A Step Closer #Wattys2020Winn...

By shadesofdrama

477K 2.5K 205

Aeyzha Aviemorr Benevente made her biggest mistake when she accused her close friend for letting their compan... More

Work of Fiction
Foreword & Playlist
Prologue
1st Step: I'd Rather Not
3rd Step: Someone Weird
4th Step: Dumped
5th Step: Sana
ASC on Dreame!

2nd Step: Libro

10.6K 325 33
By shadesofdrama

MAHIGIT ISANG ORAS ko nang hinihintay na tumunog ang bell. I'm no good in multi-tasking but I managed to. . . I guess. Nakinig ako sa lecture, sumasagot sa recitation, sumusulyap sa banda kung saan siya nakaupo at syempre tipid na ngingiti.

Nagtama ang mga mata naming ni Heiro kanina. Inabot rin ng ilang segundo. Binilang ko. Ten seconds... But he was the first one to turn away. Pagkatapos, hindi na uli siya tumingin sa banda ko.

Napasandal ako sa upuan ko at sumulyap sa wrist watch ko. I already lost count of how many times I did glance at it just to check the time. Ilang minuto na lang at tutunog na ang bell. Hindi pa naman ako naiinip.

Nagbigay na ng final instructions ang Professor namin para sa activity bukas. Napangiti ako at nakinig. Hinahanda na ang sarili.

Lumipas ang dalawang minuto.

"Yes," mahina kong bulong sabay tayo sa upuan ko. Ganun din ang ginawa ng lahat. Lumabas na ng classroom si Prof Emily kaya umingay na ang paligid. May mga umalis na pero ang i-ilan ay nag-aayos pa ng gamit.

Mabilis ang mga hakbang ko palapit kay Heiro. "Hi," nakangiti kong bati sa kanya. May lakas na loob na ulit. Na parang walang nangyaring pagbalewala niya sa akin kanina.

Tamad siyang tumayo mula sa pagkakaupo. Kinuha ang kanyang back pack at isinukbit sa isang balikat. Tumitig siya sa akin─bored ang mga mata. Titig na parang sinasabi sa akin na 'hindi ka importante para paglaanan ko ng oras.'

Masakit.

Humakbang siya paalis pero hinarang ko ang daraanan niya. Ngayon na talagang magkaharap na kaming dalawa, hindi ko na hahayaan na magawa niyang makaalis nang hindi kami nakakapag-usap.

Humakbang siya pakaliwa. Hinarang ko siya. Humakbang siya pakanan. Hinarang ko ulit. Nababanas na siya. Alam ko. Tinitigan niya ako habang seryoso na ang mga mata. Hindi katulad kanina na bored lang at tamad kung tumitig pero nakakasakit pa rin ng damdamin.

"Aeyzha," he said. Oh, shiz. Pinigilan ko ang pagkawala ng ngiti sa mga labi ko.

But he seems to be warning me. He wants me to stop and to just let him leave. Sinasabi ng mga mata niya na hayaan ko na siyang umalis. But I know I shouldn't. Napalunok ako nang makaramdam ng panghihina ng tuhod.

"K-kamusta ka na, Heiro?" tanong ko sa kanya. Nakipagtagisan ako ng titig sa seryoso niyang mga mata. Kung kilala niya talaga ako, alam niya na kung desidido akong gawin ang isang bagay, gagawin ko 'yon. Hindi ako susuko. Lalo na kung alam ko na sobrang mahalaga sa akin ang bagay na ipinaglalaban ko.

"Sumagot ka naman," saad ko ulit. Hindi ko inakala na manginginig ang boses ko. Mabilis akong lumunok. Binasa ang mga labi at kinagat ang sariling dila. Ilalaglag ako nito panigurado.

"Ha!" he said, then laughed in disbelief. "Ang lakas ng loob."

Yeah, perhaps my attitude sucks.

Hindi ko alam, pero nahihiya ako na ipakita sa kanya na nasasaktan na ako. Hindi ko magawang sabihin na nahihirapan na ako. Kasalanan ko naman kasi kung bakit nasira ang pagkakaibigan namin.

Sumisikip ang dibdib ko, parang pinipilipit dahil sa asta niya. Nanliliit ako sa sarili ko dahil halatang pinipilit ko talaga siya na kausapin ako ulit. Nasasaktan ako dahil alam ko na hindi dapat ganito ang nangyayari.

Hindi mo naman ipinipilit ang pagkakaibigan 'di ba? Hindi mo dapat pinipilit ang isang tao na kaibiganin ka ulit. Kung ayaw niya na edi hayaan mo na siya. Kalimutan mo na lang ang mahigit limang taon ninyong pagkakaibigan. Makakahanap ka naman siguro ng bago.

But I admit. Kinakain ko lang ang mga sinasabi ko.

Kahit na paulit-ulit ko 'yong itatak sa kukote ko, hindi pa rin. Hindi ko magawang talikuran ang pagkakaibigan namin ni Heiro.

Binabawi ko ang mga sinabi ko na mas mabuti na lang na mag-isa ako sa tabi. Kasi alam ko na malulungkot lang din ako. Alam ko kung gaano kahalaga ang mga kaibigan. 'Yong totoong mga kaibigan. 'Yong hindi ka pagkakaisahan at hindi ka iiwan sa ere.

If you have friends who stood with you even with the strongest of all the storms, even with or without an umbrella, keep them. Dahil i-ilan na lang ang kayang gawin 'yon para lang sa kaibigan nila.

Aaminin ko ulit na may mali akong nagawa. Napagbintangan ko siya at ang pamilya. Hindi ako nagtiwala sa kanya at sa pagkakaibigan namin. Pero alam ko na naman na nagkamali ako. Nagsisisi na ako. Gusto kong humingi ng tawad at makabawi.

Pero paano ko 'yon gagawin kung hindi niya ako hahayaan?

Nagsalubong ang mga kilay niya, umigting ang mga panga at nag-iwas ng tingin. Tumitig siya sa likuran ko. Hindi na sa mga mata ko.

Walang nagsalita. Tahimik na ang paligid. Nang tiningnan ko ang paligid ng buong classroom, wala na akong naaninag na ibang tao.

Kami na lang ni Heiro ang natira. Magkaharap sa isa't-isa. Nakatitig ako sa kanya habang siya ay nakatingin na sa kawalan. Tangina, nasa harapan niya na nga ako pero nagpapanggap naman siya na hindi niya ako nakikita. Mas mabuti pa na maging hangin na lang siguro ako, hindi man niya makita pero atleast ramdam niya. H-hindi 'yong ganito.

Napapikit ako. "Do you still consider me as your friend, Heiro?" Hinintay ko ang kanyang sagot. Hindi ko idinilat ang mga mata ko. Mahirap para sa akin na makita mismo kung paano niya iwasan ang titig ko kaya nanatili akong nakapikit. "Hindi mo naman kayang tuluyan na akong hindi pansinin 'di ba? Say, you just need some time."

Hindi pa rin siya nagsasalita. Napahugot ako nang malalim na hinga. Nang buksan ko ang mga mata ko, wala na siya sa harapan ko.

Umalis na siya.

Napabuntong hininga ako. Maririnig ang sakit sa impit na hikbi na kumawala mula sa akin, kasabay no'n ang pagtulo ng mga luha ko na pinigilan ko kanina dahil ayokong umiyak sa harapan niya.

Siguro pwede na akong umiyak ngayon. Ako na lang din naman ang naiwan sa classroom. Mag-isa lang. Wala nang makakakita kahit na maglupasay pa ako sa sahig habang umiiyak.

—◎—

Bago ako nagpunta sa library, sinigurado ko muna na maayos ang mukha ko. I made sure I've wiped all my tears dry and there would be no traces of gloominess in my face. Kapag may magtatanong sa akin. . . bahala na.

Sana lang 'di mapansin ni Mrs. De Villa. Kasi kapag napansin niya, mapapakuwento na naman ako.

Tiningnan ko muna ang bungad ng library. Ngumiti ako bago pumasok na sa loob.

"Good morning, Mrs. De villa, Mr. Morales," bati ko sa mga professors na naka-assign sa library.

Inangat ni Mrs. De Villa ang kanyang mukha at tiningnan ako mula sa likod ng kanyang salamin.

Nakatayo lang ako sa harap niya at pinanatili ang mga ngiti sa labi ko.

"Magandang umaga, Aeyzha," bati rin niya pabalik. The corner of my eyes crinkled as I gave her my usual smile. Lihim akong nagpasalamat na hindi na siya nagtanong ng kung ano man.

Nasa early Forties na si Mrs. De Villa at nasa late Fifties naman si Mr. Morales─na tumango lang sa akin. Hindi nawala ang mga ngiti sa mga labi ko nang nagpatuloy na ako sa pagpasok sa library. Well, mas masaya at peaceful ang duty ko rito sa library dahil sa mga advisers na mabait at maayos ang pakikitungo sa mga katulad kong student aide.

Mahal ang tuition kaya gumawa ako ng paraan para 'di na maging mabigat pa ang mga college funds ko kina Mom. Though they've been giving me cash for my funds; rental fee and other expenses, alam ko rin na hindi pwedeng umasa na lang ako sa kanila. Kung kaya ko namang humanap ng paraan para mapaliit ang tuition, gagawin ko.

May problema pa rin kami sa pera. Hindi pa rin nakakabawi ang kompanya. Marami pa kaming utang sa banko at ni hindi namin iyon mabayaran dahil hindi tumataas ang gross income ng kompanya. Ginagawa ni Mom at Dad ang lahat pero parang hindi pa sapat iyon. Siguro nga ay hindi talaga madali ang bumangon mula sa matinding pagkakalugmok.

Sana lang matapos na ang paghihirap na 'to.

Nilagay ko ang bag ko sa bandang gilid at nagtungo na sa mga long tables kung saan nagkalat ang iba't ibang mga libro.

"Mabuti naman at nandito ka na, Aeyzha at nang may makapagligpit na ng mga librong nagkalat d'yan. Naku! Iyong mga batang nandito kanina ay hindi marunong magligpit ng mga librong ginamit, porket mayayaman," sabi ni Mrs. De Villa.

Ngumiti ako. "Ayos lang po. Para naman po may trabaho ako rito. Bibihira lang din naman po ang pumupunta rito kaya okay lang po na may konting kalat."

Tumango lang si Mrs. De Villa sa sinabi ko. Ngumiti siya sa akin. Nanatiling tahimik si Mr. Morales sa tabi niya. Kinuha ko ang mga nagkalat na libro at inilagay ito sa dapat nitong lalagyan. Medyo natagalan ako dahil magkakalayo ang mga corresponding shelves ng bawat librong kailangan kong ibalik sa rack.

Malaki ang main library dito sa university kumpara sa library per program. May sampung mga rows ng mga shelves ng libro at sa harapan ang sampung mesa kung saan pwedeng magbasa ang mga estudyante. Sa gilid naman ng mga mesa ay may counter kung saan ako uupo mamaya pagkatapos kong iligpit ang mga nagkalat na mga libro.

Tuwing duty ko, ako ang nag-a-assist sa mga estudyante na nagpupunta sa library as well as nagbibigay sa kanila ng library pass sa tuwing may manghihiram ng libro.

Pumunta ako sa counter at umupo sa upuan na naroon. Dahil wala pa akong gagawin, kumuha muna ako ng isang libro, tungkol sa Literature ang naisipan kong basahin. Elements of Timeless Crafts: Novels and Short Stories.

Nawala ang atensyon ko sa binabasa nang tinawag ni Mrs. De Villa ang pangalan ko. Nakasilip na siya sa akin mula sa kanyang sariling office cubicle.

"Nagpatawag ng meeting sa mga faculty. Aalis muna kami. Ikaw muna ang bahala rito, Aeyzha."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tumango.

Tahimik silang dalawa na lumabas ng library. Ako naman ay pinasadahan ng tingin ang paligid. Iniisip kung ano ba ang pwede kong gawin ngayong wala pang katao-tao sa library.

Not that I'm expecting na dadami ang tao rito. Hindi nga ako sigurado kung may pupunta ba rito sa araw na 'to. Noong nakaraan kasi, kaunti lang talaga ang pumunta.

Ilang saglit ang lumipas at nakarinig ako ng mga yabag mula sa labas. Sinalubong ko ang mga maiingay na estudyante na papasok sa loob ng library.

Marami sila, lagpas lima ata. Tatlong babae at tatlong lalaki. Ngumiti ako sa kanila at nagsilapit sila sa akin. Pwera na lang sa isa nilang kasama. Si Heiro. Nakapamulsa lang siya abang nakamasid lang sa nangyayari. Tingnan mo nga naman. Ang suwerte ko, siya na mismo ang inilalapit ng pagkakataon sa akin rito sa library.

Napakurapkurap ako at natigil sa pagtitig sa kanya nang may marinig akong magsalita.

"Excuse me, Miss. May libro ba rito about calculus? From basic to extreme?" tanong niya.

Agad akong tumango. "Oo, meron."

Tumaas ang kilay niya dahil 'yon lang ang sinabi ko.

Kumunot ang noo ko. Napatango-tango nang mapagtanto ang gusto niyang gawin ko. "Ah, kukunin ko lang."

Mabilis na bumalik ang ngiti niya. "Okay, salamat. Hintayin namin dun ha?" sabi niya at itinuro ang mesa kung saan nila gustong pumuwesto.

Tumango ako at nagtungo sa ika- limang shelf kung saan makikita ang mga libro tungkol sa calculus. Kumuha muna ako ng lima. Babalikan ko na lang ang iba kung kulang pa.

Binuhat ko ito papunta sa mesa nila.

Nasa pinakadulo ang mesang napili nila kaya naman pahirapan para sa akin ang pagdaan sa bawat sulok ng mga mesa bago makarating sa kinaroroonan nila. Ang kakapal pa naman ng mga librong dala-dala ko.

Nakita siguro ng isa sa kanila na nahihirapan na ako kaya naman tumayo siya at mabilis na lumapit sa akin.

He looks apologetic.

Una kong napansin ang natural na kulay brown niyang buhok. Medyo magulo iyon. Nang tuluyan siyang nakalapit ay naaninag ko ang masigla niyang mga mata.

Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. Muntikan ko nang mabitawan ang mga librong hawak-hawak ko.

"Oh, bakit ikaw ang may dala ng lahat ng iyan? Si Essene talaga. Akin na," sabi niya sabay kuha sa mga libro mula sa akin.

"Okay lang, kaya ko pa naman," mabilis kong sabi.

Umiling-iling naman siya. Ayaw makinig.

Muli akong nagsalita. "Ah, kunin mo na lang siguro 'yong iba, sa ika-limang shelf andun, may tatlo pa," sabi ko sa kanya at ngumiti. Infairness, ang bait niya and not to mention gwapo rin.

Umiling-iling ulit siya, nanatili pa rin na nakangiti. "Tutulungan muna kita," sabi niya at kinuha ang tatlong pinakamakakapal na libro na dala-dala ko. Like a young gentleman.

Hindi na ako nakapagprotesta dahil nagsimula na siyang maglakad. Napakibit na lang ako ng balikat at sumunod na sa kanya.

"By the way, I'm Braire Morris. Sorry, nakalimutan kong magpakilala kanina."

Tumigil siya sa paglalakad at kahit na nahihirapan ay inilahad niya ang kanang kamay sa akin. Tumigil din ako. Kahit hirap din, tinanggap ko pa rin ang kamay niya.

"Aeyzha, Aeyzha Aviemorr Benevente," pakilala ko sa sarili ko.

Ngumiti siya─isang makalaglag pangang ngiti. "Nice to meet you, Aeyzha."

Ngumiti rin ako pabalik.

"Nice to meet you too, Braire."

Nakarating kami sa mesa nila at agad naman na tumayo ang babaeng nag-utos sa akin─in an indirect way─kanina.

"Oh, here na pala. . . thanks," sabi niya at humarap sa akin.

Matapos no'n ay wala nang nagsalita.

Tatalikod na sana ako nang nahagip ng mata ko si Heiro. Nakatingin lang siya sa harapan na parang hindi niya man lang ako napapansin.

Napabuntong hininga ulit ako at tuluyan nang tumalikod. Sumunod naman sa akin si Braire. "Kukunin na ba natin 'yong mga natitira pa?"

Tumango ako.

Tumango rin siya.

Nang tumango ako ulit, tumango rin siya.

Kumunot ang noo ko pero hindi siya natinag. Hanggang sa tumawa na lang ako at ganun din siya.

Kahit ngayon palang kami nagkakilala, parang ang gaan na ng pakiramdam ko sa kanya. Siguro dahil iyon sa outgoing niyang personality. Na halatang namang magiging komportable ang sino mang taong kasama niya, kilala man niya ito o hindi.

Nagsimula kaming maglakad papunta sa ikalimang shelf. Magkatabi at sabay kaming naglalakad ni Braire. Kaya napakunot ang noo ko nang makarinig ng mga yabag mula sa likuran ko.

Pasimple akong lumingon sa likuran. Nakita ko ang nakapamulsang si Heiro na nakasunod sa amin. Madilim ang mga mata at halatang inis na naman. Naalala ko ang pang-iiwanan niya sa akin kanina. Nagtagis ang mga ngipin ko at lumunok para mawala ang bara sa lalamunan ko.

Napansin na rin siya ni Braire. Mabilis itong nagtanong. "'Bro, iniwan mo pala sina Essene? Saan ka pupunta?"

Hindi agad sumagot si Heiro at tumitig siya sa akin.

"May kukunin lang din akong libro," pagdadahilan niya. Hindi alam ni Braire pero ako, alam kong nagsisinungaling siya.

Continue Reading

You'll Also Like

6.9K 833 92
COMPLETED. Si Alexandra Guivarra o mas kilala bilang Alexa ay isa sa mga babaeng naging sawi sa pag-ibig. Mula noon ay ipinangako niya na sa kanyang...
27.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
22.8K 518 12
Story of a teen aged girl named Maria Feliz Del Rosario. Just like any girls, she also knows how to love but she's afraid of falling for someone over...
1M 2K 6
Yung feeling na, ang dami mong gustong bilhin pero wala kang pera. Ang dami mong gustong kainin pero wala kang pambili. Ang dami mong gustong hawakan...