A Wife's Karma (Completed) Cu...

By mitchiegalz

821K 11.1K 310

You lie just to get him. You lie just to be with him. You plan just to be his wife. You wait until he loves... More

A Wife's Karma
Characters:
Karma 1 - The Plan
Karma 2 - Getting him
Karma 3 - The Wedding
Karma 4 - LIving together
Karma 6 - karma strike 1
Karma 7 - Rescue
karma 8 - LIes
Karma 9 - Karma will never bring me down
Karma 10 - - The truth behind her bruises
Karma 11 -Different Dave
Karma 12 - Sweet moments with my husband
Karma 13 - Boracay Escapade
Karma 14 - Boracay escapade part 2 (Meeting the friends)
Karma 15 - Boracay escapade part 3 (please)
Karma 16 - Joke!!!
Karma 17 - Eto na ba!! OMG!!
Karma 18 - His Surprise birthday (part 1)
Karma 19 - His birthday surprise (part 2)
Karma 20 - Her Gift
Karma 21- His Side
Karma 22 - His Ex is Back
Karma 23 - The sweetest first dinner
Karma 24 - Ang Epal na Ex Grrr!
Karma 25 - Tell me Dave!!
Karma 26 - Okay! I get it!
Karma 27 - The Fall of Athena
Karma 28 - Don't Cry Wife, I LOVE YOU!!
Karma 29 - Party Dilemma
Karma 30 - Party
Karma 31-Confrontation
Karma 32 - documents
Karma 33 - She Knew
Karma 34 - The Truth
Karma 35 - All alone
Karma 36 - Missing Yssa
Karma 37 - 5 Months without Yssa
Karma 38 - 10 months after
Karma 39 - His Side
Karma 40 - The letter
Karma 41- Day 1 of searching Yssa
Karma 42 - Xander
Karma 43 - The search is over?
Karma 44 - Questions and Answers (Part 1)
Karma 45 - Question and Answers (part 2)
KARMA 46
Karma 47-- Dream
Karma 48 - May Forever?
Karma 48 - Calm
Karma 49
Karma 51
Karma -50
Karma- 52
Karma- 53

Karma 5 - Harsh words

15.5K 242 5
By mitchiegalz

[5]


(-Condo- 6:30 pm)


Kararating ko lang sa bahay. Grabe sobrang napagod ako kasi ang dami ng ginawa namin sa school. Meeting dito, meeting doon. Ganito siguro pag-graduating student, ang daming requirements. Kaninang umaga na late ako sa first class ko kasi nawala ako. Malayo kasi ang condo ni Dave sa university at traffic pa kaya ayon super late ang lola niyo. Hindi na rin ako nagpahatid kay Mang Roel kasi nakkahiya naman na istorbohin ko pa siya.


Sinermunan pa ako ng aking dakilang bestfriend na kesyo dapat daw nagpahatid na lang ako kay Dave kasi may kotse naman siya at isa pa responsibilidad niya daw yun bilang asawa ko. Sinabi ko na lang na busy siya at maaga itong umalis. Hindi ko na sinabi ang totoo na ayaw niya lang talaga akong ihatid. Ayaw ko nang ma-mroblema pa siya. Hay! Nadagdagan naman ang kasalanan ko dahil sa pagsisinungaling.


Maaga ako nakauwi dahil most of the teachers ay hindi pumasok to give us time to finish our requirements. Nagluto lang ako ng sinigang na baboy para sa dinner naming dalawa. Nagbake din ako ng cookies for our dessert. Siguro pauwi na yun si Dave, 6:30 pm na eh.


Habang naghihintay ako sa pagdating ng asawa ko ay kinuha ko muna ang laptop ko at nagsimulang gumawa ng homework at thesis. Dito na ako sa sala nagstay para malaman ko kung dumating na siya. Busog pa naman ako kaya mamaya na lang ako kakain. Sasabayan ko na lang siya kasi it's our first dinner as husband and wife.


Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko ng makaramdam ako ng antok. Tinignan ko ang wall clock sa may sala.


"8:00 pm na pala pero wala pa siya. Siguro busy lang siya." Inaatok na talaga ako pero dapat kong hintayin ang asawa ko kaso hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.


***

10 pm

Naalimpungatan ako ng may yumuyugyog sa balikat ko. Inaantok talaga ako.

"Yssa, hija! wake up," pabulong na sabi sa akin habang patuloy ang pagyugyog.

"Uhmm..." binaling ko lang ang kabilang side ang ulo ko. Ayaw ko pang gumising at ni ayaw pang bumuka ng mata ko.

"Yssa! Why are you sleeping here?" boses ng babae. Hala may nakapasok sa bahay namin at babae pa ito. Baka isa ito sa mga babae ni Dave at talagang nakapasok pa talaga siya dito. Grabe ang lakas ng loob.

Kahit na inaantok pa ko ay ay pinilit kong minulat ang mata ko para malaman ko kung sinong babae ang pumasok sa bahay namin. Nakakainis at ang lakas ng loob pumasok dito. Pagkabukas ko ng mata ko ay nasurprise ako na si Mommy pala yung nandito. Wait! Anong oras na at bakit nandito si Mommy.

"Mom?"

"Yes! Why are you sleeping here? Where's Dave?"

"Mom, You're here. I'm doing my homework because sem break is fast approaching so I have many requirements to do as well as my thesis."

"Ok, hija, but wag magpapagod. Oh, by the way, where is Dave? bakit hindi ka niya sinasamahan dito?"

"Wala pa po yata, Mom. Baka nasa office pa po. Teka bakit po kayo nandito? Have you eaten your dinner?" tatayo na sana ako para ipaghanda siya ng hapunan pero pinigilan niya ako.

"No need. I know it's a bit late pero hindi na rin ako matatagal and hindi na rin makapaghihintay itong dala ko," masayang sabi niya habang may kinukuha sa bag niya.

"Ano po yun?" taking tanong ko.

"Here." binigay ni Mom ang isang invitation. Binuksan ko yun at binasa at binasa ang laman.

"Birthday po pala ni Daddy sa Saturday. Sorry, hindi ko po alam."

"Sus, ano ka ba naman Yssa. Hindi problema yun. May oras ka pa para makapaghanda. Sa Saturday pa naman ang birthday ng Dad niyo and the invitations are given to me a while ago. Naisip ko na ibigay na lang personally sa inyo at para mabisita na rin kita. Namiss ko ang daughter ko eh," sabay yakap sa akin.

"Namiss ko rin po kayo." Niyakap ko rin si Mom ng mahigpit.

Natigil ang pag-uusap naming ng bumukas ang pinto. Dumating na pala si Dave. Dirediresto lang siya ng hagdan siguro hindi niya kami napansin ni Mommy dito sa sala. Napatigil lang siya sa pag-akyat ng magsalita si Mommy.

"Dave, hijo, wala bang welcome kiss kami ng asawa mo?" nakakaloko ang ngiti na tinignan niya si Dave.

"Mom? Why are you here?" takang tanong ni Dave kasi ang alam niya ako lang ang nandito kaya nga dirediretso lang siya paakyat.

Lumapit sa akin si Dave at hinalikan ako ng mabilis sa labi. Sa sobrang bilis ay hindi ko namalayan ay nahalikan niya na pala ako. Natigilan ako ng ilang seconds bago nakabawi. Kinikilig na naman ako pati mga intestine ko. Dapat pala parating nandito si Mommy para may kiss ako palagi sa aking husband. hihihi. Tumabi siya sa akin so kaharap na namin si Mommy ngayon.

"Hay! Ang sweet talaga. hahahaha. Kinikilig talaga ako," patatawa-tawa pa si Mommy.

"Stop it Mom! What brings you here? Don't you think it is too late already for a visit?" may pagkairita sa boses niya.

"Hijo, I just drop by here to give the invitation for your Dad's birthday this Saturday and to visit my beautiful daughter-in-law as well."

"Why you didn't send it to my office that's what you always do right?" nakatingin pa rin siya kay Mommy ng seryoso.

"Ayoko nga. Dati yun nung wala pa si Yssa," pacute na sabi ni Mom.

"Tss!" yan na lang ang nasagot ng gwapo kong asawa.

"Well, alam kong naiinis ka na naman kaya aalis na ako. Kaingit kayo kaya namiss ko tuloy ang Daddy niyo," kinikilig at nakangiting tugon niya sa amin.

Tumayo na si Mom at lumapit sa amin. Tumayo na din kami para maihatid namin siya sa may pinto at para makapagpaalam na rin.

"Yssa, I expect you this Saturday," habang nagbeso-beso kami.

"Yes, Mom." Niyakap ko siya ng mahigpit kasi namiss ko si Mommy at nagging close na rin kami.

Nagpaalam na rin siya kay Dave. "Dave, be on time. I want to see you there because Yssa is my important guest. Ayokong malate kayo," reminder ni Mommy. Kita naman sa kanya na excited talaga siya sa party.

"Yeah," yan lang ang sagot niya. Tipid din nitong magsalita.

Hinatid na naming si Mommy sa may pinto. Naunang pumasok si Dave while nagwave ako ng hand para na rin goodbye kay Mommy. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob ay isang nakakatakot na tingin ang ibinigay niya sa akin. Hay naku! may galit na naman ang tingin niya sa akin. Ano na naman ba ang ginawa kong kasalanan at parang papatayin na naman niya ako sa tingin.

Lalakad na sana ako para kunin ang mga gamit kong nagkalat sa sala ng magsalita siya.

"Why didn't you call me that Mom is here?" may himig ng galit sa boses niya.

"Dave, sorry. Nakatulog kasi ako habang hinihintay ka at gumagawa ako ng homework. Hindi ko nga namalayan na pumasok na pala siya at ginigising na ako," nakayuko kong sagot sa kanya.

"Excuses, excuses. You should atleast text me that she's here. Muntik na tayong mahuli at ano ako ang mapapagalitan kasi pinababayaan kita. Sinadya mo yun kasi alam mong gustong-gusto ka ni Mommy." Galit na galit na sabi niya.


"Sorry, hindi ko naman sinadya. Nakalimutan ko lang talaga."


"Nakalimutan? O sinadya mo. What the hell! Tatanga-tanga ka ba. Simpleng instructions lang hindi mo pa makuha at magawa. Next time do your part."


"So-- sorry" pautal na sabi ko kasi pinipigilan kong tumulo ang luha ko.


Naglakad na siya papunta sa kwarto niya at eto ako naiwang nasasaktan at umiiyak dahil sa sinabi niya sa akin. Nakakainis ka at ang harsh ng mga sinabi ni Dave. Bakit sa pagbabaliwala at ginagawa mo sa akin ay hindi ko pa rin mapigilan ang nararamdaman ko sayo? Tanga lang ba talaga ako at hinangad pa kita dahil sa simula't sapul pa lang ay wala na talaga akong pag-asa sayo. Susuko na baa ko? Pero hindi ko gagawin yun dahil mapapa-ibig pa rin kita at hindi ako ang babaeng basta-basta na lang na sumusuko.



Mapapaibig rin kita Dave at mahuhulog ka rin sa alindog ko. Mark my word, Love.



{EDITED]

*************************************************

A/N:

Mapaibig nga kaya ni Yssa si Dave? Lets see...

2nd update for today. Sorry kung maiksi lang.Thanks sa lahat ng mga nagbabasa and pasensya na kung merong mga errors. Walang time para ibackread.

Thanks, Thanks...

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 60.2K 27
COMPLETED | UNEDITED Ian Andrada was 7 years in a relationship with Avalyn 'Lyn' Manahan. He loved Lyn more than anyone. For him, she was the only o...
52K 2.8K 23
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
184K 10.1K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
738K 25.9K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...