BLS#3: My Boss(COMPLETED)

By bRezyLian62

466K 7.2K 244

HIGHEST RANK: 24 in HUMOR BEAUTIFUL LIARS SERIES #3 MY BOSS >Dannica Diane Dianse>>>>>>>>> Kelvin x Dannica L... More

Beautiful Liars Series #3
MY BOSS
Prologue
Chapter 1 SIMULA
Chapter 2 My New Boss
Chapter 3 Confuse?
Chapter 4 He's Rules
Chapter 5 Sino Na Ang Boss?
Chapter 6 Pag-aalaga ng Lasing
Chapter 7 Tiktok Hotdog
Chapter 8 Nalilito??
Chapter 9 His Promise
Chapter 10 My Chef Boss
Chapter 11 A Little Conversation
Chapter 13 PULANG LIKIDO
Chapter 14 Emotions
Chapter 15 Conversation With Cloud
Chapter 16 You're Mine
Chapter 17 On Caught 1 : She's a Model
Chapter 18 On Caught 2 : They Kiss
Chapter 19 Love and Like
Chapter 20 Her New Partner
Chapter 21 Pictorial with My Boss
Chapter 22 The Act
Chapter 23 I LOVE YOU
Chapter 24 Happy Ending? Or Not?
Chapter 25 Their POV
Chapter 26 Reality
Chapter 27 Marry Me
Chapter 28 They Got Engage?
Chapter 29 She's Jealous
Chapter 30 Forgive
Chapter 31 Hahanapin Kita
Chapter 32 Kiss in the Rain

Chapter 12 Smile

11.2K 210 3
By bRezyLian62

 Chapter 12 Smile


***DANNICA POV***

BUSY ang lahat sa paghahanda nitong party. Maraming sikat na tao ang dumalo. Kahit ako nga ay nandito. Sikat ako di ba? Kaso nandito ako bilang secretary ni Boss. Excited na ako. I want to meet KZ Vedra, the girl who made some of my dress. Curious ako kung ano ba talaga ang mukha niya. Sana naman ay mabait siya.


Pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin. I am wearing a simple dress pero maganda din naman. Kahit ano namang suotin ko ay maganda. Oras na gandahan ko pa lalo baka pagkaguluhan ako ng mga tao. Mahirap na.


Lumabas na ako ng rest room. Tapos na akong mag-re-touch. Pinagmasdan ko ang mga tao sa ibaba. Lahat sila ay busy sa kanya-kanyang gawain. May kumakain, umiinom at nakikipag-kwentuhan. Tamad na akong makisali. Hindi ko iyon ugali.


"DANNICA!"


Napalingon ako sa pinagmulan ng tinig. May babaeng nakangiti ngayon sa harap ko. Hindi ko siya kilala. Napakatamis ng pagkakangiti niya sa akin. I don't know why but I hate the way she smile. Parang hindi natural.


Tss! Hindi ako mapalagay sa isang ito! =__=


"You are Miss Dianse, right?" ^__^


Tumango na lang ako. Hindi maalis sa anyo ko ang pagtataka. Kahit saan ko siya tingnan, hindi ko maalala ang mukha niya. Nasisigurado ko na ngayon ko lang siya nakita.


"Who are you?" =__=


"I'm no one." ^__^


"Really?" Nagsiakyatan ang kilay ko sa tinuran niya.


Ang ganda ng pagkakatanong ko tapos ang isasagot niya ay ganyan? Siya daw si no one?! Pakawala ba sa mental ang isang ito? Tss! =__=


"Here, take this." aniya, sabay abot ng puting papel na tinanggap ko naman.


"What's this?" =__=


"Can you give that to KZ Vedra?" Mas tumamis ang ngiti niya.


Nainis naman ako sa hindi niya pagsagot. Mahirap bang sagutin itong tinatanong ko? Tapos sa halip na sagutin ako uutusan pa niya ako?! Ano yun? Joke? Daig pa ang presidente ng Pilipinas kung makautos! Grr! Hindi ko siya feel. I swear! +__+


"Pretty please." aniya, super smile pa. Sarap barahin, hindi bagay sa kanya ang magpa-cute!


"I don't know her." =__=


Bumakas sa anyo niya ang pagtataka. Ilang sandali lang ay ngumiti ulit siya. Ewan ko ba, parang napepekean talaga ako sa acting niya. Na parang nagda-drama lang siya. "She's with Vincent Aldeguer."


My eyes widened. Vincent Aldeguer? Teka, sa pagkakaalala ko.... siya ngayon ang kasintahan ni Zyle. Ipinakilala niya ito sa amin dun sa restaurant! Bakit magkasama si Vincent at ang KZ Vedra na iyon? Niloloko ba niya ang kaibigan ko? O__o


Nanggigil ako sa naisip. Kami lang ang may karapatan na manloko! But wait, baka naman kapangalan niya lang. I shouldn't jump into a conclusion. Hindi ko pa naman sure na ang lalaking talaga na iyon ang kasama ng...


"Vincent is the owner of VIZE restaurant."


Natigil ako sa pag-iisip matapos kong marinig ang huling sinabi niya. At ang isa pa, her smile. I really hate the way she smile. Parang may binabalak siyang hindi maganda.


"Who are you?" nagdududang tinitigan ko siya.


"Nasa baba si KZ Vedra. She's wearing a red cocktail. As what I had said earlier, tunay na magkasama ang dalawa. Kung gusto mo pa siyang makita o maabutan man lang. Puntahan mo na siya sa ibaba. I swear, hindi ka magsisisi." Ngumiti siya ng makahulugan. After that she left.


Binalak ko siyang sundan kaso pumagitna na siya sa maraming tao. I can't see her now. She's gone! Maang na napatingin ako sa hawak kong ito.


Bakit kailangang ako pa ang magbigay nito? What is she planning to do? She said that I won't regret this. Ano ba ang alam niya?


Napabuga ako ng marahas. May nakukutuban talaga akong hindi maganda. I have to know everything. Hindi ko malalaman ang sagot kung tutunganga lang ako rito. Hahanapin ko sila.


Inihakbang ko ang mga paa sa ibang direksyon. Hinanap ko ang kinaroroonan ng Vincent na iyon. Pagbabayaran niya ang panlolokong ginawa niya sa kaibigan ko.


I didn't stop from searching. Kanina pa ako naghahanap. Susuko na sana ako kung hindi lang nahagip ng aking paningin ang munting kaganapan na nagaganap.


There was a man who tried to stop the girl from drinking liquor. They are having a fight. Gusto kong umiyak sa nakikita. Nasasaktan ako.


Ang babaeng kasama ng lalaki ay akma sa pinapahanap sa akin ng misteryosang babae kanina. At ang babaeng iyon ay kilala ko. Kilalang-kilala ko.


"Zyle?" Anas ko, na narinig naman niya.


"D-Dannica?" bakas sa anyo niya ang pagkagulat matapos akong sulyapan.


Hindi ako makapaniwala na siya ang makikita ko sa halip na si KZ Vedra na iyon. Iisa lang ba silang dalawa? Ito ba ang nais ipahiwatig ng babae kanina? Dahil kung oo. Hindi ako natutuwa! Our friendship is a big lie!


"S-someone told me that KZ Vedra was with Vincent Aldeguer." Hindi ko iniwas ang paningin sa kanilang dalawa. Hirap para sa akin na paniwalaan ang lahat ng ito. "I have to give this to her." Pinilit ko ang sarili na maibigay sa kanya ang puting papil. Nanginginig ang buo kong katawan nang dahil sa galit. I can't help it.


May pag-aalinlangan sa anyo niya nang tanggapin niya ito. Ang ikinaiinis ko lang ay ang hindi niya pagsagot. Ganoon ba siya ka guilty? Siya nga bang talaga?!


"I-I don't expect that I will see you instead of her." Sinulyapan ko ang katabi niyang lalaki. She have to explain everything to me. Naguguluhan ako. Sobra!

***END OF DANNICA POV***


***KELVIN POV***

KATATAPOS ko lang magbigay ng speech. Agad kong ibinigay ang mic sa katabi kong host at umalis na sa harap nitong stage.


Kanina habang nagsasalita ako sa harap. Nakita kong nag-uusap silang tatlo. Vincent, KZ and my secretary Dannica. Parang may pinagtatalunan silang tatlo.


Lumingon ako sa paligid. Sinubukan ko silang hanapin. Saan na ba sila nagpunta? I can't see them! Where are they? I'm darn worried!


Sinubukan kong magtanong-tanong ngunit wala talaga.


"KUYA KENT?"


Nadismaya ako matapos kong humarap. Kapatid ko lang pala ang tumawag sa akin. "It's you..."


Luminga ako sa paligid. Wala akong oras para makipagkwentuhan sa kapatid kong ito. Saan ba sila nagsusuot? Bakit ang hirap nilang hagilapin?!


"Kuya Kent, are you looking for someone?" aniya.


Hindi ko siya sinagot o nilingon man lang. Busy pa ako.


"Kuya Kent!"


Tsss! Wala akong naririnig! Ang sama kong kapatid. Hayaan niyo na lang, sanay na yan sa akin.


Iiwan ko na lang siya. Mahirap ng ma-interview nang hindi oras. Wala akong maisasagot sa kanya. Baka unahan pa niya ako sa paghahanap tapos magtatawanan na naman silang dalawa.


Umiinit ang bumbungan ng ulo ko sa tuwing maiisip ko na nagkakalapit silang dalawa. Iniwan ko na siya. Pero bago ako tuluyang makaalis. Narinig kong may nakabangga sa kanya na nag-e-alien language.


"Bakka!"


"Hindi ako bobo!"


"Iie... bakka desuka!"


"What?"


Tamad akong makinig. Hindi ko din naman maintindihan. Bahala sila sa mga buhay nila. Hahanapin ko pa silang tatlo. Pumunta ako sa kung saan. Laking tuwa ko nang makita ko na sila. Papunta sila sa isang silid.


Masyado silang malayo sa akin. Sinundan ko na lang kung saan sila papunta. Aawatin ko sila oras na magkakapatayan na.


=__=


Ano ba itong iniisip ko? Sobra naman!


Kung saan malapit na ako sa pinto at balak na sana itong pihitin pabukas saka ko pa narinig ang pinag-uusapan nila.


May umiiyak. Si KZ ang babaeng iyon. At si Dannica naman... May sinasabi siya na tumatak sa puso ko. It's painful to my ear!


"You're not even her true boyfriend! Kung makaasta ka parang..." May gumuhit na nakakatakot na ngiti sa gilid ng labi niya. "Hindi masama ang magkagusto ka kay Zyle. But be aware, she will dump you. Just like what we did to some men out there." She said.


Napahigpit ang pagkapit ko sa doorknob. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan. It hurts to hear that from her.


She's just like her! My darn ex! She's a user like her!

***END OF KELVIN POV***


***DANNICA POV***

"DANNICA Diane!" Bulalas ni Zyle. Hindi siya makapaniwala na sinabi ko ang ganoong bagay. Kahit nga ako ay nagtataka din. Malamang sa sobrang galit. Hindi ko napigilan ang sarili ko.


Kanina, kahit anong gawin niyang sorry, ayokong makinig. Nabibingi ako. Napakahirap para sa akin na unawain ang lahat. Nagsinungaling siya. Ilang taong niyang itinago sa akin ang totoo! Kaya galit ako ngayon. Hindi ko makontrol ang sarili ko.


"Isn't it true?" I smirk.


"I-It's true. But...."


"You heard her right?" nilingon ko si Vincent. "So, bahala ka na, Mr. Aldeguer."


"Tama na!" Hinawakan bigla ni Zyle ang magkabilang balikat ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang hinanakit, ang pait at ang sakit. I feel numb. I hate seeing her like this. "A-alam ko, galit ka sakin. Pero sana naman maintindihan mo. Sa akin ka dapat magalit."


I can't believe this! Ipinagtatanggol niya si Vincent?! Anong meron sa lalaking ito at ganoon niya na lang ipagtanggol? Is it really her?!


"Kung gusto mo akong saktan. Go ahead. I will let you do that. Hindi ako gaganti. If you want to slap me, it's okay with me..." Muling umalpas ang luha mula sa mga mata ko nang hagilapin niya ang isa kong kamay at iaakmang isasampal sa mukha niya. "Basta itigil mo lang ito. Huwag mo na siyang idamay dito."


Pinalis ko ang kamay niya. Because of it, she bites her lower lip and cried harder.


Huminga ako ng malalim. "You don't trust us!"


"D-Dannica. G-gusto kong malaman mo na labis akong nagsisisi dahil hindi ko nagawang ipagtapat sa inyo ang totoo. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Baka..."


"Ano ba ang ikinakatakot mo?!" putol ko sa sinasabi niya. "Na kapag sinabi mo ang totoo huhuthutan ka namin?! Pagpeperahan?! Iyon ba ang gusto mong palabasin?!" marahas na pinahid ko ang luha sa mga mata ko. Nasasaktan ako sa mga pamimintang niya.


"Inaamin ko, noong umpisa, inaamin ko... Oo, nagduda ako sa inyo ngunit matapos ko kayong makilala nang lubusan. Doon na ako nagsisi. Nanghihinayang ako... Sorry for doubting your kindness. Gusto kong itama ang lahat ng pagkakamali ko. I want to fix this." Binalak niya akong hawakan ngunit hindi siya natuloy, nag-ingay kasi ang pinto. May kung sino ang bumukas nun ng sobrang rahas. Napalingon kaming tatlo don.


I bite my lower lip after seeing his face. It's darn dark. Full of anger. Tinitigan niya kami paisa-isa. I know that he's mad at me. I ruined his night. At wala akong pakialam. Kung gusto niya akong pagalitan... Sige... Bahala siya. Sanay naman ako.


Lumapit siya sa kinaroroonan namin. Una niyang hinarap si Zyle. Nakaramdam ako ng lungkot. Kilala nila ang isa't isa. Kaya ganoon na lang ang pag-uusap nila sa restaurant na iyon. They know each other. Mas nauna siyang nakilala ni Zyle. Nasasaktan ako sa tuwing naiisip ang ganoong bagay. Hindi ko sila magawang tingnan.


"K-Kent, I...." Zyle tried to explain.


"Fix yourself, KZ. Hindi ka haharap sa mga bisita na ganyan ang ayos mo." malamig na sabi ni Boss.


"O-okay. Sorry nga pala." Nakatungong sagot ni Zyle.


I look away. I hate this scene. Ang sakit sa mata. He's darn concern with my friend! And one part of me hate it!


May narinig akong yabag ng mga paa papunta sa akin. I know that it's him! Yumuko ako at ipinikit ang mga mata ko. Handa akong makinig sa pangaral niya. Batid kong papanigan niya ang kaibigan ko dahil magkakilala sila. Ito ang nauna! Sino ba naman ako? Isang hamak na sekretarya lamang na lagi niyang pinapagalitan at sinisigawan at...


"Don't cry..."


Natigil ako sa pag-iisip. May sinabi siya na taliwas sa sinasabi ng utak ko. Iminulat ko bigla ang mga mata at naluha na naman.


DUG DUG


Hindi niya ako pinagalitan, sa halip niyakap niya ako. Niyayakap niya ako ng sobrang higpit. Ewan ko ba, kusang kumilos itong mga kamay ko at gumanti rin ako ng yakap sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kailangan ko ng makakausap. I don't want to be alone!


"B-boss." na-uutal na sabi ko. Epekto yata ng kakaiyak ko. Utal mode ako.


"Don't cry... you look more stupid and ugly." he said.


Natawa ako sa sinabi niya. Weird nga e. Hindi ako nagalit. May isang bahagi ng pagkatao ko ang nadismaya nang kumawala na siya sa pagkakayakap sa akin.


Laking gulat ko nang ipinaloob niya ang mukha ko sa mga kamay niya. He gently wipes my tears. Hindi ko naman mapigil ang sarili na titigan siya.


DUG DUG


Heto na naman ang puso ko. Ang bilis ng pagkakatibok.


"Tahan na. Nagkakaintindihan ba tayo?" He's smile, it's genuine.


DUG DUG


Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ngumiti ng malapitan at matagalan. Parang gusto ko iyong ipagdamot. Gusto ko na ako lang ang ngingitian niya. Sa tuwing iisipin ko na ngumingiti siya ng ganyan sa iba. Nakakaramdam ako ng inis. Hindi ako madamot ngunit bakit siya na Boss ko ay gusto kong ipagdamot? Ayokong ngumingiti siya ng ganyan.


I felt that he hold my hand. Takang tinitigan ko siya. At nagtataka ako sa sarili kung bakit hinahayaan ko siyang hawakan ako. Sa pagkakaalala ko, ito ang bagay na pinakaayaw ko sa lahat.


"Let's go." Hayan na naman. Ngumiti na naman siya. At ako? Napangiti na rin. Hindi kasing lapad ng ngiti ng kapatid niyang si Cloud.


"S-sige." Sabi ko sabay tango.

***END OF DANNICA POV***


***KELVIN POV***

HINDI ko maintindihan ang ginagawa ko. Ayokong marinig ang pinag-uusapan nila kaya binuksan ko na ang pinto. Gusto kong mamuhi kay Dannica ngunit matapos ko siyang makitang umiiyak. Hindi ko mapigilan ang sariling yakapin siya. Ayokong nakikita siyang lumuluha dahil nasasaktan ako.


There something in me that wants to protect her. Since the day I first saw her. And that's the thing that I don't understand.


"B-boss." Namamaos ang boses niya.


Bakit ba Boss siya ng Boss? Naiirita ako sa tuwing iyan ang tinatawag niya sa akin. Na dapat yun naman talaga. Weird! =__=


"Don't cry... you look more stupid and ugly." I said. Naiinis kasi ako sa kaka-Boss niya. After a few moments, I let go off her and cup her face. I am gently wiping her tears. "Tahan na. Nagkakaintindihan ba tayo?"


I can't afford to smile after seeing her beautiful face. Matagal ko nang napapansin na maganda siya. Kaso sa bawat araw na dumadaan, mas gumanda siya sa paningin ko. Napakaganda niya. Sa pagkakataong ito, sobrang amo ng mukha niya. Parang gusto ko siyang halikan. Ipinilig ko ang ulo ko. It's wrong!


DUG DUG


I hold her hand. Ayokong gawin ang ganoong bagay. Baka masapak pa niya ako. At isa pa, hindi ko pa nakakalimutan na amazona ang isang ito. Buti na lang hindi ako nakatanggap ng sapak nang gawan ko siya ng hindi maganda in front of my ex.


"Let's go." We have to leave before I done something stupid to her again.


She nodded and smiled back. I don't know why but my heart beats more louder. Gusto ko sa akin lang siya ngingiti ng ganyan.


SA AKIN LANG!

***END OF KELVIN POV***

*************************

Continue Reading

You'll Also Like

11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
795K 12.8K 76
Isang gabing pinagsaluhan ng dalawang taong hindi kilala ang isa't isa. What if mabuo ang isang gabing yun? Will they meet each other again in the fu...
39.1K 749 42
Kinasal ang ex niya sa bestfriend niya at sino ang nag-organize ng kasal? Edi siya. Pero ang akala niyang heartbreaking na sandali ay siya palang ump...
267K 1.1K 5
"What If, I don't want to annul our marriage?" banta ni Vince Kay Valentine. Napamaang si Valentine sa narinig. What? After almost 6 years. "Wala a...