SARANGHAE

By Azel-phr

23.5K 429 33

Completed na po ata ito? hehe More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 8
Part 9
Part 10

Part 7

1.6K 35 0
By Azel-phr


NANG magising siya, wala na si Chandler sa tabi niya. Nang lumabas siya ng kwarto at nagtanong-tanong sa mga naroon kung nasaan ito, sinamahan daw pala nito si Cecille sa ospital kasama ang kapatid nitong si Trixy. Nag-alala pala talaga ang mga ito dahil sa pagkahilo nito kagabi.

Kahit bago pa lang siyang nakilala ng mga ito, para na rin siyang matagal na kakilala ng mga kamag-anak ni Chandler. Sa kagustuhan niyang huwag ng dumami pa ang kasalanan niya sa mga ito, pinili niyang lumayo na lang. Kaya nang niyaya siyang makisali sa pinag-uusapan ng mga ito, humindi siya at sinabing hindi maganda ang pakiramdam niya. Sinabi niya na mananatili na lang muna siya sa kwarto. Nakitaan pa nga niya ng pag-aalala ang mga mukha nito at sinabing tatawagan si Chandler. Sinabi niya na huwag na lang, na tulog lang ang kailangan niya.

GAMIT niya ang earphone niya dahil nakikinig siya sa mga kanta ng paborito niyang boyband na Exo nang tumawag si Rocky. Tamang-tama ang tawag nito dahil pakiramdam talaga niya, nag-iisa lang siya sa mundo.

"Akala ko hindi mo na sasagutin ang tawag ko. Mukhang enjoy na enjoy ka na kasing maging girlfriend ng ka-look a like ng idol mo."

"Wala ako sa mood para sa mga jokes mo."

"Matamlay yata ang boses mo. Inaaway ka ba diyan? Sabihin mo sa akin kung nasaan ka at nang masundo kita."

"Salamat sa concern pero ayos pa naman ako."

"Okay good. Hindi pa nahuhulog ang loob mo sa kanya?"'

"Ang pamilya niya ang problema ko Rocky."

"So inaapi ka nga?"

"Kabaliktaran Rocky. Ang bait kasi nila sa akin. Nakaka-guilty na magsinungaling. Lalo na sa Mama niya."

"Bakit ba kasi dinala ka niya diyan? Tama ba ang hinala ko? Ipangtatapat ka sa ex?"

"May sakit ang Mama niya at naghahanap ng apo."

"Ibig sabihin binuntis ka niya diyan?!"

"Sa salita lang naman. Kaya mas nakaka-guilty e. Nakita ko kasi ang reaksyon ng Mama niya. Tuwang-tuwa siya na magkakaapo na siya."

"E bakit ba kasi ikaw pa ang dinala diyan? Wala ba talaga siyang girlfriend? Kawawa naman ang Mama niya kapag nalaman na hindi ka totoong buntis."

"Isa pa nga 'yan sa iniisip ko e."

"Kung sa bagay, isang linggo lang rin naman ang usapan niyo. Kapag lumagpas na, problema na lang niya kung paano niya ipapaalam sa Mama niya ang totoo.Labas ka na doon.Pero Sapphire, wala ba talagang chance na maging totohanan ang pagkakaroon ng apo? Baka naman magka-develope-pan na kayo ni Chandler diyan tapos makagawa kayo ng totoong baby, o di mas masaya!"

"Imposible naman 'yang sinasabi mo e."

Natawa ito. "Nagbibiro lang naman ako. Pero siguro naman nagkakamabutihan na kayo ni Chandler diyan. Syimpre dapat niyo rin ipakita sa kamag-anak niya na masaya kayo."

"Masaya naman kami. Sa harap nga lang talaga ng mga kamag-anak niya. Pero kung kami lang, awkward. Lalo pa sa nangyari kahapon. Lalo lang tuloy naging awkward ang sitwasyon namin."

"Oh my! Bakit , ano ba ang nangyari kahapon? Nagkahalikan kayo? Naku baka mauwi na 'yan sa totohanan!" sigaw nito.

"Ang layo ng iniisip mo sa totoong nangyari Rocky. Nagalit kasi siya sa akin."

"Nagalit? Pinagbuhatan ka ba ng kamay? Naku baka bigla akong maging lalaki kapag nagkita kami ng Chandler na 'yan. Makakatikim siya sa akin ng left and right uppercut."

"Ang exage mo talaga. Napagsabihan lang naman ako ng medyo masasakit na salita. Ang totoo, ako rin naman kasi ang may kasalanan. Pinakialaman ko kasi ang cellphone niya tapos aksidente kong na-delete ang mga pictures."

"Mga pictures? Ng mga babae? Huwag mong sabihin na nagselos ka kaya binura mo?"

"Hindi noh! Nagulat lang ako, hindi ko naman talaga kasi sinadya. Plano ko lang kasing i-play ang mga rock songs sa phone niya. Binangungot kasi siya. Hindi ba nga nabanggit ko rin sa 'yo ang sinabi ni Mama. Na ang sabi ni Meguilito, binabangungot si Chandler kapag tahimik."

"Okay gets ko na 'yon ang gusto mo gawin pero paano ka naman umabot sa gallery ng phone niya?"

"Nang binangungot kasi siya, may nabanggit siyang pangalan. Nang makita ko ang screen ng phone niya, may nakita akong babae kaya naisip ko, baka 'yon si Diana."

"Ibig sabihin nagselos ka nga kaya binura mo ang mga pictures. Kasi nakita mo na siya lahat ang nasa photo gallery niya."

"Hindi ko nga sabi sinadya. Bigla kasi siyang gumalaw kaya nagulat ako. Hindi ko alam na may napindot na pala ang kamay ko kaya ayon, nawala lahat at nang malaman niya, galit na galit siya."

"Panigurado ex niya 'yon at hindi pa siya maka-move on. Mukhang wala kang panama sa ex a."

"Talagang wala. Mahal na mahal nga niya ang ex niya. Nakakaawa nga e, hindi na kasi sila pwedeng magkasama ulit."

"Hindi na pwede magkasama? Bakit, nasaan ba ang ex niya?"

"Naikwento ng Mama niya sa 'kin na namatay ang ex ni Chandler. Dapat nga daw magpapakasal na sila last year kung buhay pa sana si Diana."

"Last year pa namatay pero hindi pa rin siya maka-move on? Mahirap pala kalabanin iyanSapphire. Huwag mo na lang pangarapin na magkaasawa ng kamukha man lang ng idol mong si Chanyeol dahil mukhang imposible din."

"Ang ganda naman talaga niya, ang hirap makalimutan. Mukhang hindi rin naman ako type ni Chandler."

"Pero ikaw, type mo siya?"

"Hindi rin! Kamukha nga lang kasi siya ng idol ko. Kapag nakatingin naman kasi ako sa kanya, hindi naman sa kanya ako kinikilig. Pumapasok pa sa isip ko na si Chanyeol nga siya saka pa lang ako nakakaramdam ng kilig."

"Asus, dinadahilan mo lang 'yan. Pareho na rin'yon, umamin ka na lang. Type mo si Chandler noh? Kung makapagsalita ka kasi diyan kahit hindi ko makita ang mukha mo, halata namang malungkot ang boses mo. Para ka talagang present girlfriend na nagseselos sa ex ng boyfriend mo."

"Si Chandler ang type ko, hindi si Chanyeol," sagot niya dito.

Nakadapa siya sa kama pero bigla siyang napabangon at natanggal sa taenga niya ang earphone nang biglang sumigaw si Rocky sa nasabi niya.

"Ano ba!" sigaw niya dito. "Kung makasigaw ka naman parang dudugo na ang taenga ko sa lakas!"

"Sorry na. Kinilig lang kasi ako sa sinabi mo! Napaamin kasi kita!" halos pasigaw pa rin nitong sabi sa kanya.

Napakunot-noo siya. Anong napaamin? Ano bang sinabi niya dito? Matagal na naman nitong alam na crush niya si Chanyeol. Kaya kung ito man ang piliin niya na type niya, wala na rin namang nakakakilig pa doon. Madali lang talaga sigurong kiligin ang mga bakla lalo na ang kaibigan niya.

"Ang arte mo."

"Masama bang kiligin? O sige na, ibababa ko na 'tong phone para mas magka-oras ka na sa boyfie mo. Goodluck sa pang-aakit sa kanya," sabi pa nito sabay cancel ng tawag.

Natawa na lang siya. " Baliw," sabi niya kahit ba wala na rin naman sa kabilang linya ang kaibigan.

"SINO 'yon, manliligaw mo?"

Nanlaki ang mga mata niya nang biglang may magsalita sa likuran niya. Napalingon siya doon at nakita niya si Chandler na nakatayo sa may pintuan.

"K-Kanina ka pa diyan?"

"Hindi pa naman. Kakapasok ko lang. Bakit, may pinag-usapan ba kayo ng caller mo na hindi ko dapat narinig?"

"W-Wala naman. Ahm, nasa baba ba ang Mama mo? Pupuntahan ko na muna siya para makamusta. Sige, iiwan na muna kita dito," nagmamadali na siyang lumabas ng kwarto.

Mabuti na lang at wala itong narinig. Siguradong pagagalitan na naman siya nito kung nalaman nito na ipinaalam niya sa iba ang tungkol sa ex nito.

HINDI totoong wala siyang narinig. Ang totoo, mula simula hanggang sa huli, narinig niya ang pinag-usapan ni Sapphire at ng nagngangalang Rocky. Magagalit nga sana siya dahil ipinagkakalat nito sa iba ang nangyari pero naisipan niyang makinig na lang muna.

Siya lang naman pala ang inaalala nito kaya nagawa nitong pakialaman ang cellphone niya. Binangungot pala siya. Akala niya ginawa lang nitong pambawi sa kanya ang pagpapatugtog ng kanta niya dahil sa nagawa nitong kasalanan.

Ang totoo, naisip rin naman niya na dapat na rin sigurong mag-move on na siya. Isang taon na rin mula nang mawala sa kanya si Diana. Ilang beses na rin naman talaga niyang naisip 'yon pero hindi madaling gawin. Hindi niya kasi maialis sa isip niya na siya ang may kasalanan sa pagkamatay ni Diana. Buong buhay niya, si Diana lang din kasi ang babaeng minahal niya.

Pero para sa pangarap ng Mama niya, oras na rin siguro na ibaling niya sa iba ang atensiyon niya. Na maghanap na siya ng ibang babae na mamamahalin at makakasama niya sa panghabangbuhay. Hindi na rin naman masama kung kay Sapphire niya ibabaling ang atensiyon niya. Kung magkatuluyan nga sila, para na rin silang hindi nagsinungaling sa Mama niya at sakanyang mga kamag-anak.

Hindi man maganda ang unang pagkikita nila ni Sapphire, inaamin niya, na-attract siya sa ganda nito. Morena ito at matangkad. Mas maganda rin 'to sa paningin niya kapag nagsusungit kaya nga noong nasa bahay pa sila ni Sapphire, natutuwa siya kapag inaasar niya ito. Madali rin kasi itong mapikon at agad na namumula. Tingin rin naman niya mabait ito ayon na rin sa mga kwento ng Mama nito. Nakita rin niya na madali lang itong nakasundo ng mga kamag-anak niya, sila lang ang hindi.

NANG hapunan ng gabing iyon, ayaw sanang kumain ni Sapphire. Maliban kasi sa dahilan na si Chandler daw ang nagluto ng lahat ng pagkain habang nag-e-emote siya na masama ang pakiramdam niya, todo rin ang pag-asikaso nito sa kanya sa hapag kainan. Ito ang naglagay ng kanin sa pinggan niya maging mga ulam. Ito rin ang naglagay ng tubig sa baso niya at ipinaghiwa pa siya nito ng mansanas. Kilig na kilig pa nga ang mga kamag-anak ni Chandler sa kanila. Nakakainggit daw sila at nakakakilig tingnan. Pero sa parte niya, kabado ang dibdib niya. Hindi niya kasi maiwasang maitanong kung bakit bigla itong naging ganoon kabait sa kanya. Na baka may inilagay pala itong lason sa pagkain niya dahil siyempre, kapag namatay siya hindi na nito kakailanganin pa na aminin sa pamilya nito ang panloloko nila. Sigurado siya na kung sasabihin niya 'yon kay Rocky pagtatawanan lang siya nito pero nakakapagduda talaga kasi ang ipinapakita nitong pag-aalaga sa kanya. O baka naman gusto lang nitong mas lalong papaniwalain pa ang mga kapamilya nito na totoo silang magkasintahan. May nakapansin na kaya na peke ang relasyon nila maliban pa kay Trixy? Nakakapagduda talaga kasi ang kilos nito.

Pero nang simulan na niya ang pagkain, nakalimot na siya sa mga bumabagabag sa isipan niya. Napakasarap naman talaga kasi ng luto nito at napadami pa nga ang kain niya. At mukhang wala naman talagang inilagay na lason si Chandler sa pagkain niya dahil buhay pa naman niyang naubos iyon.

AYAW sana niyang makialam na lang nang makita niyang may gamit-gamit si Chandler na earphone nang patulog na sila. Pero dahil sa hindi rin naman malala ang kasamaan ng ugali niya, ayaw rin naman niya itong matulog na may gamit na earphone. Makakasama para dito ang nakasuot ng ganoon habang natutulog lalo na sa klase ng mga kantang pinapakinggan nito. Kaya naman kahit ayaw niya itong lapitan, ginawa niya. Kinalabit niya ito at mabilis naman itong napabangon dahil bago pa lang naman kasi itong pumikit.

Tinanggal nito ang suot nitong earphone. "May problema ba?"

"Nakakasira ng eardrum ang mga kanta mo. Baka bingi ka na bukas kapag natulog kang suot 'yan," turo niya sa earphone.

"Baka kasi hindi ka makatulog kapag nagpatugtog ako."

Hindi kaya ito ang talagang nalason at mamamatay na kaya nagpapakabait na? Sa mga pagkakataon nanagtiis siyasa makabasag eardrums nitong kanta, ngayon pa ito nagpakita ng concern sa kanya.

"Hindi mo na kailangang magpanggap na concern ka talaga sa akin, tayo na lang dalawa ang nandito. Walang makakapuna kahit pagsungitan mo pa 'ko," sabi niya dito.

Baka rin kasi masyado langitong nadala sa pagpapanggap nila at nadala pati sa kwarto kahit sila na lang dalawa ang naroon.

"Bakit, masama na bang maging concern ako sa 'yo kahit tayo lang dalawa?"

Bigla niyang nakapa ang noo nito. Hindi naman ito nilalagnat. Pinisil-pisil rin niya ang mukha nito.

"Masakit ba?" tanong niya dito.

"Oo naman. Aray!" sigaw nito nang manggigil siya sa mukha nito. "Ano ba kasing ginagawa mo sa mukha ko? Gumaganti ka na ba sa lagay na 'yan?"

"Wala ka naman kasing sakit. Mukhang hindi rin naman ako nananaginip. Mukhang hindi ka rin binabangungot. Nakakapagtaka lang talaga na bumait ka."

"Bakit, masama na ba talaga akong tao sa paningin mo?"

Napaisip siya. "Kung sa harap ng pamilya mo, pwede na. Pero kung tayo lang, medyo."

"Kung ganoon, hayaan mo 'kong ipakilala sa 'yo ang totoong ako. Gumising ka ng maaga bukas. Goodnight," nahiga na ulit ito sa inilatag nitong bedsheet sa sahig.

Gigising siya ng maaga? Mukhang hindi na nga siguro siya gigising dahil hindi na yata siya makakatulog dahil sa sinabi nito.

NANG makabalik na siya sa kama, kahit anong gawa niyang pagbago ng posisyon niya ng higa, ayaw pa rin siyang dalawin ng antok. Hanggang nga sa marinig na naman niya si Chandler na umuungol. Paniguradong binabangungot na naman ito. Hindi na kasi nito ginamit ulit ang earphone at hindi na rin nagpatugtog.

Sa pangalawang pagkakataon, lumapit na naman siya dito.Mabilis niyang nahawakan ang cellphone nito. Siya na lang sana mismo ang hahanap sa kantang palagi nitong pinapatugtog pero may lock na ang phone nito. Naibalik niya ulit sa dating pwesto ang cellphone. Sa nakita niya, nasaktan siya sa ginawa nito. Nasa isip na siguro ni Chandler na pakikialaman na naman niya ang cellphonekaya nanigurado na ito ngayon. Pero sino ba siya para masaktan? Kahit ba para sana dito ang gagawin niyang pangingialam, pinakialaman pa rin niya. Ganoon pa man,sa halip na gisingin si Chandler,kinuha na lang niya ulit ang cellphone nito. Kahit naman kasi may lock ang screen ng phone nito, kapag ginamit niya ang button sa earphone para mag-play ang kanta at tinanggal niya ang pagkakonekta nito sa cellphone, makikita na niya ang musicplayer sa screen.

Matagumpay niyang napatugtog ang kanta at mahimbing na rin na nakatulog si Chandler ng dahil sa mga kantang 'yon. Habang siya, mukhang uumagahin ng gising.

GISING na gising siya nang magising si Chandler. Para hindi nito mahalata, nagtalukbong na lang siya ng kumot. Pinakinggan lang niya ang mga kilos nito. Kapag nakarinig siya ng pintong bumukas, malamang nakalabas na ito.

At nang marinig nga niya ang pinto na bumukas at sumara, sigurado siyang nakalabas na ito. Kaya naman tinanggal na rin niya ang pagkakatalukbong ng kumot sa ulo niya. Muntik pa siyang mapasigaw nang makita itong nakatayo sa may pinto.

"Tapos ka na bang magtulog-tulugan? Tumayo ka na diyan at marami pa tayong gagawin. Hihintayin kita sa ibaba. Bilisan mo," sabi nito bago lumabas ng kwarto.

Napasimangot siya. Umarte lang pala ito na nakalabas na. Bumangon na lang din siya at naligo na muna bago bumaba. Sa tingin naman niya hindi sila aalis kaya nag-shorts lang siya.

NANG pababa na siya, akala niya na-sexy-han ito sa kanya kaya nanlaki ang mga mata nito nang makita siya. Pero nang sinabi nito na bilisan niya at bumalik na muna sa kwarto habang hila-hila siya nito papunta doon, mukhang iba yata ang dahilan.

"Bakit ganyan ang suot mo?" sabi nito nang makapasok sila sa kwarto.

"Bakit may pupuntahan ba tayo? Mukhang wala naman a, nakapangbahay ka lang rin naman."

"Napakahapit ng suot mo na damit sa katawan mo. Hindi pwede 'yan."

"E sa ganito naman talaga ako magdamit."

"Sa inyo pwede 'yan o sa iba pang pagkakataon pero dito, hindi. Nakalimutan mo na bang buntis ka? Masyadong maliit ang tiyan mo, baka mahalata nila. Magsuot ka ng maluwang na shirt. May damit ako dito na pwede mo gamitin," sabi nito sabay paghalungkay sa closet nito.

Nang nakatalikod sa kanya si Chandler, palihim siyang napangiti.

"Akala ko ba malaki ang tiyan ko? Kaya kapani-paniwala na rin na buntis ako?"

"Sinabi ko lang 'yon para inisin ka. Ang totoo, ang sexy mo. Pwede na maipambato sa Ms. Universe kaso, baka hindi ka rin manalo," humarap ito sa kanya at ibinigay ang t-shirt nitong ipapagamit sa kanya.

Sinimangutan niya ito. "At bakit naman hindi? Hindi mo pa lang alam pero may brains din kaya ako."

"Oo nga pero hindi ka pa rin mananalo. Hindi naman kasi kita pasasalihin."

"Bakit, wala kang bilib sa akin? Magaling rin kaya akong mag-pose."

"But you're mine. What's mine is mine. I'm a bit possessive Sapphire."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Gano'n?"

"Oo, gano'n. Ako lang dapat ang makakakita ng sexy mong katawan."

"Paano kapag naligo ako sa pool? Anong gusto mong isuot ko? Long sleeves at pajama?" natawa siya. "Saka kung gustohin ko man na sumali sa Ms. Universe, hindi mo rin ako mapipigilan dahil hindi naman talaga ako sa 'yo."

"Sinong nagsabi?"

"Bakit, kailan ba 'ko naging sa 'yo?"

Bigla nitong hinawakan ang kamay niya. "Ngayon lang," sagot nito.

Nahila niya ang kamay niya at napaatras siya. Natawa naman ito sa naging reaksyon niya.

"Halatang hindi ka pa nagkaka-boyfriend. Hinawakan lang kita sa kamay nagmukha ka ng hinog na kamatis."

Tinakpan niya ng mga palad niya ang mukha niya. Ang init rin ng pakiramdam niya sa mga pisngi niya.

Natawa na naman ito. "Don't worry, I'm gonna make sure to be your best first boyfriend and gonna be the last," nakangiti ito. Go change your clothes, I'll be in the kitchen," sabi nito.

At kahit nakalabas na si Chandler, hindi pa rin siya maka-recover sa sinabi nito. Ito magiging best first boyfriend niya at magiging huli? Nakainom ba ito ng maraming suka at nalasing? O baka naman binabangungot lang siya ng gising? Paano naman kasi mangyayari 'yon, nagpapanggap lang naman sila.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
57.2K 949 12
"I will heal all the pain that you and your wife caused her. I will always make her feel special." Princess dislikes Wayne. Wayne is irritated with t...
15.9K 273 10
"Not that I'm afraid to fall in love. Ayoko lang talagang main-love kung hindi lang din ikaw ang pag-aalayan ko ng puso ko." Dennis loves Kath. Mula...
60.2K 1.3K 12
This is the story of Kim , David's ex girlfriend from the book " Ang Pag-ibig ni Lolita." -- "...I can't imagine what my life would be without you in...