Tortured Genius

By jmaginary

16.1K 1K 765

Eindreid, a misfit who secured a spot at the prestigious University of Tallis, finds her perception of nerds... More

Warning
Trailer
Outlier
Is it alright to have sex with animals?
Real-Self Image VS Social Image
Miracle
In Denial
Rejection
Self-Love
Chapter 7: Will to live
Chapter 8: Bewildered
Chapter 9: Jack Of All Trades
Chapter 11: Self-Discovery
Chapter 12: Say "No"
Special Chapter: A Miracle of Miracle
Chapter 13: DSPC
Chapter 14: Self-harm
Chapter 15: Words Unsaid
Chapter 16: News Writing
Chapter 17: What is Home?
Chapter 18: Touched by Wonder
Chapter 19: Anxious Heart
Chapter 20: The Promise
Chapter 21: History Repeats Itself
Epilogue
Frequently Asked Questions (FAQ)
Chord's Memoire

Chapter 10: Secrets

346 33 17
By jmaginary

EINDREID

"Good morning!" bati sa amin ni Janina nang makapasok kami sa Auditorium ng School ni Chord. Nagkasabay kasi kami sa jeep.

"Morning din bakla." Chord said with her usual playful tone. Nagkibit-balikat nalang ako at kinain 'yung pancake ko na binili ko sa labas ng school. Nalimutan ko kasing may audition kami ngayong Saturday kaya hindi rin ako nakapag-agahan.

"Masarap ba 'yan?" tanong sa akin ni Chord. Tumango nalang ako bilang tugon. 

"Andiyan na si Sir Lucho." dinig kong bulong ni Janina at hinatak pa kami papunta sa mga upuan. Sakto namang pumasok na si Sir Lucho sa room na may hawak-hawak na mga papel. Pinatong niya 'yon sa mahabang table na nasa harap na kung saan, naka-prepare na at nakaayos 'yung mga microphones na gagamitin for the simulation. 

Napayakap ako bigla sa sarili ko. I felt the chills. Hindi ko alam kung sa kaba ko o sa aircon 'yon.

"Good morning. What I have here are the scripts that will be used for the simulation. Meron ditong Filipino and English. Igu-grupo ko kayo into four para sa dalawang field reporters at dalawang anchors." Sir Lucho said. Napatulala lang ako sa kaniya. It's my first time hearing my Oral Communication teacher to speak Tagalog and inaamin kong, ang pogi ng boses niya. Kaya naman pala patay na patay 'yung iba kong kaklase ko rito kahit gay pa siya.

At dahil magkakatabi kami nina Chord at Janina, nagkahiwalay-hiwalay kaming tatlo. Tinapos ko narin agad 'yung kinakain ko para makipagdiskusyunan sa mga kagrupo ko. 

Ang kasama ko ngayon ay dalawang Grade 12 at isa pang Grade 11 na hindi ko ata kilala. Ngumiti ito sa akin kaya napilitan akong ngumiti rin pabalik kahit tipid.

"Mabuti ka-group kita Santillan." saad niya sa akin. Napagilid ako ng ulo ko sa pagtataka. Kilala niya ako? Tumawa naman siya at sumingkit 'yung mga mata niya dahil doon. 

"Ako 'to, si Jerome?" saad niya. Napatango-tango nalang ako at napasabi ng "Ahh." Napailing tuloy siya.

"Kinalimutan ako agad." komento niya. Nagkibit-balikat nalang ako.

"Hindi talaga kasi ako magaling tumanda ng mukha at pangalan. Sorry Gelo." pagpapaliwanag ko. Lumaki nang bahagya ang singkit niyang mga mata at nakangangang nakatingin sa akin. Tumawa naman 'yung kasama naming G12. Nagsalubong naman ang kilay ko. Bakit kaya?

"Gelo ka na pala ngayon Jerome!" pang-aasar ni ateng Grade 12. Napabusangot naman si Jerome at humarap sa akin.

"Tsk. Ano ba naman 'yan Santillan." palatak niya. Napangiti nalang ako nang alanganin nang mapagtanto ko 'yung pagkakamali ko. Hay. Ano pa nga bang magagawa ko? Ito ako e.

"Anyways, ito na 'yung script natin." saad ni kuyang G12 nang iaabot sa kaniya 'yon ni Sir Lucho. Tinignan ko lang siya. Isa siyang lalaki na parang mild na mushroom 'yung gupit, 'yung medyo makapal 'yung gitna bago 'yung magkabilang gilid ay manipis. Makapal kilay tapos medyo moreno. Another thing about it is, matangkad siya kahit nakaupo siya ngayon sa tapat ko.

"Ang una nating ire-report ay 'yung English. Ako na si Anchor 1. Anyways, ang pangalan ko nga pala ay Tasyo. At itong katabi ko ay si Sisa. Sounds weird pero ang lupit lang diba?" saad niya. Medyo natawa rin ako sa narinig. Weird nga naman kasi.

"Ako si Jerome at ito naman si Eindreid. Santillan tawag namin sa kaniya kasi mas prefer niya 'yon. Kami nalang po 'yung dalawang field reporters." saad ni Jerome. Tumango nalang ako. Mabuti naman at siya na 'yung nagsalita sa aming dalawa.

"Praktisin na natin?" pag-aaya ni Kuya Tasyo. Lumapit naman kami sa kaniya at nagsimula nang mag-report. Tinatama niya kami sa tuwing hindi namin namo-modulate boses namin. Kahit na 'yung "The latest and the hottest news on air," na hindi dapat "ley-tes or ha-tes" 'yung pronounciation. Dapat "ley-des or ho-des", basta 'yung gagalaw 'yung dila. 

Mas may dating nga naman.

Nalaman ko rin na mga radio broadcasters pala sila Ate Sisa at Kuya Tasyo. Si Jerome naman, ngayon lang daw nakaranas ng Journalism. Ako naman, oh well, hindi ko linya ang pagre-report dahil nga scriptwriter ako talaga, pero ayos lang naman boses ko. 

"Team niyo na Tasyo." tawag sa amin ni Sir Lucho. Sabay-sabay naman kaming pumunta sa harapan at pumwesto sa tapat nung mga microphone na nasa table. Tahimik ang paligid at talagang rinig na rinig 'yung boses namin kasi nga kulob pa. Whoo. Kinakabahan ako.

"Okay. Start." saad ni Sir Lucho at sinenyasan 'yung katabi niya na paandarin na 'yung pambungad na sound. Nang nag-fade 'yon ay si Kuya Tasyo na ang nagsalita.

"Good morning, Philippines! Good morning, Calamba! Giving you the latest and the hottest news on air." entrada ni Kuya Tasyo. Napamaang ako. Ang galing. Hindi ganiyan boses niya kaninang praktis namin.

"One hundred percent no bias and objectivity. This is!" dagdag ni Ate Sisa.

"Catalyst News!" sabay na nilang sinabi 'yon.

"Seeking the truth," si Kuya Tasyo.

"Seeing the reality." dugtong naman ni Ate Sisa. Kinikilabutana ko. Ang gagaling nila.

"In the headlines..."

Maayos naming na-present 'yung amin. At sa totoo lang, humanga rin ako sa sarili ko kasi nagawa ko 'yon at hindi nautal. Sarap din pala sa feeling. 

"Kayo naman Lasso." saad ni Sir Lucho kaya napatingin ako sa susunod na Team. Napangiti ako nang makita ko na sina Chord na pala 'yon. Sinundan ko lang siya nang tingin. Nakalugay 'yung itim at kulot niyang buhok at nakasalamin parin siya. Naka-casual lang siyang damit na kulay sky blue na polo at naka-pants lang din siya na tinernuhan ng kulay puting nike. Pumwesto siya sa tapat nung Microphone ni Kuya Tasyo kanina.

So Anchor siya?

"Start." saad ni Sir Lucho. Umupo naman ako nang maayos at pinakinggan ang pagbabalita nila.

"Good morning, Philippines! Good morning, Calamba! Giving you the latest and the hottest news on air." same line ni Kuya Tasyo. Iba rin boses ni Chord. Talagang na-emphasize 'yung boses niya ngayon. Dati ko pa naririnig ko 'yung natural accent niya sa pagsasalita sa English pero iba parin pala talaga pagka-broadcasting na. Hindi siya tulad ng iba na pinipilit i-modulate 'yung boses at nagiging monotone na. Siya, may certain point na tataas 'yung boses niya depende sa linyang sinasambit niya. Ang angas talaga.

Nang matapos sila ay napatingin siya sa gawi ko at nginisian ako. That's her way of saying na "Pinanuod mo ako no?" Ngumiti nalang ako pabalik.

Ilang oras na ang nakalipas at lunch time na. Lumapit ako kina Chord at Janina na kasalukuyang kasama si Marga. I can feel the tension actually. Ang arrangement nila ay si Chord na katabi si Janina na katabi rin si Marga. However, Chord is acting normal. Bargas parin. 

"Teka lang! Ibalik mo 'yung phone ko." reklamo ni Chord habang inaabot 'yung phone niya na hawak ni Janina. Nag-selfie si Janina habang hawak 'yung phone ni Chord na may naka-flash na mukha ng isang babae. 

"Hay. May selfie narin kami ni Serenity baby mo." pang-aasar naman ni Janina at binalik 'yung phone. Pinagmamasdan lang sila ni Marga. Sa kaniya ko nalang itinuon ang atensyon ko at nagbabangayan na naman sina Janina at Chord.

Maganda siya. Singkit, maputi tapos manipis 'yung labi. Boyish din pumorma tulad ngayon. Nakajeans at sweatshirt na tinernuhan ng converse. May bonnet pa. Kaya rin siguro nagka-crush sa kaniya dati si Chord. Mahilig kasi si Chord sa mga boyish, sporty at malakas ang dating. Tapos marami pang alam na instruments 'tong si Marga. 

Alam na alam mo ah. sabat nung utak ko. Napa-pokerface ako.

Palagi ba naman akong dinadaldal kasi no'n kapag may nakikita siyang type niya. 

"Lunch na tayo." saad ko at kapwa silang napatingin sa akin. Ngumisi si Chord.

"Miss mo na ako?" saad niya. Napailing-iling nalang ako at tumingin kay Janina.

"Tara kain na tayo Janina." pag-aaya ko. Tumawa naman si Chord at si Marga habang si Janina nakabusangot lang sa akin. Oh, may nakakatawa ba?

"Jane nga kasi pangalan ko! Kulit mo!" bulalas ni Jani--I mean, Jane. Napangiti nalang ako nang alanganin. Galing mo talaga Eindreid Maine Santillan. Ikaw na.

"Um guys, una na ako. May kasabay din kasi akong mag-lunch. Kitakits nalang mamaya." saad ni Marga. Nginitian ko lang siya at tumango.

"Ba-bye Marga!" sabay na bati nung dalawa. Kumaway nalang sa amin si Marga hanggang nakaalis na siya sa Auditorium. Binalik ko ang tingin ko sa dalawa.

"Ang awkward niyo parin." komento ni Janin--Jane. Bumuntong hininga si Chord at sumandal sa upuan niya.

"Palibhasa alam niya lang na bisexual ka at hindi niya alam na naging crush mo rin siya." reklamo naman ni Chord kay Janin--Jane. Nagkibit-balikat ang huli.

"May girlfriend naman na ako. Although willing naman akong magtwo-time." sabat ni Jane kaya nakatanggap agad siya ng batok mula kay Chord.

"Baluga." komento ni Chord at tumawa na. Tumingin naman siya sa akin.

"Tara na nga't kumain. Nahihibang na naman 'tong si Janina." saad ni Chord at tumayo na. Sumunod naman sa amin si Jane at sabay-sabay na kaming naglakad palabas ng Auditorium.

"Pero nakakainis ha. Imbes na magda-date kami ngayon ni Gail, pumunta pa ako rito. Ayoko naman talagang sumali sa Journalism." reklamo ni Jane at napahawi pa ng mahaba niyang itim na buhok. 

"Performance Task raw kasi 'to. 100 points." saad ko. Napabusangot nalang siya sa narinig. Pinatunog ni Chord ang dila niya kaya napatingin kami sa kaniya. Nasa gitna namin siya nakapwesto.

"Akala ko rin nung una ako may problema e. 'Yung sistema pala." saad niya. Kumunot ang noo namin.

"What do you mean?" tanong ni Janina. Tumigil kami nang nasa harap na kami ng 7/11 na walking distance lang mula sa school namin at pumasok dito. Tsaka lang tinuloy ni Chord ang sinasabi niya.

"In my case, ayos lang sa akin ang mag Journalism. Gusto ko naman siya at may experience narin ako sa pagsali. Pero kung iisipin, senior high na tayo. At STEM ang strand na kinuha natin. Kaya bakit ang extracurricular natin ay Journalism ngayong hindi naman tayo HUMMS? Hindi ba't mas inclined sa atin ang robotics o anything na may kinalaman sa Science at Math? Kaya hindi naunlad Pilipinas e." pangangatwiran ni Chord habang namimili ng kakainin. Pinroseso ko lang din 'yung sinabi niya.

May punto naman kasi siya. 

Para sa mga taong nag-STEM dahil wala silang interes sa Journalism at 'yung mga branch no'n, malaking problema 'tong activity namin ngayon sa kanila. Tulad nalang ni Jane na hindi naman talag nagbo-broadcasting o nagsusulat ng balita o articles. 

"Tapos parang magiging distraction nalang din 'tong Journalism sa Academics kasi syempre, aanhin ba natin experience sa Journalism paglaki? Oo, nakakatulong 'yon para mapaunlad 'yung oral and written communication skills natin but the fact na hindi naman talaga 'yon ang focus natin kasi halos lahat tayo kukuha ng kurso na naka-inclined sa Science at Math tulad nalang ng engineering at med, sinasayang lang natin ang oras natin dito." dugtong pa ni Chord at kumuha na ng Sisig. Kumuha narin ako at omelette 'yung akin. Si Jane naman tinapay lang ng Gardenia na Black Forest.

 Pumila na kami sa counter.

"To be honest, tama ka sa sinasabi mo Chord. Pero sa tulad kong pinilit lang ng magulang na mag-STEM at dito mag-aral sa University of Tallis, wala parin akong ganang mag-aral. Naste-stress lang ako." saad ni Jane at ibinigay na sa counter 'yung pinamili niya. Sinabay niya narin 'yung amin. Nilagay na ni ateng cashier 'yon sa microwave.

Tinapik nalang ni Chord sa balikat si Jane.

"Salamat sa pag-intindi--"

"Hayaan mo na. Ako naman ang magta-trabaho sa ating dalawa." pagputol naman ni Chord sa sinasabi ni Jane kaya nahampas siya ni Jane bigla. Tumawa lang nang tumawa si Chord habang hinihimas 'yung brasong hinampas ni Jane.

"Sadista ka talaga kahit kailan." komento ni Chord. Sinamaan lang siya ng tingin ni Jane pero nakangiti naman.

Weird.

"Paano ba naman kasi? 'Yang mga sinasabi mo." inis na saad ni Jane at biglang nagbago ang eskpresyon nang mukha. Bahagya siyang lumapit kay Chord at nilaro ang dulo ng kulot nitong buhok.

"Pero kung 'yan ang gusto mo, sino ba ako para tumanggi?" magiliw na saad ni Jane. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa counter. Nakatulala lang siya kina Jane at Chord na ngayo'y ewan. Ewan ko kung anong tawag sa titigan nila. Ako nalang ang nagbayad sa pinamili namin at hinatak ko na sila papunta sa table habang si ateng cashier ay pinagmamasdan lang kami.

My god. What just happened?

"Kain na tayo." pag-aaya ni Chord at binuksan na 'yung pagkain niya na Sisig. Ganun din ang ginawa ni Jane habang ako, nakatingin lang sa kanilang dalawa.

"Parang walang nangyari ah." komento ko kaya napatigil sa ere ang kamay ni Chord na may hawak nang kutsara at may laman nang pagkain. Nagtataka siya.

"Bakit? Ano bang nangyari?" tanong niya. Napatingin naman ako kay Janina at nagtataka rin siya. I gasped. Seriously? They're asking me what happened?!

Nang mabasa na nila ang eskpresyon ng mukha ko ay kapwa silang napatingin sa isa't-isa at humagalpak ng tawa. Binaba narin ni Chord ang kutsara niya para hindi niya mabitawan at matapon 'yung pagkain na dapat isusubo niya. Napabusangot ako at tumingin lang sa kanilang dalawa.

"Ang lalakas ng toyo niyo." saad ko at mas lalo silang natawa. Ayy. Ano ba 'yan.

"I never thought that you'll react like that. Cutiee." saad ni Jane. Napa-tss ako.

"Nakatingin kaya 'yung cashier sa inyo kanina." dugtong ko pa kaya napatigil sila sa pagtawa pero sandali lang 'yon at tumawa sila ulit at nag-apir pa! Ugh! Ano ba 'yan. 

"Oh well, normal na saming magharutan ni Bakla." dagdag pa ni Janina. Nanlaki ang mga mata ko sa naisip. 

"Friends with benefits?" singhap ko. Napatawa naman si Chord.

"Harutan lang, walang personalan. Tsaka platonic kami. Friends lang talaga. Close na close friends." saad ni Chord at inabot ang kamay ko sa mesa. Ang playful parin ng dark brown niyang mga mata at nakangisi parin ang labi niya.

"Pero huwag kang mag-alala. Papunta narin tayo doon." dagdag niya. Hinampas ko tuloy siya sa braso kaya napabitaw siya sa kamay ko. Nakangisi lang siya.

"Sadista kayo parehas." komento niya.

"Mahal mo naman parehas." sabat ni Jane at kumindat pa. Napailing-iling nalang si Chord at tinitigan kaming dalawa ni Jane. Napatingin din ako sa mga mata niya. Her dark brown eyes are so expressive. Last time I looked at them, it looks like they're lifeless. But now, there's a tint of happiness in there. 

Hindi man niya sabihin o ipakita, alam kong mahalaga kami sa kaniya. In a short time na nagsasama kami, alam kong na-attach narin siya sa amin. Hindi naman kasi siya ganito kadaldal kasama ng ibang tao at iba rin ang mga banat niya. 

And how did I know? I observe.

Kung tutuusin, siya 'yung tipo ng tao na akala mo alam mo na ang lahat sa kaniya. But in fact, hindi pa. There's more of her than meets the eye. Katulad nalang noon nung narinig ko siyang may kausap sa phone niya na hula ko'y pinapainom siya ng gamot at siya naman itong ayaw uminom. I don't know what her illness is but I'm certain na sasabihin niya rin 'yon sa akin. Sa amin.

Napabuntong hininga si Chord at nakapinta ang isang ngiti sa mga labi niya. Isang ngiti na alam mong totoo.

"What will I do without you guys?" saad niya at napailing-iling habang nakangiti parin. Kinuha niya na ang kutsara niya at sinenyas ito sa amin.

"Kumain na tayo." saad niya. Sumunod naman ako sa sinabi niya at kumain narin kami. 

Sana lang pagnalaman ko na kung ano 'yung tinatago niya sa amin, hindi pa huli ang lahat. 

#####

EDIT: Dedicating this chapter to Thank you very much for reading! ^_^ 

HELLOOO! MEDYO NATAGALAN HEHE. PASUKAN NA KASI NAMIN MULA PA JUNE 04. 

Anong masasabi niyo sa update? Nakaka-relate ba kayo? HAHHA

Wala pang gaanong drama ang mga chapters kasi character development palang focus natin ngayon. Happy memories nalang muna at harutan time? AHAHHAA 

And bakla! You know who you are~ Miss na miss na kita. Habang tinatype ko 'to, miss na miss talaga kita huhu. Iloveyousomuch~! See you soon! 

Thank you for reading~

- Chris Rolfe (AnimeAddic04)

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.6K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
4.4K 140 5
Group of friends decided to have an outing in an island. Pero hindi nila alam na ito rin ang magdadala sa kanila sa kapahamakan. Will they avoid it...
24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...