Once A Love Story - #Wattys20...

By MicxRanjo

78.3K 2.7K 697

Can a moment of love last forever? Hindi kailanman kasalanan ang magmahal. Sabik si Erina De Dios na mahalin... More

Once A Love Story
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Wattys2018 Shortlist!
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
We got it! WATTYS2018 WINNER!
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Good news to share
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine

Chapter Five

1.5K 58 6
By MicxRanjo

KUNG natigilan si Caleb dahil sa hindi sinasdayang pagkikita nilang muli ng dating kasintahang si Marie, mas nagulat siya sa ginawa ni Erina. Ilang segundo ang lumipas bago siya nakabawi at bahagya niya itong itinulak palayo. Agad niyang tiningnan si Marie ngunit wala na ito sa kinatatayuan. Ibinaling niya ang atensiyon kay Erina.

"Anong ginawa mo?" Pagkalito na may halong pang-aakusa niyang tinig.

"I was just helping you out." Sinubukan niyang basahin kung anuman ang nasa isipan ng dalaga ngayon ngunit hindi madali, dahil unang-una ay hindi pa niya ito gaanong kakilala.

"Helping me out? Saan?" Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha, ganoon din ang papabilis na tibok ng kanyang puso.

"To your ex. Looks like she already found someone to replace you. They were almost hugging each other."

Kumunot ang kanyang noo, nag-isip, bago nakuha ang ibig nitong tukuyin. Napatiim siya. "That was her brother. Kuya niya ang katabi niya at hindi kung sinong lalaki. At isa pa'y hindi ganoon si Marie, may delikadesa siya at hindi basta pumapatol sa kung sino. Mahiyain siya at hindi sasama kung kanino."

"I didn't know--"

"Because you assumed it was." Hindi na niya napigilan ang pagtigas ng boses. "Huwag mong itutulad ang mga babae rito sa kinalakihan mo. At hindi lahat ng lalaki rito ay interesado sa 'yo. You act like you are trying to please everyone. You dress like you are still in America. Huwag mong dalhin dito sa probinsiya ang nakagawian mo, matuto kang makibagay."

MALINAW kay Erina ang ibig sabihin ng mga narinig mula kay Caleb. Natapos na ang parada kaya naman mas naging malakas ang bawat salitang ibinato nito sa kanya. May pang-aakusa maging sa mga titig nito. His action displayed hatred towards her that it melted every desire in her senses to defend herself. Nanlabo ito sa kanyang paningin.

Mabilis siyang yumuko upang itago ang kanyang kahinaan, pinili niyang umalis na. Mabilis ang mga kilos na humakbang siya sa gilid ng bubungan upang bumaba sa hagdanan doon subalit dahil sa pagmamadali, nadulas siya't nawalan ng balanse. Muntikan na siyang nahulog sa hagdanang bakal kung hindi mabilis na nakakilos si Caleb upang siya hablutin.

"Okey ka lang?" Mahigpit na kumapit ang mga braso nito sa kanyang balakang.

"Y-yes, I...I think." Her heart was still beating fast from what happened. She thought she was going to fall to her death. Medyo may kataasan pa naman ang bubungan kung tuluyan siyang nahulog.

"May sugat ka." Pansin nito sa kanyang braso, itinaas iyon upang ipakita sa kanya ang pagtulo ng dugo mula roon.

"Ah, I-I will be fine." Ninenerbiyos pa rin siya, ngunit mas kumabog ang kanyang dibdib dahil sa magkalapit nilang mga katawan ni Caleb. He was so warm, body warmth that she used to ask herself what it would feel like.

She's five feet and five inches tall, but Caleb was taller at five feet and nine. His body was warmer than hers, harder, and it was so nice to be wrapped around his arms. If only she could feel more of it.

"Tara sa ibaba, may first aid kit sa tindahan." Aya nito tsaka kumalas sa pagkakayapos sa kanya. Gusto niyang magprotesta ngunit alam niyang kabaliwan iyon.

Nauna ito sa pagbaba, habang nakaalalay ang isang kamay sa kanyang pagbaba, sinisigurong maayos ang pagkakatapak niya sa bawat bakal na baitang ng hagdanan. Nang tingnan niya ito'y sa tagiliran nito ito nakatingin, umiiwas na masilipan siya sa suot na bestida. Napangiti siya. What a real gentleman, she thought.

Iginala niya ang paningin sa loob ng tindahan nang makarating na sila roon, maraming mga sako ng mga bigas at mais ang nagkapatong-patong sa bawat sulok. Niyaya siya nito na sa tingin niya ay break-room. May kinuha ito sa isang mesa at pagbalik ay may dala ng betadine at isang band-aid.

"Gamutin natin bago ma-impeksiyon." Umupo ito sa mahabang silya kung saan din siya nakaupo. "Itaas mo." Nguso nito sa kanyang braso at sumunod naman siya. Kanina lang ay galit ito, ngayon naman ay mabait na.

Hinipan-hipan nito ang kanyang sugat habang nilalagyan iyon ng betadine. She could smell his breath--chippy, she smiled. Pinanood niya ang ginagawa nito, hanggang sa nadako ang kanyang mga mata sa labi nito.

Napalunok siya, hinalikan niya ito kanina, kahit dampi lang, nagdulot naman iyon ng kaba sa kanyang dibdib. Nakatapat sa kanyang mukha ang brasong ginagamot nito kaya nasisilip niya ang mukha ng kaharap. May pagka-masungit si Caleb ngunit hindi nakakasawang titigan ang mukha nito. May munting bigote na mukhang kaaahit lang. Langhap din niya ang masarap sa pang-amoy na gamit nitong cologne.

Lumipat ang mga mata nito sa kanyang mukha at nahuli siyang nakatingin. Naramdaman niyang umakyat ang dugo sa kanyang mga pisngi subalit hindi niya binawi ang paningin. Tumigil ito sa pag-ihip sa kanyang sugat, nakipagtitigan sa kanya. Sa bawat patak nang segundo ay nasa ganoon silang ayos, pinanatili ang mga mata sa isa't isa habang ang nakataas niyang braso ang tumataping sa kanilang pagitan.

Marahang bumaba ang mga mata ni Caleb sa kanyang labi, tumigil doon. She thought her heart was beating so loud she could almost hear it. Ngayon lang siya nagka-interes sa isang lalaki. Ngayon lang at dito pa sa Pilipinas. Lugar na hindi na pamilyar sa kanya at alam niyang hindi na muli pang babalikan. But with this man...with him...maybe—



"CALEB! Tara na!" agaw ng tinig ni Danilo sa labas ng tindahan.

Caleb quickly broke their position. Tumayo ito tsaka siya niyayang lumabas na. Mabilis ang mga kilos na humakbang ito sa likuran upang doon lumabas.

She had a hard time composing herself. She was still trying to catch her breath. She followed Caleb while watching his back. How would it feel to hug that broad back of his, she wondered?

Nang makalabas, ikinandadong muli ni Caleb ang tindahan bago sila nagpunta sa jeep nitong nakaparada sa harapan niyon. Nilapitan niya si Juliet at may ibinulong.

"You can go with them, Juliet, so don't worry about me. Gusto kong manood ng pageant."

Nanlaki ang mga mata ng kababata, biglang bumaba mula sa likuran ng jeep na kinauupuan. "Naku, hindi puwede, sasamahan kita."

"Ano ba, I'm fine, really. I want to be alone for a little bit, maybe stroll around. So, I want you to enjoy the company of your friends, and your boyfriend." Sabay kindat.

Nahihiyang ngumiti ito. Nalilito pa rin sa kung ano ang gagawin.

"Sigurado ka, Erin? Kumain muna tayo sa bahay nina Caleb tapos balik din tayo rito?" Singit ni Rommel.

"Oo nga naman. Nga pala, Erin, si Marissa nga pala, nobya ko." Turo ni Danilo sa babaeng katabi sa upuang nasa likuran ng jeep.

"Hey there. It's nice meeting you." Kumaway siya sa babae.

"Hi." Kaway din nito. "Sobrang ganda mo naman, may pagkakahawig ka kay Yna Macaspac."

"Sino 'yon?" Napalingon si Danilo sa kasintahan.

"Ay, tungkek. Si Yna, iyong anak ni Amor Powers."

Humagalpak ng tawa si Rommel. "A, si Kristin Hermosa. Oo nga, kaya pala parang pamilyar ang mukha mo Erin."

Natawa rin siya. Hindi niya alam kung sino ang tinutukoy ng mga ito ngunit nasiyahan siyang mukhang tanggap ng mga ito ang kanyang presensiya, pwera sa isa. "Anyway, Juliet, have fun."

"Erina, sigurado ka talaga?" Hindi pa rin mapakali si Juliet.

"Oo. O hindi ba, you will go straight to the house here and I will go back to Villa. I will be fine. I will see you on Saturday after the school week." Kaway niya bago tumalikod at pumunta sa kinaparadahan ng kanyang jeep.

Sabado at Linggo lang nasa Villa sina Juliet at ang kanyang mga kapatid kapag walang pasok, at doon lang niya muling makikita ang mga ito pwera na lang kung dito rin siya sa bayan mananatili. But she had a different reason to leave right now, it was for her own sake.

May hindi tama sa nararamdaman niya para kay Caleb. She had this urge to cling to him. Touch him. Even claim him. Ilang araw pa lang silang magkakilala subalit ganoon na lang katindi ang pagnanais niyang makita ito't makasama. Crazy she knew but she could not help it. It was best to get away from him while she could hold herself. Ayaw niyang lalong mainis sa kanya ang binata.



THE place of the pageant was crowded. Hindi niya alam kung bakit pansinin siya ng mga tao kahit saan siya lumiko, umupo at pumunta. She was not even doing anything spectacular, she just wanted to watch the pageant quietly.

"Miss, hindi ka taga-rito ano? Halika, itu-tour kita." Hablot ng isang lalaki sa kanyang braso, amoy alak ito at tila wala na sa katinuan.

"N-no, thank you. I-I have to go." Binawi niya ang braso.

"Uy, spokening dollar o, bago ka nga rito. Halika, ipakikilala kita sa mga barkada ko." Muli sana nitong hahablutin ang kanyang braso ngunit may pumigil doon.

"Pasensiya na p're, kasama ko siya. Isa pa lasing ka na, mukhang nakakaabala ka sa mga nanonood dito. Umuwi ka na lang." Caleb grabbed her hand and pulled her towards his side.

"Aba't..." Pinakatitigan nito si Caleb. Nakipagparamdaman.

The drunk man was probably a few years older than him, but Caleb did not show any hint of backing away. Mas lalo pang tumiim ang mga mata ni Caleb nang muling lumingon sa kanya ang lalaki tsaka ngumisi.

"Pasensiya na, p're. Wala akong laban sa isang Guerrier. Sige, sa 'yo na siya." Nasa tinig ng lalaki ang sarkasmo sa tinuran.

"May ibig ka bang tukuyin, ha?" Naging agresibo ang kilos ni Caleb. Maging pananalita nito'y tumigas at may diin.

"Wala naman. Mayaman ka kasi e kaya pati magandang babae mas mapapansin ka. Sige, sa 'yo na si Miss Maganda." Nakangising lumayo ang lalaki.

Caleb seemed to mind what the man said. Kaya naman nang mabilis itong humakbang sa kabilang direksiyon palayo sa lalaki ay basta na lang siya nitong hinila nang walang lingon-likod.

"W-wait, you're hurting my wrist." Hinila niya ang kamay.

Doon lang tumigil si Caleb. Hinarap siya nito nang may kunot sa noo. "Hindi ka dapat nag-iisa sa ganitong lugar lalo pa at gabi. Kababae mong tao."

"J-Juliet said it is safe in here." Hinimas niya ang pulsuhan.

"Oo, sa mga tagarito pero hindi sa katulad mong bago. Lalo pa't..." Tinitigan nito ang kanyang kasuotan.

Napasunod din siya sa pagtitig nito sa kanyang damit.

"Probinsiya ito, kung gusto mong igalang ka ng mga lalaki rito ay dapat ayusin mo ang pananamit mo. Ganyan ka man manamit sa ibang bansa pero huwag mong gawin dito. Respect, do you even know what that means?"

Tumango siya. She knew he was criticizing her but all she could think about was the fact that he came back for her. He rescued her. He thought of her even just for a tiny bit and he was here with her, right now, as of this moment, just the two of them.

"Naiintindihan mo ba ako?" Ikiniling nito ang ulo upang suriin ang kanyang reaksiyon.

Nasa lote sila kung saan nakahimpil ang mga sasakyan, karamihan ay mga traysikel. Medyo madilim sa bahaging iyon ngunit sapat naman ang munting liwanag upang makita pa rin nila ang reaksiyon ng isa't isa.

Dama ni Erina ang kasiyang umaapaw sa dibdib. Hindi niya mapigilan ang mga ngiting ipinapakita ng mga labi. Sa una kasing pagkakataon ay nakadama siya ng importansiya, at mula pa sa lalaking palaging laman ng kanyang isipan. Kung maaari lang niya itong yakapin, ipadama rito ang kanyang kasiyahan, ipaalam na bukod kay Juliet at sa kanyang TiaKaterina, ikatlo ito sa mga taong nagpakita nang malasakit sa kanya.



"HOY, okey ka lang?" Napailing si Caleb, nailang sa ngiti ng kaharap.

Tumango ito habang nakatingin pa rin sa kanya. Kumurap ang mga mata, may kislap ng kasiyahan at munting mga luha na mabilis nitong pinahid.

"Y-yes, thank you."

Napatitig siya sa malalim na biloy ng dalaga. Lalo pa sa mga labing ilang ulit na nitong kinagat at binasa. Pinagsalikop nito ang mga kamay sa likuran, nilaro ang mga paa sa pamamagitan ng pagtingkayad at pabalik, paulit-ulit.

"I thought you already left. Where are the rest?" Iginala nito ang paningin upang hanapin ang kanyang mga kaibigan.

"Nauna na sila sa bahay. Si Rommel ang nagmaneho ng jeep."

"Hmm? E pa'no ka?"

"Okey lang ako. Tatawag na lang ako sa bahay kapag gusto ko ng umuwi."

"Ah, okay." Her smile hadn't faltered for a moment. Nahahawa na tuloy siya.

"Gusto mo pa bang manood? Halika, balik tayo." Bigla niyang yaya upang alisin ang nararamdamang pagkailang.

"Really? Manonood ka rin?" Hinarap siya nito. Muntikan na niya itong masagi kung hindi agad siya nakatigil sa paghakbang.

Tumango siya bago lumihis ng hakbang. Nakasunod agad ito sa kanya. Para itong bata na humuni at palundag-lundag habang naglalakad silang pabalik sa pageant. Huminto siya't hinablot niya ito sa braso. "Erina."

Lumingon ito.

"Relaks." Hindi niya napigilang ngumiti.

"But I am." Namilog ang mga mata nito. Umangat ang hintuturo nito't dumampi sa gilid ng kanyang labi. "You smiled." Then she tapped her finger there.

Kinuha niya ang kamay nito. She was soft. Her skin was silky. Her fist was perfectly sculpted in his palm. Naramdaman niya ang pagragasa ng dugo sa kanyang ulo. Nag-init ang kanyang bumbunan nang maalala ang pagdampi ng labi nito sa kanya kanina. Hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin noong una subalit ngayon ay malinaw na umukit sa kanyang isipan.

"You are so warm. Its nice." Magaan nitong tinig.

Binitiwan niya ito. Muli siyang humakbang habang nakasunod uli ito. Naging maingay ang paligid nang makapasok sila sa loob ng gymnasium kung saan nagaganap ang pageant show. Marami pa ring nanonood, halos punuan ang upuan. Wala siyang mahanap na pwedeng maupuan.

"Erina, sa itaas tayo, roon sa mga paalis." Turo niya sa bagong bakanteng upuan. Napansin niya ang ilang mararaanan nila na nakatingin sa kanila, lalo na sa kanyang kasama. Bago pa siya makapag-isip, hinawakan niya ang kamay nito tsaka hinila paakyat. Nang tingnan niya ito'y maluwang itong nakangiti.

Kumabog ang kanyang dibdib. Hindi pa rin niya masagot ang sariling katanungan kung ano ba ang ginagawa niya rito. Bakit ba niya pinagkaabalahan nang panahon ang babaeng ito. Kung bakit inindiyan niya ang sariling kaarawan at mga kaibigan at binalikan ito. Siguradong pagbalik niya ay masesermuan siya ng kanyang ina.

"Excuse p're." Tinapik niya ang lalaking halos sakupin na ang pantatlong espasyo ng upuan. "Pwedeng maupo?"

Tiningnan siya ng lalaking halos kasing-edad niya marahil bago umusog. Nagpasalamat siya bago iminuwestra kay Erina na maupo ito.

"How about you?" Tumingala ito sa kanya.

"Ayos lang ako, tatayo na lang ako sa likuran mo." Ngunit bago pa siya nakakilos ay nahila na siya nito paupo sa tabi nito.

"Let's sit together." Siniko pa ng balikat nito ang kanyang balikat. Wala na siyang nagawa kung hindi pagbigyan ito.



A/N:

Thank you for reading this. Please vote and/or react, it is much appreciated.

Love,

MicxRanjo

Continue Reading

You'll Also Like

446K 972 2
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
3.6M 99.4K 38
(COMPLETED) Montenegro Series #2 A drop of tear fell into the invitation I am reading. Umiiyak na pala ako. Ilang buwan at gabi na ba akong umiiyak...