A Step Closer #Wattys2020Winn...

By shadesofdrama

477K 2.5K 205

Aeyzha Aviemorr Benevente made her biggest mistake when she accused her close friend for letting their compan... More

Work of Fiction
Foreword & Playlist
1st Step: I'd Rather Not
2nd Step: Libro
3rd Step: Someone Weird
4th Step: Dumped
5th Step: Sana
ASC on Dreame!

Prologue

31.7K 514 41
By shadesofdrama

"People perceive success as a triumphant achievement; a fruit of the crop that they dedicatedly planted and nurtured. May it be for days, months and even several years─patience and persistence are some of the keys to that. . ." panimulang saad ng haligi ng pamilya Yvero, Tito Louis. Simula pa lang iyon sa kanyang mahabang speech na siguradong makakadagdag sa impit kong pagkainis ngayon.

The man─not quite too old─is wearing a perfectly tailored black suit. Base sa tindig, nagmukha siyang mas bata ng taon kumpara sa kung ano ang tunay niyang edad. Tito Louis' almost approaching his mid-fifties but nothing much has changed on his physical appearance, natuon kay Tito ang atensyon ng lahat.

Nagsitango ang mga bisita sa sinabi nito. Sunod na nagsalita ang asawa niyang si Tita Elizabeth. Ito naman ang pinagmasdan ng lahat. Maganda ang tindig nito at bumagay ang suot nitong designer gown sa makurba nitong katawan.

Though she's already in her early fifties, she seemed younger than she actually is. Tita Eli's beauty could capture anyone's attention. And her sophisticated aura radiates in the entire hall.

I bet the gown that she's wearing is designed by one of the famous designers in town. Pinasadya pa. Hmm, edi sila na ang may maraming perang pwedeng lustayin.

Nakatayo si Heiro sa tabi ng Mommy niya kasama ang nakababata niyang kapatid.

He stood there with pride─somehow bored, but his expression made its duty to showcase his prominent jaws and hawk-like eyes. He has a great physique. He got it from his father, of course. But I don't care about all that. I don't.

Nagpatuloy sa pagsasalita ang mag-asawang Yvero habang ang dalawa nilang mga anak ay nasa tabi nila, pinagmamasdan ang mga bisitang inimbitahan para dumalo sa event.

"But unfortunately, some people only sees the oh-so-great outcome. That leads them to think that it is easy to achieve success. But our family would be telling you, it is hard and never a smooth journey to achieve what we have achieved now.

"Yet with dedication, diligence, hard work and of course, the love that we have for our family, we made it to the top. Thank you for coming to this event and sparing your time to celebrate with us!"

Pinilit kong lagyan ng tipid na ngiti ang mga labi ko. Itinaas ko ang wine glass na hawak para makisabay sa isang toast.

Ganun din ang ginawa ng mga bisita. Everyone's all smiles. Proud and happy for what the family has achieved. Nagdiriwang ang lahat while I am fuming mad at a corner.

Hindi ko magawang maging masaya sa tagumpay ng pamilya nila at nang pagbagsak ng pamilya namin.

Damn this freaking boring and nonsensical event! Bakit pa ba ako pumunta rito?!

Hindi nakatakas ang pagkunot ng noo ni Lexie habang nakatitig sa akin. I am putting on a fake smile. And obviously, since she knew me well, napansin niya 'yon.

"Aeyzha, what's with that sharp glare and fake smile?"

Pinigilan ko ang sarili na umirap sa tanong niya. The eye of the hurricane is only intended for one specific area. And it's within the proximity of the real target.

"You don't seem happy for Heiro and his family. You know, wala tayong dahilan para hindi maging masaya para sa kanila, sa kaibigan natin. Let's enjoy the event. C'mon," dagdag pa ni Lexie.

Sinubukan niya akong hilahin papunta sa iba pa naming mga kaibigan.

Umiling lang ako. "Aren't you even thinking about their means on how they were able to get to the top? Success doesn't happen in just a few glimpse," I said, loud and clear. Yes, it was supposed to be just in my head. But it's better if she'd know it herself.

Bumaling sa 'kin si Lexie. Her forehead creased, implying an evident objection on what I had said. "What are you trying to imply?"

"Hindi mo ba makuha o mahalata man lang?" I crossed my arms near my chest as I hunched over our table. One hand hardly pressed on the table covered with a satin cloth. It feels smooth. . . and expensive. "Lexie, biglaan na lang silang umangat kahit na nagsisimula pa lang ang negosyo nila!"

"Tita Eli already said their success came from dedication, deligence, and hardwork. Oh, come on, Aeyz. I think you don't have to question that."

"I have to," I hissed. "Kasi, Lexie hindi ako naniniwala na nagawa nilang umangat nang walang tinatapakang iba."

"You don't sound sane in my ears."

"I don't need to sound sane." Padabog kong hinampas ang mesa. "You can call me whatever you want. Pero hindi ko masikmura ang mga nangyayari ngayon. Argh! I'm trying my heck best to not show it but shit, I just don't know how to!"

"I think what you're feeling now is envy, Aeyz. And not anger," seryoso niyang saad. She's straightforward, as always.

I rolled my eyes.

"Naiinggit ka ba sa narating ng pamilya ni Heiro? 'Di mo kailangang maramdaman 'yan, okay? Makakabangon rin ang kompanya niyo. 'Wag mo lang siraan ang pamilya nila."

God, she basically doesn't know what I'm feeling at this moment.

"Hindi ko sinisiraan ang pamilya nila. You don't get it." Nagtagis ang mga ngipin ko. Umiling-iling ako at tumalim ang titig sa kanya. "May dahilan kung bakit ko 'to nararamdaman. Galit ako dahil sila mismo ang may pakana ng lahat para bumagsak ang kompanya namin!"

There, I said it. But my voice wasn't loud enough to 'cause some stir in the crowd. Sana pala nilakasan ko ang boses ko. "Now, masasabi mo pa ba na nagawa nilang umangat agad-agad nang walang tinapakang ibang tao? Hindi 'di ba?"

Natigilan siya. "P-pero kaibigan ka ni Heiro. At magkaibigan ang mga pamilya niyo."

"Yeah, that was what I also thought. Kaibigan niya ako pero bakit niya 'yon nagawa? Simple. 'Di niya ako itinuring na kaibigan. Ginamit lang niya ako."

Friendship. A single word yet to me it means alot. Totoo. Sa isang katulad ko na napatunayan na 'yon, friendship isn't merely a word.

Mahalaga 'yon para sa akin, noon, but not this time.

That word isn't just a mere companionship. It is beyond that term and other people's definition. I've got my own description of that word in my mind anyway.

Pagkakaibigan - isang paraan para magawa ng ibang taong mapalapit sa 'yo. Para magawa ka nilang dikitan, gamitin, paiyakin, saktan, at paniwalain na hindi ka mag-iisa dahil mananatili sila sa tabi mo.

But no, you are not stupid for falling in that trap. You just wanted to feel that you belong in a group. And that you have your own circle of friends. Mga kaibigan na inaasahan mo na matatakbuhan mo.

Malungkot ang mag-isa. At nakakatakot din 'yon. Kaya minsan, mabilis kang mahulog sa patibong ng pagkakaibigan na puno ng kasinungalingan at kaplastikan. Kakaibiganin ka, then before you knew it, they are already using you for their own benefit.

Magpapasalamat na ba ako kasi isang tao lang ang nanggamit sa akin? No. Ginamit at pinagkaisahan pa rin ako.

Damn you, Heiro Artouis! Maggagamit ka!

"'Di pa rin ako naniniwala, Aeyzha," sabi ni Lexie.

Nanatili ang matalim kong titig sa kanya. Edi 'wag kang maniwala!

Inis akong nag-iwas ng tingin. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Walang nakapansin sa alitan namin ni Lexie.

The hall was filled of small chattering and giggles.

Masaya pa rin ang lahat. Hindi ko masikmura ang malalaki nilang mga ngiti.

──◎──

Alam kong madilim na sa labas pero hindi ko na iyon inisip. Nagsimula akong maglakad paalis ng bahay ng mga Yvero habang nagpupuyos sa galit, nanggigigil na makapanakit, at gustong-gusto nang magsisigaw.

Mas naikuyom ko ang kamao ko. Naaninag ko ang mabilis na pagbaba ni Heiro galing sa stage. Rinig na rinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko ngayon.

Nakaramdam ata ang manggagamit.

I know that he is aware about what's wrong. At 'yon ay ang sigalot sa pagitan ng kompanya ng bawat pamilya namin.

I can now hear his footsteps nearing me and his pleading voice telling me to stop but I didn't listen. Enough! Ayoko na. Pagkatapos nilang lokohin ang pamilya namin. Pagkatapos nila kaming pagkaisahan ng pamilya niya, ayoko na! This is too much.

We've worked hard for our company but all they did was to let it down. Akala ko pa naman makakabuti para sa kompanya namin ang partnership namin sa pamilya nila pero hindi. They planned everything. Pinagplanuhan nilang pabagsakin ang kompanya namin. They fooled us.

He fooled even me.

Pero si Lexie na siyang pinagkakatiwalaan ko rin ay pumapanig sa kanya.

Punyeta ka, Heiro.

Ano ba'ng meron sa'yo?!

Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko. Kaibigan ko siya tapos ito lang gagawin niya sa akin? Sa amin ng pamilya ko?

Sabihin na nilang nalason na ng galit ang utak ko pero wala akong pakialam. Sino siya para pakinggan ko? Sino siya para sayangin ko ang oras ko para lang pagbigyan ang request niya na pakinggan ko siya?

Naramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko. Nakalapit na siya sa akin. I nearly gasped when he caught me by my waist, preventing me from taking another strides.

Kinalas ko ang kamay niyang nakahapit sa bewang ko. I immediately turned to face him with furry in my eyes and a hint of an emerging storm.

"Don't ever try to formulate lies just so you could deny the shit that you did to me and my family. Punyeta ka! Manggagamit! At talagang inimbitahan mo pa ako rito! Ano?! Para ba ipamukha na sobrang tanga namin dahil naniwala at nagtiwala kami sa inyo? Tangina!"

Muntikan na akong maubusan ng hangin nang sabihin ko 'yon nang tuloy-tuloy. I almost came to a thought that I could become a good rapper in the future with that new discovered skill. . . but just wtf?

"Aeyzha, listen. Wala kaming ginagawang masama ng pamilya ko. Hindi namin magagawa ang mga sinasabi mo. Our families are so close and so are we. Hindi ko 'yon magagawa sa inyo. Hinding-hindi ko 'yon magagawa sa'yo."

Napapikit ako. Heiro and his freaking lies! He maybe has this hobby of tricking me and making me believe with his words. Nadadala naman ako agad. Naniniwala naman ako agad.

N-not this time. Not anymore.

Nararamdaman kong parang dinudurog ang puso ko pero mas nangingibabaw r'on ang galit. Then my heart took a shattering leap inside my chest. Our company's at stake and it's because of these greedy people.

Mas uunahin ko ang pamilya ko kesa sa katulad niya na ginawa akong kaibigan para magamit ako sa paraan na gusto niya.

"Shut up, Heiro! Tama na! Tapos niyo na kaming lokohin. Ano pa ba ang gusto niyo? Pabagsak na nga ang kompanya namin 'di ba? Tama na ang pagpapanggap. Nanalo na kayo! Nagtagumpay na kayo! Siguro saya niyo na ngayon? Kasi finally kayo na ang may pinakatunog na pangalan sa market? Puta, mga manloloko! Mga manggagamit!"

I balled my fists and lifted up my chin. I met his gaze. Talo ako kasi nagbabadya na ang mga luha sa mga mata ko. But I held onto my pride. Mabilis ang paghinga ko, mabibigat.

Tangina ha, Aezyha. 'Wag ka munang umiyak sa harapan ni Heiro.

Nakita ko kung paano sumilay ang galit sa kanyang mga mata. Unti-unti ring naglaho 'yon. Marahan ang boses niya nang nagsalita. "Kahit hindi mo na pakinggan ang mga sasabihin ko. Just trust me, Aeyzha. Trust me. Hindi ko 'yon magagawa."

Napapikit ulit ako. Pagod na akong makinig sa mga kasinungalingan niya. I'm sick of these shits! I will never listen to any of his lies anymore.

"Stop feeding me with your shitting lies." Matalim ang titig ko, nangigigil pero halatang nasasaktan. Unti-unti nang nahahalata ang panginginig ng mga labi ko. Then, before I came to my senses, I was already shedding tears in front of him.

Tinalikuran ko si Heiro at agad na sumakay sa taxi na napara ko. Basta na lang akong umalis do'n habang patuloy na lumuluha.

My heart's so heavy, I just wanna keep my cool but I guess, I can never do something for my tears to stop creeping out from my eyes. I held it in long enough.

I inhaled a breath, close my eyes and there, tears continued to flow. Freely. And I wouldn't be able to tell when it would stop.

The moment I told Heiro those words, I know for the fact that I'm already cutting off our ties as friends and even the possibility of being more than that.

Tinalikuran ko ang pagkakaibigan namin. Tinalikuran ko ang lahat!

──◎──

Nakarating ako sa bahay namin habang humihikbi. Sinalubong ako ni Mom na may higit na pag-aalala sa mukha.

"Avie. . . your dad." Umiiyak siya at hindi mapakali.

Napalunok ako at nangibabaw ang malakas na kaba sa dibdib.

"A-ano'ng nangyari kay Dad, Mom?"

"Inatake siya sa puso," sagot niya kasabay ng isang hagulgol.

Naramdaman kong halos gumuho ang mundo ko dahil sa narinig. Namuo ulit ang mga luha sa mata ko. Nagpatuloy ulit sila sa walang tigil na pagtulo.

"B-bakit p-po?" Nanghihina ang mga tuhod ko habang tinatanong si Mom.

"The company's drowning. . . you already knew that. But dear, we found out that it's because of your T-Tito."

Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko. Nanuyo ang lalamunan at kulang na lang ay tumigil ako sa paghinga. Ramdam ko ang panlalamig dahil sa narinig.

"Si T-Tito ang dahilan kung bakit b-bumagsak ang kompanya?" Hindi makapaniwala kong tanong.

Dahan-dahan na tumango si Mom. "At nalaman ito ng daddy mo. Hindi niya matanggap kaya. . . inatake siya."

"I- I thought it was t-the Yveros, Mom."

Mabilis na umiling-iling si Mom. "No, mali ang unang info na naibigay sa atin ng source. Humingi na siya nang paumanhin. It was confirmed, Avie. It was your Tito Simoun."

Shit.

Natulala ako at dahan-dahan na napaupo sa sahig. Nanlamig ang buong katawan ko.

Inatake si Dad sa puso. . . at hindi sina Heiro ang nagpabagsak sa kompanya. Hindi sila.

Napahikbi ako nang naisip ang mga pambibintang ko sa kanya at sa pamilya niya.

Habang nakatulala pa rin, wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak. Ibinaon ko ang mukha sa mga palad. Nagbabakasakaling mawala lahat ng frustrations pero hindi.

Hindi 'yon nawala.

Napapikit ako nang mariin. Shit! nagkamali ako. Nagkamali ako.

──◎──

"Value the friendship you have with someone. 'Cause when you lose it, you'll gonna miss it─like how I miss him.

Continue Reading

You'll Also Like

4.1M 90.6K 60
Alice Montgomery, a sheltered star in the protective embrace of her surname, contemplates risking everything for someone incapable of shielding her...
34.6K 532 3
P R E V I E W O N L Y --- Self-published Cover © Charlene Arkaina BOOK DETAILS • Available in PDF Format • 51,000+ words • 23 chapters including ex...
78K 2.2K 53
Crescent University. Sa ekwelahang ito ay mayroong pinakahihintay na "laro" ang mga estudyante taon-taon na tinatawag na NEVER HAD I EVER. Sa larong...
2.5K 178 43
"Bakit tayo iniiwan ng mga taong nagsabi sa ating 'wag natin silang iwan?" - Zadist Thorns After Everything follows the story of Maris, a young girl...