling lahat. Hindi nga marunong 'yung iba.

Hinati sa dalawa ang classmates naming girls at sila ang naglalaban-laban. It's our P. E. Time, by the way.

Nagtawanan ang karamihan nang madapa ang isa naming classmate.

Mangiyak-iyak na ang babae nang makitang dumudugo ang tuhod n'ya.

Imbis na tulungan, pinagalitan pa siya ng teacher namin. Sir Martin. Our terror PE teacher. Kaya tuluyan na itong naiyak. Habang mas lalong nagtawanan naman ang iba kong kaklase. I didn't get why they're laughing. Dahil ba nadapa 'yung babae? Dahil napagalitan siya ni sir Martin? Or both? I didn't found it funny.

“Alis!” maotoridad na sigaw ni sir Martin sa babae. Dahil sa takot siguro, dali-dali itong napatakbo habang umiiyak.

“I hate weak people hahahaha!”
“That was epic! Pfft!”
“What a noob. Hehehe!”

Napailing nalang ako. How could they? Bulag ba sila o nagbubulag-bulagan? Halata naman kasing tinulak ni Kelly 'yung babae kaya nadapa. I wanted to protest but I can't. I know how cruel sir Martin is.

Napatigil ang lahat nang biglang dumating si Patricia. Walang reaksiyon at naka PE uniform.
Halatang nag-aabang ang mga kaklase ko kung anong susunod na mangyayari. Not to mention, she's late again. And for sure, ipapahiya na naman ito ng teacher namin.

“Ms. Berdenio, what do you think you're doing here?” galit ang tono nang pananalita n'ya.

She remained silent at tinitigan lang ang guro namin. Naging tahimik ang buong palagid kaya mas lalong nakaka-intense.

“Kung sa tingin mo palalaruin pa kita dito, huwag ka nang umasa. You better leave here and follow that stupid girl. Hindi ko kailangan ng mga walang kwenta dito. Alis!”

Nalipat lahat nang tingin sa babaeng nakatayo sa harap ni sir. Observing her reaction. But she just stared our PE teacher.

“I said, go away!” mas lalong nagalit ang guro namin kaya napasinghap ang ibang kababaehan.

“Ayaw mo talaga ha.”
Nabigla kami ng batuhin n'ya ng bola si Patricia at mas lalo kaming nagulat no'ng hindi man lang siya umiwas.

What the---

Sapul! Sa noo siya natamaan.

Nakakabingi ang hiyawan ng mga kaklase ko at kanilang mga tawanan.

That was a foul play at nagawa pa nilang tumawa?

Tumahimik na naman ang lahat nang damputin ni Patricia ang bola. Akala namin babatuin n'ya naman si sir. We're all wrong. Nilampasan n'ya lang ito at binanga sa balikat.

Napa oohhh naman ang karamihan.

Nagsimula itong mag-dribble at ibinato ang bulo kay Kelly.

Nagdalawang isip pa silang lahat kung sisimulan na ba ang laro o ano. At the end, the game were started.

Patricia is the substitute doon sa babaeng umiyak kanina. And obviously, magkalaban sila ni Kelly.

Kelly were smirking to her.

Bahagyang napakunot ng noo si Patricia nang makita kung paano magdribble si Kelly ngunit kaagad din itong napalitan nang walang reaksiyong mukha.

Maski ako, kanina pa napakunot ang noo ko cause she's doing it wrong. Minsan dalawang kamay ang gagamitin n'ya sa pagdidribble pero hindi man lang siya sinuway ni sir o kahit sino.

Nasa kay Kelly ang bola at mukhang wala itong balak ibigay sa mga kasama n'ya.

Dali-dali n'ya itong itinapon sa ring at hindi man lang inisip kung aabot ba ito o hindi.

Napatawa ako ng mahina nang parang ibinigay n'ya lamang ang bola sa kan'yang kalaban.

Nasa kay Patricia na ang bola at nagsimula itong mag-dribble.

Ipinasa n'ya ang bola sa kan'yang kasama na malapit sa ring at walang bantay. Ngunit katulad ni Kelly, ibinigay lang din ito sa kalaban.

Napailing nalang ako at bahagyang natawa. Pati mga kasamahan ko naghiyawan na naman. Halatang natatawa din.

“Woooh! Go Kelly malabs!”
“Kelly, talunin mo silang lahat. Woooh!”
“Go Kelly! Go Kelly!”

Nasa kay Kelly na naman ang bola at nagdribble nang dalawang kamay.

Itatapon na naman n'ya sana sa ring nang nakuha ito ni Patricia.

Bahagyan itong nagulat sa ginawa ni Patricia kaya hindi kaagad nakapag-reak. Nang magproseso 'ata sa kan'yang utak ang nangyari, sumama ang timpla nang kanyang mukha.

Sinubukan n'yang habulin si Patricia pero sobrang bilis nito. Parang wala lang kay Patricia  na nilalampasan ang kanyang mga kalaban. Wala itong kahirap-hirap na makarating sa kabilang ring at huminto sa may line.

'wag mong sabihing---

Shoot! Three points!
Parang wala lang sa kan'ya. Mukhang sanay na sanay siyang gawin 'yun. Hindi man lang nagbago ang reaksiyon niya.

Dahil sa inis ni Kelly, binangga niya kaagad si Patricia pero hindi man lang ito natinag. Tinitigan lang siya nito gamit ang walang reaksiyon n'yang mukha.

Nagpatuloy ang laro hanggang---

102-10

Obviously, ang team ni Kelly ang nakakuha nang maliit na puntos.

Tagaktak na ang pawis nilang lahat maliban nalang kay Patricia.

Nasa kay Kelly ulit ang bola at dahil sa frustration siguro, buong lakas n'ya itong itinapun kay Patricia ngutin sa kan'yang dismaya, nasalo ito ni Patricia nang walang ka hirap-hirap.

Mag-eend na ang laro in

5

4

3

Biglang itinapon ni Patricia ang bola kay Kelly at

Sapul na naman.

Sa mukha!

1

0

Pprrrtttt!

Nagsitayuan ang mga kasamahan ko at gulat na tiningnan si Kelly na nasa sahig, nakahiga habang hawak ang mukha.

“Hindi 'yun pwede ah?”
“Foul!”

“Ms. Berdenio! Baliw ka ba? 'bat mo siya tinamaan?” galit na sigaw ni sir Martin sa walang paking Patricia.

Tinitigan niya si Sir at bahagyang nakakunot noo. Ngunit katulad kanina, nawala din ito kaagad.

“Eh, ikaw? Sira-ulo ka ba? O sira-ulo ka talaga?” malamig nitong tanong at tuluyang umalis na parang walang nagyari.

I know, for sure ibubully na naman siya bukas dahil sa nagawa n'ya. Kahit wala naman siyang ginawa, ganoon pa din.

Mabuti nga gano'n lang ang nakuha ni Kelly. Sa kabila nang pagtulak, pagtapak ng paa at pagbangga n'ya kay Patricia.

Ibang iba si Patricia sa lahat.

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
364K 24.5K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...