SARANGHAE

By Azel-phr

23.5K 429 33

Completed na po ata ito? hehe More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 10

Part 9

1.6K 38 0
By Azel-phr


SA unang pagkakataon mula nang dumating sila sa probinsiya nila Chandler, ngayon lang sila nagkausap na nagtatawanan bago sila natulog. Magkatabi na rin silang natulog dahil magkaibigan na daw sila. At para hindi daw siya mailang, naglagay ito ng maraming unan sa gitna ng kama. Marami itong naikwento sa kanya tungkol sa kabataan nito. Natawa ngasiya kasi may mga binago ito sa mga naikwento ng Mama nito sa kanya. Ito daw ang naka-experience kaya dapat ito ang paniwalaan niya. Isa na roon ang pagiging dance champion daw nito noong highschool.

"Ikaw naman ang mag-kwento," sabi ni Chandler sa kanya. "Pagod na 'kong magkwento, ako lang naman ang salita ng salita."

"Nakakatuwa ka lang kasing pakinggan," nakatawa niyang sabi. "Hindi ko akalain na ganyan ka pala kadaldal. Masyadong malayo sa Chandler na nakilala ko sa bahay namin."

"Bakit? Mabait naman ako sa inyo a. Ikaw lang itong may galit sa akin."

"Isturbo ka kasi sa tulog. Ang ingay mo kasi," biglang pumasok sa isip niya ang dahilan ng pag-iingay nito. Napansin rin niya na natahimik ito. "Sorry."

"Ayos lang. Maingay naman talaga ako. Kapag kasi tahimik...s-si Diana..." hindi nito naipagpatuloy ang sinasabi nito.

"Ituloy mo lang," sabi niya. "Kung seryoso ka talaga sa akin at gusto mong may patunguhan tayo, dapat wala kang ilihim sa akin. Isa pa, kung sakali man magkatuluyan tayo, kasama rin naman ako sa magtiya-tiyaga sa ingay mo. Ang totoo, nabanggit na rin sa akin ng Mama mo si Diana."

Sandali itong natahimik.

"K-Kapag kasi tahimik- at mag-isa lang ako, naaalala ko ang nangyari," medyo pumiyok ang boses nito. "Kapag natutulog ako't tahimik, bigla na lang pumapasok sa isip ko ang nangyari kahit hindi ko gustohin. Isa siyang bangungot na hindi mawala sa sistema ko. Na para bang- minumulto ako dahil wala man lang akong nagawa para mailigtas siya. H-Hindi ako mapatawad ni Diana."

Napaupo siya sa kama at napatingin dito. Nakita niya ang mga luha sa mga mata nito. Hinawakan niya ang kamay nito.

"Hindi si Diana ang hindi makapagpatawad sa 'yo Chandler. Ikaw ang hindi makapagpatawad sa sarili mo."

Hindi ito nakapagsalita at nagpatuloy sa pag-iyak nito at biglang napaupo sa kama. Nagulat pa siya nang bigla siya nitong niyakap.

"P-pagod na pagod na 'ko Sapphire. Pinipilit kong lumimot pero ayaw akong tantanan ng masamang alaala ng nakaraan ko. Hinahabol ako araw-araw at ayaw akong lubayan."

Pakiramdam niya sa loob ng matagal na panahon, ngayon pa lang naipalabas ni Chandler ang nararamdam nito. Ramdam niya kasi ang bigat na dinadala nito. Niyakap niya rin ito.

"Gusto mo bang puntahan natin ang puntod ni Diana?"

"M-Mula ng mamatay siya, hindi ko nagawang puntahan ang puntod niya. H-Hindi ko kaya."

"Kailangan mong pilitin ang sarili mo. Habang buhay mo 'yang dadalhin kung hindi mo magagawang pakawalan ang masamang nakaraan mo. Kahit hindi mo siya puntahan, alam mong patay na siya Chandler at malamang, matagal ng hinihintay ni Diana na puntahan mo siya kaya palagi siyang nagpapaalala sa 'yo."

"K-Kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang mga paghihirap niya pero wala akong nagawa para iligtas siya. Ilang beses niyang tinawag ang pangalan ko. Sinubukan ko pero hindi ko pa rin siya nagawang matulungan, maprotektahan. Wala akong kwentang tao."

"Hindi totoo 'yan," napaiyak na rin siya. "Sigurado akong sinubukan mo."

"Pero naging mahina ako."

"Si superman nga may kahinaan, ikaw pa kaya na tao lang. Hindi mo man siya nailigtas, siguradong maligaya na siya na sinunukan mo. Hindi mo siya basta na lang pinabayaan at alam kong alam niya 'yon."

Hindi na muling nagsalita si Chandler pero nakayakap pa rin ito sa kanya. Ilang sandali rin silang ganoon ang posisyon. Basa na nga siya ng pawis at luha nito pero hindi na niya iyon pinansin. Mas mahalagang madamayan niya ito. At kahit ba ex nito at taong mahal na mahal nito ang iniiyakan ni Chandler, hindi siya nakaramdam ng selos. Awa ang naramdaman niya para dito.

Makalipas ng ilang sandali ay humiwalay na ito sa pagkakayakap sa kanya. Pulang-pula na rin ang mukha nito sa pag-iyak.

"Bukas, pupuntahan natin si Diana," sabi niya dito.

Tumango lang ito kaya malamang, malapit lang doon ang puntod ni Diana. Kung nasa siyudad kasi, medyo malayo na at birthday na rin ng Mama nito sa susunod na araw.

"Salamat," sabi nito.

"Gusto mo bang kumuha ako ng tubig?"

Umiling ito. "Just stay with me."

Tumango siya. "Matulog na tayo?"

Ito naman ang tumango. Umayos na sila ng higa at natulog silang magkahawak-kamay.At sa unang pagkakataon, hindi niya narinig na binangungot si Chandler at hindi rin ito nagpatugtog.

"SAAN kamo kayo pupunta?" tanong ulit ng Mama ni Chandler nang sabihin nila kinabukasan saan sila tutungo.

"Pupuntahan po namin ang puntod ni Diana," siya na ang nagsalita.

Nakita niyang nagpalipat-lipat ang tingin ng Mama ni Chandler at ng mga kamag-anak nito. Malamang alam ng mga ito na kahit kailan, hindi nito nagawang madalaw ang puntod ni Diana.

Tumayo ang Mama ni Chandler at niyakap ang anak. "Salamat naman at naghilom ng tuluyan ang sugat diyan sa puso mo anak."

Kahit yakap-yakap nito si Chandler, nakahawak pa rin sa kamay niya ang kamay ni Chandler. Naramdaman niyang humigpit ang hawak nito sa kamay niya.

"Huwag kayong magpapagabi," paalala nito sa kanila.

"Opo," magkasabay nilang sagot.

ISANG oras din ang tinakbo nila bago nila narating ang sementeryo kung saan nakalibing si Diana. Ilang sandali rin silang nagpalibot-libot dahil hindi pala talaga nito alam kung saan bahagi talaga naroon ang puntod nito.

At nang mahanap na nila, nang mabasa na ni Chandler ang pangalan ni Diana agad itong napaluhod at napaiyak.

"P-Patawarin mo 'ko Diana, matagal kitang hindi napuntahan."

Nakakapangilabot nang bigla na lang umihip ang malakas na hangin at pakiramdam niya may biglang bumulong sa taenga niya't binanggit ang pangalan ni Chandler. Kung hindi lang talaga mataas ang sikat ng araw, baka tumakbo na siya papalayo.

Matagal rin silang nanatili doon. Sa simula ay iyak pa ng iyak si Chandler pero nang nagtagal, tahimik na lang itong nakatingin sa puntod ni Diana.

"Hayaan mo sanang magmahal ako muli Diana," biglang sabi nito.

At kasabay ng mga salitang iyon ay ang pag-ihip na naman ng malakas na hangin. Pakiramdam niya, parang sinasagot ni Diana ang mga sinasabi ni Chandler. Ang hindi nga lang niya alam, kung pagpayag ba 'yon o hindi.

Tumayo na si Chandler at hinawakan ang kamay niya.

"Ayos ka na?" tanong niya.

Nakangiti itong tumango sa kanya. "Salamat sa 'yo. Matagal na rin mula ng maging ganito kagaan ang pakiramdam ko," niyakap siya nito.

"H-Huwag dito Chandler," sabi niya dito.

"Nahiya ka pa. Wala namang nakakakita."

"Baka kasi magselos si Diana."

Natawa ito. "Okay lang daw sa kanya."

"Weeh? Paano mo nalaman?"

Bigla na namang umihip ang malakas na hangin.

KAKAUWI pa lang nila, umalis rin sila agad para magpunta sa ospital. Naabutan kasi nilang sumisigaw ang Mama ni Chandler sa sobrang sakit. Bigla na lang daw itong nagkaganoon.

Nasa frontseat siya at nasa likuran naman ang Mama ni Chandler katabi ang anak nitong si Trixy at Daniel. Nag-iiyakan na ang mag ito habang yakap-yakap ang Mama nila na hinang-hina na.

"Ma, lumaban ka," sigaw ni Chandler.

SINABI ng doktor na malala na ang kondisyon ni Cecille at nagawa na ng mga ito ang lahat ng makakaya nila para mapahaba ang buhay nito.

Nang mga panahon na nagpupunta ito sa ospital kasama ang mga anak nito, nakiusap lang pala ito sa doktor na ilihim ang totoong kondisyon nito. Ayaw daw nitong malungkot sila lalo pa at nalalapit na ang kaarawan nito. Kapag daw kasi sinabi ng doktor na malala na ito, siguradong hindi na ito pauuwiin sa bahay. Ang gusto daw ni Cecille, maipagdiwang muna nito ang kaarawan nito sa bahay.

May kinuhang kwarto si Linda na katabi lang din ng kwarto ng kapatid nito. Lahat ay doon na muna nanatili maliban sa kanya at kay Chandler. Nasa loob kasi sila ngayon ng kwarto ng Mama nito.

Natakot siya nang makita niya kung ano ang itsura ng Mama ni Chandler kapag wala ng make up at wala na rin itong suot na wig. Napakaputla nito at kalbo na rin.

"Magpahinga ka na, ako na lang ang magbabantay dito," sabi ni Chandler sa kanya.

"Ayos lang ako Chandler. Dito lang rin ako. Sasamahan kita."

Hinawakan nito ang kamay niya. "Bakit ngayon pa nangyari 'to. Isang araw na lang, birthday na niya."

"Gigising rin siya Chandler."

"Paano kung hindi na?"

"Matapang ang Mama mo. Hindi ba, hihintayin pa niya hanggang sa ipanganak ang baby natin?"

Bahagyang napangiti si Chandler sa sinabi niya. "Kailan pa 'yon? Hindi pa nga natin nasisimulan."

"Kaya nga sinasabi ko sa 'yo na mahaba pa ang magiging buhay ng-," natigilan siya nang may marinig silang umungol. Ang Mama 'yon ni Chandler.

"MA!"

HABANG nasa labas sila, nagsisiiyakan na ang lahat. Para talaga kasing hindi na aabot bukas si Cecille. Iniisa-isa na nito ang mga kamag-anak nitong papasukin sa kwarto. Sa lahat, pinakahuli nitong kinausap ang mga anak nito mula sa bunso hanggang panganay.

At nang lumabas na si Chandler, tinawag nito ang pangalan niya. Gusto rin daw siyang kausapin ng Mama nito.

PAGPASOK pa lang niya sa kwarto, sunud-sunod na namang tumulo ang mga luha niya. Kung ito man ang maging huli nilang pag-uusap, gusto sana niyang maamin na dito ang pagsisinungaling nila ni Chandler.

Naupo siya sa upuan malapit sa higaan nito. Gumalaw ang kamay nito kaya kusa na niya iyong inabot.

"Alam ko ang iniisip mo," sabi nito. "Hindi mo kailangang ma-guilty."

"S-Sinabi na sa inyo ni Chandler?"

Tumango ito. "Pero bago niya pa man sinabi sa kin, alam ko na. Narinig ko kayong nag-uusap kahapon."

Lalo siyang napaiyak. "Sorry po."

"Hindi mo kailangan mag-sorry. Alam ko naman kasi na doon rin kayo papunta ng anak ko. Nakita ko ulit kahapon ang anak ko na isang taong ko rin hindi nakita," napaiyak na rin ito. "Ikaw rin ang unang taong napapayag siyang puntahan ang puntod ni Diana at napalaya siya sa bangungot ng nakaraan niya. Binigyan mo ng bagong kulay ang buhay ng anak ko. Hindi ko man maabutan ngayon, siguraduhin niyong makikita ko agad ang apo ko kahit nasa langit na 'ko."

Tumangu-tango lang siya.

"M-Mukhang hindi na rin kasi ako makakaabot man lang sa kaarawan ko."

"Aabot po kayo Ma. Kailangan niyo lang magpahinga."

"Masaya akong mamamatay dahil alam kong hindi pababayaan ni Chandler ang mga kapatid niya. Alam ko rin na nandiyan ka na para sa kanya. I-Ipagdadasal ko ang k-kaligayahan niyong lahat," bigla itong nahirapang huminga.

"Ma! CHANDLER!"

RAMDAM niya ang bigat ng nararamdaman ng mga kamag-anak ni Chandler sa pagkawala ni Cecille. Dapat kasi masaya nilang ipinagdiriwang ang kaarawan nito ngayon. Pero heto sila, nakaharap sa kabaong nito. Mahirap man tanggapin pero hindi na nga nito nagawang maipagdiwang pa ang kaarawan nito.

Kahit malayo ang lugar nila Chandler, marami pa rin ang nagsidatingan sa mga kaibigan ng pamilya. Maging ang iba pang mga kamag-anak nila na ngayon talaga ang dating, naroon na rin. Nagulat na lang nga ang mga ito sa naabutan. Hindi kasi nila alam na sa ganoong sitwasyon na nila madadatnan si Cecille. Biglaan rin kasi ang mga pangyayari kaya hindi na rin nasabihan ang iba sa mga ito sa nangyari.

Habang abala ang lahat, nasa isang tabi lang siya. Sa ngayon, hindi pa naman talaga kasi siya kasali sa pamilyang 'yon. Medyo naging awkward na rin para sa kanya na kausapin ang mga kamag-anak ni Chandler na una na niyang nakilala. Nalaman na kasi ang mga ito na nagpanggap lang sil ni Chandler at hindi siya totoong buntis.

"Sapphire."

Sa medyo may katagalan na rin oras na nandoon siya, may pumansin na rin sa kanya, si Chandler. Lumapit siya dito at sa mag-asawang may karga-kargang dalawang bata na mukhang kambal. Magkamukhang-magkamukha kasi ang mga ito.

"Sila nga pala si Dana at Brix. Si Sapphire, girlfriend ko" pagpapakilala nito sa kanila. "Sila naman ang mga pamangkin ko, si Brave at Bridge."

Nginitian niya ang mga ito. Pamilyar yata ang pangalang Danasa kanya.

" Anak si Dana ng kapatid ni Mama na si Tito Lito. Hindi mo pa siya nakikilala pero papunta na sila dito. Sila Dana lang ang nauna."

Tumangu-tango lang ulit siya.Naalala na rin niya kung saan niya narinig ang pangalan ni Dana. Ito nga pala ang pinsan ni Chandler na malapit dito dahil naging magkaklase din ang mga ito noong highschool. Kasing lala din daw niya itong magluto.

Sumunod naman nitong ipinakilala ang iba pa sa mga kamag-anak nito, mga kaibigan. Kahit ba nakilala niya nag mga ito sa araw na nakaburol ang Mama ni Chandler, hindi niya maitago ang tuwa sa bawat pagkakataon na ipinapakilala siya ni Chandler sa mga ito. Kahit ba hindi pa man sila at inamin na rin nito ang pagpapanggap nila, girlfriend pa rin ang pagpapakilala nito sa kanya.

LINGGO, araw ng libing. Mas dumami pa ang mga tao. Nagsidatingan na kasi ang iba pang kamag-anak at kaibigan ng pamilya. Maging ang mga kamag-anak nila Chandler sa side ng Papa nito, naroon din. Nagulat pa nga siya nang magtagalog lang rin ang mga ito. Bata pa pala kasi ang mga ito, sa pilipinas na nakatira. Kaya naman pala mukhang hindi marunong magsalita ng korean si Chandler at ang mga kapatid nito, hindi na rin pala nila iyon natutunan.

Dumating rin si Miguelito kasama ang Mama niya. Nagulat pa nga ito nang makita siya doon. Nang umalis kasi sila, wala naman silang binanggit na magkasama sila.

Panay ang pangungulit nito nang magkatabi sila. Sinabi na lang niya na sa bahay na lang niya sasabihin dito ang lahat.

"Dapat lang sabihin mo sa akin ang lahat-lahat. Ano 'yon, umaarte ka lang na kunwaring galit kay Chandler sa bahay tapos may lihim na pala kayong relasyon?"

"Sa bahay na nga lang tayo mag-usap Ma."

"Good morning po," lumapit sa kanila si Chandler.

"Magandang umaga naman sa 'yo Chandler. Mukhang marami kayong dapat ipaliwanag sa akin ng anak ko."

"Pasensiya na po. Pangako po pagsunod ko sa Manila, ipapaliwanag ko ang lahat."

Napatingin siya dito. "Pagsunod?"

"May kailangan pa kasi akong asikasuhin dito. Sumama ka na lang muna kina Miggy."

"Gusto mo bang samahan na muna kita dito? Hindi na muna ako uuwi."

Hinawakan nito ang kamay niya. "Kailangan mo ng umuwi. May trabaho ka na bukas."

Oo nga pala, nakalimutan na niya.

"Mag-text ka kapag nakauwi na kayo, tatawagan kita," hinalikan siya nito sa pisngi.

Medyo nanlaki pa ang mga mata niya dahil hindi naman siya sanay sa ganoon. Napangiti naman ito sa naging reaksyon niya.

"Masasanay ka rin," mahinang sabi nito sa kanya. "Miggy, ingat sa pag-drive," sabi nito sa boyfriend ng Mama niya.

"Akong bahala sa kanila pare."

Sabi naman nito susunod ito pero ang lungkot ng pakiramdam niya. Parang may bahagi ng pagkatao niyang maiiwan sa lugar na 'yon.

"Tama na ang mga titigang 'yan at baka hindi na kami makauwi nito," sabi ng Mama niya. "Magkikita pa naman kayo doon, doon na lang kayo maglambingan."

Kung hindi lang niya ito Mama, baka sinabunutan na niya ito. Kailan ba niya sinira ang moment nito sa boyfriend nito? Naninira kasi ito ng moment niya.

"Sige na, baka gabihin na kayo. Malayo pa ang biyahe," sabi nito habang hawak-hawak pa rin ang kamay niya.

"Bitawan mo na kasi pare para makaalis na kami," sabi pa ni Miguelito.

Malapit ito kay Chandler pero sa kanya, hindi. Tinitigan niya ito ng matalim.

"A,e, take your time pare," bawi nito.

INABOT rin ng ilang minuto bago sila tuluyang nakaalis. Nakapagpaalam pa rin siya sa mga kamag-anak nito at wala naman silang sinabing hindi maganda sa kanya.

NANG pauwi na sila, walang tigil sa pagpapalitan ng mga cheesy na mga salita ang Mama niya at ang Meguilito nito nang nasa kotse nila. Kung makaarte, parang ang dalawa lang ang naroon.

"Tigilan niyo nga 'yan, nakakahiya," inis niyang sabi.

"Huwag kang bitter anak. Darating din ang time mo," sabi pa ng Mama niya.

Continue Reading

You'll Also Like

110K 6.2K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
57.2K 949 12
"I will heal all the pain that you and your wife caused her. I will always make her feel special." Princess dislikes Wayne. Wayne is irritated with t...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.4M 6K 5
5 years passed, everything changed. She's back, and he changed for the better. She's now The Slayer, and he's now a CEO. Did she move on for real...